Followers

Sunday, April 22, 2018

Ang Roommate Kong Siga [8]

By Michael Juha
getmybox@hotmail.com


Bisekleta Ng Buhay

“Puwede bang dumito ka na muna, Tol?” ang muli niyang tanong sa akin habang tinitigan ako, ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa.

Tinitigan ko na rin siya. Natulala ako sa aking nakita sa kanya. Parang ibang Jerome ang nasa aking harapan sa pagkakataong iyon. Isang Jerome na nakakaawa, hapo, nawawalan ng pag-asa, larawan ng isang taong halos susuko na sa buhay. Ang unang naramdaman kong inis sa kanya ay unti-unting napalitan ng awa, hindi lang dahil sinagip niya ang buhay ng ka boardmate naming si Celine, hindi lang dahil nalaman ko ang hirap na painagdaanan niya sa kanyang pamilya, kundi dahil iyon ang pinakaunang pagkakataong nakita ko siyang nagmamakaawa at umiyak... dahil lang sa akin. Para bang, wow... ang isang siga ay napaiyak ko? Pakiramdam ko ay ako si David na tinalo ang higanteng si Goliath, o ang mas malapit-lapit na metaphor ay ako si Delilah, na nahuli ang lihim kung saan nanggaling ang lakas ni Samson.

Naramdaman ko ang paglambot ng aking puso at pagkapawi ng galit ko sa kanya.  

“Puwede ba, ‘Tol?” ang tanong niyang muli.

Ngunit may naisip rin ako. “S-sige. Okay lang. Pero sa isang kundisyon.”

“A-ano?”

“Gusto kong huwag ka nang mambugbog, huwag ka nang mambully. Mag-aral na mabuti, at gusto kong may focus ka sa buhay, may plano. May target. At syempre, ako ang masusunod dito. Kaya mo bang gawin iyan?”

Nahinto siya. Hindi nakapagsalita.

“Kung ayaw mo, okay lang...” ang sambit ko, sabay tayo at bitbit sa gamit kong naipasok ko na sa maleta dahil nga sa sunog.

“S-sige, pipilitin ko.” Ang sagot niya.

“Ayaw ko nang sagot na pipilitin mo lang. Ang gusto ko ay gawin mo.”

Natahimik siyang muli. Maya-maya ay sumagot din siya. “S-sige...”

Kaya iyon, muli naming inayos ang aming kuwarto na nagkalat dahil sa pagmamadali naming mag-impake ng mga gamit dahil sa sunog. Hanggang sa naisaayos namin ang kuwarto at nalinis na rin.

Lampas alas 10 na ng gabi nang matapos kami. Nagshower ako at nang makapagbihis na humiga sa kama. Siya naman ang sumunod na naligo. As usual, paglabas niya mula sa banyo ay naroon uli ang signature niyang pagtatapis ng tuwalya na halos makita na ang kanyang bulbol. May pasipol-sipol pa at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, kinindatan ako. Syempre, sinuklian ko iyon ng pagsisimangot. Alam ko namang walang meaning iyong kindat niya. Parang laro-laro lang o ewan. Ganyan lang talaga silang mga alpha-male na lalaki. Kung hindi ka man tatakutin sa pagiging siga, lulusawin naman ang puso mo sa pakindat-kindat, pa-cute na ngiti at nakakalusaw na tingin. Hindi pa rin talaga siya nagbago kahit alam niyang gusto ko siya, wala pa rin siyang kiyeme sa paglalantad ng kanyang katawan. Hindi ko naman malaman kung sinusukat lang niya kung hanggang saan ako bibigay, o sadyang manhid lang talaga siya at walang kahulugan ang lahat sa kanya.

Pagkatapos ay tinumbok niya ang kanyang cabinet at basta na lang tinanggal niya sa kanyang baywang ang tuwalyang tapis, isinabit iyon sa kanyang balikat. Wala talaga siyang pakialam na naroon ako at nakikita ko ang kanyang matambok na puwet. Pagkatapos ay sinuot niya ang kanyang boxers at sumisipol-sipol pa rin na tinumbok muli ang banyo at isinabit ang kanyang tuwalya sa hanger doon.

Nang nasa loob na siya ng banyo ay agad akong tumagilid patalikod sa kanyang kama. Kunyari ay hindi ko siya pinapansin. Kunyari ay tulog na ako. Sa totoo lang, lalong tumindi ang naramdaman kong pagmamahal sa kanya, hindi lang dahil sobrang nabighani ako sa porma niya, sa katawan niya na palaging dinidisplay niya, kundi lalo na sa pag-iyak niya, sa pagmamakaawa niya na huwag akong umalis, sa lungkot ng buhay niya. May malakas na puwersa sa aking utak ang nanghikayat na yakapin ko siya, aluin sa lungkot na kanyang naramdaman.

Nang lumabas na siya ng banyo, gumalaw ang aking kama. Alam kong sa kama ko siya humiga. Nagkunyari akong tulog at hindi gumalaw. Ngunit ipinatong niya ang kanyang bisig sa aking tagiliran at hinila ang katawan ko upang tumagilid paharap sa kanya.

“Mag-usap tayo.” Ang sambit niya.

“Jerome naman! Natutulog ang tao eh!” ang pagmamaktol ko.

“Tulog? Kanina lang ay tinitigan mo pa ang umbok ng puwet ko tapos tulog ka na agad?”

Doon ako biglang tumagilid paharap sa kanya at timanpal ang kanyang pisngi. “Bastos!” ang sambit ko.

Hindi siya gumalaw sa pagtampal ko sa pisngi niya. Bagkus ay tinitigan lang niya ako. “Salamat.” Ang sambit niya.

“Salamat saan? Sa pagsampal ko sa iyo? Gusto mo sasampalin kita uli?”

“Okay lang.” ang sagot niya sabay pikit sa kanyang mga mata.

Kaya sinampal-sampal ko ang pisngi niya. Pero sa una, iyong sampal na mahina lang, iyong gigil na gigil na gusto mo siyang halikan at hindi mo magawa. Pagkatapos ay hindi na talaga ako nakatiis, kinurot-kurot ko na ang kanyang pisngi. Nilakasan ko, hanggang sa nilapirot na at sobrang lakas na halos lumabas na ang dugo sa pores ng kanyang mukha.

Hindi naman siya nagreklamo. Hinayaan lang niya ako, tiniis niya ang sakit.

Tinitigan niya ako, ang kanyang mga mata ay mistulang nakikipag-usap. “Tapos ka na?” ang tanong niya nang nahinto na ako sa paglapirot sa pisngi niya.

“Oo.” Ang sagot ko.

“Happy ka?”

Tumango ako.

“Naipalabas mo na iyong dapat mong ipalabas?”

Tumango uli ako.

“Kung ganoon, ako naman.” Doon na siya gumalaw. Biglang tinukuran niya ng kanyang braso ang aking pisngi at ang aking katawan naman ay dinaganan niya, dahilan upang hindi ako makagalaw.

“Jerome! Tangina! Anong ginagawa mo! Pakawalan amo akoooooo!” ang sigaw ko habang tinangkang makaalpas sa kanyang malakas na pag-ipit sa katawan ko.

“Kala mo ikaw lang ang marunong ha? Gusto ko ring maging masaya. Gusto ko ring ipalabas ang kung ano man ang naramdaman ko, tangina! Ang sakit noong pagkukurot mo sa pisngi ko halos matanggal ang balat ko sa mukha, nangigil ako, tanginaaaa!!!” at inilapat niya ang kanyang bibig sa aking leeg at sinimulan niyang kagatin ito.

Doon na ako napasigaw ng malakas. “JEROMMMMEEEEEEE! TANGINA ANG SAKIT! JEROMEEEEEEEEEE!!” Ang sigaw ko habang nagpupumiglas upang makaalpas sa kanyang pagdaagan sa akin.

Nang matapos na siya at binitiwan ako, dali-dali akong tumakbo sa banyo at tiningnan ang aking leeg. Doon ay nakita ko ang bakat ng kanyang mga ngipin. Nakadalawang kagat siya. Ang isa ay sobrang pula na halos dugo na ang lumabas.

“Tangina mo! Tingnan mo nga ang pinaggagawa mo! Ang sakit ah! Ang hapdi!” ang sambit ko sa kanya nang lumabas na ako ng banyo.

Tumayo siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang aking panga at tiningnan niya ang aking leeg. “Lagyan natin nga gamot. Dumudugo nga!”

“Dumudugo?” ang sabit ko. Nang hinaplos ko ito sa aking kamay ay nakita ko ang dugo. “Gago ka kasi! Tangina!” ang pagmamaktol ko.

Dali-dali siyang nagsuot ng pantalon at lumabas, kumuha ng gamot. Nang bumalik na, nilapatan niya ng hydrogen peroxide ang kagat niya sa aking leeg.

“Wala ka bang rabis? Para kang aso!” ang sambit ko.

“Kapag nauloll ako, mayroon.” Sabay tawa.

Muli kong tinampal ang pisngi niya.

Nang matapos na niya akong lapatan ng gamot, niyaya na niya akong matulog. Nakahiga kaming parehong nakatagilid paharap sa isa’t-isa. Nakangiti siya nang tiningnan ko siya. Iyong tingin na tila may tuwa o nahiya sa sarili pinaggagawa niya sa akin.

Kaya doon na naman ako nagalit sa ngiti niyang iyon. Sinasampal-sampal ko ang pisngi niya. “Ikaw kasi! Ikaw kasi! Tangina!” ang paninisi ko. “Hindi pa ako nakaganti sa iyo, ha?”

Hindi na siya gumanti. Hindi gumalaw. Tinitigan lang niya ako. “Namiss ko ang dalawang little bro ko. Hindi ko pa sila nakakasama. Siguro kasing kulit mo rin sila.” Ang seryoso niyang pagsasalita.

At sa sinabi niyang iyon, imbes na aawayin ko pa sana siya ay natahimik na lang ako. Ang inis na naramdaman ko ay biglang napalitan ng awa. Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti.

Sinuklian din niya ng ngiti ang ngiti ko. “Ngumiti ka pa nga?” ang hiling niya.

“Bakit?”

“Gusto kong makita ang braces mo. Ang cute kasi. Naalala ko nang nginitian ako ng little bro ko doon sa may CR ng restaurant. Ganyan din ang braces niya. Nakikita ko ang ngiti niya sa ngiti mo.”

Kaya ngumiti ako... para kahit papaano ay mapawi ang pananabik niya sa kanyang nakababatang kapatid.

Tinitigan na lang niya ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. At sa pagkakataong iyon ay imbes na pagsasampalin ko pa sana ang mukha niya, hinaplos ko na lang ito. Iginapang ko ang aking palad sa kanyang pisngi, sa kanyang noo, sa paligid ng kanyang bibig.

Hinayaan lang niya ang palad ko na haplos-haplusin ang pisngi niya habang nakatitig siya sa akin. “Hanapin mo kasi sila. Kausapin mo sila.” Ang sagot ko na lang.

Hindi na siya nagsalita pa. Nanatili na lang siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa nakatulog ako na ang kamay ko ay nasa ibabaw ng pisngi niya.

Kinabukasan nang magising ako ay nakadantay na ang kanyang paa sa aking hita at ang kanyang bisig ay nakapatong sa aking dibdib.

Sabay kaming nag-agahan sa mess hall ng boarding house. Dahil Linggo iyon, niyaya ko siyang magsimba.

“Huwag na. I-regards mo na lang ako kay idol.”

“Idol?”

“Idol, big bro, papa. Di ba iyan naman ang tawag sa kanya. Pero sa akin, idol ko siya. Idol siya ng mga bully eh.”

“Bakit naman?”

“Tingnan mo ako. Kung hindi dahil sa kanya, e di sana nagkaletse-letse ang buhay ko. Di ba siya naman ang may gawa niyan? Binu-bully niya ang buhay ko. Kaya gusto ko ring pahirapan iyong iba para damay-damay na.”

Napailing na lang ako sa sinabi niyang iyon. Ayaw kong makipag-argumento sa kanya. Hindi ko rin siya masisisi.

Nang nakabalik ako ng boarding house galing sa simbahan, nagulat ako sa nadatnan sa aming kuwarto. Napakalinis, ang lahat ng gamit ay naka-arrange, ang sahig ay hindi lang winalisan kundi nilampasuhan pa.

Nang hinanap ko si Jerome, sa banyo ko siya nadatnan. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Ang mga labahan ay nakatambak sa gilid niya habang siya naman ay nakaupo sa isang maliit na upuan sa harap ng malaking palanggana na puno ng tubig na may sabon, nagkukusot. Nandoon ang aming bed sheet, ang mga tuwalya, pantalon, T-shirt, shorts, at briefs naming dalawa nakatambak sa tabi niya.

Abot-tainga ang ngiti ko habang tinitingnan siya. Hindi kasi ako kapanipaniwala na ang isang siga ay natutong maglaba. At lalo na kung titingnan ang porma niya, isang lalaking macho, may tattoo ngunit pilit na kumukusot ng damit. At ang pagkusot pa niya sa damit ay napaka awkward tingnan, di mo maintindihan kung naglalaba o nagsasalsal.

Nang nakita niya ako, dinampot niya ang isang labahan na nakababad sa sabon at inihagis iyon sa mukha ko. “Ba’t ka nakangiti d’yan! Tulungan mo ako!”

Dumikit sa mukha ko ang inihagis niya. Siya naman itong tumawa nang malakas. Nang dinampot ko mula sa mukha ko ang inihagis niyang labahan na dumikit, “Brief mo ‘to ah!”

“Di ba pinagtitripan mo ang mga brief ko? Kunyari ka pa d’yan! Hali ka na! Tulungan mo ako, bakla!”

“Ayoko nga! Sinimulan mo iyan, tapusin mong mag-isa!”

Ngunit hindi pa man ako nakaalis ay siabuyan niya ako ng tubig mula sa tabo.

“Jeromeeee!” ang sigaw ko.

Siya naman itong tumawa. “Halika na, bakla! Galing ka pa namang nagsimba tapos ganyan ang ugali mo.”

Kaya wala na akong nagawa kundi ang maghanap ng upuan at tulungan siyang maglaba. Sobrang saya ko sa puntong iyon na siya mismo ang nag-initiate na maglinis ng kuwarto at maglaba. Kahit naglalaba ay hindi nawawala ang harutan naming dalawa. Lalo na sa mga boxers niya at brief na sinadya ko talagang itabi para ako ang makalaba. Nang napansin niyang brief niya ang mga nilalabhan ko, tiningnan niya ako, ang kanyang mukha ay tila puputok sa tawa.

“See? See? Brief ko talaga ang trip mo, no!” ang sambit niya.

“Ano ka! Nagkataon lang na nasa palanaggana ko ang mga brief mo! Feelingero ka! Ilusyonado! Hindi ka naman artista!”

“Hindi artista pero pinagpapantasyahan mo!”

“Tsura!”

Napangiti na lang siya. Nang nakita uli niya ang isa pang brief at boxers niya, hinablot niya iyon sa kamay ko. “Akin na nga iyan!”

Ngnunit hindi ko ito ibinigay. “Bakit ba namimili ka ng labahan?!” ang sambit ko sa kanya. “Kung maglaba, maglaba, walang pinipili! Parang hindi naman galing sa puso iyang paglalaba mo!” ang galit ko kunyaring sabi sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang ulo. “At ako pa ngayon ang namimili ng labahan? Ako ang naglaba ng mga pantalon, bed sheets na iyan, kurtina, at ako pa itong namimili? Malabhan nga rin iyong brief mo? Nasaan?”

“Tapos na lahat. Nalabhan ko na. Ito na lang sa iyo ang tatapusin ko.”

“Mga brief at boxers lang ang lalabhan mo???”

“May mga T-shirts din. Hayan o.” at itinuro ko pa.

“Tangina! Nilalabhan ko ay pantalon, bed sheets, kurtina... sa iyo ay mga briefs? Anong klaseng...?”

“Ituloy mo Jerome, ituloy mo. Anong klaseng ano??? Anong klaseng ASAWA ako?” at inemphasize ko talaga ang salitang asawa. “Wala akong silbeng asawa? Ganoon ba? Ganoon ba?! Porket hindi kita mabigyan ng anak ay ganyan na ang turing mo sa akin. Ganyan ka na kung makapagsalita sa akin? Pagkatapos mong namnamin ang nektar ng aking pagkababae, pagkatapos mong lustayin ang aking pagkabirhen? Dahil mukha na akong losyang kaya ganyan ka na? Sige ituloy mo ang sasabihn mo! Ituloy mo, Jerome. Sabihin moooooo!” ang pasigaw kong biro.

Doon na niya iminudmod ang basang-basa ng sabon na palad niya sa mukha ko at itinulak ako, dahilan upang malaglag ako mula sa inupuan ko at mapatihaya sa sahig. Tawa naman siya nang tawa. “Asawahin mong mukha mo. Asa ka pa!”

Natihaya man ako sa sahig ngunit tawa pa rin ako nang tawa. Siya man ay tawa nang tawa rin. “Nektar ng pagkababae? Mayroon ba noon? Nilustay na pagkabirhen?” ang sambit niya.

Sobrang saya ko talaga sa araw na iyon. Iyong itinatago kong kabaklaan na dati ay hindi ko maexpress kahit kanino ngunit sa tagpong iyon ay sa isang siga ko lang pala maipakita, mailantad. At hindi lang basta siga. Isang homophobic na bully pa.

Pagkatapos naming maglaba ay nakatulog ako sa aking kama. Hindi ko na alam kung saan nagtungo si Jerome. Ngunit nang magising ako, nangangamoy usok na naman ang kuwarto at nang tiningnan ko si Jerome na nakaupo sa silya sa may mesa niya nakaharap sa aking laptop at nanuod ng pelikula, doon ko nakita ang umuusok pang sigarilyo na nasa ibabaw ng ash tray. Agad akong tumayo atsaka piningot ko ang kanyang tainga. “Bakit naninigarilyo ka na naman at sa loob pa ng kuwartooooo!” ang sambit ko.

Napatayo siya sa na parang batang piningot ang tainga ng kanyang inay. At marahil ay hindi nakatiis, tinampal niya ang aking braso. “Tangina ang sakit noon ah!”

“Bakit ka naman naninigarilyo, aber? May pasabi-sabi ka pa na dahil sa akin ay hininto mo paninigarilyo mo tapos nakatulog lang ako sandali ay naninigarilyo ka na? Dahil din sa akin iyon?”

“Sorry naman. Di ko kaya eh. Naglalaway ako. Bored pa dahil walang makausap, tulog ka. Isang stick lang naman!” ang pangangatuwiran pa niya.

“Saan ka mumuha ng pera?”

Inginuso niya ang sabitan ng pantalon.

“Saan?”

“Doon!”

“Sa bulsa ng pantalon ko.” Ang sambit ko

Tumango siya.

Ah pera ko pala. “Paparusahan kita d’yan.” Ang sambit ko. Tinumbok ko ang lagayan ko ng aking patpat, iyong kahoy na may habang isang metro, kasing taba lang ng antenna ng radyo ngunit matibay.

“Ba’t mo naman ako paparusahan?”

“Naninigarilyo ka. Nagnakaw ka na naman ng pera ko, at hindi mo tinupad ang pangako mong hindi ka na maninigarilyo.” Ang sambit ko habang nakaharap sa kanya, ipinamumukha ang patpat at ipinalo-palo ko pa sa aking palad.

“Bakit naglaba naman ako kanina ah!” ang sambit niyang halatang kinabahan at itinaas ang kamay, pinaghandaan ang pagsangga sa patpat sakaling biglang ipalo ko ito sa kanya.

“Wala nang daming satsat pa. Pumili ka. Aalis ako rito, o papaluin kita. Tandaan mo, nangako ka na susunod sa mga gusto ko para lang manatili ako rito.”

“Pero Tol... July... wag namang ganyan. Ayokong umalis ka.”

“Yan naman pala eh. Kaya dapa.”

“Masakit iyang pamalo ‘tol... Iba na lang.”

“Wala nang maraming satsat. Dapa!”

“Tol...”

“DAPAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!” Ang bulyaw ko na.

Kaya wala na siyang magawa kundi ang dumapa sa ibabaw ng kama niya.

Syempre, nakasuot siya ng boxers na puti, fit na fit kaya lantad na lantad ang matambok niyang puwet. Ang sarap lang lamutakin. Ang sarap papakin. Ang sarap paliguan ng laway. Dagdagan pa sa mabalahibo at matipuno niyang hita, ang sarap dilaan. Ngunit mas na-excite ako habang naglalaro sa aking isip ang magiging reaksyon niya habang pinapalo ko siya. Parang iyong sa porn lang na napanuod ko minsan kung saan ay pinapalo ng latigong buntot ng page ang lalaki at napuno ng latay ang kanyang katawan at pagkatapos ay dinilaan ng babae ang mga marka ng dugo sa balat ng lalaki. At sa bawat pagdila ng babae sa latay ng lalaki ay malakas na ungol naman ang pinapakawalan ng lalaki. Nakaka-excite.

“Tol... huwag mong lakasan!” ang pagmamakaawa ni Jerome.

“Kalma ka lang, masasarapan ka rin.” Ang sagot ko sabay pakawala ng isang malakas na palo sa kanyang puwet.

“PUTANGINAAAAAAAA!!!” Ang sigaw ni Jerome na napaigting hinaplos-haplos ng kanyang palad ang puwet niyang natamaan. “ANG SAKIT NUN WAG MONG LAKASAN! TANGINA!!!”

“Huwag mong haplusin sa kamay mo kundi idamay ko iyang kamay mo sa pagpalo at damihan ko pa ng palo.”

Ngunit hinaplos pa rin niya kaya pinalo ko uli ang puwet niya kasama ang kanyang kamay. Mas malakas pa. “Sinungaling! UMMM!”

“ARAYKOPO TOL... TAMA NA TOL! ANG SAKITTTTT!” ang sigaw uli ni Jerome na mistulang buntot ng butiki na natanggal sa katawan, hindi matigil sa paggalaw.

“Huwag mo kasing takpan sa kamay mo. Hindi ko lulubayan iyan sa pagpalo. Tiisn mo!” ang bulyaw ko. Nang tinanggal na niya ang kanyang kamay, inundayan ko siya ng palo. Malakas uli. “Heto paaaaa! UMMMM! UMMMM! UMMMM! UMMMM! UMMMM!”

Nakasampung palo ako sa puwet ni Jerome nang nilubayan ko. Halos hindi naman siya makatayo at makaupo, ang mukha ay hindi ma-drawing sa pag-inda ng sakit ng kanyang puwet.

“Manigarilyo ka uli at mahuli kita, papaluin uli kita.” Ang pananakot ko pa.

“Wala kang puso!”

“Woi, mayroon naman. Grabe ka. Tumitibok nga para sa iyo eh. Iyang puso mo lang ang manhid. Hindi nakakaramdam.”

“Ulol!”

“Wala kang awa.”

“Bakit naawa ka ba sa akin? Kinagat mo ako ah! Tingnan mo, nandito pa ang marka sa leeg ko! Wala naman akong ginawa sa iyo.” ang sagot ko rin.

“Anong wala! Sinampal mo ako! Tado!”

“Mayroon pang pera sa bulsa ng aking pantalon baka gusto mo uling manigarilyo...” ang sarkastiko kong biro.

Sinagot lang niya ako sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanyang gitnang daliri.

Kung gaano kasaya kami sa umaga, sa hapon naman ay puro na siya pagmamaktol. Pero ako, natatawa na lang sa sarili. Feeling panalo pa rin ako.

Pagkatapos naming maghapunan sa mess hall ay nauwi rin ang lahat sa lambingan bago kami matulog.

“Tingnan ko na iyang napalo mong puwet?” ang sambit ko.

Dumapa siya atsaka ibinaba ang kanyang boxers. Doon ko nakita ang mga latay at marka ng palo. Naawa ako sa kanya. Ngunit mas nangingibabaw ang malaswang imahe sa aking isip. Parang ang sarap dilaan.

“Gusto mong masahehin ko?” ang tanong ko.

“Sige...” ang sagot niya.

Doon na nagtatalon ang kalaswaan sa aking utak. Agad kong sinunggaban ang dalawang umbok ng kanyang puwet at nilamutak ko iyon, este menasahe pala. Hininaan ko lang upang hindi masyadong obvious na sinadya kong lakasan ang pagpalo upang bawiin ko sa pagmamasahe at matsansingan siya. “Lagyan natin ng Vicks!” ang tanong ko.

Tumango siya. Kaya kumuha ako ng vicks sa sa aking lagayan at nilagyan ko ang aking palad. Lalo pa akong nag-init at nalibugan dahil sa isip ko, iyon na ay pamapadulas. Habang minamasahe ko ang umbok niya, sa aking isip naman ay naglalaro ang eksenang nilagyan ko ng vicks ang aking gitnang daliri at inilabas-msok iyon sa kanyang butas sa likuran. Napapikit na lang ako sa aking mga mata sabay kagat ng aking labi. Parang nakakain uli ako ng Rebisco. Ang sarap ng feeling.

KINABUKASAN ay balik normal uli ang aming gawain, maliban sa kung dati ay ako ang nagpapadyak sa bisekleta, sa pagkakataong iyon ay si Jerome na ang nagdala at ako na ang backride niya. Iyon nga lang, nagmamaktol dahil masakit pa raw ang kanyang pang-upo. At ako ang kanyang kinukonsyensiya. Hindi na lang ako kumikibo ngunit sa loob-loob ko ay naglupasay sa tuwa ang aking isip. Iyong bang, “Buti nga sa iyo!”

Kinahapunan matapos ang aming klase ay pauwi na kami sa boarding house at naroon na ako sa parking area ng bisekleta, hinihintay si Jerome. Halos 30 minutos ang nakalipas at wala pa ring Jerome na dumating. Nang may mga dumaang mga estudyante, narinig ko sa kanilang usap-usapan na may binubully na naman daw ang grupo ni Jerome.

Dali-dali kong pinuntahan ang lumang generator house. At nandoon nga ang grupo, at si Jerome ay nasa isang gilid lang nakatingin sa kanila. Sa isang kanto naman naman ay ang isang estudyante na pinaligiran ng apat na lalaki at salit-salitang inundayan nila ng suntok.

“Wala po akong kasalanan, Sir! Hindi ko po niligawan si Irma, Sir. Magkaibigan lang po talaga kami. Ligawan niyo na lang po siya...” ang pagmamakaawa ng estudyante.

“Hindi ka nanligaw? Hindi mo siya girlfriend! Hindi ako maniwala! Ganoon kayo ka-close? Hindi kayo magsyota?”

“Hindi po!”

At doon ay pinaulanan na naman siya ng suntok. Muling sumigaw sa pagmamakaawa ang lalaki.

Dali-dali akong pumagitna. Hinarangan ko sila upang hindi nila masunstok ang estudyante. “Guys, huwag niyo na siyang bugbugin. Umamin naman siya na hindi siya kasintahan nung babae eh. Tama na, please. Maawa kayo sa kanya.”

“Jerome, pare. Nandito na naman ang boyfriend mo nakialam. Bigyan mo nga ng leksyon to! Nakakairita na eh. Bugbugin mo sa harap namin. Namihasa ang tangina eh! Palibhasa, binibeybi mo.” ang sambit noong kasama nila na nagseselos sa estudyanteng binubully.

Lumapit si Jerome at humarap sa akin. Ngunit ang kinausap any ang binubgog na estudyante. “Ikaw...” turo niya sa estudyanteng binugbog. “Umuwi ka na. Daliiii!!!” ang utos niya.

Dali-dali namang tumalima ang estudyante.

“Hindi pa ako tapos sa kanya pare! Ano to?!!!” ang galit na pag-alma ng kasamang nagselos sa estudyante.

Lumapit si Archie, ang pangalawang lider nila. “Pare, hindi ko na maintindihan ang mga kilos mo nitong nakaraan lang eh. Ano ba talaga ang nangyari sa iyo? Sa palagay ko ay may relasyon talaga kayo nitong si roommate mong cutieboy pare eh. Ito ang nagsulsol sa iyo, di ba? At hindi mo na rin maitatanggi na may relasyon talaga kayo. Una hayan, sunod-sunuran ka na lang sa kanya. Pangalawa...” nilapitan niya ako at itinuro ang aking leeg, kung saan naroon ang bakat ng pagkagat ni Jerome sa akin, “...ano to, KISSMARKS! KISSMARKS pare!!!” Ang sigaw niya sa salitang kissmark sabay bitiw ng nakakalokong tawa.

Nagtawanan silang lahat. “Kissmarks nga!” ang sambit din ng iba.

“Sino pa ba ang gagawa nig kissmarks niya? Alangan namang siya sa sarili niya? Di ba walang iba kundi kung sino an groommate niya” ang muling pang-aasar ni Archie. At baling niya kay Jerome. “Akala ko ba galit ka sa mga bakla pare?!!! Jinojowa mo na rin pala sila!”

Tawanan uli ang grupo.

Nang tangkain ni Archie na tapikin ang balikat ni Jerome, doon na siya inundayanan ng suntok ni Jerome. Dali-daling lumapit ang iba pang kasamahan ni Archie at pinagtutulungan nila si Jerome. At pati sila ay inundayanan din ng suntok ni Jerome.

Karambola ang nangyari. Pinagtutulungan nila si Jerome ngunit ako ay nanatili nakatayo at tulalang nakatingin sa kanila. Mistula akong nanuod ng live na Royal Wrestling Rumble minus lang sa audience na ako lang nag-iisa at delikado pang madamay. Gusto kong tumulong ngunit hindi ko kayang manakit ng tao. At alam ko rin naman na wala akong kalaban-laban sa kahit sino man sa kanila dahil hindi naman ako sanay sa suntukan o sa mabibigat na pisikal na gawain.

Maya-maya lang ay nakita kong nakabulagta sa semento silang lima na kalaban ni Jerome. Sobrang galing talagang manuntok ni Jerome. Kaya pala tinagurian siyang lider nila. Nang hindi na sila tumayo, dali-daling tumalikod si Jerome at mabilis na naglakad palayo. Nilingon ko si Archie na matulis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngunit ramdam kong may galit siya sa akin.

Dinampot ko ang knapsack ni Jerome na nakalatag sa semento at nagtatakbo ako na sinundan siya. Naabutan ko siya sa may parking area ng bisekleta at kasalukuyang tinanggal ang lock nito mula sa bike stand.

Walang imik siyang sumakay. Pumuwesto na lang ako sa sa backride seat. Ipinatong ko ang kanyang knapsak sa aking kandungan atsaka siya nagsimulang pumadyak.

Habang nagpapadyak siya, wala pa rin siyang imik. Dahil gusto kong iparamdam sa kanya na suportado ko siya sa kanyang ginawa, naisip kong subukang ilingkis ang aking braso sa kanyang katawan. Nang nailingkis ko na, saglit niyang tiningnan ang aking kamay sa may bahaging tiyan niya. Nilingon din niya ako atsaka nagpatuloy siya sa kanyang pagpadyak.

Napangiti ako sa pagpayag niyang yakapin ko siya. May tuwa akong nadarama na kahit biniro at inasar siya ng kanyang mga barkada na magsyota kami, hinayaan pa rin niyang yakapin ko siya sa pampublikong lugar.

Ramdam ko ang sarap ng pakiramdam sa sandaling iyon. Pati ang sarap ng simoy ng hangin, iyong ambiance na agaw-dilim kung saan ay unti-unting gumagapang ang dilim at ang mga ilaw ng poste ay hindi pa nakasindi ngunit ang mga headlights ng sasakyan na dumadaan at sumasalubong sa amin ay nagsimula nang umilaw. At ang simbolismo ng bisekleta na sinasakyan namin... Naalala ko ang kuwento ng isang professor tungkol sa isang mag-asawang mahal na mahal ang isa’t-isa. Inilagay nila ang malaking portrait nilang dalawa na nakasakay sa bisekleta, ang ang lalaki ang nagpadyak at ang babae ay naka backride. Ang simbolismo raw noon ay ang kanilang buhay, ang kanilang pagmamahalan, ang kanilang relasyon at kalagayan. Ang lalaki ang nagdala ng kanilang pagsasama, siya ang nagdedisisyon kung saan sila tutungo, siya ang pumapadyak upang magpatuloy at umusad ang kanilang buhay, makarating nang ligtas sa kanilang paroroonan. Habang ang babae naman na nakasakay lang sa kanyang likuran ay nakadepende sa kanyang asawang pumapadyak at nagsisikap para sa kanilang kapakanan. Ang mag-asawa na iyon ay nagsama hanggang sa kanlang pagtanda. Ngunit unang namatay ang lalaki. Bago namatay ang lalaki, inihabilin niya sa kanyang asawa na alagaan ang larawan nila, upang palagi niya siyang maalaala na palagi silang magkasama, na katulad ng litrato nila sa bisekleta, palagi siyang nariyan para giyahan siya. Ngunit sa pagpanaw ng lalaki ay nawalan na rin ng pag-asa sa buhay ang babae. Hindi kasi sila biniyayaan ng anak kaya nag-iisa na lang siya. Hindi na siya halos kumakain, nawala na ang ngiti at sigla sa kanyang mga labi. Bawat agaw-dilim ay tinutungo ng babae ang kanyang namayapang asawa sa kanyang libingan, dala-dala niya ang malaking larawan ng bisekleta kung saan ay silang dalawa ang sakay. Doon siya natutulog sa mismong puntod. Hanggang sa isang umaga ay natagpuang patay ang babae sa libingan ng kanyang asawa, yakap-yakap ang larawan ng bisekleta.

Nangingilid ang mga luha ko nang ikinuwento iyon sa amin ng aming professor. Kung hindi lang iyon klase, siguradong umiyak na ako, humagulgol. True love kasi na masasabi. At nairelate ko iyon sa aking sarili na maaaring hindi makahanap ng ganoon sa aking buhay. Kahit naiisip ko lang iyon, napapaluha pa rin ako. At sa sandaling iyon na nakaangkas ako sa bisekleta ni Jerome, naisip kong muli iyon. Masakit ang kuwento nila. Ngunit marahil ay mas masakit ang kuwento ng bisekleta namin ni Jerome. Ako lang ang nagmamahal at hindi niya maaaring suklian ang pagmamahal ko.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang napansin kong lumihis ng daan si Jerome. Ang binaybay niyang kalsada ay patungo sa downtown imbes sa aming boarding house.

“Ba’t dito tayo dumaan?” ang tanong ko.

“Pinapagreport na ako sa parttime job ko bilang bartender at waiter sa club.” Ang sagot niya.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. “Agad-agad? Sa porma mong iyan na galing sa bugbugan?”

“Magpaalam lang ako na hindi muna ako papasok ngayon.”

“P-parang ang bilis naman...” ang malungkot kong sabi.

“Di ba sabi ko sa iyo ay mag-apply ako ng trabaho para magkaroon ng pera, hindi na ako dependent sa iyo, hindi na ako magnakaw ng pera, hindi na mangungutang, at higit sa lahat ay hindi na mapapalo.” Ang biro niya.

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon ngunit sa kabilang banda ay kinurot din ng konsiyensya ang puso ko. “Hindi ko naman ginawa ang pagpalo sa iyo Jerome dahil wala kang pera. Ginawa ko iyon dahil gusto kong magpaalam ka sana sa akin. Sa totoo lang, hindi ko naman hawak ang buhay mo, di ba? Ikaw lang ang may hawak niyan. Puwede mong gawin ang kahit anong gusto mong gawin sa buhay. Manigarilyo, magpakalunod sa alak, mambugbog ng kahit sino, magnakaw... wala akong karapatan. Pero, dahil gusto kong kahit papaano ay tumino ka, maituwid ang landas, mabuo ang buhay mo sa kabila ng mga mapapait na karanasan mo, kaya ginawa ko sa iyo iyon. Pero kung ayaw mo naman, kaya mo naman akong bugbugin, di ba? Kaya mo akong takutin. Hindi mo na kailangang magpapalo sa akin.”

“Alam ko. Pero tinakot ba kita? Binugbog ba kita?” ang sagot niya.

“Hindi.” Ang sagot ko rin.

“Bakit? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi kit kayang saktan?”

“Hindi ko alam. Bakit?” ang tanong ko.

Doon na pinahinto ni Jerome ang kanyang biskeleta sa gilid mismo ng kalsada, sa ilalim ng lilim ng malaking puno ng kahoy, natabunan ang liwanag na nanggaling sa poste ng ilaw.

Bumaba ako sa kanyang bisekleta. Bumaba rin siya. At nang pareho na kaming nakatayo, nakaharap sa isa’t-isa, ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat. “Dahil iyan ang gusto ko. Gusto kong labanan ang pride ko na ayan, dinodominate ako ng isang tao at bakla pa man din, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong mawalay siya sa akin. Ayaw kong layuan niya ako.” Ang sambit ni Jerome na ang boses ay mistulang nag-crack ngunit hindi nagpahalata. “Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero marahil ay dahil alam kong sa lahat ng tao sa mundo, ikaw lang ang taong hindi mo ako kayang balewalain, hindi mo kayang masira ang buhay ko, hindi mo kayang makitang magdusa ako. Sa iyo ko lang naramdaman ang tunay na pag-intindi, ang tunay na pag-alaga, ang tunay pagiging kaibigan. Sa iyo ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi ko ni minsan naramdaman sa aking mga magulang at ibang tao.” Ang dugtong niya. Doon ko na nakitang nagpahid siya ng kanyang mga luha. “Alam mo, sa iyo lang ako umiyak. Sa mga babaeng nagdaan sa kamay ko ay hindi ko sila iniyakan. Sa tindi ng nangyari sa buhay ko sa aking pamilya ay hindi ako umiyak. Sa hirap ng mga pagsubok nadumaan sa aking buhay ay hindi ako umuyak. Sa iyo lang talaga. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa iyo na mistula mo akong inalipin ng kung ano mang kapangyariahan mayroon ka.” Nahinto siya sandali, binitiwan ang isang malalim na buntong hininga. “Kaya gagawin ko ang lahat, ‘tol upang kagaya ng sinabi mo, ay mabuo muli ang buhay ko, makamit ang mga pangarap ko, tahakin ko ang tamang landas ng buhay. Ayaw kong masayang ang pagkakataon na may isang taong handang magsakripisyo para sa akin. Handang tumulong sa akin... Ayaw kong masayang ang mga pangarap mo para sa akin.” ang sambit ni Jerome.

Natulala ako sa sinabing iyon ni Jerome. Hindi ko namalayan na tumulo na rin pala ang aking mga luha. Pinahid ko ito. “Kung kailan nasa highway tayo ay nagdrama ka pa.” ang sambit ko.

“Ikaw kasi, nagtatanong ka pa.”

Alangan namang hindi ako magtatanong. Hindi mo naman sinabing hindi muna tayo uuwi sa boarding house.” Ang paninisi ko. Dating sisihan. Dating harutan. Dating biruan.

Muli kaming sumakay sa bisekleta. At ewan ko, sobrang saya ko sa pagkakataong iyon. Tila nakibahagi rin sa tuwa na naramdaman ko ang kalikasan, may kalamigan ang simoy ng hangin, mistulang musika sa aking pandinig ang ingay na nanggaling sa mga sasakyan na dumadaan at sumasalubgon sa amin. At ang sari-saring ilaw sa mga bahay, gusali at iba’t-ibang shops at tindahan na amin gnadaanan ay mas nagpatingkad pa sa kasiyahang aking nadarama. Hindi ko lubos maipaliwanag ang saya at ang gaan ng aking pakiramdam. Pakiwari ko ay nakita ko na purpose ng aking buhay, ang halaga nito, at ang sarap na mabuhay na may taong natulungang makita rin ang kahalagahan ng kanyang buhay.

Marahil ay ito rin ang simbolismo ng bisekleta na para sa amin ni Jerome. Bagamat ako ang backride niya, ngunit ako pa rin ang naggigiya sa kanya sa tamang landas kung saan niya dapat dalhin ang buhay niya.

(Itutuloy)

8 comments:

  1. thank you fafs. Galing talaga. Lalo ako na iinlove sa kwento.

    ReplyDelete
  2. Nakakasabik naman tong kwentong to.

    more updates pa please....thank you author

    ReplyDelete
  3. Sograng ganda nang story! Can’t wait!

    ReplyDelete
  4. Wala akong masabi kun I BRAVO!!!!

    ReplyDelete
  5. Galing idol. Idol gawan mo love triangle. Si archie kalove triangle.Hehehehe. Tnxs sa magandang story po.

    ReplyDelete
  6. Galing. Sana lang masundan AGAD

    ReplyDelete
  7. thanks god nahanap ko din to.ilang taon ko tong hinanap sa facebook dito ko lang pala makikita sa google😭

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails