Followers

Saturday, October 10, 2009

Ang iPhone 4

*********4:00am Saturday*********


Hindi pa rin makatulog itong si Alex dahil sa sobrang pagkaOverwhelmed niya't naisahan niya sa kulitan at napatameme niya si 'Nakapulot. Iba ang saya na kumikiliti sa kaniya dahil first time niyang maka experience na makipagkulitan at higit sa lahat wagas ang kaniyang  kasiyahan na tila ba nakaJackpot siya. Kung pwede lang umiyak ang 'Body Pillow' niya sa sobrang lamutak ni Alex dito ay kanina pa ito umiyak. 

This was the first time na bumalik ang pakiramdam na ganito kay Alex. Matagal na niyang nakalimutan ito. Last niyang naramdam ang matinding pagkakaroon ng crush sa isang tao ay noong High School pa siya. Pakiramdan ni Alex ay fresh na fresh pa siya by that time dahil ang gaang-gaan ng pakiramdam niya. 

Halos lahat ng stress niya sa recent break-up niya sa Ex niyang si Dexter ay naglaho dahil kay Andrew. "I'll make you my StressBall, Loko ka." Ang sinabi ni Alex sa sarili. Ito ang bago niyang plan kay Andrew instead yung nauna niyang masamang balak dito. 

Hindi niya maramdamang bisexual si 'Nakapulot' pero tanggap niya sa sariling magiging kaibigan nalang niya ito't talaga namang kailangan niya ng taong aaliw sa kaniya. Perfect ang kakulitan nitong si 'Nakapulot', bukod sa gwapo pa, Ang explanation ni Alex sa sarili.


********6:30am Saturday********


Gising pa din si Alex at naghahalungkat sa kaniyang Cabinet ng kung anong pwedeng mai-get up niyang maipapangporma para sa meeting niya later kay 'Nakapulot'. Malakas talaga ang kaniyang tama kay Andrew. 

Between 3:30am to 6:00am of Saturday ay matagal niyang napagdesiyunan at pinag-isipan kung lantaran ba niyang liligawan itong si Andrew. Wala pa siyang decision sa ngayon. 

"Let's see what'll happen." Ang playing safe na sinabi ni Alex bilang sagot niya sa kung ano baggang napalaking dilemma nito sa sarili. Naguguluhan siya sa personality nitong si Andrew. 

Hindi niya alam ang gagawin niya sa makulit na si 'Nakapulot'. Ngayon lang siya nakakilala ng ganitong tao.


********7:30am Saturday*********


"Shit!" ang nasabi nalang ni Alex sa reflection niya sa salamin nang makita niyang slight ang pagkaitim ng ilalim ng kaniyang dalawang mata. Medyo nainis ng kaunti ito kay Andrew dahil nagka-eyebags siya dahil sa kakaisip dito. 

Isang metrosexual and bisexual si Alex. Lumaki siya sa isang maykayang pamilya at sunod lahat ang kaniyang layaw at kaya rin siya nakapagtapos ng Medicine. Sa kaniya namang trabaho ay well-paid siya at halos sambahin siya ng mga staff sa lahat ng mga clinics and hospital na may schedule siya. 

Ganoon din ang mga MedRep na halos ibigay ang lahat ng mga perks at freebies sa kaniya. Kung tutuusin ay isang napakalaking catch nitong si Alex pero alam niya na palagi siyang isang sore-loser when it comes to his bisexual lovelife. Madali siyang ma-inlove sa isang guy at mabulag sa konting lambing at bola lang ng mga ito. Katulad ng nangyari sa kanila ni Dexter.

"Not this time." Ang pag-i-illusion na sinabi nitong si Alex para sa kaniyang gagawing stress ball na si Andrew. Sa conversation nila kagabi ay nakakasiguro siyang natunugan at slight na naamoy na nitong si 'Nakapulot' ang kaniyang pagiging paminta. Payag si Alex na maging friends sila pero mas magiging masaya siya kung maging Loveteam sila.

Nagdecide si Alex na lulubusin niya ang pagiging winner niya sa bangayan nila ng kulitan ni 'Nakapulot' at pag nag meet sila mamaya ay target nitong maka-Score ng maraming pogi points mula kay Andrew. Paghahandaan talaga ni Alex ang Second Round nila mamaya sa Rob Manila nitong si ‘Nakapulot’


***********10:30am Saturday*********


Medyo unti-unti ng naiirita at naiinis itong si Alex dahil nagtext siya kanina kay Andrew to confirm at mismong nang-galing pa sa reply nito na exactly silang 10:00am magkikita. 10 minutes before 10 ay nakapagpark na itong si Alex at 30 minutes na siyang nakatayo sa labas ng entrance ng Rob Manila. 

Kada patak ng minuto’y lalong naiinip at nako-concious siya. Lagi nalang tinitignan niya ang sariling reflection sa glass pane ng Starbucks na nasa tabi ng entrance ng mall. Kahapon pa laging sumasagi sa isip nitong si Alex ang Starbucks at Burger King, tila magiging favorite na rin niya ang mga ito.

Magtetext na sana itong si Alex pero nakita niya agad sa malayo na naglalakad on the way itong si Andrew. Biglang naconscious itong si Alex at nilingon agad niya ang kaniyang reflection ulit. Pang second time na niyang ginawa ito. NagConcentrate talaga itong si Alex na tignan ang kaniyang mukha kahit nakasuot pa siya ng shades dahil wala siyang nagawang remedy para maalis ng mabilisan ang mga eyebags niya. Ngumiti naman itong si Alex nang makitang hindi papatalo ang mukha niya kay nakapulot. 

Pagkatapos ay tinignan din niya ang kaniyang suot na imported shoes, branded na denim jeans at blue polo shirt. 'Lalaking-lalaki' ang tila ba nakapasang sinabi niya sa kaniyang get up pagkatapos ay saka siya huminga ulit ng malalim upang simulan na niyang maunahang makakuha ng pogi points from nakapulot. 

Mag-gagalit-galitan siya pero sa totoo nama’y biglang naglaho ang kaniyang inis at asar dito kay andrew nang masulyapan niyang paparating ito. Relax ka lang. Ang sabi nitong si Alex nang nilapitan siya ni Andrew at kaagad niyang sinimangutan si nakapulot at nagsalita.

“Ba’t ngayon ka lang.” Ang galit-galitang sinabi ni Alex sa kakarating na si Andrew.

“Ha?!Ah!Eh! Ganda ng shades natin ah!” Ang segway ni Andrew kay Alex. Determinado itong si Alex at alam kaagad niyang iniiba ni ‘Nakapulot’ ang usapan.

“Ang Pogi natin. Aatend ka ba ng Wedding.” Sunod agad ni Andrew na sinabi. Mabuti nalang at pinaghandaan talaga nitong si Alex ang ganitong situation. Sumimangot siya kay Andrew at talaga namang nilalabanan ni Alex na mangiti dahil sa totoo lang ay kanina pa pumapalakpak ang mga tenga niya sa compliment sa kaniya ni ‘’Nakapulot’

“May guest ba na ganito ang suot sa Wedding?” Balik ni Alex dito.

“Ako ganyan ang lagi kong suot! Ha ha ha! Joke lang! He he he.” Ang biglang sagot at bawi naman ni Andrew habang ginagawa niya ang kaniyang mannerism ng pagkakamot ng ulo sa tuwing makoCorner siya. Laking pasalamat naman talaga nitong si Alex at nakaShades siya at hindi mahahalata nitong si ‘Nakapulot’ na pinagmamasdan at kinikilatis siya nito mula ulo hanggang paa.

“May sense din.” Ang sinabi ni Alex sa sarili dahil nakapasa sa kaniya ang porma ng kaharap.

NakaKhaki Cargo shorts at plain dark brown na semi-fitted shirt lang si Andrew at kapansin-pansin dito ang pagiging Fit ng kaniyang built. Isang well groomed pair ng Black Chucks ang suot-suot nito. Walang kung ano-anong mga Bling sa katawan at tanging isang Fossil WristWatch lang ang suot ni 'Nakapulot'. Lalong naging pleasurable ang imahe nito kay Alex. Medyo kinailangang lakasan ni Alex ang kaniyang fighting spirit para pigilang mangiti dahil sa kaniyang kaharap.

“Actually napasarap ang BasketBall.” Ang mahinang pag-amin ng guilting si ‘Nakapulot’.

“Kaya pala.” Unconcious na sinabi ni Alex.

“Kaya pala ano?” Tanong ni Andrew.

“Kaya pala late ka. Sana nagtext ka kasi.” Ang mabilis na pagbawi ni Alex sa muntik na niyang madulas na sasabihin. 

Sasabihin niya sanang ‘Kaya pala fit at lean ang mga muscles mo’. Laking pasasalamat lang talaga ni Alex dahil minsan ay hindi niya napapansing nakikipagFlirt na pala siya. Medyo comfy na naman si Alex dahil 100% na siyang sure na bistado na talaga ang kaniyang pagiging paminta nitong si ‘Nakapulot’.

Parang bata itong si Andrew na nakangiti lang kay Alex at nakatingin habang tuloy pa din ang pagkakamot nya ng kaniyang ulo. “Hindi mo ako makukuha sa pagpapaCute.” Sambit ni Alex sa sarili dahil medyo affected na siya sa ginagawa nitong si ‘Nakapulot’. 

Lalo pang nagwala ang pinipigilang emotions ni Alex nang mapadako ang kaniyang paningin sa waist ni Andrew dahil bahagyang tumaas ang shirt nito nang nagkamot at nakita ni Alex mula sa likod ng kaniyang shades ang Bench na Black undearwear nito. Mayroon din kasi siya nito. 

Lalong nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita niya ang slight skin sa side ng abs nitong si ‘Nakapulot’ na may tattoo. Hindi nga lang niya nakita kung anong klase ito. Masakit man sa pride nitong si Alex ang kaniyang malaman ang totoo pero nagbugtong hininga nalang siya at siya na rin mismo ang nagScore sa Pogi Points Board nila between 'Nakapulot'.


‘Nakapulot’ 1 : Alex 0


Tumaas ang kilay nitong si Alex nang makita niyang nag-inat itong si Andrew at hinimas-himas nito ang tiyan niya.

“Sa sobrang kamamadali ko eh hindi ako nakapagBreakfast.” Ang walang emotion na sinabi ni ‘Nakapulot’. Hindi niya pinatutukuyan si Alex pero narinig naman ni Alex ito ng malinaw na malinaw. “Nagparinig pa.” Sabi ni Alex sa sarili.

“Sinong may kasalanan? Nakuha mong magBasketBall pero nakalimutan mong magBreakFast.” Sermon ni Alex kay Andrew.

“At ikaw din ang nagsabing 10:00am. Nakalimutan mo na ba? Nakuha mo pang magparinig na gusto mo ng treat!” Mabilis na idinagdag pa nitong si Alex sa kaniyang sermon. Medyo nanlaki ang mata nitong si Alex nang makita niyang lalong ngumisi itong si Andrew habang nakatingin sa kaniya. Napalunok itong si Alex dahil alam niyang mangbabara ito kaya nagReady na siya.

“Saan mo naman narinig na gusto ko ng treat?” Pilyong sinabi ni ‘Nakapulot’ ng diretsahan sa unti-unting namumulang si Alex. 

“Assuming ka naman Parekoy. He he he.” Lalo pang inasar ni ‘Nakapulot si Alex. 

Hindi na nakasagot itong si Alex at tila ba napahiya sa pagiging OA niya. Nahalata naman ito ni Andrew kaya nagsalita agad ito. 

“Hindi mo muna kasi ako pinatapos. Yayayain sana kitang magbreakfast sana. My treat dahil sasamahan mo ako today.” Nakangiting sinabi ni Andrew kay Alex sabay kindat at lakad papasok ng entrance ng Robinson. Nahihiyang sumunod naman sa kaniya si Alex.

Biglang nagulat itong si Alex ng nilingon siya ni Andrew at nginitian ng pagkaloko-loko. Lalong namula sa hiya itong si Alex dahil totoo ang lahat ng sinabi sa kaniya ni ‘Nakapulot’. Mas lalong naShock itong si Alex dahil biglang lumapit sa kaniya si Andrew at inakbayan siyang bigla at nagpatuloy sila ng paglalakad. Lalong nagBlush itong si Alex. 

Alam niyang pinagtritripan siya nito pero tila wala siyang makitang malisya ng anumang bahid ng masamang intention sa masayang mukha ni Andrew. Masayang-masaya lang ito habang naglalakad silang dalawa habang naka-akbay si ‘Nakapulot’ sa kaniya. Lumevel up pang lalo ang pagiging charming ni 'Nakapulot' para kay Alex.


‘Nakapulot’ 2 : Alex 0


Halos hindi makapaniwala si Alex sa mga fast food na treat sa kaniya ni Andrew. Pinaupo muna siya nito sa fastfood center saka mabilis na umalis para bumili ng kanilang Breakfast. Pagbalik ni Andrew ay kaagad niyang  inilapag sa mesa ang mga binili niya. 

A pair each ng Wendy’s Frostee big size, Master Siomai Pork and Shrimp, Takuyaki, Jolly Hotdog Classic at Softdrinks in Can. 

Imbis na magulat si Alex ay na overwhelmed ito sa generosity ng makulit na si ‘Nakapulot’ at pareho silang nag enjoy sa pagkain ng mga Fastfood. 

‘"The Way to a Man's Heart Is through His Stomach." Masayang nasambit ni Alex habang kumakain siya. Tila ba bumabaligtad na ang situation na pinaghandaan nitong si Alex na wagas na maka-iScore ng Pogi Points kay nakapulot. Lalo na siyang na-in-love dito sa nuknukan ng kulit na kaharap niya. Medyo nababawasan na din sa paningin niya ang mga sungay nitong si Andrew.


‘Nakapulot’ 3 : Alex 0


Gumala-gala muna sila sa ibang parte ng Men’s section bago tuluyang nagdecide na itong si Andrew na bumili na ng damit. Dumiretso sila sa Children’s Section na malaking pinagtaka naman nitong si Alex. Masayang tumingin ng mga T-shirt itong si Andrew habang nakangiting tinitignan lang siya nitong si Alex.

“Para po sa inyo Sir?” Sambit ng saleslady kay Andrew.

“Para sa pamangkin ko. Tabachoy yun. Kasing katawan lang kami. May malaki pa ba dito.” Ang paliwanag ni Andrew sa Saleslady.

“Mayroon Sir. Kuha lang ako.” Masayang sagot ng Saleslady na nahalata agad ni Alex na nakikipagflirt kay Andrew habang kinuha niya ang Transformers na T-shirt na pinatitignan nitong si Andrew. Medyo nagselos lang ng kaunti itong si Alex dahil hindi naman niya masisisi ang malakas na sex appeal at childish behavior nitong si nakapulot.

“Eto baka magustuhan ng pamangkin mo?” Ang singit nitong si Alex kay Andrew habang iniabot nitong bigla ang kaagad na nahawakan niyang malapit na T-Shirt.

“Miss wait lang.” Sambit nitong si Andrew. Habang masusi niyang tinitignan ang print nina SpongeBob at Patrick sa black shirt na iniabot sa kanya nitong si Alex. Ilang minutes ding inusisa ni ‘Nakapulot’ ang T-shirt.

“Miss Eto na lang. Yung kasya sa akin. Magugustuhan yan ng tabachoy kong pamangkin.” Ang masayang sambit nitong si Andrew. Hinintay ni Alex na makaalis ang SalesLady bago tinanong niyang may curiousity itong si Andrew.

“Kaw ata magsusuot?” Ang panghuhuli nitong si Alex sa natigilang si Andrew.

“Aminin mo na!” Pang-aasar ulit ni Alex. Nakitaan niyang medyo nagBlush si Andrew.

“Hindi ata!” Sagot ni Andrew habang naglakad ito patungo sa iba pang mga brand ng mga T-Shirt. NapaSmile na lang si Alex at nabuking niya agad itong si  Andrew. Di nalang niya itinuloy ang pang-aasar at aliw na aliw siya sa pagiging childish ng kasama.

Matapos bayaran ni Andrew sa cashier ang nabili niyang SpongeBob and Patrick na T-shirt ay napansin nitong nakangisi sa kaniya si Alex.

“Kasing taba mo nga ang pamangkin ko!” Biglang banat at ngisi ni Andrew. 

Nagpantig bigla ang tenga ni Alex sa kaniyang narinig dahil para sa kaniya’y isang below the belt comment ang ginawang pang-aasar ni Andrew. Ngayon lang si Alex nainis ng bigla. 

Talaga namang pinaghihirapan niya ang pagwoWorkOut at pagdaDiet at napakaSensitive niya sa ganyang issue. Naramdaman agad ni ‘Nakapulot’ na foul ang sinabi niya at nagmamadali siyang bumawi pero naunahan siyang kaagad ni Alex.

“Akin na nga ang iPhone ko!” Galit na sinabi nitong si Alex sa natahimik na si Andrew.

“Biro lang naman Dre. Di ka na mabiro.” Paglalambing ni Andrew pero tahimik pa din si Alex kaya dinukot nalang niya sa kaniyang back pocket ang telepono at tahimik niyang ibinigay ito kay Alex. 

Hiyang-hiya talaga itong si ‘Nakapulot’ kay Alex. 

“I hate you!” Ang wala sa isipang sinabi ni Alex sa napahiyang si Andrew at wala pang ilang seconds ay tinalikuran na siya ni Alex at iniwang mag-isang nakatayo sa gitna ng Hallway ng mall.


**************9:30pm Saturday**************


Nakahiga lang si Alex sa kaniyang kama’t galit na galit kay ‘Nakapulot’ at hinding-hindi niya talaga makalimutan ang sinabi nito sa kaniya. Kung gaano kasi kayaman itong si Alex ay ganoon din kataas ang kaniyang pagkaPride at pagkaVain. 

“Kaya ka wala kang GirlFriend kasi you’re an Asshole!” Ang galit na nasambit nalang niyang mag-isa para kay ‘Nakapulot’. Kasabay ng pagtunog ng kaniyang isa pang phone na nasa sa tabi niya. 

Inilagay muna niya sa kaniyang drawer ang iPhone dahil sa tindi talaga ng pang-aasar ni Andrew sa kaniya dahil sa tuwing makikita niya ito ay naaalala niya ang nakangising pagmumukha nitong si Andrew.

Nagdadalawang isip itong si Alex na i-open ang text message dahil galing ito kay ‘Nakapulot’. Nagdecide na rin itong si Alex dahil hindi na rin siya makatiis. Yan ang isa pa sa weakness nitong si Alex.

"Sori na pls 4giv me wnt hapen again. Ganun kasi me sa mga taong gusto ko." Sender: ‘Nakapulot’

Napa-upong bigla si Alex sa kama at napasuntok siya sa katre. NakaJackpot si Alex. Nagreply kaagad itong si Alex. Dumapa na siya sa kama at halos di na talaga maipinta ang kaniyang ngiti.

"I like you too. Sige bati na tayo." Reply ni Alex.

"Talaga. Thank you. Para ka talagang Lechon." Reply ni Andrew. Ikinakunot kaagad ito ng noo ng Vain na si Alex. Tumunog ulit ang message alert tone ng phone niya. Galing ulit kay ‘Nakapulot’.

"Habang patuloy kang umiikot e lalo kang sumasarap sa paningin ko."







‘Nakapulot’ 3 : Alex 1,000 















To Be Continued

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails