By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
I Feel
You, Timmy!
Nagpagulong-gulong ang kanilang sinasakyang SUV sa
gilid ng bangin hanggang sa tumama ito sa isang higanteng puno ng acacia.
bumagsak ito ng patiwarik sa mismong paanan ng puno. Makikitang umuusok ang
sasakyan habang umiikot pa rin ang dalawang gulong.
Tahimik.
Nang iminulat ni Timmy ang kanyang mga mata, mas
tumindi pa ang takot niya nang makitang naipit ng sasakyn ang kalahati niyang
katawan at hindi siya makagalaw. Nakalabas ang bagahing pang-itaas na katawan
niya sa sasakyan ngunit ang bahaging tiyan pababa ay nasa loob ng sasakyan.
Sinilip niya ang driver’s seat. Natanggal ang pinto ng sasakyan sa gilid nito at
wala si John!
“Hang! Hang! Hang!!!” ang sigaw ni Timmy. “HANG! HANG!
JOHN! JOHNNNNN!!!” ang patuloy na pagsisigaw niya. Gustuhin man niyang tumayo
ay hindi niya magawa.
Maya-maya ay nakita niyang may gumalaw sa di kalayuan
ng pinagbagsakan ng sasakyan. Si John. Nakita niyang tumayo pa si John at
nilapitan ang sasakyan. Ngunit lalong bumilis ang kalampag ng kanyang dibdib
nang makita niyang halos mabalot ng dugo ang buong mukha ni John.
“Hang, okay ka lang?” ang tanong ni Timmy.
“O-okay lang ako, Tok. Ikaw, okay ka lang?”
“Hindi eh. Naipit ako! Di ako makagalaw!” ang sagot ni
Timmy.
“Huwag kang mag-alala, Tok. Akong bahala sa iyo.” Ang
sagot naman ni John na halatang nag-alala kay Timmy.
Ngunit kung gaano katindi ang pag-alala ni John kay
Timmy ay mas lalo pang nag-alala si Timmy sa nakita kay John. Maraming dugo ang
dumaloy mula sa kanyang ulo at nabalot nito ang kanyang mukha, pati na ang
damit, at kitang-kita pa ni Timmy ang pagdaloy ng dugo. Alam niyang hindi okay si
John.
At bago pa man tuluyang nakalapit si John kay Timmy, bigla
na lang itong natumba.
“JOHHHNNNN! JOHNNNNNNNNNNNNNN!!!” ang sigaw ni Timmy.
Ngunit hindi na sumagot pa si John. Nawalan siya ng
malay-tao.
Dahil hindi makagalaw si Timmy, naisip niya ang
kanyang cell phone. Pinilit niyang hugutin ito mula sa bulsa ng kanyang
pantalon. Nang nahugot na niya ito, binuksan niya. Pinatay kasi ito ni John
dahil sa pagtawag ni Bell. Ngunit nakatulong din ang pagpatay na iyon ni John
dahil natipid nito ang battery.
Ang unang pumasok sa isip ni Timmy na tawagan ay ang
Tito ni John. Ngunit nagri-ring lang ito at walang sumagot. Tinawagan din niya
ang barkadang si Jeff. Ngunit out of coverage ang signal.
Tatawagan na sana niya ang iba pa niyang kaibigan
ngunit biglang nag-ring ang cp ni Timmy. Si Bell.
“Hi Timmy! Kumusta? Ang daya mo! Pinatay mo ang cp mo
ah!”
“Sensya na Bell…” hindi na niya naituloy pa ang
kanyang sasabihing dahilan. “M-mabuti at tumawag ka, Bell! Naaksidente kami ni
John! Nalaglag kami sa bangin at heto, unconscious si John, naliligo sa sarili
niyang dugo! At ako ay naipit sa loob ng sasakyan! Hindi ako makagalaw Bell!
Pakitawag ng ambulansya at pulis!” ang sambit ni Timmy. Sinabi na rin niya kay
Bell ang lugar kung saan sila nalaglag.
“Oh mg God!!! Wala bang rescue riyan?”
“Wala Bell. Ikaw pa lang ang unang nakaalam!”
“Okay, maghanap ako ng mga tutulong sa inyo.” Ang
sagot ni Bell.
Agad na tumawag si Bell sa police. Ipinaalam din niya
ang aksidente sa hotel management at nanghinig siya ng tulong sa kanilang
paramedic upang agapang masagip ang mga naaksidente o mabigyan ng paunang
lunas.
Agad namang pinagbigyan ng hotel management ang hiling
ni Bell na tulungan ng paramedic nila ang naaksidente. Wala pang 15 minutos ay nasa
lugar na ng aksidente ang paramedics ng hotel, kasama si Bell. Agad nilang nahanap
ang sasakyan sa ibaba ng bangin. Bumaba sila at nang naroon na ay nakita nila si
Timmy na nadaganan ang kalahating katawan. Nakita rin nila si John na
nakandahusay malapit lang sa sasakyan.
“Unahin po ninyo si John! Wala siyang malay! Baka po
ano ang nangyari sa kanya!”
Kaya unang pinagtuunan ng dalawang paramedics si John.
Habang kinunan ng vital signs si John ay hindi naman mapakali si Timmy.
Awang-awa siya kay John. Natakot siya nab aka napaano na si John. Napakabata pa
niya upang bawian ng buhay. At siya, natatakot na mawala is John.
Nang matapos na nilang kunan ng vital signs si John,
binuhat nila siya upang ilagay sa stretcher. Tinalian nila ang stretcher at pinatutulungan
ng mga taong nasa highway na hilahin pataas ang stretcher ni John habang ang
mga paramedics ay sinabayan ang pag-akyat ng stretcher, sinigurong hindi
malaglag o bumaligtad ito.
“B-buhay ba si John?” Ang tanong ni Timmy kay Bell na
nagpaiwan para sa kanya.
“Huwag kang mag-alala, Timmy. Buhay siya. May pulso,
at humihinga siya. Unconscious nga lang siya.” Ang sagot ni Bell.
Nahimasmasan si Timmy sa sinabing iyon ni Bell. Ngunit
hindi rin niya maiwasang hindi mapaluha. Naawa siya kay John. Hindi siya
masyadong nag-alala para sa sarili kundi para kay John.
“Huwag kang mag-alala, Tim. Nandito lang ako para sa
iyo.” Ang sambit ni Bell na ang buong akala ay umiiyak si Timmy dahil sa
kanyang kalagayan. Inabot niya ang kamay ni Timmy at hinawakan ito.
“S-salamat, Bell.”
Tinawagan muli ni Timmy ang Tito ni John ngunit nagri-ring
lang ang telepono niya. Pati si Jeff ay out of coverage area din dahil umuwi sa
kanilang probinsya. Alam ni Timmy na mahirap ang signal sa lugar nina Jeff.
Hindi na lang din niya tinawagan ang ibang barkada nila gawa nang baka nasa mga
probinsya rin nila at maka-istorbo pa siya.
Dumating ang mga pulis at rescuers. Nagtulong-tulong
sila sa pagtanggal kay Timmy mula sa pagkaipit nito. At sa wakas ay natanggal
din siya mula sa pagkaipit. Doon na niya naramdaman ang matinding sakit sa
kanyang hita. Nakita rin niya ang yupi-yupi na SUV ni John. Nakita rin niyang
may sugat ang kanyang paa at umaagos ang dugo nang natanggal ang pagkaipit
nito.
Dali-daling nilinis ng mga paramedic ang sugat ni
Timmy atsaka nilagyan ng bendahe. May kalaliman din ang kanyang sugat at
kailangang tahini pagdating ng ospital.
Dahil masakit ilakad ang kanyang mga paa ay iniligay
rin siya sa stretcher at inakyat patungo sa highway. Nang dinala na siya ng ambulansya,
sumama siya kay Timmy.
Nakarating si Timmy sa parehong hospital na dinalhan
nila kay John. Idineretso siya sa Emergency Room. Nang matapos na siyang masuri,
napag-alaman na hindi malubha ang kanyang natamong pinsala sa katawan. Bagamat
matindi ang pagkaipit ng kanyang hita, bugbog at hiwa lang ang natamo nito sa
kanyang hita, hindi naman nabali ang kanyang buto. Mistulang isang milagro raw
ang ang nangyari kay Timmy. Ang sabi ng doktor ay maaari na siyang makalabas
kinabukasan. Naisip ni Timmy ang kanyang inay. Naniniwala siya na ang kanyang
inay ang tumulong sa kanya.
Hindi lubos maintindihan ni Timmy kung bakit nasa
labas ng sasakyan si John dahilan ng kanyang pagtilapon. Binalikan niya sa
kanyang alaala. Sigurado siyang nagsukbit ng seatbelt si John dahil nang
magsukbit na si Timmy ng kanyang seatbelt at nakita niyang hindi pa nagsukbit
si John, si Timmy na mismo ang nagkabit nito para sa kanya. Biniro pa nga siya
nito na nananantsing lang. At sigurado siyang naikabit iyon dahil sa pagtunog ng
lock.
Matindi ang naramdamang guilt ni Timmy sa kanyang
sarili. Hindi niya alam kung bakit nagkaganoon.
Sa pinsalang natamo ni John sa kanyang ulo ay maraming
dugo rin ang dumaloy mula rito. Kailangang-kailangan daw ni ni John ng blood
donor. Ang problema, type “O negative” ang dugo ni John at type “O negative”
lang din ang puwedeng magdonate ng dugo sa kanya, at hindi puedeng magdonate si
Timmy dahil sa ibang type ng dugo ang sa kanya.
Walang kiyeme na nagpakuha kaagad ng dugo si Bell at
laking pasalamat ni Timmy dahil type “O positive” din ang dugo niya.
Samantala, nang nacontact na ni Timmy ang Tito ni John
ay agad din siyang pumayag na operahan si John. Kaya agad ring sinimulan ang
operasyon.
Kinabukasan ay pinayagan na si Timmy na makalabas ng ospital.
Kaya binantayan na ni Timmy si John.
Natapos ang operasyon sa ulo ni John. Ngunit doon
nakita ng mga doktor kung gaano kalala ang kanyang natamong pinsala sa utak
niya. Nanatiling comatose pa rin si John. Sa mga oras na iyon ay walang kadamay
si Timmy kundi si Bell na hindi humiwalay sa kanyang tabi.
Kinagabihan ay dumating naman ang inay ni John, halos
magkasbay sila ng Tito ni John. Si Timmy kaagad ang hinahanap ng inay ni John.
Kahit hindi pa sila nagkita ni Timmy, kilala na siya ng inay ni John gawa ng
ikinuwento siya ni John nang bumisita si John sa Mindoro. Maliban d’yan, alam
din ng inay ni John ang kuwento ng buhay ni Timmy, na muntik na silang maging legal
magkapatid, na si Timmy ang dahilan kung bakit nagbago si John, at na kasali si
Timmy sa huling habilin ng daddy ni John. Kaya kahit hindi pa niya nakita si
Timmy, alam ng inay ni John na maaasahan si Timmy.
“Ligtas na si John ngunit mas maiging dalhin siya sa
Maynila dahil may advanced ang mga kagamitan doon sa mga ganitong klaseng injury.”
Ang sambit ng doktor.
Kinabukasan ay ibiniyahe si John patungo ng Maynila.
Nagrenta ng helicopter ang Tito ni John para i-airlift siya. Syempre, mayaman
sila ni John kaya hindi iyon mabigat sa kanila, lalo na’t buhay niya ang
nakataya.
Naiwan si Timmy at Bell sa ospital. Sobrang lungkot ni
Timmy na sa pakiwari niya biglang nawalan ng saysay ang lahat sa kanyang
paligid. Ramdam niyang tila nananadya ang tadhana. Kamakailan lang ay
napakasaya pa nilang dalawa sa resort. Doon na rin niya naramdaman ang sakit na
dulot ng pagkabugbog ng kanyang katawan at sugat sa kanyang hita.
Naramdaman na lang ni Timmy na hinawakan ni Bell ang
kanyang kamay. “Gusto mong mag-agahan muna tayo?” ang tanong ni Bell.
“Wala akong gana Bell, eh. Gusto kong umuwi na lang.”
“Ah, sige… Sabay na tayo.”
Nagsabay sina Bell sa pag-uwi. Ang buong akala ni
Timmy ay mahiwalay na sila ni Bell pagdating sa central market kung saan ay
magkaiba ang kanilang rota. Ngunit laking pagtataka niya nang sumakay din si
Bell sa tricycle na sinakyan ni Timmy.
“Di ba sa kanbilang daan ang tungo mo?” ang tanong ni
Timmy.
“Sasama ako sa iyo sa bahay mo.”
Biglang nanlaki ang mga mata ni Timmy. “Hindi puwede,
Bell. Malayo ang bahay namin, mahirap akyatin.” Ang paliwanag ni Timmy. “…at
tingnan mo ang langit, umaambon, siguradoogn uulan ito maya-maya lang. Mahirap
ang umakyat at bumaba sa bukid.”
“Hayaan mo na, Timmy. Gusto kong samahan ka. Alam kong
nalulungkot ka eh.”
“Mahirap kasi ang pag-akyat sa bukid eh. Atsaka, baka
magagalit niyan ang guardian mo.”
“Nagpaalam na ako eh.” At ipinakita ni Bell ang text
ng kanyang landlady.”
“Gusto kong mapag-isa sana, eh.” Ang pangangatwiran
uli ni Timmy.
“Hindi, Timmy. Kailangan mo ng karamay. At isa pa,
hindi pa lubos na magaling ang mga pasa at nabugbog mong hita. Nahihirapan ka
pa ring maglakad. Mahirap para sa iyo ang nag-iisa, lalo na ngayon na wala si
John.”
“Sure kang sasama sa bukid?” ang tanong ni Timmy.
Tumango lang si Bell.
Hindi na kumibo si Timmy. Ang totoo ay ayaw niyang
sumama sa kanya si Bell. Subalit may isang bahagi ng kanyang utak na nakaramdam
ng takot sa nangyari kay John. At iyong takot na nag-iisa at ang isip ay
nababalot sa pangamba sa maaaring mangyari sa taong mahal. Isa pa, nahihirapan
pa rin siyang maglakad.
Huminto sila sa paanan ng bundok kung saan ay naroon
ang bahay ng pinakisuyuan niya kay Tokhang. “Nakasakay ka na ba ng kabayo?” ang
tanong ni Timmy kay Bell.
“H-hindi pa eh.”
Dahil tinuruan ni John si Tokhang na dumapa kapag ang
sasakay ay nahihirapn, pinadapa niya si Tokhang. Unang umangkas si Timmy sa
likod ng kabayo. Bagamat masakit pa ang kanyang nabugbog na hita, pinilit
niyang makaangkas. Nang nakapuwesto na, inalalayan naman niya si Bell.
Hinawakan ni Bell ang kamay ni Timmy.
“Yumakap ka ng mahigpit sa akin upang hindi ka
malaglag.” Ang sambit ni Timmy nang nakapuwesto na si Bell sa may likuran niya.
Nang handa na si Bell, pinatakbo na ni Timmy si
Tokhang. Nasa kalagitnaan na sila ng pag-akyat sa bundok nang bumuhos naman ang
malakas na ulan.
Pinabilisan ni Timmy ang pagpapatakbo kay Tokhang.
Dahil mahirap ang daan, dagdagan pa na naging madulas ito, natapilok si Tokhang
at silang dalawa ni Timmy at Bell ay nalaglag. Nakailang gulong din sina Timmy
at Bell bago sila naharangan ng isang malaking bato.
Halos hindi makatayo si Timmy dahil sa matinding sakit
ng kanyang hita. Namilipit siya sa sakit. Doon nila nakita na muling dumugo ang
kanyang sugat sa paa. Inalalayan na lang siya ni Bell upang makatayo. Tinawag
ni Timmy si Tokhang at lumapit ito sa kanila. Dumapa si Tokhang at muli silang sumakay sa likuran nito.
Nang dumating na sila sa harap ng bahay, muling
pinadapa ni Timmy si Tokhang upang makababa sila. Agad na inalalayan ni Bell si
Timmy upang makababa mula sa likod ng kabayo. Itinali ni Timmy si Tokhang sa
kanyang tangkil atsaka pumanhik ng bahay,
Dahil pareho silang basa, at marumi, pinaupo muna ni
Bell si Timmy sa bangko. “Saan ang lagayan mo ng damit, Timmy?”
“Ako na ang kukuha, Bell... Kaya ko namang maglakad.”
Ang sambit ni Timmy sabay tayo at paika-ikang naglakad patungo sa kanyang
kuwarto.
“Okay, mag-init na lang ako ng tubig para ipunas sa
katawan mo.” Ang sambit ni Bell.
“Huwag na Bell. Maligo na lang ako. Nasa baba ang
paliguan, sa gilid ng balon. Bababa na lang ako.”
Bumaba na lang si Bell at tinumbok ang paliguan.
Nag-igib siya ng tubig mula sa balon gamit ang balde na may tali. Inilagay niya
ang tubig na nasalok sa drum upang may maipaligo si Timmy. Maya-maya lang ay
nakababa na si Timmy, hubad ang buong katawan maliban sa tuwalyang itinapis
niya. “Salamat, Bell.” Ang sambit niya nang nakita roon si Bell na kasalukuyang
sumasalok ng tubig mula sa balon.
“S-salamat, Bell.” Ang sambit ni Timmy sabay kuha sa
balde mula sa kamay ni Bell.
“Tapusin ko na lang ito, Timmy. Malapit nang mapuno.”
“Ako na, Bell. Kaya ko naman.” Ang sagot din ni Timmy.
“Pumili ka pala ng magagamit mong short at T-shirt para mapalitan iyang basa at
maruming damit mo.”
Wala nang nagawa si Bell kundi ibigay kay Timmy ang
balde. Umakyat siyang muli sa kuwarto ni Timmy. Tinumbok niya ang cabinet at
doon ay pumili ng short at T-Shirt.
Nang bumalik siya sa paliguan, nagbanlaw na si Timmy. Maliligo
na rin ako, Timmy.” Ang sambit ni Bell sabay hubad sa kanyang T-Shirt at bra, pati na ang kanyang short. Tanging
ang panty na lang niya ang natira.
Nang makita ni Timmy na naghubad si Bell, bigla siyang
tumalikod at binilisan ang pagbanlaw. At pagkatapos ay dali-daling hinugot ang
tuwalyang nakasabit sa gilid ng banyo at itinapis iyon. “Okay, tapos na ako.”
Ang sagot niya at bagamat nahirapan sa paglakad ay paika-ikang lumabas ng banyo
at tinumbok ang hagdanan.
Nagpatuloy si Bell sa paliligo samantalang si Timmy ay
nakapagbihis na. Nang matapos na si Bell sa kanyang paliligo, agad siyang
umakyat ng bahay at tinumbok ang kuwarto ni Timmy. Nadatnan niya si Timmy na
nakahiga sa kama, nakatihaya, nakatutok ang mga mata sa kisame at malalim ang
iniisip. Bakas sa mukha ni Timmy ang lungkot. Ang tanging laman ng kanyang isip
ay ang kalagayan ni John.
“Hi Timmy! Tapos na akong maligo!” ang sambit ni Bell.
“Mabuti naman. Pasensya ka na talaga sa bahay namin.”
“Ano ka ba? Anak-mahirap lang din ako.” Ang sagot ni
Bell na umupo sa gilid ng kama.
Nang nilingon siya ni Timmy, biglang kumalampag ang
kanyang dibdib. Suot ni Bell ang body-fit na T-shirt ni Timmy na kahit medyo
mas malaki ng kaunti kay Bell at bakat na bakat pa rin ang kanyang dibdib na
walang bra. “Dali-daling ibinaling muli ni Timmy ang kanyang paningin sa
kisame, nagkunwaring walan gnapansin. “Sure ka ba na dito ka matutulog?” ang
tanong ni Timmy.
“Oo naman… Bakit?”
“W-wala lang. N-nakakahiya kasi sa iyo.”
“Ay bakit naman nakakahiya? Wala kang kasama, nasa
ganyang kalagayan ka pa, gusto kong makatulong.”
Natahimik na lang si Timmy. Pero hindi mawala sa isip
niya ang pangamba. Ayaw niyang magkasala. Ayaw niyang matukso kay Bell. Ayaw
niyang sa kabila ng ganoong kalagayan ni John ay pagtaksilan pa niya siya.
“Sandali, mag-init pala ako ng tubig. Pupunasan natin
ang sugat mo at lagyan natin ng bagong bendahe.”
Tumango lang si Timmy.
Maya-maya habang nasa kusina si Bell ay nag-ring ang
kanyagn telepono. Si Jeff. “Tok… ba’t hindi ka pumasok? Anong nangyari sa iyo?”
“Buti’t napatawag ka pare… Naaksidente ang sinasakyan
namin! Pagkatapos ng ating salo-salo sa apartment ni John, ay nagtungo kami sa
Blue Wave Resort. Pagbalik namin kinabukasan ay nawalan ng preno ang sasakyan
ni John! Nasa Maynila si John at nasa coma siya! Ligtas na siya ngunit dahil
unconscious pa rin, inoobserbahan pa.”
“Shit! Totoo? Ikaw nasan ka?”
“Nandito ako sa bahay ko. May pinsala rin ang aking
hita na naipit sa sasakyan ngunit ok lang. Matinding bugbog at may sugat na
tinahi na nag doktor. Tinawagan kita ngunit ouot of coverage ka eh. Kaya di ko
na lang din tinawagan ang iba pa nating kaibigan dahil baka maistorbo ko sila.”
“Tsk, tsk! Wala man lang kaming naitulong sa iyo, Tok.
Sorry, I failed you.”
“Okay lang ‘yan pare. Nasa Maynila na si John kasama
ang inay niya. Kapag nandoon pa rin siya hanggang sa Friday, pupunta rin ako
doon… kung magkaroon ako ng pera.”
“Puwede bang bisitahin ka namin d’yan?”
“Huwag na lang siguro pare… Madulas ngayon at kahit
huminto na ang ulan, maputik ang daan. Atsaka, malapit nang magtakipsilim. Baka
mahirapan kayo sa pagbalik riyan.”
“Ah sige, Tok… kapag okay ka na bukas, sa paaralan na
lang tayo magkita?”
“Sige. Sige…”
Nang naputol na ang kanilang pag-uusap, saka naman
bumalik sa kuwarto si Bell, dala-dala ang maliit na palangganang may maligamgam
na tubig at isang labakara. “Punasan natin ang sugat mo, Timmy” ang sambit niya
habang inilagay ang palanggana sa ibabaw ng kama ni Timmy.
Kumuha ng bangkito si Bell, iyong maliit at mababang
bangko na parang pambata. Inilagay ito sa tabi ng kama ni Timmy at doon siya
naupo, tamang tama lang na ang buong ulo ni Bell ay umusli sa taas ng kama
samantalang si Timmy naman ay naupo sa gilid ng kama,
Sinimulang punasan ni Bell ang paligid ng sugat sa
hita ni Timmy. Bagamat may bakas pa ng agos ng dugo, huminto na ang pagdurugo
nito. “Tanggalin natin ang bendahe, Tim. Nababad na kasi siya ng dugo.” Ang
sambit ni Bell.
“Wala tayong pamalit, eh.”
“May lumang damit na malinis ka ba? Puwede nating
putulin at gawing bendahe.”
“Mayroon sa cabinet.” Ang sambit ni Timmy.
Tumayo si Bell at tnumbok ang cabinet. Pumili. Nang
nakapili na, dinala niya ito kay Timmy.
“May gunting din sa drawer ng mesa.” Ang sambit muli
ni Timmy.
Muling tumayo si Bell at kinuha ang gunting. Nang
bumalik na siya, ginunting niya ang lumang damit ni Timmy. Nang nabuo na niya
ang bendahe, muli siyang umupo at tinanggal ang bendahe sa sugat ni Timmy.
Medyo nasaktan si Timmy dahil may parte sa bendahe na
dumikit sa sugat niya. Hinawakan niya ang braso ni Bell habang nakapikit sa
sakit. “Ahhh!” ang pag-ungol pa niya. Pakiwari ni Timmy ay tumayo ang mga balahibo
niya sa katawan sa magkahalong pakiramdam ng nabugbog na laman ng hita niya at
sugat na ginalaw.
Dinahan-dahan naman ni Bell ang pagtanggal sa bendahe
bagamat talagang matindi ang kapit ng pandikit sa parte ng sugat. Tuloy lang
ang pagpikit ng mga mata ni Timmy at pagngiwi ng kanyang bibig habang ang
kanyang kamay ay mahigpit na humawak sa braso ni Bell. At habang nasa ganoon
siyang pagkabalisa sa nakakakiliting sakit, naramdaman naman ni Timmy na
tumigas ang kanyang pagkalalaki.
Ipinatong niya ang isa niyang kamay sa kanyang harapan
upang hindi ito mapansin ni Bell. Napa-bulong siya sa sarili ng “Shit!” Hindi
niya maintindihan kung bakit siya nalibugan sa paggalaw ni Bell sa kanyang
sugat.
Hanggang sa naramdaman ni Timmy na natapos na ang pagtanggal
ni Bell sa bendahe at ang paglagay naman ng ginawa niyang tela. Nanatili pa
ring nakapikit si Timmy. Ang kakaibang nakakakkiliting sakit ay naging sarap na
sa kanyang pakiramdam at dahil nagdulot ito ng kiliti sa kanyang pagkalalaki.
Sa bawat pagdampi ng kamay ni Bell sa nabugbog niyang hita at sugat ay
nagbibigay ito sa kanya ng excitement. Sinamsam niya ito.
Nasa ganoon siyang paglasap sa kakaibang kiliti nang
biglang may dumampi sa kanyang mga labi. At dahil naalipin na siya sa
makamundong sensasyon, tinanggap niya ang halik sa kanyang mga labi. Noong una
ay hinayaan lang niya itong sipsipin ang kanyang bibig, ang kanyang laway.
Ngunit nang tangkain na niya ang pagpasok sa kanyang bibig sa pamamagitan ng
pagbundol-bundol niya sa kanyang dila sa gitna ng mga ngipin ni Timmy, doon na
siya bumigay.
Kasabay sa pagbukas niya sa kanyang bibig ay ang
pagtugon din niya sa mga halik na gustong umalipin sa kanya. Sinipsip niya nang
sinipsip ang mga labing iyon. Nilaro-laro ng kanyang dila ang kaloob-looban ng bibig,
at halos lunukin na lang niya ang buong bibig ni Bella.
Mapusok ang mga halik ni Timmy. Mahigpit ang kanyang
mga yakap. Ang totoo, hindi si Bella ang laman ng isip ni Timmy kundi si John.
Kaya ayaw niyang imulat ang kanyang mata. Ayaw niyang magising sa katotohanan.
Nang pinilit na hipuin ni Bella ang pagkalalaki ni
Timmy, hinayaan niya lanf ito. Ramdam niya ang mainit na kamay ni Bell na
gumapang mula sa kanyang tiyan patungo sa ilalamin ng kanyang garterized na
short. Nang makapa ng kamay ni Bell ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki at
nasagi ng palad ni Bell ang ulo nito , napaungol si Timmy.
Dinakma ni Bell ang pagkalalaki ni Timmy at
dahan-dahang itinas-baba niya ang kamay niya sa loob ng short habang patuloy na
naglapat ang kanilang mga labi. Muling napaungol si Timmy.
Nang iginiya ni Bell ang isang kamay ni Timmy sa
dibdib ni Bell, dinakma ito ni Timmy, nilamutak, pinisil-pisil ang utong.
Napaungol si Bell, “Ahhhh!”
Lalo namang nag-init si Timmy sa narinig na ungol ni
Bell. Ang pag-ungol ni Bell na iyon ang mas lalo pang nagpatindi sa libog na
naramdaman ni Timmy. Mas lalo pa niyang nilamutak ang dibdib ni Bell habang mas
pinaigting pa niya ang kanyagn paghahalik sa mga labi ni Bell.
Nasa ganoon kainit silang pagpapaligaya sa kanilang
mga sarili nang biglang may malakas na boses silang narinig, “Tao po! Tapo
po!!!”
Doon na iminulat ni Timmy ang kanyang mga mata. Tila
nagising siya mula sa isang nakakalibog na panaginip. Dali-dali siyang kumalas
mula sa halikan nila ni Bell at umusog palayao. Tumalikod.
Dali-dali ring inayos ni Bell ang sarili. Tumayo si
Timmy at tinumbok ang pintuan ng kanyang bahay.
“Sino po sila?” ang tanong niya nang nakita roon ang
may apat na lalaking may malalaking katawan, mistulang mga mga hoodlum, lantaran
pang ibinabalandra ang kanilang mga baril.
“Tauhan kami ni Mr. Felix Alberto. Gusto lang
naming ipaalam sa iyo na ang lupa na ito ay pag-aari niya at binibigyan kayo ng
dalawang linggong palugit upang lumipat. At kung hindi kayo umalis sa lupa
niya, susunugin namin ang bahay ninyo! Sisirain namin ang inyong pananim at ang
mga alagang hayop ay i-confiscate namin! Mahabang palugit na iyan.” ang sambit
ng pinaka-lider nila.
Mistulang nakarinig si Timmy ng pagsabog ng isang
malakas na bomba. Pilit niyang alalahanin kung may narinig o nakilala na ba
siyang Felix Alberto. Ngunit wala
siyan matandaan. “B-bakit naging sa kanya ito? Kumpleto po kami sa papeles at
legal na pag-aari po itong lupa na ito ng aking inay!” ang galit na sagot ni
Timmy.
“Ayaw kong makipag-argumento sa iyo. Dalawang linggo
ang palugit! Kung ayaw ninyong umalis, wala na kayong babalikan pa rito!” ang
sagot ng mga tauhan, ang isa ay ipinutok pa sa ere ang kanyang baril bago
tumalikod at umalis.
Doon na sumingasing ang kabayo. Biglang napalingon
muli ang mga tauhan. “Aba! May kabayo pala rito! Ang galing!” ang sambit ng
isang tauhan.
Bumalik ang apat at tinumbok ang tangkil ni Tokhang. Nang
nasa loob na ng tangkil ang mga tauhan, doon ay nagtatawanan sila.
Nagpupustahan sila kung kanino mapupunta ang kabayo.
Kung tutuusin, kaya ni Timmy na utusan silang
pagtatadyakan ni Tokhang. Tinuruan kasi ito ni John ng mga tricks. Kahit ang
pagtanggal ng tali niya ay kaya niyang gawin dahil kakagatin lang niya ang dulo
ng tali at matatanggal na niya ito, saka niya pagsisipain ang mga tauhan.
Ngunit ayaw ni Timmy na lalong lalaki ang problema. Baka barilin nila si
Tokhang.
“Maganda ang kabayo mo, utoy!” ang sigaw ng lider nila
kay Timmy sabay bitiw ng mala-demonyong ngiti.
Halos natulala si Timmy habang tiningnan niya ang mga
tauhan na naglalaka palayo at nagtatawanan. Hindi niya alam kung ano ang
gagawin. Nasa comatose na nga si John, at ang pagsulpot ng mga taong iyon ay
mas lalo pang nakadagdag sa kanyang problema.
Narinig ang lahat ng iyon ni Bell. Nilapitan niya si
Timmy na nanatiling nakatayo pa rin sa pintuan ng kanyang bahay, ang mga mata
ay nakatutok sa malayo.
“S-sino ang mga iyon, Timmy?” ang tanong naman ni
Bell, hinawakan ang kamay ni Timmy.
“W-wala. W-wala iyon…”
“A-anong wala? Narinig kong lupa raw niya itong
tinitirikan ng bahay ninyo?”
“Hindi ah! May titulo kami rito. Legal ang
pagmamay-ari namin ng inay rito!” ang pasigaw na sagot ni Timmy.
“Ano ba iyan! Ang hirap ng kalagayan mo ah!”
Hindi na sinagot ni Timmy ang sinabi ni Bell. Bumalik
siya sa kuwarto at naupo sa gilid ng kama, hindi alam ang gagawin.
Tumabi sa kanya si Bell, inilingkis niya ang kanyang
braso sa baywang ni Timmy. Nang tangkang halikan ni Bell ang bibig ni Timmy, Marahang
itinulak ni Timmy ang kanyang mukha.
“Puwedeng pahalik na lang, Tim?” ang hiling ni Bell na
ang boses ay nagmamakaawa.
Tiningnan ni Timmy si Bell sabay baling ng tingin niya
sa malayo. “Alam mo, Bell, malaki ang pasasalamat ko sa iyo na sa mga sandaling
nasa mahirap akong kalagayan ay nariyan ka at tinutulungan mo ako. Ngunit may
mahal na kasi ako eh. Di ba sinabi ko na sa iyo ito? Ayaw kong pagtaksilan ang
mahal ko. At ayaw ko ring paaasahin ka dahil masasaktan ka lang. May mga
nasasaktan na akong babae, Bell. Ayaw kong ikaw na sobrang mabait sa akin ay
masasaktan din. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Kaya espesyal kitang
kaibigan. Pananatilihin na lang natin ang ganyan.”
“Pero di ba, wala naman akong nakikitang babaeng
kasama mo palagi o iyong dumidikit talaga sa iyo. Sino ba siya?”
“Di ba sinabi ko na sa iyo na hindi pa kami handa
upang ibunyag ang aming relasyon?”
Bahagyang natahimik si Bell. “K-kahit isang halik
lang, Tim?”
Tinitigan ni Timmy si Bell. Binitiwan ang isang pilit
na ngiti. Doon na muling inilapat ni Bell ang kanyang bibig sa mga labi ni
Timmy. Hinayan lang ni Timmy na paglaruan ng bibig ni Bell ang mga labi niya.
Hinayaan ni Timmy na sisipsipin ni Bell ang dila at laway niya. Pinigilan ni
Timmy ang kanyang sarili. Hindi kagaya nang nauna nilang halikan bago dumating ang
mga hoodlum na nag-iinit siya, ang tanging laman ng kanyang isipan ay ang
kalagayan ni John, ang banta ng mga hoodlum, at si Felix Alberto ang sinabi nilang siyang may-ari ng lupa na nabili ng
kanyang inay.
Biglang kumalas si Timmy sa kanilang halikan. “S-siguro
mas maiging bababa na lang tayo, Bell. Gusto kong sa apartment ni John na lang muna
tutuloy habang mahirap pa para sa akin ang maglakad. At para rin may makukuha
akong impormasyon kung ano na ang nangyari kay John. Atsaka baka babalik ang
mga tauhan ni ng Felix Alberto na iyon at saktan tayo. At sa panig mo rin,
kapag gusto mo akong bisitahin, malapit lang ako sa iyo kapag sa apartment ako
titira.” Ang paliwanag ni Timmy.
Hindi na kumibo si Bell. May kaunting sama ng loob na
tumayo at tinumbok ang cabinet ni Timmy, kinuha ang isang bag at inilagay rito
ang iilang kakalilanganing damit ni Timmy. May T-shirt, may pantalon, may
short, at brief. Nagtungo rin siya sa kusina at kukuha na rin sana ng
toothbrush.
“Okay na iyan, Bell. Actually, may mga damit at
personal na gamit din ako sa apartment ni John. Mayroon din akong uniporme sa
eskuwelahan doon.”
Hindi na itinuloy ni Bell ang pagtungo sa kusina.
Binalikan niya ang bag. “Itong bag na may mga gamit mo, dadalhin pa rin?” ang
tanong niya.
“Huwag na lang siguro Bell para wala tayong masyadong
dala.” Bigla siyang natahimik. Tumayo siya at paika-ikang tinumbok ang kanyang
drawer kung saan ay naroon ang mga mahalagang dokumento. Kinuha niya ang mga
iyon, kasama na ang titulo ng kanilang lupa. Ipinasok niya ang mga iyon sa bag.
“Ito lang ang mga mahahalagang bagay na iniwan sa akin ng inay. Hindi ko
basta-basta ibigay o isuko ito kahit kanino.” Ang sambit ni Timmy nang nasa bag
na ang mga dokumento.
Tinawagan ni Timmy ang Tito ni John at nagpaalam. “Mas
maigi na dito ka tumira Timmy habang wala pa si John at lalo na’t may pinsala
ka rin. Kahit papaano, may makakatulong sa iyo rito. Hintayin kita rito Timmy.”
Ang sabi ng guardian Tito ni John.
Natuloy ang paglipat ni Timmy sa apartment. Hindi rin
nagtagal si Bell sa apartment. Umuwi siya sa kanila. Nahiya raw siya sa Tito ni
John. Doon na nagkaroon ng pagkakataon para magkuwentuhan sina Timmy at Tito ni
John. Ikinuwento ni Timmy sa kanya ang pananakot ng mga tauhan ni Felix Alberto
na hindi rin kilala ng Tito ni John.
“Huwag kang mag-alala. Dumito ka muna habang mainit pa
ang banta, oobserbahan natin. Pero bukas na bukas din ay magtalaga tayo ng
dalawang security guard upang bantayan ang lupa at bahay mo.”
Natawa si Timmy sa narinig. “Barong-barong na bahay,
Tito, tapos may security guard? Sosyal naman!”
“Wala tayong magagawa eh. Kung ordinaryong trabahante
lang, tatakutin lang ang mga iyon, lalo na’t may baril, ‘di ba? Kung security
Guard, may mga armas ang mga ito at hindi basta-bastang mapaalis. At isa pa,
paikutan natin ng perimeter fence ang lupa ninyo. Kung gusto mo ay bukas na
bukas din ay ipagawa natin ang perimeter fence. Para safe ang lugar mo roon.”
“W-wala po akong pera, Tito para sa mga rekomendasyon
mo.”
“Huwag kang mag-alala. Charge ito lahat sa account ni
John.”
“B-baka magagalit po si John.”
“Anong magagalit? Mas magagalit iyon kapag wala akong
ginawa upang tulungan ka.”
Iyon ang napagkasunduan nila tungkol sa lupa.
“Tito, paano nagkaroon ng problema ang brake ng
sasakyan ni John samantalang isang taon pa lang ang sasakyang iyon?” ang tanong
ni Timmy.
“Iyan nga rin ang tanong ko. Ngunit malalaman natin
iyan kapag lumabas na ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis.” Ang sagot ng
Tito ni John.
Nag-usap din sila tungkol sa kalagayan ni John. Napagkasunduan
nila na kapag hindi pa rin magigising si John hanggang sa Biyernes ng linggong
iyon, tutungo si Timmy sa Maynila upang bisitahin si John.
Kinabukasan ay pumasok na si Timmy sa eskuwelahan.
Bagamat litong-lito pa rin ang isip niya sa mga pangyayari, pinilit pa rin
niyang pumasok. Hinatid siya sa sa eskuwelahan gamit ang isang kotse ni John at
driver nila. Nag-umpukan ang mg abarkada niya sa student center. Nagsorry sila
na wala sila sa tabi ni Timmy at John sa mga sandaling kailangan sila ng
kaibigan. Naintindihan naman sila ni Timmy. Ikinuwento rin ni Timmy ang tungkol
sa isang nagngangalang Felix Alberto na siyang may-ari raw ng lupa. Ngunit
lahat sila ay walang kaaalam-alam sa taong nabanggit. Lahat sila ay puro lamang
haka-haka.
“And speaking of the devil...” ang sambit ni Joy na
nakatingin sa isan grupo ng mga babae na papalapit sa kanilang lugar.
Nagsilingunan ang lahat patungo sa direksyon na
tiningnan ni Joy. Si Julie pala at ang kanyang mga barkadang feeling sosyal at
mayaman din. Nakangiti ito na naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. At sinadya
talagang dumaan nilasa mesa ng mga barkada nina Timmy.
“I feel you, Timmy! I feel you!” ang sambit ni Julie
na idiniin pa talaga ang mukha niya sa mukha ni Timmy habang nagsasalita at
sabay bitiw din ng isang malutong na halakhak habang tumuloy na sa paglalakad,
tinumbok ang kabilang bakanteng mesa na hindi kalayuan sa mesa nina Timmy.
Nakitawa na rin ang mga kasama niyang babae habang
naglalakad sila. Nagkatinginan naman ang mga barkada ni Timmy.
(Itutuloy)

bat ganun kuya mike... nakakaasar naman si timmy... di siya nag pigil nung sineseduce na siya ni bell.... nakakainis lang... kawawa naman si john... na walang ginawa kung di mahalin si timmy.. tsk tsk...
ReplyDeleteYes to happy ending! Wag naman sana lumala si john
ReplyDelete