By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
Ang
Gunting At Ang Itak
Lumabas sila sa opisina ng Dean na hindi na umimik si
Timmy kay John. Bakas sa mukha ni Timmy ang inis niya kay John.
Halos wala nang estudyante sa student center kung saan
isinaos ang fund-raising activity ng club. Malinis na rin ang lugar at wala
nang bakas na ginamit ito sa “Crush Wedding” activity. Maliban sa mga barkada
nina Timmy at John na naghintay sa kanila, nagsiuwian na ang lahat.
“Anong nangyari, Tok?” ang tanong ng barkada nang nasa
labas na sila.
“Itanong ninyo sa kanya.” Ang turo ni Timmy kay John
habang dumeretsong umupo sa isang bangko, hindi maipinta ang mukha.
“Anong nangrari, Tok?”
“Wala naman. Tinanong lang kami kung kami nga iyon at
ang sabi namin ay hindi kami iyon. Kaya okay lang ito. Huwag kayong mag-alala”
Ang sagot ni John.
Doon na sumingit si Timmy. “Anong wala? I-expel daw
niya tayo sa unibersidad na ito? Wala iyan para sa iyo?” ang sambit ni Timmy na
tumaas ang boses.
“Tok... alam kong malulusutan. Cool ka lang.
Malulusutan din natin ito. Kaya natin ito.”
“Anong kaya ang pinagsasabi mo? Buo ang paniniwala ng
Dean na tayo ang nasa video. Paano natin makumbinsi iyon na hindi nga tayo
iyon? Palibhasa ay wala lang para sa iyo ang bagay na ito dahil sanay kang
ma-expel sa klase! Idadamay mo pa ako!”
Nilapitan ni John si Timmy at tumabi siya sa pag-upo.
“Tok... ako ang gagwa ng paraan. Huwag kang mag-alala, okay?”
Tinitigan ni Timmy si John. Iyong titig na matulis.
“Fuck you!” ang sambit niya sabay tayo, dimabpot ang kanyang bag at
derederetsong naglakad patungo sa gate.
Halos matulala si John sa inastang iyon ni Timmy.
Ganoon din ang barkada. “Pare, sundan mo si Timmy. Suyuin mo, pare. Basta,
tandaan ninyo palagi, narito lang kami. Full support kami sa inyo. Kung i-expel
kayo ng Dean, kahit magrally pa kami, ang buong first year ay hikayarin namin
na magrally para suporta sa inyo, gagawin namin iyan.” Ang sabi ni Jeff.
“Salamat pare.” Ang sagot ni John sabay takbo at
hinabol si Timmy.
Nag-alala ang grupo sa nangyari kina Timmy at John.
Nabahala sila na baka i-expel sina John at Timmy o di kaya ay hindi na
tatnggapin sa sunod na enrolment. Huling linggo na kasi iyon sa kanilang klase,
final exams, at ilang araw na lang at matatapos na ang linggo na iyon.
“Hindi ko matanggap na ma expel sila sa eskuwelahan na
ito” “Ayokong mawala sila sa grupo natin” “Parang walang buhay ang Freshmen
kapag wala sila” “Gagawa tayo ng paraan para tulungan sila kung sakaling
i-expel talaga sila.” “Demonyo talaga kung sino man iyong nagpalabas at
nagrecord ng video na iyon.” “Teka, sino naman kaya iyong nasa video kung hindi
nga sina Tok ang Hang iyon?” “At iyang bagong Dean natin, bakit naman ang bilis
niyang magdecide. Di ba dapat ay mag imbistiga muna siya? Bakit sina Tok at
Hang ang kaagad ang judgment niya?” “Parang may bias iyang bagong Dean natin
ah! Dati ko nang napansin iyan. Istrikto at parang wala sa lugar ang
pagka-istrikto.” “Bata pa kasi iyang Dean kaya kulang pa sa karanasan sa
paghandle ng mga ganitong problema.”
Iyan ang mga pinag-uusapan ng grupo habang umuwi na
sina Timmy at John. Nabahala sila, at nagkaisa na suportahan ang dalawa kung
sakaling matuloy ang pag expel sa kanila.
“Tok! Hintayin mo ako!”
Ngunit hindi siya pinansin ni Timmy. Tuloy-tuloy lang
siya sa kanyang paglalakad. Hinabol pa rin siya ni John at nang maabutan ay
hinawakan sa kamay.
“Huwag mo nga akong hawakan!” ang bulyaw ni Timmy.
“Alam nang tayo ang tinutukoy sa video, dikit nang dikit ka pa rin sa akin?”
“Tok naman... Hayaan mo na nga lang ang mga tao.
Masasanay din lang iyan sila. Huwag mo nang pansinin.”
“Sanay? Masasanay tayo sa scandal?”
“Tok... pag wala tayong kasalanan, hindi tayo dapat
feeling guilty.”
“Kahit wala tayong kasalanan, eh tayo ang tinuturo eh!
Sa atin ipinapataw ang guilt! Naintindihan mo?”
“Kaya nga gagawa ako ng paraan eh.”
“Gawin mo muna iyang paraan mo. At kung epektibo iyang
paraan mo, saka mo na ako lalandiin sa publiko!”
Iyan ang mga argumento ng dalawa. Hanggang sa narating
nila ang bahay kung saan ipinakisuyo nila si Tokhang.
Umangkas si Timmy sa kabayo. At nang aangkas na sana
si John, “Ako na lang ang uuwi sa bukid. Sa apartment mo na lang ikaw matulog.
Salamat sa paghatid mo sa akin.” Ang sambit ni Timmy sabay patakbo nang
mabilisan kay Tokhang.
Naiwang nakatayo na lang si John sa di inaasahang
pag-iwan sa kanya ni Timmy.
Nang nakarating na si Timmy sa bahay niya, itinali
niya si Tokhang atsaka pumasok ng bahay. Ngunit maya-maya lang ay biglang
bumukas ang pinto. Nang lumantad kung sino ang taong pumasok, si John.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Dito ako matutulog?”
“Tangina! Di ba sabi kong huwag muna tayo magsama?
Mahirap bang intindihain iyan?”
“Tok naman... pati ba naman dito ay takot ka pa rin?
Kanino ka takot? Wala namang tao rito, maliban sa dalawang security guard na
nasa kabilang kubo.”
“O sige kung gusto mo talaga rito matulog, ako na ang
matulog sa apartment mo.” Ang sagot ni Timmy na dali-daling kinuha ang kanyang
bag at tinumbok ang pintuan.
“Tok, please... Huwag ka namang ganyan. Tok...” ang
pagmamakaawa pa ni John.
Ngunit nagpatuloy lang si Timmy. At dahil naramdaman
ni John na hindi na talaga magbago ang desisyon ni Timmy, hinabol niya ito. “O
sige, ako na angaalis. D’yan ka na lang. Kung iyan ang gusto mo, okay lang.”
ang sambit ni John at nagtatakbong bumaba ng bukid.
Bumalik si Timmy sa loob ng bahay niya. Naghanda ng
hapunan at nang matapos ay binuklat niya ang kanyang mga libro at notebook.
Finals nila kasi sa linggong iyon. Pagkatapos niyang mag-aral, akmang matutulog
na sana siya nang madayo ang kanyang pangin sa may bintana. At doon ay nakita
niyang may gumagawa ng bonfire sa may pampang ng ilog.
Agad siyang lumabas. Doon na naman siya nainis dahil
si John ang nakita niya, nakadapa sa damuhan at nagbabasa ng libro gamit lamang
ang ilaw na nanggaling sa ginawang bonfire.
Habang nakatayo si Timmy sa may ulohan ni John,
nag-iinosentehan naman si John na kunyari ay hindi niya napansin si Timmy.
Patuloy lang ang kanyang pagbabasa sa libro. At upang mapansin niya si Timmy,
bahagyang tinadyakan ni Timmy ang libro ni John.
Inangat ni John ang kanyang ulo. Walang reaksyon sa
kanyang mukha na tiningnan si Timmy. Hindi siya nagsalita.
“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong ni Timmy.
“Nag-aaral. Di ba may finals tayo bukas?”
“Ang ibig kong sabihin a bakit ka bumalik dito sa
bukid, tanga!”
“Bakit? Wala naman ako sa bahay mo ah!”
“Wala ka sa bahay ko pero lupa ko ito!”
“Oo. Lupa mo ito pero may dalawa akong security guards
na nagbabantay rito. Binantayan ko sila.”
“Ah ganoon. Pwes iyong security guard mo at ikaw,
umalis na kayo rito ha?”
“Bayaran mo muna ang pasuweldo nila...”
Doon na natameme si Timmy.
“Ano? Kahit katawan mo ang ibayad mo sa akin,
pagtiyagaan ko iyan.”
Biglang napangiti si Timmy sa biro ni John. Ngunit
agad din siyang sumimangot.
“Tok... seryoso. Ikaw naman talaga ang gusto kong
bantayan, eh. Ayokong nag-iisa ka rito. Ganyan kita kamahal.”
Na-touched si Timmy sa sinabing iyon ni John. Ngunit
ayaw pa rin niyang ipahalata ito. Nanatili siyang nakatayo at nakasimangot.
“Ewan ko sa iyo.” Sabay talikod at tinumbok ang bahay niya.
Dali-daling tumayo si John. “So papayag ka nang d’yan
ako sa iyo matutulog?”
“Ano pa bang magagawa ko, tarantado!” ang sagot ni
Timmy. Gabi na rin kasi. Alam ni Timmy na delikado ang maglakad pabalik sa
bayan sa ganoon kadilim na oras.
Tuwang-tuwa naman si John na umubra ang kanyang drama.
Nagtatalon habang palihim na sumigaw sa sarili ng “Yesss!”. Dali-dali niyang
pinulot ang kanyang mga notebooks at libro atsaka nagtatkbong hinabol si Timmy.
Kaya iyon, nagtabi silang muli sa pagtulog bagamat may
isang buong kawayan na inilagay si Timmy sa gitna ng kanilang higaan.
Ngunit syempre, alam naman ninyo si John kung gaano
kasigasig at kapilyo. Biglang nawala ang harang na kawayan kinabukasan nang
magising si Timmy. At hindi niya lubos maisip kung bakit nang magising siya
kinabukasan ay wala na siyang saplot sa katawan. Nang tiningnan niya ang sahig,
nagkalat ang kanyang t-shirt, short at brief. At ang lahat ay nagkalasog-lasog
na. Ginunting pala ito ni John habang tulog siya upang hindi siya mahirapang
tanggalin at hindi magising si Timmy dahil sa kabulastugang pinaggagawa niya
habang tulog si Timmy.
“Johhhhhhnnn! Nasaan ka! Tangina mo, ba’t mo tinabas
ang saplot ko! Putangina! Putanginnnnnaaaa!!!” ang sigaw ni Timmy habang
lumabas ng kuwarto na hubo’t-hubad pa rin.
Pero in fairness sa ating bida, nakapaghanda na siya
ng agahan at nakalagay na ang lahat ng pagkain sa mesa. May piniritong itlog,
may inihaw na talong, may bagoong sa isang plato na may hiniwang lemonsito, at
may paksiw.
“Anong nangyari, Tok?” ang painosente pang tanong ni
John.
“Anong nangyari? Bakit mo ginunting ang mga damit ko?”
“Ah... nagunting ba? Di ko napansin ‘yan ah!”
At dahil sa sagot na iyon ni John, dali-daling tinungo
ni Timmy ang lagayan ng itak at galit na galit na binalikan si John. Ngunit
nakatakbo na ang ating bida. Naghabulan sila sa malawak na bukid. Nasa unahan
si John at salikuran naman niya si Timmy na hubo’t-hubad at hawak-hawak pa ang
itak.
“Tok! Maghunos-dili ka, Tok! Makapatay ka! Makulong
ka, Tok!!!”
“Okay lang makulong basta ma-itak kitang hayop ka!!!”
ang galit na galit na sagot ni Timmy.
Nahinto lang si Timmy sa paghabol kay John nang nakita
niyang nakatingin ang dalawang guwardiya sa kanila at nagtatawanan. Bumalik si
Timmy sa bahay at kumain sa pagkain na inihanda ni John. Sa ibabaw naman ng
mesa ay inilatag niya ang itak samantalagn si John ay nasa pintuan lang ng
bahay nagmamasid kay Timmy habang kumakain. At nagmamakaawa. “Sabay na tayong
kumain, Tok!”
Ngunit pinapakitaan siya ni Timmy sa itak kaya hindi
siya makalapit.
Nang matapos nang kumain si Timmy, bumalik siya sa
kuwarto at kinuha ang tuwalya. Dumeretso sa kanilang paliguan. Doon na nakakuha
ng tiyempo si John. Nagmamadali siyang kumain at nang matapos ay hinugasan at
iniligpit niya ang kainan. Ang itak naman na naiwan ni Timmy sa ibabaw ng mesa
ay itinago niya.
Dali-dali siyang tumungo sa kanilang kuwarto at
simbilis din na nagbihis. Pagkatapos ay nauna siyang lumabas ng bahay, at
sumakay kay Tokhang habang hinihintay si Timmy.
Nang nakalabas na si Timmy. Doon na naman nagsimula
ang kanilang away. Nang makita ni Timmy na nakasakay na si John sa likod ng
kabayo, dumeretso na si Timmy sa daanan at akmang maglakad na lang.
Sinundan siya ni John na nakasakay sa kabayo. “Tok
halika na.” ang sambit ni John.
“Sumakay kang mag-isa mo! Maglakad na lang ako.”
“Sige na Tok, please. Mali-late ka na. Finals pa naman
ngayon.”
“Kaya ko pa.” ang sagot naman ni Timmy.
Ngunit hinarangan ni John ang daanan Timmy. “Sakay na
Tok.” Ang sambit niya sabay bigay ng utos sa kabayo na dumapa. Na-train kasi ni
John si Tokhang ng mga tircks. At isa ang pagdapa upang makasakay sila sa
ibabaw ng kabayo.
Nang dumapa ang kabayo, ayaw pa ring sumakay ni Timmy.
Kaya si John ang bumaba. “Ikaw na ang sumakay, maglakad na lang ako.” Ang sabi
niya.
Kaya sumakay si Timmy sa ibabaw ng kabayo. Nang
pinatakbo na ni Timmy si Tokhang at malayo-layo na, inutusan uli ni John ang
kabayo na dumapa. Huminto si Tokhang at dumapa. Doon na nagtatakbo si John at
sumakay sa ikuran ni Timmy. “Mali-late na ako, Tok... ayaw mo bang pumasa ako
sa test?” ang pangongonsyensya ni John.
Kaya wala nang nagawa si Timmy kundi pasakayin na rin
si John kay Tokhang.
Sa pagdating nila sa eskuwelahan ay may nababasa na
silang mga posts sa kanilang bulletin boards.
“List of prohibited acts inside the Business
Management Department: Loitering, Littering, Smoking, Cheating during tests,
Illegal drugs, Non-wearing of uniforms, HOMOSEXUALITY and HOMOSEXUAL ACTS.”
In upper case pa talaga ang homosexuality. Tapos ay
may mga posting din na quotes mula sa Bibliya tungkol sa kabaklaan.
Kaya lalong nagkaroong ng tensyon ang Business
Management Department. Tumaas ang kilay ng iba, ang iba naman, iyong may sarado
ang isip ay natuwa, sinisisi ang ang sex scandal na nag-viral sa campus.
At syempre, nang dumating sina Timmy at John sa
eskuwelahan, maraming nagtitinginang estudyante sa kanila. Ang iba ay halatang
nagbubulungan, hinuhusgahan ang dalawa.
Syempre, uncomfortale iyon para kay Timmy. Sa sarili
niya ay gusto na niyang matapos ang araw at makauwi na uwi ng bahay. Ngunit
para kay John na confident sa sarili, walang pakialam sa impression ng mga tao
sa kanya, parang wala lang nangyari at walang pagbabago. Dating gawi pa rin.
Gusto rin niyang ipakita kay Timmy na hayan, okay lang. Lahat ng tao ay
dumaranas ng “ups and downs” at ito ay normal lamang.
Okay naman ang takbo ng kanilang test sa eskuwelahan.
Ngunit dahil nga sa bagong posts sa bulletinboard, nanumbalik ang inis ni Timmy
kay John. Hindi niya kinikibo ito at hindi siya lumalapit sa kanya.
Si John naman, dahil hindi siya kinakausap ni Timmy,
ipinadadaan ang kanyang pakikipag-usap sa barkada nila. Kahit nariyan lang si
Timmy sa harap ni John. “Pare, sabihin mo nga sa katabi mo na nakaharang siya
sa black board, hindi ko makita ang nakasulat.”
Tapos ire-relay naman ng barkada nila, “Pare,
nahakarang ka raw.”
Pag nasa canteen naman sila, naguumpukan. “Joy
pakisabi nga d’yan sa katabi mo kung anong sandwich gusto niya, tuna ba or
chicken sandwich?”
Tapos i-relay naman ni Joy, “Tok, chicken sandwich ba
or tuna?”
Sasagot naman si Timmy. “Sabihin mo sa kanya na hindi
na ako nagutom!”
Ngunit si Timmy, iba naman kapag gusto niyang kausapin
si John. Ang style niya ay magdadabog. Magparinig. “Sino kayang tanginang
kumuha ng eraser ko! Wala sa bag ko ang hayop na eraser na iyon!”
Syempre mabulabog ang mga katabi at lilingon kay John.
Bubulong. “Nawala raw iyong hayop na eraser niya.”
Sasagot naman si John, “Sabihin mo sa kanya na nandito
sa akin.”
I-relay naman kay Timmy. “Na kay John daw.”
Magdadabog si Timmy. “Bakit naman iyan iba d’yan kapag
gagamitin ang gamit ko hindi marunong magsauli! Okay lang kung gamitin. Isoli
lang pagkatapos! Lintek na...!!!”
Lilingon uli ang katabi kay John. “Isoli mo raw iyong
eraser...”
Sasagot naman si John, “Sabihin mo sa kanya na kunin
sa akin.”
I-relay kay Timmy, “Kunin mo raw sa kanya.”
Magdadabog si Timmy. “Ibigay na kung ibigay! Putragis
na tanginang eraser na yan!”
Lilingon kay John ang katabi, “Ibigay mo na raw.”
Sasagutin ni John ang katabi ni Timmy, “Hayan, ibigay
mo sa kanya.” Sabay abot sa eraser.
Kunin ng katabi ni Timmy ang eraser mula kay John at
ibigay iyon kay Timmy.
Nakakatawa. Para silang mga gago. Nakaka-pressure para
sa mga barkada nila. Pero naintindihan naman sila. Inisip lang ng mga barkada
nila na mahirap ang kalagayan ng dalawa at lilipas din iyon.
Natapos ang semester na ikinatuwa nilang dalawa. Dahil
wala pa namang balita sa parusa para sa kanila, kampante na silang makapag-enrol
pa rin sa school.
Sa semestral break ay naisipan ni John na magbakasyon
sila ni Timmy sa Baguio, sa kanilang bahay doon. Gusto niyang magrelax sina
Timmy at mag unwind.
Napapayag naman niya si Timmy. Ito ay dahil kampante
silang hindi sila ma expel sa unibersidad. Kaya naibsan ang kaba ni Timmy at
humupa rin ang galit niya kay John.
Natuloy ang pagbabakasyon nila sa Baguio. Kung gaano
ka pressured sila sa mga araw ng klase, lalo na sa pagtatapos ng semester,
kabaligtaran naman ang expereince nila sa Baguio.
“Simula nag 14 years old pa lang ako, ngayon lang ako
nakabalik rito... este iyong nsuspended pala ako noong high school tayo,
remember, noong binalian ko ng tadyang si Enchong? Iyon pa lang ang pagbalik ko
rito sa Baguio. Tapos ngayon.”
“Oo natandaan ko. At mas masaya ka naman noong unang pagbalik
mo rito dahil kasama mo naman ang mahal mong si Yeng, di ba?” ang sagot ni
Timmy.
“Mas masaya ako ngayon. Kasama ko ang love ko.”
“Bola! Alam ko, mas love mo si Yeng.”
“Nagseselos!”
“Hindi ako nagseselos ah! Sinabi ko lang na mas mahal
mo iyon.”
“Ang cute mo talaga kapag nagselos, Tok. Nalilibugan
ako.”
Tumawa lang si Timmy. Pero nagparaya rin siya. Mahal
naman talaga niya si John. At alam niyang hindi mapantayan ang pagmamahal ni
John sa kahit kanino. Wala na siyang mahanap pang iba. Kahit sa babae, ramdam
ni Timmy na hindi ganoon katindi ang pag-aalaga ng babae sa kanya... dahil siya
ang ginagawang babae ni John. Palaging nagpaparaya si John, palaging siya ang
inuuna, iniintindi.
Hapon nang maisipan nilang mamasyal sa Burnham Park. Inikot
nila ang buong park at nang mapagod ay nag boating. Enjoy na enjoy sila sa
pagbo-boating nang biglang tinapik ni Timmy si John. “Si Dr. Sto. Tomas!” sabay turo sa isang bahagi ng park kung saan ay
may mga taong naka-upo lang at nakatingin sa mga nagbo-boating. May kasama
siyang mga teenagers na mga babae at lalaki.
Tiningnan ni John ang direksyon na tinuro ni Timmy. Nakita
nga niya roon ang Dean nila na si Dr. Sto. Tomas. Nang tumingin sa kanila ang
Dean, kumaway si John. Ngunit hindi ito gumanti. Kaya kumaway uli si John, pati
na rin si Timmy. Ngunit hindi pa rin sila pinansin. Hanggang sa tumalikod na
sila at naglakad palayo.
“Baka hindi siya iyon, Tok!” ang sambit ni John.
“Parang siya naman talaga iyon eh. Ikaw ba ay may
pagdududa na hindi siya iyon?”
“Siya nga talaga iyon sa tingin ko eh.”
“Kung siya iyon, bakit di siya kumaway din? Nakita
naman niya tayo?”
“Iyan ang hindi ko alam.” Ang sagot ni Timmy.
Nang matapos ang semestral break, nag-enrol muli sina
Timmy at John sa unibersidad. Subalit laking pagkagulat nila nang sinabihan sila
ng registrar, “I’m sorry but both of you, Mr. Johnny Iglesias any Mr. Timmy
Suarez are no longer welcome to enrol in this university.”
“What???” ang pasigaw na sagot ni John. “For what
reason?”
“You may just go to your Dean for explanation.”
(Itutuloy)

May siketo siguro ang dean at nagulat siguro nung makita ng dean yung 2 sa baguio. Tapos itong dean may gusto siguro kay john kaya ganun kung umasta. hahaha
ReplyDeleteChan
Awww💔
ReplyDeleteDean... sino ka ba talaga?
Naging bahagi kaba ng past? o sadyang malihim lang. MISTERYOSO🙈
Awww💔
ReplyDeleteDean... sino ka ba talaga?
Naging bahagi kaba ng past? o sadyang malihim lang. MISTERYOSO🙈
JON
galit siguro yung dean sa dalawa kasi bigo sa pag ibig.. naiinggit siguro kasi ndi siya makapag out kaya ouchhhhyyyy... haha shet ready for the next chapter.. hehehe
ReplyDeleteNakakainis na yang dean na yan ðŸ˜
ReplyDeletetama may lihim ang dean kailangan tuklasin nila....
ReplyDelete