Followers

Saturday, October 31, 2009

Ang iPhone 6

***********10:30pm Friday********** 



Mabilis na nakapuntang Manila Doctors Hospital si Alex at habang On-The-Way siya kanina ay tumaas ang level ng kaniyang pagkaBadTrip dahil sa pang-iIndian ni 'Nakapulot' sa kaniya sa kanilang date sana ngayong gabi sa Star City. Halos buong week na nagpasensiya si Alex sa di masyadong pagpaparamdam sa kaniya ni 'Nakapulot' at buong week din siyang excited na makita at makasama ito. Alam niyang Childish itong si Andrew pero nagbakasakali pa rin itong si Alex na gawing isang perfect partner si 'Nakapulot' para sa kaniya.

"I'm tired of you!" Ang nasambit nalang nitong si Alex nang bumaba siya sa kaniyang kotse. Tila ba nawawalan na siya ng gana na ituloy pa niya ang kanilang relationship na dalawa. Hindi rin makapaniwala itong si Alex na nagawa niyang maging aggresive sa Ex niyang si Dexter at siya pa mismo ang nagyayang makipagBreak Up Sex para lang makaganti sa ginawang pang-iiwan ni Andrew sa kaniya sa ere.

Gusto ni Alex na tuktukan ang kaniyang sarili kani-kanina lamang nang napag-isip-isip niyang mali ang mabilisang desisyon niya kanina towards sa issue niya kay 'Nakapulot'. Alam niyang may mali din siya dahil 100% siyang umasa sa sinabing date ni Andrew. Ito rin ang isa sa mga weakness nitong si Alex. Mahilig siyang umasa sa mga binibitawang salita ng kaniyang mga Ex sa kaniya kaya naman ang laging Ending ay umiiyak siya. Hindi alam ni Alex kung anong klaseng way ang pwede niyang gamiting paraan para sa relationship nila ni Andrew.

Halos maiyak na sa inis at galit itong si Alex dahil sa ginawa sa kaniya ni Andrew. Thankful din naman siya at hindi natuloy ang pakikipagSex niya kay Dexter dahil sa Emergency na itinawag sa kaniya pero hindi niya mapigilang mabanas din sa pasyenteng kasalukuyan nagpaConfine at titignan niya ngayon.

Halos magdikit na ang dalawang kilay nitong si Alex habang pinapakinggan niya mula sa ER attendant ang mga kinain ng Pasyenteng naimpatso at nagPapanick. Lapids Chicharon, Onion Rings, French Fries, Hot Fudge Sundae sa McDo, Kwek-kwek, Isaw and Pinya. Ito ang mga sinabi sa kaniya ng ER Attendant na kinain ng pasyente. Lalo pang nainis itong si Alex nang sinabi sa kaniya na kinaing lahat iyon ng pasyente noong Thursday Evening at nagkaroon ito ng Tummy Ache madaling araw ng Friday. 

"Kung hindi ba naman Bopols." Ang masungit na sinabi nalang ni Alex sa kaharap niyang Attendant at mga Nurses sa ER. Hindi na rin niya binasa ang Record ng Patient dahil tiwala siya sa mga tao sa ER at base on the list ng mga kinain ng pasyente ay talaga namang hindi ito matutunawan lalong-lalo na at sa gabi niya ito kinain.

Hindi na napigilan nitong si Alex na masermonan at masungitan ang mga staff sa ER nang sinabi dni nila na hindi nila mapilit na magpaDextrose ang pasyente at napakakulit naman talaga nito at takot sa karayom. SOP kasi talaga na gawin ito sa mga nakoConfine. In the case of the patient naman ay nagpumilit talaga itong magpaConfine.

Pagkatapos na pagalitan ni Alex ang mga staff ay siya naman ang nagtanong sa mga ito upang tiyaking walang chances na magka-Appendicitis ang patient. Very Professional itong si Alex pagdating sa sinumang Patient kaya lang kung minsan ay nadadamay ang lahat including the Staff pag may Personal Issue itong si Alex. Maayos pag GoodMood itong si Alex at talaga namang iniiwasan siya ng mga Staff kapag nasa BadMood ito na kalimitan namang dahilan ay ang mga hindi magagandang nangyayari sa Relationship niya.

Mabilis na pinuntahan ni Alex ang room ng pasyente upang matignan na ito at makauwi na siya at nang dumaan siya sa Nurse's Station sa nasabing Floor ng Hospital ay kaagad niyang nabungaran ang masayang usapan ng mga nurses at mga nag-oOJT.

"Ang gwapo niya! Hiningi pa nga ang number ko!"

"Buti nalang at nagpaConfine siya at napunta dito sa Floor natin!"

"Ewan ko ba at baka nag-iinarte lang yun! Pero In-Fairness talaga namang Handsome!"

"Makulit lang talaga pero I like it! Bagay naman sa kaniya diba!"

Nagtawanan ang mga staff na nasa Station at pinatapos lang sila ni Alex bago siya nagpakita upang sermunan niya ang mga ito.

"Natutuwa pa kayo't naConfine ang tao! Hindi ba dapat nga Concern kayo sa situation ng pasyente." Ang mabilis at mariing sinabi ni Alex sa mga iyon na ikinagulat at ikinayuko ng mga ulo ng mga Nurses. Ang pinaka-Ayaw din ni Alex sa lahat ay ang mga babaeng Nurses na Flirt sa pasyente dahil insecure siya sa mga ito kapag malakas ang Appeal at may hitsura ang Patient. Hindi siya makapagFlirt dahil isa nga siyang napakalaking Paminta.

"Ano na ang lagay ng Patient?" Ito ang sinabi ni Alex matapos siyang magsermon.

"Doc Alex, NagSubside na po ang pain kaya lang medyo matigas pa po ang tiyan ng patient. Medyo nahirapan nga po kami dahil may abs siya." Ang sambit ng isang Nurse at bigla itong namula nang maRealize niya ang huling part ng kaniyang sinabi.

"Umayos ka." Ang sinagot nalang ni Alex na medyo maaliwalas na ang pagmumukha. Medyo nadadala na siya sa mga Nurses. Nginitian niya ang mga ito at naRealize din niyang medyo Out Of Line ang kaniyang pagsusungit. Huminga ng malalim itong si Alex upang iLevel down ang kaniyang pagkabadtrip at hindi magiging maganda ang pakikiharap niya sa pasyente.

"Doc nandoon na po si Ate Jai at si Nhinzy. Oras na po kasing kuhanan ang Patient ng Vitals kasi." Ang dagdag na Information ng isa pang Nurse.

"Sige Thank You." Ang paalam ni Alex sa kanila upang tunguhin na ang Room ng pasyente. Iniwan niyang taimik ang mga Nurses na tila ba nanliliit pa rin dahil sa kaniyang sermon kaya naman makailang hakbang pa lamang niya'y huminto siya agad at humarap ulit sa mga iyon.

"Hindi nyo ba ako sasamahan?" Ang nakangiting sinabi sa kanila ni Alex. Hindi niya talagang ginagawa ito sa mga Staff pero sa pagkakataong iyon ay gusto niyang makabawi sa mga ito dahil nasungitan niya sila dahil sa kaniyang Personal Issues. Nagngitian naman ang talong mga Nurses at mabilis na sumunod kay Alex. Kahit naman si Alex din ay Affected sa same Reaction ng mga Nurses at nakaramdam siya ng kakaunting excitement na makita ang sinasabi ng mga itong gwapo't makulit na Pasyente.

"Makikita ko na naman ang Tattoo niya!" Hindi na mapigilan ng isang Nurse ang masambit ito na siya namang ikinasingkit ng mata nitong si Alex dahil pumasok na naman sa kaniyang isipan itong si 'Nakapulot' dahil nakita niyang bahagya ang Tattoo nito nang nagmeet sila sa Rob Mla for the second time.

"Mauna na kayo." Ang biglang sinabi ni Alex sa mga Nurses nang nagRing ang Phone niya. Gamit pa din niya ang luma niyang Phone at nakalimutan na niya ang iPhone niya at nasa sa loob pa rin ng Drawer.

"Lex! I'll wait for you here sa dati kong Condo." Ang sinabi agad nitong tusong si Dexter nang nagHello si Alex.

"Please lang. Puntahan mo ako dito at nalulungkot talaga ako." Sunod na dagdag nito. "I need some one to talk with." Ang may pagmamakaawang boses nitong si Dex. Desidido na talaga siyang sulutin itong si Alex. Para bang nasaktan ang Ego niya nang makitang masaya itong Ex niya dahil ang pagkakakilala niya dito ay isang vulnerable na tao dahil noon ay hinayaan lang siya ni Alex na magloko at pakiramdaman niya'y hindi nito kakayanin kung mawala siya sa buhay nito.

"I'll try Dex." Ang impatient sagot lang ni Alex kay Dexter at pagkatapos ay nagEnd Call na siya't inilagay ulit ang Phone niya sa bulsa. 

Labis ang pagtataka nitong si Dexter sa isinagot sa kaniya ni Alex dahil dati rati'y kaagad-agad na sumusunod itong si Alex pagnag-aawa-awaan siya. Lalong naChallenge itong si Dexter na talagang makuha niyang muli itong si Alex. Ang hindi niya alam ay unti-unti na itong nagbabagao at natututo dahil sa influence sa kaniya ni 'Nakapulot'. Nagdecide si Dexter na magPM kay Michael at tanungin ito kung kakilala niya ang nakita niyang kaRelationship ni Alex sa FB na si 'Ako Si Doraemon'. Si Michael lang ang tanging taong naisip ni Dexter dahil bestfriend niya si Alex at alam niyang nagkukwento itong si Alex kay Michael lalo na pagdating sa mga relationship nito.

Bago pa man makapasok itong si Alex sa room ng Patient ay narinig na niya ang mga boses ng mga Nurses na inaalo-alo ang pasyente. Hindi muna siya pumasok at nagpakita para marinig niya ang mga ito.

"Masakit pa ba?"

"Ayos ka lang ba? Teka i-Pluff natin yang pillow mo para comfy ka."

"Hindi ka na ba nahihirapan?"

"Anong gusto mo?"

Ikinataas bigla ng kilay nitong Pamintang si Alex ang ginagawa ng mga Nurses sa pasyente. "Para silang may inaalagaang Spoiled Brat!" Ang inis na sinabi nitong si Alex sa sarili. 

"Okay lang ako. Thank you. Wala pa bang doktor na titingin sa akin?" Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng pasyente sa mga Nurses na kaniyang ikinagulat at ikina-inis bigla. Halatang-halata niyang nakikipagFlirt ang pasyente sa mga Nurses at kilalang-kilala niya kung kanino ang boses na iyon. Hindi siya pupuwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya kung sino ang makulit nilang pasyente. 

Ang mataas na level ng pagkaBadTrip nitong si Alex ay mabilis na nawala kasabay ng pagGuit ng isang pilyong ngisi sa kaniyang mga labi. "Humanda kang pasaway ka!" Ang sambit ni Alex sa sarili at tuluyan na siyang pumasok sa room.

"Heto na pala si Doc!" Ang masayang sambit ng isang Nurse sa pasyente para hindi na ito mag-alala pa sa kakahintay sa sinumang Doctor na titingin sa kaniya. Namutlang bigla ang pasyente nang makita nito kung sino ang kaniyang Doktor.

"Nandito ka pala." Ang nakangising sinabi ni Alex sa pasyente.

"Kilala ninyo siya Doc?" Ang biglang naitanong ng OJT Nurse kay Alex.

"Yup! At malaki ang atraso nyan sa akin." Ang nakangising sagot ni Alex na nakatitig pa din sa pasyente.

"A-A-Alex ikaw pala!" Ang nauutal na sambit ng pasyente. Napakamot ito ng ulo na siya namang lalo pang ikinatuwa nitong si Alex. Lalong ngumiti itong si Alex nang makita niyang suot ng pasyente ang 'SpongeBob and Patrick' na Tshirt.

"Bakit hindi pa ito nakaPatient's Gown?" Ang may authority na sinabi ni Alex sa mga nakapalibot na mga Nurses.

"Ayaw po kasi ni Sir Andrew na isuot iyon Doc." Ang paliwanag ng isa. Tinignan ng diretso ni Alex si Andrew sa mga mata na kaagad naman iniiwas nito. Kitang-kita kay 'Nakapulot' na nahihiya ito dahil naging isang malaki siyang pasaway sa mga Staff ng Hospital simula sa ER hanggang sa mga Nurses sa Floor ng kaniyang kuwarto.

Hirap na hirap na pigilan ni Alex ang kaniyang mga ngiti nang makita din niyang kasama ni Andrew ang tabachoy niyang pamangkin na kasalukuyang natutulog sa isang higaan/upuan na para talaga sa mga companion ng mga Patient. Sa tabi nito ay may isang supot ng Mercury Drugstore na halatang puro Chichirya at Softdrinks In Can ang laman.

"Ayaw mo ding magpalagay ng Dextrose." Ang sunod na sambit ni Alex kay Andrew. Para siyang nagsesermon sa isang bata na matigas ang kukote.

"Ano pa bang hinihintay ninyo?!" Ang biglaang sabi ni Alex sa mga Nurses at agad namang nagsipaglabasan ang mga iyon upang kuhanan si Andrew ng Gown at ng Dextrose. Naiwan lang ang Head Nurse, Isang Regular Staff at ang isang nag-oOJT.

Alam ni Alex na hindi masama ang sitwasyon nitong si Andrew pero sasamantalahin niyang turuan ito ng lesson. Ang ikinaka-inis lang naman nitong si Alex sa ngayon ay alam naman nitong si 'Nakapulot' na isa siyang Doctor at hindi man lamang siya naisip nito o sinubukang maContact.

"No Need na po Doc. Okay na po ako." Ang walang ideyang sinabi nitong si Andrew kay Alex. Nahihiya siyang magSuot ng Gown at takot talaga siya sa Karayom.

"Hindi ka ba nag-aalala at baka naAppendicitis ka?" Ang tanong ni Alex dito. Tahimik nalang ang mga Nurses na pabalik-balik ang mga tingin nila kina Alex at Andrew.

"Nag-aalala lang naman ako Doc. Masama ba. Sabi naman sa akin sa ER eh di lang naman ako natunawan." Sambit ni Andrew na halatang-halata na Guilty sa ginawa niyang pagbibigay ng sakit sa mga ulo ng mga Staff ng Hospital.

"Ganoon ba?" Sambit naman ni Alex. "Double Check natin." Dagdag pa nito nang nilapitan niya itong si Andrew upang magperform siya ng Abdominal Exam. Gustuhin man nitong si Alex na itaas ang Tshirt ni Andrew para makita ng lubusan ang Tattoo nito sa side ng Abs ay hindi na niya ginawa at baka mabuko siya ng mga Nurses na ngayon ay kumpleto na't dala-dala nito ang Gown at Dextrose.

Tahimik lang si Andrew na nakahiga lang na parang bata habang marahang dinidiinan ni Alex ang kaniyang sikmura sa iba't-ibang parte. Napahangga itong si Alex nang maramdaman niya ang Firm at slight muscled Abs ni 'Nakapulot'. Batid din naman ni Alex ang sinabi ng ER Attendant na walang Syptoms ng Appendicitis itong si 'Nakapulot' kaya naman medyo tinagala niya ang kaniyang ginagawa.

"Wala namang Problema." Sambit ni Alex. Tinignan niya ang mga Nurses.

"PaUltrasound ninyo para makasiguro tayo at baka hindi Appendicitis ito." Utos ni Alex sa kanila. Kaagad-agad namang lumapit kay Andrew ang dalawang Nurse na may hawak ng Gown at Dextrose na kaagad namang ikinaPanick nitong si 'Nakapulo'.

"Doc nahihiya ako!" Ang naibulalas nalang ni Andrew kay Alex. Wala na siyang maisip na palusot at hindi na uubra ang pagtanggi niya dahil andito na si Alex. Tumaas ang dalawang kilay ni Alex at nagwikang "Nahihiya ka?". Tumungo nalang itong makulit na si Andrew na nagsisimula ng magBlush na siyang ikinatawa naman ng mag Nurses.

"Basta huwag ka ng pasaway." Sambit ni Alex kay Andrew. "Promise Doc." Ang mabilis na sagot ni 'Nakapulot'.

"Pakibaba nyo na siya para maUltrasound na at maka-uwi na ito." Ang mahinahong utos ni Alex sa mga Nurses. Hindi na niya mapigilan mapangiti nang makita niyang tila ba nadismaya ang mga pagmumukha ng mga Nurses dahil hindi na nila mapapalitan ng Gown itong si Andrew.

"Huwag kang pasaway doon at baka paahitan kita." Ang huling warning ni Alex para kay Andrew nang masara ang Elevator. Namulang bigla ang mukha ni Alex dahil naghagikhikan ang mga kasama niyang magagandang Nurses sa loob ng Elevator. 

Hihintayin nalang niya ang Result ng UltraSound at buti nalang ay disOras na ng gabi kaya naman niya naipaRush ang procedures at resulta sa MedTech. Pupuwede namang si Alex ang magUltraSound kay 'Nakapulot' ngunit kailangan niya ng sandaling oras ng katahimikan upang makapag-isip-isip tungkol sa kanila ni Andrew.

Hindi niya alam talaga kung ano ang standing ng relatonship nilang dalawa pero kahit ano pang inis niya kay 'Nakapulot' sa nagdaang week ay bigla itong nawala nang makita lang niya ito.Unexpected ang lahat-lahat sa kaniya ngayong gabi at tinanong niya ang kaniyang sarili kung talaga bang Destiny ang pagkakaHospital ni Andrew upang masiyasat niya ang kaniyang sarili. Masaya siya pagnakakasama niya itong si Andrew kahit kanina sa Room ay overwhelmed siya sa kakulitan nito kahit buong week siya nitong pinaputi ang kaniyang mga mata sa kakahintay na magparamdam ito.

NaGuilty din siya sa ginawa niyang pagyaya kay Dexter na makipagBreakUp Sex ito sa kaniya. Hindi isang excuse para sa kaniya ang ginawa kahit pa man din na talagang iniwan siya sa ere nitong si Andrew sa kanilang date. Kung natuloy man ang pagseSex nila ng kaniyang Ex at nalaman niyang nasugod pala sa Hospital itong si Andrew kaya hindi nakapunta sa kanilang Date ay talaga namang pagsisisihan niya iyo ng lubusan. 

"Thank God!" Ang nasabi na lamang ni Alex sa sarili dahil tila nakaiwas siya sa isang napakalaking pagkakamali dahil sa pabigla-biglang desisyon niya. Ngayon ay alam na ni Alex ang gagawin niya. Patuloy siyang hahawak ng mahigpit sa 'SomeWhat Kind Of A Relationship' nila nitong si Andrew.

Lubusang naging masaya si Alex that time kahit medyo parang Abnormal sa kakulitan itong si Andrew. Nagdecide si Alex na sundan si 'Nakapulot' sa UltraSound Room nang tumunog ulit ang kaniyang Phone. Si Dexter ulit. Kaagad naman niyang niReject ang Call at bago pa niya maiSilent ito ay agad-agad namang tumunog ang Message Alert Tone nito.

"Wala na ba talaga tayong pag-asa. OK lang naman to me basta magkaroon lang tayo ng closure. I'll wait for you." Ang Text Message ni Dexter sa kaniya. Unconsciously na nagReply itong si Alex kay Dexter.

"Fuck You and Grow Up." Ang mabilis na naiSend ni Alex na Reply kay Dexter at agad na niyang naiSilent Mode ang Phone niya't bumaba na din para puntahan si Andrew.


***************12:30am Saturday***************


Matapos maCheck at mabasang mabuti ni Alex ang Results ng UltraSound at ang ipina-ulit niyang laboratoy ni Andrew ay nagmamadali siyang pumunta sa room nito. 

"What's the urgency Doc." Ang nagtatakang tanong ng isang Nurse nang makita nitong dumaan si Alex sa kanilang Station na naghihikahos.

"Wala ito." Ang maikling sagot ni Alex sa kaniya. "Its Okay. Ako nalang." Ang idinagdag pa ni Alex sa Nurse nang aktong susunod na ito sa kaniya. Hindi nalang itinuloy ng Nurse ang pagsunod niya at nag-aalala nalang niyang tinignan si Alex nang pumasok ito sa Room ng pinakapaborito nilang Pasyente.

"Wazzup Doc!" Ang masayang bati ni Andrew kay Alex nang itinigil niya ang paglalaro ng Nintendo DS. Mahimbing pa rin ang tulog ng matabang pamangkin ni 'Nakapulot'.

"May Malignant na bukol na nakita sa Intestine mo." Ang Straight to the point na sinambit ni Alex kay Andrew. Tahimik lang si Alex na nakatingin sa mga namimilog at nanlalaking mata ni Andrew. 

Unti-unting nawala ang kulay ng mukha nitong si 'Nakapulot'. Ilang seconds din na naging tahimik ang buong kwarto. Ang tanging naririnig lamang nilang dalawa ay ang tunog na nagmumula sa Nintendo DS ni Andrew at ang mahinang paghilik ng pamangkin ni niya.

Lumunok muna ng laway itong si Andrew bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Gaano kalala Lex?". Walang naisagot itong si Alex sa kaniyang mahinang tanong.

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

.....

"Joke lang! Pwede ka ng umuwi mamaya!" Ang masayang sambit nitong si Alex kay 'Nakapulot'. Binantayan nitong si Alex kung ano ang magiging Reaction ng kaharap. Medyo unti-unting kinakabahan itong si Alex dahil wala pang reaction itong si 'Nakapulot'.
Walang pasabing bumaligwas mula sa kaniyang pagkakahiga itong si Andrew na ikinagulat namang bigla nitong si Alex kaya naman ay napapapikit siya ng mabilis at hinintay niya ang sapak na ibibigay sa kaniya nitong si 'Nakapulot' dahil alam niyang napakaBelow The Belt at Very Foul ang pagbibiro niya dito.

Now lang niya naRealize ang consequences ng kaniyang idea na iGoodtime ito upang makaResback at makabawi sa buong week ng di pagpaparamdam sa kaniya ni Andrew.

Laking gulat na lamang ni Alex nang hindi kamao ni Andrew ang lumapat sa kaniyang mukha kundi ay ang dalawa nitong mga maiinit na kamay na humawak sa kaniyang magkabilang pisngi.

Akmang didilat na itong si Alex ay bigla namang napapikit siya nang maramdaman niya ang malambot na labi nitong si 'Nakapulot' ay ang sumunod na lumapat sa kaniyang mga labi na siya namang ikinalambot ng kaniyang mga tuhod.






To Be Continued

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails