By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
LUMIPAS ANG ISANG BUWAN.
Nasumpungan kong pumunta ng syudad. Para kasing may
humatak sa aking mga paa. Siguro na-miss ko lang ang syudad. Sa ilang buwan ko
bang namalagi sa probinsya tila na-bored din ako.
Ang unang pinuntahan ko ay ang apartment ni Ezie. Nasa
harap ng gate pa lang ako, nakita ko na ang malaking pagbabago nito. Halos
matabunan na ang gate ng mga mahahabang damo. Ang mga bougainvillea sa
magkabilang poste ng gate na nagsilbeng arko ay halos puro patay na ang mga
sanga at daho.
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Naalala
ko pa ang unang pagpasok ko roon. Ganoon ang hitsura niya. Halatang walang
nag-alaga. Nang binuksan ko ang gate, ang mga brick tiles at pathwalk ay halos
matatbunan na rin ng mga damo. Pati ang mga bangko at mesa ay nababalot ng mga
lumot. Nawala na ang dating magandang anyo nito, Ang nakakaakit na mga
arrangement at dekorasyon, ang ornamental na mga tanim at palm trees na
itinanim ko ay tuyot at namamatay na. Ang fountain ay wala na ng tubig na
umaagos, nawala na rin ang mga isda sa pond. Tila nawalan rin ng sigla ang lawn
na iyon. Nawalan ng saysay ang paghihirap ko sa pagpaganda ko sa lawn na iyon.
“Hi Kuya Jim!” ang narinig kong pagbati sa akin. Nang
nilingon ko ang pinagmulan ng boses, si Jay-Ar pala ito.
“Hi Jay-ar!” ang sagot ko rin. “Musta ka na?”
“Heto mabuti naman. Mabuti at napadalaw ka. Wala na si
Kuya Ezie, umalis na eh.”
“Alam ko.” Ang sagot ko rin.
“Wala nang nag-alaga sa lawn natin eh. Bumalik na siya sa
dati. Ampangit na uli. Marami pong naghahanap sa iyo ritong tenants. Namiss
nila ang pagsaikaso mo sa lawn.”
“T-talaga?” ang sagot ko naman.”
“Na-miss din kita Kuya Jim, kayo ni Kuya Ezie. Ano po ba
ang nangyari sa inyo?”
“Ako… umalis kasi hindi ako makapagpatuloy sa pag-aaral.
Si Ezie naman, m-mag-aasawa na.”
“Ay ganoon po ba? Eh... d-di ba sabi niya mag-boyfriend
kayo?”
Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. “Nagbibiro lang
iyon. Biniro ka lang niya.”
“Aw... akala ko ay totoo.”
“Hindi.”
Napailing na lang si Jay-Ar.
“Oo eh… S-sige Jay-Ar, titingnan ko muna ang loob ng apartment
ha? Nasa akin kasi ang susi eh.” Sabay talikod.
“Okay po Kuya Jim. Sana ay d’yan ka na lang muna tumuloy. Balak
kong pagandahin muli ang lawn natin, tayong dalawa ang gagawa nito.”
Napalingon ako sa kanya. “Titingnan ko, Jay-Ar! Pero kahit
wala ako rito, kaya mo naman iyan eh.” ang sagot ko na lang upang hindi humaba
pa ang usapan.
Pumasok ako sa loob ng building at tinumbok ko ang pinto ng
apartment unit ni Ezie. Binuksan ko iyon gamit ang susi na binigay niya sa
akin. Nang nasa loob na ako, Doon na ako tuluyang nalungkot. Naalala ko ang mga
tagpo namin sa apartment na iyon. Simula sa pag-interview niya sa akin kung
saan ay tinarayan niya ako hanggang sa may nangyari sa amin, hanggang na-in
love ako sa kanya.
Nang pinasok ko ang kuwarto niya, nakatiklop na ang
kanyang kama at iniligpit sa gilid ng kuwarto. Iyong akin na lang ang nakatayo,
marahil ay iniisip niyang baka doon ako titira kapag nag-aral muli ako.
Mistulang may tumusok sa aking puso. Sa kama niya una kong nasilayan ang buo
niyang katawan. Sa kama rin niya unang nangyari ang una naming pagniniig.
Tinumbok ko ang kanyang drawer kung saan naroon ang
garapon na lagayan niya ng mga alaala na sabi niya ay gusto niyang kalimutan
bago iyon sunugin. Laking gulat ko nang nakita ko roon ang pulseras na kapareha
ng sa akin. Iyon iyong sa kanya. Doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha.
Pakiwari ko ay talagang gusto na niya akong burahin sa kanyang isip. Ang sakit
isipin na ako na lang pala ang nag-ingat sa aming mga alaala.
Naupo muna ako sa gilid ng aking kama habang patuloy na
inilabas ko ang aking mga saloobin. Nang mahimasmasan, nagdesisyun akong
pakawalan na rin ang aking pulseras. Tinanggal ko ito mula sa aking
pulupulsuhan at inilagay din iyon sa garapon. “At least… nagsama na kayo. Sa
sunod kong pagbalik rito, sana ay handa na akong iwaglit kayo sa aking
paningin.” ang bulong ko. Pagkatapos ay ibinalik ko uli ito sa loob ng drawer.
Maya-maya lang ay nag message alert ang aking cp. Nang
binuksan ko, galing kay Chan, ang aking best friend. “Nahanap ko na ang sinabi mong
girlfriend ni Ezie” Ang sabi niya. Nasabi ko kasi kay Chan na dahil sa kanya kung
kaya ay na add ako ni Ezie sa kanyang proxy account. Kaya napag-usapan na rin
namin ang tungkol sa girlfriend ni Ezie.
“Anong nakita mo?” ang sagot ko.
“Bukas na pala ang kasal nila friend! May litrato sila o,
at may litrato sa invitation. Alas 10 ng umaga ang kasal.”
Mistulang nasabugan ako ng isang malakas na bomba. Tila
natulala ako sa pagkabasa ng message ni Chan. At lalo na nang i-send pa niya
ang litrato ng invitation.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana sa pananatili sa
apartment na iyon. Hindi ko na sinagot pa si Chan. Dali-dali akong umalis at
tumungo agad sa terminal upang umuwi na. Ayokong makita ng mga taong nag-iiyak
ako. Gusto kong magkulong sa kuwarto ko sa probinsya.
Subalit sa kasamaang palad ay hindi ko na naabutan ang
huling biyahe ng bus. Kaya wala na akong nagawa kundi i-text si Chan.
Agad naman niya akong sinundo sa terminal. Alam kasi niya
na mabigat ang aking kalooban. “Mag-bar na lang tayo mamaya friend! At doon na
lang tao matulog sa apartment ni Ezie! Or… pedeng sa apartment na lang tayo
mag-inuman. I-celebrate natin ang second martyrdom ng puso mo. Ano, pili ka
lang. Taya ko.” Ang munkahi ni Chan.
“S-sige, wala akong choice eh kundi dito matulog. S-sa
apartment na lang ni Ezie para may privacy tayo, pati sa pagkain, pede tayong
magluto roon.”
Bumili kami ng mainom at dinala namin sa apartment. Bumili
na rin kami ng mga lulutuing pagkain. At iyon, halos walang tulugan ang aming
pag-inom.
“Ano nga ba ang tawag sa gabi bago ang kasal friend?” ang
tanong ni Chan.
“Hindi ko alam eh. Di pa ako nakaranas niyan.”
“Hmmm... parang iyong iba ay may party sila eh, iyong
parang pamamaalam sa pagiging single. Stag party ata ang tawag doon? Puro mga
lalaking barkada ang imbitado. Naiimagine ko lang na siguro, may party din si
Ezie ngayon.”
“Siguro. Enjoy na enjoy siya...” ang sagot ko sabay bitiw ng
isang malallim na buntong-hininga.
“Huwag ka nang malungkot friend. Isipin na lang natin na
nakawala ka na. Independence! At isara mo na rin ang puso mo sa kanya. Cheers!”
Ang sabi ni Chan habang itinaas ang bote niya ng beer.
“Cheers!” ang sagot ko sabay rin sa pag-angat ko sa aking
bote ng beer at isinagi iyon sa kanyang bote.
Halos madaling araw na kaming natapos ni Chan sa aming
inuman. Ipinalabas ko sa kanya ang lahat ng sama ng loob. Umiyak ako nang
umiyak.
Kinabukasan, alas 9 na akong nagising, nauna kay Chan.
Dumeretso ako sa kusina, niluto ang itlog at hotdog na sinadya naming bilhin ni
Chan para sa aming agahan. Habang nagluto ako, hindi ko maiwasang hindi maalala
ang dati kong ginagawa nang naroon pa ako sa apartment na iyon. Tila naroon pa
rin si Ezie, at siya ang kasama ko, na ipinagluto ng agahan. “Sobrang ironic.
Habang nandito ako sa aming apartment at siya ang laman ng aking isip, siya
naman ay naka move-on na at papasukin na ang bagong yugto ng kanyang buhay.
Habang nandito ako, malungkot... siya naman ay masaya.” ang bulong ko sa aking
isip.
“Woi! Bat ka nakatunganga d’yan friend! Huwag mo na siyang
isipin ah!” ang sambit ni Chan habang nakatayo sa may pintuan at tiningnan ako.
Binitiwan ko lang ang isang malalim na buntong-hininga.
“I can’t blame you friend. Ramdam kita.”
Nang matapos na kaming kumain ni Chan, nagpaalam ako sa kanya
na umuwi na. Gusto sana ni Chan na mamasyal na lang kami at samahan ako ngunit
nahiya na rin ako gawa nang alam kong may pasok pa siya.
Pumayag naman siya.
Mag-aalas 4 na ng hapon nang makarating ako sa probinsya
namin. Tila nakiramay naman sa akin ang panahon. Bumuhos ang malakas na ulan
nang makarating ako sa bahay. Kagaya ng plano ko, nagkulong ako ng bahay,
nag-inom na mag-isa. Hanggang sa nalasing ako at nakatulog.
Ilang araw din na halos tulala ako at hindi alam ang
gagawin. Hanggang sa nagkaroon ako ng lahas na pilitin ang sarili na lumaban at
gawin ang mga normal na gawain.
DUMATING ang enrolment season. Muli akong bumaba ng syudad
upang ituloy ang pag-aaral sa semester na iyon. Ang balak ko ay dumaan sa
apartment at i-surrender ang susi sa may ari dahil napagdesisyunan
magbo-boarding house na lang ako, kasama si Chan. At ang isang plano ko rin ay
ang pulseras. Napagdesisyunan ko na ring sunugin na siya upang tuluyan ko nang
mabura sa isip ko si Ezie.
Nang nasa may gate na ako ng apartment, laking gulat ko
nang makita ang pagbabago nito. Bumlik ang dating ganda at ayos nito. At may
dagdag pang mga bagong halaman at gazebo sa gitna. Napangiti na lang ako. “Ang
galing palang gumawa ng design ni Jay Ar” ang bulong ko sa sairli.
Nang binuksan ko ang pinto ng apartment, tila hindi ako
makapaniwala sa aking nakita. Malinis, nasa ayos ang lahat, may mga bagong
kurtina, bagong carpet. Pumasok ako sa sitting room at inusisa ang mga
nakalagay na dibuho sa dingdin at mga display sa platera.
“Ano... okay ba?” ang narinig ko boses.
Sa gulat ko ay bigla akong napalingon sa aking likuran.
Si Ezie!
Bigla akong kinabahan nang makita siya. Ang sumagi kaagad
sa isip ko ay doon na na sila manirahan ng bago niyang asawa kung kaya ay
ganoon la lang kaganda ang apartment niya. “Eh... s-sensya na. A-akala ko kasi
ay hindi ka na tumira rito.” Ang sabi ko sabay hugot ng susi mula sa aking
bulsa. “S-sa iyo ko na lang isosoli itong susi.” Saby din abot ng susi sa
kanya.
Tinanggap niya ang susi at dali-dali ko nang tinumbok ang
pintuan upang lumabas. Nang binuksan ko na ang pinto at akma nang lalabas, “Ba’t
ka nagmamadali?”
Nahinto ako at tiningnan siya. “Eh...m-mag-eenrol pa ako.
Naghintay sa akin si Chan.” Ang palusot ko bagamat iniiwasan ko lang ay ang
makita ang asawa niya.
“Ah, mag-aaral ka na?”
“Oo...”
“Good.”
“S-sige alis na ako.”
“Wait!”
Muli akong nahinto, “B-bakit?”
“Need ko ng assistant upang tumulong sa akin sa paggawa ng
mga take-home jobs ko. Interesado kang mag-apply?”
Bigla akong natigilan sa kanyang sinabi. Nalito. Tiningnan
ko siya. Hindi ko maintindihan kung nagbibiro o seryoso. Ang mukha niya ay
seryoso na hindi ko mawari. “Hell, no way!” ang sagot ko.
Nilapitan niya ako at isinara ang pinto. Ni-lock.
Biglang naramdaman ko ang pagkalabog ng aking dibdib sa
kanyang ginawa. Bigla niya akong niyakap at siniil ng halik ang aking mga labi.
Bagamat litong-lito pa rin ako, hinayaan ko siya. Hinayaan
kong paglaruan niya ang aking mga labi.
“Tutuksuhin mo na naman ba ako?” ang sabi ko kumalas na
siya sa kanyang pagyakap sa akin.
“Oo...” ang sagot niya.
“At pagkatapos ay paiyakin mo na naman?”
“Hindi... pakakasalan kita...”
“Huh! Sinungaling!”
Doon na niya isiniwalat ang lahat. “Hindi natuloy ang
aming kasal mate... But don’t worry. Hindi
ko ginawa iyong kagaya ng nasa pelikula na nasa gitna na ng altar at tatakbo
ako, or somethign like that. Sa gabi bago ang aming kasal, tinanong ko siya
kung handa ba siyang magpakasal sa isang lalaking may ibang minamahal at
magdusa habambuhay. Umiyak siya, syempre nasaktan. At pinili niyang huwag na
lang ituloy. Napag-usapan din namin ang tungkol sa bata at payag naman siya na
paminsan-minsan ay doon sa mga magulang ko habang nagtatrabaho siya.
Comfortable siya kapag ang bata ay nasa mama ko dahil may yaya iyon at sagana
sa lahat.”
“K-kawawa naman ang bata.”
“Bakit siya kawawa? Narito naman ako. Nariyan siya. Hindi
siya maghihirap. Mas kawawa ang mga bata na walang mga magulang. Mas kawawa ang
mga batang naghihirap at walang makain, iyong mga nasa lansangan, iyong mga
itinakwil ng mga magulang.”
“Si Pam... kawawa rin siya. P-parang naguilty ako, Ezie
eh.”
“Hindi siya kawawa, Jim. Mas kawawa siya kung ilalaan niya
ang buong buhay niya sa akin na may ibang tinitibok ng puso. Masisira ang buhay
niya. At least, may chance pa siyang maghanap ng taong tunay na magmahal sa
kanya. Isa pa, hindi lang siya ang babaeng nabuntis at hindi pinakasalan.
Marami d’yan. Kung nakasal kami, kawawa rin ako dahil habambuhay akong magdusa
sa piling niya. Kawawa ka rin dahil pareho tayong magdusa. At ayaw kong mangyari
ang ganoon. Hinding-hindi ako papayag na maranasan mong muli ang iwanan at
mag-isa...”
Hindi na ako nakasagot pa. Niyakap ko na lang siya nang
mahigpit na mahigpit.
“Gusto kong patunayan sa iyo... na hindi totoo na hanggang
supporting actor ka lang. Ang isang kagaya mo ay puwede ring maging lead
character sa kuwento ng iyong buhay.”
Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang pulseras na itinago
ko sa kanyang drawer. Isinukbit niya ito sa aking pupulsuhan at ang isa naman
ay ibinigay niya sa akin upang isukbit ko sa kanya.
“So tatanggapin mo ba ang alok ko na maging assistant?”
ang tanong niya.
Tumango lang ako.
“Isang tanong. Bakla ka ba?”
Natawa na lang ako. Sabay yakap at siil ng halik sa
kanyang mga labi.
Wakas.
Pa upload po ung roommates 4
ReplyDeleteSalamat po.
Potek. Naiiyak ako na ewan.
ReplyDeletePotek ...kinilig ako shocks hahaha..
ReplyDeleteAng galing niyo talaga mag sulat! I am an avid reader since 2012. I loved your works from SUAC and AKKCNB. Its nice to know that you are still active in continuing the great works you have done. I just hope to fully read your work entitled EXCHANGE OF HEART. Mejo pinutol putol po kasi dahil sa mga certain reasons nung panahon na yun. Sana maiupload po sya ng buo ulit. More power to you sir Michael! God bless!
ReplyDeleteAng ganda superrrr!… Sana lang po yung ibang story dito na Hindi pa tapos ay mai-update. Promise SUPER GANDA
ReplyDeleteSalamat sa Happy Ending, hindi dumugo ang puso ko hehehehe...
ReplyDelete