Keith and Kibo
CHAPTER 6
Thanks kay Young, for all the helps and ideas.
We do have group in facebook just search "bluerose" and you can also add my facebook acct @Mark salazar
SI KEITH
“ Nabawasan nanaman yung underwear ko, sobrang nakakainis na. Baka next week papasok nanaman ako na walang underwear!? Paubos nanaman grabe! Ano ba ginagawa nung kumukuha nun?” saad kong nakatingin sa phone ko saka binuksan kung saan ko mapapanuod yung live na nangyayare sa loob ng condo ko.
“ I think makakagawa na sya ng bed sheet kapag pinagdugtong dugtong niya lahat ng underwears mo.” natatawang saad ni Vanessa.
“ Hindi nakakatawa!”
“ Teka bakit sakin ka nagagalit.”
“ Ewan! Wag ka nga maingay.” saad ko saka tinuon yung atensyon ko sa phone ko.
“ Sa condo mo yan?” tanong ni Vanessa.
“ Yeah, nilagay ni Trey.”
“ Pwede mo naman irewind yan, para makita mo kung sino.”
“ Really?”
“ Wait let me see.” saad niya aktong ibibigay ko na ng may makita akong tao sa loob ng condo ko.
“ Trey?” maang ko ng makita si Trey na binuksan yung drawer ng mga underwear ko, nagkatinginan naman kami ni Vanessa.
“ Si Trey kumukuha ng underwear mo?!” di makapaniwalang saad ni Vanessa, nagulat lang ako ng mag ring yung phone ko. “ Who’s that?”
“ I don’t know.” iling ko saka to sinagot.
“ You asshole!! You raped me!” rinig kong saad sa kabilang linya. Sarkastiko naman akong natawa, sa gwapo kong to? Mangrerape ako? Ano sya eng eng?
“ Who is this?”
“ It’s me Kibo! Di mo ba alam na may camera sa kwarto ko? I saw your body, I mean I saw everything!” gigil na saad niya, hindi ko naman mapigilang matawa. “ I hate you!”
“ Why? Kung napanuod mo naman pala, bakit ka nagagalit?”
“ Pinagsamantalahan mo ko?”
“ Walang nangyare satin, okay. Matulog ka na nga!”
“ Eh bakit kasi walang nangyare?” rinig kong bulong niya kaya napangiti ako. Kinindatan ko naman si Vanessa saka lumabas ng chekko.
“ What?”
“ Wala I hate you!”
“ Nagagalit ka kasi walang naangyare?” natatawang saad ko.
“ Ang kapal mo noh! But atleast hindi ka bottom, fine makatulog na nga. May papanuorin pa ko, bye na!” saad niya.
“ Hoy teka, ano papanuorin mo?”
“ You.”
“ Wait camera? Arg! Kibo delete that!”
“ Ayaw, bye.” saad niya. “ It’s huge.” bulong niya, nag init naman yung mukha ko.
“KIBO!!!!”
“ What?!”
“ Delete it or pupunta ko jan ngayon para ipakita kung gaano to ka huge sa personal!?”
“ Wait? Parang di naman threat yun?” saad niya, natigilan naman ako. Oo nga no, malamang magustuhan pa niya.
“ I mean gagahasain talaga kita!”
“ Uhm.”
“ Humanda ka talaga sakin!” saad ko saka pinatay yung phone ko at pumasok sa store para kunin yung helmet ko. Teeny weeny boy!!
“ Hey, where are you going?” Tanong ni Vanessa.
“ Sa condo lang, I’ll try bumalik pero I can’t promise.”
“ Okay lang may mga kasama naman akong staff.” tango niya sakin nagmamadali lang akong pumunta sa motor ko at nagdrive pauwi
“ Ano kaya ginagawa ni Trey sa mga underwear ko?” iling ko lang. “ At yang Kibo na yan, masyado na syang nakakapasok sa buhay ko. Ano bang gagawin ko sa kanya?”
Pagdating Sa building ay tumuloy na ko sa unit ko, mamaya ka lang sakin teeny weeny boy, haharapin ko muna tong mangunguha ng underwear na to.
Pabibilihin ko talaga sya ng isang libong underwear kapag di niya binalik lahat ng kinuha niya, nakakainis na!
“ Trey.”Tawag ko sa kanya pagpasok ko. Naabutan ko lang syang nakahiga sa kama ko habang busy na nagcecellphone.
“ Aga mo ah.” Saad niyang di man lang lumingon sakin. “ I’m tired, inaantok ako.” Bwiset talaga, parang wala lang nangyare?
“ Hayop ka, tagal na natin magkaibigan tapos dahil lang sa underwear sisirain mo?” simangot ko pero natawa lang sya saka nag inat inat. “ Trey mag pinsan tayo tapos pati ako tataluhin mo? Anong klase ka huh!”
“ I saw her dude.” ngiti niya sakin.
“ Huh? Sino?”
“ Yung kumukuha ng underwears mo, I saw her.”
“ Gago, nakita kita jan oh!” turo ko sa camera na nilagay niya. “ Nakita kita na binuksan mo yung drawer ng underwear ko, dude para ka namang ewan eh. Ibalik mo na please?”
“ Gago, gagawin ko sa underwear mo?”
“ Malay ko sayo? Don’t tell me Dude, pinagpapantasyahan mo tong inosente kong katawan? Walanjo naman oh, alam ko sobrang gwapo ko pero wag na ko tol. Mag pinsan tayo kung nakakalimutan mol ang huh.”
“ Inosente mo mukha mo! Gago. I have meeting dyan sa kabilang building then I decided na dumaan dito, natapunan kasi ng coffee yung damit ko.” turo niya sofa, nakita ko lang dun yung polo niya. “ So pumunta ako dito para manghiram ng damit at magpahinga saglit..”
“ O pumunta ka dito para magnakaw uli ng underwear?”
“ Shut up, bubuksan ko na sana tong unit mo ng may nagbukas mula sa loob.” saad niya, natigilan naman ako saka umupo sa kama.
“ Then.”
“ I was so shock nung bumukas yung pinto, Damn nakamask sya eh but I saw her eyes.” seryosong saad niya. “ Dude, that eyes it’s familiar but I can’t remember kung saan ko sya nakita.”
“ Then what happened?”
“ Tinulak niya ko tapos tumakbo, hinabol ko naman sya. Sa stairs sya dumaan and I’m so tired para mag stairs kaya di ko na sya naabutan, pag balik ko I checked your drawer, and nakita ko wala ka ng underwear kahit isa.” ngiti niya, nanlaki naman yung mata ko saka agad hinarap yung drawer ko at binuksan.
“ Holy shit!” di makapaniwalang saad ko. “ 100 pieces yun, naubos niya?” nganga ko.
“ She’s crazy, ano gagawin niya dun.” natatawang saad ni Trey.
“ Mother father!”
“ Maiksi lang yung buhok niya at may bangs, nakahoody na red at nakajeans. She’s wearing a mask so mata lang talaga ang kita.”
“ Gago, lokohin mo pa ko! Gawa ka pa ng kwento pero ikaw talaga yun!” lingon ko sa kanya, sarkastiko naman syang tumawa. “ Trey naman, magpinsan tayo kaya kung may lihim kang pagnanasa sakin ngayon palang tigilan mo na, kasi gunawin pa lahat ng planeta sa universe hinding hindi magiging tayo.”
“ Gusto mo ihulog kita sa building na to!?” inis na saad niya. “ Di ko ba naituro sayo kung paano irewind yang recording?” turo niya sa camera na nasa kisame. “ Marahan naman akong umiling. “ Akin na nga. “ binigay ko naman yung cellphone ko.
“ Trey, di ako pumapatol sa lalake, kaya wag mo na subukan.”
“ Gago ka, sasapakin kita!” amba niya sakin. “ Look, here.” harap niya sakin ng cellphone. Nakita ko lang yung pagpasok ng taong yun sa unit ko. Natigilan lang ako, nyemas nagsasabi nga sya ng totoo. Nakahoody nga to na red at nakamask kaya hindi makita yung mukha nito. Itim ang maiksi nitong buhok at may bangs .
“ Who is she?” ngiwi ko.
“ Di mo natatandaan yung mukha?” tanong niya, inis naman akong lumingon sa kanya. “ Ay oo nga pala, sorry.” taas niya ng kamay niya. “ Kahit ilang beses mo pala yan makaharap to, di mo makikilalala.”
“ Sino sya?”
“ Ang laki ng hoody niya, hindi ba sayo yan?” marahan naman akong umiling.
“ Alam mo naman na hate ko yung color red di ba, Wala na bang ililinaw to?”
“ Todo na yan, nakapatay kasi ilaw mo but I saw her eyes.”
“ Her eyes?”
“ It’s beautiful dude, Ganda ng mata niya.” ngiti ni Trey, napabuntong hininga naman ako. Who are you? “ Malamang talaga isa sa mga niloko mo yan eh.”
“ I hate bangs.” ngiwi ko.
“ Huh?”
“ Never ako nagkasyota na ganyan ang buhok, you know my type naman di ba? Yung may long black hair.”
“ Oo nga noh, wait right! Never ka nagkagusto sa maiksi ang buhok.”
“ Ayoko sa babae yung may bangs, saka bob cut tawag sa buhok na yan di ba? I don’t like that.”
“ Eh sino yan?”
“ Eh bakit di mo kasi hinabol?”
“ Gago, buong araw akong nagtatrabaho, pumunta ako dito para sana makapag pahinga ng konti bago umuwi. I’m so tired dude, tapos gusto mo habulin ko, eh hindi nga nag elevator.” saad niya saka pabagsak na nahiga sa kama. “ Atleast may clue na tayo sa kumukuha ng underwer mo. Babae, hindi katangkaran, may bangs at may magandang mata.”
“ Kainis naman eh ano kung may magandang mata, parang maalala ko yun kapag nakaharap ko!”
“ Yun lang.”
“ Tingin mo kapag nakaharap mo uli yun, mamumukhaan mo?”
“ Dude mata lang nakita ko, pero uhm pwede siguro.” Kibit niya ng balikat.
“ Eh kaso ang busy mo naman, damn that whoever that girl!” simangot ko.
“ Dude, babalik ka pa ba sa chekko, pwede tulog muna ako?”
“ Dito ka matutulog?”
“ Nope, uuwi din ako mamaya. Gusto ko lang umidlip then uwi na ko. Napakahaba lang talaga ng araw ko kaya I need some rest.”
“Fine.”
“Balik ka sa Chekko?”
“ Yeah.” saad ko saka tumayo. “ Alis na ko.”
“ Okay, papatay ng ilaw.” saad niya paglabas ng condo ay nanatili lang ako sa tapat ng pinto ko. Sino sya at bakit kinukuha niya underwear ko? Ano gagawin niya dun? At isa pa nakailang palit na ko ng lock ng pinto tapos nabubuksan niya pa din? Tao ba sya?
Pero the question is, ano gagawin niya sa underwear ko?
Inaamoy?
Kadiri!
Balak ba niya gawing bed sheet yun? Shit di ko maimagine anong magiging itsura ng kama kapag ganun yung sapin! Kainis yung iba dun di ko pa nasuot eh. Kung sino man yung babae na yun, humanda talaga sya sakin!”
Pagsakay sa elevator at pinundot ko lang yung 9th floor.
It’s your turn teeny weeny boy.
Mula sa magnanakaw underwear papunta sa magnanakaw ng puri.
Kung tutuusin, parang ako naman talaga yung ginahasa niya eh.
Ano ba namang buhay to, may stalker na, may rapist pa.
Marahan lang akong kumatok pagtapat ko sa pinto niya.
“ Kibo.” tawag ko sa kanya hanggang dahan dahan bumukas yung pinto, bumungad lang sakin yung ngiti niya pero sinimangutan ko lang sya saka sya nilampasan.
Kala niya madadaan niya ko sa pagpapacute niya.
“ Tresspassing ka!”
“ Binuksan mo yung pinto di ba? Where is your phone?”
“ Uhm, I don’t know?”
“ Kibo, gusto mo masaktan?”
“ Seryoso ka bang gagahasain mo ko?” pilit na ngiti niya, dinuro ko lang sya sa noo saka tinalikuran hanggang makita ko yung phone niya na nasa kama.
“ Burahin mo.” abot ko sa kanya ng phone niya.
“Uhm personal use naman yun eh.”
” Mukha mo! Dali na.”
“ Kainis naman kasi bakit sa dinami dami ng oras na makakatulog ako, dun pa talaga sa tagpong yun.” inis na saad niya saka kinuha yung phone niya.
“ Burahin mo.”
“ Oo na.” simangot niya, ilang sandali pa ng iharap niya sakin yung phone niya. “ Yan wala na.”
“ Your laptop?” ngiti ko sa kanya saka pumasok sa kwarto niya at binuksan yung drawer.
“ Wait bakit pati laptop ko?” habol niya sakin, nang makuha ay umupo lang ako sa kama saka to binuksan. Napangiti lang ako ng may makitang folder sa desktop niya na pangalan ko ang nakalagay. “ Uhm, baka makalusot lang sana.” iwas niya ng tingin.
“ Teeny weeny!” asik ko sa kanya saka binura to. “ Pano kung kumalat to huh.”
“ Bakit naman kakalat, para sakin lang sana yun.”
“ Ewan sayo.”
“ Pero it’s huge talaga, I saw it.” saad niyang sa ibang dereksyon nakatingin.
“ And so, hindi mo naman natikman?” sarkastiko kong saad, kita ko naman na sumimangot sya.
“ Whatever, atleast nakita ko.”
“ Whatever ka din, sipain kita jan eh.” pagbalik ko ng laptop niya sa drawer ay pabagsak lang akong nahiga sa kama. Ilang sandaling walang nag salita samin hanggang maramdaman kong humiga din sya.
“ Ano pa kailangan mo? Bakit humiga ka pa?”
“ Kung umaasa kang makikipagsex ako, in your dreams.” simangot ko.
“ Keith.”
“ Kibo, nasa matino akong pag iisip kaya tigilan mo ko.” lingon ko sa kanya, kita ko lang yung titig niya mukha ko. “ What?!”
“ Wala lang, hindi lang ako makapaniwala na nakahiga ka ngayon sa kama ko.”
“ Dito nga ako natulog nung nakaraan.”
“ Pero di tayo lasing ngayon.”
“ Kung iniisip mo na-”
“ Shut up Keith, wala akong iniisip. Gusto lang kita pagmasdan.” saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka nanatiling nakatingin sa ceiling ng kwarto niya. “ You are so handsome talaga, lalo na sa malapitan.” Mahinang saad niya, sinimangutan ko naman sya.
Alam ko naman yun, di na kailangan sabihin.
“ Ang dami mo ng alam tungkol sakin, are you really that interested in me?” lingon ko sa kanya, tumango naman sya. “ Kibo, I‘m straight.”
“ I know.”
“ Then let just be friends, I can be your kuya if you want to?”
“ Nope.” Ngiti niya.
“ Then, kahit friends kung ayaw mo ko maging kuya?”
“ Nope.” Ngiti niya uli.
“ Kibo, kaibigan. Yun lang.”
“ Ayoko nga.”
“ Pero.”
“ Basta ayoko maging kaibigan ka or kuya.”
“ Umaasa ka ba na mamahalin kita, ganun?”
“ Alam ko naman imposible.” ngiti niya saka humugot ng malalim na hiniga. “ Keith I’m gay, ang sarap pakinggan yung mamahalin mo ko pero I know naman na imposible talaga yun.”
“ Buti alam mo.”
“ Imposible pero it doesn’t change the fact that I like you.” saad niya, paglingon ko nakita ko lang yung ngiti niya. “ Eh ano kung di mo ko gusto, or kung imposible na magustuhan mo ko, puso ko naman to eh. Edi masaktan kung masaktan, basta I like you kahit ayaw mo pa.”
“ You’re crazy.”
“ 2 years na kong may gusto sayo.”
“ Dalawang taon na?”
“ Yeah, and look at you now? You’re on my bed.”
“ On your bed, pera wag kang mag ilusyon na may mangyayare.”
“ Just leave it on my imagination, wala ka ng pake dun.”
“ Ewan, Do you love me ba?” seryosong tanong ko, kita ko naman na umiwas sya ng tingin. “ Why?”
“ Wala akong alam sa salitang love eh.” kibit niya ng balikat. “ Isa palang nakarelasyon ko, which is allen. Tumagal kami ng two weeks but in that two weeks, once lang kami nagkita kasi busy sya sa pagrereview nun para sa board exam niya. I had a crush on him since I was in high school, you know kilig stuff and I don’t know if it’s love or what. Pero nung nakipagbreak sya, nasaktan ako of course.. mga ilang oras.” Natatawang saad niya.
“ You mean you’re a virgin?”
“ Yeah, na akala ko kinuha mo, pero hindi pala.”
“ Baliw ka eh noh, plano mo talaga makipagsex sakin nun, salamat nalang sobrang kalasingan mo nakatulog ka.”
“ Eh ikaw ano alam mo sa love?”
“ Hindi na ko virgin at napakadami ko ng naging syota, so expert ako jan.”
“ Dalawang taon na kitang crush and I know na lahat ng relasyon mo hindi seryoso kaya wag mo nga sabihin na expert ka sa love.” simangot niya, natawa naman ako. “ Lahat ng babae mo, just for sex lang di ba?”
“Hoy, di lahat!”
“ Whatever, Dalawang taon Keith, kaya kilala na kita.”
“ Fine, wala akong alam sa love.” Simangot ko.
“ See,”
“ And I don’t think ready na ko sa bagay na yun.”
“ Bakit naman?”
“ Basura ako eh.” mapait na saad ko. “ You heard naman lahat ng sinabi ni Jenny sa Francia, I’m a trash at hindi ko maintindihan kung paano mo ko nagustuhan knowing all the wrong things ive done.”
“ Uhm.”
“ Kahit yung tungkol kay Mommy alam mo, yung pangbabae ko. Tao ka ba huh? Pano mo ko nagustuhan?”
“ Keith.”
“ Wala pa kong nararating, ano pagmamalaki ko sa taong mamahalin ko. Galing ako sa mayaman na pamilya ng Miranda pero nabansagan na failure kaya napalayas ng tatay. Yung condo ko? Nagtatrabaho ako sa Chekko at yung sahod ko dun, yun pinangbabayad ko, minsan si Mommy pa nagbabayad. Yung big bike ko? Kay Trey talaga yun. Hinuhulugan ko sa kanya. Allowance, nakakahiya aminin pero yung card ni mommy ginagamit ko minsan para sa grocery. I have nothing to offer sa kung sino man mamahalin ko.”
“ I see.”
“ after hearing all that, gusto mo pa ba ko?”
“ Yeah.”
“ Baliw ka ba? Basura, trash bakit gusto mo pa din ako?”
“ Kasi hindi ka naman forever ganyan, maybe ngayon wala ka pang maiooffer pero I know na kaya mo yan. Maipapasa mo yung board, magkakawork tapos magkakaroon ka ng pamilya. Maybe you’re on your lowest point right now pero hindi naman forever anjan ka na lang. I know na nagrereview ka para sa next na board exam. You’re doing something para maimprove yung sarili mo.”
“ Sinasabi mo.”
“ Keith, stop playing around. I know na nagrereview ka para sa board exam, alam mo naniniwala akong kayang kaya mo yun kung magfofocus ko lang. Matalino ka kaya.”
“ Ako matalino?”
“ Yeah, nakita kita isang beses may tinuturuan kang mga studyante about calculus, grabe nainlove ako sayo nun kasi ang galing mo.”
“ Nainlove ka sakin, kala ko ba wala kang alam sa love.”
“ Expression, sows naman. What I mean is naimpress ako kaya lalo kitang nagustuhan.”
“ Ewan sayo.”
“ Alam mo kasi Keith, bakit hindi mo patawarin yung Mommy mo. Galit ka sa kanya kaya ginagawa mo yun sa mga karelasyon mo di ba?” isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. “ You saw her cheat weeks before the exam two years ago.” saad niya, napalingon naman ako.
“ How did you know that?”
“ I was there, pano mo nalaman na sya yung nasa kotse nun?”
“ Syempre I know her car. Wait, nandun ka talaga?”
“ Yeah, galing ako sa cheeko nun, tapos hinabol mo ko kasi naiwan ko yung payong ko.”
“ Ahh ikaw yung bwiset na umorder nun?”
“ Ay bwiset talaga? But anyway isa yun sa reason kaya di mo naipasa yung board di ba?” tanong niya. “ O sinadya mong di ipasa yung exam?”
“ Arg! Ang dami mo na talagang alam tungkol sakin?! alam mo kung di ko lang nakita yung babae na kumukuha ng underwear ko iisipin ko ikaw yun.”
“ Underwears?”
“ Nevermind, yeah sinadya kong bumagsak sa exam. Yun yung only way ko para makaalis sa bahay. Matakasan yung kasinungalingan ng pamilya ko, Dad is well respected sa field niya and he wants me to be part of his company pero ayoko kaya naisip ko kapag bumagsak ako, papalayasin niya ko at he did. Civil engineering was never my choice.”
“ Wow.”
“ Why?”
“ New info.” ngiti niya, sinamangutan ko naman sya saka binato ng unan. “ Why?”
“ Pwede ba, wag nalang ako yung gustuhin mo? Kung sex lang hanap mo. Kibo napakadaming lalake jan na mas gwapo sakin, mas higit. Pero advice lang huh, you’re a virgin so pahalagahan mo, kung makikipagsex ka siguraduhin mo dun sa taong mahal mo at mahal ka.”
“ I like you.”
“ Eh hindi naman kita gusto?”
“ Okay.” iwas niya ng tingin, napabuntong hininga naman ako. “ Pero teka, ano naman kung di mo ko gusto, basta gusto kita at wala kang pake!” inis na saad niya saka umurong at yumakap sakin.
“ Ay kibo!” tanggal ko ng kamay niya.
“ Damot mo, payakap lang.” nguso niya saka muling yumakap, umiwas naman ako ng tingin saka hinayaan yung kamay niya yumakap sakin. Damn that cuteness! “ Thank you.”
“ Pasalamat ka mabait ako.”
“ Kung hindi mo talaga gusto yung engineering, ano gusto mo?”
“ I love art, I love to paint. Yung nakita mong painting sa kwarto ako gumawa nun.” Napaupo naman sya.
“ Really?! that is so beautiful!” nanlalaki ang matang saad niya habang nakatingin sakin “Actually natulala ako nung nakita ko yung painting na yun, it’s like may sinasabi siya sakin.”
“ Talaga maganda?” pilit na ngiti ko, sunod sunod naman yung pagtango niya kasabay ng ngiti.
“ Wala akong alam sa art pero napakaganda ng painting nay un, parang ang deep ng meaning.” Saad niya saka muling yumakap sakin.
“ Lumayo ka nga.”
“ Okay lang walang mangyare, basta I want to hug. Kahit ito lang please?”
“ Fine.”
“ Thank you.”
“ Do you know how I live my life with this kind of disability?”
“ Napansin ko na iwas ka sa tao, never kita nakitang nakipagkwentuhan or nakipagtawanan sa iba bukod kay trey and Vanessa. Yung mga studyante ngang nagpapaturo sayo kinabukasan parang di mon a uli sila kilala.”
“ I hate crowded places, I have anxiety attack kapag masyadong madaming tao. I can’t breathe. My room was my safe haeven.” naramdaman ko naman yung higpit ng pagyakap niya sakin. “ Can you imagine how lonely I was being alone in my room, it is killing me, it’s killing that I really wanted to die. But everytime na susubukan ko, queenie was always there. I don’t know if she knows my plan pero tuwing nagkakalakas na ko ng loob para gawin yun, pumapasok si Queenie sa kwarto ko. Kumakanta, nagsasayaw.”
“ I love you talaga Queenie.” bulong niya, napangiti naman ako.
“ Kailan mo nalaman na meron kang sakit na ganyan?”
“ Inborn.” kibit ko ng balikat. “Si mommy ang unang nakapansin but Dad think that it’s not a big deal. So I keep my distance sa tao, laging mag isa but growing up, trey and vanessa was always there so hindi naman masyadong malungkot.”
“ So kapag nakasalubong mo uli ako na hindi suot tong hikaw ko, hindi mo ko makikilala?” tanong niya.
“ Yeah, ang dami kong sabit noh tapos gusto mo pa din ako? Kakaiba ka din eh.” natatawang saad ko.
“ Naiimagine ko, one day makikita ko yung pangalan mo sa isang art gallery tapos lahat ng painting mo hahangaan ng lahat. Makikilala ka hindi lang dito sa pilipinas kundi sa buong mundo.” nakangiting saad niya. “ Syempre ako yung number 1 fan mo, don’t worry kahit hindi maging tayo. You have my support, isa ako sa mga unang bibili ng painting mo.”
“ Talaga?”
“ Oo naman, kahit gaano pa yan kamahal. Bibilihin ko.”
“ Kahit hindi kita gusto?”
“ Yeh, nung nakita ko yung painting sa kwarto mo? Sobrang na amaze ako, yung habang tinitingnan ko sya parang nararamdaman ko yung bigat ng kamay mo habang pinipinta yun.” saad niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. “ It’s like in that one painting, napakadami ng emosyon.”
“ Ikaw lang nagsabi niyan, Dad thinks it’s a trash, mom thought I bought it and Queenie? Gusto niya itapon ko yun kasi it’s scary daw. When Trey and Vanessa saw it, they don’t believe me nung sinabi ko na ako yung nagpaint. Kahit hanggang ngayon di parin naniniwala yung dalawang yun.”
“ Sana kung love mo yung art, matuloy mo sya.” Seryosong saad niya, napangiti naman ako.
“ Ipapasa ko muna yung board, papatunayan ko sa lahat na nagsabi na bobo ko na nagkakamali sila.”
“ That’s my Keith.” Ngiti niya.
“ But I’m not yours.” Duro ko sa noo niya.
“ Sige na balik na ko sa chekko.”
“ Gusto pa kita yakapin eh!”
“ Kibo.”
“ Pwede bang mahalin lang kita, kahit di mo ko gusto okay lang.”
“ Wala ka naman alam sa love, pano mo nasabing mahal mo ko.” kinuha niya naman yung kamay ko saka nilagay sa dibdib niya. “ I think I love you, ang bilis ng tibok ng puso ko Keith, ramdam mo ba?” nakangiting saad niya.
“ Wala pa nga akong ginagawa para mahalin mo ko eh, anong klase yun?”
“ Eh ba-” hindi ko lang hinayaan ituloy niya yung sinasbi niya, hiniga ko lng sya saka pinatungan, kita ko naaman yung panlalalaki ng mata niya habang nakatitig sakin.
“ Pano pa kaya kapag ginawa ko to?”
“ Keith.” bulong niya, hanggang ilapit ko yung labi ko.
Kita ko lng na pumikit sya ng maglapat yung labi naming dalawa, damn this lips.
“ That’s enough.” saad ko humiwalay sa kanya saka agad tumayo, natawa lang ako ng di sya gumalaw at nanatiling nakatingin sa ceiling. “ Alis na ko Kibo, babalik ako chekko.” paalam ko sa kanya saka lumabas ng kwarto. “ Bye.”
SI KIBO
Wait, what happened? Bakit di ako makagalaw?”
I know na nahalikan ko na sya, pero what the efffff, di ako lasing ngayon at ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot yung mg labing yun.
“ Damn, I think mahal na nga kita.” bulong ko pa.
Dito nagsimula yung unti unti naming pagkakalapit ni Keith, minsan pumupunta sya dito sa condo ko, tambay, nuod ng movie. I Don’t know what happened pero parang kumportable sya skapag kasama ako. I mean kumportable sya kapag nag aaway kaming dalawa pero kahit away naging normal na rin sa pagitan naming dalawa.
Maybe because kilala ko kung sino talaga sya?
But never kami ng nagsex, and I hate it! Yeah we kiss, sometimes.
Pakiramdam ko tingin niya sakin kapatid lang, wala man lang sexual tension syang nararamdaman sakin.
SI ALLEN
“ What happened to your meeting with Mr Delgado?” tanong ni Daady, nasa office niya ko nun. Nilapag ko lang yung folder sa mesa niya saka nag kibit ng balikat. “ That proposal is perfect, what else does he want?”
“ He rejected it, he says the materials were too expensive and the process is too long, you know what Dad, why don’t we just drop this project. I think we are just wasting our time, my time actually to this crazy, unprofessional Mr. Delgano.” nakasimangot na sagot ko.
“ Why?”
“ There is so many thing that we have to consider, the place. Don’t you know I spend countless nights just find solutions so we can build his building to that crappy area. Plus there is a monument near that place.”
“ Allen this is going to be your first big project.”
“ He wants to have sex with me.” deretsong saad ko.
“ That shitty old man.” iling ni Daddy.
“ What does he know about materials we are going to use, he just want something on his land rather than having a quality material that will last longer than he expected. And you know what? he doesn’t understand that our equipments are modern and advance far from our competitor.”
“ Son this is a big project.”
“ So big that I have to risk my own body just to satisfy that old man? Dad, we can just drop this or you can give this to anyone in the company, but not me cause I’m getting married and shit I can’t imagine myself doing something with the smelly old man.”
“ Do another proposal.”
“ No.”
“ Allen, you have to do this.”
“ Dad.”
“ I don’t care if having sex with him is the answer, then do it! You just have to get this project! Understand?” seryosong saad nito.
“ Dad, are you serious?” di makaniwalang saad ko.
“ Damn serious.” saad nitong deretsong nakatingin sa mga mata ko.
“ Damn it!” iling ko.
“ It’s just sex Allen! This is a multi million project, don’t you get that?! This is your first big project and I wont give this to anyone.”
“ But Dad.”
“ That thing is a part of our bussines, that is just small favor Allen. Just once?”
“ Small favor?” Sarkastikong saad ko.
“ Now, get out. Do another proposal and set a meeting with him, understand?”
“ Dad?”
“ Out!” mataas ang boses na saad nito, inis ko naman kinuha yung folder sa mesa nito saka nagmamadaling lumabas sa opisina na yun.
Damn it!
Pagpasok ko sa kotse ko ay inis ko lang binato yung folder sa backset ng kotse ko at nagdrive. That old man try to raped me and now dad wants me to have sex with that shit! Holy cow! That is so gross!
Ilang minuto pa ko nagdrive hanggang makarating ako sa Francia kung saan nagtatrabaho si Kibo. Pumasok lang ako dito at umupo.
“ Here is the menu, Sir.” abot sakin ng menu ng waiter duon.
“ Uhm Can I ask something?”
“ Sure, sir.”
“ Do you know Kibo Rodriguez?”
“ Yes po, why po?”
“ Is he working right now?”
“ He’s not here sir, Start na po kasi ng klase niya ata.”
“ Her Mom wants him to focus on his study?” tanong ko, marahan naman tong tumango. “ Tingin mo nasa condo niya kaya sya ngayon?”
“ Hindi ko po alam sir.” pilit na ngiti nito, isang buntong hininga naman yung pinakawalan ko. “ Wala po ba kayong cellphone number niya?” tanong niya, marahan lang kong umiling. “ Meron po ako sir, gusto niyo po?”
“ Really?”
“ Here sir. “ kinuha lang nito yung phone sa bulsa saka nilagay sa mesa. Agad ko naman kinopya yung number saka dinial sa phone ko.
“ Thanks.” ngiti ko.
“ Oorder na po kayo sir.”
“ Uhm, Can I have a coffee?”
“ Sure po.” saad nito saka ako iniwan, naka ilang dial pa ko sa number ni Kibo hanggang sagutin niya.
“ Who is this?”
“ It’s me Allen.”
“ Allen?”
“ Yeah, I’m here sa Francia. Can we meet?”
“ Okay, bihis lang ako.” saad niya, napangiti lang ako humugot ng malalim na hininga. Tinawag ko naman yung waiter saka inorder lahat ng paborito ni Kibo. Sya parin talaga nagpapawala ng galit ko sa mundo.
Halos tatlongpung minuto ang lumipas ng dumating si Kibo, nasa mesa narin lahat ng pagkain na inorder ko, sinalubong ko lang sya ng ngiti pero nakasimangot lang syang umupo habang nakatingin sa mga pagkain.
“ Ano naman to?”
“ Kain tayo?”
“ Asshole ka parin talaga Allen.” irap niya, pero napangiti lang ako. His innocent face is all I need right now.
“ Why?”
“ After nating pumunta kay kuya Neko hindi ka na uli nagparamdam tapos bigla ka nalang uli tatawag?”
“ Uhm busy.” pilit na ngiti.
“ Well, anyway. Pwede na ba ko kumain?” ngiti niya, marahan naman akong tumango. “ Sakto yung tawag mo, nagugutom talaga ko eh.” saad pa niya saka nagsimulang kumain. Sinimulan ko naman syang ipagbalat ng hipon.
“ Di ka parin nagbabago.” ngiti ko.
“ Bakit naman ako magbabago?” kibit niya ng balikat, nilagay ko lang sa pinggan niya yung hipon. “ With that kind of appetite, pano ka nabubuhay mag isa, sino nagluluto sayo?”
“ Si Mommy, pinupuno niya yung ref ko, nakalagay din kung paano lutuin lahat. I know how to cook na kaya.”
“ Wow, pwede ka na pala mag asawa.”
“ Nagbake ako ng cookies, gusto mo tikman?”
“ Wow marunong ka na?”
“ Alam mo, one week pa bago mag start uli yung class ko pero si Mommy ang kulit kaya yun, tumigil tuloy ako mag work dito.”
“ Dalawang taon nalang di ba, you need to focus on your study na talaga.”
“ Yeah right.” kibit niya ng balikat saka ngumiti sakin, hindi ko lang mapigilan pagmasdan yung mukha niya. “ Bakit ganyan ka makatingin? Cute ko ba lalo?”
“ Yeah, you are so cute.” ngiti ko.
“ Nagbaked ako ng cookies, gusto mo ba?” tanong niya pero nag ring lang yung phone ko, Nakita ko lang yung number ni Dad. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
“ Daddy mo?”
“ Yeah, next time nalang. May kailangan din kasi akong tapusin na proposal eh.” Saad ko, napatango naman sya saka tinuloy yung pagkain.
Kung itanan ko kaya sya, tapos dalhin sa America at pakasalan. Papayag kaya sya.
“ Hey wag mo ko titigan.”
“ Kibo, Let’s get married?” ngiti ko sa kanya.
SI KEITH
“ Keith nagbake ako ng cookies, wanna come later?” rinig kong saad sa kabilang linya.
“ Who’s that?” tanong ni Vanessa, nasa chekko ko nun.
“ Sure.” saad ko saka pinatay yung phone ko at binalik sa bulsa.
“ Sino yun?”
“ It’s Kibo.” kibit ko ng balikat, kita ko naman na napangiti sya. “ Why?”
“ Lately, napapansin ko na kahit nag aasaran kayo ni Kibo bakit parang sobrang close niyo? May hindi ba ko alam?”
“ Sinasabi mo?”
“ Wala lang, parang may iba eh.”
“ Ewan ko sayo.” simangot ko sa kanya saka sya tinalikuran.
“ Teka bakit parang galit ka nanaman.”
“ May niregalo sakin si Kibo na briefs, tinago ko sya sa ibang lagayan pero damn it! Yung isa nakalimutan ko sa laundry.”
“ And?”
“ Kinuha nananaman ng mother father na babae na yun! Bakit ba kasi di ko sya matyempuhan.”
“ Ano sabi ng mgaa pulis, nakakatakot na yang stalker mo huh.”
“ Hindi sya nag eelevator, kaya hindi makunan ng camera. The thing kapag galing sya sa unit ko, hindi sya nakukunan ng cctv na lumalabas ng building. Ibig sabihin dun sya nakatira and damt it kahit isang beses di sya nakunan na lumabas.”
“ Posible ba yun?”
“ Or di ko lang nakilala, damn it kasi wala si Trey nung chineck ko yung cctv ng building eh.”
“ Wait balikan natin yung underwear mo.”
“ Oh ano?”
“ Niregaluhan ka ni Kibo ng underwear?” tanong niya, marahan naman akong tumango.
“ So?”
“ Nakita niya na yan noh?” saad niya saka bumaba ang tingin.
“ What are you talking about!”
“ Nevermind.”
“ Wait, gusto ko ng cookies. Bili lang ako saglit.” Saad ko saka tinaggap yung apron ko at kinuha yung helmet. “ Babalik ako, don’t worry.”
“ Sabi mo eh.” Kibit niya ng balikat, eh ano naman kung binigyan niya ko ng brief? Imbis na tangihan ko eh wala na nga akong masuot.
Nang makarating ako sa tapat ng condo ni Kibo ay marahan lang ako kumatok, need some dose of his cuteness today. Tingin ko maluluto na yung utak ko kakareview sa board exam na yan.
“ Kibo.” Katok ko pa ng di niya buksan.
Ilang sandali pa ng bumukas to, pero natigilan ako ng ibang tao yung bumungad sakin.
“ Who are you?” tanong ko dito.
“ No, who are you?” balik tanong nito.
“ Keith?” rinig kong saad ni Kibo sa likod ng lalakeng yun.
“ Sino sya?” saad ko saka hinawi yung lalake at pumasok sa loob.
“ Uhm Keith, si Allen and Allen this is Keith.” Pilit na ngiti ni Kibo. Allen? Damn his Ex?!
ITUTULOY
No comments:
Post a Comment