Followers

Tuesday, August 18, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 10

 

XOXO

Keith and Kibo

Chapter 10

There is a story behind everything, how a picture got on a wall, how a scar got on your face. Sometimes the stories are simple, and sometimes they are hard and heartbreaking. But behind all your stories is always your mother's story, because hers is where yours begins. - Mitch Albom, for one more day.

" I'm gonna rape you or you're gonna rape me?" ngiti niya, napalunok lang ako, shit mauubusan ako ng laway dahil sa ginagawa niya. Pano nangyare lumalabas sa bibig ng ganito kainosenteng mukha yung mga salitang yun. Naestatwa lang ako ng hawakan niya yung dalawang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi.

" Sagot?" ngiti niya ng maghiwalay yung labi namin.

Damn this teeny weeny!

Aktong ilalapit ko na yung mukha ko ng marinig ko yung pagkatok sa pinto.

Damn who the hell is that!

Napapikit lang ako sa gigil saka nakagat yung labi ko.

" Kainis, I really want to do this." bulong ni Kibo, kita ko lang yung inis niya ng lumingon sa pinto habang tuloy pa din yung katok dito. " I'm gonna kill kung sino man yan nasa labas ng condo mo." saad niya saka humiwalay sakin at tinungo yung pinto.

Humugot lang ako ng malalim na hininga, whoever you are I hate you!

Ilang araw ko ng iniimagine sa utak ko yung tagpong to tapos mauudlot nanaman?

Damn it! Ipon na ipon na.. baka sa sobrang dami nito malunod na sya.

Nang silipin ni Kibo kita ko lang na natigilan sya saka dahan dahan binuksan yung pinto.

" Magandang tanghali po Mrs Miranda." bati ni Kibo dito, napatayo naman ako.

" Mom?!"

" Kibo, what are you doing here?" tanong nito.

" Uhm kasi po ano..aahh." Tarantang saad ni Kibo saka lumingon sakin.

" Maglulunch po kami." pilit na ngiti ko, hanggang mapansin ko yung condom na nasa sofa. Aktong uupuan ko to ng bigla tong kunin ni Kibo. Oh Shit!

Ano ba ginagawa ni Mommy dito?

Ngayon lang sya pumunta na andito ako.

" Well, I thought magkikita kaming dalawa ni Kibo sa lobby ng 1pm, medyo napaaga ako kaya umakyat muna ako dito."

" May usapan po kayo?" nagtatakang tanong ko, kita ko naman na tumango sakin si Kibo.

" Uhm may sinend sya sakin na picture ng antique shop, sasamahan niya daw ako." ngiti ni Mommy. " Di ko alam na close kayo?"

" Uhm, dito na po ako sa building nakatira kaya minsan po sumasabay po ako ng lunch kay Keith, nakakalungkot po kasi mag isa kumain."

" Uhm okay, so naglunch na kayong dalawa?"

" Not yet po." napapakamot na saad ni Kibo.

" Let's go, treat ko kayong dalawa." kita ko naman na nagliwanag yung mata ni Kibo, itong piggy na to basta pagkain talaga eh!

" talaga po?"

" Yeah, let's go Keith?"

" Uhm mom kasi-"

" Uhm Actually si Keith po talaga yung nakakita nung antique shop na yun. Naalala ko po na mahilig kayo sa mga lumang vase kaya sinend ko po yung picture."

" Ako nakakita?" kunot ang noong saad ko, kita ko naman na pinanlakihan niya ko ng mata. " Ahh yeah nakita ko nga po yun." saad ko saka nakagat yung labi. The hell!

" Talaga anak? Okay bihis ka na. Kain tayo sa labas."

Ano ba naisip ng teeny weeny boy nato, simula ata ng umalis ako sa bahay ngayon ko lang ulit nakaharap ng personal si Mommy. It's not about na ayaw ko sya makita, pakiramdam ko lang hindi ako kumportable kapag nasa paligid sya.

Fine, I don't wanna see her!

Ano ba ginagawa ng minions na to, alam naman niya na hindi ko gustong makita si Mommy!

Pagkabihis ay dumeretso lang kaming tatlo sa francia, hindi ko alam kung kakausapin ko sya o ano, si Kibo naman tahimik lang habang hawak yung phone niya. Haggang isa isang dumating yung order namin at magsimula kumain.

Sya pala tumawag kay Mommy bakit ang tahimik niya?"

" So kamusta anak?"

" Uhm okay lang po."

" Sabi ni Queenie, nagrereview ka na uli para kumuha ng board?" Marahan lang akong tumango. " Matutuwa Daddy mo."

" I'm sure po na maipapasa po ni Keith yung board, halos di na minsan sya natutulog sa pagrereview." sabat ni Kibo, inis naman akong lumingon sa kanya. " nakaenrol din po sya sa review center so I'm sure lahat ng hirap niya mag papay off na this time."

" Mukha ngang close kayong dalawa."

" Kibo." saad ko pero ngumiti lang sya sakin saka tinuloy yung pagkain.

" Kayo po kamusta?" Maya maya tanong ni Kibo habang nakatingin sakin. " Di ba po tumigil na kayo sa pagwowork?"

" You stop working na?" lingon ko kay Mommy.

" Yeah, a year ago. Nasa bahay nalang ako, nagluluto, nag gagarden." ngiti niya. " I am full time Mom na , anak. Nagluluto ng breakfast, lunch, Dinner. Sana Keith, makauwi ka na sa bahay."

" So you finally realize that you are actually a mother." sarkastikong bulong ko, umiwas naman to ng tingin. " Narealize mo din kaya na may asawa ka?" mahinang saad ko.

" Keith." saad ni Kibo.

" Uhm, I'm just kidding." pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung labi ko. " Yeah, nagrereview ako para sa board. So far, I think maipapasa ko naman sya."

" That's good to hear Keith." natigilan lang ako ng tumunog yung phone ko, pag bukas ko nakita ko lang yung message ni Kibo. Address nung antique shop na sinasabi niya.

" What this?" bulong ko sa kanya.

" Uhm Mrs Miranda, I have to go na po. Kailangan ko po kasing pumunta sa school eh." saad nito, oh shit! " Si keith po nakakaalam nung lugar, masasahaman niya po kayo. " ngiti pa niya, nakita ko naman yung tingin ni Mommy sakin.

" Kibo." inis na saad ko.

" Nakwento po ni Keith kung gaano po kayo kapassionate sa collection niyo pero bukod po dun, miss na po kayo ng anak niyo. Sobrang miss." saad ni Kibo, nakagat ko lang yung labi ko saka umiwas ng tingin. " So, enjoy your time po."

" Salamat Kibo." saad ni Mommy.

" Una na po ako, salamat po sa treat." tango pa niya saka tumayo. " Keith, bye."

" I hate you." bulong ko sa kanya pero natawa lang sya. Naiwan naman kami ni Mommy sa mesa na walang imikan. Shit! Ano ba pag uusapan namin?

Kung pwede lang magpakain sa lupa ng mga sandaling yun, ginawa ko na.

" Goodluck sa board." saad ni Mommy, marahan naman akong tumango. " Lalo kang gumawapo."

" Yeah, I know."

" Namiss kita Keith."

" Ako rin po." tango ko saka humugot ng malalim na hininga. " Haixt di ko talaga kaya." iling ko saka tumingin kay Mommy. " I'm sorry, I can't do this. Di ko po kayang magpanggap na we are okay."

" Keith."

" I want to be honest mom, I hate you and you know that." seryosong saad ko, marahan naman syang tumango. " I really hate you, may karapatan naman po akong magalit sa inyo di ba?" mahinang saad ko, hangang di ko na napigilan yung luha sa mata ko. " Mom, I hate you."

" Damn it, finally nasabi ko rin sa inyo yun, I really hate you."

" I'm really sorry." mahina niyang saad kaya umiba lang ako ng tingin. Tahimik lang akong umiyak habang ilang minutong walang nagsalita sa pagitan naming dalawa.

Paglabas namin sa resto ay tumuloy lang kami sa kotse niya.

" Here is the address." pakita ko sa kanya ng text ni Kibo. " And Kibo lied, I don't know anything about this." Saad kong sa labas ng kotse nakatingin. " Never ako nag kainteres sa mga base na collection mo."

" Bakit ginagawa to ni Kibo?"

" I don't know." kibit ko ng balikat, nagsimula naman syang magdrive. Bakit ba kasama ko sya ngayon, Bumabalik lahat ng alaala sa utak ko.. damn it!

Agad ko lang pinunasan yung luhang nagsimula nanaman tumulo sa mga mata ko.

" Ginagawa mo parin ba yun?" mahinang saad ko.

" Hindi na." saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga. " I know isa ako sa mga dahilan kaya umalis ka sa bahay, your Dad never told you to leave."

" Atleast you know."

" Matutuwa Dad mo kapag umuwi ka na sa bahay."

" Mom, ano po nagawang masama ni Dad?" saad ko, nakagat ko lang yung labi ko para pigilan yung hikbing gustong kumawala sakin. " Mahal na mahal niya po kayo."

" Keith."

" I once asked him kung nangbabae ba sya, he said he never imagined doing that to you kasi sobrang mahal na mahal ka niya at mamatay syang ikaw lang yung babae sa buhay niya. So how could you do that to him, how could you do that to someone who really loves you. How could you!"

" I'm sorry."

" I was 12 years old nung unang nakita ko kayo kasama ng ibang lalake, I know you saw me that night. Do you think hindi kita nakilala? Well that is my wish. Sana di kita nakilala nung gabing yun. Pero alam mo masakit Mom, I know you, Mom tinandaan ko lahat nung tungkol sayo. From you nails to your hair. Your nose, your lips, everything about you para kung sakaling mawala uli ako, mahahanap ko kayo. I was really scared tuwing hindi ko kayo nakikita."

" Keith I'm sorry. " tinigil naman niya yung kotse sa tabi ng kalsada.

" I saw you kissing another guy, pilit ko pinaniniwala yung sarili ko na it's dad. Sabi ko sa sarili ko na si Daddy yung kahalikan mo pero hindi eh, because that night. Dad prepares a suprise for you for your anniversary."

" Mom, hindi mo lang isang beses ginawa yun. Paulit ulit, sa tuwing ginagawa niyo yun.. bakit lagi kong nakikita, bakit?"

" Ngayon, I can finally ask you this. Nagtaksil ba sa inyo si Dad kaya niyo ginagawa yun?" lingon ko sa kanya pero marahan lang syang umiling. " Then why!!" gigil na saad ko. " Mom, why! Anong ginawa ni Daddy, sabihin niyo sakin para maintindihan ko kayo. Sabihin niyo kung bakit kailangan lokohin niyo si Dad. May nagawa ba sya, nagkulang ba sya?"

Kita ko lang na sumandal sya sa upuan saka pinunasan yung luha sa pisngi niya.

" It was me, it's just me Keith. Walang kasalanan yung Daddy mo."

" Anong dahilan, make me understand bakit mo yun ginagawa?"

" I was crazy, I hate your Dad, I really hate him." bulong niya. " Our marriage was just arranged by our parents, It was never love that brought us together. Well for me, Simula't simula mahal na ko ng Daddy mo."

" May mahal kang iba?" tanong ko pero marahan lang syang umiling.

" I wish I had, Pero wala."

" I came from a broken family. My Dad is successful bussiness man, while my mom is lives in u.s and have her own family. I never knew what family is, I was never love so I don't know what love is and I don't see anything that makes sense in my life. I was just like existing for no reason."

" Mom."

" Then they arranged our marriage, pumayag ako. Kasi I felt useless, We got married, have two kids." tango niya. " But one day I came to the point that, I want to be happy. For once in my life, I Asked for happiness."

" Hindi ka ba naging masaya to have us? To have queenie, to have me?"

" I am."

" But we are not enough?"

" I was really crazy, your dad knows all my affairs."

" He knows, at wala syang ginawa?"

" He said he wants me to be happy, And I hate him for allowing me to do that. I hate him for allowing me to hurt him, I hate him for allowing me ruin our family, he could've just stop me pero di niya ginawa. Di sya nagalit, I hate him for loving me and never ask to love him back!"

" Then one day, I came home with bruises all over my body. I was almost murdered by my boyfriend, Your Dad did'nt ask me anything. He just hugged me. That's when I realize that I was actually with the man that I learned to love. I was with the man who loves me no matter what. I am happy, and I am so blind that I don't see it. " kita ko lang yung tuloy tuloy na luha sa mga mata niya.

" Keith I hate my life, I really hate it at dahil dun, hindi ko nakita kung gaano kayo kahalaga sakin. Kung gaano ko kayo kamahal."

" I am unhappy my whole life that I forgot what happiness is. Nagfocus ako sa lahat ng negative na nangyare, nakalimutan ko na kayo ni Queenie yung magandang nangyare sa buhay ko."

" Keith I'm really sorry that you saw all of that, I am sorry for hurting you, for hurting your dad, queenie. I am really sorry."

" I know nagkamali ako, but I am trying to be a better person now. I'm trying to be a mom and to be a wife to your Dad, I really don't know how but Keith susubukan ko. Gusto ko subukan, gusto ko kasi mahal ko kayo and I found my happiness now..It is our family." saad niya kasabay ng luha.

Umiwas lang ako ng tingin saka hinawakan yung kamay niya.

" Keith, I'm really sorry."

" I love you mom." bulong ko, naramdaman ko naman yung paghawak niya sa kamay ko. Ilang sandali pa kaming nabalot ng katahimikan. " I miss you." saad ko kasabay ng hikbi.

SI KIBO

Nilibot ko lang yung tingin sa loob ng kwarto na yun, ramdam mo sa bawat sulok nito yung lungkot, yung bawat luha na tumulo mula sa taong ikinulong yung sarili sa sakit at galit sa mundo.

Nang tumapat ako sa painting na nasa dingding, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko.

"This is the most beautiful painting I have ever seen."

Pero sa likod ng malungkot na mukha ay may taong gustong ngumiti at maging masaya.

Umupo lang ako sa kama saka binuksan yung maliit na cabinet sa gilid nito hanggang mapukaw ng isang makapal na salamin sa mata yung atensyon ko, kinuha ko lang to saka kunot noong tinitigan.

" What's this?" bulong ko.

SI ALLEN

" Got it." saad ko sa kabilang linya habang nilalagay sa isang paper bag yung mga librong ginamit ko sa pagrereview sa board. " Yeah andito lahat." saad ko saka binalik sa bulsa ko yung phone ko. nakasimangot naman akong lumabas sa kwarto.

Hay Kibo, kundi lang kita mahal.

" What is that?" tanong ni Mommy ng makasalubong ko sya sa sala, marahan lang akong umiling saka sya nilampasan. " Allen, naglunch ka na ba?" rinig kong tanong niya, humarap lang ako saka marahang tumango.

" Okay." saad nito, humugot ako ng malalim na hininga saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Pagsakay ko sa kotse isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.

Hanggang muling tumunog yung phone ko, agad ko naman tong sinagot.

" Yung mga notes mo? Kasama dyan?"

" Opo."

" Salamat Kuya Allen." saad niya.

" This is not free, I need a kiss later." saad ko.

" Tapon mo na yan, maghahanap nalang ako sa iba!" inis na saad niya na ikinatawa ko.

" Joke lang!"

" Pagluluto nalang kita, wag na yung intimate, Wala ng skinship pwede?"

" Niyayakap naman kita dati ah kahit nung di pa tayo, bakit ngayon hindi na pwede?"

" Shut up, kita kits nalang sa bahay later."

" Di ba wala kang pasok ngayon?"

" Yeah, I'm here sa classmate ko. Naglilive stream kami ng games. Wanna watch?"

" Sure, send mo sakin yung links."

" Hindi ka naman mahilig sa games eh."

" Pero mahilig ako sayo."

" Kuya Allen, gusto mo bang di na makapasok sa bahay ko?"

" Just Kidding!"

" Oh sige na Bye!" saad niya, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko saka nagsimula magdrive. Halos isang oras din ako nagbyahe ng makarating sa isang building. Pagkababa ng kotse ay agad ko lang dinial yung number ni Jessica.

" Where are you, I am already here."

" Pumasok ka na babe, kararating ko lang din." saad niya, nilibot ko naman yung tingin ko sa parking lot hanggang makita ko yung kotse niya sa di kalayuan.

" Okay." saad ko saka pinatay yung phone ko, tumuloy lang ako pumasok sa building hanggang makita ko yung Dress shop na yun.

" Goodmorning sir." salubong sakin ng staff, tinanguhan ko lang to saka pumasok. Naabutan ko lang si Jessica na nakaupo sa malaking sofa habang may hawak na magazine.

" I'm sorry I'm late."

" I just got here actually, 5 minutes so it's okay." kibit niya ng balikat.

" So nakapili ka na ng wedding gown?" tanong ko saka tumabi sa kanya, sinandal naman niya yung ulo niya sa balikat ko habang nakatingin sa mga wedding gown na nasa magazine. " Wala ka pang napipili?"

" Mom want me to wear her old wedding gown, I don't like the design."

" So tinangihan mo yung gown?"

" Of course, so ngayon hindi ako kinakausap ni Mommy for almost a week babe."

" Why don't you consider it?"

" It is ugly."

" Do you have a picture of the gown?" tanong ko marahan naman syang tumango saka pinakita sakin yung picture sa phone niya. It's a ball gown na merong long sleeves. I can see some diamond thing sa design nito. " It looks okay?"

" How is it okay?" ngiwi niya. " look the sleeves are too long, plus papunta na sya sa turtle neck. We are living in a tropical country and you want me to wear something like that? Baka bago ako makarating sa altar inaatake na ko ng hika ko dahil sa bigat at pagkasakal."

" Sabagay." natatawang saad ko.

" I want a minamalist gown, like simple white you know I'm not into a princess like wedding dress. That's not my thing and most important is I want a dress that I am comfortable wearing. Kung pwede nga lang mag jeans sa kasal, gagawin ko eh."

" You look beautiful kahit anong dress pa suotin mo." ngiti ko sa kanya.

" Really, kamusta nga pala yung pagtira mo dun sa friend mo?"

" Okay lang, we are both busy kaya di rin kami magtagpo minsan."

" Uhm okay, nag aaral sya di ba?"

" Yeah."

" I had a talk with your Dad Yesterday, He asked me if there is a possibility to do the wedding as soon as possible, like maybe this year?" saad niya, umiwas naman ako ng tingin. " Well for me it's fine but I told him that theres a lot of things to prepare so I don't think it's possible, besides you are busy with your on going project. "

" Yeah."

" But he said that your project in graceland actually will last for two years, And pwede naman sya magtake over kung magbakasyon tayo."

" Our contract is 1 year and 9 months."

" What do you think, can we do the wedding this year?"

" It's up to you." ngiti ko sa kanya.

" Well, sakin walang problema."

" Ikaw bahala." tango ko sa kanya, kita ko naman na napangiti sya.

" So it's a yes?" Excited na saad niya, marahan naman akong tumango. Agad naman niya kong niyakap saka mabilis na hinalikan sa labi. " Thank you Babe, I'm really excited about our wedding, I'll contact our organizer and planner. I want a wedding in November."

" Okay." tango ko.

" Wait, I really have to decide what wedding gown I will wear. I want to be the most beautiful bride for you." ngiti niya.

Pagkatapos namin sa dress shop ay kumain lang kami sa resto ng dinner. Jessica is perfect, everything about her is perfect...Pero hindi ko magawang maging masaya. Nang matapos kumain ay tumuloy na sya sa sasakyan niya.

" See you sa office Babe." ngiti pa niya sakin, isang ngiti lang yung binigay ko sa kanya hanggang makaalis yung kotse niya sa parking lot.

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumuloy sa kotse ko, pagpasok ay tumungo lang ako sa manibela hanggang maramdaman ko yung mga luhang nag uunahang tumulo sa mga mata ko.

" Neko, ito na ba talaga yung tadhana ko?" bulong ko. Gigil lang akong lumabas ng kotse ko saka binuksan yung trunk at may kinuha ng itim na box dito.

Pagbukas ay tumambad lang sakin yung ilang box ng sigarilyo at lighter.

Ilang sandali ko lang tong tinitigan.

" You know your Mom have an astma, why do you have cigarete here! I told you papatayin kita kapag nakakita ako ng alak o kahit sigarilyo sa pamamahay ko di ba!" sigaw ni Daddy kasabay ng isang sampal dumapo sa mukha ko, nanatili naman akong nakatungo.

Kumuha lang ako ng yosi sa itim na box na yun saka to sinindihan, sumandal ako sa kotse saka pumikit habang dinadama yung paghithit ko ng sigarilyong yun.

" Allen, you can be whatever you want, I'm sure one day you'll wake up and find that you are the person you dreamed of." ngiti ni Neko habang nakaakbay sakin. " Maniwala ka lang, kasi ako naniniwala ako na kaya mo." tapik pa niya sa balikat ko. " And you don't need this." kuha niya sa sigarilyong hawak ko.

" Pero nababawasan yung sakit when im smoking."

" Look." turo niya sa beranda ng bahay nila, sinundan ko naman yung tingin niya. Nakita ko lang si Kibo habang nakaupo, nakaheadset sya at halatang kumakanta. " Look at his smiles, tingnan mo lang yan mawawala lahat ng sakit." Saad niya. " Papakasalan mo yung kapatid ko di ba, so stop it." ngiti niya, marahan naman akong tumango.

Napailing lang ako ng maalala yung tagpong yun saka binitawan yung sigarilyo at tinapak tapakan.

For the last two years, Everytime na kailangan ko ng mga ngiti ni Kibo. Pumupunta ako sa school niya, palihim syang pinagmamasdan. Palihim na sumusulyap sa mga ngiti niya at sa loob ng dalawang taon. Si Kibo lang yung nag iisang tao nakahawak sakin para di ako liparin at patuloy na ngumiti at lumaban.

I Want him... I really love him.

Hindi ba pwedeng kami nalang.

But atleast I can kiss him kapag tulog sya, he still a heavy sleeper.

SI KIBO

Nakangiti lang akong kumaway ng makita yung kotse ni Allen, agad lang akong lumapit dito at binuksan yung pinto.

" Hindi ka naman na nunuod nglive stream eh." saad ko pagpasok sa kotse.

" Uhm may tumawag kasi, Sorry." ngiti niya. Nilingon ko naman yung paper bag na nasa backseat. " Nanjan lahat, kahit mga personal notes ko sinama ko na."

" Thank you." ngiti ko sa kanya. " Ang bait mo talaga."

" Kay Keith mo yan ibibigay noh?"

" Kanino pa nga ba?"

" Alam mo parang natatandaan ko yang boyfriend mo." saad niya, nakagat ko naman yung labi ko saka nayakap yung sarili. " Hoy what happened?"

" Yung iniisip ko palang na boyfriend ko na sya, kinikilig ako." ngiti ko sa kanya.

" Yeah, fine." tango niya.

" What are you saying about Keith?"

" I think, nagkasalubong or nagkita na kami ni Keith before. Di ko lang matandaan kung saan but I'm sure nagkrus na yung landas naming dalawa." saad niya habang deretsong nakatingin sa kalsada. " bakit ba hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita."

" Maybe sa Chekko, madalas sya nasa counter dun."

" Maybe." kibit niya ng balikat.

" How's your day." ngiti ko hanggang may maamoy akong kung ano sa sasakyan niya. " Kuya Allen, Naninigarilyo ka na uli?"

" Uhm, nagstop na ko pero kanina mejo stress kasi kaya yun. Pero di ko naubos yung isang stick." ngiti niya, inirapan ko lang sya. " Yeah, I know."

" Kung buhay si Kuya neko, baka nasapak ka na nun. Sabi niya di ba, Kung mahal mo yung mga tao sa paligid mo. Never smoke."

" Opo." Tango niya, kumuha lang ako ng buble gum sa bag ko saka inabot sa kanya. " Take this, you know naman na I hate the smell of cigaretes di ba." simangot ko, kinuha niya lang to saka sinubo. Nagspray naman ako ng konting pabango. " Stress sa trabaho?" tanong ko, marahan naman syang tumango.

" Smile ka naman, para mawala yung stress ko." lingon niya, binigyan ko naman sya ng matamis na ngiti.

" Ganito?" saad ko kita ko lang na napangiti sya.

" I want a hug sana, kaso bawal sabi mo eh."

" Uhm friendly hug, pwede. Dali." ngiti ko saka binuka yung mga kamay ko. " hug kita, mukhang kailangan mo eh." kita ko lang na humugot sya ng malalim na hininga saka yumakap sakin, ramdam ko lang yung pag hilig ng ulo niya sa balikat ko. " Kaya mo yan, I'm here." saad ko saka hinimas yung likod niya. Hanggang maramdaman ko yung paghikbi niya.

Aktong hihiwalay ako ng yumakap pa sya sakin ng mahigpit.

" Ayoko makita mo kong ganito." bulong niya.

" Okay lang, wala na si kuya neko but I'm here." ilang sandali pa kaming nasa ganung pwesto hanggang dahan dahan syang humilay saka nagpunas ng luha. " Tara, uwi na tayo?" ngiti ko.

" Di ka magtatanong?"

" I'm not kuya neko, so baka di ka kumportableng magkwento sakin kaya ayoko magtanong."

" Salamat." ngiti niya, kinindatan ko naman sya.

" Bayad na ko sa reviewer mo huh." approve ko sa kanya, natawa lang sya saka pinaandar yung kotse. " I'm sure matutuwa si Keith dito."

SI TREY

" I think Keith likes Kibo." saad ko habang nakatingin kay Allen at Kibo na magkaharap na nakaupo habang umiinom ng milk tea. " Hoy naririnig mo ba ko?" Kalabit ko kay Vanessa na nakatitig din sa dalawa.

" Am I seeing a God?" bulong niya na tila wala sa sarili, napailing lang ako. She's hopeless. " Trey."

" What?"

" Wala pa ko sa heaven di ba?" natawa lang ako saka pinitik yung tenga niya, kita ko naman na lumingon sya sakin kasabay ng matalim pa sa kutsilyo na tingin.

" You're asking if you are in heaven, so chineck ko lang." ngiti ko.

" Ang sakitttttt!" hawak niya sa tenga niya na ikinatawa ko. " Demonyo ka talaga eh!"

" Wag mo kasi masyado titigan, baka mapanis yang allen na yan."

" Fuck you! masakit talaga yung pitik mo."

" Serrey, Pero di talaga ko makapaniwala na may gusto si Keith kay Kibo? Pano yun nangyare, Si Keith na sobrang babaero tapos biglang magkakagusto kay Kibo?"

" Sabi mo nga di ba, kung katulad ni Kibo kahit ikaw susubok?" saad niya, napatango naman ako habang pinagmamasdan si Kibo mula sa malayo. Totoo naman, There is something about him na parang ang hirap iresist, someone na lilingunin mo kahit halos mabali na yung leeg mo.

Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko, if kasing cute niya baka maguluhan din ako.

Napakalakas ng dating niya, di katakaran pero iba yung mga mata..

" Paxerox ko kaya si Kibo, Parang gusto ko din kasi ng isa?" saad ko pero binatukan lang niya ko. " nananakit!?"

" but it's not about his look, I know Kibo is a good looking boy. Wait Look at his eyes." saad ni Vanessa. " Does it look sad?"

" Nope, for me It doesn't look sad at all." saad ko. " Mukha nga syang inlove."

" I mean si Allen."

" Si Kibo pinag-uusapan ah!" simangot ko sa kanya pero nagkibit lang sya ng balikat. " Makauwi na nga!" Saad ko saka hinubad yung apron ko at kinuha yung mga gamit ko. " Vanessa, I'm going."

" Yeah, alis na."

" Wala man lang thank you eh."

" Thank yow!" ngiti niya, napakamot lang ako saka humakbang papalapit kay Kibo at dun sa kasama niya.

" Hi, there."

" Trey." ngiti ni Kibo sakin, kinindatan ko naman sya kasabay ng ngiti. Saka nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at mariin tong tinitigan. "W-why?" nauutal na saad niya.

" What are you doing?" Tanong nung kasama niya.

" Confirm." kindat ko sa kanya, kita ko naman na napalunok sya.

SI KEITH

" How was it?" nakangiting bungad ni Kibo pagpasok sa condo ko, binigyan ko naman sya ng matalim na tingin. " Why? Di ba maganda pag-uusap niyo?"

" Bakit mo yun ginawa?"

" Uhm.."

" Bakit mo yun ginawa? Why?"

" Uhm Kasi-"

" kasi what?!"

" Gusto ko kayong magkaayos and para makapag explain na rin yung Mom mo."

" Sino ka ba sa tingin huh."

" Keith."

" Sino ka ba huh?!" Duro ko sa kanya pero tumungo lang sya. " Ano ba kita? Ano ba pakialam mo sa buhay ko!" asik ko sa kanya, kita ko naman na napatango sya pero nakuha pa din niya ngumiti. " Wala kang karapatan makialam sa buhay ko."

" Uhm, yeah wala nga." kibit niya ng balikat pero dinuro ko lang yung noo niya.

" I hate you!"

" Edi I hate you din." nguso niya.

" Kahit kailan ka talaga eh noh!"

" Hindi ba maganda yung pag-uusap niyo ng Mommy mo? I'm sorry akala ko lang kasi." nakatungo niyang saad. " But, I Promise. Susubukan ko uli."

" Susubukang alin?"

" Na magkaayos kayo?"

" You're crazy!" di makapaniwalang saad ko.

" Miss ka na nila, nakasabay ko sila sa lunch nung huling punta ko sa bahay niyo. Your dad, queenie, your Mom, miss ka na nila. Your Dad told me na sobrang miss niya na yung pinakamatalino niyang anak. Keith they miss you, hindi mo ba sila namimiss?"

" Kibo bakit ba lahat ng panget sakin, alam mo? Bakit lahat ng ng panget na parte ng buhay ko yung nakita mo? Bakit lahat ng mali sakin yung napansin mo, Nakita mo kung gaano kasama ugali ko, kung gaano ako demonyo sa mga nakarelasyon ko, kung paano ko sila niloko, pinaasa, iniwan at sinaktan."

" Uhm I don't know." kibit niya ng balikat.

" Nakita mo kung paano ko bastusin si Mommy sa harapan mo."

" Yeah, I saw it. Asshole." simangot niya. " Muntikan na nga kita mabatukan eh."

" Alam mo kung gaano ako ka bobo kasi sinadya ko ibagsak yung board ko."

" You have reasons."

" Kahit yung sakit ko alam mo! You know everything that makes me trash, do you still like me?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.

" Yeah." tango niya.

" Tanga ka ba! Kasi kung gusto mo pa din ako sa kabila ng lahat ng yun! You're dumb! Napakatanga mo."

" Nagmamahal lang." saad niya, nakagat ko lang yung labi ko habang nakatingin ng deretso sa kanya. Kakaiba talaga sya and I hate it!

" Hindi ako tanga Keith, ganun lang kita kamahal." ngiti niya.

" Bwiset ka talaga eh noh!" asik ko sa kanya, nakakabwiset talaga tong teeny weeny na to!

" Mas bwiset ka!"

" Baliw ka!"

" Mas baliw ka!" gigil na saad din niya habang masama tingin sakin, pero niyakap ko lang sya. " Tapos mangyayakap ka?! Ahhhh naiinis ako!" padyak niya pa.

" Ayaw mo?"

" Gusto!" bulong niya, napangiti naman ako ng maramdaman ko yung pagyakap niya sakin. " Higpitan mo pa please?" rinig kong saad niya, hinigpitan ko naman yung yakap ko sa kanya.

" Thanks, Kibo."

" For what?"

" Okay na kami ni Mommy." aktong hihiwalay sya ng higpitan ko yung yakap sa kanya. " basta okay na kami, wag ka na makulit."

" I am so happy." saad niya saka hinigpitan yung yakap sakin. " I'm really happy."

" Salamat."

" Pwedeng sex nalang kapalit?" saad niya, natawa naman ako saka humiwalay sa kanya. " Tuloy na natin? Wala na nanaman sigurong istorbo." saad niya, ginulo ko naman yung buhok niya. " Why?"

" Mahal mo ba talaga ko?" tanong ko na sinagot naman niya ng sunod sunod na pag tango. " Kibo, May nararamdaman ako sayo." seryosong saad ko, kita ko naman yung pamimilog ng mata niya. " Maybe it's love, I don't know."

" Are you serious?"

" I don't know, Kibo I want to have sex with you.. sobra, gustong gusto ko pero-"

" Bakit may pero!?"

" Be honest, mahal mo ba ko kaya gusto mo makipagsex, o libog lang talaga kaya gusto mo may mangyare satin. Nakikita mo ba yung sarili mo na karelasyon ako? O sex lang talaga gusto mo? Gusto mo ba ko makasama habang buhay, o sex lang talaga?"

" Ang serious naman."

" Kibo, Just answer it. Ask yourself, Sex lang ba?"

" Uhm."

" So sex lang?" tanong ko pero nagkibit lang sya ng balikat saka humugot ng malalim na hininga. " Kibo."

" honestly, Hindi ko nakikita yung sarili kong karelasyon ka, hindi ko nakikita yung sarili ko na kasama ka habang buhay."

" Why?"

" Kasi I'm gay." bulong niya, natitigan ko naman yung mukha niya.

" And so what if you are gay?"

"People like me, don't have a happy ending. Love? Yung salitang yan, imposible yan sa mga katulad namin."

" Why do you say so?"

" Kasi we are different." nakatungo niyang saad, hinawakan ko naman yung baba niya saka tinaas yung mukha niya hanggang magtama yung mata naming dalawa.

" How are you different from me?"

" Keith, bakla ako."

" And?"

" Hindi ako normal."

" So sex lang habol mo sakin, sabi mo kanina mahal mo ko?"

" Yeah, pero asking you to love me back is way too much. Don't worry, kung makakita ka ng girl na gusto mo. I'll be fine, kung magkakaasawa ka. Okay lang sakin, Maiintindihan ko. Nung tinanggap ko na bakla ako, tinanggap ko na din na yung love, yung magkapamilya, yung may makasama habang buhay, Yung may kasama sa pagtanda." ngiti niya kasabay ng pagpatak ng luha sa mata niya. " Tinanggap ko na hindi sya mangyayare sakin."

" Kibo."

" But it's okay." ngiti niya. " I'm okay with that, maybe it's my destiny. Nakatadhana sya siguro sa mga katulad namin and it's fine."

" Kibo."

" Ang sad ng reality namin noh?" ngiti niya. "My reality is different from yours but it's okay. Basta invite mo ko sa wedding mo, support kita whatever it is. Yung art mo, pangako I will always be your fan."

" Kibo mahal kita." saad kong deretsong nakatingin sa mga mata niya.

" And I love you too."

" So what's the problem, why are you crying? Bakit sinasabi mo na wala kang makakasama habang buhay? Bakit sinasabi mo na tatanda ka mag isa? Bakit sinasabi mo na hindi ka pwedeng magkapamilya eh nandito ako? "

" Huh?"

" Ang sinasabi ko, mahal kita." seryosong saad ko, kita ko naman yung tingin niya sakin, saka umiling.

" Joke yan?"

" Gusto mo masaktan?!" asik ko sa kanya. " Di ka tatanda mag isa, di ka maiiwan kasi magkasama tayo."

" What are you talking about Keith."

" Mahal nga kita!"

" Ayoko umasa."

" Pwes umasa ka, kasi mahal kita at nakatali ka na sakin habang buhay." ngiti ko sa kanya.

" Forever? Baliw ka na ba? Wala ka bang balak magkapamilya?"

" Meron, tayong dalawa? pwede tayo mag ampon or mahanap ng pwedeng magiging nanay..vitro fertilization."

" whats that?"

" Syempre nagresearch na ko kung paano tayo magkakababy, I want a family too. Maghahanap tayo ng girl na pwede maging nanay ng baby natin, then our sperm using vitro. Magkakababy na tayo." ngiti ko sa kanya, kita ko lang yung titig niya sakin.

" Baliw ka na ba?"

" Bakit?"

" Let's just have sex, okay na sakin kahit walang forever."

" Nope." duro ko sa noo niya pero agad niya tong hinawi.

" Pero Keith."

" Walang pero pero." ngiti ko saka kinurot yung pisngi niya " You are so cute."

" Keith!?"

" What?"

" Are you serious?"

" Damn serious!"

" Ayoko!"

" Why?"

" Kasi.. Keith masaya ako na mahal mo ko but wag naman habang buhay, hindi ako papayag na matali ka sakin kasi I want you to have a normal life, I love you and I want you to be happy."

" Ikaw yung happiness ko, so you want me to be with you?" ngiti ko.

" Keith!"

" Sex lang habol mo sakin di ba, Well I can't give you that now."

" WHYY!" nanlalaki ang matang saad niya.

" This is the first time that I want my relationship to actually work out, I want you and me." turo ko sa kanya. " Forever." ngiti ko. " Ipapasa ko yung board, magtatrabaho, mag iipon saka kita papaksalan."

" Kasal! Keith baliw ka na pa nga!"

" No, I'm not. So wala munang sex." saad ko pero nagulat ako ng tinulak niya ko habang gigil na nakatingin sakin. " What are you doing?"

" gagahasain ka." sarkastikong ngiti niya, napalunok naman ako.

" Kibo, stop it."

" No, stop me?" himas niya sa dibdib ko, napalunok naman ako.

" Kibo, stop." gigil na saad ko hanggang mapaupo ako sa sofa, ramdam ko lang yung pag iinit ng tenga ko ng mga oras na yun.

" So mahal mo ko, lets see." ngiti niya saka nilapit yung mukha niya sa mukha ko, lumunok lang ako saka pumikit. Oh shit!

" Kibo, stop please?"

" Tell me, why should I stop?" bulong niya, ramdam ko lang yung hininga niya sa mukha ko.

" Believe me, gustong gusto ko. But please, not now." saad ko hanggang maramdaman ko yung paghimas niya sa pundilyo ng pantalon ko kung saan sa ilalim nito ay andun yung tigas na tigas ko ng alaga. " Kibo."

" It's really huge."

" Please prove to me na posible yung forever satin, na yung love story natin ay hindi lang magiging tungkol sa sex. Kibo please?"

" I want you to have family, And I will never ruin that." saad niya, idinilat ko naman yung mata ko saka gigil na tumingin sa kanya saka sya mapusok na hinalikan. Tumayo lang ako habang magkalapat yung labi namin hanggang makarating kami sa kwarto. Gigil ko lang syang tinulak sa kama.

" I want you to be my family, At sisiguraduhin kong mangyayare yun!" ngiti ko sa kanya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

" Keithhhhh!" sigaw niya saka sumunod sakin.

" tara kain tayo." nakangiting saad ko paglabas niya.

" Please, ituloy na natin?"

" Pag naipasa ko yung board, kahit araw araw, oras oras.. sayo na yung buo kong katawan." saad ko kita ko naman yung tingin niya sakin pababa. Natawa lang ako. " I promise! Mula umaga hanggang pagtulog ibibigay ko sayo. Rape me, do whatever you want sa katawan ko. Kahit itali mo pa ko sa kama! Go!"

" Are you serious?"

" Dyan sa sofa, sa kama o kahit sa cr. Kahit saan mo gusto, kahit in public pa basta hayaan mo muna ako ipasa yung board ko, hayaan mo muna buuin ko yung sarili ko, let me fix myself first. Gusto ko maayos ako kapag ginawa na natin to, I want to be the perfect man na maipagmamalaki mo, gusto ko may maipagmamalaki na ko kapag hinarap mo ko sa parents mo."

" Keith."

" And I want to marry you."

" Ano ba Keith?!"

" And I will never allow you to have sex with me hanggang hindi mo ko nakikita na makakasama mo ko habang buhay. This is the first time na naging serious ako kaya how dare you ruin that!"

" galit ka na niyan?"

" Yeah." tango ko sa kanya pero isang ngiti lang yung binigay niya, agad naman akong tumalikod saka nagmamadaling lumabas ng unit ko.

" Keith!" habol niya sakin, natatawa naman akong bumalik saka sya hinila papunta sa elevator.

" I hate you!"

" Ang cute mo talaga." gulo ko sa buhok niya. " San mo gusto kumain?" pero binigyan niya lang ako ng matalim na tingin.

" AHHH!!" hampas niya sakin.

And this is the start ng habulan namin sa unit ko, minsan nakakatulog nalang kami sa pag aaway, He tried to rape me for so many times, buti natatakasan ko. Lagi niyang sinusubukan hubaran ako kapag natutulog but I'm a light sleeper kaya mabilis ako magising, He even tried to handcuffed me sa kama pero buti nalang dumating si trey. I was saved!

Fine, I let him touch my dick.. Oh goodness and everytime na gagawin niya yun..gusto ko nalang sya hubaran at gahasain.

Pero hindi niya alam kapag tulog sya, ako gumagahasa sa kanya. My God, tao lang ako and I can't help na hindi sya pagnasaan.

Kung ako lang, I really want to have sex with him. Sobra, sobrang hirap pigilan yung sarili ko pero gusto ko baguhin yung tingin niya sa mundo, gusto ko patunayan sa kanya na walang kasarian ang pagmamahal.

Na posible yung habang buhay sa mga katulad niya, na normal sya, na hindi sya maiiwan mag-isa. Na hindi sya iba at higit sa lahat na pwede syang mahalin.

At papatunayan ko yun sa kanya.

Months later.

Napatayo lang saka nagsuot ng tshirt ng marinig yung katok sa pinto, napangiti lang ako ng makita si Kibo na wala ding pang itaas na damit habang natutulog sa kama ko.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko lang yung lalake na parang mag aalok ng issurance ang suot.

" Dyan uli natulog si Kibo?" saad nito, napailing lang ako ng mabosesan to.

" He's sleeping." Ngiti ko, and my only way para ilayo si Kibo sa octopus na to ay pilitin sya na dito matulog sa unit ko. " What do you want?"

" Here." abot niya sakin ng maliit na enveloped na kulay gold.

" Wedding invitation?"

" Halos di na kami nagkikita ni Kibo so pakibigay, paki paalalahanan sya na best man sya huh, baka kasi nakakalimutan niya. Pagkatapos niya magpasukat ng damit, di ko na sya nakita."

" Okay, congrats sa wedding." ngiti ko sa kanya.

" Goodluck din sa exam mo, so oras na di mo maipasa yun."

" What?"

" Wala, alis na ko."

" Bye." ngiti ko, at ikakasal na sya so makatulog na ko ng mahimbing kapag hindi dito natutulog si Kibo. Ilang beses din ako nakatulog sa condo nila, ikakamatay ko yung sobrang pag iisip na baka gahasain ng octopus na yung minions ko!

SI KIBO

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang nakatingin sa paper bag na nasa kama ko. Binaba ko lang yung bag ko saka tiningnan yung loob nito.

Next week na yung exam niya eh!

" Bwiset." simangot ko saka to gigil na kinuha at nagmamadaling lumabas ng unit dala to. Humanda talaga sya sakin! Pagdating sa tapat ng unit ni Keith, pinindot ko lang yung code saka agad tong binuksan.

Pero napangiti lang ako ng makita syang nakatapis lang ng tuwalya.

" OH SHIT!" gulat na saad niya. " Nakauwi ka na pala." saad niya saka agad pumasok sa kwarto. Sinundan ko naman sya saka sya pinanuod magbihis. " Kibo lumabas ka."

" Ayaw."

" Dali na." Saad pa niya, gigil ko naman na hinagis sa kama yung paper bag. " Ay sabing ayoko gamitin yan eh!"

" Keith, Galing yan sa naging top 3 ng board exam, bakit ba ayaw mo?"

" Kasi galing yan sa ex mo." simangot niya.

" Paano kung bumagsak ka huh!"

" Ipapasa ka yun kahit magkamatayan pa! Wala kang tiwala sakin?"

" Wala!"

" Matalino kaya ako, makakapasa ako promise! Papaputol ko daliri ko kapag bumagsak ako."

" Siguraduhin mo lang."

" Oo nga!"

" May pangako ka sakin kaya ihanda mo na yung sarili mo huh. Sa sofa, sa kama, sa cr at kahit sa public pa. Oras oras, minu minuto." ngiti ko sa kanya, kita ko lang na napalunok sya. " Make sure you eat healthy foods para malakas ka, kasi baka di mo ko kayanin."

" You're a virgin, baka unang round palang sumuko ka na." ngiti niya.

" Try me."

" Let's make a bet?"

" Sure!" ngiti ko, lumapit naman sya sakin. Saka nilapit yung bibig sa tenga ko.

" Baka nakakalimutan mo kung gaano kalaki to." bulong niya, nakagat ko lang yung labi ko saka sya tinulak.

" Gusto mo magahasa huh!" asik ko sa kanya, kita ko lang na natawa sya saka ako tinulak palabas ng kwarto at agad tong sinara. Gigil ko lang sinipa yung pinto niya. "Arrgggg I Hate you!" gigil na saad ko pero muling bumukas yung pinto, binato niya lang yung paper bag.

" Keithhhhh!!!!

SI TREY

" Found you." ngiting saad ko habang nakatingin sa profile ng instagram na yun, hanggang makita ko yung picture ng dalawang lalake habang nakaabay yung isa sa mas bata. " But unfortunately, I'm late?" natatawang saad ko saka kinuha yung enveloped ng pera sa drawer ko.

" So sa kanya ko na ba 'to ibibigay?" saad ko habang sinusuri yung mukha ng nakababata nitong kapatid.

ITUTULOY

Author's note: Thanks sa help young, laking help mo seriously..haha  and sa lahat ng nagbabasa, sobrang thanks sa support, Share your thoughts, please comment, vote and like! mwuah mwuah

And yung bs! Kalma haha parating na haha







No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails