Followers

Monday, November 2, 2009

Ang iPhone 7

*************Saturday 7:00am**************


Hindi makapaniwala si Alex habang tahimik niyang pinagmamasdan ang maamong mukha nitong natutulog na si 'Nakapulot' dahil sa unexpected na ginawa nito kaninang madaling araw. Kinagat ni Andrew ang kaniyang lower lips habang pinapanood niya sa kaniyang mga ala-ala ang ginawang paghalik sa kaniya ni Andrew kanina.

Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya sa mga halik ni Andrew. Mainit at malambot ang mga mapupulang labi nito at ganoon na din ang dalawang kamay ni Andrew na nakasapo sa kaniyang dalawang pisngi kani-kanina lamang. Ramdam na ramdam ni Alex sa sarili ang matinding emotion na ipinadama sa kaniya ni Andrew kahit isang simpleng kiss lang ang ibinigay nito sa kaniya.

Unconciously na hinihimas-himas ni Alex ng kaniyang mga daliri ang kaniyang mga labi at hindi pa rin talaga siya lubusang makapaniwala. "What's happening to me?" ang tanong ni Alex sa kaniyang sarili dahil hindi man lang siya nakapagReact sa ginawa ni Andrew sa kaniya. Alam niya sa kaniyang sarili na nagulat siya pero alam din niya at kilala niya mismo ang sarili na sa mga ganoong mga situation ay talaga namang hindi siya nagpapatalo't makikipagsabayan siya katulad sa mga naging Ex niya. Mahalikan lang si Alex sa kaniyang Lips or Cheeks ay kaagad naman siyang gumaganti at hindi umaatras. Pero iba talaga ang naging sitwasyon kanina at hindi niya alam kung bakit.

Napabuntong hininga nalang si Alex habang lalo niyang tinignan pa si Andrew. Napangiti pang lalo si Alex nang pinagbalik-balik niya ang kaniyang paningin sa matabang pamangkin ni Andrew at kay Andrew na parehong tulog na tulog. Isip-isip ni Alex na parehong maamo at mukhang behave pagtulog ang dalawang magTito pero sigurado siyang magkasing kulit lang ang dalawang ito.

Kinuha ni Alex ang isang Monoblock Chair at ipinuwesto sa Bedside ni Andrew at kaagad siyang naupo sa tabi ni 'Nakapulot' upang lalo pa niya itong mapagmasdan. "Thank You." Ang naala-ala ni Alex na sinabi sa kaniya ni Andrew matapos siya nitong halikan at mabilis na pinatay nito ang Nintendo DS then walang paalam sa kaniyang ipinikit nito ang mga mata at wala pang ilang minutes ay naringgan na rin niya ito ng mahinang hilik.

Noong umpisa'y gusto talaga nitong si Alex na maCareer itong si Andrew pero ngayon ay tila ba inLove na inLove na siya dito kahit masyadong pasaway at makulit. May kasalanan sa kaniya si 'Nakapulot' sa loob ng isang week pero nakalimutan lang lahat nito ni Alex. Ganyan kalakas ang tama niya kay Andrew. Gusto mang halikan ni Alex si Andrew sa lips nito habang tulog ay hindi na niya ginawa. Napag-isipan ni Alex na iba si Andrew sa lahat ng kaniyang naging BF. Malakas ang SexAppeal nito ngunit nang unti-unti na niya itong nakilala sa maikling panahon ay naging iba na ang kaniyang attitude para dito. Although sutil ito pero mas nakikita naman niya ang GoodSide nito at higit sa lahat ay hindi na isang Sex Object si Andrew para sa kaniya. Mas gusto na ngayon ni Alex na yakapin itong si 'Nakapulot' ng mahigpit at pugpugin ito ng mga halik sa Cheeks. "Cute na sutil" Ang naging description niya para kay Andrew at Ito lang ang iniisip ni Alex na nakapagpasaya sa kaniya nang ipinikit na niya ang kaniyang mata upang kumuha siya ng madaliang idlip.


******************11:30am*******************


Pabalik na si Alex sa kaniyang Condo nang maihatid na niya mismo sa bahay nito si Andrew at ang kasama nitong pamangkin na si Steven. Bago muna sila umuwi ay dumaan muna sila sa Drive-thru ng Jollibee para bumili ng makakakain nitong si Steven at nagRequest kasi ito sa kanila dahil nabitin ito sa Breakfast na rasyon sa Hospital. Naubos na rin nito ang mga Chips at Softdrinks na nasa supot ng Mercury. Naging close sila ni Alex at halos di makapagDrive ng mabuti si Alex dahil walang tigil ang barahan ng magTito sa loob ng kaniyang kotse.

Mas matalino't mabilis na nakakapag-isip si Steven ng pangSagot at pang-Alaska sa kaniyang tito Andrew habang kinakain ang isang Jolly Hotdog at Champ. Nakakasagot lang si Andrew dito tuwing titigil ito sa kakanguya at kakasalita kapag sisipsip ito sa Straw ng Softdrinks.

Halos maOverwhelmed itong si Alex nang tumuloy siya sa bahay nina Andrew. Nandoon ang dalawa pa nitong mga pamangkin at ang hipag ni Andrew. Laking mangha din nitong si Alex nang makita niya ang kuya nitong si 'Nakapulot'. Mas gwapo ito kay Andrew pero tahimik at kabaligtaran sa pagiging makulit ni 'Nakapulot'.

Hindi na nagstay pang matagal itong si Alex sa kanila at bago umalis ay niyakap muna siya ng hipag ni 'Nakapulot' at nagThankYou sa kaniya. Sumunod naman itong mga pamangkin ni Andrew at ibang feeling ang naramamdaman ni Alex nang nagThank You din sa kaniya ang tabachoy na si Steven. Lastly itong si Andrew ang yumakap at nagpasalamat kay Alex.

Hindi expected nitong si Alex na yayakapin siya nitong si Andrew sa harapan ng mga kasama niya sa bahay. Nagawang yakapin din naman ni Alex ang hipag at mga pamangkin nitong si Andrew kanina pero tulad ng nangyari sa Hospital ay hindi niya magawa-gawang yakapin din si Andrew. Alam naman niyang walang malisya kung yayakapin din niya si 'Nakapulot' pero tila ba nahihiya siya. Hindi sa Family ni Andrew but kay Andrew mismo. Para niyang HighSchool Crush lang ang pasaway na si 'Nakapulot' kahit BoyFriend na niya ito.

Ang hindi expected nitong si Alex ay nang tila ba naramdaman niyang nagblush siya nang tumingin sa kaniya ng direct eye contact itong si Andrew matapos siyang mahigpit na yakapin nito't magThank You. Nakangiti ito at tila ba naghihintay ito sa susunod na gagawin ni Alex. Automatic na inisip nitong si Alex na naghihintay itong si Andrew ng isang Goodbye Kiss mula sa kaniya. Napansin din naman ni Andrew ang Akwardness nitong si Alex kaya naman kinindatan nalang niya ito at nagThank You ulit. Lalo pang natuwa si Alex kay 'Nakapulot' nang ginulo ng kaniyang hipag ang buhok nito.

At habang nagdriDrive nga itong si Alex pauwing Condo niya ay napakagaan ng pakiramdam niya dahil sa nakilala niya ang Family ni Andrew at ang pakiramdam niya'y Welcome na Welcome siya. Feel At Home siya sa bahay nitong si 'Nakapulot'. Matagal na ding hindi nararamdaman ni Alex ang ganoon simula noong nagRetired at NagStay nalang sa US ang kaniyang mga parents. He feels at home with Andrew. Yan ang tunay na nararamdaman nitong si Alex at ang nakapagExplain ng lahat-lahat sa kaniya. "I Love You." Ang sinabi ni Alex patungkol kay 'Nakapulot' sa loob ng kotse na may ngiti sa kaniyang mga labi.


**************1:30pm****************


Dumiretso si Alex sa kaniyang kwarto pagkadating na pagkadating niya sa kaniyang Condo at ibinagsak ang kaniyang katawan sa kama. Tinignan muna niya ang kaniyang Cellphone bago matulog. Halos napuno ang kaniyang Inbox sa mga message ni Dexter at bigla niyang naalala ang last text message niya sa kaniyang Ex. Napangiti itong si Alex at para bang nasiyahan siya sa kaniyang ginawa kay Dexter.  

Di na nagEexpect itong si Alex na makakita siya ng Text Message galing kay 'Nakapulot' pero nagScroll Down pa rin siya kahit alam niyang 50/50 na makakakita siya ng message nito. Napangiti ng todo si Alex nang nakita niya sa kaniyang Inbox ang name na 'Nakapulot' na napapagitnaan ng maraming name na 'Dex'. Agad niyang binasa ang Message ni Andrew.

'Lex ty talaga ng madame 2loy tau bukas 6pm sa Star City' Sender:Nakapulot

Agad namang nagReply si Alex para magConfirm at pumayag din naman sa reply si 'Nakapulot' sa alok niyang sunduin ito sa kanilang bahay.

'Dnt reply para makapagpahinga ka na. Lam kong napuyat ka dahil sa akin. TY again. I LOVE YOU SO MUCH LEX' Sender: 'Nakapulot'

Hindi na nagtext itong si Alex at ipinikit nalang niya ang kaniyang mga mata habang inuulit-ulit niya sa kaniyang isipan ang All-Caps na parte ng last message sa kaniya ni 'Nakapulot'. Bago tuluyang mahimbing si Alex ay nagWish siya na sana laging ganyan kabait at katino si Andrew palagi.


*********************9:00pm***************


Inis na inis pa rin itong si Dexter sa last message niya na nareceive from Alex at talaga namang hindi matanggap ng kaniyang Ego na madaling nakaRecover sa kanilang BreakUp itong si Alex. Alam ni Dexter ang ugali nito at labis ang pagtataka niya nang naging Aggressive sa kaniya nga itong si Alex. Naka-ilang text message na rin siya pero wala pa ding reply ito at kahit ilang beses siyang tumawag dito ay automatic na naRereject ang kaniyang call. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Alex pero napatawad na naman siya nito ngunit ang kaniyang ikina-iinis ay nagkaroon agad ng kaRelationsip itong kaniyang Ex at nakikita niya dito ang pagiging masaya. 

Big Catch itong si Alex para sa kaniya at mapagbigay talaga kaya naman nang naisipan niyang makipagBalikan dito at nalaman niyang Its Too Late ay talaga namang ikinasama niya ito ng loob at ngayon nga ay talagang nag-iinit na itong si Dexter na sulutin itong si Alex sa kaniyang current Boyfriend na si 'Ako Si Doraemon'.

Tinignan ulit ni Dexter ang FB Profile nitong si 'Ako Si Doraemon' at laking gulat niya sa Status nito na may nakalagay na 'Going to StarCity with Alex tomorrow' at may heart text pa ito. Ilang minutes din na nag-isip ng magandang Plan itong si Dexter upang mapigilan niya ang date nitong si Alex at ng kaniyang bagong BF. Hindi na eepekto kay Alex ang pagpapa-awa niya kaya naman tinignan niya sa ChatList ang name ni Michael kung naka OnLine ito at nakangisi siyang nagVideo Call dito. Kailangan niya itong si Michael para maisagawa ang kaniyang nabuong magandang plano para sirain ang date ng dalawa.

"Bakit?" Ang masungit na tanong ni Michael kay Dexter.

"Ang sungit mo Mike." Ang pabirong sagot ni Dexter sa BestFriend ni Alex.

"Asshole ka kasi."

"Sinong Asshole?"

"Ikaw? Sino pa ba? Sige na bye na." Ang masungit na sagot ni Michael bago niya i-EndCall ang kanilang VideoChat.

"Baka gusto mong sabihin ko kay Alex ang ginawa natin." Mabilis na sinabi ni Dexter kay Michael. Biglang napahinto itong si Alex sa pangBlaBlackMail sa kaniya ni Dexter. NagSex kasi silang dalawa ni Dexter minsan at BF pa ito noon ni Alex. 

NagSeminar kasi noon si Alex at kinulit nitong si Dexter si Michael na samahan siya sa Condo dahil bored at wala siyang maka-usap. Pinuntahan naman siya ni Michael at alam naman nitong si Dexter na malibog itong BestFriend ni Alex kaya naman ay madali niya itong nabuyong makipagSex sa kaniya at ginawa pa nila mismo sa kama na tinutulugan nilang dalawa ni Alex. Hindi naman nalaman ito ni Alex at kaya din naman todo suporta ang ginawa nitong si Michael para sa kaniyang kaibigan dahil naGuilty talaga siya.  

"Anong gusto mo?" Ang seryosong sinabi ni Michael kay Dexter. Hindi niya lubusang maisip ang gagawing pagBlackmail sa kaniya nitong tusong si Dexter ay ang kanilang ipinangako sa bawat isa na kanilang isisikreto. Sinabi sa kaniya ni Dexter ang plano nitong pumunta din sa Star City bukas kasama siya. Inutusan ni Dexter na magsinungaling itong si Michael pagnandoon na sila at pagnakita na nila sina Alex at ang bagong BF nito.

"Sige pero tandaan mo ito Dex! Walang makakarating kay BestFriend." Ang huling sinabi nitong si Michael kay Dexter na pinangakuan naman ng kaniyang kausap na walang malalaman ang kaniyang BestFriend basta gawin lang niya ang pinag-uutos nito sa kaniya.

Habang nakangising natutulog si Dexter ay hindi naman mapakali itong si Michael sa gagawin nitong si Dexter sa date ng BestFriend niya at ang bago nitong BF. Ayaw talagang gawin ni Michael ang makisakay sa Bitter na si Dexter ay talaga namang wala siyang magagawa dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Alex. Wala siyang magagawa at hawak siya sa leeg nitong si Andrew.


******************Sunday 6:30pm**************


Tahimik na naghihintay sa Entrance ng Star City sina Michael at Dexter nang makita nila ang paparating na si Alex at kasama nito ang isang gwapong lalaki. "Si Ako Si Doraemon' siguro." Ang isip-isip nitong si Dexter. Pinatext niya kay Michael si Alex na kung pupuwede ba ay sumama silang dalawa at Curious sila sa bagong BF nitong si Alex. Nagpaalam naman muna itong si Alex kay Andrew kung pupuwedeng sumama sa kanilang date sina Michael at Dexter. Sinabi naman ni Alex sa kaniya na ExBF niya itong si Dexter at okay lang naman kung hindi siya papayag pero masaya naman itong si Andrew at sinabi niya kay Alex na mas masaya kung marami sila.

Hesitant pa rin by that time itong si Alex at nahihiya siya kay Andrew. Wala namang paki-alam itong si Andrew sa Past ni Alex at siniguradong okay lang sa kaniya at ang importante ay ang sa ngayon. Ang kasalukuyan nilang Relationship.

Dahil nga Hesitant itong si Alex ay nag-isip ng magandang plano din itong si Andrew para sa kanilang pagpunta sa Star City para magEnjoy silang lahat at hindi maging Akward sa isa't-isa.

Nang makalapit na itong sina Alex sa naghihintay sa kanila ay talaga namang napakalaki ang ikinatuwa nitong si Michael nang makita nitong may tatlong bata silang kasama. Isinama din ni Andrew ang kaniyang mga pamangkin para nga hindi sila magkaroon ng Akwardness at aminado't alam naman din ni Andrew na mangyayari talaga ito kung sila-sila lang. Next time nalang niya sosolohin itong si Alex.

After na magpakilala sila sa isa't-isa ay ipinakilala naman nitong si Andrew ang kaniyang mga pamangkin at ang kahuli-hulihang sinabi niya sa mga ito na tawaging Uncle sina Michael at Dexter tulad ng itinatawag nila kay Alex.

Hindi naging parang Date ang lakad nina Alex at 'Nakapulot' kundi ay naging pagpapasyal nila sa mga bata na talaga namang ikinatuwa nitong si Michael at nakahinga siya ng mabuti. Buong gabi na nakasimangot ang mukha nitong si Dexter dahil hindi na naman natuloy ang plano niyang sirain ang inaakala niyang date nina Alex at Dexter. Sa simula ay insecure siya kay Andrew pero nang kalaunan ay naging kampante na siya dito dahil sa pagiging Childish nito at alam niyang hindi sila magtatagal nitong si Alex. Pagnagkaganoon ay agad niyang susunggaban ang Opportunity na mabawi niya si Alex.

Although Bitter itong si Dexter ay nagEnjoy naman siyang kasama sina Alex at Andrew pati na rin ang mga pamangkin nito. Ngayon lang niya nakitang masayang-masaya itong si Alex sa mga pakwela ng magtitiyuhin at pati na rin si siya ay hindi maiwasang matawa kapag nagbabarahan ang mga ito lalong-lalo na pag pinagtutulungan ng tatlong bata itong si Andrew.  

Naging malinaw ang lahat kay Dexter at kay Michael kung bakit madaling nakaRecover itong si Alex. Kahit sila ay ramdam na ramdam ang masayang Aura at Personality ni Andrew.  

Laking pasasalamat din naman ni Michael at nakilala ng kaniyang BestFriend itong si Andrew at kitang-kita niya ang malaking pagbabago sa Attitude ng kaniyang BestFriend. Naikwentong lahat iyon ni Alex sa kaniya at Agree si Michael na unexpected talaga ang pagkakakilala nilang dalawa.

Habang tumatagal ang kanilang pagStay at pagEenjoy sa Star City ay nagiging Close na ang mga bata dito kay Dexter at di na rin napigilan nitong Ex ni Alex na magLoosen up para sa mga bata at siya na mismo ang bumili ng mga pagkain ng mga ito, nagbayad ng mga rides at higit sa lahat ay siya na rin mismo ang nagbantay sa mga ito na talaga namang ikinagulat nina Alex at Michael. Hindi maiwasang magtaka talaga itong si Michael na makita si Dexter ng ganoon. Kinala-una'y tinulungan na rin niya si Dexter sa mga bata.  

Halos kaladkarin na ng mga bata sina Michael at Dexter sa tuwing makakita sila ng mga rides na kanilang magustuhang sakyan o kaya nama'y may gusto silang ipabili sa mga ito. Nakaakbay lang si Andrew kay Alex habang sinusundan nalang nila ang mga ito at tila ba nakalimutan na ng mga ito na kasama silang dalawa. Kitang-kita nila sa mga mukha nitong sina Michael at Dexter na talaga naman na nagEenjoy din sila kasama ang mga bata.

Halos magmiMidnight na nang matapos at mapagod ang mga bata sa kakalakad at kakasakay sa mga Rides at nakalimutan na din nina Michael at Dexter ang kanilang pinag-usapan at naging close sila't nagkakilala ng mabuti habang kasama nila ang mga bata. Sinamahan muna nila ang mga bata sa Parking Lot at nagpaalam sila sa mga ito bago tuluyang sumakay ang mga ito sa kotse ni Alex. NagPromise din silang dalawa sa mga ito na ipapasyal nila ulit sila sa Resort World naman.

Bago tuluyang maghiwahiwalay sila ay nagpaalam rin sila kina Alex at Andrew.

"Nice meeting you Andrew. Ang kukulit ng mga pamangkin mo." Ang masayang sambit ni Michael kay Andrew.

"May pinagmanahan lang." Singit ni Alex.

"Tito nila talaga ako." Ang masayang sagot naman ni Andrew dito.

"Nice to meet you Tol. Add mo ko sa FB ha. Alagaan mong mabuti si Alex." Ang sinabi ni Dexter kay Andrew habang kinakamayan niya ito. Nagkatinginan ang magBestFriend at nagNgitian dahil sa pag-iiba ng Attitude nitong Loser na si Dexter.

"Nga Pala! Ngayon ko lang naalala." Ang sabi ni Andrew sa tatlo.

"Ang alin?" Kaagad na tanong ni Alex kay 'Nakapulot'.

"Invited silang dalawa sa Despedida ko." Nakangiting sabi ni Andrew kay Alex.

"Ha?" Ang nagulat na tanong ni Alex. Ikinagulat din naman nina Michael at Dexter ang narinig from Andrew.

"Hindi ko din pala nasabi sa iyo Lex. Matagal ng ayos ang mga papers ko papuntang Canada and Next Next Week na ang alis ko." Masaya pa din itong si Andrew sa pagEexplain. Tahimik lang ang tatlong nakatingin sa kaniya.

"Madami kasing nangyari kaya nakalimutan kong sabihin sayo." Ang pagtatapos ni Andrew pero Clueless pa din itong nakangiting parang batang nagDeliver ng Good News. Ang hindi nito alam ay para siyang nagpaSabog ng isang Rebentador sa tatlo lalong-lalo na kay Alex.







To Be Continued

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails