By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
getmybox@hotmail.com
***
Demonyong
May Mala-Anghel Na Katauhan
Gulat na gulat si Timmy nanag itinuro siya ni Yeng.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang pagkainis na siya na nga ang
naagrabyado dahil kasama siya ni John sa loob ng sasakyan nang mabangga ito,
siya na pala ngayon ang salarin.
Ngunit bago pa man siya makasagot ay sumingit si John.
“Hindi siya ang may kagagawan, Yeng. Nararamdaman ko iyan. Magsabi ka ng totoo
kung gusto mong matuloy ang kasal natin. Aminin mo kung ikaw. Ngunit kung hindi
naman, sabihin mo kung sino. Hindi ko tatanggapin ang pagturo mo kay Timmy!”
Hindi kaagad nakasagot si Yeng. Mistulang nabilaukan. Kitang-kita
sa kanyang mukha ang ibayong pagkabigla at pagkataranta. “Eh… w-wala akong alam
talaga, sweetheart, eh! Iyang Timmy lang talaga ang alam ko eh. I-ituloy na
natin ang kasal, please…?” ang pagmamakaawa ni Yeng na hinawakan pa ang braso
ni John.
Ngunit puwersahang tinanggal ni John ang kamay ni Yeng
na humahawak sa kanyang braso.
“WALANG KASALANG MAGANAP KUNG HINDI MO SASABIHIN ANG
TOTOO, BITCH!!!” ang sigaw ni John, ang mga mata ay mistulang nagliliyab sa
galit.
Mistulang naputukan ng isang malakas na bomba si Yeng.
Hindi ito makapagsalita at nakatitig na lang kay John. Halatang namutla,
nanginig.
“Okay. Kung ayaw mong magsalita, walang patutunguhan
ang tanong kong ito. Aalis na lang ako sa pamamahay mo at sasama ako kay
Timmy.” Ang sambit ni John.
“No wait!!!” ang sigaw ni Yeng na hinawakan ang braso
ni John at hinila pabalik sa harap ng pastor.
“Okay, sabihin mo na.” ang tanong uli ni John.
Halatang nag-aalangan pa rin si Yeng na magsalita.
Doon na nagalit si John. Dinilatan niya ng mata si
Yeng at sinigawan. “SABIHIN MO NAAAA!!!”
“Eh…” ang nanginginig na sambit ni Yeng. At baling sa
audience, “Kung sino man dito ang may gawa ng pagtanggal ng brake sa sasakyan
ni John, umamin ka na!” ang sigaw ni Bell.
Naghintay sila kung may magsalita o tataas ng kamay.
Wala.
Tinitigan ni John si Bell. Iyong tingin na galit na galit
at nagtatanong, mistulang barena ang kanyang titig at tumagos ito sa utak ni
Yeng sa tindii ng kanyang galit. “So???” ang sambit ni John.
Dahil sa takot, ibinaling ni Yeng ang kanyang tingin
sa kinaroroonan nina Timmy. “Tangina, Bell!!! Aminin mo na! Huwag mong sirain
ang kasal namin ni John! Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo, Bitch!!!” ang
galit na galit na sigaw ni Yeng.
Napatingin ang lahat kay Bell. Nagulat ang lahat, lalo
na si Timmy na katabi lang si Bell. Tinitigan niya ito. Iyong titig na
nagtatanong at hindi makapaniwala. Si Bell naman ay halatang nataranta, hindi
makatingin kay Timmy.
“Aminin mo na! Putangina mo! Huwag mo akong idamay sa
kademonyohan mo! Ikaw ang may kagagawan kung bakit muntik nang mamatay si John!
You are so selfish! Napakahayop mo! At ngayon ay sisirain mo pa ang kasal ko!
Putangina mo, Bell! AMININ MO NAAAAAAAAAAAAA!!!”
Sa galit na ipinakita ni Yeng kay Bell ay hindi na rin
napigilan pa ni Bell ang sarili. Sumagot din siya. “Okay! Nilaglag mo na rin
ako, pwes, aaminin ko na. Ngunit bago iyan, gusto kong malaman mo ito, John…”
Baling niya kay John, “Si Yeng ang may pakana ng lahat! Una, ang gusto niyang
mangyari ay mamatay ka para makaganti siya. Sabi ko huwag madadamay si Timmy!
Kaya ang utos niya ay seatbelt mo lang ang ipasisira ko para sure na ikaw ang
mapuruhan. Nang nalaman niyang buhay ka at lalo na nang magka-amnesia ka,
nagbago ang isip niya. Tuwang-tuwa siya na may bagong naisip. Sabi pa nga niya
‘Hitting 3 birds in 1 stone’ dahil may tatayong ama sa ipinagbuntis niya kung
saan ay hindi niya alam dahil sa daming lalaking nakaniig niya, at pangalawa,
mailigtas ang kanilang negosyo na nabangkarota na!” at baling niya kay Yeng. “Nasaan
ang mga magulang mo, Yeng? Nag-world tour ba kamo? O nagtago dahil hinahanap na
ng mga bangko at mga pinagkakautangan ninyo? Ha???” At baling niya uli kay
John, “At ang pangatlo, sabi niya, wala na raw hadlang para magiging akin si
Timmy. Kaya syempre, mahal ko si Timmy kaya kahit masakit sa kalooban ko,
napilitan ako dahil sa sulsol niya! Dahil mayaman daw sila at hindi niya raw
ako papayagang makulong!” Humagulgol si Bell. “Patawarin mo ako, John.
Patawarin ninyo ako!” At baling niya uli kay Yeng, “Ikaw ang may pakana nitong
lahat! Demonyo ka rin! Pota ka!!! Nanahimik ako sa probinsya and suddenly ay
sumulpot ka sa fb ko, nag-pm, nagtanong-tanong at nang nakuha mo na ang mga
impormasyon, iyon na kaagad ang plano mo! Ikaw ang domonyo! Ikaw ang putangina.
Sinira mo ang buhay kooooooooo!!!”
Tiningnan ni John si Yeng, iyong pamandusta na tingin.
“So… Magaling, Yeng. Magaling. But nice try! Hindi ka pa rin talaga nagbago.” Ang sambit ni John sabay talikod at
tinumbok sa kinaroroonan ni Timmy.
“Johnnnnnn! Huwag kang maniwala sa kanya! Sinungaling
ang babaeng iyan, John!” ang sigaw ni Yeng. “Siya ang may pakana ng lahat, John
dahil gusto niyang mawala ka sa buhay ni Timmy!”
“Mag-usap kayong dalawa para consistent ang mga kasinungalingan
ninyo, Yeng.” Ang sagot ni John.
“Magpaliwanag ako, John!”
“Sa korte ka na magpaliwanag.” Ang sagot ni John.
Hinablot ni John ang braso ni Timmy. Ibinaling niya
ang kanyang tingin kay Bell. “Thank you, Bell for the help. Alam kung may
naiambag kang dugo sa katawan ko. But nonetheless, you’re still a bitch! Never
ever attempt to take my Timmy away, or you’ll be dead.” Ang banta niya kay
Bell.
Hindi pa man sila nakalabas ng gate ay siya namang
pagpasok nina Jishin at inay ni John, kasama ang ilang pulis.
Agad na niyakap si John ng kanyang inay. “Diyos ko,
anak! Salamat sa diyos at gumaling ka na! salamat at normal na ang lahat sa iyo
at walang nangyaring masama. Pasensya na, hindi ako nakapunta rito kaagad.
Dinala ako nina Jishin sa ospital gawa nang hindi ako magising. May naglagay ng
pampatulog sa pagkain ko!” Sabay bitiw ng nangagalaiting tingin kay Bell. “May
ahas pala kaming kasama sa bahay!”
Tiningnan ni John si Bell. “At pati pala ang inay ko,
Bell ay gusto mong saktan?”
“S-si Yeng ang may pakana ng lahat, J-John. Upang
huwag daw mahuli ng inay mo ang pag-angkin niya kay John mula sa ospital at upang
hindi rin siya makadalo sa kasal. Rat poison nga ang gusto niyang ilagay ko sa
pagkain ng inay mo ngunit hindi ko siya sinunod. Naawa ako sa inay mo. Kaya pinilit
kong makahanap ng pampatulog.”
“Hayaan mo na siya, anak. Ang mahalaga ay okay ako at
okay ka na rin.” Ang pagsingit ng inay ni John.
“Okay lang ako, Nay. Hindi naman talaga ako
nagka-amnesia. Nagkunyari lang ako dahil gusto kong aminin nina Yeng at Bell
ang kanilang ginawa. Nang nasa coma ako, unti-unting nanumbalik ang aking malay
at naririnig ko ang ingay sa paligid, pati ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob
ng aking kuwarto bagamat hindi ko pa maigalaw ang aking katawan at hindi rin
makapagsalita. Doon ko narinig ang pinag-usapan nina Yeng at Bell nang may
isang beses na silang dalawa lang ang naiwan sa kuwarto ko.”
“G-ganoon ba, anak?”
“O-opo, Nay. Sinadya ko ang lahat...”
“Mabuti naman anak at naisip mo iyon.”
“Mabuti rin inay na hindi ka napuruhan.”
“Hindi nagwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan,
anak” ang sagot ng inay ni John na inirapan si Bell.
“Sige, Nay alis muna kami ni Timmy. Kayo na po at ang
mga pulis ang bahala sa kanila. Atsaka ang abugado natin, Nay pakisabi kay
Jishin na tawagan.” Ang sambit ni John.
“Natawagan ko na, anak. Parating na raw siya.”
Hinarap ni Timmy si Bell. “Alam mo, Bell, hindi ko
talaga akalain na ang lahat ng tulong na ibinigay mo sa akin at sa amin ni John
ay purong pagkukunwari lang pala. Napaniwala mo ako roon ah. Ang galing mo!”
ang galit na sabi ni Timmy.
“P-patawarin mo ako, Timmy. N-nabulag ako sa matatamis
na salita ni Yeng.”
Hinablot ni John ang braso ni Timmy. “Tara na, Tok.
Huwag mo nang kausapin d’yan baka malinlang ka na naman. Ayoko nang ma-comatose
uli. Di ko na kaya.”
Napangiti na lang si Timmy habang nakabuntot kay John
hawak-hawak ni John ang kamay niya.
“Saan kayo, insan?” ang tanong ni Jishin nang nasa may
gate na sila.
“Sa bahay. Magpahinga lang kami ni Timmy. Alam kong
hindi ito nakatulog kagabi sa kaiisip sa kasal namin ni Yeng.”
“Ayiiiiiii!!! Alam na!” ang sagot ni Jishin.
Napangiti uli si Timmy. Kinilig.
“Sir, bago po kayo umalis ay kukunan muna kayo namin
ng statement” ang pagsingit ng isang babaeng pulis na humabol sa kanila, may
dala siyang notebook at ballpen. Tinanonng niya sina John at Timmy. Nang
matapos na, hinayaan na silang umalis.
“Sama ako insan!” ang pagsingit uli ni Jishin.
“Bakit ka sasama? Sasali ka? Ano ‘to three-some?
Orgy?”
“Eh kung pede bang sumali eh, bakit naman hindi.”
Binatukan ni John si Jishin. “Huwag ka nang makisawsaw!
May jowa ka na eh. Tulungan mo na lang ang inay dito!”
Haplos-haplos ang kanyang ulo na nabatukan, walang
pasabing tumalikod si Jishin.
***
Sa bahay ni John sila tumungo. Nang naroon na sila,
agad na dumeretso sila sa kuwarto ni John. Pagkasara nang pagkasara ng pinto ay
agad niyakap ni John si Timmy. “I miss you.” Ang sabi ni John.
Ngunit kumawala si Timmy sa yakap ni John. “Amnesia
ha? Sino ka? Saan ako naroon? Bakit ako narito? Anong lugar ito? Nasa impyerno
ba ako? Ikaw ba si satanas?” ang pang-iinis ni Timmy kay John.
Tawa nang tawa si John. “Wala akong sinabing satanas
ka ah!” ang sagot niya habang hinablot niyang muli ang braso ni Timmy sabay
yakap sa kanya.
Ngunit ayaw magpayakap ni Timmy at nagpatuloy pa rin
sa pang-iinis kay John. “Sino ka? Ba’t ka nagsinungaling sa akin at sinabi mong
magkasama tayo sa sasakyan samantalang si Yeng ang kasama ko? Si Yeng lang ang nag-iisang
nagmalasakit at nagmahal sa akin! Siya lang!” ang sambit ni Timmy at sabay
dugtong din ng “Parang Tanga!”
Ngunit hindi pa rin pinansin ni John ang pang-iinis sa
kanya ni Timmy. Niyakap na niya nang mahigpit si Timmy upang hindi nito magawang
kumalas.
Ngunit ayaw magpatalo ni Timmy. Nagsambuno sila.
Hanggang sa bumulagta si John sa sahig. Nangisay.
Biglang naghulantang si Timmy sa nakita niyang
pangingisay ni John. “Hang! Tangina anong nangyari sa iyo? Hang!!!” ang sigaw
ni Timmy habang hinila niya si John sa braso at pinilit na patayuin ito.
Ngunit patuloy pa rin sa pangingisay si John. Hindi
naman nilubayan ni Timmy ang pag-alog sa katawan ni John. Hanggang sa biglang
nahinto ang pangingisay ni John. Hindi na gumalaw. Ang kanyang mga mata ay nakadilat
at nakatingin sa kawalan, parang dilat na mga mata ng isang patay.
“Hang! Hang! Wag kang magbiro ng ganito tangina mo!
Hangggg!!!”
Ngunit hindi pa rin gumalaw si John. Ang ginawa ni
Timmy ay yumuko at idinikit ang kanyang tainga sa dibdib ni John. Doon na
biglang hinablot ni John ang ulo ni Timmy at puwersahang idinampi ang bibig
niya sa mga labi ni Timmy. Naglapat ang kanilang mga labi. Hinalikan ni John si
Timmy.
“Salbahe ka!” ang sambit ni Timmy nang binitiwan na
siya ni John. “Tangina mo. Muntik na akong atakehin sa nirbiyos!”
“Miss na miss na kasi kita Tok. Maawa ka naman sa
akin. Ilang araw na sabik na sabik na ito na makapasok sa tumbong mo, Tok. Ang
nag-iisang tumbong na hinahanap-hanap, ang nag-iisang tumbong mo na siya ring
lagusan patungo ng langit. ”Sabay turo niya sa kanyang gitnang katawan kung
saan ay kitang-kita ang malaking umbok, halatang tinigasan.
Biglang tinampal ni Timmy ang bukol ni John.
“Hinahanap-hanap pala ha? Lagusan patungong langit pala ha? Pwes isinara na ang
lagusan na iyan dahil sabi ni Duterte illegal daw ang paggamit sa aking
lagusan.”
Natawa si John. “Bakit? Sino lang ba ang puwedeng
gumamit sa lagusan na iyan? Ha?”
“W-wala. Bawal nang gamitin.”
Tinitigan ni John si Timmy. Sinamsam niya ang
ka-kyutan ng nag-iisang taong mahal niya. Halos hindi pa rin siya
makapaniwalang magmahal siya ng isang lalaki at ang lalaking iyon ay natuto na
rin siyang mahalin.
“Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin?” ang tanong
ni Timmy sa matagal na pagtitig ni John sa kanya.
“Miss na miss na kasi kita, Tok. Sige na, Tok. Please…
seryoso ako.”
“Miss na miss mo ako tapos iyong lagusan ko lang pala
ang gusto mo? Paano kung ayaw ko?”
“Payakap na lang please…”
“Ayaw.”
“Sige, iuuntog ko ang ulo ko sa dingding.” At inuntog nga
ni John ang ulo niya sa dingding na semento, bagamat mahina lang naman.
“Tanginaaaaa!” ang sigaw ni Timmy. Syempre, naoperahan
ang ulo ni John at kahit okay na ang pakiramdama niya, hindi pa ito lubusang gumaling.
Huminto si John. Sige na Tok. Please…?”
At dahil sa pagmamakaawa ni John na sinabayan pa sa
pagpapakita ng mapupungay na mga mata, bumigay din si Timmy. Lumapit siya kay
John at umupo sa tabi nito. Niyakap kaagad siya ni John at idinampi ang mga
labi niya sa mga labi ni Timmy. Wala nang nagawa si Timmy kundi ang magpaubaya.
Naghalikan sila na tila wala nang bukas. Hanggang nauwi ang lahat sa pagtanggal
ng kanilang mga saplot. Maya-maya lang ay tanging mga ungol at halinghing na
lang nila ang maririnig sa loob ng kuwartong iyon.
***
“Alam mo, ang bilis ng paggaling mo. Parang sa isang
iglap lang bigla kang nagising at parang normal lang ang lahat?” ang sambit ni
Timmy nang nasa bahay na sila ni John. Nasa gilid ng swimming pool silang
dalawa, parehong nakahiga sa reclining pool chair sa ilalim ng lilim ng
matatayog na grupo ng mga palm trees. Sa gitna ng reclining pool chair na
hinigaan nila ay ang isang mesa na may mga pagkain at drink cocktail.
“Normal? Hmmm. Medyo may iniinda pang konti pero okay
lang. Basta kasama kita, gumagaling ako.”
Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti. “Malakas
lang kamo ang fighting spirit mo. Sabi nga ng doktor ay milagro daw ang
nangyari sa iyo. First time daw sa kanyang buong pagka-doktor na may ganyang
nangyari na sobrang bilis ng pagrecover. Pati ang operasyon sa ulo mo, halos
naghilom na rin ang sugat. Wala nang bandage.”
“Oo. Love can move mountains nga, di ba? Kaya love
creates miracles.” Nahinto siya nang bahagya at tiningnan si Timmy. “Nang
marinig ko ang boses mo nang binisita mo na ako, gusto ko nang bumangon. Gusto
ko nang yakapin ka. Ngunit dahil hindi ko pa maigalaw ang aking katawan at
bibig, nakikinig na lang ako sa boses mo. Narinig ko ang pagkukuwento mo sa
akin, ang pagkanta mo, ang pagbabasa mo sa akin ng libro… Doon nagsimulang
sumaya ako kahit ganoon ako. Kasi ramdam kong nariyan ka lang. Ramdam kong ayaw
mo akong bitiwan. At bagamat alam kong malungkot ka, alam ko ring nagtiwala ka
sa akin. Gusto kong ipakita sa iyo na nariyan din ako. Tapos nang gabi bago
nanumbalik ang malay ko at ang motor functions ko, ang lakas ng kalampag ng
puso ko. Alam ko, iyon na iyon. Alam ko, iyong sistema ko ay nag-warm up na. At
sa umagang iyon, nang magising ako, ikaw agad ang nakita ko. Sobrang saya ko.
Sobrang excited ako.”
“Sobrang excited tapos ang unang sabi agad ay, ‘Sino
ka?’ Ang sakit kaya. Parang bumagsak sa ulo ko ang buong bigat ng lahat ng
palapag ng ospotal na iyon.” Ang sambit ni Timmy.
“Alam mo naman ang dahilan, di ba?”
“Ang daya mo. Akala ko talaga nagka amnesia ka na!”
Ayaw ko sanang magkunyari kaso, narinig ko ang usapan
nina Bell at Yeng eh. Kumain yata kayo ni Jishin at inay at ang naiwan ay sina
Bell at Yeng. Doon ko narinig ang mga plano nila. Galit nag alit ako sa puntong
iyon. Ngunit wala akong magawa at hindi ako makapagsalita. Kaya naisip ko na
lang na hintayin na maigalaw ko na ang aking katawan at nakakapagsalita na,
sasakyan ko ang plano ni Yeng. Gusto kong sa mga bibig nila mismo manggaling
ang pag-amin sa mga kabulastugang ginawa nila.” Ang sagot ni John.
“Sabagay, maganda rin ang ginawa mo. At mabuti na sa
wakas ay nahuli rin sila. Di ko talaga akalain si Bell... Ang bait niya.
Mukhang anghel. Napaka-napakahinhin kung kumilos, napaka-inosente kung
magsalita.”
“Hindi kasi lahat ng taong mukhang anghel ay tunay na
mabait. In the same way na hindi rin lahat ng taong mukhang demonyo ay salbahe.
Alam mo iyon. Kasi, kaharap mo ngayon ang taong mukhang demonyo ngunit ubod ng
kawalang-malay, may ginintuang puso, may busilak na kalooban, may mala-anghel
na katauhan.” ang sagot naman ni John sabay pose ng pa-cute, inilagay ang daliri
sa ibaba ng kanyang baba.
“Gwarrrkkkk!” ang biro ni Timmy na kunyari ay
nasusuka.
“At may nalaman akong lihim ng isang tao habang comatose
ako… Hindi ko lang sasabihin.” Sambit ni John sabay bitiw ng nakakalokong
ngiti.
“Ano yun?” ang tanong ni Timmy.
“Sa akin na lang iyon.”
“Daya. Sige, ayaw mo palang sabihin, matulog na lang
ako.” Ang sagot ni Timmy, sabay tayo at tumbok sa pinto ng bahay. Alam niya kasi
na patungkol sa kanya iyong sinabing lihim na alam ni John.
Ngunit hinawakan ni John ang kanyang kamay upang hindi
siya makaalis. “Sige sasabihin ko na. Balik ka na sa upuan mo.”
Umupo si Timmy. “Ano iyon?”
“Sabi noong tao na iyon ay mahal na mahal daw niya
ako.”
Napangiti si Timmy. “Ang inay mo iyon.”
“Weh! Bakit itong ari ko ay hinimas-himas din niya?”
“Huh! Incest? Ginawa ng inay mo iyan? Di ko akalain!”
ang biro ni Timmy.
“Kaya nga hindi ang inay iyon eh. Tapos, dahil hindi
ko naman maigalaw ang kamay ko, hinawakan niya ito upang madampi ang kamay ko
sa harapan din niya.”
“Ah… si Yeng iyon. Grabe talaga ang babaeng iyon no?
Manyak!” ang sambit ni Timmy.
“Lalaki ang boses eh.”
“S-si Jishin?” ang sagot uli ni Timmy. Ayaw talaga
niyang sakyan ang biro ni John. Alam naman din kasi ni Timmy na hindi niya
ginawa iyon. Maliban sa paghalik niya kay John at paghawak sa kanyang kamay,
wala nang ibang ganyang ginawa si Timmy.
“Ah… alam ko na kung sino!”
“Sino?”
At dahil ayaw sumakay ni Timmy, tinodo na ni John ang
panloloko. “Si Bell!”
“Lalaki ang boses ni Bell?”
Hindi pinansin ni John ang pagsingit ni Timmy.
Nagpatuloy siya. “Natandaan ko pa, pumatong siya sa aking katawan at sinunggabn
ng halik ang aking bibig. Grabe, palang humalik iyang si Bell. Kaya dahil sa
galing at sarap niyang humalik ay kahit di ko maigalaw ang katawan ko, tinigasan
talaga ako! I think nakatulong isya upang manumbalik maigalaw ko na ang buo
kong katawan. Nang mapansin niyang tumigas ang pagkalalaki ko, Iyon naman ang
kanyang sinuso! Ang saraaaaaaaapppp! Grabe. At doon na ako napaungol. Sabi pa
nga niya na kung di man daw niya matikman ang pagkalalaki ni Timmy, at least
natikman niya ang ari ng lalaking natikman din daw ng taong mahal niya.
Syempre, dahil di naman ako makasigaw, nagawa niya ang paglapastangan sa
napaka-inosente kong katawan.”
Tumawa si Timmy. “Weee? Di nga???”
“Oo. Natikman ni Bell ang katawan ko.” Ang sabi niyng
umaarte sa pag-iiyak, itinakip ang dalawang palad sa kanyang mukha. Tapos
biglang tiningnan si timmg. “Hindi ka nainggit?”
“Hindi. Nawalan na ako ng gana. Habulin mo siya.
Malamang ay nasa prisinto siya ngayon. Sabihin mo sa kanya, gusto mong
macomatose uli. Pero hindi na siya ang sisira ng brake ng sasakyan mo kundi
ako.”
Natawa si John. “Halika nga! Ang cute mo talaga kapag
nagseselos eh!” sabay unat sa kanyang mga bisig.
Tinitigan ni Timmy si John. “Nasa pool tayo, ungas!
Makikita ng mga kasambahay ninyo.”
“Bahay ko ‘to, sesante ang lahat ng mga tsismoso at tsismosa
d’yan.” Ang sagot ni John na nilingon pa ang paligid kung may makarinig. Siya
na rin ang tumayo at lumapit sa inuupuan ni Timmy na reclining pool chair at
umupo sa tabi ni niya.
Nang nakaupo na si John, niyakap niya si Timmy. Hinayaan
ni Timmy ang mga bisig ni John na nakalingkis sa kanyang katawan.
“I miss you, Tok. Sobra…” ang pabulong na sabi ni John
habang tinitigan niya si Timmy.
“I miss you din, Hang…” ang sagot din ni Timmy na
nakipagtitigan kay John.
“I love so much.”
“I love you too… so much.”
At nang inilapat ni John ang kanyang mga labi sa labi
ni Timmy, hindi na rin nagpumiglas si Timmy. Naghalikan sila sa gilid ng
swimming pool. Wala silang pakilam kung may makakitang tao o kasambahay.
“Ang sarap ng pakiramdam kapag ganitong wala tayong
itinatago no?” ang sambit ni Timmy matapos ang kanilang halikan, nanatiling
nakahiga sila sa iisang reclining pool chair, ang bisig ni John ay nakalingkis
pa rin sa katawan ni Timmy.
“Oo nga eh. Ako, handa namang yakapin ka o halikan ka
sa publiko. Ikaw ba, kaya mo?” ang tanong ni John.
“Eh… h-hindi ko alam.”
“Try kaya natin…”
“P-paano?”
“Tara, maligo muna tayo.” Ang sambit ni John.
Hinawakan niya ang kamay ni Timmy at hinila patungo sa kanilang kuwarto atsaka
tinumbok ang shower. Doon sila naligo. Syempre, puno rin ng kilig moments ang
eksena nila sa shower. Nariyan iyong halikan, iyong hiluran ng likod, iyong
sabunan ng katawan. Hanggang humantong ang lahat sa halikan… at sa malalasa na
ungol.
Posturang-postura sila matapos nilang makapagbihis at
nasalabas nan g kuwarto. Parehong nakasuot ng puting T-shirt na may stripe na
asul at pula sa dibdib, jacket na maong, faded ripped jeans at puti at asul na
rubber shoes.
Sinabihn ni John ang kanilang katulong na sa labas
sila kakain. Sinabihan din niya ang driver na huwag silang ihatid dahil mag
commute sila.
Nalito si Timmy sa inasta ni John. Nang nasa labas na
sila ng bahay, habang nakatayo sila pareho sa harap ng gate, hinawakan ni John
ang kamay ni Timmy.
Tiningnan ni Timmy si John. Nagtatanong. “Bakit?”
“Ayaw mo bang hawakan kita habang maglalakad tayo?”
Doon na nakuha ni Timmy ang ibig ipahiwatig ni John.
“Eh…” ang nasambit lang niya.
“Kaya mo iyan, Tok. Sa una lang medyo nakakailang.
Pero anong pakialam natin sa kanila? Ako nga ang dapat mahiya dahil taga-rito
ako. Maraming tao at kaibigang nakakakilala sa akin bilang pasaway, bilang bad
boy, bilang basagulero, bilang playboy. Tapos ngayon ay biglang makikita nila
na may ka-holding hands akong lalaki. Syempre, mag-iba ang tingin nila sa akin.
Pero mahal kita eh. At proud ako na ikaw ang mahal ko. Proud din ako sa
pagmamahal ko sa iyo. May konting hiya at pag-aalangan sa maaarign sasabihin ng
mga tao ngunit wala ito kumpara sa nararamdaman kong pagka-proud at saya na
kasama kita, na kapiling kita. Ganyan kita kamahal.” Nahinto si John. “Ako ba
ay ganyan mo rin kamahal?”
Natahimik si Timmy. Maya-maya ay binitiwan niya ang
isang malalim na buntong-hininga. Tiningnan niya ang kamay ni John na nakahawak
sa kamay niya. Muling tiningnan niya si John, binitiwan ang isang matipid na
ngiti atsaka nakipaghawakan na rin siya ng kamay kay John.
Abot-langit ang tuwa ni John sa pagsang-ayon ni Timmy
na maghawak-kamay sila. Kitang-kita ito sa abot-tainga rin niyang ngiti.
“First time kong gumawa nito.” Ang sambit ni Timmy.
“Ba’t sa tingin mo inaraw-araw ko ito?”
“Paano kung may mandidiri, magagalit?”
“Tatawanan lang natin eh. At kapag nagipit at nasa
puntong babariliin na tayo dahil d’yan, sabihin na lang nating social
experiment.” Nahinto siya. “E, paano naman kung kikiligin sila?”
Di na umimik si Timmy.
Pumara si John ng jeep. Nang naupo na sila, pansin
kaagad ng ibang mga pasahero ang pagpasok nila. Una ay dahil syempre, pareho
silang guwapo, matangkad, makinis, maganda ang porma ng katawan, artistahin at
kutis mayaman bagamat nag-commute lang. Iyan ang unang napansin ng mga kasabay
nila sa jeep. Ngunit ang mas nakakapansin din sa kanila ay ang kanilang hawakan
ng kamay, at pagka-sweet. Maya-maya ay napansin ng dalawa na nagtitinginan ang
ibang mga pasahero sa kanila. Napansin din ni John ang isang babae at isang
bakla na palihim na kinunan sila ng video. Doon ay sinadya ni John na ilingkis
ang kanyang braso sa katawan ni Timmy sabay lapit ng mukha niya kay Timmy na
mistulang hahalikan ngunit bumulong nang palihim. “Smile ka naman d’yan may
nagbi-video. Magba-viral na tayo, kukunin na tayong mga artista nito!”
Napangiti na lang si Timmy. Siniko niya sa tiyan si John habang nagkunyaring
inosente sa pagbi-video sa kanila.
Nang bumaba na sila sa jeep, narinig pa nila ang tili
ng mgababae at baklang mga estudyante na kinilig sa kanila. Lumingon si John at
nang nag muestra pa siya sa mga estudyante sa jeep, iyon dalawang kamay na
pinagdugtong ang mga daliri na ang nabuong porma ay puso at itinuro niya sa
kanila ang nakatalikod na si Timmy, pahiwatig na si Timmy ang puso niya, mas
lalo pang nagtilian ang mga estudyante, ang iba ay nagpalakpakan. Natawa na rin
si John at pati si Timmy ay natawa na rin na napalingon sa mga estudyante.
“Nakita mo ang reaksyon ng mga estudyante? Open na
open sila. Tanggap nila. Iyong kilig nila ay mas matindi pa yata kaysa kilig
kapagnakakakita sila ng straight na magkasintahan.” Ang sambit ni John.
“Oo na. nakita at narinig ko.” Ang sagot ni Timmy.
Pumasok sila sa isang kinanan. Habang kumakain sila,
panay ang pakilig ni John. Nariyan iyong sinusubuan niya si Timmy, papahiran ng
panyo niya ang gilid ng bibig, hahaplusin ang mukha. Gustong pumalag ni Timmy
sa inastang iyon ni John ngunit dahil nga social experiment lang nila ito kapag
may magalit, hindi na pumalag pa si Timmy.
Habang ganyang silang kumakain, napansin kaagad nila
ang ilang mga kumakain din doon na paminsan-minsang tumitingin sa kanila, ang
iba ay nakangiti pa. Ngunit ang naka-agaw pansin sa knaila ay ang dalawang
lalaking nandoon na bago sila dumating sa kainan na iyon. Pareho din silang
cute, nasa 20 ang edad at tingin nang tingin sa kanila ni John at Timmy. Sa simula
ay akala nina John na galit sa kanila ang dalawa dahil tila mapanuro ang
kanilang tingin. Ngunit sa kalaunan ay lumabas din ang tunay nilang estado. Nahalata
na ang kanilang pagiging mag-jowa dahil nakipag-sweetan na rin sila sa isa’t
isa.
Syempre, may iilang tao ring napansin nilang mistulang
nawi-weirduhan sa kanila. Nakikita naman sa tingin. Ngunit wala namang
nagsalita. Hanggang sa tingin lang sila puwedeng tumutol.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-shopping sila.
Binilhan ni John si Timmy ng mga damit, pantalon at sapatos. Puro couple. Nanuod
sila ng sine pagkatapos.
Gabi na nang umuwi sila ng bahay. Doon na sila naghapunan kasama ang inay ni John at
si Jishin, na kasama rin ang kanyang boyfriend na si Junmark. Masaya silang naghapunan. Ikinuwento nina Jishin at inay
ni John ang nangyari kina Bell and Yeng kung saan ay panandaliang nakulong nakulong
si Yeng dahil nakapagpiyansa ang abugado ngunit si Bell ay nanatili sa kulungan
dahil walang tumulong.
Doon ay nakaramdam ng awa si Timmy kay Bell.
Kinumbinsi niya si John na piyansahan na lang si Bell.
“At bakit natin gagawin iyon?” ang tanong ni John.
“Kawawa naman eh. Di ba si Yeng talaga ang may pakana
ng lahat? Puwede nating gawing testigo si Bell para idiin si Yeng.”
Dahil naawa na rin ang inay ni John kay Bell, nagkaisa
sila na gawing testigo si Bell laban kay Yeng.
“Bukas pala nay ay babalik na kami ni Timmy ng probinsiya
dahil mahigit dalawang linggo din pala kaming absent sa klase. Sana ay hindi
kami ibinagsak ng mga professors namin.” Ang pagpapalam ni John sa kanyang
inay.
“Sige anak. Babalitaan na lang kita sa mga kaganapan. Uuwi
rin ako sa Mindoro pag naayos na ang lahat.” Ang sagot ng inay ni John.
“Uyyyy. Na-miss niya ang forever niya...” ang biro
naman ni John sa ina na ngumiti lang at halatang nag-blush. “Kailan kayo
magpakasal, inay?”
“Sasabihin ko na lang sa iyo, anak. Nagpaplano pa
kami.”
“Plano? Para kayong mga teenager niyan ah! May
plano-plano pa kayong nalalaman.” ang sambit ni John, sabay tawa.
“Huwag kang mag-alala. Malalaman mo rin.”
“Okay. Kasi handa na ako na ihatid kita sa altar. At
itong si Timmy ay handa na ring mag best man.” Ang dugtong ni John.
Natawa na lang si Timmy.
“At ako, what’s my role” ang pagsingit ni Jishin.
“Mamili ka. Maid of honor or Flower girl?” ang tanong
ni John.
“Maid of honor!!!” Ang sagot ni Jishin.
Tawanan.
Nang matapos ang hapunan ay nagbonding silang pamilya
sa may pool, sabay despedida na rin nila kay John at Timmy. Naroon sina Jishin,
ang boyfriend nitong si Junmark, Timmy, John at ang inay ni John. Pinasali rin
ni John ang mga kasambahay nila. Malapit kasi si John sa kanilang mga katulong
at driver. Parang pamilya na ang turing niya sa kanila. At alam niyang mahal
rin nila siya.
Uminom sina Jishin, Junmark Timmy, at ibang kasmbahay
samantalang si John ay Juice lang ang ininom. Pinagbawalan kasi siya ni Timmy
at ng kanyang inay dahil nga sa gamot na iniinom pa ni John.
Masaya ang kanilang bonding. Pero at the same time, nakakalungkot
din para sa inay ni John na maghihiwalay na naman sila, at sa mga kasambahay na
namimiss si John na wala sa bahay.
Kinabukasan ay inasikaso kaagad ng abugado nina John
ang pagpiyansa kay Bell samantalang sina John at Timmy naman ay sa airport ang
tungo. Hinatid sila nina Jishin at Junmark.
(Itutuloy)

Ganda ng twist...
ReplyDeletePDA pa more🙈
But in reality, hirap maging open sa public...we are living in this world full of discrimination 😭
Thanks for sharing your writing prowess sir Idol. Can't wait for the next chapter. -wines
ReplyDeleteDemonyong mala anghel n katauhan...nakakakilig basahin.. Walang lihim talagang hindi nabubunyag..tnx kuya mike for sharing....sana d k po magsasawang magsulat..😃😃😃zed
ReplyDeleteNakakainis ka sir mike, alang kakupas kupas! You never failed na pakiligin ako sa mga stories mo. It is as if buhay na buhay sa diwa ko kung paano mo ninanarate yung kwento. Kakaexcite tuloy basahin yung next chapter. Thank you po ulit for the honor na makabasa ng mga obra nyo! More power to you sir!
ReplyDeleteWow! ang saya ko kc nabasa ko na e2 gkahapon pa now lang ako ng comment, sana wala minang unos sa 2nd life ni john at timmy, kaya lang sa pag balik nila naroon ang mahadirang c Angel at ang kasabwat na varsity player ng school.....Abangan sir mike ha......wag mo akong paiyakin huhuhuhu....
ReplyDeleteayosssssssss... tapos na akong mag read...
ReplyDeletegrabe napupuyat ako... ready na for the next chapter...na ffeel ko na dadami kalaban ng ating bida.... galing talaga ni john best actor... kaya tok be have... love na love na love ka ni hang... sheeettttt kiliiiiiiiggggggggggggg.... 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍 kuya mike thanks sa pag papakilig at pag papaluha hahaha insert galit inis sura bushit hahahaha muahhhhhh
Nice sir mike :-)
ReplyDelete