Followers

Sunday, August 23, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 11

 

XOXO

Keith and Kibo

Chapter 11

SI KIBO

Whatever affects one directly, affects all indirectly. I can never be what I ought to be until you are what you ought to be. This is the interralated structure of reality - MLK,Jr.

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang nakatingin sa paper bag na nasa kama ko. Binaba ko lang yung bag ko saka tiningnan yung loob nito.

Next week na yung exam niya eh!

" Bwiset." simangot ko saka to gigil na kinuha at nagmamadaling lumabas ng unit dala to. Humanda talaga sya sakin! Pagdating sa tapat ng unit ni Keith, pinindot ko lang yung code saka agad tong binuksan.

Pero napangiti lang ako ng makita syang nakatapis lang ng tuwalya.

" OH SHIT!" gulat na saad niya. " Nakauwi ka na pala." saad niya saka agad pumasok sa kwarto. Sinundan ko naman sya saka sya pinanuod magbihis. " Kibo lumabas ka."

" Ayaw."

" Dali na." Saad pa niya, gigil ko naman na hinagis sa kama yung paper bag. " Ay sabing ayoko gamitin yan eh!"

" Keith, Galing yan sa naging top 3 ng board exam, bakit ba ayaw mo?"

" Kasi galing yan sa ex mo." simangot niya.

" Paano kung bumagsak ka huh!"

" Ipapasa ka yun kahit magkamatayan pa! Wala kang tiwala sakin?"

" Wala!"

" Matalino kaya ako, makakapasa ako promise! Papaputol ko daliri ko kapag bumagsak ako."

" Siguraduhin mo lang."

" Oo nga!"

" May pangako ka sakin kaya ihanda mo na yung sarili mo huh. Sa sofa, sa kama, sa cr at kahit sa public pa. Oras oras, minu minuto." ngiti ko sa kanya, kita ko lang na napalunok sya. " Make sure you eat healthy foods para malakas ka, kasi baka di mo ko kayanin."

" You're a virgin, baka unang round palang sumuko ka na." ngiti niya.

" Try me."

" Let's make a bet?"

" Sure!" ngiti ko, lumapit naman sya sakin. Saka nilapit yung bibig sa tenga ko.

" Baka nakakalimutan mo kung gaano kalaki to." bulong niya, nakagat ko lang yung labi ko saka sya tinulak.

" Gusto mo magahasa huh!" asik ko sa kanya, kita ko lang na natawa sya saka ako tinulak palabas ng kwarto at agad tong sinara. Gigil ko lang sinipa yung pinto niya. "Arrgggg I Hate you!" gigil na saad ko pero muling bumukas yung pinto, binato niya lang yung paper bag.

" Keithhhhh!!!!" gigil na sigaw ko, Inis ko lang pinulot yung paper bag saka inayos yung laman nito, kapag talaga sya bumagsag, di na sya matatagpuan humihinga ng mga nagmamahal sa kanya.

Paglabas niya ng kwarto ay nakabihis na sya habang may nang aasar na ngiti sa labi. " I hate you!"

" Nye nye het yeee." asar pa niya.

" Nang aasar ka talaga huh!"

" Nengeeser ke telege heh." gigil ko lang syang tiningnan. Gusto na maglabas ng apoy ng mga mata ko ng mga oras na yun, I want to kill him!

" Keith, wag mo ko subukan." Banta ko sa kanya pero nagkibit lang sya ng balikat.

" Kumain ka na ba baby ko?" ngiti niya.

" Baby your face!" inis na saad ko kita ko naman yung pagsimangot niya.

" Nilalambing ka na nga, bala ka." asik niya saka nagbukas ng ref.

" Lambing na yun?"

" Oo, lambing yun! Virgin ka kasi kaya wala kang alam kung ano ang lambing!" sarkastikong saad niya, humugot naman ako ng malalim na hininga saka hinanap ng tingin ko yung lagayan niya ng kutsilyo. " Oops may madugo kang iniisip." harang niya agad dito.

" May alam ka ba sa law Keith?" nagtitimping saad ko.

" Why?"

" Ilang taon kaya akong makukulong kapag natagpuan kang walang buhay dito." nag ngangalit ang ngipin na saad ko. " Kasi konting konti nalang, tatarakan na kita ng kutsilyo sa dibdib. Gustong gusto na kita balatan ng buhay."

" Di mo kaya yun." ngiti niya.

" Kaya ko yun! Gusto mo itry ko?"

" Ayaw mo bang ako pumatay sayo?" ngiti niya saka lumapit sakin gigil naman akong tumingin sa kanya ng deretso. " Kasi gusto kita patayin sa sarap." mahinang saad niya kasabay ng paghawak sa pisngi ko. Halos tumayo naman lahat ng balahibo ko ng madikit yung kamay niya sakin. Oh my, para akong nanghina. " Well, kung gusto mo lang naman. Willing ka bang mamatay, gamit ang katawan ko?" tanging paglunok lang yung nagawa ko ng ilapit niya yung mukha niya.

" Keith." bulong ko.

" Ayaw mo bang yung kutsilyo ko yung itarak ko sayo, ibabaon ko ng todo hanggang mamatay sa ka sa sarap." nang aakit na ngiti niya, halos kapusin naman ako ng hininga ng dampian niya ng halik yung pisngi ko. " Sagot?"

" Y-yeah." nauutal na saad ko.

" What do you mean?"

" Keith, can we continue this conversation in bed?." bulong ko, kita ko naman yung pag kagat niya ng labi niya hanggang maramdaman ko yung kamay niya sa batok ko saka ako yinakap.

" Alam mo ba na napanaginipan kita kagabi?" saad niya. " It's rated R." bulong niya pa. Hanggang humiwalay sya at tinitigan ako sa mata. " Kahit sa panaginip ginagahasa mo ko!" duro niya sa noo ko saka tumalikod at sinimulan ayusin yung mga nilabas niya sa ref.

Nanatili lang akong tulala.

" Kibo?"

" I hate youuuuu!!" padyak ko, kita ko lang yung pagtawa niya. " I really hate you!"

" Hay, cute mo talaga." ngiti niya saka nagsimula maghiwa ng sibuyas.

" Nakakainis!"

" Kibo pwede ba, kauuwi ko lang din at buong araw naluto utak ko kakareview, kakaaral ng kung ano ano. Tapos ikaw puro sex nasa utak mo?" saad niya saka may nilabas na kung ano ano sa ref.

Lagi niyang ginagawa to, aakitin ako tapos di naman itutuloy. And I hate him everytime na gagawin niya yun!

Relax Kibo, kaya mo maghintay.

" Nakikita mo ba yung mga librong yun." turo niya sa likod ko, nakita ko lang sa sofa niya yung napakadaming libro. " Lahat yan pinag aaralan ko, tingin mo ba meron kahit isang word sa mga libro na yan ang pwedeng magpatayo sa alaga ko?"

" Ako kaya kong patayuin yan?"

" Gusto mo masaktan?" asik niya, napanguso naman ako. " Pinayagan na kita hawakan to nung isang araw ah, nakita mo na, pinaglaruan pa. Ano pa gusto mo?"

" I want to..."

" What?"

" Uhm, suck it?" Saad kong deretsong nakatingin sa kanya kita ko lang na ngumiwi sya saka tumalikod sakin. " Keith."

" No, ayako."

" Why?"

" Basta ayoko." saad niya, umupo naman ako saka inis na nangalumbaba sa mesa niya habang pinapanuod syang maghiwa ng patatas.

" Bakit ba kasi ayaw mo?"

" Alam mo naman siguro na mukha kang high school student di ba?"

" And?" kunot ang noong tanong ko, kita ko naman na nakagat niya yung labi niya.

" Wala!"

" Fine fine! Maghihintay nalang ako hanggang lumabas yung result ng board mo, siguraduhin mo lang talaga huh."

" Yeah that's my boy." ngiti niya.

" Pero can I touch it again later?" ngiti ko, kita ko lang na humugot sya ng malalim na hininga saka marahang tumango. " Thank you!! Uuwi nga pala ako sa bahay namin, maybe one week ako dun."

" Okay, so wala ka dito sa exam ko?"

" Bakit kasama ba ko sa exam, yung result ang importante sakin."

" Ewan."

" Saka dun sa church samin ikakasal si Kuya Allen, so I need to be there. Invited din kasi sila Mom and Dad."

" Fine, Can I ask something?"

" Wala akong alam tungkol sa sex, so don't ask me about that."

" Sex nanaman! Puro ka sex noh?"

" Ay ano ba?" ngiti ko.

" Why dentistry?"

" Uhm my mom is actually a dentist."

" Really, may clinic sya?"

" Before, pero she got to an accident before and she hurt her arms. Since then nag stop na sya pero okay na yung kamay niya now mejo nasanay nalang sya sa pagiging housewife."

" Di na sya babalik sa pagdedentist?"

" Uhm I don't know pero we grow up watching her sa clinic niya kaya nga dentistry kinuha ko kasi gusto ko maging katulad niya.

" If she's a dentist? Bakit di niya inayos yang pangil mo?"

" Actually I have a braces before, nung bata pa ko pero I really don't like it kaya tinanggal din ni Mommy and kuya neko said my pangil is cute kaya ayoko na sya pabago. Cute naman di ba?"

" Yeah." tango niya, napangiti naman ako.

" Ako naman magtatanong?"

" Sige ano?" saad niya saka tumalikod at hinugasan yung mga hiniwa niya sa lababo.

" Simula nung inamin mo na mahal mo ko, nakipagsex ka na ba sa iba?" seryosong tanong ko, kita ko naman na natigilan sya. " You are with Trey last time, I just wondering if-" lumingon lang sya sakin saka nagbigay ng ngiti.

" Nope, nag inom lang kami."

" Di ako naniniwala."

" Edi wag kang maniwala."

" Keith, loyal ako pero ikaw."

" What?"

" Kilala kita? For the past two years, pinakamatagal na yung one month na wala kang syota. It's been 4 months na pero after jenny? Sino?"

" Ikaw?"

" Liar." simangot ko sa kanya.

"Teka ako naman magtatanong!" simangot niya.

" Whatever."

" Imposibleng kahit konti di ka nalilibugan kay Allen, sigurado ka bang wala pang nagyare sa inyo?"

" Wala, as in zero! Hope to die, mamatay ka man!" simangot ko sa kanya. " kahit kainin pa ko ng lupa ngayon, wala kahit anong kalaswaan ang nangyare samin ni Kuya Allen kapag magkatabi kami natutulog."

" So hindi ka nalilibugan sa kanya?" saad niyang deretsong nakatingin sa mata ko, umiwas naman ako ng tingin. "See! I know you kala mo ba, manyak ka eh!"

" Tao lang ako noh, alam mo naman siguro kung kagwapo si Kuya Allen, tapos ang ganda pa ng katawan, ang bango pa! My God, he looks like a prince." ngiti ko, kita ko lang yung pagsimangot niya. " High school pa ko nung una kong nakita yung alaga niya, it's big."

"Damn it!" gigil na saad niya habang nakatingin sakin.

" What! Balik na ko nga ako sa condo ko, baka andun na si Kuya Allen." saad ko saka tumayo pero nagulat ako ng hilahin niya ko saka isandal sa pader. " What?" ngiting kong deretsong nakatingin sa mata niya. Those eyes, it's really beautiful.

" Nakita mo na yung alaga niya?" gigil na tanong niya.

" Nung high school pa yun! Isang beses lang, Never na naulit. Bakit nagseselos ka?"

" Sino mas malaki?"

" Ikaw." ngiti ko, kita ko naman na napatango sya saka lumayo sakin, kita ko lang yung pigil niyang pag ngiti. " Pero malay ko ba kung..."

" Kung ano!" lingon niya sakin.

" Wala!" natatawang saad ko. " Alis na ko." saka humakbang papunta sa pinto niya.

" Subukan mo lumabas sa pinto na yan, iiyak ka talaga sa laki nito." saad niya agad naman ako bumalik.

" Sure, paiyakin mo ko Keith!" hawak ko sa kamay niya. " Wasakin mo ko, wreck me baby."

" Ahhhhhh Ayoko marinig yung mga ganyan mong salita." takip niya sa tenga niya na ikinatawa ko.

SI VANESSA

" Here is your order." Nakasimangot na lapag ko sa milk tea na yun sa mesa ni Trey, ngumiti lang sya saka muling tinuon yung atensyon niya sa computer. " Bakit ka ba kasi dito nag tatrabaho?"

" Baka dumating si Kibo eh." ngiti niya kaya agad ko syang binatukan. " Nananakit!"

" Tingin ko si Kibo talaga karma niyo eh." saad ko saka umupo sa harap niya at sinara yung laptop niya. " Type mo talaga si Kibo?"

" Joke lang yun!" natatawang saad niya saka tinusok yung straw sa milk tea niya. " Mas gusto ko pa din babae noh."

" Your sister, how is she?" tanong ko, nag angat naman sya ng tingin.

" She's fine, Bakit mo natanong?" tanong niya pero nagkibit lang ako ng balikat. " I saw jenny last time, alam mo ba sabi niya?"

" Di ko pa alam?"

" Edi wag, nevermind." ngiti niya saka sumipsip sa milk tea niya.

" Fuck you, ano sabi?"

" Natatamad ako magkwento." saad niya pero sinipa ko lang yung paa niya. " Bayolente nito!"

" Ano nga kasi sabi?"

" Pinuntahan niya daw si Keith sa condo."

" Then."

" She knows the code parin daw kaya binuksan niya, tapos naabutan niya si Keith na kahalikan si Kibo." ngiti niya, natawa naman ako.

" Ano ginawa niya?"

" She was shocked daw, pero kinilig daw sya." tawa ni Trey, napakamot naman ako sa ulo. " And you know what, she's a fan daw ng gay stories and she asked me kung may kaagaw ba daw si Keith kay Kibo. Sabi ko ako." ngiti niya, napasimangot naman ako.

" Di nga kayo bagay."

" Joke lang babae nga gusto ko, may utang lang ako kay Kibo at babayaran ko na sya soon."

" Utang?'

" Yeah, utang." ngiti ni Trey.

" Pera?" kunot ang noong tanong ko, marahan naman syang tumango kasabay ng ngiti saka binuksan yung laptop niya.

" Layas na, may presentation ako bukas." Saad niya saka naglagay ng headset sa tenga. Inis naman akong tumayo pero hinila ko muna yung headset sa tenga niya saka tumakbo papunta sa counter. " Victor!" inis na saad niya.

Humakbang naman ako pabalik.

" Ano?!" asik niya.

" Wait pano ka nag kautang kay Kibo?"

" Gusto mo malaman pano?"

" Yeah?" tango ko.

" Check mo yung wallet mo." saad niya, napakunot naman yung noo ko.

" Wallet ko?"

" Yeah." ngiti niya, nagmamadali naman akong pumunta sa counter saka kinuha yung bag.

" Bakit sa wallet ko?"

" Buksan mo." ngiti niya sakin, nagtataka naman akong binuksan yung wallet ko.

" Pakihanap jan yung paki mo." natatawang saad niya, natigilan naman ako saka gigil na tumingin sa kanya. " Layaass! May presentation nga ako bukas!"

" Mabaog ka sana!" asik ko saka inis na bumalik sa counter.

SI ALLEN

" After ng honeymoon niyo ni Jessica sa japan, kailangan mo bumalik agad." saad ni Dad, nagdidinner kami nun sa malaking mansion. " Tatlong araw lang naman yun di ba, hindi ka pwedeng mawala ng matagal."

" Yes, Dad." tango ko saka sumubo ng pagkain.

"Itong pagpapakasal mo yung pinakamatalinong nagawa mo para sa pamilya natin, Jessica is beautiful and lalong lalawak ang sakop ng kumpanya kapag nagmerge ang Xiayen at Fgc and you are making your own name sa pagkuha mo ng deal ng mga delgado's."

"Salamat po."

" Maybe in ten years, ikaw na magpapatakbo ng kumpanya at sa panahon na yun sigurado ako na tayo na ang nangungunang developer and construction company." ngiti niya, humugot lang ako ng malalim na hininga. Wala akong balak na patakbuhin yung kumpanya niya.

" Dad, after ng contract sa mga Delgados. Uhm can I have a two year break?"

" What?"

" Uhm, I just want to travel."

" What are you talking about?"

" Nasabi ko po sa inyo dati na, pangarap ko mag travel sa buong mundo." nakatungong saad ko, rinig ko naman yung sarkastikong tawa nito. " Dad, I'm serious."

" I Ask jessica to make a proposal, kailangan natin makuha yung deal ng itatayong condo ni Mr lim. I want you to help Jessica, and prepare all the things needed. Make sure makukuha natin tong deal na to."

" Dad, Next week na yung kasal namin."

" And so?"

" Dad."

" Kalimutan mo yung plano mong travel travel huh, I want you to focus in the welfare of the company, get all the deals, talk to all our clients and do a good job sa lahat ng project. Napakadaming contract ang nakuha satin ng ibang kumpanya and you and jessica are the assets of the company now and I'm expecting a lot to the both of you. Kaya hindi pwede yang iniisip mo. Wag mo na subukan."

" but Dad."

" At yung kasal niyo, I know na hindi mo naman sya gusto so bakit kailangan pa ng honeymoon. I Don't want an apo right now, what I want is to be the number one. Naiintindihan mo?"

Nanatili naman ako sa pagkain.

" Sumagot ka, naiintindihan mo ba!" mataas ang boses na saad niya, napailing lang ako. " Allen naririnig mo ba ko huh!"

" Pano kung di ko ituloy yung kasal?" saad ko, kita ko naman yung gigil sa mukha ni Daddy.

" Anong sabi mo huh!"

" Tingin niyo ano kaya sasabihin ng parents ni Jessica kapag hindi ko tinuloy yung kasal?"

" Subukan mo lang, hindi mo alam ang kaya kong gawin." sarkastikong ngiti nito habang nakatingin kay Mommy habang tuloy lang sa pagkain. Humugot lang ako ng malalim na hininga.

" Di niyo rin alam ang kaya kong gawin." ngiti ko sa kanya saka tumayo.

" How dare you!" sigaw nito.

" Papakasalan ko si Jessica, For the company but after that. I'm done!" gigil na saad ko, kita ko lang yung sama ng tingin nito sakin. " Hindi niyo na ko matatakot tungkol kay Mommy, Saktan niyo sya? Okay ipapakulong ko nalang kayo. Let's go down together." pinunasan ko lang ng table napkin yung kamay ko saka nakangiting lumingon sa kanya. " Di niyo naman yun gusto di ba?"

" Wala ka ng takot ngayon?!" saad niya, kita ko lang yung galit sa mga mata ni Daddy.

" I have nothing to lose, wala kayong maipapanakot sakin so why should I be scared?"

" Si Jessica?"

" Go ahead, kalabanin natin ang Xiayen." gigil naman nito hinawi yung mga pinggan sa harapan nito dahilan para mabasag lahat ito. " But unfortunately we need thier company?"

" Son of a bitch! Wala kang utang na loob!"

" Dad, matagal na kong di takot sa inyo, sapat na din yung ipon ko kaya magugulat nalang kayo maglalaho ako ng parang bula." sarkastikong saad ko. " Don't worry, yung pangarap niyo na magmerge ang Xiayen at Fgc? Tutuparin ko muna yun, that's my way of saying thank you for raising me."

" How dare you say that!"

" Kapag nawala ako, kalimutan niyo na din na may anak kayo." ngiti ko. " Kasi hindi na ko babalik...kahit kailan."

" ALLEN!!" sigaw nito.

" Bye, Maaga pa ko bukas." saad ko saka naglakad.

" Yung gamot ko, yung gamottt ko!" rinig kong sigaw pa ni Daddy pero isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko. Ilang buwan din akong patagong kumukuha ng pera sa kumpanya, pera na kakailangan ko para di na bumalik pa dito.

Kung isama ko kaya sya, kidnapin ko? Hay baka bago ko malibot ang mundo puro kalmot naman yung katawan ko.

Isako ko kaya?

" Neko I'm ready, Panuorin mo ko jan sa taas huh." ngiti ko. " Bro, I miss you.."

SI KIBO

Naalimpungatan lang ako ng maramdaman yung masuyong paghaplos sa mukha ko, kakaibang init ang dala ng mga palad na yun kaya ilang sandali ko tong dinama at hinayaan na dumampi sa mukha ko.

I Know it's not Keith, I know his scent.

Nang dahan dahan ko idilat yung mata ko nakita ko lang si Kuya Allen na nakangiti. Ilang sandali ko lang syang pinagmasdan. Allen is one of the rare people who can prove that God almost created perfect human being, And I'm so privilege to have him on my side in this beautiful morning.

" Goodmorning." bati niya.

It could've been perfect, kung sya yung nagpapatibok ng puso ko! The efF!

" What time is it?"

" 7 Am palang." ngiti niya saka muling hinaplos yung pisngi ko, hinawakan ko naman yung kamay niya saka agad kinagat. " Ouch!" hila niya ng kamay niya saka agad tiningnan yung kinagat ko. " Bumakat yung pangil mo!" reklamo niya pero ngumiti lang ako sa kanya.

" Aga aga kasi hinahawakan mo ng madumi mong kamay yung mukha ko. Naghugas ka ba?" saad ko na ikinangiti niya saka inamoy yung kinagat ko. " Hey! Di pa ko nag totoothbrush."

" It smells." ngiwi niya.

" Gross! I hate you bakit kasi inamoy pa?"

" Just Kidding, mabango." amoy niya uli dito.

" Kadiri." simangot ko, pero ngumiti lang sya saka kinurot yung pisngi ko.

" Cute mo." saad niya.

" I'm hungry." Hawi ko sa kamay niya.

" Kain na tayo?"

" Ang bango mo naman masyado, bakit ang aga mo kasi?" simangot ko sa kanya saka tumayo, kinuha ko lang yung phone ko saka tiningnan yung oras.

Finally, makakapagpahinga na din ako pagkatapos ng ilang linggo na halos walang tulog.

" Finally." saad ko saka nag inat inat. " So what are you doing here?"

" I just miss you." Mahinang turan niya, Isang buntong hininga lang ang ginawa ko saka lumingon sa kanya, nakasandal lang sya sa headboard ng kama habang nakatingin sakin. " I'm so busy sa project namin kaya bihira ako umuwi dito and the wedding, Exhausted, Sobrang nakakaubos. busy ka din naman sa school tapos ganitong oras lang yung chance na makita ka."

" May problem ka uli?"

"Wala naman, I just wanna see your face." saad niya, napangiti naman ako saka bumalik sa kama at tumabi sa kanya. Hanggang ihilig niya yung ulo niya sa balikat ko.

Ilang sandali kaming nasa ganung pwesto, minsan talaga parang mas baby pa sya sakin.

" You're getting married, pero alam ko naman na pinilit ka lang ng Daddy mo."

" Kailangan ng company ni Dad ang Xiayen, so I have to do this."

" Pero ikakasal ka, forever na yun?"

" Mabait si Jessica."

" Pero di mo naman sya gusto."

" She's rich."

" Hindi ka naman masaya."

" She's beautiful."

" Di mo naman mahal." mahinang saad ko, isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya. " Sana Kuya Allen, dumating yung time na piliin mo naman yung sarili mo. Na ikaw naman yung magdedesisyon sa buhay mo, hindi yung Daddy mo, hindi yung ibang tao."

Naramdaman ko lang yung paghawak niya sa kamay ko.

" Sana piliin mo naman na maging masaya."

" Ngayon araw pinili ko yung sarili ko." saad niya saka humiwalay at tinitigan ako sa mukha. " Kaya nga nandito ako eh."

" Whatever." irap ko sa kanya saka tumayo, narinig ko lang yung pagtawa niya. " Toothbrush na ko, wish ko lang di matuloy yung kasal mo."

" Edi itanan mo ko para di matuloy."

" Tanan your face." natatawang saad ko saka pumasok sa cr at nagsimula mag toothbrush hanggang makita ko sa salamin na nasa pinto na sya ng cr. " What?"

" Gusto lang kita panuorin?"

" Bala ka nga, punta tayo kay Kuya Neko gusto mo?"

" Mas pasok ka di ba?"

" Start na po ng semestral break." lingon ko sa kanya.

" Really?!"

" Opo."

" Wow."

" Ikaw, busy ka ba today?"

" Nope." ngiti niya saka umalis sa pinto, natawa lang ako saka tinuloy yung pagsisipilyo, paglabas ko ng cr, naabutan ko lang syang may kausap sa phone niya. " Yeah, cancel all my meetings today, Yeah just do it. Masama talaga pakiramdam ko and please don't tell dad." saad niya. " Yeah, I'm fine. I just need some rest. Okay thank you." nang ibaba niya yung phone niya kita ko lang yung ngiti sa labi niya.

" Busy ka ata eh?" saad ko, napalingon naman sya sakin. " Bakit nagcancel ka ng mga meetings mo today? Masama pakiramdam mo?"

" Hindi."

" Then why?"

" Kasi pupunta tayo kay Neko?" ngiti niya. " Please?"

" Fine, maybe you need this." ngiti ko sa kanya. " I'm hungry." hawak ko sa tyan ko.

" Nagluto ako ng almusal, tara." saad niya saka lumapit sakin. " Payakap?"

" Brotherly hug lang huh!"

" Yeah." saad niya saka ako yinakap ng mahigpit.

" Parang tumangkad ka lalo." turan ko ng mapansin na nakapatong na yung baba niya sa ulo ko. " O lumiit lang ako?" rinig ko naman na natawa sya, napakabango talaga niya. Palihim ko lang syang inamoy. Napakamasculine talaga ng amoy niya. " Kain na tayo please, nagugutom na talaga ko." saad ko, baka sya pa makain ko haha.

Humiwalay lang sya saka nakangiting tumitig sa mukha ko.

" What?"

" I'm sure busy yung boyfriend mo, ilang araw nalang exam na niya."

" Yeah pero alam ko busy ka din dapat kasi malapit na din weeding mo di ba?"

" Kain na tayo, papaalala mo pa eh." hila niya sakin palabas ng kwarto, napanganga lang ako ng makita yung madaming pagkain sa mesa. May ham, bacon, longanisa sinangag at itlog. May nakikita pa kong tapa at tocino.

Nasa heaven na ba ko?

" Wait, tangalin ko yung tali ni Piggy. Baka kasi kainin niya kanina eh." saad niya saka tinanggal niya lang yung leash ni Piggy saka nilagyan ng cat food yung lagayan niya.

" Ang dami." lingon ko sa kanya pero nagkibit lang sya ng balikat. " Wait, bakit ang dami. Ano kapalit nito?"

" Ikaw?"

" What? I'm not available?"

" I mean ikaw kung ano gusto mong kapalit."

" Not my body." saad ko saka tinakpan yung katawan ko, natawa naman sya. " Uhm not my lips." saad ko ng makita syang nakatingin sa labi ko.

" Uhm, sayang." nguso niya.

" So ano nga?"

" Pano yung cute?" saad niya, agad ko naman syang sinamaan ng tingin.

" Kanino mo natutunan yan?"

" Nakita ko kayo isang beses nung girl mo na friend, she's asked you that question then you did something. Can I see it?"

" Kuya Allen."

" Ang aga ko gumising para magluto ng almusal dito, you know what. Halos 3 hours palang tulog ko."

" Did ask you to do that?"

" Hindi, pero para sa effort can you atleast do that for me? Pano po yung cute?" ngiti niya, inirapan ko lang sya saka napalunok habang nakatingin sa pagkain. Gutom na talaga ko. " Kibo?"

" Fine." simangot ko saka humugot ng malalim na hininga at tumitig ng deretso sa mga mata niya. " Look at me, kasi isang beses ko lang to gagawin and don't you dare ask for more." seryosong saad ko, nakangiti naman syang tumango.

Pumikit lang ako saka dahan dahang ngumiti at nagpacute.

" Done!" saad ko saka nagmamadaling nilagyan ng sinangag yung pinggan ko, nang lingunin ko sya nakangiti lang sya. " Kain na tayo?"

" Pwede isa pa?"

" Gusto mo saksakin kita ng tinidor?" simangot ko saka sumubo ng hotdog.

" Okay po." natatawang saad niya saka umupo at nagsandok ng kanin. " But you're so cute."

" I know." ngiti ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Kuya Neko. Pagdating namin sa nitso niya naabutan lang namin dun yung napakadaming bulaklak sa puntod nito.

" Simula nung tumira ako sa condo, madalas na ko nakakapunta dito. Di ko naman kasi alam bakit napakalayo ng pinaglibingan kay Kuya." saad ko saka nilapag yung bulaklak na dala namin.

" Alam mo Kibo, di ko alam kung kanino galing yung mga bulaklak dito kapag pumupunta ko." lingon sakin ni Allen habang nagsisindi sya ng kandila.

" Maybe, dinadala nila Mom and Dad?"

" I doubt it, you know naman your parents. Allergic sila sa bulaklak lalo na mommy mo." natatawang saad niya.

" Sabagay." kibit ko ng balikat. " Hello kuya Neko, kakasal na tong gwapo mong kaibigan, pero hindi sakin." nguso ko.

" Sabi ko naman kasi sayo, itanan mo na ko."

" Whatever." Simangot ko sa kanya. " You know what, I'm thinking about kung gaano kayo kaclose ni Kuya Neko, di kaya sa kanya ka may gusto?" saad ko kita ko naman na napalingon sya sakin. " Why, gwapo si Kuya Neko?"

" Uhm, I only see him as my brother, you know a brother from a different Mom."

" Kung brother tingin mo sa kanya, edi brother tingin mo sakin nun?"

" Yeah, not until you poured a juice on my crotch." ngiti niya, napalunok naman ako. " but that was before, you are so cute that time anyway although nagenjoy ka talaga sa paghawak."

" Shut up, past na yun."

" Sure."

" So wala talagang something sa inyo ni Kuya Neko?" natawa lang sya saka umling.

" I know na may laman na puso niya, so hindi talaga."

" Wala akong alam na nagkaroon sya ng syota?" kunot ang noong saad ko pero nagkibit lang sya ng balikat.

" Madami ka naman talagang di alam."

" What do you mean?" tanong ko pero ngumiti lang sya saka nagkibit ng balikat.

" Neko, I'm sorry kasi di sya papakasalan ko." saad niya, natawa naman ako. " Ayaw na niya sakin eh."

" Kuya, iniwan niya ko. Nakipagbreak sya kaya I hate him buti nalang nakahanap na ko ng bagong mamahalin."

" Pinagpalit niya ko agad."

" Dalawang taon kuya, at isa pa hindi pa naman kami ni Keith eh."

" What?" lingon ni Allen. " Hindi pa kayo?"

" Di ko alam?" nguso ko.

" Bakit di mo alam." ngiwi niya. " All this time akala ko kayo na kasi sa kaniya ka natutulog madalas."

" At wala pang nangyayare samin." naiiyak na saad ko, kita ko naman na natawa sya. " What's funny!"

" Panong nangyareng wala pang nangyayare sa inyo, eh halos nakadikit ka na nga sa kanya? Nung binigay ko yung invitation sa kanya halatang kabibihis niya lang at tulog ka pa daw?"

" He's a tease, Inaakit niya ko tapos wala naman mangyayare! But atleast nakikita ko katawan niya." ngiti ko. "But I hate him!" padyak ko, lalo naman syang natawa. "Wag kang tumawa!"

" That is so funny, gusto mo ba itali ko sya then you rape him?"

" Tutulungan mo ko?"

" Gusto mo talaga sya gahasain?" ngiti niya sunod sunod naman na pagtango ginawa ko na ikinatawa niya. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan si Kuya allen. His smiles is one of the best thing na nakita ko sa buhay ko. " hindi ka pa din nagbabago, a cute little boy with a dirty mind."

" I am not little na po."

" Ah hindi naman ba."

" Alam mo yang Keith na yan, I hate him. I don't mind kung makukulong ako basta makaganti lang ako sa kanya. Puputulin ko talaga yung titi niya."

" Bibig mo."

" I mean yung chinchin niya tapos hihiwain ko ng maliliit saka ko ipiprito at kakainin! Pwede ko din kilawin Or pwede ko ring sabawan. Isisigang kong bwiset sya na demonyo sya." gigil na saad ko, natawa naman sya. "

SI KEITH

Inis ko lang kinamot yung baba ko ng maramdaman yung pangangati nun. " kainis bakit ba ang kati! Sino bang halimaw nag iisip ng alaga ko!"

" Keith, nanjan na yung delivery." saad ni Vanessa.

" yeah, wait." saad ko saka binuksan yung zipper ko. " May langgam ba na pumasok?"

" Arggg madapa sana kung sino man nag iisip sayo." kausap ko sa alaga ko. 

" Ano ginagawa mo?" tanong ni Vanessa, agad ko naman sinara yung zipper ko. " Wala kang underwear noh?"

" Ay wag mo ipaalala yan, nakita niya na kung san ko tinatago underwears koooooo!" gigil na saad ko. " Hayop na magnanakaw yun, mahuli ko lang talaga sya."

SI KIBO

Pagkatapos sa semeteryo ay maghapon lang kaming namasyal ni Kuya Allen, kung saan saan pumunta. Kumain, naglakad, we even go to a playground. Sinubukan bumalik sa pagkabata. I know sa mga susunod na linggo magbabago na yung buhay niya. Matatali sa isang bagay na hindi naman niya gusto, sa isang bagay na muli naman ipinilit sa kanya.

Nang araw na yun, ramdam ko yung saya niya, ramdam ko yung totoong mga ngiti na nagmumula sa kanya. How I wish he finds courage to say No and live his own life.

Coz he deserves it.

Pagbalik namin sa building namin, naabutan lang namin si Keith na nakatayo sa harapan.

" Kasalanan mo talaga kung bakit ako nainlove sa kanya eh." bulong ko habang katabi si Kuya Allen.

" Why me?"

" Kung di mo ko iniwan, baka inlove pa din ako sayo."

" Yeah, kasalanan ko at di mo lang alam kung gaano ko pinagsisihan yung ginawa ko." iling niya.

" Ay wag ka na magsisi, tapos na yun. Tanggap ko na yung bwiset na yan ang mahal ko." simangot ko, natawa naman si Kuya Allen. " Tulungan mo kaya akong patayin sya?"

" I know people, gusto mo ba?" saad niya, napangiwi naman ako saka lumingon sa kanya. " Joke!"

" Pero may kilala ka talaga, tutumba ko na yan bwiset na yan."

" Wala." iling niya, bumagsak naman balikat ko." Baka umiyak ka lang kapag nawala yan, kaya wag mo na subukan."

" I really hate him." simangot ko pero hinawakan lang ni Kuya Allen yung kamay ko saka ako hinila hanggang makalapit kami kay Keith, nahawakan ko naman yung tenga ko. Damn it!

" Kibo?" saad nitong nakatingin sakin hanggang mapunta kay Allen yung tingin niya. " Bakit magkasama kayo?" simangot nito kaya agad kong hinugot yung kamay ko na hawak ni Kuya Allen.

" Nagdate kami." Ngiti ni Kuya Allen, kita ko naman yung sama ng tingin niya sakin kaya agad akong umiling.

" San kayo pumunta?"

" Sa park, kung saan saan. Sa mga lugar na kami lang."

" Shut up." simangot ni Keith kay Allen, natawa naman to.

" Una na ko sa taas Kibo, napagod ako." saad ni Kuya Allen. Tinapik pa niya sa balikat si Keith bago naglakad papasok ng building. Inis naman na pinagpagan ni Keith yung balikat niya.

" Bakit di ka nagpaalam sakin huh!"

" Bakit ako papaalam sayo?"

" Bakit hindi."

" Magkasama kayo ni Trey nung isang gabi, eh di ba pagmagkasama kayo puro pangbabae lang ginagawa niyo." simangot ko, kita ko naman na umiwas sya ng tingin. " Oh di ba di ba?! mahal daw pero kung makatingin sa babae wagas."

" Shut up, tara na nga." hawak niya sa kamay ko pero inis ko lang tinanggal yung pagkakahawak niya. " Teka, di ba sabi mo okay lang sayo kahit makahanap ako ng girl?"

" I hate you!" sigaw ko sa kanya saka tumakbo papasok.

" Hoy joke lang, hindi ako nangbabae noh. Mahal kaya kita." saad niya ng maabutan ako sa tapat ng elevator. " Never kitang lolokohin noh."

" Whatever, sige san kayo galing ni Trey?"

" Uhm sa bar."

" See."

" Uminom lang kami, ikaw nga may kasama ngayon eh. Ex mo pa!"

" Whatever! Dun ka na sa unit mo magreview ka!"

" Sa unit ko ikaw matutulog." saad niya, hanggang bumukas yung elevator.

" Mas malambot kama ko, kaya dun ako sa unit ko."

" No!"

" No your face." simangot ko.

SI ALLEN

Hindi ko lang mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Kibo at Keith na masama ang tingin sa isa't isa. Nasa unit kami ni Kibo nung tatlo habang nagpeprepare ng Dinner ay nakabantay dito sa Keith.

" Bakit di mo sinabi na magkasama kayo?"

" Bakit kailangan ko ba magpaalam sayo?"

" Oo, gusto mo talaga masaktan noh?"

" Subukan mo saktan si Kibo, tagal ko na din kasi di nagagamit yung mga napag aralan ko eh." saad ko, napalingon naman silang dalawa sakin.

" Bakit ano ba napag aralan mo? Puro utak ka lang pero sa sapakan, I'm sure bano ka." saad ni Keith. " Maganda lang katawan mo pero sigurado ako puro hangin lang yan."

" Really." ngiti ko.

" Nakapag training sya ng jujitsu, aikido, judo and a third degree black belter holder in taekwando." saad ni Kibo kita ko naman na napanganga si Keith. " Are you a kyo sah nim Kuya Allen di ba?"

" Kyooo what?" kunot ang noong saad ni Keith, kita ko lang yung tingin niya sa braso ko.

" I am actually 6th degree black belt holder, so pwede na ko magturo. Gusto mo ba matuto Keith?" Seryosong saad ko sa kanya, kita ko lang na napalunok sya.

" May idea ka ba sa taekwando Kieth?" tanong ni Kibo dito pero umiwas lang to ng tingin.

" Bakit kailangan mo pag aralan lahat yun huh!" inis na saad nito.

" Taga pagmana po kasi sya, so he needs to protect himself. Naisama niya na ko dati sa mga trainings niya pero di na ko umulit." irap ni Kibo sakin.

" Why?"

" Pinadugo niya ilong ko! Nasipa niya ko." simangot pa ni Kibo, napakamot naman ako sa ulo.

" Di ko naman sinasadya yun."

" Bayolente pala sya, bakit pinatira mo dito?!"

" Mas mukha ka ngang bayolente." saad kong binuksan yung tv. " Just to inform you, ginagamit ko lang yung pinag aralan ko for self defence not to hurt people. Well hindi mo alam yung rule na yun kasi you don't know anything about martial arts." lingon ko sa kanya, kita ko lang yung gigil sa mukha niya.

" Yeah right, puro pang babae kasi inatupag."

" Shut up!" asik nito kay Kibo, napailing lang ako. " Kapag may mangyare sa inyong dalawa, di talaga kita mapapatawad!"

" Keith, you know what kahit maghubad pa si Kibo sa harapan ko or maghubad ako sa harapan niya. Walang mangyayare, I do respect him and I know he respect me as well. I know where I stand so wala ka dapat ipag alala kasi may pinagaralan ako at marunong rumespeto." saad ko kita ko lang yung ngiti sakin ni Kibo. " At hindi ako nakikipagsex, kapag hindi ako gusto ng isang tao."

" Nice, Kuya Allen."

" Ito marunong rumespeto?" turo ni Keith kay Kibo agad naman tong binigyan ng matalim na tingin ni Kibo, natawa lang ako

" Well sa dami ng beses ko syang nakatabi matulog dito, never ko naman na experience na mahipuan or mahawakan niya."

" See! Napaka judgemental kasi ng bwiset na to eh!"

" Mas bwiset ka!" asik nito, napabuntong hininga lang ako. Di ko alam kung tama ba na hayaan ko silang dalawa, tuwing magkaharap ata sila mas lamang pa yung away kesa lambingan nila. Wait lambingan? Parang wala naman silang ganun.

" Siguro ba kayo na gusto niyo ang isa't isa?" saad ko.

" Kuya Allen, yung sinabi mo na aagawin mo ko sa kanya. Subukan mo kaya, baka sakaling mag work?"

" Kibo!" inis na saad ni Keith saka tumayo at hinarap si Kibo. " Nang iinis ka ba huh!"

" Whatever." ngiti ni Kibo saka tumalikod dito, lumingon naman sakin si Keith kaya nginitian ko lang sya. Nagdirty finger naman sya sakin kaya nagkibit lang ako ng balikat saka tinuon yung atensyon ko sa tv.

Pagkatapos mag dinner ay tumuloy na silang dalawa sa unit ni Keith, naiwan lang akong mag isa.

Binuksan ko lang yung laptop ko saka ilang sandali tong tinitigan.

" Okay let's do this." saad ko saka humugot ng malalim na hininga at binuksan yung video recording.

" Hi Kibo." ngiti ko ng mag simula magrecord.

" I'm sorry tita samantha, tito Ben, I know you want me to keep this a secret. I know Kahit si Neko ayaw niya to sabihin ko sayo but we I know that one day malalaman mo rin to." saad ko saka ngumiti. " Baka bigla nalang ako maglaho kaya just in case, I hope makita mo tong video na to.."

" I just wanna say that what happened that night was never your fault, Kibo wala kang kasalanan."

" Neko did not die because of you, he died for you." ngiti ko kasabay ng patak ng luha sa mga mata ko.

" That night he...

SI KIBO

" Mom, I'm home!" excited na saad ko pagpasok sa bahay. " Let's go Queenie!" hila ko sa kanya.

" kalma Kibo."

" I'm really excited, ilang months akong hindi nakauwi dahil sa sobrang busy natin sa school." Nguso ko, kita ko naman na si Mommy na nagmamadaling bumaba sa hagdan mula sa ikalawang palag.

" Kibo!!" yakap niya sakin paglapit. " Bakit di ka nagsabi na ngayon ka uuwi?"

" I really miss you mom." yakap ko din sa kanya.

" How sweet." ngiti ni Queenie.

" Where's Dad?"

" Nasa office niya sa taas." ngiti ni Mommy.

" Mom, kayo muna bahala kay Queenie huh, puntahan ko si Dad." saad ko saka nagmamadaling umakyat sa hagdan. Nasa food bussiness si Daddy, we do have some branches ng resto all over the country at madalas nasa bussiness trip sila ni Mommy.

Nung buhay si Kuya Neko kami lagi ang magkasama kapag wala sila Mommy, Sya nag aalaga sakin bukod sa mga katulong sa bahay, sabi ni Mommy I'm a miracle baby daw kasi 8 months palang daw ako nung lumabas and that time muntik na kaming di makasurvive ni Mommy parehas but luckily we made it.

After mawala ni Kuya Neko lumipat kami ng bahay, Sabi ni Daddy para mabilis na makamove on kasi hindi daw gugustuhin ni Kuya Neko na maging malungkot kami. Isa na rin siguro yun kaya madali namin natanggap yung pagkawala niya.

Sa Hallway sa ikalawang palapag, makikita mo yung malaking potrait ng pamilya. Tumigil lang ako dito saka to nakangiting pinagmasdan.

" Ang gwapo mo talaga kuya Neko, I miss you." bulong ko.

SI VANESSA

Napangiti lang ako habang naglalakad sa loob ng sementeryong yun habang may hawak na bulaklak. Pakiramdam ko nasa runway ako with my 4 feet tall red stiletto highheels plus my long blonde hair.

Victoria secret fashion show?

Pag dating sa tapat ng puntod na yun, nilagay ko lang yung bulaklak.

" Hey girl, I miss you."

ITUTULOY

Author's note: Thank you Young sa help sa story na to, sa mga ideas and thanks sa lahat ng nagbabasa at sumusuport sa xoxo. Love you guyssss mwuaahh mwuaah! We do have a private group in facebook, just search "bluerose".

please like, vote, share, comments and subscribe! haha jebal!

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails