By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Ang Alamat Ng Makating Bulaklak at Tangang Bubuyog
Nang nakaupo na sina Julie at mga kaibigan niyang
babae, mas lalo pang lumakas ang tawanan nila. “Oh may God! I’m soooo happy
talaga today, girls!”
“At bakit ka naman masaya, girl!” ang sagot naman ng
isa sa mga kasama niyang babae.
“Karma, girl! Karma!” ang sagot ni Julie at muli na
naman itong humalakhak at sinadya talagang humarap siya sa kinaroroonan ni
Timmy habang humahalakhak.
“Can you be more specific, bess?” ang tanong naman ng
isa pang kasama niyang babae.
“Ikuwento ko na lang sa inyo later girls. Pero as of
now, let me enjoy na lang muna. Ang saya-saya ko talaga! At mqas lalo pang
tumingkad ang aking ganda! Promise!”
“Syempre, bess babae ka!” Ang sambit naman ng isa sa
mga kaibigan niya.
“Of course. Kapag babae, panalo. Hindi katulad sa iba
riyan,” sabay lingon sa kinaroroonan ni Timmy at umirap, “Fake na babae,
nang-aagaw ng role ng babae, wala namang matris! Kawawang bakla!” sabay bitiw
ng malakas na tawa.
Nagtatawanan na rin ang mga barkasa ni Julie.
“Paano kaya kapag nagsisex ang bakla sa lalaki no?
Saan kaya ipasok iyong totot ng lalaki?” ang tanong ng isang kaibigan niya.
“Syempre sa tumbong ng bakla! Ewwwwwwww! Nakakasuka!”
Nagtatawanan sila uli.
Sa grupo naman nina Timmy ay nanggalaiti sa galit si
Joy. Tangkang sugurin na sana niya ang mesa nina Julie ngunit pinigilan siya ni
Timmy. “Tanginang babaeng iyon! Sarap pagsasampalin!” ang sambit ni Joy.
“Huwag na. Hayaan mo na lang sila.” Ang sagot ni
Timmy. “May problema tayo kay John at ayokong magdagdag pa ng problema.” Ang
sambit ni Timmy.
Tumahimik na lang si Joy at hinaplos ang likod ni
Timmy.
“Ah may naisip ako. Magpalaro na lang tayo para mag
enjoy tayo!” ang sambit ni Jeff.
“Anong laro?” ang tanong naman ni Emily.
“Catching the snake’s tail!”
Bigla namang sumigaw si Joy, “Catching the snake’s
tail!!! Tamang game dahil ang dami talagang snake na naglipana rito!”
Napangiti na lang ang magbarkada sa pagsisigaw ni Joy.
Tumayo sila at nagbigay ng instruction si Jeff.
“Bale we have to form 2 lines, which in turn are the two
competing groups...”
Pumorma ng dalawang linya ang magbarkada, apat-apat
kada grupo. Dahil may mga nakiusyusong estudyante tinanong sila ni Jeff kung
sasali. May mga nakisali at naging walong miyembreo ang bawat grupo.
“Ang pinakahuli ay mag-insert ng panyo sa kanyang
likuran.”
Nag-insert ng panyo ang nasa pinakalikod.
“Ngayon iyan ang objective, ang pinaka ‘tail’ ng snake
na dapat mahuli ng ‘head’ o iyong taong nasa pinakaunahan. Kung sinong grupo
ang makakuha ng panyo o tail ay siya ang panalo. Pero may dalawang kundisyon
upang manalo. Una, kapag nakuha ang panyo or tail ng kalaban at pangalawa,
hindi maputol ang linya o katawan ng snake ninyo. Kapag naputol ito, kahit
hindi nakuha ang tail ng snake ninyo, talo pa rin kayo. Kaya need na magyakapan
kayo ng mahigpit.”
Nagyakapan ang magkagrupo na pormang isang linya.
Walang kiyeme ang mga babae na yumayakap sa lalaki at vice-versa para di
maputol ang “snake” nila.
Nang nagsimula na ang hulihan ng tail ng snake doon na
nagsimula ang hiyawan at tawanan. Napuno ng ingay ang student center na
kasalukuyang pinaligiran na ng mga estudyanteng natuwa sa masayang laro at
malalakas na tawanan ng grupo.
Dahil sa ingay at saya ng palaro, hindi na napansin
ang patutsada nina Julie. Hindi rin nila natiis at nagsialisan ang grupo nina
Julie.
Nang matapos na ang grupo nina Timmy sa kanilang laro,
pinagpawisan silang lahat habol-habol ang mga hininga. Nagpalakpakan at
nagtatawanan. May kantyawan din sa grupong natalo. May iba ring estudyante na
na nagmungkahe na palaging magpapalaro ng mga ganoong games para masaya. Sobrang
nag-enjoy sila sa laro, lalo na si Joy na feeling-nagtagumpay sa pag-etsapuwera
sa grupo nina Julie.
Habang naghanda na sila sa pagpasok sa sunod na
subject, tumunog naman ang cell phone ni Timmy. Tiningnan niya kung sino ang
tumawag. Si Ian.
“Sige mauna na kayo pare...” ang sambit ni Timmy kina
Jeff na nakatingin sa kanya upang hintayin sana siya.
Tumalima ang barkada at nauna nang umalis.
“Hi!” ang sagot ni Timmy. “Napatawag ka?”
“Hi! Nakaitorbo ba ako?”
“Hindi naman. Bakit?”
“Gusto ko lang sanang manghingi ng tawad sa mga nagawa
ko sa iyo, pare eh.”
“Okay lang iyon. Pasensya ka na rin, nabugbog ka
tuloy.”
“Okay lang iyon. Kasalanan ko. Sana ay mapatawad mo
ako.”
“Napatawad na kita. Wala iyon sa akin.”
“So, friend na uli tayo?”
“Friend naman talaga tayo eh. Di naman tayo nag-away,
di ba?”
“Yehey! Masaya ako! So puwede uli tayong mag-meet?”
“S-sorry, pare. Medyo may problema lang ako ngayon
kaya gusto kong ma-settle ko muna ang problema ko. Sana ay naintindihan mo.”
“Ah, ganoon ba? Sige, sige. Sorry pare. Pero kapag
okay ka na, mag-usap tayo ha? Tawagan mo lang ako.”
“Okay.” Ang sagot ni Timmy.
“Sino iyong tumawag, Tok?” ang tanong ni Joy kay Timmy
nang nasa loob na siya ng klase.
“Wala iyon.” Ang sagot ni Timmy.
“Tok... ngayong wala si Hang, dapat ay behave ka ha?
Ako ang magbabantay sa iyo kaya ingat ka rin sa akin. Makatikim ka kapag
naglalandi ka pa sa iba.”
Napangiti si Timmy. “Ano ba iyang pinagsasabi mo?”
“Ayokong mag-away kayong muli. Ayaw kong masaktan si
Hang. Ayaw kong masaktan ka, lalo na ngayon na nasa ganyang kalagayan si Hang.”
Napangiti pa rin si Timmy. “Opo... behave po ako
inay.”
“Dapat lang!” ang sagot ni Joy na natawa sa “inay” na
tawag.
Pagkatpos ng huling subject nila sa araw na iyon,
nagkaumpukan na naman silang muli sa labas ng gate ng eskuwelahan habang
naghintay ng masasakyan pauwi. Maya-maya ay may biglang may sumulpot na
estudyante rin ng eskuwelahan, isang varsitarian na basketball player at
lumapit kay Joy, nakipagkuwentuhan.
Ang Joy naman ay palihim niya itong pinapalayo,
bagamat klaro rin sa kilos ng lalaki na magkakakilala sila. Dahil halatang tila
naalibadbaran si Joy sa lalaki, niloko sila ni Aaron. Nilapitan sila at
kinalabit niya ang basketball player.
Nang hinarap siya ng basketball player, ang
deretsahang siyang tanong ni Aaron. “Pare, ikaw ba iyong manliligaw ni Joy?”
Tumango naman ang basketball player, doon na
nagtatalon si Aaron na parang tuwang-tuwa na may nadiskubre, hinarap niya si
Joy at niloko. “Tsura mo! Kunyari ka pa na naalibadbaran ka sa kanya” turo niya
sa basketball player “Pero manliligaw pala! M-a-n-l-i-l-i-g-a-w?” ang
pag-emphasize niya sa salitang manliligaw. Tapos may pa quote-quote ka pang
‘virgin ‘til death?’ dahil sabi mo nga, at ipinangalandakan mo pa na devotee ka
ni Hang at balak mong maging foundress ng isang grupong ILH o ‘Immaculate Ladies
of Hang’. Nasaan na ang pagka-dboto mo kay Hang?”
Tawanan ang buong barkada.
“Aaron naman eh!” ang padabog na pagtutol ni Joy.
“Uy... nahiya!” ang sagot din ni Aaron. At baling niya
sa basketball player, “Ganyan lang kami kapag nagkantyawan pare, sana masanay
ka na.” ang paliwanang din ni Aaron.
“Napansin ko nga. Minsan kapag nakikita ko kayong
nag-uumpukan, panay ang tawanan ninyo, kuwentuhan. Closed-knit ang grupo ninyo.
Nakakainggit nga eh.”
Nahinto si Aaron, nilingon ang barkada. “Close neck?
Di ba T-shirt iyon?”
Tawanan.
Binatukan siya ni Jeff. “Close-knit, hindi close
neck!”
“Ah... knit! Iyong tahi?”
Tawanan uli.
“Oo na!” ang sagot ni Jeff.
“Aaron, pare, at your service.” Ang pakikipagkamay ni
Aaron sa basketball player.
“Janrey pare.”
Ang sagot naman ng basketball player.
“May naalala ako...” ang bulong ni Emily kay Timmy.
“Ano?”
“Di ba si Ian ay varsity player din?” ang tanong niya.
Nasabi kasi ni Timmy ang dahilan kung bakit nagalit si John kay Timmy, dahil sa
nakita niyang tangkang paghalik ni Ian kay Timmy nang inimbitahan ni Ian si
Timmy sa bahay nila.
“O-oo. So?” ang sagot ni Timmy.
Dali-daling hinablot ni Emily ang kamay ni Joy at
hinila patungo sa harap ni Timmy. Binulungan ni Emily si Joy tungkol kay Ian na
siyang dahilan sa pagseselos ni John at hindi pag-iimikan nila ni Timmy. Hindi
kasi alam ng buong barkada ang issue na iyon. Nasabi lang ni Timmy iyon kay
Jeff, at si Jeff ay sinabi naman kay Emily na kasintahan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Joy sa nalaman. “Iyon pala
iyon? Nagkasamaan sila ng loob ni Timmy at Tok nang dahil sa kay Ian? OMG! Ang
guwapo pa naman ni Ian!!!” ang sambit ni Joy.
“Oo... guwapo na! Pero huwag kang magpantasya sa
kanya. Baka kakampi iyan ni Julie.” ang sagot ni Emily.
“At ang sabi pa kamo ng Ian na iyon ay wala na siyang
mga magulang at inampon lang siya?” ang dugtong na tanong ni Joy.
Tumango si Emily. “Naniniwala ka ba?”
“Hmmm.” Ang sagot ni Joy. “May plano ako.” Dugtong
niya.
Tinawag ni Joy ang barkada at isiniwalat niya sa mga
ito ang kanyang plano. Syempre, nakatayo lang sa malayo-layo si Janrey.
“Hindi naman siguro ganoon iyon, Joy.” Ang pagtutol ni
Timmy.
“Tok... nagsinungaling na siya sa iyo. Malakas ang
kutob ko na hindi ulila na si Ian, at lalong hindi totoong inampon siya ng
bakla. Ewan ko lang din pero hindi maganda ang kutob ko kay Ian. Mukhang plano
niyang mag-away kayo ni John.” Ang sambit ni Joy.
Nag-isip si Timmy at ang grupo.
“Kaya gusto kong mapatunayan kung may connection si
Ian kay Julie. Kung mapatunayan natin ito, hindi malayo na baka siya rin ang
may pakana sa aksidente ng sasakyan ninyo ni John... pati na itong Felix
Alberto na ito.”
“Iyong connection ni Julie kay Ian ay puwede iyon,
kahit siguro iyang kay Felix Alberto kung sino man siya ay maaaring may kinalaman
si Julie. Pero iyong aksidente… parang grabe na iyan. Ganyan na ba siya
kasama?” ang pagsingint naman ni Daniel.
“Oo. Ganyan kasama si Julie. Nakita mo ang boobs niya
na magkaiba ang laki? Ganyan siya kasama!” ang singit na biro ni Joy.
Tawanan.
May punto si Joy.” Ang sambit ni Jeff.
“Na magkaiba ang laki ng boobs ni Julie?” ang biro ni
Aaron.
“Tado. Di ako interesado sa boobs niya. Matipunong
dibdib ng lalaki ang type ko, abs, biceps, matambok na umbok ng pwet,
maskuladong hita, mga ganyan.” Ang sagot namang biro ni Aaron.
“Ayiii! Type din namin iyan!” ang pabirong sigaw naman
nina Daniel, Tony, at Lloyd.
“Seryoso na tayo, guys! Ano ba kayo! Sang-ayon ba kayo
sa plano?” ang tanong ni Joy.
Kaya isa-isa silang nagpahayag ng pagsang-ayon.
Dali-daling nilapitan ni Joy si Janrey na nakatayo pa
rin sa isang kanto. “Janrey, nag-invite si Timmy sa apartment ni John. May
kaunting inuman daw. Sasama ka ha? Sasama ako eh.” Ang tanong ni Joy sa kanya.
“Anong okasyon ba?” ang tanong ni Janrey.
“A, eh... b-bonding lang naming magbarkada.” Ang sagot
ni Joy.
“S-sige. Sasama ako.” Ang sagot naman ni Janrey.
Dumeretso ang magbarkada sa apartment ni John.
Tinawaganni Timmy ang Tito ni John at nagpaalam na darating silang magbarkada
dahil mayroon plano na may kinalaman sa nangyari sa kanila ni John. Sumang-ayon
naman ang Tito ni Timmy. Siya na raw ang bahalang maghanda ng makakain at
inumin.
Nang makarating na sila sa apartment ni John,
nakahanda na ang lahat ng karne, isda at iba pang sea foods para ihawin. Nakahanda
na rin ang dalawang case ng beer grande at lady’s drink.
Nagtulong-tulog sila sa paghanda ng pagkain. Masaya
ang magbarkada. Pagkatapos ay kumain na sila atsaka nagsimulang mag-inuman. Ang
sistema ng kanilang inuman ay iyong tagay-system. Si Jeff ang taga-tagay. Naisip
nila ang ganoon upang maisahan nila si Janrey sa tagay at malasing ito. Hindi
naman napansin ni Janrey na ginulangan siya sa tagay.
Nang medyo nalasing na si Janrey at nag-init na rin
ang mga lalaki, doon na nagsimula ang pagtatanong nila.
“Di ba kaibigan mo si Ian? Kasama mo sa team ng
basketball, di ba, pare?” ang tanong ni Jeff.
“Oo… kaibigan ko siya.”
“Gaano mo siya kakilala?” ang pagsingit ni Joy.
“Tamang close lang. Kasama sa team, minsan ay kasama
sa bonding at gala.”
“So nakapunta ka na sa bahay nila?”
“Oo naman. Paminsan-minsan ay nag-iinuman kami roon.”
“Nakita mo na ang mga papa at mama niya?”
“Oo…”
“Akala ko ba ay ulila na siya at inampon ng isang
mayaman.” Ang tanong ni Timmy.
Kitang-kita ang paglaki ng mga mata ni Janrey. “Uh?”
ang nasambit lang niya. At dahil lasing na ay panay na ang ngiti. “Paano ninyo
nasabi na ulila na siya?”
“Sinabi niya kay Timmy.” Ang sambit ni Jeff.
Napatingin si Janrey kay Timmy. “Totoo?”
“Oo. Depressed na depressed nga siya palagi dahil sa
kalagayan niya eh. Ginawa lang daw siyang parausan sa baklang umampon sa
kanya.” Ang sambit naman ni Timmy.
“Awts. Bakit kaya nasabi ni Ian ang ganoon sa iyo. May
mga magulang siya. Ilang beses kaming nag-inuman sa kanila. Ipinakilala nga
niya sa team ang mga magulang niya. Nandoon pa si Coach.”
“Ah, hindi ko alam kung bakit siya nagsisinungaling sa
akin. Pero sure ka na may mga magulang siya?”
“Sure na sure! Nakakausap ang mga magulang niya. Inimbitahan
pa nga ako noong mag silver wedding aniinversary nila. Mayaman ang pamilya ni
Ian.”
“Bat kaya nasabi niya sa akin na ulila na siya? At
nag-imbento pa siya ng kuwento?”
“Ah iyan ang hindi ko alam… May dalawang kapatid na
lalaki nga iyan eh. Puro mga basketball players din.”
Tahimik.
“May girlfriend ba si Ian? Or niligawan?”
“Wala. Basketball na yata ang girlfriend niyan eh.
Minsan nga binibiro ko siya ng bakla eh dahil sa dami-daming nagka-crush sa
kanya ay wala man lang niligawan o napusuan. Biro ko nga sa kanya isang araw na
kung may kakaiba siyang itinatago sa puso niya, okay lang iyan sa akin. Best
friend ko pa rin siya. Sususpurtahan ko siya kung saan siya maligaya. Pero ang
sagot lang niya sa akin ay ‘Tarantado!’”
Hindi na nagtanong pa si Timmy. Tumayo siya at lumayo
sa grupo, hinugot ang cell phone mula sa kanyang bulsa. Tinawagan niya si Ian.
“Punta ka rito sa apartment ni John, pare. Invite
kita.” Ang sambit ni Timmy.
“Ngayon na?” ang sagot sa kabilang linya.
“Oo sana.”
“Di ba galit si John sa akin?”
“Wala si John dito, nasa Maynila. Kaya puwede kang
pumunta rito.”
Wala pang 30 minutos ay nakarating si Ian. Nang
bumungad sa kanyang paningin ang lawn kung saan naroon ang mga barkada ni Timmy
at nandoon din si Janrey, doon na siya nagulat.
“Surprise!” ang sambit ni Timmy sa kanya.
“Ginulat mo ako, pare! Ang dami mo palang bisita?” At
baling niya kay Janrey na mapupungay na ang mga mata, “At nandito rin tong
ungas na ito?”
“Oo pare at may tama na.” ang sagot ni Timmy sabay tawa.
“Ikaw… kain ka muna atsaka inom ka rin!”
“Busog pa ako, pare. Iinom na lang ako tapos,
makipulutan na lang.”
“Good! Minuwestrahan ni Timmy si Jeff na magtagay para
kay Ian. “Tagay system kami rito, pare. Kasi kapag tagay system daw, para na
ring nagtitikiman ng laway ang mga katagayan. Mas magiging close pa raw. O,
sasabihin nating parang nagka lips-to-lips na rin tayo, ‘di lang masyadong
obvious.” Sabay tawa.
“OMG! Makitagay na rin ako!” ang sigaw ni Joy na
talagang humanga sa kapogian ni Ian.
Tawanan.
Binigyan ng tagay ni Jeff si Ian. Sunod-sunod. Para
maka catch up daw. Wala namang reklamo si Ian. Masaya pa siyang tinanggap ang
bawat bigay na tagay sa kanya.
Wala pang kalahating oras ay lasing na rin si Ian.
“Puwede ba tayong mag-usap pare?” ang tanong ni Timmy
kay Ian.
“O-okay pare.” Ang sagot ni Ian.
Dinala ni Timmy si Ian sa may likuran ng apartment.
Binitbit din niya ang isang pitcher na nilagyan ng tagay na beer pati baso.
“Doon tayo magtagay sa may likuran.” Ang sambit niya.
Naupo silang dalawa sa damuhan. Inilatag ni Timmy ang
pitsel sa harap nila. Nagtagay siya at pinainom si Ian.
“Woi! Puwedeng sumali?” ang tanong ni Joy nabigla ring
sumulpot at naupo sa damuhan sa harap nina Ian at Timmy.
Tiningnan ni Timmy si Ian. At baling niya kay Joy, “S-sige.
Upo ka.”
“May itatanong ako, pare. Gusto ko ay seryosong sagot
lang. Lalaki sa lalaki” ang sambit ni Timmy.
Tumango si Ian. “Okay pare.”
“Ano ang relasyon mo kay Julie?”
Natigilan si Ian. “P-paano mo nakilala si Julie?”
“Ah hindi niya sinabi sa iyo? Classmates kami.”
“Ah… ngayon ko lang nalaman.”
“So ano ang relasyon mo sa kanya?”
“P-pinsan, pare.”
Tumango-tango si Timmy at Joy. “Okay… at ano naman ang
purpose ng pakikipagkaibigan mo sa akin? Iyong totoo, pare.”
Hindi agad nakasagot si Ian. Nag-isip. “Iyon… gusto ko
lang makipagkaibigan sa iyo. Weird dahil lalaki ako at lalaki ka rin pero…
basta gusto kitang maging kaibigan, pare.”
“Bakit?”
“E-ewan ko. Maaaring hindi ka maniwala pero gusto
talaga kitang maging kaibigan, pare. Parang m-may kakaiba sa iyo.”
Napaubo si Joy.
“Iyan talaga ang totoo?”
“Iyan ang totoo pare. Mamatay man ako, kahit ngayon na
pero ewan, iyan talaga ang nararamdaman ko. ‘Di ko nga maintindihna ang aking
sarili eh. Gusto talaga kita. Hindi naman ako bakla pero ewan, malakas ang
hatak mo sa akin. Iyong attraction ko sa babae ay parang iyan din ang nadarama
ko para sa iyo. Gusto talaga kita.”
Napaubo uli si Joy.
“Gusto mo, o gusto ni Julie? Sabihin mo ang totoo.
Maniwala ako.”
Nahinto si Ian. Tinagayan uli siya ni Joy. Iyon ang
role ni Joy, taga-tagay. Sinigurong malunod sa kalasingan si Ian.
Tinungga ni Ian ang iniabot ni Joy na baso. “A-ang
totoo pare, s-si Julie talaga ang nag-utos. At ang gusto niya ay…”
“Ay ano, pare?”
“Akitin kita, pare. At ligawan, hanggang sa bibigay
ka. Challenge daw niya sa akin.”
“Uhmmm.” Ang sagot ni Timmy.
“So ano ang totoo? Gusto mo o gusto talaga ni Joy?”
“Pareho. Noong una ay nawi-weirduhan ako. P-pero nang
malaman ko na ikaw pala ang aakitin ko, sabi ko, okay. Kasi naman, gusto nga
kita. At wala namang masama kung makikipagkaibigan ako sa iyo. At kung maakit
nga kita, puwede rin sa akin. Hindi ka naman mahirap mahalin. Siguro naman ay handa
kong panindigan na magkaroon ng boyfriend, basta ikaw lang. Proud pa nga ako.”
Napa-“Urkkk!” na si Joy. Iyon bang kunyari ay biglang nasuka.
Tinagayan niya uli si Ian. Puno ang baso.
“Kaya ka nag-imbento na ulila ka na, at parausan ka
lang ng isang baklang umampon sa iyo? Nadale mo ako roon! Napaniwala mo ako.
Pero sa tingin mo ba ay maaakit mo pa rin ako kapag nalaman ko ang
kasinungalingan mo?”
“Iyon nga ang mali ko eh. Hindi na lang ako
nagpakatotoo. Si Julie kasi ang nagbigay sa akin ng script na iyon. Tumutol nga
ako kaso ang sabi niya, mas maganda raw ang ganoon upang mas dramatic ang
dating, mas nakakaawa. At mas mahulog ang loob mo sa akin.”
“Totoo iyon. Kaya nga nadale mo ako roon eh. Kaya nga
kahit alam kong maggalit si John sa akin ay nakipagkita pa rin ako sa iyo dahil
sabi mo, depressed ka, kesyo magsuicide ka. Kesyo nilapastangan ang pagkatao
mo. Kesyo wala ka nang natirang dignidad sa sarili. Ang bigat din ng mga linya
mo eh. Kulang na lang sa iyo ay bigyan ng tropeo para sa best actor.”
“Sorry pare. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Sana ay
mapatawad mo ako.” Ang sambit ni Ian na naging seryoso bigla ang mukha, imbes
na iyong nakangiti lang dahil sa kalasingan.
“Mapatawad lang kita pare kung magsabi ka ng totoo at
kung tutulungan mo kami sa paghahanap sa katotohanan.”
“O-okay pare. P-payag ako. Tutulong ako sa iyo kung
ano ang ipapagawa mo.”
“Ano ang intensyon ni Julie kung bakit gusto niyang
akitin mo ako?”
“Ang totoo pare, ang sabi niya, mahal ka raw niya.
Kaso, hindi mo siya pinapansin. At napunta ka raw kay John. Bakla ka raw. Kaya
upang makaganti siya sa iyo kung kaya niya ako inutusan. Iyan lang ang sabi
niya. Pero maniwala ka pare, na hindi ko ginawa ang pag-akit sa iyo dahil iyon
ang gusto ni Julie kundi dahil… gusto talaga kita.”
“Urkkk!!!” ang pagsingit uli ni Joy. “Ano ba to?
Lasing na rin ata ako. Nasusuka talaga ako!” ang sambit niya nang tiningnan
siya ni Timmy.
Nagpatuloy si Timmy sa pagtatanong. “Okay… ito namang
pangalang Felix Alberto, kilala mo ba siya?”
Nahinto si Ian. Nag-isip. “H-hindi pare. Di ko siya
kilala.”
“Pero sina Julie ay may mga tauhan ba?”
“Marami… tauhan ng lola niya sa kanilang hacienda.”
“May mga baril?”
“Mayroon din iyong iba.”
Tumango-tango si Timmy at Joy. Nakatatak sa mga isip
nila na si Julie talaga ang may pakana sa pananakot sa kanya na agawin nila ang
lupa ni Timmy.
“Alam mo bang naaksidente ang sinakyan namin ni John
at nasa Maynila si John, hanggang ngayon ay comatose pa rin?”
“H-hindi pare. Kaya pala wala siya rito?”
Tumango si Timmy.
“May alam ka ba kung may kinalaman si Julie sa
aksidente?”
“Hindi ko alam, pare. Sobra na iyon kung pati iyon ay
ginawa niya!”
“Ganyan siya kasama, ‘di ba?”
“Pare, hindi ko talaga alam. Hindi ko rin alam kung
magagawa niya ang ganyan na buhay ng tao ang maaaring mawala.”
“Wala ka ba talagang kahit suspetsa man lang o
napapansing mga kilos na nagpahiwatig na may plano siyang saktan ako o si
John?”
“Maliban sa plano niya na gamitin ako na tuksuhin ka
ay wala naman. Hindi rin naman kasi kami palaging nagsasama. Malayo ang bahay
namin sa bahay ng lola niya kung saan siya nakatira.”
“Hindi mo naman kaya siya tinatakpan dito?”
“Pare… hindi ako ganyan kasama. Maaaring tanga ako
dahil hinayaan ko ang sariling gamitin ni Julie ngunit hindi ako ganyan kasama.
Hindi ko nga kayang kumatay ng manok eh. Iyan pa kayang tao?”
“Hmmmm.”
“Pero, h-hindi kaya purong aksidente lang ang lahat at
walang kinalaman ang sinuman?” ang dugtong ni Ian.
Napatingin si Timmy kay Joy. “Posible. Posible. Pero
kapag napatunayan namin na may kinalaman si Julie sa aksidenteng nangyari sa
amin ni John, hindi namin siya titigilan hanggang sa makamit namin ang hustisya
para kay John.” Ang sambit ni Timmy.
“Sang-ayon ako d’yan, pare. Kung may kinalaman man si
Julie riyan ay dapat panagutan niya ang nangyari. Buhay ni John ang
nakasalalay. Pati buhay mo ay muntik na ring madamay.”
Iyon lang ang mga tanong ni Timmy sa kanya. At
siniguro naman ni Timmy na magkaibigan pa rin sila ni Ian at wala itong
kinimkim nag alit sa huli. Si Ian naman ay nangakong lihim na sasabihin niya
kay Timmy kung may malalaman siyang masamang balak ni Julie para sa kanya.
“Gusto mo bang kumprontahin ko si Julie tungkol dito?”
ang tanong ni Ian.
“Huwag na. Ayokong lumaki pa ang issue. Ngunit kung
darating sa punto na madawit ang pangalan mo, kaya mo namang panindigan ang mga
sinasabi mo, kahit magalit pa siya sa iyo?”
“Walang problema sa akin. Panindigan ko ang sinasabi
ko.” Ani Ian.
“Kahit malaman ng mga tao na may crush ka kay Timmy?”
ang pagsingit ni Joy.
“O-okay lang. Nariyan na iyan eh. Kasalanan ko rin
dahil nagpagamit ako.”
Iyon ang napag-usapan. Nag bro-hug sina Timmy at Ian.
Nakibro-hug-with-malisya na rin si Joy kay Ian. Kinilig si Joy.
KINABUKASAN nasa student center uli ang magbarkada,
habang nag-usap usap sila tungkol sa mga nangyari, dumating uli ang grupo nina
Julie.
“Oh my God! Ang saya-saya ko pa rin, grabe! Sobrang
blessed talaga ako ni Lord! Lahat ng mga panalangin ko ay binigay niya! Hindi
niya ako pinabayaan!”
“Sobra besss! You are so blessed!”
“At ang ganda ko pa. Promise!” sabay tawanan.
Nang nakaupo na sila. “I-continue natin friend kung
bakit ka blessed! At kung bakit mo nasabing binigay ni Lord ang lahat ng mga
hiling mo.”
“Kasi nga friend, di ba itinapon ng isang lalaki ang
beauty kong ito sa kanal?” ang sambit ni Julie na nakatingin pa talaga sa mesa
nina Timmy. At talagang nananadya.
“Wooh! Ganoon na lang bess? Sa ganda mong iyan?”
“Oo. Grabe ang ginawa nila sa akin. Para akong isang
taong may nakakahawang sakit na ginanyan-ganyan na lang!”
“Tapos, anong nangyari, girl?”
“Nakarma ang mga taong gumawa sa akin! Sobrang bait
talaga ni Lord!”
“Can you be more specific bess? Paanong na-karma sila?
Tell us the whole story!”
Nahinto si Julie, tumingala at iginuri-guri ang
hintuturong daliri sa kanyang baba na kunyari ay may nire-recall na kuwento sa
kanyang isip. “Isang araw, may isang napakaguwapong butterfly na umaaligid sa
mga preskong namumukadkad na mga naggagandahang flowers, naghahanap ng nectar
para gawin niyang honey…”
“Sandali! Di ba bees lang ang gumagawa ng honey?”
Nahinto si Julie, lumaki ang mga mata na binulyawan
ang kaibigang babaeng nagtanong. “Huwag mo nga akong kontrahin! Nabasa ko iyan
sa internet. Ang mga butterflies ay gumagawa rin ng honey!”
Natahimik ang mga kaibigan ni Julie. Natawa naman ang
mga barkada ni Timmy. “Idiot!” ang bulong ni Joy na natawa rin.
“Anyway, iyong pinakamagandang flower sa lahat, at
pinaka-immaculate at sariwa sa lahat, sabi niya sa butterfly, ‘Marami akong
nectar friend! Angkinin mo ang lahat ng nectar ko. I’m so oozing with beauty
and sweetness!’ halos lumuhod na lang ang flower na iyon sa guwapong butterfly
sa pagmamakaawa na sa kanya dumapo at samsamin ang kanyang tamis. Ngunit aba!
Hindi siya pinansin, girl! Napaka-proud ng butterfly na iyon!”
“So what happened next, girl!” ang sambat ng kaibigan
niya.
“So hayun, nga, hindi siya pinansin. Sobrang nalungkot
ang flower na iyon. Nakakaawa siya girl! At wala siyang nagawa kundi ang
umiyak.”
“Pagkatapos bess?”
“Tapos, biglang may dumating na isa pang butterfly na
kasing guwapo rin noong nauna!”
“Oh my gosh!” anong nangyari girl?” ang tanong uli ng
kaibigan niya.
Mistula silang mga tanga na sila-sila lang ang
nag-imbento ng kuwento at nagtatanungan na kunyari ay excited habang sila Timmy
naman at mga kasama ay hindi maiwasang makinig dahil sa lakas ng kanilang
kuwentuhan. Pati ibang mga estudyante na naroon sa student center na iyon ay
nakikinig din. Ngunit si Joy ay inis na inis.
“So iyon nga, muling nanumbalik ang pag-asa ng flower
na iyon na sa wakas ay may butterfly na uli na mabighani sa kanyang taglay na kagandahan
at may sisipsip na sa kanyang nektar.”
“Tapos beshie…”
“Ngunit doon na naman siya muling nasaktan kasi nga…”
nahinto si Julie. “Huhuhuhuhu! Ang guwapong butterfly din pala ang gusto niya!
At sila-sila ang nagsisipsipan ng kanilang mga nectar!”
“Wait… may nectar din ba ang mga butterfly?” ang
tanong nga mga kaibigan ni Julie.
“Peke ang nectar nila mga besss. Peke!”
“Ah, oo nga naman. Tapos girl?”
“Hayun, sobrang frustrated na naman ang magandang flower.
Umiyak siya nang umiyak, At mabuti na lang ay may mga bubuyog sa paligid at napansin
siya!”
“Sinipsip nila ang nectar mo? Este ng magandang
flower?”
“Hindi!”
“A-anong nangyari? Naguluhan ako, girl!”
“Hayun, ang bubuyog na ito ay siyang tumugis sa mga
baklang butterfly! Kaya grabe, masaya ako kasi nga, hayun… may bubuyog na tunay
na tumutulong sa akin.”
Doon na sumingit si Joy. Tumayo siya at humarap sa
mesa nina Julie. “At ako na ang magpapatuloy sa kuwentong ‘Ang Alamat ng Makating
Bulaklak at Tangang Bubuyog…”
Nagulat naman ang lahat sa biglang pagsingit ni Joy sa
kuwento ni Julie.
Nagpatuloy siya. “Actually, ang pagkakaalam ko, ang bubuyog
na ito ay pinsan talaga siya ng bulaklak… at may pangalan pa talaga ang bubuyog
na iyon eh. Ian! Iyan ang name ng bubuyog na iyon. Pero anyway, upang hindi ako
mahirapan sa pagku-kuwento sa inyo, heto, pakinggan niyo na lang ang video na
nirecord ko.” Binuksan ni Joy ang kanyang cellphone kung saan nakastore ang
nirecord niyang video sa pagtatanong ni Timmy kay Ian.
Actually, edited na ang pinalabas ni Joy. Tinanggal
niya ang mga sagot ni Ian na maaaring makasira kay Timmy at Ian kagaya ng
pagsabi ni Ian na sila ni John at Timmy ay may relasyon, iyong inamin ni Ian na
may gusto siya kay Timmy, at pati na ang sinabi ni Ian na lihim niyang
sasabihin kay Timmy kapag may napansin siyang masamang balak ni Julie.
Nang klaro na ang pagkabisto ni Julie, dali-dali na
naman silang umalis. At kung gaano sila ka-proud sa kanilang unang pagdaan sa
mesa nina Timmy, siya namang pagyuyukyok nila nang umalis, mistulang mga basang
sisiw o talunang aso na ang buntot ay nakatago sa ilalim ng kanilang mga tiyan.
“Ganyan kasama ang Julie nan a iyan! Demonya!” ang
sambit ni Joy sa lahat na nakinig sa video recording nang matapos na niyang
ipalabas ito.
***
“Tito… kumusta kaya ang lupa? Hindi kaya bumalik ang
mga tauhan ni Felix Alberto?” ang tanong ni Timmy sa Tito ni John kinagabihan.
“Hindi naman daw. Iyong dalawang guwardiya nang
tumawag ay wala namang napansing ibang tao sa lupa so far. Pero huwag kang
mag-alala, patuloy na babantayan nila ang bahay at lupa mo. Kasama rin sa
trabaho nila ang pagpapakain sa mga alaga mong hayop at pag-aalaga sa mga
pananim. Si Tokhang naman ay nandito sa apartment kaya okay lang. Naalagaan ko
siya. Walang problema. Focus mo na lang ang isip mo kay John at sa pag-alis mo
bukas.” Ang sagot ng Tito ni John.
“Salamat Tito.” Ang sagot ni Timmy.
Maya-maya ay tumunog ang door bell ng kanilang gate.
Si Timmy na ang nagbukas nito. Si Bell pala ang bisita.
“N-napadayo ka, Bell?” ang tanong ni Timmy.
“Gusto lang kitang dalawin. Nag-alala ako sa iyo. Wala
rin namang pasok bukas eh.”
“Halika, pasok ka muna sa loob.” Ang pag-anyaya ni
Timmy.
“Kumusta ka na?” ang tanong ni Bell nang nasa loob na
na sila ng bahay.
“Hindi ako okay Bell. Hindi okay si John eh. At hindi
ko pa siya nakita simula noong dinala siya sa Maynila. Miss na miss ko na siya.
Nag-alala ako para sa kanya. Natatakot din.”
Binitiwan ni Bell ang malalim na buntong-hininga.
Tumabi siya kay Timmy sa inuupuan nito at hinaplos ang likod. “I’m sorry Timmy.
Wala talaga akong maitutulong kundi ang damayan ka, eh.”
“Okay lang iyon Bell. Iyong pag-donate mo ng dugo kay
John ay malaking bagay na iyon. Nasave mo ang buhay niya, kahit papaano.”
“Wala iyon, Timmy. Basta para sa iyo… at kay John.
Full support ako.”
“Salamat, Bell. Isa kang tunay na kaibigan.” Ang
sambit ni Timmy habang niyakap niya si Bell.
“Oo nga pala, aalis ako bukas patungo ng Maynila. Dadalawin
ko si John. Hindi pa siya nagising, Bell.”
“G-ganoon ba? Kawawa naman siya.”
“Oo nga eh…”
“Ay, okay lang ba sa iyo kung sasama ako?” ang tanong
ni Bell kay Timmy.
“Sa Maynila?”
“Oo!”
“Huwag na Bell. Masyadong naaabala ka na.”
“Ikaw naman, o. Sige na please.”
“Huwag na, Bell. Gusto kong naka-focus lang ang
atensyon ko kay John. Ayaw kong may iba pang mga iisipin. Ayokong mahati ang
atensyon ko sa iba.”
“Sige na please...?”
“Ibigay mo na lang sa akin ito, Bell. Sa amin ni John.
Iyan lang ang hihilingin ko sa iyo. Okay?”
Hindi na umimik si Bell. Maya-maya lang ay nagpaalam
na siya.
Kinabukasan, nakapila nasi Timmy para sa pagcheck-in
niya sa kanyang flight. Malapit na siya sa counter nang may biglang kumalabit
sa kanyang likod.
Nang nilingon niya kung sino ang kumalabit na iyon,
nakita niya si Bell. Nakapila rin sa kanyang likuran hawak-hawak ang ticket at
sa kanyang kabilang kamay ay hila-hila ang isang trolley bag. Abot-tainga ang
kanyang ngiti.
“Pa-Manila ka rin?” ang tanong ni Timmy na nagulat sa
biglang pagsulpot ni Bell.
Tumango si Bell. “Yes, same flight, same airline. Tabi
tayo ha?” ang sagot ni Bell.
(Itutuloy)

haha.. may naalala ako sa line nag uumpukan sila saisang table tapos sumingit yung haliparot na si julie... hahahah... mas umeexciting yung story... epal naman kasi si bell ehh.. nakakasuya...
ReplyDelete