By Michael Juha
getymbox@hotmail.com
***
So I beg you, don't let me go
getymbox@hotmail.com
***
The
Rock
“Ba’t ka pala pupuntang Maynila?” ang tanong ni Timmy
nang nasa loob na ng eroplano silang dalawa ni Bell, magkatabing naupo at
kasalukuyang naghintay sa paglipad ng eroplano.
“Ang Tita ko kasi, iyong nagpapaaral sa akin? Pupunta
ng Amerika, baka nitong linggo na ito na ang flight niya. Dadalawin kasi niya niya
ang isang Tita ko rin na American citizen na dahil silver wedding anniversary
nila ng kanyang asawang kano. Ipinakisuyo niya sa akin na dalhin ko raw sa
kanya iyong paborito niyang ternong damit. Lucky charm daw niya iyon kaya gusto
niyang isuot iyon sa mismong party. Kaya heto, nagkasabay sa iyo.”
Tumango si Timmy. “Ah…”
“Grabe ang coincidence no? Parang sinadya talaga ng
pagkakataon.” Ang dugtong ni Bell.
Binitiwan ni Timmy ang isang ngiting hilaw. “Oo nga…”
“Ey… ano iyang dala mo?” ang tanong ni Bell nang
mapansin ang hawak-hawak ni Timmy na plastic nq may lamang karton at hindi niya
inilagay sa overhead compartment.
“B-buko pie.”
“Ay baon mo?”
“Para kay J-john...” ang malungkot sa sabi ni Timmy.
“P-paborito ni John iyan eh, iyang gawa mismo sa bake shop na malapit sa
unibersidad natin.”
“Masarap nga ang mga tinapay doon. Pero, ‘di ba na-comatose
si John? Hindi rin niya makakain iyan.”
Binitiwan ni John ang isang malalim na
buntong-hininga.“Okay lang. Hindi naman iyon ang pinakapunto ng pagdala ko sa
kanya nito eh. Para sa akin, ang importante ay dinalhan ko siya ng isang bagay
na gusto niya. Kahit papaano ay maiibsan ang lungkot ko.”
Natahimik sandali si Bell. Mistulang natauhan.
“M-mahal mo talaga si John, no?”
Tiningnan lang ni Timmy si Bell. Binitiwan ang isang
matipid na ngiti at tumango.
“Bilang kaibigan…” ang dugtong ni Bell.
“O-oo… bilang kaibigan.” Ang mahinang sagot naman ni
Timmy na hindi makatingin-tingin kay Bell. Iyong may bahid na guilt. Alam ni
Timmy na walang kaalam-alam si Bell sa tunay na relasyon nila ni John at hindi
pa siya handa na ibunyag ito kay Bell. At alam din ni Timmy na may pagtingin si
Bell sa kanya at ayaw niyang masaktan ang kaibigan.
“Ay oo nga pala! May dala akong baon. Jan-jaraaannnnnnn!”
ang sabi ni Bell kasabay rin sa pagbukas niya sa dalang plastic na may lamang
naka-supot na pagkain.
“Impanada?” ang excited na tanong ni Timmy. Na excite
siya hindi dahil gusto niyang kumain kundi dahil naalala niya si John na palagi
siyang dinadalhan nito, lalo na kapag may tampo siya kay John.
“Sige, kain tayo!” ang sambit ni Bell na inabot niya
kay John ang isang piraso.
“S-sige Bell. Thanks. Busog pa ako eh.” Ang sagot ni
Timmy.
“Tikman mo, Timmy. Alam kong paborito mo ito, eh.”
Napatingin si Timmy kay Bell, ang kanyang mga mata ay
nagtatanong nang marinignito ang salitang “paborito”
“Joke lang.” ang pagbawi din ni Bell.
“’Di nga, paborito ko talaga siya.”
“Wow! Talaga? See? Pati pag-iisip mo ay katulad din ng
pag-iisip ko.” Sabay tawa. “Grabe pati bas a paborito ay parehas tayo?” ang
dugtong ni Bell. “Kaya kain ka na. Sobrang sarap kaya nito.”
Kaya wala nang nagawa si Timmy kundi ang makikain na
rin sa Empanada na baon ni Bell.
Lumipas ang mahigit isang oras at lumapag na ang
eroplano sa domestic airport ng Maynila. Nang nasa may conveyor area na sila at
naghintay sa kanilang mga bagahe, tinanong ni Timmy si Bell kung saan siya tutuloy.
“Ikaw, saan ka?” ang tanong din ni Bell.
“B-baka mag-hotel ako o sa bahay nina John tutuloy,
depende?”
“M-may sundo ka?”
“Mayroon. Susunduin ako ni Jishin, pinsan ni John.”
“Ah. E… puwedeng makisabay na lang ako sa inyo?
“Wala ka bang sundo?”
“Wala eh. At later na lang ako pupunta sa apartment ng
Tita ko. Malayo kasi iyon. Nasa Antipolo.” Ang sagot ni Bell.
“Ah ganoon ba? S-sige. Sama ka na lang muna sa amin.”
Nang nakalabas na sila sa airport, nakita kaagad ni
Timmy ang sasakyan ni Jishin. Agad silang sumakay. Tumabi si Timmy kay Jishin
na siyang nag-drive samantalang si Bell naman ay sa likuran umupo. Pinakilala
ni Timmy si Bell na kaibigan nila ni John at sasabay lang sa amin.
“Musta ka na, insan, na-miss kita ah! Anong balita sa
iyo?” ang sambit ni Jishin na halatang may improvement sa kanyang pagsasalita
at pagbigkas ng Tagalog, hindi kagaya noong unang kita nina Timmy na ang tonong
Amerikano ang pagbigkas at nahihirapan pa.
“Salamat at kinikilala mo pa rin akong pinsan, Jish.
Pero alam mo namang hindi pala kami magkapatid ni John, di ba? At gawa-gawa
lamang ito ng yumaong daddy ni John.”
“Pinsan pa rin kita. Di ba…” hindi naituloy ni Jishin
ang kanyang sasabihin nang mapansin si Bell sa likuran na upuan. “A-alam mo na
iyon!” ang dugtong na lang ni Jishin. “Kaya hayaan mo na lang nag insan ang
tawag ko sa iyo. Actually, gusto ko rin na insan ang itawag mo sa akin.”
“K-kumusta na pala ang kalagayan ni John?” ang
paglihis ni Timmy sa usapan.
“Hay naku, insan… pagkatapos ng operasyon ay akala
namin bawian na siya ng buhay. Biglang huminto ang kanyang paghinga. Mabuti
naman ay naagapan. Ngayon ay stable na siya. Wala nang complications. Lahat ng
vital signs ay okay. Sabi ng doktor ay malaki ang chance na maregain niya ang
consciousness niya. Baka lang daw ay may hinihintay. Baka galing sa probinsy
ang taong hinihintay niya.” Sabay lingon kay Timmy at binitiwan ang isang
nakakalokong ngiti.
“Tado. Seryoso iyang kalagayan ni John ah.”
“Sorry. Pinapasaya lang kita, insan.” Ang sambit ni
Jishin habang tinapik ang balikat ni Timmy.
Idineretso ni Jishin sina Timmy at Bell sa St. Lukes
Hospital kung saan naroon si John. Iniwan nila ang mga gamit sa loob ng
sasakyan ni Jishin at dumeretso na sila.
Nang nakapasok na sila sa loob ng ICU, nakita niya
roon ang inay ni John at ang ikinagulat niya, naroon din si Yeng, ang ex ni
John.
Nagmano si Timmy sa inay ni John. Kilala na niya kasi
ito sa litrato. Nang “Hi!” din si Timmy kay Yeng na hindi man lang siya
pinansin at inirapan pa.
“Kaawaan ka ng Panginoon, anak.” Ang sambit ng inay ni
John kay Timmy matapos itong magmano sa kanya.
Dumeretso si Timmy sa kama ni John. Awang-awa siya sa
nakita kay John. Nakahiga siya sa ibabaw ng kama, nakadamit ng kulay asul na
pang-pasyente at nakatakip sa kanyang ibabaw na katawan ang putting kumot. Bagamat
tila payapa ang kanyang mukha habang nakapikit ang kanyang mga mata, may
nakakabit naman na mga tubes sa kanyang katawan, may monitor din sa gilid ng
kanyang kama.
Hindi maiwasang hindi mapaluha ni Timmy. Naalala niya
ang sobrang saya na nadaraman niya sa piling ni John sa beach na iyon. Iyon ang
pinakamasayang sandal ng kanyang buhay. Sarili nila ang mundo at tila walang
sino mang maaaring makakapigil sa kanilang kaligayahan. Ngunit nagtapos ang
lahat sa trahedya.
HInawakan ni Timmy ang kamay ni John. “Hang… nandito
na ako. Sana ay narinig mo man lang ako. Na-miss kita. Namiss ko ang samahan
natin. Namiss ko ang kulitan natin. Lumaban ka, Hang. Huwag mong hayaan na
mag-isa akong muli…”
Nasa ganoong pakikipag-usap si Timmy kay John nang
biglang sumingit si Yeng na mataas ang boses, “Ang selfish mo. Para sa iyo
talaga kung kaya dapat magising si John? Paano na lang ang mama niya? Paano na
lang ang ibang taong nagmamahal sa kanya? Hindi mob a naisip iyon? At may mukha
ka pa talagang pumarito at mag-feeling nakakaawa?”
Nahinto si Timmy at napatingin kay Yeng. Napatingin na
rin ang inay ni John kay Yeng. Pati si Bell ay napatingin din sa kanya. Nahinto
silang lahat.
“What???” ang tanong ni Yeng nang tinitigan nila siya.
“Tara sa labas, Yeng. Mas maigi na tahimik ang kuwarto
ni John upang marinig niya ang sasabihin ni Timmy.” Ang mahinahong sabi ng inay
ni John.
“No Tita. I want him to know na siya ang dahilan kung
bakit na-comatose si John! Kung hindi siya malandi! Kung hindi niya inakit si
John, kung anong klaseng gayuma ang ginamit niya upang dumikit sa kanya si
John!” ang pagsisigaw ni Yeng habang umiiyak.
“Tara na. Tara na sa labas.”
Ngunit nagpatuloy pa rin sa pagsisgaw si Yeng. “Look
Tita. Can you accept it? Lalaki si John, at mapupunta lang siya sa isang bakla?
Papayag po ba kayo na sa bakla lang mapunta si John?!!” at baling niya kay
Timmy. “Bakla ka! Unggoy! Umuwi ka na sa gubat kung saan ka nanggaling! Hindi
ka kailangan dito! Kung hinid dahil sa iyo ay hindi sana mapahamak ang buhay ni
John! Kriminal ka!!!” ang dugtong ni Yeng.
Kitang-kita naman sa mukha ni Bell ang pagkagulat sa
narinig na bakla si Timmy. Napatingin siya kay Timmy.
“Sige na, lumabas na tayo, Yeng. Hayaan muna natin si
Timmy at John.”
“No, Tita. Noooo! Ayoko. Baka sakalin ng baklang iyan
si John!”
Hindi pa rin nagsasalita si Timmy. Nakayuko lang siya
habang hinahawakan ang kamay ni John. Sinasarili lang niya ang nararamdaman sa
masasakit na salita ni Yeng. Sa isip niya, hindi makabubuti sa kalagayan ni
John ang makipagpag-away. At isa pa, tanggap ni Timmy na wala siyagn karapatan
kay John. Kaya hinyaan lang niya si Yeng.
“Yeng… huwag ka namang mag-iingay at mag-eskandalo
dito pa sa loob ng kuwarto ni John. Hindi ka ba nahiya sa mommy ni John? Sino
ka ba para pagbawalan ang kung sino man ang bumisita kay John? Kamag-anak ka ba
niya? Ano mo ba siya?” ang pagsingit ni Jishin.”
“Hoy, Jishin. Kilala mo kung sino ako! Girlfriend ako
ni John! Girlfriend! Mas may karapatan ako sa kanya kaysa iyo!”
“Ex girlfriend Yeng. EX!” ang pag-emphasize ni Jishin
sa salitang “ex”. “At pinsan ako ni John. Mas may karapatan ako sa iyo!”
“For your information, hindi kami naghiwalay no! Wala
kaming formal na breakup! At technically, boyfriend ko pa rin siya!
Magkasintahan pa rin kami! at may karapatan ako sa kanya!” ang sagot naman ni
Yeng.
“Yeng, alam mo sa sistema mo, alam mo sa katawan mo,
sa puso’t isip mo at pantog mo na hindi ka na mahal ni John dahil kung mahal ka
niya, e di sana ay hindi na siya lumayo pa sa iyo. Gaano na ba katagal na wala
kayong communication? Isang taon? Ganyan ba ang magkasintahan? Walang
communication sa isang taon? At heto, bigla ka na lang susulpot at sasabihin sa
amin na magkasintahan pa kayo? Ang kapal!”
“O siya, siya… huwag na tayong mag-iingay rito
please…” ang pagsingit ng ina ni John.
Ngunit nagtatalak pa rin si Yeng. At dahil naramdaman
ni Bell na ayaw talagang paawat ni Yeng, nilapitan niya si Timmy na nasa gilid
lang ng kama ni John. “Yeng, please naman huwag mong masyadong hamakin si
Timmy. Mali ang hinala mo dahil boyfriend ko siya.” Ang sambit ni Bell.
“Ow???” ang sagot ni Yeng na tumaas ang kilay. “Kung
boyfriend mo nga siya, sige nga maghalikan kayo!” ang sagot ni Yeng.
Nilingon ni Bell si Timmy. NIlingon din ni Timmy si
Bell. Hinawakan ni Bell ang ulo ni Timmy at idinampi ang mga labi niya sa bibig
ni Timmy. HInayaan ni Timmy na halikan siya ni Bell.
“Oh, so fake! Huwag mo ngang ipagpilitan ang sarili mo
sa isang taong hindi ka mahal, girl! Pinababa mo masyado ang dignidad nating
mga babae! You’re such a bitch!”
“Magkasintahan talaga kami, Yeng.” Ang paggiit ni
Bell.
“Oh, God! Kung magkasintahan kayo, wake up! You are
being lied to! And huwag ninyo akong dramahan dahil halata sa kilos ninyo na
scripted ang halikan ninyo! O... baka naman ikaw lang ang in-love sa kanya at
sinakyan mo ang pagkakataong ito para maka-score ka! O-M-G! The knight in
shining armor is a woman! So pathetic! Nakakaawa ka, girl, ang ganda mo pa
naman. Kung maghanap ka ng lalaki, iyong hindi naman bakla!”
“Huwag mong pagsalitaan si Bell ng ganyan, Yeng. Kung
hindi sa pagbigay niya ng dugo niya kay John ay marahil hindi na siya
makakaabot ng ganito!”
“Aw! Anong gusto niya ngayon? Babayaran siya sa dugo
niya? Magkano ba? Ako na ang magbabayad! Para iyon lang!” ang sagot din ni
Bell.
At dahil hindi pa rin huminto si Yeng sa pagtatalak, lihim
na pinindot ni Bell ang emergency switch upang pumasok ang nurse o doktor sa
ward ni John.
Wala pang isang minuto ay sumulpot ang dalawang nurse
at isang doktor. “Anong nangyari?” ang tanong ng doktor.
“Dotor, nagsisigaw kasi itong babaeng ito.” ang sambit
ni Jishin na itinuro si Yeng. “Puwede bang i-ban siya sa pagbisita rito?”
“Okay, okay… akala ko kung ano na ang nangyari. Sige
labas muna kayo para matahimik ang kuwarto ng pasyente.” Ang sambit ng doktor.
“Puwede ba doctor na maiiwan muna siya?” ang pagturo
ni Jishin kay Timmy na nasa gilid ng kama ni John. “Kararating lang kasi niya
mula sa probinsiya at babalik din agad.”
“Okay, sige, he can stay. But please huwag gumawa ng
ingay o gulo. Bagamat okay na ang pasyente, kailangan pa rin niya ng tahimik
mapayapang kapaligiran.
Walang nagawa ang lahat kundi ang lumabas. Kasama sa
dalawang nurse at doktor, lumabas na rin si Bell, Jishin at ang inay ni John.
“Dito ka lang muna, Timmy. Sa labas lang muna kami.” ang sambit ng inayni John
kay Timmy.
“O-opo. Salamat po.” Ang sagot ni Timmy.
Nang nakalabas na ang lahat ay ipinagpatuloy ni Timmy
ang pakikipag-usap kay John. Nanatiling nakahawak si Timmy sa kamay ni John.
Hindi niya ito binitiwan kahit sa kabila ng pagsisgaw ni Yeng. Ikinuwento ni
Timmy ang lahat ng mga kaganapan sa eskuwelahan habang wala si John.
“Hang… pasensya na. Med’yo nagselos sa akin si Yeng sa
akin eh. Ako raw ang dahilan kung bakit ka na-aksidente. Naguilty tukloy ako,
Hang. Dapat pala pagkatapos ka naming haranahin, hindi na ako pumayag pa na
aalis tayo. Ang sakit...” binitiwan ni Timmy ang isang malalim na
buntong-hininga. “Sorry Hang. Sana ako na lang ang nawalan ng malay. Sana ay
ako na lang ang nariyan sa kalagayan mo. Kasi, ikaw lang naman ang dahilan kung
bakit naging masaya uli ang buhay ko kahit nag-iisa lang ako sa mundo. Sa
pagpanaw ng inay, nariyan ka palagi sa piling ko. Nasanay na akong nariyan ka
palagi. Kahit marami akong pagkukulang sa iyo, nariyan ka pa rin. Ngunit sa
kalagayan mong ganito, tila nawalan na rin ng saysay ang buhay ko, Hang…” doon
na pumatak ang mga luha ni Timmy. “Di ba nang mawala ang inay, ang sabi mo sa
akin ay hindi mo ako iiwan. Noong isang beses na nanaginip ako tungkol sa isang
baklang tumanda na nag-iisa lang at nagising akong umiiyak dahil naawa ako sa
kanya at natakot akong baka matulad sa kanya, ang sabi mo ay hindi mangyayari
iyon sa akin dahil hindi mo ako iiwan. Sana ay magpakatatag ka, Hang. Sana ay
panindigan mo ang sinabi mo sa akin na hindi mo ako pababayaan. Mahal na mahal
po kita.”
Pinahid din Timmy ang mga luhang dumaloy mula sa
kanyang mga mata. “Oo nga pala, may dala akong buko pie. Dinala ko ito dahil
nagbabakasakali akong sa pagdating ko rito, kapag narinig mo ang boses ko ay
magising ka na at kagaya ng dati, matakaw mong kakainin ang buko pie at ubusin
mo lahat maliban sa isang hiwa na isingit mo sa aking bibig at sabay nating
kakagating ang magkabilang dulo hanggang sa maubos ito at maglapat an gating
mga bibig. Naalala ko pa iyong isang beses na binigyan kita niyan at inalok mo
ako. Ngunit tumanggi ako dahil busog ako. Ang ginawa mo ay kinurot mo ng
malakas ang aking pisngi at nang sumigaw ako sa sakit, saka mo naman
puwersahang ipinasok sa bibig ko ang isang hiwa ng buko pie. At wala na akong
nagawa dahil bigla mo ring inilock ang kamay mo sa ulo ko habang kinagat mo rin
ang kabilang dulo ng buko pie na nasa aking bibig. Dali-dali mong kinain ang
kabilang dulo hanggang sa unti-unting naglapit an gating mga bibig. Nang saw
akas ay dumampi na ang bibig mo sa aking bibig, pati ang parte ng buko pie na
nasa ilalim ng aking bibig ay sinipsip mo habang ipinasok ang iyong dila sa
aking bibig upang abutin ang natitira pang buko pie na hindi ko kinain. Nang
nasa bibig mo na ang natirang buko pie na nginuya at nilawayan mo, imbes na
lunukin mo ay ipinasa mo sa bibig ko iyon. Nagpasahan tayo sa mga durog na buko
pie hanggang sa unti-unti itong nilunok nating dalawa. Nakakadiri ang ginawa
natin. Ngunit dahil mahal kita, nalibugan ako sa pinaggagawa mo na sinabayan mo
pa ng paghimas-himas sa dibdib at ari ko. At ang ending noon, alam mo na... At
marami pa akong na-miss na mga kabulastugan mo. Kagaya ng pagsunog mo sa kama
na ginawa ko para saiyo, para lamang magtabi tayo sa isang kama. Iyong sinuntok
mo iyong class president ng kabilang section nang inakusahan niya ang aking
inay na isang masamang babae. At marami pa, Hang, kasama na roon ang mga
masasayang karanasan ko sa iyo.” Nahinto si Timmy at pinagmasdan si John.
“Hang… puwede bang humalik sa iyo?” ang tanong ni
Timmy habang tinitigan si John na puno pa rin ng kawalang malay ang mukha,
nanatiling nakapikit ang mga mata habang nakahiga sa kama, hawak-hawak ni Timmy
ang kanyang kamay.
“Sige na hang. Pumayak ka naman na halikan kita sa
bibig please. Iparamdam mo sa akin.” Ang muling pagsasalita ni Timmy habang
patuloy na pinagmasdan ang mukha ni John.
“Sige… hindi na lang ako hahalik sa iyo. Wala ka
namang paramdam eh.” Ang wala sa isip na biro ni Timmy. Tanggap na niyang hindi
siya sasagutin ni John ngunit hahalikan pa rin niya ito.
Ngunit bago pa man tangkain ni Timmy na idampi ang
kanyang mga labi sa labi ni John, naramdaman niya ang pag galaw ng isang daliri
ni John sa hinawakang kamay ni Timmy. Tila hinaltak.
Nanlaki ang mga mata ni Timmy na tiningnan ang kamay
ni John. Halos hindi niya “Hang, kung sinadya mo iyon, pakiulit po. Gusto kong
makasiguro na naramdaman mo ako. Please haltakin mo uli ang iyong daliri.
Tiningnan muli ni Timmy ang kamay na iyon ni John. At
muli ay kitang-kita niya ang paghaltak muli ng daliri ni John.
Tila nagtatalon sa tuwa ang puso ni Timmy sa
pagkakataong iyon. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at niyakap niya si
John atsaka hinalikan ito sa bibig. Matagal, may sampung segundo ang paglapat
ng kanilang mga labi.
Nang kumalas na siya sa paghalik kay John, doon na rin
niya nakita ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ni John. “Oh Shit!
Naririnig mo ako, Hang! Naririnig mo ako!” ang sambit ni Timmy. Muli niyang
niyakap at hinalikan si John.
Dali-daling lumabas si Timmy at tinawang ang inay ni
John. “Tita, umiiyak si John! At nakita kong hinaltak niya ang kanyang daliri
nang tinanong ko!”
Agad ding pumasok ang inay ni John, nakabuntot sina
Jishin at Bell. Wala na kasi sa labas ng kuwarto si Yeng. Nang nasa loob hindi
maiwasan ng inay ni John ang umiyak. Niyakap niya si Timmy. “Sadyang ikaw ang
hinintay niya, Timmy. Narinig siguro niya ang boses mo. Maraming salamat sa iyo.”
Ang sambit ng inay ni John.
Bumalik si Timmy sa gilid ng kama ni John at muli niya
itong kinausap at hinawakan ang kamay. Nang nahawakan na ni Timmy ang kamay ni
John, nagulat na naman siya dahil naramdaman niya ang mahinang paggalaw ng mga
daliri nito at marahang hinawakan at pinisil-pisil ang kamay ni Timmy na tila
ayaw itong pakawalan.
“Tita! Tingnan mo!” Turo ni Timmy sa kamay ni John na
kitang-kita ang paggalaw at mahinang pagpipisil sa kamay ni Timmy.
Napaiyak na lang ang ina ni John. “Diyos ko! Kawawa
naman ang anak ko.” Ang sambit ng inay ni John habang umupo na rin sa silyang
nasa tabi ng kama ni Timmy at hinalos ang mukha ng kanyang anak. At baling kay
timmy, “Ayaw niyang umalis ka sa tabi niya, Timmy!”
“Opo, Tita. Ramdam kong iyan ang kanyang mensahe sa
akin.”
“Palagi mo siyang kausapin.”
“Opo Tita…”
Maya-maya lang ay pumasok ang doktor at ikinuwento
nila ang lahat. Natuwa ang doktor. “He must be inspired. May mga pasyente akong
ganyan ang mga kaso. Kapag nariyan ang mga tao o bagay na mahal o mahalaga sa
kanila, lumalakas ang loob nila. Iyong sinasabing ‘rock’ ng buhay nila, iyong
taong sabihin nating nakapagbibigay ng saysay kung bakit gusutuhin pa nilang
mabuhay. Mahalata mo iyan dahil magkakaroon sila ng improvement sa bilis ng kanilang
paggaling mula sa isang karamdaman.”
Napatingin ang inay ni John kay Timmy. Napayuko naman
si Timmy. Tila walang mapagsidlan ang tuwa na kanyang nadarama. Alam niyang
mahal siya ni John. At kahit sa kalagayan niya ay ipinaramdam pa rin niya ito.
Kaya hindi na umalis si Timmy sa ward ni John.
“Bell, magpahinga ka na lang muna. Sumama ka na lang
kay Jishin sa bahay nina John. Ihahatid niya ang ibang mga gamit ko roon. Dito
na ako matutulog. Babantayan ko si John.” Ang sambit ni Timmy kay Bell.
“Sasamahan kita rito, Timmy. Dito na rin ako
matutulog.”
“Di ba sabi mo ay aalis na ang Tita mo?”
“Nag-text sa akin eh. Baka ma-delay pa siya ng isa
pang linggo dahil may mga kulang daw ang requirements niya.”
“Paano ang silver anniversary ng Tita mo sa Amerika?
Late na rin siya?”
“Kaya nga eh. Lungkot na lungkot nga siya. Pero
pinapapunta pa rin siya kahit hindi siya makadalo sa mismong selebrasyon. First
time kasi niyang makapunta ng Amerika kaya i-tour na lang daw siya ng Tita ko
roon.”
“Ah okay. S-sige. K-kung gusto mong dumito rin. May
isang kama naman, at sa sofa na lang ako matu---” Ang hindi na maituloy na
sagot ni Timmy gawa nang nag-ring ang kanang cell phone. Nang tiningnan niya
ang tumawag, ang Tito ni John na nasa probinsya.
“Timmy, may nakitang dalawang tao sa CCTV monitor ng
hotel na siyang pinaghihinalaan nilang may kagagawan sa nangyaring aksidente.
May kinakalikot ang dalawa sa sasakyan ni John na nakaparada sa resort.
Binuksan din nila ang sasakyan, may ginamit silang pambukas na hindi gumana ang
alarm ng sasakyan.”
“T-talaga Tito?” ang sagot ni Timmy. “N-nahuli na ba
sila?”
“Hinahanap pa ng mga pulis dito. At nagpakalat na rin
kami ng mga wanted na posters sa mga lugar na may mukha ng dalawang suspects upang
kapag may nakakakita ay maireport ang pinagtaguan nila sa kapulisan. May pabuya
isang daang libo rin akong ibibigay na pabuya sa kung sino man ang
makapagreport kung nasaan ang mga taong ito. Nagpadala na rin kami ng litrato sa
mga TV stations dito sa lugar natin.”
May kaunting nadaramang tuwa si Timmy sa narinig na
balita. Ikinuwento niya ang impormasyon sa inay ni John, pati na rin sa kanila
ni Jishin at Bell. Agad ding tinawagan ng inay ni John ang Tito niya.
Pinasalamatan niya ang Tito ni John at
may iba pang mga itinanong tungkol sa pagkadiskubre ng mga salarin.
“So dito na lang tayo matutulog Bell?” ang muling
pagtanong ni Timmy kay Bell.
“A... eh... u-uwi na lang ako mamayang gabi, Timmy. Gusto
kong magpahinga ng maayos. N-nakakahiya rin kasi kung sa sofa ka hihiga. Sasamahan
na lang muna kita hanggang mamayang gabi, tapos bukas naman ng umaga ay babalik
ako rito.”
“Okay Bell. Maraming salamat.”
Kaya iyon ang naging arrangement nila. Nanatili si
Timmy sa tabi ni John, hinahawakan ang kamay niya habang kinakausap si John. Si
Bell naman ay nakaupo sa tabi ni Timmy na kung hindi man aakbay ay ililingkis
ang kanyang bisig sa baywang o sa braso ni Timmy.
Nang sumapit na ang gabi, nagyayana si Jishin na
ihatid na si Bell sa bahay ni John dahil may date daw siya. Bagamat hindi niya
sinabi kung sino ngunit sa ngiti pa lang ni Jishin ay alam na ni Timmy na si
Junmark iyon, ang barkada ni John.
“Kakain muna kami ni Timmy Jishin.” Ang sambit ni
Bell.
“Paano to? Mali-late na ako?” ang daing ni Jishin.
“Huwag mo nang alalahanin si Bell, Jishin. Sabay
kaming uuwi mamaya. Nandito ang driver may maghahatid sa amin.” Ang pagsingit
naman ng inay ni John. At baling niya kina Timmy at Bell, “Sige Timmy, kumain
muna kayo. Ako muna ang magbabantay kay John.”
“M-maraming salamat po!” ang sambit ni Bell sa ina ni
John.
Kaya nagpaalam na lang si Timmy kay John. “Hang...
kakain muna ako ha? Huwag kang mag-alala. Babalik ako kaagad. Nandito naman ang
inay mo siya muna ang magbabantay sa iyo.”
Naramdaman naman ni Timmy na tila niluwagan ni John
ang paghawak niya sa kamay ni Timmy.
“Anak, nandito naman ako. Huwag kang mag-alala...” ang
sambit ng inay ni John.
Inihatid na lang ni Jishin sina Timmy at Bell sa isang
restaurant.
Habang naglalakad sila patungo sa parking area ng
ospital, nakasalubong naman nila si Yeng. Agad hinawakan ni Bell ang kamay ni
Timmy at hinila ito upang mailingkis ni Timmy ang braso niya sa baywang ni
Bell.
At nakita nga ito ni Yeng na inirapan lang sila at
tuloy-tuloy sa paglalakad na tila walang nakita.
“That bitch!” ang sambit ni Jishin na nakangiting
tiningnan si Yeng na naglalakad.
Napangiti na lang sina Timmy at Bell. Nang nakarating
na sila sa restaurant, hinid na pumasok pa si Jishin. Dinner date kasi ang
pupuntahan niya kaya ayaw niyang kumain.
“Timmy, huwag kang magaglit ha... t-totoo bang m-may
relasyon kayo ni John?” ang tanong ni Bell nang silang dalawa na lang ang nasa
loob ng restaurant at naghihintay sa kanilang order.
Hindi kaagad nakaimik si Timmy. Bakas sa mukha ni
Timmy ang pagod at ang lungkot. Tiningnan niya si Bell. “Kailangan ko a
talagang i-confirm o i-deny, Bell? Halimbawa, kung sasabihin kong hindi,
matutuwa ka ba? At kung sakali namang sasabihin kong oo, magagalit ka ba?
Iwanan mo ba ako? Masisira ba ang pagkakaibigan natin?”
Natahimik si Bell. “S-sorry, Timmy. S-sorry.”
“Sorry din, Bell. Alam mo, mataas ang pagtingin ko sa
iyo. Kasi nga, ang dami mong naitutulong sa akin. Bilib ako sa iyo. At ayokong
mawala ka sa akin... Sana ay hindi ka magbabago.”
Binitiwan ni Bell ang isang ngiting hilaw. “S-sige,
kain na lang tayo. Kalimutan na lang natin iyong tanong ko.” Ang sambit ni
Bell.
Kumain sila nang halos wala nang imikan. Nang matapos
na sila bumalik na uli sila sa ward ni John.
Nang naroon na sila sa loob, nakita nila na naroon si
Yeng, nakaupo sa isan gsulok at walang ibang inaatupag kundi ang kanyang cell
phone samantalang ang inay naman ni John ay nakauop sa tabi ng kama ni John,
hawak-hawak ang kamay ng kanyang anak.
“Tita, ako na po riyan. Magpahinga na po kayo sa
bahay.” Ang sambit ni Timmy.
“Sige, Timmy. Ikaw na muna angbahala rito.” Ang sagot
niya kay Timmy. At baling niya kay John, “Uuwi na muna ako, anak. Nandito naman
si Timmy. Hindi ka niya pababayaan.” Hinaplos niya ang kamay ni John na
hinawakan niya atsaka tumayo.
Papalit na sana si Timmy sa inuupuan ng inay ni John
nang bigla na lang sumingit si Yeng at siya ang umupo sa upuan na iyon. Dali-daling
hinawakan niya ang kamay ni John. “John, nandito ako, ang girlfriend mo. Hindi
kita pababayaan.” Ang sambit ni Yeng.
Mistula namang nagulat silang lahat sa inasta ni Yeng.
Iyon bang parang gutom na aso na nakipag-agawan ng pagkain. Nanatiling nakatayo
lang si Timmy, Bell at ang inay ni John na nakatingin sa kay Yeng.
Nang mapansin niyang nakatitig ang lahat sa kanya,
nagreact ito at dinilatan niya sila ng mata. “What???”
Agad na tumalikod ang inay ni John, “Tara na Bell.
Alis na tayo.” Ang sambit niya, sabay tumbok sa pinto atsaka lumabas.
Dahil nakaupo na si Yeng sa puwesto sana ni Timmy.
Hinila na lang ni Timmy ang isa pang upuan at ipinuwesto ito sa kabilang gilid
naman ng kama ni John.
“Alam kong nakakagalaw na ang kamay na ito ni John.
Gusto kong ang ako lang ang mararamdaman niya, kamay ko lang ang hahawakan niya
upang kapag naimulat na ang kanyang mga mata at nakakapagsalita na, ako ang
hahanapin niya.” Ang mapagmataas na sabi niya.
Hindi na umimik si John. Tahimik na umupo si Timmy sa ipinuwesto niyang upuan atsaka
hinawakan ang kabilang kamay ni John. “Hang... nangdito ako, nakahawak sa kanang kamay mo. Hindi kita iiwan hang.
Dito ako matutulog sa tabi mo.” Ang sambit ni Timmy na iginagalaw ang kamay ni
John, pahiwatig na naroon siya sa bandang iyon.
Napangiti si Yeng nang nakita ang ginawa ni Timmy.
“Alam kong itong kaliwang kamay pa lang ni John ang nakakagalaw. Hindi ka niya
maramdaman dear. Mabuti pa ay umuwi ka na.”
Ngunit tila sagot sa sinabing iyon ni Yeng ay gumalaw
ang kaliwang kamay ni John at hinaplos-haplos pa ang kamay ni Timmy na may
halong mahinang pagpisil. Kitang-kita iyon ni Yeng na lumaki ang mga mata sa
sobrang pagkainis.
“John! Nandito ako sa kaliwang kamay mo. Hawakan mo
naman ako! Iparamdam mo sa akin na mahal mo ako!”
Ngunit hindi iginalaw ni John ang kanyang kaliwang
kamay. Bagkus mistulang ininis pa si Yeng dahil hindi patuloy lang ang paggalaw
ng kanang kamay ni John at pagpipisil nito sa kamay ni Timmy.
Wala nang nagawa si Yeng kundi ang tumahimik,
nagpupuyos sa inis.
Maya-maya lang ay pinatugtog naman ni Timmy ang
kantang minsan niyang kinanta kay John.
*If I’d never met you, where would I be?
How would the days go by? Would I still value life?
How would the days go by? Would I still value life?
Maybe I would have met someone else and lead an
ordinary life
I do not know whether I would find such sweet love
I do not know whether I would find such sweet love
No matter how hurriedly time flies by, I will only
care for you
I am willing to be intoxicated by your essence
Rarely can one find his soulmate in life
It won’t be a pity even if I lose my strength
So I beg you, don't let me go
Without you, I can not feel
Even the slightest trace of love
If that day comes that we will part ways
I will lose myself into the endless sea of people
I don’t need promises, I just want to be with you
day-by-day
I cannot continue to live keeping fragmented memories…
==============================
*
I Only Care About You
by Teresa Teng.
==============================
“Anong kanta ba iyan?! Ang ingay-ingay!” ang sigaw ni
Yeng.
“Kung ayaw mong makinig ay sa labas ka na lang muna.
Paboritong kanta ito ni John.” Ang sagot ni Timmy.
“At ako pa ngayon ang lalabas? Bakit hindi ikaw?
Sampid ka lang dito!”
“Sampid lang ako rito pero matino akong nagbabantay.
Hindi kagaya mo na nagsisigaw. Gusto mo bang tawagin ko ang doktor o nurse
upang palabasin ka?”
“Ako na ang tatawag.” At pinindot ni Yeng ang nurse
call button.
Ilang saglit lang at pumasok ang nurse.
“Nurse, maingay ang tugtog niya, pakisabi pong patayin?
Nakakaistorbo po sa pasyente.” Ang sambit ni Yeng.
Tiningnan ng nurse si Timmy.
Ngunit bago pa man nakapagsalita ang nurse, “Nurse,
narinig mo naman. Mahinang mahina an gmusic na ito. Pampatulog po ito, hindi
disco or maingay na music. At ito ang paborito niyang tugtog. Nakakapagrelax po
ito. At tungkol naman sa kanya” turo ni Timmy kay Yeng, “Kung natandaan ninyo
kanina, nagsisigaw po itong babaeng ito. Sinisigawan kaming lahat dito sa ward
kung kaya ay pinalabas siya ng doctor, nandito ka kanina. May tantrum po ang
babaeng ito at delikado rito sa loob lalo na’t walang malay itong pasyente.”
“Nurse, please huwagkang maniwala sa sinungaling na
taong ito. Palabasin nyo po siya. Maawa po kayo sa pasyente” Ang pagsusumamo ni
Yeng.
“Nurse, kung naguguluhan ka, ang pasyente ang pasyente
ang ang tatanuningin natin. Di ba kanina gumalaw na ang kaliwang kamay ng
pasyente? Ngayon na hinawakan ko itong kanan, gumalaw na rin ito. Kung gusto mo
ay itanong natin sa pasyente kung sino an ggusto niyang manatili rito sa loob
at magbantay sa kanya.”
Nakapamaywang ang nurse na tiningnan si Timmy, tila
hindi naniniwala. “Paano?”
Kapag hahawakan niya ang kamay ng kung sino man ang
gusto niyang magbantay sa kanya.”
“Uhummm!” ang sagot lang ng nurse.
“Payag ako. Ngunit ako ang magtatanong.” Ang pagsingit
ni Yeng.
“Okay.” Sagot naman ni Timmy.
“John, honey... hawakan mo naman ang kamay ko o...”
Naghintay sila ng ilang segundo. Ngunit hindi gumalaw
ang kaliwang kamay ni John.
Tumaas ang kilay ng nurse na tiningnan si Timmy, ang
expression sa mukha ay parang, “Nasaan na, mga gago?”
“Ako ang magtanong.” Ang pagsingit ni Timmy. “Hang...
hawakan mo at pisil-pisilin ang kamay ng kung sino man ang gusto mong magbantay
sa iyo. Sa kanang kamay mo ay ako, at sa kaliwa mo ay si Yeng...”
At mabilis pa sa alas kuwatro na hinawakan ni John ang
kamay ni Timmy at pinisil-pisil ito. Doon na nanlaki ang mga mata ng nurse a
tnapaigtad na tila nakoryente sa pagkagulat at ang sa expression ng mukha ay
parang, “Shiiitt!” o “WTF!!!”
Kaya wala nang nagawa si Yeng kundi ang lumabas.
Alas 10 ng gabi nang nakatulog si Timmy. Nanatili
siyang nakaupo sa silya sa gilid ng kama ni John nang naalimpungatan niya ang
ingay na tila huminga ng malalim na may dalang pagdaing.
Agad na tumayo si Timmy at tarantang iginalaw-galaw,
pinisil-pisil ang dibdib ni John. “Hang! Hang!” ang sambit niya. Hinawakan din
niya ang pisngi ni John. Itunulak-tulak din niya ito. “John! John!”
Hanggang sa nakita na lang ni Timmy na iminulat ni
John ang kanyang mga mata. Mistulang tulala pa ito, malalim ang tingin at
nakatitig kay Timmy.
Hinawakan ni Timmy ang magkabilang balikat ni John.
“Hang gising ka na! Gising ka na, Hang! Oh God! Gising na si Hang!” ang
pagsisigaw ni Timmy..
“S-sino ka? N-nasaan ako?” ang tanong ni John.
“Si Timmy ako. Si Tok! Hindi mo ako kilala?” ang
sambit ni Timmy.
Tinitigan lang ni John si Timmy.
“Hang???”
(Itutuloy)

Tinanong ako ng pamangkin ko kung bakit ako umiiyak, sabi ko sakit na nang mata ko ko kakacomputer, hehehhe, kakabasa sa lap top nitong story.... hayst....
ReplyDelete