By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Ang Naiibang
Mukha Ng Buhay
Masaya ang buong barkada sa gabing iyon. Pero ang pinakamasaya sa kanilang lahat ay si John na tila abot-langit ang saya dahil sinuyo siya ni Timmy.
Masaya ang buong barkada sa gabing iyon. Pero ang pinakamasaya sa kanilang lahat ay si John na tila abot-langit ang saya dahil sinuyo siya ni Timmy.
“Paano iyan, tayong dalawa na lang ang naiwan,
Hang...” ang sambit ni Timmy na binitiwan ang isang ngiting nakakaloko.
Hindi maikubli ni John ang galak na nadarama sa
kanyang narinig kay Timmy. “Bastard! Anong nangyari? Nahawa ka na kay Joy?”
“Gusto ko Hang na ang tawag ko sa iyo. Ayaw mo?”
“Bakit bigla mong naisip?”
“Syempre, ikaw lang naman ang nag-iisa kong Hang.
Hang-guwapo, Hang-gandang lalaki, Hang-bait, Hang-tindi kung magmahal,
Hang-tapang, Hang-laki ng...”
“Ng ano???” ang excited na tanong ni John na
abot-tainga ang ngiting pilyo.
“Hang-laki ng... katarantaduhan!” sabay tawa.
“Tarantado ka ah! Asshole ka talaga! Ano pa?”
“Hang-galing manloko...”
“Ba’t kasali ang panloloko?”
“Biro lang... So Hang na ang tawag ko sa iyo, Hang?”
“Okay...” ang sagot ni John sabay hawak sa pisngi ni
Timmy at tinitigan ito, naging seryoso. “I love you.” Ang bulong niya.
“I love you too.” Ang pabulong din na sagot ni Timmy
habang nakipagtitigan kay John.
At idinampi ni John ang kanyang bibig sa mga labi ni
Timmy. Naghalikan sila.
“May sorpresa ako sa iyo.” Ang sambit ni John.
“Jarannnnn!” Dinampot ni John ang kanyang knapsack at
binuksan ito. Hinugot ang natirang buko pie na ibinigay ni Timmy sa kanya sa
eskuwelahan.
“Akala ko pa naman ay hindi mo kinain.” Ang sambit ni
Timmy.
“Bakit hindi? Bigay ata iyan ng mahal ko.” Ang sagot
din ni John. “Tara babaunin natin ito” sabay tumbok sa kanyang cabinet, hinugot
ang isang knapsack at inilagay roon ilang t-shirts, shorts, briefs at bitbit
ang buko pie at knapsack, hinila niya si Timmy patungo sa garage hanggang sa
loob ng sasakyan.
“Bakit saan ba tayo pupunta? Malalim na ang gabi,
Hang!”
“Punta tayo sa Blue
Wave Resort!” ang sagot ni John.
Bago pa lang ang resort na iyon at sikat na sa buong
probinsya at dinadayo ng mga turista. May isang oras ang biyahe galing sa
apartment ni John.
“Gabi na, Hang!” ang pilit na pagtanggi ni Timmy.
“Hayaan mo na. Wala namang pasok bukas, eh.” Ang pamimilit
pa ni John.
“Wala akong extra na t-shirt.”
“Mayroon na ako rito” turo niya sa knapsack.
“Wala akong shorts.”
“Mayroon din ako rito.”
Wala akong brief.”
“Brief ko, mayroon ako rito. Ito na ang gamitin mo.”
Napangiti si Timmy.
“Ayaw mo?”
“Wala akong sinabi!”
Kaya walang nagawa si Timmy kundi ang sumang-ayon.
Nang nasa loob na sila ng sasakyan habang minamaneho ito ni John patungo sa
resort, halos walang mapagsidlan ang saya nilang dalawa.
Nang nasa resort na sila, ipinarada ni John ang
sasakyan niya sa outdoor parking lot ng resort at dumeretso sila sa kalapit na
outdoor beach bar ng resort. Ito iyong bar ng resort na nasa baybayin lang, ang
mga upuan ay iyong parang upuan ng bata na halos nakapatong lang sa buhangin,
ang lamesa ay kasing-taas lang ng tuhod at sa gitna ng bar ay may mga singers
na kumakanta ng mga ballad songs. Ang paligid naman ng beach ay may mga puno ng
niyog na may nagkikislapang iba’t-ibang kulay ng mga neon lights. At sa mga
gilid ay may iba’t-ibang kulay na mga banderang nakakabit sa mga nakahilerang mabababang
poste.
May kalakasan ang hanging amihan sa mga oras na iyon.
Malamig, ngunit masarap sa pakiramdam. Habang nakaupo sila sa mababang bangko,
ang pabugso-bugsong hangin naman ay humahampas-hampas sa kanilang balat, buhok,
at damit. Sa kanilang hubad na mga paa ay naman nananamnam ang masarap na
pakiramdam sa bawat dampi nito sa pinong-pinong buhangin. Dahil sa ambiance, sa
lokasyon ng lugar mismo na nasa dalampasigan at kitang-kita ang rumaragasang
mga alon ng dagat, at sa ganda ng panahon ay nagbigay ito na matinding
kasiyahan sa kanilang dalawa. Tila pag-aari nila ang mundo sa sandaling iyon at
silang dalawa lang ang nakatira rito. Walang nakakakilala sa kanila. wala rin silang
kakilala. Para silang mga ibon na nakalabas sa kanilang mga hawla. Malaya,
nakakalipad, puwede nilang gawin ang kung ano man ang gusto nila.
Ngunit syempre, dahil mga guwapo at hunk sila,
parehong matangkad at malakas ang appeal, hindi maiwasang may mga matang humahanga
sa kanila sa pagdating pa lang nila at pumili ng upuan. May mga babae, mga
bisexual at baklang nagtatanong, curious, at naaaliw sa pagdating nila. Nang
mag-CR si Timmy, may isang lalaking nakipagkilala sa kanya. Nakigpagkaibigan,
nakipagkuwentuhan. Nang tinanong siya kung nag-iisa lang siya, sinagot ni Timmy
na may kasama siya.
“Your friend? Or partner?” ang kanyang tanong.
“Yes, partner.” Ang deretsahang sagot ni Timmy.
Kaya medyo dumestansya na ang lalaki. Ngunit sinundan
pa rin si Timmy hanggang sa puwesto nila ni John, inusyuso kung tunay ba na may
partner talaga si Timmy. Nang nakita niya si John, nginitian niya si Timmy at
kumaway habang papalayo.
“Sino iyon?” ang tanong ni John.
“Nakipagkaibigan lang d’yan nang magpunta ako ng CR.
“Nilalandi mo naman.”
“Tange! Nagulat nga ako nang biglang nagsalita.”
“Bakit ka nilapitan?”
Agad humarap siya kay John at inilagay ang kanyang
kamay na nakabuka ang hinlalaki at hintuturo sa ilalim ng kanyang baba, pormang
pa-pogi sabay tawa rin.
“Oo na. Alam kong pogi ka. Wala akong masabi.”
“Syempre naman, expected ang mga iyan dahil party ito,
marami rito ang naghahanap ng mga bagong kaibigan.” Ang paliwanag din ni Timmy.
“Baka bagong kaibigan at bagong kakantutan.”
Natawa si Timmy. “Both.”
“Ikaw kasi... may hubby ka na, dapat ay behave ka na.
Huwag nang maglandi.”
Binitiwan ni Timmy ang isang ngiting-aso habang
nilingon si John. “Fuck off!” Pero sa totoo lang, may kiliti siyang nadarama sa
sinabi ni John na “Hubby”.
May dalawang babaeng lumapit at nagtanong kung gusto
silang makatable ngunit deretsahan ding sinagot ni John na gusto lang nila ay
privacy, na nadoon lang sila para mag enjoy at makatakas sa stress ng pag-aaral.
May dalawang machong lalaki rin ang lumapit, mga tagong bakla na naghahanap ng
prospects ngunit deretsahan ding sinabi sa kanila ni John na hindi sila
available. “Sorry pare, pero gusto lang namin ng medyo tahimik…”
“Ah, okay bro. We understand” ang sagot ng isa sa
dalawang lalaki.
“So… are you couple?” ang tanong naman ng kasaman
niya.
Nagkatinginan sina John at Timmy. Nag-alangang
sumagot. Tapos, tiningnan uli nila ang dalawa at sabay silang tumango na ang
isinagot lang ay, “Uhm.”
“Wow! Cutest couple I’ve seen!” ang sagot ng lalaki.
“Thanks, man!” ang sagot din ni John.
Natawa na lang si Timmy kay John. Sa isip niya kasi ay
kung siya ang tatanungin, okay lang sa kanya ang may makigpagkaibigan o
makipag-table sa kanila. Ngunit iba ang pakay ni John. Gusto niyang
makasarinlan si Timmy sa lugar kung saan ay “perfect” at paborito niya.
“Ba’t ka natawa?” ang tanong ni John nang nakitang
tawa nang tawa si Timmy sa pag-alis ng dalawa.
“Ang guwapo mo kasi! Dinadayo ka ng mga babae at bakla.”
ang sagot na lang ni Timmy habang patuloy pa ring tumatawa.
“Oo naman. Kaya masuwerte ka na ikaw ang pinatulan ko.
Dahil kung hindi, ‘Sorry pare’ ka na lang din kagaya nila.”
“At bakit mo naman ako napili, Mr. Johnny Iglesias?
Aber?”
“Dahil kahit ang kapogian mo ay medyo low-class, hindi
ka-level ng kapogian ko, ang pagka-cute mo naman ay kahit papaano pasado na sa panlasa
ko. Iyong bang ang passing score ko ay 70, pero ang sa iyo ay nasa 69.5.” Ang
sagot ni John.
“Rounded up pa talaga, no? At 0.1 lang ang diperensya
at bagsak na ako. At baka doon mo pa kinuha ang 0.1 point na yan kapag bagong
paligo ako.”
“Tama ka. Kapag medyo kagaya niyan na amoy-pawis ka
na…” Inamoy ni John ang damit ni Timmy, “…nagpa-fluctuate ang point mo sa 69.0
– 69.4. Bagsak.”
“Wow naman...!” ang sagot ni Timmy na tawa nang tawa
sa sinabi ni John. “So, parang napilitan ka lang pala niyan sa akin?”
“Uhm…” tumango-tango si John na tiningnan si Timmy. “You
can say that, yeah!” dugtong niya at ibinaling ang atensyon sa beer na inilatag
ng waiter sa mesa.
“Okay…” ang sagot din ni Timmy sabay tayo at
tumalikod, akmang aalis. “Maghanap na lang ako ng kasamang hindi masyadong
mahangin. Mahangin na nga ang paligid, may mahangin ka pang kausap. Ang
lamiiiiiiggggggggg!”
Agad namang tumayo si John at hinablot ang kamay ni
Timmy at hinila pabalik sa upuan. Iyong parang magbarkada lang na
nagtatampuhan. “Uy, uy, uy! Biro lang iyong sa akin, tangina!” Ang sambit ni
John. “Hindi ka na mabiro!” ang dugtong niya. “Saan ka naman sana pupunta?”
Naupong muli si Timmy. “Maghanap ng grupo ng mga
low-class lang ang kapogian ah! Nakakahiya naman sa iyo.”
Binirong idinampi ang kamao ni John sa pisngi ni
Timmy. Iyong pabirong susuntuking ang mukha. “Joke lang iyong sa akin. Ito
naman... Kung low-class ang kapogian mo, mababaliw kayang ganito ako sa iyo?
Gagawin ko ang lahat para sa iyo, alam mo iyan.”
“So mahal mo ako dahil pogi ako?”
“Part lang iyan. Sa una, ewan. Na attract ako sa iyo.
Pero sa kalaunan, mas malalim na riyan. Mga ways mo, mga katarantaduhan mo,
katigasan ng ulo, kakulitan, kasama na roon iyong tatag mo, talino... mga
ganyan.”
Napangiti si Timmy. Tinitigan niya si John na kunyari
ay itinutok ang paningin sa ibang bagay. Ayaw niya kasing lantarang puriin si
Timmy. Ayaw niyang lumaki ang ulo nito.
May naramdamang kilig si Timmy sa narinig. Kinurot niya
ang ilong ni John. “Biro lang din naman iyong sa akin. Alam ko namang ikaw ang
low-class ang kapogian.”
“Oo na! Ikaw na! Tangina.” Ang sagot ni John.
Tawanan.
Sobrang saya nila sa sandaling iyon. Bagamat hindi
naman sila obvious kagaya ng mga straight o open na magkasintahan na
nagyayakapan, naghahawakan ng kamay in public o bulgaran talaga ang
pagdidisplay ng relasyon ngunit para sa dalawang parehong macho,
lalaking-lalaki kung kumilos, pumorma at magsalita, hindi rin pangkaraniwan ang
kanilang ginagawa na panay tawanan, dikit na dikit sa pag-upo, nag-aakbayan, at
may paminsan-minsang pagtsa-tsansingan, o iyong simpleng ang pagkain ng isa ay
kakakinin din ng isa, o ang baso at kutsara ginamit ng isa ay gagamitin din ng
isa. Kung hindi mo sila kilala at makikita mo silang ganoon hindi maiwasang
magtanong ka kung magbest friends ang dalawa, magkapatid o may relasyon na
lihim. Ngunit para kina John at Timmy, wala silang pakialam sa mga tao.
Nang nalasing na ang dalawa, doon na sila nagwala.
Nagsasayaw sila, iyong seductive na sayaw na silang dalawa lang ang magpartner.
May hawakan ng kamay, may paminsan-minsang yakapan, may twerking at may sayaw
na ang aksyon ay mistulang naglove-making. Tila nasa state of euphoria, o iyong
sobra o feeling abot-langit ang kaligayahan gawa ng kalasingan. Aliw na aliw
naman sa kanila ang maraming customers, lalo na ang mga babae at bakla. Ang iba
ay naki-sali rin. Naki-sayaw, naki-saya.
Sa kasasayaw nilang dalawa ay biglang natisod si Timmy
na ang kababagsakan ang kanilang mababang mesa na may mga bote, plato, lagayan
ng sause, suka at patis. Agad siyang niyakap ni John dahilan upang ang likod ni
John ang tumama sa mesa at si Timmy ang nasa ibabaw ni John. Nagkatitigan sila
nang bumagsak na silang dalawa sa ibabaw ng mesa. Kahit masakit ang likod ni
John, pinilit pa rin niyang bitiwan ang isang ngiti para kay Timmy.
“Thank you.” Ang sambit ni Timmy.
Kinurot ni John ang pisngi ni Timmy. Nang tumayo sila,
itinuloy nila ang kanilang pagsayaw.
Ala-una ng madaling araw ay nagsara ang bar. Ang
maingay at masayang sayawan nila ni John ay nauwi sa napakatahimik na paligid,
maliban sa ingay ng bawat paghampas ng alon sa dalampasigan at ang
pabugso-bugsong hangin na dumadampi sa tainga, naging mapayapa ang kapaligiran.
Iyong pakiramdam na pagkatapos ng sobrang saya, nang nagsi-uwian na ang lahat,
naiwan kang pagod at mag-isa.
Tinumbok ni Timmy ang mga bangko na nakahilera pa sa
dalampasigan paharap sa dagat. Iyon iyong mga bangko ng bar na itinambak nila sa
sulok na iyon kapag nagsasara sila. Hinila niya ang isang bangko at naupo siya roon.
Mula sa kinauupuan ni Timmy ay tanaw niya ang dagat.
Sa lugar na iyon ay med’yo matarik ang taas ng dalampasigan. Kaya sa parte na
iyon ay may kalaliman ang dagat at malakas ang alon na humahampas sa baybayin.
Habang nakaupo si Timmy sa bangko, malalim ang kanyang iniisip. Blangko ang
kanyang paningin na nakatutok sa malayo.
Tahimik na nilapitan siya ni John. Tinanggal niya ang suot
niyang jacket ibinalot iyon sa katawan ni Timmy. Umupo na rin siya sa tabi nito,
may kaunting agwat sa gitna nila. Binitiwan ni John ang malalim na
buntong-hininga. Tahimik na pinagmasdan din niya ang bawat paghampas ng mga alon
sa dalampasigan.
“Anong iniisip mo?” ang tanong ni John, tiningnan niya
si Timmy.
Binitiwan ni Timmy ang isang malalim na
buntong-hininga at isang matipid na ngiti. “Wala… naisip ko lang. ang layo na ng
narating natin. Ang lalim na ng pinagsamahan simula noong unang magkrus ang
ating mga landas sa dati nating eskuwelahan. Naging magkaaway tayo, naging
magkaibigan, naging magkarelasyon, naging magkapatid, naging magkaaway muli,
naging magkaibigan, at ngayon, naging tayo na naman. Ano kaya ang sunod na
mangyayari sa atin? Parang isang malawak at malalim na dagat lang ang ating
relasyon. Hindi natin alam kung ano ang sunod na mangyayari. Hindi natin alam
kung bukas, makalawa ay nariyan pa tayo para sa isa’t-isa. O baka naman ay hindi
talaga tayo ang itinadhanang magkatuluyan, at may ibang tao palang para sa
atin. B-baka makahanap ka ng iba... ganoon din ako, at maghiwalay ang mga
landas natin.”
“Ano ba iyang pinagsasabi mo, Tok… ayaw ko ng ganyan.”
Ang sambit ni John na umusog palapit kay Timmy at inakbayan siya.
“Realistic lang ako. Totoo naman, di ba Hang? Hindi
natin hawak ang ating kapalaran. Hindi natin hawak ang buhay. Hindi natin hawak
ang maaaring mangyari sa bukas, sa makalawa, o sa darating ng mag araw. Naalala
ko ang sabi ng matandang bakla sa parlor kung saan ako nagpagupit, wala raw
relasyong lalaki-sa-lalaki ang tumatagal. Kaya kung may babaeng tatanggap sa
atin, mas maganda na bumuo ng pamilya. Naalala ko rin ang panaginip ko kung
saan ay nag-iisa na lang ako sa bandang huli. Hindi kita mahanap...”
“Puwede ba, Tok... dinala kita rito upang mag-enjoy.
Upang masarili natin ang bawat isa. Huwag kang magsalita ng ganyan.”
Natahimik si Timmy. “Sorry, Hang. Siguro ganyan lang
ako. Ako kasi, kapag sobrang saya tapos biglang matahimik, nakakaramdam na ako
niyang ng lungkot, ng takot ng pag-iisa, ng insecurity. Parang lahat ng saya sa
buhay ko ay may kapalit na lungkot pagkatapos. Siguro ay masyado lang talaga
akong emosyonal. O nakatatak na talaga sa utak ko na pagkatapos ng bawat saya
ay may lungkot na kapalit.”
“Kalimutan mo na lang iyan, Tok. Mali ang nasa isip
mo. Ako kasi pagkatapos ng saya, matutulog na lang ako, at kapag nagising,
iisipin ko pa rin ang saya na dulot ng mga taong nagpasaya sa akin... masyadong
advanced ang pag-iisip mo. Dapat ay optimistic ka palagi.”
Tahimik.
“Isipin mo na lang na kapag ang dalawang tao ay
nagmamahalan, walang sino o ano man ang makakahadlang kapag pareho nilang
pinapanindigan ang kanilang pagmamahalan.” Nahinto si John sandali. “Well...
except kung eeksena si kamatayan.”
“Iyan... isa iyan sa kinatatakutan ko. Nariyan pa rin
sa akin ang trauma ng pagkamatay ng inay, dahilan upang mag-isa na lang ako.”
“Tok... matatakot ka lang kapag ako ang unang
mamatay.”
Doon na nagalit si Timmy. “Shit! Tayo na ngang mag
check-in! Tangina, tinakot pa ako! Tanginaaaaaa!!!” at tinumbok ang hotel.
Tawa naman nang tawa si John na tumayo sumunod kay Timmy.
Nang nasa baba front desk na sila, nagbayad si John atsaka ibinigay sa kanila
ang susi para sa kanilang kuwarto. Nang nasa kanilang kuwarto na sila agad
tinungo ni Timmy ang terrace ng hotel at tumayo sa may barandilya nito. Salamin
lang kasi na tinakpan ng puti at see-through na kurtina ang partisyon sa
pagitan ng kanilang kuwarto at terrace. Nagandahan si Timmy nang makita ang
terrace dahil mula rito ay tanaw ang dagat at malamig ang hangin na deretsong
humahampas sa dereksyon ng kanilang hotel.
Sumunod si John sa kanya at niyakap siya mula sa
likod. “Ang ganda rito, Tok, ‘no?” ang tanong niya.
Tumango si Timmy. “The best!” ang sagot niya. Ngunit
sa loob-loob niya ay ang hindi niya maintindihanng nararamdamanng magkahalong
saya at ang hindi pa rin mapawing lungkot na sinasabi niya. “Sana ganito na
lang tayo palagi.” Ang dugtong niya.
“Oo naman. Palagi tayong ganito. Promise.” Ang sagot
naman ni John. “Tara na. pahinga na tayo.” Ang pag-anyaya ni John sabay hawak
sa kamay ni Timmy at hinila ito patungo sa loob ng kuwarto.
Nakabuntot si Timmy kay John. Nang uupo na sana siya
sa kama, nag-ring ang cell phone ni Timmy. Sinagot niya ito.
“Hello!”
“Hi Timmy! Si Bell ito! Parang nakita kita kanina.”
“Baka nagkamali ka, Bell. Nasa isang resort kami.”
“Blue Wave?”
“Oo! Nandito ka rin?”
“Sabi ko na nga ba eh! Kayo iyong nasa outdoor beach
bar kanina di ba? Nakita ko kayo ni John! Dumaan lang kami. Nasa disco naman
kasi ang mga kasama ko.”
“Kami nga iyon, Bell. Sino ang mga kasama mo?”
“Mga kaibigan. May kaibigan kasi akong anak-mayaman,
nagyaya sa amin dito.”
“Wala si Susan?”
“Wala. May work siya eh.”
“So pagkagaling kanina sa pamimili natin ng regalo kay
John ay dumeretso ka na rito?”
“Umuwi muna ako ng bahay. Tapos biglaan kasi ang
pagyaya ng kaibigan ko kaya heto, wala sa plano.”
“Ah, okay. See you later na lang, Bell. Ingat palagi!”
“Si Bell?” ang sambit ni John nang matapos na silang
mag-usap ni Timmy.
“Oo. Nandito pala siya kasama ang mga kaibigan daw
niya.”
“Wow! Mayaman.”
“Kaibigan daw niyang anak-mayaman.”
“Okay...” ang sambit ni John sabay din abot sa cp ni
Timmy atsaka pinatay ito, at pagkatapos ay inilatag sa ibabaw ng cabinet.
“Hey! Ba’t mo in-off?”
“Dapat ay tayong dalawa lang. Walang ibang taong
kakausap sa atin, walang iisiping problema, o ano pa mang issues. Tayo lang.
Oras natin ito.” Ang sambit ni John habang niyayakap si Timmy. Ang totoo, may
nadaramang pagseselos si John kay Bell dahil sa paghalik ni Timmy kay Bell nang
nagalit si John kay Timmy. “At isa pa... nakahalikan mo siya doon sa restaurant
nina Susan, di ba?”
“Tado! Ikaw naman ang nag-utos noon!” ang sambit ni
Timmy.
“At pumatol ka naman!”
“Alangan namang hindi ko sundin ang utos mo, galit ka
kaya sa akin. Iyong mga mata mo ay nagliliyab noon at ang ilong at tainga mo ay
umuusok! Paanong hindi ako susunod. Ikaw nga riyan, anong nangyari sa inyo ni
Susan?”
“Wala naman.”
“Magsabi ka ng totoo. Ano ang nangyari sa inyo ni
Susan?” ang giit ni Timmy. Ang totoo, alam ni Timmy na hanggang punas lang si
Susan sa katawan niya dahil ikinuwento ito ni Bell sa kanya. Pero gustong
gawing pangongonsiyensya ni Timmy ang nangyaring iyon.
“Wala nga! Hinatid lang ako sa bahay, pinunasan niya
ang katawan ko. Iyon lang!”
“Hindi ako naniniwala! Pagkatapos ng punas syempre,
titigasan ka. Tapos, dahil lasing ka, yayakapin mo siya, tapos hahalikan,
tatanggalin mo ang damit niya atsaka lalamutakin ang boobs niya, didilaan, sisipsipin,
tapos roromansahin, paliguan ng halik ang buong katawan niya. Tapos, ipapasubo
mo na iyan!” sabay turo sa pagkalalaki ni John. “Ikaw naman ay uungol hanggang
sa hindi mo na kaya, ipasok mo na iyan...” turo niya uli sa pagkalalaki ni
John, “...sa loob ng pagkababae niya! O wait... i-fellatio mo pa pala ang keps
niya at mag 69 kayo bago mo siya pasukin! Pi-fingering mo siya, paliligayahin
muna siya sa pamamagitan ng iyong daliri at kapag nagdedeliryo na siya, tuluyan
mo na siyang pasukin. At babayuhin mo siya nang babayuhin hanggang sa lalabasan
ka! Tama ba?”
Nakatitig na lang si John kay Timmy habang nagsasalita
ito. At nang matapos na, doon na niya hinubad ang kanyang pantalon, kasama na
ang brief. Lumantad ang tigas na tigas nang pagkalalaki ni John. Tinigasan na
kasi siya habang nag-iimbento ng kuwento si Timmy tungkol sa kanila ni Susan.
Hindi siya tinigasan sa eksena nilang dalawa ni Susan kundi sa isip niya na pagseselos
si Timmy. At imbes si Susan ang ikinuwento ni Timmy na kapareha niya sa kama,
silang dalawa ni Timmy ang naglalaro sa kanyang isip.
“Sige, tingnan mo at suriin mo ang pagkalalaki at
burat ko kung iyan ay naisubo na ni Susan. Malalaman mo naman iyan kapag ikaw
mismo ang sumubo. Halika, isubo mo na!” sabay hawak sa ulo ni Timmy at
puwersahang idiniin iyon sa kanyang pagkalalaki.
Napaluhod si Timmy sa harap ni John. Siya man ay
nagulat sa mala-rapist at sadistang asta ni John. May excitement siyang
nadarama. Malakas ang kalampag ng kanyang puso at mistulang nagtatalon ang kanyang
puson. At dahil mahigpit na hinahawakan ni John ang kanyang ulo, wala siyang
kawala. Buong tapang na isinubo niya ang pagkalalaki ni John. Kahit nabilaukan
at nasasamid siya sa taba at haba ng kargada ni John na naglalabas-msok sa
kanyang bibig at lalamunan, deserve niya iyon dahil sa kanyang kalandian.
Nauwi ang lahat sa malakas na ungol ni John at Timmy. Natabunan
ng mga ungol nila ang ingay ng paghampas ng mga alon sa dalampasigan. At ang
lahat na inimbentong kuwento ni Timmy na ginawa raw ni John kay Susan ay ginawa
ni John sa kanya.
Naunang nagising si John kinabukasan. Alas 10 na iyon ng
umaga. Nang naalala ni John na naroon din si Bell, minabuti na lang niya na
mag-order na lang ng pagkain sa kuwarto nila. Ayaw niyang magkita uli sila ni
Bell at masira ang plano niyang masarili si Timmy.
Naligo muna si John atsaka ginising si Timmy. Nang
dumating ang order nilang pagkain, sakto ring natapos na sa paliligo niya si
Timmy. Sabay na silang kumain.
“Anong oras tayo uuwi?” Ang tanong ni Timmy nang kumain
na sila.
“Pagkatapos nating kumain?”
“Gala muna tayo sa paligid ng resort Hang. Hindi pa
natin naikot eh. Yung kahabaan ng beach, iyong swimming pools nila, may mga
rides din daw sila sa dagat eh.”
“Okay, iikot tayo. Pagkatapos ay deretso na tayo sa
pag-uwi. Baka gusto mong sumakay na rin ng mga rides?”
“Tingnan natin.”
Kaya pagkatapos nilang kumain ay bumaba sila. Umikot
sila sa pool kung saan ay may mga cottages sa paligid at may mga ponds din kung
saan ay may mga isda, may mga buhay at malalaking alagang iguana ring makikita at sinadyang pakawalan
doon. May mga hawla ng iba’t-ibang klaseng ibon mula sa pinakamaliit hanggang
sa nagsasalitang parrot hanggang sa may sampung ostrich na nasa loob ng
malaking kulungan.
Tumungo sila beach. Nakita rin nila roon ang mga
rides. Mayroong horse rides, may matayog at mahabang paikot-ikot na slide na
ibabagsak ka sa dagat, may banana rides, may speed boat ride, may snorkeling,
mayroon ding surfing, water biking, parasailing, jetskiing, skuba diving,
helmet diving, may island hopping din at marami pang iba.
“Dahil nagustuhan ni Timmy na sumakay sila sa jetski,
sumakay na sin si John. Tig-iisa sila. Nagkarerahan sila sa dagat. Dahil hindi
na masyadong maalon, mas naenjoy nila ang kanilang ride. Nang matapos sa
jetski, sa parasailing naman sila. Pagkatapos ay sa water biking naman, at
sinundan ng helmet diving.
Sobrang saya nila sa tagpong iyon. Nagpahinga lang
sila nang nagutom tapos pili uli ng rides.
Hinid nila namalayan na alas 6 na pala ng gabi. Doon
nan nila naisipang bumalik sa kanilang kuwarto at nagpahinga. Dahil sa pagod ay
nakatulog sila. Nang nagising ay gabi na. Napagdesisyunan nilang kinabukasan na
lang umuwi. Dahil dito, naisipan nilang mag-bar na lang uli, sa isang indoor
bar naman ng hotel. Doon sila nag-oder ng pagkain at pagkatapos ay nag-inuman
sandali. Dahil sa pagod ay maaga silang natulog sa gabing iyon.
Maaga silang nagising kinabukasan. Alas 8 pa lang ay
nakakain na sila ng alusal at naka check out na rin ng hotel. Tutungo na sana
sila sa sasakyan nang nanghikayat si Timmy na dumaan muna sa beach. Umandar na
naman ang kanyang pagiging emotional. Gusto niyang pagmasdang muli ang dagat.
Para kay Timmy, ang lugar na iyon ay parang isang simbolismo sa kanyang buhay.
Ang lawak at lalim ng dagat ay kagaya ng kanyang buhay. Ang lugar na iyon ay
nakapagbigay sa kanya ng ibayong kaligayahan, kasama ang mahal niyang si John.
Ngunit ang lugar na iyon ay para ring isang mukha lang ng buhay niya, kakaibang
mundo, mundong patago kung saan ay doon lang nila malayang naipapalabas ang
kanilang pagmamahalan. Ngunit kahit iyon ay isang patagong mundo, iyon din ang
pinakamasayang mundo niya.
Habang nakatayo siya roon at tila napakalalim ang
iniisip, nilapitan siya ni John at hinawakan ang kanyang kamay. Napatingin si
Timmy kay John. Binitiwan niya ang isang pilit na ngiti. “Alis na tayo?” ang
tanong ni John.
Binitiwan ni Timmy ang isang malalim na buntong
hininga at tumango.
Naglalakad na sila noon patungo sa kanilang sasakyan
nang mula sa kanilang likuran ay may tumawag sa kanila. “Hi Timmy! Hi Johnny!”
Huminto sila at nilingon ang pinagmulan ng boses. Nakita
nila si Bell na naka-bathing suit.
“Hi Bell!” ang sagot ni Timmy. Si John naman ay
ngumiti lang. Iyong ngiting-respeto.
“Uuwi na kayo?” ang tanong ni Bell.
“Oo... Nasaan ang mga kaibigan mo?” ang sagot ni
Timmy.
“Nasa beach. Nakita ko kasi kayo sa kabilang dulo ng
beach at nagbabakasakaling kayo iyon. Tama ang nakita ko. Kaya sinundan ko kayo.”
“Ah, okay. S-sige Bell. Mauna na kami. Ingat!” ang
sambit ni Timmy.
“Okay! Ingat din, Timmy. Ingat kayo sa biyahe.” At
baling niya kay John. “Ingat John sa pagdrive!”
“Thanks! Ang sagot ni John.
Ilang minuto pa lang ang pagtakbo ng sasakyan nang
naramdaman ni Timmy na tila may kakaiba kay John. Ang highway kasi patungo ng
resort ay aakyat sa isang bundok atsaka lulusong pababa. Nasa pababa na bahagi
na sila ng highway nang pansin ni Timmy tila nataranta si John at panay ang
pagtapak niya sa preno. Pansin din niya na tuloy-tuloy lang ang pagbaba ng sasakyan
at pabilis nang pabilis ito.
“Ano ang nangyari? Ba’t di ka nagbi-break?” ang tanong
niya kay John.
“Hindi kumakagat ang break eh!”
“Hindi ba ito na check?”
“Na check na ito! Bago pa lang. At isang taon pa nga
lang ang sasakyan na ito, eh.”
“Ba’t walang break?”
“Ewan ko!”
“Anong gagawin natin?”
“Tangina wag kang maraming tanong! Mababangga tayo!”
Ngunit nagpanic na si Timmy. Bangin kasi ang gilid ng
highway at may paikot-ikot pa na parte kung saan ay hindi nakikita ang
pasalubong na sasakyan. “Shit! Shit!!!” ang sigaw ni Timmy. At nang may
nakasalubong silang sasakyan, “May sasakyan! May sasakyan!” ang sigaw niya kay
John.
Pilit na iniwasan ni John ang sasakyan. At sa
kabutihang palad ay hindi sila nabangga. Ngunit nang nadaanan nila ang parte
kung saan ay biglang paliko ito, doon na nahulog sa bangin ang kanilang
sinasakyan.
“ARRRRGGGGHHHHHHHHHH!”
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment