Masaya kaming apat ni Kuya
Renan, Jimjim at Jake sa poder ni Ms. Clarissa. At mataas ang aming pag-asa na
manumbalik ang sigla at dating kalusugan niya. Ang kanyang pagtalon sa rooftop
ng kanyang apartment kasi ay bunsod ng depression at kawalang pag-asa. Ngayon
na alam niyang nasa panig niya kami, lumakas ang loob niya, at nanumbalik na
ang dating masayahin at positive na Ms. Clarissa.
“Lalaban ako Bugoy, para sa
iyo… upang makabawi ako sa kasalanang nagawa ko sa inyo ng iyong inay at ng
kuya mong si Jake. Hindi kita pababayaan. Hindi ko kayo pababayaan. Ngayon ko
narealize na kailangan ninyo ako laban sa kasamaan ng inyong ama.” Ang sabi
niya sa akin nang binisita ko siya sa ospital.
At hindi nga nagtagal at tuluyang
nakauwi ng apartment si Ms. Clarissa. At mabilis ang kanyang pagrecover. Kung
noon ay hanggang sa wheelchair lang siya, sa paglipas ng tatlong araw ay
nakakatayo na siya at nakakalakad ng ilang hakbang. At sa pagiging positive at
tindi ng determinasyon na gumaling at maging normal uli ang buhay niya, hindi
malayo na tuluyan siyang gumaling.
Sa aming setup naman, si Jake
ay kasalukuyang naghahanap ng trabaho habang si Kuya Renan ay sa bahay lang
muna, tumutulong sa mga gawain, sa paga-alaga kay Ms. Clarissa at sa paga-assist
sa kanyang therapist, sa paghahatid-sundo kay Jimjim at sa akin sa eskuwelahan.
At dahil na rin sa suporta ni Ms. Clarissa, ay malaki ang naitutulong niya sa financial
na pangangailangan namin ni Jimjim, Kuya Renan, at sa kuya kong si Jake.
“Tol… naka-file na raw ang kaso
ni Ms. Clarissa at ano mang oras ay ihain na ang warrant of arrest para sa
kanya.” Ang sambit ni Jake habang nasa harap kami ng hapag-kainan.
Nagkatinginan kami ni Kuya
Renan at Ms. Clarissa. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at takot.
“Saan mo nalaman?”
“Sa driver ng daddy. Close ko
iyon eh. Kaya nagtanong ako.”
Tinanong ni Ms. Clarissa ang
branch ng korte kung saan inihain ang kaso. Nang sinabi ni Jake kung saan ang
branch base sa kanyang nalaman, sinabi ni Ms. Clarissa na pupuntahan iyon ng kanyang
abugado upang maghain din ng piyansa.
“Anong plano natin ngayon,
Mom?”
Hindi siya nakasagot agad. Tila
malalim ang iniisip. “Parang gusto kong lumayo muna rito, Bugoy. Alam ko kasing
tagilid ako sa kaso eh. Hindi lang dahil sa malakas ang ebidensya ng daddy mo,
makapangyarihan din siya. Alam kong kaya niyang bayaran ang hukom upang mas
paigtingin pa ang parusa ko, o di kaya ay upang hindi ako makapagpiyansa.”
“K-kung ganoon, Mom… sasama ako
sa iyo sa probinsiya. Iwanan natin ang Maynila at doon tayo magtatago.”
“Sasama na rin ako.” Ang sambit
ni Kuya Renan.
“Ako rin po ay sasama.” Ang
sambit din ni Elvira, ang kanyang loyal na katulong.
“E di, sasama na rin ako.” Ang
sambit din ni Jake.
“Dito ka na lang Jake para may
makapagreport sa amin sa mga kaganapan dito.” Ang mungkahe ko. “Atsaka, hindi
ka masyadong apektado rito eh. Mas bagay na maiwan ka rito.”
“Tama naman Jake.” Ang
pagsegunda ni Ms. Clarissa.
“Oo pare. Mas okay na nandito
ka.” Ang pagsang-ayon din ni Kuya Renan.
“Ah basta. Sasama ako. Gusto ko
ring makarating sa probinsya ng utol ko. Nandyan naman ang secretary ni Tita
Clarissa eh. Siya na ang magreport sa atin. O kahit ang driver ng daddy na
kaibigan ko, sa kanya ako magtatanong.”
“Sabagay.” Ang sagot ni Ms.
Clarissa. “Sige sama ka na, Jake.” Ang dugtong niya.
“Yeheey!” ang sigaw ni Jake na
tuwang-tuwa talaga na makapunta ng probinsya.
“Paano kayo? Nag-aaral pa
kayong dalawa ni Jimjim?” ang tanong ni Ms. Clarissa sa akin.
“Wala pong problema, Mom. Mag-enrol
na lang ako sa Probinsya uli padating ng pasukan. Doon sa unibersidad kung saan
nagtapos si Kuya Renan.” Ang sagot ko.
“Kung ganoon ay aalis tayo sa
madaling panahon.” Ang sambit ni Ms. Clarissa.
“Tita… mas maiging mag-bus tayo
upang hindi tayo mahalata. Sa airport kasi ay may mga camera.” Ang sambit ni
Jake.
“Mahirapan ang mommy na sumakay
ng bus, Jake. Lalo nat mahigit 24 oras ang biyahe patungo sa atin.” Ang sambit
ko.
“Ah… puwedeng kayo ni Ms.
Clarissa lang ang magsama, isama niya na rin si Jimjim. At kami ni Jake at
Elvira ang mag land trip.” Ang sambit ni Kuya Renan.
Sumang-ayon ang lahat.
“Oo nga pala… ibebenta ko na
rin ang lahat ng mga ari-arian ko. Para wala na akong babalikan pa. Para
talagang burado na ang lahat sa akin sa lugar na ito.”
Nagkatinginan kaming tatlo ni
Jake at Kuya Renan. Sa isip ko kasi ay napaka-drastic ng kanyang ginawang
desisyon. “Paano na lang kung maghirap kami sa probinsya at maubos na ang
kanyang pera?” ang tanong ko sa aking sarili. Tinanong ko rin iyon kay Ms.
Clarissa.
Ngunit buo na ang pasya niya.
Tinawagan niya ang kanyang secretary at binigyan ng instruction na i-relay sa
abugado na siya na ang bahala sa kaso at sa pagbenta ng kanyang mga ari-arian.
Dali-dali kaming nag-impake ng
aming mga gamit. Nang nakahanda na, pumasok ako sa kuwarto ni Ms. Clarissa.
Narinig ko ang usapan nila ni Manang Elvira.
“Ito…” ang sabi ni Ms. Clarissa
habang iniabot kay Manang Elvira ang isang nakabalot na bagay na nakalagay sa
isang maliit na karton, “Ikaw ang magdala dahil magba-bus lang kayo. Hindi
mahigpit sa bus. Mahirap sa eroplano baka matagalan pa kami at tatanungin pa
ako tungkol d’yan. Ma-delay ang aming flight at alam mo na, baka matunton pa
ako ni Antonio.
Tinanggap ni Manang Elvira ang
nakabalot na bagay na hindi man lang nagtatanong kung ano iyon. Hindi na rin
ako nagtanong. “Tara na Mom…” ang sambit ko.
Natuloy ang biyahe namin. Halos
gabi na nang nakarating kami. Dahil nag-eroplano kami, nauna kaming nakarating
sa probinsya kaysa kina Kuya Renan at Jake. Nag check in muna kami ng hotel
gawa ng gabi na at hinintay rin namin sina Kuya Renan.
Kinabukasan ay dinalaw muna
namin ni Ms. Clarissa at Jimjim ang puntod ng inay. HInid maiwasang mag-iyakan
kami ni Ms. Clarissa. Naawa siya sa aking inay at nanghingi ng patawad
samanatalang ako naman ay nasasabik sa kanya. Dinalaw din ni Jimjim ang puntod
ng kanyang lola.
Nang nakarating na sina Kuya
Renan, Jake at Elvira, nagcheck out kami sa hotel at lumipat sa bahay nina Kuya
Renan na malapit lang din sa amin. Mas malaki kasi ang bahay nila kaysa sa
amin. At mas matibay ito dahil yari sa kungkreto at kahoy. May tatlo ring
kuwarto sa bahay nila. Sa isang kuwarto ay sina Manang Elvira at Ms. Clarissa
ang naka-assign, ang isang kuwarto naman ay kaming tatlo ni Kuya Renan at
Jimjim, at ang pangatlong kuwarto ay kay Jake.
Kahit may bahid na takot ang bawat
isa sa amin sa pagtatago naming iyon, hindi maitatwa na mas masaya kami sa
probinsya kaysa sa Maynila. Wala kasing pressure sa probinsiya, at presko rin
ang lahat ng pagkain, hangin, tubig, at paligid.
May mga kakilala at kapitbahay
na nagtanong kung bakit biglaan ang aming pagdating. Ngunit ang alibi na lang
namin ay nagpapagaling lang si Ms. Clarissa. Nakikita naman kasi na hindi pa
siya lubos na magaling. Nahihirapan pa siyang maglakad at kailangan pa niya ng wheelchair
kapag sasama siya sa amin na lumabas.
Napagplanuhan din namin kung
ano ang aming gagawing pangkabuhayan. Bibili si Ms. Clarissa ng bangkang pampalaisdaan.
Magpatayo rin siya ng isang maliit na grocery store sa bayan. Hindi pa kasi
nabili ang mga negosyo niyang saloon, fast food chain at apartment. Kaya ang
baon niyang cash at sa saving sa banko lang ang inaasahan niya. Syempre, may
pangangailangan kami sa araw-araw kaya kailangang maingat siya sa pagpalabas ng
pera.
Isang umaga, kagaya ng
nakagawian ni Jake, maaga siyang gumising upang mag-jogging. Ngunit nagulat na
lang kami nang pagbalik niya ay may kasama na siya. Si Mico!
Syempre, tuwang-tuwa ako nang
makita siya. “Kumusta Mico! Long time! Akala ko ba ay sa US of A ka mag-aaral?
Ba’t ka napauwi ng probinsiya?”
“Hindi na ako tumuloy.” Ang
sagot niya sabay tingin kay Jake.
“Bakit?” ang tanong kong
nalito.
“Nandito ang mahal ko eh.” Ang
sambit niya na binitiwan ang isang nakakalokong ngiti.
Nagulat naman ako sa aking narinig.
“Sino? Kilala ko ba?”
“Oo kilalang kilala mo.”
“I-name drop na yan, daliiii!”
ang sambit ko.
Nakangiti na parang nahiya.
“Hayan o...” turo kay Jake, “Utol mo.”
“Waaaahhh!” ang sigaw ko.
“Tangina mo, Jake! Kaya pala gustong-gusto mong magpunta rito! Kaya pala ganoon
na lang ang suporta mo sa akin kay Daddy, mayroon ka na pala!” sabay bigay ng
hi-five sa kanya.
Tawanan.
“Paano naging kayo?”
“Noong nagalit na si Ms.
Clarissa sa akin at nagsususpetsa na ako sa kanya. Nasa Tuguegarao pa tayo noon.
Nagkataong nakapagkuwentuhan kami ni Mico. At sa dami ng kuwento niya sa buhay
at sa mga nakaraan ninyo, lalo na sa kabaitan at loyalty niya sa iyo, naawa ako
sa kanya dahil sa pagkasadista mo.” Ang pabirong sabi ni Jake.
“Araykopoooo!” ang sambit kong
napangiting hilaw. Syempre, may guilt akong nadarama. “Tapos?” ang tanong ko.
“Tapos hayun, naawa ako sa
kanya, at palagi na kaming nagtitext, nagkikita.”
“May pa take care, take care na
siya, may tanong-tanong nang, ‘Kumain ka na?’ ‘Huwag kang pagutom ha?’ ‘Pag may
problema ka sabihinmo lang, nandito lang ako para sa iyo’ mga ganyan.”
“At nauto ka naman?” ang biro
ko.
“Oo naman. Syempre, kung hindi
ako mapunta sa bunso, puwede naman sa kuya.”
Na lalo pang lumakas ang tawa
ko. “Salamat naman at kahit papaano, sa utol ko rin ikaw napunta. I’m really
happy for both of you. Alam ko, aalagaan ka ng ‘Kuya Jake’ ko.” Ang sambit ko.
“Thanks.” Ang sagot ni Mico.
“Teka, teka... noong paalis ako
ng Tuguegarao at umakyat ako sa parola. Nakita ko si Jake na may katabing
nakaupo sa isa sa mga bangko paharap ng dagat, di ko lang masabi kung sino ang
kasama dahil nakatalikod sila eh. Ikaw ba yong kasama niya, ‘Tol?”
“Malamang dahil sa parola kami
palaging nagtatgpo, eh.”
“Waahhh! Ang lalandi!” ang
sambit ko.
“Mas malandi ka.” Ang sagot ni
Jake sa akin.
“Mas malandi iyan” turo ko kay
Mico. “Tayong dalawa ang natikman niyan.
“Mas malandi ka pa rin.” Ang
sagot uli ni Jake. Natikman mo siya.” Turo niya kay Mico, “May Kuya Renan ka pang
regular na suki!”
Natawa ako. “Ano iyan,
tindahan?” ang sagot ko. Ngunit gusto ring sumang-ayon ng aking isip na
talagang ako ang pinakamalandi sa lahat at sasagutin siya ng, “Oo nga naman.
Kasi pati ikaw ay natikman ko rin eh. Tatlo kayong natikman ko. Hihihihihihi!”
Ngunit hinayaan ko na lang iyon sa aking isip. “Tarantado!” ang sambit ko na
lang.
“Laglagan na ah!” ang pagsingin
ni Mico na tawa nang tawa.
Tahimik.
“So planado niyo talaga na dito
ka na mag-aaral?” ang tanong ko kay Mico.
“Iyan ang unang plano namin.
Kaso ambilis ng kaganapan ninyo sa Maynila eh. Nahanap na raw ang ama niya na
ikinulong ni Ms. Clarissa, tapos, nagulat din ako nang sinabi niyang magkapatid
daw kayo. Noong una ay sa papa ninyo siya panig dahil galit na galit daw siya
kay Ms. Clarissa ngunit nang nalaman niya ang tunay na ugali ng inyong ama,
lalo na noong sinaktan ka at pini-pressure sa inyong relasyon ni Kuya Renan at
pinalayas pa si Kuya Renan mo sa bahay, doon niya natimbang na mas tamang doon
siya papanig kung saan ka.”
“Wow, updated.”
“Love ka ng kuya-utol mo.” Ang
samit ni Mico pahiwatig kay Jake.
Napangiting nahiya naman ako.
“Alam ko....” niyakap ko ang baywang ni Jake at kinagat ang kanyang braso.
“Maswerte ako na may Kuya Renan na ako na nagmamahal sa akin, may kuya-utol pa
ako na thoughtful at caring at suportado ako sa aking mga ginagawa.
Nakaka-touch nga eh.”
Ginulo naman ni Jake ang aking
buhok atsaka sinabunutan. “Totoo iyan!”
Tawanan.
Lumipas ang isang buwan at doon
na namin naramdaman ang epekto ng kakulangan sa pera. Mahina ang kita sa
palaisdaan gawa ng bagyo at halos araw-araw na masungit na kundisyon ng dagat,
at ang grocery na ipinatayo ni Ms. Clarissa ay halos hindi rin kumikita. Paubos
nang paubos na rin ang kanyang savings kaya medyo kinakabahan na siya. Nag-alala
siya para sa pag-aaral namin ni Jimjim.
“Malalampasan din natin ito,
Tita.” Ang sambit ni Kuya Renan. “Maghahanap ako ng trabaho” ang sambit niya.
Siya kasi ang humahawak sa palisdaan at medyo lugi pa.
“Ako rin po Tita… maghahanap ng
pagkadiskartehan.” Ang sambit din ni Jake. “Pero kaya natin iyan, Tita.
Tulong-tulong lang po tayo.”
“Kung sa pag-aaral lang naman
po, Mom, puwede rin namang laktawan ko ang sunod na enrolment. Okay lang sa
akin. Puwede akong maghanap ng trabaho, or puwede rin akong mag-apply ng
scholarship.” Ang sambit ko rin.
“Ako rin puwedeng hindi muna
mag-aral. Maninisid ako ng mga barya na ihahagis ng mga tao sa dagat.” Ang inosente
namang pagsingint ni Jimjim.
Doon na kami natawa. “Kaya pa
naman namin, Jimjim. Pero hayaan mo, kapag wala na kaming magagawa, ikaw na ang
maghahanapbuhay para sa amin.” Ang sagot ni Kuya Renan.
Tawanan uli.
Isang araw, habang kumakain
kami ay may nag-tao po. Sinilip ito ni Jimjim, “Sino po sila?” ang narinig
naming tanong ni Jimjim.
Ngunit bigla ring napalingon sa
amin ang bata. “Si Lolo Anton!”
Bigla kaming nagulat at
kinabahan. Natahimik kaming lahat.
“Nariyan ba si Lola mo, Jimjim!
Kakausapin ko lang siya!” ang boses ng taong nasa labas.
“Elvira, paki-tulak mo ang wheelchair
ko patungo sa kuwarto.” Ang narinig kong utos ni Ms. Clarissa. Hindi na niya
tinapos pa ang pagkain. Agad din itong sinunod ni Manang Elvira.
“Sige mom! Magtago lang po kayo
sa kuwarto! Kami na ang bahala rito.” Ang sambit ko.
“Papasukin niyo lang siya.
Huwag kayong matakot. Poder natin ito, puwede natin silang kasuhan kung gagawa
sila ng kalokohan.” Ang pahabol ni Ms. Clarissa.
Kaya binuksan ni Jake ang
pinto. Nang binuksan na, nakumpirma kong siya nga angaming ama. Pumasok siya
kasama ang dalawang body guards.
“Maupo muna kayo, Dad.” Ang
sambit ni Jake.
Umupo silang tatlo. “Nassan si
Ms. Clarissa?”
Hindi kami nakasagot agad gawa
nang hindi namin alam kung haharapin ba siya ni Ms. Clarissa. Tumalikod ako at
palihim na sinilip ang kuwarto ni Ms. Clarissa. “Mom… nariyan na sila.” Ang
pigil kong pagsasalita.
“Haharapin ko sila Bugoy.
Lalabas na ako.”
Maya-maya lang ay lumabas na si
Ms. Clarissa na naka-wheelchair, tulak-tulak ni Manang si Elvira. “Bakit ka
napadayo rito, Antonio?” ang tanong kaagad niya sa aming ama.
“Ang layo rito ah! Nakaabot ka
pa rin pala rito ng buhay? Pinuntahan kita sa apartment mo ngunit wala ka roon.
May apartment ka na pala? At ang ganda pa, malaki. Iba talaga ang nagagawa
kapag nang-aangkin ng kayamaman, ano?”
“Antonio, ang apartment ko ay
dati ko nang apartment at bunga ito ng sarili kong pagsisikap. Hindi iyon bunga
ng negosyo ng iba. And for your information, ibinalik ko na sa iyo ang mga
negosyo mo, hindi lang doble ang tubo kundi ilang doble pa. Hindi ko nilustay
ang negosyo mo. Hindi mo ba napansin?”
“Okay, tama ka riyan. Maganda
ang iyong pagpatakbo sa mga negosyo ko. Pero hindi sapat iyon upang ilkulong mo
ako ng ilang taon sa basement ng sarili kong bahay. Di ba? Bakit mo ako
ikinulong? Upang masolo mo ang kayamanan ko?”
“Actually, hindi sa kayamanan
mo kundi sa ugali mo. At sa ugali mong iyan, dapat lang na ikulong ka nang
habambuhay.” Ang palaban na sagot ni Ms. Clarissa.
“How dare you talk to me like
that! Ninakaw mo ang mga ari-arian ko, at ngayon ay pati mga anak ko, tangka mo
ring agawin sa akin?!! Ang kapal ng mukha mo! Walanghiya kang bakla ka!” ang
sigaw ng aking ama na nagliliyab ang mga mata at mistulang lalamunin ng buhay
si Ms. Clarissa.
“Antonio, sa sinabi ko na,
sinoli ko na sa iyo ang mga ari-arian mo, kasama na ang patong-patong na profit
at bagong acquired na properties at bank notes. At tungkol naman sa mga anak
mo, mga tao sila, Antonio, may sariling pag-iisip at disposisyon. Hindi sila
property na lagyan mo lang ng certificate of ownership, iyo na, walang
question. Pero ang mga tao, Antonio ay may damdamin. May pag-iisip. Siguro ay
iyan ang dapat mong pag-isipan. Di kaya may mali somehere sa iyo? Di kaya sa
pagdadala mo sa kanila? Ilang buwan mo pa lang ba silang nakapiling? Tatlo?
Apat? Bakit ayaw na nila sa iyo? Baguhin mo kasi ang ugali mo, Antonio. Iba ang
pagtrato sa mga ari-arian, iba rin ang pagtrato sa tao. Hindi lahat ng tao ay
nadadala sa pera at karangyaan, Antonio. Sa karamihan sa kanila, mas mahalaga
pa rin ang pagmamahal, ang pang-unawa!”
“Putang-ina mo! Huwag mo akong
pangaralan! Isang hampas-lupa ka lang nang dumating sa buhay ko!”
“Oo! Hampaslupa lang ako. Pero
alam mo, nagsisisi pa rin ako kung bakit ipinagpumilit ko ang sarili ko sa iyo
noon! Alam kong kung hindi kita naunahan sa pagkulong ko sa iyo sa basement,
ako ang ikukulong mo roon! Natandaan mo noong ikinulong mo ang inay ni Bugoy
roon? Ha?”
Kitang-kita ko ang pagkagulat
ng aking ama. Napatingin siya sa akin. “Anong ikinulong? Sino ang nagsabi sa
iyo na ikinulong ko ang ina ni Levi?” ang sagot niya.
“Huwag ka nang magmaang-maangan
pa, Antonio. Sinabi sa akin ng hardinero mo dahil siya ang inutusan mong itali
ang inay ni Bugoy at kaladkarin patungo sa basement! Ikinulong mo siya roon
dahil sa matinding selos! Hindi ba?!”
“Hindi totoo yan!”
“Kung hindi totoo… bakit umalis
siya sa iyo? Kung talagang galit siya nang malaman na may bakla kang kalaguyo,
bakit hindi niya ako kinompronta? Bakit hindi ka niya pinanindigan? Bakit hindi
ka niya hinabol at bawiin mula sa akin? Bakit mas ginusto pa niyang magtago at
magpakalayo-layo sa iyo??? Dahil takot siya sa iyo! Hindi mo ba naisip iyan?!!”
“Tama naaaa!” ang sigaw ng
aking ama at sinampal nang malakas.
Tumama ang malakas na sampal sa
mukha ni Ms. Clarissa. Muntik na siyang malaglag mula sa kanyang wheelchair.
Tumayo na sina Kuya Renan at Jake upang pigilan ang aking ama ngunit biglang
bumunot ng baril ang dalawang body guards itinutok ito sa kanila. “Itaas ang
kamay!”
Hindi nakapalag sina Kuya Renan
at Jake. Itinaas nila ang kanilang mga kamay.
Akmang lalapitan ko na rin sana
ang aking ama upang pigilan at harangan siya ngunit nang makita nila ako,
minuwestrahan nila akong tumabi kina Kuya Renan at Jake at itaas ang aking
kamay. Wala akong nagawa kundi ang itiaas din ang aking mga kamay.
“Matapang ka lang dahil sa mga
bodyguards mo! At dahil din sa kanila kung bakit wala kang takot pumatay ng
tao! Ilang tao na ba ang napatay at naipasalvage mo! Gusto mo bang pangalanan
ko sila?”
Muling pinagsasampal ng aking
ama si Ms. Clarissa. Mas malakas. Mas matindi ang galit. Doon na tuluyang nalaglag
si Ms. Clarissa. Nakahandusay siya sa sahig at duguan ang kanyang bibig.
At ang sunod na kaganapan ay
simbilis din ng kidlat na halos hindi ko mawari kung paano nangyari. Ang nakita
ko sa sandaling iyon ay yumuko si Manang Elvira at may hinablot sa baywang ni
Ms. Clarissa.
At… “Bang!” isang malakas na
putok ang aking narinig. Baril pala ang kinuha ni Ms. Clarissa mula sa kanyang
kuwarto nang narinig na ang aming ama ang nag-tao po. Inihanda niya ito na
proteksyon kung sakaling maging marahas ang pag-uusap nila ng aking ama. Ngunit
dahil sa kanyang kapansanan ay hindi na niya nakuha pang gamitin ito dahil
naunahan siya ng pananakit ng aking ama. At dahil alam ni Manang Elvira kung
para saan ang baril na iyon, siya na ang nagkusa na iputok iyon sa aking ama.
Ang sunod kong nakita ay ang
nakabulagta kong ama sa sahig. May tama siya sa ulo, may dugo at mapuputing
laman na tila pira-pirasong utak na nagkalat sa sahig. Sapol ang ulo ng aking
ama na binaril ni Manang Elvira.
Iyon ang pagkakataong hinintay
nina kuya Renan upang agawin ang baril ng dalawang body guard.
“Itaas ang mga kamay!” ang
sigaw ni Jake nang nasa kamay na nila ni Kuya Renan ang baril ng dalawang body
guards.
Halos hindi kami makaimik sa
sobrang pagkagulat. Habang si Manang Elvira naman ay kitang-kita ang
panginginig habang hawak-hawak pa rin ang baril na ginamit niya. Tila tulala
siya ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang galit.
Dali-dali akong tumawag ng
saklolo mula sa mga kapitabahay. May tumawag ng pulis, may tumawag ng
ambulansya.
“Huwag kang mag-alala, Elvira.
Self-defense ang ginawa mo. Isa pa, nandito sila sa ating poder. Kusa silang
pumasok. Tutulungan kita kapag kakasuhan ka nila.” Ang sambit ni Ms. Clarissa
nang nakaupo na siya sa wheelchair.
“Salamat po ma’am.”
“Ako ang dapat magpasalamat sa
iyo, Elvira... Baka kung hindi dahil sa ginawa mo, tayo rin ang mapahamak. Alam
mong sanay si Antonio na pumatay ng tao.”
“Ginawa ko lang ang dapat,
Ma’am. Ayokong makitang sinasaktan po kayo dahil sobrang bait ninyo po sa akin.
At kayo na lang po ang pamilya ko, Ma’am kaya talagang dadamayan po kita.”
***
MAKALIPAS ANG MAHIGIT ISANG
TAON.
Araw iyon nang Linggo. Nagsimba
kami ni Kuya Renan sa isang simabahan sa Quezon City. Simbahan ng mga LGBT daw
iyon. May kaibigan kasi siyang ikakasal doon at imbitado siya kaya dinala niya
rin ako. Sa totoo lang, nainggit ako sa eksena ng kasalan. Nagmartsa ang unang
lalaki na naka-amerikanang puti na may pulang rosas na nakasukbit sa harapang
bulsa. Nang nasa harap na siya ng altar ay nagmartsa naman ang isang lalaki na
may itim na coat at pulang rosas din sa harap ng bulsa.
“Ang sweet nilang tingnan!” ang
sigaw ko sa sarili.
Nang nasa punto na sila kung
saan ay magsasalita na sila ng “I do” sa di inaasahn ay may biglang sumulpot na
isang babae. Nagmamadali, halatang balisa na naglakad sa enter aisle. Gulat na
gulat ang mga tao at pati ang pari ay nahinto. Dahil dito, napalingon sa
kanilang likuran ang dalawang lalaking ikakasal at nakita nila ang babae. Kitang-kita
sa kanilang mukha ang pagkagulat. Nagkatinginan ang dalawang ikakasal. Parang
gustong itanong ng bawat isa sa kanilang partner ang “Sino siya?”
Ngunit walang interest sa
kanila ang nasabing babae. May ibang hinahanap ito. Nang nakita nila si Kuya
Renan at ako, doon na siya nagwawala at sumigaw. Itinuro niya ako, “Dalhin
ninyo iyan! Dalhin niyo iyan!!!” ang utos niya sa tatlong lalaking nakasunod sa
kanya na parang mga men-in-black at may dalang mga baril.
Kinaladkad nila ako palabas ng simbahan
habang pilit naman na nanlaban si Kuya Renan at hinawakan ako sa braso. Ngunit
hinarangan siya ng pangatlong lalaki at tinutukan ng baril. Hindi nakapanlaban
si Kuya Renan. Nagsitakbuhan ang mga tao.
Ipinasok nila ako sa isang van
atsaka doon ay itinali ang aking mga kamay at paa.
Sobrang kalituhan ang nadarama
ko sa sandaling iyon. Hindi ko alam kung bakit nila ako kinidnap. “Anong
kasalanan ko! Bakit ninyo ako kinidnap?!!!”
Binitiwan ng babae ang isang
malakas na halakhak. “Hindi mo alam? Tarantado kang bakla ka? Nilayuan ako ni
Renan nang dahil lang sa iyo?!!!”
“Huh!” ang pagkagulat ko. Wala
naman kasi akong alam na may babae si Kuya Renan sa kasalukuyan. Ang alam ko
lang ay dati. “Bakit sino ka ba?!!!” ang bulyaw ko.
“Malalaman mo mamaya bago ka
namin papatayin!”
“Sugar mommy ka ba niya?!”
Ngunit isang malaks na sampal
ang tumama sa aking pisngi. “Hindi ang hitsurang ito ang mag-sugar mommy sa
isang lalaki Tandaan mo iyan!” sabay diin ng kanyang hintuturo sa mukha ko.
“Pakawalan ninyo ako! Pakawalan
ninyo ako!” ang sigaw ko.
“Well… puwede ka naming
pakawalan ngunit sa isang kundisyon.”
“Anong kundisyon???”
“Hiwalayan mo si Renan.”
Hindi ako nakasagot.
Napakalaking bagay ang hiniling niya. Malalim ang aming pinagsamahan, maraming
masasakit at matatamis na alaala ang aming pinagdaanan. Marami kaming naisakripisyo
sa buhay dahil lang sa aming relasyon. Ngunit higit sa lahat, nagmamahalan
kami. Kaya hindi ko basta-bastang ibigay at i-give up si Kuya Renan sa kanya.
“Ayaw? O… di huwag! Pero
hintayin natin na sumunod siya para mas maganda ang magiging eksena kung saan
ay sama-sama kayong mamamatay!”
“Huwaggggg!!!
Doon na nila ako piniringan.
Nang nakarating na kami sa
kanilang destinasyon, pinaupo ako sa isang silya. Nang tinanggalan ako ng
piring, inikot ng aking mga mata ang paligid. Medyo madilim ang lugar at may nakatambak
na mga bakal at yero at mga basyong drums. Napagtanto ko na nasa loob kami ng
isang bakanteng bodega. May limang lalaki akong nakitang may bitbit na armas.
Ang babaeng leader naman nila ay nakatayo sa aking harap.
Nilapitan ako ng babae. Hindi
ko talaga siya kilala. Maiksi ang kanyang buhok, makapal ang foundation sa
kanyang mukha. Pati ang mga labi niyang oversized sa kapal ay namumutiktik sa
kulay na fuschia na hindi naman bagay dahil maitim ang kulay ng kanyang balat.
Hinagod ng kanyang daliri ang
aking mukha. Pilit na inilayo ko naman ito sa kanya. “Hmmm… ang cute mo rin ha,
in fairness. No wonder na nababaliw sa iyo si Renan ko.”
“Bakit? Kaano-ano mo ba si Kuya
Renan?!!”
Isang malakas na sampal ang
dumapo sa aking psingi. “Sinabi ko nang kasintahan ko siya! Hindi mo ba
naintindihan? Inagaw mo siya sa akin!”
“Hindi totoo iyan! Walang
kasintahan si Kuya Renan!”
“Iyan ang akala ko rin. Akala
ko ay wala siyang kasintahan. Ngunit mayroon palang iba! At lalaki!
L-a-l-a-k-e!!!” ang pag-emphasize niya sa salitang lalaki. “Baklaaaaa!!! At pinili
ka niya? Kadiri!”
“Ikaw ang kadiri! Pangit ka na
nga, pangit pa ang ugali mo!”
Muli na naman niya akong
sinampal.
“Nakailang sampal ka na ah!”
“Buti nga sampal pa lang iyan.
Mamaya… hintayin mo ang mangyayari excitement bago ko kayo papatayin.”
“Mapaparusahan ka rin sa ginawa
mong ito!”
“Hahahaha! Tingnan natin!
Anyway, maghintay na lang tayo sa iyong knight in shining armor upang iligtas
ka. Any moment now ay darating na siya. Oh-em-Geee! I can’t wait!!!”
“Darating siya kasama ang mga
pulis!”
“Hindi siguro besh!” ang
sarcastic niyang sagot. “Sinabihan siya ng isa kong tauhan na siya lang ang dapat
na magpunta rito. May number ako sa kanya eh. Heto o…” binasa niya ang number
na tugma rin sa number ni Kuya Renan.
Doon ako nagtaka kung bakit
mayroon siyang number. Naisip ko tuloy na baka totoo nga na magkasintahan sila.
“Kung magsama siya ng pulis,
hindi pa sila makapasok dito ay patay ka na. Ano, naniniwala ka na ngayon na
mayroon talaga kaming relasyon ni Renan?” at binitiwan uli ang isang malakas na
halakhak.
Maya-maya lang ay nakarinig ako
ng sigaw. Si Kuya Renan. Tila nag-iisa nga lang siya. “Mariel! Mariel! Pakawalan
mo si Bugoy!” ang sigaw niya.
Minuwestrahan ng babae ang mga
tauhan niya. “Papasukin ninyo siya. Let’s start the showwww!”
Nang nasa loob na si Kuya Renan,
agad na itinali ang mga kamay at paa niya ng mga tauhan ng babae. Pagkatapos ay
pinaupo siya sa aking tabi. Hindi pumalag si Kuya Renan. “Pakawalan mo na si
Bugoy Mariel. Maawa ka sa kanya!” ang pagmamakaawa ni Kuya Renan.
“Maawa? Naawa ka ba sa akin
nang iniwan mo ako? Naawa ka ba sa akin nang nagbuntis ako sa anak natin at
nalaglag ito dahil sa sobrang sama ng loob ko na iniwan mo ako sa Gensan???
Hindi Renan! Hindi ka naawa sa akin! Hindiiii! Hindiiiiii! At pinagpalit mo
lang ako sa isang bakla na ‘to?” sabay turo sa akin. “Kaya pagdusahan mo ang
ginawa mo sa akin, Renan! Pagdusahan mo!!!”
Napatingin ako kay Kuya Renan.
“S-so totoo iyong sinabi mo na may babae ka sa Gensan? Totoo pala iyon???” ang
tanong ko kay Kuya Renan na tumaas ang boses.
“Oo! Totoo ang lahat! Totoong
manloloko siya! Hindi ko rin akalain na manloloko pala ang Kuya Renan mo!
Pareho tayong naloko. Ngunit ako ang talo. Kaya dapat ay pagdusahan ninyo ang
ginawa ninyo sa akin!”
Sa pagkarinig ko noon ay hindi
ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Yumuko ako at hindi tiningnan
si Kuya Renan.
“Oh My God!!! Ang galing ng
drama!!! Panalong-panalo Bessss!” ang sarkastikong sigaw ni Mariel.
“Sorry, babe…” ang nakayukong
sambit ni Kuya Renan na lalo ko pang ikinainis.
“Okay ngayon ay maglalaro naman
tayo.” Ang sambit ni Mariel habang itinutok ang hawak niyang baril sa amin. “Ang
tawag sa larong ito ay ‘Kiss or Kill’” sabay halakhak. “Halikan-game ito.
Halikan sa lips. Hindi iyong bara-barang halik lang. Dapat ay torrid, with
feelings, iyong sipsipan ng laway at labi. Kapag iuutos ko sa iyo, Renan na halikan
mo si Bugoy ngunit ayaw mo siyang halikan, pasasabugin ko ang bungo ni Bugoy. At
ikaw naman Bugoy, kapag iuutos kong halikan mo si Renan, halikan mo rin siya
dahil kung ayaw mo siyang halikan, pasasabugin ko rin ang ulo ni Renan. Ano,
game?”
Hindi kami umimik. Naghalong
takot at sakit ng damdamin ang aking nadarama kay Kuya Renan sa sandaling iyon.
Nagtaksil na nga siya, hayun, pati ako ay mamamatay pa yata sa kabuwesitang pinaggagawa
niya.
“Okay! Game 1. Renan’s turn.
Halikan mo si Bugoy, daliiii!”
Agad na humalik si Kuya Renan
sa akin. Hindi na ako nakapalag. Hinayaan kong ibuka ang aking bibig ngunit
hindi ko sinuklian ang kanyang pagsisipsip sa aking labi at dila.
“Ouchhhh!!! Ang sakit!!! Ang
sakit Renannnnnnnnn! Putang-ina mo ang sarap pasabugin ng ulo mong hayop ka!!!”
ang sigaw ni Mariel na tila nababaliw.
Walang nagsalita sa amin ni
Kuya Renan.
“Ngayon ay game 2 naman. Si
Bugoy naman ang hahalik kay Renan. Okay?” Nahinto siya sandali. “Game!!! Halik
na Bugoy, daliiiii!!!” ang sambit ni Mariel.
Ngunit nagdadalawang-isip ako.
Sobrang nakakainis kasi ang ginawa niya sa akin. Tiningnan ko si Kuya Renan.
Nakayuko siya na tila inihanda ang sarili sa kung ano man ang magiging desisyon
ko at iputok ni Mariel ang baril sa ulo niya.
Dahil sa pagdadalawang-isip
ako, sumingit si Mariel. “Magbibilang ako, ng tatlo, Bugoy. Kapag hindi mo pa
rin siya hahalikan pagkatapos ko ng tatlong bilang, sabog ang ulo ng Kuya Renan
mo. Hindi ako nagbibiro. ISA! DALAWA! TAT…”
Hindi na niya naitulog pa ang
pagbilang sa pangatlo gawa nang hinalikan ko na sa Kuya Renan. Hindi ko matiis
na mamatay siya nang dahil lang sa pagdadamot ko ng halik.
“Wow!!! Nakaka-touch naman!
Grabe ang love nila sa isa’t-isa. Ang sarap nilang tingnan! Nakakalibog! Ganyan
ka ba, Bugoy? Niloko ka na niya’t lahat tapos sinagip mo pa rin ang bungo niya?
Gash, nakakainggit ang pagmamahalan ninyo! Palakpakan naman kayo d’yan!!!” ang
baling niya sa kanyag mga tauhan.
Nagpalakpakan sila.
“Oh God. Ang sakittttt!!!”
Nahinto siya. “Ngayon naman ay game 3. Kasali na ako sa laro. At ito ang mas
exciting… Masaya talaga ito, pramis.”
Nakikinig lang kami. Matindi
ang kalampag sa aking dibdib.
“Handa na ba kayo?” sabay bitiw
ng malakas na halakhak, iyong parang nababaliw. “Heto ang instruction, makinig
kayo. Ako naman ngayon ang hahalikan ni Renan. Kapag hindi ako hinalikan ni
Renan, sabog ang ulo ni Bugoy…” Nahinto siya at tiningnan si Kuya Renan. “Oh My
God!!! Na-miss ko pa naman ang halik ni Renan! Sabik na sabik na ako!” ang sigaw
ni Mariel.
“Okay… ilapit ko ang mga labi
ko sa mga labi ni Renan.” Inilapit niya ang mga labi niya sa mukha ni Renan.
Tiningnan ako ni Kuya Renan.
Ibinaling ko ang aking paningin sa kabilang direksyon. Ayaw kong makita silang
naghahalikan. Nasasaktan ako. Nasa isip ko kasi na hahalikan niya si Mariel
upang hindi mabaril ang ulo ko.
Ngunit narinig ko na lang na
nagalit si Mariel. “Renan! Ayaw mo ba talaga akong halikan? Magbibilang ako!
Tingnan mo itong baril na nakatutok kay bugoy. Pasasabugin ko talaga ang ulo
niya! ISA! DALAWA! TATLO!!!” ang sigaw niya.
Doon ay lalo pa akong natakot. Ipinikit
ko ang aking mga mata upang hindi ko makita ang pagputok ng baril sa aking
bungo. At ang sunod na narinig ko ay, “BANG!!!”
Nang imulat ko ang aking mga
mata. Nakita kong nakahandusay sa sahig na semento si Kuya Renan. Duguan at
tila wala nang buhay. Iniharang pala niya ang kanyang katawan nang akmang
paputukin na ni Mariel ang kanyang baril kung kaya siya ang natamaan.
Lalo akong naawa kay Kuya
Renan. Ibinagsak ko ang aking katawan sa sahig. Dahil hindi ako makagalaw,
nagtabi kaming nakahiga. Kitang-kita ko pa ang patuloy na pag-agos ng dugo mula
sa kanyang noo, ang kanyang mga mata ay nakadilat. “Kuya... Kuya...” ang
nasambit ko lang na halos pabulong. Hindi ako halos makasigaw bunsod ng
magkahalong emosyong sobrang galit, pagkaawa sa kanya, at matinding lungkot. Kagaya
ng aking katawan na tinalian, halos pigil din ang paglabas ng boses mula sa
aking bibig.
Inilapit ko pa ang aking
katawan sa kanyang mukha at hinalikan ko siya. Nalasahan ko pa ang kanyang dugo
na tumalsik mula sa kanyang noo. “Kuya... gumising ka! Gumising ka Kuya...”
Nang muling humalakhak si
Mariel, inangat ko ang aking ulo at tiningnan ko siya. Nakatutok na sa aking
ulo ang kanyang baril. “Dahil patay na ang dakilang manloloko, it’s time, Bugoy
na sumunod ka na sa rin kanya. Magsama na kayo sa impiyerno!” ang sigaw niya.
Doon na ako nakasigaw ng
malakas. Tila puputok ang aking baga sa lakas ng aking pagsigaw. “HUWAAAAAAGGGGGGGG!!!!!!!!”
“BANG! BANG! BANG!” Iyon na ang
huli kong narinig.
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment