Followers

Friday, June 29, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 7



             
             Kamusta po muli sa lahat? ^_^

             Ayan, hala!! Una sa lahat po, magsosorry po muna ako sa lahat dahil alam ko (NANAMAN!!) ang tagal bago nanaman ako nakapagpost. Sobrang sorry dahil super busy ako nitong huling araw.. Power hectic po talaga ang sched kaya pagpasensyahan nyo na po..

             Pangalawa po,    Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

             Pangatlo, Kung mapapansin nyo po ay nagrereply po ako sa mga comments nyo po. Kaya pwede nyo din po ako makausap sa comment box. Or again, pwede nyo po ako i-add sa fb account ko po. dizzy18ocho@yahoo.com. :) konting favor nga lang po, pag add nyo po ay paki send lang ako ng message po. Thanks.

            Oh sya!! Eto na, ang daldal ko nanaman na!! 

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Thursday, June 28, 2012

Tag-ulan



Malakas ang buhos ng ulan ng gabing iyon. Kataka taka sapagkat maliwanag ang sikat ng araw noong umaga. Nakakainis sapagkat wala akong dalang payong. Hindi ko kasi ito nakasanayang dalhin simula pa noong ako’y nag-aaral. Minsan, sinasadya kong iwan kapag inihahatid ni Inay sa may pinto. Ewan ko, tamad yata akong magpayong eh.


Binilisan ko ang hakbang patungo sa labas ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ang mga patak ng ulan ay malalaki at kaunting maampiyasan ka ay tiyak na basang basa ka agad. Nasisi ko tuloy ang aking sarili kung bakit ba nag-overtime pa ako, ayan tuloy tiyak na madaling araw na ako makakauwi. Sinagasa ko na ang malakas na ulan patungo sa waiting shed na pinagkakanlungan ng mga tulad kong basang sisiw ng mga oras na iyon at ang mahabang lansangan ay napupuno na ng tubig bahang naiipon sanhi ng papalakas na ulan. At nasiguro kong hindi iyon hihinto agad.


“Mukhang may bagyo ‘ata.” wika ng isang tinig sa aking tabi. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking naglalaro ang edad sa bente tres, matangkad, moreno ang kutis at may magagandang pares ng mga mata.
Ngumiti siya sa akin ng mapansin ang aking pagmamasid. Napahiya ako at muling ibinaling sa kalye ang aking tingin.


“Ahh, hindi ba ikaw yung accountant diyan sa opisinang yan?” anito na ang tinutukoy ay ang kanyang pinagtatrabahuhang kompanya.


“Ah…oo” matipid kong wika ng hindi tumitingin.


Maya-maya ay nakita ko ang kanyang palad na nakalahad sa tagiliran ko. Nagpapahiwatig siya ng pakikipagkilala. Malugod ko iyong tinaggap. Siya si JM. At sa loob ng waiting shed na iyon ay ipinakilala niya sa akin ang kanyang sarili.


Magmula noon ay palagi na siyang naghihintay sa akin sa labas ng gate. Niyaya akong mag-meryenda kasabay ng mga ilang tawanan at kwentuhan. Siya ang nagsilbing bantay sa akin sa mga panahong ako’y ginagabi sanhi ng gatambak kong trabaho.


“Bakit mo ba ginagawa lahat nang ito ha, JM?” minsan ay naitanong habang sabay kaming naghihintay ng masasakyan ng hapong iyon. Siya ay galing rin trabaho at tulad dati’y walang sawang naghintay sa akin sa labasan.


Natigilan siya. Napatingin siya sa akin. Ngumiti. Ngunit nanatiling tikom ang mga labi sa hinihintay kong kasagutan.


“Masama bang gawin ko lahat nang ito?” balik tanong niya sa akin kasabay ng mahinang tawa. Ngunit ako’y nanatiling nagtataka sa mga inasal niya.

Hindi na naulit ang tagpong iyon na ako’y nagtanong sa kanya ng mga bagay na iyon. Para bang isang piping kasunduan na naming hindi na muling magtatanong sa bagay. Siya na lang ang hihintayin kong magsabi ng niloloob niya. Tutal wala namang masama sa pagiging magkaibigan namin.


Signal number 2… hindi ko alam na may bagyo pala ng araw na iyon. “Ang payong... ang payong nasa gate.” naalala ko ang sinabi ni Inay kanina bago ako umalis. Nagmamadali lang ba ako o talagang hindi ko na inintindi ang mga bilin niya. 


Alas siyete na….bakit kaya natagalan si JM? Dati-rati’y maaga iyong nadating upang sunduin ako at kami’y magmemeryenda. Ang buhos ng ulan ay tila luha ng mga anghel. Malalakas at walang patid. Matiyaga akong naghintay sa kanya sa waiting shed. Alam ko namang darating siya kahit bumabagyo pa.


“Arvie…” mahinang tawag buhat sa likuran. Napalingon ako. Si JM!


“Akala ko hindi ka darating ngayon eh…”. Ewan ko ba, ng mga sandaling iyon gusto ko siyang yakapin.

“Lagi naman akong nandito Arvie, halika na samahan mo akong mamasyal…” anito ng may lungkot sa tinig ngunit ang mga kilos niya ay tila may sigla.


“Ngayon? May bagyo eh. Ano ka ba!”. Marahan niya akong hinawakan sa braso at masuyong hinatak sa ulanan.

“Ay! JM ano ka ba!” inis na wika ko.

“Maligo tayo sa ulan Arvie…kahit ngayon lang, please?” nagmamakaawa ang mga mata niya ng mga sandaling iyon at ako’y napahinuhod niya kahit alam kong kabaliwan iyon.


Naglakad kami sa mahabang pasilyo sa parke sa gitna ng malakas na ulan, Nakita ko si JM na patakbong tinungo ang isang rosas na mayabang na naroon pa rin sa kanyang tangkay sa gitna ng bagyo. Pinitas niya iyon at inabot sa akin.


“Para saan?” wika ko habang kumukurap kurap. Ang tubig-ulan ay bahagyang sumasaboy sa aking mukha.

“Arvie…mahal kita”. Tipid niyang wika sa akin. Salitang matagal kong hinintay. Ang aking luha’y umagos at humalo sa tubig ulan.

“Mahal din kita JM” masuyo niya akong kinabig at niyakap. Ang lamig na dulot ng ulan ay napawi ng aking maramdaman ang mainit niyang yakap. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang aking sarili sa gitna ng ulan kayakap ang lalaking aking iniibig. Parang isang mahabang gabi…

“Arvie…anak?” anang tinig. Si Inay?

Nagmulat ako ng mga mata. Si Inay nga. Umiiyak.

“S-Si JM po?” una kong itinanong. Bakit ba narito si Inay? At bakit ba nasa malamig akong silid?

“Anak…ano bang ginagawa mo sa ulanan? Nakita ka ng mga pulis nakahandusay doon… Diyos ko!”

Wala akong maalala. Ano bang nangyari sa akin? Sa amin ni JM?


Inagaw ng radyo ang atensiyon ko…

"Isang bangaan ang naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Roxas Ave sanhi ng malakas na buhos ng ulan…tatlo ang nasawi kabilang ang pasahero ng taksi na si JM Tolentino , edad 23….hindi na ito umabot ng buhay sa ospital pagkaraang mapailalim sa trak ang taksing sinasakyan."


Bumuhos ang mga luha ko…ang isang tag-ulan ng buhay ko siya nakilala at isang tag-ulan din siya binawi sa akin. Ngunit ang mga huling natandaan ko ay ang mainit niyang yakap at ang matatamis na bulong ng pagibig na kaytagal kong hinintay.



-Wakas-

Tuesday, June 26, 2012

Kulimlim



Nakita kita sa isang sulok habang nag-iisip ng malalim at napapabuntong hininga. Nilapitan kita. "Okay ka lang?" tanong ko na sa pag-aalala kung ano ang gumugulo sa isipan mo. Tiningnan mo lang ako ng blangko ang ekspresyon ng iyong mukha. Di ko makuha ang ibig mong sabihin. Hinayaan na lang kita. Hindi lang mo alam pero hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Alam kong mahirap at masakit ang dinadala mo pero doble nito ang katumbas habang nakikita kitang nagkakaganyan at wala akong magawa.


Alam kong meron. Alam kong may ibig sabihin. Alam ko sa bawat kilos mo ay may dinadala ka. Pero wala ako sa posisyon upang alamin iyon. "Sino nga ba ako sayo?" tanong ko sa sarili. Alam mong may gusto ako sa'yo ngunit binabalewala mo lang. Hindi ko mahagilap ang mga kasagutan habang ikaw ay hindi umiimik at walang pakialam. Masakit man, hinayaan ko na lang. Sino nga ba ako?


Umupo ka sa tabi ko. Walang imikan ang naganap. Kinakapa ang isa't isa. Humuhugot ng kataga mula sa malalim mong paghinga. "It's not you. It's me. Sorry." sabi mo sa akin na hindi tumitingin sa aking mga mata. Nakayuko at bumuntong hininga.


Masakit marinig na hindi pwede. Na may iba. Pero wala namang naging "tayo" para magkaganito ako. Pinilit ko ang sariling kumalma. "Okay lang yun ano ka ba."sabi ko sa'yo ng may ngiti ngunit malungkot ang mga mata. Tiningnan mo lang ako na para bang nagsasabing "Sana nga okay ka lang, basta nandito lang ako lagi para sa iyo."


Bumalik na ako sa aking upuan at nagbukas ulit ng bote ng beer. Tinagayan ko ang aking sarili. Hinintay ko munang mawala ang bula ng beer sa baso bago ko ito inumin. Gumuguhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak ngunit hindi nito natumbasan ang pait na dinadala ng aking puso. Huminga ulit ako ng malalim pagkatapos kong inumin ang nasa baso at sinalinan ulit ito ng alak. Tinungga ko na agad ito at hindi na hinintay ang pagkawala ng bula sa baso. Nag-iinit na ang katawan ko. Tinatamaan na ako.


Nakita kitang pumili ng numero sa song book at nagsimulang kumanta. Napatitig ako sa 'yo, ganon din ikaw. Bigla mong nilihis ang iyong mga mata at tinutok ito sa screen ng iyong kinakanta. Nagpatuloy ka sa pag-awit nang napakaganda. Hindi ko alam kung para sa akin ang kantang iyon o sadyang natamaan lang talaga ako sa bawat liriko noon.


Natapos ka nang kumanta ngunit hindi pa rin natapos ang pait na dulot ng disisyon na ginawa mo kanina. Pilit kong sinasabi sa sarili na okay lang ang lahat ngunit mahirap. Mahirap magtago ng tunay na nararamdaman. Mahirap magpaalipin sa pag-ibig na walang kasiguraduhan. 


"Life must go on." pilit na isinisiksik ko sa aking isipan. Lahat ng iyan ay pagsubok lamang sa isang nagmamahalan o mas tamang sabihing nagmamahal ng walang kasiguraduhan.


Inubos ko na ang natira pang alak. Nagpakalasing. Umaasang sa pagkalasing ko'y malimutan ang nararamdaman. Umaasang mabawasan ang kulimlim sa aking kalooban.




-Wakas-

Monday, June 25, 2012

Palitan Ng Puso [11]


[11]

By: Mikejuha

----------------------------------------
Ako si Ian

Heto si Marco, ang boyfriend ko

At heto naman si Prime, ang best friend ko

At heto ang theme song namin -

At heto ang kuwento namin -


This is in PNG image format. Please click on the picture to enlarge the image. Thanks.














Author’s Note:This is in PNG image format. Please click on the picture to enlarge the image. Thanks. 


-Mikejuha-

"Writers' Meet-up on Jun 23, 2012 at Canlubang, Laguna"

Special thanks to Poji for the venue and foods...



















Give your Heart a Break iii

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakasama ko this weekend sa Canlubang, Laguna lalong lalo na kay kuya Poji na naging host namin at siyempre pa si kuya Mike na may pakana ng lahat. Sobrang naenjoy ko siya. :) God bless us all. Heto na po ang part 3!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Nag-aanticipate ba ako ng kiss? Oo! Pero hindi pwede, ayoko magkasala kay Aljohn.

At hinalikan nga ako ni Mac sa ilong. Napadilat ako sa ginawa niya. Magkahalong relief at panghihinayang naramdaman ko. Panghihinayang? Why?

“Remember?” tanong nito.

Naguguluhan ako sa reaction ko pero napatango pa rin ako.

Naalala ko na noong kami pa, kapag nag-away kami lagi naming ginagawa na halikan sa ilong ang isa’t isa sa tuwing nakakagawa kami ng pagkakamali. Kung sino ang may sala ay siya ang hahalik. Ito ang paraan naming dalawa ng paghingi ng tawad.

“Thank you again for the chance Arjay.”

“You’re welcome.”

“See you around?” tanong nito,

“Yeah of course. So shall we call it a night?”

“Yeah. Good night dear old friend.” Wika nito.

Napangiti ako.

Everything’s going out just fine for now. It’s true na nangungulila pa rin ako kay Aljohn pero the thing between my ex-boyfriend and I are finally sealed and that’s already a reason for me to be happy.

Dumiretso na ako sa kuwarto at nahiga sa kama. Dina-digest ko pa rin ang bilis ng nangyari kanina. That’s the least thing I am expecting to happen pero God has His own way to end nightmares and what He did is really, really great. Napangiti ako.

Bumangon na ako at tinungo ang banyo para mag-shower dahil nakaramdam ako ng panlalagkit. While in the shower, ramdam ko pa rin yung saya sa nangyari kanina at nag-vibrate ito sa buo kong pagkatao dahil may pakanta-kanta pa ako habang sinasabon ang katawan ko.

Dinala ko ang kasiyahang iyon hanggang sa pagbibihis. Bigla akong may naalalang gawin, dapat matagal ko ng nagawa ito kung hindi lang dahil sa sobrang busy sa defense at kung anu-ano pang requirements bago maka-graduate. Inilabas ko na ang mga materials ko.

Isa-isa kong dinikit ang mga wallpapers sa kuwarto ko. Nothing much to be added dahil maganda na iyong material I believe. Gupit dito, dikit doon. I’m having so much fun. I should be sleeping at this hour of the day pero hindi kasi I’m energized and I cannot sleep. Wala rin naman masyadong gagawing makeover sa kuwarto dahil in the first place maganda naman ang structure ng room ko.

So rather than over dressing my room, have to keep it simple with a black toned paper with white streaks on it na parang kidlat that complements the cover sheet of my bed from Crates and Barrel. It’s so relaxing and I can’t help but to smile. I so love this creation.

Inayos ko na rin ang distortions na naganap sa buong kuwarto ko dahil sa ginawang pag-aayos. Hindi ko sinasadya na mahawi ang lamesitang pinaglalagyan ko ng picture naming dalawa ni Aljohn at nalaglag ito. Basag ang frame. Dali-dali ko itong pinulot at dahil sa pagmamadali ay nabubog ako. Kita ko ang mapulang likido na lumabas sa sugat. Nilinis ko muna ang sahig bago ko nilinisan ang sugat ko.

“I’m sorry Aljohn, nabasag iyong picture frame natin. Bili na lang ako ng bago bukas.” Wala sa sariling nawika ko.

Matapos kong malinis iyong bubog ay tuluyan na akong nahiga.

Ang weird ko. Naligo muna ako bago nagkabit ng wallpapers at naglinis ng kuwarto. Silly. Now, nanlalagkit na naman ako. Pahinga muna ako sandali then shower ulit. May pangiti-ngiting kumento ko sa inasal ko.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa may orasan ko at nakitang hatinggabi na. Nagtataka sa kung sino ang nagtext ng ganoong oras. Inabot ko ang unit ko sa lamesita.

1 message received.

Binuksan ko at nakitang galing iyon kay Mac.

‘Gudnyt dear old friend! Hav a great sleep. Thank you for the 2nd chance.’

Hindi na ako nag-reply dahil baka pag ginawa ko iyon ay mauwi na iyon sa magdamagang pag-uusap. Muli kong ibinalik ang awditibo sa kinalalagyan nito at muling dinama ang lamig ng unan. Sarap lang sa pakiramdam. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pansamantalang nagpahinga. Ngunit bago pa ako tuluyang tangayin ni Mr. Sandman ay nag-shower ulit ako.

Finally makakatulog na rin. Sabi ko ng matapos makabihis.

Nahiga na ako at natulog. Time check, 3:05am.



“Anak wake up. Andito si Mac.” Paggising sa akin ni mama.

“Hmmmmm.” Tugon ko dito at binalewala iyong sinabi niya.

“Dali na dyan at may pag-uusapan tayo.” Wika pa nitong medyo seryoso.

“Ma naman eh...”, tumingin sa phone ko, “...are you for real? 8:00 am?”

“Oo at kung hindi ka pa babangon diyan papauwiin ko bisita mo.”

“Babangon na.” Napilitan kong tugon dahil nakakahiya dun sa tao.

Papunta na sana ako sa banyo ng pigilan niya ako.

“Magkaibigan kayo ... ulit?” hindi napigilang tanong niya.

Nilingon ko lang siya pero hindi ko magawang magsalita.

“Kelan pa?”

Hindi pa rin ako nagsasalita.

“Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa iyo?” Medyo pikon nitong tanong combo pa ng nakakunot nitong noo.

“Pwede mag-brush muna? Maamoy mo pa hininga ko kakahiya naman sa’yo.” Sagot ko rito habang takip ko ang bibig ko. Natawa siya sa inasta ko imbes na magalit.

I don’t always have a choice. Nawika ko na lang sa isip at tuluyang pumunta sa banyo para maghilamos at mag-brush.

“Now what?” tanong ko rito ng makita kong naghihintay lang ito sa labas ng pinto matapos kong mag-ayos.

“I want to know everything.”

Buntong-hininga.

“Just a minute.” Sabi ko rito.

Nagpunas muna ako ng tuwalya at kita ko naman ang pagsunod nito ng tingin sa akin. Talagang naghihintay ito na magsalita ako. I don’t always have a choice. Muli kong naisaisip.

“Yeah, yeah. We’re friends again kagabi lang.”

“Why?”

“Ma, for old time’s sake. We’re friends before bago namin naisipang mag-level up.” Explain ko rito.

“Pero he’s the reason kung bakit muntik ka ng hindi makatapos noon and this.” Sabay taas ng kamay ko at pakita ng pilat sa aking wrist.

“Ma, that’s a very long time ago. See, graduate na ang baby mo with flying colors at buhay na buhay.” Pag-a-assure ko rito.

“Pero...”

“Ma, trust my judgment this time. Kaya ko na ang sarili ko tsaka you don’t want to see your baby na lampa and doesn’t know how to make decisions on his own right?”

Napatango na lang ito.

“So, stop being silly ma. Your baby’s a big boy na.”

“You’re never a big boy to me. You’re still a baby and ayokong nasasaktan ka. Mahal na mahal kita Jay.”

“Awwwww, I’m touched. Here, give baby a hug.” At inilahad ko ang mga braso ko.

Lumapit naman si mama at binigyan ako ng hug. Para kaming mg auto pero that’s how we converse.

“Ma, can I ask you something?”

“Sure.”

“Bakit ang drama mo ngayon considering na umaga pa lang? We still have more time today and yet inumpisahan mo sa kadramahan.”

“That’s just I am.”

“Wooshoo! Ang sabihin mo affected ka sa pinapanood mo gabi-gabi. Stop watching teleseryes hindi na bagay.” Suhestiyon ko rito.

“No way kiddo! Kailangan kong panoorin nangyayari kay Celine at Frank.” Pagkontra niya.

“Huh? Who?” naguluhan kong tanong.

“Si Kris Aquino at Albert Martinez sa Kung Tayo’y Magkakalayo iyon palibhasa puro libro inaatupag mo.”

“For real?” di makapaniwalang tanong ko.

“Uh-uh.”

“Grow up ma. You’re 32 years old so act like one.” Sermon ko dito.

“I am and still young tsaka andun kaya si Coco Martin.” Kita ko rito ang pagpula ng pisngi niya.

“Okay fine.” Nasagot ko na lang.

“So should I meet my visitor now?” tanong ko rito.

Pumormal na ulit ito bigla.

“Okay but I’ll watch you.”

“Ma!”

“I’m kidding.” Ngiti nito na may kalakip na pag-aalala.

“Fine.”

At tuluyan na nga kaming bumabang dalawa. Dumiretso na ito sa kusina habang ako ay tumungo sa sala para harapin siya.

“Wow aga mo naman. Ano meron?”

Sasagot na sana ito ng biglang nagsalita si mama.

“Mac, dine with us. Pasensya na at late na nagising itong batang ito.” Paanyaya ni mama.

“Ah eh no worries po. Napaaga lang kasi ako ng dating.” May pag-aalangang sagot nito.

Napaaga? Yeah right! Dapat natutulog pa ako ngayon. Sabi ng isip ko.

“So saan na nga ba ulit lakad niyo nitong si Jay?” tanong ni mama habang naghahain.

Lakad? Kami? Anong meron? Ano to? Nakatingin lang ako rito na may halong pagtataka.

“Actually po kasama kayo kaso inuna ko lang po sunduin si Jay birthday po kasi ni mama ngayon eh.”

Dali-dali namang kinuha ni mama cellphone niya at may binasa.

“Hala oo nga pala birthday ni Inday ngayon. Nakalimutan ko. Hala dalian mo dyan Jay nakakahiya kay Inday.” Pagmamadali ni mama sakin.

Muli ko tiningnan si Mac at kita ko rito ang pagsilay ng ngiti. Pinipilit nitong hindi matawa sa reaction ni mama. Napangiti na lang din ako.

“Ano pa nginingiti-ngiti mo dyan. Hala kain na ng makaligo ka na. Naku...” tuloy-tuloy na pagpapaulan ni mama ng bala sa akin. Naglakad na ako papunta sa lamesa.

“Relax ma, heto na kakain na ako at bibilisan ko rin para hindi nakakahiya kay tita Inday.” Sabi ko rito habang nagsasandok ng makakain.

Napansin ko na lang na hindi pala sumunod si Mac. Tinawag ko ito pero umiling lang.

“Ma, mukhang ayaw ni Mac luto mo o ayaw kumain eh.” Pagsusumbong ko.

Tumingin naman si mama sa kanya. Dali-dali itong tumayo. Natawa ako. Dumulog na rin sa hapag si Mac at nag-sandok ng kakainin niya.

“Babawi ako sa’yo.” Bulong nito.

Napansin ito ni mama.

“Ahem, bawal magbulungan sa harap ng pagkain.” Saway ni mama.

Napayuko ng ulo si Mac. Ang cute niyang tingnan pag nahihiya or napapahiya.

A harmless creature. Kumento ko.

Andaming tanong ni mama kay Mac. Kala mo nasa isang showbiz oriented talk show kami. Ano nangyari sa’yo, anong nangyari ke ganire. Si ano kamusta na. Blah blah blah. Normal na kay mama alamin ang lahat lalo na sa akin pero okay lang dahil sobrang love ko yan.

“Sige na Jay maligo ka na ako na bahala dito. Utang mo sakin paghuhugas ng pinggan ngayon.” Sabi nito habang nagliligpit.

“Okay.” Tugon ko rito.

Tumingin ako kay Mac na busy sa pagte-text.

“I’ll be quick Mac. Paantay na lang and sorry to keep you waiting.”

Ngiti lang tugon nito.

Umakyat na ako sa kuwarto ko para ihanda gagamitin ko.

Tees o sleeves? Sige t-shirt na lang. Hmmm, ano kaya magandang kulay dito? Heto na nga lang. What about yung pang-ibaba. Pants or shorts? Geez, ang hirap mag-decide. Pagkakuha ng isa at hindi nagustuhan ay ibabalik at mamimili na naman.

“Pants.” Lumapit ito sa cabinet ko at siya na mismo ang namili ng susuotin ko.

“Ma!” gulat kong nawika.

“I know matatagalan kang mamili ng susuotin that’s why I came here to help.”

“Matagal?”

“Yeah like 20 minutes already.”

“What?”

Tumango lang ito.

“No I can manage.”

“Shut up. Go at maligo ka na. I’ll fix your things here. Mga bata talaga ngayon ang babagal kumilos...”

Hindi ko na tinapos ang speech ni mama dahil naisip ko may point siya. Kailangan ko ng magmadali dahil sobrang nakakahiya na kay Mac.

“Ten minutes.” Sigaw pa ni mama.

Hindi na ako tumugon at tuluyan ng pumasok sa banyo at naligo. Just like the song goes, I did my best but I guess my best wasn’t good enough.

“11 minutes, 39 seconds and 78 laps.” Sabi ni mama na may hawak na stop watch.

“No way, I’m as fast as superman.”

Lumapit ito at pinakita iyong stop watch.

“That ain’t real. It’s not working.” Sabi ko rito at tumungo na sa kama para sana magbihis ng may maalala ako. “Ma, may you please?”

“Please what?”

“Get out of my room? Magbibihis na ako.” Malambing kong sabi rito baka umepekto.

“Why? Eh nakita ko naman na iyan. Ang liit nga eh. Mas malaki pa iyong sa bata sa kanto.” Pang-aasar nito sabay tawa. Badtrip!

“Excuse me. This is big and you know that.” May pagka-pikon kong sabi.

“Patingin nga?” Akma niyang aagawin iyong tuwalya ko.

Umiwas ako.

“Ma, stop that. It’s not funny.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Tumatawa lang ito. Naghabulan kaming dalawa sa loob ng kuwarto ko. Nahuli niya ako at pinilit na tanggalin tuwalya ko pero hindi ako nagpatalo. Nagpambuno kami sa pag-alis niya ng tuwalya ko pero sumuko na rin siya dahil sa pagod.

“F-fix yourself. Aasikasuhin ko muna bisita mo sa baba baka nakatulog na sa kahihintay sa’yo.” Sambit nitong hinahabol ang hininga.

“Yeah kaya ma labas na.” At pinagtulakan ko na siya habang humihingal din.

Nang tuluyan ng nakalabas si mama ay nagbihis na ako. Isinuot ko iyong inalabas niyang damit. Ang ganda ng napili niya. Ibang klase talaga taste niya sa damit pati combinations.

I cannot live without her. Nasabi ko sa sarili.

Mahal na mahal ko si mama kaya naman lahat ginagawa ko para pagaanin ang loob niya. Siya na kasi nag-alaga sa akin at tumayong ama’t ina simula ng mamatay si papa dahil lumubog iyong barkong pinagtatrabahuan nito.

Binilisan ko na ang pag-aayos at sobrang nakakahiya na kay Mac. Dami kasing pinag-iisip eh. Bulong ng isip ko.

Bumaba na ako at nakita kong nanunuod pa rin si Mac. Lumapit ako rito at napansin kong hindi man lang ito nakilos kahit bahagya iyon pala ay natutulog na ito. Sinipat ko ang facial features niya. May katangusan ang ilong, mahahabang pilikmata, manipis na labi, makinis na mukha. Ang gwapo mo pa rin Mac.

May biglang umubo sa likod ko. Nagulat ako at inayos ang sarili.

“May boyfriend ka na anak. Be loyal and faithful.” Pagpapa-alala nito.

Napahiya ako. Buti na lang tulog ito. Napatango na lang ako. Ginising ko na si Mac para makaalis na kami.

“Ah, tita alis na po kami.” Paalam niya kay mama.

“Sige ingat kayo and pakisabi na lang kay Inday sunod ako mamaya.”

“Sige po.”

“Ma alis na kami.” Sabay halik at yakap dito.

“Wait Jay.” Sabi nito at umalis. Saglit lang ay may inabot itong pera sa akin. “Just in case.”

“Thanks ma. See you later and huwag masyado magpapakapagod huh.” Sabi ko rito.

“I will. Bye.”

“Bye ma, I love you!”

“I love you too.”

At tuluyan na nga kaming umalis ni Mac. Dala nito iyong sasakyan niya. Tahimik lang kaming dalawa habang bumibyahe. Parang hindi ako sanay na tahimik siya kaya naman pinilit ko itong kinausap.

“Bakit hindi ka nagsabi kagabi na birthday pala ni tita ngayon?”

“Eh wala naman kasi sa plano na maghahanda siya eh kaso nasabi ko sa kanya na nagkita at nagkausap tayo kaya naman sabi niya imbitahan na rin kita although na-invite na niya mama mo.”

“Ah ganun ba? Pero bakit hindi ka man lang nagtext?”

“Mas maganda kung surprise.”

“Surprise ka dyan at dahil sa ginawa mong yan naghintay ka ng matagal at nakatulog sa tagal kong kumilos.”

“Sanay na ako dun at wala ka pa ring pinagbago sa pagka-pagong mo.”

“I’m proud of that.”

Nagtawanan kami at ng matapos ay katahimikan muli ang naghari.

“Ang sweet niyo ng mama mo.” Pagbasag niya.

“Yeah, ganyan talaga kami tsaka alam mo naman na siya na lang naiwan sa akin.” May himig lungkot na wika ko.

“Don’t tell me iiyak ka?” pang-aasar niya.

“No way. Ako pa ba iiyak? Di uyyy!” ganti ko rito.

Nagtawanan ulit kami and this time pinilit naming hindi matahimik para hindi naman boring yung biyahe namin papunta sa kanila. Di rin naman na nagtagal at nakarating na kami sa village nila. Parang ang tagal ng byahe pero kung tutuusin eh 10 minutes lang kung sa tricycle yun.

Ipinasok na nito ang sasakyan sa may garahe at bumaba na kami. May mangilan-ngilang bisita na rin akong nakikita. Sinisipat ko kung may mga kakilala ako o wala ng may mahagip ang tingin ko. Lalapitan ko sana ng hilain ako ni Mac papasok.

“Ma we’re here.”

“Ang tagal niyo naman.” Wika ng nanay niya.

“Happy birthday po tita!” pagbati ko rito sabay halik sa pisngi.

“Arjay, I miss you hijo. Buti napadalaw ka ulit. Tagal na nung huli mong bisita dito ah.” Sabay yakap nito sa akin.

“Oo nga po tita eh medyo naging busy po nung nag-college na.”

“Sabagay pero alam mo minsan kinukulit ko itong si Makko na dalhin ka rito eh. Na-miss kaya kitang bata ka.” Sabi nito na may kasamang pagpisil sa pisngi ko. “Hala, maiwan ko muna kayo rito. Asikasuhin ko muna iyong ibang mga bisita at ikaw asikasuhin mo iyang si Jay.”

Ngiti lang tugon ko rito.

“Sure thing ma.”

Nang makaalis na si tita ay tiningnan ko ito. Tumingin din siya sa akin. Sumilay sa akin ang isang nakakalokong ngiti.

“Why?” tanong niya.

“Wala naman . . . MAKKO!” sambit ko rito kasabay ng pagtawa.

Tumawa na rin ito at kiniliti ako. Iwas naman ako ng iwas. Para kaming mga tanga na naghahabulan sa loob ng bahay. Buti na lang at sa may bakuran nila gaganapin iyong salu-salo kaya hindi kami nakakaistorbo.

“Ang kulit mo Makko, tama na.” Sabi ko rito dahil hinihingal na ako.

“Ulitin mo pa akong tawaging ganyan at makakatikim ka talaga sa akin.”

“Talaga lang huh.”

“Oo.” Sagot niya habang nasa kabilang dulo ito ng lamesa sa kusina.

“MAKKO!” sambit ko.

Muli hinabol niya ako hanggang sa hindi sinasadyang may nabunggo ako. Dahil sa intense ng pag-iwas ko kay Mac ay muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nahawakan nung taong nabunggo ko.

“Ikaw?” sabay pa naming nasabi.

(itutuloy)

Sunday, June 24, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 6



Kamusta po sa lahat? ^_^

Una, pasensya na po sa lahat kung ang tagal ng post nanaman. Dapat sana ay ipopost ko ito nung isang araw pa kaso naman po ay ako po ay nilagnat. Kaya pagpasensyahan nyo na pong muli.. :)

Pangalawa, gusto ko lang din po i-promoteang story ng isang kapwa manunulat at kaibigan na si Heaven at ang kanyang akda na "First Time: Jake". Read nyo po ha :)

Pangatlo, Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,el Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

Ayan, di ko na patatagalin ha.. Salamat po ulit sa mga tumatangkilik nito :)) Isang malaking kiss!! MMWWAAHH!! :)

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Shattered Dreams (Teaser)



Si Renz. Cute. Moreno. Matalino. Bibo at makulit. Mapagmahal na anak at kapatid. Mahahanap kaya niya ang tunay niyang pag-ibig?

Si Gade. Gwapo. Matangkad. Mistiso at may pagka intsik. Magtuturo ng tunay na pag-ibig kay Renz. Haharapin  nila ang hamon ng kanilang pag-iibigan nang mag-kasama. Sa mura nilang edad. Hanggang saan nila kakayanin ang pagsubok ng kanilang pag-iibigan? Hanggang kailan nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan?

Si Marlon.  Makisig. Gwapo. Matangos ang ilong. May maputi at pantay na mga ngipin. May matang kaakit akit. May balbas na bagay na bagay sa kanyang maputing kutis. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Renz?

Isang kwento ng pagharap sa kani-kanilang hamon ng buhay. Sa hamon ng kanilang pag-iibigan. Isang pag-buo ng pangarap. Nang nawaksak na pangarap.

Shattered Dreams.


Abangan...

Friday, June 22, 2012

Love Me Like I Am (Book 2 Part 16)

Natapos ko na po kahapon ang LMLIA. Naiyak pa ako nung nai-type ko ang last word sa chapter na iyon, plus noong maisulat ko ang "WAKAS". Grabe lang, AT LAST! Hehehe. Salamat po sa lahat ng mga sumubaybay. Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat ng taong patuloy na sumusubaybay sa una kong story at sa GM's Diary.

Anyway, Eto na po ang Part 16. Muli, maraming salamat sa lahat.


Click here: LOVE ME LIKE I AM CHAPTER GUIDE

----------------------------------------------

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 16: "All For Love"


 



Hininto ko ang sasakyan sa taas ng burol, tanaw ko sa di kalayuan ang dating clubhouse ni Ely. Dito nag-umpisa ang pagbabago sa aking buhay… At maaaring dito rin matapos ang lahat. Tiningnan ko ang aking orasan, it was 11:55pm.

Bumaba ako ng sasakyan, dumampi sa aking balat ang malamig na ihip ng hangin. Napaka-dilim ng paligid. Inikot ko ang mata sa lugar. Madilim ang mismong paligid ng clubhouse at ang malawak na parking area lang ang maliwanag gawa ng mga street lights na nakatirik sa lugar.

Habang iniikot ko ang aking mga mata’y nakita ko ang isang babaeng nakatali sa isang poste sa gitna ng parking area. Bigla kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib, parang nanghihina ang aking mga tuhod sa nakita. Agad akong tumakbo pababa sa lugar na iyon.

Nang makalapit ako sa kanya’y hindi ko napigilang maluha, agad kong nakita ang duguang braso’t binti nito. Parang hampas ng latigo ang sanhi ng kanyang mga sugat. Nakatakip ng itim na masking tape ang kanyang bibig. Napaka-pula ng kanyang mga mata, bakas dito ang sobrang hirap. Parang dinurog ang aking puso, awang-awa ako sa kanya at sa anak namin. Hindi ako makahinga ng maayos. Tinanggal ko ang masking tape na nakatakip sa kanyang mga bibig.

“Ella… Ella.” Habang patuloy ang pagtangis ng aking mga luha.

“Gab… gustuhin ko mang umalis ka dito, pero naiisip ko kasi ang anak natin… Gab hindi ko alam…” Sabay hagulgol niya.

“Ssshhh…” Tiningnan ko ang mga kadenang nakapulupot sa kanya, nakita kong may napakalaking box na may screen at may keypad dito.

“Paano buksan ito Ella? Nasaan si Steph?”

Pumikit si Ella na parang humugot ng lakas. Tumingin siya sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang pangamba, alam kong gusto niya akong iligtas mula kay Steph, ngunit gusto rin niyang iligtas ang anak namin. Isa pa kahit wala ang anak namin, wala rin akong planong iwan siya dito kahit gustuhin niyang umalis ako. Alam kong ako ang habol ni Steph, hindi si Ella. Ako ang dapat harapin ni Steph, walang dapat madamay sa away naming dalawa.

“Gab… Nakita mo ba yung pulang switch sa gilid ng poste na ito? Sa aking kaliwa?”

Tumingin ako doon at nakita ko ang tinutukoy niya. Tumango ako.

“Kapag pinindot mo yan, bubukas ang lock sa loob ng clubhouse, hanapin mo raw doon ang clue sa code ng box na ito para ma-unlock, nasa third floor daw ito sabi ni Steph, hindi niya sinabi kung saang eksakto pero nandoon daw sa floor na iyon. Pero Gab. Kapag pinindot mo ang switch na iyan, it will start the timer…” Napayuko siya at muli’y napahagulgol.

“Timer ng?”

“Bomb… May bomba sa loob ng clubhouse Gab… 5 minutes lang yun Gab.” At tuluyan na siyang umiyak.

Muli kong naramdaman ang takot sa aking dibdib. Napalunok ako. Ramdam ko ang bilis nang tibok ng aking puso. It was like a thousand horses running in my heart. My hands are trembling. Takot man ang namamayani sa aking puso’y hindi ko ito pinahalata sa kanya. Dapat kong iligtas si Ella at ang anak namin. Kung meron mang dapat na mamatay dahil sa kasamaan ni Steph, ako yun at wala ng iba pa.

“Ella…” Hinawakan ko ang kanyang pisngi at binigyan ng isang ngiti.

“I’ll be fine okay? Para sa anak natin.” Tumango lang siya, bakas pa rin sa mukha ang magkahalong takot, lungkot at matinding hirap.

Humarap ako sa switch, tiningnan ko rin ang clubhouse. Malapit lang ito kung tatakbuhin, alam kong kakayanin ko ito, para sa anak namin.

Huminga ako ng malalim at ilang sandali pa’y pinindot ang switch kasabay ang aking pagtakbo papunta sa clubhouse.




She was smiling cunningly when she saw the red light blinked in the middle part of the post, it was a sign that Gab pushed the switch, she knew the game is on.

“It’s time to meet a painful death Gab. Neither you or Ella, or even your unborn bastard child will live. Jared is mine and only mine. I will do everything, even if I had to sold my soul to the devil just to get what I want.” She laughed devilishly.



Habol hiningang narating ni Gab ang pinto ng clubhouse, agad niyang binuksan ito. Bumungad sa kanya ang magulong kwarto. Nakita niya ang mga nakabalot na putting tela sa lamesa at upuan. Nakita rin niya ang mga gallon ng gasulina sa gilid ng buong kwarto. Agad siyang umakyat patungong third floor, hindi alintana ang takot at kabang nararamdaman nito. Tanging naiisip na lang niya ng mga oras na iyon ay mailigtas ang kanyang mag-ina.

Nang marating niya ang ikatlong palapag ay bumungad sa kanya ang isang malaking screen ng timer. Nakita niyang may tatlong minute at labing tatlong segundo pa siya para hanapin ang clue at makabalik sa kinatatayuan ni Ella. He followed his instinct, he rushed towards the 2nd room to his right, hindi niya maintindihan kung bakit, he just followed the voice inside his mind. Nang makarating siya doon ay nakakandado ang pintuan ng kwartong ito. He knew it was a trick, alam niya ring wala na siyang oras. Kinuha niya ang baril sa kanyang bulsa. Kinasa ito at tinutok sa maliit na padlock at pinutok.

Nang masira ang padlock nito’y agad niyang sinipa ang pintuan. Nakita niya sa gitna ang isang malaking box na may green switch. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, tumingin siya sa kaliwa at muli’y nakakita ng isa pang timer. He still have two minute and forty-six seconds. Wala na siyang inaksayang panahon, kahit hindi niya alam ang gagawin ay agad na niyang pinindot ang green switch. Sa pagpindot ng switch ay biglang may boses na nagsalita.

“Welcome Gab… Nagustuhan mo ba ang laro natin?” sabay tawa na parang demonyo. Alam niyang recorded voice ito ni Steph.

“By now, malamang sa malamang ay ubos na ang oras mo. Anyway, since naaawa na ako sa iyo, I’ll give you a hint sa code. My hint is… The day where everything fell into my hands. Goodluck Gab! Ngapala, yung box na nakadikit kay Ella, sasabog sasabog iyon one minute and thirty seconds after sumabog ang building na ito. Ikamusta mo na lang ako kay Satanas.” Humalakhak ito at nawala ang boses.

He was devastated of what he heard. Nanlumo siya sa narinig, tanggap niya kung siya’y mamamatay na ng mga oras na iyon, ngunit hindi niya naisip na maaaring madamay ang anak niya at si Ella. Hindi rin niya naintindihan ang clue, para siyang mababaliw sa mga oras na iyon. Gusto niyang iligtas ang mag-ina niya ngunit hindi niya alam kung papaano. Akmang tatalikod na siya upang umalis ay biglang sumarado ang pinto. Pilit niyang binuksan ito, tinulak, sinipa, lahat ginawa niya ngunit ayaw. Napaluhod siya’t napatingin sa timer, wala na siyang magawa kundi humagulgol. Nakita niyang eksaktong dalawang minuto na lang ang natitirang oras bago sumabog ang gusali. Ramdam na niya ang kawalan ng pag-asa. Napa-upo siya at nanalangin.

“Kayo na pong bahala sa akin Diyos ko… Okay lang po kung mamamatay na ako ngayon, basta iligtas niyo lang po si Ella at ang anak ko. Hindi ko po alam kung papaano, pero nakikiusap po ako, iligtas niyo po sila. Pakinggan niyo po ako, nakikiusap ako.”
Nasa ganoon siyang pag-iyak nang muli niyang marinig ang isang boses.

“Sa likod.” Boses lalaki ito.

Napatigil siya sa pag-iyak.

“Gab, sa bintana, sa kaliwa.” Sabi naman ng boses ng babae.
Nanlaki ang kanyang mga mata, kilala niya ang dalawang boses na iyon. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang bintana. He knew this is the only way out. Muli niyang tiningnan ang timer. The timer is down to one minute and twenty-eight seconds. Walang pagdadalawang isip ay tumakbo siya sa bintana at dumungaw sa kaliwa. He saw a very thick water pipe, then next to the pipe is a fire exit stairs. Alam na niya ang kanyang gagawin. He has to cross the water pipe towards the fire exit to escape.




Ella was terrified. Nanginginig ang kanyang panga sa kaba na kanyang nararamdaman. Her heart was about to explode because of so much fear. Hindi niya alintana ang hirap na kanina pa nararamdaman, ngunit sa mga sandaling ito’y unti-unti na niyang nararamdaman ang sakit, naramdaman niya ang pagdaloy ng tubig mula sa kanyang sinapupunan. She screamed.

“Gaaaaaaabbbbbb!!!!!” Her voice echoed throught the whole place. Alam niyang manganganak na siya.Sobrang sakit ng kanyang tiyan, she was gasping. Ilang sandali pa’y nakarinig siya ng napakalakas na pagsabog. Ang madilim na lugar ay nabalot ng kulay pulang liwanag, a light of fire. Naisip niya ang kinahantungan ni Gab, she was devastated.



Steph was laughing devilishly, a laugh of triumph. At last, nakaganti na siya kay Gab, dagdag pa rito’y ilang sandali na lang ay sasabog ang box na naka-kabit kay Ella. Everything turned out the way she planned.

Nasa ganoon siyang pagsasaya nang makita niyang may tumatakbo mula sa likuran ng sumabog na clubhouse. She was shocked, nanlaki ang kanyang mga mata. She wants to believe that her eyes are deceiving her, but it’s not. She saw Gab running towards Ella.
“NOOOOOO!!!!!” Pagwawala niya na parang baliw habang pinupukpok ang manibela ng kanyang kotse. Ilang sandali pa’y kumalma siya, naalala niyang may bomba rin sa box na nakakabit kay Ella. She grinned exultantly with evil in her eyes. Hindi pa tapos ang laro, alam niyang magtatagumpay siya.




Gab rushed towards the post kung saan nakakadena si Ella.Pagkatapat sa poste’y napahinto siya habang ang kanang kamay ay nakahawak sa poste. Ella was surprised of what she saw. Her face brightens, from a hopeless face full of despair to a face full of joy and hope. Walang mapaglagyan ang saya na kanyang nararamdaman nang makita niyang buhay ang pinakamamahal. 

“Gab…” She tearfully said with unmeasurably joy in her eyes.

“Ssshhh… I’m fine.” Gab said while looking at the box na nakakabit kay Ella. He saw thirty seconds left. Kailangan na niyang i-enter ang code para mailigtas ito at ang anak nila, ngunit hindi niya alam kung ano.

“The day where everything fell into my hands.” Gab whispered.

Naisip niya ang petsa kahapon kung saan kinidnap ni Steph si Ella, maaaring ito ang sagot sa code. Ngunit naisip niya pa ang mga past events na nangyari sa kanila. Nakita niyang fifteen seconds na lang ang natitira. He was about to enter the day yesterday nang bigla niyang maalala ang nasusunog na kumpanya ng kanyang ama kung saan muntik na siyang mamatay, 4 years ago.

“April 1, 2003!” He shouted excitingly. Nagulat si Ella, she gave him a quizzical look, bakas pa rin sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Gab hurriedly entered the date, 412003. The timer stopped, and the box has been unlocked kasama ang kadena nito. Walang mapaglagyan ang saya sa dalawa. Gab tearfully hugged Ella. Yumakap rin si Ella ngunit bigla itong sumigaw, sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.

“Gab… Manganganak na ako Gab…” She said while gasping. Inalalayan ni Gab si Ella paalis sa lugar na iyon. Wala pang sampung segundo’y may nakita silang rumaragasang sasakyan, it was approaching them. Hindi sila nakakilos, nasilaw sila ng liwanag mula sa headlight nito. Ilang sandali pa’y naramdaman nila ang semento. Agad na inangat ni Gab ang kanyang ulo, nakita niyang katabi si Ella, wala silang sugat o bali na natamo, sa di kalayuan ay nakita niya ang isang lalaking duguan na nakahandusay sa sahig. Nakita niya kung sino ito. He screamed in despair.

“Jareeeeeeddd!!!” He burst into tears. He screamed echoed through the place. He was devastated. Dali-dali siyang lumapit dito. Nakita niya ang kanyang pinakamamahal, duguan, walang malay. Nasa ganoon siyang pag-iyak nang maramdaman niyang tumama sa kanyang mukha ang ilaw. Tiningnan niya ito, nakita niya ang isang kulay itim na Honda Civic, nakaharap ito sa kanya, medyo malayo ito. Sa bubong nito’y may nakapatong na mega-phone. Ilang sandali pa’y narinig ni Gab ang isang boses mula sa mega phone.

“Stupid Jared, hindi bale, kung hindi ka rin lang mapapasaakin ay mabuti pang mamatay ka na!” She laughed devilishly. Alam ni Gab na si Steph ang nagmamay-ari sa boses na iyon.
“Ngayon Gab, gusto kong makita mo kung papaano ko papatayin ang anak mo!” Her voice was full of rage. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan at tinumbok si Ella.

“Elllaaa!!!” Gab screamed. Pilit na tumayo si Ella ngunit sadyang mabilis ang kotse ni Steph. Gab was just there, wala siyang magawa kundi panuorin ang mga nangyayari, para siyang naging estatwa sa kinatatayuan, katabi ni Jared. Akmang tatakbo na siya upang sagipin si Ella’y biglang may lumitaw na isa pang sasakyan, kulay blue na BMW, humarang ang BMW sa dadaanan ng sasakyan ni Steph na naging sanhi ng pagkabangga ng Honda Civic nito sa blue na BMW. Pagkabanggang-pagkabangga ng Honda civic ni Steph sa BWM ay biglang tumilapon mula sa driver’s door ang isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Gab, alam niya kung kaninong sasakyan iyo, his hands are trembling, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Sana’y hindi ang lalaking iyon ang nakita niyang tumilapon.

Tumayo si Gab at agad na tumakbo papalapit sa tumilapon na lalaki. At doon niya nakumpirma kung sino ito, pakiramdam niya’y dumilim ang kanyang paligid.

“Aaacceee!!!” Paghagulgol niya sabay yakap dito. 

Nasa ganoon siyang pag-iyak nang marinig niyang bumukas ang pinto ng itim na Honda civic, linuwa nito ang isang babaeng naka-itim na jacket, itim na pants at itim na heels. Dagdag pa ang kulay pulang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg. Muling naalala ni Gab ang ganitong ayos ni Steph, four years ago, pinagkaiba lang ay ang kulay ng scarf at ang kulay pulang blouse nito noon. Tumayo siya, makikita sa kanyang handa na siyang harapin ang mortal niyang kaaway. He’s rage is in different level, una ang anak niya at si Ella, then si Ace at Jared. Lahat ng mahal niya sa buhay ay dinamay ng babaeng ito.




Naisip ko si Jared at si Ace, ang sakripisyo nila para sa akin, simula noon hanggang ngayon, nandyan sila para sa akin. Hindi nila ako iniwan. Hanggang sa pagsasakripisyo ng kanilang buhay ay ginawa nila para sa akin.


All for love. I thought.


Hinugot niya ang isang baril mula sa kanyang bulsa. I didn’t feel any fear at all. Handa na akong harapin ang kapalaran ko.

"Nakita mo na Gabriel? Nakita mo na kung anong nangyari sa mga mahal mo?" Sabi ni Steph sabay halakhak na parang demonyo.

Itinuon ko ang aking mga mata sa nakahilatang si Jared at Ace. Parang madudurog ang puso kong makita ang dalawang lalaking mahal ko sa lagay na iyon. Rinig ko naman sa likuran ang pagsisisigaw ni Ella. I know she’s in terrible pain.

Dahan-dahan kong inuusod ang aking mga paa upang makalapit kay Steph.

"Nakita mo na kung saan ka dinala ng punyetang pagmamahal na yan ha!" Sabi niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata.  Patuloy pa rin ako sa pasimpleng paglapit ko sa kanya.
 
"Lagi na lang may nagliligtas sa iyo. Lagi na lang may nag-aalaga sa iyo... But this time, it's different. You're all by yourself." Matigas na sabi ni Steph kasabay ang pagtulo ng luha nito habang nanginginig na nakatutok ang baril sa aking ulo. It was few inches away from me.
 
“Goodbye Gab!” Naalala kong sinabi niya rin sa akin ito noong pinagbababaril niya ako sa may bangin kung saan muntik na akong mamatay, noon hindi ako lumaban, pero iba na ngayon. Pagkasabing-pagkasabi niya ng katagang iyon ay agad kong sinipa pakaliwa ang baril gamit ang kanan kong paa. Tumalsik ito. Nagulat siya, agad akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang sapak. Agad kong hinablot ang kanyang buhok at nginudngod sa may bintana ng kanyang sasakyan, hindi pa ako nakuntento, paulit-ulit ko siyang inuntog doon, linabas ko ang lahat ng galit ko para sa kanya. Habang ginagawa ko iyon ay naiisip ko si Jared, Ace, Ella at ang anak ko.
 
Nasa ganoon akong pag-untog-untog sa kanya ng bigla niyang inapakan ang aking paa, nabitiwan ko siya dahil sobrang sakit iyon gawa ng kanyang heels. Akmang sasampalin niya ako’y naagapan ko ito, hinawakan ko ang kanyang braso at pagkatapos ay tinuhuran siya sa kanyang sikmura, pinilipit ko ang kanyang braso at pagkatapos ay isinubsob siya sa hood ng kanyang sasakyan. Muli’y sinipa niya ako at tumama iyon sa akin binti, napadapa ako sa semento habang siya nama’y tinumbok ang baril na di kalayuan sa amin. Nang makuha niya ito’y linabas ko ang baril sa aking bulsa, tinutok niya ang kanyang baril sa akin habang ang akin nama’y nakatutok sa kanya, saktong-sakto lang ang pagkakatutok ng mga baril naming sa isa’t-isa. Tumayo ako. Tumawa siya ng parang demonyo.
 
“So it ends here.” 

“Ayaw ko man sa ganitong paraan matapos ang lahat Steph… Pero kung idadamay mo ang mga mahahalagang tao sa buhay ko ay hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ito.” Tukoy ko sa baril na hawak ko.
 
“Nagbago ka na nga… But still, you’re the clown na pinandidirihan ng lahat.”
 
“Yes… But that clown si stronger and wiser now, and that clown will end everything.”
Pansin ko ang pagdilim ng kanyang mukha.
 
“Die!!!” She shouted. At umalingawngaw sa buong lugar ang isang putok ng baril. Rinig ko rin ang pagsigaw ni Ella.
 
Nagulat ako sa aking nakita, para akong naging estatwa. Nakaramdam ako ng matinding pangingilabot, I was terrified. Nakita ko ang dugo mula sa kanyang damit, siya’y bumagsak. Hindi ko ineexpect na makakalabit ko ang baril, walang mapaglagyan ang gulat sa aking mga mata. Ilang sandali pa’y nanginginig kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Enso habang papalapit kay Ella, napansin kong nawalan na ng malay ito.
 
“Hello Kuya Gab nasaan ka?” Bakas sa kanyang boses ang taas ng tono nito at pag-aalala.
 
“Enso, magpadala ka ng Pulis at Ambulansya sa dating clubhouse nila Ely sa tagaytay. Duguan si Kuya Jared at Kuya Ace mo, ang Ate Ella mo naman manganganak na pero nawalan na ng malay.”
 
“Anong nangyari Kuya Gab?”
 
“It has something to do with Steph, basta Enso, dalian mo kailangan ko na ng tulong as soon as possible… Please En—“ hindi ko natapos ang aking pagsasalita nang makarinig ako ng isang putok mula sa aking likuran, ramdam ko rin ang pagtama ng bala sa aking likod. Nabitawan ko ang aking cellphone. Pilit akong humarap sa pinanggalingan ng bala.Napaluhod ako.Nakita ko si Steph, hawak-hawak ang kanyang tiyan kung saan tumama ang balang mula sa aking baril. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo sa kanyang kamay mula sa kanyang tiyan.
 
“You thought na doon matatapos ang lahat ha?” Bakas sa kanyang boses ang hirap sa pagsasalita.
 
Ilang sandali pa’y muli niyang ipinutok ang baril at tumama ang bala sa aking tiyan. Akmang babagsak na ako’y naitukod ko ang kanan kong kamay, inangat ko ang aking ulo at binigyan siya ng isang matalim na tingin, senyales na hindi niya ako mapapabagsak ng ganito.
 
“Lumalaban ka pa rin ha! Tingnan natin, ngayon… Mamatay ka!” She shouted habang ang baril ay nakatutok sa aking ulo. Wala akong takot na naramdaman, handa akong tanggapin ang ano mang mangyari sa akin, ang importante ay ligtas ang lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay ko at malagot si Steph sa batas.

Akmang ipuputok na niya ang baril ay may nakita akong ilaw sa kanyang likuran, napakiwanag nito. Naagaw ng atensyon nito si Steph, lumingon siya at nagsisisigaw. Doon naging malinaw sa akin ang lahat, it’s a white Mercedes car. Sa isang iglap ay nahagip nito si Steph. Napapikit ako, hindi ko kinaya ang aking nakita, kasabay ng aking pagpikit ay siya ring pagbagsak ng aking katawan.

“Gab!” Sigaw ng isang lalaki. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita kong nanggaling ang boses sa isang lalaking kabababa lamang mula sa putting kotse na iyon na humagip kay Steph. Nakita kong papalapit siya sa akin, iyon ang huli kong natandaan.



(ITUTULOY)
Next Chapter: "The Decision"

Tuesday, June 19, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 5



  

Kamusta po sa lahat? ^_^



As usual, opening remarks muna. Una po, gusto ko magpasalamat sa mga nag add sakin sa facebook. You can still add me po, pakiusap lang po ang msg nyo after adding me, para macategorize ko po.. ahehehehe.. Maliit na kahilingan lang naman po.



Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,el Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)



Hindi ko na po patatagalin.. Enjoy enjoy na lang po! ^_^


COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails