By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Tila
himatayin ako nang nabasa ko na ang resulta, “% of Probability of Paternity:
99.5%”
Nilingon
ko si John. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang ibayong pagkadismaya. Pinunit
niya ang papel at dali-daling lumabas ng apartment, hindi man lang nagpaalam sa
tito namin.
Nang
tiningnan ko ang tito namin ni John, pati siya ang nagulat sa inasta ni John.
Syempre, nagtaka siya kung bakit galit iyong tao samantalang na-kumpirma naman
na anak talaga siya ng kanyang ama. Napailing-iling na lang siya.
“Alis
na muna kami Tito. Sa bukid na lang din siguro kami matutulog.” Ang pagpaalam
ko.
Sinundan
ko si John. Doon siya humantong sa paborito naming kainan at inuman. Umurder
siya ng beer. Wala siyang imik. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang lungkot.
Hindi na rin ako nagsalita.
Lasing
na kaming pareho nang tinawag na niya ang waitress upang magbayad. Dahil
nahirapan kaming maglakad, sumakay na lang kami ng tricycle at bumalik ng
apartment.
Tinulungan
kami ng tito ni John na makapasok sa aming kuwarto. Bagsak kaagad ako nang nasa
loob na kami at ilang segundo lang ay naidlip na agad ako.
Hindi
ko matandaan kung gaano ako katagal na nakatulog ngunit nang magising ako,
nakatihaya na ako, walang saplot at si John ay nakapatong sa ibabaw ng aking
katawan. Hinahalikan niya ang aking mga labi!
“John,
huwag! Huwag John!!!” ang pilit kong pagsisigaw.
Ngunit
tila bingi siya sa aking mga pakiusap. Hindi niya ako pinansin. At dahil lango
pa ako sa aming nainom, wala akong lakas upang labanan siya.
Maya-maya
ay pilit niya akong pinatagilid at pinadapa. Nang nakadapa na ako ay nilawayan
niya ang kanyang ari at ipinasok niya ang kanyang pagkalalaki sa aking likuran.
Napasigaw
ako sa sakit nang bumaon na ang kabuuan ng kanyang ari sa aking likuran. At
lalo na nang idiniin pa niya ito at pagkatapos ay inilabas-masok niya.
Napakagat-labi na lang ako sa sakit. Tiniis ko hanggang sa makaraos siya.
Nang
matapos siya, itinihaya niya ako at hinalikan uli niya. Muli niyang pinaliguan
ng halik ang aking buong katawan. Hanggang bumaba ang kanyang bibig sa aking
leeg, sa aking dibdib, sa aking tiyan, hanggang sa aking pagkalalaki. Nang
naroon na siya, nilaro-laro ng kanyang bibig ang paligid nito. Dinilaan,
sinisipsip-sipsip ang aking bayag, pati na ang aking bulbol at singit.
Ramdam
ko ang paggapang ng kakaibang kiliti at sarap sa aking katawan sa kanyang
ginawa. Hanggang sa naramdaman ko na lang na tumigas ang aking pagkalalaki.
Isinubo
niya ito. Napa-igtad ako nang halos ang buong kahabaan ng aking pagkalalaki ay
bumaon sa kanyang bibig. At lalo na nang itinaas-baba pa niya ang kanyang ulo
habang subo-subo niya ang aking pagkalalaki. Napaungol ako. “John, ahhhh,
John!” ang sambit ko habang hinablot ko ang kanyang buhok.
At
dahil nalibugan na rin ako, idiniin ko pa ang ulo ni John sa aking harapan.
“Ahhhh! Ahhhhh!” ang pag-ungol ko. Nang malapit na akong labasan, doon na ako
umindayog habang hindi ko naman mapigilan ang pag-ungol ng malakas.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!! Ahhhhhhhhhhhh! Ahhhhhhhhh!”
Pumilandit
ang aking katas sa loob ng bibig ni John. Nilunok niya ang lahat. Muli siyang
humiga sa tabi ko pagkatapos. Iyon ang huli kong natandaan.
Nagising
ako kinabukasan nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nakahawi ang
kurtina at wala si John sa aming higaan. Bumangon ako upang magtungo sa CR.
Naramdamn ko muli ang hapdi ng aking likuran. Dumeretso ako sa loob ng
palikuran at dumumi. May lumabas na kaunting dugo at parang laway na likido.
Pagkatapos
kong maligo ay tinumbok ko ang terrace. Naroon si John na tila malalim ang
iniisip.
Bumalik
ako sa kuwarto. Ako man ay naguluhan sa nangyari. Tila nagustuhan ko na ang
ginawa sa akin ni John. Ngunit sa isang parte ng aking utak ay alam kong hindi
ito tama. Mahirap tanggapin. Okay lang sana kung hindi kami magkapatid. Ngunit
naging kumplikado na ang lahat. Nabulabog ang aking konsyinsiya. Naawa ako kay
John, naawa ako sa aking sarili.
“John,
Timmy. Kain na tayo!” ang sigaw ng katulong sa labas ng kuwarto.
“Opo...
nasa terrace po si John. Susunod na po ako, Ate.” Ang sagot ko.
Nang
nasa harapan na kami ng agahan, tila wala akong kasama sa pagkain. Maliban sa
kalatong ng kutsara, tinidor at plato ay wala nang iba pang ingay ang
maririnig.
Maya-maya
ay nagsalita ang tito namin ni John. “Uhum! Mukhang may iniisip kayo. Ano ba
ang problema?” ang tanong niya.
Nilingon
ko si John na nanatiling nakayuko, hinintay kong magsalita siya. Ngunit nanatiling
tahimik si John. “Eh... wala naman po, Tito. Iniisip lang namin iyong sunod
naming activity sa klase.” Ang sagot ko na lang.
“Anong
activity ba iyon?” ang tanong niya.
“Eh...
stage play eh. Kailangan pa naming gumawa ng---” Hindi ko na naituloy pa ang
aking sasabihin gawa nang biglang tumayo si John at gumawa ng kalampag.
Pagkatapos ay bigla ring umalis nang walang paalam at hindi tinapos ang
pagkain.
Susundan
ko sana siya ngunit pinigilan ako ng tito namin. “Tapusin mo muna ang pagkain
mo, Timmy. Hayaan mo si John. Ganyan ang ugali niyan. Masanay ka na sa ganyan. Kakain
din iyon kapag nagugutom.”
Sinundan
ko na lang siya ng tingin. Dumeretso siya sa kuwarto at padabog na isinara ang
pinto.
Nang
matapos na akong kumain, sinundan ko siya sa aming kuwarto. “Kuya! Kuya!” ang
sambit ko.
Tahimik
na binuksan niya ang kuwarto. Tila hindi niya ako kilala at hindi man lang
binati. Pagkatapos niyang buksan ang kuwarto, bumalik siya sa paghiga.
“Galit
ka ba sa akin?” ang tanong ko.
Hindi
siya umimik. Nanatili siyang tahimik.
“Galit
ka ba sa akin?!” ang paggiit ko sa tanong na ang boses ay tumaas na.
Nanatili
pa rin siyang tahimik, nakatutok ang mga mata sa kisame.
“Kung
di ka makipag-usap sa akin, aalis na lang ako. Sa bukid na ako matutulog at
hindi na ako babalik dito.” Ang sambit ko.
“Oo
galit ako!” ang sigaw niya. “Galit ako sa sarili ko! Tanginaaa!” at humagulgol
na naman siya.
Nagulat
ako sa pagsigaw niyang iyon. Hindi ako nakakibo.
“Nahihiya
na ako sa iyo, Tok. Hindi ko talaga kayang ma-control ang sarili ko. Gusto ko
ay palagi kitang katabi. Gusto ko ay akin ka lang. Ayokong may ibang aangkin sa
iyo.”
Ako
naman ang natameme. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nilapitan ko na
lang siya ay inakbayan.
“Patawarin
mo ako Tok. Lagi na lang kitang sinasaktan. Lagi na lang akong lumalabag sa
kagustuhan mo.”
Yumuko
na lang ako. Naghalo kasi ang aking naramdaman. May galit ako sa ginawa niya,
nakonsyinseya, ngunit naawa rin sa kanya. Ako man ay naguluhan. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin.
“Mapatawad
mo ba ang kuya?”
Hindi
pa rin ako kumibo.
“Ikaw
ba ay hindi naapektuhan sa ating estado ngayon?”
“Syempre,
naapektuhan. Pero di ba pinag-usapan na natin ito?” ang sagot ko.
Hindi
niya sinagot ang aking sinabi. “Tara, uwi na tayo sa bukid. Na-miss ko na si
Tokhang.”
Umuwi
kami sa bukid sa araw na iyon. Inaliw na lang namin ang aming mga sarili sa
paliligo sa ilog at pangingisda.
Nang
nasa higaan na naman kami kinagabihan, ramdam kong naiilang siya. At sa panig
ko naman, ganoon din ang aking nararamdaman. Nakatagilid akong nakahiga, patalikod
sa kanya.
Simula
noon ay ramdam kong malungkutin na si John. Hindi na nagsasalita at walang
ganang pumask sa eskuwela. Naninigarilyo na rin siya at halos hindi na
nag-aayos sa kanyang sarili. Kapag binanggit ko naman ang aming ama ay
nagagalit siya. Nagmumura. Minsan din ay hindi siya sumasama sa akin.
Nagpapaiwan, o di kaya ay talagang ayaw sumama sa mga lakad ko, bagamat sa
bukid pa rin naman siya umuuwi. May mga gabi rin na talagang hindi siya umuuwi.
Kapag tinatanong ko ang tito namin kung sa apartment siya natutulog, hindi rin
daw umuuwi roon. Kapag tatawagan ko naman, patay ang kanyang cell phone.
Nagsimula na akong mag-alala para sa kanya.
Lumipas
pa ang isang linggo, ako lang mag-isa sa bahay. Hinintay ko kasi siya ngunit
hindi dumating hanggang alas 12 na ng hatinggabi. Kaya natulog na lang ako.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na natulog nang nagising ako sa
pagbukas ng pinto.
Si
John. At lasing na lasing. Nang pumasok na siya sa aming kuwarto, nagulat na
lang ako nang bigla niya akong dinaganan. Pinilit kong labanan siya ngunit
dahil mas malakas siya at mas malaki, kaya di pa rin ako nakapalag. Isa pa, may
isang bahagi rin sa aking isip na naaawa sa kanya at gustong pagbigyan siya.
Hanggang
sa nahubad niya ang aking damit at nagawa na naman niya ang panghahalay sa
akin.
Kinabukasan
ay ganoon uli ang eksena. Nagsisisi siya at umiiyak.
Ilang
beses pang naulit ang eksenang iyon. At sa bawat paggawa niyang iyon sa akin ay
hindi na ako pumapalag. Pinagbigyan ko na lang siya dahil sa awa. At sa
paulit-ulit niyang paggawa noon sa akin ay tila may nararamdaman na rin akong
sarap. Ewan. Siguro ay tanggap ko na.
Hanggang
isang araw, habang nakaupo kami sa pampang, hawak-hawak namin ang kanya-kanyang
pamingwit. May inamin siya. “Gusto kong umalis... magpakalayo-layo.”
“Huwag
ka namang magbiro ng ganyan ah! Kaka bad trip!” ang galit kong sabi sa kanya.
Nilingon
niya ako. Seryoso ang kanyang mukha. “Hindi ako nagbibiro. Matagal ko nang
balak na lumayas sa poder ng papa. At ngayong alam kong hindi niya pala talaga
minahal ang inay kung kaya ay mas lalo pang lumakas ang aking loob na hanapin
siya. Gusto kong makita ang aking inay at makausap.” Nahinto siya. “At tungkol
sa atin... upang matutunan ko na ring malimutan ang lahat sa atin, hindi na
kita na masasaktan pa, at ikaw, makapagpahinga ka na rin sa kababuyan ko. Kapwa
tayong magsimula...”
Bigla
ko na lang naramdaman ang pagdaloy ng aking mga luha. “T-tungkol sa mga ginawa
mo sa akin, napatawad na naman kita Kuya, eh. At kahit ilang beses mong gawin
iyon sa akin, paulit-ulit pa rin kitang patatawarin dahil... mahal na mahal
kita. At kuya rin kita.” Napahagulgol ako. “Sana ay huwag mo akong iwan Kuya.”
Umusog
siya palapit sa akin. Inakbayan niya ako. “Buo na ang isip ko, Tok.”
Hindi
na lang ako umimik. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang tunay niyang
naramdaman. Ang alam ko lang ay kagaya ko, naghahanap ng pagmamahal ng ama na
nahanap ko na. Marahil ay ganoon din ang naramdaman niya para sa ina. Gusto
niyang makita siya. Hindi ko siya masisisi.
“Tandaan
mo na lang palagi na mahal na mahal kita. At ginawa ko ito, para na rin sa
atin. Para iwas tayo sa pagkakasala. Lalo na sa akin, dahil hindi ko kayang
kontrolin ang sarili ko.”
“Sana
ay tapusin mo muna ang pag-aaral natin. Sana sabay tayong gagraduate...”
“Gusto
mo?”
“Oo...
iyan lang ang hihilingin ko sa iyo.”
“Sige.
Sabay tayong ga-graduate. At huwag mong sabihin kay papa hanggang sa makaalis
ako.”
Sa
buong gabi ay hindi ako nakatulog. Nakatalikod ako sa kanya at umiiyak ng
palihim.
Sumapit
ang araw ng graduation. Nakasuot kaming dalawa ng toga ni John habang nakasakay
pa kami kay Tokhang pababa ng bukid. Iyon ang pinakamasaya na araw sa buhay ko
dahil sa wakas ay natupad ko ang pangako ko kay inay. Ako ang class
valedictorian, tatanggap ako ng leadership award, at iba pang medalya sa
academic achievements at scholarships. Maliban sa graduation kong iyon,
Masayang araw din iyon para sa akin na makita si John naka-graduate sa kabila
nang pagiging pasaway niya dati. Ang sabi pa nga niya, kung hindi raw dahil sa
akin ay hindi niya makamit ang kanyang diploma. At syempre, ang matagpuan ko
ang aking tunay na ama ay napakalaging bonus na para sa akin. Tila kumpleto na
sana ang lahat.
Ngunit
kung gaano katindi ang saya na dapat kong maramdaman sa mga oras na iyon ay
ganoon din katindi ang sakit na aking naramdaman. Tila tinadtad ang aking puso
ng ilang beses at paulit-ulit akong namatay. Iyon ang pinakamakapangyarihang
emosyon na naramdaman ko sa sandaling iyon, ang sakit. Habang nasa likod ko si
John, naka-toga at handa ring tumanggap sa kanyang diploma, bitbit din niya ang
kanyang bag at baon para sa kanyang pag-alis pagkatapos na pagkatapos ng
graduation.
Hindi
ko mapigilan ang pagdaloy ng aking mga luha habang binabaybay ni Tokhang ang
kahabaan ng daan patungo sa bayan. Imbes na nakangiti ako at proud na nakasuot
ng toga, umiiyak ako ng palihim habang paminsan-minsang pinapahid ang aking mga
luha.
Nang
nakarating na kami sa bahay ng aming pinakikisuyuan kay Tokhang, kinausap siya
ni John. “Manong, iiwan ko na rin muna itong bag ko. Pero babalik din ako
kukunin ko ang bag. Si utol na ang bahala kay Tokhang.” Ang sambit ni John sa
kanya.
Naglakad
na lang kami patungo sa venue ng graduation. Dederetso na lang din kasi roon
ang papa namin.
Oras
ng graduation, umakyat kaming mga graduates sa entablado upang tanggapin namin
ang aming mga diploma. Nauna kaming mga may honors. “Timmy Suarez,
Valedictorian!” ang pagbasa ng principal sa aking pangalan.
Nang
nasa upuan na kami, iniabot ni John sa akin ang kanyang diploma. Napatingin ako
sa kanya. “Bakit?” ang tanong ko.
“Ikaw
ang magtago. I-frame mo at ipagtabi ang diploma mo at diploma ko. Nang dahil sa
iyo ay nakapagtapos ako kaya sa iyo ko iyan iaalay. Ingatan mo siya.” Ang
sambit niya.
Tinanggap
ko ang kanyang diploma. Maya-maya ay tinawag uli ang pangalan ko para sa mga
awards at medals. Halos hindi ako makabalik sa upuan dahil sa sunod-sunod na
pagtawag. Ang papa naman namin ni John ang nagsabit sa aking mga medalya.
Tinawag
na ako noon para magbigay sa aking valedictory address. Umakyat ako sa
entablado. Nag-speech ako. Ikinuwento ko ang aking buhay, mula nang kami pa
lang ng inay ang nagsama sa bahay namin sa bukid, hanggang sa dumating sa buhay
ko si John at nahanap ko ang tunay kong papa... Sinabi ko na iniaalay ko ang
aking pagtapos sa aking inay, kay John na aking kapatid, at sa aking papa.
Habang
nagkukuwento ako, napatingin ako sa kinauupuan ni John. Wala na siya roon. Doon
na ako napaiyak. Naalala ko kasi ang sinabi niya. “Hindi ko na tatpusin ang
graduation, Tok. Ayokong ang papa ang mag-pin sa akin ng bulaklak. Nasusuklam
ako sa kanya.” Doon ko naisip na umalis na talaga siya. Hindi na niya nahintay
pa ang seremonyang iyon.
Itinuloy
ko pa rin ang aking speech kahit nag-crack ang aking boses. Marahil ay iniisip
ng marami na napaiyak ako dahil sa sobrang tuwa.
Nang
dumating na ang bahagi ng pag-pin ng mga corsage at garland sa mga graduates,
ako na lang ang naroon. “Nasaan ang Kuya mo?” ang tanong ng papa namin ni John.
“H-hindi
ko po alam eh.” Ang sagot ko na lang. Kinuha ko na lang ang corsage at garland
na para sana kay John. “Ako na lang po ang maglagay nito sa kanya, Pa pag
bumalik na siya.” Ang sambit ko.
Ngunit
hindi na bumalik si John.
Nang
makabalik na ako sa aking upuan, may ipinasang envelope sa akin si Jeff. “Bigay
ni John!” ang sabi niya.
Binuksan
ko ang envelope. Isang nakatuping papel ang laman nito. Binuklat ko ito at
binasa –
“Dear Tok... sa
pagkabasa mo nito ay marahil nasa bus station na ako. Ngayon na ikaw na lang
ang maiwan para sa ating papa, ikaw na nag bahala sa kanya. Ramdam kong mahal
ka niya. Proud na proud siya sa iyo. Pasensya ka na, hindi na ako makahintay.
Alam mo na ang dahilan. Congratulations sa iyo, Tok. Hindi mo lang alam kung
gaano ako ka proud sa iyo. Idol kita, hingahangaan kita, at higit sa lahat,
mahal na mahal kita. Sana ay mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sia iyo. Alam mo
naman siguro na kung hindi dahil sa pangungulit ko ay hindi ka makaramdam ng
kakaiba para sa akin. Hindi mahulog ang loob mo sa akin. Ako ang nagbukas sa
iyo sa ganitong klaseng nararamdaman. At ngayon ay galit na galit ako sa aking
sarili. Gusto kong magpakatino, gusto kong tanggalin sa sistema ko ang
nararamdaman ko sa iyo, ngunit hindi ko magawa. At ngayong nalaman natin na
magkapatid pala tayo, hindi naman puwede. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit
kailangan kong umalis. Ayaw kong magdusa ka, ayaw kong masaktan ka. Hindi ko
alam kung kailan tayo magkikitang muli, Tok. Sana ay darating pa ang panahon na
iyan. Kung darating man iyan, ipangako ko sa iyo na ibang John na ang makikita
mo, iyong John na ang turing sa iyo ay isang tunay na kapatid. Hangad ko ang
iyong kaligayahan, Tok. Sana ay mahanap mo ang taong tunay na magmahal sa iyo,
iyong taong makarelasyon mo na walang malalabag na mga alituntunin. Palagi mong
ingatan at alagaan ang sarili mo. At si Tokhang, ingatan mo rin siya. Siya ang
buhay na alaala ng ating maiksing pagmamahalan. Ang iyong Kuya, -John. PS.
Huwag mo na akong tawagan o i-text. Pinalitan ko na ang aking number.”
Doon
na naman ako nahagulgol. Pilit kong nilabanan ang aking kalungkutan ngunit
hindi ko kayang pigilan ang pagdaloy ng aking mga luha.
Nang
tinawag na ako ng driver upang sabay na kaming umuwi ng apartment dahil may
salo-salo raw doon, sumunod ako. Kasama ko ang aming papa ni John.
May
iilang bisita na naghintay pagdating namin ng apartment. Nang dumating kami,
kumain kami kaagad. Mabilis akong natapos. Sinabi ko sa kanila na busog na ako
at pagod. Dahil hinahanap nila si John, nagpaalam ako na puntahan ko ang bukid
at sunduin ko siya roon. Ginawa ko ang pagsisinungaling na iyon upang makaalis sa
lugar na iyon at mapag-isa sa bukid.
Pumayag
naman sila.
Nang
makarating ako sa bahay ng pinakisuyuan namin kay Tokhang, doon ko nakumpirmang
nakaalis na si John at kinuha na niya ang kanyang bag. Iniwan din niya ang
kanyang toga.
Kinuha
ko si Tokhang at sumakay ako sa kanya. Habang binaybay ni Tokhang ang daan
pabalik, para akong baliw na kinusap ang kabayo, “Hang, wala na ang amo mong
isa. Tayong dalawa na lang ang maiiwan uli. Pero at least narito ka pa, may
kasama pa rin ako kahit papaano. Sana ay hindi mo rin ako iiwan, kagaya ng inay
at ni John...”
Nang
nakarating na ako ng bahay, agad kong inilatag sa mesa ang aming mga diploma.
Pinagtabi ko sila. Isinabit ko rin sa dingding ang toga namin ni John.
Pinagtabi ko.
Binalikan
ko ang mga diploma namin na nakalatag sa mesa. Binasa ko ang nakasulat-
“Republika ng Pilipinas,
Kagawaran ng Edukasyon, Pinatutunayan nito na si John Iglesias ay nagtapos ng kurikulum sa Sekundaryo...”
“Republika ng Pilipinas,
Kagawaran ng Edukasyon, Pinatutunayan nito na si Timmy Suarez, Veledictorian, ay nagtapos ng kurikulum sa
Sekundaryo...”
Pagkatapos
kong basahin, inilagay ko sa ibabaw ng mga ito ang aming mga corsage at
garland.
“Kuya.. kung saan ka man
ipadpad ng panahon, sana ay mahanap mo ang iyong inay, bigyan ka ng malusog at
malakas na pangangatawan, at magiging masaya ka. Palagi mong ingatan ang iyong
sarili. Mahal na mahal kita...” ang bulong ko sa aking sarili.
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment