Followers

Thursday, May 31, 2018

Tok-Hang 21 (B2)



By Michael Juha
getmybox@hotmail.com


Madilim, Mahalumighig, At Makipot Na Yungib

Tuwang tuwa ang mga estudyante. Nagbunyi sila sa tagumpay ng kanilang rally. Sa tantiya nila ay nasa mahigit limang libong estudyante ng unibersidad ang dumalo at aktibong sumuporta sa kanilang ipinaglaban. May mga magulang din silang nakitang nakisimpatiya. Hindi nila inaasahan ang ganoon kainit na pagsuporta ng mga estudyante. Sa buong kasaysayan ng unibersidad, noon lang nila nakita ang ganoong kapulidong pakikiisa ng mahigit sa kalahating populasyon ng eskuwelahan. At ang ikinatutuwa pa ng mga dumalo, naging concert ito at mistulang isang dance party pagsapit ng hapon.

Sa apartment ni John tumungo ang magbarkada pagkatapos ng rally. Inimbitahan din nila si Shane, ang bise presidente ng student council na siyang namuno. Nandoon din ang iba pang mga student leaders na todo ang pagsuporta. Sa pagtitipon nilang iyon ay itinuloy nila ang kanilang kasiyahan. Nag-inuman, nagkantahan, nagkuwentuhan sa kanilang sunod na mga plano. Alam nila kasi na sa ugali ng Dean, hindi ito basta-basta na lang tatanggap ng pagkatalo.

Ibinahagi ni Shane ang kanyang planong pagsampa ng kaso sa Dean. Hihikayatin din niya ang mga estudyanteng nabidyuhan at nakasave ang mga litrato sa desktop ng Dean. At si John ay magsasampa rin ng kasong pamba-blackmail ng Dean sa kanya at kay Timmy.

Sa pagtitipon nilang iyon sa apartment ni John ay ramdam pa rin nila ang euphoria sa hindi inaasahang tagumpay. Madaling araw na nang matapos ang kanilang kasiyahan. At halos lahat ay lasing nang umuwi.

“Tulog na tayo, Tok.” Ang sambit ni John nang nagsiuwian na ang kanilang mga bisita.

“Puwede. Pero i-explain mo muna nang maayos iyong video ninyo ng Dean. Dalawa iyon. Una ay iyong hinalikan ka niya. At pangalawa, iyong sa ibabaw ng kama, na nagsex kayo.” Ang sagot ni Timmy.

Kinabahan na naman si John. Hindi kasi niya alam kung paano ba talaga i-explain. “Ano ba ito? Pabalik-balik na lang!” ang sagot ni John na biglang nakamot ang ulong hindi naman makati. “Di ba nag-explain na ako sa iyo? At hindi pa ba sapat iyong presentation nina Jeff na magaling mag edit at mag-photoshop iyang Dean natin?” ang sagot niya.

“Oo. Pero iyong halikan ninyo… photoshop din iyon?”

“Di ba sa video ay naputol? Iyon iyong time na kumalas ako, Tok! Bigla na lang niya kasi akong hinalikan at kaya niya pinutol iyon ay dahil nagalit ako sa kanya. Maniwala ka!”

“Puwede…” ang sagot ni Timmy na tumango-tango. “Eh, iyong nasa kama? Iyong naghalikan at pagkatapos ay pumatong siya sa iyo, at itinaas-baba pa angkanyang ulo sa iyong pagkalalaki?”

“Nakita mo ba ang mukha ko?”

“Paano ko makikita, pumatong siya sa iyo eh.”

“Iyong video scandal natin sa CR na pinaikot niya. May mukha ba tayo? Wala, di ba? Parho lang iyon, Tok…”

“At bakit ka naman nagpunta sa bahay niya at hindi mo pa sinabi sa akin?”

“Tok… di ba ayokong mahinto ka sa pag-aaral dahil alam kong pangarap mo iyan at iyan din ang pangako mo sa iyong inay? Kaya ako na ang gumawa ng paraan. At kung bakit hindi ko sinabi sa iyo ay dahil ayaw kong mag-worry ka.”

Hindi na sumagot si Timmy. Bagamat nasiyahan siya sa paliwanag ni John, hindi niya maiwasan na magtanim pa rin ng pagdududa.

Kaya sa gabing iyon, kagaya ng tagumpay nina Shane sa kanilang rally laban sa Dean, nagtagumpay din si John na sisirin ang madilim, mahalumighig, at makipot na yungib kung saan ay naroon ang bantog na underground river ng Palawan… sa tumbong ni Timmy.

Kinabukasan ay mainit na pinag-uusapan sa campus ang rally ng mga estudyante na nahantong sa isang public party. Masaya ang mood nila, ramdam pa rin ang euphoria at pride ng mga dumalo sa kanilang pakikiisa sa isang dakilang layunin para mapatalsik ang tyrant at mapang-api na Dean. May umiikot ding bulong-bulongan na pinatawag na raw ng Presidente ng Unibersidad ang Dean.

Sa isang sulok ng student center, habang nag-uumpukan ang barkada nina Timmy at pinag-usapan pa rin ang kanilang ginawa, dumating si Shane. “May good news at bad news ako sa inyo, guys!” Ang sambit niya sa grupo.

“Ano iyon, Shane?” ang tanong ni Timmy.

“Galing ako sa office ng university president. He scolded me for initiating the rally nang walang pahintulot. Pero later, he went on to praise me and the students...” nahinto siya sabay tawa “…of course sa grpuo ninyo or your bravery in exposing the serious violations of the Dean that not even he thought the Dean could do.”

“Wow! Congrats sa atin!” ang sigaw ni Jeff.

“And the good newas...” ang dugtong ni Shane, “…napatalsik na ang Dean. Effective sa araw na ito!”

“Yesssssssss!!!” doon na sumigaw ang buong grupo. At si Joy ay talagang tumayo, sumayaw ng Gangnam, walang pakialam kahit maraming estudynteng nakatingin sa kanya. Si Aaron naman ay pinatugtog ang kanyang cp ang kantang gangnam.

Nagtawanan ang grupo.

“Ano ang bad news?” ang tanong ni Jeff.

“Magsampa rin ng kaso laban kina Jeff, Joy, at buong team na nagbukas sa kanyang computer, isama rind aw ako sa kaso at sa iba pang mga student leaders.”

Nahinto sa pagsasayaw si Joy. “Ano raw ang bad news?” ang tanong niya.

“Sasampahan ka raw ng kaso ng Dean dahil sa unauthorized na pagbukas mo sa kanyang computer?”

Tiningnan ni Joy si Aaron sabay sabing, “Music please at budots budots naman ang kanyang isinayaw.”

Tawanan uli ang grupo habang pinatugtog ni Aaron ang Budots na music mula sa kanyang cp, ang ibang estudynte naman ay aliw na aliw kay Joy na nang-engganyo pa sa ibang mga estudyante na sabayan siya sa pagsasayaw. At syempre, iyong ibang estudyante na mga baliw at naaliw kay Joy ay nakisayaw na rin.

“Ano ang plano ninyo ngayong magsasampa pala ng kaso ang Dean?” ang tanong ni Timmy.

“Wala. Mas madiin siya kapag itutuloy niya iyan dahil magsilabasan ang mga testigo at ang mga baho niya. At isa pa, may kaso din naman tayo sa kanya eh.”

“Sabagay. At sa Baguio rin daw, magsasampa ng kaso ang kinakapatid ni John na si Jeremy.”

“Siguradong hindi na makapagturo ang hayop na Dean na iyan.” Ang sagot ni Shane.

“Kumusta naman ang presidente ng student council, pare?” ang pagsingit ni Jeff.

“Nagkausap din kami… at ang sabi niya ay nagsubmit na siya ng resignation sa Dean ng Student Affairs,”

“That’s better. Feeling ko kasi, masyado siyang pormal na tao, out of touch sa reyalidad ng mga problemang kinakaharap ng mga estudyante. Palibhasa kasi, anak mayaman, at parang takot makisalamuha sa masang estudyante. Indecisive pa at walang sariling paninindigan.” Ang sambit ni Jeff.

“Sanay kasi siya na ang lahat ng bagay ay may gumagawa para sa kanya. Kaya pati desisyon niya para sa student council ay inaasa niya sa kanyang mommy.”

“Iyan ang napala niya. Dapat sana ang mommy na lang niya ang nagpresidente.

Tatango-tango naman ang ibang miyembro ng barkada.

“So congrats, pare… Ikaw na ang student council president.”

“Salamat. Pero hintayin na lang muna natin ang official announcement galing sa opisina ng Dean of student affairs.”

***

Isang gabi, ilang araw ang nakalipas pagkatapos ng rally, naghanda ng mga ebidensya para sa kaso na ipa-file nila sina Jeff at Joy sa apartment ni John. Kinalkal na nila ang files ng mga litrato na na-kopya ni Joy galing sa computer ng Dean. Inisa-isa nilang tiningnan at pinag-aralan ang mga litrato ng mga estudyante. May mga babaeng estudyanteng naroon, ngunit ang karamihan ay mga lalaki, at mga guwapong lalaki. Pati si Timmy ay naroon, naroon din sina Jeff, Aaron at Daniel. At ang mayroong pinakamaraming litrato ay si John. Kahit mga litrato niya noong bata pa siya ay naroon din.

“Talagang obsessed ang animal kay Hang!” ang sambit ni Joy. “Hindi na nahiya!”

“Selos ka lang Joy!” ang biro ni Aaron.

“Ba’t ako magseselos! Natikman ko na kaya silang dalawa ni Tok at Hang!” sabay din bawi, “Charing!”

Sa mga laman na files ng Dean ay may mga controversial na kuha rin, kagaya nang may lalaking nakahubad, kitang-kita ang ari, may naghahalikang lalaki at babae, may naghahalikan ding kapwa lalaki. At iyong nagtatalik na dalawang lalaki sa CR na ikinabit sa video nina Timmy at John at naging viral na scandal, naroon din. Nakilala na rin nila kung sino ang mga nasabing estudyante ngunit pinipixilized na lang ni Joy upang hindi mabunyag ang kanilang pagkakilanlan at hindi sila mapahiya.

Halos matapos na sila sa pag sort out sa litrato ng mga estudyante at pag-match sa kanilang mga pangalan nang biglang napako ang paninigin ni Joy sa isang litrato. Inusisa niya ito nang maigi at inilapit pa ang kanyang mukha upang maklaro niya ito.

Ngunit nang na-kumpirma niya sa kanyng mga mata kung sino ang nasa litrato, dali-dali rin niyang pinindot ang minimize na button upang itago ang nasabing litrato.

Ngunit nakita ni Timmy ang kanyang ginawa. “Ano iyon Joy?” ang tanong niya.

“Eh… w-walang kwentang litrato, Tok…” ang sagot lang ni Joy na hindi ipinahalatang nag-alala siya.

“Patingin nga!” ang paggiit ni Timmy habang inabot ang mouse ng computer.

“Huwag mo nang pag-aksayahan ng time iyon, wala iyon.” Ang sagot naman ni Joy na pilit inilayo ang mouse sa kamay ni Timmy.

Lalong nagtaka si Timmy sa inasta ni Joy. Tinitigan niya si Joy. “Gusto kong tingnan ang litratong iyon, Joy. Akin na ang mouse.” Ang giit ni Timmy na seryoso ang mukhang nakatingin kay Joy.

Wala nang nagawa si Joy kundi ibigay kay Timmy ang mouse. Nang lumantad ang litrato, hindi lubos maisalarawan ni Timmy ang tindi ng kanyang galit. Ang nasa larawan ay si John. Nakaupo siya sa isang silya, nakayuko habang ang kumuha ng larawan ay nakatayo na nakaharap sa kanya. At ang ikinagalit ni Timmy sa larawan na iyon ay ang postura ni John. Wala siyang saplot sa pang-itaas na bahagi ng kanyang katawan, nakabukas ang zipper ng kanyang faded na maong na pantalon, bahagyang nakahawi ang kanyang puting brief at nakausli ang mahigit sa kalahati ng kahabaan ng kanyang pagkalalaki. At ang labis na ikinagalit niya sa litratong iyon… hinahawakan ng Dean ang ari niya habang nakaharap sa camera, nakangiti na parang nang-aasar, nang-iinggit at nag-V sign pa.

At hindi lang iyon ang litrato. May isa pang litrato kung saan ay ang mismong ari ni John ay isinubo ng Dean.

“Joy… paki-check nga kung photoshopped o edited ang litrato?”

Tinitigan ni Joy. Pagkatapos ay tinawag ang iba pang barkada. “Uy… tingnan niyo nga?” ang utos ni Joy.

Tiningnan ng barkada ang litrato. “O, sa tingin ninyo ay edited ba?”

Nagsitinginan ang barkada. Pagkatapos ay tiningnan nila si Joy. “Ikaw an gexpert d’yan eh!” ang sabay-sabay na sabi nila.

“Ano, Joy… authentic ba?”

Hindi makatingin-tingin si Joy kay Timmy. Nakasad-face na tumango.

Iyon lang. Hindi na nagsalita si Timmy na agad tumayo at tahimik na tumungo sa kanilang kuwarto ni John. Dahil panggabi ang pasok ni John, wala siya sa kuwarto.

Dali-daling nag-impake si Timmy. Inilagay niya ang mga mahahalagang gamit sa kanyang backpack. Habang nag-impake siya ay muling naglaro ang mga katanungan sa kanyang isip na pilit na sana niyang binura sa mga paliwanag ni John. Kung bakit pumupunta si John sa bahay ng Dean nang hindi man nagpapaalam sa kanya, kung bakit may mga pagkakataong medaling araw na siya kung umuuwi.

“Tol… sa bukid na ako matutulog.” Ang pagpapaalam ni Timmy kina Jeff, Joy at iba pang barkada na tumulong sa paghanda ng mga ebidensya. Bitbit na niya ang kanyang mga gamit na inimpake at handa na siyang umalis ng apartment.

“B-bakit? S-saan ka ba pupunta, Tok?” ang tanong ng barkada.

“Sa bukid.”

“Tok, huwag naman ganya, Tok. Huwag mo kaming iwanan dito, Tok…” ang pakiusap ni Jeff. Ginawa nila ang lahat upang pigilan si Timmy. Nagmakaawa pa si Joy na huwag magtanim ng galit si Timmy kay John at nagsorry pa siya dahil nakaramdam siya ng guilt dahil siya ang nakadiskubre sa litrato na iyon.

“Wala ka namang kasalanan, Joy. Mas maganda nga na lumabas ang lahat. Hindi ako galit sa inyo, wala akong sinisisi. This is between John and me at hindi kayo kasali. Kaya cool lang kayo.” Ang paliwanag ni Timmy.

“Kung ganoon, Tok…huwag ka nang umalis. Gabi na. Tutal ay wala naman si John eh.” Ang sambit naman ni Aaron.

“Ok lang, pare. Alam mo naman na matagal na ring hindi ako umuuwi sa bukid dahil nga hindi na kami nagkasabay ng schedule ni John, at panggabi na ang pasok niya. Pero ngayon… puwede na sigurong kahit ako na lang mag-isa sa bukid. Mas maganda para makapag-isip din ako ng maayos.” Ang sagot ni Timmy na binitiwan ang isang pilit na ngiti.

Dahil buo na ang isip niya, dali-dali siyang lumabas ng apartment. Hinabol pa siya ng Tito ni John upang ipapahatid sa paanan ng bundok ngunit tinanggihan ni Timmy ito. May dadaanan pa raw siya. Bago siya simakay ng tricycle, pinatay ni Timmy ang kanyang cell phone.

Pinahinto ang sinakyang tricycle sa karinderya kung saan ay una silang naging magkaibigan ni John. Iyon iyong araw kung saan ay binugbog ni John ang class president ng kabilang section nang siniraan niya ang inay ni Timmy. Galit na galit pa si Timmy noon kay John. Ngunit sa ginawa niyang pagtanggol kay Timmy, lumabot ang puso niya. Sa restaurant na iyon nangyari ang una nilang pagiging magkaibigan. Nag-inuman sila. Nalasing si Timmy at kinarga ni John pauwi sa bahay nila sa bukid. At ang sumunod na mga pangyayari ay bahagi na ng kasaysayan.

Umurder si Timmy ng tatlong beer at kanin. Habang umiinom siyang mag-isa, abala naman ang kanyang isip tungkol sa mga pinagdaanan nina John simula nang naging sila. Mayroong mga babaeng nagtangka kay John sa eskuwelahan, mayroon din sa Roxas City nang nag stop-over siya roon sa paghahanap sa kanyang inay, mayroon din siyang girlfriend sa Maynila... ngunit sa isang bakla na nasangkot sa kanya, iyo pa lang sa Dean ang nangyari. At ito ang pinakamatinding sakit na kanyang naramdaman.

Binitiwan ni Timmy ang isang malalim na buntong-hininga. Litong-lito pa ang kanyang isip at hindi alam ang kanyang gagawin.

Madilim ang daan na binaybay ni Tokhang, ang kanilang kabayo. Matagal-tagal na ring hindi naka-uwi si Timmy sa kanyang dampa sa bukid. Naalala pa niya ang huling tagpo nila ni John doon. Silang dalawa lang sa bukid noon dahil wala nang banta sa kanila noong Felix Alberto. Sa huling araw nila ay naligo sila sa ilog at doon kumain sa may pampang. Kinagabihan ay muli na naman silang bumalik sa pampang at doon nag-inuman. Tinamasa nila ang sariwang hangin at ninamnam ang tahimik na kapaligiran. Inangkin nila ang ganda ng kalikasan. Iyon ang huling gabi nila bago nila iniwan ang bukid upang doon pansamantalang manirahan sa apartment ni John.

“Ang sarap talaga dito sa lugar mo, Tok ano? Presko ang lahat, tahimik, napakaganda ng tanawin… Dito sa bukid ninyo, wala ka nang mahihiling pa. Hindi nga nagkamali ang inay mo sa pagbili ng lupang ito.” Ang naalala ni Timmy na sinabi John sa kanya sa huling araw nila sa bukid.

Binitiwan ni Timmy ang isang matipid na ngiti. “Hinding-hindi ko ito ibebenta kahit ilang milyon pa ang i-offer na halaga sa akin. Ito lang ang natitirang alaala ko sa aking inay.” Ang sagot naman ni Timmy.

Kinabukasan noon ay bumaba na sila sa bukid upang doon na manatili sa apartment ni John habang tinatapos nila ang semester dahil magkaiba nga ang ibinigay sa kanila ng Dean na schedule ng klase.

Nahinto ang pagmumuni-muni ni Timmy nang nakarating na siya sa kanyang lugar. At laking gulat niya nang mapansin ang kaibahan ng lugar. Wala na ang kanyang dampa at sa halip ay isang semi-concrete na bahay ang kanyang nakita. May ilaw ang bagong bahay na iyon at nang tiningnan niya ang gilid ng bahay ay naroon ang generator na bigay ni John kay sa kanya nang namatay ang kanyang inay. Iyon ang ginamit na pampailaw ng bagong bahay.

Dali-daling tinumbok ni Timmy ang dating pinagtitirikan ng bahay niya. Maliban sa mga itinambak na gutay-gutay na kahoy, nipa na dating atip, wala na siyang iba pang palatandaan na doon nakatayo ang bahay niya. Pati ang kanyang mga pananim na gulay ay kung hindi man pinatag, pinagtatabas. Mabuti na lang at ang mga alagang manok at hayop niya ay naibenta niya bago sila umalis. Ang iba naman ay ipinamigay sa kapitbahay.

Sa galit ni Timmy ay agad niyang pinuntahan ang bahay. “Tao po! Tao poooo!!!” ang sigaw niya.

Isang lalaki ang lumabas. “Ano po ang kailangan nila?”

“Sino po ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na magtayo ng bahay dito sa lupa ko? At sino po ang sumira sa bahay namin?” ang sigaw ni Timmy.

“Huwag mo akong sigawan, Totoy! Itong lupa na ito ay matagal nang pagmamay-ari ni Mr. Felx Alberto. Siya ang amo ko at pinayagan niya ako at ang aking pamilya na manirahan dito upang bantayan na rin ang lugar. Magtatayo siya ng piggery rito. Ako ang mamamahala.” Ang sagot ng lalaking nakatira sa bahay na nasa mahigit 40 ang edad, sunog ang balat at halatang sanay sa mabibigat na trabaho.

“Ako po ang may-ari ng lupang ito at matagal na po naming pag-aari ito!” ang sagot ni Timmy.

“Puwes ilabas mo ang iyong katibayan. At huwag mo akong sisigaw-sigawan dahil malilintikan ka. Nandito ka sa aking teritoryo at baka sa ilog ka pupulutin kapag nagkataon!” ang galit na banta ng lalaki.

Hindi na nakipag-argumento ni Timmy. Alam niyang delikado ang buhay niya kapag pinatulan niya ang lalaki. Wala siyang kalaban-laban. Kaya bumalik na lang siya sa bahay ng mag-asawang Alicia at Nardo, tagapag-alaga kay Tokhang kapag wala sina Timmy at John sa bukid.

Nagulat ang mag-asawa nang muling bumalik si Timmy. Ikinuwento ni Timmy ang nangyari sa kanilang lupa sa bukid.

“Diyos ko! Ang bilis naman! May apat na buwan na bang nawala kayo?” ang tanong ni Aling Alicia kay Timmy.

“Mga ganyan na po.”

Napatingin sa isa’t-isa ang mag-asawa. “Marami nang nabiktima ang Felix Alberto na iyan. Isang bigtime negosyante kasi iyan at kapatid ng gobernador. Malakas din ang kuneksyon niyan sa mga pulitiko dito sa lalawigan natin.” Ang sabi naman ni Mang Nardo.

“Nakita niyo na ba siya?” ang tanong ni Timmy.

“Hindi pa. Kadalasan ay mga tauhan lang niya ang pinapupunta rito. Ang ginagawa niyan ay aangkinin ang mga lupa na sa bukid na walang nagbabantay. Tatakutin ang mag-ari at pagagawan ng kumpletong papeles ang lupa na aangkinin niya. At dahil mahihirap ang biktima, wala nang habol. Ngunit kapag maghahabol naman, pahihirapan niya. Kung may pera, ipatutubos niya. At milyones ang bayad sa pagpapatubos, depende sa laki. Paano matutubos iyan ng mahihirap? Saan sila kukuha ng milyones?”

Biglang natahimik si Timmy. Sa isip niya ang malaking tanong kung saan siya maghahanap ng pera na ganoon kalaki. At sa gayong sitwasyon pa na galit na galit siya kay John. Alam niyang hindi niya kayang basta-basta na lang ibigay ang lupa na iyon. Sobrang mahal niya iyon dahil iyon lang ang natitirang alaala niya sa kanyang namayapang inay. Kahit nga ang dampa nila ay hindi niya ipina-kunkreto dahil ayaw niyang masira ang iniwang alaala. Ngunit sinira rin ito ng tauhan ni Felix Alberto.

“Tao po! Tao po!” ang biglang narinig nila.

Nahinto sila sa kanilang pag-uusap at pinakinggang mabuti kung sa kanilang bahay nga ba ang nag “Tao po.”

Nabosesan ito ni Timmy. Kaya binulungan niya ang mag-asawa. “Mang Nardo, Aling Alicia... si John iyan. Kapag hinanap niya ako, huwag po ninyong sabihin na nandito ako.”

“Ano ang sasabihin ko?” ang tanong ni Aling Alicia.

“Basta po, hindi ninyo ako nakita. At kapag kukuhanin niya si Tokhang, ibigay niyo lang po.”

“Magandang gabi John. Ikaw pala iyan?” ang pagbati ni Aling Alicia nang binuksan niya ang pinto.

“Magandang gabi rin po, Aling Alicia!” ang sagot ni John.

“Kukunin mo ba si Tokhang?”

“Ah... H-hindi po ba umuwi si Timmy sa bahay niya sa bukid?” ang tanong ni John.

“H-hindi naman.”

“Ah... kaya po pala nandito pa rin si Tokhang.”

“Oo nga John. Hindi ka ba tutuloy sa bukid?”

“Ah... hindi na lang po. A-akala ko kasi, nandoon si Timmy. K-kung nandoon siya ay aakyat po ako.”

“Bakit? Hindi ba kayo magkasama?”

“Magkaiba po kasi ang klase namin, Aling Alicia. Sige po, aalis na lang po ako.”

“Nag-aaway ba kayo?” ang tanong ni Aling Alicia.

“M-may konting tampuhan lang po.”

Hindi na nagtanong pa si Aling Alicia. Umalis din kaagad si John.

Nang wala na si John ay hindi na umimik ang mag-asawa. Naramdaman nilang may tampuhan nga ang dalawa. At dahil gabi na, inanyayahan nilang doon na lang muna magpalipas ng gabi si Timmy sa bahay nila.

Sa gabing iyon ay mistulang sasabog ang utak ni Timmy sa dalawang malalaking dagok at problemang dumating sa buhay niya – sa kataksilang ginawa ni John at sa pagsira at pag-agaw ng isang Felix Alberto sa bahay at lupa niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Hanggang sa nabuo rin sa isip niya ang isang desisyon.

Kinabukasan ay maaga siyang umuwi sa apartment. Dumeretso siya sa kuwarto nila ni John. Nang nasa loob na siya, naroon si John na tulog pa ngunit bigla ring nagising nang naalimpungatang siya ang pumasok ng kuwarto.

“Saan ka nagpunta kagabi, Tok?” ang tanong n John.

“Wala ka na roon. At hindi ako nagpunta rito dahil sa iyo.” Ang sagot ni Timmy.

“Ano ba ang problema?” ang tanong ni John.

“Nagmaang-maangan ka pa. Iyan ang ayaw ko sa iyo eh. Alam mo ang problema tapos ako ang tatanungin mo? Ano ‘to? Gaguhan?”

“Puwede naman nating pag-usapan iyan, ‘di ba? Magpaliwanag ako sa iyo.”

“Huwag na. Pagod na ako sa mga paliwanag mo.”

“Inaamin ko naman, Tok. Mali ako sa hindi ko pagsabi sa iyo na pumunta ako sa bahay ng Dean. Pero alam mo naman na iyon ay para lang hindi tayo niya i-expel sa unibersidad eh, lalo na ikaw.”

“Sinabi ko nang ayaw ko nang makinig sa mga paliwanag mo eh!” ang bulyaw ni Timmy. “Nandito lang ako dahil gusto kong makipag-usap sa Tito mo. May sasabihin ako.”

“O-okay… okay” ang sagot ni John. “Ngayon na ba?”

“Ngayon na… bago ako pumasok ng eskuwelahan.”

Dali-daling bumalikwas si John at tinungo ang kuwato ng Tito niya. Kinatok ito at ipinarating ang sinabi ni Timmy. Dahil nakahanda na rin ang almusal, doon na nila dinala si Timmy sa hapag-kainan.

“A-ano iyong gusto mong sabihin, Timmy?” ang tanong ng Tito ni John.

“Gusto ko pong pirmahan ang inheritance base sa last will and testament ng daddy ni John…”

Mistulang may sumabog na malakas na bomba sa harap ni John. Nagkatinginan sila ng Tito niya. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng Tito ni John na nagmamahalan ang dalawa.

“Ah, eh… k-kung iyan ang desisyon mo, Timmy. Walang problema. Effective pa naman iyon, hanggang sa kung kailan mo gustong pirmahan. Ikaw lang ang hinihintay.” Ang sagot na lang ng Tito ni John.

“Tok… ba’t naman ang bilis yata? Hindi mo man lang ba ako kinunsulta bago ka magdesisyon?”

“Ikaw ba ay kinunsulta mo ako nang nagpupunta ka sa bahay at nakikipag-inuman sa Dean?” ang galit at mabilis na sagot ni Timmy.

“Di ba ipinaliwanag ko na sa iyo iyan, Tok?”

“Iyong bagong litrato ninyo ng Dean? Paano mo ipaliwanag iyon?”

“Mag-usap tayo mamaya pagdating mo galing eskuwelahan. Hihintayin kita rito.”

“Huwag na.” ang sagot ni Timmy. At baling sa Tito ni John. “Tito, sana ay mapirmahan ko na siya kahit mamayang pag-uwi ko galing sa eskuwelahan?”

“Okay, okay. Ihanda ko na, pati ang listahan ng mga kumpanyang mayroon kang shares…”

“Ang bilis naman, Tok! Bakit? Gusto mo talagang maging legal na magkapatid tayo?”

“Ayaw mo noon? Libre ka na sa kung ano man ang gagawin mo?” ang sagot ni Timmy. At baling sa Tito ni John. “Salamat Tito. Mauna na po  ako baka ma late ako sa klase.” Ang pagpapalam ni Timmy na hindi man lang tinapos ang kanyang pagkain.

“Sige, Timmy. Ingat ka.”

Tumayo rin si John at sinundan si Timmy sa kuwarto nila. Nang nasa loob na sila, nilock kaagad ni John ang kuwarto at nilapitan si Timmy na kasalukuyang naghubad ng damit upang tutungo sa shower. “Ano ba itong drama mo, Tok? Kung gusto mo ng pera, may pera ako!”

“Bakit ako manghingi ng pera sa iyo kung may pera naman ako?” ang sambit niya habang itinapis ang tuwalya sa kanyang baywang.

“Ginawa mo lang ba iyan nang dahil sa galit mo sa akin?”

“Mr. John Iglesias, lahat na lang ba ng bagay ay umiikot sa iyo? Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ko! Kung ano ang probleman kinakaharap ko! Hindi mo alam! Wala kang alam! ”

“Puwes sabihin mo sa akin kung ano, Tok!”

“Pagkatapos ng ginawa mo? I don’t trust you! I don’t even know you now!” ang bulyaw niya habang tinumbok niya ang shower.

“You don’t know me? At pagkatapos ay pipirmahan mo ang inheritance ng aking ama?”

“Bakit hindi? Ibinigay niya ito nang kusa sa akin. Pangalawa, nalimutan mong muntik ko nang ikamatay sa matinding sakit ang panlilinlang niya? Ang pagtatrayador niya sa akin? This is his way of saying sorry to me. Tanggap ko na. Kaya ko pipirmahan ang inheritance niya dahil pinatawad ko na siya. Ano ang masama roon?”

Dali-daling pumasok si John sa shower kahit naka-damit at naka-shorts pa siya. Sa loob ng shower ay bigla niyang niyakap si Timmy. Nabasa ang damit ni John. Nagkataon namang puno pa ng sabon ang katawan ni Timmy pati na ang kanyang mga mata.

Inikot ni John ang valve upang maputol ang pagpatak ng tubig mula sa showr. “I love you, Tok. Ayokong maging legal na magkapatid tayo. Alam mo iyan!” sabay diin ng bibig niya sa mga labi ni Timmy.

“Tangina! Ang hapdi ng mata ko. Tubigggggggg!” ang sigaw ni Timmy habang nakipagsambuno siya kay John.

Ngunit mas malakas si John. Tinisod niya si Timmy dahilan upang mapahiga siya sa sahig ng banyo at hindi na niya maabot ang valve. Doon na siya pinadapa ni John atsaka dinaganan. At dahil nakahubad na si Timmy, dagdagan pa sa madulas na katawan nito dahil sa sabon, mabilis niyang maipasok ang kanyang pagkalalaki sa tumbong ni Timmy.

Mabilisan. Mahigit isang minuto lang at pumulandit na ang katas ni John sa kaloob-looban ng butas ni Timmy.

Wala nang nagawa si Timmy kundi ang pilit na tumayo pagkatapos ng ginawa ni John sa kanya. Hindi niya maipagkaila na bagamat may galit siya kay John, nag-init pa rin ang katawan niya sa ginawang iyon ni John sa kanya. Kitang-kita ito sa tirik na tirk niyang pagkalalaki na agad ding hinawakan ni John at isinubo iyon sa kanyang bibig.

Hinayan lang siya ni Timmy. Sa gitna ng kanyang galit ay nanaig ang init na naramdaman niya sa kanyang katawan. At kasabay sa pagbagsak ng tubig mula sa shower at pagkuskos niya sa kanyang buhok at mahapding mata, walang tigil naman ang paglabas-masok ang kanyang pagkalalaki sa loob ng bibig at lalamunan ni John.

Nang maramdaman niyang malapit na siya sa ruruk ng kaligayahan, sinunggaban niya ang buhok ni John kasabay sa malalalim na pag ulos niya sa bibig nito. Doon na rin niya naramdaman ang lalo pang pabilis nang pabilis na pagtaas-baba ng bibig ni John sa sa kanyang harapan. Hanggang sa hindi na niya natiis ang pagpulandit ng kanyang katas. At kasabay sa paninigas at pag-unat ng kayang kalamnan ay binitiwan niya ang isang pigil na ungol. “Ahhhhh! Ahhhhhh!”

Nilunok ni John ang lahat ng tamod ni Timmy. Nang nahimasmasan, tumayo siya, niyakap at hinalikan si Timmy sa bibig.

Hindi sinuklian ni Timmy ang yakap at halik na iyon ni John. Nanatili siyang parang tuod na nakatayo roon habang yakap-yakap ni John.

“I love you, Tok… Hindi ako papayag na maghiwalay tayo.”

Iyon lang. Hindi sumagot si Timmy. Nakasimangot na tinapos niya ang kanyang pagligo. Nagbihis siya astsaka walang imik na lumabas ng kuwarto.

Sa eskuwelahan naman ay walang tigil sa kakukulit ang barkada sa pagtatanong kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni John. Tinanong din nila kung saan siya natulog dahil tumawag daw si John sa kanila at sinabing hindi niya nakita si Timmy sa gabing iyon.

Ngunit nanatiling tahimik si Timmy. Sinarili niya ang kanyang matinding suliranin.

Nang nakabalik na si Timmy sa apartment pagkatapos ng klase, agad na inihanda ng Tito ni John ang mga papeles ng inheritance upang pirmahan ni Timmy.

Saksi si John, ang kanyang Tito at isang abugado sa pagpirma ni Timmy sa inheritance. Nang napirmahan na ni Timmy ang unang pahina, agad na tumayo si John at galit na nagsisigaw. “Putangina! Putangina! PUTANGINAAAAAAA!!!” at narinig na lang nila ang malakas na kalampag ng pagsara ng pinto at kalabog na tila pinagsusuntok na aparador.

Hinayaan na lang nila si John. Nang ipinihit na ng abugado ang sunod na pahina, binasa ito sandali ni Timmy at minuwestrahan ang abugado na hanggang doon na lang.

Napangiti ang Tito ni John kay Timmy. Doon siya bumilib kay Timmy.

“I-set natin sa crporate na abugado ang pag-orient sa iyo sa iba pang mga dokumento na kailangan mong malaman kagaya ng certificates of shares of stocks, mga pangalan ng kumpanyang may shares ka, corporate bank accounts, at iba pang mga dokumento na kailangan mong pag-aralan. At ang corporate lawyer na rin ang bahalang magpakilala sa iyo sa mga namahala ng kumpanya at negosyong may shares ka.” Ang sabi ng Tito ni John.

“Okay po, Tito!”

Binitiwan ng Tito ni John ang isang ngiti sabay bigay ng thumbs up kay Timmy.

Napangiti na rin si Timmy at sinuklian ang thumbs up ng Tito ni John.

Nang nakatalikod na si Timmy, napailing ang Tito ni John habang pinagmasdan niya si Timmy. Napahanga. “Talagang matalino ang batang ito.”

(Itutuloy)

Wednesday, May 23, 2018

Ang Roommate Kong Siga [13]


By Michael Juha


JJJ + J

Masaya ang gising ko sa umagang iyon. Magkatabi kami sa kama ni Jerome at nang iminulat ko ang aking mga mata, siya kaagad ang aking nakita. Tulog pa siya, nakatagilid na nakaharap sa akin, ang kanyang mukha ay halos idikit na lang niya sa aking mukha. Sa ilalim ng aking puting kumot ay nakapatong sa aking dibdib ang isa niyang braso at ang isa niyang paa naman ay nakapatong sa ibabaw ng aking hita. Kagaya ng nakagawian niya, naka boxers lang siya at dikit na dikit ang kanyang katawan sa aking tagiliran.

Sa likas na pagtigas ng aking ari sa umagang iyon, may kiliting bumalot sa aking katawan sa pagkakita sa kanya sa ganoong ayos. Mistulang may bumulong sa aking isip na sunggaban ng aking bibig ang kanyang mga labi o di kaya ay yakapin o lapastanganin ang kanyang pagkalalaki. Kung tutuusin ay kaya kong gawin iyon. Sa dami ba naman ng utang na loob niya sa akin at sa aming mag-ina. Siguradong hindi siya papalag. Subalit nanaig pa rin ang aking pagtitimpi. Ayokong masira ang respeto niya sa akin. Ayokong sabihin niyang sinamantala ko ang pagkakataon.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kanyang kamay na nakapatong sa aking dibdib. Pati na rin ang kanyang paa sa ibabaw ng aking hita. Nagising siya sa ginawa kong iyon. Iminulat niya ang kanyang mata at tiningnan ako. Ngumiti.

“Good morning.” Ang pagbati ko.

“Good morning...”  ang sagot din niya.

“Maliligo na ako.” ang sambit ko.

“Okay...”

Tumayo ako at tinumbok ang banyo. Kagaya ng nakagawian ay ako palagi ang nauunang maligo. Nang nakalabas na ako ng banyo ay nakita ko si Jerome na nakaupo na sa kanyang study table, nakatapis na ng tuwalya at hawak-hawak ang kanyang cp.

“Uy may text mate na ah!” ang biro ko.

“Ang mommy.” Ang sagot niya.

“Talaga?” Ang excited ko namang sagot. “Anong sabi?”

Iniabot niya sa akin ang kanyang cp at ipinabasa sa akin ang sagutan ng texts nila.

“Good morning po, Mom. Kumusta po ang araw ninyo. Ako heto, handa nang pumasok. Sana ay okay lang kayo.” Ang text niya.

“Mabuti naman ako anak. Okay lang ako, routine na trabaho, preparation sa school din ng mga kapatid mo. Anak may pakisuyo ako. Ako na ang magtext sa iyo or tatawag ha? Nandito ang asawa ko, napapansin niya ang message alert ng text mo. Baka mag-isip siya nang kung anu-ano. Pasensya na anak...” ang sagot ng inay niya.

“Okay po mom. Copy. No problem. Naintindihan ko po.” Ang sagot din niya.

Binitiawan ko ang isang matipid na ngiti. “At least nagtext na siya... May contact na kayo.” Ang sambit ko.

Tumango siya sabay tayo at tumbok sa banyo. Pinagmasdan ko pa ang umbok ng kanyang likuran habang tinumbok niya ang banyo. Nakakapukaw ng init ng katawan ang matambok na puwet niya.

Pagkatapos niyang maligo at makapagbishi ay tumungo kami sa mess hall, sabay na nag-agahan.

“Anong nangyari noong gabing sumama ka kay Kristel?” ang tanong ko habang nakaangkas sa backrider ng bisekleta niya patungo ng eskuwelahan.

“Sumali ako sandali sa kanilang grupo. Tapos, nagpaalam akong umihi. Alibi ko lang iyon upang makaeskapo. Hindi na ako bumalik. Lumabas ako sa KTV bar at naghanap ng mapagbilhan ng bulaklak atsaka tinungo ang bahay ng aking inay.” Ang paliwanag niya. “Tumawag ako sa iyo kaso hindi ka naman sumagot.”

“Oo nga. Naita ko ang mga misscalls mo kinabukasan. Pasensya na. Kumakanta kasi kami ng inay. At hindi naman ako nag-expect na tatawag ka. Akala ko ay nag-enjoy ka kina Kristel. Mukha naman kasing masaya ka na sinundo ka niya sa cubicle natin.” Ang sarkastiko kong sabi.

“Nageslos...” ang sagot lang niya.

“Di nga? Ang laki nga ng ngiti mo nang nakita mo si Kristel nang pumasok, di ba?”

“Magsalita ka pa at pahaharurutin ko itong bike. Iyong mas mabilis pa sa motorsiklo na nakilipagkarera.” Ang inis niyang sabi.

“O e di pahaharurutin mo.”

Ngunit nang akmang pahaharurutin na niya sana ang kanyang bike ay mabilis pa sa alas kuwatro na lumundag ako. Kaya nang pinaharurot na niya ang kanyang bike ay siya na lang mag-isa ang sakay. May ilang metrong layo na siya mula sa akin nang nilingon niya ako na tawa nang tawa sa kanya. Bumalik siya at nang nasa harap ko na, nakangiting tinampal niya ang ulo ko. “Akala ko ba ay gusto mong pahaharurutin ko ‘tong bike?”

“Akala mo lang iyon.” Ang sagot kong tawa pa rin nang tawa, hinaplos ang parte ng ulo kong tinampal niya.

“Sakay ka na! Tawa ka nang tawa d’yan, tangina!”

“Ayoko nga! Baka pahaharurutin mo pa iyan. Sakay na lang ako ng tricycle.” At tumalikod sa kanya at nag-abang ng masasakyan.

“Tsk! Magagalit ako sa iyo kapag hindi ka sumakay. Sige ka.” Sigaw niya.

Tiningnan ko ang mukha niya. Seryoso at matulis ang tingin sa akin. Muli ko siyang nilapitan.

Kunyari ay sumigaw siya iyong sinadyang ibulong lang salitang lumabas sa bibig, Iyong nang-iinis. “Bakla!”

Kaya muli akong tumalikod. “Ayoko ngang sumakay.”

Siya na ang pumadyak patungo sa akin. “Sige na. Di na kita tatawaging bakla... Beki na lang.” Ang sambit niyang halos puputok ang mga labi para sa isang tawa.

Doon ay mas lalo pa akong nainis. Ngunit sinuyo pa rin niya ako. “Sige na please...”

“Pabatok muna. Tsaka, magpromise ka na hindi mo paharurutin iyan.”

Nagpabatok naman siya. Nilakasan ko pa gamit ang aking kamay. Matapos ko siyang batukan nagpromise siya na hindi niya paharurutin ang bike niya. Kaya sumakay na ako. At tinupad naman niya ang kanyang pangako. Hindi niya pinaharurot ang kanyang bike.

“Anong binigay ng mommy mo sa iyo?” ang muli kong pagtanong sa kanya habang nakasakay na uli ako sa bike niya.

“Pera at numero niya. Iyon lang.”

***

Kinabukasan habang kumain kami sa mess hall, nag ring ang cp niya. Ang mommy niya ang tumawag.

“Yes Mom!” “Opo!” “Ok po! Sasabihin ko po!” ang narinig kong sabi niya.

Nang pinutol na niya ang linya, doon ko nalaman na aalis daw ang asawa ng mommy niya patungong Germany. May Board meeting at pagkatapos ay may i-meet na mga officials sa bagong open na branch ng kumpanya nila sa Poland at pagkatapos ay sa France naman. Isang buwan daw na nasa Europe ang kanyang asawa.

“Gusto niya na doon tayo magdinner sa kanila. Kasama si Steff.” Ang sambit ni Jerome.

“Di ba nakakahiya?”

Hinawakan niya ang aking kamay. “Mahiya ka lang kung hindi ako kasama. Atsaka nariyan si Steff. Atsaka ako.”

“Okay.” Ang sagot ko.

“Kinabahan din ako. First time kong makapunta sa bahay niya. Sigurado akong naroon din ang mga kapatid ko. Kapag naiisip ko lang ang eksenang makikit ako sila, nai-excite na ako. Kaso lang hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Kaya dapat ay naroon ka, moral support mo na rin sa akin.”

Tinawagan ko agad ang aking inay na na-excite din para kay Jerome.

Nakakahawa ang excitement na nadarama ni Jerome. Pati ang kanyang suot ay tinanong pa sa akin kung ayos lang ba.

“Mag long sleeves ka kaya, Jerome. Iyong puti mong long sleeved polo tapos hatakin mo ang sleeves pataas sa siko mo. O kahit mag sweat shirt ka, iyong puti na may stripes na asul sa dibdib, ang guwapo mong tingnan noon. Tapos, ang kapares ay iyong faded na maong at rubber shoes na puti.”

Sinunod niya ang payo ko. Nag-long sleeves siya. Ang guwapo niyang tingnan. Inayos ko ang buhok niya. At para termo kami, nag long sleeves na rin ako, faded maong na pantalon at puting sapatos bagamat ang kulay ng aking long sleeved polo ay light pink. Siya rin ang nag-ayos ng buhok ko.

Ala 7:00 ng gabi ay handa na kami. Dumating ang inay. “Ang gu-guwapo!” ang sambit niya.

“Hello!” ang pagbati ng inay ni Jerome sa amin nang nasa bungad na kami ng main door ng bahay nila. Naka-casual na damit lang siya, puting jeans at t-shirt. Napansin ko kaagad na namana ni Jerome ang kanyang kakisigan sa side ng kanyang mommy. Maganda ang mommy niya, matangkad din, kahawig na kahawig ang profile ng mukha ni Jerome sa kanya. Kuhang-kuha ang mga mata, ang ilong, ang bibig, At baling niya sa inay ko, “Oh you are Steff! You look so gorgeous, Steff!” ang sambit niya.

Tumawa naman ang aking inay at sumagot. “I know...” iyong pagkasagot na pagpapatawa.

Natawa na rin ang inay ni Jerome. “Palabiro ka pala Steff!” ang sambit ng inay ni Jerome sabay pakikipag beso-beso.

“Palabiro, yes. But the gorgeous thing? That is true. And you too, Mary Grace... magka-level ang ating ganda.”

Lalo pang tumawa ang mommy ni Jerome. “Grace na lang,...” ang sambit niya.

“You are so beautiful. And I know you know that too.”

“We share the same thing, Steff!”

Tawanan uli.

“So you are July...? Steff’s only son and Jerome’s, best friend?” ang tanong niya nang ako naman ang kanyang hinarap.

Nilingon ko si Jerome na tumango. “O-opo...” ang sagot ko na lang.

“Jerome tells so many things about you. And I thank yo so much for being there for him.” At baling niya kay Steff, “and of course, pati na sa iyo, Steff...”

“It’s okay Grace. Ano ka ba... kahit kanino as long as may maitutulong ako, it is always a happy thing to be of help.”

Nang si Jerome na ang nasa harap niya. Tinitigan niya ang anak atsaka niyakap. “Oh my Godddd! This is the first time na nayakap kita anak, hindi iyong nasa bintana tayong nagyakapan.” Ang sambit ng inay ni Jerome habang kami naman ay tumatawa. Pati si Jerome ay napangiti rin.

Namangha kami ng inay sa ganda ng loob ng bahay ng inay ni Jerome. Malawak ang kanilang sala at imported at mamahaling gamit ang nasa loob nito. Pati ang malalaking puting tiles sa sahig at sa dingding ay hindi iyong common na nakikita sa mga bahay, ang nag-iisang chandelier sa gitna ay kakaiba ang ganda, at ang dalawang sofa at mga gamit sa loob nito ay parang sa isang palasyo. At ang malaking piano na kulay itim na gawa sa antigong kahoy.

Naupo kaming tatlo ng inay at Jerome sa sofa samantalang ang inay naman ni Jerome sa harapang upuang malaki na parang trono ng reyna. Maya-maya ay ikinuwento ng inay ni Jerome na ang asawa nga niya ay isang buwan na nasa Europe kaya gusto niyang makabisita kami sa bahay nila.

“Jason! Jonas! Come here!” ang pagtawag ng inay ni Jerome sa kanyang mga anak.

Nagsilapitan ang dalawang bagets na kapatid ni Jerome. Sobrang behave nila. Halatang maganda ang pagpapalaki sa kanila. Si Jason iyong sinabing 16 yo na kapatid, si Jonas naman ang 14 yrs old. Parehong guwapong bata.Si Jason ay kahawig na kahawig talaga ni Jerome. In fact, parang siya ang teenager version ng kuya niya. Si Jonas naman ay kahawig lang sa mata at ilong. Pero guwapo pa rin. Siguro, ganyan talaga ang nagagawa kapag anak ng isang mayaman. Gumaguwapo dahil sa naka-air-con palagi, masarap ang pagkain, may doktor na tumutingin sa kalusugan.

Ipinakilala ng inay ni Jerome ang dalawagn teenager sa amin. “This is your Tita Steff... she is my friend” ang pagpapakilala niya kay inay, “This is your Kuya July, the son of your Tita Steff...” ang pagpapakila naman sa akin, “At heto... turo niya kay Jerome na parang gusto na talagang isiwalat na tunay nilang kuya iyong tao, “Er... he is your... Kuya Jerome, the nephew of your Tita Steff.”

Lumapit sila at pumila na kinamayan kami. Nang kay Jerome na, talagang tumayo si Jerome at niyakap niya nang mahigpit ang dalawa niyang kapatid. Para akong mangiyak-ngiyak na kahit hindi nila alam na tunay talaga nilang kuya si Jerome ay nayakap sila ni Jerome. Ang sarap sa pakiramdam na makita sila sa ganoong ayos.

Sa hapag-kainan, ang puwesto namin ay nakaupo sa dulo ang ina ni Jerome. Sa hilera sa may kaliwa naman niya ay si Jerome ang pinakamalapit, tapos ako, at ang aking inay. Sa hilera naman sa may kanan niya ay si Jason ang pinakamalapit sa kanya, katapat ni Jerome, tapos si Jonas na katapt ko.

Napansin kong ang palihim na tingin ni Jason kay Jerome. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon. Naalala ba niyang isang beses na nag CR siya sa isang restaurant ay nilapitan siya ni Jerome at nagpakilala na siya ang kuya niya. O ba kaya ay napansin niya ang mahigpit na pagyakap ni Jerome sa kanila, o napansin niya na malaki ang pagkakahawig nila. Sa mukha, sa paglalakad, sa pananalita, sa kilos at galaw.

Dahil may tagubilin ang ina ni Jerome sa kanya na huwag magpahalata magkapatid silang tatlo, Tita na lang ang tawag ni Jerome sa mommy niya.

Sa simula ng kainan ay tahimik ang lahat. Iyong tipong may tensyon sa bawat isa. Ang dalawang kapatid ni Jerome ay nahihiya, ang mommy ni Jerome ay tila kinabahan na baka mapansin ng mga kapatid ni Jerome na may kakaiba, o baka magtanong kung ano ang mayroon. At ako naman, syempre, lalong hindi puwedeng magsalita kapag nasa ganyang hindi ko pa kilala ang mga taong kasama. At si Jerome? Marahil ay sahil sa sobrang excitement ay hindi rin alam kung paano magbukas ng topic.

Ngunit mabuti na lang at naroon ang aking petmalu na inay. Siya ang nagbukas ng topic. “Ay bakit ba ang tahi-tahimik natin? Maganda at ang gaguwapo naman ng mga bisita ninyo bakit parang nagluluksa ang mga mukha ninyo?” ang biglang pagsasalita ng inay na tiningnan sina Jason at Jonas. Tingnan ninyo...” inilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng aking baba ”Di ba guwapo?” Tapos inilagay naman iya ang kanyang kamay sa ibaba ng baba ni Jerome, inabot talaga niya kahit na pinapagitnaan ako nilang dalawa, “Di ba guwapo rin?” at ang pagkatapos ay sa ibaba ng baba naman niya inilagay ang kamay niya, “Lalo na ito... maganda, di ba?”

Tumawa naman ang mommy nila at nang tiningnan ko sina Jason at Jonas, abot-tainga ang ngiting nakatingin sa aking inay. Doon na nagsimula ang pagbukas ng kuwentuhan. Tinanong ng aking inay ang dalawang teenager kung kanino kamukha si Jason ang sagot niya ay sa mommy nila. Kung kanino kamukha si Jonas, ang sagot nila ay sa daddy nila. Kung kanino ako kamukha, ang sagot ng dalawa ay sa inay ko. At kung kaninong kamukha ang mommy nila, ang sagot nila ay kay Jason.

Ngunit nang tinanong ng inay kung kanino kamukha si Jerome, natigilan silang dalawa. Nagkatinginan. Tapos itinuro ni Jonas si Jason. “Sa kanya...”

Aliw na aliw naman kami sa sagot ni Jonas. Alam ko, tuwang-tuwa ang mommy ni Jerome at si Jerome mismo sa inosenteng sagot ni Jonas. Lihim kong siniko si Jerome na mistulang kinilig sa sagot ng kapatid niya.

“Sa tingin mo ba, Jason, talagang magkamukha kayo ni Kuya Jerome mo?” ang tanong uli ng aking inay.

Binitiwan ni Jason ang isang nahihiyang ngiti. “Parang...” ang sagot niya.

“Eh sino naman ang mag guwapo sa inyo?” ang tanong uli ng inay.

“Siya.” Ang pagturo niya kay Jerome.

Tawanan.

Iyon na ang simula ng kuwentuhan. Like si Jerome tinanong ang eskuwelahan nina Jason at Jonas, kung anong level na sila. Doon na rin nagsimulang maglink ang mga topics. Kagaya ng inay na sumagot na noong ako raw ay nasa ganoong edad ni Jason, halos gusto ko raw na papasukin din ang inay sa klase para bantayan siya habang nagtuturo ang guro ko, na siya ko namang itinanggi. Saka tawanan...

Maya-maya lang ay tinangka ni Jerome na lagyan ng ulam ang plato ni Jason. Nang iniabot na niya ang serving spoon na may ulam, doon na lumabot ang puso ko nang tinanggap ito ni Jason at inilapit pa ang plato niya kay Jerome. “Thank you, Kuya.” Ganoon din ang ginawa ni Jerome kay Jonas na kagaya ni Jason ay tinanggap din ang binigay na ulam ni Jerome sabay sambit din ng “Thank you, Kuya.”

Nang tiningnan ko ang mukha ng inay ni Jerome ay tila maluluha ito. Itinakip niya ang kanyang palad sa kanyang bibig na tila maiiyak. At maya-maya lang ay siya naman ang naglagay ng ulam sa plato ni Jerome. Napangiti naman si Jerome. “Thank you, Mom.” Ang sambit niya.

Ngunit dahil napansin ko ang ang pagtawag niya ng “Mom” patagong sinagi ng paa ko ang binti niya upang ma-paalalahanan siya at ma-correct ang kanyang sinabi. Nang napansin niya iyon ay bigla rin siyang natauhan. “...Ma’am Grace.” Ang pagtama niya sa kanyagn sinabi.

Pinigilan ko na lang ang aking tawa. Pati siya ay napangiti rin.

At marahil ay nahalata rin iyon ng kanyang ina, pati ang plato ko ay nilagyan na rin niya na ulam, upang hindi magtaka ang kanyang dalawang anak. At “Thank you Ma’am Grace” na rin ang aking isinagot upang kunyari ay iyon talaga ang tawag namin sa kanya,

Sa unang tagpo ng mag-ina at mga kapatid niya ay lubos na nasiyahan si Jerome at siyempre, ang kanyang inay. Bagamat mistulang may harang pa ang pakikipag-close ni Jerome sa kanyang mga kapatid, malaking dulot na kasiyahan pa rin iyon para sa kanya, at para sa amin na siyang saksi sa pinagdaanan ni Jerome at ng kanyang inay.

Nang nagkaroon ng pagkakataong lumabas ng sala sina Jason at Jonas, doon na rin ipinaabot ng mommy ni Jerome ang kanyang pasasalamat sa amin sa aming pagtulong sa kanyang anak. 

Sa tagpo ring iyon ay inalok ng kanyang inay si Jerome ng pera para pang down payment ng kotse. Siya na raw ang bahala sa monthly na babayaran. “Huwag na, Mom. Pero kung okay lang sa inyo, motorsiklo na lang ang bibilhin ko.” Ang sambit ni Jerome na nakangiting tumingin pa sa akin. Alam ko kung ano ang nasa isip niy. Ang ninakaw niyang motorsiklo ko.

Binigyan si Jerome ng pera para sa kanyang hiniling na motorsiklo. Kaya sa pagpasok namin patungo at pag-uwi galing sa school at medyo nag-upgrade na kami ng masasakyan. Dahil nga ninakaw at ibinenta ni Jerome ang aking motorsiklo, sa akin nanakapangalan ang bago niyang motorsiklo na kahawig na kahawig din noong bigay sa akin ng aking inay na ninakaw niya.

***

Tuloy-tuloy na ang pagkikita nina Jerome at ng kanyang inay, bagamat patago lang. Kinabukasan ay ang mommy naman ni Jerome ang bumisita sa aming boarding house. Tiningnan niya ito at pumasok rin talaga siya sa aming kuwarto. Tuwang-tuwa naman si Jerome. Tinanong niya si Jerome sa kanyang mga bayarin sa eskuwelahan at iba pa niyang mga bayarin.

Sa gabi naman ay niyaya niya si Jerome na mag-dinner sa labas. Dahil naroon ako ay niyaya rin niya ako. Syempre, hindi ko tinanggihan ang alok.

Sa isang mamahaling restaurant kami nagtungo. Actually, iyon din ang restaurant kung saan namin unang nakita ang buong pamily ng inay ni Jerome at kung saan ay nilapitan niya si Jason sa CR ng restaurant at nagpakilala.

“Mom, maraming salamat at kahit papaano tanggap mo na ako at ay may chance na tayong magkita.” Ang sambit ni Jerome.

“Ok lang anak. Ako rin patawarin mo na pinabayaan kita noon...” Hindi na naituloy pa ng inay ni Jerome ang sasabihin gawa nang napaluha na ito.

Tumayo si Jerome nang nakitang nagpahid ng luha ang kanyang inay. Nilapitan niya siya at niyakap. Nagyakap ang mag-ina. “Mom, tapos na iyon. There is nothing to regret. I’m so happy now.”

“Naawa lang ako sa iyo anak... imagine, wala ako sa tabi mo at hindi rin pala kayo nagkasundo ng iyong daddy.” ang sagot ng mommy niya.

“Wala na nga iyon, Mom. Tapos na iyon... Tanggap ko na.”

Nasa ganoong eksena silang dalawa nang mula sa isang sulok ay nakita kong may nakatingin sa kanila at mistulang natulala habang tinitigan silang ganoon.

Ang kapatid ni Jerome na si Jason, na matagal na palang nagmasid sa kanila.

Agad kong kinalabit si Jerome at itinuro si Jason. Nagulat silang mag-ina nang nakita nila si Jason na nakatayo roon, tila nagbabaga ang mga mata na tiningnan sila.

Dali-daling tumalikod si Jason at nagtatakbo palabas ng restaurant. Hinabol naman siya nina Jerome at mommy niya.

Sumunod na rin ako. Dahil mabilis tumakbo si Jason, si Jerome lang ang nagpatuloy sa paghahabol sa kanya. Nakita pa namin na naabutan siya ni Jerome. Niyakap niya ang bata upang hindi na makatakbo. Natumba sila sa damuhan.

“Leave me alone! Leave me alone!!!” ang sigaw ni Jason.

“Makinig ka, ‘Tol! Makinig ka sa mommy mo, Tol.”  Ang pagsusumamo ni Jerome habang yakap-yakap niya si Jason na nagpupumiglas naman sa kanyang pagkakayakap, halos magpagulong-gulong sa damuhan.

Nang nakalapit na kami, hinawakan ng mommy ni Jerome si Jason. “Anak, makinig ka sa akin.”

“I hate you, Mom!”

“Sa loob tayo ng restaurant... Nakakaagaw-pansin tayo.” ang sambit ni Jerome.

“I hate you, Mom! I hate you!”

“It’s okay, Jason. It’s okay. Just let me explain please...?”

Hawak-hawak sa balikat, pinatayo ni jerome si Jason.

Tumalima si Jason. Tumayo siya na umiiyak pa rin habang patuloy na hinahawakan siya sa balikat ni Jerome.

“Patawarin mo ako, Jason... may itinatago ako sa inyo ng kapatid mo. Nang dalaga pa ako, nagkamali ako at nagkaanak. Siya ang kuya Jerome mo. Iniwan ko siya sa kanyang daddy noong sanggol pa lamang siya. Pinilit ko ang sariling kalimutan siya, ngunit ngayong heto, naghahanap sa akin, hindi ko mapigilan ang aking sariling tanggapin siya. Anak ko siya, Jason... at kapatid mo. Hindi ka ba naaawa sa kuya Jerome mo na walan gina na nag-aruga sa kanya simula nang sanggol pa lamang siya. Kung ikaw ang nasa katuyuan niya, anak, ganoon din ang gagawin mo, maghahanp ng inay. Bahagi siya ng buhay natin, anak. Pareho kayo ng pinanggalingan. Magkadugtong ang buhay ninyo. Kaya tanggapin natin siya.”

Nanatiling nakayuko si Jason at umiiyak.

“H-hindi ko sinabi ito sa iyong daddy at sa inyo dahil ayaw kong masira ang pamilya natin. Ayaw kong magalit ang inyong daddy sa akin at...” Doon na humagulgol ang kanyang inay, “Tuluyan tayong magkawatak-watak.” Pinahid niya ang kanyang mga luha. “Ngunit kung hindi mo ako mapapatawad, sasabihin mo ang lahat nang ito sa iyong daddy at itakwil niya ako, tatanggapin ko iyan anak. Aalis ako sa pamamahay ng daddy mo. Ngunit masakit para sa akin iyon, anak. Baka pagbawalan niya akong makita kayo. Maaari niya ring ipawalang-bisa ang aming kasal dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Nagsisinungaling ako sa inyong magkakapatid. Nagkasala ako, anak... nagkamali ako sa buhay.”

Hindi kami nakaimik ni Jerome. Nangingilid ang aking mga luha na nakayuko na lang at hindi makapagsalita, hindi makatingin sa inay ni Jerome at kay Jason. Naawa ako sa kanila, lalo na sa inay ni Jerome. Natakot ako na baka itakwil siya ng kanyang anak at tuluyang masira ang kanilang pamilya.

“Sana anak ay mapatawad mo ako. Sana ay pagkatapos nito, buo pa rin ang ating pamilya. Sana ay matanggap mong nagkamali ako at may anak ako sa labas na nagin kuya mo...” nahinto siya. “Naalala ko may ilang beses na umuwi ka galing ng school at malungkot ka, sa hindi ko maintindihan ang dahilan at ang sabi mo lang sa akin ay sana may kuya ka na susundo at maghahatid sa iyo sa school...”

Hindi pa rin umimik si Jason.

Inakbayan ng kanyang inay si Jason. “Can you not forgive me, anak?”

Doon na bumigay si Jason. Humagulgol siya na niyakap ang kanyang inay. “I love you mom...” ang sambit niya.

“I love you too, anak.” Ang sagot ng kanyang inay na hinayaang uymakap sa kanya si Jason at humagulgol. “Ayaw kong malayo sa iyo, Mom!” ang sambit niya.

Maya-maya ay kumalas siya sa pagkayakap ang kanyang inay at hinawakan si Jason sa magkabilang balikat. “Tingnan mo ang Kuya Jerome mo, di ba sabi mo ay magkamukha kayo? Na-miss ka rin niya, anak.”

Doon na tumayo si Jerome. Lumapit siya sa kinauupuan ni Jason at inunat niya ang kanyang bisig. Tumayo si Jason at niyakap niya ang kanyang kuya. Mahigpit silang nagyakap. Hinaplos ni Jerome ang buhok ni Jason habang hinalikan niya ang pisngi ng bunso. “Matagal ko nang pinangarap na mayakap kita ng ganito, ‘Tol. Hayaan mo at babawi si Kuya sa iyo, Pipilitin ko na kahit masundo kita sa school at ihahatid sa bahay ninyo, hahanapan ko ng paraan iyan.” ang sambit ni Jerome.

Iyon ang isa sa pinakamasayang tanawing nasaksihan ko na na nangyari sa buhay ni Jerome. Pagkatapos ng pagtanggap ng inay ni Jerome sa kanya, sumunod naman ang pagtanggap ng kanyang kapatid sa kanya. Maluha-luha akong pinagmasdan ang magkuya.

Iyon na ang simula kung saan ay may komunikasyo na rin sina Jason at Jerome. Kinabukasan, nalaman din namin na tanggap rin daw ni Jonas ang tungkol sa kuya nilang si Jerome at excited na rin daw itong makita ang kuya.

Kaya kinabukasan, ayon sa pangako ni niJerome kay Jason, siya na ang sumundo sa kapatid niya. At ewan, isinama pa talaga niya ako. Kasi raw baka may sundong sasakyan sila, sasakay na lang silang magkakapatid sa kotse tapos ako na ang magdadala ng motor, susundan sila.

Nang nasa eskuwelahan na kami ng mga kapatid niya, habang nakatayo kami sa may parking area nakita namin ang dalawa niyang kapatid na naglakad patungo sa kinaroroonan namin. Ngunit may sumusunod sa kanilang limang lalaking estudyante na kitang kitang hinaharass ang dalwa. Tinatampal-tampal ang puwet, ang ulo, hinihila-hila ang damit, pinagtatawanan, at ang isa ay tinadyakan pa ang likuran ni Jason at Jonas. Hindi naman pumalag sina Jason at Jonas. Kahit halata ang kanilang pagkairita, hinayaan lang nila ang ginawa sa kanila ng mga nambully.

“I-video mo nga, Tol.” Ang utos ni Jerome sa akin habang iniabot niya sa akin ang kanyang cp.

Tinanggap ko ang kanyang cp at kinunan ko ng video ang mga estudyante na patuloy na hinarass sina Jason at Jonas. Maya-maya lang ay hindi na nakatiis si Jerome at nilapitan niya ang mga bata. Nagpatuloy pa rin ako sa pagbi-video.

“Kapag hindi ninyo tantanan iyang ginagawa ninyo sa dalawang iyan, makatikim kayo sa akin.” Ang banta ni Jerome sa mga bata.

Ngunit pinagtatawanan lang siya nila. Malalaki kasi ang mga estudyanteng iyon, matataba at halos kasing tangkad din ni Jerome. E, si Jerome, hindi naman mataba bagamat hasang-hasa ang katawan sa suntukan.

Hinarangan niya ang mga estudyante upang hindi makalapit kina Jason at Jonas. Doon na siya pinag-initan ng mga bully na estudyante. Tinadyakan siya ng isa ngunit nahagip niya ang paa sabay tulak ni Jerome sa kanya. Natumba ang estudyante.

Akmang suntukin naman siya sa mukha ng isa sa mga bully ngunit nahagip din niya ang kamao ng estudyante. Hinawakan ito ni Jerome nang mariin at pinuwersang baluktutin ang braso. Humiyaw ang estudyante sa matinding sakit. Doon na siya sinampal ni Jerome atsaka tinadyakan.

Tatadyakan din sana si Jerome ng isa pa. Ngunit muling nasangga ito ni Jerome ng kanyang paa. Pagkatapos ay simbilis din ng kidlat na sinipa ni Jerome ang mukha ng estudyante.

Ang huling estudyante ay may hawak na kahoy at akmang papaluin siya. Ngunit nahawakan ni Jerome ang pamalo niya at habang hinawakan niya ang dulo, tinadyakan niya ang estudyante. Bagsak ito sa semento. Habang nakahandusay sa semento ang nasabing estudyante, nakatayo naman si Jerome sa kanyang kanyang tagiliran hawak-hawak ang pamalo. Tinkot niya ang estudyante sa pamamagitan ng pagmuwestrang ipapalo niya ang kahoy sa ulo niya. “Lalaban ka?”

Doon na nagsitakbuhan ang mga estuyante. Sinigawan sila ni Jerome. “Kapag uulitin ninyo ang pambubully sa mga kapatid ko, dila niyo lang ang walang latay! Magtago na kayo sa mga palda ng inyong nanay!”

“Salamat Kuya!” ang sambit ni Jason nang nasa malayo na ang mga bata.

“Habang nandito ako. Walang kung sino man ang mambully sa inyo. Tangina nila. Kahit mga anak-mayaman pa sila, bubugbugin ko sila.” Ang sagot ni Jerome.

Niyakap naman siya ni Jonas, ang bunso na iyon pa ang kauna-unahang pagkakataon na nayakap niya ang kuya Jerome niya. Hinaplos-haplos naman ni Jerome ang buhok ni Jonas atsaka kinurot ang pisngi. Pogi ng bunso ko ah!”

Ngumiti lang si Jonas.

“O... saan na ang sundo ninyo?” ang tanong ni Jerome.

“Wala po Kuya. Kasi susunduin mo raw kami sabi ni Mommy.” Ang sagot ni Jason

Natawa naman si Jerome. “O sige, mag tricycle na lang tayo.” Ang sabi niya.

“Ako na ang magtricylce at kayo na ang mag-motor. Mas okay kung ikaw ang magdala sa kanila” Ang pagsingit ko. Naiimagine ko kasi ang sarili na kung may kuya lang sana ako, ang sarap sigurong sumakay sa motor kapag siya ng nag-drive at yakap-yakap ko siya.

Iyon nga ang nangyari. Nang nakasakay na silang tatlo, nakakainggit silang tingnan. Si Jerome ang nagdrive, si Jonas ang nasa gitna at si Jason naman ang nasa huli. Ang gandang tingnan nilang mag-kuya...

Habang sinundan sila ng tricycle na sinakyan ko, nagulat naman ako nang imbes ang daan patungo sa bahay nina Jason ang babaybayin namin, ibang daan ang binaybay ng motorsiklo ni Jerome. Patungo ito sa Central plaza.

“Magpaturo raw si Jason ng pagdrive ng motorsiklo.” Ang sambit ni Jerome. “Isang oras lang naman. Tinawagan ko na ang mommy na nandito tayo sa Central Plaza upang mag-practice si Jason. Okay naman daw ngunit hihintayin niya tayo sa bahay para sa dinner.”

Kaya iyon ang nangyari. Pati si Jonas ay sumubok ding magpractice sa pagdrive ng motor. Doon ay mas lalo pa akong nainggit sa kanila. Narealize ko na ang sarap pala talaga ng pakiramdam kapag mayroong kuya. Tinuturuan ka ng mga bagay-bagay, binabatayan ka, ipagtanggol, aalagaan.

“Sa weekends naman ay gusto kong turuan sila ng self-defense.”  Ang sambit ni Jerome. “Ayokong basta-basta na lang sila ibu-bully.”

“Alam mo na ngayon kung ano ang nararamdaman ng mga binubully.” Ang biro ko.

Tumawa lang siya.

Pagkatapos namin sa Central plaza ay sumama uli ako sa bahay nina Jason at doon na naghapunan. Ang saya lang namin sa mga sandaling iyon. Ramdam ko ang pagiging malapit na ng magkuya sa isa’t-isa.

Kinabukasan ay hindi na ako sumama kay Jerome sa pagsundo sa mga kapatid niya. Kaya dumeretso na siya sa eskuwelahan ng kanyang mga kapatid. Sinundan ko ng tingin si Jerome habang papalayo ang dinadalang motor at unti-unti itong naglaho sa aking paningin. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. May tuwa akong naramdaman habang pinagmasdan siya. Hindi ako makapaniwala sa laki ng kanyang ipinagbago. Kung noon ay wala siyang ibang inisip kundi ang maghanap ng bubugbugin, makipag-inuman sa kanyng mga barkadang bully, magsayang ng oras sa mga walang kuwntang bagay, ngunit sa puntong iyon, ginamit na niya ang kanyang oras para sa pag-attend ng klase, at hayun, sa mga kapatid naman niya. Bagamat may kaunting lungkot akong nadarama na baka mabawasan na ang oras na magkasama kami, ngunit masaya na rin ako na nakitang nagsimula na siyang maging responsable sa kanyang buhay.

Tutuloy na sana ako patungo ng gate upang doon ako mag-abang ng masasakyan nang may biglang umakbay sa akin. “Punta muna tayo sa likod ng building, pare. May mahalagang bagay na pag-uusapan lang tayo.” Ang sabi ng umakbay sa akin.

Nang nilingon ko kung sino, si Archie pala at ang nasa sa likuran niya ay ang dalawang kasama nila sa grupo. Maaaring nakita niya si Jerome na kaaalis lang.

“B-bakit? Ano ba ang pag-uusapan natin? Hindi ba puwedeng dito na lang?” ang sagot ko.

“Hindi.” Ang sagot niya sabay puwersang paghila sa akin patungo sa likod ng building.

Nakarating kami sa lumang generator house, iyong palagi nilang dinadalhan ng mga estudyanteng bubugbugin nila. Nang naroon na kami, pintayo niya ako sa may dingding na semento.

“Sabihin mo nga sa amin kung bakit hindi na sumasama si Jerome sa amin at palaging ikaw na lang ang kanyang kasama? Anong ginawa mo sa kanya?” ang pasigaw na tanong ni Archie.

“Wala naman akong ginawa sa kanya. Siguro narealize lang niya na hindi maganda ang pambu-bully.”

Sa sinabi kong iyon ay bigla na lang lumapat sa aking pisngi ang malakas na sampal. “Tangina mo! Iyong taong kinaiinisan mo, hindi mo bubugbugin?”

“Puwede namang pakiusapan, di ba? Bakit bubugbugin pa?” ang sagot ko uli.

Doon na niya ako sinuntok sa tiyan. Napasigaw ako sa sakit, hawak-hawak ang aking tiyan. Pinigilan ko na lang ang aking sarili.  Hindi na ako kumibo.

“Alam mo, duda ako sa inyo ni Jerome eh.” Ani Archie. “Simula nang napansin ko ang kissmark na ginawa niya sa iyong leeg, mukhang nag-iba na siya eh. At kayo, ang sweet-sweet ninyo palagi. Sabay dumating sa school. Sabay aalis, naghaharutan sa bisekleta. Nakakainggit! Kaya siguro nagbago na siya nang nakatikim na nag bakla. Nasarapan na siguro sa iyo, ano? Masarap ka bang tsumupa? Makipot siguro iyang tumbong mo, ano? Tangina!”

Humalakhak ang grupo.

“Wala kaming relasyon ni Jerome! Close lang talaga kami. At close din siya sa aking ina.”

“Aba... at tanggap ng ina! Pati ang ina mo ay kunsintidora! Pero interesado ako sa paggawa ni Jerome ng kissmark eh!”

“Hindi kissmark iyong nasa leeg ko! Kagat iyon!”

Muling humalakhak ang grupo. “Aba! Napakasadista talaga ang Jerome na iyon! Nangangagat pala kapag sobrang nasarapan pare!”

Ngunit doon na ako kinabahan sa saunod niyang sinabi. “Maari ba kitang tikman? Malay mo, magbago na rin ako at marealize na hindi pala maganda ang pambubully, ano?” ang sambit ni Archie.

Hindi ako nakakibo sa sinabi niyang iyon. Natakot ako at kinabahan. Ngunit sa sisip ko ay kapag nagtangka sila ng masama sa akin, haharurot ako ng takbo.

Nang niyakap ako ni Archie ay akmang tatakbo na ako. Ngunit pinagtulungan nila akong hawakan. Tinangkang ilapat ni Archie ang kanyang bibig sa aking bibig. Ngunit inilayo ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Kaya ang kanyang bibig ay dumampi sa aking pisngi.

Pinuwersang i-lock ng dalawa niyang kasama ang aking katawan sa dingding na semento upang hindi ako makakilos. Hinawakan naman ni Archie ang aking panga upang hindi ko ito maigalaw. Nang tinangka niya uling halikan ako, itinikom ko na lang nang maigi ang aking bibig.

Sinipsip ito ni Archie at pinilit na buksan ang aking bibig. Ngunit hindi ako bumigay. Doon ko na inilayong muli ang aking mukha sa kanyang mukha. Dahil dito, sa leeg ko dumampi ang kanyang bibig.

At dahil sa tindi ng kanyang pagkabigo na halikan ako, bigla niyang kinagat ang aking leeg.

Doon na ako napaigting sa sakit. “ARGHHHHHHHH!!!”

(Itutuloy)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails