Followers

Saturday, June 9, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 3



Kamusta po sa inyong lahat? ^_^

Una po sa lahat, ay gusto ko uli magsorry sa lahat kung di ako nakakapagpost agad. Sinusubukan ko naman po magpost as soon as I can kaso nga lang po ay marami din po akong ginagawa. Kaya po sana ay pagpasensyahan nyo.

Pangalawa, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa mga positive feedbacks po ninyo. So far, wala pa naman nagagalit. Hehehe.. Pero inspirasyon po sa akin ang mga feedbacks nyo.

Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging 
andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng 
cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki-
-,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, 
iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from 
clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh 
(Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price 
arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, 
ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, 
Lei, arvie04 at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at 
silent readers po. :)

Di ko na po pahahabain!! Enjoy na lang po uli!! :)

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






“Oh, ayan. Para hindi ka na matakot.”, ngiti nyang sabi sabay ayos ng higa nya sa tabi ko. Natameme lang ako. Napatayo naman akong bigla.

“Hah.. Hindi, sige, ayos lang ako. Papatayin ko na yung ilaw ng phone ko. Balik ka na dun sa higaan mo. Swear, ok na ko.”, utal utal kong sagot.

Hays, hindi sa maarte ako. Hindi ko naman tinago na inlove ako kay Larc, diba? Kaso ayoko naman mas mapalapit sakanya sa level na mas lalo ko syang mahalin. Tama na sakin yung magkasama kami sa bahay. At sa iisang kwarto pa. Alam ko ang linya ko sakanya. At dapat hindi ako lumagpas dito. Bakla lang din ako, natutukso. Hindi yung tukso na hipuan sya, ha. Pero syempre, pag patuloy ang ganto, I would want for more. At pag ganun, magkakaroon na ako ng expectations. Ayoko. Dahil paano pag hindi nameet ang expectations nay un? Ayoko masaktan. Ayoko. Ayoko. AYOKO!

“Huwag ka na nga maarte! Matulog ka na lang dyan! Inaantok na rin ako.”

Wala akong nagawa. Nakahiga na sya at nakapikit. Alam ko rin na wala na syang balak pang bumalik sa higaan nya. Huminga ako ng malalim.

Humiga na rin ako at halos hindi gumagalaw. Parang naninigas ang katawan ko. Lalo sa twing dumadampi ang balat ko sa balat nya. Mas parang biglang lumamig ang hangin na nagmumula sa aircon ng kwarto namin. Napabuntong hininga nanaman ako habang nakatingin sa kisame.

Ilang minuto ng patayin ko ang ilaw mula sa cellphone ko ay nakaadjust na ang mata ko sa dilim. May kaunting ilaw pa din naman kasi na naggagaling sa labas ng bintana. Sapat lang upang makaaninag ako ng iilang bagay sa loob ng kwarto.

Galing sa pagkakatingin ko sa kisame ay tumingin ako sa mukha ng aking bestriend. Halatang malalim na ang tulog nito. Napatitig ako sakanya at napangiti sa sarili. Ive been inlove with him for over a decade now. Imagine, 7 years old pa lang ako nun, eh, 18 na ako ngayon. Kahit pa nagka girlfriend ako noon, alam ko sa sarili ko, na sya talaga ang mahal ko.

Naalala ko nanaman ang mga masayang pinagdaanan naming bilang magkaibigan. Ang laki na ng pinagbago ng kaibigan ko. From a weakling, ayan sya ngayon, ang lakas lakas na. Ika nga, from Nottie to Hottie. We always had each other’s back. Sa lahat ng problema, kasiyahan, at okasyon. Kaya nga rin napagkakamalan na kami ng ibang tao.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Agad ko itong pinunasan. Dapat tumigil ako. Ngayon pa nga lang, nasasaktan na ako eh. Magkatabi pa lang kami.

Tumalikod ako sakanya at humarap sa pader.

“Bestfriend ko sya. Tapos.”, nasabi ko sa sarili habang naramdaman ko muli ang pagpatak ng mga luha ko…

Crying was the last thing I remember before falling asleep.




Nagising ako kinaumagahan na parang may nakamasid sakin. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Halos manlaki naman ang mga mata ko ng tumambad sa harapan ko si Larc na nakatingin sakin. Gising na ito at nakatingin lang sa akin. Sabay bigla syang ngumiti.

“Gising ka na pala. Bat di mo ko ginising?”, sabay kunwaring pumikit at inilayo ang mukha sakanya.

“Wala bang good morning muna? Eh, ang sarap ng tulog mo eh. Hindi kita makuhang gisingin.”

“Good morning pala.”, sabay bangon sa pagkakahiga at umupo.

Tahimik lang at nagkuskos ako ng mata sabay tanggal ng muta. Tiningnan ko ang orasan, 8:30 am.

“Gutom ka na ba?”, pagharap ko sakanya sabay tanong. Tumungo lang ito na parang aso na nagpapacute pa.

“Maka pacute naman. Umagang umaga. Tara, bangon na tayo!”, pangiinis ko.

Habang nagluluto ako ng agahan ay pinaligo ko na si Larc. Aalis kasi kami ngayon para ayusin ang schedule ko at malapit na ang pasukan. Pero habang nagluluto rin ako ay di ko maiwasan hindi maalala ang nangyari kagabi. I remember crying.

“Mas okay na kaso wala.”, nasabi ko sa sarili ko. At tulad din ng sinabi ko sa sarili ko dati pa, bestriend ko sya at DAPAT hanggang doon na lang iyon.

Natapos syang maligo at sabay kaming nag umagahan. Nang matapos naman ako ay naghugas sabay naligo na rin. Pagtapos ay agad kaming umalis.

Naging tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan. Nakinig sa radio habang nakatingin sa labas. Ewan ko, pero ang awkward ng pakiramdam ko. Ganito kasi ako sa twing nararamdaman ko ang pagusbong ng damdamin ko para sa kaibigan. Kailangan dumistansya ako ng kaunti para bumalik ako sa pagka steady ko ulit.

“Oh, bat ang tahimik mo? Umaga na. Wala ng mumu!”, pagbibiro ni Larc. Tumingin lang ako at ngumiti.

“Wala, inaantok lang ako. Hindi kasi ako masyado nakatulog kagabi.”

Ngumiti lang din sya. Nakita kong kinuha nya ang kanyang cellphone at nagtext.

Pagdating namin sa university ay pinasa ko ang mga papel ko at kumuha ako ng schedule ko. Inayos ko ang sched ko na tugma kay Larc. Para hindi na masyadong hassle. Tsaka ako din kasi ang nagluluto para sakanya, kaya kailangan sabay o mauna akong umuwi sakanya. Yun na din kasi ang pinaka share ko since wala naman akong binabayaran sa bahay. Pero one way or another ay talagang mauuna ako umuwi sakanya dahil may training pa sya para sa basketball nya.

“Yes naman! Talagang dito ka na papasok!”, nakangiting sabi ni Larc.

“Oo nga eh! Ang ganda pala ng school na to talaga. Malawak. Hindi tulad dun sa pinasukan ko sa atin.”

“Oo naman! Ibang iba talaga dito! Pero ang masaya dun, is kasama na ulit kita sa school! Balik nanaman ang bonding natin!”, masayang sabi nya. Ngumiti lang ako.

Pagkatapos ko kumuha ng schedule ay nagpunta kami sa mall upang kumain. Ayoko na nga sana kasi si Larc nanaman ang taya. Nahihiya din naman ako, no. Kahit pa sabihin natin na bestriend ko sya.
“Sana sa bahay na lang tayo kumain. Mas nakatipid pa sana tayo.”, pagsabi ko.

“Ano ka ba, ok lang. Tsaka madalas naman akong kumain sa labas. Hindi naman kasi ako nagluluto tulad dati.”, tugon nya. Oo nga naman. Malamang nakatikim na lang sya ulit ng lutong bahay nung dumating ako. Iba nga pala ang buhay mayaman.

Pagtapos naming kumain ay nagpunta kami sa grocery para bumili ng makakain sa bahay. Humiwalay naman ako sandali upang makabili ng mga sarili kong pangangailangan. Ayoko namang iasa pa sakanya yung mga ganitong maliliit na bagay. Nakakahiya na talaga.

Nakita ko si Larc na nakapila na kaya nagtago muna ako. Sinakto ko na sya na ang nagbabayad bago ako pumila. Kaya ng sya na ang nagbabayad ay pumila na ako sa ibang counter.

Nang mapunch na ng kahera ang mga items ko ay agad kong nilabas ang wallet ko at nagbilang ng pera na pambayad.

“Sabi na, eh. Miss, ito na.”, biglang sulpot ni Larc at abot ng credit card nya sa kahera. Kinuha naman nya ang pera ko at wallet sabay balik nito sa loob. Agad kong inagaw ang wallet ko.

“Miss, huwag yan. Eto.”, sabay abot uli ng pera sa kahera. Muka namang naconfuse ang kahera kung anong gagawin. Pero hinawi ni Larc ang pera ko.

“Sige na, Miss.”, ngiti nyang sabi sa kahera.

“Larc, ano ka ba. Wag na.”, nahihiya kong sabi.

“I insist.”, nakangiting sabi nito.

Wala na akong nagawa dahil naswipe na ng kahera ang credit card ni Larc. Ngumiti lang sakin ang kahera.

“Ang sweet naman ng boyfriend mo. Buti ka pa.”, sabi ng kahera. Namula naman ako bigla.

“H-Hindi ko sya boyfriend!”, natataranta kong sagot. Ngumiti lang ang kahera. Natawa lang naman si Larc.

“Ikaw talaga mahal. Mapagbiro ka.”, ngiti nya sakin na tipong nangiinis.

Pagtapos makapagbayad ay dali dali kong binitbit ang pinamili ko at nagmamadaling naglakad palayo. Namumula pa rin ako sa hiya at kaba. Sumunod lang si Larc sakin at tawa pa din ng tawa.

“Natawa ka pa! Akala tuloy ni ate, boyfriend talaga kita.”, galit kong sabi kay Larc.

“Ano namang masama?! Eh hindi naman natin makikita ulit si ate siguro. Tsaka bestfriend naman kita.”

“Kahit na. Hindi nakakatawa.”

“Ito naman, napakasensitive. Joke lang naman yun.. Unless…. Hindi biro sayo yun.”, nakangiti nyang sabi. Mas nakakaasar yung tono nya ng pagtatanong kesa kanina. Talagang nangiinis pa sya.

At OO! Nakakainis talaga! Nakakainis kasi masakit. Masakit kasi totoo. Pero hindi ko masabi sakanya.

“Ang kapal naman ng mukha mo! Kahit ganto ako, hindi ako magkakagusto sayo, no! Hindi tayo talo dre!”, pagdedepensa sa sarili ko.

“O, Kalma lang. Eh bat may galit ka sa puso? Kalma lang uy!”, pagtatawa nya.

Nako! Baka masyado akong naging defensive at obvious pakinggan. Masyado ata akong nadadala. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.

“Hay nako. Larc, maaring gwapo ka paningin ng iba. Pero bestfriend kita, kaya hindi ako magkakagusto sayo, noh!”, nakangiti kong sabi.

“Defensive talaga? Kailangan magexplain?”, pang aasar pa nya.

Oo. Kasi kung sasabihin ko sakanya ang totoo, baka masaktan lang ako. Siguro nga, hindi ko malalaman kung baka gusto din nya ba ako kung di ko sasabihin, pero pano pag hindi? Im not willing to risk 11 years of our friendship.

“Lul. Mukha mo.”, pahbibiro ko na lang din. Kahit tagos sa buto ang sakit.

 Tahimik pa din ako sa loob ng sasakyan ni Larc. Parang sunod sunod kasi ang mga nangyaring hindi magandang biro ng tadhana sakin. Una yung kagabi, tapos yung kanina. Alam ko joke lang yun, at ang babaw para mag emote ako. Pero ang hirap magbiro sa taong mahal mo. Kasi ang biro saknya, ay totoo na sayo. Hays. Buntong hininga ko nanaman.

Days passed by at sinubukan kong ibalik ang normal na samahan namin ni Larc. Trust me, hindi madali pero sa tagal ba naman, naging talent ko na rin ang pagbabaon ng damdamin ko para sakanya.




Unang araw ng pasukan at sobrang excited naming pareha ni Larc. Maaga akong gumising upang maghanda ng almusal naming dalawa. Maaga din kaming umalis dahil ayaw naming ma traffic papunta sa school.

Pagpasok namin sa school ay halatang kahit dito ay sikat si Larc. Ang daming bumabati sakanya na mga tao. Umaapir apir pa ang iba. Ibang klase talaga. Pagtapos ay dumirecho  na kami sa unang klase namin. Pinakilala naman nya ko sa ibang kaibigan nya. Mukha nanamang mababait ANG IBA.

“Oh, pare. Hindi ko alam na pwede ka na palang kumuha ng assistant sa school.”, pagbibiro ng isang kaklase nya, si Andre. Sabay tawa nya at tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

“Loko. Nako Ryan, huwag mo pansinin yan. Palabiro talaga yan. Si Andre nga pala, kasama ko sa team sa basketball.”, pagdedepensa ni Larc sa akin.

Nanliit ako bigla. Napatingin ako kay Andre at kay Larc, pagtapos naman ay sa sarili ko. Sa porma at ayos, halatang magkaiba kami. Kaya na rin siguro na mukha akong alalay ni Larc. Nanliit naman ako bigla.

“Ryan, pare.”, simpleng tugon ko.

“Uy, Andre nalang. Ikaw pala yung sinasabi ni Larc na tropa nya sa probinsya na papasok dito. Nice to meet you, pre.”

Tumango lang ako. Para kasi akong biglang na-op.

“Nako pre, matalino tong bespren ko. Baka di mo alam, yan ang valedictorian naming. Huwag mong ismolin yan!”, sabay akbay sakin ni Larc at ngumiti.

“Patay tayo dyan pre. Genius pala to. Pasensya na pre, ha. Mapagbiro lang ako talaga.”, sabay tawa pero tumingin ito muli sa akin ng maangas.

Ang sumunod kong klase ay hindi ko kaklase si Larc, nag full kasi ako ng load eh. Kaya bakante sya sa susunod na oras. Nagpaalam ito na sasama muna sa barkada. Text ko na lang daw sya pagtapos ng klase ko.

Pumasok ako sa susunod kong klase at naupo sa likod. Wala namang kakaiba habang nagkaklase. Nahihiya akong nagpakilala sa mga iba kong kaklase. Napansin ko naman ang isang lalake sa bandang gitna na nakatingin sakin.  Napatingin din ako sandal pero inalis ko rin agad ang tingin ko.

Nang matapos ang klase ko ay tinext ko agad si Larc. Sinabi nito na hintayin ko daw sya at susunduin nya ako sa classroom ko.

Maya maya ay dumating na si Larc kasama ang ilang kaibigan nya. Mukhang pati ang mga kaibigan nya ay kilala sa school dahil ang daming bumati na mga kaklase ko sakanila. Wow talaga.

“Kamusta klase? Ano, ayos ba?”, pagtatanong ni Larc.

“Ha, ah, oo. Ok naman.”

“Good. Ay, ito nga pala si Bryan, Kulas, at si Gino.”, pagpapakilala nya sa mga kasama. Mukha namang mabait ang tatlo, agad pa nga silang nakipagkamay. Nagpakilala din naman ako sakanila.

“Ryan.”, tanging tugon ko.

Pagtapos ay dumirecho kami sa cafeteria ng school upang kumain ng tanghalian. Agad kaming pumila. Pero nagulat ako dahil medyo may kamahalan ang mga pagkain.

“Anong sayo?”, tanong sakin ni Larc.

“Huh? Hindi ko pa alam eh. Tsaka busog pa ako. Ikaw na lang kumain.”, nahihiyang tugon ko. Alam ko kasi si Larc nanaman ang magbabayad kung saka sakali. Nakakahiya nanaman. Yung mga personal ko ngang gamit sa bahay, siya na ang nagbayad, hanggang sa araw araw na pagkain ko pa ba naman sa school? Hindi na pwede yun. Masyado nang nakakahiya. Hindi pwede yung ganito.

“Busog o nahihiya ka nanaman?”, sarkastikong sagot ni Larc.

“Larc.. Ok lang ako. Sige na, kumain ka na.”, nahihiya kong tugon.

“Ok. Sabi mo, eh.”, tugon nya.

Actually, medyo gutom nga ako. Pero nakakahiya naman, diba? Yung feeling na gutom ka tapos mawawala dahil sa ilang at hiya. Mismo!

Umalis na ako sa pila at humanap na lang ng mauupuan at doon naghintay. Maya maya ay bumalik na si larc kasama ng mga tropa nya. Pagkaupo naman ay agad na naglagay ng pagkain sa harap ko si Larc. Nagulat naman ako bigla. Magsasalita n asana ako ng nilakihan lang ako ng mata ni Larc.

“Kain na.”, tanging sabi nya.

Ewan ko ba. Pero that moment, parang ayaw ko talaga kainin yun. I mean, ok, sanay naman ako na nililibre ako ni Larc dahil alam nyang kapos ako. Pero ngayon, iba na. halos lahat ng pangangailangan ko, sya na ang sumasagot. Alam kong hindi nya iisipin na oportunista ako or what. Pero still, nakakapanliit. Kahit man lang sa ganitong bagay, hindi ko masuportahan sarili ko.

Hindi ako halos nagsalita habang kumakain kami. Naiilang kasi talaga ako. Simula bukas, magbabaon ako ng pagkain.

Pagbalik ko sa isang klase ko ay nakita ko nanaman yung lalaking nakatingin sakin kanina sa isang klase ko. Katabi ko lang si Larc at ang ibang tropa nya. Napansin ko naman na panay ang tingin sa akin ng binatang yun. Sa twing napapatingin kasi ako sakanya ay nahuhuli ko itong nakatingin sakin. Ang awkward.

Dumaan ang maghapong klase at uwian na. Buong apon ay kasama ko si Larc at ang tropa nya. Pero ngayong uwian na, ay naiwan akong mag isa dahil may training pa si Larc para sa basketball nya. Kaya naman naiwan akong mag-isa dahil kailangan ko pa syang hintayin.

Sinamahan ko sya hanggang sa gym at nagpaalam akong magiikot ikot muna sa school para pampalipas oras. Pumayag naman sya basta bumalik daw ako pag malapit na silang matapos. Um-oo agad ako at agad agad na umalis.

Naglakad lakad ako sa loob ng school. Malawak talaga ito. Ang daming building, at medyo may kalayuan ang mga pagitan nito. Kumpleto ang school, may soccer field, swimming pool, track and ield, computer lan, chem. Lab, at kung ano ano pa. Meron pang mini theatre. Grabe, napakaswerte ko talaga na nakapasok ako sa iskwelahang ito. Pero kamusta na kaya sila Inay? Isip isip ko bigla. Kinuha ko ang aking cellphone at dinaial ang number ng Inay.

“Hello Inay?”

“Oh, anak. Buti napatawag ka. Kamusta dyan sa bago mong iskwelahan? Maganda ba?”

“Naku Nay, maganda ho talaga.Ibang iba dyan sa atin. Pasensya na ho kayo kung hindi ako nakakatawag, ha. Tinitipid ko kasi yung perang ibinigay nyo po sa akin.”

“Naku anak, pasensya na rin ha. Hindi ka rin kasi naming mabigyan ng sapat para sa pangangailangan mo. Pagpasensyahan mo na ang nakayanan naming, ha.”, malungkot na tugon ng Inay.

“Ano po ba kayo Nay. Higit pa nga poi tong binigay nyo. At sobra ko pong pinagpapasalamat ang suportang ibinibigay ninyo sa akin.”, malungkot na tugon ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko.

“Oh, anak, umiiyak ka ba?”, tanong ng Inay. Alam kong umiiyak din ito at nagpipigil lang.

“Namimis ko lang ho kayo ng Itay. I love you po, Ma.”

“I love you too, anak. Oh teka, ito na ang tatay mo, kakauwi lang.”

“Hello Anak! Kamusta ka na?”, masigasig na sagot ng Itay.

“Ok lang po, tay. Kayo po? Naku tay, huwag masyado pagurin ang sarili ha. Baka mapano nanaman ho kayo.”

“Huwag mo alalahanin ang Itay mo, basta mag aral ka lang mabuti. Malakas pa ang Itay mo!”

“Alam kop o. Basta mag-ingat pa rin po.”

“Oo anak. Salamat. Namimis ka na ng tatay!”, tuwang sabi ng Itay. Mas lalo tuloy akong naiyak.

“Salamat po. Ako din po, mis ko na kayo. Huwag nyo din po ako masyadong alalahanin dahil maayos ako dito at inaalagaan ako ni Larc. I love you tay. Oh basta po magingat po ka-“, biglang putol ng tawag. Nawalan na ako ng load. Pinagmasdan ko ang telepono ko at umiiyak pa rin. Namimis ko na talaga sila Inay at Itay.

Lumipas ang oras ng di ko namamalayan. Kaya agad agad akong tumakbo pabalik ng gym kung saan nagttraining si Larc. Sakto naman na patapos pa lang sila. Gusto kong bumawi sa mga tulong ni Larc kaya pagtapos ng training nila ay ako na ang nagbitbit ng gamit nya.

“Alalay na alalay, ha.”, rinig kong pangungutya ng isang boses galing sa likod ko, si Andre. Hindi ko lang pinansin.

“Ikaw talaga! Nang aalaska ka nanaman. Kita na lang tayo bukas!”, sigaw ni Larc. Sabay akmang kuha ng bag nya.

“Ok lang, Larc. Walang kaso sakin yun.”, sabay mas higpit sa hawak sa bag nya. I don’t care kung sabihan akong alalay ni Larc. Bestriend ko sya. I know better. Tsaka dito na lang nga din ako makakabawi sakanya.

“Oh, edi pano, uwi na tayo?”, ngiting sabi ni Larc. Tumungo lang ako.

I tried to keep it cool para hindi mapansin ni Larc na naiilang ako. Kaya sa sasakyan ay biniro ko sya ng biniro para matakpan ang totoong nararamdaman ko. Hanggang sa bahay ay nagtatawanan lang kami.

Pagdating na pagdating sa bahay ay agad kong binaba ang gamit naming at naghugas ng kamay. Agad akong nagluto para sa hapunan namin.

“Oh, bat ka pa nagluto? Pwede naman tayo kumian na lang sa labas. Malamang pagod ka na.”, sambit ni Larc.

“Ano ka ba. Ok lang ako. Sanay naman ako, diba. Dati nga sa palengke pa ako nagtratrabaho. Tapos pag uwi ko ay tutulong pa rin ako sa bahay. Sisiw lang to. Magpahinga ka na lang, tatawagin na lang kita pag luto na.”, tugon ko.

“Naks. Ang swerte ko naman.”

“Oh sige na, magpahinga ka na don.”

Sinarapan ko talaga ang luto para kay Larc. Ito na rin kasi ang paraan ko para makabawi sa kabutihan nya sa akin.

Pagtapos ko magluto ay kinatok ko na si Larc para kumain. Pero pagpasok ko ay naabutan kong tulog na si Larc. Marahil dahil sa pagod.

“Larc… Larc, luto na. Kakain ka ba?”, pag gising ko sakanya. Pero hindi ito sumagot. Ngumiti lang ako at di na sya ginising.

Pagtayo ko naman ay napansin ko ang naka kalat na gamit ni Larc. Hays, si Larc talaga. Agad kong niligpit ang gamit nya at nilagay ang mga marumi sa labahan.

Matutulog n asana ako ng biglang lumabas ng kwarto si Larc at nagkakamot kamot ng mata.

“Nakapagluto ka na ba?”, pupungas pungas na tanong nito.

“Oo, Ginising kita kanina, pero mukhang pagod ka na eh.”

“Tara, kain na tayo. Gutom na ko eh.”, ngiting parang bata na sabi ni Larc.

Agad akong naghanda ng kakainin naming. Wala na sana akong plano para kumain pero dahil nagising na rin si Larc ay sumabay na ako sa pagkain.

“Wow! Number 1 talaga ang luto mo! Sarap! Mananaba ako nito! Walang sinabi yung mga kinakainan ko sa labas!”, pambobola ni Larc.

“Bolero. Kakain na lang, dami pang sinasabi.”

Nakita kongbiglang tumahimik si Larc. Naramdaman ko rin ang pagbabago ng aura nya. Tumahimik lang din ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kami kumain ay binitbit ko na ang mga pinagkainan naming sa lababo. Nakita ko syang tumayo at kumuha ng tubig sa ref. Ako naman ay tumalikod na at handa ng simulan ang hugasin.

Bubuksan ko n asana ang gripo para maghugas ng maramdaman kong hawakan ni Larc ang mga balikat ko at pinaharap ako sakanya. Nagulat ako dahil medyo malapit talaga kami sa isa’t isa. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pamumula ng pisngi ko. I felt his hand against my arams as he looked at me with his warm glare.

“Ryan……”





                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 
           
           
            

11 comments:

  1. super bitin!!!! I hate andre. porket mayaman. at sino kaya si mysterious guy na pasulyap-sulyap pa kunwari?

    ReplyDelete
  2. WHOOO!!!! VIOLENT REACTION!!!!!

    GRABE KA MAMBITIN!!

    hahaha pero ayos yun Kuya Ken kasi mapapaisip ka talaga kung bakit, pwedeng baka magtapat na si Larc na may gusto siya kay ryan oh baka naman may gusto syang babae o baka naman wala lang hahaha basta ewan natutuwa ako hehehe ^__^

    ano kayang sasabihin ni Larc?????

    ReplyDelete
  3. yah bitin nga siya. kasi maganda. kaabang abang. next chapter na!!! dali! ang hirap kaya ng bitin! ang sakit sa puson.hehehe

    ReplyDelete
  4. sigurado mejo inis si larc na naman kay ryan. Kawawa si ryan.

    next na pls.

    ReplyDelete
  5. WAAAHHH! GALENG TLAGA MAMBITIN! HE HE HE. HALA, ANU KAYA SASABIHIN NI LARC?hmmmmm abangan ang susunod na kabanata.

    ReplyDelete
  6. nakakabitin naman.. pero ang ganda huh...

    ReplyDelete
  7. Mukha namang julaley si ryan sa story.
    hehe. pero ang ganda po nung kwento.
    Gusto ko rin po yung mga ganitong kwento; starting point ay friendship. May matibay sila na pundasyon.

    Ano kaya ang sasabihin ni Larc. Nakakagigil.
    ^^,

    Nico

    ReplyDelete
  8. under B, 10. Haha. Super bitin. Lol.
    ikaw Andre ahh. I smell something fishey, bka ikaw sumira ng friendship nila. haha.
    ------------
    Cant wait for the next chapter. :DDD

    ReplyDelete
  9. Bakit wala pa ung kasunod? Next chapter na pls...

    ReplyDelete
  10. Omg c mistery guy ang karibal nph larc how excitingg

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails