Followers

Wednesday, April 11, 2018

Ang Roommate Kong Siga [6]


By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

------------------------------------

Ang Kuwento Ng Milo

Nang narinig ko na pinapaalis na niya si Allan, agad akong tumakbo sa sitting room upang hindi mahuli na lihim akong nakinig sa kanilang usapan sa loob ng kuwarto.

Hinayaan ko munang makalabas si Allan sa boarding house. Sinundan ko talaga siya ng tingin hanggang sa may labasan. Doon ko nakita ang kanyang sasakyan. Ferrari. Napa-OH-EM-GEE ako! “Ang mahal noon! Nasa 3 million US dollars iyon!” ang sigaw ng utak ko. “Ang yaman pala nina Jerome!” sa isip ko lang.

“Kumusta ang pag-uusap ninyo?” Ang tanong ko kay Jerome nang nakabalik na ako sa kuwarto namin.

“Sa sunod ay huwag mo nang papasukin ang tanginang lalaking iyon ha? Magpasalamat siya’t baldado ako dahil kung hindi, mabubugbog ko iyon o di kaya ay mapatay. Sasaksakin ko talaga sa leeg ang tanginang iyon kapag hindi ako nakakapagtimpi!”

“Bakit gaano ba kalaki ang kasalanan ng kapatid mo na ganyan katindi ang galit mo sa kanya?”

“Hindi ko kapatid ang gagong iyon!” ang sigaw niya.

“Kung hindi mo kapatid, ano mo iyon?”

Hindi na siya sumagot. Nanatili siyang nakasimangot.

“O sige, kung ayaw mong sumagot, may babasahin ako. Baka maalala mo ito.” Ang sambit ko. Hinugot ko ang sulat ng daddy niya na itinago ko sa aking drawer.

“Dear Jerome. Please talk to Trixia. Don’t punish her, Wala siyang kinalaman sa galit mo sa akin. Huwag mo siyang idamay. She loves you. Ang mga magulang niya at ako ay nagkasundo nang ipakasal kayo nitong summer. Napagdesisyunan namin na agahan imbes sa paggraduate niyo pa. Hindi na sila makpaghintay. Atat na atat na silang magkaapo. Si Trixia ay pumayag na ring makasal sa iyo. Kaya kausapin mo siya. She is worried about you. Please Jerome, answer her call or at least sagutin mo ang mga texts niya.”

“Hayan, ano iyang sulat na iyan?” ang tanong ko.

“Pinakialam mo ang sulat  ko?” ang galit na tanong niya.

“Oo. Dahil tsismoso ako, at oo dahil nasa basurahan naman iyon at ako pa talaga ang nagtapon ng basura mo. Kaya binasa ko na. Ngayon, ano ang ibig sabihin niyan?”

“Binasa mo na pala eh. Ano pa ba ang sasabihin ko?”

Tinitigan ko si Jerome. “So maliban sa manyak na Ressa na iyon, may official girlfriend ka rin pala? Sino ba talaga ang mahal mo?”

“Ano ka ba talaga? Imbistigador? At anong klaseng tanong naman iyan?”

“Ah hindi pala official girlfriend iyang isa, arranged girlfriend lang pala. Tapos mag-aupgrade na siya to arranged wife.”

Hindi na sumagot si Jerome sa mga tanong ko. Nakita kong humiga siya sa kama, nakatihaya, at mistulang tumagos sa bubong ang kanyang tingin.

“So magpakasal ka talaga sa kanya?”

Nilingon niya ako, halatang galit. “Ulol!”

Natahimik na rin ako. Ngunit maya-maya ay ako rin ang bumasag sa katahimikan na iyon. “Bakit ka nagpanggap na mahirap, Jerome?”

Biglang napatingin si Jerome sa akin. “Saan mo naman napulot ang kuwento na iyan?”

“Huwag ka nang mag-deny pa. Nakita ko ang sports car ng utol mo. Ferrari. Aba ang mahal noon! Isang Ferrari lang ay puwede ka nang magpatayo ng isang napakagandang mansyon! O kahit sampung mansion pa!”

Nakita kong nagngangalit ang mga ngipin ni Jerome. At bagamat pinigilan niya ang pagsigaw, dinig na dinig ko ang pagmumura niya. “Putang ina!!!”

“Nagtiis ka sa hirap, tapos ang kapatid mo ay naglulubalob sa karangyaan?”

“Hindi ko nga kapatid ang walanghiyang iyon! Tangina!” ang bulyaw niya.

“Pwes ano mo nga iyon?”

“Wala ka na roon! At wala kang pakialam!”

Tahimik.

May lungkot lang akong nadarama sa kalagayan ni Jerome. Parang napi-figure out ko na baka nag-asawang muli ang daddy niya at itong si Allan ay step-brother niya lang ngunit maluho kaya siguro galit na galit siya rito. Ngunit sumingit din sa isip ko ang pagkakaiba ng buhay na tinatahak naming dalawa. Simula’t sapul ay wala akong nakilalang ama, at tanging inay ko lang ang nagsilbing tatay at nanay ko. Masaya naman kami, ang inay ko pa arin ang the best na inay sa buong mundo. Ngunit iba pa rin kung may itay ako.

“Kung ako sa iyo Jerome, lalapitan ko ang daddy ko. Kasi, kahit ano man ang mangyari, kahit ano man ang nagawa niya sa iyo, itay mo pa rin siya. Marahil ay kung ikaw ang nasa kalagayan ko na walang naranasang tumatayong tatay, marealize mo na ang hirap nang walang itay o daddy. Kaya sana ay kausapin mo siya at makipag-ayos ka sa kanya. Napakasarap ng pakiramdam kung buo kayong pamilya. Nagmamahala, nagkakaunawaan, nagbibigayan, at higit sa lahat ay masaya.” Ang pangaral ko.

Muli niya akong nilingon. “Hindi mo alam ang kuwento ng buhay ko. Baka kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay baka gugustuhin mo na lang din na wala kang ama. Baka gugustuhin mo pa ngang magpakamatay na lang kaysa magkaroon ng isang hayop na amang katulad niya.”

“Kaya nga sabihin mo sa akin ang kuwento mo para maintindihan ko!”

“Ba’t ba ang kulit mo?!”

Natahimik ako sa pagbulyaw niyang iyon. Tama naman siya. Hindi ko siya kaano-ano. At alam kong hindi tama na mangialam ako sa buhay niya. Naitanogn ko tuloy sa aking sarili kung bakit ba gusto kong malaman ang buhay niya. Ni hindi nga kami ganyan ka close. “Lalayasan ko rin naman siya. At pag hindi na kami nagkikita, kalimutan ko na siya na parang hindi kami nagkakilala, hindi nagkasama. Hinid ko siya papansinin kapag nagkasalubong kami sa daan, o nagkasabay sa sasakyan. Ganoon lang iyon kadali.” Ang bulong ko sa sarili.

Kinagabihan. “Bakla… gusto kong uminom.” Ang sambit niya.

“O e di uminom ka!”

“Wala akong pera eh. Ikaw muna ang taya. Babayaran kita kapag nagkapera na ako.”

“Magkapera? Paano ka magkapera? Nag-aaral ka, ayaw tanggapin ang suporta ng magulang, hayan may sakit pa, malaki ang utang mo sa akin dahil ninakaw mo ang motor ko at hayan, may utang ka sa inay ko dahl sa bayarin mo sa ospital, idagdag ko pa ang dugo ko na inabuno sa iyo. 1 pint din iyon. Alam mo kung gaano karami iyon? 16 ounches, or 2.33 cups. Ganyan kadami ang naibigay kong dugo sa iyo. Five hundred dollars iyon or 26,000 pesos. See? Mahigit 120K na ang utang mo sa amin pa lang. Paano ka makakabayad niyan?”

“Mabait naman kayo eh.”

“Oo naman. Mabait kami. Pero hindi kami tanga.”

“Sige na bakla. Naiinip ako eh. Atsaka tayong dalawa naman ang mag-inom. Bonding. Iyon nga lang, taya mo muna.”

“Ba’t ako ang gagastos? Hindi ko naman birthday?”

“Sabihin na lang nating celebration.”

“Celebration saan?”

“Hmmmm... sa pagiging mag-best friend natin.”

“Ugok! In your dreams!”

“Sige na bakla… please???” ang pagmamakaawa niya na tinitigan pa talaga ako, ang mukha ay bagamat pilit na nagmamakaawa ngunit cute na cute ang dating na lalo pang nagpalitaw sa kapogian niya.

Ang cute lang niya sa hitsura niyang iyon na nakatitig sa akin. Tila isa siyang anghel, ang mukha ay napaka-inosenteng tingnan, dagdagan pa sa sinadyang pagpupungay niya sa kanyang mga mata na parang isasailalim ka sa kanyang kapangyarihan. At habang nasa ganyan siyang pagpapa-cute at mapanuksong tingin, inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at pinisil-pisil ang ibabang labi, pinaglaruan ng kanyang daliri. Alam kong balewala lang sa kanya iyon. Ngunit mas lalo pa itong nakadagdag sa pagkabighaning naramdaman ko.

Kaya napukaw ang aking pinakatago-tagong kalandian sa katawan at biglang lumambot ang puso. “Anong kapalit?” ang mataray kong tanong.

“Ano ba ang gusto mo?”

Nagulat naman ako sa sagot niyang iyon. Para bang kahit kaluluwa niya ay puwede niyang ibigay. “Sigurado kang kahit ano?” ang sagot ko.

“Huwag lang pera. Wala ako noon.” Sabay bitiw ng isang malakas na tawa.

“As in sure ka talaga? Huwag kang magbiro ng ganyan, Jerome, papatulan ko talaga iyang hamon mo. Baka magsisi ka. ”

“Baka ikaw ang magsisi. Papatulan ko rin iyang kapalit na sinabi mo.” Ang sagot niya. “Be careful what you ask for dahil sabi nila ‘when it rains, it pours. Baka bumaha at malunod ka.” Sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti.

Napalunok naman ako ng sangkaterbang laway sa sinabi niyang iyon. Malaswa ang nasa aking isip. Iyon ba iyong kanyang sinabi na malulunod ako? Like maraming lalabas sa kanya, sapat na malulunod ako? Ano iyon, parang ihi na isang drum babaha ang kama? O kung sa laki naman ng sandata niya, oo nakita ko na iyon noong nagtalik sina Ressa kung saan ay hinugot niya ang ari ni Jerome at kitang-kita ko iyon. Naimagine ko na kung isubo ko iyon ay hindi ko alam kung kakayanin ko, baka iluluwa ko ang aking buong bituka kasama ang balunbalunan. Ni ulo nga noon ay baka hindi ko maipasok sa aking bibig dahil sa laki. At kung sakaling ipagpilitan niyang ipasok iyon sa aking tumbong, Diyos ko po!!! Naalala ko noong siyam na taong gulang lang ako. Sobrang hirap namin sa panahong iyon kaya nang nakabili ng Milo ang aking inay, sa sarap nang matikman ko ito ay halos maubos ko ang buong laman ng lata na parang setserya lang nang nilulon ko. Kinabukasan, hindi ako makatae dahil sa kapal at tigas na nabuong ebak sa loob ng aking tumbong. Limang araw na nagtiis ako. Kung anu-anong pampadulas ang ipinainom sa akin ng inay. Nariyan ang gata, mamantikang pagkain, mga pagkaing nakakapagdulot ng diarrhea. Ngunit wala itong naitulong sa akin. Kaya natakot ang aking inay na baka ma-poison ang aking sistema. Ako man ay pagod na rin sa kaka-ere. Gusto kong tumae ngunit kahit anong puwersa ko ay hindi siya lumalabas. Pagod na ako sa kakapuwersa. Nang hindi na nakatiis ang inay na nagmistula akong buntis na hindi makaanak, ang ginawa niya ay sinamahan ako sa loob ng kubeta at doon ay pinatuwad ako. Inutusan niya akong ipuwersang ipalabas ang hayop na ebak na iyon. Habang ganoon akong nakatuwad at pilit na itinulak ang higanteng ebak palabas, dahan dahan niyang tinusok-tusok ng tooth pick iyon. Matapos ang halos isang oras sa kaka tooth-pick ng inay, unti-unting lumiit iyon hanggang sa nakayanan ko nang ipalabas. Dumugo ang aking puwet dahil doon. Sobrang sakit. Oo, isang dambuhalang ebak ang naka donselya sa akin. Kaya simula noon ay hindi na ako kumain pa ng Milo. Kahit ilagay pa ito sa tubig ay ayoko na. Kaya iyong patalastas nilang Milo everyday, ewan ko lang. Hindi ko maimagine. Baka hindi na ako umabot ng 10 years old. Kaya nang makita ko ang ari ni Jerome, halos mapaantada ako. Naalala ko ang Milo na pinagkasasaan ko.

Ewan ko ba. Pero sa inastang iyon ni Jerome ay mistulang palaban siya. Hindi ko lang alam kung ano ang plano niya o ginawa lang ba niya iyon dahil atat na atat na siyang makainom. Tila manginginig ako sa magkahalong excitement at nirbiyos na hayan, baka may mangyari sa amin at ma-Milo na naman ako. Baka sa unang pagkakataon ay maranasan ko na talagang madonselya ng isang totoong sandata... at sandata pa ng taong lihim ko nang mahal.

“Ano na?” ang tanong niya uli nang mapansing tila natulala ako. At siya pa talaga itong nag-follow up.

“Eh… saka na lang kapag nakainom na ako para masabi ko. P-para mag-init ako at lumakas ang loob.”

“Bakit? Hindi mo ba kayang sabihin sa akin ngayon iyan? Paminsan-minsan lang akong game. Promotion lang ito. Kumbaga, sale. Baka mag-expire ito kapag tumagal.”

“Tanga! Promotion. Sale. Ano ka, furniture? Painumin mo muna ako! Saka ko sasabihin!”

“E di, ano pa ba ang hinihintay mo! Bili na ng mainom! Daliiii!”

Kaya dali-daling lumabas ng kuwarto ang lola ninyo at nanginginig pa habang tumatakbo patungo sa pinakamalapit na tindahan sa boarding house. Dalawang case ng beer talaga ang binili ko. Take note, dalawang case na beer at para sa aming dalawa lang. Gusto ko talagang maglasing para heaven na heaven.

Nang nakabalik na ako sa aming kuwarto. Agad kong inilagay sa refrigerator ang mahigit isang case samantalang ang natira ay inilatag ko sa study table ko na nasa dulo naman ng aking kama. Dahil medyo okay naman ang mga pinsala ni Jerome sa katawan at tinanggal na rin ang semento sa kanyang binti kaya medyo nakakatayo na siya bagamat hindi pa nakakalakad ng maayos at naka-sling pa rin ang braso niyang nasaksak.

Magkaharap kaming naupo sa silya ng aking study table. Nagpasalamat siya na binilhan ko ng beer. May pakindat-kindat pa habang binitiwan ang nakakalokong ngiti. Mukha talaga siyang nanunukso. Lalo siyang pumupogi sa kanyang pagpapa-cute na iyon. Ewan. Siguro ay malisyoso or assuming lang ang aking isip. Baka naman tuwang-tuwa lang din siya na binilhan ko ng beer.

Dahil sa pagpapa-cute niyang iyon ay binilisan ko ang pag-inom upang mag-init ang aking katawan at lalakas ang aking loob na magsalita. Siya naman ay nakangiting tinitigan ako. Tila na-mesmerized. Ewan.

Maya-maya lang ay tinanggal niya ang kanyang T-shirt at inihagis ito sa sahig. “Nag-init na ang katawan ko ah.” Ang sambit niya.

“Nagkakalat ka na naman! Tangina! Lilinisin ko na naman iyan bukas!” ang sigaw ko.

Nginitian niya ako sabay haplos sa kanyang tiyan. “Na-miss ko iyong magulong kuwarto eh. Iyong parang wild na lugar na may naghahabulan, may naghahablutan, may nagpupuwersahan, may naghihilahan, may nag-uungulan.” Sabay tawa at talagang umungol siya. “Ahhhh! Ahhhh! Ahhhh!” habang haplos-haplos niya ang kanyang tiyan.

“Gago!” ang sambit ko.

“So ano na ang kapalit?” ang tanong niya.

Nag-init na ang katawan ko at medyo umiikot na ang aking pangingin. Ngunit tinungga ko pa ang isang bote ng beer.

Tawa naman siya nang tawa. “Parang mas malakas ka pang uminon kaysa akin ah!” ang biro niyan. “Ano na?”

“S-sure ka ba na kahit ano ang kapalit?”

“Oo ano ka ba. Sure ako. Huwag kang mahiya. Wala nang hiya-hiya. Bakla ka na nga mahiyain ka pa. Huwag kang ganyan. Dapat ay bakla kang walang hiya.” sabay tawa.

Ngunit hindi ako natawa. Seryoso ang isip ko sa aking sasabihin. “Eh…”

“Eh.. ano?”

“G-gusto kong ang kapalit ay ang magtabi tayong mahiga sa kama.”

Doon na siya tumawa nang napakalakas. Para siyang kiniliti. “Sabi ko na nga ba eh. Bakla ka talaga! Tangina!”

“So ayaw mo?”

“Hindi ko naman sinabing ayaw ah! Hindi mo pa sinabi iyang sagot mo na iyon, nasa isip ko na iyan! Kaya, okay lang sa akin, bakla.” Ang sambit niya sabay tayo at tumayo pa talaga siya. Nilapitan ako at inilingkis ang kanyang braso na hindi napinsala sa aking leeg at nang naabot niya ang aking ilong pinisil iyon. Tila nangigil. “Ang cute mo talaga no? Confirmed!!!” ang sambit niyang tumawa uli. Ramdam kong ang saya niya sa sandaling iyon.

Habang nasa ganoon siyang ayos, amoy na amoy ko naman ang kanyang katawan. Iyong amoy lalaki na pinawisan. Wala naman siyang putok ngunit iyong amoy ng kanyang pawis ay lalong nagdulot ng kakaibang init at kiliti sa aking katawan. Lalo na nang madampi pa ang aking balat sa kanyang hubad na pang-itass na katawan. Ramdam ko ang matinding panginginig ng aking kalamnan. Naglalaro sa aking isip kung paano na lang kapag nagtabi na kami, parehong hubo’t-hubad. As in grabe talaga ang kaba ko, ang excitement, ang saya. Sa totoo lang, sa sinabi pa lang niyang iyon na payag siyagn magtabi kaming matulog sa kama ay tinigasan na ako. Ngunit syempre, hindi ako nagpahalata. Kunyari ay demure pa rin bagamat sa isang banda ng aking utak ay inihanda ko na ang aking sarili na madonselya niya.

Nang medyo nalasing na kaming pareho, doon na naging seryoso at matino ang aming pag-uusap.

“So sino ba talaga si Ressa at si Trixia sa buhay mo?” 

“Ah... si Ressa. Friends with benefit lang iyon. Sex lang ang habol ko sa kanya. Maaaring mahal niya ako pero alam niyang hindi ko siya mahal. Okay lang naman daw sa kanya. Si Trixia naman...” nahinto siya at tila nag-isip. “Childhood friend ko. Nag-aaral siya sa Amerika ngayon. Naging girlfriend. Pero lately ko lang nalaman na arranged pala talaga kami. Magkasosyo sa negosyo ang aking ama at mga magulang ni Trixia. Ngunit sa kasamaang palad ay bumagsak ang negosyo at ang dahilan ay ang aking ama... Pinangakuan ng mga magulang ni Trixia na isaayos nila ang negosyo, sila ang bahala rito at walang magbabago sa hatian ng shares ng stocke basta lang makasal kami ni Trixia. Mahal ako ni Trixia at siya ay kaisa-isang anak ng kanyang mga magulang. Kaya whatever Trixia wants, Trixia gets.”

“Kasama ka na roon sa what Trixia gets. At obligado kang pakasalan siya.”

Tiningnan niya ako. “Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, pakakasalan mo ba siya?”

“Mahal mo ba siya?”

“Mahal kung sa mahal...”

Mistulang tinadtad ang aking puso sa narinig. Doon ko nakumpirma na imposible talagang magkaroon ako ng puwang sa puso ni Jerome. “Iyon naman pala eh. So kung ako ang nasa lugar mo, pakakasalan ko siya. Mahal ko ang babae, at mailigtas ko pa ang aming negosyo.” Ang naisagot ko na lang. Tila nawalan na ako ng ganang makipag-usap pa.

Tiningnan niya ako at napa-ismid. “Wala ka talagang alam...”

Hindi ko na siya sinagot. Hindi na rin ako nangtanong. Dahil sa lungkot na nalamang may mahal na pala siya, sunod-sunod kong tinungga ang laman ng apat na bote ng beer. Parang gusto ko na lang kalimutan na magtabi kami sa kama sa gabing iyon. Hanggang sa nalasing ako at hindi ko na alam ang sunod pang mga pangyayari. Hindi ko na rin alam kung ano ang mga pinaggagawa ko.

Kinabukasan nang magising ako, sobrang sakit ng ulo ko. May hilo pa akong naramdaman, tila masusuka pa ako. Nang tiningnan ko ang aking katabi, naroon si Jerome! Nasa kama niya ako! Pareho kaming naka brief lang! Nang tiningnan ko ang aking harapan at hinaplos iyon, nagising na rin pala si Jerome at nakita niya ang aking ginagawa.

“Hindi iyan ang dapat mong kapain kung gusto mong malaman kung na-rape ka. Ang likuran mo ang kapain mo dahil tumitira ako, hindi susmususo ng titi ng lalaki!” Ang sambit niya.

Inirapan ko siya at kinapa ko rin ang aking likuran.

“O ano? Masakit ba? Mahapdi? May kirot?” ang tanong ni Jerome na tila nang-aasar. “Kung gusto mo, hubarin mo iyang brief mo para makita mo ang dugo.”

“Hindi mo ako ni-rape? Hindi mo ako ginalaw?” ang tanong ko nang normal naman ang naramdaman ko sa aking katawan.

“Parang hindi naman. Sa tingin mo?” ang sagot niya.

Tila gusto kong mainis sa kanyang sinabi. Nakakainsulto. Hindi ba ako ganyan katakam-takam, hindi kanais-nais? Hindi nakakaturn-on? “Bakit ako nakahubad? At bakit nandito ako sa kama mo?” ang tanong ko na lang.

“Una, tingnan mo ang damit at pantalon mo, nasa sahig. Puro suka. Sinukahan mo! Kaya hinubaran kita. Pangalawa, kung bakit ka nandito sa tabi ko, di ba iyan naman ang sinabi mong kapalit sa pagbili mo sa akin ng pang-inom? Magtabi tayo sa pagtulog? Hayan, magkatabi na tayo. Tinupad ko, kasi baka mas lalo pang lumaki ang utang ko sa iyo. Magkano nga ba iyon? 120K? Baka aabot na sa 150K kung ililista mo pa yung painom mo sa akin.”

Hindi ako naka-imik sa kanyang sinabi. Akala ko kasi ay ma-donselya na ako sa gabing iyon. “Pero mabuti na rin ang ganoon. Baka kung nagkataon, isa na naman itong madagdag sa iba-blackmail niya sa akin. Baka lalong lalaki ang ulo niya na siya na nga lang ang nakakaalam sa pinakatago-tago kong sikreto, siya din itong nakadonselya sa akin. At least, taas-noo pa rin akong harapin siya.

“Ouch!!!” ang sigaw ko. Masakit kasi ang aking ulo gawa nang hangover. Dahil hindi sanay sa inuman, hayun, naoverdose yata ako sa alak.

“Saan ka pupunta Dado!” ang sigaw ko nang bumalikwas siya sa higaan at akmang lalabas ng kuwarto.

“Manigarilyo lang.”

“Ow?” ang sagot ko. “Mabuti naman at naisipan mong sa labas na manigarilyo!”

Hindi na siya umimik. Tuloy-tuloy lang siya patungo sa pintuan at paika-ikang naglakad. Hindi na siya gumamit ng saklay. Hindi na rin niya isinuot ang kanyang sling sa kanyang bisig.

Pinilit ko ang sariling tumayo ngunit sobrang sakit ng aking ulo at matindi pa rin ang aking pagkahilo. Nang hindi ko na nakayanan ay nagtatakbo ako sa banyo at doon ay sumuka.

“Bakla! Nasaan ka?” ang sigaw ni Jerome nang nakabalik na siya.

“Nasa banyo!” ang sagot ko. “Gwarrkkkk! Gwarrkkkk!”

Pinuntahan niya ako sa loob ng banyo. Nang tiningnan ko siya, hawak-hawak niya ang labakara. Pinunasan niya ang aking bibig at pagkatapos ay hinawakan ang aking kamay, hinila patayo. “Tara humiga ka na lang. May dala akong black tea, pampaalis ito ng hangover.

Tumalima ako. Ngunit nang sa kama niya uli ako pinahiga, umalma ako. “Sa kama ko ako hihiga!”

“Sige higaan mo ang suka mo roon. Maganda iyan para sabay malinis ang kama mo.” Ang sagot niya.

Nang tiningnan ko ang aking kama, nagkalat din pala ang suka ko. Kaya doon na ako sa kama niya umupo. Pinainom niya ako ng black tea inihanda niya sa mess hall. Kaya pala siya lumabas. Nang matapos ko nang inumin iyon, saka ako humiga. Tumungo uli siya sa mesa at may kinuhang gamot at isang basong tubig.

“Inumin mo ito.”

“Ano iyan?”

“Pampalaglag.” Sabay tawa.

“Gago. Ano nga iyan?”

“Alka-Seltzer yan. Inumin mo para mawala ang hangover.”

Kaya ininom ko rin. Siya pa talaga ang naghawak ng baso.

“Mayroon pang ibang gamot sa hangover maliban d’yan.” Ang sambit niya.

“Ano?”

“Tulog at Sex.” Sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti.

Hindi ko na pinatulan ang kanyang biro. Inismiran ko lang siya. Alam kong nang-iinis lang siya dahil alam niyang gusto kong matikman siya ngunit napurnada. Isa pa, may Trixia na siya. Ang sakit. Kaya tumagilid ako at ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Naidlip ako sandali. Nang nagising ako ay nakita si Jerome na lumabas galing sa banyo na nakatapis, iyong signature tapis niya na mababang-mababa at halos makikita na ang kanyang bulbol. Tinungo niya ang kanyang cabinet atsaka kumuha ng isang malinis na boxers at iyon lang ang kanyang isinuot.

Akala ko ay hihiga na siya pagkatapos niyang magsuot ng boxers. Ngunit may dalang tuwa sa akin ang sunod niyang ginawa. Iyong mga damit kong nagkalat sa sahig ay dinampot niya at inilagay ang mga ito sa labahan. Nagwalis siya, itinapon ang mga basura, at pagkatapos ay nilinis niya ang aking nasukahang kama. Pinalitan niya ito ng bagong bed sheet. Nang matapos na siya ay pinilit niyang magbuhat sa kanyang dumbbells kahit masakit pa ang pinsala niya. Sinubukan dinniyang mag push up at mag sit-up.

Nagkunyari akong tulog at hindi nakita ang kanyang ginawa. Ngunit sa nasaksihan ko ay masasabi kong malaki ang pagbabago ni Jerome. Kumpara sa una kong pagpasok sa kuwarto na iyon kung saan ay napuno ito ng sari-saring amoy, ang panghaharass at pananakot niya sa akin, ang kawalan niya ng responsibilidad na maglinis ng kuwarto… ibang-iba ito sa nakita ko sa kanya sa araw na iyon.

Nakatulog ako sa buong maghapon sa kama ni Jerome. Nang nagising ako, naalimpungatan kong nasa tabi ko na siya. Nasa gilid ng kama, iyong halos malaglag na lang siya dahil sa liit ng lugar niya at may guwang pa sa aming pagitan. Nakatihaya siya, walang takip na kumot ang kanyang katawan at kitang-kita ang malaking bakat sa kanyang harapan. Nang kinapa ko ang aking uluhan, napansin kong dalawa ang aking unan at nakaangat ang aking ulo samantalang si Jerome ay walang unan habang nakahiga. Alam kong siya ang naglagay ng unan niya sa aking uluhan dahil isang unan lang naman palagi ang ginagamit ko.

Sa pagkakita ko sa kanya, umusog ako nag kaunti at tumagilid paharap sa kanya. Tinanggal ko ang isang unan sa aking ulo atsaka isiningit iyon sa ilalim ng ulo niya.

Napaungol siya sa paggalaw ko sa kanyang ulo. Tumagilid siya paharap sa akin, ang kanyang dalawang kamay ay ibinaba niya, isiningit sa kanyang dalawang hita.

Tinitigan ko siya sa ganoong posisyon. Hindi ko maiwasan na humanga sa angkin niyang kakisigan. Hindi ko rin maiwasang maantig sa ipinakita niyang pagbabago. Ngunit kahit ganoon ag aking naramdaman, mas lalo lang itong nagpatindi sa lungkot ng aking puso. Halos bumuti na ang kanyang kalagayan. Maliban sa kanyang paika-ikang paglalakad ay kaya niya na itong gawin nang walang saklay. Hindi na rin niya isinuot ang kanyang sling sa brasong nasaksak. Sa kabuuan, ay nasa 75% na siyang magaling. Naglaro sa aking isip ang sandali kung saan ay aalis na ako sa kuwarto na iyon, kung saan ay magpapaalam na ako kay Jerome. Lalo na’t nakikita ko ang pagbabago niya, ang kanyang ipinakitang kabaitan sa akin. Ngunit kailangan kong umalis dahil the more na patatagalin ko ang pananatili sa kuwarto na iyon, the more na lalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. At alam kong walang katuparan iyon. Kung susulsulan ko naman siyang huwag pakasalan si Trixia, masama naman iyon dahil iyon ang ikasisira ng relasyon niya sa kanyagn ama at sa kanilang negosyo. Iyon din ang ikasisira sa kanyang maganda na sanang kinabukasan. Ako ang lalabas na masama at makasarili.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Lihim ko itong pinahid.

Nang muli kong tiningnan si Jerome, nakita kong nakamulat ang kanyang mga mata at nakatingin sa akin. “Umiiyak ka?” ang tanong niya.

“H-hindi. Napuwing lang ako.” Ang pagsisinungaling ko.

Tinitigan lang niya ako. Pagkatapos ay binitiwan niya ang isang matipid na ngiti.

“S-salamat ha?” ang sambit ko.

“Saan?”

“Basta… alam mo na iyon.”

“Bakit ang drama mo ngayon? Epekto ba yan sa hangover mo?” sabay bitiw ng isang nakabibighaning ngiti.

“Epekto ng Alka-Seltzer na pinainom mo.” Ang sagot ko na sinuklian ang kanyang ngiti.

Natawa siya. “Okay ka na?”

“Oo… Salamat” ang sagot ko.

Tahimik.

“S-so… kaya mo pala ibinenta ang motorsiklo ko dahil binayad mo sa iyong tuition?” ang tanong ko. Naalala ko kasi ang argumento nila ni Allan kung saan ay sinabi niyang kahit magnakaw pa siya pang makabayad lang ng tuition niya ay gagawin niya.

Nahinto siya. Tinitigan ako. “Pasensya ka na…” ang sagot niya.

“Okay lang sa akin. Naintindihan ko. Pero sana ay sinabi mo.”

“Kung sinabi ko ba sa iyo ay papayag ka?”

Natahimik ako. “B-abaka kung sinabi mo nang maayos. Oo. Baka.”

“Siguradong hindi. Dahil alam kong takot ka sa akain. Alam kong may mga nagsasabi sa iyo na masama ako… na isang taong hindi mapagkakatiwalaan.”

Napangiti ako. “Okay, tama lang na ninakaw mo ang motor ko. Hindi naman galit ang inay ko. At lalo na, kahit ganyan ka, bilib na bilib din naman siya sa iyo.”

Napangiti siya. “Alam mo, ang swerte mo sa iyong inay. Nainggit ako sa iyo. Sobrang close ninyong dalawa na parang magkapatid lang kayo. Aaminin ko na noong inimbita ninyo akong kumain ay sobrang touched ako. Sa buong buhay ko ay noon ko lang nakita sa inyo ang sarap na magkaroon ng isang inay. Hindi ko naramdaman ang ganoon. At ang inay mo, sobrang masayahin, sobrang mabait, sobrang maalalahanin. Ang swerte mo.”

“Oo ganoon ang inay. Kayalove na love ko iyon. Kahit wala akong itay, masaya pa rin ako.”

Natahimik siya. BIglang lumungkot ang mukha.

“Bakit? Nasaan ba ang inay mo?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“W-wala na akong inay… patay na siya.” Ang malungkot niyang sabi.

“Wala ka nang inay tapos ang daddy mo ay hindi mo kinakausap. Paano ka na lang? Wala ka bang plano na ayusin ang buhay mo?”

Binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga. “Huwag na natin silng pag-usapan.” Ang sambit niya. “Mabu-buwesit lang ako.” Dugtong niya.

“Sana Jerome… tuluyan ka nang magbago. Huwag ka nang mambully o mambugbog ng mga estudyante. Bakla man sila o ano pa man, walang mabuting idudulot ito sa buhay mo. Kasi, darating ang araw na babalik sa iyo ang karahasang gagawin mo sa kanila. Tingnan mo ang nangyari sa iyo. Tapos, sa pamilya mo, kausapin mo ang iyong daddy. Kahit ano ang nagawa niyang kasalanan sa iyo, kung mayroon man, daddy mo pa rin siya…”

Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ko. Ramdam kong malungkot siya at ayaw niya itong pag-usapan. Tinitigan na lang niya ako. At nang sinabi ko pa na aalis na ako sa boarding house na iyon sa isang linggo, doon na siya tumagilid patalikod sa akin. Hindi na siya nagsalita pa. Hindi na niya ako kinausap.

Kinabukasan ay bumalik na uli siya sa pag-aaral. Ako ang gumamit sa bisekleta niya at dahil hindi pa siya lubos na magaling, lalo na’t nahihirapan pa rin siya sa kanyang paglalakad, naka-angkas siya sa likuran ng bisekleta.

“Waah! Ang sarap pala kapag naka-angkas ka lang habangang iba riyan ay nagkandahirap sa pagpadyak.” Ang biro niya.

“Oo nga no? Masaya rin ako na nakanagkas ka sa pagbibisekleta ko. Kaya mamaya sa pag-uwi natin, mamartilyuhin ko iyang paa mo para manatili kang lampa at palagi kitang isasakay sa bisekleta araw-araw!”

Tumawa lang siya..

“Kapag gumaling na ako, ikaw na palagi ang iba-backride ko.” Ang sagot niya.

“Bakit mamartilyuhin mo rin ang binti ko?”

Binatukan niya ako.

“Huwag na. May Ressa ka naman. Siya na ang iback-ride mo.” Ang sagot ko.

“Wala iyon! Hindi ko na papansinin iyon!”

“Kapag pumasok uli iyon sa kuwarto, ako na ang magbibigay daan para sa inyo.”

“Kung palalabasin kita.”

“Mag three-some tayo sa kama?”

“Kung papayag ka ba eh. Para maging lalaki ka na, yariin mo siya. Pag niyari mo siya, yayariin din kita.”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay nawalan ako ng balanse at muntik kaming mahulog sa imburnal.

“Tangina! Ayusin mo nga ang pagdrive mo!”

“Ang ingay-ingay mo kasi!!!” ang paninisi ko pa.

Hindi na siya nagsalita. Inilingkis na lang niya ang kanyang braso sa aking baywang.

Napatingin ako sa kanyang kamay na nakalingkis sa ibabang banda ng aking tiyan. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga at ipinagpatuloy ang pagpadyak hanggang sa makaabot kami sa unibersidad.

Sa pag-uwi namin ay ganoon pa rin. Sa akin pa rin siya sumasakay. Ang saya lang namin sa araw na iyon. Kahit nag-aasaran kami, kahit ako ang pumadyak, masaya ako at mistulang hindi napapagod.

Nang nakarating na kami sa boarding house, naroon ang aking inay sa visitors’ sitting room ng boarding house, hinintay kami.

“Anong mayroon ma?” ang tanong ko habang hinalikan siya sa pisngi.

“Wala lang… na-miss ko lang ang anak ko. Yayayain lang kitang kumain sa labas.” Ang sambit niya.

“Anong okasyon?”

“Bakit ba kapag nag-invite ako, dapat may okasyon talaga? Na-miss lang kita.”

“Hmmm. Pag-sure ma!”

“Ano ka ba! Iimbitahin ka na nga lang, ang dami mo pang tanong.” Ang sambit niya. At nang nakita niya si Jerome, nakipagbeso-beso pa siya rito. “Sama ka, Jerome ha!” ang pag-imbita niya. Hindi na kasi siya galit kay Jerome gawa nang tinitext ko rin siya sa mga kaganapan sa amin sa boarding house. At naintindihan na rin niya si Jerome.

“Ang landi talaga ng inay!” ang pagmamaktol ko sa sarili habang tinitigan siya nang matulis.

Sa madaling salita ay natuloy kami sa imbitasyon ng aking inay. Sa ibang kainan naman niya kami dinala. Kitang-kita ko ang saya ni Jerome sa pagkakataong iyon. Ang aking inay naman ay tila mas masaya bagamat alam kong may problema siyang dinadala.

“Kumusta naman kayo!” ang tanong niya sa amin.

“Heto ma… okay naman.”

“Ikaw Jerome?” ang tanong ng inay. “Okay na ba ang mga pinsala mo sa katawan?”

“Okay na ako Steff. At nitong araw na ito lang, pumasok na ako. Si utol ang nagdala ng bisekleta at naka-backride ako sa kanya.” Ang sambit niya sabay akbay sa akin. “Sobrang salamat sa tulong ninyo Steff. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko na alam ang gagawin ko. At itong si utol, sobrang bait talaga.”

“Ang sweet naman! Happy ako para sa inyo. Bagay talaga akong maging magkapatid kayo.” Ang sambit ng inay.

Hinawi ko ang kamay ni Jerome. “May sinabi iyan siya ma, tungkol sa atin.”

“Talaga???” Ang bigla ring paglaki ng mga mata ng aking inay. Excited siya. “Ano???”

Tiningnan ko si Jerome. “Nainggit daw siya sa atin.”

“Kasi naman, Steff, sobrang close ninyo sa isa’t-isa ni utol. Parang magkapatid lang kayo. Sana... may ganyan din akong inay.”

“Alam mo Jerome, mas higit pa sa kapatid ni July ang turing ko sa iyo.” Ang sambit ng inay sabay bitiw ng tawa na parang kinilig. “Hihihihihhi!”

Dahil nasa harap ko nakaupo ang inay, tinapakan ko ang kanyang high-heeled shoes. Napatingin sa akin ang aking inay. Ngunit dedma lang siya.

“Anong ibig mong sabihin Steff?” ang tanong naman ni Jerome.

“Basta, saka na. Sa ating dalawa na lang iyon.” Ang sagot ng inay na muling tumawa na parang nahiya. “Hihihihihihhihi!”

Hindi ko talaga maintindihan ang asal ng inay kapag kasama namin si Jerome. Para siyang nagdadalaga na hindi ko maintindihan.

“Ay bago ko pala malimutan, may ipakilala ako sa iyo, anak. Isa sa mga staffs ko ay patay na patay sa iyo. Actually, maraming patay na patay sa iyo roon ngunit itong isa na ito ang gusto ko para sa iyo dahil maganda na, sobrang mabait pa! Nang malaman niya na lalabas tayo, sabi niya i-regards ko raw siya sa iyo. Tapos nagsisigaw na sa kilig nang sinabi kong oo, i-regards kita.”

Napatitig sa akin si Jerome. Iyong titig na ewan. Parang nang-aasar na sa kaloob-looban ay natawa.

“Heto ang litrato niya, July o...” ang sambit ng inay habang hinugot mula sa kanyang bag ang litrato nila sa opisina.

Agad na hinawakan ang litrato. “Ang ganda naman pala talaga, Steff! ‘Tol... ligawan mo na!” ang sambit ni Jerome. Alam kong sarkastiko ang pagkasabi niyang iyon.

“O ‘di ba, Jerome?”

“Sobra, Steff. Ang galing mo talagang mamili!” ang sambit ni Jerome. At bumaling sa akin, “Ligawan mo na, Tol... sayang! Baka iyan na ang hinahanap mong true love.”

“Ulol! Sarap pag-umpugin ang mga ulo ninyo. Hindi pinipilit ang love, ma. Atsaka, nag-aaral pa ako. Di ba gusto mong may honors ako paggraduate ko?”

“Oo naman, anak. Pero mas maganda kung may inspirasyon ka.”

“Tama! Dapat ay may syota ka, ‘Tol. Sayang ang kapogian mo.”

“See? Pati si Jerome ay boto kay Jean. Sa sunod na paglabas natin ay iimbitahan ko siya ha?”

“Wow!” ang sagot naman ni Jerome.

“Ma!!!” ang pagtutol ko pa. “Sabihin mo na nga lang kung ano talaga ang pakay mo, ma, kung bakit mo ako inanyayaan dito? Alam kong may problema ka eh. Iyan ang pag-uusapan natin!” ang pagmamaktol ko pa.

Doon na siya natahimik. Binitiwan ang isang malalim na buntong hininga. “Ang lola mo, Jerome sa Probinsiya… mahina na siya. Nalulungkot lang akong iniisip siya na wala siyang kasama. Kawawa naman...”

Ang pinagmulan kasi namin ay ang isang probinsya na napakalayo sa kabihasnan. Nasa bundok siya at kahit ang baranggay kung saan ito nasakop ay may walong kilometro pa ang layo mula sa mimong baranggay hall. Ang mga kapitbahay naman ay malalayo. Walang kalsada. Hindi ko nga alam kung kasali sa mapa ang lugar nina lola dahil tila walang pakialam ang gobyerno sa pagpapalago rito. Nang nag-aaral pa ang inay ng elemntarya, ganoon kalayo ang nilalakad niya araw-araw, tatawid pa ng tatlong ilog. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang kabataan doon kapag nag-aaral.

“Kanino mo nalaman na mahina na siya?”

“Iyong kaklase ko na barangay tanod ng barangay. Padayo kasi siya sa lungsod kaya Naawa ako sa lola mo. Wala siyang kasama.” Muling binitawan niya ang isang malalim nabuntong-hininga. “Gusto kong bisitahin siya, July, at hikayatin na dito na sa atin. Magrenta na lang tayo ng apartment para kasama natin siya. At ikaw, hindi na rin magboarding house.” Ang sambit ng aking inay.

Tiningan ko si Jerome. Tila natahimik siya sa sinabi ng inay.

“Sensya na sa drama namin, Jerome ha?” ang sambit ng inay.

Sa sandaling iyon ay halos hindi na pinansin pa ni Jerome ang sinabi ng inay. Nakataas ang kanyang leeg at nakatutok sa mag-asawang papasok pa lang sa restauran. Sa tingin ko ay nasa 40 na ang mga edad. Ang babae ay maganda, matangkad, mahaba ang buhok, at sosyal kung magdala ng damit at maglakad. Naalala ko sa kanya ang artistang si Gretchen Barreto. Halos parehas ang kanilang tindig, porma, pati ang mukha at ayos ng buhok. Kasama niya ang isang lalaki na naka casual ang damit ngunit halatang mayaman. Kasama naman nila ay ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 16 at ang isa ay 14 na halatang mga anak nila. Dahil magkatabi kami ni Jerome, kitang-kita ko ang mag-asawang tinitingnan niya.

Napalingon din ang inay sa mag-asawang tinitingnan ni Jerome.

“Kilala mo sila?” ang tanong niya.

Hindi sumagot si Jerome. Hindi niya nilubayang tingnan ang pamilyang iyon.

Nang umupo na ang nasabing pamilya sa kabilang sulok na malayo sa amin, patuloy pa rin silang tinitingnan ni Jerome.

“Sino ba sila, Jerome?” ang tanong ko.

Nilingon ni Jerome ang parte ng mesa sa aking harapan, hindi siya tumingin sa akin. Ang kanyang porma ay iyong may pagdadalawang isip na magsalita, kinagat-kagat ang kanyang labi. At bago pa man siya sumagot sa akin, nakita namin na tumayo ang pinakamatanda sa dalawang binatilyo at tinungo ang palikuran.

Dali-daling tumayo si Jerome, “Excuse me, Steff, ‘Tol...” ang pagpapalam niya.

Kitang-kita sa mukha ng aking inay ang pagkalito. Dahil napansin kong sa banyo rin ang tungo ni Jerome at tila sinundan ang bata, tumayo na rin ako. “Sabayan ko lang si Jerome ma.” Ang pagpapalam ko sa aking inay.

“Ano ba ang nangyayari sa inyo?” ang narinig kong tanong ng inay.

Hindi ko na siya sinagot pa. Dali-dali kong sinundan si Jerome.

Nang nasa loob na ako ng CR, nakita kong nakatayo ang binatilyo sa harap ng isang urinal at sa tabi niya ay si Jerome na nasa aktong nagbaba pa ng kanyang zipper. Halos magkasing-tangkad lang sila. Tumabi ako kay Jerome.

“Hi!” ang sambit ni Jerome sa binatilyo.

Nakita kong lumingon ang binatilyo sa kanya at ngumiti. “Hi!” ang sagot din niya.

“Do you know me?” ang tanong ni Jerome.

Umiling ang bata. “No... Who are you?”

“I’m your big brother.” Ang sagot ni Jerome.

Lumaki ang mga mata ng bata na tila na-excite sa sinabi ni Jerome. “Really? How come Mom and Dad didn’t tell us?” ang sagot ng binatilyo. At English speaking pa talaga. Doon ko na rin napansin na kahawig na kahawig ni Jerome ang binatilyo. Parang isang batang bersyon lang siya ni Jerome. Napakaguwapong bata. Napaka-kinis ng kutis.

“I don’t know either.” Ang sagot ni Jerome.

Nakita kong dali-daling tinapos ng bata ang kanyang pag-ihi at nagtatakbong lumabas.

Lumabas na rin si Jerome. Sumunod ako. Nang nasa mesa na namin kami. Nakita namin na nagtinginan ang buong pamilya kay Jerome. At maya-maya lang ay mabilis silang nagsitayuan, minuwestrahan ang waiter na aalis na sila.

Sinundan sila ng tingin ni Jerome hanggang sa paglabas nila ng restaurant. Nagngangalit ang mga ngipin ni Jerome.

“Sila ba ang mga magulang mo, Jerome?” ang tanong ng inay.

“Hindi...”

(Itutuloy)

4 comments:

  1. Thank you,author naka inspire nman ito,more olss

    ReplyDelete
  2. The best ka pa rin author..

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa si july,umaasa talaga siya na may mangyari sa kanila ni jerome..
    update na author

    ReplyDelete
  4. checking kung may update na..
    Wala pa pala..

    Sir Mike nasaan na ba yung si ponse na author din sa ibang mga stories na nakapost dito?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails