By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Isang hapon habang nasa lawn ako ng apartment,
nagmunimuni, nakipagkuwentuhang muli sa akin si Arjay. Gusto ko sanang paalisin
siya o kaya ay papasok na lang ako sa kuwarto sa takot na baka mahuli muli kami
ni Ezie. Ngunit hindi ko magawa kasi mabait naman na bata si Arjay, baka ano
ang iisipin niya sa akin. At naabutan talaga kami ni Ezie. Ngunit sa
pagkakataon na iyon, imbes na dideretso siya sa loob ng apartment at doon ako
pagagalitan, umupo siya sa tabi namin.
Bigla kaming natahimik. Pati si Arjay ay nakatingin na lang
sa kanya.
“Pare… gusto ko lang malaman mo na boyfriend ako nito.”
Ang biglang pagsingit ni Ezie, sabay akbay sa akin.
Kitang kita ko sa mga mata ni Arjay ang pagkagulat. Ako
man ay nagulat din at nagkatinginan kami. “T-talaga po?” ang sagot ni Arjay. “C-congratulations
po sa inyo!” ang sabi ni Arjay.
“Para saan ang congratulations?” ang tanong ni Ezie.
“Sa inyong dalawa po. Maswerte po kayo kay Kuya Jim dahil
mabait po siya, masipag, at… bagay na bagay po kayo. Pareho kayong guwapo.”
“Salamat. Kaya ngayong alam mo na, gusto kong friend na
lang kayo, okay ba?”
“O-opo Kuya Ezie. F-friend lang naman talaga kami ni Kuya
Jim eh.”
“Mabuti naman at nagkaintindihan tayo.”
Halos hindi ako makapaniwala sa mga binitiwang salita ni
Ezie para kay Arjay. Parang gusto kong magalit na kinilig na di ko maintindihan.
Nang nasa loob na kami ng apartment niya habang naghain ako ng pagkain at
nakaupo siya sa hapag-kainan doon ko na siya kinausap. “Grabe ka naman sa
bata.” Ang sambit ko.
“Bakit grabe? Maganda na iyong klaro.”
“Klaro? E, di naman totoo iyong sinabi mo na mag-boyfriend
tayo, eh?” ang sambit ko habang umupo na rin sa hapag kainan, nakaharap sa
kanya.
Tinitigan niya ako, iyoong titig na nakakaloko. “Bakit
gusto mo?”
“Gusto? Gusto saan?”
“Sa sinabi ko sa bata, na magjowa tayo.”
“Gago! Wala akong sinabing ganyan!” ang sagot ko. “At
bakit nga ba kailangang lumayo iyong tao sa akin? Ang bait noong tao at napaka-inosente
pa!”
“Iyon na nga eh. Inosente iyong bata. Eh, ikaw?”
Tiningnan ko ang mukha niya na ang bibig ay halatang
pinigailan ang pagtawa. “Tsura nito! Anong akala mo sa akin? Manyak? Atsaka di
ba ayaw mo sa bakla? Ayaw mo ng kabaklaan? Ba’t ngayon ay ganyan na ang takbo
ng isip mo?”
“Iyon nga ang punto eh. Ayaw ko ng kabaklaan. Di mo ba
nakikita kung makatingin sa iyo iyong bata? Parang lalamunin ka eh. At kapag
nakikipag-usap, akala mo ay lulunukin ng bunganga niya ang bunganga mo sa
sobrang lapit. Eh kung ma in-love iyong bata sa iyo? E di kabaklaan na iyon!
Paano kung hindi makapag-concentrate iyon ng pag-aaral, tapos matutong
maglasing, magdroga, ma-tokhang, ma-salvage. O di kaya ay mapariwara ang buhay,
baka magpakamatay! Hindi ka ba makonsyensya niyan?” ang sambit niya na ang
porma ay handang tumakbo.
Doon na ako dali-daling tumayo, dinampot ang sandok mula
sa kaldero na pinaglutuan ng kaldereta at papaluin na sana siya ngunit simbilis
din ng kidlat na tumakbo. Naghabulan kami, paikot-ikot sa loob ng kanyang
apartment, hanggang sa humantong kami sa ibabaw ng kanyang kama.
“Matokhang ha? Gusto mo ikaw ang itotokhang ko?” ang sabi
ko habang nasa ibabaw na kami ng kanyang kama at nakapatong ako sa kanyang
katawan, hawak-hawak ko ang sandok at itinutok iyon sa kanya. “Sige, tawa ka
pa… at maglalanding sa noo mo itong sandok.” Ang dugtong ko.
“Kapag tumama ang sandok sa noo ko, didilaan mo ba at
sisipsipin ang sabaw ng kaldereta na didikit sa noo ko?” ang tanong niya.
Doon na ako natameme. Nagkatitigan kami. Sa aming posisyon
na nasa itaas ako ng katawan niya at halos magdikit an gaming mga mukha, para
kaming nasa eksena ng teleserye nan aka-close up pa ang mga mukha na halos
maghalikan na. Habang nasa ganyan kaming pagtitigan, hindi ko maiwasang humanga
sa kanyang kapogian. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na tinitigan ko siya nang
malapitan. Iyong halos dalawang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha
at ang aming mga ilong ay isang hibla na lang ng buhok ang pagitan at bago
sumayad ang mga ito sa isa’t-isa. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng
kanyang mukha. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa pagka-flawless nito,
makinis, matangos ang ilong, makakapal ang mga kilay at ang kanyang mga mata ay
tila nang-akit.
Nanumbalik tuloy sa aking alaala ang nangyari sa amin sa
gabing iyon. Iyong pinaglaruan ko ang buo niyang katawan. Iyong pinaliguan ko
ng halik ang lahat ng bahagi nito… At naramdaman ko na lang na nag-init ang
aking katawan at tumigas ang aking pagkalalaki.
May-maya ay dahan-dahang niyang inilingkis ang kanyang mga
bisig sa aking katawan. Niyakap niya ako sabay bulong, “Ano… ihampas mo na ba
sa aking noo ang sandok?”
Dahil nahiya ako sa pagtigas ng aking pagkalalaki,
dali-dali akong kumalas sa kanyang yakap at tumayo, tinumbok ang pinto ng
kanyang kuwarto. “Kain na tayo! Lalamig na ang pagkain!” ang pagdadabog ko.
Pareho na kaming nakaupo sa hapag-kainan at nagsimula na
akong sumubo ng pagkain nang bigla naman siyang tumayo at pumasok sa kuwarto.
Maya-maya lang ay umalingaw-ngaw ang tunog ng isang kanta. Maliban sa kuwarto
niya, may mga speakers ding naka-install sa kusina, sa sitting room na ang
source ay ang kanyang component na nasa kuwarto lang, kaya dinig na dinig sa
kainan ang pinatugtog niya.
Bumalik uli siya sa kanyang inupuan at nagsimulang kumain.
You laid your feelings on the line,
I never stood a chance
We found the perfect love this time,
Why let little doubt turn us inside out
What if we fall in love, what if we can’t get out
What if we’re in too deep, guess we
both got doubts
What if it doesnt last, what if the
road gets rough
Only fools ask what if we fall in love
Life never gives a guarantee
(That) love doesnt always last
Why worry bout our destiny,
I’m with you tonight, lets not question
why
If you ever find yourself confused,
If you ever think of leaving me
Just remember how much I love you,
Love is never worry-free
What if we fall in love…?
Luma na ang kantang iyon. At kagaya ng mga kanta, ang dating nila sa akin ay isang musika lamang na nakapagtanggal ng stress, nakapagpagaan ng mga dinadala. Hindi ako masyado sa mensahe kundi sa ganda lamang ng pagkagawa ng kanta, ng mood nito, ng ritmo, ng tono.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay tila isang sibat na tumusok
sa aking puso. “Anong pamagat niyan?” ang tanong ko.
“What if we fall in love by Sheena Easton at ka duet niya
d’yan ay si Eugene Wilde.”
“Ah… theme song ninyo ng girlfriend mo?”
“Hindi ah!” ang mabilis niyang sagot.
“Ba’t mo pinatugtog?”
“Wala lang, may naalala lang ako.”
“Anong naalala mo?”
“Ah… ano nga ba iyong naalala ko?” Nahinto siya, kinamot
ang ulo na kunyari ay nag-isip. “Ay sorry! Di ko na pala naaalala.”
Inismiran ko na lang siya. “Patawa. Di naman nakakatawa.”
“At least napansin. Bumenta pa rin.”
“Sino kayang bumili?”
“Basta gusto ko ang kantang iyan…” nahinto sandali at
tinitigan ako, iyong titig na parang nang-iinis. “Para sa atin.” Ang halos ibinulong
na lang niyang pagkasabi tapos tumawa. Parang nang-iinis.
Doon na tumaas muli ang boses ko. Nang-ookray ba. “Theme
song daw namin, tanga! Ba’t ang title ay ‘What if we fall in love?’ Bakla ka
ba?” ang dugtong ko.
“Kaya nga ‘What if… eh! What if!!!!!!!!!!’” ang malakas na
sagot niyang nag-astang siga at kunyari ay nagbabaga ang mga matang nakatingin
sa akin bagamat ang bibig at mistulang bibigay para sa isang tawa. “At ako,
bakla??? Ako???”
In fairness sobrang cute ng kanyang mga mata na
naggagalit-galitan at ang kanyang bibig… ang sarap talagang halikan. Natawa na
lang ako sa ayos niya.
Nang matapos na kami ay niyaya niya akong mag-inuman.
Syempre, taya naman niya kaya ano ba ang magagawa ko. Ang siste, maraming alak
ang binili niya at ewan kung sinadya niya, nalasing uli siya… at nagsuka.
At kagaya nang huling nangyari sa amin, muling nangyari
ang pagpapasasa ko sa kanyang katawan. At kinabukasan, kagaya rin ng dati,
kunyari ay wala lang nangyari sa amin, wala akong naramdamana. At ganoon uli
siya.
Sa mga inasta niya ay mas lalo pa akong nalito at
natuliro. Sinadya ba niya ang maglasing upang may mangyari uli sa amin? Tinukso
ba niya ako sa pamamagitan ng pagparamdam ng kanta? Hindi ba niya talaga alam
na may nangyari sa amin? Kahit iyong pinasok niya ako sa likuran ay hindi niya
alam? Kung alam niya, bakit wala siyang kumento sa mga nangyari? Posible ba yun?
Pinaglaruan lang ba niya ako o ginamit na parausan? Ano iyong couple na
pulseras? Bakit bumili siya ng ganoon para sa amin?
Nalilito na talaga ako. Parang gusto ko nang bumigay at aaminin
sa kanya ang lahat na may ginawa ako sa kanya, na bakla ako at may nararamdaman
para sa kanya… parang nadagdagan tuloy ang guilt ko at lalong bumigat ang aking
kalooban. Kaya may balak akong nabuo. Kapag naglasing uli siya at may ganoon
uli na mangyari, sasabihin ko na talaga sa kanya ang lahat…
***
No comments:
Post a Comment