By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Ian
Bumalik na naman ang pagiging sweet
ng nina “Tok” at “Hang”. Dahil nakapagbitiw na ng salita si Timmy na hindi na
niya ipapabago ang kanyang apilyedo, sinabi sa kanya ni John na ang mana niya
ay magiging kanya na rin daw.
Dahil
sa pagbabalikan nina Timmy at John, muling naging masaya ang samahan ng barkada.
Palaging nagsasama-sama sa umpukan, sa break time, at sa mga school activities.
Marami rin silang plano.
Pero
syempre, may isang nilalang na abot-langit ang inis dahil na out-of-place na
siya at tuluyan na siyang hindi pinansin nina Timmy at John. Ngunit todo-effort
pa rin si Julie sa pangungulit.
Isang araw habang nasa student center
ang magbarkada at nagkukuwentuhan, biglang sumulpot si Julie, may kasamang
tatlong estudyante na bagong kaibigan niya. Umupo sila sa may katabing mesa
kung saan sina Timmy, John at mga barkada. Mukhang mga anak-mayaman din. At
kung titingnan ay maypagka matapobre, taas-noo na dumaan sa umpukan ng grupo
nina Timmy at John.
“Mabuti pa ang ibang lalaki d’yan...
gagawin ang lahat magka-pera lang, kahit makipagboyfriend ng lalaki.” Ang
pasaring ni Julie nang nakaupo na sila sa katabing mesa sabay tawanan naman ng
grupo nila.
Biglang napalingon si Timmy sa
kinaroroonan nila. Ngunit mas nag-init si John. Tatayo na sana siya upang
tumbukin ang grupo nina Julie. Ngunit pinigilan siya ni Timmy. “Huwag mo nang
pansinin!” ang sambit niya.
“Tama Hang. Huwag mo na siyang
pansinin. Away babae to, ako ang sasagot riyan.”
“Ano kaya ang hitsura ng dalawang
lalaking nagtitirahan sa puwet no?” ang pasaring uli ni Julie.
Doon na sumagot din ng pasaring si
Joy, “Ano kaya ang nararamdaman ng isang pokpok kapag hindi pinapansin ng
guwapong lalaki no? Ang sakit lang bessssssss!” ang sigaw na pasaring din ni
Joy, tapos binulungan sina Jane, Daniel, Emily, Jeff na “Tumawa naman kayo!”
Kaya tumawa kunyari ang grupo.
“Bakit ‘di pinapansin ng lalaki ang
isang pokpok?” sabay sambit uli ni Joy sabay bulgn kay Emily ng “Sagot!”
Kaya sumagot si Emily. “Bakit?”
“Kasi maluwag na!”
Tumawa uli ang grupo.
Doon na umusok ang ilong ni Julie sa
galit. Tumayo ito at hinarap si Joy. “Ako ba ang pinasaringan mo na pokpok?”
ang galit na galit na tanong niya.
Tiningnan ni Joy si Julie. “Bato-baot
sa langit ang tamaan ay... sapol!” sabay tawa. “Wala naman akong binanggit na
name Besssss! Bat ganyan ka kung makareact? Guilty ba besss?”
“Putangina moooo!” ang sigaw ni Julie
na akmang sambunutan sana si Joy.
Ngunit mabilis na nakatayo si Joy at
nakailag sa kanyang pagsambunot. Doon na nagtatalak si Julie. “Palibhasa ay mga
hampaslupa kayo, low class, mga taga-bukid! Nakatungtong lang ng unibersidad ay
akala mo mayaman na rin! Putangina ninyo! Iyang Joy na iyan akala mo naman
kagandahan! Ang pangit ng mukha, ang pangit pa ng ugali!”
“Naka-drugs ka te? Kung maganda ka
sana, e di nakulembat mo na sana ang lalaking gusto mo. Hindi eh. Kaya quiet ka
na lang.” Ang sagot ni Joy habang minuwestrahan niya ang mga barkada na tumayo,
atsaka binulungan, “Laruin natin ang ‘Taga-saan ka Challenge’ pero ang sagot ay
‘sa lugar ng mga pokpok, sa kalye ng bahay ng haliparot na yan sa Paco
Street.’”
Habang naglitanya si Julie ng
panlalait sa kanila, tumayo ang magbarkada na ikinagulat naman ni Julie, akala
ay susuguriin siya. “Fe... tagasaan ka?” sabay patugtog ng ng kanyang cp.
Natawang sinagot ni Fe ang tanong ni
Joy. “Taga Paco, sa lugar ng mga pokpok” at sumayaw si Fe. Nagtawanan ang
barkada.
“Taga-saan ka Emily?” ang sunod na
tanong ni Joy.
Ganoon din ang sagot ni Emily “Taga
Paco, sa lugar ng mga pokpok” at sumayaw din si Emily. Nagtawanan uli ang mga
barkada.
Hanggang sa lahat sila ay natanong na
ni Joy. At si Jeff naman ang nagtanong, “Taga-saan ka Joy?”
Doon na humarap si Joy kay Julie na
mistulang natulala at hindi na makapagsalita sa kanilang ginawa, “Taga Paco, sa
lugar ng mga pokpok at bitter!” at sumayaw si Joy na nang-inis kay Julie.
At dahil nagsitayuan ang iba pang mga
estudyante, tinanong na rin ni Joy ang mga nakita niyang freshmen, “Taga saan
ka, Jick?”
Malakas na tawa naman ang isinagot ni
Jick. “Taga roon sa lugar ninyo!” ang sagot niya. At nang tumugtog na ang
kanta, ay walang kyeme na sumayaw rin. Hanggang halos lahat na estudyante na
naroon sa center ay tinanong ni Joy na masaya ring nakisali. Hanggang masayang
nagpalakpakan ang lahat sa bawat sasayaw kapag tinanong ni Joy. Ang seryosong
pag-uumpukan ng mga estudyante sa student center na iyon ay nauwi sa tawanan at
kasiyahan para sa ahat na naroon, maliban na lang kina Julie.
Nang halos natanong na ni Joy ang
lahat, hinarap ni Joy si Julie, “Ikaw Miss, taga-saan ka?” tapos pinatugtog ang
kanta sa kanyagn cp.
Ngunit sinagot siya ni Julie at dinuro
pa. “Fcuk You! Hindi pa tayo tapos! Tingnan natin kung masaya pa rin kayo sa
gagawin ko sa inyo!” sabay talikod at nag-walk out na nagdadabog kasama ang
kanyang mga barkada.
“Talaga Miss? Taga-saan ka nga Miss!
Taga Paco ka rin ba? Missssss! Taga-saan ka?!!!” ang sigaw ni Joy kay Julie.
Nagtawanan na lang ang mga estudyante sa
student center na iyon.
Halos
perpekto na ang lahat sa panig nina Timmy at John. Ang hinihintay na lamang
nila ay ang kanilang pagtapos ng pag-aaral upang tuluyan na silang magsama sa
Maynila at doon ay pamunuan nila ang pagpapatakbo sa negosyo na iniwan ng ama
ni John.
“Kapag nakapagtapos na tayo ng
pag-aaral Tok, gusto kong magsama na tayo. Doon tayo sa Manila manirahan at
pamunuan ang pagpapatakbo ng negosyo ng daddy. Maaari rin nating ituloy ang
pag-aral ng Master’s Degree sa ibang bansa at doon ay magsama rin tayo. Doon ay
walang mapanghusga, ang mga tao ay tanggap ang mga gaya natin. Doon ay
mag-iisang dibdib tayo, maaaring mag-ampon tayo ng bata, o maghanap ng babaeng
babayaran natin upang maging surrogate mother ng ating mga anak.” Ang sambit ni
John isang gabi habang nakaupo sila sa tabi ng pampang.
“Malayo pa naman iyon… marami pang
puwedeng mangyari. Hindi lang natin alam.” Ang sagot naman ni Timmy.
“Syempre, marami pa talagang
mangyayari. Kagaya ng gagraduate tayo, tapos, mag-aaral sa labas ng bansa,
tapos, tayo na ang mag-manage sa group of companies ng daddy.”
Binitiwan ni Timmy ang isang hilaw na
ngiti. “Tama. At maliban d’yan hindi rin natin alam kung ano pa man ang iba
pang maaaring mangyayari. Kaya kung ano man ang mayroon tayo ngayon, i-enjoy na
lang natin.” Ang sagot ni Timmy.
Sabado iyon, walang pasok ngunit
pumunta ng eskuwelahan si Timmy dahil may meeting ang student council. Dahil
president siya ng Freshmen kanilang department kung kaya ay dapat naroon din
siya. Si John naman ay nagtungo sa apartment niya gawa nang pinatawag siya ng
kanyang Tito.
Nang
pauwi na si Timmy pagkatapos ng meeting ay napadaan siya sa basketball court.
Nakita niya roon na naglalaro si Ian,
walang kasamang nagso-shoot ng bola. Si Ian
ay varsity player ng unibersidad sa larong basketball. MVP ng team, tinitilian
ng mga babae at bakla at kinaiinggitan ng mgalalaki. Hindi lang kasi matangkad
si Ian, hindi rin matawaran ang kapogian at malakas na appeal nito. At bagamat
2nd year pa lang siya sa kursong Engineering, napakagaling niyang
maglaro.
Dahil
nagmamadali si Timmy, hindi niya binigyang-pansin si Ian na abala sa
pagpapractice. Isa pa, hindi naman niya talaga kaibigan iyong tao. Wala silang
common friend, magkaiba ang kanilang departamento, at hindi sila magkaklase
kahit ni isang subject. Nakilala lang niya ito dahil napanood niya isang beses
ang laro ng team ng friendship match kalaban ang isang private na unibersidad
sa rehiyon at napahanga siya sa laro ni Ian.
“Hi
Timmy!” ang pagbati ni Ian na nakangiti kay Timmy.
Gulat
na nahinto si Timmy at napalingon sa kinaroroonan ni Ian. Hindi niya akalain na
alam ni Ian ang kanyang pangalan. “H-hi!” sagot din niya.
“Halika
pare, samahan mo muna akong maglaro!” ang pag-anyaya ni Ian kay Timmy.
“Eh...
n-nagmamadali kasi ako, pare.” Ang sagot ni Timmy.
“Sige
na pare... nakikipagkaibigan na nga iyong tao sa iyo, eh.” Ang sambit ni Ian.
Hindi
nakasagot agad si Timmy. Nakatingin lang siya kay Ian na halata sa mukha ang
pagdadalawang-isip. Baka kasi hanapin siya ni John at magagalit kung malamang
tapos na ang meeting ngunit kung saan-saan siya nagpunta.
“Sige
na. Sige ka, magtatampo ako sa iyo. Ang impression ko sa iyo ay suplado.” Ang
giit pa ni Ian.
Kaya
wala nang nagawa si Timmy kundi ilapag ang kanyang bag sa ibabaw ng sementong
upuan sa gilid ng basketball court. Matagal na rin siyang hindi nakapaglaro ng
basketball.
Habang
naglalaro sila, tinatanong naman siya ni Timmy. “Paano mo nalaman ang pangalan
ko, pare?”
“Di mo alam?
Sikat ka kaya sa campus.” Ang sagot naman ni Ian.
Napa-“Huh!”
naman si Timmy. “Paanong sikat pare?”
“Sikat.
Campus crush, campus heartthrob...”
Biglang
ibinato ni Timmy ang bola kay Ian. “Niloloko mo ako eh! Paano nga?” ang biro ni
Timmy na may halong pagkainis.
Sinalo ni
Ian ang bola at nahinto. “Di nga pare. Sa mga batch ko, ang daming chicks.
Kapag nag-uumpukan ang mga iyan, hindi nawawala ang paborito nilang subject, Timmynology.” Ang sagot ni Ian sabay
dribble uli sa bola sa harap ni Timmy na nanunudyong agawin iyon sa kanya.
Natawa si
Timmy sabay din tangka na agawin ang bola na dini-dribble ni Ian. “Di nga? Di
naman matino na kausap ‘to.”
“Totoo ang
sabi ko. Kung sa babae ka pa raw, beauty and brain. Nakapaskil kasi ang name mo
sa bulletin board bilang isa sa mga Dean’s Lister sa first quarter ngsemester
eh. Nai-insecure nga ako sa iyo eh. Mga ka-batch ko hindi na ako ang idol. Noon
lang daw nila ako idol nang hindi ka pa dumating. Ngayong naumay na raw sila sa
pagmumukha ko, ikaw naman ang idol nila. Kaya nagtanong-tanong ako tungkol sa
iyo. Tapos noong dumaan ako sa student center kasama ko ang isang classmate na
babaeng nababaliw din sa iyo, itinuro niya ikaw na kasama ang mga first year
din na mga Business Admin students.” Ang sagot ni Ian sabay dunk sa bola sa
ring. Shoot.
Nasalo ni
Timmy ang bola. “Di nga, pare?” ang sambit niya habang siya naman ang
nagdribble sa bola.
“Totoo. Kaya
sabi ko sa sarili, ‘Kaibiganin ko nga ito para kahit papaano ay maambunan ako
ng kapogian.’” Ang sagot ni Ian na tinangkang agawin ang bola mula kay Timmy.
“Weee! Ang
dami ngang chicks d’yan na tumitili sa iyo.” Sabay dunk naman sa bola. Shoot.
“Sa court
iyon pare. Iyan ang teritoryo ko. Kapag naglalaro. Pero ang sa iyo, buong
campus talaga ng unibersidad. Kahit dadaan ka lang sa mga classrooms,
magtitilian na sila kapag nakalampas ka na.” Sago tni Ian habang dini-dribble
ang bola.
“Huwag na
nga nating pag-usapan iyan. Kinikilabutan ako eh!” Ang sambit ni Timmy.
“Ano ang
gusto mong pag-usapan natin?” ang tanong ni Ian.
“Wala. Ayoko
na... alis na ako, pare.”
Huminto sa
pagdi-dribble si Ian. Iniabot niya ang kanyang kamay kay Timmy. “Ian pare.”
Tinanggap ni
Timmy ang pakikipagkamay ni Ian. “Timmy.” Ang sagot niya. “Uuwi na ako, pare.”
Ang giit ni Timmy.
“Sandali...
mag-snack muna tayo. Ako ang taya.” Ang pag-anyaya naman ni Ian.
Nahinto si
Timmy. Nag-alangan. Gusto na talaga niyang umuwi.
“Please? May
sasabihin lang ako sa iyo.”
“T-tungkol
saan?” ang
“Basta,
personal.” Ang sagot ni Ian na tinumbok ang upuan kung saan nakalagay ang
kanyang bag. Dinampot niya ang kanyang bag. “Tara!” sambit niya.
Wala na
namang nagawa si Timmy. Binuntutan niya si Ian na naglakad patungo sa canteen.
Nag-order si
Ian ng dalawang tuna sandwich at dalawang soft drinks. “May gusto ka pang
kainin?” ang tanong ni Ian.
Umiling si
Timmy.
Nang naupo
na silang pareho at nagsimulang kumain, tinanong ni Timmy si Ian. “A-ano iyong
sasabihin mo sa akin, pare?”
Tinitigan ni
Ian si Timmy. “Ulila ka na pala sa mga magulang?” ang tanong ni Ian.
Tumango si
Timmy. “Paano mo nalaman?”
“Syempre,
marami kang stalker. Pati ako naging stalker mo na rin.”
Binitiwan ni
Timmy ang isang hilaw ng ngiti. “OA ka eh! MVP ng unibersidad magtatyaga sa
pang-iistalk sa isang hamak na tulad ko? B-bakit?”
“OA na kung
OA. Pero ang purpose ko lang naman ay upang maging kaibigan mo. Nakita ko kasi
na mabait ka, at dahil pareho tayo ng kalagayan, puwede akong mag confide sa
iyo ng mga hinaing na may kinalaman sa pagiging ulila. Ika nga, ‘we’re on the
same boat’. Tama ba? Atsaka, na-impress ako sa iyo. Kahit ganyan ka, ang galing
mo sa klase, parang normal lang ang buhay mo. Parang wala lang nangyari sa iyo.
Idol na kita.” Ang sambit ni Ian na seryoso sa pagsasalita..”
Natahimik
sandali si Timmy. “Bakit ikaw, ganoon ka rin naman ah! Nag excel ka sa
basketball. Nakita kita noong huli mong laro, ang saya mong tingnan. Akala ko nga,
anak-mayaman na spoiled brat ka. Parang wala ka naman kasing problema. Ang dami
mong kaibigan, palangiti ka.”
“Iyan ang
akala ng marami... Iyong pakiramdam na nasa gitna ka ng maraming tao ngunit
pakiramdam mo ay nag-iisa ka dahil kahit nakikipagngitian ka sa kanila, hindi
nila talaga alam ang tunay na saloobin mo. Parang kaplastikan lang ang lahat.”
“Ah...” ang
sagot ni Timmy. Nararamdaman din kasi niya iyon minsan. Bagamat masaya naman
siya sa mga kaibigan niya, may mga pagkakataon din na parang nag-iisa lang siya
sa mundo. “So, nag-iisa ka lang din sa bahay mo?” ang tanong ni Timmy.
“Inampon ako
ng isang lalaking mayaman...” nahinto siya sandali, “...isang tagong bakla.
Siya ang kasama ko.”
“Oww?” ang
gulat na sabi ni Timmy. “B-bat malungkot ka kung okay naman ang pag-ampon niya
sa iyo?”
“Iyon na nga
eh. N-nakakahiya pero atin-atin lang ito, ha. Ginawa niya kasi akong parausan.
Sex toy, lihim na boyfriend. Sa labas, ang pakilala niya sa akin ay anak niya,
na single father siya. Halos gabi-gabi ay ginagamit niya ako. Iyon bang habang
nagsi-sex kami, diring-diro ako sa aking sarili. Iyong feeling na nasusuka ako
sa aking sarili, sa pinaggagawa niya sa akin. Sirang-sira ang aking pagkatao,
tila napakalitt na ng respeto ko sa aking sarili.” Ang sambit niya habang
dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Lihim niya iton pinahid.
“B-bakit
ayaw mong umalis sa kanyang poder?”
“Hindi ako
puwedeng umalis dahil nag-aaral pa ako at saan naman ako tutungo? Atsaka, kapag
isinumbong ko siya, mapapahiya rin ako. Ayoko ng ganoon.
“W-wala ka
bang kamag-anak?”
“Hindi ko nga
rin alam ang aking mga magulang dahil iniwan lang daw ako sa gate ng
bahay-ampunan noong sanggol pa lang ako. Hindi ko alam kung sino ako, kung sino
ang mga kamag-anak ko.”
“G-ganoon
ba? Ang hirap pala ng kalagayan mo.” Ang sambit ni Timmy na hinawakan ang kamay
ni Ian.
“Kaya nga
nang malaman kong ulila ka na rin, sabi ko, at least may mapagsabihin na rin
ako sa mga saloobin ko.”
Tumango lang
si Timmy, binitiwan ang isang matipid na ngiti. “Makakaasa ka. Paano kita
matutulungan?”
“Wala... ang
mahalaga sa akin ay may mapagsasabihin lang ako. Titiisin ko na lang ang
dalawang taon pang pag-aaral atsaka lalayas na ako sa poder niya.” Ang sambit
ni Ian. “Sana ay makahanap kaagad ako ng work.” Ang dugtong niya.
Naisip agad
ni Timmy si John, na siya nang may-ari sa mga negosyo na iniwan ng kanyang
daddy. “Huwag kang mag-alala. Kapag graduate ka na, tutulungang kita.” Ang
sagot ni Timmy.
“Talaga?
Salamat kung ganoon.”
“Walang
anuman, pare. Simula ngayon, kapag kailangan mo ng kausap, narito lang ako.” Nagpalitan
sila ng mga numero nila sa telepono.
“Maraming
salamat talaga, pare.” Ang sambit ni Ian. “Basta, sa atin na lang iyong sinabi
ko sa iyo tungkol sa buhay ko, ha? Alam mo naman, nakakhiya...”
“Makakaasa
ka.”
Naputol ang
kanilang pag-uusap nang nagring ang cell phone ni Timmy. Si John. Tumayo si
Timmy at lumayo kay Ian nang sinagot na niya ang tawag ni John. Nagtanong kung
nasaan siya.
“Nandito pa
ako sa campus. N-natagalan ang aming meeting.” Ang pag-aalibi ni Timmy.
“Okay, dito
ka na dumaan sa apartment, at sabay na tayong umuwi.” Ang sagot ni John.
Nang bumalik
si Timmy kay Ian, “Si John ba iyong tumawag?” ang tanong ni Ian.
“O-oo.” Ang
sagot ni Timmy.
“Kilala mo
rin siya?”
“Oo naman.
Stalker mo kaya ako, di ba?” sabay tawa.
“Ah. Okay.”
Ang sagot ni Timmy. Gusto pa sana niyang tanunging kung alam din niya ang
kuwaento nila ni John ngunit naunahan siya ng hiya. “Uuwi na ako, Ian.” Ang
pagpaaalam na lang ni Timmy.
Iyon ang
simula nang lihim na pakikipagkaibigan ni Timmy kay Ian. Simula noon ay palagi
nang nakatanggap ng text si Timmy mula kay Ian, at sinasagot naman niya it.
Pinagbawalan nga lang niyang tumawag si Ian, unless emergency ito.
Isang hapon
ng sabado ay nakatanggap ng tawag si Timmy. Nagkataon namang nasa loob siya ng
bahay habang si John ay nasa labas, tini-train si Tok-Hang. Matagal na kasing
tini-train ni Johnny si Tokhang. Matalinong kabayo kasi ito at nakakaintindi ng
salita o utos kagaya ng aso. Inuutuaan niyang humiga, tumagilid, itatapon ang isang
bagay na kukunin ni Tokhang upang ibalik sa kanya, tinuruan din ni John si
Tokhang sa pagtanggal ng tali niya, in case daw kapag may emergency at nakatali
ang kabayo, kaya niyang tanggalin ang tali kapag makarinig ng tawag at
tutulungan niya kung sino man ang tumawag sa kanya. Kaya iyon ang
pinagkakaabalahan ni John.
“Bakit ka
napatawag?” ang sagot ni Timmy habang sinilip ang labas ng bahay paniguradong
nasa labas si John.
“Hirap na
hirap na ako rito pare... depressed ako.” Ang sabi ng boses sa kabilang linya
na nag-iiyak.
“Anong
maitutulong ko?” ang sagot ni Timmy.
“Sana
puntahan mo ako sa bahay.”
“Wala ba
riyan ang daddy mo?”
“Wala
umalis. Sa makalawa pa ang balik, nasa Manila siya, may meeting.”
“Okay,
tingnan ko kung maka-alis ako, tatawagan kita. Okay?”
“John...
m-may emergency meeting daw ang student council. Kailangan kong mag-attend.”
“Okay...
ihahatid na kita at doon na lang din ako maghintay sa iyo sa apartment.”
Iyon ang
napagkasunduan. Agad na tinext ni Timmy si Ian na makakarating siya.
Nang nasa
may gate na sila ng unibersidad, pumasok na si Timmy habang si John ay
dumeretso ng apartment. Dahil hindi naman talaga ang unibersidad ang pakay ni
Timmy, naghintay pa siya ng ilang sandali upang makalayo si John at makapuslit
siya patungo sa bahay ni Ian.
Nakarating
si Timmy sa bahay ni Ian. Nang naroon na siya, sinalubong siya ni Ian. “Ang
gara naman ng bahay ninyo. May dalawang sasakyan pa.”
“Bahay lang
niya ito. Magara tingnan pero impyerno ang loob nito.”
“O, anong
nangyari?” ang sambit niya.
“Wala, gusto
ko lang may makausap. Natatakot baka hinid ko ma-control ang sarili ko
magpatiwakal ako kapag wala akong kausap.”
“Okay, okay.
Pero hindi ako magtatagal ha?”
Tumango si
Ian. “Sabayan mo akong mag-inom para kapag nalasing ako ay makatulog ako at
puwede mo na akong iwanan.”
“Okay.” Ang
sagot ni Timmy.
Tumayo si
Ian at tinumbok ang refrigerator, kumuha ng ilang beer. Binuksan niya ang
dalawang beer atsaka iniabot ang isa kay Timmy.
“Isang beer
lang ang inumin ko ha?” ang sambit ni Timmy.
“Sige...”
Mahigit
sampung beer na ang naimom ni Ian at hinid pa rin ito makatulog. Nagsasalita pa
rin at umiiyak. Hindi raw mawaglit sa kanyang isip ang mga kahayupang ginagawa
sa kanya ng kanyang ama-amahan. Si Timmy naman ay naka anim na beer na rin at
medyo lasing na.
Marahil ay
dahil lasing na, umaakbay-akbay na si Ian kay Timmy habang nagsasalita at
umiiyak. At syempre, walang malisya iyon para kay Timmy dahil nga lasing iyong
tao at kailangang damayan at baka magbigti. Inakbayan na rin ni Timmy si Ian.
Hanggang sa
umabot sa puntong niyakap na ni Ian si Timmy nang mahigpit at biglang hinalikan
siya sa bibig. Halos hindi makapalag si Timmy sa higpit ng pagkayakap sa kanya
ni Ian.
Iyon din ang
punto kung saan ay biglang sumulpot si John! “Putanginaaaaaaaaaa!!!” ang sigaw
niya.
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment