By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Nang
dumating na alas 9 na nang nakarating kami sa aming bayan. Inutusan niya akong
sa isang restaurant kami kakain. Dinner date daw namin dahil sobrang saya niya.
Nang
nakaupo na kami upang hintayin ang aming order, laking gulat ko naman nang
biglang nagsidatingan ang mga officers ng aming klase. Lahat silang officers ay
naroon, pati si Emily na hindi na pinapakawalan ni Jeff. Napag-alaman kong
set-up lang pala talaga nila ang lahat bagamat ang nakaalam lang sa plano ay
ang mga lalaking officers. Totoo naman na may ticket na sa flight na iyon si
John. Ngunit nang nakatanggap na siya ng text ni Jeff, hindi na siya tumuloy pa
sa loob ng airport.
“Kaya
pala napansin kong knapsack lang ang dala-dala mo! Salbahe ka! Naghintay ka
lang pala ng balita.” ang sigaw ko kay John.
Tawanan.
Ang saya naming lahat sa sandaling iyon. May videoke, may inuman, kantyawan.
Hindi
kami nagtagal. Nauna kaming umuwi sa bahay. Bago kami umuwi, dumaan muna sa kami
sa tindahan. “Bibili tayo ng maiinuom, Tok. Pampainit” ang sambit niya sabay bitiw
ng nakakalokong ngiti.
Inirapan
ko siya. Alam ko na ang nasa isip niya at kung ano ang ibig niyang mangyari. Ang
problema, sa sarili ko, hindi ako sigurado kung handa na ba akong
makikipag-sex. Una, wala pa akong karanasan talaga. Parang takot ako na
niilang. Pangalawa, sa isang lalaki pa na para sa akin ay hindi tama, hindi
naaayon sa normal na gawain. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang bumaba
siya sa kabayo at nag-“Tao po!” sa tindahan.
Nang
bumalik na, iniabot niya sa akin ang isang long neck na alak at pagkatapos ay
inabot naman niya ang kanyang kamay upang hilain ko at makasakay siya sa likod
ng kabayo.
“Ilang
araw din akong dumadaan dito na wala ka, si Tokhang lang ang aking kasama.” Ang
sambit ko habang naglakad na si Tokhang.
“Hmmm.
Di mo naman kasi ako na-miss eh!” ang sagot niya.
“Nandyan
ka na naman. Sasapakain na kita eh!” ang sagot ko.
“Sabihin
mo ngang ‘I miss you’?”
“Ayoko
nga.”
“Ba’t
ayaw mong sabihin?”
“Alam
mo na iyan. Di mo lang maintindihan. Tanga ka kasi eh!”
“Sige
pag ayaw mong sabihin, kikilitiin na kita.” Sabay kiliti sa kilikili ko.
“Huwaaggggggg!
Mabangga tayo! Ano ka ba, John!”
“Huh!
Ang sambit niya. Ano yangminamaneho mo, kotse? Mabangga?”
“Malay
mo kiligin si Tokhang sa atin at mawala sa focus at mabangga.”
“Ah
ganoon pala siya! E di, pakiligin natin siya!” at kiniliti niya talaga ako.
“Huwag
Johhhnnnnn! Johhnnnn! Tangina mo! Johhhhhnnnnnn!”
“O
kung ayaw mo , halikan na lang kita.”
“Bahala
ka. Huwag mo lang akong kilitiin.” Ang sagot ko.
Iyon
panay na ang halik niya sa pisngi ko, sa leeg, may halo pang pakagat-kagat.
Nang
dumating na kami ng bahay, agad kaming dumeretso sa pampang, ang paborito
naming lugar. Dala namin ang alak at pagkain na aming pinabalot sa restaurant.
“Namiss
ko ang pampang, Tok.” Ang sambit niya.
Nang
medyo nalasing na kami, doon na siya nanghingi ng halik. Hindi ko siya
pinagbigyan. Gusto ko siyang sabikin. Syempre, naiilang pa nga rin ako kung
kaya’t hindi ako ganoon ka-atat na makahalikan siya. Sabi ko, sa bahay na lang
baka may ibang taong biglang dumating o dadaan.
Pumayag
naman siya. Nang makarating na kami ng bahay, kitang kita ko ang abot-taingang
ngiti niya. “Anong mayron?” ang pag-iinosentehang tanong ko.
“Wala...
tulog na tayo.” Ang sambit niya.
“Mag
tooth-brush ka muna roon ah! Amoy alak ang hininga mo.”
Tiningnan
niya ako na nakangiting-aso. “Sabay tayo.”
“Gusto
mo bang mag-tooh brush pa ako o hindi na?”
“Okay
lang kahit ano.” Ang sagot niya.
“Okay,
huwag na lang.”
Nang
nakabalik na siya sa kuwarto. “Sige mag tooth brush na lang ako.” Ang sambit
ko.
“Woi
ang daya nito!”
Tinagalan
ko nang kaunti ang pag tooth brush. Nang nakabalik na ako, “Ba’t ang tagal!”
ang daing niya. Nakahiga na siya sa kama, nakatalukbong ang katawan maliban sa
kanyang ulo. Alam kong nakahubad siya sa ilalim ng kumot.
“Syempre,
para mabango.” Ang sagot ko rin habang humiga ako sa kama.
Nang
nagtangka na siyang humalik sa akin, bigla rin akong bumalikwas. “Maligo muna ako!”
ang sambit ko.
Ngunit
mabilis niya akong hinawakan sa bisig atsaka dinaganan. Nang nakadagan na siya
sa akin habang nakatihaya ako, ipinatong naman niya ang kanyang magkabilang
kamay sa magkabila ko ring kamay, ang kanyang mga hita ay ini-lock sa gitnang
katawan ko. Hindi ako makagalaw. Naipit ang aking katawan. Doon na inilapat
niya ang kanyang bibig sa aking bibig.
Pinilit
ko pa ring kumalas. Ibinaling ko ang aking mukha sa kaliwa, at kapag ididin
niya ang kanyang bibig, ibaling ko naman ito sa kanan.
Nakailang
pabaling-baling din ako nang huminto siya bagamat nanatili pa rin siyang
nakdagan sa akin. Tinitigan niya ako. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.
“Pahihirapan mo ba talaga ako Tok? Hindi ka ba naaawa sa akin? Akala ko ba,
gusto mo ako. Akala ko ba, mahal mo ako? Huwag mo akong pahirapan, Tok,
please...?”
Hindi
na ako nakaimik. Tila lumambot ang aking puso sa kanyang sinabi. Nanatili akong
nakatitig sa kanyang mga mata.
Nang
nakita kong dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang bibig sa aking bibig,
ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ang paglapat ng kanyang mga labi sa
aking mga labi. Sinipsip niya ito. Ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng
aking bibig. Sinipsip niya rin ang aking dila, pinaglaruan ang aming mga laway.
Kakaibang kiliti ang nadarama ko sa paghalik niyang iyon sa aking bibig.
Maya-maya
ay tinanggal niya ang mga kamay niyang nakadagan din sa aking mga kamay at inilingkis
ang mga iyon sa aking katawan. Hindi na ako nakatiis at niyakap ko na rin siya
habang naglapat ang aming mga bibig.
Maya-maya
ay hinila niya ang aking t-shirt upang matanggal sa aking katawan. Nang
natanggal na ito, iginapang niya ang kanyang bibig sa aking leeg, sa aking
dibdib, sa aking tiyan... hanggang umabot ito sa aking maselang bahagi ng
katawan.
Nilaro-laro
niya ito sa kanyang bibig. Matagal. Napangol ako at napaindayog sa kanyang
ginawa. Hanggang umabot ako sa sukdulan.
Iyon
ang pinakauna kong karanasan sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nang matapos na
kami, muling hinalikan ako sa bibig ni John.
Kitang-kita
ko sa mukha ni John ang saya na kanyang nadarama. Nang matulog na kami,
nagyakapan pa kami.
Simula
noon ay iyon na ang naging setup namin. Sa gabi ay mag-asawa ang turing namin
sa isa’t-isa. Sa araw ay mga ordinaryong estudyante, na kapag hindi kami kilala
ay masasabi nilang wala kaming pinagkaiba sa mga normal na magkaibigan o
matalik na magkaibigan. At kagaya ng mga magkakaibigan ay may kantayawan, may
okrayan, may harutan, at may laglagan din minsan. At kapag ganyang ang
naghaharutan kami sa klase, ramdam kong kinikilig ang mga ka-klase namin.
Sa
eskuwelahan naman ay supportive ang mga estudyante sa aming relasyon ni John. Ramdam
namin iyon. I mean, ang karamihan. Siguro ay may iilan din na hindi boto sa
ganitong relasyon ngunit dahil suportado kami ng buong klase namin, hindi na
sila umimik. At official na rin ang pagtawag nila sa amin ng “Tok-Hang”
Sa
aming mga kaklase naman, nanumbalik na muli ang saya. In fact, mas masaya pa
dahil lalo pang nagpursige si John sa pagsuporta sa mga activiites namin sa
school, at sa pagtulong sa mga kaklase na nangangailangan. Nag-iinitiate din
siya ng mga activities na makakatulong sa pag-aaral. Kumbaga, hero siya hindi
lamang sa aming klase kundi sa buong eskuwelahan.
Sa
mga guro naman namin, karamihan naman ay suportado ang aming relasyon.
Malalaman mo naman sa kanilang pakikipag-usap at pananalita. Gaya ng minsan
kapag wala sa classroom si John ay ako ang tatanungin kung nasaan. Minsan
naman, kapag may problema sa subject si John, sa akin sasabihin ng guro. Pati
si Mr. Cervantes na tyrant ay boto rin sa aming relasyon. Sa klase niya ay
palagi kaming binibiro, niloloko. “Inspired na inspired si John ah! Bakit
kaya?” tapos magtatawanan ang klase. “Anong bago sa sikat na love team natin sa
klase? Hindi pa ba naghihiwalay? Akala ko ba ay walang forever? Bakit mayroon
sila? Nasaan ang hustisya?” “O, iyong mga single pa riyan. Mamamatay na kayo sa
inggit!” Tila tuwang-tuwa siya sa amin. Parang kinilig ba?
Si
Emily naman ay official nang nililigawan ni Jeff. At si Emily na ngayon ang may
tinapay araw-araw, dinadalhan ni Jeff. Baligtad sa amin. Pareho naman din
silang may kaya. At sa tantiya ko, malapit na silang magkatuluyan. Palagi na
rin silang nagsasama, at nakikita ko ang saya sa kanilang mga mukha sa tuwing
nagsasaman sila o hinahatid ni Jeff si Emily pagkatapos ng klase. Si Emily
kasi, nasabi niya sa akin dati na ang pangalawang crush niya sa school ay si
Jeff.
At
si Joy? Kuntento na lang siya sa pagka-crush kay John. Alam kasi niya ang tindi
na naramdaman ni John para sa akin na handang igive-up ang pag-aaral kung hindi
ko papansinin. Kaya alam niya na ako ang tunay na mahal ni John. Isa pa, gusto
rin niyang masaya si John sa klase namin dahil buhay na buhay ang klase namin
lalo na sa mga financial na tulong ni John, at syempre, masaya ako na leader
nila dahil kay John, masaya din ang mga officers, at masaya ang mga kaklase
namin. Kumbaga, may chain reaction at apektado ang lahat. Isa pa, nagka-phobia
na rin daw si Joy nang sinugod siya ni Yeng sa party. Nanginginig pa rin daw
siya sa takot kapag naaalala iyon. “Baka si Tok naman ang susugod sa akin kapag
nagkataon. Mahirap na.” Ang biro ni Joy.
Kaya
halos nawala na ang pagkailang ko kay John at sa pagkakaroon ng kakaibang
relasyon sa kanya. Sa isip ko ay tanggap ko na siya. Siguro, psychological lang
iyong naramdaman ko sa una dahil nga nakaukit sa aking isip na ang lalaki ay
para lamang sa babae at vice-versa. O... baka rin dahil talagang masyadong
pursigido si John na makuha niya ako. Aaminin ko kakaiba talaga kung magmahal si
John. Gagawin ang lahat mabitag lang ako sa kanyang lambat ng pag-ibig. Kung
babalikan ko nga ang panahon kung saan ay inis na inis ako sa kanya at iyong
kapag nakita ko siya ay halos masira ang buong araw ko, mapangiti na lang ako.
Tunay nga na masalimuot ang laro ng pag-ibig. At tunay din na ang pag-ibig ay
walang pinipiling kasarian, hindi mo matatakasan kapag ikaw ay nahulog na sa
bitag nito.
Minsan
nga kapag kami lang dalawa, binabalik-balikan namin ang mga nakaraan, matatawa
na lang kami. Minsan din ay nag-aargumento. Syempre, siya palagi ang aking
sinisisi dahil matigas ang ulo, kagaya noong sinuntok niya ako at pumutok ang
aking bibig at nagka black eye. Ngunit binabaliktad din niya ako. Inis na inis
daw siya sa akin, matigas daw ang ulo kagaya ng pagbigay niya ng uniporme na
hindi ko isinuot hanggang sa nabugbog niya si Enchong.
Okay
naman ang sex life namin ni John. Bagamat noon guna ay hanggang sa halikan at
nagpaparaos gamit lang ang kamay at bibig. Hindi ko kasi talaga kaya.
Gugustuhin man niya na pasukin ako, ayaw ko. Okay lang naman kay John. Sabi
niya, makakapaghintay pa naman siya.
Sa
aming estado ay masasabi kong halos perpekto na ang lahat. Hanggang sa isang
araw -
“Tok...
darating ang papa ko sa sunod na araw, Sabado. Titingnan daw niya ang kalagayan
ko rito. Nakarating daw sa kanya na hindi ako umuuwi ng apartment. Kaya doon na
muna tayo titira sa apartment habang narito ang papa ko.” Ang sambit ni John sa
akin.
“H-ha???”
ang gulat kong sagot. “Bakit kailangang kasama mo ako sa apartment? I-ikaw na
lang ang uuwi roon John habang nariyan pa ang papa mo. Nakakahiya.”
“Bakit?
Mas maganda kung naroon ka rin para hindi ka mag-iisa rito.”
“N-natatakot
ako sa papa mo eh. Di ba sabi mo, istrikto siya sa iyo? Baka mag-init ang ulo
niya sa akin, lalo na’t ako ang dahilan kung bakit wala ka sa apartment mo.
Kung tatanungin ako tungkol sa iyo, anong isasagot ko?”
“Di
sagutin mo kung saan ako natutulog?”
“Saan?”
“E
di sa puso mo.”
“Tange!
Puro ka naman katarantaduhan eh. Para pagalitan ako. Ganoon?”
“Joke
lang. Iyong kung ano ang alam mo tungkol sa akin sa school ah. Mas maganda kung
naroon ka. Dalawang araw lang naman siya rito eh.”
“N-natatakot
talaga ako, John. P-paano kung pupunta siya ng school at magtatanong doon
tungkol sa atin? At sasabihin ng mga tao roon na may relasyon tayo. Tapos
magagalit at ilayo ka nila. Maaatim mo ba iyon? Ayokong mawala ka sa akin,
John. Masasaktan ako. Muli na naman akong mag-isa. Ayoko sa ganoon.” Ang sambit
kong halos maluha sa masamang pangitain na naglalaro sa aking isip.”
Hinawakan
nya ang aking kamay. “Tok... hindi mangyayari ang ganyan. Nasa legal na edad na
ako at puwede na akong magdesisyon para sa sarili.”
“N-natatakot
kasi ako eh...”
“Huwag
ka ngang matakot. Akong bahala.”
Dahil
mapilit si John, pumayag na lang ako sa kanyang gusto. Kinabukasan ay doon na
kami umuwi sa apartment niya. Ang aming kabayong si Tokhang naman ay ipinakisuyo
muna namin sa aming taga-bantay.
Maganda
ang apartment ni John. Malaki, may tatlong kuwarto, may dalawang servant’s room
kung saan ay doon natutulog ang driver nila at all-around na katulong, may
garahe, may swimming pool, at may sariling basketball court na single-goal
lang.
Sa
isang kuwarto kami nagsamang matulog. Sa isang kuwarto kasi ay ang Tito niya na
nagsilbing guardian at ang isang kuwarto naman ay ni-reserve para sa pagdating
ng papa niya.
Medyo
nanibago ako sa setup namin sa kanilang apartment. Di hamak na mayaman talaga
sila. Imagine, binili nila ang apartment na iyon para lang sa pag-aaral ni
John, siniswelduhan ang Tito niya at driver, dinala ang isang sasakyan nila na
naka-assign kay John. At ang gara ng apartment. Pati ang mga pagkain nila ay
masasarap. Napaisip tuloy ako kung bakit pinili ni John na sa bahay namin
tumira samantalang nas kanya na ang lahat na karangyaan. Pinahirapan niya ang
sarili na gumawa sa mga gawain namin sa bukid samantalang kung doon siya sa
apartment nila ay may mga taong handang gumawa sa mga bagay sasabihin lang niya.
Sa bukid, siya ang gumagawa at tumutulong sa halos lahat ng gawain.
Araw
ng pagdating ng kanyang ama, sinundo namin siya. Alas 10 na iyon ng umaga nang
makalabas siya sa airport. Nang nakita ko ang postura ng tatay niya, tila
nanginig ako sa takot. Malaking tao at malaki rin ang boses. Naalala ko tuloy
si Mr. Cervantes. Halos magkapareho sila. Iyon bang klaseng tao na kapag
nagsasalita, alam mo na kaagad na may authority. Iyong taong sigurado sa
sinasabi niya, at tila ma-intimidate ka.
Nang
nakita niya ako ay halos hindi niya ako pinansin. Hanggang sa ipinakilala ako
ni John. “Pa... si Timmy. Classmate ko sa eskuwelahan.”
“Ah...”
ang sagot lang ng papa niya na parang wala lang, agad ibinaling ang paningin sa
sasakyan. Iaabot ko sana ang aking kamay sa kanya ngunit nahiya na ako gawa
nang tumalikod na siya.
Dali-dali
kaming pumasok ni John sa sasakyan. Sa likod kasi kami umupo at ang kanyang
papa ay sa gitnang row ng sasakyan sa harap namin. Nang nakaakyat na kami, saka
naman umakyat ang kanyang papa.
“Nasaan
ang Tito mo?” ang tanong niya kay John.
“Nasa
apartment po. Siya na lang daw ang maiwan para makapaghanda ng tanghalian natin
pagdating.”
“Dapat
ay sumama na lang sya para sa labas na lang tayo mananghalian.”
“Sinabi
ko nga po sa kanya. Kaso ang sagot naman niya ay baka pagod daw po kayo at
makapagpahinga pagkatapos kumain.”
Tahimik.
“Wala
ba kayong klase ngayon?” ang tanong ng papa ni John sa kanya.
“Wala
po...” ang sagot naman ni John.
“So
ano itong narinig kong hindi ka raw umuuwi ng apartment?”
“Eh...
k-kasi po pa, mula nang namatay ang inay nitong si Timmy, nag-iisa na lang siya
sa bahay nila, sa bukid. Siya po iyong dahilan kung bakit ako bumalik dito ng
maaga galing Baguio, dahil namatay ang kanyang inay at dahil wala silang
kamag-anak at hindi po niya alam ang gagawin, kaya tinulungan ko siya sa mga
proseso ng paglibing.” Ang paliwanag ni John.
Biglang
napalingon ang kanyang ama sa kanya. “Anong nangyari sa iyo?” ang tanong ng
kanyang papa.
Nasilip
ko naman ang kanilang driver mula sa salamin sa na mistulang pigil na tumawa.
“Bakit
po?” Ang tanong naman ni John sa papa niya.
“Wala...”
ang sgot ng papa niya at natahimik sandali. “So itong si Timmy ay ulila na?”
“Opo
pa. Kaya nga dinala ko na rin siya rito para may kasama ako at hindi po siya
mag-iisa sa bukid. Malungkot po kasi roon, at palagi niyang naaalala ang
kanyang yumaong inay.”
“Hmmm.”
Ang sagot ng papa niya. “At itong classmate mo na ito ay wala namang bisyo?
Hindi katulad mo?”
“Siya
po ang presidente ng klase namin, at siya rin po ang palaging nagta-top sa mga
tests. Strong candidate po siya sa pagka-valedictorian.”
“Ah...
mabuti naman. Iyan dapat ang tularan mo.”
“K-kaya
nga siya po ang close friend ko eh. Siya po ang tumulong sa akin upang
maka-adjust sa school.”
Nakinig
lang ako sa kanilang usapan. Sa isip ko ay parang wala naman silang alitan.
Parang mabait naman pala ang papa niya.
“Kumusta
naman po sa atin?” ang tanong ni John.
“Sa
Manila, hindi ka pa maaaring umuwi. Alam mo na... Kaya sa Baguio ka na
dumeretso kapag gusto mong pumasyal.”
Alas
11 ng umaga na kami nakarating ng apartment. Sinalubong kami ng Tito ni John.
Nagbiruan sila ng papa ni John atsaka pumanhik na sa apartment. Dumeretso na
lang ako sa kuwarto namin ni John. Nahiya kasi ako at hindi ko alam ang aking
gagawin. Sumunod sa akin sa kuwarto si John.
Oras
nang pananghalian, kinkabahan na naman ako nang makaharap ang papa ni John at
Tito niya.
“So
ang dahilan kung bakit hindi ka na umuuwi rito John ay dahil dito kay Timmy?”
ang tanong ng papa ni John.
“O-opo.”
Nahinto
sandali sa pagkain ang kanyang papa. “Bakit hindi mo na lang siya rito
patirahin sa apartment? Para may kasama ka rin?” ang tanong niya kay John. At
baling sa akin, “Ano sa palagay mo Timmy?”
Hindi
ako nakasagot agad. Tiningnan ko muna si John.
“Okay
po iyan pa! Kaso, mas gusto ko kasi sa kanila sa bukid dahil simple ang
pamumuhay, presko ang lahat.”
“Sabagay...
Para maranasan mo naman ang hirap. Puro ka luho sa siyudad eh.” Ang sambit ng
papa niya.
“Salamat
pa.”
Tahimik.
“Ito
bang si Timmy ang dahilan kung bakit namumutiktik sa ‘po’ ang pagsasagot mo sa
akin ngayon? Wala na iyong padabog mong pananalita, iyong dating puno ng mura na
bibig mo?”
Doon
na pumutok sa tawa ang Tito ni John. Natawa na rin ang papa niya. Natawa na rin
kami ni John.g
“Tingnan
mo ‘tong tao na to. Paibhasa ang bibig ay puro mura rin.” Ang pagpaparinig ng
papa ni John sa Tito niya. At baling kay John, “Kung ganyan ka ba palagi ay
talagang magkasundo tayo. Wala nang away, wala nang murahan, wala nang sisihan.
Magandang impluwensya pala itong si Timmy sa iyo.”
Yumuko
na lang ako sa sinabi ng papa ni John.
“Opo
pa. Marami akong natututunan dito.”
“Kung
ganoon ay masaya ako. At sa tingin ko ay puwede na akong bumalik bukas.” Ang
sabi niya kay John. At baling sa akin, kapag may ginawang kabulastugan si John,
isumbong mo sa akin ha? Ako ang bahala sa kanya.” Ang biro niya sa akin.
Tumango
na lang ako. Nang tiningnan ko si John, napangiti na lang din siya.
Alas
3 ng hapon nang maisipan naming maligo sa swimming pool. Ang aming mga
gamit ay nasa beach chairs na nasa gilid
lang ng pool. Habang lumalagoy kami ni John, dumaan naman ang papa niya at
sandaling pinagmasdan kami. “Ligo po tayo pa!” ang sambit ni John.
“Sige,
maupo lang ako rito.” Ang sagot niya. Tiyempo din naman na sa beach chair kung
saan nakalagay ang aking gamit sana siya uupo. Ngunit dahil may mga damit ako,
hindi na siya tumuloy. Pero nang mapansin niya ang aking locket na nakalatag
lang sa upuan, bigla siyang nahinto at tinitigan ito. Dinampot niya ito, binuksan,
at tiningnan ang litrato na nasa loob. Tila interesado siya sa litrato.
Tinitigan niya ito.
“Sa
iyo ba ito, Timmy” ang tanong niya.
“Opo
Sir” Sa akin po iyan.
“Sino
ang nagbigay?”
“Inay
ko po.”
“Siya
ba iyong namatay na?”
“Opo...”
“Ano
nga uli ang pangalan niya?”
“Evelyn
po. Evelyn Suarez.”
Kitang-kita
ko ang pagkagulat niya nang narinig ang pangalan ng aking inay. “Halika nga
rito.” Ang sambit niya.
Lumapit
tinumbok ko ang gilid ng pool kung nasaan siya.
“Ang
inay mo ba ay hindi nakapag-asawa?”
“Hindi
na po.”
“Bakit?”
“Hindi
ko po alam eh. Dito na po kasi kami isinilang at ang sabi niya, nasa Koronadal
daw po ang mga kamag-anak namin. Ngunit dahil matagal nang hindi siya umuuwi
roon di na namin kilala. Wala na po kasi ang mga magulang niya.”
“Sino
daw itong lalaking nasa locket?”
“Tatay
ko daw po.”
“Nasaan
na ang Tatay mo ngayon?”
“Patay
na raw po eh.”
Nahinto
na siya sa pagtatanong. Tila may iniisip.
“A-anong
mayroon pa?” ang tanong ni John.
“Kilala
ko ang inay ni Timmy.”
“Huh!
Talaga?”
“Maaari
bang puntahan natin ang libing ng inay mo Timmy?” ang tanong niya sa akin.
Sumang-ayon
ako. Agad naming pinuntahan ang sementeryo. At sa harap mismo ng puntod ng
inay, doon na humagulgol ang papa ni John. “Patawad Evelyn patawad...” ang
narinig kong sambit niya.
Dumestansya
kaming dalawa ni Johnny upang mapag-isa siya. May kaba akong nadarama o iyong
nakakailang na pakiramdam sa inasta ng papa ni John. “Ano kaya iyon, John?” ang
tanong ko.
“Ewan.
Ngayon ko pa nga lang nakita na umiyak iyan eh.” Ang sagot ni John.
Pagkatapos
ng ilang minuto ay lumpait ang papa ni John sa amin. Nakita ko pang pinapahiran
niya ang kanyang pisngi at mga mata. “May sasabihin ako sa inyo...” ang sambit
niya nang nasa harap na namin siya.
“Ano
po iyon, pa.” Ang sambit ni John.
Nahinto
siya sandali. Tila kumuha ng buwelo.
“Ano
po iyon pa?” Ang giit ni John.
“Huwag
kayong mabigla.”
“Ano
nga po iyon?”
“M-magkapatid
kayo.”
“Ano???”
ang malakas na sambit ni John.
“Oo...
Nang nabuntis ko ang iyong ina, John, napilitan akong pakasalan siya kahit
hindi ko siya mahal. Nagpakasal lang ako dahil nabuntis ko siya at umasa na
baka darating ang panahon na mamahalin ko rin siya. Ngunit hindi lumago ang
aming pagsasama. Bago ka ipinanganak, nakilala ko ang ina ni Timmy. Sa kanya ko
naramdaman ang tunay na pagmamahal. Hindi ko sinabi sa kanya na may asawa ako.
Nang ipinanganak ka ng mama mo, nabuntis ko ang ina ni Timmy. Ngunit nalaman ng
ina ni Timmy na may asawa na pala ako kaya sa matinding sama ng loob ay umalis
siya na hindi nagpaalam. Hindi na rin siya nagpakita pa. Simula noon ay
hinahanap ko na siya. Iyon na rin ang time na madalas na kaming mag-away ng
mama mo. At dahil sa depression ko sa pagkawala sa mama ni Timmy, lumayas ang
mama mo, sumama sa ibang lalaki, iniwan ka sa akin. At hindi na rin siya
nagpakita pa. Magkapatid kayo ni Timmy, John.”
“Hindi!!!
Hindiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!” ang sigaw ni John habang mabilis itong nagtatakbo
palayo sa amin.
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment