By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Ang Killer
Ng Mg Hardinero
“Hang! Ako to! Si Timmy. Tok ang tawag mo sa akin!”
“Timmy? T-Tok…?” ang sagot ni John na mistulang
nalito.
“Oo… ako si Timmy.”
“W-wala akong matandaan eh.” Ang sagot ni John.
Bahagyang nahinto si Timmy at tinitigan na lang si
John. May takot siyang naramdaman na marahil ay nagka-amnesia si John dahil sa
pinsala na natamo niya sa kanyang ulo. “Sure ka na wala kang natandaan?” ang
tanong uli ni Timmy.
Nahinto si John at nag-isip. “Wala eh. Bakit ako
narito?”
“Eh… naaksidente tayo. Nalaglag tayo sa bangin habang
minamaneho mo ang iyong sasakyan.
“G-ganoon ba?” ang sagot ni John.
“As in wala talaga? Wala kang natandaan kahit ang
resort na pinuntahan natin?”
“Wala eh.”
Nang tiningnan ni Timmy ang nasa kanyang likuran,
naroon pala si Yeng at narinig niya ang lahat. Nang nakita ni Yeng na
nakatingin si Timmy sa kanya, agad din siyang lumapit kay John, kitang-kita ang
pagkaexaggerated sa kanyang kilos. Niyakap niya si John at hinalikan sa bibig.
“Oh my God! Thank you Lord na nanumbalik na ang iyong
malay. Minu-minuto talaga kitang ipinapanalangin, John. Sobrang lungkot ko sa
nangyari sa iyo. Hindi kao makakain, hindi makatulog. Hindi na nga ako
pumapasok sa school nang dahil sa pag-alala ko sa iyong kalagayan! Salamat sa
Diyos!” At humagulgol na. At talagang umiiyak pa. May luha. Ang galing niyang
umarte.
Natulala na lang si Timmy na pinagmasdan ang drama ni
Yeng.
“S-sino ka?” ang tanong ni John kay Yeng.
“Siya ang iyong ex-…” ang sagot ni Timmy. Hindi na
niya naituloy pa ang sasabihin gawa nang mabilisang pagsingit ni Yeng.
“Ako ang iyong fiancée. Si Yeng!”
“Y-Yeng?” ang sagot ni John.
“Ex mo siya, Hang!” ang pagsingit uli ni Timmy.
Nilingon ni Yeng si Timmy. Galit. “Huwag ka ngang
bastos! Nag-uusap kami rito sumisingit ka, hindi ka naman kaano-ano!” at baling
niya kay John. “Nung time na galing tayo sa isang resort kung saan ka
nagpropose sa akin, nalaglag tayo sa bangin! Wala ka bang natandaan? Doon tayo
nag-overnight. Ng saya-saya natin sa sandaling iyon. Ngunit nang babalik n
asana tayo s apartment mo, nalaglag tayo sa bangin!” Nahinto siya sandali. Umiiyak.
“Buntis ako, John! Anak nating dalawa ang nasa sinapupunan ko! At ang balak
nating magpakasal ay sa sunod na linggo na! DApat ay matuloy ito! Wala na akong
mukha na ipakita sa mga tao dahil sa nangyaring ito sa akin!” dagdag niya.
“G-ganoon ba?” ang sagot ni John.
“Huwag kang maniwala sa kanya, Hang!” ang pagsingit
uli ni Timmy.
Nilingon na naman ni Yeng si Timmy. “Shut up! Huwag mo
ngang guluhin ang isip ni John! Dagdag problema ka lang!” ang sagot naman ni
Yeng kay Timmy. At baling niya uli kay John, “Huwag mo siyang paniwalaan ha?
Ang totoo niyan, anak lang siya ng inyong labandera. At dahil ang labandera
ninyo ay stay-in, naging magkaibigan kayo. Hindi siya ka-level nating
mayayaman.”
Napatingin na lang si Timmy kay John, hindi
makapaniwala sa sinabi ni Yeng. Si John naman ay napatingin kay Timmy.
Nagkatinginan silang dalawa.
“B-bakit mo sinabing tayong dalawa ang naaksidente? Na
tayong dalawa ang magkasama sa resort? Bakit ka nagsisinungaling?” ant tanong
ni John kay Timmy.
“A-anong bakit ako nagsisinungaling, Hang? Ako ang
kasama mo sa resort? Tayong dalawa ang nagsama! Wala ang babaeng iyan nang
maaksidente tayo!” ang halos pasigaw na sabi ni Timmy.
“Hoy! Hoy! Sinungaling! Umuwi ka na sa inyo at iuuwi
ko so John sa bahay namin upang doon na ipagpatuloy ang kanyang gamutan. Doon
na siya tuluyang magpagaling.” Ang sambit ni Yeng sabay pindot sa nurse call switch.
Nang pumasok ang nurse at doctor, natuwa sila nang
makitang nagkamalay na ang pasyente.
“May amnesia po siya, doktor. Ngunit ang gusto ko po
ay sa bahay na siya magpagaling.” Ang paliwanag ni Yeng. At talagang inunahan
niya si Timmy.
“Hindi po siya ang kamag-anak ng pasyente, doktor.”
Ang sambit ni Timmy.
“At ikaw ang kamag-anak niya? Ganoon?” ang pasigaw na
sagot ni Yeng kay Timmy. At baling niya sa doktor. “Itong ibang tao talaga,
hindi na nga nakakatulong, dag-dag problema pa sa pasyente.” Ang sambat ni Yeng
na magpa-iling-iling pa. “Gusto ko pong mai-proseso ang mga requirements po ng
pasyente doktor para mai-release na po siya. Sobrang hirap na po niya rito. Mas
magaling po kung sa bahay siya at maalagaan ko. Makakalalabas siya, igagala ko
po sa mga lugar na paborito niya para mas mabilis po ang kanyang paggaling. Ako
na po ang bahala sa mga babayarin, kung mayroon pang kailangang bayaran.” Ang
dugtong ni Yeng.
“Kakausapin ko muna ang pasyente.” Ang sambit ng
doktor.
“Huwag na po, doktor. May amnesia po siya eh.” Ang pagtutol
ni Yeng.
Ngunit nagpumilit pa rin ang doktor. “Alam mo ba ang
iyong pangalan, hijo?” ang tanong ng doktor kay John.
“J-John?” ang sagot ni John.
“May natandaan ka ba sa mga pangyayari sa iyo bago ka
na-ospital?”
“Hmmm…” ang sagot ni John na tiningnan si Yeng.
“Natandaan niya na nalaglag kami sa bangin, doctor.
Natandaan din niya na ako ang finacee niya at ikakasal na kami, na buntis ako
at siya ang ama ng batang nasa aking sinapupunan.”
“Totoo ba na natandaan mo na ang lahat nang ito?” ang
tanong ng doktor kay John.
Muling tiningnan ni John si Yeng. “O-opo.” Ang sagot
ni John sa doktor.
“Sinabi lang po ng babaeng iyan kay John ang mga iyan,
doktor. Pawang kasinungalingan po.”
“Shut up!” ang sambit ni Yeng. Nilingon naman ng
doktor si Timmy at minuwestrahan. “Shhhhh! Let me just finish with my questions
to the patient first.” at baling niya kay John, tumango-tango siya. “Natandaan
mo pa ba kung saang lugar kayo nalaglag? O kung anong lugar ang pinuntahan
ninyo kung kaya nalaglag kayo sa bangin?”
“Ah… h-hindi po doktor.”
Tiningnan ng Doktor si Yeng. “May amnesia nga siya.
But overall, okay naman ang kanyanag kalagayan. You may opt to bring him home
or let him stay here for further observations.” Ang sabi ng doktor.
“Doctor, hindi po siya kamag-anak ni John!” ang sambit
ni Timmy na tumaas ang boses.
Napalingon ang doktor kay Timmy. “Ano ba ang relasyon
mo sa kanya, hijo?”
Doon na natameme si Timmy. Hindi nga naman siya
kaano-ano ni John. Ngunit nakaisip ng alibi si Timmy. “K-kapatid po kami
doctor. Inampon po ako ng kanyang ama bago ito pumanaw.”
Ngunit nabara siya ni Yeng. “Sinungaling! Ipakita mo
ang iyong ID kung magkaparehas nga kayo ng apilyedo?” ang sambit ni Yeng.
At dahil hindi makapagpakita ng ID si Timmy na may
kaparehong apilyedo ni John, hindi siya nakadagot.
“Look doctor. He is a fake. He is a liar.” Ang sambit
ni Yeng. “Ang totoo niyan, doktor, anak iyan ng dating labandera nina John.
Tinaggal ang kanyang inay sa pamamahay nina John dahil sa pagnanakaw ng
malaking halaga na pera at mga alahas. At ngayon, gusto nilang samantalahin ang
kalagayan ni John! My God! I cannot allow this to happen! Kawawa na nga itong
tao, pagsasamantalahan pa nila! Ang kakapal ng mga pagmumukha ninyo!” ang galit
na sabi ni Yeng kay Timmy.
“Nasaan ba ang mga magulang pala ni John?” ang tanong
ng doktor.
“Ang daddy niya ay patay na. At ang mommy naman niya
ay nasa Amerika, may karamdaman din kaya hindi nakauwi. Matagal na kaming
live-in partner nito doctor kaya ipinagkatiwala siya ng mommy niya sa akin. Ako
na raw ang bahala sa kanya rito.”
“Malala na talaga ang kasinungalingan mo, Yeng.”
“Speaking of yourself! Mukhang pera!”
“Okay, okay, tama na.” ang pagsingit ng doktor. At
baling niya sa nurse, “Paki-asikaso na lang sa release papers nitong pasyente.”
Ang sambit ng doktor sabay talikod at lumabas sa kuwarto.
Dali-daling nilapitan ni Yeng ang nurse na noon ay
nasa hall way na at sinundan ang doktor. “Miss pakidalian lang ang pagproseso
sa release paper niya. Sana within this morning ay mailabas ko na siya.” Ang
sambit ni Yeng sa nurse sabay hugot din mula sa kanyang wallet ng pera at
binigyang ng limang tig-iisang libong bills ang nurse.
Nanlaki ang mga mata ng nurse nang makita ang pera. Ngunit
nakita iyon ni Timmy nang sinundan niya si Yeng sa hallway. “Uy Miss, bawal
iyang ginawa mong pagtanggap ng pera, nurse!” ang sambit ni Timmy sa nurse.
Ngunit inirapan lang siya ng nurse. “Anong pakialam
mo? Eh ikaw, nagbibigay ka ba?” ang mataray na sagot ng nurse sabay siksik ng
pera sa bulsa niya at nagmamadaling binaybay ang hallway palayo sa kanila.
“Naman!” ang pagsingit ni Yeng na patutsada kay Timmy.
“Wala ka kasing pera. Poor guy. Isa kang hampaslupa!” ang sambit ni Yeng na
binitiwan lang ang isang mapang-alipustang tingin sabay talikod, bumalik sa
loob ng kuwarto ni John.
Wala nang nagawa si Timmy. Nanatili siya sa hallway at
tinangkang tawagan niya ang ina ni John. Ngunit nagri-ring lang ang cp nito. Tinangka
rin niyang tawagan si Jishin ngunit busy ang kanyang linya.
Hindi huminto si Timmy sa pag-contact sa inay ni John
at kay Jishin. Ngunit wala siyang ma-contct sa dalawa. Hanggang sa nakita na
lang niyang nagtatakbo ang nurse patungo sa kuwarto ni John na may dala-dalang release
papers ni John.
Nang pumasok ng kuwarto ang nurse ay sinundan ito ni
Timmy. Nakita niyang nakabihis na ng casual na damit si John. May dala-dalang
damit pala si Yeng. Halatang pinaghandaan at planado niya ang kaganapang iyon.
At malinis na malinis ang takbo ng kanyang plano.
“Ito iyong babayaran niyo sa Accounts ma’am. Ako na lang
po ang magbabayad sa cashier para hindi ka na maabala. At ito naman ang release
paper. Paki-pirma na lang po at puwede niyo na siyang ilabas. Babayaran ko
kaagad sa teller ang kulang ninyo at susundan kita sa may information dalhin ko
ang resibo upang hindi kayo maharang.” Ang sambit ng nurse.
“Okay…” ang nakangiting sagot ni Yeng na agad pinirmahan
ang release paper atsaka kinuha ang original. Humugot uli siya ng pera mula sa
kanyang wallet at ibinigay sa nurse. “Keep the change, nurse!” ang sambit niya.
Nakangiting tinanggap ng nurse ang pera, inirapan niya
si Timmy. Nang palabas na sana sina John ay Yeng sa kuwarto, nagsalita si John.
“Ayaw kong sumama sa iyo kung hindi natin isasama si Timmy.”
“H-ha???” ang sagot ni Yeng na halatang nagulat. Pati
si Timmy ay nagulat din sa sinabing iyon ni John.
“Hindi na kailangan, sweetheart. Baka pagsamantalahan
ka niya! Delikado ang taong ito, mapagsamantala, sinungaling, mandurugas!”
“Huwag mong kontrahin ang sinabi niya, Yeng.
Magkalintekan tayo.” Ang pagsingeit ni Timmy.
“Narinig mo iyon, sweetheart? Narinig mo? Pinagbantaan
niya ang buhay ko! Ganyan kasama ang taong iyan!”
Ngunit hindi siya pinansin ni John. “Kung totoong anak
siya ng labandera namin, isasama ko siya. Parehoi kaming lalaki. Gusto kong may
kasamang lalaki dahil upang mas komportable ako sa bahay mo. Baka may
maitutulong siya sa pagbalik ng aking alaala.”
“Oh my God, John! No! Hindi siya makakatulong! Lahat
ng sasabihin niya ay kasinungalingan!”
“Kung ayaw mo, tatawagin ko na lang ang nurse at sasabihin
kong ayaw kong sumama sa iyo.”
“Tama!” ang pagsingit ni Timmy. “O puwede ring
mamayang gabi na tayo umalis rito...” Ang pagsingint ni Timmy. Hindi na niya
itinuloy pa ang sasabihin. Ayaw niyang maalerto si Yeng na gusto lang ni Timmy
na tumagal pa sila roon upang maabutan sila ng inay ni John at ni Jishin.
“Shut up!” ang sagot din ni Yeng. At dahil alam ni
Yeng na hindi manganganib ang kanyang plano kapag nagtagal pa sila roon, sumang-ayon
na lang siya sa kagustuhan ni John. Sa isip niya, bahay naman kasi niya ang
pupuntahan nila kung kaya ay madali na lang niyang maidispatsa si Timmy roon.
“Okay papayag ako. Ngunit ayaw kong lalapitan mo si
John doon o kaya ay kakausapin, nagkaintindihan ba tayo?” ang sambit ni Yeng
kay Timmy.
“Okay...” Ang sagot din ni Timmy.
“At isa pa, hardinero ka ng bahay ko. Naintindihan mo?
Hindi ka bisita. Hardinero ka!”
“O-okayl” ang sagot niy Timmy.
Dali-daling hinila ni Yeng ang kamay ni John palabas
ng kuwarto. Si Timmy naman ay nakabuntot sa kanila bagamat hindi siya maaawat
sa kaka-dial ng mga numero ng inay ni John at ni Jishin. Nang bigla niyang maisip
si Bell, ito naman ang kanyang tinawagan.
Nag-ring ang telepono ni Bell. Sumagot si Bell. Sinabi
niya rito ang buong pangyayari.
“Oh my God!” ang sambit ni Bell. “Harangin mo sila!
Huwag kang pumayag na madala niya si John sa bahay niya!” ang sagot ni Bell.
“Ayaw nga maniwala ng mga taga-ospital. Matindi ang
drama ni Yeng. At kasalukuyang palabas na kami ng ospital patungo sa bahay ni
Yeng!”
“Oh my God!”
“Ang inay lang ni John ang makakaharang sa kanila!
Nariyan ka ba sa bahay nina John? Kasama mo ba ang inay niya?” ang tanong ni
Timmy.
“S-sorry, Timmy. Sumaglit ako sandali sa apartment ng
Tita ko. Hindi mo ba siya matawagan?”
“Hindi eh! Walang sumasagot. Ring lang nang ring!”
“Sige, sige... ako na ang bahala sa kanya.”
“Thanks.”
Nakarating din sina Yeng, John at Timmy sa bahay nina
Yeng. Malaki ang bahay nina Yeng. Masasabing isang mansyon ito. May dalawang
palapag ngunit malawak ang floor area ng bahay, may swimming pool sa malawak na
front yard na pinaligiran ng mga trimmed na bermuda grasses at mga champaign
palm trees.
Nang nasa loob na sila ng bahay ay inatasan ni Yeng
ang kanilang security guard na walang papasukin sa bahay na kahit sino at
walang makakalabas kina John at Timmy na walang pahintulot mula sa kanya.
Pagpasok na pagpasok kaagad nila sa bahay ay
idineretso ni Yeng si John sa kanyang kuwarto. Sa second floor. Dahil
nakabuntot si Timmy, sinabihan siya ni Yeng na sa baba ang kuwarto niya.
“Bakit sa baba siya? Dapat ay kasama siya sa kuwarto
ko.” Ang sambit ni John.
“No way! Tayo ang magsama sa kuwarto. Bakit, sino ba
ang fiancee mo, di ba ako?”
“Okay, okay... s-sige, tayo ang magsama sa kuwarto.”
Ang sagot ni John.
Nalungkot si Timmy sa desisyon na iyon ni John. Ngunit
kahit papaano ay naroon pa rin naman siya.
Bago silang dalaw pumasok sa kanilang kuwarto, tinawag
ni Yeng ang kanyang yaya upang ihatid si Timmy sa kanyang kuwarto. “Yaya, doon
siya sa isang bakanteng kuwarto ng dating hardinero natin. Bagong hardinero
iyan natin, under observation pa lang.”
“Ah, okay po.” Ang sagot ng yaya na nasa mahigit 50 na
ang edad. At baling niya kay Timmy, “Tara...” ang sambit niya sabay talikod at
tumbok sa hagdanan pababa.
Maliit lang ang kuwarto na ibinigay sa kanya... Kasya lang ang isang
maliit na kama at ang natirang distansya na na puwedeng daanan sa pagpasok sa
loob nito ay wala pang isang talampakan ang lapad. Puno ng alikabok ang kama na
may lumang bed sheet na nagkulay batikbatik na. Wala ring bintana ang kuwarto
bagamat may lumang electric fan ngunit mainit at mahalumigmig pa rin. Sa loob
ng kuwarto ay may kawad. may nakasampay ritong butasbutas na boxer’s short at
isang kulay abo na brief na tagtag na ang garter, mga gamit ng huling hardinero
ng bahay na sadyang iniwan. Sa dulo naman ng kama ay may cabinet at sa ibabaw
nito ay may nagkalat na mga papel, plastic bag, may plato na may tirang pagkain
na puno ng amag.
“Pasensya ka na, medyo marumi ang kuwarto. Pero puwede mo siyang
linisin, tutal ay maaga pa naman. Atsaka, maya-maya lang siguro ay kakainin na
tayo ng pananghalian. Dito rin sa baba tayo kakain. Kasabay natin ang mga maid,
labandera, drivers, all-around house boy... siyam tayong lahat.” nahinto
sandali ang yaya. “T-talaga bang hardinero ka? Parang ang bata mo pa. Marunong
ka ba talagang mag-alaga ng mga halaman?” ang tanong ng yaya. Syempre, bata pa
si Timmy, hindi kagaya ng mga karaniwang hardinero na at least ay lampas 25 na.
At kahit sanay siya sa bukid, hindi naman siya gusgusing tingnan katulad ng mga
taong hirap na hirap talaga sa buhay.
“O-opo. Opo... sanay ako sa bukid.” Ang sagot ni
Timmy. Wala siyang choice kundi tanggapin ang pagiging isang “hardinero”.
“O siya, iwanan ko muna kayo at baka may kailangan pa
si Yeng. Mamaya na tayo mag-usap” ang sabi ng yaya.
Ang ginawa ni Timmy ay nilinis niya ang kuwarto.
Maya-maya ay bigla niyang naalalang tawagan muli ang inay ni John at si Jishin.
Ngunit naubusan ng battery ang kanyang cp. Tiningnan niya ang kanyang bag upang
kunin ang charger. Ngunit sa hindi niya maintindihang dahilan, wala roon ang
kanyang charger.
Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto upang makapaghiram
ng charger. Nakita niya ang driver nina Yeng. Nagpakilala siya na bagong
hardinero at pagkatapos ng maiksing kumustahan, nagtanong siya kung may charger
siya. Ngunit laking pagkadismaya ni Timmy dahil iPhone kasi ang cp niya, ito
iyong cp na binigay sa kanya ng namapayapang daddy ni John noong akala niya ay
talagang tunay na daddy rin niya rin iyon. Natawa nga ang driver dahil
hardinero ang trabaho ngunit ang cp ay kaparehong brand sa cp ng amo.
“S-si Ma’am Yeng lang ang may iPhone dito, Timmy.”
“Ah... g-ganoon ba?” ang sagot ni Timmy. “P-puwede
kayang manghiram sa kanya ng charger?”
“Eh... maselan sa lahat ng bagay iyon. Estrikta,
mataray... baka pagagalitan ka pa noon. Pero kung ‘di ka naman takot doon,
i-try mo na lang.”
“S-sige, try ko” ang sagot ni Timmy at dali-dali
siyang tumakbo patungo sa second floor at kumatok sa pinto ng kuwarto ni John.
Si Yeng ang nagbukas ng pinto. Nang sinilip ni Timmy
ang loob, nakahiga si John sa ibabaw ng kama, tulog.
“Bakit???” ang mataray na tanong ni Yeng.
“P-puwede bang makahiram ng charger?”
“Bakit? iPhone charger meron ako. Hindi mumurahing sa
katulad ng sa iyo.”
“Kaya nga eh. iPhone din ang sa akin, wala naman
silang charger na ganito sa baba.”
“Oh. Surely, ninakaw mo iyan kaya walang charger. Oh
my God! Ang mga gamit ko rito baka nanakawinmo rin ha? Makatikim ka sa akin,
ipapulis kita.”
“Iyong charger mo puwede bang makahiram?”
“Hindi!!! Bumili ka ng sarili mo!” ang sigaw ni Yen
sabay sara ng sara ng pakalampag sa pintuan.
Wala nang nagawa si Timmy kundi ang muling bumaba.
Hanggang sa nagtanghalian sila, doon nakausap ni Timmy ang mga kasambahay nina
Yeng. At napag-alaman niya na nag tour pala ang mga magulang nito sa Europe at
sa isang buwan pa ang dating.
Naisip ni Timmy na manghiram na lang ng cp sa kanila.
Ang driver ang nagpahiram ng cp niya. Ngunit dahil hindi naman niya palaging
nakakausap sa telepono, hindi matandaan ni Timmy ang mga numero ng inay ni John
at ni Jishin. Pinilit niyang tandaan ang numero ni Bell, at sa wakas ay na-contact
din niya ito.
“Bell, paki contact naman ang inay ni John at pakisabi
kay Jishin na nandito kami sa bahay ni Yeng. Hindi ako makakalabas at wala
ringmakakapasok. Paki sabi sa kanila pumunta rito at kausapin si Yeng na
pakawalan si John.”
“O-okay. Ako ang bahala... Relax ka lang d’yan.” Ang
sagot ni Timmy. Ibinigay din niya ang address ng bahay ni Yeng, tinanong niya
ito sa driver na hiniraman niya ng cp.
Medyo nakahinga ng maluwag si Timmy nang nakausap niya
na si Bell.
Alas 2 ng hapon ay nainip si Timmy. Lumabas muna siya
ng kuwarto at umikot sa bahay at naupo sa isa sa mga reclining pool chairs sa
gilid ng swimming pool. Maya-maya ay naisipan niyang umakyat sa itaas,
nagbakasakali na makausap si John. Ngunit hindi pa man siya nakatayo sa upuan,
dumating ang ang isang babaeng nasa edad 40, ang buhok ay nakaayos nang kagaya
ng kay Ms. Tapia, iyong masungit na guro, at nakasimangot.
“Ikaw ba ang bagong hardinero?” ang tanong niya kay
Timmy na mataas ang boses.
“O-opo. Opo…” ang pag-aalangang sagot ni Timmy.
“O e, ba’t nakaupo ka riyan? Bisita ka ba? May-ari ng
bahay? Ang lakas ng loob mong magrelax ah? Gusto niyo po ba ng juice? Fruits? O
Tuwalya? Senyorito? Tawagin ko po ang maid upang pagsilbihan ka.” Ang
sarkastikong sambit niya.
Napatitig na lang si Timmy sa katarayan niya.
“Tumayo ka at magbanat ng buto!!!” ang sigaw niya.
“Binabayaran ka rito, tarantadong ‘to! Kabago-bago lang ay ipinapakita na
kaagad ang katamaran! Ang dami-daming aayusin d’yna sa mga ornamental plants at
mga damo at baging na tumatakip na sa mga halaman, di mo ba nakikita ang mga
iyon? Gagong ‘to! Tamad!!!”
Walang nagawa si Timmy kundi ang tumayo.
“Badong!” ang pagtawag niya sa driver. Ituro mo
nga sa gagong ito ang trabaho niya? Ituro mo rin kung saan nakalagay ang mga
gamit ng hardinero.” Ang sigaw niya.
Sumunod si Timmy kay Badong. “S-sino ba iyon? Kung
makasigaw ay akala mo gusto nang paputukin ang baga at lalamunan eh.”
“Si Simang iyon. Mayordoma ng bahay. Killer
iyon ng mga hardinero.”
“H-ha? A-anong killer ng mga hardinero?”
“Killer ng mga hardinero dahil tatlong hardinero na
ang lumayas rito dahil sa kanya. Ewan ko ba kung bakit trip niya ang mga
hardinero.”
“B-bakit ano ba ang ginawa niya sa mga hardinero?”
Inilapit ni Badong ang kanyang mukha sa tainga ni
Timmy. Atin-atin lang ito ha. Matandang dalaga iyang si Simang. Sabik sa
lalaki. Iyong tatlong mga hardinero ay mga binata kasi, nasa 25 hanggang 30 ang
kanilang mga edad. At ang sabi nila bago umalis, ginapang daw sila ni Simang.
Iyong huli ay pumayag na galawin ni Simang gabi-gabi. Ngunit nang nagkadevelopan
naman silang dalawa ng bagong maid, hayun, na frustrated ata at ginawan ng mga
imbentong kasalanan ang maid at napaalis. Dahil sag alit ni hardinerong iyon,
umalis na rin siya at sinundan ang bagong girlfriend. Kaya siguro, nasasaktan
ang pusong gurang niya kaya mainit iyan sa iyo. Pero…” nahinto ang driver at
tiningnan ang mukha ni Timmy, iyong sinusuri, “sa guwapo mong iyan, at bata pa,
matangkad, daig mo si Daniel padilla sa porma ah. Tangina manginginig si Simang
kapag nakikita niya ang buong katawan mo! Baka sa isip niya magsisigaw ng,
Manamis-namis! Lasang Alaska!‘”
Napangiti na lang si Timmy. Bibo kasing kausap si
Badong. At may kasama pang enactment.
“Ang sabi ko ay magtrabaho! Hindi makipagtsismisan!”
ang sigaw ni Simang na nasa likod lang nina Timmy sa di kalayuan.
Kaya wala nang nagawa si Timmy kundi simulan ang
kanyang trabaho. Nag-lawn mower muna siya sa mga Bermuda grass, dahil malawak
ang lawn, hindi niya agad na natapos ito. naghubad siya ng T-shirt dahil sa
daming pawis na lumabas sa kanyang katawan.
Siguro kapag may nakakakitang babae o bakla sa porma
pa lang ni Timmy na walang itaas na damit, sa ganda ng hugis ng kanyang
matipuno na dibdib at bakat na abs sa kanyang tiyan, dagdagan pa ang walang
kataba-tabang waistline kung saan naman ay makikita ang nakausling putting
garter ng brief sa kanyang jeans na hindi ginamitan ng sinturon, siguradong
mapalunok ng laway ang mga ito lalo na kpag nakita pa ang bakat ng malaking
bukol sa kanyang harapan.
Ipinagpatuloy ni Timmy ang paggapas ng mga damo.
Habang nasa ganoon siyang kabala, hindi sinadyang mapalingon siya sa bintana ng
second floow ng bahay. Nakabukas ang sliding na salamin, nakahawi ang kurtina.
Laking tuwa niya nang makita kung sino ang naroon at nakatingin sa kanya. Si
John.
Tila sasabog sa lakas ng kalampag ang kanyang dibdib
habang nakatingin sa kanya si John. Kumaway siya at kumaway din si John sa
kanya sabay bitiw ng isang nakakabighaning ngiti. At pakiwari ni Timmy ay may
kilig din ang ngiti ni John na iyon sa kanya. Feeling ni timmy ay napaka-hyper
niya sa sandaling iyon. Ganadong-ganadong maggapas ng damo, na feeling niya ay
kaya niyang gapasin kahit ang lahat ng damong nakabalot sa Mt. Apo. Feeling
niya ay gusto niyang tumambling, gusto niyang tumalon ng napakataas, gusto
niyang lumipad, gusto niyang gapasin ang mga mamahaling halaman at orchids nina
Yeng.
Sa hindi malaman na dahilan ay biglang biglang isinara
ni John ang bintanang sliding na salamin bagamat nanatiling nakahawi ang
kurtina. At nang tiningnan niyang muli ito, si Yeng na ang nakatingin sa kanya
na akala mo ay nagliliyab ang mga mata at umuusok ang tainga. Iyon pala ang
dahilan kung bakit biglang nawala si John sa bintana.
Nang ibinaling naman ni Timmy ang kanyang paningin sa
baba, sa may main door ng bahay, nakita naman niya si Simang na nakatingin
sa kanya, puno ng ng pagnanasa ang kanyang tingin, tila may mga maliliit na
tala sa mga mata, lumulunok siya ng laway at kagaya ng sinabi ni Badong, tila
sumisigaw ang isip ng, “Manamis-namis! Lasang Alaska!” At take note, ang buhok
niya any naka lawit na, at ang kanyagn mga labi ay pulang-pula.
Doon na biglang nanlumo si Timmy. Wala pa mang
nangyayari sa kanya, tila hinigop na ni Simang ang kanyang buong lakas at pakiramdam
niya ay gusto niyang sagasaan na lang si Simang sa lawn mower na tulak-tulak
niya.
Kinagabihan ay naghintay pa rin si Timmy na darating
sina Jishin at inay ni John. Ngunit hindi sila dumating. Kahit si Bell ay hindi
rin dimating. Naisipan niyang tawagang muli si Bell. Matinding pag-alala ang
naramdaaman ni Timmy para kay John. Hindi rin niya maiwasang hindi mag-alala
kung bakit natagalan sina Jishin at inay ni John.
Sa oras ng hapunan ay kinausap niya si Badong upang
makahiram muli sa kanyang cp at tawagan uli si Bell. At pagkatapos nga ng
kanilang hapunan ay tinawagan ni Timmy si Bell. Ngunit out of coverage area
ito. Wala nang nagawa pa si Timmy kundi ang magmukmok sa kanyang kuwarto.
Alas 12 ng hatinggabi, tulog na ang lahat. Umakyat si
Timmy sa second floor ng bahay at doon humiga sa sofa, nagbakasakaling lalabas
si John.
Ala-una ng madalign araw, nakita niyang dahan-dahang
bumukas ang kuwarto niya. Pagkasara niya, dali-dali namang bumaba si John.
Hindi niya napansin si Timmy. Kaya ang ginawa ni Timmy ay sinundan si John.
Nakita ni Timmy na umupo si John sa isang reclining pool
chair sa gilid ng pool. Medyo madilim ang lugar na iyon. Patay ang lahat ng
ilaw at ang tanging nagbigay ng kakaunting liwanag dito ay ang banaag na
tumagos mula sa ilaw ng mga kuwarto ng bahay.
Agad na sinundan ni Timmy si John at nang nasa pool na
siya, nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Bagamat may kadiliman ang paligid,
alam ni Timmy na tiningnan siya ni John.
Hinila ni Timmy ang isang reclining chair palapit sa
inuupuan ni John at umupo siya rito. “Hi” ang sambit niya na sinabayan ng
ngiti.
“Hi…” ang sagot din ni John na sinuklian ang ngiti ni
Timmy. Bagamat madilim, matalas ang paningin ni Timmy lalo na’t para sa taong
mahal.
“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong ni Timmy.
“Wala… gusto ko lang magpahangin.”
Tahimmik.
“N-nakilala mo na ako?” ang pagbasag ni Timmy sa
katahimikan.
Tinitigan ni John si Timmy. Tinitigan din ni Timmy si
John. Nagtitgan sila. Maya-maya lang ay kumals si John sa kanilang pagtitigan.
Binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga. “Hindi. Hindi kita
kilala.”
Tila may isang sibat na tumusok sa puso ni Timmy sa
pagkarining niya sa sinabi ni John. Ngunit mahal niya John at gagawin niya ang
lahat upang mabawi niya ang taong mahal. “Gusto mo bang malaman kung paano tayo
nagtagpo?”
“Sige, baka sakaling may maalala ako.”
“Sa school. Sa probinsya namin. Noong una ay magkaaway
tayo. Presidente ako at palagi mo akong kinokontra, iniinis. May time na
nagsuntukan din tayo. Ngunit ewan ko ba, sa kalaunan ay pansin kong iba na ang pakay
mo sa akin. Sinusuyo mo ako, lihim na binibigyan ng pagkain, pati uniporme at
bag. Ngunit dahil galit ako sa iyo, hindi ko ito tinanggap. Hanggang sa iyong
president ng kabilang klase ay siniraan ang aking inay sa harap ng mga kaklase
natin at binugbog mo siya. Iyon na ang simula kung saan ay humanga ako sa iyo.
At lalo na nang namatay ang aking inay, ikaw ang nag-iisang taong hinanap ko
upang tulungan ako sa aking kalagayan. Marahil ay kung hindi dahil sa iyo,
hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.” Nahinto si Timmy gawa nang
biglang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata. “Alam mo, Hang, nangako ka
nang mamatay ang inay na alagaan mo ako, na hindi mo ako iiwan. Nangako ka rin
sa harap ng puntod ng aking inay na nariyan ka palagi para sa akin. At hindi mo
ako binigo. Kahit pasaway ako, kahit palagi kitang sinasaktan, nariyan ka pa
rin, iniintindi mo ako…” Tuluyan nang huumagulgol si Timmy. “Paano na lang ako
ngayon, Hang? Paano na lang ang iyong pangako sa akin at sa aking inay?”
“B-bakit? Ano ba tayo?
“N-nagmamahalan tayo, Hang. M-mahal na mahal mo ako,
At mahal na mahal din kita…”
Hindi nakaimik si John.
“W-wala k aba talagang naramdaman, Hang?”
“W-wala…” ang sagot niya. “Hindi ko alam.” Ang dugtong
din niya. “N-nalilito ako.”
“G-gusto mo, h-hahalikan kita. Baka may maalala ka.”
Hindi sumagot ni John. Yumuko lang siya at
iginuri-guri ang kanyang mga daliri sa kanyang palad.
At dahil sa hindi pagsagot ni John, dahan-dahang
inilapit ni Timmy ang kanyang mukha sa mukha ni John. Naghinto ang pagguri-guri
ni John sa kanyang daliri. Hindi siya gumalaw, hinitay ang paglapat ng bibig ni
Timmy sa mga labi niya. Sinipsip ni Timmy ang mga labi ni John sa aktong
paglapat ng labi ni ya sa huli. Dahil nahirapan, itinaas ni Timmy ang mukha ni
John habang patuloy ang kanyang paghalik dito. Hindi pa rin gumalaw si John.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaan niyang halikan siya ni Timmy,
ang kanyang isip ay naglalakabay, nagttanong, naghahanp ng kasagutan.
Maya-maya lang ay niyakap na ni Timmy si John. Akmang
yayakapin na rin sna siya ni John nang biglang may narinig silang kaluskos at
yabag.
Nang nilingon nila ang pinanggalingan ng ingay, nakita
nila si Simang na pumasok sa servants’ quarter. Hiwalay kasi ang bahay nilang
mga kasambahay bagamat kunektado pa rin ang bahay nila sa bahay ng mga amo.
Doon pumasok si Simang.
“Shit!” ang pigil na pagsigaw ni Timmy na dali-daling
nagtago sa likod ng mga palumpong na nasa likuran lang ng reclining pool chair
kung saan si John nakaupo.
Natawa si John kay Timmy na animoy isang kawatan na
nagtatago sa dilim. Ngunit pinigilan lang niya ito gawa nang naintindih niyang
baka isusumbong siya ni Simang kay Yeng kapag nakita siyang nakikipag-usp sa
kanya.
Maya-maya lang ay lumabas na si Simang at nakita si
John. Lumapit siya rito. “Anong ginagawa ninyo rito, Sir? Naku magagalit si
Ma’am Yeng nito kapag nalamang nandito ka sa baba!” ang sambit ni Simang.
“Huwag kang mag-alala Simang. Walang magsusumbong.
Himbing na himbing na si Yeng kaya lumabas na lang akong mag-isa upang
magpahangin.”
Ngunit doon na mistulang nasabugan ng malakas na bomba
si Timmy nang sumagot si Simang. “Magpahinga na rin kayo, Sir. Bukas na ang
kasal ninyo ni Ma’am ah. Dapat ay malakas ka.”
Tila gumuho ang mundo ni Timmy sa pagkarinig niya sa
sinabing ioyn ni Simang. Kung hindi lang siya nagpigil ay marahil, nasakal na
niya si Simang o di kaya ay inilublob na ang ulo sa tubig ng swimming pool.
“Sige, Simang. Susunod na ako. Magpahinga ka na rin.
Ikaw ang mag-asikaso bukas sa catering.”
“Opo…”
Nang nakaalis na si Simang, bumalik sa kanyang puwesto
si Timmy. “Ikakasal ka na?”
Tumango si John. “Nagmadali si Yeng eh.”
“Magpapakasal ka kahit ganyan ang kalagayan mo? Kahit
hindi mo alam kung sino talaga ang pamilya mo, ang mga taong tunay na
nagmamahal sa iyo?”
“Di ba si Yeng? Siya lang ang may malasakit sa akin.
Siya lang ang taong nagmamahal sa akin.”
“Oh my God, Hang!” ang sambit ni Timmy na napalakas
ang boses at nang maalalang baka may makaringi ay bigla ring ibinaba ang
kanyang boses, “Ako! Ako... hindi ba ako nagmamalasakit sa iyo? Ako ang nagdala
sa iyo sa ospital, ang iyong inay ang nagbantay sa iyo sa ospital, kahit si
Bell, naisalba ka nang dahil nagdonate siya ng dugo sa iyo nang muntik ka nang
maubusan ngdugo. Wala iyang si Yeng!” ang giit ni Timmy na inis na inis na sa
hirap ng pagpapaliwanag kay John.
Hindi nakasagot si John.
“Paano niya nagawang magpakasal kayo? Saan siya kumuha
ng mga dokumento mo? Sino ang magkakasal sa inyo?”
“Dito lang sa bahay. Darating bukas ang mga abugado at
isang huwes o di kaya ay pastor na magkasal sa amin. Nariyan lang naman daw ang
mga papeles ko. Siya nga ang fiancee ko, di ba? Matagal na kaming nag live-in
‘di ba?”
“Diyos ko naman, John! Naniwala ka sa kanya?
Sinungaling siya! Hindi mo ba alam iyan???”
“Sorry Timmy. Buo na ang isip ko.”
Tatayo na sana si John ngunit hinila siya ni Timmy
dahilan upang ma outbalance silang dalawa. Nalaglag silang dalawa sa pool. Nang
nasa pool na sila, biglang hinagisan ni Timmy ng tubig si John. Gumanti si
John. Hanggang sa tinanggal nilang pareho ang mga damit nila at boxers na lang
ang natira. Naghabulan sila sa paglangoy.
Nang mapagod, umupo silang magkatabi sa gilid ng
swimming pool.
“Wala ka bang naalalang kagaya nito? Nakaupo tayo sa
harap ng tubig. Actually, pampang iyon, at ilog ang paanan noon. Palagi tayong
naliligo roon, naghahabulan, naglalaro sa tubig. Minsan ay naglalaba tayo,
minsan naman ay manghuli o di kaya ay mamingwit ng isda.”
“Talaga?”
“Oo. At palagi tayo roon sa pampang. Nag-iinuman,
nagkukuwentuhan. Ang pampang na iyon ang saksi ng ating pagmamahalan.” Nahinto
siya sandali. “Alam mo bang may kabayo tayo? Alagang-alaga mo iyon. May mga
tricks na alam si Tokhang dahil palagi mo siyang tinuturuan.”
“Talaga?”
“Oo...”
Tahimik.
“Mahal na mahal kita, Hang. Hindi ako papayag na
makasal ka sa kanya bukas. Gagawin ko ang lahat upang hindi matuloy ang kasal
ninyo.”
Hindi na umimik si John. Tumayo siya at binitiawn ang
isang malalim na buntong hininga.
Ngunit muli siyang hinila ni Timmy sa braso sabay
halik kay John. Niyakap siya ni Timmy ng mahigpit at siniil ng halik ang mga
labi.
At sa pagkakataong iyon ay gumanti ng halik si John.
Mapusok ang kanilang halikan. Kasing init nang ang alaala ni John ay si Timmy
pa ang nagmamay-ari ng kanyang puso.
Matagal ang kanilang halikang iyon. Tila wala nang
bukas. Maya-maya lang ay biglang kumalas si John at dali-daling dinampot ang
mga basang damit niya sa gilid ng pool. Muling hinarap niya si Timmy. Muling
hinalikan si Timmy sa bibig sabay talikod at nagtatakbong tinumbok ang hagdanan
patungo sa itaaas.
Mistulang isang tuod si Timmy na nakatayo na lang at
pinagmasdan si John na lumayo.
Tinumbok na rin ni Timmy ang kanyang kuwarto. Sa buong
magdamag ay hindi dalawin ng antok si Timmy.
Kinabukasan sa kanilang agahan ay napagkuwentuhan
nilang mga kasambahay na ikakasal na nga raw si Yeng. At ang bisita lang daw ay
iilang pili niyang kaibigan.
Pagkatapos na pagkatapos agad ng agahan ay abala na
ang mga kasambahay sa paglinis at paghanda sa lawn dahil doon gaganapin ang
kasal.
Si Timmy naman ay muling tinawagan si Bell na sa
pagkakataong iyon ay sumagot na. Doon lang inamin ni Bell na wala pala siyang
numero ng telepono ng inay ni John at Jishin ngunit dadaanan na lang daw niya
ang mga ito pagpunta niya sa bahay ni Yeng.
Halos hinid magalaw-galaw ni Timmy ang kanyang katawan
upang tulungan ang iba pang mga kasambahay sa paghanda at paglinis sa lawn.
Mabigat ang kanyang damdamin.
Maya-maya din lang ay may nagsidatingan na rin ang mga
barkada ni Yeng. May lalaki may mga babae. Nasa dalawampung kaibigan niya. Maiingay,
high class ang dating at halatang mga spoiled brat din.
Sinundan naman ito sa pagdating ng catering services,
at ang ang sound system. Tinulungan ng ibang kasambahay ang catering kung saan
ipupuwesto ang mga pagkain, samantalang ang sound system naman ay abla sa
pag-ayos sa mga gamit nila.
Alas 11 ng umaga ay nagsidatingan naman ang may
tatlong abugado at isang pastor na siyang mag officaite sa kasal. Alas 11:30
kasi ang kasal. Hindi na pumunta pa sa kuwarto nina John si Timmy. Sa lawn na
lang lang siya naghintay. Basta, ang balak na nasa isip niya ay haharangan talaga
niya ang kasal.
Malapit nang magsimula ang kasal noong may ingay sa
gate na tila isang babaeng nagmamakaawang papasukin. Nang nilapitan ni Timmy
ang gate, nakita niya si Bell.
“Please papasukin ninyo ako. Kaibigan ko ang ikakasal
eh.”
“Sinong kaibigan?”
“Iyang lalaki... at p-pati ang babae.” Ang sambit ni Bell.
Ngunit ayaw talaga siyang papasukin ng guwardiya. Kakausapin
na sana ni Timmy ang guwardiya nang nakita naman niyang lumapit si Simang. Agad
niya itong nilapitan.
“Ma’am Simang! Ang ganda-ganda ninyo ngayon!” ang
pambobola pa ni Timmy.
“Ay, grabe siya... konti nga lang make-up nilagay ko
eh.” Ang sagot naman ni Simang na feeling totoo talaga ang sinabi ni Timmy. At
kinurot-kurot pa ang tagiliran ni Timmy.
“Mas maganda ka sa ganyan, konting make-up lang. Lalong
lumalabas ang tunay ninyong ganda.”
“Ahihihihihihihihi! Ito naman. Ayoko sanang maniwala
kaso ikaw ang nagsabi eh.”
“Totoo iyan, ano ka ba. Sa katunayan, mamayang gabi,
okay lang sa akin kung doon ka matutulog.” Ang sambit ni Timmy na kinikindatan
pa si Simang at hinahawi ang dulo ng kanyang t-shirt upang makita ni Simang ang
kanyang abs at ang puting garter ng kanyang brief na nakausli sa kanyang
waistline.
“Shhh!” ang sagot ni Simang na inilagay ang hintuturo
sa kanyang bibig. “Huwag mong lakasan marinig tayo. Basta promise ha?” ang
pabulong na sabi na sinabayang ng pasempleng hipo sa abse ni Timmy.
“Oo. Sorry kagabi alam kong sinilip mo ako sa kuwarto
ko eh. Kaso nag CR ako. Nakita kita kasing galing sa kuwarto ko.” Ang sagot din
ni Timmy na hinawakan pa ang kamay ni Simang at idiniin iyon sa kanyang tiyan,
pababa sa kanyang pagkalalaki.
“Oo nga eh.” Ang sagot ni Simang na halos manginginig
na sa sobrang kilig.
“Di bale, mamayang gabi.” Nahinto si Timmy. “Oo nga
pala, may pinsan ako na nasa labas, puwede ba siyang pumasok sandali? Sandaling-sandali
lang please...?” ang pagpapa-cute na pagmamakaawa ni Timmy.
At sa madaling salita ay nakapasok si Bell dahil sa
kagandahang-loob ni Simang.
“Nasaan sina Tita at Jishin?” ang tanong
ni Timmy kay Bell.
“Susunod na lang daw sila.” Ang sagot ni
Bell.
Nagsimula ang kasal. Nakatayo si John sa harap ng
pastor. Naka itim na tuxedo siya na terno naman sa kanyang itim na sapatos. May
puting rosas sa kanyang kanang dibdib samantalang si Yeng naman ay iyong puting
pangkasal.
Bagay sila, sa totoo lang. Ngunit hindi sila bagay sa
pag-uugali.
Tumunog ang tugtog ng martsa ng pangkasal at nagmartsa
si Yeng patungo sa harapan ng pastor. Napakaganda ni Yeng sa kanyang damit
pangkasal.
Habang nagpupuyos sa galit si Timmy na nakatingin kay
Yeng na nagmamartsa, hindi niya maitatwa na nainggit siya kay Yeng. At iyon
naman talaga ang pakay ni Yeng. Ang patayin sa inggit si Timmy.
“Tangina mo! Mamaya ka lang, iyang ngiti mong
pang-iinggit ay mapalitan iyan ng galit.” Ang bulong ni Timmy na nasa isang
tabi lang, nakatayo na katabi ni Bell.
Nang nasa harap na ng pastor silang dalawani John at
sisimulan na sana ng pastor ang seremonya, biglang kinuha ni John ang mikropono
mula sa kamay ng pastor.
“May sasabihin lang ako bago magsimula ang kasal. At
ito ay isang kundisyon upang ipagpatuloy ang kasalan...” ang sambit ni John na
nakaharap kay Yeng. “Gusto kong ang tao na may kinalaman sa pagka-aksidente ko
ay aamin sa kanyang ginawa. Kung walang aamin, hindi na ako magpapakasal sa
iyo, Yeng.” Ang sabi ni John.
Gulat na gulat ang lahat sa sinabing iyon ni John.
Pati si Timmy ay hindi inaasahan na gagawin iyon ni John. Ngunit sa naisip ni
Timmy na kung ito ang naisipang paraan ni John upang lumabas ang katotohanan,
maganda ang kanyang paraan.
“H-hindi ako ang dahilan, John. Ano ka ba? Wala akong
kasalanan! Wala akong alam! Ako ang live-in partner mo! Ako ang finacee mo!”
“Wala kang alam dahil sa probinsya ako naaksidente at
nandito ka lang sa Maynila, di ba, Yeng? Di ba?”
“Magkasama nga tayong naaksidente John, ano ka ba!
Tayong dalawa ang naaksidente! Ilang beses ko bang sabihin iyan sa iyo?”
“Kung ganoon, sino ang may kagagawan?” ang tanong uli
ni John.
“Alam ko na. Alam ko na!” ang sagot ni Yeng.
“Sino???”
“Siya! Siya!” ang sagot ni Yeng na itinuro si Timmy.
(Itutuloy)

nyemas ka yeng... nang gigigil ako sayo ... grrrrr... tokhang pa rin ako foreve
ReplyDelete