By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Nanlaki
ang aking mga mata nang mabasa ko ang resulta, “% of Probability of Paternity:
99.8%”
“Oh
my God!!!” ang nasambit ko sa aking sarili. Sobrang na-excite ako sa aking
nabasa. Ngunit nang tiningnan ko naman si John, kabaligtaran ang expression na
nakita ko sa kanyang mukha. Ramdam ko ang panlulumo niya. Dali-dali siyang
pumasok sa kuwarto namin. Nasa apartment nila kasi kami nang oras na iyon gawa
nang ipinatawag kami ng Tito niya dahil nga sa resulta.
Sinundan
ko siya sa kuwarto. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ang dalawang kamay ay
nakatukod sa kanyang mukha. “John... Gusto kong sabihin sa iyo na nalungkot din
ako sa resulta.”
“Nalungkot
ka pero kitang-kita ko naman sa expression sa mukha mo na tuwang-tuwa ka.”
Naging
seryoso ang tugon ko sa kanyang sinabi. “Oo... inaamin kong masaya din ako sa
naging resulta. At sana naman ay maintindihan mo rin ang panig ko. 18 years
akong nabuhay sa mundo, John. At sa 18 years na iyan ay ang buong akala ko,
wala akong ama. Buong buhay ko ang 18 years na iyan at hindi ko naramdaman ang
pagmamahal ng isang itay. At sa buong buhay ko na iyan ay hindi ko alam na may
kuya pala ako na mamahalin ko, na magmamahal sa akin. Nasasabik ako sa pagmamahal
ng isang itay, John na buong buhay na ipinagkait sa akin. At ngayon na may
bonus pa na isang kuya, hindi pa ba sapat iyan upang maging masaya ako?” ang
sambit ko na hindi namalayang na dumaloy na pala ang aking luha. “Siguro naman
ay kung mahal mo ako, maintindihan mo ang side ko, at matutuwa ka rin para sa
akin.”
Natahimik
siya.
“At
oo, nalungkot ako sa sitwasyon natin. Dahil mahal kita. Dahil naaawa ako sa
iyo. Dahil ngayong napatunayan na magkapatid pala tayo ay hindi ko na
maibibigay sa iyo ang gusto mo.”
Nang
tiningnan ko siya ay nakita kong nagpahid na siya ng kanyang mga luha.
“Pareho
tayong apektado sa mga pangyayari, John. Pareho tayong magsasakripisyo. Ngunit
kung mahal mo talaga ako, dapat ay maging masaya ka para sa akin. Pareho tayong
nawalan ng karapatan na magkaroon ng romantikong relasyon. Ngunit ibinigay
naman sa atin ang probilehiyo na maging magkapatid, na magdugtong ang tanikala
ng ating buhay sa ganitong paraan. Nawalan man ako ng karapatan na mahalin kita
bilang isang kasintahan, ang ipinalit naman ay ang pribilehiyong mahalin kita
bilang Kuya... habambuhay. At proud na proud ako na naging Kuya kita. Ikaw ba
ay proud na naging bunso mo ako? Hindi mo ba matanggap na bunso mo ako at hindi
kasintahan?”
Nanatili
pa rin siyang nakayuko.
Inakbayan
ko siya. “Mahal naman kita eh. Kahit Kuya kita, kakaiba ang pagmamahal ko sa
iyo. Alam mo iyan. Ang sex part lang ang ayaw ko. Ang love, Kuya, doesn’t have
to be sexual. Mas masarap ang pagpadama ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagsisikap,
pagsasakripisyo. Di ba kapag mahal mo ang isang tao, ang sasabihin mo ay ‘Kahit
buhay ko ay iaalay ko sa iyo, mapatunayan ko lang kung gaano kita ka-mahal.
Hindi iyong, ‘Kahit lahat ng tamod ko ay uubusin ko sa tumbong mo, maipakita ko
lang sa iyo kung gaano kita kamahal.’ Ano ba ang mas importanteng ipadama mo sa
taong mahal? Buhay mo? O tamod mo?”
Napangiti
siyang tiningnan ako. “Tamod talaga ha?”
“Oo
naman. Parang mas importante para sa iyo iyan eh.”
“Ang
tali-talino mo talaga no?” ang sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
“Pag-aralan
mo Kuya na mahalin mo ako, hindi sa pamamaraan na gusto mo, kundi sa pamamaraan
na tama. Kasi, ang romantikong pagmamahalan ay may bawal din. At ang isang
bawal ay kapag magkapatid ang dalawang taong nagmamahalan...”
Iyon
ang napagkasunduan namin. At nakita ko naman na pinilit niyang tinanggap ang
aming status na magkapatid. Tinulungan ko siya. Nagsikap din akong mas
mapalapit pa sa kanya, at imbes na dati ay halos siya lang ang nag-ieffort na
magbigay ng kung anu-ano sa akin, nagbibigay na rin ako sa kanya ng kung
anu-ano, kagaya ng paborito niyang pagkaing “binagol” iyong matamis na i-oorder
ko pa talaga sa kabilang bayan. Syempre, may allowance na rin ako mula sa papa
namin kaya halos kalahati noon ay ginagastos ko para sa kanya. Binibilhan ko
rin siya ng T-Shirt, pantalon, at kahit brief niya ako na ang bumibili at
namimili ng kulay o style para sa kanya. Kapag alam kong may kailangan kami sa
klase, ako na ang bibili noon. Minsan magdodoble ang aming nabili kasi hindi ko
alam bumibili rin pala siya para sa amin. Basta ginawa ko ang lahat para lang
mas mapalapit siya sa akin at hindi siya ma-depressed. Basta alam niya na mahal
ko siya. Iyon nga lang, ikinaklaro ko sa kanya na wala na talaga kaming sex.
At
naintindihan naman niya iyon. Kapag magkatabi kami sa higaan, nariyan iyong
panananching niya. Pero hinahayan ko na lang. Kagaya nang kapag nakatihaya ako
ay hihilahin niya ang katawan ko upang humarap sa kanya. Tapos kapag nakaharap
na ay kukurutin ang psngi ko, ang ilong ko, lapirutin ang mga labi ko. Kakagat-kagatin
ang leeg ko, ang dibdib ko, o kahit anong parte ng katawan ko. “Sarap talaga
nitong halikan. Sarap kagatin.”
Nariyan
pa rin naman ang aming yakapan kapag natutulog na kami. Minsan naman kapag
nakatihaya ako ay bigla niya akong daganan at hahalikan ang aking pisngi, noo,
ilong. Ngunit kapag tinangka niyang halikan ang aking bibig, doon na ako
papalag. “Arrgggghhh! Huwag ka ngang makulit Kuya!” ang isisigaw ko. Minsan
din, bigla na lang niyang sunggaban ang harapan ko. Kunyari ay tatagilid na
lang ako. Minsan din ay hahayaan ko na lang. Ngunit kapag nagtangka siyang
ipasok ang kamay niya sa ilalim ng aking short, doon na ako papalag. “Kuya
naman eh!” maggalit-galitan na ako niyan.
May
time din habang natutulog kami na magising na lang ako na nakapatong na ang ulo
ko sa kanyang bisig habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa aking dibdib.
Hindi ako papalag noon. Kasi, na-miss ko rin naman talaga ang ganoon. At kapag
ganyang tinitingnan ko siyang nahihimbing, napapabuntong-hininga na lang ako.
Naawa talaga ako sa kanya.
May
isang gabi nga, nakatihay ako sa higaan. Akala niya ay tulog na ako, humiga
siyang nakatagilid paharap sa akin, iyong ang kanyang kamay ay itinukod sa
kanyang ulo at pinagmasdan ang mukha ko. Tapos, hinaplos-haplos ang aking
buhok. “Tok... ano man ang mangyayari, tandaan mo palagi, mahal na mahal kita,
bilang kuya at bilang kasintahan.” Tapos, naramdaman ko na lang na may pumatak
sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko siyang umiyak at
dali-dali ring humiga at nagkunyaring tulog. Nagkunyari na rin akong nagising
lang saglit at tumagilid patalikod sa kanya.
May
time din na habang magkaharap kaming nakatagilid sa higaan, hahaplusin niya ang
aking mukha at sasabihin sa akin na, “Mahal na mahal kita Tok...” alam kong
hindi pang-kuyang pagmamahal ang ibig niyang sabihin. Kaya sasagutin ko na lang
din siya ng “Mahal na mahal din kita John.” Iyan ang parang code na rin namin.
Kapag John ang itatawag ko sa kanya, alam niya na, hindi pang Kuya ang ibig
kong sabihin.
Masakit...
hindi lang para sa akin kundi para na rin kay John. Nasasaktan akong nakikita
siyang nagdurusa at pinipilit ang sariling maging okay pa rin ang lahat sa
kabila ng napakabigat na dinadala niya. Kasi, sa nangyari, ako ang nakabenefit
– na mahanap ang ama, na siya namang ikinasira ng aming relasyon at dahilan
upang magdusa siya. Ngunit wala akong magagawa.
Napagdesisyunan
din namin ni John na ipaalam na lang sa aming mga kaklase na magkapatid kami.
At maraming nagulat at hindi makapaniwala. Ang suwerte-swerte ko raw dahil
nahanap na nga ang aking ama, ang yaman-yaman pa niya. Ngunit dahil alam nila
ang aming relasyon ni John, may nalungkot din. At kapag tinatanong na ang
ganyan, napapansin kong nalulungkot si John kaya ang sagot ko na lang ay
“Syempre, mag-utol na kami. Bawal iyon eh...” Si Joy naman na may crush kay
John ay nagbiro ng, “Sayang naman, sana pala ay naghintay na lang ako.”
Nagkatuluyan kasi sila ng Sgt.-at-arms ng klase na si Tony. At si Emily, naman,
mag-boyfriend na sila ni Jeff.
Kinantyawan
na lang nila kami na magpakain at magpainom. Pinagbigyan namin sila.
Nagpa-snack kami at ang mga officers ay inimbita namin sa isang inuman. Tuwang-tuwa
naman ang lahat. Busog at nalasing ang iba.
Isang araw ay sumaglit kami sa
isang inuman, sa dati kung saan kami unang naging magkaibigan. Naisipan namin
ni John na uminon ng kaunti. Habang hinihintay namin ang aming order, may mga limang
estudyante naman akong napansin na nasa mesa na di kalayuan sa amin. TAga-ibang
section sila at sa tingin ko ay mga lasing na. Dinig na dinig namin ang
kanilang usapan.
“Mga Tol... narinig niyo ba ang
balita tungkol sa boyxboy love sa Grade 12 Class Masugid?”
ang sabi ng isa.
“Ay oo Tol. Alam ko iyan.” Ang
sagot naman ng isa.
“Grabe no? Kabaklaan na nga,
incest pa ang mga pota!”
Tawanan.
“Pero sa totoo lang, talaga bang
magkapatid lang ang mga iyon? Baka drama lang upang sumikat!”
“Parang hindi nga ako
makapaniwala eh. Magkaiba naman ang mga hitsura nila, di ba? Napansin niyo ba?”
“Napansin ko nga rin. Hindi
kapani-paniwala. Parehong matangkad, parehong guwapo. Pero magkaiba ang mukha
nila.”
“Baka pera-pera lang. Iyong
Class president kasi nila ay ulila na kaya ipinalabas na lang na magkapatid
para mabahagihan ng yaman. At upang tuloy pa rin ang love affair nila! Tama
ba?”
Tawanan
“Ano kaya ang pakiramdam na
kahalikan o katalik ang kapwa lalaki rin, no?”
“Ewww!!!”
“Siguro kapag nagtatalik ang mga
iyan, ang sasabihin ay, “Kuya.. isagad mo pa Kuya... ang sarap kuya!
Kuyaaaaaa!”
Tawanan uli.
“O di kaya ay, Bunso, tsupain mo
ako, ang sarap-sarap mong tsumupa! Sige pa!!!”
“O ba kaya ay, Fuck me bro! Fuck
me harder!”
Sobrang nasaktan ako sa kanilang
mga pinagsasabi. Gusto ko sanang umalis na lang sa lugar ngunit dahil may
hinihintay pa kaming order kung kaya ay tiniis ko na lang. Ngunit hindi
nakatiis si John. Tumayo siya at kinuwelyuhan ang huling nagsasalita at
hinaltak ito patayo. “Anong sabi mo? Ulitin mo nga!” ang galit na galit na
bulyaw ni John.
Nagsitayuan ang iba pang mga
kasama ng kinuwelyuhan ni John. Palibahasa ay nasa 5’11 ang height ni John, mas
matangkad lang sa akin ng isang pulgada at malaki pa ang mga muscles gawa ng
palaging pag-iexercise. “Saan kayo pupunta? Saan kayo pupunta!” ang pagbabanta
niya sa ibang mga kasama. “Kapag umalis kayo, bubugbugin ko itong kasama ninyo!
Kayong lima, laban sa akin! Suntukan! Ang tatapang ninyo pag nakatalikod ang
tao ha!” dugtong niya.
Dali-dali akong lumapit at
kinuwelyuhan ko rin ang isa. “Huwag kang pumalag, pare.” Ang sambit ko.
Iyong tatlong natira ay
nanatiling nakatayo kaharap kami. Biglang pinagsusuntok ni John ang
estudyanteng kinuwelyuhan niya. “Tangina mo! Kung may sasabihin ka, sa harap ng
tao mo gawin! Hindi iyong patalikoddddd! Lalaki ka ba? H? Sagottttt!!!”
Bagsak sa lupa ang kinuwelyuhan
ni John. Putok ang labi at ilong. Tumalsik ang dugo na may kasamang dalawang
ngipin. Hindi na siya nakasagot. Pagkatapos ay hinarap niya ang tatlo pang
kasama na estudyante na dali-dali ring nagsitakbuhan.
Binigyan ko rin ng isang malakas
na suntok ang mukha ng estudyanteng hawak ko. Dumugo rin ang bibig at halatang
nahilo dahil hindi ito makatakbo ng tuwid.
Nang nawala na silang lima,
kasama na iyong bumagsak, bumalik na kami sa upuan ni John. Halata pa rin sa
mukha niya ang matinding galit.
“Okay ka lang?” ang tanong ko.
“Okay lang.”
“Huwag na natin silang pansinin.
Ganyan talaga, may mga taong makitid ang utak.”
“Narinig mo ang sinabi noong isa?”
“Ano?”
“Hindi tayo magkamukha. Hindi
sila naniniwala na makapatid tayo.”
“Huwag mo na nga lang silang
pansinin!” ang naiinis kong sabi. “Bakit ako ay kamukhan naman talaga sa mama
ko eh.” Ang dugtong ko pa.
“At ako, kamukha rin sa mama ko,
ganoon?”
“Bakit may kahawig naman kayo ni
papa eh. Tingnan mo sa ilong, sa kilay...”
“Ewan ko ba. Basta hindi ko
ramdam.” Ang pagkontra din niya.
“Nand’yan na naman tayo eh.
Huwag na John. May resulta na ang DNA. Magkapatid tayo.” Ang sambit ko.
Natahimik na lang siya.
Dumating ang araw kung saan ay
ipakilala na ako sa pamilya ng mga Iglesias. Dahil hindi pa raw safe sa lugar
nila sa Maynila para kay John, sa Baguio gaganapin ang event. Bale tatlong araw
at tatlong gabi lang kami roon. Excited na kinabahan ako sa enent na iyon.
Syempre, mga mayayaman ang mga iyon.
Sa mismong araw ng pagpapakilala
ay may program. Marahil ay may mahigit isang daang mga kamag-anak ang naroon. Sa
isang 5-star hotel ito ginanap. Mga naka-kotse. May mga businessmen, may
militar, at maraming pulitko. Palibhasa, ang ama ni John ay isang gobernador at
dating congressman. Makapangyarihan. Ma-impluwensya. Mga mayayaman din ang mga
kamag-anak at kaibigan.
Naka-coat and tie kaming pareho
ni John. Siya pa ang nagdamit sa akin, siya rin ang nag-ayos ng aking tie,
hanggang sa pagsuot ng aking sapatos ay siya ang umalalay sa akin. Iyon ang
pinakaunang pagsuot ko ng Amerikana. Itim ang kulay nito at ang aking tie naman
ay kulay pula na may pulang rosas sa harapang bulsa. Magkapareho halos kami ni
John maliban sa kulay dilaw at asul ang kanyang tie. Sa kanyang pagdamit naman
ay ako ang tumulong.
Sobrang guwapong tingnan ni John
sa kanyang suot. Litaw na litaw ang kanyang kapogian. Muli ko na namang
naalaala ang una naming tagpo sa loob ng classroom kung saan siya biglang
pumasok sa kasagsagan ng aming election of officers. Hindi ako masyadong na
attract sa kanya noon. Sa katunayan ay na-preskohan pa ako sa kanya at sino
bang mag-aakalang mahulog din pala ang loob ko. Ngunit sa pagkakatong iyon na
suot-suot niya ang Amerikana, tila gusto ko siyang yakapin at halikan sa bibig.
Para bang, “Wow! Ang pogi ng asawa ko!” Ngunit sa isip ko lang iyon.
“At bakit ka nakatitig sa akin,
ha? Na-in love ka ano? Nagsisisi ka kung bakit tayo magkapatid no?” ang biro
niya.
“In-love your ass!”
“Sabihin mo nga, ‘John ang
guawpo mo.’” Ang utos niya.
“Kuya... ang guwapo mo.”
“Tangina, Tanggalin mo ang
kuya!”
“Ang guwapo mo.” Ang sambit ko.
“Okay puwede na.” ang sagot
naman niya sabay akbay sa akin at bulong sa aking tainga. “Ang guwapo-guwapo mo
rin Tok. Ngayon ko lang na-realize gaano ko kasuwerte na may asawa akong
sobrang guwapo. Lalo tuloy akong na in love at nalibugan sa iyo. Mamaya
gagapangin kita, promise.”
“Sagwa!” ang sagot ko sabay
tulak sa kanya. “Lumayo ka! Manyak!”
Ginulo niya ang aking buhok
sabay karipas ng takbo patungo sa labas habang tumatawa.
“Salabahe! Humanda ka, guluhin
ko rin yang buhok mo kapag naabutan kita!” ang sagot ko rin na muling inayos
ang buhok ko habang hinahabol siya.
“Timmy, halika, ipakilala kita
sa mga Tito at Tita mo, pati na sa mga pinsan at iba pang mga kamag-anak at
kaibigan ng pamilya.” Ang sambit ng papa ni John nang nasa labas na kami.
Sumunod ako sa kanya. Nang
tiningnan ko si John, napansin kong sinimangutan niya ang aming ama.
Inikot namin ng papa namin ni
John ang mga nakaupong kamag-anak. Halos hindi ko na matandaan ang mga panalan
at mga mukha nila. Basta kamay lang ako nang kamay, ngiti nang ngiti, sagot sa
kung ano man ang itatanong.
Nang magsimula na ang program nagsalita
ang papa ni John sa entablado at ipinakilala ako. “Ang pinakadahilan ng
pagtitipon nating ito, ang aking long lost son, Timmy Iglesias!” ang pagtawag
niya sa akin bagamat hindi pa naman ako isang Iglesias sa papel.
Habang pumalakpak ang mga tao, umakyat
ako ng entablado sa tabi ng papa ni John. Nagsalita ako. Ikinuwento ko ang ang
aking pag-aaral, ang buhay namin sa bukid ng aking ina hanggang sa namatay siya
at naroon si John na hindi ako iniwan. At nang dumating ang papa ni John na
nakita ang locket na iyon, doon naramdaman ng papa namin ni John na anak nga
niya ako. Nang nagpa-DNA test na, lumabas ang resulta.
Pagkatapos kong magsalita ay
dinagdagan pa ng papa namin ni John ng, “Matalino ang batang ito, strong
candidate sa pagka-valedictorian. Mabait, at presidente ng kanilang klase. Mana
sa ama!”
Nagpalakpakan ang mga tao sa
sinabi ng papa namin ni John. Ako naman ay nakaramdam ng hiya at guilt.
Nang tiningnan ko ang
kinaroroonan ni John, nakita kong bigla siyang tumayo. Kitang-kita ko sa
kanyang mukha ang ibayong lungkot. Tumalikod siya at nagtatakbong lumayo.
Pagkatapos ko sa stage ay agad
kong hinabol si John. Hindi ko na mahanap kung nasaan siya.
“Hi!” ang narinig kong boses sa
aking likuran.
Nang nilingon ko, isa pala sa
mga ipinakilala sa akin na pinsan.
“You remember me? I’m Jishin. Jishin
Cruz, your cousin.” Ang sambit niya. Natandaan ko siya. Siya iyong nabundol
ko sa may CR ng hotel bago magsimula ang program. Mestiso si Jishin, matangkad,
guwapo, artistahin. At Englisero. Parang native speaker siya. Marahil ay sa
ibang bansa siya nag-aaral, o sa isang international school.
“Ah, yes. I remember you.” Ang
sagot ko.
“How are you?” ang tanong niya.
“I’m fine, thanks” ang sagot ko.
At talagang nag English din ako. Para kasing nakakailang magtagalog habang Englisero
ang kausap mo.
“How long will you be staying
here?”
“Hmmm, until next day.”
“Oh... too bad. I’m supposed to
invite you. My 18th birthday is next week. How I wish you could
come.” Ang sabi ni nya.
“I’m not sure but, I- I hope I
could.” Ang sagot ko na lang.
“Okay, so can I take your
number?” ang tanong niya.
Dahil binigyan na ako ng cell
phone ng papa ni John pagdating na pagdating namin ng Baguio nang nakaraang
araw, agad kong binigay ang aking number kay Jishin.
“Can I join you, couz?” ang
tanong niya, pahiwatig na sasama siya sa akin.
“Errr. I’m looking for my
brother, John?”
“Ah... I think I saw him going
upstairs. He went that way to the elevator.” Ang pagturo niya sa daan patungo
sa elevator. “I’ll call you later, okay?” ang dugtong niya.
“Okay, ang sagot ko.”
Naalala ko kaagad ang roof top
na paboritong lugar ni John. Nagbakasaki ako na doon din siya tumakbo. Dumeretso
ako roon. At hindi nga ako nagkamali. Naroon siya, nakaupo sa isang nakausli na
tubo.
Tinabihan ko siya. “Ba’t nandito
ka?”
Nilingon niya ako. “Dapat ay
ikaw ang tatanungin ko niyan. Ba’t nandito ka?”
“Hinahanap kita.”
“Bumalik ka na roon. Hinahanap
ka ng mga bisita. Hindi maganda na nagtatago ka habang sila ay nagtatanong kung
nasaan ka. Para sa iyo ang party na ito.”
“Bakit ikaw? Bisita naman natin
iyon, ah.”
“Bisita ninyo ng papa ang mga
iyan. Hindi ako kasali.”
“Kuya naman eh! Nand’yan na
naman tayo. Ako ay naiilang sa kanila dahil hindi ako sanay. Hindi ko sila
kilala. Kapag nakatingin nga sila sa akin ay parang lalamunin nila ako eh.
Hindi ko kayang mag-isa roon. Samahan mo ako. Sige na.”
Hindi siya sumagot.
“Kapag ayaw mo akong samahan,
hindi ako lalabas doon. Dito lang tayo. Gusto mong dito tayo mag-inuman? Kukuha
ako ng beer or wine doon.”
Kaya napilitan siyang tumayo at
sinamahan ako. Nang nasa baba na kami, naupo kami sa isang mesa. Nang makita
naman kami ni Jishin, sumali siya sa amin. “Timmy, can we go check on those
tables? Some of our relatives are looking for you. They’ve been asking me.” Ang
sambit ni Jishin.
Tumayo ako. “Kuya, sasama ka sa
amin?” ang sambit ko kay John.
“Dito lang ako. Kaya niyo na
iyan.” Ang sagot niya.
Nakita ko pa nang dumaan ang
isang tray ng wine glass na puno ng alak sa mesa namin, hinablot ito ni John at
sinabihan ang waiter na doon lang tray sa mesa namin.
Umikot kami ni Jishin sa parte
na sinabi niya at nang naroon na, nakipag beso-beso sa mga pinsan at nagmano sa
mga tito at tita. “Ang guwapo-guwapo talaga ng mga anak ni “Miguel!” ang
tukoy ng isang tita sa amin at sa papa ni John.
Nang maikot na namin ang halos
lahat ng sulok ng venue, bumalik kami sa mesa kung saan ay naroon si John. Medyo
lasing na si John. Sumali kaming dalawa ni Jishin sa inuman. Dahil English nang
English si Jishin sa amin, binara siya ni John.
“Magtagalog ka nga Jishin! Tagalog
naman iyang si utol eh. Pinahirapan mo lang ang sarili mo. Atsaka iyang si
Timmy, galit na galit iyan sa mga taong Englisero. May nabugbog nga iyan sa
klase namin dahil sa pagi-English at muntik pa niyang mapatay!”
Napatingin si Jishin sa akin. Nanlaki
ang mga mata. Nagtagalog na. “T-totoo?”
“Oo.” Si John ang sumagot.
“Sino?”
“Iyong English Teacher namin.
English nang English eh. Kaya ikaw para huwag kang mabugbog, magtagalog ka na
lang.”
Tawanan.
Nagtagalog na lang talaga si
Jishin. Mabait din naman si Jishin. Nagsabi nga siya na gusto raw niyang
bumisita sa probinsiya namin kapag may time siya at papayagan ng mga magulang
niya.
Habang nag-inom kami, nahalata
kong pinainom nang pinainom ni John kaming dalawa ni Jishin. Syempre, party
naman iyon at gusto ko ring uminom talaga para kapag nalasing na ay maka-eskapo
na ako sa party na iyon. Parang naplastikan kasi ako sa mga tao. Pasiklaban ng
mga alahas, ng magagandang damit, bagong gadget.
At dahil sa bilis na pagpapainom
ni John sa akin, nalasing ako. Iyong lasing na lupaypay, nagsusuka, at hindi kayang
tumayo. Nang dumaan ang papa ni John ay narinig kong nagpaalam si John na
ihatid na niya ako sa aming kuwarto dahil hindi na ako makatayo. Nagpaalam rin
si John kay Jishin na mauna na kami.
Kahit lasing ako ay tanda ko pa
rin ang mga nangyari sa paligid. Ganoon naman talaga ako. Kapag nalasing ay
buhay na buhay pa rin ang diwa. Ang katawan ko lang ang walang lakas.
Nang nasa loob na kami ng
kuwarto, inihiga ako ni John sa kama. Nakatihaya lang ako. Akala ko ay babalik
pa si John sa party. Ngunit laking gulat ko nang imbes lumabas, hinubad niya
ang kanyang damit pati na ang pantalon at brief. At ang sunod na nangyari ay dinaganan
niya ako.
“Ahhh! John! Huwag! Huwag John!”
ang daing ko nang hinalikan niya ang aking bibig. Gusto kong itulak siya o di
kaya ay iiwas ako, tatagilid, ngunit wala akong lakas at hindi ko kaya ang
aking katawan.
Kaya wala akong nagawa nang
hinalikan niya ang aking bibig at sinipsip ito nang sinipsip. Pagkatapos ay
tinanggal niya ang lahat ng aking saplot. Nang nahubad na niya lahat ay sumampa
muli siya sa ibabaw ng aking katawan at muli niya akong hinalikan sa bibig.
Nasa ganoon siyang paghahalik sa
akin nang nasilip ko ang pinto ng hotel. Nakabukas ito nang bahagya. At bagamat
halos nakapikit ang aking mga mata, naaninag kong may sumilip dito.
“May tao... May taooooo!” ang
pilit kong pagsasalita.
Nilingon ni John ang pintuan.
Nang nakita niyang nakabukas ito, dali-dali niyang tinungo ang pinto at sinilip
sa labas kung may tao. Nang wala siyang makita ay inilock niya ito atsaka
bumaik sa kuwarto. Muli niyang itunuloy ang paglapastangan sa akin.
Sa gabing iyon ay nakuha ni John
ang inaasam-asam niyan makuha sa akin. Ang maipasok niya ang kanyang pagkalalaki
sa aking likuran.
Kinabukasan, nagising ako na
masakit ang aking ulo at masakit ang aking katawan. Nang tiningnan ko ang aking
katawan ay wala akong saplot. Tinungo ko na ang banyo, at doon ko naramdaman
ang sakit ng aking tumbong habang naglalakad ako. At na-kumpirma ko ang kahayopang
ginawa ni John sa akin nang dumumi ako sa inodoro at may dugo na lumabas, may parang
laway-laway na sa tingin ko ay tamud, at higit sa lahat, sobrang mahapdi at
masakit ang aking puwet.
Halos maiyak ako sa nangyari sa
akin. Binalikan ko sa aking isip ang nangyari sa gabing iyon. Sariwa pa sa
aking isip ang pinaggagawa ni John sa akin. Pinadapa niya ako at pinasok niya
ang kanyang pagkalalaki sa aking likuran. Ramdam ko pa ang sakit nang umindayog
siya. Nalala ko pa ang aking pagmamakaawa na ihinto niya dahil masakit.
Nang nakabalik na ako sa higaan,
naroon pa rin si John, himbing na himbing at mistulang napaka-inosente. Nakahubad
din ang buong katawan niya. Nakadapa sa higaan.
Pakiramdam ko ay gusto ko siyang
upakan ng suntok o di kaya ay saksakin sa likod. Ngunit pinigilan ko ang aking
sarili. Nang may nagdoorbell, dali-dali akong kumuha ng tuwalya at itinapis
iyon. Si John naman ay tinakpan ko ng kumot ang katawan. Agad kong tinungo ang
pinto. Nang mabuksan ko na, ang papa ni John.
“Good morning!” ang sambit niya.
“Good morning po.” Ang sagot ko
rin.
“Alas 9:30 na ng umaga.
Mag-agahan na tayo. Hinitayin ko kayo sa baba.” Ang sambit niya.
“Okay po, pa. Susunod na kami.”
Dali-dali kong ginisng si John.
“Kakain na raw sabi ni papa. Hinihintay tayo sa baba!” ang padabog kong sabi.
Agad din siyang bumalikwas. Nag
T-shirt siya. Nang makita niya ang brief niya sa sahig na sinuot niya sa party,
dinampot niya iyon at muling isninuot. Tapos, nagshort lang.
“Hindi ka maliligo?” ang pasigaw
kong tanong.
“Mamaya na.” ang sagot din niya.
“Maliligo muna ako.” Ang sambit
ko
Hinintay niya ako. Siya pa ang
nag-abot sa akin ng tuwalya, brief, t-shirt, at short.
Nasa harap na kami ng mesa at
nagsimula nang kumain nang, “Gusto kong magpa-DNA test din para malaman ko kung
talagang tunay mo akong anak.” Ang sambit niya sa kanyang papa.
Biglang nahinto ang papa ni John
sa narinig. Hindi nakasagot agad at tinitigan si John. “Bakit? May duda ka?”
“Matagal na! At gusto kong magpa
DNA sa lalong madaling panahon!”
“Nandyan na naman ang ugali mong
demanding, John. Hindi ko nagustuhan iyan.”
“Wala akong pakialam kung
nagustuhan mo o hindi ang ugali ko. Gusto kong malalaman kung totoo mo ba akong
anak!” ang may pagka-aroganteng sabi ni John.
Tiningnan ako ng papa ni John.
Napayuko na rin ako. Hindi ko alam ang tunay na naramdaman. Ang isip ko ay
nagtatanong kung may kinalaman ba ito sa ginawa ni John sa akin sa nakaraang
gabi o talagang matagal na niya itong tinimpi at ipinalabas lang niya sa oras
na iyon dahil sa galit niya sa kanyang ama.
“Okay... may hospital dito na
puwedeng mag-analyze ng DNA. Aalis na ako pabalik ng Maynila mamayang hapon
kaya nitong umaga ay pupunta tayo sa ospital na iyan. Magpa-appointment tayo.
Kaibigan ko ang may-ari ng hospital.
Nagpunta kami sa ospital na
nasabi. Kinunan silang dalawa ng sample atsaka sinabihan na makukuha ang
resulta sa isa o dalawang linggo.
Sa buong araw na iyon ay wala
kaming imikan ni John. Habang natutulog siya sa kuwarto ng hotel na iyon, ako
naman ay lumabas. Tinawagan ko si Jishin. At dahil nasa Baguio pa rin siya,
nagpasama ako sa kanya na gumala. Sumang-ayon naman siya. May kotse naman siya
kaya dinaanan niya ako sa hotel. Inikot namin ang mga magagandang lugar sa
Baguio. Magandang kasama si Jishin. Walang nakakainip na sandali sa kanya. Madaldal,
masayahin, mabait, at hindi na rin siya nagi-English, kahit minsan ay nabubulol
siya sa pagtatagalog.
Nanuod din kami ng sine at
kumain ng hapunan sa labas. Sagot niya lahat. Alas 9 na ng gabi nang umuwi ako.
Inihatid din ako ni Jishin sa hotel. Nang nakarating na ako sa kuwarto namin ni
John, nag-doorbell ako. Siya ang nagbukas ng pinto. Lasing na lasing. Nag-inom
pala siyang mag-isa sa kuwarto.
Pagkatapos niyang buksan ang
pinto ay bumalik siya sa loob, umupo sa gilid ng kama.
Dumeretso naman ako sa loker at
nagbihis ng pambahay. Umupo ako sa silya na nakaharap sa TV. Kinuha ko ang
remote at binuksan ko ang TV. Nilakasan ko ang volume, ipinakita sa kanya na
galit ako.
Habang nakaupo naman siya sa
gilid ng kama, mistula siyang isang tupa na nakayuko lang. Maya-maya lang ay
nakita ko na lang ang paghagulgol niya. Pagkatpos ay tumayo siya at sinuntok
nang sinuntok ang locker na kahoy ng hotel.
Nabasag ang locker at nakita
kong dumugo ang kanyang kamay.
Pinatay ko ang TV. “Ano ang
nangyari sa iyo?!!!” ang sigaw ko.
Hindi siya umimik. Patuloy lang
siyang humagulgol. Maya-maya lang ay muli na naman niyang sinuntok ang isa pang
locker. Muling nabasag ito at lalong dumami pa ang dugo sa kanyang kamay.
Nilapitan ko na siya. “Ano’ng
nangyari sa iyo?” ang tanong ko.
Tumahimik siya nang nilapitan
ko.
“May kasalanan ako sa iyo, Tok.”
Ang sambit niya habang nagsimula na namang humagulgol. “Bugbugin mo ako Tok,
saktan mo ako, Sampalin mo ako. Kahit patayin mo pa ako. Ayoko na! Gusto ko
nang sumuko...” at muli na naman siyang humagulgol.
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung
maawa sa kanya o pagalitan ko pa. Napaiyak na rin ako.
“Patawarin mo ako, Tok,
please... Nahihirapan na ako, Tok.” Hinawakan niya ang aking kamay. Dumampi pa
sa aking balat ang dugo sa kanyang kamay. Lumuhod siya sa harap ko. “Maawa ka,
Tok. Patawarin mo ako. Please...”
Sa pagkakita ko sa kanyang
ginawa ay mistulang binalot ng awa ang aking puso. Tinanggap ko ang kanyang
kamay. Hinawakan ko ito at hinila siyang patayo.
Nang nakatayo na siya ay niyakap
niya ako. Niyakap ko na rin siya. “I’m sorry Tok. Ang sama-sama ko...”
Hindi na ako nagsasalita.
Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at sa noo. Hinaplos-haplos ko ang kanyang
buhok. Gusto ko siyang intindihin sa sandaling iyon. “Matulog na tayo...” ang nasambit
ko na lang.
Tumayo ako at kinuha ang tuwalya
ng hotel, binasa iyon ng mainit-init na tubig mula sa shower. Pagkatapos ay
pinunasan ko ang kanyang sugat sa kamay.
“Paano ba tumawag sa front desk?
Manghingi tayo ng bandage o band-aid? O kahit alcohol?”
“Huwag na, Tok. Okay lang ito.”
Ang sambit niya.
Kaya hinayaan ko na lang. Sabay
kaming nahiga at natulog. Niyakap niya ako habang nakahiga kami. “Sorry talaga,
Tok.”
Kinabukasan ay flight na uli
namin pabalik sa Probinsiya. Hinatid kami ni Jishin gamit ang kanyng kotse.
Nang makarating na kami sa
probinsiya, balik na naman kami sa dating gawi. Sa bukid pa rin kami umuuwi,
kasama namin si Tokhang. Iyong ginawa sa akin ni John sa hotel habang lasing
siya ay pinilit ko ang sariling ilibing iyon sa limot.
Sumapit ang araw kung saan ay
ipinatatawag na naman kami ng Tito ni John sa paratment. Naroon na raw ang
resulta ng DNA ni John.
Ewan ko ba kung bakit ngunit sa
pagkakataong iyon ay sobrang kaba ang aking naramdaman tungkol sa resulta.
Nanalangin ako na sana ay hindi kami magkapatid ni John, na sana ay sa
pamamagitan ng resulta ay hindi na siya masasaktan, hindi na kami magdusa at wala
nang hadlang ang aming pagmamahalan.
Nang nasa kamay na ni John ang resulta,
ramdam ko ang aking panginginig. Mistulang himatayin ako. Dahil katabi ko lang si
John, nabasa ko ang nakasulat sa papel.
“%
of Probability of Paternity...”
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment