By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
So I beg you, don't let me go
getmybox@hotmail.com
***
John’s POV
Alas
11:30 lang ng umaga ngunit pawis na pawis ako. Nagsimula nang magparamdam ang
tag-init. Nagsiliparan din ang mga alikabok sa bawat pagdaan ng mga sasakyan
lalo na’t hindi pa sementado ang lugar. Kalagitnaan na kasi ng Marso at panahon
ng pagtatapos ng mga klase at pagdadaos ng graduation. Sa katunayan ay kararaos
lang ng graduation sa eskuwelahan namin bagamat hindi ko na tinapos pa ang
seremonya. Nalalanghap ko pa ang amoy ng mga kalachuching garland para sa mga
gumraduates na nanginbabaw na samyo sa venue ng graduation.
Gusto
kong iwaglit sa aking isip ang mga pangyayari sa umagang iyon. Ngunit hindi ko
maiwasang manumbalik sa aking ala-ala si Tok, lalo na nang nakasakay kami sa
likod ni Tokhang habang patungo kami sa aming graduation. Siya ang nangutsero sa
aming kabayo habang ako naman ay nasa kanyang likuran, nakayakap sa kanya.
Kahit nakatalikod siya, kahit inililihim niya ang kanyang matinding lungkot,
ramdam kong umiiyak siya. Iyon ang pinakamasakit na imahe na nakaukit sa aking
alaala.
Hinawakan
ko ang baso ng kape at hinigop ko ang laman nito. Gusto kong manatiling gising
ang diwa habang hinihintay ang bus na siya kong sakyan patungo ng pier. Nang
nakaraang gabi ay hindi ako nakatulog sa halos boung magdamag dahil sa lungkot.
Iyon na kasi ang huling pagtabi namin sa higaan ni Tok. Lingid sa kanyang
kaalaman, habang himbing na himbing siya, buong umaga ko siyang binabantayan,
pinagmasdan ang kanyang buong pagtulog, inukit sa aking isip ang kaliit-liitang
detalye sa kanyang mukha. Ang imaheng iyon ang siyang baon-baon ko sa aking paglisan.
Dumating
ang waitress na nagdeliver sa aking order na pananghalian. Inilatag niya ito sa
aking mesa. Kailangan kong kumain dahil may anim na oras daw ang biyahe ng bus
patungo sa pier kung saan naman ako sasakay ng barko.
Tatlong
lugar ang aking destinasyon upang mahanap ang aking inay. Ang pinakamalapit sa
akin ay ang Roxas City na mula sa probinsya nina Tok ay walang masasakyang eroplano.
Ang pangalawa ay ang Mindoro at ang pangatlo, Laoag. Ito ang mga lugar na
binigay sa akin ng aking ninong na isang general na nagtatrabaho sa NBI. Kilala
kasi niya ang aking inay at doon din niya nakuha sa mga files ng mga taong may
kaparehong pangalan niya.
Hindi
pa ako tapos sa aking pagkain nang nag-ring ang aking cell phone.
“I
got your miss-call. Sorry for not answering. I left my phone in my room. May I
know whose calling? Your number is not registerd in my phone book.”
“Huwag
ka ngang English nang English d’yan! Magtagalog ka!” ang sagot ko.
“Kuya
John!!! Ba’t iba ang number mo?” ang pagtatagalog ni Jishin na halatang
nahirapan. Palibhasa, sa Amerika lumaki kaya Englisero.
“Pinalitan
ko na ang sim card ko.”
“Bakit???”
“Wala
nang tanong-tanong pa. May ipapagawa ako sa iyo, kung kaya mo lang.”
“Okay,
nakikinig ako.”
Sinabi
ko sa kanya ang aking ipapagawa. Pumayag naman siya. “Copy boss! I’ll do my
best!” ang sagot niya.
Dahil
pinawisan ako, binuksan ko ang aking bag upang kumuha ng labakara. Nang sinilip
ko ang laman noon, nagulat ako sa aking nakita. Mga damit at pantalon ni Tok
ang naroon. Pati ang mga brief ay brief niya. Siya kasi ang nagkusa na
magligpit ng aking mga gamit. Nang may nakapa ako sa pinakagilid, isang sulat.
“Kuya... pinasok ko ang mga damit at gamit ko rito.
Kasi gusto kong kahit wala ka na rito ay maalala kita sa pamamagitan ng mga
damit ko. Sana ay iyan din ang isusuot mo. Mag-ingat ka palagi, Kuya. Sana ay
babalik ka pa. Maghihintay ako.”
Kinuha
ko ang isang t-shirt at inamoy-amoy ito atsaka binalik uli sa loob. Binitiwan
ko ang isang malalim na buntong-hininga. Hinugot ko ang labakara.
Tila
napakabagal ng pagtakbo ng bus na aking sinasakyan. Dahil sa inip ko, tinitingnan-tingnan
ko ang aming mga litrato ni Timmy sa aking cp na kuha sa bukid, sa eskuwelahan
at sa mga lugar na pinapasyalan namin. Lalo lang akong nalungkot nang makita
ang mga iyon.
Maya-maya
ay nasumpungan ko namang tingnan ang mga video. At nagulat ako nang makitang may
video pala siya na nirecord para sa akin. At sa video na iyon ay kinanta niya
ang paborito naming kanta.
“Pagpasensyahan
mo na ang kanta ko. Hndi ako magaling pero itong kantang ito lang ang
maipapabaon ko sa iyo.” Ang pauna niyang salita bago kumanta. Malungkot na
malungkot ang kanyang mukha. Batid kong umiiyak siya ngunit pinigilan niya ang
kanyang sarili habang nagbi-video siya.
*If I’d never met you, where would I be?
How would the days go by? Would I still value life?
How would the days go by? Would I still value life?
Maybe I would have met someone else and lead an
ordinary life
I do not know whether I would find such sweet love
I do not know whether I would find such sweet love
No matter how hurriedly time flies by, I will only
care for you
I am willing to be intoxicated by your essence
Rarely can one find his soulmate in life
It won’t be a pity even if I lose my strength
So I beg you, don't let me go
Without you, I can not feel
Even the slightest trace of love
If that day comes that we will part ways
I will lose myself into the endless sea of people
I don’t need promises, I just want to be with you
day-by-day
I cannot continue to live keeping fragmented memories…
===========================================================
*
I Only Care About You
by Teresa Teng. One of the OST of “Addicted (Heroin)”
===========================================================
Doon
na ako napaluha dahil umiiyak na siya habang kumakanta.
Naalala
ko pa ang insidente kung paano namin nagustuhan ang kantang kinanta niya.
Maulan iyon kaya nasa bahay lang kami sa bukid. Naisipan kong manuod ng
pelikula mula sa aking cp. Nang tumabi siya, nakipanuod din. Nagka-interest
siya sa palabas. Bagamat Chinese, may English sub-title naman kaya alam pa rin namin
ang takbo ng kuwento. Kaso, tragic ang ending ng pelikula. Sa birthday mismo ng
babae ay namatay ang lalaki dahil nalaglag siya sa pag-akyat niya sa isang
kahoy kung saan ay naroon ang isang napakagandang orchid na sana ay-iregalo
niya sa kaarawan ng kanyang mahal. Pareho kaming napaluha ni Timmy. Dahil ang
kantang iyon ang OST ng pelikula, tumatak sa aming isip ang kanta. At kahit Mandarin
ang gamit na wika, naghanap ako ng translation para maintindihan namin ang ibig
sabihin. Nagtiyaga akong magsearch sa internet para sa English ma lyrics at nang
nabuo ko na, itinugma ko ang translation sa mga nota ng kanta. Nang kinanta ko
iyon sa kanya, napahanga siya sa mensahe. Seryoso siyang pinakinggan ako
hanggang matapos ang kanta. Nakita ko na lang na napaluha siya na dali-dali rin
niyang pinahid habang nakangiting nahihiya sa akin.
Noong
panahon na iyon ay hindi pa ako masyadong naka-relate sa kantang iyon. Ngunit
sa kasalukuyang pag-alis ko, ang bawat kataga ng liriko nito ay tila sibat na
tumutusok sa aking puso. Parang made in heaven ang kanta para sa amin ni Timmy.
“Ang
sakit naman ng kantang iyan.” Ang sambit niya. “Pero gusto ko...”
“Bakit
mo nagustuhan kung masakit?”
“Naawa
kasi ako sa kanila. Bilib ako sa kanilang pagmamahalan. Wagas.” At baling sa
akin. “Sana ay hindi mo ako iiwan.”
“Bakit
naman kita iiwan? Walang kahit ano mang bagay ang puwedeng humiwalay sa atin,
Tok.”
“Promise?”
“Promise.”
Ang sambit ko.
Ngunit
sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Akala ko ay fool-proof at wala nang
hadlang pa ang aming pag-iibigan.
Paglipas
ng halos anim na oras ay nakarating ang bus sa pier. Alas 7:00 na ng gabi iyon.
Bumili na naman ako ng ticket para sa barko para sa destinasyon ko sa Roxas
City, na may 24 oras ang paglakbay ng barko. Pagkatapos ay pumasok ako sa isang
restaurant upang maghapunan. Nag-order ako ng isang bote ng beer, pagkain at
ulam.
“Hi!”
ang biglang pagsulpot ng isang maganda at matangkad na babae.
Tinanggal
ko ang aking headphone at tiningnan siya. “Hi!” ang sagot ko. Sa tindig pa lang
niya ay masasabi kong anak-mayaman siya, nasa 20 ang edad. Mahaba ang kanyang
buhok na nakapony-tail, puti ang kanyang suot na short, iyong uso sa mga babae
ngayon na maiksi. Bakat naman ang kanyang boobs sa kanyang semi-fit na asul na
t-shirt na may print na, “Don’t blame me if you like me.” Sexy na, maganda pa.
At sa tingin ko ay liberated at matalino.
“Can
I join you?” ang sambit niya, turo sa bakanteng upuan sa mesa na napili ko.
“Sure!”
Ibinalik ko ang headphone sa akin tainga at hindi siya pinansin.
“Are
you going to Roxas City?” ang tanong niyang muli.
Muli
kong tinanggal ang aking head phone at tiningnan siya. “Excuse me?” ang tanong
ko.
“Sa
Roxas City ba ang tungo mo?”
“Yes.”
Ang sagot ko at ibinalik kong muli ang aking head phone, hindi ko siya
pinansin.
Ngunit
talagang makulit ang babae. “I’m also going there. My family is there. Taga
city ka mismo? My name is Ella. Ella Mendez. What’s yours?”
Tinanggal
kong muli ang aking head phone. “John. John Iglesias.” Hindi ko na ibinalik pa
ang head phone sa aking tainga. Gustuhin ko mang lumipat ng upuan, ayoko namang
mapahiya siya.
Iniabot
niya ang kanyang kamay sa akin. “Nice to meet you, John.”
“Same
here.” Ang sagot ko sa kanya habang tinanggap ang kanyang pakikipagkamay.
“So,
taga-Roxas City ka talaga? Never heard of Iglesias in Roxas.”
“I’m
looking for my mother. I haven’t seen her since I was a kid.”
Nahinto
siya. Tinitigan ako. “Really! That must be really sad!”
Hindi
ako kumibo. Gusto ko siyang layasan ngunit nangibabaw pa rin ang aking respeto
sa kanya. Nairita kasi ako na imbes gusto kong mapag-isa heto ay may asungot.
Ngunit naisip ko rin na kung taga-Roxas siya ay baka makatulong siya sa akin.
“Alam
mo ba ang lugar na patutunguhan mo?”
“Baranggay
Cogon?”
“Oww.
I think I know the place. I can help you.”
Medyo
natuwa ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko kasi kabisado ang lugar kung kaya ay
pumayag na akong samahan niya. Nang nasa barko na kami, nakipag-inuman pa siya
sa akin. Sumang-ayon ako.
“Are
you single, John?” ang deretsahan niyang tanong.
Nahinto
ako. Hindi ko siya nasagot kaagad. Naalala ko si Timmy.
“Oh,
I know that look in your face. Hindi ka masaya sa relasyon mo!” sabay tawa.
“Ah...
mahabang kuwento kasi. Pero nagmahalan kami.”
“Oh,
come on John. We have a lot of time here. Magkuwento ka, makinig ako.”
Ramdam
ko na ang epekto ng alak sa aking katawan nang tinanong niya ako noon. Gusto
kong ipalabas ang sobrang bigat ng aking saloobin. Napatitig ako sa kanya.
“Sure ka ba na hindi mo ako i-judge? Na hindi mo ako lalaitin?”
“Try
me. I’ve heard practically a lot of love stories out there, even unorthodox
ones. And I don’t care a bit.” Sabay kindat sa akin. “So tell me, I’m
listening.”
“Baka
this time, you can’t handle it.”
“I
told you. Try me.”
Binuksan
ko ang aking cp at ipinakita ko sa kanya ang litrato ni Timmy.
Noong
una ay tila nagulat siya. Tinitigan niya ang litrato atsaka tiningnan ako. “I
can’t blame you. He’s so cute! Bagay kayo. Pareho kayong guwapo. Parang may
hawig nga ang mga mukha ninyo.”
“He’s
my brother!”
Doon
na nanlaki ang kanyang mga mata. Napatakip siya sa kanyang bibig. “Really!”
“I
told you...”
“Yeah,
you got me there. Hindi ko inaasahan.”
“Sa
una ay hindi namin alam na magkapatid kami. Nalaman na lang namin nang nakita
siya ng papa ko. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit napursige akong umalis
at hanapin ang mama ko. Half brother lang kami.”
“I
see. Pero mahal mo ba talaga siya?”
Tumango
ako. “Mahal na mahal...” Iyon... naluha na ako bagamat pilit ko itong pinigilan
at lihim na pinahid ang aking pisngi. Napansin niya ito.
“You
can cry, John. Okay lang sa akin.”
Ngunit
pinigilan ko ang aking sarili. Binitiwan ko ang isang hilaw at nahihiyang
ngiti. “Okay lang ako.”
“I
believe that love knows no gender, John. And for me it’s perfectly okay.”
“We
are brothers.”
“So
what if you are brothers? Blood is thicker than water.”
“Sa
politics, oo. Kaso, hindi politics ang aming pag-ibig.”
Pareho
kaming natawa.
Alas
9 ng umaga kinabukasan nang dumaong sa Roxas City port ang barkong aming
sinakyan. Halos wala namang pinagkaiba ito sa ibang mga pier, maliban na lang
siguro sa mas kakaunting ang mga barko kumpara sa Maynila. May kaunting
excitement akong nadarama. First time ko sa Roxas city. Ngunit mas nanaig pa
rin sa akin ang kaba kung makikita ko ba roon ang aking hinahanap.
Niyaya
ako ni Ella na sa kanilang bahay muna kami dumaan. Magbihis lang daw siya,
maligo, magpaalam sa kanyang daddy na samahan niya ako. Pumayag ako.
Malaki
at napakaganda ng bahay nina Ella. Isa itong mansyon. Napag-alaman kong ang
kanyang daddy ay isang opisyal ng army at mataas ang katungkulan.
Dahil
wala naman siyang plano sa araw na iyong sinabahan niya akong hanapin ang Bgy.
Cogon. Sumakay kami ng tricycle at ang una naming tinumbok ay ang opisina ng
Baranggay Chairman.
Nakumpirma
namin na mayroon Esmeralda Reyes,
ang pangalan ng aking inay sa Baranggay na iyon. Sinamahan kami ng kapitan sa
address ng nasabing babae. Ngunit nang nagkausap na kami, napag-alaman kong
hindi siya ang aking hinahanap. May asawa siya at may mga anak at ni minsan ay
hindi nakapunta ng Maynila.
Laking
pagkadismaya ko sa resulta ng aking paghahanap sa lugar na iyon. Wala akong
choice kundi ang bumalik sa bahay nina Ella. Habang nasa tricycle kami,
nag-ring uli ang aking cell phone.
“Kuya...
nandito na ako sa probinsya. Grabe pala rito sa bukid nina Timmy. Paano ka
nakatagal rito? Walang koryente?” Ang sagot ni Jishin sa kabilang linya.
“Nariyan
ang utol ko kaya kaya ko. Anong balita?”
“Hinahanap
ka ng papa mo! Tinanong niya si Timmy kung nasaan ka. Wala siyang choice kaya sinabi
niya ang totoo, na hinahanap mo ang inay mo. Di nga lang niya masabi kung saan
ka tumungo.”
“Nagalit
ba?”
“Siguro
pero alam mo, naawa ako kay Tito.”
“Bakit
ka maawa sa kanya? Ang tanda-tanda na niya. Hindi nga siya naawa sa akin, eh. Hayaan
mo siyang maghanap sa akin. Wala namang pakialam iyon sa akin. Di ako mahal
noon.”
“Mali
ka, Kuya. Mahal ka ni Tito. Di mo lang siya naintindihan. Kanina nga, nakita
kong parang nanlumo siya. Sa tingin ko ay umiiyak, dali-daling pumasok sa
kuwarto niya sa apartment. Sana ay mag-usap kayo Kuya...”
Hindi
ko sinagot ang kanyang sinabi. Naalala ko pa kasi ang bagay na ginawa niya kung
saan ako ay labis na nasaktan. May isang beses na nasa school ako, dumating
siya para lang sigawan ako sa harap ng guro at mga ka-klase. At hindi lang
iyon, binatukan pa niya ako. Sinampal. Doon ako nagsimulang mawalan ng ganang
pumasok. Hiyang-hiya ako sa mga kaklase ko. Para akng nagka-phobia. May isang
beses din na kasama ko ang mga barkada ko, nilapitan niya ako at biglang
sinuntok. Bumulagta ako sa kalsada. Hiyang-hiya ako sa aking mga barkada. Kahit
sa panahon ng mga activities sa school
na kailangang naroon ang mga magulang, Tita ko ang naroon, kundi man ay
yaya. Sa birthday ko, ni hindi man lang ako binabati. Wala siyang pakialam sa
akin. At nitong nakaraan, gusto ko na sanang magbago dahil kay Timmy, ngunit muling
nanumbalik ang inis ko sa kanya. Siya na naman ang dahilan sa mga nangyari sa
amin ni Timmy.
“Si
Tok... kumusta?” ang paglihis ko sa tanong niya.
“Heto
malungkot. Palaging ikaw ang laman ng usapan namin.”
“Hindi
naman niya sinabing miss na niya ako?”
“Hindi
naman. Pero halata kong miss ka niya. Lagi nga ikaw ang topic namin sa usapan.
Minsan ay nakakainip na. Paano ka niya nagustuhan Kuya? Kung ako siguro ang
kapatid mo ay matutuwa ako kapag umalis ka at hindi na babalik. Ang pangit kaya
ng ugali mo.”
“Babatukan
na kita d’yan eh. Sige wala kang pasalubong sa akin.”
“Joke
lang.”
“Saan
daw siya mag-aaral?”
“Dadalhin
siya sa Maynila, baka next week nandoon na kami. Doon na siya mag-aaral, sa
school ko rin.”
“Pumayag
siya?”
“Gusto
niya dito na lang sana, may college naman sa kalapit na siyudad. Pero ayaw
pumayag ng papa mo kasi di kilala ang school at gusto ng papa mo na naroon lang
siya sa Maynila para mabantayan niya.”
“Iyan...
iyan iyang bantay-bantay na naman ang nakaka-bad trip. Lalaki ang anak niya,
i-trato na parang babae.”
“Natural
lang naman siguro iyan sa isang ama, kuya.”
“Okay
lang kung papayag si Timmy.”
“I
think papayag siya. Wala siyang choice.” Sabay tawa.
“So
anong balak mo ngayon?” ang tanong ni Ella nang matapos na kaming mag-usap ni
Jishin.
“Deretso
na lang ako sa Mindoro.”
“Ay
mag-stay ka muna rito kahit isang gabi lang. Sayang naman, first time mo rito and
it’s a shame kung di ka man lang mag-enjoy or makita ang mga magagandang lugar
dito.”
“Saka
na lang siguro, Ella. Uunahin ko ang paghahanap sa inay.”
“Oo
nga pala, walang barko sa araw na ito patungong Mindoro. Bukas pa. Wala kang
choice.”
Wala
na akong nagawa kundi ang sumang-ayon.
“Bale
gagala tayo ngayong araw tapos mamaya, mag night life tayo. Bukas ng maaga
naman, deretso ka na sa pier. Magpabili ako ng ticket para di ka na mag-worry.”
Ipinasyal
ako ni Ella sa mga tourist spots nila sa Roxas City. At sa bandang hapon naman
ay tinungo namin ang San Antonio Resort. Doon kami naligo, kumain.
Nag-enjoy
naman ako sa pagpasyal sa akin ni Ella. Masaya siyang kasama, bubbly na kausap,
matalino.
Sa
gabi ay doon kami kumain sa isang sikat na kainan sa syudad. Inimbitahan niya
ang iba pa niyang barkada. Tatlong babae, dalawang lalaki at dalawang bakla.
Ipinakilala niya ako sa kanila na kaibigan na sa biro niya ay napanalunan niya
lang sa isang raffle ng mga lalaki. Masaya silang kasama. Buhay na buhay ang
grupo. Wala silang ibang ginagawa kundi ang magbiruan, magtawanan, at mag-okrayan.
Pero
iba naman kasi ang aking personalidad. Seryoso at aloof ako sa mga taong hindi ko
masyadong kakilala o close. Naging baliw lang ako kapag kasama si Timmy. At si
Timmy lang din ang laman ng aking isip ng sandaling iyon. Naalala ko ang mga
barkada niya sa school, ang mga officers na naging mga barkada ko na rin. Lalo
na nang napansin kong tingin nang tingin sa akin ang dalawang bakla na kaibigan
ni Ella na tila pasikretong nag-uusap at parang kinilig.
“Ang
tahi-tahimik ng friend mo, Ella!” ang sambit ng isang kaibigang babae ni Ella,”
“Malalim
ang problema niyan. Kaya hayaan mo na.” Ang sagot ni Ella.
“Ano
ba ang problema, niya?” ang follow up na tanong naman ng isa pang kasama.
“Global
Warming.” Ang sagot naman ni Ella, at dinugtungan ng, “Bat ka ba nakikialam sa
problema ng may problema? Ni problema mo nga d’yan sa height mo ay di mo
ma-ayos-ayos.”
Tawanan
na lang sila.
Pagkatapos
naming kumain ay nag-inuman naman kami sa isang videoke. Doon na ako nalasing. Napansin
ko naman ang dalawnag baklang tsuma-tsansing na sa akin at kapag nagsi-CR ako
ay sinusundan ako, tumatabi sa urinal kung saan ako iihi.
“Taga-saan
ka John!” ang tanong ng isa nang naabutan ako sa CR.
“Taga
Maynila talaga ako. Pero nagpunta lang dito dahil may hinahanap.” Dali-dali na
lang akong umalis para maiwasan ang mga tanong. Naalala ko kasi ang isang
insidentente kung saan ay umihi ako sa public CR ng talipapa, may tumabi sa
akin sa pag-ihi na isang bakala at tinitingnan daw iyong ari ko. Hindi ko naman
alam na may tumitingin pala. Hindi ako kinausap ni Timmy hanggang nakarating na
lang kami ng bahay. Mula noon ay maingat na ako kapag nagsi-CR.
Dahil
wala ako sa mood, kumanta lang ako ng dalawang beses. Ngunit humirit ako ng
pangatlo. Iyong kanta namin ni Timmy na “I only care for you.” Pumayag naman
sila. Pinatugtog ko sa aking cp.
*If I’d never met you, where would I be?
How would the days go by? Would I still value life?
How would the days go by? Would I still value life?
Maybe I would have met someone else and lead an
ordinary life
I do not know whether I would find such sweet love
I do not know whether I would find such sweet love
If that day comes that we will part ways
I will lose myself into the endless sea of people
I don’t need promises, I just want us to be together
day-by-day
I cannot continue to live keeping fragments of
memories…
Habang
tumutugtog ang kantang iyon ay binuksan ko rin ang lyrics niya, sinabayan ako
ni Ella sa pagkanta.
Nagpalakpakan
naman sila pagkatapos naming kumanta. Iyong respetong-bisita na pagpalakpak.
“Maganda ang kanta pero parang ngayon ko lang narinig iyang kantang iyan.” Ang
tanong ng isang baklang kaibigan ni Ella.
“Yan
ang theme song ng global warming. Wala ka pa noon.” Ang sagot naman ni Ella.
Tawanan.
Iyon
na ang huling kanta. Nagmukmok na lang ako sa tabi, ipinikit ko ang aking mga
mata. Narinig ko pa ang mga pinag-usapan nila. “Ang guwapo niya Ella no? Paano
kayo nagkatagpo niyan?”
“Di
ba sabi kong napanalunan ko iyan sa raffle?”
“Saan
ba ang raffle na iyan at makapakyaw ng ticket!”
“Wala
na. Ipinasara na siya. Wala na raw kasing hihigit pa sa kapogian nito.”
“You
are so selfish!”
Tawanan.
Iyon
na ang huling natandan ko. Kinabukasan nang magising ako, laking gulat ko nang
makitang hubo’t-hubad ako sa ibabaw ng kama at sa tabi ko ay si Ella na
hubo’t-hubad din!”
Dali-dali
akong bumalikwas sa higaan at dinampot ang aking boxer short, pantalon, at
t-shirt. Nang nakapagbihis na ako, nagising naman si Ella.
“Anong
nangyari?” ang tanong ko sa kanya.
“H-hindi
mo alam, John?” ang sagot niyang umiiyak. “Pinuwersa mo akong makipagtalik
kagabi!”
“W-wala
akong naaalala, Ella. Hindi ko magagawa iyan. Hindi ko kayang gawin iyan!”
“May
nangyari sa atin, John. Nilapastangan mo ako. Pinilit mo ang sarili mo sa akin.”
“Hindi
kita nilapastangan, Ella! Wala akong alam! Ni hindi ko nga alam kung paano ako
nakarating dito sa bahay mo!”
Hindi
siya sumagot. Nakita ko na lang siyang umiyak. “Nilapastangan mo ako, John.
Iyan ang totoo.”
Dahil
ayaw niyang patalo, nagpaalam na lang ako. “Aalis na ako,Ella. Late na ako sa
biyahe ko.” Dinampot ko ang aking knapsack na nasa ibabaw ng mesa. Agad din
akong lumabas ng kuwarto. Hindi na ako naligo, hindi kumain ng agahan. Nilingon
ko siya. “Salamat na lang sa lahat. Wala akong ginawa sa iyo, Ella.” Ang pahabol
kong sabi bago ako lumbas ng kuwarto.
“Pinagsamantalahan
mo ako, John! Pinagsamantalahan mo akoooo!” ang sigaw niya.
Dali-dali
dali akong bumaba hanggang sa natumbok ko ang gate. Pumara agad ako ng tricycle
nang nasa may kalsada na ako.
Habang
nasa tricycle ako, nagring naman ang aking cp. Si Jishin. “Hello!” ang padabog
kong pagsagot gawa ng init ng aking ulo.
Ngunit
wala akong narinig na sagot. Hindi ako nagsalita. Hinintay kong magsalita ang
kabilang linya. Ngunit nanatili lang itong nakabukas na tila nakikinig lang sa
akin. Maya-maya lang, habang nanatili akong naghintay sa sasabihin ng tumawag,
may narinig akong pag-iyak, iyong pigil.
Pinakinggan
ko lang ang kanyang pag-iyak. Hindi pa rin ako nagsalita. Hanggang sa kusang
pinatay na ang linya.
Mistulang
huminto ang aking mundo sa narinig. Nang nakarating na ako ng pier, agad kong
tinawagan ang numero ni Jishin. May sumagot na sa kabilang linya. Boses ni
Jishin.
“Tumawag
ka ba sa akin?” Ang tanong ko.
“No.
Hindi ako tumawag sa iyon ngayong araw na ito, Kuya.”
“Sino
ang tumawag sa akin na hindi sumagot?”
Doon
na na-alala ni Jishin na naiwan niya ang cp niya sa kuwarto habang lumabas siya
sandali. Nasa apartment na raw kasi sila ni Timmy.
“Si
Timmy ba iyon?”
“M-malamang
Kuya. Kami lang naman ang tao rito ngayon, eh.”
“Mag-ingat
ka sa cp mo. Nasingitan ka. Baka nagtampo na iyon sa iyo.” Ang sambit ko.
Paakyat
na ako ng barko noon nang bigla akong hinarang ng checker ng ticket, “Sir, mali
po itong ticket ninyo. Hindi po ito iyong ticket namin. Check niyo po itong
original na ticket” ipinakita niya sa akin ang ticket ng isang pasahero.
Iba
nga ang porma ng ticket na hawak ko. Peke pala ang ibinigay sa akn ni Ella.
“P-puwede pa bang kumuha ng ticket?”
“Close
na po, Sir. Fully-booked na kami. Peak season na kasi ngayon.”
Doon
na ako kinabahan. Napaisip ako na baka plano ni Ella na huwag akong paalisin. “O
sige... sa airport na lang ako baka sakaling puwedeng mag-chance passenger.”
Ang sabi ko habang dali-dali naman akong tumalikod. Binuksan ko ang aking bag
at hinugot ang aking shades at cap upang kahit papaano ay itago ang aking
mukha.
Hindi
pa ako nakalayo nang tiningnan kong muli ang checker ng ticket. Nakita kong may
apat na naka-civilian clothes na tila intelligence o mga pulis. Halata ang
bukol ng baril sa kanilang mga tagiliran at may dala-dala silang litrato!
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment