By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Tiningnan
ko ang papa ni John at pagkatapos ay dali-dali rin akong tumalikod at hinabol
si John. “John! John!!!” ang sigaw ko.
Ngunit
hindi niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa kanyang pagtakbo hanggang
umabot ang paghahabol ko sa kanya sa bayan. Nang makita niya ang isang building
ay pumasok siya rito. Kinabahan akong bigla dahil baka may masama siyang
iniisip. Binilisan ko pa ang pagtakbo upang mahabol ko siya. Umakyat siya sa
hagdanan pataas hanggang sa ika-walong palapag, sa pinaka-roof top nito. Nang
nasa itaas na, huminto siya at umupo sa may sementong banko malapit sa may
harang, nakaharap sa dagat. Yumuko siya, itinukod sa kanyang mukha ang dalawa
niyang kamay.
“John...”
ang sambit ko habang umupo ako sa tabi niya, tinatapik-tapik ko ang kanyang
likod. “I’m sorry, John.” Ang sambit ko.
Hindi
siya sumagot. Nang sinilip ko ang kanyang mukha, nakita kong umiiyak siya.
Hindi na lang ako nagsalita. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay.
Nilingon
niya ako. “M-magkapatid tayo, Tok?” ang tanong niya.
“Hindi
ka ba masaya?” ang sagot ko.
Muli
siyang yumuko. Hindi nakasagot agad. “M-masaya sana...” muling nahinto at
tiningnan ako. “Hindi ko alam. Paano na lang tayo?”
Binitiwan
ko ang isang malalim na buntong hininga. “Hindi ko rin alam John. Kung kailan
tanggap na kita. Kung kailan tanggap ko na ang relasyon natin...”
“Mahal
mo ba ako, Tok?”
Tumango
ako.
Umusog
siya palapit sa akin. Inakbayan niya ako. “Mahal na mahal din kita.” Ang sagot
niya.
“G-gusto
mo bang magtanan tayo?” ang sambit niya.
“Huwag.
Masisira ang pag-aaral natin. Masisira ang mga plano natin sa buhay. Ipinangako
ko sa inay na makapagtapos ako ng pag-aaral.”
“Paano
tayo?” Ang tanong niya.
“Magkasama
pa rin naman tayo bilang magkapatid, di ba? Di ba ang pagiging magkapatid ay
habambuhay? Kahit ano ang mangyayari, pagbaliktarin man ang mundo, ang
magkapatid ay mananatiling magkapatid. Di ba?” ang sabi ko.
“Habambuhay...”
ang pag-ulit niya sa aking sinasabi. Saglit na nahinto. “Pero isang araw aalis
ka rin sa pamilya natin, maghanap ka ng sarili mong pamilya. Maghihiwalay din
tayo.” Ang sagot niya.
“Hindi
kita puwedeng iwanan John. Ngayong alam kong magkapatid tayo, paano kita iiwan?
Ikaw lang ang nag-iisa kong kapatid. Hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng
isang kapatid. Ikaw ba ay naranasan mo na?”
“Hindi
rin. Pero... magkaiba kasi ang magkapatid sa magkarelasyon. May mga bagay na
puwedeng gawin ng magkarelasyon at hindi puwede sa magkapatid...”
“Oo
naman. Pero ang magkapatid ay magkarugtong ang buhay. Iisa lang ang pinagmulan
ng dugo na dumadaloy sa kanilang kaugatan.
Hindi
siya nakasagot agad. “G-gusto kong ganoon pa rin tayo, Tok. Magkatabi sa higaan,
sabay sa pagtulog. Palaging magkasama.”
“Okay
lang naman sa akin kung magtabi tayo sa higaan at sabay sa pagtulog. Okay rin
sa akin na palagi tayogn magsasama. Kahit mga gamit ko ay pakialaman mo kagaya
pa rin ngayon, okay lang.” Ang sabi ko na lang bagamat pumasok sa aking utak na
hindi na puwedeng may mangyaring sex sa amin.
“Talaga?”
ang sagot niya.
“Oo.”
Ang sagot ko rin upang hindi na siya malungkot at mabilis niyang matanggap ang
lahat.
“Papayagan
mo pa rin akong yakapin ka?”
“Oo.”
“Isingit
ko ang aking bisisg sa ilalim ng iyong ulo sa pagtulog upang gawin mong unan?”
“Oo.”
“Kagat-kagatin
ko ang leeg mo, ang dibdib mo kapag nangigigil ako?”
“Oo.
Kahit paglalaba ng brief ko, ikaw pa rin ang gagawa. Kahit ipagluto mo pa rin
ako ng sunog o di kaya ay maalat na piniritong itlog, o kaya ay iyong signature
mong luto na sinigang na walang sabaw.”
Tiningnan
niya ako at hinigpitan niya ang pag-akbay sa akin, iyong magkahalong akbay at
yakap. Tapos hinalikan niya ako sa pisngi. “I love you.”
Kumalas
ako sa kanyang pag-akbay. Pinahid ko ang mga luha sa kanyang pisngi. “I love
you too.” Ang sagot ko, at dinagdagan ko ng, “Kuya...”
Napangiti
siya. Muli niya akong niyakap. “Oo nga pala. Ako pala ang kuya rito. Kaya mas
lalo pa kitang alagaan dahil bunso kita.”
“At
dapat ay huwag mo na akong kulitin.” Ang sagot ko rin.
“Puwede.
Pero kung ganoon ay dapat sundin mo ang lahat nang mga iuutos ko sa iyo.” Ang
sagot niyang tila nagbabanta ang expression sa kanyang mukha.
“O
sige, kulitin mo na lang uli ako.”
Tawanan.
Tahimik.
“Sorry,
Tok. Nabigla lang ako sa bilis ng mga pangyayari ngayon. Nasisip kaagad kita,
at ang relasyon natin.”
“Okay
lang iyon. Ako man ay hindi makapaniwala na sa isang iglap lang ay may
malalaman akong napakalaking rebelasyon sa aking buhay. Ewan, hindi ko nga alam
kung maniniwala ako. Naisip ko tuloy na nariyan lang ang inay, at ginabayan
niya ang papa mo... ang papa natin upang mahanap niya ako. Marahil ay naawa
siya sa akin na heto, ang pagkakaalam ko ay wala na talaga akong ama ngunit
itinago pala niya sa akin ang lahat.”
“Masaya
ka ba?” ang tanong niya.
“Oo...
ngunit ewan. Nalungkot din dahil sa atin.”
Hindi
na niya sinagot pa ang sinabi ko. Inayos niya ang kanyang sarili. Pinagpag ang
alikabok na dumikit sa kanyang T-shirt at pantalon. Tumayo. “Okay, balik na
lang tayo sa apartment. Nandoon na siguro ang papa natin, naghintay sa atin.”
Ang sambit niya.
Dali-dali
kaming umuwi. Hinintay nga kami ng papa ni John. Nakaupo siya sa sala. “Saan ba
kayo ngatungo?” ang tanong niya sa amin.
“D’yan
lang po sa bayan pa. May pinuntahan lang po kami.” Ang sagot ni John.
“Maupo
kayo.” Ang utos niya.
“Ngayong
alam mo na, John na may nabababatang kapatid ka, ikaw ang kuya at ikaw ang may
responsibility sa kanya.” At baling naman sa akin, “Simula ngayon, Timmy, Kuya
na ang itatawag mo kay John. At syempre, papa na rin ang itatawag mo sa akin. Gusto
kong ilipat mo rito sa apartment ang mga gamit mo, mga importanteng dokumento,
dahil ipapalakad ko sa lalong madaling panahon ang paglipat ng iyong apilyedo
sa apelyidong ‘Iglesias”
“P-po?
Ang gulat kong tanong. Disoriented at shocked pa nga ang utak ko sa pagproseso
sa hindi halos kapani-paniwalng kaganapan, at heto, papalitan na talaga ang
aking apilyedo. Parang ayaw ko pa. Parang gusto ko pang buhayin ang apilyedo ng
aking inay na gamit-gamit ko. “Eh... p-puwede po bang saka na lang? K-kasi po, graduating
din naman ako, baka magkaproblema po pag nag-graduate ako na paiba-iba ang
apilyedo?” ang sagot ko na lang.
“Sige,
kung iyan ang gusto mo. May punto ka rin. Baka mahirapan kang gumraduate kapag sa
mga papeles mo ay iba-iba ang apilyedo.” Nahinto siya. “Ang lupa ba na
tinitirhan ninyo ay pag-aari ng inay mo?”
“Ang
alam ko po, kalahating ektarya daw iyong nabili niya, hanggang sa may ilog.
Mura lang kasi ang lupa doon kasi malayo sa bayan. Iyon daw ang binili niya sa
dala-dalang pera nang dumating siya sa lugar na ito. Sa lupang iyon na rin po kami
nabubuhay.”
“Ah...
sa lupa pala ipinundar ni Evelyn ang pera na ibinigay ko sa kanya.” Ang halos
pabulong na sabi ng papa ni John. At baling sa akin, “Anong balak mo sa lupa?
Ang tanong niya.
“Eh...
g-gusto ko pong nariyan lang siya. Kasi gusto ko pong maalaala ang inay
palagi.”
“I
agree. Magpagawa na lang tayo ng bahay-bakasyunan sa tabi mismo ng lumang bahay
ng inay mo. Ang bahay naman ng inay mo ay ipa-renovate natin upang ganoon pa
rin siyang tingnan, palagi mo siyang maalaala.”
“K-kayo
po ang bahala.”
“Gusto
kong bumisita sa lugar na iyan isang araw kapag nakabalik ako rito.”
“Opo.”
“Lagyan
mo ng papa ang sagot mo, Timmy.” Ang utos niya.
Napatingin
ako kay John. Nanatili lang siyang nakayuko at nagbabasa ng magasin, tila hindi
siya interesado sa pinag-uusapan namin ng kanyang papa. “Opo pa.” Ang sambit
ko.
“Iyan...
yan ang gusto ko. Welcome to the family, Timmy!” ang sambit niya at tumayo siya
at inunat ang kanyang dalawang braso, pahiwatig na gusto niya akong yakapin. “Masaya
ako na nahanap ka.”
Tumayo
na rin ako at niyakap siya.
“Sana
ay masaya ka ngayong nakabalik ka na sa rightful family mo sa pamilya
Iglesisas.”
“O-opo...
masaya po ako.” Ang sagot ko.
Pagkatapos
niya akong yakapin ay tinumbok ko naman si John sa kanyang inupuan. Nakayuko
lang siya, nakafocus ang mga mata sa kanyang binabasa.
Nang
inangat niya ang kanyang mukha sa akin, inunat ko ang aking dalawang bisig
upang yakapin siya. Inilagay niya sa gilid ng kanyang inupuan ang kanyang
binabasa at walang kasigla-siglang niyakap ako.
Halos
hindi na ako tinantanan ng katatanong ng ng papa ni John, lalo na tungkol sa
aking ina. Kinikuwento rin niya ang love affairs nila. Ang ugali ng aking inay,
ang mga masasaya at malulungkot at hindi malilimutan nilang nakaraan. At nasabi
ko sa aking sarili na walang dudang ang inay nga ang kanyang tinutukoy.
“Pag-uwi
ko ng Maynila ay maghahanda ako ng salo-salo para i-welcome ka sa pamilya.
Kapag nabuo na ang plano, i-relay ko ito sa inyo ni John para maka
makapag-handa kayo. Kahit 2 days lang kayo roon, either sa Manila, o Baguio
kung delikado pa para kay John ang makabalik ng Maynila.” Ang sambit ng papa ni
John.
“Sa
Manila na lang pa...” ang pagsingint ni John sa usapan at padabog pa. Parang naisip
ko tuloy na sarcasm iyong pagkasabi niya dahil may naghahanap sa kanya roon at
gusto siyang patayin kaya iyon ang sagot niya.
Napansin
din pala ito ng papa niya. “Ano ba ang drama mo, John! Ba’t hindi ka masaya? Di
ba dapat ay matuwa ka na ang best friend mo rito ay kapatid mo pala? Am I
missiing something here, John?” ang tanong ng papa ni John na tumaas ang boses.
Napatingin
na lang ako kay John. Nagulat kasi ako sa sinabing “Am I missing something.
Baka nagduda siya sa amin.
“Wala
pa... okay lang.” Ang sagot ni John.
“Okay
lang. That’s the best you can say? Okay lang? Hindi ka magtatalon sa tuwa?
Hindi ka magpasalamat, magcelebrate na ang best friend mo ay kapatid mo pala?”
“Okay
lang...” ang sagot niya uli.
“Hindi
kita talaga maintindihan, John. Sa Maynila, napaka spoiled mo, walang galang,
basagulero. Tapos biglang naging mabait. At ngayon ay... ewan. What happened to
you?”
“Sinabi
nang okay lang ako eh! Tangina! Binabalik-balik pa!” ang tumaas na boses ni
John sabay walk out.
Napailing
na lang ang papa ni John. “Pagpasensyahan mo na lang ang kuya mo, ha? Ganyan
iyan siya. Unpredicatable. Ang sabi niya sa akin.
“Opo.
Alam ko na po ang ugali niya, pa.” Sagot ko rin.
“Well..
mabuti naman. At least kabisado mo na ang ugali niya.” Ang sambit ko, at
nagpaalam ako sa kanya na sundan ko si John sa kuwarto.
“Anong
nangyari sa iyo? Inaway mo ang papa mo?” ang tanong ko kay John nang nasa loob
na ako ng aming kuwarto.
“Hayaan
mo siya.” Ang sagot naman niyang padabog.
Sa
hapunan ay hindi ako tinantanan sa pakikipagkuwentuhan ng papa ni John.
Hanggang sa, “Matutulog na kami pa. Antok na po ako. At antok na rin si Timmy.”
Ang pagsingit ni John sabay hatak sa aking kamay.
“A
e, di sige. Good night sa inyo Timmy, John.” Ang sagot na lang ng papa niya.
“Good
night din po pa.” Ang pagpapaalam ko naman habang si John ay patuloy lang sa
paghila sa aking kamay ni hindi man lang tumingin o sumagot sa kanyang papa.
Nang
nasa loob na kami ng kuwarto, agad na nahiga si John. Nakatihaya, ang mga mata
ay nakatutok lang sa kisame.
Humiga
na rin ako sa tabi niya, nakatihaya at nakatingin din sa kisame.
“Kaya
pala hindi ako mahal ng papa natin dahil hindi rin kasi niya mahal ang mama
ko.” Ang sambit niya na nakatutok pa rin ang paningin sa kisame.
Tila
may sibat na tumusok sa aking puso sa narinig. Tumagilid akong paharap sa
kanya, ipinatong ko ang isa kong bisig sa ibabaw ng kanyang dibdib. “Huwag ka
namang mag-isip ng ganyan... John. Kung ganyan ka mag-isip, baka ako na mismo
ang lalayo sa bahay na ito. Ayokong ako ang magiging dahilan upang magalit ka
sa iyong ama. Matagal kayong nagsama, mas mahal malapit ka sa kanya at sigurado
naman ako na mahal ka niya. Kapag umalis ako rito, mabubuhay pa rin ako. Sanay
akong mamuhay sa bukid. Kahit wala na ang inay ay mabubuhay pa rin ako. Kaya
huwag kang magsalita ng ganyan. Nasasaktan ako.” Ang sagot ko sa kanya.
“S-soryy
Tok. Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ngayon lang pumasok sa aking isip kung
bakit hindi ko maramdaman ang ating ama. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala
niya talagang minahal ang aking inay. Nakaramdam tuloy ako ng awa para sa aking
inay. Unti-unti kong naintindihan ang side niya. Alam ko kasi kung ano ang
pakiramdam ng isang taong inayawan, tinanggihan. Masakit iyon. Kaya p-parang
gusto ko siyang hanapin at pakinggan ang kanyang panig. Baka sa kanya ay
maramdaman ko ang pagmamahal.”
“S-sorry
din, K-kuya... Pero alam mo, feeling ko ay mahal ka naman ng papa mo eh. May
mga bagay lang siguro siyang gustong baguhin sa ugali mo, sa pagsasagot mo sa
kanya, sa mga barkada at bisyo. Di ba ngayon ay wala ka nang bisyo? At ang mga
barkada natin ay puro responsable sa klase at seryoso sa pag-aaral? Nakita mo
naman na nang malaman niya na nagbago ka na ay natuwa siya. Kaya ipagpatuloy
lang natin ang ganito. Atsaka tungkol sa iyong mama, payag ako na hanapin natin
siya. Sasamahan kita kung gusto mo.”
“T-talaga
Tok?”
“Opo
kuya.”
Napangiti
siya. “Yan... dapat ay may ‘po’ dahil kuya mo ako.” Ang sambit niya sabay pisil
naman sa aking pisngi at bitiw ng isang nakakalokong ngiti.
Tumagilid
akong patalikod sa kanya. May naamoy kasi akong hindi maganda sa ngiti niyang
iyon.
“At
bakit ka naman tumalikod sa akin?” ang sambit niya sabay hila niya sa aking
katawan upang muli akong humarap sa kanya.
“Matulog
na ako.”
“Huwag
muna, may gagawin pa tayo...” sabay patong sa akin at biglang siniil ako ng
halik.
Pumalag
ako. “Huwag!” ang sambit ko habang pumapalag sa paghalik niya.
Ngunit
nagpumilit talaga siyang halikan ako. “John! Huwag! Ayoko! Ayoko!” ang sambit
kong ang boses ay tumaas.
Huminto
siya. “Akala ko ba ay sabi mong magtabi pa rin tayo sa pagtulog. Puwede pa rin
kitang halikan. Puwed pa rin nating gawin ang mga ginawa nating pagpaparaos?”
ang tanong niya habang nanatili sa ibabaw ng aking katawan.
“Wala
akong sinabing mag sex tayo! Magkapatid tayo, di ba?”
“Magkapatid
nga tayo. Pero bakit kung may gagawin tayo, malalaman ba nila? May mawawala ba
sa atin? Mahal mo ako, di ba? Bakit biglang nag-iba?”
“Dahil
nga... magkapatid tayo, John. Nagyayarian ba ang magkapatid?”
“Pareho
tayong lalaki, Tok... walang mawawala sa atin!” ang sigaw niya.
“Nakokonsyensya
ako!” ang sigaw ko rin!”
“Hindi
ko kagustuhang mahalin kita! Hindi ko inimbento itong nararamdaman ko para sa
iyo, Tok!”
“Hindi
ko rin ginustong maging kapatid mo, John!”
Nahinto
siya, tinitigan ako. “Ikaw, mahal mo ba ako?”
“Mahal
kita, John. Pero nga magkapatid tayo. Kaya ayoko. Ayokong gawin pa natin ang
ganito.” Sabay tulak sa kanya dahilan upang mataggal siya mula sa pagdagan niya
sa akin.
“Okay.
Fine...” ang sagot niya, sabay tagilid patalikod sa akin.
Kinabukasan
ay nakatakdang umalis ang papa ni John. Hinatid namin siya sa airport. Bago
siya umalis, ipinagbilin niya kay John na alagaan ako, at sinabi niya rin sa
akin na i-inform na lang kami kapag papuntahin na niya kami ng Maynila o sa
Baguio.
Alas
6 na nga gabi nang nakabalik kami ng bahay. Late kasi ang flight ng papa ni
John. Nang nasa loob na ako ng kuwarto, lumabas si John. Ngunit tinawag na lang
ako ng Tito ni John para sa hapunan ngunit hindi pa rin nakabalik si John.
“N-nasaan
po ba si John Tito?” ang tanong ko.
“Umalis
eh. Nagbilin na huwag na lang daw siyang hintayin sa hapunan. Akala ko ba ay
nagpaalam sa iyo.” Ang tanong niya.
“Hindi
po eh.”
“Sige,
kain na lang tayo. Huwag na natin siyang hintayin.” Ang sambit ng Tito ni John.
Nalungkot
ako at naguluhan sa inasta ni John. Kaya habang kumakain ako ay tahimik lang
ako. Bagamat nakikipag-usap sa akin ang Tito ni John, ang sagot ko ay maiksi
lang, iyong reseptong sagot na lang.
“Ah..
Tito. Aalis ako ha? B-baka doon na ako matulog sa bukid.” Ang sambit ko.
“Ah...
si John ba ay naroon din?” ang tanong niya.
“S-sa
palagay ko po. Sasamahan ko na lang siya.” Ang sagot ko kahit hindi ako
sigurado. Baka kasi ay naroon talaga si John sa bukid kaya nagbakasakali ako.
Kung wala naman siya roon, at least kapag umuwi siya ng apartment ay alam
niyang hinahanap ko siya.
Kaya
pagkatapos ng hapunan ay agad kong nagtungo sa bukid. Nang dinaanan ko ang
kabayo naming is Tokhang sa taong pinakisuyuan namin sa kanya, naroon pa rin si
Tokhang. Kaya naisip ko na talagang wala si John sa bukid. Sinakyan ko si
Tokhang hanggang nakarating ako sa bahay namin. Sarado nga ito at madilim.
Pumasok
ako sa loob ng bahay. Lalo lang akong nakaramdam ng lungkot sa hindi
maintindihang inasal ni John. Nang nasa loob na ako ng kuwarto, naisipan kong
lumabas. Full moon din kasi, magandang magmuni-muni. Tinungo ko ang pampang. Nang
malapit na ako, laking gulat ko nang makita ko roon si John. Nakaupo siya sa
pampang, sa bahagi kung saan kami palaging nakaupo. Nilapitan ko siya at umupo
sa kanyang tabi. Nakita ko ang isang bote ng alak na wala nang laman na
nakalatag sa kanyang tabi.
“Lasing
ka na John.” Ang sambit ko.
“Pabayaan
mo ako! Doon ka sa apartment.” Ang sambit niyang pautal-utal, ang kanyang mga
mata ay halos nakapikit na.
“Tara
na, umuwi na tayo.” Ang sambit ko sabay tayo. Hinila ko ang kanyang braso at
inilingkis ko iyon sa aking leeg at kinarga ko na siya sa aking likuran.
“Saan
mo ako dadalhin?” ang tanong niya habang karga-karga ko siya.
“Sa
bahay. Sa kuwarto natin dito sa bukid.”
“Tapos...
tatalikuran mo rin naman ako. Kapatid kita eh. Bro kita, di tayo puwedeng
magkantutan.” Ang sambit niya na talagang bulgar ang ginamit na salita.
“Tsupain na lang kita bro... Bro... I love you bro. Pakantot nga d’yan, bro! Kahit
padila na lang ng burat bro... Tanginang ama iyan, nagkalat ng lahi hindi naman
kayang panindigan. Dapat na lang sana ay sinalsal na lang ako. Animal! Nakaka
bad trip, nakakasira ng love life!” ang patuloy niyang pagsasalita. Hindi ko na
lang siya sinagot pa.
Bigla
akong natawa ako sa kanyang pinagsasabi at muntik ko siyang mailaglag.
“Tawa
ka d’yan. Tsupain nakita d’yan eh! Gusto mo? Ha?!” ang halos walang tigil
niyang pagsasalita.
Tumahimik
na lang ako. Nag-focus na lang ako sa pag-karga sa kanya. At kahit mas mabigat
siya kaysa akin, pinilit ko pa ring kargahin siya hanggang sa makarating kami ng
bahay.
Nang
naihiga ko na siya sa ibabaw ng kama. Pinagmasdan ko siya. Nakahiga siyang
nakatihaya, nakapikit ang mga mata ngunit alam kong gising pa ang kanyang diwa.
Napaka-inosente niyang tingnan. Nakakawa lang ang kanyang kalagayan. Ramdam ko
ang sakit na pinagdaanan niya, lalo na sa relasyon namin. Alam ko kung gaano
niya ako kamahl. Doon ay mas tinablan pa ako ng awa. Gusto kong umiyak para sa
kanya. Wala naman talaga siyang kasalanan kung bakit niya ako minahal. Hindi ko
siya masisisi kung nagnanasa siya sa akin. Naawa rin ako sa kanya na nakaramdam
siya ng rejection ng pagmamahal sa kanyang papa, na naging papa ko na rin.
Naawa rin ako sa kanya dahil kapatid ko siya, at may kakaibang naramdaman din
ako sa kanya.
Hinubad
ko ang aking T-shirt at dahan-dahang pumatong sa kanya. Nang nasa ibaba na niya
ako, siniil ko ng halik ang kanyang bibig. Sinuklian niya ng halik ang aking
halik. Naghalikan kami. Nag-aalab sa matinding kasabikan sa isa’t-isa. At sa
pagkakataong iyon ay muling nangyari sa amin ang bagay na hindi dapat mangyari
sa magkakapatid.
Pagkatapos
na pagkatapos namin sa kama ay agad akong naligo. Nakaramdam ako ng hiya at
guilt sa sarili, lalo’t kapag naisip ko na mali na nga iyong pakikipagtalik ng lalaki
sa lalaki, magkapatid pa kami na gumawa ng ganoon.
Kinabukasan
ay pumasok kami ng eskuwelahan. Normal naman ang lahat. Masigasig pa rin kami
sa aming mga gawain, pati na sa aming responabilidad bilang mga officers. Hindi
namin ipinaalam sa mga ka-klase na magkapatid pala kami. Hindi naman nagkuwento
si John. Hindi rin ako nagkuwento. Ayokong malaman nila ang issue dahil ang
alam ng lahat ay may relasyon kami ni John.
Kinagabihan
uli, habang nakahiga na kami ni John sa bahay namin sa bukid, muli na naman
siyang nangalabit. “Sige na Tok...”
“Kuya...
hindi nga puwede eh.”
“Ba’t
kagabi pumayag ka? Ikaw pa ang nag-initiate?”
“Pinagbigyan
lang kita dahil naawa ako sa iyo.”
“So
ngayon hindi ka na naawa?”
“Hindi.”
Sabay tagilid patalikod sa kanya.
“Hindi
pala ha...” ang sambit niya sabay pilit niyang pagdampi ng halik sa aking mga
labi.
Ngunit
nanlaban ako at talagang sinabi ko na hindi na puwede.
Doon
na naman siya nagtampo. Hindi na niya ako kinulit pa.
Ngunit
ang epekto pala ng pag-ayaw ko ay bumalik na naman ang kanyang pagka bad boy, bumalik
na naman siya sa paninigarilyo, at kapag nasa klase kami ay natutulog siya o di
kaya ay nagpapapansin, nagpapasaway, o nambubulabog ng ibang mga kaklase. Pati
sa mga activities namin sa school ay hindi na siya nagpapakita pa ng interest.
Kapag may meeting ay nasa labas siya, naninigarilyo at hindi sumasali sa
discussion. Kapag kaming dalawa lang ay halos wala kaming imikan bagamat hindi
naman niya ako pinapabayaan, ginagawa pa rin niya ang dating gawain sa bahay.
Iyon lang kapag sa gabi na, tumatagilid na siya patalikod sa akin at hindi ako
kinakausap. Na-miss ko ang dating kami na naghaharutan sa kama, iyong niyayakap
niya ako, iyong gawin kong unan ang kanyang bisig. Ngunit wala akong magagawa.
Binubulabog ako ng aking konsyinsya kapag naisip kong magsi-sex kami.
Nagtaka
ang aming mga barkada at kaklase sa pagbabago ni John. Ang sabi ko na lang sa
kanila ay hayaan na lang si John dahil may problema siya. Hindi na sila
nagtanong pa nang sinabi kong family issue nila iyon.
Isang
araw ay nilapitan ako ni John, dala-dala ang kanyang cell phone. May ipinakita
sa akin. “Ginoogle ko ang pangalan ng mama mo at may tatlong babaeng kapareha
ang pangalan sa kanya. Sinearch ko silang tatlo at ang isa sa kanila ay nasa
Koronadal. Di ba taga Koronadal ang mama mo?”
Tumango
ako.
“So
may dalawang Evelyn Suarez na nasa Koronadal. Ngayon, itong Evelyn Suarez na
nasa Koronadal nakatira ngayon ay may anak na babae at single mother din siya.
Kasing edad mo rin.”
“Okay...”
ang sagot ko.
“Okay
lang? Hindi mo nakuha?” ang sambit niya.
“Iyan
ang gusto kong sabihin mo sa akin.” Ang sagot ko.
“Ibig
sabihin ay hindi pa tayo sigurado na ang babaeng minahal ng papa ko ay ang
nanay mo nga. Maaaring itong babaeng ito na nasa Koronadal ang babaeng
hinahanap ng papa ko.”
“P-paano
natin malalaman na siya nga ang babaeng hinahanap ng papa mo at hindi ang nanay
ko?”
“Tatawagan
ko si papa.” Ang sagot niya.
Kinuha
ni John ang aking locket mula sa akin at tinawagan niya ang kanyang papa. Pinindot
niya ang speaker phone upang marinig ko rin daw ang pinang-uusapan nila. Sinabi
niya sa kanyang papa ang lahat.
“Sa
iyo po ba talaga iyong locket na nakita mo kay Timmy pa?” ang tanong niya.
“Actually,
hindi ko bigay iyong locket. Iyong litrato sa loob ang sa akin.”
“Binigay
mo?”
“Hindi.
Marahil ay nakuha lang niya iyon sa mga album ko.” Ang sagot ng papa niya.
“Paano
po kayo nakasigurong kayo ang nasa litrato samantalang kupas na kupas na ito,
black and white pa, at teenager pa ang itong taong nasa litrato? At hindi rin klaro
ang mukha niya na ikaw nga talaga ito?”
“Lukso
ng dugo, anak. Pagkakita ko kay Timmy ay alam ko na agad na kadugo natin siya.”
“Iyon
lang?”
“Oo.
Di ba ikaw ay ganoon din sa kanya? Paano kayo naging magbest friends? Iyan ay
dahil kahit ‘di ninyo alam ang kuwento ng pinagmulan ninyo, alam ninyo sa
loob-loob ninyo na may kaugnayan kayo. Iyan ang luksong dugo. At iyan din ang
pinagbasehan ko. Naniwala ako na ang inay niya ay ang tunay na Evelyn Suarez.”
Natahimik
si John sandali. Napalingon sa akin. Naalala ko ang unang pagkakataong nakita
ko siya. Mistula akong na starstruck. Parang kilala ko na siya, hindi ko lang
matandaan kung kailan at saan. Siguro ay naalala din niya iyon. Natandaan kong
napatitig din siya sa akin saglit sa unang pagkikita naming iyon.
“Pa...
hindi ko matatanggap si Timmy bilang kapatid sa ganoon-ganoon lang.” Ang sambit
ni John.
“A-anong
ibig mong sabihin?”
“Gusto
kong ipa DNA test natin siya.”
Matagal
na natahimik ang kabilang linya.
“Pa...
nariyan ka pa?”
“Oo...
at sige papayag ako sa DNA test. Sabihin mo sa Tito mo na maghanap ng hospital
d’yan na pedeng magconduct ng DNA test. Kung wala ay puwede sa Maynila,
magbayad lang at magrequest ng kit para sa sample ng tissue na kukunin mula kay
Timmy at kapag nakarating na at nakunan na ng sample si Timmy, ipadala ito
pabalik sa hospital na nasabi. Within a week or two ay may result na. Babayaran
ko rito ang hospital na makausap ng Tito mo.”
Nang
magkasundo sila at natapos na ang kanilang pag-uusap, abot-tainga na ang ngiti
ni John na nakatingin sa akin. “So... puwede na uli tayo mamaya? Ang sambit
niya.”
“Get
lost!” ang kunyaring paggalit-galitan ko. “Naghanap talaga ng paraan ah!”
dugtong ko.
“Syempre
naman.”
Kaya
kinagabihan, nag-inuman uli kami sa pampang. At nang medyo nalasing na at
nakahiga na sa kama, muli na namang siyang nangalabit. “Tok... puwede pasukin
kita sa likuran?” ang hiling niya.
“Ayoko.”
“Bakit?”
“Kasi,
gusto kong gawin natin ang ganyan kapag siguradong hindi talaga tayo
magkapatid.” Ang sagot ko.
“Kakainis
naman... gusto ko tuloy na may resulta na agad iyong DNA test ah.” Ang sambit
niya.
“Eh,
wala pa eh. Kaya tiis na lang muna bibig at kamay... puwede ring sa singit.
Puwede ring sa kilikili.”
Napangiti
na lang siya. Hinawakan niya ang aking pisngi atsaka siniil iyon ng halik.
Lumipas
ang mahigit isang linggo at nakatanggap ang Tito ni John ng envelope mula sa
opisina ng papa ni John. Napag-alaman naming kinuha na pala ng papa niya ang
resulta deretso sa ospital na nag-analize sa DNA ni Timmy at pagkatapos malaman
ang resulta ay ipina-LBC na niya ito sa Tito ni John imbes na siya ang tumawag
at sabihin sa amin kung ano ang resulta.
Kinabahan
ako dahil bakit hindi na lang sinabi sa pamamagitan ng pagtawag ang resulta
kung magandang balita naman ito. Tuloy ay napaisip ko na baka ang resulta ay
nakapagpawala ng gana sa kaya at bad news ito kung kaya ay ipina-LBC na lang.
Ibinigay
kay John ang envelope at binuksan niya ito. Nasa tabi lang niya ako at
kitang-kita ko ang papel na naglaman ng resulta.
Dali-daling
hinugot ni John ang papel sa loob ng envelope at binuklat.
Hawak-hawal
man ito ni John ngunit dahil magkatabi kami, binasa ko ito. “Paternity Test,
DNA Test result, Report of Legal Test.” Ang nakalagay ng mga headings. At
nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang resulta: “% of Probability of
Paternity...”
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment