Followers

Tuesday, October 6, 2009

Ang iPhone 3

*************11:30 PM FRIDAY************


Nagmadaling magdrive pabalik si Alex sa Starbucks kung saan sila nagmeet nitong si 'Nakapulot' para balikan ang naiwan niyang iPhone. Hindi niya alam kung bakit yung pa ang nawala sa isipan niya. Kaya nga sila nagmeet ni Andrew ay para maisauli nito sa kanya ang iPhone kaya lang ay na-overwhelemed siya sa looks and personality nitong si 'Nakapulot'. Naiinis si Alex sa kaniyang sarili dahil isang hassle para sa kaniya na bumalik pa.

Pagpasok na pagpasok niya sa Starbucks ay agad niyang pinuntahan at kina-usap ang unang baristang nakita niya sa counter. 

"Miss, Naiwan ko ang iPhone ko kanina. Nakita nyo ba?" Tanong ni Alex.

"Kayo po ba si Sir Alex?" Ganting tanong ng Barista.

"Yup." Ang sagot niya. Nacurious si Alex sa sinabi ng kausap niya dahil alam agad nito ang name niya.

"Don't worry Sir, ibinigay po namin yung iPhone mo kay Sir Andrew." Natutuwang sambit ng Barista.

Napakunot bigla ng noo si Alex dahil sa masayang sinabi ng Barista.  Kaya naman nag explain agad ito sa kaniya.

"Actually po eh pagka-alis ninyo sa table ninyo eh agad naming nakita yung naiwan ninyong iPhone at nagtext kami kay Sir Andrew right away to inform him."  Paliwanag ng Barista na ikinagulat nitong si Alex. "So it means nang times na kasama ko ang lokong iyon ay alam na niyang naiwan ko ang iPhone." Ang sinabi ni Alex sa sarili.

"Alam nyo ang number ni Andrew?" Tanong ni Alex. Swerte naman itong si Alex at dalawang customer lang ang nasa Starbucks kaya nakipagkwentuhan sa kaniya ang empleyado.

"Ah, Yes po. Regular namin po siyang customer dito." Natutuwang parang kinikilig ang babaeng Barista.

"Kaibigan po ni Sir Andrew ang lahat ng employee pati mga manager and supervisor ng store na ito. Madalas siyang mangulit sa amin pag pumupunta siya ditong mag-isa." Napapangiting sinasabi ng babae kay Alex. Lalong nacurious naman itong si Alex kay Andrew at hinayaan nalang niyang magsalita ang babae. Naaaliw siyang pakinggang ikinukuwento nito sa kaniya ang mga information tungkol sa personality ni 'Nakapulot'.

"Kakalibang talaga pag nandito yun. Lahat ng mga babeng employee eh para bang nililigawan." Medyo nahahalata na ni Alex na kinikilig ang babaeng kausap niya at medyo nakikita na rin niya ang pamumula sa mga pisngi nito. Hindi na rin maiwasan nitong si Alex ang mangiti dahil na experience din niya kanina lang ang kakulitan at pagkaweird ni 'Nakapulot'.

"Kayo ang bagong Apple Of The Eye ni Sir Andrew."  Biglang sinabi ng Barrista kay Alex. Bigla namang namula at nag-init kaagad ang mukha nitong si Alex sa sinabi ng kausap.

"Ha?" Ang biglang tanong agad ni Alex. Napahagikhik ang babae sa reaksyon niya.

"What I mean is kayo po ang bago niya atang pinagtritripan." Bawi ng Barrista dahil pumasok kaagad sa kaniyang isip na double meaning pala ang sinabi niya kay Alex.

"Pano mo yan nasabi?" Clueless na tanong ni Alex.

"Bumalik po kanina dito sa Sir Andrew para kunin niya yung iPhone nyo at ipinabibigay niya po ito sa inyo." Natatawang sabi ng babae sabay bigay ng resibo sa namumulang si Alex. Agad namang inabot iyon ni Alex at tinignan. Nakita niya ang order ng isang malaking Caramel Frappe at dalawang Blueberry Muffin.

"Kayo daw po ang magbayad niyang kinain niya kanina bago umalis." Natutuwang sinabi ng Barrista.

"Loko talaga!" Ang naibulalas ni Alex sa kausap at sabay silang malakas na nagtawanan. Tila nagkasundo silang dalawa sa description kay 'Nakapulot'.

"Mabait po iyun Sir. Kaya laging On the House ang order niya kung minsan." Ang pagtatapos nitong Barrista. "Eto ba ang favorite niya?" Ang sinabi ni Alex sa Barrista. Wala na siyang paki-alam kung mahalata siya nito.

"Yes po." Ang nakangiting sinabi ng Barrista habang kinukuha niya ang perang pambayad na ini-aabot ni Alex.

"Miss, Order ako ng Caramel Frappe. Yung maliit lang at isang Blueberry Muffin." Ang habol ni Alex. Tinignan lang siya ng masayang Barrista. Kinindatan niya lang ito, naalala niya ang ginawang pagkindat kasi sa kaniya ni Andrew sa sinehan. Lalong namula ang cute na Baristang babae. Natatawa si Alex sa sarili niya dahil same lang din ang reaksyon nila ng babae.


****************2:00AM SATURDAY**************


Nakahiga na si Alex sa kaniyang kama at inaalala ang mga nangyari ng nakasama niya si Andrew at ang mga information niyang nalaman sa Barista. Pagkauwing-pagkauwi nitong si Alex ay agad niyang binuksan agad ang kaniyang Laptop upang hanapin sa lahat ng mga sikat na Social Network Site kung may account itong si 'Nakapulot' pero sumuko din siya after ng mga ilang minutes dail wala talaga siyang makita.  Inalis na rin niya sa friends list sa FB ang kaniyang Ex na si Dexter at pagkatapos ay  nakipag Video Chat na lang siya sa kaibigan niyang si Michael sa FB habang kinakain ang Blueberry Muffin na binili niya. Ininom na niya ang Caramel Frappe naman habang nagdridrive siya pauwi.

"Oist! Dre! Nakuha mo na ba ang iPhone mo." Nanunuksong sambit ni Michael sa Video. Nginitian nalang siya ni Alex.

"Ang lakas ng tama mo! Patingin naman ng FB profile niya?"

"Hindi ko nga makita. Ala ata."

"Meron yan sigurado."

"Teka kailan ka pa natututong kumain niyan?"

"Ngayon lang. Masarap pala ang Blueberry Muffin at Caramel Frappe!"

"Tangna Tol! Ano yan?! Emo ka naman ba kay Dex?"

"Fuck you! Eto ang paborito ni 'Nakapulot'!"

"SABI KO NA NGA BA! Paano mo nalaman?!"

Biglang napahiya si Alex sa kaibigan na agad namang napansin ni Michael.

"BAT KA NAGBLUBLUSH? HA HA HA!"

"TADO!" Ang natatawang sabi ni Alex kay Michael at kaagad siyang nagClick ng End Video Call.

Umiling-iling nalang si Alex habang pangiti-ngiti. Nag-aaayos siya ng sarili para sa kaniyang pagtulog at nagdecide nalang siyang tawagan si 'Nakapulot' pagnakahiga na siya. Yun din kung minsan ang ginagawa nila ng Ex niya kapag hindi ito nakapagStay sa kaniyang Condo. 

Presko at comfy na nakahiga itong si Alex at nang tatawagan na niya sa kaniyang lumang phone si 'Nakapulot' ay siya namang pagtunog ng Incoming Call Alert Tone ng kaniyang hawak na phone. Natuwa siyang bigla nang mabasa niya na ang incoming-call ay galing kay 'Nakapulot'. Huminga siyang malalim upang di niya ipahalata kay Andrew na may idea siya sa nangyari kung bakit nasa sa kaniya ulit ang kaniyang iPhone.

"Hello?"

"Bakit ang tagal mong sagutin?" Masungit na bungad ni Andrew kay Alex. 

"Aba!" Galit-galitang sinabi ni Alex kay Andrew. Handa na siyang makipagkulitan dito.

"Tumawag kasi ako para magpasalamat."

"Yun lang ba?" Pinipigilan ni Alex na tumawa. 

"At saka nga pala nasa akin ang iPhone mo."

"KAYA NAMAN PALA! HANAP AKO NG HANAP SA KOTSE EH KINUHA MO PALA ULIT!"

"SANA SINABI MONG INTERESADO KA PARA IBINIGAY KO NALANG SAYO!" Malakas at galit na sinabi ni Alex kay 'Nakapulot'. Para ngayon siyang bata na mahigpit na nakayakap sa Body Pillow niya. Pinipigilan ang malakas niyang pagtawa.

"Hindi ako tatawag kung interesado ako sa iPhone mo na panget!" Ganti ni 'Nakapulot'. Natigilang bigla itong si Alex. Nabigla siya sa pangbabara nitong si Andrew. Napangiti agad-agad itong si Alex ng may narinig siyang impit na mahinang pagtawa sa kabilang linya. Halata niya agad na pinagtritripan siya ng kausap. Para bang gusto kaagad niyang sumuko dahil alam niyang wala siyang panama sa kakulitan nitong si 'Nakapulot'.

"Naniniwala na ako! Salamat at tinawagan mo ako. Halos mabaliw na ako kakahanap." Malumanay at cool na sinabi ni Alex sa kausap. Alam niyang Straight ito pero gusto niyang subukang makakuha siya ng Pogi points mula kay Andrew.

"SINUNGALING! HALIMAW KA! HA HA HA!" hindi na mapigilan ni Andrew na matawa.

"SIRA KA! Bakit ako naging sinungaling?"

"Nagtext kaya si Lanie!"

"Sinong Lanie?"

"Yung Employee sa Starbucks. Hinahanap mo daw sa kanila yung iPhone mo."

Biglang natigilan itong si Alex. 

'Nakapulot' 1 : Alex 0. 

Ang isip-isip ni Alex. Sa katunayan ay ngayon lang niya naTry ang makipagkulitan dahil noong sila pa ni Dexter ay napakaSerious ng kanilang relationship dahil sa influence din ni Dexter kaya siya naging isang Stiff na tao. Nag-iba ng position sa pagkakahiga itong si Alex at naghandang bumawi kay 'Nakapulot'.

"Pareho lang tayong sinungaling! Sinabi sa akin ni Lanie na pagkaalis natin sa Starbucks eh nagtext na kaagad sila sa iyo na may naiwan sa table natin na iPhone. Natapos ang Movie na pinanood natin eh wala ka man lang sinasabi!" Ang sunod-sunod na pagbawi ni Alex sa kausap. Pinipigilan niyang tumawa. Ang tagal bago nakapagsalita ni 'Nakapulot'.

"O sige na : One All" Masayang tawa ni Andrew sa kabilang linya. Napatawa na din si Alex dahil parehas lang pala sila ng iniisip ni 'Nakapulot'.

"May FB ka ba?" Segway na tanong ni Alex. Gusto niyang mahuli si Andrew at sinamantala niya ang moment na unaware ito.

"Wala." Maikling natatawang sagot ni Andrew dito. Napangisi itong si Alex. NaChaChallenge siya sa kausap.

"WEH! Maniwala ako sa iyo."

"Wala nga."

"Sige na nga. Kwentuhan lang naman." Pilosopong sambit ni Alex. Tila unti-unti na siyang nahahawa dito kay Andrew sa kakulitan.

"Kailan tayo magkikita para makuha ko na ang iPhone ko?" Pananabik na sinabi ni Alex sa kausap. NagCross finger si Alex at talaga namang umaasang asap ang pangalawang beses nilang meet up nitong si 'Nakapulot'.

"Yung iPhone mo ba o ako?" Preskong sinabi ni Andrew. Medyo natigilan itong si Alex sa pagkabigla. Inisip niya na nahalata na siguro ni Andrew na Paminta siya.

"Yung iPhone. Mas gwapo pa ang iPhone ko sayo! Ha Ha Ha!" Sambit ni Alex agad. Hindi siya magpapa-isa kay Andrew. Wala na siyang paki-alam kung malaman ng kausap na Paminta siya. Ngayon lang siya naging masaya sa kausap. Aliw na aliw siya sa kakulitan ni Andrew. Matagal ding nakasagot itong si Andrew. Alam ni Alex na nag-iisip ito ng pangResbak sa kaniya.

"Maypupuntahan kasi ako bukas. Mamaya pala. Sabado na pala." Maayos na sagot nitong si Andrew. Natawa si Alex dahil hindi ata nakaisip ang Kolokoy ng maipapangbara sa kaniya.

'Nakapulot' 1 : Alex 2

"Saan ka pupunta."

"Bibili ako ng damit. Mag-aanak kasi ako ng Binyag sa Linggo. Sa ka officemate ko."

"Ganun ba. Wala naman akong Clinic Schedule bukas este ngayon. Samahan nalang kita."

"Ililibre mo ba ulit ako sa Starbucks?" Mabilis na sinabi ni Andrew kay Alex. Tila nasasanay na ito sa libreng Frappe.

"ANONG ILIBRE?" 

"Isosoli ko ulit sa iyo yung iPhone mo."

"Di ba nakain at nainom mo na yung dapat na treat ko sa iyo sa second time ng pagsoli mo ng iPhone ko? Nasa akin pa nga ang resibo." Hindi na magpapatalo itong si Alex. Natameme na naman itong si 'Nakapulot' habang tumatawa itong si Alex.

"Nga pala! He he he. Kala ko kasi may Memory Gap ka na. Kung makakalusot lang naman." Pabirong sinabi ni Andrew kay Alex. Lalong naRelax si Alex sa kapilyuhan ng kausap.

'Nakapulot' 1 : Alex 3

"Sa Rob Manila ako mamimili. Walking distance lang kasi mula sa bahay. Mga 10am para wala pang masyadong tao. Text mo nalang ako pag nandoon ka na para magkita tayo at maibigay ko na ang iPhone mo."  Napangiti itong si Alex sa sinabi ni Andrew. Bigla atang bumait ang loko. "Ang Weird lang." Nasabi niya sa kaniyang sarili para kay Andrew.

"Sige. I'll text you. Matutulog na ako. Ikaw anong gagawin mo tapos nito." Matagumpay na sinabi ni Alex kay Andrew.

"Siguro wala na. Plano ko talagang itext nalang kita kaso may free pa pala akong UnliCall kaya tinawagan nalang kita. Tapos nito. Hmmmm. Di pa ako inaantok kasi. Baka mag level up nalang ako sa FB ng FarmVille." Sambit ni Andrew.

"KALA KO BA WALA KANG FACEBOOK! KAKASABI MO LANG KANINA" Panghuhuli ni Alex kay 'Nakapulot'. Halos sumakit na ang mukha nitong si Alex dahil sa sobrang ngiti niya. Matagal-tagal ding hindi sumagot itong si Andrew. Tila nabigla din sa kaniyang pagkakadulas. Masayang hinintay ni Alex ang sagot ng kausap. Ngayon lang si Alex nakapagEnjoy ng ganito.

'Nakapulot' 1 : Alex 4

"Hello?" Ang nasabi ni  Alex sa phone niya nang maramdaman niyang mahaba ang pananahimik ni Andrew. Naringgan nalang niya ang kabilang linya ng dead tone. Nag End Call na itong si Andrew.

"HA!" Masayang sambit ni Alex sa sarili. Masayang-masaya siya at nanalo siya sa kulitan nila ni Andrew nang tumunog ang message alert tone ng phone niyang hawak. Agad niyang tinignan kung sino.

'c u l8r 10am Rob mla' Sender: Nakapulot.







 To Be Continued

1 comment:

  1. Ano pa ba ang ibang mga stories mo? Puro magaganda ang nababasa kong mga stories mula sa iyo.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails