By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Ang Kamandag Ng Buko Pie
Puwersahang hinila ni John si Ian palayo kay Timmy atsaka pinaulanan ng suntok ni John ang mukha ni Ian.
Puwersahang hinila ni John si Ian palayo kay Timmy atsaka pinaulanan ng suntok ni John ang mukha ni Ian.
Bumagsak sa
sahig si Ian. Duaguan ang kanyang bibig. Pinilit niyang tumayo upang gumanti at
paulanan din ng suntok si John. Ngunit dahil naunahan siya ni John at
hilong-hilo pa siya dahil sa tindi ng suntok ni John, hindi siya makaporma. Sadyang
magaling naman talaga si John sa self-defence kung kaya ay walang kalaban-laban
sa kanya si Ian.
“Tama na!
Tama na!” ang sigaw ni Timmy na pumagitna, pilit na hinila niya si John palabas
ng bahay.
“Tangina mo!
Dudrugin ko iyang mukha mo kapag ginawa mo uli ito! Tandaan mo iyan!” ang sigaw
ni John kay Ian nang nakalayo na siya kay Ian. Kung hindi lang siya hinila ni
Timmy, siguradong may bali sa katawan si Ian.
“So ito ang
sinasabi mong meeting ng student council? Ha?! May halikan na pala ang meeting
ng student council? Putangina!” ang sigaw ni John kay Timmy nang nasa labas na
sila ng bahay.
“Sa bahay na
tayo mag-usap. Nakakahiya.” Ang sagot ni Timmy.
“So ngayon
ay nahihiya ka na?!”
Hindi na
umimik si Timmy. Sinuklian lang niya ng matulis na tingin si John. Nang
makapara na sila ng tricycle at nakasakay, wala silang imikan. Hanggang dumaan
ang tricycle sa reataurant kung saan sila unang nagkainuman. Pinara ni John ang
tricycle at dali-dali siyang bumaba.
“Mauna ka na
sa bahay!” ang sambit niya kay Timmy.
“Sabay
tayo.” ang sagot ni Timmy.
“Mauna ka na
sabi!” ang giit ni John.
Ngunit bumaba
rin si Timmy sa tricycle at binayaran ang driver.
Wala nang
nagawa si John kundi ang hayaan si Timmy na sumunod sa kanya patungo sa
restaurant. Tinumbok ni John ang isang bakanteng mesa at naupo sa bangko. Tumabi
sa kanya si Timmy.
“Kalahating
case ng beer po!” ang sigaw ni John sa waitress.
“Iinom ka?”
ang tanong ni Timmy.
“Bakit? Ikaw
lang ba ang marunong uminom? Mabuti nga sa iyo ay may humahalik eh.”
“H-hindi
naman iyon humahalik. Nalasing lang iyon at dahil sa mga problema niya,
inaakbayan niya ako.” ang pangangatuwriran pa ni Timmy.
“Hindi
halik? Iyong naglapat ang mga labi ninyo ng sampung minuto, hindi halik iyon?
Ano iyon? Aksidenteng nagdikit ang mga labi ninyo na parang may mga magnet? O
bigla ka lang natumba tapos imbes na saluhin ng kanyang bisig ang iyong
katawan, ang ginamit niyang pansalo ay ang bibig niya at bibig mo lang ang
sinalo niya? Ganoon ba iyon?”
“Hindi nga
iyon humahalik eh. Kulit mo!”
“Ay sus!
Kitang kita sa mga mata ko ah! Hirap sa iyo, ginagago mo ako eh!”
“Eh, kung
gusto mo, doon tayo sa bahay mag-inom... at hahalikan kita habang umiinom ka.”
“Putangingang
iyan! Bakit sa bahay pa? Bakit hindi mo kaya rito?”
Nilingon ni
Timmy ang paligid. Nakita niya an puno ng tao ang Carenderia. “Eh...”
“Hindi mo
kaya...”
Hindi
nakaimik si Timmy. Sa isip niya kasi ay bagamat alam ng mga barkada niya at
ibang mga estudyante ang kanilang relasyon, hindi naman talaga sila officially
na umamin sa publiko na sila talaga. Bagamat may pagpapahiwatig ngunit never
nilang inamin.
“Gusto ko
iba naman ang kahalikan ko. Nagsawa na ako sa iyo eh.” Ang sambit ni John nang
hindi nakasagot si Timmy.
Hindi na
umimik pa si Timmy. Alam niyang galit si John sa ginawa niya at kailangan
niyang amuin ito. Sa parte ni John, bagamat galit siya kay Timmy, hindi rin niya
magawang saktan ang taong mahal. Kaya hanggang sa salita na lang siya.
Nang
dumating ang inorder niyang beer, agad niyang kinuha ang isang bote at binuksan
ito. Nang dumampot si Timmy ng isang bote, “Hep... kahit sa isip ay huwag mong
gawin iyan! Ako lang ang puwedeng uminom! Tapos ka na!”
Ibinalik ni
Timmy ang bote sa mesa. Nakatingin na lang siya kay John na tumungga sa bote ng
beer.
Nang naubos
na ang inorder niyang beer, muling nag-order si John. Halatang tinamaan na sa
kanyang nainom. “Miss, sampung beer pa.”
“Dalawang
beer na lang, Miss. Lasing na iyan.” Ang pagsingit ni Timmy.
Tinitigan ni
John na matulis si Timmy. “Ba’t ka ba nakikialam dito?” at baling sa waitress.
“Sampung beer pa Miss. Ako naman ang magbabayad nito eh.”
Tumalima ang
waitress. Ngunit hindi pa siya nakalayo ay, “Miss, puwede ka bang i-table?” ang
tanong ni John. Maganda rin kasi ang waitress. Ang mukha ay parang sa isang
birhen. Makinis, inosente. Matangkad pati, sexy, at mahaba ang buhok.
Nilingon ng waitress
si John. “Eh, bawal po sa amin, Sir.” Ang sagot ng waitress.
“Wala ka
bang kakilala o mai-refer sa akin?”
Bumalik ang
waitress. “Seryoso ka? May kaibigan ako. Nandito siya, dinaanan ako para
hintayin akong matapos sa trabaho. Nabo-bored lang siya kaya nandito.” ang
sagot naman ng waitress na tila kinilig na nakangiti. Lingid sa kaalaman nina
John at Timmy, kilala na silang dalawa sa restaurant na iyon at ang mga
nagtatrabaho roon na babae ay kinikilig kapag nandoon sila. At ang waitress na
iyon ay isa sa mga nagkaroon ng crush sa kanila na agad naman niyang ibinulong
sa kanyang nasabing kaibigan nang pumasok sila roon.
“Miss lasing
lang itong kaibigan ko. Huwag mo nang pansi---” Hindi na magawang tapusin ni
Timmy ang kanyang sasabihin. Muntik pa itong maout balance at matihaya gawa ng
pagbusal ng kamay ni John sa kanyang bibig.
“Talaga?
Nasaan ang kaibigan mo?” ang tanong ni John.
“Itinuro ng
waitress and kanyang kaibigang nasa isang sulok, nakaupo lang at abalang
nakatutok sa kanyang cp.”
Tiningnan ni
John at Timmy ang babae. Napansin na ni Timmy ang babaeng iyon nang pumasok
sila. Tingin ito nang tingin sa kanila. At kahit nakaupo na silang dalawa ay
panay pa rin ang sulyap niya.
Malakas ang
appeal ng babae. Naka-t-shirt lang, ang ipinares ay faded ripped jeans at ang
straight at maitim na buhok ay nakapony-tail. Morenang ganda. Matangos ang
kanyang ilong, may nakakabighaning ngiti at mga mata, makinis ang mukha na kahit
walang bahid na make-up, litaw pa rin ang ganda. Dalagang Filipina sa makabagong
panahon.
“Ganda!” ang
sambit ni John. At baling kay Timmy, “Di ba, Tok?” tanong niyang pang-aasar.
“Tatawagin
ko?” ang tanong ng waitress.
“Ay huwag na
Miss.” Ang pagsingit ni Timmy.
“Bakit
huwag? Ayaw mo ng babae? Bakla ka ba?” ang sarkastikong sabi ni John. At baling
sa waitress, “Tawagin mo, Miss.” Ang matigas na sambit niya.
Wala nang
nagawa si Timmy kundi ang tumahimik.
“Pero hindi
iyan call girl ha? Baka ma-misunderstand. Kaibigan ko lang iyan at nagyaya na
mamasyal kami pagkatapos ng trabaho ko rito. Mabait iyan.” Ang dugtong ng
waitress.
“Walang
problema, Miss. Kaibiganin lang namin.” Ang sagot ni John. At baling kay Timmy,
“Di ba Tok?” ang pang-iinis niya na kinindatan pa si Timmy.
“Kapag
nandito na siya, gusto kong sa iyo siya tatabi. At gawin mo kung ano ang iuutos
ko. Magtext ako!” ang sambit ni John nang nakaalis na ang waitress. May pagbabanta
sa tono ng kanyang pananalita.
“Ano?” ang
bigla ring pagreact ni Timmy. Ikaw itong ang nagyaya sa babae tapos sa akin mo
ipapasa?”
“Sundin mo
ang gusto ko! Kung hindi ay yari ka sa akin. Galit ako sa iyo! Tandaan mo iyan.
Hindi kita kikibuin habambuhay at hindi ako uuwi sa bahay mo kapag hindi mo ako
napasaya.” Ang pananakot ni John.
Nang
tiningnan nila ang waitress, nakita nilang nagbubulungan ang mga ito na parang
kinilig at patagong tumitingin sa kinaroroonan nila.
Maya-maya
lang ay hinatid ng waitress ang babae sa mesa namin. “Hi, ito pala si Bell.
Kaibigan ko.” Ang pag-introduce ng waitress sa kaibigan niya sa amin.
Tumayo si John.
“Wow! Pangalan pa lang ay mapapalingon ka na!” ang sambit ni John habang inabot
niya ang kanyang kamay.
“Bakit naman
mapalingon?” ang tanong ng waitress.
“Syempre, Bell
eh. Di ba kapag may dumaang nagtitinda ng ice cream ay mapapalingon ka rin?”
Tawanan.
“Ako pala si
John. Kung nagbabasa ka ng bible, naroon ako. Kung gusto mong magpabinyag, sa
akin ka lumapit, ako mismo ang magbinyag sa iyo.” Ang pagpapakilala ni John.
Napahagalpak
ng tawa ang waitress. Napangiting hilaw naman si Bell. Marumi ang nasa isip ng
waitress. At kung gaano napatawa ni John ang waitress, siya namang pagka-inis
ni Timmy na lihim na tiningnan ng matulis si John.
“Ito namang
kasama kong ay si Timmy. Mag-ingat ka sa kanya. Huwag kang magtiwala sa
nakikita ng mga mata mo sa kanya. Kahit pogi iyan, manyak iyan.” Ang
pagpapakilala ni John kay Timmy sabay tawa.
“Huwag kang
maniwala sa kanya, Miss. Baliw iyan. Kalalabas lang niyan sa mental hospital.
Mag-iingat ka sa kanya, pumapatay iyan ng mga magaganda.” Ang pagganti rin ni Timmy
habang iniabot din niya ang kanyang kamay kay Bell.
Tumawa ang
dalawang babae. Tinanggap naman ni Bell ang pakikipagkamay ni Timmy.
“Palabiro
pala kayong dalawa.” Ang sambit ng waitress.
“Hindi biro
ang sa akin, Miss.” At baling kay John, “Siya ang palabiro. Kahit seryosong
bagay ay dinadaan sa biro niyan.”
“Wow
naman...” ang sagot ni John sabay bitiw ng sarkastikong ngiti. “Biro pa pala
iyong pambugbog ko kanina sa...” nahinto si John sa kanyang sasabihin habang
tiningnan si Bell, “..sa taong iyon?” ang pagpapatuloy niya. “Pero sabagay kung
biro, at least... nagpapatawa samantalang ang iba riyan ay nananaksak sa likod
at ginagawang hanapbuhay ang pangangaswang.”
“O sya,
iiwanan ko na ang kaibigan ko sa inyo.” Ang sambit ng waitress na nakahalatang
may kakaiba sa mga salita nina Timmy at John.
“Sandali,
ano pala ang pangalan mo, Miss?” ang pahabol na tanong ni John sa waitress.
Lumingon ang
waitress at ngnmiti. “Susan.” Ang sagot niya at nagpatuloy sa kanyang
paglalakad.
“Bell,
tabihan mo si Timmy.” Ang sambit ni John nang tatabi sana si Bell sa kanya.
Lihim naman
na tiningnan ni Timmy nang matulis is John habang umupo si Bell sa tabi ni
Timmy.
“Gusto mong
uminom Bell?”
“Ayoko. Okay
lang ako.” ang sagot niya.
“Ah
softdrink na lang. O may gusto kang i-order?” ang tanong uli ni John.
“Softdrink
na lang.”
Nagkuwentuhan
silang tatlo. Biniro-biro ni John si Bell habang si Timmy ay tahimik lang.
Nag-text si
John kay timmy. “Uminom ka, at piliting mong uminom din si Bell”
Hinugot ni
Timmy ang kanyang cp mula sa kanyang bulsa at binasa ang text ni John. Nang
mabasa niya ito, palihim na tinitigan ni Timmy ng matulis si John.
Seryoso ang
mukha ni John na binitiwan ang expression sa mukha na sundin siya.
Nang
dumampot si Timmy ng isang beer upang uminom, tinawag ni John ang isang
waitress, “Sampung beer pa Miss!”
Nagkuwentuhan
muna sila. Tinanong nila si Bell tungkol sa mga bagay-bagay sa kanya.
Napalamn nilang 18 lang din si Bell at nasa Grade 12 sa unibersidad din na
pinag-aralan nila. At dahil magkaiba ang campus ng high school at college kung
kaya ay hindi sila nagkikita roon. Matagal na raw niyang kaibigan si Susan
at best friend niya ito. Nahinto lang ng pag-aaral si Susan dahil namatay ang
kanyang itay at napilitan siyang magtrabaho upang tumulong sa kanilang
kahirapan. Si Bell naman, bagamat wala na ring inay ay ang tita niya ang
tumulong sa mga gastusin sa pag-aaral. Kaya close silang dalawa ni Susan dahil
nakakarelate daw sila sa isa’t-isa sa mga experiences nila.
Maya-maya ay
ibinigay ni John kunyari ang ang cp number niya kay Bell, ngunit may isang
digit na mali. Ginawa lang niya iyon upang magbigay din si Timmy ng number niya
kay Susan.
Ngunit hindi
nagbigay si Timmy. Ang ginawa ni John ay kinuha niya ang cp ni Bell at siya ang
naglagay sa number ni Timmy sa contact ng cp ni Bell.
“I-misscall
mo iyang number na iyan.” Ang utos ni John kay Bell.
Nagmiss-call
si Bell. Nang nagring ang cp ni Timmy, tumawa si John. “Number ni Timmy iyan.”
Ang sambit niya.
Napangiti si
Bell. Kitang-kita ang tuwa sa kanyang mukha. Ngunit si Timmy, bagamat nakangiti
ay may nararamdamang inis.
“Hikayatin
mo na siyang uminom.” Ang text ni John kay Timmy.
Kahit
nainis, tumalima siya. Hikayat niya si Bell na uminom. Ngunit tumanggi si Bell.
“May lakad pa kasi kami ni Susan eh.” Ang pangangatuwrina niya.
“Okay
magpaalam ako kay Susan.” Ang pagsingit ni John. Tinawag ni John si Susan at
nagpaalam. Nang pumayag si Susan, doon na napilitang uminom ni Bell.
“Sa tingin
mo, Bell, sino ang mas pogi sa amin ni Timmy?” ang tanong ni John nang nakitang
tinablan na ng pagkalasing si Bell.
Tahimik lang
si Timmy bagamat napangiwi ang mukha na nakatingin kay John sa tanong niyang
iyon kay Bell, ang isip ay nagtatanong. “Ano kaya ang ibig tumbuking ng mokong
na to?”
“Eh...
p-pareho naman kayong guwapo eh.” Ang sagot ni Bell.
“O come on.
Huwag nang mahiya. Matatanggap ko naman kung si Timmy ang pipiliin mo, eh.”
“T-totoo
namang pareho kayong guwapo eh.”
“Okay,
ganito na lang. Kung halimbawa ay judge ka at isa lang ang papanalunin mo, sino
iyon? Okay lang kung hindi ako.” ang giit ni John.
Tiningnan ni
Bell si Timmy at binitiwan ang ngiting hilaw.
“Okay, Timmy
it is.” Ang sambit ni John.
Hindi na
nakaimik pa si Bell. Nahiyang yumuko atsaka dinampot ang kanyang beer at
tinungga ito. Parang gusto niyang tuluyan nang malasing dahil sa pagkabisto
kung sino ang kanyang crush.
“Kung
hahalikan ka ni Timmy, papayag ka?”
Halata ang pamumula
sa pisngi ni Bell. Hindi siya nakasagot. “Eh...” Iyan lang ang nasambit niya.
Naramdaman
ni John na gusto rin ito ni Bell. Minuwestrahan niya si Timmy na halikan si
Bell. Hinalikan nga ni Timmy si Bell. Ngunit sa pisngi nga lang.
Nagtext si
John kay Timmy. “Sa lips, gago! At yakap-yakapin mo!” Alam ni John na masakit
ito para sa kanya ngunit ito lang ang paraan upang masubok niya ang loyalty ni
Timmy sa kanya. Kung ibang tao lang si Timmy na hindi niya mahal at trinaydor
at sinaktan siya, baka may kinalalagyan si Timmy. Baka napatay niya ito sa
matinding galit. Ngunit hindi niya kayang gawin iyon kay Timmy. Kaya iyon ang
paraan na naisip niya.
Nang binasa
ni Timmy ang text, matulis an gbinitiwan nitong tingin kay John. Nalilito siya
sa mga pinapagawa ni John sa kanya. Ngunit minuwestrahan siya ni John na gawin
iyon.
Dahil
naramdaman ni John ang pagbugso ng adrenaline sa kanyang sistema sa maaaring
gawin ni Timmy, tinunggga niya ang isang bote ng beer. Tuloy-tuloy. At sinundan
pa ito ng dalawa pa.
Sa ipinakita
ni John ay sumagi sa isip ni Timmy na nariyan pa ang galit ni John sa kanya. At
sa isip niya ay maibsan ang galit ni John kapag ginawa niya ang utos niyang iyon.
Tinitigan ni
Timmy si Bell. Iyong titig na nagsusumamo. Nakipagtitigan din si Bell kay
Timmy. Maya-maya ay hinaplos ni Timmy ang mukha ni Bell. At iyon na... dahan-dahang
idinampi ni Timmy ang kanyang bibig sa mga labi ni Bell.
Kitang-kita
ni John ang buong pangyayari. Mistulang gumuho ang kanyang mundo at ang kanyang
puso ay sinaksak nang paulit-ulit.
Tinawag ni John
ang waitress. Tapos na raw kasi ang duty ni Susan at kasalukuyang nagbihis.
Ibinigay ni John ang bayad niya sa waitress. Tangkang tatayo na sana si John
nang bigla itong natumba. Sa sobrang kalasingan ay na outbalance siya.
Dali-daling
tinulungan siya nina Timmy at Bell si John. Eksakto ring natapos na sa
pagbibihis si Susan at tumulong din na makaupong muli si John. Ngunit sumuka na
si John sa mesa. “Uuwi na ako.” ang sambit niya.
“Okay uuwi
na kami.” Ang sambit ni Timmy kina Susan at Bell.
“Sa
apartment ako uuwi. Ihatid mo si Bell. Si Susan naman maghatid sa akin” ang
sambit ni John.
“Hindi
puwede. Hindi ka kayang buhatin ni Susan.” Ang sagot naman ni Timmy.
“Sa
apartment ako uuwi. Ihatid mo si Bell!” ang sigaw ni John.
“Lasing ka
lang, tangina!” ang galit na sagot din ni Timmy na akmang kakargahin na si
John.
Ngunit
nagwala si John nang nakitang ipiggy-back na siya ni Timmy. Itinulak niya si
Timmy dahilan upang matumba si Timmy at madaganan niya ang mesa. Gumawa ito ng
ingay. “Kapag ayoko, ayoko! Si susan ang maghatid sa akin! Samahan mo si Bell!”
Wala nang
nagawa si Timmy lalo na’t pati sina Bell at Susan ay sumang-ayon sa gusto ni
John.
Wala nang
nagawa si Timmy kundi sundin ang gusto ni John. Isinakay nila ng tricycle si
John at sumama sa kanya si Susan samanatalang si Timmy naman at Bell ay naiwan.
Binuksan ng
Tito ni John ang gate nang dang nakarating na sina John sa apartment. “Si Susan
na ang bahala sa akin, Tito. Kaya niya iyan.” ang sambit ni John nang tangkain
ng Tito niya na tulungan si Susan na alalayan siya upang makapasok ng bahay.
Kaya wala
nang nagawa ang Tito ni John. Si John naman kasi ang tunay na Boss sa apartment
na iyon. Sa kanya nakapangalan ito, at lahat ng mga gastusin, kasama na ang
pagkain ay nanggaling sa share niyang mana mula sa namatay niyang ama. Pati ang
Tito niya ay siniswelduhan lang din niya. Kaya tuloy-tuloy lang si Susan sa
loob ng apartment, hanggang sa kuwarto ni John.
“Gusto kong
punasan mo ang buong katawan ko, Susan...” ang sambit ni John nang naihiga na
siya ni Susan sa ibabaw ng kama. Iyon naman kasi ang talagang plano ni John.
Plano niya talagang magdala ng babae sa apratment sa tatlong kadahilanana. Una,
sa sobrang galit niya kay Timmy na hindi niya maipalabas ay gusto niyang
makaganti. Pagalawa, gusto niyang patunayan sa sarili na lalaki siya at naroon
pa rin ang libog niya sa babae katulad noong panahon bago pumasok si Timmy sa
kanyang buhay. Pangatlo, gusto niyang subukiin ang sarili kung kaya ba niyang
makipagtalik sa babae sa kabila ng pagmamahal niya kay Timmy.
Nagulat si
Susan sa sinabing iyon ni John. Hindi niya akalain na ang simpleng araw niya ay
mauwi sa isang pagkakataon kung saan ay hindi lang niya makilala ang matagal na
niyang crush na customer nila kundi masilayan pa ang katawan nito, sa sarili
niyang bahay at kuwarto.
“S-sure ka?”
ang tanong ni Susan.
“B-bakit?
Ayaw mo ba akong tulungan?”
“H-hindi
naman sa ganoon...”
“So...”
“Okay,
okay...” ang pag-aalangang sagot ni Susan.
“Magpatulong
ka lang kay Tito na magpakulo ng tubig sa kusina... O may hot water pala sa
shower, kuha ka lang ng palanggana sa kusina.” Nang lalabas na sana si Susan sa
kuwarto, “Salamat ah... at pasensya na ginawa kitang alila.” Ang sambit ni John
kay Susan.
Ngiti lang
ang isinukli ni Susan sa kanya. Sa kaloob-looban niya ay may kilig siyang
nadarama. Tumuloy na siya sa kusina.
Nang nakabalik
na ngkuwarto si Susan, dala-dala na niya ang palanggana at labakara. Dumeretso
siya sa paliguan at binuksan ang shower. Doon siya nag-igib ng tubig atsaka
bumalik sa kama ni John.
Inilatag ni
Susan ang palangganang may maligamgam na tubig sa ibabaw ng maliit na mesa na
inilagay niya sa gilid ng kama. Pagkatapos ay nilapitan niya ang nakahigang si
John.
Malakas ang
kabog ng dibdib ni Susan nang sinimulan niyang tanggalin at hilahin ang damit
ni John. Ngunit doon siya nanginginig nang binuksan na niya ang zipper ng
pantalon ni John, tila nakoryente siya sa nakitang bukol sa puting brief ni
John.
Ngunit hindi
niya ipinahalatang naapektuhan siya. Habang hinila niya pababa ang pantalon ni
John, idinaan niya ito sa pagkukuwento. “Ang yaman-yaman niyo pala...” ang
sambit ni Susan.
“Ang daddy
ko ang mayaman. Swerte lang na mayaman ang ang naging na daddy ko. Siguro
mahirap din ang aking ama, mahirap din an gbuhay ko. Pero ang gusto ko talagang
yaman ay iyong pinaghirapan ko. Iyan ang target ko sa buhay.”
“Hindi
malabo iyan sa iyo.” Ang sambit uli ni Susan. Natanggal na ang pantalon ni
John. Mismong brief na lang ang natira.
Tahimik.
“Ayaw mo
bang tanggalin ang brief ko?” ang tanong ni John.
Tila
nabilaukan si Susan sa narinig. Hindi agad siya nakasagot. “Eh... huwag na.
Okay na iyan.” Ang sagot ni Susan sabay lihis sa topic. “C-close talaga kayo ni
Timmy, no?” ang tanong niya habang kinuha ang labakara, binasa iyon at
sinimulang punasan ang mukha ni John pababa sa kanyang leeg.
Hindi
nakasagot agad si John. Tila may isang sibat na tumusok sa kanyang puso sa
pagkarinig sa pangalan ni Timmy. “Sobra...” ang naisagot lang niya.
“Magkamag-anak
ba kayo? O magkaibigan lang?”
“Magkapatid...
mas higit pa sa magkapatid.”
“Ah... Sabagay
magkahawig talaga ang mukha ninyo. Parehong matangkad, parehong guwapo.
Maswerte ang mga babaeng mamahalin ninyo.
“Uhmmm” Iyon
na ang huling salita ni John. Nakatulog na siya.
Kakausapin
pa sana siya ni Susan ngunit nang nakita ni Susan na nakapikit na ang mga mata
ni John at hindi na nagsalita, hindi na siya nag-ingay pa. Tinapos na lang niya
ang pagpunas sa katawan ni John at nang matapos ay sandaling tumayo sa gilid ng
kama at buong paghangang pinagmasdan niya ang hubad at matipunong katawan ni
John. Hindi niya maiwasang hindi mapahanga sa ganda at kinis nito. At nang
itinutok pa niya ang kanyang mga mata sa umbok ni John, may init siyang
nadarama sa kanyang katawan.
Tinakpan ni
Susan ng kumot ang katawan ni John atsaka muling dinampot ang palangganang may
lamang tubig at dinala iyon sa kanilang banyo. Nang bumalik siya sa kuwarto ay
nakita niyang himbing na himbing na si John. Kaya nagpaalam na lang siya sa
Tito ni John at umuwi na.
Ang totoo,
hindi talaga tulog si John. Sinadya niyang magtulog-tulugan dahil nadarama
niyang hindi pa rin pala niya kayang pagtaksilan si Timmy. Sobrang mahal niya
iyong tao na kahit sa harap ng tukso ay mas nangingibabaw pa rin sa utak niya
ang pagmamahal niya. Pumapasok sa isip niya ang mukha ni Timmy, ang mga magagandang
alaala at samahan nila.
Nang
nakalabas na si Susan, doon na ni John pinagsusuntok ang dingding ng kanyang
kuwarto.
Samantala, dahil wala sa mood na umuwi si Timmy sa
bukid, nakipamasyal na lang siya kasama si Bell. Naglakad sila patungo sa downtown.
Nagkuwentuhan. “Pasensya na, Bell, nadamay ka sa init ng ulo ni John.” Ang
sambit ni Timmy habang nakupo sila sa isang bangko sa central plaza.
“Okay lang iyan…” ang sagot naman ni Bell.
Tahimik.
“Uhm… k-kung gusto mong mapag-isa, Timmy, aalis na lang ako, baka
naka-istrobo ako sa iyo.” Ang sambit ni Bell nang mapansin niyang sobrang
lungkot ni Timmy at hindi siya nakikipag-usap sa kanya.
Biglang napa-angat ang mukha ni Timmy at tiningnan niya si Bell. “Hindi
ah! Okay lang sa akin na nandito ka.”
“Talaga? So puwedeng mag-usap tayo?”
“Oo naman.”
“Kung ganoon, puwede ba akong magtanong?”
“Okay lang.”
“S-single ka pa ba? O may kasintahan na?” ang tanong ni Bell.
Mistulang may bumatok sa ulo ni Timmy sa narinig na
tanong. Hindi siya nakasagot agad. Naisip niya na kung sasabihin niyang mayroon
na, baka tanungin siya kung sino. At kung hindi naman, baka isipin ni Bell na may
gusto siya sa kanya, lalo na’t naghalikan na sila. “Ah… mayroon na.” ang sagot
niya.
“Ay talaga?”
Tumango si Timmy. “Oo…”
“Pero kung mayroon na, ba’t hindi mo siya kasama? Sabi ni Susan, wala
raw siyang nakitang kasama mong babae kapag dumadaan kayo sa restaurant nila.
Kung hindi barkada ang kasama mo, si John lang.”
“Eh… s-sikreto lang kasi ang relasyon namin.”
“Sikreto? Bakit sikreto? Ang sakit naman noon. Di ba kung mahal mo
talaga ang isang tao, proud kang iladlad ito sa lahat na hayan, kasintahan mo
siya, mahal mo siya at mahal ka rin niya?”
Mistulang nabilaukan na naman si Timmy sa sinabi ni Bell. Hindi
nakasagot agad.
“Ikaw ba ang ayaw na ilantad ang relasyon ninyo? O siya?”
“Ah… I mean, alam ng mga barkada namin na kami nga, at ang ibang mga
estudyante sa unibersidad ay may alam na rin siguro pero walang confirmation galing
sa amin. Iyong haka-haka lang, iyong nagdududa lang, iyong tsinitsismis na
ganoon. Pero iyong ilalantad namin ang relasyon namin, hindi.” Ang dugtong ni
Timmy.
“Ay bakit naman?”
“Hindi pa kami handa siguro...”
“Para sa akin kasi, kapag magkasintahan na talaga
kayo, sa punto pa lang na iyon ay handa na kayo. Iyong iba nga d’yan, kapag
sinagot na sila sa babaeng nililigawan, nagtatalon sila sa saya, ipagsigawan sa
buong mundo na magkasintahan na sila. Ang sarap kaya ng pakiramdam kapag ganoon.
Iyong proud na proud sa iyo ang kasintahan mo. Iyong taas-noo na masasabi mo sa
ibang tao na, ‘Hoy! Akin siya, at ako ang mahal niya!’ Mahirap kasi ang patago
eh... kung sa akin mangyari iyan na may boyfriend ako, tapos hayun may kasamang
iba at dahil hindi naman kasi officially na kami, parang nakakahiyang sumingit
at sasabihin doon sa babae na, ‘Boyfriend ko iyan, Miss!’ Ang sakit kaya.”
Hindi nakasagot si Timmy. Sa isip niya ay may punto si
Bell. Pero may excuse din siya sa isip niya. Iyong usual na magkasintahan ang
tinutukoy ni Bell, hindi iyong katulad sa relasyon nila ni John na lalaki sa
lalaki. Wala siyang kaalam-alam sa tunay na sitwasyon niya..
“Alam mo, kung ako ang kasintahan mo, masasaktan ako
kapag hindi ako ipnakilala sa mga tao na ako ang kasintahan mo. Para ka na ring
idini-deny eh. Parang ikinahihiya ka. Parang… ewan. Basta masakit. Parang hindi
ka niya mahal.”
Hindi nakaimik si Timmy. Totoo naman kasi ang sinabi
ni Bell. Bagamat suportado ang relasyon nina Timmy at John ng mga barkada nila,
hindi nila kayang ibunyag ito sa buong unibersidad. Kung tanggap sila sa dati
nilang eskuwelahan sa high school, hindi nila alam kung ganoon din ba ka open
sa kanilang unibersidad.
“So… hindi kayo puwedeng maghalikan talaga sa public?” ang dugtong ni
Bell
Umiling si Timmy.
“Mas masuwerte pa pala ako dahil hinalikan mo ako sa gitna ng maraming
tao sa restaurant?” ang nakangiting sambit ni Bell.
Tumango uli si Timmy.
“Wow!” ang sambit ni Bell na ang pakiramdam ay mistulang nanalo ng
lotto.
Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti.
“Mamasyal na lang tayo sa mall!” ang pag-anyaya ni Bell.
Tumayo silang dalawa habang naka-abresyete si Bell sa
bisig ni Timmy. Tinumbok nila ang malapit na mall. Kung may makakakita sa
kanilang ayos habang naglalakad at tumingin-tingin ng mga paninda sa loob ng
mall, hindi maiwasang sabihing magkasintahan sila. At habang ganoong namamasyal
sila, kinuwento naman ni Bell ang buhay niya kay Timmy. Kaya kinuwento na rin
ni Timmy ang buhay niya. At doon ay nakaramdam ng pagkaawa si Bell kay Timmy.
KINABUKASAN sa eskuwelahan…
“Bakit??? Anong mayroon? Bat ganyan kayo kung
makatingin?” ang tanong ni Timmy nang habang ang buong barkada ay nakaupo sa
student center at pinaligiran siya, lahat sila ay nakatitig sa kanya, iyong
titig na may pagtatanong.
Hindi sila sumagot. Nanatilign nakatitig silang lahat sa kanya.
“Woi! Guwapo lang ako. Mukhang celebrity. Pero kung
type ninyo ako, sorry, may nanirahan na sa puso ko..” ang pabirong sambit ni
Timmy.
“Wee? Ilan ba silang nanirahan sa puso mo?” ang tanong ni Joy.
“Oo nga ilan ba sila?” ang pagsegunda naman ng ibang barkada.
Hindi makasagot agad ni Timmy. Napangiwi siyng tiningnan ang barkada.
“Bakit?”
“Bakit? Tingnan mo iyan…” sabay turo ni Joy sa
kinaroroonan ni John na nakaupong mag-isa sa isang sulok.
Tiningnan ni Timmy ang kinaroroonan ni John. Nakita
niyang malungkot ang mukha ni John at malalim ang iniisip.
“At bakit nakita ka nina Fe at Jane na may kasamang magandang
babae sa mall kahapon na naka abresyete pa sa iyo?” ang dugtong pa ni Joy.
“Sino iyon???”
Napakamot ng ulo si Timmy. Saka naman nagring ang
kanyang cp. Si Bell ang tumawag.
“Hello Bell… okay naman ako.” “Ikaw?” “Sorry hindi na
kita natawagan kagabi.” “Ganoon ba? Mabuti naman.” “Nasa school ka na? Ako rin.
Kumain ka na? Ingat… Huwag magpagutom ah!” ang mga narinig na sagot ni Timmy sa
tawag ni Bell.
Ginagagad naman ni Joy ang pagsasalita ni Timmy sa
kanyang cp. Nang natapos na ang pag-uusap nila ni Timmy, tumango-tango ang
barkada na tila alam na kung sino ang babaeng iyon at kung kaya ay nag-alburuto
si John.
“Bell pala ha?” ang sarkastikong sambit ni Jeff.
“Woi! Marumi ang mga nasa isip ninyo ah! Hindi ganyan!”
“Ano ba ang mayroon ang babaeng iyon na wala si Hang?”
ang pagsingit ni Daniel.
Nagtitinginan ang mga barkada kay Daniel na agad na binatukan
ni Jeff sabay sabing, “Syempre pay ganoon iyon, pagmuwestra niya sa kanyang
kamay sa kanyang harapan, pagpahiwatig na may pagkababae iyon, at pagkatapos ay
sa kanyang dibdib naman, na pagpahiwatig na may boobs.
Nagtatawanan ang mga lalaki. “Aw doon na tayo sa
babae!” ang sambit nila habang nagtatawanan.
Agad naman silang pinagpapalo ng mga notebooks ng mga
babae. “Mga salawahan! Mga walang puso!”
“Mali nga iyang nasa isip ninyo eh!” ang giit pa ni
Timmy.
“Puwes, Mr. Timmy Suarez, explain it to us. Makikinig
kami!”
“Haist! Bahala na nga kayo!” ang padabog na sambit ni
Timmy habang nag-walk out, tinungo ang likuran ng building kung saan naroon ang
malaking lawn at botanical ng unibersidad. Naupo siya sa lilim ng isang puno.
Sinundan siya ni Joy.
Doon na sinabi ni Timmy ang lahat kay Joy, na
nagsimula ang lahat sa kaso ni Ian, tapos nagalit si John kaya kung anu-ano ang
ginagawa sa restaurant na iyon.
“May babaeng dinala rin si Hang sa apartment niya?”
Tumango si Timmy.
“So kaya ka gumanti?”
“Hindi Joy… si John ang tumawag kay Bell na maging
kapartner ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Tapos nang umuwi na si
John sa apartment niya, napilitan akong magpalamig muna ng ulo at mamasyal
dahil sa sama ng loob ko. Sinamahan ako ni Bell. Doon ko nakitang mabait si
Bell. Naintindihan niya ako. Pinapayuhan niya ako. Kagaya mo, mabait,
maalalahanin. Paano mo iiwasan ang ganoong klaseng tao, di ba? Ikaw nga, heto,
kapag wala ka sa grupo, namimiss ka namin, lalo na ako. Ganoon di ang nararamdaman
ko kay Bell. Ramdam ko ang kagandahang-loob niya.”
“Hmmm. Touched naman ako at the same time, selos… Joke!” sabay tawa.
“Huwag kang magselos, Joy. Ikaw pa rin ang number one
loyal na member at friend ng grupo, ang numero unong nagpapasaya ng buhay namin.
Hindi ka na mabubura sa aming isip. Palagi ka na naming hahanap-hanapin. Lalo
na ako.”
“Ayiii! Salamat.” Ang sagot ni Joy na touched sa
sinabi ni Timmy. “Pero…” nahinto si Joy, igunuri-guri ang hintuturo niya sa
kanyang bibig. “…itong Ian na ito ay tila may isang malaking talinghaga.
Hahanapin ko kung saan nanggaling ang tigas ng apog niya na sirain ang relasyon
ni ninyo ni Hang.”
“Hayaan mo na lang siya, Joy. Hindi na rin naman ako
sasama sa kanya eh.”
“Hindi puwede. Dapat ay mapatunayan natin kung
intentional ba iyong ginawa niya o talaga lang isa siya sa mga nabighani sa
taglay mong alindog.” Sabay tawa.
Natawa na rin si Timmy.
“In the meantime, suyuin mo na si Hang, please…
magsorry ka.”
“Oo. Gagawin ko iyon.” Ang sagot ni Timmy.
Nang pumasok na si Timmy sa loob ng klase, narooon si
John na nakaupo sa likuran ng upuan niya. Nakasubsob ang ulo ni John sa kanyang
desk. Tahimik na inilagay ni Timmy sa ibabaw ng desk ni John ang dalang isang
karton ng buko pie, ang paborito ni John atsaka tahimik din siyang umupo
sa kanyang silya.
Nang dumating na ang kanilang guro, saka inangat ni
John ang kanyang ulo at umupo ng tuwid.
Nilingon ni Timmy si John na kasalukuyang tiningnan
ang nakaplastic na box ng buko pie. Nang nagsalubong ang kanilang mga mata,
kinindatan ni Timmy si John at nginitian.
Ngunit hindi siya pinansin ni John. Biglang ibinaling
ni John ang kanyang tingin patungo sa harapan ng silid-aralan kung saan ay
kasalukuyang nakaupo ang guro sa harap ng kanyang mesa. Hindi niya pinansin si
Timmy at hindi rin niya ginalaw ang box ng buko pie. Sa isip ni John ay
masyadong malalim ang hinanakit niya kay Timmy upang tutumbasan lamang at
mapapawi sa isang karton na buko pie...
(Itutuloy)

haha talipandas din si ian ehh ... siguro inutasan siya ni julie. . lols... pero nakaka awa din si ian... kung gaano ang nanyari sa kanya... i hope tokhang parin forever
ReplyDeleteKawawa si Ian kung totoo na boytoy xa.
ReplyDelete