Followers

Friday, April 20, 2018

Tok-Hang 19 (B-2)


By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***

Dedication Para Sa Unang Kadyot

Naging usap-usapan ang ginawang eksena ng Dean sa buong campus. At imbes na ang video scandal na pinaghinalaang sina John at Timmy ang talk-of-the-town, natabunan ito sa eksenang ginawa ng Dean. Lalong dumami ang nakisimpatiya kay Timmy. At sa ipinakitang sama ng ugali ng Dean ay nagsilabasan ang mga issues tungkol sa kanya. Nandoon ang tungkol sa mga estudyanteng galit na dumanas ng hindi magandang karanasan sa kanya, naroon ang mga estudyanteng nayayabangan, mga estudyanteng nakatikim sa kanyang bagsik. Pati ang ibang professors na under ng Business Management Department ay hindi maitago ang pagka-inis sa kanya.

Dahil hindi magkasundo sa kanilang paninidigan ang President at Vice President ng student council, nakipag-usap ng one-on-one ang ang vice sa kanyang presidente.

“Pare, he’s just a Dean of one department. We are not under his department. He has no right to interfere with the affairs of the Council. We have to report him to the university president!” ang sambit ng vice president.

“It will only worsen the situation, pare. I don’t want the whole council members to be dragged into this issue.”

“Pare… be decisive naman. Will you allow the student council to just be trampled by someone? We are elected by the students to portect and stand for their right! And Mr. Timmy Suarez is a student!” ang mataas na boses ng vice president.

“Actually pare, I am with you in that case. But what I am avoiding ay iyong gulo. My first and foremeost concern to be here is to study. Holding this presidency of the council is only secondary. I can’t allow my being a student here to be imperiled. I’m an academic scholar, pare. I’m aiming for the Summa Cum Laude honors upon graduation.”

“Pare, don’t you think it’s unfair for the students who elected us to this position? Do you think they will be happy to know that all you, as president of the council, is more concerned about your own welfare rather than theirs? This is the job that they have voted us for! If we can’t do the job that they expect us to do, then what are we here for? Para sa leadership medal? Para sa recognition in name na ‘leader’ tayo? What do you have to involve your concern for honors? Set it aside. This position that we accepted is a responsibility, not a part of medals-collecting enterprise. I don’t care about the medals pare. I don’t even care about recognition. If we stand for our ideals, if we stand for our principles, if we stand for our rights, we get hurt in the process. We may even fail. But there is no better feeling than to stand for what is right, even in the face of adversity.”

Hindi nakaimik ang president.

“And we are even the same, pare. I’m an academic scholar too, and like you, I want to get that honors. But I’m willing to give it up if the process of achieving it goes against what I believe is right. What happiness could those medals give if behind it, some people suffer silently because of our omission?”

“In case the Adminstratos will sanction us. In case the Administrator will blacklist us… and strip us of any privilege.”

“Then let them, pare. What is the use of your honors if you can’t even stand for what you believe in? Stand up for what is right even if powerful people are against you. We are behind you, pare. How can we leave you alone? How can we leave one helpless student alone?”

Tahimik.

“And take note, pare, that Dean is the head of just one department. There are many departments in this university whose deans don’t necessarily follow the line of thinking of Dr. Sto Tomas. And I even the President and the top administrators of this university may not be in favor of what he is doing. So man up, pare.”

“Pare, hindi lang siya Dean ng Business Managemanent. May nakapagsabi sa akin na ipo-promote siya bilang Director of Student Affairs. Mas makapangyarihan na siya. Mas may karapatan na siya sa atin!”

“So what? Kahit presidente pa siya ng Pinas, pare... we are elected by the students and we operate on the basis of the student council rules. So what kung magiging Director siya ng student affairs. Ganyan ka ba ka matakutin? Magpakalalaki ka, pare! Ipakita mo ang talino mo! Ipakita mo ang paninidigan mo!”

Nag-isip sandali ang president ng student council. “Pare, puwedeng bigyan mo muna ako ng panahon?” ang sagot niya.

“Okay… Bahala ka pare. Basta I gave you my assurance na I and the majority of the council members will be behind you if you stand with Mr. Timmy Suarez.” Ang dismayadong sambit ng vice president.

Sinabi ni Timmy kay John ang nangyari sa student council meeting. Matindi ang galit niya. Gusto niyang sugurin ang bahay ng Dean. Ngunit pinigilan siya ni Timmy gawa nang ayaw ni Timmy ng gulo at upang makapag-aral siya ng matiwasay at makapagtpos.

Kinabukasan ay nag-usap muli ang president ng council at ang vice president. Ngunit negative ang paninindigan ng council president. Ayaw daw kasi ng mommy niya na isaalang-alang niya ang posisyon bilang president ng student council para lang sa isang estudyante na may kamalian naman daw at totoong may kaugnayan sa kapwa lalaki. Hindi raw talaga tama itong ginawa ni Timmy at tama ang mga hakbang na ginawa ng dean ng Business Management.

“Devout Catholic kasi ang mommy ko, pare. At matakutin sa Diyos. At ang sabi rin niya, this issue is just like any other issues before them na kahit mainit at controversial but later on just died down. This will also die down like the others.” Ang paliwanag ng student council president.

Natulala ang vice president sa naging sagot ng president.“Pare, first of all, ka-lalaki mong tao at graduating pa man din ng Engineering, you still rely on what your mom has to say? And second of all, this is not about religion, pare. This is about the independence of the student council to decide on matters that pertains to the rights of the students against an abusive person of authority. If we can’t support this student, then what is the puspose of the student council? Who will this oppressed student turn to for help?” Nahinto ang vice president.  “How come you are using religion to address his case? Anyway, whatever your decision is, I hope it’s the right one. As for me, I will stand for what I believe is right. I and other like-minded members of the student council will do whatever we can to show this abusive Dean that what he is doing is an affront to our students’ right.” Ang dugtong niya sabay walk out.

Sa paglipas ng ilang araw ay may lumabas na namang mga intriga tungkol sa dean. Nandiyan iyong nirequire niya na baguhin ang mga uniforms ng estudyante sa Business Administration Department. At gusto niyang agad-agad na ipatupad ito. Syempre, nagmamaktol ang mga estudynte dahil gagastos na naman sila para sa bagong uniporme. At ang masakit pa ay sa isang patahian lang sila dapat na maggawa ng uniporme na halos doble ang singil. Tapos tinanggal niya ang isang wash day ng mga estudyante kung saan ay libre silang magsuot ng damit maliban sa uniporme. Ayon sa Dean, ginawa raw na pugad ng prostitution ang campus dahil ang ibang estudyante ay naka-short na lang sa eskuwelahan at ang iba ay revealing daw masyado ang damit.

Mayroon din siyang pa-donation ng 500 bawat estudyante para raw sa insurance nila. At marami pa siyang ipinapatupad na pagbabago sa patakaran. Para sa mga law-abiding, low-profile at conservative na mga estudyante, okay lang ang mga ito. Ngunit sa mga estudyanteng may progressive at bukas na pag-iisip, kumukuwestion sa mga issues sa paligid nila, hindi ito welcome na pagbabago. Kaya may pagka controversial ang klase ng pamamalakad ng bagong Dean. Nagkakaroon ng division ang mga estudyante sa kanyang mga controversial na mga hakbang. Sa isang banda rin naman, sadyang workaholic lang talaga ang kanilang Dean. Maraming plano, maselan sa mga bagay-bagay, perfectionist. Umiikot nga rin siya sa campus upang tingnan ang kung anu-ano ang mga kaganapan sa paligid. At nagtatrabaho siya hanggang sa gabi. Dedicated sa trabahho. Committed.

Sa punto na iyon ay may naririnig na si Timmy na mga estudyanteng gustong magrally laban sa Dean na pangungunahan daw ng mga miyembro ng student council. Ang rally daw na ito ay laban sa Dean at sa president ng student council. Narinig din ito ng mga barkada nina Timmy at John at ang sabi nila, kapag nangyari ito, sususportahan nila ang rally at sasama sila. Hikayatin din daw nila ang iba pang mga estudyante ng Business Administration.

Ngunit walang kumento si Timmy tungkol dito. Ang sabi lang niya ay hindi siya sasali dahil ayaw niyang pag-initan siya ng Dean at baka ito pa ang mitsa upang hindi matuloy ang pag-aaral niya sa sunod na semester sa unibersidad na iyon.

Naintindihan naman siya ng mga barkada. Alam nila kasi na para kay Timmy, importanteng makapagtapos siya ng pag-aaral dahil iyan ang ipinangako niya sa kanyang yumaong inay. At hindi lang basta makapag-aral ang target niya. Dapat ay may honors pang makamit.

“Huwag kang mag-alala, Tok. Gagawa kami ng paraan upang makatulog. Gusto rin aming malaman ang tunay na kuwento sa video na iyon. Hanapin namin ang na original source ng video. Kung ayaw mag-imbistiga ng Dean, kami ang maghahanap ng paraan. Malilintikan kung sino man ang may pakana nito.” Ang sambit ni Jeff nang mag-umpukan ang barkada at pinag-usapan kung ano ang maitutulong nila sa kaso ni Timmy.

 “K-kung maaari sana ay huwag na lang nating palakihin ito, pare. Mahirap na kung mas lalo pang magalit ang Dean o ang management, at lalo tayong mapahamak. Wala tayong laban.”

“Tok… nakita mo naman siguro ang suporta ng mga estudyante. Marami ang galit sa Dean. Marami ang pumapanig sa iyo. Kaya kung ayaw mong gumalaw, okay lang. Naintindihan ka namin. Ngunit ngayong ipinaglaban ka ng vice president ng student council, susuportahan namin siya, Tok. Kaming barkada mo ay gagawa ng sarili naming diskarte to support you and our vice president.”

Kaya wala nang nagawa pa si Timmy.

Sa gabing iyon ay nagpost ang vice president sa kanyang facebook na mag-initiate siya ng isang protesta laban sa mapang-api na pamamalakad ng Dean. Hinikayat niya ang mga estudyante na magsuot ng armband na kulay pula, o maglagay ng pulang ribbon sa dibdib, o magsuot ng pulang damit, o magdala ng kahit anong bagay na pula. Gumawa din siya ng page para sa mga gustong sumuporta. Ang pangalan ng page niya ay, “Stand For What Is Right.” Sa gabing iyon pa lang ay umabot na sa mahigit isang daan ang sumali. Nagsimula na rin sa page ang maiinit na diskusyon tungkol sa pamamalakad ng bagong Dean na hindi nila nagustuhan kasama na roon ang mga ipinatupad na batas. Tinalakay din nila ang ang pagtanggal kay Timmy sa student council nang walang due process. Binatikos din ng ibang estudyante sa kanilang kumento ang pagka indecisive at pagkawalang paninindigan ng kanilang student council president. Ang iba ay nagmungkahi na magresign na lang siya.

Sa ginawa ng vice president na pag-initaite sa activity na iyon ay bumilib ang maraming estudyante sa kanya. Na siya namang ikinasira sa popularidad ng president ng student council.

Kinabukasan ay may mga estudyante nang nakasuot ng pulang arm band or ribbon. Ang ibang mga estudyante ay may pulang-pulang lipstick sa kanlang mga labi. Ang iba ay may pulang ribbon sa buhok, may mga pulang bag o knapsack, may mga pulang wrist bands, kahit anong bagay na may pula.

Anyway, tuloy pa rin ang buhay ng ating mga bida bagamat dahil halos hindi na nga sila nagkikita ni John sa regular na mga araw maliban sa weekends, hindi nila alam ang mga kaganapan sa isa’t-isa maliban kung talagang hihintayin ni Timmy ang pagdating ni John sa apartment. Ngunit minsan kasi ay halos hatinggabi na si John nakakarating ng apartment. Minsan naman ay napapansin ni Timmy na tila nakainom ito. Ipinagwalang bahala lang naman ito ni Timmy. Nang unang mapansin niya kasi ito, ang sagot ni John ay hindi siya makatanggi sa ilang kaklase niya sa panggabi. Sadyang mga patay-baga pala raw ang mga ito, kaya pinili ang panggabi na klase. Pero iilan lang naman daw sila. Kadalasan daw sa mga panggabi ay iyong mga may trabaho sa araw kaya sa gabi sila nag-aaral. Naintindihan naman ni Timmy. Umiinom din naman kasi si John kaya okay lang para sa kanya.

Isang araw ng Sabado, namasyal silang dalawa ni John sa mall. Habang kumakain sila sa isang restaurant biglang nag-ring ang cp ni John. Nang tiningnan niya kung sino ang tumawag, hindi nakalista ang pangalan sa kanyang phone directory.

“Hello, sino ito?” ang tanong niya.

Dahil gusto niyang marinig ni Timmy kung sino iyong tumawag at ano ang pinag-uusapan nila dagdagan pa na nasa kasagsagan sila sa pagkain, pinindot ni John ang speaker ng phone niya.

“Si Jeremy ito, bro. Iyong kinakapatid mo na taga Baguio?” ang sagot sa kabilang linya.

“Ay Jeremy? Kumusta? Paano mo nakuha ang number ko?”

“Si Jishin, yung pinsan mo, sa kanya ko nakuha ang number mo. Saan ka na ngayon?”

“Nandito sa probinsya. Ikaw?”

“I mean saan dito, bro? Nandito rin ako!”

“Tangina! Wag kang magbiro ng ganyan! Saan ka nga???” ang excited na sagot ni John.

“Nandito nga ako sa probinsya mo. Inimbita ang Tita ko ng kanyang best friend at partner sa negosyo rito dahil may opening siyang branch sa boutique business nila sa mall ninyo. Walang puwedeng sumama sa kanya kaya ako ang napagtripan. Walang choice. Two days and one night lang naman kaya pumayag na ako dahil weekend naman. Pero okay pa rin dahil isang lugar lang pala siya sa lugar kung saan ka ngayon nag-aaral!”

Tumawa si John. “Small world bro! Nadaanan nga namin iyang boutique na yan na bagong bukas. Iyan ba iyang nasa may main entrance ng mall?”

“Tama bro! So saan ka ngayon?”

“Nandito sa second floor, sa gilid ng atrium. Kasalukuyang kumakain kami sa isang restaurant, Pacito’s Kamayan.”

“Okay, magpaalam lang ako sa tita at nand’yn na ako.”

“Antayin ka namin.”

Maya-maya lang ay dumating si Jeremy. Ka-edad lang siya ni John. Matangkad din na lalaki, kasing tangkad ni John, at sa porma pa lamang ay halatang anak-mayaman. Iphone ang cell phone, ang suot na T-shirt, pantalon at sapatos ay halatang mamahalin. Lalaking-lalaki kung kumilos, may porma, may hitsura, malakas ang appeal.

“Musta bro!” ang nakangiti pa niyang pagbati kay John habang tumayo naman si John at nakipag bro-hug.

“Tangina mo! Pagala-gala ka na lang ah!” ang sagot ni John. “Ano nang balita sa iyo?” ang sagot ni John habang minuwestrahan niya si Jeremy na umupo.

“Syempre. Paboritong pamangkin ng Tita kaya kahit saan magtungo ako ang kinukuhang escort.”

“Anong gusto mong kainin?” ang tanong ni John nang nakaupo na ang kaibigan niya.

“Busog pa ako dahil may kainan din sila sa kabilang restaurant eh. Beer na lang ang sa akin!” ang sagot niya.

Minuwestrahan ni John ang waiter na lumapit at nang tinaong kung may beer sila, nag-order na rin siya, tigdadalawang bote silang tatlo ni Timmy. Nang napansin naman ni John na nakatingin sa akin si Jeremy, ipinakilala niya ako kay Jeremy. “Si Timmy, bro.”

“Siya ba iyong brod mo? Nalaman ko kina dad na may kapatid ka raw.”

“Oo… kaso complicated. Hindi natuloy ang pag-adopt sa kanya dahil namatay ang aking ama. Pero nariyan pa rin naman ang adoption papers, naghintay lang sa kanya” turo niya kay Timmy “na pirmahan niya.” Ang sagot ni John.

“Ay aba… pirmahan mo na, pare!” ang sambit ni Jeremy kay Timmy. “Mas maganda kung nariyan ka dahil kapag ito lang ang hahawak ng mga negosyo ng daddy niya, siguradong mabangkarota lahat iyan.” Sabay tawa.

“Siniraan mo akong tarantado ka ah!” ang biro ni John.

“Actually, mabait na iyan.” Ang pagsingit ni Timmy.

“See? Mabait na ako, bro. Maniwala ka. Good boy na to!”

Napatingin si Jeremy kay John. “Mukha mo, tangina mo! Ipapuputol ko titi ko kung good boy ka na talaga.” ang dugtong niya sabay tawa.

“Yabang naman! Kala mo malaki ang titi.”

“Tarantado! Kung hindi dahil dito ay hindi magkandarapa ang mga chicks kasali na ang mga bakla uy!”

“Ilang bakla na ba ang natira mo?”

“Secret!!!”

Tawanan.

Nasa ganoon sila kasayang pagkukuwentuhan nang sa hinid inaasahan ay biglang nakita ni Timmy and Dean nila na nasa mall din at naglalakad patungo sa kanilang kinakainang restaurant.

“Hang… aalis muna ako. Nariyan ang Dean!” ang pigil na pagsasalita ni Timmy kay John. May instruction kasi sa kanila na bawal silang magsama kahit sa labas ng unibersidad. Dali-daling tumayo si Timmy at halos manginginig na dire-deretsong naglakad patungo sa kasalungat na dereksyon. Tinumbok niya ang kabilang pinto at mabilis na lumabas.

Biglang napalingon si John sa labas ng restaurant. Nakita nga niya ang Dean na naglalakad papasok sa restaurant na kinakainan nila. Agad siyang yumuko at ibinaba ng kaunti sa kanyang mukhha ang visor ng kanyang suot na baseball cap.

“Anong nangyari bro?” ang tanong ni Jeremy nang napansin niya si John na itinatago ang kanyang mukha.

“Mamaya ko na sasabihin pare. Magkunyari ka lang na normal lang ang lahat.”

Kaya ganoon ang ginawa nila. Habang nasa labas ng restaurant si Timmy at nagtago, si John naman ay nakayuko at nagkunyaring nagbabasa ng menu, samantalang si Jeremy naman ay patay-malisya rin habang iniinum ang kanyang beer.

Maya-maya lang ay, “Jeremy!!!”

Napalingon si Jeremy sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita ang Dean. “H-hi Sir Earl! Gulat ako sa iyo ah! Anong ginagawa mo rito?” ang tanong niya.

“Dito ako nagtuturo sa state university. This semester lang. Anong ginagawa mo rito? Ang tagal na noong huli tayong nagkita ah! Di ka na sumasagot sa mga texts at tawag ko!” ang sambit ng Dean.

“Anong hindi! Ikaw nga riyan ang hindi na kumucontact sa akin eh! Bigla ka na lang kasing nang-iwan sa ere. Sabagay, sanay naman akong iniiiwan.” Ang biro ni Jeremy habang binitiwan ang isang mapanuksong ngiti.

Napatitig sa kanya ang Dean. “Jeremy, oh Jeremy… Hindi ka pa rin nagbabago. You’re still that filthy king of seduction. Look at that angelic face? So full of deception! Who would have thought that behind that alluring smile lurks a savage killer waiting for its next unsuspecting prey?” Ang sambit ng Dean na tumawa ng malakas. In fairness, may tinatawag na killer smile din naman kasi ang kinakapatid ni John.

“I’ll take that as a compliment, Sir.”

“Take it as you like. It means both ways.” Ang sagot ng Dean. Nahinto siya sandali nang napansin ang kasama ni Jeremy na hindi umiimik at nakayuko lang. “Kasama mo?” ang tanong ng Dean.

“Yeah. Kilala mo siya. Remember kung paano tayo nagkakilala? Dahil sa kanya.”

Doon na inusisa ng Dean ang nakayuko pa ring si John. “John? Mr. Johnny Iglesias???” ang sambit niya.

Wala nang nagawa si John kundi ang lumantad. Ibinaba niya sa mesa ang hawak-hawak na menu book sabay bitiw ng isang hilaw na ngiti. “Hi Sir!” ang sambit niya.

“Hi! Ba’t ka nagtatago?” ang tanong ng Dean.

“Wala. Sinubukan ko lang, Sir kung makikilala mo pa rin ako kahit itinatago ko ang pagmumukha ko.”

Binitiwan ng Dean ang isang hilaw na tawa. “Ikaw? Hindi ko makikilala? Kahit takpan mo pa ng sako ang buong katawan mo, kilalang-kilala kita.” Ang dugtong niya. Nahinto siya sandali. “Iwanan ko muna kayo, guys. Nagmamadali kasi ako!” ang sambit niya na biglang tumalikod kahit hindi pa nakasagot ang dalawa sa kanyang pagpapaalam.

Nagkatinginan sina Jeremy at John. “Kilala mo iyon?” ang tanong ni John kay Jeremy.

“Hindi mo natandaan? Sa Baguio, 14 years old pa lang tayo. Namasyal tayo sa Burnham Park. Nag CR tayo at nasa loob din sya. Graduating pa ata yan siya ng college sa panahong iyon, eh. Tapos, paglabas natin ng CR inabangan niya tayo. Ikaw ang type niya. Kinulit niya ako about you dahil ikaw ang gusto niya. Patay na patay iyan sa iyo dati. Hiningi niya sa akin ang number mo, ang address mo, ang eskuwelahan mo. Kaso, ayaw mo nga. Tinatawanan mo lang. At nang kinukulit kita dahil nga ayaw akong tantanan doon ka na nagalit sa akin. Kaya iniwasan ko na rin. Sa kalaunan, siguro ay nawalan na siya ng pag-asa sa iyo, ako na ang tinatarget. Niligawan niya ako. At dahil katulad mo ay malibog na ako sa edad na 14, pinatulan ko nga. Grabe sa kama, bro! Talagang kung simot na simot an gtamod ko, pucha! Sa kanya ko naranasan ang unang sarap. Sa totoo lang. Pero nainis din ako dahil sobrang seloso. Kahit mga barkada, kamag-anak, pinagseselosan. Sabi ko, hindi maganda ito. Pinagbigyan ko na nga, ang tingin pa niya sa akin ay pag-aari. Kaya pinerahan ko na lang at hindi na siniseryoso. Nang dumating sa puntong nagkainitian na at mukhang wawasakin ang buhay ko, umiwas na ako. Sinabihan ko siyang irereklamo ng rape, isusumbong sa awtoridad. Iyon na rin ang time na may nililigawan na akong babae.” ang sambit ni Jeremy sabay bitiw ng malakas na tawa.

“G-ganoon ba? Ah... natandaan ko na! Siya pala iyon?” ang sagot ni John. “Kaya pala nagmamadali nang malamang ako ang kasama mo. Natakot na magkuwentuhan tayo!”

Natawa si Jeremy. “Siya iyon. Hindi mo natandaan kaagad dahil nga wala ka namang interes sa kanya. May iba ka kasing nililigawan noon.”

Natahimik si John. “Bro, may proof ka ba na naging kayo? O litrato na may initmate na pose kayo?” ang tanong ni John.

“I think mayroon ako sa isang dummy facebook account ko dati. Sa palagay ko ay naroon pa iyon. Pareho kasi kaming may dummy account noon at doon niya ako nilalandi.” Natahimik sandali si Jeremy. “Bakit pare, may problema ba? Hinahabol ka na naman ba?” ang biro ni Jeremy.

Doon na isiniwalat ni John ang lahat.

“Tangina! Ang tindi talaga ng baklang iyan, bro! Hayop sa galawan! Nang wala na kami, nalaman kong may ibang estudyante na namang niyayari iyan eh!”

“Kaya nga bro…”

“Nang kami pa nga, halos itali na lang niya ako sa kanyang baywang. Kaya hindi ko siya sineryoso. Ako pa…” sabay tawa. “Kaya di siya nakapalag sa akin.”

“Atin-atin lang muna iyan, bro.” ang sambit ni John.

“No problem. Mamaya, i-check ko ang dati kong facebook at i-retrieve ko ang mga litrato namin at i-report ko kaagad sa iyo. Pero babalik na kami ng Baguio ng Tita mamaya kaya maaaring late ngayong gabi o bukas ko maibigay sa iyo.”

“No problem bro.” ang sambit ni John. At ibinigay niya ang facebook account niya kay Jeremy. Inadd siya ni Jeremy at tinanggap ni John ang friend request. “Dito na tayo magexhcange ng messages.” Ang dugtong ni John.

Nahinto si Jeremy sandali. Napansin kasi niya na concerned na concerned si John kay Timmy nang binanggit nito ang problemang kinasasakutan nila ni Timmy sa Dean. At ramdam ni Jeremy na may kakaibang dating ito. Tiningnan niya si John sa mata. “Sabihin mo sa akin ang totoo, bro. Ano ba talaga kayo ni Timmy? Kilala mo ako, lahat ng mga sikreto ko ay alam mo. Kahit iyong mga karelasyon kong bakla dati, wala akong itinatago. I’m not going to judge you.” 

Bigla ring nahinto si John. Naging seryoso ang mukha na tiningnan si Jeremy. “Promise hindi mo ako pagtatawanan?”

“Hmmm… konti lang.” ang biro ni Jeremy. “So is that a confirmation?”

Tumango si John. Iyong tango na nahihiya.

“Shittttt! Shitttttt!!! Ang pinakasiga kong kinakapatid, kinatatakutan ng kung sinu-sino, ang barakong salbahe ng Maynila at Baguio!...”

“Huwag ka ngang maingay d’yan, tarantado ka ah!”

“Swerte mo, bro. Ang gandang lalaki ng lover boy mo. Ang bait pa.”

“Tado. Ako ang lover boy dito.”

“Lover boy ka nga, ikaw naman ata ang bottom.”

Tinampal ni John ang ulo ni Jeremy. “Gago! Ako??? Gusto mo matikman kung gaano ako kasarap tumira sa pwet?”

“Tumawa rin si Jeremy. Wag na bro. Nandidiri ako!”

Tawanan. At iyon. Ikinuwento na rin ni John kay Jeremy ang love story nina Timmy.

“Parang gusto ko na rin subukan ang M2M love affair ah!”

“Di ba matagal mo nang nasubukan tsumupa ng titi?” ang biro ni John.

“Gago! Titi ko ang tsinutsupa nila!”

“So maraming beses na.”

“Pampalipas oras lang iyon, bro. Alam mo naman, libog at pera. Pero may isang karanasan din ako na muntik na maging seryosohan. Parang na in love na kasi ako sa kanya. Kaso, pinabayaan namin ang relasyon namin dahil nakatatak kasi sa utak namin na panandalian lang ang relasyon naming iyon at pasasan ba’t magkaroon din kami ng girlfriend. Ganoon nga ang nangyari. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan siya.”

“Ah… hindi iyon love, bro. Kasi kung love niyo talaga ang isa’t-isa, ipaglalaban ninyo ang relasyon ninyo.”

“Ang lalim bro! Parang expert ka na yata sa pag-ibig ngayon ah!” ang sambit ni Jeremy habang tumatawa.

Ganoon ang takbo ng kanilang kuwentuhan ni John at Jeremy. Mula sa seryosong bagay tungkol sa Dean hanggang sa kantyawan tungkol sa hindi inaasahang pagkaroon ng lalakiing kasintahan ni John.

Nasa ganoon sila kasayang pag-uusap nang dumating naman si Timmy.

Nang nakaupo na si Timmy sa kanyang silya, ngumingiti naman si Jeremy habang pinagmasdn silang dalawa ni John na nagtabi. Iyong parang nakakalokong tingin.

“Ba’t ganyan ka kung makatingin at makangiti sa amin?” ang tanong ni Timmy kay John.

“Wala. Ang cute niyo lang tingnan, bro.”

“At bakit ka naku-kyutan sa amin?” ang tanong uli ni John na halatang kinilig, pinigilan ang pagngiti.

“Gusto mo itanong ko kay Timmy, bro?”

“Oh, bakit napunta sa akin?” ang pagsingit naman ni Timmy.

“May sinabi kasi sa akin ‘tong bro ko eh. Ewan kung totoo o niloloko lang ako.”

“Ayusin mo ang tanong mo kundi malilintikan ka sa akin.” Ang pagsingit ni John.

“Ano ba ang sinabi niya? Nakaalis lang ako sandali, ako na kaagad ang pinag-uusapan  ninyo?” ang tanong ni Timmy na napangiti rin, tiningnan si John.

“Kayo raw ay ganyan?” sabay dikit sa kanyang dalawang hintuturo, pahiwatig na may relasyon silang dalawa.

Tinitigan ni Timmy si John. “Sinabi mo iyan?” iyong tingin na may pagka intimidating.

“Bakit? Tototo naman, di ba?”

“Sige nga kung totoo, kiss nga!” ang paghamon ni Jeremy.

Doon na biglang hinalikan ni John si Timmy sa bibig. Yung mabilisan lang. Hindi nakailag si Timmy na napangiti na lang din. Syempre, may kilig siyang nadarama.

“Tangina! Tanginaaa! Shiiitttttt!” ang pagsisigaw ni Jeremy na pinupokpok ang mesa. “Kinilig ako, shiiittt!”

Tawanan.

KINABUKASAN mas dumami pa ang mga estudyanteng may mga pula sa kanilang damit. Iyong iba ay talagang nagsuot ng t-shirt imbes na uniporme. Ang iba naman ay may kung anu-anong pulang bagay na dala.

Nagpameeting ang Dean ng Business Administration at pinagbawalan niya ang mga estudyante na magsuot ng pulang damit o magdala ng kung ano mang pulang gamit. Pagmumultahin daw niya kapag may nakikitang nakisimpatiya sa mga estudyanteng nagprotesta. Pinagbantaan din niya si Timmy sa harap ng mga kapwa estudyante na kung makikita niya si Timmy na sumasali sa protesta, ikick-out niya ito kaagad sa unibersidad.

Sa meeting na iyon ay inutusan niyang tanggalin ang mga kung anu-anong pulang bagay sa katawan ng mga estudyante kung ayaw nilang papatawan ng multa. Subalit imbes na sundin nila ang Dean, nag walk out ang mga estudyante. At dahil halos lahat ay may pula sa kanilang katawan, iilang estudyante na lang ang naiwan sa hall, kasama na si Timmy. Hindi ma-drawing ang mukha ng Dean sa matinding galit. “Watch out all of you! You will regret it!” ang sigaw niya sa mga nag walk out na mga estudyante.

“Tok! Tok!” ang sambit ni Jeff na nagtatakbo patungo kay Timmy na nakaupo sa Student center. “Tingnan mo. May announcement ang vice president ng student council na magkaroon ng rally sa harap ng main building sa Sabado, at inanyayahan niya ang lahat ng mga estudyanteng interesadong sumali.”

Tiningnan ni Timmy ang ipinakita ni Jeff na facebook group na ginawa ng vice president ng student council. “Mahigit limang libo na ang naglike!” ang sambit ni Timmy.

“Oo! At ilan ba ang population ng buong university? Wala pang sampung libo. So, majority ng mga estudyante ay pabor sa ginawa ng vice president ng studnt council!” Tiningnan ni Jeff si Timmy. “Sumali ka na, Tok!”

Ngunit tinanggihan ito ni Timmy. “Ayoko, pare. Alam mo na... may banta sa akin ang Dean, di ba? Hayaan mo na lang muna ako. Kayo na lang.”

Biyernes ng gabi, halos walang tulugan sina Timmy at John sa kakatutok nila sa palitan ng mga mensahe at discussions sa grupo na itinayo ng vice president ng student council. Ramdam ng lahat ang excitement. Kahit hindi nakisali sina John sa discussion, natuwa sila sa suportang ipinakita ng mga estudyante. Kumbaga, instant celebrity sina Timmy at John, lalo na ang vice president ng student council. Ang galit nila ay ibinuntong lahat sa Dean ng Business Management at pati ang president mismo ng student council ay nadamay. Maraming kumneto sa kanya. Tuta raw ng Dean, walang bayag, hindi deserving na maging presidente, indecisive...

Nasa ganoon kasigla ang palitan ng discussions sa fb group nang biglang may nagpost ng mga litrato ng isang nasa 14 years old na guwapong binatilyo at isang nasa 20 na ang edad na lalaki na parehong naka brief lang, nakahiga sa ibabaw ng kama at naghalikan. At ang nakasulat na caption ay, “Si Sir at ako... Siya ang nagturo sa akin kung paano gawin ang kalaswaan.” At hindi lang isa ang litrato na naroon kundi sampu. Ang iba ay nagyakapan, may sweet na sweet na namasyal sila sa park, mayroon ding nagsubuan sila ng pagkain. At may dagdag pang ibang litrato na ibang teenager ang kasama ng lalaking nasa 20 ang edad. Ang caption ay, “Masarap tumikim ng iba’t-ibang putahe.”

Nang tiningnang maigi nina Timmy at John ang litrato, nagulat si Timmy. “Di ba si Jeremy ang mas batang lalaki riyan at si... Sir Earl ang lalaki na nasa 20 ang edad?” ang sambit ni Timmy na nabigla at tiningnan si John.

“Tama ka. Si Jeremy nga iyan at si Sir.”

“P-paano???” ang naitanong ni Timmy.”

“Taga Baguio iyan si Sir Earl. At nagkaroon sila ng relasyon ni Jeremy.”

“Oh... so, bakla ang Dean natin?”

Tumango si John.

Maya-maya ay nagring ang telepono ni Timmy. Nang sinagot niya, si Jeff ito. Excited ang boses. “Tok! Sumali ka na sa rally bukas! Sa ginawa namin ng barkada na pag-imbistiga sa sa ano at sino ang pinagmulan ng video na iyon, malaking rebelasyon ang pakawalan ko bukas. Magsasalita ako bukas sa entablado, Tok!” ang mistulang nanginginig pang boses ni Jeff. “I need your support!” dagdag niya.

“Bakit? Ano ba ang nadiskubre ninyo?” ang tanong ni Timmy.

“Basta bukas, Tok! Sumali ka sa rally! Hindi mo akalain ang nadiskubre namin! Lahat ay documented. May mga litrato at gagamitan ko pa ito ng projector para makikita ng lahat!”

“Eh...” tiningnan ni Timmy si John na umiling, pahiwatig na aywa niyang sumali si Timmy.

“T-titingnan ko, pare.” Ang sagot ni Timmy.

“Tok... please come. Please....”

Tiningnan uli ni Timmy si John na sa pagkakataong iyon ay napilitang tumango.

“Okay, i-try ko.”

“Good! Hahanapin kita bukas ha?!”

Maya-maya ay ang cell phone naman ni John ang nag-ring. Si Jeremey ang tumawag. Pinindot ni John ang speaker ng phone niya upang marinig din ni Timmy.

“Bro, nagmessage sa akin si Sir Earl. Ngayon lang! Ambilis ng reaction ng putangina!”

“Anong sabi?” Ang sagot ni John.

“Galit na galit! Umuusok ang telepono ko sa galit niya. Ganoon katindi. At tinakot pa ako na kakasuhan niya ako sa ginawa kong pagpost ng mga private ng litrato na wala raw siyang consent! Ipapakulong daw niya ako! Tangina niya!”

“Anong sagot mo?”

“Sabi ko, ‘Sir... alalahanin mo na 14 lang ako sa panahong iyon. Underage at puwede kitang ipapakulong. Gawin mo iyan at lagot ka sa akin. Pati mga magulang ko ay hindi ka uurungan. Mas lalo ka pang mapahiya’”

“Anong sagot?”

“Sabi niya di raw puwede iyon dahil consensual daw. Ginusto ko raw iyon. Sabi ko naman, ‘Sir, immaterial po kahit consensual dahil underage po ako. You exploited me, you sexualy abused me. Tingnan lang natin kung makapagturo ka pa kung kakasuhan ka namin.’ Ang sagot ko. Na-rattle siya, bro!”

“Tindi mo, bro! Nakatikim siya sa iyo. Anong sagot niya?”

“Biglang bumaba ang boses at nagmamakaawa na tangalin ko raw ang litrato. Sabi ko naman, ‘Sir... no. It’s about time that you learn a lesson. You’re messing with the wrong persons. Kinakapatid ko si John at kaibigan ko si Timmy. You are making their lives difficult. Pati ibang estudyante ay dinadamay mo pa. Para ito sa mga estudyangteng inabuso mo, minaltrato, tinapakan ang pagkatao. Ginawa mo iyan kaya deal with it!”

“Tapos?”

“Hindi na siya sumagot sa pm ko!”

“Patay siya ngayon! Thanks bro!”

“All the time! Send my love to Timmy. Iyong unang kadyot mo sa kanya bro, ay idedicate mo exclusively sa akin ha?”

“Gago!” sabay silang nagtatawanan. Natawa na rin si Timmy.

Wala pang dalawang segundo pagkatapos nilang mag-usap ni Jeremy ay nagring uli ang cell phone ni John. Ngunit iba ang tawag na iyon. iyon ang tawag na ayaw niyang matanggap sa harap ni Timmy. Bigla niyang pinutol ang pag-ring ng telepono.

Ngunit kung gaano kabilis ang pagputol niya rito ay siya ring bilis ng pagdial muli ng taong tumawag. Muling pinutol ni John ang pag-ring. Pagkatapos ay pinatay ang power at inilatag ang cell phone niya sa mesa,

Nakita ito ni Timmy. Dinampot niya mula sa kinalalagyan nito ang cell phone ni John at habang tiningnan si John, muling binuksan ni Timmy ang power. Nang nakabukas na ang power, hinanap niya ang log.

Halatang kinabahan si John na walang magawa kundi ang hayaan si Timmy sa kanyang ginawa.

DAhil walang pangalan kung sino, pinindot na lang ni Timmy ang numero ng huling tumawag. Pinindot din niya ang speaker phone nito na palaging ginagawa ni John kapag may kausap siya at kasama niya si Timmy upang marinig nito ang kanilang pag-uusap.

Nang nagring na ang telepono ng kabilang linya, ibinalik ni Timmy ang telepono kay John upang siya na ang sumagot sa kung sino man iyong taong tinawagan.

Halatang kabado si John habang hinawakan ang cell phone niya.

“Hello!!!” ang sambit sa kabilang linya.

(Itutuloy)

4 comments:

  1. Holly shitty. .... ang matagal ko ng hinihintay.... naiiyak naman ako haha i hope untill the end kuya Mike. . astig talaga to Promise wampipti percent... di na ako makapag hintay sa next chapter.... lagot ka ngayon dean... mas malandi ka pa sa malandi ahh.... ikaw ngayon ang gigisahin sa sarili mong mantika hahaha. .

    ReplyDelete
  2. Kaabang-abang naman ang kasunod. May kulo din palang itinatago ang dean, parang ako, ang gusto ko ay mga fresh ahahaha. Nagselos siguro kay timmy ng malaman na may relasyon kay john, kaya pinaginitan ang 2 at nagimbento ng video, palagay ko baka kasabwat pa yung president ng student council, kaya urong ang bayag at siguro kabit sya ng dean kaya ganun nalang ang inaarte nya at baka sabi lang din kunyari na ayaw ng mother nya na magrally.

    OC

    ReplyDelete
  3. Next chapter please

    ReplyDelete
  4. Hello... Wala pa po kasunod anng chapter na 'to? Excited na akong malaman kung paano magmakaawa so dean...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails