By Michael Juha
getmybox@hotamil.com
***
getmybox@hotamil.com
***
John’s POV
Dali-dali
akong pumara ng tricycle at imbes na tumungo sa airport, inatasan ko ang driver
na sa terminal ng bus ako ihatid. Sinabi ko kasi sa checker ng ticket na sa
mag-chance passenger ako sa eroplano. Baka iyon din ang sasabihin niya sa mga taong
maghahanap sa akinat iyon din ang tutumbukin ng mga police. Habang nasa
tricycle ako, dali-dali akong nagpalit ng t-shirt. Tamag-tama naman na
pagkatapos kong magpalit ng t-shirt ay may nakita akong mga pulis na mistulang
nagbabantay sa kalsada, nagmanman sa mga taong dumaan, parang may hinahanap.
Hindi lang ako sigurado kung ako ba talaga ang hinahanap o may iba silang
pakay. Ngunit hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.
Nag-ring
ang aking telepono. Wala sa phone book ko ang number. “Hello” ang sagot ko.
“John,
si Ella ito. Please bumalik ka at harapin mo ako. Alam na ng daddy ko na may
ginawa ka sa akin at pinapahanap ka na niya sa mga kapulisan. Kaya bumalik ka
na rito upang mapag-usapan natin ng maayos ito at hindi ka masaktan.”
“Fuck!”
ang bulong ko sa sarili sabay putol saa linya. Dinayal ko ang number ni Jishin.
“Jish, paki text nga sa akin ang number ni Ninong? Need ko ang tulong niya. ASAP
please. Thanks.”
Maya,
maya lang ay may text na si Jishin, number ng aking ninong. Tinawagan ko kaagad
ang nasabing numero. Sinabi ko sa Ninong ko ang buong pangyayari at ang banta
sa akin ni Ella, na pinahahanap ako ng kanyang daddy na isang militar. Binigay
ko rin ang pangalan ng daddy ni Ella. “Kasalukuyang patungo po ako sa terminal
ng bus, Ninong. May mga naghahanp na pong pulis sa akin, baka dito po nila ako
mahuli sa mismong terminal ng bus. Gusto ko pong makaalis dito at tutungo ng
Maynila sa llaong madaling panahon. Mukhang ita-trap po nila ako rito sa Roxas
City.”
“Don’t
worry, John. Akong bahala. Kakausapin ko ang head ng NBI Western Visayas na
nariyan sa Roxas City. Ico-contact ko rin ang daddy ng babae na nagkakagusto sa
iyo. Kilala ko rin siya. Basta kapag hinuli ka nila at wala silang dalang warrant
of arrest, huwag kang sumama. Igiit mo ang iyang karapatan.” Ang sambit niya.
Medyo
nabawas-bawasan ang aking kaba. Nang dumating kami sa terminal ng bus, ay may
mga nakahilera ring van. Ang van ang aking tinumbok. Mas mabilis kasi ito at
hindi masyadong namimick-up ng pasahero. Tamang-tama naman na ang naka-schedule
na sunod na aalis para sa Iloilo ay may tatlong tao na lang ang kulang. Sinabi
ko sa driver na gamitin ko ang isa at bayaran ko na lang ang dalawang upuan
para makaalis lang kami.
Ngunit
matagal pa rin palang umalis ang van gawa nang may pasahero palang nakareserve at
hindi pa dumating. “Puwede bang umalis na lang tayo? Babayaran ko na lang din
po ang upuan niya?” Ang Pakiusap ko sa driver.
“Hindi
puwede boss... kamag-anak iyon ng may-ari nitong van eh. Baka yayariin naman
ako.” Ang sagot naman sa akin.
Wala
na akong nagawa kundi ang maghintay. Muli na namang nanumbalik ang aking kaba
nang may dalawang pulis na sumilip sa van. “Anong oras ang alis nito?” ang
tanong ng isang pulis.
“Hinihintay
lang po namin ang isang pasahero, Sir. Natagalan lang ng kaunti.” Ang sagot ng
driver.
“May
bakante pa ba?”
“Mayroon
pang dalawa po. Kaso binayaran na ng isa naming pasahero para makaalis na raw
kami agad.”
“Saan
ang pasaherong iyon?”
Tinuro
ako ng driver.
Tinitigan
ng pulis ang aking mukha. Doon na kumalampag nang mabilis ang aking dibdib.
“Puwedeng
lumabas, bossing” ang sambit ng pulis na tumitig sa akin.
“Bakit
po?” ang tanong ko.
“May
hinahanap kaming tao. Pakilabas lang boss para di tayo makaperwisyo sa iba.”
Nang
nasa labas na ako ng van, tinanggal ng pulis ang aking shades at cap.
Ikinumpara niya ang mukha ko sa
dala-dala nilang litrato. Tiningnan niya ang kanyang kasama. “Positive.” Ang
sabi niya.
Agad
nilang hinawakan ang aking kamay at tangka sanang posasan. Ngunit pumalag ako.
“Bakit po ninyo ako poposasan, Sir?” ang tanong ko.
“May
kaso ka kaya dapat ay sumama ka sa amin.”
“Sasama
lang po ako kapag maipakita ninyo ang warrant of arrest para sa akin. Illegal
po itong ginagawa ninyo.” Ang pangangatuwiran ko.
Ngunit
bagamat wala silang maipakitang warrant, gusto pa rin nila akong posasan. Doon
na ako nakipagsambuno sa kanila. Kaya ko sana sila dahil hindi naman sila
kalakihang tao. Mas malaki at matangkad ako. Ngunit ayaw kong magkaroon ng kaso
kaya panay ilag lang ang ginawa ko habang pilit nila akong pinposasan.
Nasa
ganoon akong pagpapalag habang hinahawakan nila ang ang aking mga kamay nang
may biglang dumating na apat na katao na tila mga military na naka-civilian
clothes. “Sir, pamangkin ito ni General Beltran.” Ang sambit ng isa
sabay turo sa akin. “Ang instruction ay huwag siyang kunin kung wala pang
warrant of arrest. Kapag may warrant na, si General na mismo ang magbabalik sa
kanya rito. Kinausap na ni Genral Beltran si Colonel Rocero, ang ama ni Ella na nagsampa ng
reklamo laban sa kanya.” Ang sambit ng mga taga NBI.
Binitiwan
ako ng mga pulis. Saka naman nag-ring ang aking telepono. Ang Ninong ko ang
tumawag. “John, gusto kong kausapin ang mga taga-NBI. Nariyan na ba sila?” ang
tanong niya.
“Opo.
Ibibigay ko ba ang telepono?”
“Please
John.”
Nag-usap
sila ng mga taga-NBI sa cp ko. Nang ibinalik sa akin ang cp, kinausap ako ng
ninong ko. “Di ba patungo kang Maynila, sabi mo?”
“Opo.”
“D’yan
ka na lang sa airport ng Roxas City mag book ng flight imbes na pupunta ka pa ng
Iloilo. Pa-escortan kita ng mga taga-NBI riyan para safe ka. Tungkol naman sa
kaso mo, ako na ang bahala roon. May kaibigan akong abogado sa Roxas City at
once na maisampa ang kaso, agad ko siyang pababayarin ng piyansa. Pero kausapin
ko rin si Coronel Rocero na kung maaari ay pag-usapan na lang.”
“Marami
pong salamat Ninong.”
“Walang
anuman, John. Ituloy mo lang ang paghahanap sa inay mo at ako na ang bahala.”
Kaya
sa wakas ay naka-alis din ako ng Roxas City.
Gabi
na nang lumapag ng Maynila ang eroplanong sinakyan ko mula Roxas city. Paglabas
ko ng airport ay dumeretso agad ako sa ticekting office para sa kinabukasan
kong flight patungo naman ng Mindoro. Nagcheck-in ako sa isang hotel
pagkatapos.
Dahil
abala ako sa pag-google ng mga detalye tungkol sa lugar na patutunguhan sa
Mindoro, alas 11 na ng gabi ako nakapagpahinga. Nahiga na ako nang nag-ring
naman ang aking cp. “Kuya... nakita mo ba ang mga posts ngayon sa internet?”
ang sambit ni Jishin.
“Bakit?
Anong mayroon?”
“May
litrato ka na ipinost ng isang babae! Ni-rape mo raw siya. Sa litrato ay nakahiga
ka, hubad ang buo mong katawan, ang tanging may takip lang ay ang iyong
pagkalalaki, pinatungan ng kumot. Nakatihaya ka at himbing na himbing. Tapos,
may litrato rin ng mga nagkalat na punit na damit ng babae at panty na may dugo
sa sahig ng kama.”
“Ano???!!!”
ang gulat kong sagot at napabalikwas sa higaan. Mistulang may pumutok na bomba
sa aking harapan at biglang nagising ang aking diwa.
“Opo
kuya. At may caption na, ito ang lalaking lumapastangan sa aking pagkababae.
Ang pangalan niya ay John Iglesias.” Naroon pa talaga ang pangalan mo.
“Huwag
kayong maniwala riyan. Sinungaling ang babaeng iyon! Muntik na nga akong hindi
maka-alis ng Roxas City nang dahil sa kanya! Di ba nanghingi ako sa iyo ng
number ni Ninong? Dahil ‘yan sa tangingang babaeng iyan. Makapangyarihan ang
pamilya nila sa Roxas City. Gusto niya akong pikutin.”
“Ah,
ganoon pala iyon.”
“Galit
ba ang mga tao sa akin sa post niya?”
“Anong
galit? Sa babae sila nagalit. Hindi naman daw kapani-paniwala na ang postura mo
ay rapist. Ang dami ngang nagka-crush sa iyo eh! Kaya nga trending ka dahil
maraming naguwapuhan sa iyo. Ang ganda raw ng katawan, guawapo, at ang ganda
rin ng kuha mo habang himbing na himbing sa pagtulog. Kita pa ang abs mo. Parang
ang inosente mo lang tingnan sa litrato...” sabay bulong ng, “Hindi lang nila
alam.”
“Bakit
inosente pa rin naman ako ah!”
Tawanan.
“Baka
ang iba riyan Kuya ay nagsearch na sa mga internet accounts mo. Mag-fb ka nga
Kuya para makita mo kung ilan na ang nag-add sa iyo.”
“Wala
na akong fb. Deactivated na simula nang maghiwalay kami ni Yeng. May password
kasi iyon ng fb ko kaya para di niya magalaw, pinalitan ko ng password at
dineactivate ko kaagad.”
“Buksan
mo uli.”
“Huwag
na. Di ako interesado. Dagdag problema lang ang mga iyan.”
“Pero
Kuya, si Timmy. Ewan parang malungkot na malungkot. Halos hindi nakikipag-usap
eh. Pinakita ko kasi sa kanya ang post noong babae, iyong sinabi niyang ni rape
siya. Simula noon ay parang nawalan siya ng gana.” Nahinto siya. “Ano ba talaga
ang mayroon sa inyo kuya? Like there is someting na hindi ko alam. Sa totoo
lang, may duda ako”
“Duda
saan?”
“Ewan...
Malisyoso lang siguro ang utak ko.”
“Baka
tama ang hinala mo.” Ang sambit kong pabiro.
“Na...
may relasyon kayo maliban sa pagiging magkapatid?”
“Kung
sasbihin kong oo, maniwala ka?”
“Puwede.
Di ba sabi nila, love is mysterious. Atsaka masaya rin ako kuya kung totoo iyan
kasi, kung natandaan mo dati, tanong nang tanong ako tungkol sa barkada mong si
Junmark? Tapos nakulitan ka at
sinigawan mo ako ng ‘Bakla ka ba?’”
“Oo,
naalala ko.”
“Type
ko siya noon, sa totoo lang. At alam mo rin bang naging kami? Hanggang ngayon.”
Natawa
ako sa narinig. Si Junmark? Ang pinaksiga sa grupo namin? Kumakain ng basag na
salamin at kapag sinabing magpadugo siya ay tutusukin o di kaya ay laslasin talaga
ang balat niya?”
“Opo...”
“Tangina.
Di ko alam iyon ah!”
“Ayaw
niyang ipaalam eh. Pero nang naging kami na, ang sweet niya Kuya. Kapag kayo ang
kasama ay matapang siya, walang kinatatkutan, pero kapag ako ang nagsabi sa
kanya, sunduin niya kaagad ako. Kapag sinabi kong samahan ako sa mall, sasamahan
ako niyan kahit may gagawin pa iyan, kahit may pupuntahan pa iyan.”
“Kaya
pala minsan ay bigla na lang mawawala ang gagong iyon sa umpukan namin.
Naglalandi pala!”
Tawanan.
“Opo... so kayo rin talaga ni Timmy Kuya?”
Doon
na ako napaamin. “Oo... bago namin nalaman na magkapatid pala kami ay naging
kami na. Pinilit ko siya na maging kami. Sa kalaunan ay nahulog din ang loob
niya sa akin. Ako ang naghahabols sa kanya. Hindi ko siya nilubayan. At ganoon
din ako, takot ako kay Timmy. Ayaw kong malungkot siya, o magalit sa akin.”
“Kaya
pala...”
“Huwag
mong sabihin sa iba ha? At huwag mo ring sabihin kay Timmy. Baka malaman niyang
nag-uusap tayo.”
“Actually
kuya nagduda na siya. Di ba may tumawag sa iyo at hindi sumagot? Wala akong
ibang pinaghinalaan kundi siya. Paano na lang kayo Kuya? Magkapatid kayo?”
“Kaya
nga umalis ako, di ba? At nagkasundo na kami tungkol riyan. Babalik lang ako
kung wala na kaming nararamdaman para sa isa’t-isa. Kaya pinilit niya ang kanyang
sarili na hindi ako kausapin dahil iyan ang aming kasunduan.”
“Kawawa
naman kayo, Kuya. Para akong maiiyak sa love story ninyo...”
“Malas
kami eh. Pero hanggang nandito pa siya sa puso ko, hindi ako maghahanap ng iba.
Wala akong ikakama, wala akong liligawan. Kaya huwag kayong maniwala sa babaeng
nag-upload ng litrato ko. Kasinungalingan ang lahat ng mga sinasabi niya.”
“Naniwala
ako sa iyo, Kuya.”
Tahimik.
“Puwede
ko bang sabihin sa kanya kuya na alam ko na ang tungkol sa inyo?”
“Gusto
kong makalimutan na niya ako, Jish. Mas maigi kung turuan mo siyang maghanap na
lang ng iba. Basta huwag lang lalaki. Manligaw siya ng babae, okay lang sa
akin. Pero huwag mong ipahalata na alam mo ang tungkol sa amin.”
“Okay
kuya. Noted. Akong bahala kay Timmy. Mag-ingat ka riyan Kuya. At sana ay
mahanap mo na ang iyong inay.”
Kinabukasan
ay bumiyahe na naman ako patungo ng Mindoro.
Dahil malapit lang ang hotel ko sa airport, walang pressure sa aking oras. Nang
nakapila na ako sa check-in, laking pagtataka ko naman nang may mga
nagsitinginan sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin dahil ganyan naman talaga
minsan. Sa daming tao ba naman sa airport, hindi talga maiwasan na may titingin
sa iyo na iyong casual lang, o di kaya ay may artistana nakatabi mo at akala mo
ay ikaw ang tinitingnan pero iyong artista pala.
Ngunit
may dalawang babaeng hindi nakatiis at lumapit sa akin, “Puwedeng magpa-selfie,
John?” ang sambit ng isa.
Nagulat
ako na tiningnan siya. Hindi ko naman kasi maalala kung namukhaan ko siya. Pero
napangiti pa rin ako. “B-bakit mo ako kilala?” ang tanong ko.
“Ay,
hindi mo alam? Sa facebook! Nagkalat ang litrato mo roon.” Ang sagot niya sabay
bulong sa kasama, “Ang guwapo-guwapo pala niya sa personal!” habang nagtatalon
na parang batang tuwang-tuwa na binigyan ng candy, saka nagselfie. Wala na
akong nagawa kundi ang ngumiti. Nang napansin naman ng iba na game lang akong
magpa-selfie, lumapit na rin sila at nagpa-selfie na rin. May nakita rin akong
nagbi-video. Game na game na lang akong nag V-sign or thumbs up habang
naka-ngiti or wacky sa mga selfie nila. “Ang bait-bait pala ni John!” ang
narinig kong sambit nila. Feeling ko ay isang sikat na artista talaga ako.
Nang
nasa loob na ako ng pre-departure lounge, ganoon uli ang eksena. May mga
nakakilala sa akin na lumapit at nagpa-selfie. May iba ring nag video.
Tila
gusto ko nang pasalamatan si Ella. Baka sa ginawa niya ay hahabulin na ako ng
ABS-CBN or ng GMA at gawing artista. Napatawa na lang ako sa aking sarili.
Dahil
walang delay ang flight, alas 12 ng tanghali ay nasa San Jose Mindoro na ako. Nagrenta ako ng tricyle at binayaran ko
ang driver nito bilang tour guide ko na rin. Ibinigay ko sa kanya ang address
at pangalan ng aking inay. Una naming tinumbok ang opisina ng kapitan ng Baranggay Ipil. Kinumpirma niyang may
isang babaeng biyuda raw, nag-iisang nakatira sa kanilang Baranggay.
May
kahirapang tahakin ang lugar na kinaroroonan ng bahay ng nasabing babae.
Bakubako ang daan at halos natatakpan ito ng malalaking puno, mahahabang damo
at matatayog na kawayan. Nalala ko ang lugar nina Timmy at ng kanyang inay.
Halos magkapareho ang layo at hirap ng daanan. Naisip ko na kung nag-iisa nga
ang babaeng iyon, nakakahabag ang kanyang kalagayan. At kung nagkataong siya
nga ang aking inay, baka mahihirapan akong mapatawad ang aking ama at ang aking
sarili. Tila sumiklab na naman ang galit ko sa aking papa. Sinira niya ang
buhay ng aking ina, sinira niya ang buhay ko. Sinira na nga niya ang
buhay-pag-ibig ng inay, pati ang sa akin ay sinira rin niya.
May
mahigit isang oras naming sinuong ang sakripisyo ng pagtahak sa daanan na iyon.
Hanggang narating namin ang isang dampa na nakahapay at may tukod na kawayan sa
parte na halos babagsak ito.
“Tao
po! Tao po!” ang pagtawag ng tanod na sumama sa amin ng driver ng tricycle.
Maya-maya
lang ay may sumilip na babae na sa tingin ko ay nasa kuwarenta o mahigit ang
edad. Mahaba na gusot ang kanyang buhok, sunog ang balat ng kanyang mukha,
halatang bilad sa araw. Halata na rin ang mga kulubot sa kanyang mukha.
“Sino
po ang hinahanap nila?” ang tanong niya. Medyo paos ang kanyang boses, halatang
nagulat.
Hindi
ko ma-expalin ang aking naramdaman sa pagkakita sa kanya. Tila lumakas ang
tibok ng aking puso, may kakaibang kaba akong nadarama. Hinahanap po namin si Esmeralda Reyes?” ang sagot ko.
“Ah...
ako nga po iyon. Tungkol saan po?”
Napatingin
ako sa tanod at sa tricycle driver. “P-puwede po bang m-makausap kayo? May
ilang bagay lang po na itatanong ako.” ang sagot ko uli.
“A,
eh... p-puwede naman.” Ang sagot niya. “Sandali at lalabas ako ng bahay.”
Pinagmasdan
ko siya habang bumaba sa hagdan na kawayan kanyang bahay. Payat siya bagamat sa
tingin ko ay malakas pa ang kanyang katawan. Nakasuot siya ng lumang T-shirt na
may mga maliliit na butas sanhi ng kalumaan at kulay abo na palda.
“Tungkol
saan po ang kanilang itatanong?” ang sambit niya na nakatingin sa akin, ang
kanyang mga mata ay may bakas na pag-alala.
“Huwag
po kayong matakot. Itatanong ko lang po kung may kilala kayong Miguel Iglesias?”
Kitang-kita
ko sa kanyang mga mata ang ibayong pagkagulat. Hindi siya nakasagot agad. Tila
nag-isip. “Ahm... W-wala, w-wala akong kilalang Miguel.” Ang sagot niya.
Ngunit
hindi ako kumbinsido sa sagot niya. “Si John Iglesias po, natatandaan niyo po
ba ang pangalang iyan?” ang pagtanong ko uli sabay hugot sa isang bibero mula
sa bulsa ng aking bag at inabot iyon sa kanya. “Ito po natatandaan niyo pa rin po
ba ito? Kayo po ang gumawa nito para po sa anak ninyo. Kayo po ang
nag-ganstislyo niyan. Kayo rin oo ang nagborda ng pangalan ng anak ninyo sa
bibero. At sa likod nito, nariyan ang pangalan ninyo. Sabi niyo raw po ay upang
hindi malimutan ng anak ninyo ang pangalan mo. At ipinagbilin niyo rin po sa yaya
ng inyong anak ay ibigay ito sa kanya paglaki niya at sabihin sa kanya na kayo
ang gumawa nito... at kung gaano ninyo siya kamahal.”
Nang
hinawakan niya ang bibero na inabot ko ay hindi na niya naitago pa ang kanyang
emosyon. Humagulgol siya nang humagulgol. Hindi siya nagsasalita. Nasta humagulgol
na lang siya nang humagulgol.
Sa
pagkakita ko sa kanya sa ganoong postura ay agad ko siyang niyakap. Napahagulgol
na rin ako. “Inay... sabik na sabik na po ako sa inyo Nay... Patawarin niyo po
ako, Nay. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas na hanapin kayo.”
“I-ikaw
si John!” ang sigaw niyang bahagyang kumalas sa aking yakap at tiningnan ako
mula ulo hanggang paa.
“O-opo
nay. Ako po si John. Ako po ang anak ninyo.”
“Ang
laki mo na!” sabay yakap muli sa akin at muling humagulgol. “Patawarin mo rin
ako, anak... naging duwag ako. Wala akong lakas na hanapin ka at ipaglaban ka.
Natakot akong hindi mo ako matanggap bilang ganito, nabaon sa kahirapan, at
higit sa lahat, natakot ako na baka galit ka sa akin dahil iniwan kita. Sobrang
sakit ng aking kalooban, anak. Ngunit kailangan kong gawin dahil hindi na kami
maaaring magsama pa ng iyong ama at ayokong magdusa ka rin sa hirap, madamay sa
kahirapan ko.”
“Aaminin
ko, Nay. Noong una ay hindi kita maintindihan. Ngunit nang nabanggit ni papa na
hindi ka niya mahal, doon na ako nagduda at nakaramdam ng pagkaawa sa iyo. Sabi
ko, kailangan kong mahanap kita upang malaman ang paning po ninyo. Pakiramdam
ko rin po kasi ay hindi ako mahal ni papa, eh.”
“Bakit
paano ka ba itrinato ng iyong ama?” ang tanong niya.
Sasagutin
ko na sana ang tanong niyang iyon nang napabaling ang aking paningin sa
tricycle driver at tanod. “S-siguro po ay puwede na ninyo akong iwan dito Sir.”
Sabay hugot sa aking wallet at binayaran ko ang tricycle driver. Binigyan ko
rin ng tip ang tanod na naghatid sa amin. Ipinabatid ko ang sobrang pagpapasalamat
sa kanila dahil natulungan nila ako sa aking paghahanap sa aking inay.
Nang
nakaalis na ang tricycle driver at ang tanod, dinala ako ni Inay sa loob ng
kanyang bahay. Pinaupo niya ako sa isang kahoy na silya. May isang maliit na
mesa siya, at ang kusina ay deretso na sa kanyang sala na walang laman mga
kasangkapan maliban sa dalawang silya na upuan.
Doon
na ako mas nahabag sa kanya. Babae siya, nag-iisa, malayo ang lugar sa bayan at
walang katuwang. Nang inikot ng aking mga mata ang kanyang bahay, masasabi kong
mas malala pa iyon kaysa bahay ng inay ni Timmy. At habang siya ay may Timmy
ngunit ang aking inay ay wala dahil ako sa piling niya. Ang atip na nipa ay may
malalaking guwang na, butas-butas pa ang iba. Ang dingding naman ay halos
nalalansag na at kapag naglalakad sa loon ay umuuga ang buong bahay.
“Sino
ang tumutulong sa iyo Nay sa pagkumpuni ng mga sira sa bahay niyo po?” ang
naitanong ko. Medyo nahimasmasan na kami sa aming iyakan.
“Minsan
ako lang. Minsan naman, kapag nakaikot ang mga tanod dito ay nakikisuyo ako.
Minsna naman, m-may kapitbahay ako na palaging tumutulong, si Tonying.”
Napatingin
ako sa kanya. “Boyfriend niyo po?” ang biro ko.
Yumuko
siya na tila nahihiya. “Hindi... kaibigan lang. Ayoko na sa ganyan-ganyan.
Masaya na ako na ganito. Kaibigan ko lang iyong tao.”
“Hmmmm!”
ang expression na kunyari ay hindi naniniwala.
“Kaibigan
nga lang, ano ka ba!” ang sagot niyang tila may mga alitaptap sa kanyang mga
mata.
“Okay
lang naman sa akin, Nay kung may mapupusuan kang lalaki. Karapat-dapat kang
sumaya, magkaroon ng katuwang sa buhay. Ang tagal mo nang nag-isa sa buhay.
Labing siyam na taon!”
“Heh!
Iba na nga lang ang pag-usapan natin.”
“Ay
namula siya!” ang biro ko uli.
“Ay
hindi ah! Itong batang ito...”
Tahimik.
“Alam
niyo, Nay, naaawa ako sa inyo, Ang tagal niyo nang nagdusa. At wala pa ako sa
piling ninyo.”
“Okay
lang ako anak. Ang mahalaga ay iyong malakas ang katawan. Atsaka nandito ka na.
Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Walang mapagsidlan ang saya ko.
Hindi lang kita nakita, tanggap mo pa kung ano man ako nang buong puso.”
“Syempre
naman, Nay. Ikaw ang nag-iisa kong Nanay, wala nang iba.”
“Salamat
anak...”
Nahinto
ako nang sandali. “Nay... di ba hindi naman talaga kayo naghiwalay ni papa?
Hindi naman na-annul ang kasal ninyo, di ba?”
“Hindi
nga anak.”
“Gusto
ko sana Nay, igiit ninyo ang inyong karapatan kay papa. Hindi po puwedeng
magdusa kayo ng ganito. Dapat ay pinandigian niya ang pagiging asawa niya sa
iyo.”
“Hindi
na anak. Hindi na kami puwedeng magkabalikan pa. Hindi niya ako mahal. Hindi ko
na rin siya mahal. Atsaka, wala naman akong habol sa pera ni Miguel. Pera niya
iyon, eh. Wala akong naiambag doon.”
“Nay,
hindi pera ang habol natin kundi kung ano ang karapatan mo sa ilalim ng batas.
Matanda na po kayo. Isang araw, bibigay ang inyong katawan lalo na’t mabigat ang
trabaho ninyo rito at wala kayong katuwang. Paano na lang kapag darating ang
araw na iyan?”
“Kung
ano ang darating, anak... bahala na ang nasa taas. Tatanggapin ko.”
“Nay...
hindi ko matatanggap.”
“Huwag
na anak... ayoko ng gulo.”
“Nay,
malaki na ako. Kaya nating habulin iyan. At kung ayaw niya talgang ibigay sa
inyo ang nararapat na para sa inyo, ako ang aampon sa iyo. Ibabahay kita sa
Maynila.”
“Dito
na lang ako, anak. Gusto kong dito na lang din ilibing kapag oras ko na.”
“Ano
ba iyang pinagsasabi ninyo, Nay. Ang bata-bata niyo pa. Dapat ay ma-enjoy niyo
po ang buhay. Hindi po ako papayag na dito ka manirahan. Kung dito lang kayo
manirahan, dito na rin ako. Hindi kita iiwan dito. Pagsisilbihan kita, ako ang
katuwang mo rito. Kahit hindi ako magpatuloy sa pag-aaral okay lang basta dito
lang ako sa tabi mo.”
“Huwag
naman anak. Huwag mong pahirapan ang sarili mo.”
“Kaya
nga po Nay, eh. Kung ayaw ninyo akong mahirapan, sumama kayo sa akin sa
Maynila. Doon tayo manirahan, doon na rin ako mag-aaral. Gusto kong kayo mismo
ang magbantay sa akin doon. Kayo ang sisita sa akin kapag nagkamali ako, kayo ang
magbigay sa akin ng payo, ang gumiya sa akin, sa parehong paraan na ako rin ay
nariyan din sa tabi mo. Labing siyam na taon Nay ang nawala sa atin. Kailangan
nating humabol.”
“Pinahirapan
mo akong mag-isip anak...”
“Puwes
puwede kang magdesisyon hanggang kailan, Nay. Walang pressure. Basta hanggang
hindi ka makapagdesisyon, o kung ayaw mo talaga roon, hindi ako babalik ng
Maynila o sa Baguio. Dito lang ako sa iyo. Sasamahan kita rito” Ang sambit ko
sabay pagputol sa usapan.
Tinumbok
ko ang kusina. Tiningnan ko ang kaldero, ang lagayan ng bigas at mga gulay na
naroon sa kanyang banggera. “Magsaing ako, Nay! At itong mga gulay mo, gawin
nating bulanglang! Nagutom ako eh.”
“Marunong
ka?”
“Opo.
Kaya relax ka lang d’yan. Tikman mo kung gaano kagaling magluto itong anak mo.”
Ang sabi ko.
Natawa
siya. “Sige nga...” ang sabi niya, tinungo naman niya ang kuwarto.
Habang
nagluluto ako, hindi ko naman maiwasang hindi maalala si Timmy. Parehong-pareho
ang ginagawa kong iyon sa mga ginagawa namin sa bukid. “Kung hindi sa kanya,
hindi ko matututunan ang ganito. Marami akong dapat ipagpasalamat kay Timmy.”
Ang bulong ko sa sarili. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong
hininga.
Nang
naluto ko na ang ulam at kanin. Ako na rin ang naghain ng mga ito sa mesa.
Tinawag ko ang inay. Sinabayan niya na ako, “Ang sarap naman talaga ng luto ng
anak ko!” ang sambit niya.
“Nay,
ang compliment na iyan ay hindi nakabase sa pagka-nanay mo sa akin ha. Masarap
talaga ang luto ko, kahit sinong tao ang magsabi.”
Natawa
ang inay. “Syempre naman. Talagang masarap ang luto mo.”
Nasa
ganoon kami kasayang pag-uusap nang may nag-tao po. Boses lalaki.
Hindi
pa man nakatayo ang inay upang tingnan kung sino ang nag-tao po, nakapanhik na
ang lalaki. Halos nasa 50 na ang edad niya. May dala siyang isang basket na
puno ng mga gulay at bitbit na mga isda, iyong itinuhog ang mga bibig sa isang
tali, preskong-presko na galing pa ng ilog. At nagulat siya ng nakitang may
kasama ang inay.
Tumayo
ang inay at sinalubong siya. “Ah... T-tonying, ang anak ko, si John.
Siya iyong palagi kong kinikuwento ko sa iyo?”
Tila
nahiya ang kaibigan ni inay. Inilatag niya sa ibabaw ng banggera ang dalang mga
gulay at isda. Ipinahid ang kamay sa kanyang pantalon at inabot sa akin ang
kanyang kamay. “Kumusta” ang sambit niyang halatang nahihiya.
“Okay
lang po, Tito.” Ang sagot ko naman habang tinanggap ko ang kanyang
pakikipagkamay.
Tiningnan
ko ang inay. Nakangiti siya sa amin. “Halika, Tonying, samahan mo kaming
kumain.” Ang pag-anyaya ni inay.
“Kain
po kayo.” Ang pag-anyaya ko rin.
Sumang-ayon
ang bisita ng inay. Dahil dalawa lang ang silya, nakatayo lang siyang sumali sa
amin sa mesa.
Habang
kumakain na kami, pansin ko namang tila nagkahiyaan silang dalawa. Halos hindi
sila makatingin sa isa’t-isa at halos nakakabingi ang katamhimikan na namagitan
sa amin. “Saan po ang bahay ninyo, Tito Tonying?” ang pagbasag ko sa
katahimikan.
“Ah,
siguro ay may di lalampas sa 500 metro galing dito.”
“Ah...
hindi naman pala kalayuan. M-may pamilya po kayo?”
“Ang
asawa ko ay halos dalawang taon nang namayapa. Ang dalawang anak kong lalaki ay
parehog may mga asawa na rin, ang mga bahay nila ay nasa gilid lang din ng
bahay ko. Nag-iisa na lang ako sa bahay ko.” Ang sagot niya.
Doon
na sumali ang inay sa usapan. Ipinagmalaki niya ako kay Tito Tonying na kesyo
raw ang laki-laki ko na, ang tangkad, at ang guwapo. At sinabi rin niyang
naggraduate na ako ng Grade 12 nito lang linggo na ito.
Pagkatapos
naming kumain ay bumaba si Tito Tonying. Tinumbok niya ang nakatambak na mga
kahoy at nagsibak. Nilapitan ko siya. “Tito... gusto kong magpasalamat sa iyo
sa tulong na ibinigay mo sa inay.”
Nahinto
siya at nilingon ako. “Itong batang ito. Kapitbahay ko siya at nag-iisa lang,
babae pa. Kaya naawa rin ako sa kanya.”
“Kaya
nga po. Hindi niyo po siya kaano-ano ngunit tinutulungan po ninyo ang aking
inay. Naaawa din po ako sa kanya nang makita ko ang kanyang kalagayan. Kaya
napakalaking pasasalamat ko po na nariyan po kayo para sa kanya.”
Sinuklian
lang niya ako ng ngiti at nagpatuloy na sa pagsibak ng kahoy. “Dito ka ba
mgpapalipas ng gabi?”
“Opo...”
“Ah.”
Ang sagot niya. Maya-maya naman ay kinuha niya ang mga nakahilerang kawayan at
ito naman ang pinagkaabalahan. Inipon niya ang mga ito. Pagkatapos niyang
sukatin ang mga ito, “Uuwi muna ako, John. Kukuha ako ng lagari, martilyo at
pako. Babalik din ako.” Ang pagpapaalam niya.
“Sasamahan
na kita, Tito” ang sambit ko
Pumayag
naman siya. Kaya habang naglalakad kami ay kinausap ko siya. “Tito... may
itatanong ako sa iyo. Sana ay hindi ka mahiyang sumagot sa akin at hindi mo
mamasamain.”
“Itong
batang ito.” Ang sagot niyang nakangiti. “Syempre naman. Ano ang tanong mo?”
“May
pagtingin po ba kayo sa inay?”
Nahinto
siya sandali. Binitiwan ang isang buntong hininga. “Halos dalawang taon nang
nawala ang asawa ko, John. Nangungulila ako ng kasama, iyong babaeng magiging
katuwang hanggang sa pagtanda namin, lalo na’t ang mga anak ko ay may mga
sarili nang pamilya. Malungot ang mag-isa, John, lalo na’t magsimulang maramdam
mo ang takip-silim ng iyong buhay.” Nahinto siya sandali. Tiningnan ako,
hinawakan sa balikat. Seryoso ang kanyang mukha. “At oo... may pagtingin ako sa
iyong inay. At hindi lang pagtingin. Gusto kong alagaan siya, gusto kong sumaya
siya at nariyan para sa kanya hanggang sa matandang-matanda na kami...
Napakabait ng inay mo. Masipag, maalalahanin. Maswerte ang lalaking mamahalin
niya.”
Halos
maluha ako sa kanyang sinabi. At ang naisagot ko na lang ay, “Alam niyo po,
masayang-masaya po ako sa mga sinabi ninyo. At gusto ko pong magkatuluyan kayo
ng inay. Pag nakauwi po ako ng Maynila, gusto kong dalhin ang inay upang ilakad
po namin ang pag-file ng annulment nila ng papa ko. Pagkatapos ay babalikan po
namin kayo rito upang magsama na po kayo at wala nang hadlang.”
“Salamat
naman kung ganoon, John. Iyan kasi ang dahilan kung bakit ayaw ng inay mo na
magsama kami. Dahil nga raw bawal at ayaw niyang magkasala kami.”
Nang
nakabalik na kami sa bahay ng inay, agad niyang nilagari ang mga kawayan na
nauna na niyang sinukat. Nang halos mabuo na ito, doon ko nakita na kama pala
ang kanyang gagawin. Napangiti ako. Naalala ko kasi ang parehong kama na ginawa
ni Timmy para sa akin. Doon ko nakita kung gaano pala kahirap ang pinagdaanan
ni Timmy upang makagawa ng kama para lamang may mahigaan ako. Kung maaaring
balikan lang sana ang panahon kung saan ay naroon din ako sa paggawa ni Timmy ng
kama, baka pagkatapos nang isang gabing mahigaan ko ang kama niya... (bigla
akong natawa) susunugin ko pa rin iyon. Wala nang sasarap pa sa pagtulog sa
ibabaw ng isang kama na masikip ngunit kayakap naman ang pinakamamahal kong
Tok. Iyon ang isa sa pinakamasayang sandali sa buhay ko.
“O...
tapos na! May mahigaan ka na mamaya.” Ang sambit ni Tito Tonying nang nabuo na ang kama.
“Wow!
Salamat Tito!” ang sabi kong tuwang-tuwa. Nakita ko kasi na walang ibang kama
ang inay para sa bisita. Talagang alam na alam niya ang mga pangangailangan ng
inay.
Pagkatapos
naman niya sa kama ay mabilis din siyang nakagawa pa ng dalawang upuan.
Pinagtulungan naming i-akyat ang mga iyon sa bahay. Ang kama ay nakapuwesto sa
sala katabi ng mesang kainan at mga silya.
Kinagabihan
naman, dumalaw uli si Tito Tonying. May dala siyang banig, unan, kulambo, at
kumot. Maliban doon, dala rin niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, na may
dala ring isang galon na tuba. May dala ring pagkaing adobong manok.
Kitang-kita ko sa mga mata ng inay ang ibayong tuwa. Syempre, tuwang-tuwa rin
ako sa ipinakita ng pamilya ni Tito Tonying sa akin at sa aking inay. Kung
dalaga lang sana ang inay, maiisip ko talagang namanhikan sila. Sobrang saya ko
sa gabing iyon.
Kinabukasan,
maaga akong gumising. Agad akong naghanda ng aming agahan. Nagsaing ako ng
kanin, pinirito ko ang itlog na dala ni Tito Tonying para kay inay nang
nakaraang araw. Pagkatapos ay nag-ihaw ako ng apat na talong, binalatan iyon
bago ko inilagay sa pinggan at nilagyan ng bagoong. Nagtimpla rin ako ng kape.
Ginising
ko ang inay. “Sus ang batang ito...”
“Masarap
iyan, Nay.” Ang sambit ko.
Habang
kumakain kami ay dumating naman si Tito Tonying at sumali sa amin agahan. May
dala siyang piniritong isda.
Halos
araw-araw ay ganyan ang aming set-up. Kasalo namin si Tito Tonying sa agahan,
sa tanghalian, at minsan ay sa hapunan.
Lumipas
ang mahigit isang linggo. Sa isang linggong iyon ay mas lalo ko pa siyang
nakilala ang aking inay. Napakabait niya. Napakasipag, napaka-maalalaanin. Doon
ko rin mas lalo pang nakilala si Tito Tonying. Wala akong masasabi sa sobrang
kabaitan niya kay Inay at sa akin. Kaya nabuo na talaga ang isip ko na hindi ko
sila hahadlangan kung gusto man nilang magsama. At ang maibigay kong regalo
para sa kanila ay ang annulment ng kasal nila ng aking papa. Gusto kong sa
nalalabing mga araw ng inay ay sumaya siya, maramdaman ang pagmamahal, at
mahanap ang taong maging katuwang niya hanggang sa kanyang pagtanda.
Isang
araw, habang nag-agahan kami ng inay, bigla siyang nagsalita. “Papayag na ako,
John na puntahan natin ang iyong papa at igiit ko ang aking karapatan. Papayag
na rin akong mag-magfile ng annulment.”
Tuwang-tuwa
akong napatingin sa inay. “Kung ganoon inay, bukas na bukas din ay pupunta na
tayo ng Maynila...”
“S-sige
anak.” Ang sagot ng inay.
Bigla
rin akong natahimik. May kakaibang excitement akong nadarama sa desisyon na
iyon ng inay. Magkikita na uli kami ni Tok...
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment