By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
“Bakit ang sulat ko?”
“A-alam mo… matagal ko nang alam na ganyan ang pagkatao mo.
One week pagkatapos kitang tanggapin sa trabaho mo sa akin, gumawa ako ng isang
proxy account gamit ang profle picture ng isang guwapong lalaki at hinanap ko
ang facebook mo. Noong una ay hindi ko siya ma-search. Naka-set yata ang
account mo sa friend of friends lang ang puwedeng mag add sa iyo. Nang isang
beses ay tinanong kita kung sino ang best friend na sinasabi mo sa school,
sinabi mo ang pangalan niya sa akin at siya hinanap ko, inadd. Tinanggap niya
ang friend request ko. Doon kita nakita. In-add kita at in-add mo rin ako.
Tinanggap mo ang friend request ko at nag-pm ako sa iyo ng thank you. Tinanong
mo ako kung ako nga iyong nasa profile picture. Sabi ko ako... Natuwa ka.
Marami kang tanong sa akin. Doon ko nakita ang mga posts mo. Doon ko nababasa
ang mga shoutout mo. Di ko malilimutan iyong mga pasaring mo, lalo na iyong
sinabi mong, ‘Think I’m in love again… with my roommate.’ Tapos may lyrics pa
ng kantang ‘Think I’m In Love Again.’”
Hindi naman ako makapagsalita sa hiya. Mistula akong
natunaw. Sa wall ko lang kasi ako nagpapalabas ng mga saloobin. Itinakip ko na
lang ang aking mga palad sa aking mukha.
“Noong una ay gusto kong magalit sa iyo dahil nagsinungaling
ka sa akin. Ngunit sa kalaunan ay natatawa na lang ako sa iyong mga post. Iyong
mga pa-kwela mo, gaya ng, ‘Tapos nang maglaba, tapos nang maglinis nag bahay,
tapos nang maghanda ng hapunan. Maliligo na lang ako dahil darating na siya.
Hay naku, pangarap...” Tawa nang tawa ako noon.
“Grabe ka! Kakainis ka!” ang pagmamaktol ko pa.
“Hayaan mo na. tapos na iyon. Hindi naman ako galit eh.”
Ang sabi niya.
“Pero sorry talaga, nagsinungaling ako sa iyo. Gusto ko
kasing maka-libre lang sa boarding dahil kapos talaga ako sa pera.”
“Okay lang iyon. Naintindihan kita.”
“Salamat...”
Naubos na ang laman ng buong pistil na aming inumin. Siya
namang pagdating ng aking Ninang at dinalhan kami ng pagkain. Inilagay niya sa
mesa ang ulam na niluto niya. “May kanin ba kayo?” ang tanong niya.
“H-hindi po ako nakapagluto Ninang eh. Pero magsaing na
lang ako.”
“Ah… uuwi na lang pala ako Jim. May pasok pa ako bukas.”
Ang pagsingit ni Ezie.
“Ay hindi ka puwedeng umuwi.” Ang pagsingit ng aking
ninang. “Gabi na, at walang tricycle na dadaan dito sa ganitong oras patungo sa
terminal. At madilim pa ang kalsada. Delikado. Magpabukas ka na lang.”
“Tama si Ninang, Ezie. Dito ka na matulog. Bukas ka na
umuwi. Mag-absent ka na lang o di kaya ay mag half day. Ikaw kasi, alanganin ka
kung pumunta rito.”
“Sino ba kasing mag-aakalang ganito kalayo ang sa inyo?”
Natawa na lang ako. Tumawa na rin siya.
Sa bandang huli ay napilitan ding sumang-ayon si Ezie na
doon matulog sa bahay. Imbes na magsaing pa sana ako ng kanin, ang Ninang ko na
ang naghanda. Marahil ay naawa siya sa akin na may bisita kaya siya na ang nagkusa.
Ganyan naman talaga ang Ninang ko. Bagamat may sariling bahay at may pamilya
rin, palagi niya akong binibisita at tinutulungan kapag nariyan ako sa bahay.
Hindi iba ang turing niya sa akin dahil sa pangako niya sa aking inay bago ito
binawian ng buhay na aalagaan niya ako.
Ang ginawa namin ni Ezie ay bumili uli kami ng mainom,
sabay na rin sa paggala ko sa kanya sa aming lugar. Sa pagkakataong iyon ay
taya na ni Ezie ang aming inumin. Gustong gusto niya ang emperador na
pinaghalong kape, coffeemate, at condensed milk kaya iyon ang aming binili.
Nang nakababalik na kami ng bahay, tapos na si Ninang sa
pagsaing. Nakahanda na rin sa mesa ang aming hapunan. “O sya, uuwi na ako, Jim!
Ikaw na ang bahala sa bisita mo ha? Nagdala na rin ako ng extra na unan para sa
kanya at kumot na rin.”
“Opo Ninang, maraming salamat po.” Ang sambit ko.
Habang kumain kami ng hapunan, binuksan naman niya ang
kanyang cp at pinatugtog ang isang kanta –
Here I go again, drifting on my own feet
Lately it seems I've been, being old
foolish me
Mumble when I try to talk, stumble when I
try to walk
Like I'm in a state of shock when I'm with
you.
Here I go again, looking just like a clown
Everything I say is wrong whenever you're
around
Somehow I got kind a shy and I can't look
you in the eye
I come all apart inside when I'm with you.
Think I'm in love again, grinning that silly grin
Look what a fool I've been, think I'm in
love again
Lately I lost my mind and I do it everytime
(Guess/Yes) I know all the signs of being
in love.
I won't lie to you, I've been in love before
But I think that you're the one that I've
been waiting for
Been around I'll admit, but this time all
the pieces fit
Something tells me this is it, when I'm
with you.
Napatingin ako sa kanya. Seryoso at kunyari ay walang
alam. “Anong meron?”
“Wala. May nabasa lang ako sa facebook ng kaibigan ko at
iyang kanta na iyan ay naroon.”
“Salbahe ka! Lagi mo na lang akong ginaganyan ah!” ang
sambit ko sabay tampal sa kanyang kamay.
“Ay ikaw ba iyon?” ang dugtong pa niyang biro.
Pagkatapos naming kumain ay itinuloy namin ang aming
pag-inom. Lampara lang ang aming ilaw dahil hindi pa naaabot ng kuryente ang
aming sitio. Hindi masyadong maliwanag ngunit sanayan lang kasi. Pati ang aming
mga mata ay nasanay na rin sa ganoon.
Halos maubos na naman namin ang aming inumin nang naging
seryoso na naman ang aming pag-uusap.
“Salamat sa pagbisita mo sa akin.” Ang sambit ko.
“Salamat din sa pag-intindi mo sa akin.”
“Pag-intindi? Saan?” ang tanong ko.
“Iyong kahit sinasaktan na kita, kahit alam mong hindi ko
sinusuklian ang pagmamahal mo, inintindi mo pa rin ako. Sorry sa sakit na
naidulot ko sa iyong puso.”
“Okay lang iyon. Ganyan naman talaga, di ba? Minsan ay masakit
magbiro ang tadhana. Atsaka, siguro ay dapat ko nang sanayin ang aking sarili
na hanggang sa pagtanda ko, ganito na lang talaga ako, nag-iisa...”
Tiningnan niya ako atsaka hinawakan ang aking kamay.
“Aaminin ko, noong naramdaman ko ito para sa iyo, nagalit
ako sa aking sarili, nagalit din ako sa iyo. Kasi, iyong feeling na ayaw ng
isip mo dahil nga hindi naman puwede ngunit iba ang gusto ng iyong puso.
Sobrang sakit. Paulit-ulit na sakit.” Ang sabi ko.
“Sorry…”
Tahimik.
“Iyong nangyari sa atin habang nalasing ka, alam mo?”
Tumango siya. “Ginusto ko iyon dahil alam kong may
nararamdaman ka sa akin, at naawa ako sa iyo.”
Doon na ako humagulgol. Sobrang naawa ako sa aking sarili
dahil alam na pala niya ang lahat tungkol sa akin at pagkatapos ay parang lalo
pa niya akong inaakit, pinapaasa. Tapos... awa lang pala ang lahat.
Tumabi siya sa akin sa pag-upo, inakbayan niya ako. “Sorry
na. Kasalanan ko ang lahat. Hindi ako naging open sa iyo.”
“Alam mo, sobrang napakaliit na rin ng pagtingin ko sa
sarili sa ginawa mo. Para bang wow… hindi ako tao? Hindi mo ba naisip na may
damdamin din ako? O sadyang manhid ka lang? O isang sadista? Sana lang ay kung
wala kang naramdaman para sa akin, hindi mo na lang pinaglaruan ang damdamin
ko. Hindi mo na lang sana ako tinukso. Tapos ngayon, handa na sana akong
kalimutan ka, pero heto nagpakita ka uli sa akin. Ano ba talaga ang gusto mo
Ezie? Gusto mo bang magpakamatay ako sa matinding pagkahabag sa sarili? Wala ka
bang puso? Lahat ng taong mahal ko ay nawala sa akin. Alam mo iyan. At ngayon,
heto, nananadya ka? Bakit? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo?” ang sabi kong
patuloy pa rin sa pag-iyak.
Hindi umimik si Ezie. Tumayo ako at akmang mag-walk out,
lalabas ng bahay nang hinawakan niya ang aking kamay. “Makinig ka sa sasabihin
ko…” ang sabi niya.
Bumalik ako sa aking upuan. Nang tiningnan ko ang mukha
niya, napansin kong umiiyak rin siya.
“Hindi lang ikaw ang nagdusa, Jim. Hindi lang ikaw ang
naghirap ang kalooban. Ako rin. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Hindi ako
nagpunta rito para akitin ka. Hindi ako pumayag na may mangyari sa atin kung sa
tingin mo ay tinutukso lang kita. Kung ikaw ay nalilito, kung ikaw ay hindi
malaman ang gagawin, pareho tayo ng nararamdaman! Buntis si Pam, at
pini-pressure ako ng mga magulang ko na magpakasal na kami. Si Pam ay naroon sa
apartment ngayon, naghihintay sa akin. Bakit nandito ako sa iyo? Bakit ikaw ang
pinuntahan ko imbes na sa kanya upang maghanap ng kalinga? Bakit sa iyo ako
lumapit ngayon na gulong-gulo ang isip ko? Hindi mo ba naisip iyan? Dahil
nalilito ako. Dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Dahil hindi kita matiis na
hindi makapiling. Dahil hinahanap-hanap kita. Hindi mo pa ba nakikita iyon???
Hindi mo ba napansin na halos lahat ng mga lalaki na lumalapit sa iyo ay
pinagbabawalan ko? At iyong mga tao na tumatawag at nagti-text sa iyo ay
tinatanong ko kung sino ang mga iyon? Dahil nagseselos ako! Tangina na yan!!!”
at siya naman itong humagulgol. “Hindi kita pinaglalaruan, Jim. Never kitang
paglalaruan. Alam ko ang mga pinagdaanan mo, at nasasaktan din ako sa mga
nangyari sa iyo. Kung napansin mo, nitong huli, hindi na ako nagpapagawa sa iyo
ng assignments? Dahil nakita ko sa iyo na kahit busy ka, kahit marami kang
ginagawa, kaya mo pa ring gawin ang mga bagay. Tumatak sa aking isip ang
kasipagan mo. Na kung kaya mo ang ganoon, dapat ay kaya ko rin. Nahiya ako sa
aking sarili. Sobrang tinitingala kita dahil sa kabaitan mo, sa galing mo sa
lahat ng bagay, sa pagkamapagkumbaba mo. Idol kita! Kaya kung napansin mo rin,
tumutulong na ako sa iyo sa paglalaba at paglilinis ng apartment sa lahat ng gawain
na kahit wala ka na roon, palagi ko nang ginagawa. Nakita mo bang naninigarilyo
pa ako? Hindi na. Alam mo kung bakit? Dahil sa iyo. Dahil alam kong ayaw mo ang
amoy ng sigarilyo. Dahil ang gusto mo sa isang tao ay hindi naninigarilyo. Ikaw
lang ang nakapagpabago sa akin. Hindi ang mga magulang ko. Hindi si Pam. Ikaw
lang! Kaya huwag mong sabihin na pinaglalaruan ko lang ang damdamin mo. Hindi
mo alam ang nasa isip ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin, Jim.
Sobrang sakit…”
Mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi
na ako nakapagsalita pa. Nilapitan ko siya at niyakap. “S-sorry. S-sorry Ezie.
Hindi ko akalain. Hindi ko alam. Sorry.”
Niyakap niya rin ako. Nagyakapan kami. Ewan, hindi ko
lubos maintindihan ang aking naramdaman. May inis pa rin ako sa kanya ngunit
mas nanaig sa pagkakataong iyon ang saya na kahit papaano ay may naiambag ako
sa pagbabago ng buhay niya. Na tinitingala niya ako, na sinunod niya ang mga
gusto ko, na hindi niya ako matiis, na kahit papaano ay may puwang din ako sa
puso niya.
Maya-maya ay kumalas ako sa aming yakapan. Tiningnan ko
ang mukha niya atsaka pinahid gamit ang aking kamay ang mga luha mula sa
kanyang mga mata.
“Nandito ako dahil gusto kong malaman kung papayag kang
magpakasal ako kay Pam.” Ang sabi niya.
Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti habang hinawakan ang
dalawa niyang pisngi. “P-payag ako, Ezie. Payag na payag.” Ang nasambit ko sa
gitna ng pagpatak ng aking mga luha.
Pinahid niya ang aking mga luha. “Alam mo, ngayon ko lang
sasabihin sa iyo ito. M-mahal kita. Iyan ang totoo. Ayaw ko lang sabihin sa iyo
dahil sa sarili ko ay hindi ko rin kayang aminin na heto ako, lalaki ngunit
nakaramdam ng ganito sa kapwa lalaki. Litong-lito ako. Hindi ko alam kung paano
tatanggapin.”
“Mahal mo ba si Pam?”
Tumango siya. “Kaya litong-lito ako dahil kahit kapiling
ko si Pam, nariyan ka pa rin sa aking isip.”
“Kung mahal mo si Pam, pakasalan mo siya. Malilimutan mo
rin ako.”
Niyakap niya ako. At marahil ay upang mabasag ang aming
iyakan, biniro niya ako. “Alam mo, kahit umiiyak ka, ang cute-cute mo pa ring tingnan.”
“Baliw!” ang sagot ko naman.
Tawanan. Tapos, naging tahimik at seryoso uli. Tinitigan niya
ako. Tinitigan ko rin siya. Habang nagtitigan kami, ang aking mga daliri ay
abala sa paghaplos sa kanyang pisngi. Ibinaba ko pa ang paghagod ng aking mga daliri
sa kanyang mga labi. Doon ay pinaikot-ikot ko ang aking daliri, habang naka-pokus
dito ang aking tingin. Pinaglaruan ng aking daliri ang kanyang mga labi.
Pinisil-pisil, hinagod-hagod, hinila-hila. Iyon kasi ang pinaka-gusto kong
parte ng kanyang mukha. Hanggang sa hindi ko na nakayanan pa ang sarili at pinisil
ko iyon ng halik.
Hinawakan niya ang aking ulo at at idiniin ang mga labi niya
sa mga labi ko. Nang nilaro ng aking bibig ang kanyang bibig, tinugon niya ito ng
mas maalab pang halik. Naghalikan kami na parang wala nang bukas...
***
No comments:
Post a Comment