By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
“Paano kung pagtatawanan tayo? Paano kung mag-iba ang tingin nila sa atin?”
getmybox@hotmail.com
***
Ang
Milagro Sa May Lababo
Lampas alas 10 ng umaga nang makalabas sina Timmy at
Johnny ng airport. Dahil araw iyon ng Linggo, hindi maiwasan na mas marami ang
tao, ang iba ay kapwa pasahero na galing sa loob ng airport, ang iba naman ay
mga bakasyunistang pauwi na sa kanilang mga destinasyon.
Paglabas na paglabas kaagad nila ng exit, ramdam nila
kaagad ang preskong simoy ng hangin na tila sumalubong din sa kanilang
pagdating. Actually, iyon talaga ang ambiance sa pribinsya nina Timmy. Bagamat
maaraw, maaliwalas ang paligid at ramdam sa balat ang mahinang paghampas ng
hangin.
Nakita nila ang Tito ni John na kumaway sa kabilang
gilid ng kalsada. Tumawid sila sa kalsada at nang nakatawid na, agad na nagyakap
ang mag-Tito. Hindi mapigilan ng Tito ni John ang mapaluha sa saya na nakitang
ligtas na si John.
Doon na rin lumabas ang mga epal nilang barkada. Sina Jeff,
Daniel, Tony, Lloyd, Aaron, at mga babaeng sina Jane, Fe, Emily, at Joy na may
mga banners pang binulatlat at may nakasulat na, “Welcome Tok-Hang!” “We’re
Happy To Have You Back, John!” na parang mga gago na nagtatawanan,
nagsisigawan. May dala ring ballons at ang mga babae ay may mga bulaklak na
ibinigay kina Timmy at John. Pagkatapos ng bigayan ng ballons at bulaklak ay nagkantahan
ng, “When you’re happy and you know it clap your hands… stomp your feet” na may
mga variations na, “When you’re happy
and you know it, Hug Tok-Hang… Kiss Tok-Hang! Lick Tok-Hang, Bite Tok-Hang!”
Ang kukulit! Syempre, masayang-masaya silang lahat. Kahit
nagsilingunan ang mga tao sa kanilaay wala silang pakialam. Pagkatapos ng kanta,
doon na ang kantyawan.
“Iba talaga ang nagagawa ng libog!” ang sambit ni
Aaron. “Siguradong habang silang dalawa lang ni Timmy at John ang nasa loob ng
kuwarto, Minamasahe ni Tok ang junjun ni Timmy, o baka mas malala pa roon,
ginawang icicle! At nang nasarapan si Hang, doon na nanumbalik ang kanyang
malay!”
Tawanan.
“Hindi pare…” ang pagsingit naman ni Lloyd. “Nang
dumating na si Tok at nagsalita, ‘I love you, Hang, miss na kita’” with feeling
at action pa ang pagkasabi “…doon pa lang ay tinigasan na kaagad si Hang! At tuluyang
nagising!”
Sumingit si John, “Hindi mga pare. Actually,
unconscious naman talaga ako eh. Pero bigla na lang akong nagising dahil
umaalog ang kama at may mabigat akong naramdamn sa aking katawan. Doon ko na
iminulat ang aking mga mata. At iyon, nakita ko si Tok na nakaupo sa aking
harapan, at wala akong saplot na pang-ibaba! Nag horse riding pala siya sa
kandungan ko! Wala akong kamalay-malay na nilapastangan na niya ang aking pinakaiingatang
puri!”
Tawanan uli.
“Inamo!!!” ang pagsingit ni Timmy na hinarap si John. “Ikaw
nga d’yan ang nagdrama, inuuntog-untog pa kunyari ang ulo sa dingding na
semento para lang pumayag akong mayakap mo!” ang sagot ni Timmy.
“Woi, wag kang magsinungaling, Tok! Paano ko iuuntog
ang ulo ko, eh di ba nag-crack nga ang bungo ko at inooperahan pa?” ang sagot
naman ni Hang.
Nahinto si Timmy. Tama naman siya. Pero iyon naman
talaga ang ginawa ni John.
Nahinto rin ang mga barkada nila, lalo na ang mga
lalaki, tiningnan nila si Timmy, ang mga bibig ay tila puputok sa tawa. “Waaah!
Nagsinungaling si Tok. Totoo nga yata na hino-horse riding niya si Hang!” ang
sigaw ni Daniel. Tawanan uli ang buong barkada.
“Kayo na nga lang magsama d’yan sa sasakyan!
Mag-commute na lang ako. Pinagkaisahn ninyo ako eh!” ang kunyaring nagtatampo
na asta ni Timmy sabay walk out.
Hinabol siya ni John at siyempre, sinuyo. At dahil
hindi naman talaga siya totoong nagtampo, huminto siya, hinayaang yakapin siya
ni John at hinahalik-halikan, walang pakialam sa maraming tao na nakatingin sa
kanila.
Kitang-kita naman ang kilig ng mga barkada, pati mga
taong nasa paligid ay tiningnan sila, ang iba ay huminto pa talaga kita sa kanilang
ngiti ang kilig. Ikaw ba naman ang makakakita ng parehong guwapong sweet na
sweet sa isa’t-isa. Kikiligin ka talaga.
Doon nagsigawan ang mga barkada. At ang mga lalaki ay
naghawakan ng kamay, nagbabakla-baklaan at sumigaw. Tayo-tayo na lang ding mga
boys! Mag horse-riding din tayo! Kakainggit silaaaa!!!” at nagmuestrang
hinahalikan ang mga partners nila. Nakitawa na lang ang mga babae.
Iyon ang masayang tagpo sa airport. Nang umuwi na sila
sa apartment nina John, kasama pa rin ang barkada. Coaster ang kanilang
sinakyan ang dala ng Tito ni John. Nang malaman kasi ng mga barkada na babalik
na sina Timmy at John ay nakipag-coordinate sila sa Tito ni John na sasama sila
sa airport sa pagsundo. Kahit sa biyahe nilang iyon ay sobrang ingay pa rin ng
magbarkada. Patuloy pa rin ang kantyawan at tawanan.
Nang makarating na sila sa bahay, may inihandang
welcome party ang Tito ni John. Doon silang lahat kumain sa kanilang lawn.
Pagkatapos ng pananghalian, may inuman, may kantahan ang magbarkada, at
syempre, hindi nawawala ang kantyawan at seryosong kuwentuhan.
“Nagretire na ang Dean natin, Tok.” Ang sambit ni
Jeff. “Nagka mild stroke kasi siya at iyon na, pinagretire na ng mga anak upang
makapagpahinga, makapagrelax, matanggal ang pressures, at maalagaan daw siya
nang maayos.” Ang dugtong niya.
“Ow? Sayang! Sobrang bait pa naman noon ah!” ang sagot
ni Timmy.
“Kaya nga eh. Kahit may edad na siya, open-minded
siya. Naiintindihan niya tayong mga kabataan. Full-support pa.”
“Oo nga eh. Pero sabagay, maganda na rin iyon para sa
kanya. Para naman stress-free na siya at ma-enjoy pa niya ang buhay.”
“Agree.” Ang pagsingit naman ni Fe. “Pero ang pumalit
sa kanyang bagong Dean natin… matindi. Estrikto sya, guys!”
“Uyyyy… crush mo lang ata sya Fe, kaya ganoon!” ang
biro naman ni Aaron.
“Ay oo. Crush ko siya. Ang guwapo niya! Nasa 28 lang
ang age, matalino matangkad, maganda ang katawan at magandang manumit, at ang
balita ko ay Summa Cum Laude daw iyan noong gumraduate! Kaya dean kaagad siya
eh dahil sa sobrang talino” ang sagot naman ni Fe. “Pero… estrikto siya, guys!
Grabe!” ang dugtong din niya.
“True.” Ang pagsang-ayon naman ng mga babae.
“Paano mo nasabing estrikto siya” Ang pagsingit ni
John.
“Kasi may mga babaeng estudyante siyang sinita, ang
kakapal daw ng make-up at lipstick, ang eskuwelahan daw ay hindi bar na
kailangang mang-akit ng lalaki. Tapos may mga lalaking sinita rin niya nang may
pumasok na hindi naka-uniporme, pinahubad ang suot na t-shirt at pinauwi. Pati
mga buhok ng boys ay pinapakialaman. Iyong mahabang buhok ay talagang ginunting
upang siguradong magpagupit daw. Dapat ay maiksi raw ang mga buhok ng boys. Ang
bagsik nga!” Ang sagot din ni Joy.
“Ayan si Aaron o. Napahubad ng T-shirt iyan! At si
Lloyd, iyong buhok niya!” ang sambit ni Daniel na tumawa.
“Bad trip nga si Sir! Mabuti na lang ay may dalang
extra na uniporme iyong isang kaklase nating si Ben, pinahiram ako kesa
umuwi. Exam pa naman iyon!” ang pagsingit ni Aaron.
“Iyong sa akin ang matindi! E, iyong mahabang buhok ko
nang ginupitan niya, hindi pantay. Iyong kabila ay masyadong maiksi samantalang
sa kabila naman at mahaba pa rin! Sinadya niya talaga.” Ang pagsingin naman ni
Lloyd.
“Anong ginawa mo, pare!” ang tanong ni Timmy.
“Hinayaan ko na lang ah! Kapag pinagtatawanan ako,
lilingunin ko na lang sila sabay papogi.” Ang sagot ni Lloyd. “Pero nang nasa
klase na ako, naawa sa akin ang mga babae. Naghanap si Joy ng gunting at ginunting
niya iyong mga naka-usling buhok.”
“At naayos naman.”
“Kahit papaano!” ang sagot ni Lloyd sabay tawa.
“Ang bait naman ng mga girls!” ang sambit ni John.
“Syempre. Ganyan kami. Love namin ang mga kaklase
natin. Sinu-sino lang ba ang magtutulungan kundi tayo.” Ang pagsingit naman ni
Joy.
“Ganyang klaseng kaibigan si Joy…” ang sambit ni John.
“kaya nga eh. Nakaka in-love…” ang sagot ni Lloyd.
Nagkatinginan ang mga barkada. At bigla na lang
pumutok ang, “Ayiiiiii!” ang halatang kinilig na sigaw ng mga babae.
Namula si Joy. “Woi! Mga kapatiran sa pananampalataya!
I did it in the name of my devotion to Tok-Hang! Kahit sino man sa inyo ang
gugupitan ng bagon Dean natin, gugupitan ko, kahit bulbol pa iyan, ipapantay
ko!” ang sagot ni Joy.
Tawanan.
Napagkuwentuhan din nila ang tungkol kay Julie na
ganoon pa rin ang ugali, walang pagbabago at mistulang tuwang-tuwa na wala sina
Timmy at John, Nagyayabang pa raw na sira na ang buhay ni John. Ganyan daw ang nangyayari
sa mga taong kinakalaban siya. Kinakarma, may mangyaring masama.
“Atsaka, hinding-hindi raw siya bibitaw sa iyo, Tok!”
ang sambit ni Joy. “Gagawin daw niya ang lahat upang mapasakanya ka.”
“Dadaan muna siya sa akin.” Ang sambit ni John. At
baling niya kay Timmy, “Di ba, wifey?” ang sambit niya sabay tampal sa puwet ni
Timmy.
Tawanan ang barkada. Nakitawa na rin si Timmy. Tanggap
na rin kasi ni Timmy na siya ang “wifey” ni John bagamat may pagkakataon din na
humihiling siya kay John na i-top niya si John, at pinagbibigyan naman siya.
“Wifey ha? Kung babatukan ko kaya iyang ulo mong
naoperahan? O sasabihin ko sa bagong Dean na iyang junjun mo ang guntingin
niya? Alin ang gusto mo?” ang sagot ni Timmy. Syempre, sa parehong lalaking may
alpha male na pesonalidad, isang pagpapababa ng pagkatao o pride ang masabihan
na “wifey” sa isang relasyon. Ngunit mahal ni Timmy si John kung kaya kahit
tila kababan ito sa kanyang pagkalalaki ay hindi siya nasasaktan sa biro na
ito.
“Batukan mo na lang ang ulo ko, Tok. ‘Wag lang ang
junjun ko. Pareho tayong mawalan ng kaligayahan.
“Ah okay!” sabay dampot din nit Timmy ng papel at
pinulupot iyon at kunyaring ipinalo sa ulo ni John. “Yan!”
Ganyan kasaya ang barkada sa pagbalik nina John at Timmy
sa probinsya. Sa issue naman tungkol kay Felix Alberto, naikuwento rin
ng Tito ni John na hindi na raw bumalik ang mga tauhan niya simula noong may
security guard na nagbabantay sa lugar.
***
“Tok… gusto kong mag-open na tayo sa school. Gusto
kong wala nang magnanasa pa sa iyo, at malaman ng lahat na akin ka lang at ako
naman ay para sa iyo lang. Di ba sabi ni Julie na hindi siya gi-give up sa iyo?
Ayokong aasa pa siya. Ayokong may ibang Bell uli na sumingit sa relasyon natin.
Ayokong may Ian at kung sinu-sino pang lalaki o bakla na magtangkang mang-agaw
sa iyo…” ang sambit ni John nang silang dalawa na lang ang naiwan sa kuwarto
nila sa apartment ni John.
“P-parang h-hindi pa ako handa, Hang eh.”
“Kailan ka ba magiging handa, Tok? Kapag may nangyari
na naman sa iyo, o sa relasyon natin? Kapag may magtangk ana namang agawin ka
sa akin?”
“Hindi naman sa ganoon, Hang. Ang mga tao kasi rito.
Alam naman natin na probinsya pa ito. at ang ating unibersidad ay may mga
estudyanteng nanggaling sa isba’t-ibang lugar sa probinsya. Baka masira an
gating pag-aaral. Baka magkakaroon pa tayo ng problema.” Ang sagot ni Timmy.
“Syempre naman, Tok. Sa ganitong klaseng relasyon,
marami talagang hadlang. Ngunit hindi ka ba masaya kung kahit may mga hadlang
pa, at least naipaalam natin sa mundo na may relasyon tayong ganito? Na ikaw ay
akin lang at ako naman ay sa iyo lang?”
Hindi nakaimik si Timmy.
“At isa pa, Tok, syempre, nariyan palagi ang risk.
Ngunit paano naman kung tanggap pala it ong mga estudyante at guro?”
“Paano kung hindi?”
“At least nag try tayo, di ba?”
“Paano kung pagtatawanan tayo? Paano kung mag-iba ang tingin nila sa atin?”
“At least nanindigan tayo sa ating pagmamahal, Tok. At
least ramdam kong pinanidigan mo ako, at ikaw rin, mararamdaman mong
pinanidigan kita. Kahit ganoon ang mangyayari, wala nang hihigit pa sa
pakiramdam na pinandigan ka ng taong mahal. Na sa kabila ng hirap ay nariyan
siya para sa iyo, hand aka niyang protektahan, hand aka niyang ipagtanggol.
D’yan mo malalaman kung gaano ka kamahal ng isang tao.”
Napatitig na lang si Timmy kay John. Naglalaro sa
kanyang isip ang hirap ng kanilang sitwsyon, kung bakit kailangang ang mga
kagaya nilang may kakaibang relasyon ay kailangang magtago, kailangang matakot
na may magalit, manghusga, mangutya. Binitiwan niya ang isang malalim na
buntong-hininga.
Hinawakan ni John ang kanyang kamay. “Ipagtanggol
kita, Tok. Ano man ang mangyayari. Walan gibing taong manakit sa iyo, walang
ibang taong mang-api sa iyo. Nariyan lang ako para sa iyo, Tok. Huwag kang
matakot. Kaya handa kong ipagsigawan sa buong mundo na akin ka lang at handa
kitang protektahan.
Tahimik.
“So payag ka na?”
Hindi sumagot si Timmy bagamat tumango siya at yumuko.
“Yessss!” ang sagot naman ni John at napatalon sa
sagot na iyon ni Timmy.
KINABUKASAN nang pumasok na sila sa klase, pina-report
muna sila sa Dean upang manghingi ng clearance to re-join the class. May mga
itatanong pa raw ang Dean sa kanila, tungkol sa mga absences nila, at sa
kalagayan ni John.
“So you are Mr. Timmy Suarez” ang pagturo niya
kay Timmy, at baling naman niya kay John”…and you are Mr. John Iglesias?”
ang tanong ng Dean sa kanila.
Iyon pa lang ang unang pagkakita ng dalawa sa nasabing
Dean. At sa loob-loob nila ay tama ang sinabi ni Fe at mga barkada nila. May
hitsura, matangakad, magandang manumit, makinis, malinis at desenteng tingnan.
Tiningnan niya si John. Tinitigan. Tumayo siya at
tiningnan ang ulo ni John na sa pagkakataong iyon ay halata pa rin ang tahi ng
operasyon bagamat wala nang bendahe. HInipo niya ang parte na may tahi. “Are
you sure you are already okay?”
“Yes sir.” Ang sagot ni John. “I was told I could do
my normal routine already.”
“Okay, good. But are you ready to take the finals next
week?”
Nahinto sandal si John, tiningnan si Timmy. “Yes, I
can. I’ll do my best.” Ang sagot niya sa Dean.
“You both missed many quizzes and some long tests. It
will be difficult for you to catch up. Maybe for you, Mr. suarez, I believe you
can. I saw your record, you are a Dean’s lister. I’m impressed. I’m proud of
you. Ihope you can maintain it.”
“Thank you, Sir.”
“However, I don’t think this is the case for Mr.
Iglesias…”
“I’ll help Mr. Iglesias, Sir. I’ll be there for him.”
“Oh, good!”
“And we would also ask for your permission if we can
be granted special tests to cover the onse we missed.” Ang dugtong ni Timmy.
Nahinto ang Dean. Tinitigan niya ang dalawa. “May I
know how are you related to each other? It seems you are very close…” ang
tanong ng Dean na tumayo at umikot sa harap ng mesa niya, huminto sa gitna nina
John at Timmy.
“Er…” ang sagot ni John, hindi alam ang sasabihin,
tiningnan si Timmy.
“I believe we are destined to be close, Sir. In fact,
so close that we almost became legel brothers when his dad offered to adopt me
after my mother died.”
“And why did he offered to adopt you?”
“He was happy that I turned Johns life around. John
was the only child in the family and he was a big headache to his dad. He used
to be hooked on drugs and alcohol, he went with peers of bad reputation, and he
didn’t care about school. When he became my friend, his life turned around. He
graduated school and became a responsible person. When my mother died, his
father thought of adopting me.”
“And why were you not adopted?”
“His dad died. And, there were issues surrounding the
offer. So I said I had to think it over.”
“Actually, the offer is still valid. All documents are
signed by my dad before he died… Mr. Suarez can still accept it.”
“And why don’t you accept the offer, Mr. Suarez?”
Tiningnan ni Timmy si John. Sa isip niya ay
napreskohan siy sa mga tanong ng Dean. Ngunit kailangan niyang sagutin ito. “I
don’t want everyone to think that I accepted the offer just because of the
inheritance…”
Tumango-tango ang Dean atsaka bumalik sa kanyang
upuan. “You have a point there. At the same time, you are a principled person.
It’s rare that a person would decline a tempting offer of luxury and
abundance.”
Tiningnan lang ni John si Timmy. Iyong tingin ng
paghanga na sa isip ay gustong ipagsigawan na, “Kaya nga mahal ko iyan, eh.”
“Okay then, I guess I have to give you a chance,
especially you, Mr. Iglesias. You better try your best or else, there is
nothing I can do for you here.” ang sambit ng Dean.
“Thank you so much, Sir. We appreciate it.” Ang sambit
ng dalawa.
“Okay, good luck to both of you.” Ang sagot ng Dean.
“Mabait naman pala si Sir!” ang sambit ni John nang
nasa labas na sila ng opisina ng Dean.
Kaya binigyan ng chance ang dalawa, binigyan ng
special tests. At dahil may tutor si John na matalino, pumasa siya sa mga
special tests na ibinigay.
Muling naging normal ang lahat sa kanila ni Tok-Hang
sa klase at sa buhay nila. Pati si Julie ay mistulang naki-ayon sa magandang
pagbalik nila sa school.
“Hi Timmy, John! Kumusta!” ang paggreet ni Julie kina
John, isang araw nang nasa student center silang magbarkada at nagkuwentuhan,
kagaya ng dati nilang ginagawa kapag vacant time.
“Mabuti naman, Julie. Ikaw?”
“Okay lang ako. I was really worried sa iyo, John,
believe me. Every night I prayed for your fast recovery. At sinagot niya ang
aking panalangin!” ang sagot ni Julie na umupo pa talaga sa tabi ni Timmy,
nag-iisa lang siya.
“OMG! Ang plastic!” ang pabulong naman na sabi ni Joy
sa katabing si Emily, ang mukha ay halatang nangigigil sa inis. “Talagang ang
lakas mo kay Daddy Lord ha? Nagmilagro talaga siya nang manalangin ka sa kanya?
Ang tindi! Sobrang close ninyo siguro!” ang sarkastikong sabi ni Joy na tumayo atsaka
sumingit sa guwang sa gitna ng bangko na inuupuan nina Julie at Timmy. “Excuse
me.” ang sambit niya nang naisingit na ang sarili bagamat naging masikip na
sila sa bangko.
Wala nang nagawa pa si Julie at Timmy kundi ang umusog
na kaunti. Si John naman na nasa tabi langni Timmy sa kabilang side at hindi
maitago ang pigil na pagtawa. “Ah talaga? Salamat sa prayers mo ah! Ang sagot din
ni John na bakas sa mukha ang pigil na pagtawa.
“Maliit na bagay.” Ang sagot din ni Julie.
“At talagang marunong kang mag-pray ha?” ang kunyari
ay seryosong tanong ni Joy kay Julie, tiningnan talaga niya sa mata si Julie.
“Oo naman. Marunong ako. Born again ako.” Ang sagot ni
Julie.
“Ah… nasungo ka uli?” ang tanong ni Joy. Talagang
inookray niya si Julie.
“Born, hindi burn.” Ang sagot din ni Julie.
“Ah... sensya na, mahina ako sa Math.”
Tawanan ang magbarkada.
“Hindi ko talaga akalain na iyong babaeng iyon, ano
nga palang pangalan noon? Iyong senior high? Kilala mo pala iyon? Grabe siya
ha! Kung alam ko lang na ganoon iyon, naupakan ko n asana iyon.” Ang dugtong ni
Julie na tiningnan pa talaga si Timmy kahit nakaharang si Joy.
“Si Bell. Sa tingin ko naman ay mabait siya. Iyon nga
lang, may nag-utos sa kanya…” ang sagot ni Timmy.
“Hay naku, kahit may mag-utos pa kung likas na mabait
ka talaga, hindi mo gagawin ang ganoon!” ang baling niya kina Joy at mga
babaeng barkada nina Timmy, “Di ba girls?”
Hindi tumingin kay Julie ang mga babaeng barkada nina
timmy. “True.” Ang may pagkasarkastikong sagot ni Joy. “In fact, ang likas na
mabait ay hindi plastic. Hindi katulad ng iba riyan. Sarap sindihan! Hindi
nakakahalatang ayaw ng mga tao sa kanya!”
Ngunit hindi pinansin ni Julie ang sinabi ni Joy.
“Kung ako iyon, hindi ko kayang gawin ang ganoon, guys! Grabe siya! Kahit alam
niyang maaaring ikamatay ng tao ang ganoon, ginawa pa rin niya!”
“Actually, si Bell na ang testigo namin laban sa isang
taong siyang may pakana ng lahat.” Ang sagot ni John. “So, nakita naman namin
na nagsisi na si Bell kaya pinatawad na namin.” Ang sagot ni John.
“Ah okay…”
Tahimik.
“Sana guys, tanggapin niyo naman ang pakikipagkaibigan
ko. Gusto kong sumali sa grupo ninyo. Ang saya-saya ninyo kasi. Nagtutulungan
kayo, tapos close kayong lahat sa isa’t-isa.”
“Kung kilala mo si Felix Alberto, tatanggapin ka namin
bilang kaibigan.” Ang sambit ni Joy
“F-Felix Alberto? Sino iyon?” ang sagot naman ni
Julie.
Kung hindi mo siya kilala, di ka namin friend. Kilala
namin siya eh.” Ang mataray na sagot ni Joy, pinatutsadhan si Julie dahil siya
ang pinaghinalaan ni Joy na siyang may pakana kay Felix Alberto na gustong mag
land-grab sa lupa ni Timmy.
Hindi na naman pinansin ni Julie ang sinabi ni Joy.
“Eh, mag order ako ng pagkain para sa atin ha?” ang sambit ni Juli na tatayo n
asana.
“Huwag na!” ang sambit ni Joy sabay tayo, hinila ang
mga babae, “Tara bibili tayo ng pagkain natin. Baka kasi may lason naman iyong
pagkain na galing sa iba.” ang sambit ni Joy. Tumayo na rin ang iba pang mga
babae at sumunod kay Joy sa counter upang mag-order ng pagkain. “ang kapal
talaga ng mukha ng babaeng iyon! Ang sarap balatan ng buhay!” ang sambit ni
Joy.
“Kaya nga! Grabe ang kapal! Manhid.” Ang sagot naman
ni Emily.
“Ano na naman kaya ang binabalak noon? Kinakabahan ako
kapag nagmamagandang-loob eh. Alam kong may masamang balak iyan.”
Nang makapag-order na sila ng pagkain para sa lahat,
sa kabilang table sila umupo. Kinawayan nina Joy ang mga lalaki at iminuwestra
ang pagkain na dala nila.
Dali-dali namang nagsilipatan ang iba pang mga lalaki,
maliban kina Timmy at John.
“Lilipat kami sa kabila, Julie ha?” ang sambit ni
Timmy sabay tayo at tumbok sa kinaroroonan nina Joy. Sumunod na rin si John.
Hindi na sumunod si Julie. Naramdaman niyang iniiwasan
nila siya.
***
“Tangina! Wag ka ngang ganyan Hang! Ang manyak mo
talaga!” ang pigil na pagsigaw ni Timmy habang niyayakap siya pinilit na
halikan sa bibig. Umihi kasi sila at nang naghugas na sila ng kamay sa may
lababo, sa harap ng salamin. Doon na naglambing si John.
“Sige na, Tok. Nalilibugan ako eh.” Ang pabulong din
na sagot ni John.
“Tangina. CR to, gago. Paano kung may mga tao riyan?”
ang pagturo niya sa cubicles ng CR.
“Kaya nga kung mayroon man ay hindi nila tayo makikita.
Nasa wash area naman tayo, at nasa loob sila.”
“Paano kung may biglang pumasok?”
“O, e di nahuli na tayo dahil ang tagal mong pumayag.”
“Tarantado!”
“Sige na Tok, please…?”
Hindi umimik si Timmy.
“Please?”
At dahil hindi sumagot si Timmy ay dali-dali niyang
hinalikan ni John ang bibig ni Timmy. Niyakap nang mahigpit ni John si Timmy.
At nang maipasok ni John ang dila niya sa loob ng bibig ni Timmy, doon na
sinuklian ni Timmy ang yakap ni John. Nagyakapan sila, naghalikan.
Nang matapos na sila, sinuntok ni Timmy ang tiyan ni
John. “Manyak!” ang sambit ni Timmy na nakangiti, ipinunas niya ang kanyang
kamay sa kanyang bibig.
“Shhhhh!” ang sagot din ni John, itinuro ang mga
cubicles, pahiwatig na baka marinig siya ng mga nasa loob nito. Inayos niya ang
kanyang sarili at humarap sa salamin.
Tawa nang tawa si John nang nakalabas na sila ng CR. Feeling
niya ay nagtagumpay siya samantalang si Timmy ay bagamat may naramdamang pagka-inis,
ngingiti-ngiti na lang din. Ganyan ang asta ni John. Pinipilit niya kasi si
Timmy na pumayag na magladlad na sila sa kanilang status kaya palagi niyang sinusubukan
si Timmy sa pampublikong lugar. “Mag out na kasi tayo, Tok para wala ka nang
dapat alalahanin!” ang palaging sinasabi niya.
Ngunit may pag-aalangan pa rin si Timmy. Sabi niya,
kailangan lang niyang ihanda ang sarili. Iyon lang ang hinihintay ni John, ang
magiging handa si Timmy. Kaya sinasanay niya na tuksuhin sa mga alanganing
lugar.
Isang araw, nakapagdesisyon na si Timmy na papaya sa
gusto ni John. Na ilantad na ang kanilang status sa eskuwelahan bilang magkasintahan.
Bale may fund raising ang isang club noon. Ang format ng fund raising ay
mag-iimbita ng mga campus personality na may mga followers at fans kagaya ng
mga tinitilian na basketball players, mga estudyanteng may ipinagmamalaki sa
sports o sa academics, mga prince charming at muse, mga sikat na estudyante, at
iyong mga tinaguriang campus crush. Pinadalhan sila ng imbitasyon upang sumuporta
sa fund raising. At dahil may mga hitsura, kabilang sina Timmy at John sa
inimbithan.
Ang tawag sa fundraising activity nila ay “Crush
Wedding”. Bale nakaupo lang ang mga prospective “grooms” and “brides” sa gitna ng
student center at ang interesadong “magpakasal” sa kanila ay magbigay lamang ng
donasyon. Syempre, ang mga estudyante ay may mga crush na campus personality
kaya kung naroon ang crusn nila sa gitna ay iyon ang kanilang pipiliing
“ikasal” sa kanila. Kapag napili na, may isang minutong wedding ritual kung
saan ay maga-“I do!” ang dalawa habang binabanggit ng kunyaring pari ang mga
salitang, “I, ____, take you, ____, to be my lawfully
wedded (husband/wife), to have and to hold, from this day forward, for better,
for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.”.
Pagkatapos ay may picture-taking, selfie at may marriage
contract signing. Mayroon ding brief na yakap at kiss, bagamat sa pisngi nga
lang. At may karga sa bisig ng lalaki ang bride. Pagkatapos ay maghulog ng pera
ang estudyante sa donation box, depende sa amount na gusot niya basta huwag
lang bumaba sa 50 pesos. Walang pinipili gender ang kasal. Kung ang pipiliin ng
lalaking estudyante ay lalaki, puwede. Kung babae naman, walang problema.
Masaya ang mga estudyante sa activity na iyon.
Syempre, pagkakataon ng mga estudyante na “makasal” sa mga crush nila. Ang segment
nina Timmy at John na mag-“out” ay sa bandang huli na. Bale si John ang lalapit
kay Timmy at yayayain itong “magpakasal”. Pagkatapos ng kasal, hahalikan ni
John si Timmy sa bibig. Maghahalikan sila. At doon na mag-announce si John na
sila nga si Timmy. Pagkatapos ng announcement ay maglaglagan ang mga confetti
na inihanda ng barkada nila. Sa puntong iyon ay ilalabas nila ang pina-order ni
John na snacks at soft drinks para sa lahat, at magpa-party na sila sa mismong
lugar.
Nasa kalagitnaan na ng kasiyahan ang mga estudyante sa
fund raising nilang iyon nang may isang grupong nagkagulo at tiningnan ang
kanilang mga cp. “Pasa mo sa amin! Pasa mo sa amin!”
Hanggang sa nag-grupo-grupo na ang mga estudyante na
halos hindi na pinansin ang kasal-kasalan sa gutna ng student center.
Nang lumapit sina Jeff sa kanila ni John, doon nila
nakita kung ano ang laman ng video na pinapanuod ng mga estudyante. Dalawang
lalaki na nagtatalik sa may lababo, sa harap ng salamin sa loob ng CR! Sa una
ay makikitang ino-oral sex ang nakatayong lalaki at maya-maya lang ay tinira na
nniya sa likuran ang nag-oral sa kanya. Hindi klaro ang mga mukha ng dalawang
lalaki. Ngunit ang aktong pagtatalik ay klarong-klaro at may ungol pa.
Nagkatinginan sila ni John at Timmy. Naalala nila ang
kanlang ginawa sa CR sa parehong lugar sa loob ng CR.
Doon na nakaramdam ng matinding kaba si Timmy. At sa
isip niya, ay gusto niyang sumbatan si John. Ramdam kaagad ang biglang pag-iba
ng mood ni Timmy. Kung sa simula pa lang ng fund-raising ay malakas ang kanyang
tawa at nagi-enjoy siya, sa pagkakataong iyon ay nakasimangot na siya. Kahit
may pipili sa kanya sa kasal, halatang peke ang kanyang ngiti, halatang takot
at may dalang pagkabalisa.
Ngunit si John naman ay hindi halatang apektado. Kitang-kita
sa kanyang kilos at kakulitan na nagi-enjoy siya at malakas pa rin ang kanyang
tawa kapag may nagsisigawan at nagkakantiyawan. At game na game pa rin siya
kapag may estudyanteng gustong ikasal siya sa kanila.
Halos matatapos na ang activity na iyon nang dumating
ang Dean. Nagmamadali at sumigaw. “Stop that activity!!!”
Biglang natahimik ang lahat.
“I don’t want any more nay activity of this nature in
the future! The club that sponsors this fund-raising must clean the area.
NOWWWW!!!” ang sigaw niya.
Dali-daling nilapitan ni John ang Dean. “Sir, I have
prepared refreshments for everyone. Can we just stay for a while and eat?”
Tinitigan ng Dean si John, ang kanyang mga mata ay nanlilisik
sa matinding galit. “You and Mr. Suarez… follow me to the Dean’s office!” sabay
talikod at nagmamadaling tinumbok ang kanyang office.
Dali-daling sinabihan na lang ni John ang mga barkada
niya na ipalabas ang mga pagkain at kumain sila habang nilinis nila ang lugar. Para
tuloy nagpakain si John para i-celebrate ang scandal na umiikot.
Hinawakan ni John ang kamay ni Timmy.
“Huwag mo nga akong hawakan!” ang bulyaw naman ni
Timmy kay John.
Nahinto ang mga mga estudyanteng nakarinig sa bulyaw
ni Timmy. Ang kanilang mga mata ay nakatutok kina John at Timmy.
“Punta raw tayo sa Dean’s office!” ang sagot na lang
ni John at tumalikod, tinumbok ang daan patungo sa Dean’s office.
Walang imik na sumunod si Timmy. Nagmamaktol. Ang mga
estudyante naman ay abala sa pakikipag-agawan ng pagkain. Ang iba naman ay nagbubulungan
habang sinundan sila ng tingin.
