Followers

Monday, June 22, 2015

Trapped


Trapped
James Silver
Fiction

Dalawang taon na rin ang lumipas simula nung iwan kami ng mga magulang namin sa mundong ito. Sabay silang namatay sa aksidente na ayaw ko nang alalahanin pa. Hanggang ngayon parang natutuliro pa rin ako sa tuwing maiisip ko ang masalimuot na sinapit nila. Pero ngayon ay ayos na ako, iniisip ko na lang na masaya na sila kung saan man sila naroroon. Ang kailangan ko na lang gawin ay magpatuloy sa buhay kasama ng aking dalawa pang nakatatandang kapatid.

Si ate Belle ang panganay namin 25 na sya at nagtatrabaho sya bilang supervisor sa isang department store. Ang pangalawa naman ay si kuya JP, 23 at sa isang call centre naman sya naghahanap buhay. Ako ang bunso, Lance ang pangalan ko pero “tart” ang tawag sakin ni ate at kuya dahil sweet daw ako nung bata ako. Ganun din dati ang tawag sakin nila mama at papa. 19 na ako, turning 20 this December. Nag-aaral ako ng kolehiyo sa isang unibersidad dito sa Quezon City.

Simple lang ang pamumuhay namin. Nakakabili kami ng mga pangangailangan namin at kung minsan kinakapos pa rin. Sa amin naman kasing tatlo, ako lang naman ang nabuhay sa luho eh, spoiled kasi ako sa ate at kuya ko hanggang ngayon. Kung ano hingiin ko, ibinibigay nila, pero minsan nasesermonan ako ni ate pagka medyo napasobra ang hingi ko, tapos ngingitian ko lang sya at yayakapin. Si kuya? Wala lang, kahit ano hingiin ko sa kanya hindi sya nagrereklamo pero minsan nagagalit din sya pag nalaman nyang ginabi ako ng uwi.


Sabado ng umaga, tanghali na ako nagising wala namang pasok kaya hindi pa sana ako babangon. Pero biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni kuya.

“Tart, bumangon ka na dyan at kumain ka na dito. Bilisan mong bumaba, papasok na ako.”  Sigaw ni ate sa akin.

“Oo ‘te, liligpitin ko lang ‘tong hinigaan ko.” Sagot ko.

Parang ambigat ng katawan ko nung bumangon ako. At paglinga ko sa paligid ay nandoon na pala si kuya sa kama nya. Mahimbing na natutulog. Nakaboxer shorts lang sya at wala syang pangitaas. Bumaba ako ng kama at lumapit ako sa kinaroroonan nya.

“Angwapo talaga ng kuya ko, Hmm! Kung hindi lang kita kuya malamang ginahasa na kita kanina pa.” sabi ko sa isip ko habang gumagapang ang tingin ko mula sa mukha nya pababa sa malapad nyang dibdib sa abs at syempre sa umbok nya na matagal ko nang inaasam na makita at mahawakan. Napangiti ako sa mga iniisip ko dahil parang napakaaga pa para maglaway ako sa kuya ko. “Psst! Masama yang iniisip mo, magkapatid kayo.”sabi ng konsensya ko.

Mga ilang minuto na rin pala akong nakatitig sa kanya ng bigla na namang sumigaw si ate na naging dahilan para maalimpungatan si kuya. Ako naman ay nagulat at bigla akong napatalon muli sa kama ko.

“Tart! Ano ba! Sinabing papasok na ‘ko eh, bahala ka hindi kita bibigyan ng allowance mo, sige ka.” Sabi ni ate.

Pupungas pungas si kuya nang imulat nya ang mga mata nya. Na parang medyo napasimangot dahil sa sigaw ni ate.

“Ano ba yan si ate, tsk! Aga aga, sigaw ng sigaw. Bumaba ka na kasi dun tart, alam mo namang hindi ka titigilan nyan eh. Hindi tuloy ako makatulog ng maayos dahil sa inyo.” Reklamo ni kuya habang nakakunot pa ang noo.

http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2015/06/trapped-james-silver-fiction-dalawang_22.htmlTumayo ako at iniligpit ko na ang hinigaan ko. Nang matapos ako ay kaagad akong bumaba. Pagbaba ko naman ay umamba si ate na kakaltusan ako nang makita nya ako.
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2015/06/trapped-james-silver-fiction-dalawang_22.htmlhttp://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2015/06/trapped-james-silver-fiction-dalawang_22.html
“Tsk! Malelate ako ng dahil sa ‘yo eh. Oh, ito yung allowance mo. Baka pag-uwi ko mamaya hindi ka pa nakapagsaing ah, kakalbuhin na talaga kita.” Parang gigil na gigil si ate.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.

“Bye ate, I love you.” Paglalambing ko sa kanya.

“Naku! Wag mo akong daanin dyan sa pagpapacute mo ah. Gulpi ka talaga sa akin pag walang sinaing dyan mamaya, yun na nga lang pinapagawa ko sa ‘yo eh.” Sabay pisil nya sa pisngi ko.

Pagkatapos ay tumuloy na sya sa pagpasok.

Ganyan kami maglambingan ng ate ko. Sobrang bait nya pero hindi mo gugustuhing makita syang nagagalit. Dahil mas nakakatakot pa sya kesa kay Celia Rodriguez. Maganda si ate kaya may pagkapihikan din sya sa lalake. Kaya pag nagkaboyfriend ay siguradong pangmatagalan. Katulad na lang ni kuya Edrick na halos mag-aanim na taon nya nang kasintahan. Halos araw araw sya kung magpunta dito sa bahay, pero itong mga nakaraang linggo ay madalang ko na syang makita. Hindi ko naman alam kung bakit. Ayaw ko namang mag-usisa kay ate dahil pagdating sa mga personal na bagay ay ayaw kong nangingialam sa mga kapatid ko.

Pagkalabas ni ate ay agad akong naghilamos at nagmumog. Kumakain ako mag-isa sa lamesa nang marinig kong may bumababa sa hagdan. Si kuya JP papunta sa lababo at naghilamos. Ang ganda talaga ng katawan nya kaya sa tuwing titigan ko sya ay hindi ko mapigilang tigasan. Lalo na nung humarap sya, napanganga na lang ako dahil nakita ko yung malaki nyang bukol sa harapan nya. Parang nawalan ako ng gana sa pagkain dahil iba na ang gusto ko kainin.

“Wui! Anong tinutunganga mo dyan? Kumain ka nga ng maayos dyan, kung ano ano yang tinitingnan mo.” Sabi ni kuya sabay ngiti ng mapang-asar. Natauhan naman ako sa ginawa nya, at kinabahan ako ng matindi dahil mukhang nakita nya kung ano ang tinititigan ko. Pero para maiba ang issue ay nagtanong na lang ako sa kanya.

“Oh! Kuya bakit gumising ka na? Konti pa lang tulog mo ah.” Tanong ko.

“Hindi na ako makatulog, ang ingay nyo kasi ni ate kanina eh. Babawi na lang ako mamaya, nagugutom na rin kasi ako.”sagot nya sa akin.

Pagkatapos nun ay kumuha sya ng plato at tsaka umupo sa harapan ko para kumain na rin.

“May girlfriend ka na ba tart? Bakit wala ka yatang dinadala dito?” nagulat ako sa tanong na ito ni kuya.

“Huh? Ah, wala pa, baka kasi magalit si ate pag nag-girlfriend ako. Baka sabihin nya pinababayaan ko ang pag-aaral ko.” Sagot ko sa kanya.

“Naku! Natural lang naman na magkaroon ka ng girlfriend eh, inspirasyon ‘yon. Ako nga eh, nung naging girlfriend ko si ate Regine mo tumaas yung grades ko nung nag-aaral pa ako. Dahil sinisipag ako mag-aral, kasi matalino ‘yon, kaya ayaw kong mapahiya sa kanya. Tingnan mo, kami pa rin hanggang ngayon.” Kwento ni kuya.

Kung patagalan nga pala ng syota ay wala na sigurong tatalo kay kuya. Naging girlfriend nya si ate Regine nung 3rd year high school pa sya at hanggang ngayon na nagtatrabaho na sya ay sila pa rin. Mukhang tuloy na nga sila sa kasalan eh. Magsasampung taon na sila, hindi ko nga alam kung paano sila nakatagal ng ganun eh. Hindi pa kaya sila nagkakasawaan? Sabagay ako nga, mula noon hanggang ngayon crush ko pa rin si kuya pero never ako nagsawa sa mukha nya. Pero iba naman ako, kapatid nya ako eh. Si ate Regine naman ay hindi, pero sa tingin ko mahal na mahal nya talaga si kuya. Napakabait rin naman kasi nun, maganda pa kaya nga crush ko rin yun eh. Napapatunganga ako dati pag nakikita ko sya, sabay bigla nya akong ngingitian. Hanggang sa pagtulog ko nakikita ko yung mga ngiti nya sa akin. Muntikan na nga akong mainlove dun eh, bigla ko lang naisip na girlfriend nga pala sya ni kuya.

“Tsaka na lang, pag hindi na ako masyadong busy sa school. At tsaka wala pa akong nakikitang para sakin eh.” Sabi ko kay kuya.

“Wala pang nakikita o baka naman kasi iba ang gusto mo.” Sabi nya sabay ngiti.

“Sira ka kuya, kung ano ano iniisip mo.” Sabi ko sabay simangot.

“Bakit hindi ba? Crush mo nga ako diba?” tanong nya at may kasamang nakakainis na ngiti.

“Kapal mo, kelan kita naging crush? Mas cute naman kaya ako kesa sa ‘yo noh.” Sabay simangot ko.

“Sus! Kunyari ka pa, ayaw mo pa aminin. Kakosa ka ba? Hahahahaha!” sarkastikong tanong nya na talaga namang ikina-asar ko.

“Ewan ko sa ‘yo kuya.” Sabi ko sabay binilisan ko ang pagkain ko at tsaka tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

“Tart! Wui, binibiro ka lang eh. Bahala ka, hindi ko dadagdagan yang allowance mo.” Sabi saken ni kuya. Dahil ‘yon ang pinakamatindi kong kahinaan ay bumalik ako sa upuan, sa harap nya. Inilahad ko ang kamay ko sa harap nya na para bang hinihingi ko na ‘yong allowance na ibibigay nya.

“Naku ka, tampo tampo ka pa dyan. Hindi mo nga ako crush, ang tingin mo kasi saken ATM. Tsk! Ibibigay ko mamaya, pag naghugas ka na ng plato.” Sabi ni kuya.

“E, ayoko tsk! May sugat ako sa kamay oh.” Sabay ipinakita ko sa kanya yung nahiwa ng kutsilyo kahapon habang naghuhugas din ako ng plato nun. Si kuya lang ang kaya ko dramahan ng ganito. Dahil kung kay ate ko gagawin ito ay siguradong katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko.

“Aba, totoo nga ah. Sige ako na lang maghuhugas kunin mo na lang yung wallet ko dun sa kwarto. Baka kupitan mo pa ako ah! Isusumbong na kita kay ate.” Pananakot nya, dahil madalas ko nga syang kupitan. Actually hindi naman talaga kupit ang tawag dun, kasi sinasabi ko naman sa kanya agad pag nagastos ko na hahaha.

Kinuha ko ang wallet nya at binuksan ko para makita ko kung magkano ang laman. “Aba mukhang kakasahod lang ah. Mabaet ako ngayon, hindi ko sya kukupitan.” Sabi ko sa sarili ko. Bumaba na ako at dinala sa kanya ang wallet nya. Pagkaabot ko sa kanya ay agad nyang tiningnan ang laman nun at parang binibilang pa nya.

“Magkano kinupit mo dito ah?” tanong nya habang ngumunguya.

“Wala akong kinupit dyan ah, bilangin mo pa.” sagot ko.

Pagkatapos nun ay iniabot nya sakin yung 500.

“Tsk! Ito lang?! Kulang ‘to kuya. 500 lang din binigay ni ate sakin eh. Papano ko naman yan pagkakasyahin ng dalawang linggo.” Reklamo ko sa kanya. Pero ang totoo 1,5k ang binigay ni ate na pang-allowance ko sa dalawang linggo. Hindi naman sila nagtatanungan tungkol sa mga ibinibigay nila sa akin kaya malakas ang loob ko.

“Haynaku, kuripot talaga nun ni ate. Oh! 500, 1k na yan ah baka reklamuhan mo pa ako.” Sabi ni kuya.

“Kuya, dagdagan mo pa, please!” pacute kong pagkakasabi.

“Hehehe! Ayos ka tart ah, hindi ka nga nangupit, parang hinold-up mo naman ako. Oh ayan na, tama na yan!” Sabi ni kuya sabay lapag ng wallet nya at muling kumain.

“Thank you kuya. I love you.” Sobrang saya, malaki na naman ang kinita ko sa pang-uuto ko kay kuya hahaha.

“Hmp! Wala man lang akong pakonswelo. Hindi mo man lang ako magawang ipagligpit ng kama ko. Tuwing darating ako, kung papaano ko iniwan ganun ko pa rin aabutan. Pagod na nga si kuya sa trabaho eh.” Paawa ni kuya sa akin.

“Sige! Liligpitin ko na ‘yong kama mo mamaya.” Sabi ko.

“Wag na, sumakit pa yang SUGAT mo tsk.” Nilaksan nya talaga yung pagkakasabi ng sugat. Hahaha maliit lang naman kasi. Ganyan talaga si kuya. Sa kanilang dalawa ni ate sya ang nauuto ko ng walang kahirap hirap.

Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta na ako sa sala at binuksan ko yung t.v., Walang magandang palabas kaya binuksan ko yung dvd at isinalang ko yung anime na one piece, na binili ko kahapon.  Mga 15 minutes lang ang nakalipas at natapos na rin si kuya sa pagkain at paghuhugas nya ng plato. Pumunta rin sya ng sala at nagsindi ng isang stick ng yosi. At sinabayan akong manood, alam ko namang paborito nya rin ito eh. Ang totoo nyan, naging paborito ko ‘to dahil sa kanya. Sya talaga ang original na adik sa anime na ‘to.

“Sus! Late ka naman masyado. Mga mahihina pa sila nyan eh. Sa net ka na lang kaya manood. Updated doon sa watchop.com. oh kaya magbasa ka ng manga para mas latest yung mga episodes. Tagal na nyang pinapanood mo eh.” Sabi nya. Sabi ko sa inyo eh, sya talaga ang adik dito.

Habang nanonood kami ay biglang may nagtext kay kuya. Anlakas kasi ng tunog ng cellphone nya kaya rinig mula kwarto hanggang sala. Nilalaksan nya talaga ‘yon pag nasa bahay sya dahil madalas nya ‘yong maipatong kung saan at hindi nya na matandaan pag hinahanap nya na. Dali dali syang umakyat para kunin yung cellphone nya. Pagbaba nya ay nakatapat na sa tenga nya yung cellphone at may kinakausap na.

“Dito ‘ko sa bahay hon. Sunduin ba kita dyan? ...  Ah, ok sige hintayin na lang kita dito… I love you too.” Sabi ni kuya sa kausap nya sa cellphone. Hon ang sabi nya kaya siguradong si ate Regine yun.

“Pupunta si ate Regine mo dito, ipagtimpla mo ng kape ah. Mas gusto nun na ikaw ang nagtitimpla kesa sa akin eh.” Utos ni kuya.

 “Oo naman, hindi mo na kailangan sabihin.”basta pagdating kay ate Regine ay todo asikaso ako. Gusto ko kasing kumportable sya sa bahay. Inaasikaso ko sya habang nag-uusap sila ni kuya.

Kalahating oras lang ang lumipas at dumating na nga si ate Regine. Wow! Na lang nasabi ko at napapatunganga na naman ako sa kanya. Hindi sya nagbabago, siguro diwata sya, kasi mula noon hanggang ngayon pareho pa rin ang kagandahan nya eh. Isa pa hindi sya katulad ng iba na todo effort sa pagme-make-up para magmukhang maganda. Sya hindi, polbo nga lang yata ang ginagamit nya eh. Para syang ilaw na nagpapaliwanag sa buong kabahayan sa tuwing makikita ko sya. Sa kakatunganga ko ay hindi ko na namalayan na nasa harap ko na pala sya. Bigla na lang naramdaman ko ang pagpisil nya sa pisngi ko kaya natauhan ako.

“Angcute mo talaga! Effective pa rin ang beauty ko sa kapatid mo ano hon?” sabi ni ate Regine.

“Oo nga, kaya nga hindi yan magkagirlfriend eh. Mukhang hinihintay tayong mag-break, para sya naman manligaw sa ‘yo.” Si kuya.

“Hahaha! Ganun ba gusto mo Lance? Sige ibebreak ko na kuya mo, para maligawan mo na ako ha.” Sabi ni ate Regine sabay tawa nilang dalawa ni kuya.

“Oh, ano na? Kumustahin mo si ate mo. Nakatunganga ka na lang dyan, sabi mo ipagtitimpla mo sya ng kape.” Sabi ni kuya.

“Hi! Ate, tagal mong hindi pumunta dito ah. Namiss kita. Gusto mo ng kape?” tanong ko kay ate Regine. Ngumiti lang sya at tumango. Nagpunta na ako sa kusina para maipagtimpla ko sya ng kape. Pagbalik ko ay nakita ko silang nagkiss. Medyo nakaramdam ako ng selos, pero sanay na naman ako kaya mabilis lang nawawala yung sakit sa loob ko. Ang mahalaga masaya silang dalawa, masaya na rin ako.

Pagkatapos maubos ni ate Regine ang kapeng tinimpla ko ay umakyat na sila sa taas. Ako naman ay naiwan dito sa baba para iligpit yung tasa at ipagpatuloy na ang naudlot kong panonood. Bago sila umakayat ay pinaalalahanan ako ni kuya na wag daw akong aakyat sa taas. Medyo nako-curious ako sa kung ano ang ginagawa nila sa itaas kaya dahan dahan akong umakyat. Parang magnanakaw na wala man lang kahit konting tunog. Nakasara ang pinto, saradong sarado talaga. Malas! Pero idinikit ko yung tenga ko sa pinto at nakinig ng taimtim. Wala akong marinig nung umpisa hanggang sa bigla na lang may impit na ungol akong narinig.

“Hhmmpp! Hhmmp ah! Idiin mo pa.”boses ni ate Regine. Nakaramdam ako ng pang-iinit sa katawan ko. Mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari. Napangiti ako at muling nakinig.

“Wag kang maingay baka marinig tayo ni Lance alam mo naman yun.” Bulong ni kuya kay ate. Naririnig ko ang pagsasalita nya dahil na rin sa baritonong boses nya na mahirap gamitin sa bulungan. At isa pa nasa bandang pinto ang pwesto ng kama nya kaya madali lang marinig.

Rinig na rinig ko ang lagitik ng kama nya. Pati na rin ang mga impit na ungol ni ate Regine. Pero hindi na sila nag-uusap. Nakakainis yun pa naman ang gustong gusto ko marinig. Kung paano sila mag-usap habang nagsesex. Mas nakakalibog kasi yung pag-uusap nila kesa sa mga ungol nila. Para sa akin kasi, mas nakakapang-init ng katawan pag naririnig ko yung usapan nilang tungkol sa kalibugan. Yung tipong “Ipasok mo na ah, sige pa! Isagad mo pa.” Wala na talaga akong naririnig pero sapat na ang init na nararamdaman ko at ang imahinasyon ko para pumunta ng cr at paligayahin ang sarili ko. Papunta na sana ako ng banyo ng biglang.

“Hoy! Sabi ko sayo wag kang aakyat diba? Hahahaha! Akala mo may ginagawa kami noh!?” malakas na sigaw ni kuya nang bigla nyang buksan ang pinto. Tawa sila ng tawa ni ate Regine. Ako naman ay parang nawalan ng dugo sa sobrang nerbyos. Tsk! Pinagtripan lang pala ako ng mga ‘to. Nawala tuloy yung nararamdaman kong libog.

 “Pilyo ka Lance ah. Binata ka na talaga, mukhang mahilig ka na eh. Hahahaha. Nagpamasahe lang ako sa kuya mo kasi masakit talaga ‘yong katawan ko. Hahaha.” Sabay lapit sa akin ni ate Regine at pinisil na naman ang pisngi ko. Para akong matutunaw sa hiya nang sabihin iyon ni ate.

“Mag-girlfriend ka na kasi para magkaron ka na rin ng experience. Hahahaha!” sabi pa nya.

Bumaba na ako at sumunod naman silang dalawa. Bumalik kami sa sala. Parang ayaw ko na sila tingnan sa sobrang hiya ko kaya napapayuko na lang ako.

“Ok, lang ‘yon natural lang naman ‘yung ginawa mo eh. Pero para malaman mo, hindi namin gagawin ‘yon dito sa bahay nyo. Hahaha alam naming osyusero ka eh. Hahaha.” Si Ate Regine habang si kuya naman ay tawa ng tawa. Nakakainis talaga sila. Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang panonood ko nang nakasimangot.

Hindi naman gaanong nagtagal si ate Regine sa bahay. Halos magiisang oras lang sya at maya maya pa ay inihatid na rin sya ni kuya sa labasan. Pagbalik ni kuya ay nakangiti sya na sobrang nakakaasar. Kaya hindi ko na sya pinansin. Lumapit sya sa akin at inakbayan ako. Sabay baling nya sa tenga ko.

“Bitin?” pabulong na pagtatanong nya sa akin.

Grabe talaga ang boses nya nakakakuryente lalo na nung maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko at muling bumalik ang libog ko. Inialis nya na ang bibig nya na nakalapit sa tenga ko at umupo sya ng maayos. Napatingin ako sa kanya at ganon rin sya sa akin. Parang inaakit nya ako sa pamamagitan ng mata nya na sobrang pungay. Parang lasing lang. Sabay hawak nya sa umbok nya at piniga iyon. Kinakabahan na ako, baka kung ano ang magawa ko pag nagpatuloy pa sya. Sabay binasa nya ang labi nya gamit ang dila nya. “Takte!” sabi ko sa isip ko. Init na init na ako sa nakikita kong ginagawa nya.

“Tart! Tart! Wui!” pagtawag sa akin ni kuya na may pagtataka sa mukha. Tsk! Imahinasyon ko na naman pala. “Hahaha! Ikaw ah, tayung tayo na yan ah.” Sabay nguso nya sa ibaba ko. “Putek!” sabi ko sa isip ko dahil, bakat na bakat ang pagkakatayo ng alaga ko sa jersey shorts na suot ko. Pagkatapos nya sabihin iyon ay tumayo na sya at dumiretso sa kwarto. “Tulog muna ako Tart ah, ikaw na bahala sa bahay. Pakigising mo ako ng alas-sais ah.”

Natulog na nga si kuya at naiwan na naman akong tulala sa mga pangyayari. “Bwiset ka Lance, anlibog mo talaga pati kuya mo, tsaka girlfriend nya pinagnanasaan mo.” Sabi ko sa utak ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa banyo para makapagpalabas na at matigil na ‘tong kalokohang nasa utak ko. Napakatindi talaga ng imahinasyon ko lalo na pag nalilibugan.
---
“Kuya! Gising na alas-sais na!”habang niyuyug-yog ko ang katawan ni kuya.

Madali lang naman gisingin si kuya dahil may pagkatulog manok ito. Siguro nakasanayan nya na dahil sya palagi ang ginagawang taga-gising ni papa dati. Pag kailangan na ni papang pumasok sa trabaho, si mama naman kasi ay pang-gabi rin sa call centre noon.

“Hmm!” sabi ni kuya. At kinusot nya ang mata nya sabay mulat. Tumingin sya sa akin at ngumiti. “Ipag-init mo ako ng tubig, please!” pakiusap nya habang nagiinat. Kahit kelan hindi pa sya naligo ng walang mainit na tubig. “Tapos na.” tugon ko sa kanya.

Bumangon na si kuya at tuloy tuloy na bumaba. Kagaya ng ipinangako ko sa kanya ay iniligpit ko nga ang hinigaan nya. Pagkatapos ay sinundan ko sya sa baba.

“Tart nagsaing ka na ba?” Tanong nya.

“Opo, kuya.”

“Wow! Mukhang ansipag mo ngayon ah. Ano kayang nakain mo?” pang-aasar ni kuya.

“Napapagod na nga ako kuya eh, nilinis ko ‘yung buong bahay tapos nagsaing pa ako pati pinag-init kita ng tubig. Tsaka kakatapos ko lang ligpitin yung kama mo. Grabe napapagod na talaga ako.” Parinig ko kay kuya.

“Aysus! Kawawa naman ang bunso napagod na. Sige may regalo ka sa akin bukas pag-uwi ko. Pakakainin kita ng hotdog.” Sabi nya sabay ngisi.

Uminit ang tenga ko sa mga sinabi nya. Parang ewan lang. Mabilis akong nalibugan ng marinig ko iyon. Hindi ako nakapagsalita agad. Pumunta na lang ako ng sala para doon tumambay. “Siraulo ka talaga!” sabi ko sa kanya sabay biglang tawa nya ng malakas.

Matapos nya kumain at maligo ay mabilis syang nagbihis at lumabas na ng bahay dahil susunduin nya pa raw si ate Regine sa kanila.

Nakatunganga pa rin ako. Dahil sa nagdaang isa’t kalahating oras ay hindi ko naalis sa isip ko ang sinabi ni kuya. Grabe anlakas talaga ng epekto nya sa akin. Parang hindi man lang sya nag-eeffort para libugin ako. Take note, hindi nya alam na tinatablan ako sa kanya ah. Ewan, siguro alam naman nya yun, talaga lang nang-aasar.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan. Malamang si ate na ‘yon dahil ganitong oras naman ang madalas na uwi nya galing sa trabaho. Pumunta na ako sa pinto at binuksan ko iyon. “Shete! si kuya Edrick.” Nagulat ako sa kanya dahil hindi ko naman inaasahan na sya ang makikita ko. Fitted white shirt lang ang suot nya at pulang basketball shorts. Sanay naman ako na nakaganun lang sya sa tuwing pupunta sya rito. Hindi naman kasi ganung kalayo ang bahay nya rito eh.

“Si ate mo nandyan na ba?” tanong nya. Habang nasa pinto pa rin.

“Ha? Ah, eh. Wala pa po kuya. Halika pasok ka.” Sabi ko.

Tinitigan nya ako ng diretso sa mga mata ko. At napaatras ako nung umabante sya papasok. Hindi ko rin maialis ang mga mata ko sa kanya, parang napako na.

“Anong oras kaya darating yun?” tanong ulit nya.

“Hindi ko alam eh.”

Dumiretso lang kami papasok at nakita kong napangiti sya. Bigla akong nauna sa sofa para maiwasan ang tingin nya. Dahil talagang matinding kaba na ang nararamdaman ko. Grabe talaga ako sa libog napakatindi ng libido ko sa katawan. Tingin pa lang tinitigasan na talaga ako. Pagkaupo ko ay ipinatong ko ang kanang braso ko sa sandalan ng sofa. Para kahit papaano ay magmukhang relax lang ako. At naramdaman ko na lang na nagpunta na sya sa likuran ko. Si kuya Edrick kasi ay parang si kuya JP din na mabait pero anlakas mang-urat. Maya maya pa ay may mainit na hangin na dumampi sa tenga ko. “Ang init ngayon diba?” sabi nya na parang puro hangin lang ang lumabas sa bibig nya. At unti-unti syang lumayo. Pagkatapos ay naramdaman ko ang matigas na bagay na dumikit sa kanang kamay ko na nakapatong sa sandalan ng sofa. Hindi ko inalis. At pinakiramdaman ko lang. Hindi man ako nakatingin ay alam ko na kung ano yun. “Woooh!” sabi ko sa isip ko sabay hinga ng malalim. Habang tumatagal ay lalo pa iyong dumidiin sa kamay ko. Pinagpapawisan na ako sa ginagawa nya. At nagaalburoto na ang alaga ko. Iginalaw ko ang hinliliit ko para masalat ko pa lalo ang katigasan nun. “Putcha naman, antigas!” sa isip ko. Maya maya pa ay iginalaw nya iyon ng kaunti. “Gusto mo ba? Hawakan mo na.” tanong nya sa akin. Iginalaw ko pa ulit ang hinliliit ko pero mas madiin na ngayon. Dahil may hudyat na ako mula sa kanya.

“Tart! Nagsaing ka na ba?” biglang sigaw ni ate mula sa pintuan. Bigla kaming umayos ni kuya Edrick para hindi kami mahuli. “Syete! bitin.” sabi ko sa isip ko.

“Opo ate.” Ganting sigaw ko.

“Oh, Edrick nandito ka pala. Bakit hindi ka nagtext?” tanong ni ate. Nang makapasok na sya sa pinto.

“Akala ko kasi nandito ka na kaya dumiretso na lang ako. Tapos si Lance lang pala yung nandito.” Pagkatapos nun ay lumapit si kuya Edrick kay ate.

“Tart, oh ihanda mo na yung ulam para makakain na tayo. Bilis na at grabeng pagod ni ate.” Utos ni ate sa akin.

Kinuha ko ang dala nya at dumiretso sa kusina para ihanda ang pagkain. Habang naghahanda ako ay hindi ko maiwasang marinig ang mga boses nila habang nag-uusap.

“Edrick, I’m so sorry pero hindi na talaga pwede. Ayaw ko namang lokohin ang sarili ko. Wala na talaga akong maramdaman sa ‘yo eh.” Sabi ni ate.

“May iba na ba?” tanong ni kuya.

“Wala, gusto ko lang talaga magfocus sa dalawa kong kapatid. Ako ang panganay at ako na rin ang tumatayong magulang para sa kanila.” Si ate.

“Pwede naman kitang tulungan ah. May trabaho naman ako, kung karapatan lang naman ang pinoproblema mo. Bakit hindi pa tayo magpakasal?” si kuya.

“Hindi, yun Edrick eh. Ang problema, wala na akong maramdaman sa ‘yo. Hindi na kita mahal, sana naman tanggapin mo yun ng maluwag sa loob mo.”

“Anghirap eh. Antagal din natin nagsama, bakit biglaan naman yata?” Sabi ni kuya Edrick habang nanginginig na ang boses at mukhang paiyak na.

“Magpahinga muna tayo. Kung handa na ako magpakasal at nandyan ka pa, free ka pa rin, promise magpapakasal ako sa ‘yo.” Pahikbing sagot ni ate. “Kung makakapaghintay ka pa.”

“Liligawan kita ulit, Belle kung yan ang kailangan. Mahal talaga kita.” Tuluyan na ngang umiyak si kuya, ayon sa tunog ng boses nya.

“Ikaw ang bahala. Pero wag ka mag-expect ng kahit ano ha. Pwede ka pa rin namang pumunta dito eh. Hindi na nga lang katulad ng dati na pwede mo ako lambingin. Basta kailangan muna nating magbreak. Hindi pa talaga ako handa sa inaalok mo sakin. Kung babalik pa ‘yong nararamdaman ko, hindi ko alam. Basta bahala ka kung maghihintay ka o hindi. Wala akong kayang ipangako sa ‘yo. Pero hindi kita pipigilan sa gusto mo.” Si ate.

“Pwede ba tayong maging magkaibigan ulet? Para naman hindi ako mailang pag pumunta ako dito.” Tanong ni kuya Edrick.

“Oo naman, wala naman tayong naging problema eh. Kailangan lang muna natin talaga magpahinga. Punta ka lang dito katulad ng dati, close ka naman kay Lance at kay JP eh. Kakausapin pa rin kita. Parang ganon pa rin, ang kaibahan lang malaya tayo sa isa’t isa. Pwede akong magboyfriend ng iba at pwede ka rin mag-girlfriend. Ganon.” Paliwanag ni ate.

“Sige, basta makita lang kita, ok na ‘ko.”

Habang nagkakadramahan sila sa sala ay natapos na akong maghanda ng pagkain. Gusto ko na sila tawagin pero ayaw kong makaistorbo. Kaya kumain na lang ako mag-isa.

“Tart! Tapos na ba yan? Gutom na ako eh.” Sigaw ni ate.

“Tapos na ‘te, kumakain na nga ako eh.” Sabi ko.

Pumunta si ate sa kusina, kasama nya si kuya Edrick. Nagkatinginan kami at naalala ko na naman ‘yong nangyari kanina. Napangiti si kuya Edrick sa akin na may malungkot na mukha. Para tuloy akong naaawa sa kanya dahil brineak na pala sya ni ate. Halatang kakaiyak lang nila pareho.

“Bakit hindi ka nagyayaya ah. Hindi mo talaga mahal si ate.” Pagtatampo sakin ni ate.

“Eh, maiistorbo ko lang kayo sa pag-uusap nyo eh. At tsaka gutom na ako.” Sabi ko. “Tara kain na tayo, kuya Edrick kain na.”

Niyaya rin ni ate si kuya Edrick at pumayag naman ito. Naupo na sila at sinaluhan ako sa pagkain.
---
Araw ng linggo maaga ako magising pag ganitong araw dahil ako ang hari. Walang pasok si kuya at si ate naman nandito lang rin sa bahay. Hindi nya naman day-off pero pwedeng dito sa bahay nya na lang gawin ang trabaho nya. Bukas talaga ang restday nya. Si kuya naman ay hindi na natutulog pag wala syang pasok kinabukasan. Dahil namimiss nya raw matulog ng gabi. Walang mahilig gumala sa amin kaya pare-pareho lang kaming nandito sa bahay. Ito yung oras ng bonding naming magkakapatid.

Pagbaba ko ay nakita ko si kuya na kararating lang at may dala itong isang bag ng tender juicy hotdog. Napakunot ang noo ko, at sya naman ay napangiti habang ipinapakita sa akin ang pasalubong na ipinangako nya kagabi. Hmp! Akala ko kung ano na yung hotdog.
Si ate naman ay nasa kusina na at mukhang may niluluto. Pumunta ako sa sofa at muling nahiga doon. Si kuya naman ay dinala sa kusina yung binili nya tsaka umakyat sa taas para magbihis.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako sa sofa ng maramdaman kong may pumapatak sa mukha ko. Tubig na galing sa kamay ni ate. Pagkamulat ko ay nakita ko silang dalawa na tawa ng tawa. At bigla kong pinunasan ng kamay ko ang mukha ko at naamoy ko na parang malangsa.

“Hala tart! Tubig yan galing sa pinaglinisan ng isda.” Sabi ni kuya.

“Ano ba yan ate, kadiri. Anlansa ko na tuloy!” Sigaw ko.

“Ok lang yan para makaligo kana. Antamad mo kasi maligo eh.” si ate.

Pumunta na ako ng banyo para makaligo na. Sobrang langsa talaga nung ipinatak sa akin ni ate. Pagkatapos kong maligo ay doon ko lang naalala na wala pala akong dalang tuwalya.

“Kuya! Kuya! Paabot ako ng tuwalya pati brief!” sigaw ko kay kuya JP.

Maya maya lang ay nandyan na sya at kumakatok na sa banyo. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng ulo ni kuya. Tinakpan ko kaagad yung ari ko dahil hubo’t hubad ako.

“Waaah! Umalis ka dyan akin na yang tuwalya ko!” sigaw ko kay kuya.

“Eh, patingin muna nyan para ibigay ko ‘tong tuwalya mo.” Pangaasar ni kuya.

“Ayaw! Umalis ka na sinabi dyan eh. ATE! Si kuya oh.” Sigaw ko pa ulit.

“Hoy! JP, binata na yang kapatid mo binibiro mo pa ng ganyan.” Narinig kong sinabi ni ate.

“Hindi pa binata ‘to ah, baby pa rin natin ‘to eh.” Si kuya.

“Ate oh, ayaw umalis ni kuya!” sumbong ko ulit kay ate.

Bigla namang sumulpot din ang mukha ni ate sa pintuan.

“Waaaah! Isa ka pa ate eh!” Halos mangiyak ngiyak na ako sa sobrang asar sa kanilang dalawa. Tsaka lang ibinigay ni kuya yung tuwalya sa akin. Pagkatpos ko magpunas ay dumiretso ako sa taas para makapagbihis. Pagbaba ko ay agad nila akong niyayang kumain. Nakahanda na lahat kaya pag dating ko ng kusina ay umupo na lang ako at nagumpisa na kaagad kumain. Sinimangutan ko silang dalawa.

“Nakakainis kayo!” sabi ko.

“Sorry na bunso.” Sabi ni ate.

“Ewan ko sa inyo! Anlaki-laki ko na eh. Binibiro nyo pa ako ng ganun. College na kaya ako.” Sabi ko sabay simangot ulit.

“Eh, baby ka pa rin sa paningin namin eh” sabi ni kuya.

“Baby mo mukha mo!” sabi ko.

“Eto si tart nagsosorry na nga eh. Bahala ka babawiin ko ‘yong allowance mo, malaki pa naman yung binigay ko sa ‘yo.” Sabi ni ate. Tapos bigla akong kinabahan dahil napatingin sa akin si kuya. Napangisi ito na parang may binabalak.

“Hmm! Malaki pala binigay mo ate?” Sabay kindat ni kuya.

“Oo naman, bakit ko naman titipirin ‘yong baon ni tart. Yun na nga lang ang dahilan nya kaya sya pumapasok eh, titipirin ko pa. 1,5k kaya binigay ko dyan.” Sabi ni ate. At nabuko na nga ako ni kuya.

“Tapos hinold-up pa ko nyan kahapon ‘te. Nanghingi pa ng dagdag. 3k na pera nyan.” Sumbong ni kuya.

“Hayaan mo na, para tayo naman ang bigyan nya ng pera pag may trabaho na sya.” Si ate. Sabay belat ko kay kuya na ikinangiti naman nila pareho.

“Kita mo na, yan ba ang binata?” Sabi ni kuya at nagtuloy tuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa sofa para ilagay ulit yung one piece. Ako nga ang hari ngayon diba, kasi nandyan sila pareho kaya hindi ko kailangan kumilos. Nang matapos na sila ay pumunta rin sila sa sala at nakinood ng palabas. Umupo si ate sa bandang uluhan ko at si kuya naman ay sa bandang paanan ko. Sanay ako na iwini-wiggle ang paa ko, ginagawa ko yun ngayon habang nakapatong ang paa ko sa lap ni kuya. Si ate naman ay hinihimas ang buhok ko. Pare-pareho kaming tutok na tutok sa palabas dahil maganda ‘yong eksena. Patuloy ako sa pag galaw ng paa ko hanggang sa naramdaman ko na lang na may parang matigas akong tinatamaan. Napatingin muna ako kay ate baka kasi may napapansin sya. At dahil isa rin syang adik sa anime ay talaga namang tutok na tutok pa rin sya sa pinapanood namin. Bumaling naman ako ng tingin kay kuya at nakita kong ganun din sya, nakapako ang paningin sa palabas at seryosong seryoso. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at naramdaman kong hinawakan ni kuya ang paa ko. Ang akala ko ay pinipigilan nya ang paa ko sa paggalaw, pero naramdaman ko na lang na lalo nya iyong idiniin sa harapan nya. Sumulyap ako sa kanya at patuloy pa rin sya sa seryosong panonood.

“Gagawin ko na nga yung trabaho ko para maaga ako matapos.” Sabi ni ate sabay angat ng ulo ko at tumayo. Umakyat na sya sa itaas at pumasok na sa kwarto nya.

Patuloy kaming nanood ni kuya pero ngayon ay hindi na talaga nakatuon ang isip ko sa palabas. Dahil nung umakyat si ate ay lalo nya nang idiniin ang paa ko sa matigas na harapan nya at ngayon ay inihihimas nya na doon. Napatingin ako kay kuya, nanonood pa rin sya pero ngayon ay nakangiti na sya. Bigla syang napatingin sa akin at huli na nung babawiin ko sana ang mata ko sa kanya.

“Matigas ba?” tanong nya. At talagang pumintig ng husto ang puso ko sa itinanong nya. Sabay bigla syang kumuha ng throw pillow at ibinato nya yun sa akin. “Aray!” sabi ko at bigla syang tumawa ng malakas. Pagkatapos nun ay umakyat na rin sya sa taas at hindi na sya bumaba.
---
Naging busy na kaming magkakapatid nung mga sumunod na araw. Ako sa pag-aaral, si ate’t kuya naman ay sa kanikaniyang mga trabaho. Madalas ay halos wala akong nakakasama sa bahay sa tuwing umuuwi ako. Si ate kasi medyo dumalas yung pago-overtime nya. Siguro iniiwasan nya si kuya Edrick. Kaya ako lagi ang naaabutan ni kuya Edrick dito sa bahay.

Isang araw dumating si kuya Edrick. Mukhang malungkot. Ganon siguro talaga, alam ko naman na mahal na mahal nya si ate eh. Pinapasok ko sya sa loob para paupuin. Walang bahid ng kalokohan ang pagpunta nya rito. Mukhang kailangan lang ng makakausap. Nagtimpla ako ng juice para sa aming dalawa. At pagkalapag ko nun ay umupo ako sa gilid nya. Mga kalahating yarda siguro ang layo ko sa kanya. Kailangan dumistansya, mahirap nab aka mawala na naman ako sa sarili.

“Lance, naranasan mo na ba magmahal?” tanong ni kuya.

Hindi ako sigurado sa isasagot ko dahil wala pa naman akong nakakarelasyon ng totohanan. Lahat kasi  fling lang o di naman kaya ay shota ko sa imahinasyon ko. Madalas libog lang bang nararamdaman ko kaya hindi talaga ako sigurado kung nagmahal na ba talaga ako minsan.

“Ha?! Ah, siguro.”naguguluhan kong sagot.

“Buti ka pa, hindi pa napoproseso ng utak mo ang pagmamahal. Puro ka kasi kalokohan eh. Masarap magmahal pero masakit din. Pero alam mo, pag nagmahal ka, kahit gaano kasakit kaya mong tiisin. Wala kang hindi kakayanin pag nagmamahal ka, lahat kaya mo ibigay. Kahit pa magmukha ka nang tanga.”sentimyento ni kuya Edrick.

“Ganun ba yun? Ganun mo ba kamahal si ate?” tanong ko.

“Oo, sobrang mahal ko ate mo. Hindi ko nga alam kung papaano ko sya kakalimutan eh. Nagmumukha na nga akong tanga kasi nagpupunta pa rin ako dito kahit na nakasalubong ko sila ng bago nyang boyfriend. Sakit Lance sobrang sakit nun.” Pumapatak na ang luha ni kuya.

Awang awa ako sa kanya. Para kasing nararamdaman ko kung gaano kasakit yung pinagdaraanan nya, base sa emosyong ipinapakita nya sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko pagagaanin ang loob nya. Ako man ay nalulungkot sa sinapit ng relasyon nila. Tinapik ko na lamang ang balikat nya para kahit papaano ay maramdaman nya na nakikiramay ako sa kalungkutan nya.

“Pasensya ka na ah. Kailangan ko lang talaga ng makakausap kaya ako pumunta dito eh. Akala ko nga maaabutan ko yung ate mo, pero mukhang gabing gabi nja talaga sya umuwi.” Sabi ni kuya.

“Oo nga kuya eh. Madalas na kasi sya mag-overtime eh. Tapos pag dating nya busog na sya kaya ako na lang mag-isa ang kumakain. Gusto mo kain na lang tayo ng sabay ngayon?” tanong ko sa kanya. Hindi naman sya tumanggi dahil alam naman nya na hindi ako sanay na walang kasabay kumain.

“Lance, may tanong ako. May girlfriend ka na ba?” bakit ba lahat sila ito ang itinatanong sa akin. Malaking issue ba ‘to?

“Huh? Wala pa kuya eh. Wala pang nagkakamali hahaha.” Sagot ko.

“Ah! Akala ko kasi lalake ang gusto mo eh.” Napamulagat ako sa sinabi nya. Halatang halata na baa ng kabadingan ko kaya nya nasabi yun? Brusko pa rin naman ako kumilos. Yun nga lang, hindi ko talaga maitago ang kalibugan ko lalo na sa mga lalake. “Alam mo, subukan mo magsyota para alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Para sa susunod na kausapin kita. May makukuha na akong payo galing sa ‘yo. Ang totoo nyan alam ko naman talaga ang sagot dito sa nararamdaman ko. Ang kaso lang mahirap kasi payuhan ang sarili eh.”

“Alam mo kuya, itigil na lang natin ang usapan natin tungkol dyan. Mas makakalimot ka pa pag kumain na lang tayo ng marami.” Sabi ko sa kanya.

“Hahahaha! Oo nga noh. Sige kumain na lang tayo ng maraming marami. Bibili pa tayo pag nabitin tayo sa kinakain natin.”  Pagbibiro nya. Sa wakas ay nakita ko rin syang tumawa. Gumaan din ang loob ko para sa kanya.

“Hahaha. Sabi mo yan ah. Malakas ako kumain bahala ka dyan.”

At nagpatuloy na nga lang kami sa pagkain. Bumili pa sya ng miryenda namin nung manood kami ng t.v. Hinihintay nya sana si ate pero hanggang sa makauwi sya ay hindi na talaga sila nagpang-abot. Nung umuwi kasi si ate halos maga-alas diyes na rin.

Nagpatuloy ang kabisihan nila kuya at ate sa pagtatrabaho. Nakakaramdam na nga ako ng kalungkutan kasi parang wala na silang panahon sa akin. Lalo na nung nagtanggalan kila kuya. Halos dumoble na ang araw ng pasok nila dahil kulang sa tao. Sila ate naman nagparenovate ng store nila kaya mas lalong dumalas ang overtime. Sa sofa na ako nakakatulog dahil sa paghihintay ko kay ate pag gabi. Minsan inaabot na sya ng alas onse o kya alas dose. Si kuya naman, tuwing makikita ko ay naghihilik sa sobrang puyat. Kaya napadalas ang pagtetext ko kay kuya Edrick para mayroon akong kasama dito sa bahay. May kakwentuhan man lang. Boring kasi manood ng tv pag mag-isa ka.

“Kuya? Punta ka na andito na ako.” Text ko kay kuya Edrick.

“Geh! OTW na!” reply nya.

Maya maya pa ay dumating na si kuya Edrick.

“Kumusta ang bunso ko? Wala ka na naming kasama? Haynaku! Tsk! Tsk! Kawawa naman tayong dalawa hahahahah!” bungad ni kuya Edrick sa akin.

“Oo nga eh.  Dami kasing trabaho sila ate at kuya ngayon eh.” Sabi ko sa kanya.

“Tara inuman tayo. Para naman may magawa tayo, puro cartoons kasi yang pinapanood mo eh.” Alok nya.

“Sige ba!” masaya ko namang sagot.

Lumabas sya ulit para bumili ng alak at pulutan. Ako naman ay naghanda ng juice. Sigurado ko kasing hard ang bibilhin nya dahil hindi ko pa sya nakitang uminom ng beer kahit kelan. Pagbalik nya ay dala nya na ang Empi lights at mga chichirya. Agad kaming nag-umpisa sa inuman para maaga kami matapos dahil may pasok pa kami kinabukasan.

Nanonood pa rin kami ng tv habang nag-iinuman. Wala naman kaming masyadong mapag-usapan dahil wala kaming maisip na topic. Tahimik lang kami at nag-uusap lang sa tuwing ipapaalala ang tagay.

“Panget ba ako?” nagulat ako sa tanong na ito ni kuya. Alam ko naman ang sagot sa tanong nya pero para instinc ko na, na tingnan ang mukha nya para makasiguro. Habang nakatingin ako sa mukha nya ay doon ko lang lalong napansin ang kagwapuhan ni kuya Edrick. Maputi, macho, gwapo ang mukha, malinis syang tingnan at ang pinakapaborito ko sa kanya ay ang labi nya na nakakademonyong halikan. “Hoy! Hindi ka na sumagot.” Gulat ni kuya sa akin.

“Ha? Gwapo ka kuya, gwapong gwapo. Bakit mo naman naitanong.” Balik tanong ko sa kanya.

“Wala lang, naiisip ko lang na panget ako kasi biglang nagsawa sa akin yung ate mo eh. Pero alam mo parang ok na ako ngayon. Mas ok na kesa nung una, hindi na ako masyadong nalulungkot.” May ngitng sabi nya.

Napangiti rin ako dahil kita ko naman na mas ok na nga sya. Pero parang ako naman ang hindi dahil parang nakakaramdam ako nbg kurot sa dibdib sa tuwing babanggitin nya si ate. Pero ayaw ko namang pansinin dahil ate ko naman yun at mahal na mahal ko yun.

Ganun pa rin ang nangyari, umuwi sya nang hindi pa rin sila nagpang-abot ni ate.

Habang tumatagal ay parang nasasanay na ako na nadito si kuya Edrick. Pag hindi sya pumupunta ay parang hindi ako mapakali. May mga pagkakataon pa ngang gusting gusto ko na sya itext pero hindi ko magawa dahil gusto kong sya ang maunang magtext sa akin. Pag nauuna kasi syang magtext, nakakaramdam ako ng tuwa dahil naiisip ko na hinahanap hanap nya rin ako. Parang pakiramdam ko nare-reciprocate yung feelings ko.

Bumalik na sa normal ang mga oras ni kuya’t ate. Kung dati ay parang nakakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko sila nakakasama. Ngayon ay parang nabaligtad naman. Parang mas gusto kong wala sila dito sa bahay, mas gusto ko nang kasama si kuya Edrick. Pero mukhang ganon talaga kung kelan gusto mo na ang isang bagay o pagkakataon ay bigla naman itong nawawala. Dumalang na ang pagpunta ni kuya Edrick dahil parang nakamove-on na sya kay ate. Nainis ako kasi parang iniwan nya na lang ako basta porke hindi nya na kailangan ng makakausap. Pero kahit naiinis ako ay hindi ko naman masabi sa kanya dahil baka kung ano ang isipin nya. Ayaw ko kasing sabihin yung feelings ko para sa kanya dahil baka mas lalo lang nya akong layuan.

Araw ng linggo. Katulad ng dati ay nandito lang kami lahat sa bahay. Pero ngayon parang ayaw ko lumabas ng kwarto. Gusto ko lang magmukmok dahil namimiss ko na talaga si kuya Edrick. Parang nalulungkot ako ng walang dahilan. May dahilan man ay wala naman akong mapagsabihan, kailangan kong kimkimin dahil hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Baka ang mangyari nyan, bigyan ko lang sila ng ebidensya na totoo ang iniisip nila tungkol sa akin na bakla nga ako. Hindi lang basta bakla, malibog na bakla. Haynaku! Nakakainis!

“Tart! Tanghali na ah. Gising na kakain na tayo!” tawag sa akin ni ate. Maya maya pa ay may kumakatok na sa pinto. Pero hindi ko pinagbubuksan at hindi rin ako sumasagot. Nangbigla na lang bumukas ang pinto at nakita ko si kuya na nakatingin sa akin.

“Tart? May problem aka ba?” malambing na tanong ng kuya ko. “kuya, nalulungkot ako.” Sa isip ko lang sinabi. Hindi ko mailabas dahil hindi ko kayang sabihin ng diretso sa kanya. Pero dahil sa kapatid ko sya ay parang nararamdaman nya na may pinagdadaanan ako kaya, lumapit sya sa akin at niyakap ako. Bigla akong napaluha, dahil gusting gusto ko na ilabas ang kinikimkim ko, pero hindi talaga pwede. Maya maya pa ay umakyat din si ate at nakita kami ni kuya na magkayakap. “Oh! Bakit? May nagyari ba sa ‘yo tart?” sabay sampa din ni ate sa kama ko at yumakap din sa akin. Ngayon lang nangyari sa amin ‘to. Madalas kaming magharutang magkakapatid, masaya at kitang kita mo na napalaki kami ng tama ng aming mga magulang dahil kahit walang gumagabay sa amin ay nagmamahalan kami. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiiyak ako sa kanila dahil sa labis na kalungkutan. Naisip ko na lang “buti nandito ang mga kapatid ko.” Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Eto na yata yung totoong love.
Pagkatapos nila ako icomfort ay bumaba na kami at nagsikain. Napangiti rin nila ako agad ng walang kahirap-hirap.

Kinagabihan. Maaga natulog si ate. Si kuya naman ay naiwan sa baba para manood. At ako naman ay maaga ring humiga sa kama. Nagbabantay ng cellphone ko baka sa sakaling maalala ni kuya Edrick na magtext. Wala pa rin. Hays sabagay bunsong kapatid lang rin naman ang tingin sa akin nun. Kaya siguro dapat ko nang kalimutan. “Hindi ayoko! Ayoko syang kalimutan!” sabi ko sa isip ko.

“Nasaan ka andito ako sa baba!” text ni kuya Edrick sa cellphone ko. Para akong uminom ng isang case na cobra dahil sa biglaang pasok ng matinding energy sa katawan ko. Sobrang tamlay ko kanina tapos ngayon ay parang gusto ko tumambling bigla. Napatakbo ako agad sa pinto, pero bigla akong huminto at inayos ang aking sarili. Mahirap na, baka isipin nya sobrang excited ako. Pagbaba ko ay nakita ko sya, pero nagulat ako nang makita kong magkatabi sila ni ate. May dala dala syang bulak-lak para kay ate. Kita ko naman na parang natutuwa si ate kaya napangiti na rin ako. Mukhang nanliligaw na ulit si kuya Edrick kay ate, dahil hindi naman tumagal yung isa nyang boyfriend sa kanya. Natakot siguro.
Habang nag-uusap silang dalawa ay nandoon lang kami ni kuya JP sa isang tabi at nanonood ng tv. Panay ang tingin sa akin ni kuya pero hindi ko sya pinapansin. Medyo nagiging masama na rin kasi ang pakiramdam ko dahil sa masakit na nangyayari ngayon sa paligid ko. Hindi man lang ako kinumusta ni kuya Edrick. Puro si ate lang talaga ang pinagtuunan nya ng pansin. Siguro bumabawi kasi dati sya ang nawalan ng panahon kay ate eh. Kaya kailangan nyang paghirapan ang pakikipagbalikan kay ate.
Matapos ang ligawan ay tsaka lang ako kinausap ni kuya Edrick. Kinumusta nya lang ako sandal at nginitian ko lang sya. Hindi naman gaanong nagtagal ang pag-uusap naming dahil lumalalim na rin ang gabi at kailangan nya nang umuwi. Hindi pa rin nawala ang lungkot ko. Dahil sa nakikita ko sa kanilang dalawa ay malaki ang posibilidad na magkabalikan sila.

Umakyat na ulit ako sa kwarto. At habang naglalakad ako ay tiningnan ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni kuya Edrick para burahin. Pagkabura ko ng number nya ay parang nakahinga ako ng maluwag. At least kahit papaano may nagawa akong hakbang para makalimot sa kalokohan ko. Humiga na ulit ako ng kama at pumikit.

Malalim na ang gabi at hindi pa rin ako makatulog. Naririnig ko pa rin ang mahinang volume ng tv sa ibaba kaya malamang ay nanonood pa rin si kuya. Makalipas ang may ilang minuto ay nawala na ang sound ng tv at narinig ko ang yabag ng mga paa ni kuya sa hagdan. Pumasok na si kuya at agad na napabaling sa akin ng tingin. Ngumiti sya at sabay tumabi sa akin sa kama. Umupo sya sa tabi ko hinaplos ang buhok ko.

“Mukhang matindi ang pinagdadaanan ng bunso ko ah. May nanakit ba sa puso ng baby ko?” malambing na tanong ni kuya. Hinatak nya ako pabangon para yakapin. Napakahigpit ng yakap na iyon. Parang balot na balot ako at kumportableng kumportable sa pakiramdam ko. Napahinga ako ng malalim at sabay tulo ng luha ko. Isinandal ko ang mukha ko sa balikat ni kuya. At doon ay mahina akong humikbi sa kanya. “Ayos lang yan, andito naman si kuya eh. Mas gwapo naman si kuya doon diba. At tsaka si kuya walang ibang mahal kundi si tart lang.” paglalambing sa akin ni kuya. Gumaan ang loob ko sa mga sinabing iyon ni kuya. Sabi ko na lang sa sarili ko na “oo nga, mas gwapo si kuya JP sa ‘yo. Tsaka ako lang mahal nito.” Hanggang sa nakatulog na lang ako.

Lumipas ang mga araw at nasabi kong “ok lang naman pala eh, hindi naman pala gaanong kahirap eh. Heto ako nakamove-on naman ako kaagad ah.” Dahil unti unting nawala sa isip ko si kuya Edrick. Ok na ako agad, at kung may nararamdaman man ako sa kanya ngayon. Yun ay walang iba kundi libog. Tsk! Nakakalibog naman kasi talaga, saying hindi ko man lang sya natikman. Hmp! Bahala sya, ok naman na ako eh. Mas artistahin naman si kuya JP kesa sa kanya eh. Si kuya Edrick kasi mukhang gwapong macho dancer kaya nakakalibog. Parang si Jay Manalo nung bata bata pa sya.

Isang umaga.

“Tart! Tart! Gising na may pasalubong ako sa ‘yo.” Si kuya habang niyuyug-yog ako.

“Hmm! Ano ba yan?” pupungas pungas kong tanong. Nang Makita ko yung pasalubong nya eh, “putek!” nano technology na mp4. Mahilig kasi ako sa maliliit na bagay katulad nito. Hindi naman ito gaanong kamahalan. Matagal ko na ‘tong gusto bilhin kaso hindi ako makaipon-ipon dahil nga medyo may kalakasan akong gumastos. Napamulagat talaga ako kaagad at napayakap kay kuya. “Salamat kuya.” Sabi ko.

“Syempre basta ikaw, malakas ka sakin eh. Basta wag ka na malulungkot ulit ah.” Lambing ni kuya.

“Kuya, nalulungkot pa ako eh. Bilhan mo ako ng IPhone. Yung cellphone ko kasi pwede na pantukod sa bintana eh.” Pangu-uto ko sa kanya.

“Ay grabe! Yung Cellphone ko nga limang taon na sakin. Eh yang cellphone mo last year lang natin binili yan diba? Wala ka man lang kahit konting awa kay kuya. Hmp! Pero sige pag-iipunan ko, ang mahal nun eh.” Sabi ni kuya. Sabay yakap ko ulit sa kanya. Hahaha wala talagang hirap utuin si kuya.

---
Naging madalas na ang pagdalaw ni kuya Edrick sa bahay para ligawan si ate. Pero hindi katulad ng dati na nag-iinaso pa ako eh, ngayon hindi ko na sya masyadong nabibigyang pansin.
Minsan walang pasok si kuya JP, ganun din dapat si ate pero pinatawag sya ng office nya dahil may emergency daw. Maagang pumunta sa bahay si kuya Edrick dahil akala nya nga ay walang pasok si ate. Nanonood kami ng tv ni kuya JP, syempre anime ano pa nga ba.

“Tao po!” sigaw ni kuya Edrick.

“Nakuha na yung kaning baboy kanina!” biro ko sa kanya sabay pinagbuksan ko sya ng pinto. Napangiti ako dahil gwapong gwapo sya sa suot nya. Para syang ibuburol. Pero angcute-cute nya kasi kahit anong suotin nya eh. At dahil na rin sa paglala ng kalandian ko kaya nahuhumaling na naman ako sa mukha nya. Akala ko kasi noon nakalimutan ko na sya pero ngayon parang bumabalik dahil nakikipag-ngitian na naman ako sa kanya.

“Si ate mo?” pinilit ko pa rin ngumiti kahit na parang kinurot na naman ako sa dibdib ko.

“Wala pa sya eh. Pero sabi nya sandal lang sya.” Sagot ko.

“Ah! Patuloy na ako ah. Hintayin ko na lang sya. Kwentuhan muna tayo, namimiss na rin kita eh.” Ngumiti pa rin ako ng normal. Pero deep inside kumalembang ang itlog ko sa kilig.
Pumasok na sya sa loob. Umupo at kinumusta rin si kuya JP. Nginitian lang sya nito at umupo na rin ako sa pagitan nilang dalawa.

Naging masaya naman ang kwentuhan namin ni kuya Edrick. Ikinwento nya sa akin yung mga bago nyang karanasan sa pagtatrabaho nya bilang pulis. Sobrang naaaliw ako sa mga kwento nya kaya halos hindi ko na rin napansin na kasama nga pala namin si kuya JP. Tapos maya maya ay dumating na si ate.

“Oh! Edrick.” Sabi ni ate.

“Andyan ka na pala!” sabi ni kuya Edrick.

“Tart pakihanda naman ‘to please!” At inabot nya sa akin ang binili nyang miryenda para sa amin. Agad silang nagkwentuhan ni ate. Pumunta na ako ng kusina at ininit ko sa microwave ang siopao na binili ni ate, kanina nya pa yata binili kaya malamig na. Habang nag-aantay ako ay nakatunganga lang ako sa microwave. Nang biglang may tumapik sa balikat ko. Si kuya JP.

“Malungkot ka na naman. Ngiti na dyan, wag mo na isipin yun. Ang isipin mo napapasaya ni kuya Edrick si ate.” Sabi ni kuya.

“hindi naman ako malungkot ah.”

“Hindi malungkot eh nakabusangot ka na naman dyan.” Sabi nya na may ngiti.

“Hindi ah.” Sabay pinilit kong ngumiti.

“Wag mo na nga ako lokohin. Kung meron mang higit na nakakakilala sa ‘yo tart ako na yun. Bata pa tayo ako na ang tagabantay mo eh. Kaya alam ko kung kelan ka malungkot.” Sabi ni kuya.

“Ok lang naman ako kuya. Tanggap ko naman na hindi nya ako magugustuhan. Wala naman nang kaso yun sakin.” Sabi ko.

“Kita mo na, edi nahuli rin kita. Pero tart tandaan mo ah, wag ka malulungkot sa mga lalake. Yung mga katulad mo kasi madali lang masaktan. Kaya sa susunod na mainlove ka ulit at sinaktan ka na naman. Isipin mo na walang ibang mahal ang artistahin mong kuya kundi si tart lang.” sabay yakap ni kuya sa likod ko. Muli ay gumaan na naman ang loob ko. Buti na lang talaga at nandito si kuya to the rescue.
---
Tuluyan ko na ngang kinalimutan si kuya Edrick, dahil nagkabalikan na sila ni ate. At mukhang nararamdaman ko na ang plano nilang magpakasal. Si kuya JP naman ay medyo napadalas ang hindi pag-uwi ng bahay. Nag-aalala nga ako sa kanya eh, baka mamaya kung saan saan na sya pumupunta. Lagi ko naman syang itinetext pero ang lagi nya lang sagot ay ok lang sya. Isa pa, miss na miss ko na sya.

Isang gabi umuwi si kuya JP ng lasing na lasing. Dirediretso lang sya sa kwarto nun. Wala naman si ate, dahil kung nandyan si ate ay siguradong sermon ang aabutin nya. Pinuntahan ko sya sa taas para kumustahin.

“Kuya? Anong nangyari sa ‘yo bakit ka naglasing ng husto?”

“Tart! Hehehe, pasensya na ah, lasing si kuya. Birthday kasi nung katrabaho ko eh, ayaw nila akong tantanan kaya heto. Bangag na bangab ako.” Sagot nya.

“Sandali lang kuya ah, kuha lang ako ng towel para mapunasan kita.” Pagkasabi ko nun ay bigla nya akong hinawakan sa kamay. “Tart, dito ka lang, wag mo iwan si kuya. Natatakot ako eh.” Sabi nya.

“Huh? Bakit ka natatakot?” hinatak nya ako pahiga sa kama sabay niyakap nya ako ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kakaiba sa yakap na yun ni kuya. Mas lalo pa itong humigpit nung sinubukan kong makawala. Maya maya pa ay natigilan ako nang biglang lumapat ang labi nya sa labi ko. Hinalikan nya ako ng mariin. Alam kong hindi tama iyon kaya naman nagpumiglas ako ng husto, hanggang sa makawala ako.

“KUYa! Ano bang nangyayari sa ‘yo? Magkapatid tayo. Bakit mo ako hinalikan ng ganun?” medyo malakas kong tanong sa kanya.

Hindi sya sumagot at bigla na lamang syang bumangon. At parang gulong gulo sya sa mga pinaggagagawa nya. Lumabas sya ng pinto at sinundan ko naman sya. Dumiretso sya sa CR. Natatakot ako kay kuya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Buti na lamang at dumating si kuya Edrick. Sinabi ko sa kanya lahat maliban sa paghalik sa akin ni kuya. Nang lumabas si kuya sa cr ay nakaboxer na lang ito. Pasuray suray itong naglalakad, pero bigla na lamang itong napahinto nang Makita si kuya Edrick.  

Bigla na lamang nya itong sinugod at inundayan ng suntok. Nabigla naman si kuya Edrick at nabuwal ito ng tamaan ng kamao ni kuya JP.

“Kuya, tama na yan, wala namang ginagawang masama sa ‘yo si kuya Edrick eh.”pag-awat ko.

“Anong wala? Meron, marame!” sigaw ni kuya.

“JP, ano ba tumigil ka na, hindi kita papatulan. Kapatid na rin kita.” Sabi ni kuya Edrick. At bigla nya itong niyakap ng mahigpit para hindi makawala. Pinagtulungan namin syang maibalik sa taas para makapagpahinga sya. Pero patuloy ang pagpupumiglas nya at muntikan pa kaming mahulog na tatlo sa hagdan.

“GAGO KA EDRICK, GAGO KA!” sigaw nya kay kuya Edrick. Kitang kita ko na kay kuya Edrick ang lubusang pagtitimpi kay kuya JP. Sa tingin ko ay gusto nya na itong sapakin ng isa, para mawalan na ng malay eh. Inilapag na sya ni kuya Edrick sa kama, magaslaw pa rin ito.

“Sige kuya, baba ka na, ako na po ang bahala dito.” Ako na lang ang pumigil kay kuya para makababa na si kuya Edrick dahil alam kong gigil na gigil na ito. Pero nung nasa pinto na si kuya ay biglang tumayo si kuya JP at hinabol si kuya Edrick para suntukin ito ulit. Pero mabilis akong kumilos para harangan si kuya JP at para hindi na sila magpang-abot pa ni kuya Edrick. “Sige kuya, ako na lang ang suntukin mo! Laseng ka? Kaya gusto mo manapak? Yan ang trip mo? Sige ako ang pagtripan mo, hindi yung ibang tao!” May galit ko nang pagkakasabi kay kuya. Napatitig sya sa mga mata ko na para bang kinaaawaan nya ako. Bigla naman itong napahinto at kumalma.

“Sorry! Sorry! Tart, sorry! Di ko sinasadya.” Bumalik ito sa kama at umupo. Humawak ito sa mukha nya at bigla na lamang itong napahagul-gol. Lumingon ako kay kuya Edrick at sumenyas ako na ok na. Pwede na syang bumaba.

Iniwan na kami ni kuya Edrick at bumaba na nga ito. Sinabihan ko nga ito na umuwi na muna at bumalik na lang pag-nandito na si ate eh. Pero maghihintay na lang daw sya sa baba dahil nag-aalala daw sya sa akin. Hindi ko na binigyan ng kahit anong malisya yung sinabi nya dahil alam ko naman kung bakit sya nag-aalala. Dahil kapatid ako ng pinakamamahal nyang babae. Isa pa mas nag-aalala ako kay kuya JP ngayon. Iniisip ko kung ano bang nangyayari sa kanya. Sana mali ang iniisip ko ngayon, dahil pag nagkataon, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Hindi ko kilala ang sarili ko pagdating sa ganitong bagay. Dahil sa kaso ko ay may posibilidad na mahulog rin ako sa kanya, dahil matagal ko na nga rin syang crush. Pero hindi ito pwede, iniisip ko pa lang parang nandidiri na ako sa kalalabasan namin, ayaw kong mangyari sa amin iyon. “Wag naman sana!” sabi ko sa sarili ko.
---
Matapos ang nangyaring iyon sa amin ay nagbalik na si kuya sa normal. Umuuwi na sya ng bahay at mukhang umiiwas na rin sya sa inuman. Mas madalas nya nang dalhin si ate Regine dito ngayon. Pero may ilang pagbabago nga lang. Parang lumalayo na sya sa akin. Pag natutulog sya ay sa sofa na sa ibaba sya humihiga. Sa tuwing magkakasalubong naman kami sa kusina o sa sala ay ni hindi man lang nya ako magawang tingnan. Laging nakabaling yung paningin nya sa lugar kung saan wala ako. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. Ayaw ko ng ganito, bakit ba? Ano bang nangyayari?

Umaga noon at kaaalis lang ni ate papunta sa kanyang trabaho. Nakita ko si kuya sa sofa. Kailangan ko na syang kausapin, dahil kung may sama sya ng loob sa akin ay hindi ko na hahayaan pang lumala iyon. Pinilit ko syang gisingin kahit na alam kong puyat sya. Niyug-yog ko sya ng niyug-yog para magising sya agad.

“ANO BA!” badtrip na sigaw ni kuya. “Alam mo namang puyat ako diba? Ano bang kailangan mo? Pera? Andon kumuha ka dun sa wallet ko. Alam mong nahihirapan ako matulog eh, nang-iistorbo ka pa dyan.” Bumalik sya sa pagpikit at tumalikod sa akin. “Yung IPhone mo next week ko pa makukuha kaya maghintay ka na lang.” pahabol pa ni kuya.

“Ayaw ko na ng IPhone kuya. Gusto ko ikaw! Nalulungkot na ako eh. Bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ko sa kanya.

“Tart, pwede ba sa ibang araw na tayo mag-usap? Puyat talaga ako eh, hindi mo ba nakikita? Pagod na pagod na ako!”

Nang sabihin nya iyon ay hindi ko na sya pinilit pa. At bumalik ako sa itaas para maghanda na sa pagpasok ko sa school.
---
Ilang beses kong sinubukang kausapin si kuya pero palaging pagod, puyat at kung ano ano pang dahilan ang sinasabi nya sa akin. Parang nawawalan na rin ako ng gana. Nalulungkot na talaga ako.

Tatlong araw hindi umuwi si kuya. Nagaalala man ako ay hindi ko na sya sinubukan pang itext. Baka na kila ate Regine lang sya, dahil doon naman sya natutulog sa tuwing hindi sya umuuwi ng bahay. Kung hindi naman ay kila kuya Conrad na bestfriend nya.

Napalingon ako sa kama ni kuya iniimagine ko na nandyan lang sya at natutulog habang nakanganga. May napansin akong notebook na nakaipit sa unan nya. Hindi ko naman kasi talaga ginagalaw ang kama nya, nililigpit ko lang yun pag trip ko. Pinuntahan ko yung kama nya at kinuha ko yung notebook. Nang buklatin ko ito ay wala namang nakasulat na mahalaga. Drawing drawing lang parang katulad ng sa akin na pinagtitripan ko pag wala akong magawa. Pero may isang page na nakakuha ng pansin ko.

“-PARA SA ‘YO ‘TO-
Ikaw na may magandang ngiti, Na nakakapanghina,
Ikaw na may malokong tawa, Na di ‘ko maialis sa isip.
Palagi kitang gusto makasama, Para maya’t maya ako masaya,
Ikaw na istorbo sa paghimbing ko, Kaya napupuyat ako lalo.
Nakakainis ka na, Please! wag ka na tumawa,
Nahuhulog na ‘ko sa ‘yo, Nakakatakot! Baka ‘di mo ‘ko masalo.
Dito sa mundo ko, Ikaw lang ang mahalaga,
Pati sa panaginip ko, Ikaw lang ang bida.
Sana hindi na lang ikaw! Marami namang iba,
Napakamalas ko, Sa ‘yo ko naramdaman ‘to.
Ayaw na kitang makita, Ayoko na isipin ka,
Ikaw ang pinangarap ko, Kaya napakagago ko!
‘twing matutulog ako, Ikaw ang pumaparoo’t parito.
Di ‘ko mapigil ang luha ko, Dahil alam kong mali ‘to.
Ikaw na kayang pigain ang loob ko, Ikaw na inaasam ko,
Ikaw na ginawang parusa, Sa lahat ng ginawa kong masama.
Hindi ko na alam kung paano pipigilin ‘to. Nahuhumaling na ako sa ‘yo.
Anong gagawin ko sa isip ko, Na pag-aari mo.
Sasabog na ang ulo ko, Nang dahil sa ‘yo,
Ikaw na pinakamasarap na sakit na naranasan ko.
Nawawala na ako sa sarili ko, Pakiusap tulungan mo ako,
Na makawala sa makulit na anino mo,
Na laging nakasunod kahit sa madilim na nilalakaran ko.
Buti pa ikaw, sobrang laya, Kaya mo akong saktan pag gusto mo,
Buti pa ikaw laging masaya, Papaano naman ako?
Ano bang ituturo ko sa puso ko?
Na walang ibang alam kundi mahalin ka.
Wala na akong pakialam sa sasabihin ng kahit sino!
Basta mahal kita!
Ikaw na buhay at kamatayan ko.” …

Natulala lang ako, nakaramdam ako ng lungkot nung mabasa ko yung sulat. Parang ansakit. “Baka naman hindi kay kuya ‘to? Baka may nagsulat lang na iba.” Sabi ko sa isip ko. Imposible naman kasi na magsusulat ng ganitong klase si kuya. Wala naman akong maisip na tao para makapanakit sa kanya ng ganito. Una, inlove na inlove sya kay ate Regine, pangalawa, kahit sinong gusto nya makukuha nya dahil gwapo sya at napakabait pa. Kaya imposible talaga. Pwera na lang kung may asawa o may mahal ng iba yung babae.
---
Nakakainis na talaga! Miss na miss ko na si kuya. Sa mga nakalipas na linggo kasi dalawa o tatlong beses lang sya umuwi. Sana bumalik kami sa dati. Nakakapraning naman kasi eh. Wala akong maisip na dahilan kung bakit sya nagkakaganun.

Lunes ng umaga, hindi ako makapasok dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Isa pa inaatake rin talaga ako ng katamaran. Pinilit kong bumangon para maabutan ko si ate dahil magpapaalam akong hindi ako papasok. Pumayag naman sya kasi nga magaling akong umarte. Nakita ko si kuya JP na nandoon na naman sa sofa. Katulad ng palagi kong nakikita eh muka na naman syang puyat na puyat. Malamang eh panggabi nga ang trabaho nya diba. May mga pagkakataong nakakasanayan ko na, na hindi kami nagpapansinan. Katulad nung isang buwan. Kinausap nya lang ako tapos ibinigay yung IPhone na hinihiling ko sa kanya. Para syang ginie na bumabalik na lang sa lampara pag naibigay na yung kahilingan ko. Kasi pagkatapos kong matanggap yung cellphone eh hindi na naman sya namamansin.

Kinagabiohan nun, napansin kong nage-empake si kuya ng mga damit nya. “kuya? Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Ah! Basta wag mo na lang ako pansinin.”walang bahala nyang sagot. Ni hindi nya man lang ako tiningnan nun. Pinabayaan ko na lang sya dahil sa itsura nya parang wala naman syang balak sumagot ng matino. Pero parang maiiyak ako.

Dumating si ate at isinumbong ko si kuya. Sinabi kong nage-empake sya ng damit. Nang tanungin naman sya ni ate ay nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib sa isinagot nya.

“Magboboard muna ako ‘te. Ipapadala ko na lang yung pambayad ng kuryente pati yung allowance ni tart. Ayoko muna rito, gusto ko muna mapag-isa. Babalik na lang ako pag ok na ako.”

“May problema ba JP? Sabihin mo kay ate, baka naman makatulong ako.” Pag-aalala ni ate.

“Basta ate, walang kahit sino ang makakatulong sa akin sa problema ko. Walang makakaintindi. Kaya please! Hayaan mo muna akong mapag-isa.” Sagot nya.

“Ano bang problema mo? Kahit ano pa yan, maiintindihan ka namin mga kapatid mo kami JP. Tayo tayo na lang ang magtutulungan. Hindi kita hahayaang mag-isa dyan sa problema mo.”

“WALA NGA SINABI!” pagsigaw ni kuya JP. Nagulat kaming pareho ni ate, dahil alam ko kung gaano katas ang respeto nito kay ate kaya nakakagulat talaga.

“JP! NAWAWALAN KA NA NG GALANG SAKIN AH. ATE MO AKO.” Galit na rin si ate. Ako naman ay hindi makasali sa usapan at naiiyak na lang sa inaasal nila.

“Sorry ate. Hindi ko sinasadya. Please pabayaan nyo muna ako. Hindi naman kasi biro ‘tong pinagdadaanan ko eh. Hindi ko rin pwede sabihin kahit kanino. Please wag na kayo magtanong.” Sabi ni kuya JP at maya maya pa ay bigla na lamang syang napaupo at umiyak. Nilapitan namin sya ni ate at niyakap. Habang nakayakap kami sa kanya ay naramdaman ko ang marahan nyang paghawak sa kamay ko. Humawak na rin ako sa kamay nya at bigla nya itong piniga.

“Tart! Wag kang pasaway kay ate ah. Babalik rin ako pag naiayos ko na ‘tong problema ko. Wag mo pabayaan si ate. At palagi kayong mag-iingat. Mahal na mahal ko kayo.” Habang patuloy pa rin sya sa paghikbi.

Pagkatapos nun ay bumaba na kami. Tuloy na nga ang pag-alis ni kuya. Inihatid namin sya ni ate sa pinto. At nang palabas na sya ng gate ay bigla nya akong tinawag at agad naman akong lumapit sa kanya. Hinawakan nya ang mukha ko.

“Tart, magpakabait ka ha. Pangako babalik ako. May kailangan lang ayusin si kuya sa sarili nya ah. Pagbalik ko’t maayos na ang lahat sa akin. Kahit anong gusto mo bibilhin ko. Basta wag ka lang malulungkot ah. Si ate protektahan mo, sya lang ang nagiisang babae sa atin.” Sabi nya habang nakangiti.

“Opo kuya, wag ka lang masyado matagal ah. Miss na miss na kasi kita eh.”mangiyak ngaiyak kong sagot. Pagkatapos ay sumakay na sya ng tricycle papuntang sakayan ng jeep.
---
Matinding kalungkutan ang pinagdaanan ko nung umalis si kuya JP. Palagi ko syang itinetext pero hindi naman sya nagrereply. Buti pa si ate palaging may balita kay kuya. Kaya nakikibalita na lang ako sa kanya. Ilang buwan din ‘yon kaya talagang miss na miss ko na sya. Ni hindi man lang kasi sya dumadalaw dito. Sabi ni ate nagpupunta daw si kuya doon sa store nila. Dun na lang inaabot ni kuya ang perang pambayad sa kuryente pati na rin ang allowance ko. Minsan nga gusto ko tanungin kay ate kung saan nakatira si kuya para ako na lang ang dadalaw sa kanya, pero hindi rin daw nababanggit ni kuya sa kanya ang address nya.

Pagkauwi ko ng bahay galing school ay nakita ko si kuya Edrick. Masaya itong lumapit sa akin at may ipinapakiusap.

“Lance, pwede mo ba akong tulungan? Gusto ko kasi isurprise si ate mo eh. Gawin natin sa bahay nyo yung sorpresa. Please!” pakiusap sa akin ni ate. Umoo na lang ako at hindi na nagtanong pa. Kahit na parang nako-curious ako kung ano ang meron at kailangan ng surprise ng bruha kong ate. Eh hindi nya naman birthday. Oo, bruha! Kahit kasi nawala na si kuya Edrick sa isip ko eh. Parang nakakaramdam pa rin ako ng konting kirot sa loob ko. At dahil mahal ko ang ate ko, ay kailangan kong tiisin na lang ‘to. As if may choice pa ako.

Sabay kaming umuwi ni kuya Edrick. Pumasok sya sa bahay at nagpahinga lang ng konte. Tapos nagpaalam na may kukunin lang sa bahay nila. Nang makabalik sya ay dala na nya yung sasakyan nya. Pagbaba nya naman ay tinawag nya ako para magpatulong sa pagbubuhat ng mga anik anik na gagamitin sa surprise nya kay ate.

Habang nag-aayos kami ng dekorasyon sa bahay ay may hindi inaasahang bisita ang dumating. Si kuya JP, kasama nya si ate Regine. Napatulala ako sandali at nang matauhan ako ay bigala na lamang akong napatakbo sa kanila. Sobra sobrang saya ang naramdaman ko nung makita ko si kuya JP. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong napayakap kay kuya. Mahigpit, gusto kong maramdaman nya kung gaano ako nangungulila sa kanya. Habang nakayakap ako kay kuya ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

“Kuya! Miss na miss kita. Bakit hindi mo ako tinetext?”para akong batang umiyak sa kanya habang nagtatampo.

“Ahy! Nakakatouch naman, ang bunso namin. Miss na miss na talaga si kuya.” Sabi ni ate Regine. Hindi ko alam kung plano nya bang magjoke. Kung yun nga ang plano nya, promise sa pagkakasabi nya waley na waley talaga. Pero sa totoo lang natutuwa rin akong makita sya. Dahil matagal na nga rin syang hindi naparito.

Halos hindi na ako makahinga dahil humigpit din ang pagyakap ni kuya. Pero ok lang dahil talaga namang napakasaya kong makita sya.

“Akala mo kay ate mo lang ako may surprise ah. Syempre sa ‘yo rin. Tinawagan ko si kuya JP mo at pinilit ko talaga syang pumunta dito. Lagi mo kasing hinahanap samin ni ate mo eh. Ayan na! Ayos lang na magyakapan kayo buong maghapon at magdamag pero sana tulungan nyo muna ako dito. Maga-alas singko na oh, baka parating na si ate mo hindi pa tayo tapos dito.” Sabi ni kuya Edrick.

Tinulungan na nga namin si kuya Edrick sa pag-aayos ng mga dekorasyon. Masaya kaming nagkukwentuhan nila ate Regine. Habang patuloy ang paggawa namin. Si kuya JP hindi pa rin sya nagsasalita, pero panay ang sulyap nya sa akin at sabay bibigyan nya ako ng pamatay nyang ngiti. Para akong kinikilig na ewan.

Halos ala-sais na nung matapos kaming mag-ayos. Binigyan kami ni kuya Edrick ng mga maliliit na cards. At isa isa raw naming ibigay iyon kay ate. Mukhang nagets ko na kung ano ang mangyayari kaya parang nalungkot ako ng konte. “Si kuya walang ibang mahal kundi si tart lang.”pumasok sa isip ko ang mga sinabing iyon ni kuya JP sa akin nung mga panahong nag-iinaso pa ako. Kaya nawala bigla ang lungkot ko. Mukhang kasalan na nga ito.

Naiinip na salang maghintay kay ate. Pero ako hindi kasi katabi ko ngayon si kuya, habang nakatago kami sa kusina para isurprise si ate. Nakayakap si kuya sa likuran ko at nakapatong ang baba nya sa balikat ko. Si ate Regine naman ay todo bantay sa pintuan. At si kuya Edrick parang hindi mapakali at mukhang hindi nya pa kabisado ang mga sasabihin nya.

“Andyan na sya!”senyas sa amin ni ate Regine. Naexcite kami lahat. Si kuya Edrick naman ay parang hindi na malaman kung saan pupunta. Malamang kinakabahan sya.

Pumasok na nga si ate at in-on na ni ate Regine yung music “God must have spent a little more time on you – Nsync” ang kanta. Nang makapasok na si ate ay hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya. Nakatayo lang sya sa may pinto at isa-isa na naming ibinigay ang card na hawak namin. Unti unti nang pumatak ang luha nya. Ako man ay parang naiiyak na rin, dahil kung ano man ang magiging sagot nya rito ay tiyak na may pagbabagong magaganap sa mga buhay namin. Hindi lang basta pagbabago, malaking pagbabago.

“Babe, mula noon hanggang ngayon maganda ka pa rin sa paningin ko. Simula nung makilala kita, sigurado na ako na ikaw na nga. Ikaw na ang gusto ko makasama. Ipinangako ko noon sa sarili ko na gagawin ko lahat para matupad ang pangarap ko. Ang maging asawa kita. Hindi ako nagbabago. Mahal na mahal kita, kahit konti hindi nabawasan ang pagtingin ko sa ‘yo. Habang panahon akong magpapasalamat sa mga magulang mo dahil isinilang nila sa mundong ito ang babaeng inilaan para sa akin. Alam ng Diyos kung ano ang nararamdaman ko para sa ‘yo. At paulit-ulit kong ipinapanalangin sa Kanya na ibigay sa akin ang pinakamagandang nilalang na nilikha nya sa mundong ito. Ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buhay ko. Maria Isabella Andrada Ilustre (sabay luhod at bukas ng isang maliit na kahon) will you marry me?”

Punong puno na ang mukha ni ate ng luha. Si kuya Edrick naman ay matiyagang naghihintay ng sagot. Ako, panay na rin ang pahid ko ng luha ko dahil ayaw talaga tumigil. Lalo na nung sinabi ni ate na “yes!”. Doon na naghalo-halo ang nararamdaman ko. Saya, lungkot, konting pagkainis pero mas nangingibabaw ang tuwa. Dahil saw akas ay natupad na rin ang matagal na nilang pinapangarap. Hindi pa man nangyayari ay iniisip ko na kung ilan ang magiging anak nila. Anong buhay kaya ang haharapin nila pag mag-asawa na sila. Totoo masaya ako, dahil alam kong masaya ang ate ko.

Hindi ko namalayan na nagpalakpakan pala si kuya JP at ate Regine, nang mapansin ko iyon ay nakipalak-pak na rin ako. Sa wakas nagbunga din ng maganda ang pinaghirapan namin kanina. Napakasaya!

Hindi natapos lahat dun. Nagkainan kami at naginuman. Kwinentuhan namin si ate kung papaano kami naghirap ikabit lahat ng dekorasyon na iyon. At sabi ko “Dahil sa ‘yo ginamit yan, pwes ikaw ang maglinis nyan”. Sabay tawanan kaming lahat. Maraming kwento at mahaba ang naging inuman namin. Hanggang sa lumalim na ang gabi at kailangan nang umuwi nila kuya.

“Kuya! Dito ka na lang matulog, kahit ngayung gabi lang please. Miss na talaga kita eh. Promise hindi kita kukulitin. Hindi kita kakausapin basta dito ka lang matulog ok na ‘ko.”pakiusap ko kay kuya JP.

“Sige na hon pagbigyan mo na si Lance, mukhang naghahanap na talaga ng kuya oh.” Pagsang-ayon ni ate Regine. “Oo nga naman. Kahit ngayon lang.” nagkasabay pa sila ate Belle at kuya Edrick sa follow up.

“Sige na nga, basta wag kang makulit ah. Sabagay miss na miss ko na rin ‘tong bunso ko eh.”sabay gulo nya sa buhok ko. “Ihahatid ko lang sa sakayan si ate Regine mo tapos babalik ako.”

Inihatid na ni kuya si ate Regine. Sumabay na rin sa kanila si kuya Edrick para umwi na rin. Si ate naman ay hindi maalis sa mukha ang ngiti. Hinarot ko si ate habang naghihintay kami sa pagbalik ni kuya JP.

“Oy! Ikakasal na ang mangkukulam. Hahaha!” sabay sundot ko sa tagiliran nya.

“Ah mangkukulam pala ah. Eh kung bawasan ko kaya yang allowance mo.”panakot ni ate.

“Ay! Yung angel pala ikakasal na. Ayyyiie!”

Tawanan lang kami ni ate at bigla ko na lang sya tinanong ng isang seryosong tanong.

“Ate bakit mo nga pala ibrineak si kuya Edrick noon?”

“Ah! Eh, kasi dumadating din kasi sa tao yung pakiramdam na nagsasawa ka. Akala ko hindi ko na sya mahal noon, pero mali ako eh. Namimiss ko pa rin pala sya. Siguro nagsawa lang ako sa mukha nya. Hahaha! Kaya ikaw wag kang basta basta nagdedesisyon. Pag-isipan mo muna ng mabuti dahil baka pagsisihan mo. Minsan kasi mali ang nagdedesisyon ka base sa emosyon mo. Kaya maraming nagkakamali dahil dyan. Swerte ko lang dahil hindi ako binitiwan ni kuya Edrick mo. Dahil kung nagkataon, pagsisisihan ko iyon habang buhay. Naiintindihan mo ba ako?”
 
Tumango lang ako kay ate. At muli ko syang hinarot. May bago akong natutunan sa kanya. Palagi kasi akong nagdedesisyon base sa nararamdaman ko. Mali pala ‘yon kaya dapat ko nang baguhin para makaiwas sa mga pagkakamali.

Dumating na si kuya JP. Medyo hindi na tuwid ang lakad, malamang nalasing na sa ininom namin. Mahina kasi talaga sya uminom eh, goodboy kasi palagi. Hindi katulad ko na may pagkapasaway. Isinara na nya ang pinto at umupo sa gitna namin ni ate.

“Aba! Ang ate ko ikakasal na ah. Hays! Sana nakikita tayo nila mama at papa. Para makita nila kung ano ang kinahinatnan ng mga mahal nilang anak. Masaya ako para sa ‘yo ate, sana maging maligaya kayo ni kuya Edrick.”sabay yakap nya kay ate.

“Salamat. Napakasaya ko, kahit na nawalan tayo ng mga magulang. Biniyayaan naman ako ng mga mababait na kapatid. Ay hindi, si JP lang pala ang mabait. Sutil pala itong isang ‘to.”sabay dutdot ni ate sa noo ko at itinulak nya palayo. Nagtamputampuhan ako at nagtawanan naman silang dalawa.

Nagsiakyat na kami para makapag pahinga na. Kagaya ng ipinangako ko kay kuya, hindi ko sya kinausap o kinulit. Humiga na ako sa kama ko at bumaling banda sa kama ni kuya. Humiga na rin sya at hindi sya nagsasalita. Maya maya pa ay bumangon sya para patayin na ang ilaw. Pagkapatay nya ay tsaka naman ako pumikit. Natutuwa ako dahil hindi ko imagination si kuya. Madalas ko kasi imaginin na nandyan lang si kuya kahit wala sya. Pero ngayon totoo na nandito sya.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Dahil siguro malakas din ang tama ng alak sa akin kaya naman mabilis lang akong inantok. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Si kuya JP, hindi ko napansin na lumipat pala sya sa kama ko. Kumilos ako para umayos ang pwesto namin dahil parang nakaramdam ako ng pangangalay sa kabilang braso ko.

“Gising ka pa?” si kuya JP.

“Mmm kuya.” Sagot ko.

“Nalulungkot ka ba dahil ikakasal na kay ate yung lalakeng mahal mo?” tanong ulit nya.

“Huh? Hindi ah, kinalimutan ko na yun matagal na. Hindi ko na sya iniisip. Nalulungkot lang naman ako kasi wala ka dito sa bahay. Miss na miss na kaya kita.” Sagot ko.

“Talaga? Namimiss mo ako? Gusto mo bang bumalik na ako dito?”

“Oo kuya, please bumalik ka na dito. Promise hindi na ako makulit.”

“Hindi pa pwede bunso eh, hindi pa rin maayos si kuya. Kasi mah.. .” putol na pagkakasabi ni kuya.

“Ano ba yung problema mo kuya? Sabihin mo saken please.”

“Hindi pwede tart eh. Komplikado yung problema ko kaya hindi ko pwede sabihin sa ‘yo. Basta tatandaan mo lang na kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Walang pupwedeng gumalaw sa ‘yo. Dahil pag ikaw ang naapi, papatay si kuya para sa ‘yo.”

“Wala namang nang-aapi sa akin eh. Takot lang nila. Mahal na mahal din kita kuya. Sana bumalik ka na dito.” Sabay marahan nyang piningot ang tenga ko.

“Sabi mo hindi ka mangungulit. Matulog na tayo tart, ganito lang magkayakap para mabawasan yung sakit na nararamdaman ni kuya.” At naramdaman ko na lang na may parang tubig na dumaloy sa noo ko. Umiiyak yata si kuya, pero hindi ko na iyon pinansin. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit para mapagaan ang loob nya.

Kinabukasan ay hindi ko na nakita si kuya. Siguro maagang nagising at hindi na ako inistorbo. Nalungkot talaga ako dahil sandali ko lang syang nakasama. Pero ayos na rin dahil sa wakas ay nakatabi ko sya sa pagtulog. At tsaka may text sya sa cp ko “Uwi na si kuya, naghihilik ka pa kasi kaya hindi na kita ginising. Wag ka malungkot, mahal na mahal ka ni kuya.”

Hindi pa rin umuuwi si kuya, dalawang buwan na rin nung huli kaming magkita. Pero ngayon ay nagrereply na sya kahit papaano sa mga text ko.
---
December 20, ang date ng kasal nila ate Belle at kuya Edrick.

Naghahanda na kami para pumunta ng simbahan. Ayaw ko pang isuot ‘tong barong dahil mainit at makati. Hindi naman kasi ako sanay na magsuot ng mga ganito eh. Nakakainis, ginawa pa kasi akong abay eh. Tinanggihan ko na nga sila, pinilit pa rin ako. Ang gusto ko pa naman pag may ganito eh, taganood lang at tagakain. Pero ano pa nga bang magagawa ko eh ito ang unang kasalang magaganap sa pamilya namin.

Tinext ko si kuya JP kung nasaan na sya nagreply naman sya na malelate sya. Hmp! Buti pa sya walang gagawin. Sya sana ang gagawing bestman para gwapo daw yung nasa harap. Kaso hindi sya pwede dahil may gagawin pa raw sya. Kaya ayun pinagchagaan nila yung bestfriend ni kuya Edrick na mukhang panda. Pano naman malaki na eyebag, malaki pa ang tiyan.

Nauna na kami sa simbahan, sumabay na ako kay kuya Edrick dahil hindi naman ako pwede makipagsabay sa bride. Alam nyo na, bride ang paimportante sa kasalan eh. Nang makarating kami sa simbahan ay agad na kaming iniayos ng mga pwesto para pag sinimulan na ay wala nang marami pang kuskos balungos. Itinext ko si ulit si kuya JP. “Asan ka na?” Nagreply naman sya “Oo, andyan na, pasakay na ako ng taxi. Nakuha mo ba yung notebook na inilagay ko sa kama mo?” tanong nya sa akin. “Hindi pa, nagmamadali ako kanina eh. Mamaya na lang, bilisan mo kasi, baka magmaldita na naman si ate eh.”

Dumating na si ate. Wow! Ang nasabi ko sa isip ko. Kahit nakita ko na sya kanina ay parang naeengkanto pa rin ako sa ganda nya. “Kapatid ko yan.”pagmamalaki ko sa isip ko.

Inumpisahan at natapos na nga ang kasalan ay hindi pa rin dumarating si kuya JP. Papunta na kami ngayon sa reception “haynaku! Drawing talaga.” Sabi ko.
---
Halos sumabog ang ulo ko habang nakatayo ako sa entrada. Hindi ko maihakbang ng maayos ang mga binti ko dahil nanginginig ang mga tuhod ko. Wasak na wasak ang mundo ko. Para akong masisiraan ng bait. Gusto kong magmadali pero hindi ko magawa. Gusto kong makarating kaagad sa dulo kung saan matiwasay na nakahimlay ang walang buhay na katawan ng pinakamamahal kong kuya JP. “KUYA!” gigil na gigil kong pagtawag sa kanya. Nagkakandarapa na ako sa pagmamadali kong makita sya. Nang makarating na ako doon ay bigla na lamang akong hinawakang mahigpit ni ate Regine, dahil parang gusto kong hugutin si kuya JP sa loob ng kabaong nya. “KUUYYYYYYYYAaA!” mahaba kong sigaw. At maya maya ay kumalma na ako. “Ano ‘to? Panaginip lang ‘to. Hindi ‘to pwede. Kuya ko. Mahal na mahal kita.” Sabi ko sa isip ko. Hindi pa rion ako makapaniwala na tinitingnan ko ngayon ang bangkay ni kuya. Hindi maiproseso ng utak ko ng maayos kaya parang mababasag ang bungo ko anumang oras.

Natanggal pala si kuya JP sa trabaho. Nahihiya syang sabihin sa amin dahil ayaw nyang maging pabigat. Banned sya sa maraming company kaya nahirapan syang maghanap ng bagong trabaho. Ikinwento sa akin ni kuya Conrad na nagmamadali daw humanap ng trabaho si kuya JP dahil kailangan nya raw talagang makabili ng IPhone. Para daw hindi ito masyadong mastress sa kakahanap ng trabaho, ay pinautang nya na lamang ito ng pera pambili ng IPhone. Nang matanggap daw iyon ni kuya ay agad itong umalis para bumili kaagad. Yun din yung araw na ibinigay nya sa akin yung IPhone na yun. Isang kaibigan daw ang lumapit kay kuya JP, nag-aalok ito ng trabaho. Magbebenta raw ng drugs. Pinigilan daw sya ni kuya Conrad pero hindi ito nagpapigil. Itinuloy nya raw iyon para naman hindi sya maging pabigat kay ate. Pinamamanmanan na pala sya ng mga pulis ng hindi nya nalalaman. At na raid ang hideout nila nung araw mismo ng kasal ni ate. Nagkaroon daw ng enkwentro at disgrasyang tinamaan si kuya sa ulo. Dead on the spot si kuya. Yan ang mga kwento ni kuya Conrad, habang kami naman ni ate Regine ay matamang nakikinig. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni ate Regine sa kamay ko. Kapwa kami walang tigil sa pag-iyak. Si ate Belle naman ay nakaupo lamang dun sa likuran namin at tulala kasama si kuya Edrick.

Hindi ko kayang tagalan ang hinagpis ko sa loob ng burol ni kuya. Kaya umuwi ako, dahil ayaw ko nang makita yung kabaong na kinalalagyan nya. Sa bahay ko na lang uumpisahan ang pagluluksa. Pagkarating ko ng bahay ay naalala ko ang notebook na sinasabi ni kuya. Nang Makita ko ito ay agad kong binasa ang nilalaman nito.

Tart,
Sasabihin ko na sayo lahat lahat kaya basahin mong mabuti at intindihin mo. Matagal ko na rin itong itinatago sa ‘yo. Tart gusto ko malaman mo na kaya ako umalis, dahil hindi ko na talaga kayang makita ka. Nalululong na ako sa ‘yo. Kuya mo ako kaya ako dapat ang gumagawa ng tama. Pero nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali. Yun ay ang mahalin ka. Mahalin hindi bilang kapatid mo. Mahalin ka ng lubos bilang isang lalake. Suyuin ka bilang ibang tao. Kahit saan natin tingnan ay mali talaga ang nararamdaman ko. Pinaparusahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglayo sa ‘yo. Mahal kita tart.  Kaya lahat ay magagawa ko para sa ‘yo. Isang bagay lang ang ginawa kong tama, yun ay ang iligtas ka mula sa isang malaking kahihiyan. Kaya ayaw kong sabihin dahil ayaw kong mandiri ka sa akin. Abot hanggang langit ang pagmamahal ko sa ‘yo tart. Kaya kailangan ko na talagang lumayo para patayin ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Ikaw na kasi ang nagpapaikot ng mundo ko eh. Pero ngayon unti-unti na akong umaayos. Nawawala na. Ito ang magandang balita na gusto ko sabihin sa ‘yo. Isa pa nga pala wag ka munang maingay kay ate. Sa ‘yo ko pa lang sasabihin ito at wala pang ibang nakakaalam. Tart, magkakaroon ka na ng pamangkin. Magkaka baby na kami ni ate Regine mo. Napakasaya ko kasi sa wakas unti-unti nang nagiging tama ang takbo ng utak ko. Salamat sa ‘yo tart. Hindi mo ako minahal, katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo. Dahil kung sinuklian mo ang nararamdaman ko, malamang nagkandaleche-leche na yung buhay natin pareho. Babawi na lang ako sa susunod na buhay natin. Hinihiling ko na kung mabubuhay tayo ulit, sana hindi na tayo magkadugo. Para malaya na akong mahalin ka. Pag dating ng panahong iyon, hahanapin kita at hindi na kita pakakawalan. Pero sa ngayon mamahalin muna kita bilang kapatid. Mahal na mahal kita bunso.
Kuya,

Pinatay ko ang ilaw at nakiramdam ako sa dilim. Ang dati’y masayang tahanan, ngayon ay nababalot ng labis na katahimikan. Walang puwang ang ilaw. Walang puwang ang init sa malamig na silid. Puro hapis, dusa at panimdim. Wala akong maramdaman kahit konting saya. Nakakatakot. Nawawala ako. Gusto ko tumakbo pero saan ako pupunta? Kung kahit impyerno ay pinagsasarhan ako ng pinto. Masikip sa langit kaya nahulog ako. Anghel na walang pakpak. Anghel na walang liwanag. Puro karumaldumal na kasalanan ang bumabalot sa akin. Marumi, madungis. Nakakairita. Ibuhos sa nananahimik na pader lahat ng galit ko, yan lang ang kaya ko gawin. Kelan ba ako makakabangon. Kelan ko kaya makikita ang liwanag. Napakadilim nagiisa ako. Walang masulingan. Para akong ligaw na hayop sa ilang. Para akong nalulunod, hindi ako makahinga. Sinong tutulong sa akin? Wala. Limang libong milya ng lupain ang kailangan ko lakarin. Sa dulo nun ay hindi ko pa sigurado kung may kapayapaang naghihintay sa akin. Natatakot pa rin ako, patuloy akong nangangapa sa dilim. Nakikiramdam sa sunod na mangyayari.

Bigla na lamang lumiwanag sa paligid ko at narinig ko ang boses ni kuya.

“Paano si ate? Kung itutuloy mo yan? Tart, nawala lang ang katawan ko. Pero ang pusot kaluluwa ko ay patuloy na mananatili sa inyo. Patawarin mo sana ako kung iniwan ko kayo. Wag na kayong malungkot. Magpatuloy kayo sa buhay. Nandito lang kami nila mama at papa. Palagi namin kayong babantayan.”

Pagkatapos noon ay bigla na lamang akong bumalik sa ulirat. May hawak na akong gunting at nakalapat ito sa pulso ko. Wala sa sariling magpapakamatay na ako. May tumapik ng gunting mula sa mga kamay ko at tumilapon iyon sa ilalim ng kama. Bigla ko na lamang naramdaman ang isang mahigpit at mainit na yakap. Kasabay nun ang isang malakas na hagulgol. Si ate. Nakalimutan kong may ate pa nga pala ako.

“SOSOsoorry ate!” sabay hagulgol ko at napayakap na rin ako ng mahigpit sa kanya.

“Tart! Maawa ka naman kay ate. Wag mo naman akong iwan mag-isa dito please!”

“Ate! Ate! Sorry, hindi na mauulit.”
---
Araw na ng libing ni kuya. Magkakatabi kaming apat nina kuya Edrick, ate Belle at Regine. Nakasunod lang kami sa karo. Panay ang iyakan at lalo pang nadagdagan ang kalungkutan nung inumpisahan ng patugtugin yung music. “Footprints in the sand – Leona Lewis”

You walked with me, footprints in the sand
And helped me understand where I'm going
You walked with me when I was all alone
With so much unknown along the way
Then I heard you say

I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sorrow and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand

I see my life flash across the sky
So many times have I been so afraid
And just when I have thought I lost my way
You give me strength to carry on
That's when I heard you say

I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sorrow and despair
And Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand

When I'm weary, well, I know you'll be there
And I can feel you when you say

I promise you, I'm always there
When your heart is filled with sadness and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand

I promise you, I'm always there
When your heart is full of sadness and despair
Ill carry you when you need a friend
You'll find my footprints in the sand

Patuloy kaming naglalakad. Bumaling ako sa mukha ni Regine. Bakas sa mukha nya ang kawalan ng pag-asa. Hinawakan ko ang kamay nya. Mahigpit. Gusto kong iparating sa kanya na hindi sya nag-iisa. Tumingin sa akin si Regine.

“Paano na Lance?” tanong nya.

“Wag ka mag-alala hindi ko kayo pababayaan.” Nagulat sya sa sinabi ko. Pero patuloy lang kami sa paglalakad.

Dito na ang huling hantungan ni kuya. Huling sulyap sa kahong kinalalagyan ng katawan nya. Napatingin ako sa malayo at namalik mata. Si kuya, nakangiting kumakaway sa akin. “Mahal kong kuya, paalam na.”
---
Limang taon na ang lumipas. Sigurado na akong nakamove-on na ako. Napakasaya ko ngayon. Totoo na ‘to hahaha, hindi na ako pipitsuging bratinelo ng taon. Isa na akong architect. At masayang masaya sa napili kong buhay. Death anniversary ni kuya ngayon kaya pupunta kami sa simenteryo.

Nakaupo ako sa tapat ng lapida ni John Phillip Andrada Ilustre. “Nakanaman, ang tindi ng pangalan mo tol ah.”sabi ko sa isip ko. “Musta ka na? Relax na relax ah. Tarantado ka kasi eh, excited ka mapunta sa langit.”

“JP, dahan dahan naman. Wag ka masyadong mabilis.”sigaw ng asawa ko. At bigla na lamang dumamba sa likuran ko ang makulit kong anak. “Tart! Sino yan tart? Tanong sa akin ng anak ko. Nakasanayan nya na akong tawaging tart dahil madalas nya iyong marinig kay ate. “Si tito JP mo yan.” Sagot ko. “

“Ay grabe ang kulit talaga ng batang yan. Manang mana sa ‘yo.” Sabi ni Regine.

“Honey naman, bakit pag bad sa akin minana pero pag good sa ‘yo lahat. Unfair ka ah.”

“e kanino pa ba magmamana ng kakulitan yang anak mo kundi sa ‘yo.”sabi pa nya.

At bigla na namang tumakbo si JP paikot ikot para pahabulin ang mommy nya. Oo! Si Regine na dating girlfriend ni kuya ang napangasawa ko. Mahabang kwento kung papaano ko sya napapayag na magpakasal sa akin. Basta ang masasabi ko lang, feeling artista sya nung nililigawan ko pa sya. Nung una pa naman gusto ko na sya, kaya hindi naman nagumpisa sa wala ang pag-ibig ko sa asawa ko. Mahal na mahal ko sya pati na rin ang anak ni kuya JP. Ipinangalan nga namin sa kanya ang anak nya eh. Walang nakakaalam, na hindi ko anak si JP. Kaming dalawa lang ni Regine at wala kaming balak na ipaalam pa iyon sa iba kahit kila ate. Aalagaan ko sila. Sisiguruhin kong walang mang-aapi sa kanila. Kagaya ng ginawa sa akin ni kuya. Gagawin ko rin silang maswerte katulad ko. Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng kuya JP na nagmahal sa akin ng walang hinintay na kapalit. Ganun rin ang gagawin ko sa kanila. Mamahalin ko rin sila ng buong buo.

 “Salamat kuya, natagpuan ko na ang kaligayahang matagal ko nang hinahanap. Ikaw ang naging daan para makita ko sila. Ang sarili kong pamilya. Wag ka mag-alala palalakihin ko si JP kagaya ng pagpapalaki sa atin ng mga magulang natin. Magiging mabuting tao rin sila. Nga pala may balita ako sa ‘yo, magkakapamangkin ka na. Nakabulls eye ako hahaha. Wala nang selosan ah. Manahimik ka na lang dyan. Mahal na mahal kita kuya.”

Maya maya pa ay sumigaw si JP, inaway daw sya ni Raiven. Anak nila ate Belle at kuya Edrick. Kahit na mas matanda si JP ng isang taon kay Raiven ay hindi nya ito pinapatulan, kaya iyak na lang ang pangganti nya. Pinuntahan ko si JP para kargahin, dahil pag ganitong nagdaramdam sya ay ako lang ang nakakapagpatahan sa kanya.

“Huhuhu! Hindi ako lab ni Raiven.” Pagtatampo nya.

“Lab ka ni Raiven, pinsan mo yun eh. At tsaka naglalaro lang naman kayo eh.” Sabi ko sa kanya.

“Hindi nya ako lab, inaaway nya ako eh. huhuhuhu”

“Oh, tahan na. Wag ka na malungkot, HMmmm!” sabay halik ko sa kanya “Isipin mo na lang na si Tart, si JP lang ang mahal.” At bigla na syang huminto sa pag-iyak. Bumalik na kami sa lapida ni kuya. Kasama na sila ate at ang asawa ko.

Wakas    

9 comments:

  1. Grabe sir wala akong masabe. Hindi pwdeng hindi tutulo ang luha ng mkkabasa Neto.very superb work.may lesson ang istoryang to very realistic. Gusto Kong I promote to for big screen.this is awesome..!..
    Eldrienn Fowler Salonga

    ReplyDelete
  2. wow! very inspiring at maraming aral na matutunan, TRUST, RESPECT AT LOVE ang dapat laging pairalin para magkaroon ng masaya at pamilyang buo. Congratz sau Mr. Author sa npakagandang story na ibinahagi. more stories to come. Again CONGRATZ! ! !

    ReplyDelete
  3. Grabe sir wala akong masabe. Hindi pwdeng hindi tutulo ang luha ng mkkabasa Neto.very superb work.may lesson ang istoryang to very realistic. Gusto Kong I promote to for big screen.this is awesome..!..
    Eldrienn Fowler-Salonga

    ReplyDelete
  4. what the heckk...? great job.

    iPhone pa more HAHAHA

    ReplyDelete
  5. JAMES SILVER IDOL TLAGA KTA SANA MASUNDAN NA YUNG STORY MO SA KM NA YNL. GALINGGGGGG!

    ReplyDelete
  6. Sir grbe naiyak ako s story nyo... Ang galing galing nyo po at dming lesson ng story. Sana po me part two po sya!
    Thank u po sir author!

    Love Enzo

    ReplyDelete
  7. Isang magaling na tagakwento ang nadagdag sa blog na toh.. Dito kana lang ser aa feeling ko kasi bagay na bagay ka sa blog na toh..

    Sa story na toh andami kung natutunan.. Thank you.. Superb! 👌🏻👌🏻👌🏻👌🏻

    ReplyDelete
  8. This is by far, the best story I have ever read. Thumbs up, in form and in substance! Napangiti ako, napaluha, kinilig.. Haayyy! Gusto ko isipin true to life story to.

    ReplyDelete
  9. naa iyak ako nalungkut pero na galit ako sa una..pero sa huli na iyak na ako..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails