Followers

Saturday, August 15, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 9

 

XOXO

Keith and Kibo

Chapter 9

SI KIBO

" I have an idea." Saad ni Daddy, napatingin naman kaming lahat dito.

" What Dad?"

" Allen you can stay here, with Kibo." Napatingin naman sakin si Allen.

" You mean, titira dito si Allen kasama ko?" kunot noong saad ko, marahan naman tumango si Daddy.

" Honey!"

" Dad?!"

" What is wrong with that?"

" Uhm tito, I don't think na magiging kumportable si Kibo if mag stay ako dito?"

" Why not? Nung mga bata naman kayo minsan magkakatabi kayo matulog di ba?" saad ni Daddy, napakamot naman ako sa ulo. " I don't see any problem with that, kilala natin si Allen since he was a kid, I think parang na syang kuya ni Kibo, right?"

" Pero Dad." simangot ko. " I'm sure hindi magiging kumportable si Allen na kasama ako?"

" Okay lang sakin." ngiti nito, napapikit naman ako sa inis. Na kay Kuya Neko talaga loyalty ng bwiset na to, never syang kumampi sakin.

" Fine fine, its up to Allen kung uuwi ka ng bahay or magsstay ka dito." saad ni Mommy.

" Mom?!"

" I know hindi mo kaya, so uwi ka na baby?" ngiti ni Mommy.

" No!"

" Ikaw Allen, magsstay ka dito o hindi?" tanong ni Daddy, nagtama naman yung mata namin ni Allen kaya marahan lang akong umiling sa kanya. " Kasi kung hindi, iuuwi nanamin si Kibo."

" Daddy naman!" pagmamaktol ko, kita ko lang yung ngiti ni Mommy. She knows na crush ko si Allen before! Well it's all in the past na!

" What Kibo?" ngiti ni Allen sakin, sinimangutan ko naman sya. " Wait kakampi mo ko dito, kung ano desisyon mo, okay ako."

" So decide anak?" ngiti ni Mommy. " titira ka kasama si Allen o uuwi ka sa bahay?"

" Well, wala po sakin problema. So it's up to Kibo." ngiti pa ni Allen.

" What anak? Impake na ba namin gamit mo? Let's go Hon." saad ni Daddy.

" Wait!" awat ko sa kanila.

" What baby?"

" First of all, let's make this clear. Allen and I had a relationship before." seryosong saad ko kita ko naman yung gulat sa mata nilang dalawa saka napatingin kay Allen.

" Kibo?" ngiwi ni Allen.

" Are you serious!?" maang ni Daddy.

" I am so serious, Are you guys okay with that?" ngiti ko.

" Ben." lingon ni Mommy kay Daddy.

" Hindi po hindi ba, so let me stay here alone.. I'm safe here kaya wala kayong dapat ipag alala. I'm good, I am fine, I am safe so tapos na usapan kaya let's have breakfast." ngiti ko. " I'm so hungry."

" No." iling ni Mommy habang nakatingin kay Allen.

" Well, Allen is a good guy, He is a successful man, He's rich so kung magkakaroon ka ng partner anak. I'll go for Allen." ngiti ni Daddy, napasimangot naman ako saka napalingon kay Allen. Kita ko lang yung pagkakamot niya ng ulo. " He is good catch, do you agree honey?"

" Yeah, tama Daddy mo." ngiti ni Mommy sakin.

The eff! Di ko maimagine na kasama ko sya sa isang bahay!

He is so handsome and I hate it.

" Sabagay, mejo risky nga lang sa side niya pero kung kaya ka naman niya ipaglaban, why not." tango ni Mommy, nasapo ko lang yung mukha ko, narinig ko naman yung pagtawa ni Allen kaya agad ko syang binigyan ng matalim na tingin.

" Anong kasalanan ko?" ngiti niya.

" Whatever." buntong hininga ko.

" So anak, makikipaglive in ka kay Allen or-"

" Daddy! Para kang ewan. LIVE IN? Allen is getting married na and wala na kong gusto sa kanya. As in kahit katiting wala na. Kaya kung nangangarap kayo na kami magkakatuluyan well drop that idea kasi wala. And higit sa lahat wala akong plano maging mistress noh, ang cute ko naman para mang agaw." simangot ko, kita ko naman na nagkibit ng balikat si Allen.

" Then decide?" ngiti ni Mommy.

" Decide what?"

" Be a mistress or uuwi ka sa bahay?"

" Are you serious mom?"

" So uuwi ka na?" ngiti niya, nakagat ko lang yung labi ko. " Okay Ben, impake na kasi finally uuwi na yung baby natin, I am so happy." excited na saad ni Mommy.

" Okay, Allen can you help us ayusin yung gamit niya. Gusto din kita makakwentuhan eh." saad ni Daddy.

" Sure po tito."

Damn it! Nooooooooo!

"WAIT! Fine! Oo na sige na."

" Uuwi ka na sa bahay, baby?"

"No, I'll stay here with Allen." seryosong saad ko kita ko lang yung titig nila sakin. " Titira ako dito kasama sya!" Turo ko pa kay Allen."

" My God Kibo." iling ni Mommy. " Just go home!"

" Nope." sunod sunod na iling ko. " You want me to decide right, So this is my decision."

" Kibo please?" kita ko naman napabuntong hininga si Daddy.

" Baby, umuwi ka nalang please?"

" Kailan ba tayo nanalo sa anak mo." iling ni Daddy kaya nginitian ko lang sya.

" Kibo naman anak eh." Ngiwi ni Mommy.

" Are you sure anak? Pano kung mabuntis ka?"

" Dad!" inis na saad ko.

Pagkabreakfast ay umalis na din sila Mommy at Daddy pagkatapos ng napakahabang pamimilit nila sakin. Kahit isama pa nila sakin si satanas dito hinding hindi ako aalis..kasi andito si Keith.

Napangiti lang ako ng masagi sa isip ko si Keith.

Yeah he is the main reason kung bakit dito ko pinili tumira, at hindi ako aalis dito after 2 years! Nangako ako na sa kanya ko parin ibubuhos lahat ng atensyon ko for the next two years.. so be it!

Pero my problem now is him..

Napalingon lang ako kay Allen habang nanunuod ng tv.

Damn he is so gwapo, maganda pa katawan.

Oh my God tapos makakasama ko sya sa isang bahay? Paano kung gahasain niya ko?

Tao lang ako, marupok!

That is not gonna happen!

" Allen." Tawag ko sa kanya.

" So I'm gonna stay here?" tanong niya pero binigyan ko lang sya ng matalim na titig. " Why, bakit ganyan tingin mo?" ngiti niya.

" Di mo man lang ako tinulungan."

" Well, parents mo yun so wala akong magagawa."

" Linawin lang natin, kUYA ALLEN huh." saad ko, natawa naman sya.

" Drop the kuya?"

" Ayaw!"

" Drop it."

" AAAYAW!" madiin na saad ko kasabay ng sunod sunod na iling.

" Why?"

" Kasi pumayag ako na tangalin yung kuya sa pangalan mo before kasi I had a crush on you that time."

" Bakit ngayon wala na?"

" Wala na! As in Zero." saad ko kita ko lang na umiwas sya ng tingin. " Zero here." turo ko sa sintido ko. " And zero here!" turo ko sa dibdib ko. " So kung iniisip mo na crush pa din kita, or may feelings pa ko sayo. Wala na po, walang wala na mister."

" Dalawang taon lang ako naging busy, nawala na agad."

" Well, kung may feelings ka pa sakin. I'm sorry pero wag ka na umasa please?"

" Ikakasal na kaya ako."

" EH bakit text ka ng text na magtanan tayo tapos may pa-let's get married ka pang nalalaman."

" Joke lang naman yun."

" Whatever, Romantically wala na, Actually naalala ko nalang sayo si Kuya Neko feeling ko kapag kasama kita, andyan lang sa sya tabi ko. Kaya nga ang saya ko nung kinausap mo ko eh."

" Namimiss mo sya?"

" Lage, pero okay na ko. Can I call you Kuya Allen again?"

" Pero."

" Please?"

" May boyfriend ka na ba?" tanong niya pero marahan lang akong umiling.

" Pero I have someone special na, I love him." ngiti ko , napatango lang sya. " matagal ka ng ekis sa puso ko kaya lagyan natin makapal na line dito huh." saad ko saka kunwareng gumihit ng linya sa sahig.

"Sya ba yung kasama mo sa bar nung nakita kita?"

" Yeah, and you know me Kuya Allen. I am the most loyal person na makikilala mo. So kung iniisip mo na may gusto pa ko sayo, and like I want to have sex with you or whatever. Naah kahit gaano ka pa kagwapo or kasexy you can't win against my heart." ngiti ko saka hinawakan yung dibdib ko. " Yung mga cute na kagaya ko, Loyal po."

" Ang swerte naman niya." simangot niya.

" And ang malas ko."

" Why hindi ka niya gusto?" tanong niya, marahan naman akong umiling saka nagkibit ng balikat. " Di ka pala gusto eh."

" But I like him at wala akong paki kung hindi niya ko gusto, let's be clear Kuya Allen huh. Our relationship is just kuya and little brother thing. No crossing the line." ngiti ko sa kanya, marahan naman syang tumango. " And isa lang yung kwarto ko kaya malamang magkatabi tayo so I want you to buy a bigger bed or two beds, ikaw na bahala."

" Okay."

" Kung may balak ka mag take advantage sa cuteness ko, dedemanda kita ng rape." seryosong saad ko, kita ko lang na natawa sya. " I'm serious! I know you're hot and sexy. Fine sobrang gwapo mo din pero I promise to myself and to kuya neko that I will never cheat. Nasa ikaanim na utos yun, so it's badddddd"

" Yeah right." tango niya.

" At kung balak mo iseduce ako? Dun ako matutulog kay Keith!"

" So keith ang pangalan niya?"

" Yeah, my handsome husband keith." ngiti ko, kita ko lang na napakamot sya ng ulo. " Naiintindihan mo po ba kuya Allen?"

" Okay, so from now on. Kuya mo na ko?"

" Exactly."

" Can you just drop the kuya?"

" No!"

"Fine! Dati patay na patay ka sakin." bulong niya.

" Dati yun! May iba na kong gusto at mahal na mahal ko sya kahit napakasama ng ugali niya."

" Masama ugali? Gusto mo sapakin ko?" saad niya pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

" Subukan mo saktan sya, di ka makakalabas ng buhay dito." saad ko saka ngumiti sa kanya.
" May duty ako sa clinic from Monday to friday, umuuwi ako around 9pm kasi hanggang 8pm yung laboratory ko."

" Okay, well ako nag start palang yung project namin. And It doesn't mean naman na dito ako matutulog everyday. You know naman Dad, gusto niya lagi akong nasa paningin niya. So maybe twice or once a week."

" Uhm Isee, okay naman pala."

" I just need place lang na tutulugan incase na tinamad na ko umuwi dahil sa sobrang pagod."

" Okay, about sa food. Never touch my food okay?"

" I know." ngiti niya.

" Okay we're good, no crossing the line at wag na wag ka maghuhubad sa harap ko kasi babalatan kita ng buhay Kuya Allen? Understand? I know I'm loyal pero tao din ako so please know your place or leave this house."

" Pano yun, gusto ko nakahubad ako matulog." ngiwi niya, gigil ko naman syang tiningnan.

" Sure, nakahubad ka din dadalhin sa hospital kasi magreready ako bread knife sa ilalim ng unan ko. Just cover you body coz I am not a saint, okay?" approve ko sa kanya.

" Okay okay." tango niya. " Ako mas matanda pero bakit parang ako yung sunod sunuran?"

" Coz this is my house." ngiti ko. "bye liligo na ko, wag kang aalis kasi ihahatid mo ko."

" Bakit di ka magpahatid dun sa taong gusto mo pero di ka gusto?" saad niya, gigil naman ako tumingin sa kanya. " Just kidding." ngiti niya. " Opo ihahatid po kita." inirapan ko lang sya saka kinuha yung towel ko at pumasok sa cr.

Relax Kibo, wala ka ng feelings sa kanya pero my God! Sana kayanin ko.

Matangkad, maganda katawan, gwapo..tapos ang bango pa niya!

Pilitin ko kaya si Keith na sa kanya nalang ako matulog?

Kaso kapag kay Keith, baka ako naman ang mademanda dahil sa rape!

Umayos ka Kibo! Lust and love is two different thing..choose love!

SI KEITH

Napangiti lang ako ng makita yung taguan ko ng underwear, di nanaman to nabawasan. Akala siguro ng bwiset na babae na yun di na ko nag uunderwear! Neknek niya.

Ano kaya ginagawa ng minions na yun?

Pangatlong araw ko ng di nakikita si Kibo, Nakakabawiset! Bakit parang ako pa yung naghahabol sa kanya ngayon, gusto ko lang naman na...

Na ano keith? Makasex sya?!

At kailan pa ko nauhaw sa sex?Badtrip! Dapat ako yung pinipilit niya di ba?

Pero ano? Sobrang busy niya nakalimutan na niya ko?

Nung isang araw pag uwi niya nakatulog sya kaagad, kahapon dahil sa medical mission nila anong oras na sya nakauwi!

Oh Damn it!

Pagkabihis ay tumuloy lang ako sa elevator, nang bumukas to sa ground floor natigilan lang ako ng may nakaabang dito na lalake na may mga dalang maleta.

" Hey there." Saad nito, shit sino sya? " Di ka pa lalabas?"

" Uhm may nakalimutan ako sa taas." Pilit na ngiti ko, pinagmasdan ko naman to ng maigi hanggang pumasok to at magsara yung elevator.

" Dito na ko titira."

" Really."

" Sa unit ni Kibo." Saad nito, napalingon naman ako sa kanya. Wait Allen? Sya ba? I think sya nga? Oh damn it!

" Ano sabi mo?"

" Uhm, dun na ko sa unit ni Kibo titira from now on." Ngiti nito, hanggang bumukas yung elevator, wala sa sarili naman akong lumabas. Nang lingunin ko sya nakangiti lang sya hanggang sumara yung elevator.

" SA UNIT NI KIBO!?" nanlalaki ang matang saad ko. " AT PUMAYAG YUNG TEENY WEENY NA YUN?!"

Kinuha ko lang yung phone ko saka dinial yung number nung bwiset na teeny weeny na yun.

Iisa lang naman kwarto ng unit niya ah, ibig sabihin magkatabi sila matutulog?

Anong kalokohan yun?!

Ex niya yun! Tapos makakatabi niya matulog?

Kalokohan!!!

Ilang sandali pa ng sagutin niya to. " Hoy, Teeny weeny!"

" Hello, Wala man lang goodmorning? Hoy agad!?"

" Morning mo mukha mo!"

" Ang aga, high blood ka."

" Dahil sayo!"

" Ano ba kasi, nasa clinic na ko kasama ko si Queenie, why ba?"

" Yung ex mo?"

" Oh ano tungkol kay Kuya Allen?"

" Bakit ano.."

" Ano nga?"

" Bakit!"

" Cutie Vampire, start na ng duty. Turn off na that phone." Rinig kong boses ni Queenie. Argg!

" Sige na Keith, later nalang uli."

" Hello kuya love you."

" Bye na!" inis na saad ko saka pinatay yung phone. Damn it! Sa sobrang horny nung pandak na yun, baka unang araw palang na magtabi sila may mangyare na agad sa kanila ng bwiset na octopus na yun!

Kainis! Pano ba nagkagusto sa kanya yung bwiset na yun. Mayaman naman sya, gwapo bakit si Kibo pa nakarelasyon niya at ikakasal na sya di ba? bakit makikipaglive in sya kay Kibo! At wag niya sasabihin na magkaibigan nalang sila kasi malaking kalokohan yun!

The effff!!!!

Muli lang akong pumasok sa elevator saka pinindot yung 9th floor.

Kibo, ikaw talaga papatay sakin, Yung dugo ko tumataas!

Pagdating sa harap ng condo ni Kibo, gigil ko lang na pinindot yung passcode ng unit niya saka to binuksan.

Asan kang bwiset ka!

Pumasok lang ako sa kwarto, kahit sa cr pero wala akong nakitang tao sa loob nun.

" Wait asan yung octopus na yun?"

"Piggy, asan yung octopus?" tanong ko dun sa pusa ni Kibo ng lumapit to sakin.

" Meow meow."

" Para naman magsasalita ka, baliw ka na talaga Keith." Simangot ko dito saka muling pumasok sa kwarto ni Kibo. Baka nagtatago sya sa cabinet. Pagkabukas ko Nakita ko lang yung iba't ibang kulay ng bag niya, iisa lang design ng mga to, nang buksan ko pa yung iba Nakita ko din yung maraming uri ng pabango na anduon.

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko, bakit naman sya magtatago sa cabinet?

Utak mo talaga Keith!

" Asan ba yun?" saad ko saka kumuha ng isang pabango at inamoy. Kaya pala di ko matandaan amoy niya, pabago bago sya ng pabango.

" But this smells good."saad ko saka binalik yung bote sa cabinet niya.

Ilang sandali pa ng umupo ako sa kama niya saka pinagmasdan yung buong kwarto niya at napangiti. He likes backpack, cologne and...

Napatayo lang ako ng may makitang poster malapit sa study table niya.

" Wow atleast meron tayong similarity, you like transformer din pala." Ngiti ko habang pinagmamasdan yung transformer movie poster.

Pwede naman niya kasi akong maging kuya nalang, ayaw niya pa kasi. Ang alam ko yung mga relasyon na lalake sa lalake. Di rin naman nagtatagal! Naghihiwalay din. Si Vanessa nga ilang beses na umiyak ng dahil sa lalake nung hindi pa sya nagpapaopera. Nung naging ganap na babae na sya, iniiwan pa din naman sya.

Pabagsak lang akong nahiga sa kama niya saka nakipagtitigan sa kisame ng kwarto niya.

Bakit ba parang sang sakit kapag naiisip ko na mangyayare kay Kibo yung mga nangyare kay Vanessa, pagkatapos perahan bigla nalang iiwanan.

I know mayaman sya, wala lang sa kanya yung pera pero di naman niya deserve na mahalin lang dahil sa may pera sya.

Kakayanin ba niyang paulit ulit na saktan ng mga lalake?!

Paulit ulit maiwan?

At yang Allen na yan, magpapakasal na yun! Ano pagkatapos niyang paasahin si Kibo uli, iiwan niya para magpakasal sa babae.

Bwiset talaga!

'Yun naman talaga ending kung sakaling panindigan niya yung pagiging bakla niya.. lahat ng makakarelasyon niya maghahanap lang din ng babae, magkakapamilya, magkakaanak! Eh sya ano? Maiiwan mag isa? Tapos iiyak nalang, eh sino mag aalaga sa kanya kapag may sakit sya? Sino sasama sa kanya kapag sobrang nasasaktan na sya?

Kapag tumanda sya, pano sya? mamatay nalang mag isa? Maiiwan mag-isa? Pano sya? Paano sya? Kaya niya ba mag-isa?

Iniisip ko palang, nalulungkot na ko.

Hanggang maramdaman ko yung pagtulo ng luha ko, agad ko naman tong pinunasan.

Nakakainis naman kasing teeny weeny yun!

I want him to be happy!

"Pano kung di ko na makita yung inosente niyang mga ngiti?"

Inis lang akong tumayo saka lumabas ng kwarto niya hanggang matigilan ako...

Wait! May mali, may iba sa kwarto niya.

Muli lang akong bumalik sa kwarto at pinagmasdan yung kama niya.

Wait! Bakit nagbago yung kama niya.

This is not his bed, hindi ganito kalaki yung kama niya.

Napalingon lang ako ng marinig yung pagpindot ng code ng pinto niya, agad naman akong lumabas ng kwarto saka inantay kung sino yung papasok.

Hanggang magtama yung mata namin ng bumukas yung pinto.

Shit! Octopus.

" Why are you here?" nagtatakang tanong niya.

" Si Piggy." turo ko sa pusa ni Kibo saka to binuhat. " Tinawagan ako ni Kibo na pakainin sya."

" Uhm okay." saad niya, binaba ko naman si piggy. " Di ka pa aalis?"

" Ikaw bakit ka nandito?"

" Nasabi ko na sayo kanina di ba, dito ako mag-stay. May nakalimutan lang ako sa car kaya bumaba uli ako."

" Okay." Tango ko.

" So may kailangan ka pa?"

" Pero ex ka niya, titira kayo ng magkasama dito?"

" Yeah, ex ko si Kibo."

" So bakit ka titira kasama sya, may feelings ka pa ba sa kanya?"

" Pano kung meron?"

" Gago ka ba, ikakasal ka na di ba?"

" Just Kidding." ngiti niya. " Yeah, I'm getting married next year. Titira ako dito kasi I need a place, we do have on going project sa malapit. Wait why do I need to explain this to you?"

" Kasi ex ka ng nakatira dito!"

" Bago ko sya naging ex, we're best of friends and I know him since he was a little. So I don't see any problem with that."

" Damn it." bulong ko.

" Eh ikaw ano ka ba niya?"

" Syota niya, bakit!" asik ko sa kanya kita ko naman yung tingin niya sakin. " Kaya subukan mong akitin yung syota ko, dudurugin kitang gago ka. Naiintindihan mo huh!"

" Are you serious?" kunot ang noong saad niya.

" Oo bakit!"

" Walang nabanggit si Kibo na may boyfriend sya."

" Edi ako na nagsasabi sayo na may syota na sya tapos sa iisang kama kayo matutulog?" iling ko. " Damn it! Di ba mayaman ka bakit di ka nalang bumili ng unit mo huh." napabuntong hininga lang sya saka isa isang pinasok yung mga maleta niya. " I think meron pa naman sigurong available dito or kung wala man edi sa ibang building!"

" Yeah yeah." tango niya.

" Can you just buy a unit?" saad ko pa, pero natawa lang sya. " What's funny huh!"

Narinig ko naman na nag ring yung phone niya, agad niya lang tong sinagot. Napagmasdan ko naman sya lalo, di talaga sila bagay! Pero bakit parang sobra naman itsura nito. Nung umulan ata ng kagwapuhan, naitulak ko sya sa unahan! Buset.

" Yeah, I'll be right there. I have a meeting with the contractor. Yes dad, pupunta ako sa office mamayang after lunch. Don't worry."

Bwiset na Kibo yun, pumayag ba talaga sya?

" Nope Dad, uuwi pa din ako sa bahay, I just need place na tutulugan kapag naabutan ng rush hour. And I doesn't mean naman na dito ako matutulog araw araw." saad niya saka tumingin sakin, sinimangutan ko naman sya. " We are on the process of land clearing and excavation right now , Everything is fine Dad. Okay bye." saad pa niya saka binaba yung phone niya.

" May kailangan ka pa?" tanong niya.

" Alis na ko." saad ko.

" Wait, boyfriend ka ni Kibo so nakakalabas pasok ka dito sa unit niya?"

" Yeah, may problema ka dun?"

" Kausapin ko nalang si Kibo later." tango niya.

" Tandaan mo huh, na kapag pinilit mo makipagsex sayo si Kibo? Hahabulin ko kahit sa impyerno pa!" asik ko sa kanya, kita ko naman na natawa sya. " Seryoso ako! Wag mo ko subukan kasi di mo alam kaya kong gawin."

" Yeah fine." tango niya.

" Mayaman ka lang, pero ako mahal nun."

" Yeah, I see."

" Gwapo ka pero mas gwapo ako sayo!"

" Okay okay."

" Nag gygym ka ba?" damn bakit ganito katawan niya.

" Pag may time." tango niya.

" Oo sige mas maganda katawan mo pero sorry ako gusto niya."

" Sure."

" Mas matangkad ka, pero...oo na mas matangkad ka na!"

" Okay, are you done? kala ko aalis ka na?"

" Damn it!" inis na saad ko saka ngmamadaling lumabas ng unit ni Kibo. Bwiset na Kibo talaga yun! Bakit kasi pumayag sya makasama sa iisang bahay yung ex niya!

Waaaahhh!

Selos ba tong nararamdaman ko?! Takte bakit ganito nararamdaman ko!

Eh bakit ako magseselos, ano ko ba sya?

Eh bakit ako naiinis?

Letse nababaliw na ko!

SI ALLEN

May ugali nga sya, pero I think gusto naman niya si Kibo.

Isang buntong hininga yung pinakawalan ko.

Pabagsak lang akong naupo sa sofa sa sala ni Kibo saka nilibot yung tingin sa buong unit niya. " Akala ko kapag nakatapos na ko ng pag aaral, makakalaya na ko kay Daddy at pwede na kitang mahalin, na pwede na kong maging masaya, na pwede ko ituloy yung pangarap ko na kasama ka." bulong ko.

" To travel the word..with you."

Pero hindi pala.

Agad ko naman pinunasan yung mga luhang nagsimulang tumulo sa mga mata ko.

FLASHBACK

Napangiti lang ako ng mabasa yung text ni Kibo, agad naman akong nagreply dito.

" Allen, what are you doing?" Agad naman ako umayos ng umupo ng marinig yung malalim na boses ni Daddy, kasalukuyan kaming nagtatahalian nun. " I told you not to use your phone kapag nasa harap ng pagkain."

" Yes, Dad. I'm sorry." nang tingnan ko si Mommy, nakatungo lang to habang tuloy sa pagkain.

" Hindi ka na talaga natuto." iling nito.

" Sorry po."

" Kamusta yung review mo? Malapit na yung board kaya wala dapat distraction sa paligid. Naiinditinhan mo? Kapag hindi mo naipasa yang board mo sisiguraduhin kong malilintikan ka sakin."

" Yes, Dad." Tango ko.

" Now hand it to me."

" Alin po?"

" Your phone."

" But, Dad."

" Give it to me." seryosong saad nito.

" Dad, please?"

" I SAID GIVE IT TO ME!!!" Sigaw nito na nagpanginig sa buong katawan ko. Tumayo lang ako sa upuan ko saka to nakatungong inabot sa kanya. " Do you have a girlfriend?"

" Dad."

" I'm asking you?!" Madiin na saad nito. " So, meron?" kita ko lang yung gigil sa mukha nito saka tumayo at hinawakan ako sa kwelyo. " Is it Jessica?" tanong niya pero marahan lang akong umiling. " ESTUPIDO!

" Dad, I promise ipapasa ko po yung board exam." Naiiyak na saad ko. " Pangako po." saad ko pa pero isang malakas na suntok na sa mukha yung dumapo sakin, napasubsob naman ako sa sahig. Hangang kuhain nito yung baston nito at pinalo sakin ng pinalo. " Dad, stop it please." umiiyak na saad ko.

" Pinayagan ba kita makipaglandian huh! Di ba ang sabi ko importanteng maipasa mo yung board exam mo!"

" Dad I'm sorry." saad ko pero binato niya lang sakin yung phone ko. Nakita ko naman si Mommy na nagpunas ng bibig at tumayo. Tumalikod lang ito at di ako binigyan ng kahit isang sulyap.

" Makikipaghiwalay ka sa kung sino mang babae yan, naiitindihan mo huh."

" Dad, mahal ko po sya."

" BOBO!" sigaw nito saka ako pinalo ng malakas ng baston niya, nakagat ko lang yung labi ko sa sakit na dulot nun saka impit na umiyak. " Hihiwalayan mo sya o ipapadukot ko sya at ipapagahasa sa mga tauhan ko, mamimili ka! Wawasakin ko yung buhay ng babaeng yan."

" Dad!"

" I'll give you one day, wag mo antayin na malaman ko kung sino sya kasi magsisi ka. Naiintindihan mo!" sigaw nito, nakatungo lang akong tumango habang umiiyak. " Sumagot ka, naiintindihan mo!" sigaw nito.

" Yes, Dad." mahinang saad ko.

" Bobo, manang mana ka sa nanay mong tanga!" saad nito saka ako iniwan, agad naman ako nilapitan ng mga katulong saka ako tinayo. Hindi ko lang mapigilang humikbi ng mga oras na yun.

Kinagabihan ay pinagdrive lang ako ng driver namin papunta sa school ni Kibo, pumarada lang yung sasakyan sa di kalayuan ngunit tanaw yung pinakaentrance ng building na yun.

Hindi lang mapigilan tumulo ng luha ko habang pinagmamasdan si Kibo na umiiyak mula sa malayo pagkatapos kong makipag hiwalay sa kanya. "I love you." mahinang bulong ko.

Mas masakit pa sa bawat pasa sa katawan ko yung makita yung pag iyak niya.

I'm sorry Neko, Pangako babalikan ko sya.

END

Pabagsak lang ako sumandal sa sofa at tumitig sa ceiling ng sala niya.

" Neko, nakatapos na ko.. sabi mo magtapos muna ako at ipasa yung board bago ko sya pakasalan di ba? Pero tingin mo ba huli na ko? Pano ko sya madadala sa ibang bansa para pakasalanan kung may iba ng laman yung puso niya?"

Handa ko nang takasan lahat, makasama lang sya.

Kaya ko ng wala si Daddy, pero anong gagawin ko kung may mahal na syang iba?

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.

" Don't worry, happiness pa rin niya yung priority ko at gagawin ko lahat to protect Kibo." saad ko, nakagat ko lang yung labi ko ng maalala yung duguang katawan ni Neko habang nasa mga bisig ko. " That is your dying wish, right?"

Kaya subukan niyang saktan si Kibo, I will use everything I have para pagbayarin sya.

SI KIBO

" Thanks sa paghatid." ngiti ko kay Queenie pagbaba ko ng kotse niya. " Mag cacar din ako kala mo."

" Yeah, tapos road trip tayo sa car mo huh." ngiti niya, nag approve naman ako.

" Sige na, bye! See you on Monday." saad ko, pinaandar naman niya yung kotse niya. Isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko. Papasok na ko sa building nun ng makita ko si Keith na nakatayo sa harap habang masama ang tingin sakin.

" Hoy bakit ganyan tingin mo? Inaantay mo ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya, nahawakan ko naman yung tenga ko. " Suot ko yung hikaw ko?"

" Si Allen."

" What?"

" Sa unit mo na sya titira?"

" Unfortunately, yes."

" Eh ex mo yun ah."

" So?"

" Anong so!?"

" Nagseselos ka?" ngiti ko sa kanya pero dinuro niya lang ako sa noo kaya agad kong hinawi yung kamay niya.

" Ilusyanado ka!"

" I hate you!"

" Eh bakit ba kasi titira sa condo mo yung bwiset na yun?! mayaman yun di ba bakit di nalang sya bumili ng sariling unit niya?"

" Kasalanan to nung nanghostage eh! Naawa pa ko sa kanya pero ngayon I really hate him! I really really hate him." gigil na saad ko. " Nanahimik yung buhay ko tapos ngayon nagulo na! Kainiss aahh!" pagmamaktol ko, kita ko naman yung titig niya sakin. " What?!"

" Uhm wala." sunod sunod na iling niya saka umiba ng tingin. " You're cute." bulong niya.

" What?"

" Ang panget mo sabi ko."

" Whatever."

" Bakit ka ba kasi pumayag na tumira sya sa condo mo?"

" Si Daddy at Mommy ang may gusto nun, not me. Kasi di na raw ako safe sa lugar na to at kung di ako pumayag na tumira si Allen kasama ako. Iuuwi nila ko sa bahay, and ayoko mangyare yun. Ayoko malayo sayo."

" Ayaw mo malayo sakin?"

" Yeah." kibit ko ng balikat.

" Ayaw mo malayo sakin pero yung ex mo kasama mo sa isang unit! Kakaiba ka rin noh?"

" Don't worry, sinabi ko naman sayo di ba na loyal ako. Wala na kong feelings kay Kuya allen."

" Kuya Allen."

" Yeah, I want to call him Kuya Allen na para hindi ko maisip na lalake sya or he's sexy basta ayoko magkaroon ng attraction sa kanya. Sayo lang ako makikipagsex noh. Promise promise promise!" nguso ko. " Kaso ayaw mo naman, so nevermind."

" T-Talaga ako lang gusto mo maka-s-sex?" saad niya.

" Yeah promise, Just so you know, I am not a cheater.. Di katulad mo." irap ko sa kanya.

" Pero sa iisang kama kayo matutulog!?"

" May nakahanda akong bread knife."

" Pero!"

" Whatever, akyat na ko madami pa kong gagawin oh." taas ko ng mga hawak kong folder saka nagsimula maglakad, humabol naman sya sakin.

" Wait wait teka." hawak niya sa balikat ko kaya muli akong napaharap sa kanya, oh my God napakagwapo niya talaga, kailan kaya sya makikipagsex sakin? " Wag mo ko titigan!" inis na saad niya, napasimangot naman ako.

Baka bago may mangyare sakin, namatay na ko dahil sa inis!

"Edi wag, Why ba?" tanong ko saka tumalikod at muling naglakad papunta sa elevator. Kailangan ko talaga dumistansya minsan sa kanya para di maubos yung pagkagusto ko sa kanya, haixt!

" Wait lang kasi." habol niya.

" Ano nga?"

" Pwede ba dun ka nalang matulog sa unit ko?"

" Huh?"

" Uhm, let's do it tonight."

" Kibo,You're home na?" rinig kong saad sa likod ko, nakita ko lang si Kuya Allen. Nanlaki lang yung mata ko ng makita yung box ng pizza saka napalunok.

Oh my pagkain, I'm really hungry.

" Bwiset." bulong ni Keith.

" Kuya Allen, kauuwi mo lang din?"

" Yeah." ngiti nito, nang tingnan ko si Keith kita ko lang yung sama ng tingin niya dito. " Nagagalit ata yung boyfriend mo."

" Boyfriend?" kunot ang noong saad ko saka tumingin kay Keith.

" Uhm, Ano kasi, ganito uhm Kailangan ko bumalik sa chekko. Bye." ngiti nito saka kami nilampasan at nagmamadaling lumabas ng building. Nakakunot naman yung noo kong tumingin kay Kuya Allen.

" Ang alam ko, hindi pa kami?"

" Sinabi niya sakin na boyfriend mo daw sya." natatawang saad ni Kuya Allen, nakagat ko naman yung labi ko.

" Really?!"

" Nagseselos ata sakin."

" You'll be useful pala noh?" ngiti ko. " Nagkita na pala kayo, ang gwapo niya noh?"

" Eh kung agawin kaya kita sa kanya?"

" Eh kung isumbong kita sa fiancee mo?"

" Nagbibiro lang! Uhm tara akyat na tayo?" ngiti niya saka ako inakbayan pero agad ko lang tinanggal yung kamay niya, " bakit pati akbay bawal?"

" Baka makita ni Keith, so stop it." simangot ko. Pagpasok namin sa elevator, natitigan ko lang si Kuya Allen sa salamin sa loob. Well he is gwapo naman talaga, matangkad. Why is he so perfect?

Tapos mayaman pa, para na syang prince charming na nabubuhay lang sa fantasy book.

Siguro kung nangyare to nung panahon na inlove na inlove ako sa kanya, baka nagahasa ko na sya.

Napangiti lang ako.

" Why are you smiling?"

" Wala." saad ko saka lumabas pagbukas ng elevator. Pagpasok namin sa unit ay tumuloy na ko sa kwarto, sya naman sinimulan ayusin yung mga maleta niya. " Ligo lang ako huh, tirahan mo ko ng pizza." sigaw ko saka pumasok ng banyo.

Boyfriend ko daw sya?

Hindi ko lang mapigilang mapangiti.

Ibig sabihin? I'm not single na?

Pero kainis pa din ugali niya, pero dahil gwapo naman sya kaya okay lang.

Pagkatapos maligo ay lumabas na ko sa kwarto, naabutan ko lang si Kuya Allen na nunuod ng tv. Umupo naman ako malapit sa kanya saka kumuha ng pizza.

" Remember Kibo, nung nagcamping tayong tatlo nila Neko?"

" Yeah, napakadami mong dala nun."

" Oo tuwang tuwa ka kasi ang dami kong pagkain." lingon niya sakin.

" Yeah, lahat ng favorite ko dala mo eh."

" Tapos nakatulog ka pagkatapos mo ubusin lahat ng snacks natin." natatawang saad niya. " That was the first time na pinayagan ako ni Daddy, and sobrang thankful ako kay Neko nun kasi sya yung nakiusap kay Dad na payagan ako."

" Hanggang ngayon ba, mataas pa din expectation sayo ng Daddy mo? Ano pa ba gusto niya, nakatapos kang magna cumlaude tapos top 3 ka pa sa board. Siguro naman enough na yun?"

" Hindi eh."

" Don't tell me, napagalitan ka pa dahil top 3 ka?"

" Nagpromise ako na magtotop 1 eh, kaya mejo nasermonan." And I remember na kapag sinasabi niya na mejo napagalitan, it means nasaktan nanaman sya ng Daddy niya.

" Yang Daddy mo eh noh, sarap kotongan." ngiti ko, kita ko naman na natawa sya.

" Napakadami pa niyang plano sakin."

" Pero hindi ka na bata?"

" Nag iisang anak lang ako eh, so I have to be perfect sa paningin niya." pilit na ngiti niya. Laging nasa top ng klase si Allen nung bata pa sya, minsan nabububog pa sya ng Dad niya kapag bumaba yung grades niya.

Madalas si Kuya Neko yung gumagamot sa mga pasa niya noon sa katawan, ayaw naman niya ipaalam kay Mommy kasi papagalitan daw sya. Two blocks lang yung layo ng bahay nila sa dati naming house. Kaya madalas silang dalawa ni kuya Neko magkalaro at magkasama.

" Ako yung taga pagmana ng FGC, so kailangan niya daw ako iprepare kasi balang araw daw ako na magpapatakbo ng kumpanya."

" Pero di mo naman gusto yun di ba?"

" Yeah, Siguro someday matutupad ko din yung gusto ko."

" To travel the world?" ngiti ko sa kanya, marahan naman syang tumango.

" Yeah, lilibutin ko ang buong mundo."

" You've always been a good son and good friend Kuya Allen, Naalala mo yung sinabi sayo ni Kuya neko?"

" Yeah Dad told me that he gave me wings and I have to use it for the company to fly high, but Neko once said that I have my own wings, you know what Kibo? Someday I will use that wings and I will fly , so high to see how big the world is." saad niya na may nigiti sa labi. " Lilibutin ko yung buong mundo, I promise."

Sa mga salita niyang ganyan ako nainlove sa kanya, na kahit hindi maganda yung turing sa kanya ng Daddy niya ay punong puno parin sya pangarap at kitang kita yun sa mga mata niya.

Yung mga mata na kahit minsan hindi ko nakitaan ng bahid ng galit.

Mga matang nakakangiti kahit nasasaktan na.

Naalala ko nun, may mga pasa na sya pero nagtatawanan parin sila ni Kuya Neko.

" Lilipad ako, someday."

" Stop it na nga, dyan ako nailove sa mga ganyang salita mo. You are so perfect." ngiti ko, natawa naman sya.

" Ang perfect ko na nga pero iba pa din gusto mo. Eh kung akitin kaya kita?"

" Wait, asan ba yung bread knife." saad ko saka tumayo pero hinila niya lang yung damit ko kaya napaupo uli ako hanggang magtama yung mata naming dalawa.

" You really still have that innocent face." ngiti niya, aktong hahawakan niya yung mukha ko ng hawakan ko yung kamay niya.

" You are crossing the line mister." iling ko.

" Just ask for it, I will cross kahit anong line pa yan, kahit dagat tatawarin ko para sayo."

" Ayyyy! Kinikilabutan ako." simangot ko sa kanya, kita ko naman na natawa sya. " Parang gusto ko sa unit ni Keith matulog ngayon."

" I'm just joking!"

" Not funny."

" Fine, maliligo na ko." saad niya saka tumayo, napangiti lang ako habang sinusundan sya ng tingin. I miss him kahit paano, I wish nandito si kuya Neko para makita niya na magkasama kami ngayon. I am sure matutuwa sya.

Pero napakaplastic ko kapag sinabi kong kahit minsan hindi ko sya pinagpantasyahan... I Do.. I mean I did!

Kung silipin ko kaya sya sa cr?

Joke!

SI VANESSA

" I want to have sex with him." inis na saad ni Keith saka tumungga ng alak, hindi ko lang mapigilang matawa habang pinagmmamasdan sya na halos di na maidilat ang mga mata sa sobrang lasing. " Trey, wake up. Turuan mo naman ako pano makipagsex sa lalake." yugyog niya kay Trey pero bagsak na to dahil din sa alak.

" Keith, wala akong alam sa ganyan. Pwede ba?" ungot ni Trey. Nasa condo kami ni Keith nun, pagkatapos magsara sa Chekko ay dito na kami tumuloy. " Babae lang kilala ng ulo ko sa baba."

" Naranasan mo na ba maturn on sa lalake? Bakit ba kapag nadidikit ako sa kanya parang nagkakaroon ng sariling buhay to." turo niya sa baba niya na lalo kong ikinatawa. " Wait, sabi niya iseseduce niya daw ako pero panong nangyareng tumalab sakin?"

" Kasi he's cute?" ngiti ko.

" Yeah yeah tama ka! He is so cute. Gustong gusto ko kurutin yung pisngi niya." saad nito saka kinurot sa pisngi si Trey.

" Dude, that hurts!" reklamo nito, ilang sandali syang natahimik saka muling tumungga ng alak.

" Keith, tama na kaya?"

" Vanessa, bakit pakiramdam ko nagseselos ako?" saad niya, napanganga lang ako ng makita yung pagtulo ng luha niya.

" Hoy bakit ka umiiyak?" ngiwi ko.

" Tangina kasi yung Allen na yun, pano kung may mangyare sa kanila ni Kibo? Gusto ko akin lang yung piggy na yun! Kahit ako pa magluto sa kanya araw araw basta akin lang sya, bubusugin ko sya para ako lang gustuhin niya." saad niya kasabay ng hikbi. " Vanessa, akin lang sya di ba?"

" Seriously, are you crying right now?"

" Di ko na maintindihan nararamdaman ko, Nung una I hate him then I want to have sex with him tapos ngayon nagseselos na ko? Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman magselos at para sa isang lalake pa? How Crazy is that!" saad niya saka gigil na pinalo si Trey pero nakakanganga na to.

" Damn it! Kahit makipagsex sya dun sa bwiset na yun...akin pa din sya..gusto ko akin sya.. pero ang sakit dito!" hawak niya sa dibdib niya. " Ang sakit, parang di ako makahinga."

Napabuntong hininga lang ako habang pinagmamasdan sya habang tuloy yung luha sa mata.

This is the first na nakita ko syang umiyak, but what suprise me is the reason why he is crying.

" Love na ba to?" saad niya pero sunod sunod na iling din yung ginawa niya. " No, it can't be love. Ano naman alam ko sa pagmamahal eh never ko pa naman naranasan yun!? So imposible, ako? Kalevel ako ni Brad pitt tapos mahuhulog sa mukhang high school student na yun! Imposible!"

" Wala naman imposible Keith." ngiti ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

" Pero di ba ang lalake ay para sa babae, at ang babae ay para sa lalake. Kaya nga nagpaopera ka para maging babae di ba?" Simangot niya, natawa naman ako. " Pano ko sya aakinin kung parehas kaming lalake? Eh ikaw babae ka na kaya posible na sayo di ba? Eh si Kibo hindi." Iling niya.

"Hindi ako nagpaopera para maging babae. Kasi for me I am a girl already whether I have a pp or not, that is my identity. Nagpaopera ako because I want to be myself, yung totoong ako at hindi yun para sa iba, hindi para sa lalake o sa kahit sino kundi para sakin, para sa sarili ko."

" Really?"

" And hindi lahat katulad ko, hindi dahil I am trans eh trans na din yung iba. They have thier own identity, thier own orientation."

" Si Kibo, Ano si tingin mo?"

" Sya lang makakapagsabi nun, wala akong karapatan para bigyan sya ng label kasi hindi naman ako sya. But what I know is, he likes you."

" Yeah, he likes me.. he likes me daw kahit ayaw ko sa kanya, he likes my painting, he likes me kahit masama ugali ko, Kibo likes me..pero bakit hirap na hirap akong aminin sa kanya na gusto ko din sya?" bulong niya.

" Keith, it's not always barbie and Ken. Sometimes ken loves another ken, or ken maybe loves ryan? Never forget that Mattel, the creator of barbie once released a gay ken doll."

" Talaga ba?" saaad niya saka tumungo sa mesa.

" Yeah, you don't fall inlove with the gender, you fall in love with the person." ngiti ko sa kanya. " Same sex or not, as long as you have the ability to love, that's the important thing here." saad ko pero narinig ko lang yung mahinang paghilik niya.

" Bwiset ka Keith." bulong ko.

SI KEITH

Naalimpungatan lang ako ng marinig yung katok sa pinto, wala sa sarili naman akong tumayo saka to binuksan.

Bumungad lang sakin yung mukha na yun, hanggang mapadako yung tingin ko sa tenga niya.

Teeny weeny!

" 11am na kaya, tulog ka pa?" simangot niya, hinila ko naman sya sa loob saka tiningnan sya mula ulo hanggang paa. " What?"

" Virgin ka pa ba?"

" Ano sinasabi mo?"

" May nangyare na sa inyo ng Allen na yun noh!" kita ko naman yung titig niya sakin.

" Ano ba sinasabi mo?" Saad niya, hinawakan ko lang yung labi niya saka to tiningnan ng maayos, shit! Baka kinagat sya ng octopus na yun. " Ano ba, stop touching my face." hawi niya sa kamay ko. " What?"

" Damn it!" Sinandal ko lang sya sa likod ng pinto saka sya mapusok na hinalikan, natigilan lang sya hanggang unti unti niya tong sagutin.

Dinama ko lang yung labi niya ng mga oras na yun hanggang maramdaman ko yung kamay niya sa batok ko habang mapusok niya din sinasagot yung bawat dampi ng labi ko.

Shit ang galing niya humalik, mukhang naunahan na talaga ko.

" What is happening there." rinig kong saad sa kwarto ko, nanlaki naman yung mata ko saka dahan dahang humiwalay kay Kibo.

Oh shit! Sino nasa kwarto ko?

" Who's there?" kunot noong saad ni Kibo, hangang tumingin sya sakin ng masama. " Don't tell me may babae kang dinala dito kagabi, saksakin talaga kita ng tinidor!"

" Uhm."

" Keith I'm hungry!" hanggang lumabas sa kwarto ko yung babaeng blond ang buhok. Oh shit! Nag uwi ako ng babae?

" Who are you!" gigil na saad ko, kita ko naman na natawa si Kibo.

" Gusto mo balian kita ng likod!" saad nito. Nyemas na Vanessa to!

" Goodmorning ate Vanessa." saad ni Kibo.

" Don't tell me, nakahanap ka ng pagkakataon para gahasain ako?" ngiwi ko.

" Trey, lumabas ka na nga jan! Tulungan mo ko ilibing ng buhay to si Keith." nang silipin ko yung kwarto nakita ko lang si Trey na nakahiga sa sahig.

" Nag inom kayo kagabi?" tanong ni Kibo.

" Yeah, at may umiyak kagabi." Saad ni Vanessa saka nagbukas ng ref. Damn it! Nag inom nga pala kami kagabi. " Gisingin mo na si Trey, ang alam ko may meeting yan ng 1pm."

" Holy cow! I am late!" rinig kong sigaw sa kwarto ko, hanggang makita ko si Trey na tumayo at nagmamadaling kinuha yung mga gamit niya, hanggang magtapat sila ni Kibo. " Oh Kibo, you're here."

" Uhm yeah?"

" Single ka ba? Pwede ba kita ligawan?"

" Trey late ka na!" asik ni Vanessa dito, nagmamadali naman tong nagsapatos. " Wait Kibo pahawak nga." saad nito saka hinawakan sa braso si Kibo.

" Why?" tanong nito.

" Para kasing narinig ko kagabi, kapag nadidikit daw sayo may tumatayo kung ano eh." saad nito, kita ko naman yung pagtawa ng malakas ni Vanessa.

" Trey late ka na!" inis na saad ko.

" Ah yeah yeah! Sa bahay na ko maliligo, hayop na alak yan!" saad nito saka nagmamadaling lumabas.

" Kibo! Liligawan kita huh!" Silip nito sa pinto pero binato ko lang sya ng tsinelas.

" You know what, Trey is really cute." saad ni Kibo, napalingon naman ako sa kanya. " Is he single?"

" Gusto mo masaktan?!" Asik ko sa kanya.

" Nagtatanong lang." nguso niya.

Pabagsak naman akong naupo sa sofa, shit! Ano ba pinagsasabi ko kagabi? Hanggang maramdaman ko na umupo sa tabi ko si Kibo.

" Hello Kibo." rinig kong saad ni Vanessa. " Ang aga mo ata dito?"

" Uhm yayain ko sana ng lunch si Keith, pero mukhang di pwede."

" tayo nalang maglunch, may igusto ako ikwento sayo eh." ngiti ni vanessa, nanlaki naman yung mata ko saka tumayo at hinila si Vanessa sa kwarto at sinara yung pinto. " What!"

" Ano ikwekwento mo kay Kibo?"

" Na gusto mo sya isex? Na uhaw na uhaw ka na sa kanya." ngiti niya. " Oh my God, Keith I think you really like him." bulong pa niya, nakagat ko naman yung labi ko. " Umamin ka na sakin kagabi, well si Trey nakatulog kaya ako lang nakarinig ng drama mo."

" Shut up!"

" Ikaw ang shut up, baka maunahan ka ng asawa ko. Kailangan mo sila paghiwalayin naiintindihan mo?! Magkakampi tayo, akin si Allen, sayo yung cute na bata sa labas."

" Asawa mo mukha mo! Shut up pwede! At wag kang maingay kay Kibo."

" About what?" Rinig kong saad sa pinto, nakita ko lang yung ulo ni kibo na nakasilip dito.

" Tsismoso ka talaga eh noh!" asik ko sa kanya.

" Ewan ko sayo Keith! Nagugutom na ko." saad ni Vanessa saka lumabas ng kwarto.

" Ano yung di ko pwede malaman?" ngiti ni Kibo, sinimangutan ko naman sya.

" Wala kang dapat malaman!"

" Sure, my boyfriend." ngiti niya saka tumalikod.

" Boyfriend? Hoy teka Keith kayo nah?" rinig kong saad ni Vanessa, nasapo ko naman yung ulo ko. " Ang alam ko sayo, sex muna bago nagiging kayo ng mga syota mo di ba? So Nagsex na kayo?"

" Not yet." saad ni Kibo, gigil naman akong lumabas ng kwarto. Bakit ko ba kasi nasabi sa Allen na yun na syota ko sya! Badtrip. " Boyfriend, lunch tayo." ngiti ni Kibo pero sinimangutan ko lang sya.

" Ilusyunado!"

" Whatever!" asik niya.

" Cute niyong dalawa, sabi ko na may nasesense akong iba sayo Keith eh."

" Shut up Vanessa pwede!"

" Totoo yan?" turo ni Kibo sa dibdib ni Vanessa.

" Yeah, gusto mo hawakan?"

" Really?" ngiti niya saka lumapit kay Vanessa, aktong hahawakan niya yung dibdib nito ng hawakan ko yung kamay niya. " Why, I just want to touch it?"

" Vanessa, uwi ka na please?" saad ko pero hinugot lang ni Kibo yung kamay niya saka hanawakan yung dibdib ni Vanessa.

" High school pa ko nung nagsimula magpills, so totoo yan."

" Wow ang lambot, alam mo nung sinabi ni Queenie na dati kang you know, hindi ako makapaniwala. Ang ganda mo kasi." ngiti nito.

" Well, thank you."

"Wala na ba talaga yung nasa baba mo?"

" Gusto mo makita?"

" Vanessa!"

" Baka lang naman gusto niya, let's have sex na din Kibo?" ngiti ni Vanessa dito, kita ko naman na nawala yung ngiti ni Kibo. " You are so cute pala, lalo na sa malapitan."

" Uhm, thanks." pilit na ngiti ni Kibo saka dumistansya ng konti.

" I like you."

" Uhm kasi ano, si Keith.. I like him."

" Sabi mo sakin nung nasa Chekko, di mo sya gusto. Akin ka nalang, sagutin ko na lahat ng gastos sa pag aaral mo."

" Shut up." hila ko kay Kibo.

" Fine." irap nito. " So kayo na?" tanong ni Vanessa, napalingon naman si Kibo sakin kaya napalunok ako.

" Hindi noh."

" Eh bakit sinabi mo kay Kuya Allen na syota kita?"

" Trip ko lang bakit! Wag ka ngang ilusyunado."

" Uhm Kibo, yung Allen. Pakilala mo naman ako?" Saad ni Vanessa.

" Sure." ngiti ni Kibo dito.

" Really!?"

" Ang alam ko customer sya sa Chekko, yayain ko sya minsan."

" Oh My God! All this time pala sya na lumalapit sakin. I'll give you a free milk tea for a year kapag naging kami ni Allen." ngiti ni Vanessa, napasimangot naman ako.

" talaga!?"

" Sa panaginip." sabat ko, sabay naman silang tumingin sakin.

" Kill joy!" simangot ni Kibo sakin.

" Makauwi na nga." saad ni Vanessa saka tumuloy sa kwarto. " Kayong dalawa, don't forget to use condom." rinig kong saad ni Vanessa, umiwas naman ako sa tingin ni Kibo. " Walang alam si Keith sa pakikipagsex sa lalake, so Kibo.. do the honor, Turuan mo sya. I know kasi inamin niya sakin kagabi. So wala syang idea pano ka niya isesex."

" Vanessa, umuwi ka nalang pwede? Ang daldal mo!" inis na saad ko, hanggang lumabas sya ng kwarto na nakahigh heels na.

" Kibo, promise mo isasama mo si Allen sa Chekko huh."

" Yeah sure."

" Ngayon niyo ba gagawin?" baling nito sakin.

" Ang alin?" saad ni Kibo.

" Alis na please?"

" Condom huh." ngiti pa niya, nang lingunin ko si Kibo nakita ko lang yung pamumula niya. " Goodluck Kibo, malaki yan." kagat labing saad pa niya.

" Vanessa!"

" Bye." saad nito saka lumabas ng pinto.

Ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa ni Kibo, oh shit ano ba gagawin ko?

" Toothbrush lang ako." saad kong di sya tiningnan saka pumunta sa banyo. Damn it! Ano na gagawin mo Keith?

Ngayon na ba?

Napailing naman ako.

Maligo kaya ako? Oh shit!

Pagkatapos magtoothbrush, naabutan ko lang syang nililigpit yung mga kalat na nasa sahig.

" Ako ng bahala dyan." saad ko pero nagkibit lang sya ng balikat. " Maglulunch ba tayo?" tanong ko sa kanya, marahan naman syang tumango.

" Okay." pilit na ngiti ko.

" Uhm Keith." saad niya, kumunot naman yung noo ko.

" Why?"

" Bakit mo ko hinalikan kanina?" saad niya sabay turo sa pinto kung saan ko sya hinalikan. Napalunok naman ako.

" Uhm kasi ano.. uhmm."

" Pwede kiss mo uli ako?" ngiti niya.

" Huh?" maang ko.

" Nevermind." saad niya saka may pinulot na kung ano.

" Can we use this?" baling niya sakin saka tinaas yung hawak niya, napalunok lang ako ng makita yung condom na binigay sakin ni Vanessa. Agad naman akong lumapit sa kanya saka inagaw to sa kamay niya.

Pinuno ko lang ng hangin yung dibdib ko saka sya tinitigan sa mata.

" Uhm Kibo, can we have sex?" saad ko kita ko naman na namilog yung mata niya, Oh God, those innocent eyes. " Can we?" taas ko ng condom na hawak ko. Kita ko lang yung paglunok niya saka marahang tumango pero nagulat ako ng itulak niya ko sa sofa. " Uhm what are you doing?" saad ko pero nakagat ko lang yung labi ko ng ilapit niya yung mukha niya.

" This is my first time." bulong niya sa tenga ko na nagpatayo ng lahat ng pwedeng tumayo sakin, Oh shit! Nilalagnat ata ako. Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung paghalik niya sa leeg ko.

"Uhm Kibo."

Hanggang pumatong sya at umupo sa mga hita ko habang nakaangkla yung mga kamay niya sa leeg ko.

Hindi ko naman mapigilang titigan yung mukha niya.

" I'm gonna rape you or you're gonna rape me?" ngiti niya, napalunok lang ako, shit mauubusan ako ng laway dahil sa ginagawa niya. Pano nangyare lumalabas sa bibig ng ganito kainosenteng mukha yung mga salitang yun. Naestatwa lang ako ng hawakan niya yung dalawang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi.

" Sagot?" ngiti niya ng maghiwalay yung labi namin.

Damn this teeny weeny!

Aktong ilalapit ko na yung mukha ko ng marinig ko yung pagkatok sa pinto.

Damn who the hell is that!

Napapikit lang ako sa gigil saka nakagat yung labi ko.

" Kainis, I really want to do this." bulong ni Kibo, kita ko lang yung inis niya ng lumingon sa pinto habang tuloy pa din yung katok dito. " I'm gonna kill kung sino man yan nasa labas ng condo mo." saad niya saka humiwalay sakin at tinungo yung pinto.

Humugot lang ako ng malalim na hininga, whoever you are I hate you!

Ilang araw ko ng iniimagine sa utak ko yung tagpong to tapos mauudlot nanaman?

Damn it! Ipon na ipon na.. baka sa sobrang dami nito malunod na sya.

Nang silipin ni Kibo kita ko lang na natigilan sya saka dahan dahan binuksan yung pinto.

" Magandang tanghali po Mrs Miranda." bati ni Kibo dito, napatayo naman ako.

" Mom?!"

SI VANESSA

Pagpasok sa condo ko ay tumuloy lang ako sa kwarto at nakangiting nilingon yung picture frame sa table malapit sa kama ko.

Inabot ko lang to kasabay ng isang matamis na ngiti na kumawala sa mga labi ko.

Litrato ito ng isang gwapong binata na may hawak na bulaklak katabi ng isang babaeng nakawheel chair.

" One day, I'll have a great love story just like yours."

ITUTULOY

Authos note: Una thank you sa lahat ng nagbabasa nitong story ko, love lots guys! Kay young super thanks sa paghelp sakin para mabuo tong story na to.

We do have a private group in facebook, just search "bluerose" for more updates and ek ek..uhm may ilang parts sa next chapter na exclusive lang sa group..Mejo spg eh! Monday and friday yung update ko ng story so pa abang po :)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails