By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Petmalu!
“Tok! Nasa bahay ka na?” ang text ni Jeff kay Timmy habang naglalakad na ito palabas ng gate. Natagalan kasi siyang umuwi gawa nang dumaan pa siya ng library dahil tinapos niya ang kanyang research. Kaya nauna nang umuwi ang mga barkadang kaklase niya.
“Tok! Nasa bahay ka na?” ang text ni Jeff kay Timmy habang naglalakad na ito palabas ng gate. Natagalan kasi siyang umuwi gawa nang dumaan pa siya ng library dahil tinapos niya ang kanyang research. Kaya nauna nang umuwi ang mga barkadang kaklase niya.
“Hindi pa. Bakit?” ang sagot niya.
“Punta ka ng plaza. Nandito ang buong
barkada.”
“S-sige pupunta ako.” Ang sagot ni
Timmy.
Kumpleto ang barakada nang nakarating
na ng plaza si Timmy. Mahigit sampu silang naroon. “Anong mayroon?” ang tanong
niya kay Jeff.
“May kaklase tayo na nag-anyaya. Birthday
daw niya. Doon tayo maghahapunan, at may kaunting inuman.”
Hindi na nagtanong pa si Timmy. Masaya
kasi kapag ganoon. Bonding din ng barkada iyo, may kainan pa. Maya-maya ay sumakay
sila ng tricycle. Nang nakarating sila sa bahay ng celebrant, laking gulat ni
Timmy nanng makita niya kung sino ang sumalubong sa kanila sa gate ng bahay ng
celebrant. Si Julie.
Biglang nasira ang excitement ni
Timmy sa pagkakita niya kay Julie. May pag-aalangan siya kung tutuloy pa rin.
Ngunit dahil naroon na siya at naisip niyang nakakahiya kung bigla na lang
siyang aalis, naghanap na lang siya ng magandang gawing dahilan upang makaalis
ng maaga.
“Wow! Salamat naman sa pagdalo!” ang
sigaw ni Julie sa kanila.
“Pasensya na wala kaming regalo. Di
mo kasi sinabi nang maaga eh!” ang sagot naman ni Jeff.
“Wala iyon. Ang mahalaga ay nandito
kayo.” Ang sagot naman ni Julie. At nang tiningnan niya si Timmy, Binitiwan
niya ang isang nakakabighaning ngiti. “Hi Timmy!” ang pagbati niya.
“H-hi!” ang pagbati rin ni Timmy
bagamat hindi niya maiwasan ang pagkaasiwa. “Happy birthday.” Ang dugtong niya.
“Thank you, Timmy! Oh my God! Ang
saya-saya ko sa birthday kong ito!” ang sambit ni Julie. Hinawakan niya ang
kamay ni Timi at kinaladkad ito patungo sa loob ng bahay. At baling niya sa
ibang kasama, “Halikayo sa loob!”
Sumunod ang iba pang mga kasama.
Malaki ang bahay nina Julie. May
walong kuwarto ito sa itaas, at ang lobby ng bahay ay puwedeng gawing reception
area ng may 100 katao. May malawak na lawn, at ang malaking terrace sa itaas ay
naaakyat sa hagdanan mula sa lobby. Ancestral na bahay ito sa side ng relatives
ng kanyang ina. Estilong espanyol pa ang porma sa panlabas. Gawa sa mga
antigong kahoy at bato. Ngunit ang loob ng bahay ay inayos na at naghalo na ang
modernong design at ang mga antigong kagamitan.
“Ang ganda ng bahay ninyo, Julie!”
ang papuri ng mga barkada ni Timmy.
“Bahay ng lola ko ito. Ang bahay
namin ay nasa Maynila. Pero mamaya na iyang ganda ng bahay. Ang ganda ko muna
ang atupagin natin.” Ang sagot niya sabay tawa.
Tawanan ang grupo.
“Kumain muna tayo. Sinadya ko talaga
na magpaluto para lang sa atin.” ang dugtong ni Julie at turo sa nakahilerang
pagkain na nasa gilid ng lobby. May dalawang food crews din na nakatayo lang at
handang mag-assist, nakatingin sa mga bisita. “Huwag pala kayong mahihiya,
guys! Ako lang ang tao rito at ang mga katulong. Ang lola ko ay nasa Maynila
dahil sa kanyang routine check up. Kaya sarili natin ang bahay! Mag-enjoy lang
tayo!” ang dugtong ni Julie
“Wow!!!” ang sigaw naman ng mga
kasama ni Timmy.
Sa kainan ay halos hindi na umalis sa
tagiliran ni Timmy si Julie. “Pagkatapos
ng kainan, Julie ay aalis na ako, ha?” ang maagang pagpapaalam ni Timmy.
“Ay, KJ naman nito! Birthday ko
ngayon, pagbigyan mo naman ako, Timmy.”
Binitiwan ni Timmy ang isang ngiting
hilaw. “Alam mo naman sa amin, di ba? Malayo, nasa bukid, madilim.”
“Bakit kung dito ka matutulog? Wala
namang pasok bukas. Atsaka, wala namang maghahanap sa iyo, di ba?”
“Wala nga kaso may gagawin pa ako
eh.” Natahimik si Timmy. “M-medyo weird pero kahit nag-iisa na lang ako,
isiniksik ko pa rin sa utak ko na naroon ang inay, naghihintay sa akin. Kaya
kung maaari ay talagang uuwi ako.”
“O sige na nga… pero pagkatapos mong
kumain, iinom ka muna, kahit isang bote ng beer. okay? Tapos, puwede ka nang
umalis. Deal?” ang sambit ni Julie.
Tumango si Timmy. “Okay. Deal.” Kahit
papaano ay natuwa siya na pumayag si Julie na maka-uwi siya nang maaga, o sa kanyang
isip ay makatakas siya. Hindi mawaglit sa isip niya ang pagdududa na baka may
masamang balak si Julie sa kanya.
Kumanta muna silang lahat ng “Happy
birthday. Pagkatapos ay nagpalakpakan, may maiksing mensaheng pasasalamat si
Julie sa mga dumalo.
Nang natapos na silang kumain,
lumipat sila sa terrace. Mag-alas 7 na ng gabi iyon kaya hindi na mainit sa
kanilang terrace. Maganda ang ambiance, paminsan-minsang humihihip ang hangin
na nanggaling sa dagat, at mula roon ay kitang-kita ang high-way at ang mga
bahay sa paligid na nababalot na ng dilim maliban sa mga bahaging parte ng
paligid na naiilawan ng mga bombilya.
“Guys! Drink cocktail na lang ang
iinumin natin ha? Mamaya na ang beer. At least dito ay makakainom ang mga
babaeng ayaw uminom ng beer. Masarap ito, guys! Parang juice lang din. Matamis
at may kaunting-kaunting alak lang.” Ang sambit ni Julie na sinundan ng
dalawang service crew na dala-dala ang malaking container ng cocktail na
sinasabi niya. At mga tray na naglalaman ng wine glasses. Inilagay ang mga ito
sa ibabaw ng mesa na nakalaan para rito, katabi ang mga pagkain na dinala rin
ng mga service crews sa terrace.
Mausisang nagsitinginan ang
magbarkada sa naka-display na cocktail. Nakasilid ito sa isang glass container
na hugis malaking mangkok. Kulay light yellow ang inumin, may mga prutas na
inihalo, at may ice din. Halos lahat sila ay hindi pa nakatikim ng ganoong
klaseng inumin.
“Mukhang masarap!” ang sambit ng mga
babae.
“So hindi ako makakauwi hanggang
maubos iyan at makainom ako ng beer?” ang tanong ni Timmy kay Julie. Nagduda
kasi siya na baka sinadya ni Julie iyon. Beer kasi ang sinabi niyang maubos ni
Timmy atsaka pa siya makauwi.
“I’m sure na kapag natikman mo ang
isang baso ng cocktail ay hindi mo na nanaisin pang umuwi. Promise.” Ang sagot
lang ni Julie.
“Okay. So isang baso lang nito…” ang
pagturo ni Timmy sa drink cocktail “…at puwede na akong umuwi?”
Nakangiting tumango si Julie. Makahulugang
ang kanyang ngiti.
Nagsimulang pumila ang mga kasama ni
Timmy upang kumuha ng cocktail. Ang kumuha ng glass wine at nagsalok ng wine sa
kailang mga baso ay ang mga service crews. Ngunit si Timmy ay hindi na pinapipila
ni Julie. Si Julie mismo ang tumayo at dumampot ng baso na lalagyan ng cocktail
para kay Timmy. Naiiba ang baso ni Timmy. Mas malaki. At si Julie mismo ang
nagsalok ng cocktail para rito.
Nakatingin naman nang maigi si Timmy
kay Julie habang nilagyan ng cocktail ang baso niya.
“Dahil isang baso lang ng cocktail
ang uubisin mo at uuwi ka na, ibang baso ang sa iyo. Ang nakangiting sabi ni
Julie nang nakabalik na siya at iniabot niya ang wine glass na naglalaman ng
cocktail para kay Timmy.
Tinanggap ni Timmy ang wine glass
atsaka tinikman muna ang nasabing drink cocktail.
“O, di ba, masarap?” ang tanong ni
Julile.
Tumango si Timmy. Masarap naman
talaga siya sa panlasa ni Timmy. Pati ang iba pang kasamahan nila, ang kumento
nilang lahat ay masarap ang inumin na inihanda ni Julie. Kaya ininom ito kaagad
ni Timmy. At mabilis niyang naubos ang laman ng wine glass niya. Gusto na kani
niyang makauwi.
“Wow! Ambilis naman!” Ang sambit ni
Julie nang mapansin ang basyo nang wine glass ni Timmy.
“Nagmamadali kasi ako eh.” Ang sagot ni
Timmy.
“Gusto mo pa ba ng drinks?” ang
tanong ni Julie.
“Huwag na. Huwag na. Okay na ako.” ang
sagot ni Timmy.
“Okay, bago ka umuwi, isayaw mo muna ang
birthday girl.” At hinila ni Julie si Timmy sa gitna ng terrace habang
pinatugtog naman ng service crew ang sound system.
Sweet ang pinatugtog na kanta kaya
todo-yakap si Julie kay Timmy.
Maya-maya lang ay may kakaibang
naramdaman si Timmy na tila gumapang sa kanyang katawan. Hindi niya lubos
maipaliwanag ito. Ramdam niya na sobrang magaan ang kanyang pakiramdam, focused
na focused ang kanyang isip, nawala ang kanyang mga pangamba at takot, at puro
saya na lang ang nasa kanyang isip. Mistula siyang lumutang sa ulap sa hindi
maipaliwanag na saya. Gusto niyang ngumiti at tumawa na lang. Ang kanyang
paningin ay sobrang klaro, sobrang makulay ang tingin niy sa mga bagay-bagay,
iyong klaseng pagkamakulay na noon lang niya naranasan. Tila may mga kulay
siyang nakikitang kakaiba at hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya. Ang
kanyang self-confidence ay napakataas. Wala siyang naramdamang pagkahiya o
takot. At sa kanyng katawan, tila may napukaw na sensasyon. Iyong bawat
pagdikit ng kamay ni Julie sa kanyang kamay o balat ay nakakapukaw ng damdamin,
may dulot na kiliti, nakakalibog na init, at sensasyon na hindi niya maipaliwanag.
Pinikit-pikit niya ang kanyang mga mata upang kumpirmahin kung hindi ba siya
nanaginip.
“Gusto mo pa bang uminom?” ang tanong
ni Julie.
Tinitigan niya si Julie.
At kahit ang pagtingin niya kay Julie
ay nag-iba rin. Ramdam niya ang saya. Ramdam niya ang sarap na kasama si Julie.
Hindi na niyang magawang tumanggi pa. Tumango si Timmy sa alok ni Julie na
uminom pa. Hanggang sa nakailang baso rin si Timmy sa nasabing cocktail. Nang naubos
ng grupo ang drink cocktail, ang sunod nilang tinira ay ang beer. At naroon pa
rin si Timmy.
Ganap na nalimutan na ni Timmy ang
pag-uwi. Sobrang nag-enjoy siya sa pagsasayaw, pag-iinom, makikipagtawanan,
pakikipaghalikan kay Julie. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na naranasan niya
ang ibayong saya na tila mas mahigit pa sa isang tinatawg nilang “state of euphoria”.
Ngunit iba ang tingin ng mga barkada
ni Timmy sa kanya. Nag-wild siya. At noon lan gnila nakita si Timmy na ganoon
ka wild.
Hanggang sa nagsiuwian na ang mga
barkada. Ngunit nanatili pa rin si Timmy sa bahay ni Julie. Nang alukin siya ni
Jlie na doon na matulog, hindi tumanggi si Timmy. Kaya dinala siya ni Julie sa
sariling kuwarto niya mismo.
Iyon talaga ang gusto ni Timmy, ang
doon matulog at makatabi sa kama si Julie. At sa gabing iyon, may nangyari kina
Timmy at Julie. Iyon ang pangalawa niyang pakikipagtalik. Ang una niyang
karanasan ay nangyari kay John.
Alas 9 ng umaga na nagising si Timmy
kinabukasan. Hubo-t-hubad siya at katabi niya ay si Julie na hubo’t-hubad din.
Naalala niya ang nangyari sa nakaraang gabi. Tandang-tanda pa niya ang lahat.
Agad siyang bumalikwas sa kama at
pinulot ang kanyang brief, pantalon at T-shirt na nagkalat sa sahig at
dali-daling lumabas mula sa kuwarto.
“Timmy! Timmy!” ang pagtawag sa kanya
ni Julie na noon ay nagising na rin.
Hindi siya sinagot ni Timmy.
Tuloy-tuloy lang si Timmy sa kanyang mabilis na paglalakad. Nang nakita niya
ang kanyang knapsack sa ibabaw ng mesa sa sala, dinampot niya ito. Nang nasa
may pintuan na siya, isinuot niya ang kanyang sapatos.
“Timmy! May nangyari sa atin kagabi!
Hindi mo ba alam? Huwag mo akong iwan!”
Lalong sumimangot ang mukha ni Timmy
sa narinig. Hindi niya pinansin pa si Julie at tuluyan nang lumabas ng bahay
hanggang sa gate at nang may tricycle na dumaan ay pinara niya ito at sumakay.
Litong-lito si Timmy kung bakit
nagawa niyang doon matulog sa bahay ni Julie at kung bakit siya pumayag na doon
matulog sa mismong kuwarto ni Julie. Bagamat noong una ay gusto rin niya si
Julie, ngunit unti-unti rin siyang na turn-off sa kanya dahil sa ipinakitang
lantaran na paglalapit nito sa kanya, na nagmistulang cheap na ang dating na
hindi gawain ng isang matino at desenteng babae.
Kaya gusto ni Timmy na makapag-isip,
gusto niyang tanungin ang kanyang sarili kung ano ba talaga ang nangyari sa
gabing iyon. Kung iyon ba ay epekto lang ng alak, o talagang ginusto niya ang
pagtabi kay Julie sa kama.
Nang nasa bukid na siya, tinext niya
si Jeff tungkol sa nangyari nang nakaraang gabi.
“Nag-wild ka Tok! First time kong
makitang ganoon ka ka-wild! Sobrang lakas mong tumawa, nagsasayaw ka na
hinuhubad mo ang iyong t-shirt at bukas pa ang zipper ng pantalon mo, iyon bang
sayaw na nanunukso. Tapos, halik ka nang halik at yakap nang yakap kay Julie na
tila kayo lang ang tao sa paligid! Basta… ibang-iba ka kagabi! Sobrang petmalu
mo!”
“Ano iyon?”
“Malupet!”
***
Sa pangpitong araw ay nakabalik na si
John sa probinsya, sa kanyang apartment. Linggo iyon kaya walang pasok.
Pagdating na pagdating niya ng apartment ay dumeretso kaagad siya sa kuwarto
dahil sa pagod. Pagkagaling kasi niya sa Maynila, ay dumaan muna siya sa
Mindoro, sa kanyang inay. Apat na araw siya roon.
“Tito! Tito!” ang sigaw ni John na masayang-masaya
at nagmamadaling lumabas mula sa kanyang kuwarto.
“Ano iyon, John!”
“Kailan natulog sa kuwarto ko si
Timmy?”
Nagtaka ang Tito ni John sa kanyang
tanon dahil hindi naman niya sinabi na natulog doon si Timmy. Ngunit sinagot pa
rin niya ito. “Hmmm. Kailan ba iyon? Noong pangatlong araw yata iyon simula
nagn nagpunta ka ng Maynila? Bakit?”
“Ah… wala po. May napansin lang ako.”
Ang sagot ni John habang bumalik din agad ng kuwarto. Ang totoo, alam ni John
na natulog si Timmy sa kuwarto niya. Gusto lang niyang i-kumpirma iyon sa
kanyang Tito. At alam din niyang sadyang ipinaalam ni Timmy na na natulog siya
roon sa pamamagitan ng pagligpit niya sa kumot ng kuwarto ni John. Kakaiba kasi
ang pagligpit ni Timmy ng kumot. Imbes na itupi, ililikaw niya iyon atsaka
ipapatong sa unan.
Hindi magkamayaw sa tuwa ang puso ni
John. Sa isip niya ay hindi siya natiis ni Timmy at talagang pinuntahan siya
nito sa apartment. Kinuha niya ang kumot at niyakap ito at hinalikan.
Pagkatapos ay inilagay niya sa loob ng plastic at maingat na ipinasok sa loob
ng kanyang cabinet.
Halos hindi na mahintay ni John ang
kinabukasan kung saan ay may pasok na at makikita niyang muli si Timmy. Marami
siyang gustong sabihin sa kanya.
Kinabukasan ay maagang nagtungo si
John sa klase. Siya ang pinakaunang estudyanteng pumasok sa silid-aralan sa
subject nilang iyon. Isinuot pa niya ang pantalon, T-shirt at ang brief na
nilabhan ni Timmy na iniwan sa kuwarto niya. Inip na inip siyang naghintay sa
oras. Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga classmates niya. Nang makita
niya si Timmy, ramdam niya ang paglulundag ng kanyang puso.
Bigla siyang yumuko nang makita
niyang palapit na si Timmy sa kanyang kinauupuan. Ang upuan niya kasi ay nasa
likod ni Timmy. Bagamat gusto niyang ngitian at kausapin si Timmy, may takot pa
rin siyang baka ipuwera lang siya.
Derederetso lang si Timmy sa kanyang
upuan at hindi niya pinansin si John. Pareho sila ng naramdaman. Nagpaparamdaman.
Ayaw ni timmy na siya ang maunang pumansin kay john dahil may takot din siyang
nadarama na baka masama pa ang loob ni John sa kanya at baka hindi siya
pansinin nito.
“Hi Timmy! Oh my God! Kumusta ka na
sweetheart!” ang sambit ni Julie nang nakarating na ito at deretsong tinumbok
ang upuan ni Timmy. Pati si John ay nagulat sa biglaang pagsulpot ni Julie.
Hinalikan ni Julie sa pisngi si Timmy sabay abot din sa kanya sa isang karton
ng emplanada na dala-dala ni Julie. “Para sa iyo. May nagsabi kasi sa akin na
paborito mo raw iyan. Simula ngayon ay araw-araw na kitang dadalhan niyan.” Ang
dugtong ni Julie.
Nilingon ni Timmy si John, binitiwan
ang isang tingin na iyong tila nahiya sa “empanada” na si John lang ang dating
nagbibigay sa kanya o guilty dahil sa paghalik ni Julie at pagtawag pa sa kanya
ng “sweetheart”. Iyong tingin na ang ibig iparating na mensahe kay John ay, “Mali
ang iniiisp mo!”
Ngunit nasaktan si John kaya yumuko
na lang siya, nagkunwaring walang nakita at iginuri-guri ang daliri sa kanyng
desk, biglang naglaho ang matinding excitement at tuwa na una niyang naramdaman
bago niya makita ang insidenteng iyon.
“O sige, kainin mo na ang bigay ko na
iyan.” Ang sambit ni Julie. “Babalik na ako sa upuan ko, sweetheart.” Ang dugtong
niya sabay halik uli sa pisngi ni Timmy.
Hindi na umimik si Timmy. Bagamat
gusto niyang kausapin si John at sasabihin sa kanya na “Hindi kami mag-syota!”
Ngunit mas nangingibabaw ang pride niya na baka hindi siya papansinin nito. Isa
pa, nabitiwan na niya ang salita na liligawan niya si Julie.
Sa buong araw na iyon ay walang imik
si John. Bakas sa mukha ang lungkot. Kahit sa pananghalian ay nasa isang tabi
lang siya, nanunuod sa magbarkada at kay Timmy at Julie na hindi na umaalis sa
tabi ni Timmy, at feeling girlfriend na talaga. Hindi na rin umuuwi si John sa
bukid. Doon na siya natutulog sa apartment niya. Malungkot si John sa panahong
iyon na magkalayo siya kay Timmy.
Sa parte ni Timmy naman ay hinahayaan
lang niya si Julie bagamat sa loob-loob niya ay alam niyang may kakaiba kay
Julie. Dahil sa pride niya, pinanindigan niya ang sinabi niya kay John tungkol
kay Julie. Ang hinihintay lang niya ay ang isang pagkakataon na magkaroon siya
ng matinding rason upang may dahilan siya na layuan si Julie. Sa ganoong paraan
ay makalayo siya kay Julie na hindi
madungisan ang pride niya.
Bulung-bulungan sa campus ang
relasyon nina Timmy at Julie. Bagamat walang sinasabi si Timmy na magkarelasyon
nga sila ni Julie, kabaligtaran naman ang ginawa ni Julie. Buong puso nitong ipinangalandakan
sa buong campus na magkasintahan na nga sila. At proud na proud niyang
ikinampanya ang kanilang relasyon. Sa katunayan, kung maaari pa lamang itong
isali sa mga mahahalagang issues na tatalakayin ng UN kagaya ng global warming,
arms race at nuclear weapons, o ang giyera laban sa terorismo, ginawa na niya
ito.
“Tok… Magkasintahan na ba talaga kayo
ni Julie?” ang tanong ni nina Jeff at iba pang mgabarkada nang natiyempuhan
nila si Timmy na hindi kasama ni Julie.
Nag-isip si Timmy. Kahit alam niyang
walang confirmation sa kanya na magkasintahan talaga sila ni Julie ngunit dahil
baka ma-offend naman si Julie kung sasagutin niya na wala silang relasyon,
parang hindi siya lalaki noon. Ano ang iisipin ng mga tao sa kanya. “Hm… di ba
iyan naman ang sinabi niya?” ang sagot lang niya.
“Oo sinabi niya. Pero ikaw, ano naman
ang sinabi mo?”
Napangiti si Timmy. Iyong ngitiing
hilaw na feeling na-corner. Ngunit pinanindigan pa rin niya si Julie. “Syempre,
oo.” Ang sagot niya.
“Mahal mo naman siya?” ang tanong ni
Jeff.
“Pare… anong tanong naman iyan?
Syempre naman, ano ka ba?”
“Kasi, baka dahil lang may nangyari na
sa inyo kaya ka napilitan na maging boyfriend niya.”
Natawa si Timmy. “Hindi naman, pare.”
Ang sagot lang niya.
“Atin-atin lang pare ha. Marami kasi
ang naka-obserba sa ugali ni Jlie na sobrang pagka-liberated. OA na masyado. Hindi karespe-respeto. Syempre,
probinsiya itong lugar natin tapos ganyan siya. Pati ang mga professors natin.
Iba ang tining nila sa kanya.” Ang sambit ni Daniel.
Tiningnan lang ni Timmy si Daniel.
Ayaw niyang magbitiw ng kumento dahil nga lalaki siya at ayaw niyang sabihin ng
iba na napaka-ungentleman niya kung sasabihin niya na ganoon din ang
naobserbahan niya sa “kasintahanan.”
“I mean sorry, pare. Di ko intention
na siraan siya sa iyo.” Ang paliwanag naman ni Daniel.
“Okay lang, pare. Hindi masama ang
loob ko.” Ang sagot ni Timmy.
“Pero sa totoo lang Tok, lahat kami
ay ganyan ang naobserbahan.” Ang pagsingit naman ni Jane.
“At heto pa, Tok ha… may sasabihin
ako sa iyo.” Ang sambit ni Tony.
“Ano iyon?”
“Noong sa party ni Julie na naroon tayo?
Nagwala ka? Wala ka bang na-obserbahan sa sarili mo kung bakit ganoon ka
ka-wild? Hindi ka ba nagduda?” ang tanong ni Tony.
“Duda? Saan?”
“Na nilagyan ng droga ang baso mo?”
“Hindi naman siguro pare. E, di sana
ay lahat tayo nag-wild.”
“Hindi mo ba napansin ang baso mo na kakaiba
kaysa sa amin?”
“Kahit na. Nakita ko ang paglagay
niya ng inumin sa baso ko eh. Wala naman akong nakitang kakaiba o may inilagay
siya. Imposible dahil tiningnan ko talaga siya. Kasi nga, sinabi kong isang
baso lang ang inumin ko at uuwi na ako.”
“Iyon na nga eh. Hindi mo nakita
ngunit may ibang nakakakita.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” ang
tanong ni Timmy.
“Ang isa sa mga service crew na
naroon ay pinsan ko.”
“P-paano niya nakita?”
Doon na ikinuwento ni Tony ang
nalaman niya. Napag-usapan daw nila ng pinsan niya ang mistulang pagwawala ni
Timmy at ang nakita niyang ginawa ni Julie.
“Maaga sila roon dahil sila ang naghanda
sa mga pagkain, sa mga presentations, mga pangangailangan ng bisita. Siya ang
naglagay ng mga wine glass sa tray para sa drinks. Nang nailagay na niya ang
mga iyon sa tray, tinanggal ni Juli ang isang baso at pinalitan iyon ng isang
malaking wine glass sa gitna. At ang sabi ay huwag daw itong pakialaman dahil
para iyon sa espesyal na bisita niya. Wala lang iyon sa kanya. Umalis siya
sandali gawa nang may kukunin sa labas. Kaso bumalik siya kaagad dahil may
nalimutan. Doon niya nakitang may inilagay na powder si Julie sa malaking
baso.”
Nanlaki ang kanilang mga mata nang
marinig ang sinabi ni Tony. “Totoo ba iyan?” ang tanong ng mga babae.
“Nakita nga ng pinsan ko eh. At napansin
niyo naman siguro si Tok sa pagkakataong iyon. Nakita niyo na ba siyang ganoon
talaga kapag nakainom? Ang ingay-ingay niya roon, tawa nang tawa, hindi
nahihiyang naghuhubad at nagsasayaw at nakikipaghalikan, torrid kissing pa kay
Julie? At halata niyo naman talagang sabog iyong tao eh.” Ang sambit ni Tony.
At baling niya kay Timmy, “Ano ba talaga ang pakiramdam mo noon? Normal lang ba
iyon sa iyo? Wala ka bang kakaibang naramdaman na medyo hindi na normal sa
tingin mo?”
“Iyong para akong lumulutang sa ulap.
Ang sarap ng pakiramdam ko, at ang saya-saya ko, nawawala ang lungkot, ang
problema, puro masasaya ang nasa isip. At ang paligid ay sobrang makulay. At
nakakakiliting sarap kapag nahihipo ang aking balat. Ang sarap humalik. Nakakapukaw
ng damdamin. Ang sarap makikipagtalik.” Ang sambit ni Timmy.
“Ang sabi ng ppinsan ko, baka ecstacy
daw ang droga na iyon. Sila kasing mga service crew ay alam iyan dahil
ginagamit daw iyan ng ibang mga mayayaman na nagpapa-cater sa kanila, lalo na
sa mga kabataan na may party. Ganoong ganoon talaga ang epekto.” Ang sambit ni
Tony.
Kinabukasan, kinausap ni Timmy si
Julie. Sa student center niya dinala. “Julie, sabihin mo nga sa akin ang
totoo... noong inimbita mo kami sa party sa bahay ninyo, hindi mo ba nilagyan ng droga ang baso ko?”
ang deretsahang tanong ni Timmy.
“Naku, Timmy. Please huwag mo akong
pagbintangan ng ganyan! Hindi ako gumagamit ng droga! Atsaka nakita mo naman
ang paglagay ko ng inumin sa baso mo, di ba? Pinapanuod mo ako. Nakita kita na
tiningnan mo ako!” ang malakas na pagtanggi ni Julie.
“Oo wala akong nakita, Julie. Pero
ang droga ay nakalagay na sa basong naka-display.”
“Paano mo nasabi???” at nahinto siya
at umiiyak na. “Huwag mo naman akong pagbintangan ng ganyan Timmy. Hindi ako
ganyang klaseng babae. Ni hindi ko nga alam kung ano ang porma ng droga. Ang
sakit-sakit ng sinabi mo! Para mo na rin akong sinaksak!” ang sambit ni Julie
na humagulgol na.
“May nakakakita sa iyo, Julie. Ang
service crew na naroon. At ako, sa tanang buhay ko, noon ko lang nadarama ang
ganoong klaseng pakiramdam. Alam kong hindi normal iyon. Alam kong may droga sa
nainom ko.”
“Oh Timmy. Maniwala ka sa akin. Wala
akong ginawa sa iyo. Wala akong nilagay sa baso mo. Kung sino man iyong nagsabi
noon, siniraan lang niya ako. Kilala ko ang service crew na iyon! May gusto
iyon sa akin ngunit binated ko siya! Pinagalitan ko at minura ko. Kaya galit
iyon sa akin! Gusto niyang gumanti sa akin. Ako ang paniwalaan mo!”
“Julie, hindi magkakagusto sa iyo ang
service crew na iyon dahil bakla siya. Boyfriend niya ang kaibigan ng barkada
ko.”
Hindi nakaimik si Julie.
“Simula ngayon ay break na tayo. Ikaw
lang naman ang nagpaikot sa campus na magsyota tayo, di ba. At hindi ako
nagsasalita. Sinuportahan ko ang mga sinabi mo sa mga tao tungkol sa atin.
Ngayon, break na tayo at pasensya na. Kung may magtanong sa akin kung mag-syota
nga tayo, ang sasabihn ko ay wala na tayo. Hindi mo na ako masisisi dahil I’ve
been good to you. Aminin ko sa iyo. Nagustuhan kita. Type kita noong una.
Ngunit hindi ko akalain na ganito ka pala... Maghanap ka na lang ng ibang
lalaki. Iyong kaya kang i-handle. Marami kang mahanap sa unibersidad natin. Mas
mahigit pa sa akin.” Ang sambit ni Timmy sabay talikod.
“Timmy! Huwag mong gawin ito sa akin!
Magsisisi ka kapag nilayuan mo ako!” ang sigaw ni Julie.
Bumalik si Timmy. “At bakit? Ano ang
gagawin mo?”
“Basta! Pagsisisihan mo kapag i-break
mo ako!” Ang banta ni Julie.
“Okay. Gawin mo ang gusto mo. Wala
akong magagawa.” Ang sagot ni Timmy at tuluyan nang umalis.
“Timmyyyyyy!!!!!”
“Oo nga pala. Alam kong hindi mo
birthday sa araw na iyon! Tiningnan ko ang record mo sa Registrar’s Office!”
ang pahabol na sigaw ni Timmy.
Kinabukasan sa loob ng klase, lumapit
pa rin si Julie kay Timmy na kasalukuyang nakaupo sa kanyang desk. “Sweetheart.
Galit ka pa ba sa akin?” ang sambit ni Julie. Nasa likod lang ni Timmy si John,
nakikinig.
“Julie, di ba sabi ko, layuan mo na
ako. Bistado na kita. Nilagyan mo ng droga ang inumin ko. At nagsinungaling ka sa
birthday mo. Hindi ka naging totoo sa akin. Ayoko nang ganyan. Ayoko na. Tapos
na tayo.” Ang sambit ni Timmy.
Dinig na dinig ni Johnny ang lahat
nang sinabing iyon ni Timmy kay Julie. At masarap sa tainga ang kanang narinig.
Pakiramdam niya ay maagang dumating ang pasko sa klaseng iyon at tila naririnig
pa niya ng mga pamaskong awit at kumakalembang na kampanilya sa kanyang tainga.
Lihim siyang napangiti.
“Timmy. Please give me a chance...”
ang sambit ni Julie.
Tumaas ang boses ni Timmy. “Sinabi ko
na sa iyo na ayoko na. Huwag kang makulit!”
“Timmy please… I will make up for
everything. Gagawin ko ang lahat!”
Doon na sumingit si John. Tumayo siya
at hinarap si Julie. “Sinabi nang huwag kang makulit eh.” ang kalmanteng sambit
niya.
Hinarap ni Julie si John. “Ba’t ka ba
nakialam dito? Sino ka ba?” ang mataas ding boses ni Julie.
“Alam mo, Julie, ayaw kitang
bastusin. Ngunit kung ganyan ka kakulit at kabastos, mapipilitan ako.”
“Bakit? Susuntukin mo ako? Babaliin
mo ang leeg ko? Paduguin mo ang bibig ko?” ang sagot ni Julie.
“Hindi.” Ang kalmante pa ring sagot
ni John.
“Hahalikan kita. Gusto mo?”
Hindi nakaimik si Julie. Nakatitig pa
rin siya kay John. Tila natulala.
“Sabihin mo lang kung gusto mo. Baka
nangangati na iyang pagkababae mo. Pagtiyagaan mo na lang ako. Kapag
nangungulit ka pa rito,” turo niya kay Timmy “Hahalikan talaga kita. At di lang
halik ang matitikman mo sa akin. Titirahin kita rito sa loob mismo ng klase
para makita nila kung gaano ako kasarap yumari ng babae.” Ang sambit ni John
habang seryoso at kalmante pa ring tinitigan si Julie.
Doon na nagmamaktol na tumalikod si
Julie. Nang nasa upuan na siya, sinabihan niya si John ng, “Lagot ka sa akin!”
Nginitian lang siya ni John. Iyong
ngiting nang-aasar.
Nilingon ni Timmy si John na nakatayo
pa rin. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Ngunit pareho silang walang
reaksyon. Gustong ngumiti ni John ngunit hindi siya sigurado kung susuklian din
siya ng ngiti ni Timmy kaya minabuti niyang huwag nang ngumiti. Si Timmy naman,
ayaw niyang ibaba ang kanyang pride. Gusto niyang ipakita kay John na matatag
siya sa kanyang sinabi na ayaw na niya sa relasyon nila.
Maga-alas 7 na ng gabi nang nakalabas
ng eskuwelahan si Timmy. May meeting siya sa grupo nila sa isang subject para
sa kanilang project kaya naabutan siya ng gabi. Nang nasa labas na siya ng
gate, may mga apat na lalaking nakaupo sa labas ng isang tindahan sa tabi ng
kalsada, ang mga mukha ay hindi niya pamilyar.
“Ikaw ba si Timmy?!” ang sigaw ng
isa.
Lumingon si Timmy at sumagot ng “Oo!”
Biglang nagsitayuan ang tatlo pa
niyang kasama at dinumog si Timmy ng suntok. Natumba si Timmy sa kalsada.
Tatayo na sana si Timi upang lumaban ngunit nagulat na lang siya nang biglang
sumulpot si John at sa kanya nabaling ang apat na lalaki. Pinagtutulungan siya.
Dahil magaling naman talagang manuntok si John at kadalasan ay may dalang metal
na isinusuot sa daliri kapag nakikipagsuntukan, isa-isang bumagsak ang apat na
mga tambay may tama at duguan ang mga mukha. Ngunit bago sila nakatakbo, nagawa
pang paluin ng dos por dos ng isa sa kanila ang binti ni John. Napa-upo si John
sa semento. Nang makita nila si John na nasaktan, babalikan pa sana nila siya
upang tuluyang bugbugin. Ngunit hinarap sila ni timmy. Natakot din ang apat at
tumuloy sa pagtakas.
“Araykopoooo! Ang sakiittt!” ang
sambit ni John na namimilipit sa sakit, hawak-hawak ang kanyang tuhod. Ngunit
ang totoo, nagkunyari lang si John upang maawa sa kanya si Timmy.
“Sino ba kasi ang nag-utos sa iyo na
tulungan ako!” ang galit na sabi ni Timmy.
“Ako na nga itong tumulong, ako pa
ang napapagalitan. Saklap naman!” ang sagot din ni John.
“So ako ngayon ang sinisisi mo kung
bakit nalumpo ka? Tayo!” ang bulyaw ni Timmy na hinawakan ang kamay ni John
upang makatayo.
Nang nakatayo na si John, “H-hindi
ako makalakad eh.” Ang sambit niya.
“Dadalhin kita sa ospital!”
“Huwag na! Dalhin mo na lang ako sa
bahay!”
Walang imik na tumalikod si Timmy kay
John at bahagyang yumuko. Alam na agad ni John ang ibig sabihin noon. Gusto ni
Timmy na umangkas si John sa kanyang likuran.
“Saan ka ba uuwi?”
“Sa bukid syempre!” ang sigaw din ni
John. Iyon ang pinakahihintay na pagkakataon ni John. Walang imik na umangkas
siya sa likuran ni Timmy. Naglulundag sa tuwa ang puso ni John nang nakaangkas
na siya sa likuran ni Timmy. Mahigpit naman niyang inilingkis ang kanyang mga braso
sa leeg ni Timmy. Naamoy pa niya ang naghalong araw at pawis sa balat at buhok ni
Timmy gawa ng maghapong init sa klase at mga gawain sa loob at labas ng eskuwelahan.
Para kay John iyon ang isa sa pinakamabango at pinakamahal na perfume na
hinahanap-hanap niya. Hinigpitan pa niya ang kanyang pagyakap at idiniin niya
ang kanyang mukha sa leeg ni Timmy.
Dere-deretsong naglakad si Timmy na
binaybay ang kalsada patungo sa bukid. “Ambigat mo tangina! Ang higpit pa kung
makayakap. Hindi ako makahinga, ano ba!!!” ang sigaw ni Timmy.
“Malalaglag naman ako kung hindi ako
kakapit nang mahigpit!” ang pag-angal din ni John.
“Ikaw na ang ang kinarga, ikaw pa
itong malakas ang loob na magreklamo! Eh kung ilaglag na lang kaya kita?”
“Huwag naman... hindi ako makakalakad
eh.” Ang sambit ni John habang niluwgan niya nang bahagya ang kanyang
paglingkis ng kanyang mga bisig sa leeg ni Timmy.
Nang may naalala si Timmy, sinadya
niyang hawakan ang tuhod ni John at pinisil-pisil iyon.
Nagulat si John sa pagpisil-pisil ni
Timmy sa parte ng katawan niyang iyon. Nasarapan si John. Malaswa ang laman ng
isip niya. Sumagi sa isip ni John na nasasabik sa kanya si Timmy at
ipinahiwatig nito sa pamamagitan ng pagpisil-pisil sa kanyang tuhod na gusto ni
Timmy na mag-sex sila. “Woi… nasasabik siya sa akin.” Ang sambit ni John na abot
tainga ang ngiti at bumulong sa tainga ni Timmy, “Mamaya… paliligayahin kita.”
Nilakasan ni Timmy ang pagpisil sa
tuhod ni John. Dahil dito ay hinipo-hipo na ni John ang pisngi at bibig ni
Timmy. “Oo na... Naintindihan ko. Tinitigasan na nga ako, eh. Sabik na sabik na
rin ako sa iyo, Tok.” Ang bulong uli ni John na idiniin-diin pa niya ang
kanyang harapan sa likod ni Timmy.
Biglang binitiwan ni Timmy si John.
Nalaglag si John sa tabi ng kalsada.
“Bakit?” ang tanong ni John na nalilito,
nakatingala kay Timmy na nakatayo sa harap niya ang mga mata ay tila nag-aalab
sa galit..
“Tangina mo! Akala ko ba ay masakit
iyang tuhod mo kaya hindi ka makakalakad?!” ang sigaw ni Timmy na dali-daling
tinumbok ang nakalatag sa lupa na isang kahoy na pamalo, dinampot niya ito at
humarap kay John. “Hindi makalakad ha? Masakit ang paa? Tapos tinitigasan ka ba
kamo? Ako na ang babali sa tuhod na iyan, hayop!”
Akma na sanang hambalusin ni Timmy
ang tuhod ni John nang mabilis namang tumayo si John at walang pasabi na
kumaripas ng takbo, simbilis pa ng kabayo.
“Nasaan na iyong bali mo sa tuhod!
Tangina na yan!”
“Okay na pala ako Tok! Ngayon lang!”
ang sigaw ni John.
“Tarantado kang animal ka! Kapag
naabutan kita ay mas maging okay pa iyan! Sige, takbo ka lang! Magpang-abot din
tayo mamaya! Naisahan mo ako, hayop ka!? Makatikim ka mamaya sa akin! Tatabakin
ko yang tumitigas na ari mo! Hudas ka!”
(Itutuloy)

wahahaha... juice colored... back yo sweetness ulit ang tok-hang love team... nakakainis yung julie na iyan ahh titirahin ko wetpaks yan...
ReplyDelete