Nasa kalagitnaan na si John patungo sa office ng Dean
nang huminto siya at hinintay si Timmy.
“Tangina mo! Sabi ko nga sa iyo na huwag tayong gagawa
na kabulastugan sa CR na iyon! Namimilit ka talaga! Putanginaaaa!!!” ang sigaw
ni Timmy.
“Easy ka nga lang, Tok! Masyado ka namang nerbiyoso
eh!”
“Nirbiyoso? Palibhasa ikaw, okay lang na ma-expel ka
sa school dahil sanay ka. Dahil balewala sa iyo kungpumasa ka o hindi. Hindi
ako kagaya mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!”
“Sorry na. Pero alam mo naman ang totoo, di ba?”
“Oo. Alam ko. Pero ang kahihiyan???”
Nang nasa loob na kami ng opisina ng Dean, nakaupo na
siya sa harap ng kanyang mesa.
“You must have seen the video already Mr. Iglesias and
Mr. Suarez. What can you say about it?”
“Sir... the students in the video are not us. We did
not do anything like it.” Ang sambit ni John.
“And you, Mr. Suarez? What can you say?”
“We did not do it, Sir!” ang matigas na boses ni
Timmy.
Kinuha ng Dean ang kanyang cp at binuksan ang isa pang
video. Sa video na iyon naman ay ang mismong ginawa nilani John at Timmy kung
saan ay nagyayakapan at naghahalikan sila ng wala pang isang minuto sa mismong
lugar din kung saan nagyayarian ang dalawang estudyante sa naunang scandal.
“So the same place... the same spot, naghahalikan. You
both said that in that video those guys were not you. Siguro naman ay you won’t
deny it’s you in this second video.”
Hindi agad sila nakasagot. Napayuko na lang si John. Si
Timmy naman ay tila sasabog sa galit.
“S-sir, I admit that in the second video, it’s us. Ngunit
wala po kaming ginawang mas malala pa sa halikan.”
“How can I believe you, Mr. Iglesias and Mr. Suarez?
It’s clear that you are the same students who did it in the first video. First
you said, if you still remember telling me, that your Dad wanted to adopt Mr.
Suarez into the Iglesias family. And Mr. Suarez said that out of propriety, he
did not accept the offer because he doesn’t want to be accused of being an
opportunist? But the real reason is because you both have a secret relation? You
lied to me!”
“Sir, our conscience is clear. It’s all I can say. It’s
difficult to explain because you have already judged us. No matter we will try
to explain, you will not listen to us anymore. For you, we are a liar. We are
an offender.” Ang sambit ni Timmy.
“Your conscience is clear? Everyone can say that, Mr,
Suarez! And don’t accuse me of pre-judging you! I’m really, really disappointed
with you!”
“Sir, please believe us. Give us the benefit of the
doubt. Please...” ang pagsingit ni John.
"I'm sorry.
But what you did was so unbefitting being students of this university. I have
no recourse but to implement the rules and recommend for your expulsion. That’s
my decision. Do you have anything more to say?"
Nilingon ni Timmy si John, ang kanyang tingin ay tila nagbabaga sa matinding galit at paninisi. "No, Sir. I have nothing so say. We deserve the punishment." ang sagot niyang na nakayuko, halata ang matinding pagkadismaya sa kanyang mukha.
Nilingon ni Timmy si John, ang kanyang tingin ay tila nagbabaga sa matinding galit at paninisi. "No, Sir. I have nothing so say. We deserve the punishment." ang sagot niyang na nakayuko, halata ang matinding pagkadismaya sa kanyang mukha.
“No Sir! This is
unfair! You can’t do this to us!” ang sigaw ni John.
“Just wait for
the decision of the board! You will know it within this week!”
“Noooo!” ang sigaw ni John.
(Itutuloy)

Hala! Bakit nag kagaon? C sir mike talaga....nilagyan nya pait at anghang ang story...heheje hayam mag dusa...
ReplyDeleteShhhhhh😡
ReplyDeletePasaway, John!haha
Next Chapter pls 🤗
😘😘😘cge pa. Ipagpatuloy ang kilig
ReplyDeleteC kuya Andrie to.🤗
Bagong balakid sa pagmamahalan nina Tok-Hang....tnx kuya mike sa update...zed
ReplyDeleteI did not expect that. Nice twist kuya Mike. Tokhang for the win...
ReplyDeletekupoo.... maygad... this is it pansit ulit... i know si juli na luret ang nag edit ng video na yun hayssss.... libog kasi ni john ehh... pitikin ko tete mo ehhh ahhahaha.. tsk tsk...mesyede ke jellie kekereten ke senget mo eh... haha... i cant wait for the next chapter... sana marisolba yung problema nila... keep it up kuya lodi mike...
ReplyDeleteDi ko na mahanap yung profile ni sir Mike sa wattpad.
ReplyDeletedito na naman pala siya ulit nag update
Dahil active na ulit ang blog ni sir Mike,sana bumalik din sa pagsulat dito yung mga writer dati.
ReplyDelete