Followers

Tuesday, October 20, 2009

Ang iPhone 5

***********2:00am Sunday**************


Hindi pa din nakakatulog si Alex dahil sa Adrenaline ng kaniyang body system matapos niyang basahin ang last na text message sa kaniya ni 'Nakapulot'. Okay na okay kay Alex ang text message ni Andrew at talaga namang napabaligtad nito ang buong mundo niya pero may kahalong pang-aasar din naman ang text nito sa umpisa. Alam naman ni Alex na hindi dapat seryosohin ang mga banat ni 'Nakapulot' pero talaga namang napipikon siya at alam naman niya sa kaniyang sarili na may pagkabalat sibuyas siya't mabilis na naniningkit ang kaniyang mga mata sa mga ganoong biro lalong-lalo na kapag personal appearance na niya ang binabanatan. 

Mataba kasi noon si Alex at parang nagkaTrauma na siya sa mga nanunukso sa kaniya kaya naman nagbigay siya ng matinding effort sa pagwoWorkOut at diet para maMaintain niya ang katawan niya. 

Napabuntong hininga nalang si Alex. Type niya simula pa sa umpisa si 'Nakapulot' . Gwapo, malinis ang hitsura pwera nga lang sa bahagyang tattoo nito sa side ng abs, fit ang pangangatawan, maganda ang smile, sweet pero may sungay. Nagdadalawang isip itong si Alex  kung ready na siya sa isa pang relationship after ng break-up nila ni Dexter. Alam niyang nagConfess na si Andrew sa kaniya pero alam din niyang mahihirapan siya sa childish behaviour nitong si 'Nakapulot'. Sa tuwing magdeDate nalang ba sila ay lagi nalang ba siya nitong aasarin. "Ganoon ba siya maglambing?" Ang tanong ni Alex sa sarili.

"Pwes!" Malakas na sinabi ni Alex sa sarili niya para kay Andrew.Alam na niya ang technique nitong si 'Nakapulot' kaya naman gumawa din naman siya ng paraan para makaSurvie sa kakulitan ni 'Nakapulot'. Hindi siya papatalo sa mga banat nito at pagnapikon siya'y saka siya babawi dito. Pahihirapan niya ito sa kakaSorry hanggang sa matuto. NaProve na niya iyan kani-kanina lamang. Magtitiyaga siya talaga kay 'Nakapulot' hanggang maging isang perfect partner ito sa kaniya. Magiging dominante siya sa kanilangg relationship. Susubukan ni Alex ito at talaga namang pasaway itong si Andrew.


*********4:30am Sunday********


Naalimpungatan itong si Alex at kinuha nito ang cellphone niya para iText si Andrew. Nagpadala siya ng isang forwarded quotes dito at dinagdagan nalang niya ng 'gud am'. Wala pang ilang seconds ay nagreply agad si 'Nakapulot'. Hindi na pinalitan ni Alex ang name na nakaSave sa kaniyang lumang phone. 

'Aga mo namang nagising.' Reply ni 'Nakapulot'.

'Syempre naman' Textback ni Alex.

'What time ang binyagan. Gusto mo ihatid kita?' Dagdag na text ni Alex.

....Hindi na nagreply pa si Andrew. Naghintay nalang si Alex.


*********6:00am**********


Tinignan ulit ni Alex ang phone niya at wala pa ding reply si Andrew. Tinawagan niya ito pero subscriber cannot be reach. Nagpasya nalang si Alex na pumunta sa Gym ng maaga para magWorkOut at later nalang niyang iteText si Andrew pagkatapos nalang niyang magGym. Gustong makita ulit ni Alex si Andrew. 


********9:00am************


Matapos magShower at magBihis si Alex ay agad-agad niyang kinuha ang phone niya upang iText sa Andrew. NagteText si Alex habang palabas ng Fitness First nang biglang may nakabungguan siya. Nang tinignan niya kung sino iyon ay nagulat siya dahil si Dexter pala iyon. Nakalimutan agad ni Alex na doon din nagwoWorkOut si Dexter. Kaagad na napansin ni Alex na tila may kakaiba sa kaniyang Ex. Medyo gloomy ang mga mata nito dahil nagkatitigan sila. NaAkward si Alex kaya naman madali siyang naglakad ulit papuntang parking lot. Naisipan nalang niyang tawagan ulit si Andrew kaya lang tinawag siya ni Dexter. Napahinto ulit sa paglalakad itong si Alex at nilingon si Dexter at itinaas ang dalawa niyang kilay para sabihing 'Bakit'.

"Wala." Ang malungkot na sinabi ni Dexter katapos ay tumalikod siya kay Alex at bagsak balikat na pumasok na ito sa Gym. Halata kaagad ni Alex si Dexter na may dinadalang mabigat na kung ano man dahil nakita niya itong laglag ang dalawang balikat sa paglalakad. Gusto niya itong lapitan at kamustahin pero nagpigil siya dahil mayroon na siyang 'Nakapulot' pero di pa rin niyang maiwasang maging concern sa kaniyang Ex. Kahit niloko siya nito ay may pinagsamahan pa din sila. Isa na naman sa weakness ni Alex.


*********11:30am*******


Nag-give up na si Alex dahil wala pa ring reply si 'Nakapulot' at Subscriber cannot be reach pa din. Unti-unti ng naiirita itong si Alex. Binuksan nalang niya ang kaniyang laptop at tinignan kung sino ang pwedeng makaChat. Usually kasi ay tuwing Sunday ang date nila ni Dexter kaya medyo nag-aAdjust pa itong sa Alex. Nakita niyang On-Line ang BestFriend niyang si Michael. Bago pa siya makapagStart ng video chat dito ay naunahan na siya ni Michael. Agad naman siyang nagAnswer.

"Musta na Dre?" Bati ni Alex.

"Uy! NagPM si Dexter." Sagot agad ni Michael.

"Kayo na ba? Ha ha ha." Ang sarkastikong sabi ni Alex.

"Bitter lang Bro?" Biro ni Michael.

"Usap daw kayo." Dagdag nito.

"Bakit?" 

"Ewan ko. Malamang gustong makipagbalikan at break na sila ng syota niya."
"Pansin ko nga." Sagot ni Alex.

"What do you mean?" Clueless na sabi ni Michael. NagExplain itong si Alex sa napansin niya kanina kay Dexter sa labas ng gym.

"Makes sense." Yun lang ang nasabi ni Michael sa naging usapan nila ni Alex.


***********4:00pm Sunday*********


Pagkatapos kumuha ng afternoon nap itong si Alex ay sinubukan na naman niyang maContact si Andrew pero failed pa din. Wala na siyang nagawa kung hindi mag DVD marathon nalang at palipasin ang buong Sunday sa panonood. Habang nanonood si Alex ay kada boring ang scene ay sinusubukan niyang tawagan itong si 'Nakapulot'. Hindi masyadong nakaPagConcentrate itong si Alex sa kaniyang pinapanood.


***********7:30pm Sunday**********


Nagsawa si Alex at di na tinapos ang DVD marathon niya at nagDecide na pumunta sa StarBucks at bumili ulit ng Caramel Frappe. Sinubukan naman niya ang Waffle. Bumalik ulit agad siya sa Condo at matapos kainin ang binili niya ay naupo ito sa Sofa at nagpangalumbaba. Bored na bored na siya.

Niyaya niya kaninang manood ng Movie si Michael pero di naman ito pwede dahil may ka-meet-up. Hindi pa din niya maContact si Andrew. Iniisip niya itong si 'Nakapulot' pero naiisip din ni Alex ang hitsura ng kaniyang Ex na tila lumalakas ang tulak nito sa kaniya habang lalo niyang naiimagine ang kalungkutan sa mukha ni Dexter at ang pinag-usapan nila ng kaniyang bestFriend na si Michael about sa PM ni Dexter na gusto niyang makipag-usap kay Alex.

Ito ang mga nasa sa isip ni Alex hanggang sa makatulog siya.


**********9:30pm Sunday***********


Naalimpungatan si Alex nang tumunog ang Sms message alert tone ng phone niya. Kaagad namang tinignan niya ito dahil excited siya at baka si 'Nakapulot' ang nagtext. Halos umabot na ang ngiti sa tenga ni Alex nang makita niyang si 'Nakapulot' nga ang nagText. 

'I mishu' Sender: 'Nakapulot'

Dahil bagong gising itong si Alex ay biglang naglevel-up ang kaniyang pagkainis kaagad kay 'Nakapulot'. 

"Kapal!" Biglang nasabi ni Alex ng malakas. MagreReply na agad sana siya para sermunan si Andrew dahil ang lakas ng loob nito na magpadala ng isang 2 worded na text message at sasabihing miss siya nito pero hindi man lamang ito nagparamdam ng buong araw.

Buo na sa isipan ni Alex ang ireReply nito para kay 'Nakapulot' ng tumunog ulit ang text message alert tone ng phone ni Alex. Si 'Nakapulot' ulit.

"Check ur FB add me pls." Text ni Andrew. Nagmamadaling bumangon itong si Alex sa kama at kinuha ang laptop para magOnLine sa FB. Nakalimutan niya agad ang kasalanan ni Andrew sa kaniya. Gusto niyang makilala pa ng lubusan itong si Andrew at tanging sa FB lang niya ito malalaman at talaga namang matipid magsalita or magText itong si 'Nakapulot'.

PagkaLog-In ni Alex sa FB niya ay napasimangot kaagad siya nang makita ang kaniyang friend request. 

1 friend request from 'Ako Si Doraemon' 

Bago pa man niya in-Accept ito at alam naman niya na si Andrew ito ay tinignan muna niya ang profile. Napangiti si Alex ng kaunti nang makita niyang puro 'Dummy' account ang mga kaFB nito at kalimitan ay puro Anime at video game character ang name at profile pic. Wala ding info sa 'About' ng profile sa dummy account ni Andrew.

Wala ng nagawa pa si Alex kaya in-Accept nalang niya sa FB si Andrew at tinanong niya kung may matinong FB profile ito. After ilang seconds lang ay nagkaroon ng notification si Alex. Tinignan niya agad ito at isang confirmation request na to be engaged galing kay 'Ako Si Doraemon'. NagdoubleCheck ulit itong si Alex kung may nakalagay na 'Sex' sa status ng FB ni Andrew. Kaagad naman siyang nagConfirm sa engagement sa FB nang wala siyang nakitang 'sex' sa profile ni 'Ako Si Doraemon' dahil professional niyang FB account ito at talaga namang isa siyang napakalaking paminta. Discreet siya at may mga iilan-ilang taong nakakasalamuha si Alex sa kaniyang propesyon na naaamoy ang pagkamalansa niya ngunit tumatahimik nalang ang mga ito dahil isang napakahusay na Doctor itong si Alex. 

Wala pang ilang seconds ay nagkaroon kaagad siya ng PM. Pagbukas niya'y laking bigla nitong si Alex ng nagPM sa kaniya si Dexter. 

NaConfirm ni Alex ang hinala nila ng kaniyang kaibigang si Michael na gustong makipagbalikan sa kaniya ni Dexter. Nagtatanong kasi ang Ex niya kung sino si 'Ako Si Doraemon'. Medyo napangiti din naman itong si Alex dahil tila isang blessing in disguise ang dummy account ni Andrew. 

NagPM ulit si Dexter at humihingi ito ng second chance sa kaniya. Hinayaan lang niya ito't di pinansin. 

NagPM at nagtext si Alex kay Andrew para magVideo Chat sila pero halos thirty minutes na ay wala pa din itong reply. 

Nakatanggap ulit si Alex ng PM from Dexter at ngayon nama'y nagtatanong kung pwede ba silang maging friends dalawa. Ngumiti itong si Alex at nagReply kay Dexter dahil nawala ang pagiging hambog nito. Nagdecide munang makipagChat si Alex kay Dexter habang naghihintay siya kay Andrew. 

Wala namang masyadong reply na ginawa itong si Alex sa convo nila at tanging si Dexter lang naman ang bumanat at humihingi ng sorry at nagpapaSalamat ito dahil tinanggap pa din siya ni Alex bilang friend kahit labis na kasakitan ang naibigay niya dito. 

Bandang huli'y inAccept ulit ni Alex si Dexter sa FB niya. Natapos ang convo ni Alex sa Ex niya at wala pa ding paramdam si Andrew kaya naman nagdecide na matulog nalang si Alex at medyo na enjoy din naman niya ang usapan nila ni Dexter.

Wala pang ilang seconds ay nagRing ang Phone ni Alex at sinagot naman niya agad ito. Si Michael ang tumawag at kakauwi lang nito galing sa isang meet-up turned to a one-night stand.

"Lex di kita naabutan sa FB at nagOffline ka na. What the Fuck!" Mabilis na sambit ni Michael kay Alex.

"Engaged ka na tapos ka FB mo na ulit si Dex!" Dugtong ni Michael.

"Akong bahala. Ayos na naman ako kay 'Nakapulot'." Ang pagsisinunaling ni Alex sa kaibigan. Hindi na inusisa pa ni Michael si Alex. Binigyan nalang niya ng warning ang bestfriend about kay Dexter bago magEnd siya ng Call.

Alam ni Alex na hindi tama iyon at alam din niyang mahina siyang tao pero wala naman siyang magagawa kaysa mamuti ang mga mata niya sa kahihintay na magparamdam itong si Andrew.



*************From Monday Thru Thursday****************


Naging okay naman si Alex sa set-up niya kay Andrew at sa hindi nito pagpaparamdam sa buong araw at tanging mga forwarded text messages lang ang mga ipinapadala nito kay Alex sa tuwing sasapit ang gabi. Dinadagdagan nalang ito ni Andrew ng 'I mishu and yabyu'.
Kahit ganito lang ang mga messages ni 'Nakapulot' ay napapangiti niya itong si Alex dahil aliw na aliw ito kung minsan sa mga banat nitong corny na pick-up lines. 

Buong weeknights ding kaChat ni Alex si Dexter at medyo nagiging okay na din ang kanilang relationship bilang friends at napatawad na ni Alex ng lubusan ang kaniyang Ex.

Hindi naman nagkulang sa paalala si Michael sa kaniyang kaibigang si Alex sa kaniyang ginagawa.


************9:30pm Thursday**************


Kakatapos lang na magChat nina Alex at Dexter nang tumunong ang message alert tone ng phone ni Alex. Tila ba nakalimutan na nito ang kaniyang iPhone sa loob ng drawer.

Binasa ni Alex ang message ni 'Nakapulot' at labis-labis ang saya niya dahil miss na miss na niya ang kakulitan ni Andrew at talaga namang gusto niya itong yakapin at halikan.

"After ng work 2mrow Star CT taU 3t ko. Mishu yabyu." Sender: 'Nakapulot'

Nagreply agad itong si Alex.

"530pm Starbucks again before going. My treat :-)"  

Overwhelmed na gusto na talagang makita ni Alex si Andrew.

"Sure! Para mabayadan mo din ang utang ko sa kanila dis week."

"Kapal mo!" Ang text ni Alex habang pangisi-ngisi ito. Di na niya pa hinintay si Andrew na magreply dahil nasanay na ito sa ganoong ending sa pagpapalitan ng text nilang dalawa.


***********6:00pm Friday**********


Nagngingit-ngit sa galit itong si Alex habang naka-upo sa Starbucks na meeting place nila ni Andrew. Kakagaling lang niya sa office nito at nagtanong sa guard kung nasasaan si Andrew at sinagot naman siya nitong hindi ito pumasok.

Buong day na nagtetext at nagpiPM sa FB itong si Alex kay Andrew to confirm at talaga namang excited kasi siya sa bago niyang BF. Halos hindi mapakali at inip na inip itong si Alex at sa tuwing titingin siya sa kaniyang wristwatch ay nagrereklamo siya na napakabagal ang takbo ng oras.

Pakiramdam kasi ni Alex about sa trato ni 'Nakapulot' sa kaniya'y forsaken and forgranted siya. Kung tutuusi'y hindi magiging okay ang lahat sa kaniya kung hindi niya nakakaChat ang Ex niya at laging madali itong magReply sa tuwing mayPM at text message siya dito.

"Fuck!" Ang sinabi ni Alex at nagdarabog na tumayo at lumabas sa Starbucks. Hindi na naman available ang BestFriend niyang si Michael dahil may kaDate na naman itong isang random guy.

Ayaw sayangin ni Alex ang gabi ng hindi siya nakakapasyal. Kahit manood lang ng sine ay okay na sa kaniya at ayaw lang talaga niyang mapag-isa. Halos maluha na talaga sa galit itong si Alex kay 'Nakapulot' dahil talaga namang excited na excited siyang makapiling ito pero hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari. Ni Ha o ni Ho ay wala itong paramdam.

"Fuck You ka!" Ito ang galit na ibinubulong ni Alex for Andrew habang binubuksan niya ang kaniyang kotse nang nagRing ang kaniyang phone.

"HELLO!" Ang malakas na sigaw ni Alex para sa tumawag.

"Hey! Easy!" Gulat na sinabi ni Dexter.

"Oh! Sorry Dex." Paumanhin ni Alex.

"Is there any problem?"

"Wala naman. Badtrip lang ako."

"Ganun ba. Yayain sana kitang magcoffee if you're available."

"Sige. Saan?"

"Di ba magagalit ang bago mong boyfriend."

"Bakit siya magagalit! May masama ba tayong gagawin?"

"Ha ha ha! O nga naman."

"Nasa Glorietta ako Lex. Kita tayo. What time gusto mo?"

"Lapit lang ako diyan. Give me 30 minutes at moderate ang traffic."

"Sure! I'll wait for you. See you later."


*******************8:30pm Friday**************


Halos di na namalayan nina Alex at Dexter ang paglipas ng oras dahil sa kanilang kwentuhan habang nagkakape at medyo nawala na ang sama ng loob nitong si Alex sa malaking disappointment niya sa epic failed nilang date ni Andrew this evening.

Nakahalata naman agad itong si Dexter na nagkaroon ng problema itong si Alex at ang bago nitong boyfriend kaya naman sasamantalahin nito ang weakness ng kaharap. Alam na alam ng tusong si Dexter kung paano paikutin itong Emo na si Alex.

"Gusto ko lang sanang magkaroon tayo ng Closure" Sinabi ni Dexter kay Alex. Napataas ng kilay itong si Alex sa narinig.

"What do you mean?" Ang nagmamaang-maa-ngang tanong ni Alex. May idea na ito kung saan patutungo ang kanilang pinag-uusapan at ready siya dito.

"Gusto ko lang sanang maClose natin ang breakUp natin yun lang."

"Para kasi ang feeling ko Lex eh hindi pa talaga tayo magkaibigan at nagkakaAyos."

"Tell me what do you want?" Ang naiinis na sinabi ni Alex kay Dexter at nauubos na rin ang pasensiya niya dito.

"....." Hindi nakasagot si Dexter at nagulat ito sa sinabi ni Alex. 

"....." Ngayon lang niyang nakitang sumagot ito ng ganito.

"....." 

"Break Up Sex?" Tinapos na ni Alex ang gustong iparating ni Dexter.

"Call ako!" Pagtatapos ni Alex sa kanilang conversation.

Labis ang pagkagulat nitong si Dexter sa ipinakitang attitude ni Alex at tila ba nakaramdam siya ng feeling na gusto niyang umatras. Unti-unting naramdaman ni Dexter ang kilabot at damang-dama niya mula sa kaharap ang isang matinding galit at pagka-inis. Hindi naman niya expected na biglang naging parang dominante sa kaniya itong si Alex. 

Ang hindi alam ni Dexter ay medyo unting-unting nagbabago na si Alex dahil kay 'Nakapulot'. Tila mahihirapan itong si Dexter na ligawan at sulutin si Alex sa bagong BoyFriend nito na ang pagkaka-alam lang niyang name ay 'Ako Si Doraemon'.

"Tara na." Ang walang emosyong pagyaya ni Alex sa naguguluhang si Dexter nang tumayo ito.

Galit si Alex kay Andrew kaya niya ito ginawa. Kung dati rati sa kaniyang mga past relationship niya'y nagtitiis nalang siya pero ngayon ay hindi na.

Walang nagawa itong si Dexter kung hindi sumunod nalang. Bago pa man mabuksan ni Alex ang kaniyang kotse'y nagring ulit ng phone nito at sinagot naman kaagad-agad ito ni Alex dahil nakita niya sa screen ang ID kung sino ang tumatawag. Tahimik lang na nakatayo si Dexter sa tabi ni Alex.

"May problema ba?" Mabagsik na sinabi ni Alex sa kabilang linya.

"Doc Alex. Hindi po makakarating si Doc Miguel tonight kaya po kayo lang po ang naisip naming pwedeng tawagan at malapit po kayo sa area." Sambit ng nurse na tumawag kay Alex.

"Anong meron?" Medyo nag-aalala ng kaunti si Alex. Ito ang nagustuan sa kaniya ng mga staff sa mga ospital at clinics na kung saan mayroong schedule si Alex. Talaga namang OnCall siya palagi at hindi niya binabalewala ang mga tawag nila sa tuwing may pasyente  at wala na silang iba pang matawagan.

"May isinugod po kaninang umaga dito. PinaConfine ng ER attendant para maobserbahan at talaga namang nagpapanick ang pasyente." Paliwanag ng nurse.

"Ano bang case?" Masusing tanong ni Alex dito.

"Sabi sa ER eh impatso at di lang natunawan kaya may stomach cramps ang pasyenteng nararamdaman pero talaga namang nagpapanic na ito lalo na po ngayon at di pa siya natitignan ng specialist." Maliwanag na sinabi ng nurse kay Alex.

"Doc, Kung okay lang po sa inyo ay kayo na po ang tumingin at kumausap sa pasyente't napakakulit lang talaga. Nagpupumilit at baka daw appendicitis na daw yun at baka mamatay daw siya." Pagtatapos ng nurse.

"I'll be there." Ang maikling sinabi ni Alex sa nurse saka nagEnd siya ng call.

"Next time nalang ang BreakUp Sex natin Dex. Patient first." Ang walang emosyong sinabi ni Alex kay Dexter sabay bukas niya ng pintuan ng kotse at paandar dito para tunguhin na ang ospital at makita ang makulit at nagPapanick na pasyenteng itinawag sa kaniya ng nurse.





To Be Continued 

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails