JHAY
This is a story of fiction. Any similarities of the characters and events in real life is not intentional.
PLEASE leave comments. They will be highly appreciated. :)
***********************************************************
Nagising
ako sa dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko sa boarding
house. Maingay na sa labas ng kwarto. Marahil ay gising na karamihan sa
mga kasamahan ko sa boarding house. Inabot ko ang cellphone ko para
tingnan kung anong oras na.
7:38 A.M.
"Shit!"
Dali-dali akong bumangon.
"Malelate na naman ako nito eh.", naisip ko.
Dali-dali akong nagpunta ng banyo para maligo. Nang matapos ay saka ko naalalang hindi ko ko pala nadala ang tuwalya ko.
"Nate!!", sigaw ko.
"Nate!", sigaw ko ulit.
"Anong problema mo?!! Sarap ng tulog ko eh sumisigaw ka dyan!", asik ni Nathan na isa sa mga itinuturing kong bestfriend.
"Eh, sorry na, kasi, nakalimutan ko 'yung tuwalya ko eh, pakikuha naman oh.", pakiusap ko rito.
"Pakshet!! Binulabog mo ang tulog ko para lang kunin ang tuwalya na nakalimutan mo dahil dyan sa katangahan mo?! Ayos ka rin ah!"
"Sige na. Kukunin mo rin naman eh, andami mo pang sinasabi. Kunin mo na dali, nilalamig na ako dito oh.", sabi ko sabay pa-cute.
"Pakyu! Sa susunod, magdusa ka dyan! Minsan kasi bawasan naman yang katangahan!", sabi nito bago bumalik sa kwarto namin para kunin ang tuwalya ko.
Sanay na ako sa ugali ni Nathan. Sa dalawang taon na naging roommates kami ay alam ko na ang takbo ng bituka nito. Ang totoo nya eh, mabait naman talaga yun. Medyo masakit lang talaga magsalita minsan pero siguradong maaasahan mo yun kapag nangailangan ka. Nang minsan ngang magkasakit ako eh, ito ang walang sawang nag-alaga sa 'kin. Naging takbuhan ko na rin si Nathan sa t'wing may problema ako at kailangan ko ng payo.
Binilisan ko ang pagbihis nang makabalik ako sa kwarto habang si Nathan naman ay bumalik sa higaan nito at napikit ulit.
"Hoy! Hindi ka papasok?", tanong ko rito habang nagbibihis.
"Hindi. Tinatamad ako eh. Isa pa, inaantok pa ako."
"Eh sino ba naman kasi ang nagsabi sa'yong umuwi ka ng alas cinco ng umaga? Ha?"
Imbes na sumagot ay kinuha nito ang isang unan at itinakip sa taenga nito. Halatang ayaw makinig sa sermon. Ganyan naman palagi yan kapag alam na mali siya eh. Hindi nakikinig.
"Ay naku, bahala ka, basta 'pag ako tinanong ni Solimbad kung saan ka, sasabihin kong tulog."
Agad itong humarap sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.
"Oh, easy lang. Biro lang naman Nate.", sabi ko sabay ngiti. "Pano, una na ako. Pumasok ka sa Integral Calc ha. Alam mo namang ikaw lang ang pag-asa kong makapasa sa subject na 'yun eh."
Tumango naman ito at muling itinakip sa taenga ang unan na handa niya na sanang ibato sa akin kanina.
******************************************************
Nang dumating ako sa eskwelahan ay nagsisimula na ang klase.
"Naku, patay na naman ako nito.", sa isip ko.
"And of course, what should I expect from you Mr. Ergela. Take a seat, get a piece of paper and answer the remaining questions that I am about to ask.", sabi ni Mr. Solimbad nang makita ako nito sa pintuan ng classroom.
"Sorry po Sir.", nasabi ko nalang saka dumiretso sa lagi kong pinipwestuhan sa silid na iyon.
"Pambihira naman oo. Kakasimula palang ng sem eh may quiz na agad!", reklamo ng utak ko.
Mag-dadalawang linggo palang kasi ang klase nang masimula ang first semester pero andami nang nai-discuss nitong si Sir Solimbad. Ambilis. Daig pa si Son Gokou.
Natapos ang quiz na parang lumulutang ako at wala sa sarili, dahil na rin siguro sa inaantok pa ako.
Nasa gitna ng lecture si Solimbad nang may kumatok sa pintuan. Hindi ko kilala pero sa palagay ko ay halos kasing-edad ko lang ito.
"Hi. Uhm, Is this CSM 7? Algorithm Design and Analysis?", sabi nito.
"Yes. And you are?", tanong naman ni Solimbad.
"Ah, Christian Sir. Christian Atienza."
"Oh, yes, the transferee. I was informed about you. But I didn't expect that you'd come late on your first day here in this institution. Come in and introduce yourself."
Pumasok naman ito at pumunta sa gitna at nagpakilala.
"Good morning everyone. Ako nga pala si Christian Atienza, gaya ng sabi ko kanina, and I'm a transferee from St. Martin's University. I'm 19, single, and available to everybody.", pagpapakilala nito na ikinatawa ng lahat bago bumaling kay Solimbad at nagsalitang muli. "And oh, I was at the Dean's office since 7:30 this morning fixing my schedule that's why I was late Sir."
"Ok. Now find a seat and get comfortable, we're gonna be seeing each other a lot from now on so you better have a rain check on your attitude Mr. Atienza.", si Solimbad. Halatang hindi natuwa dahil nabara ni Christian.
Nagsimula na ulitmag-lecture si Sir. Habang si Christian naman ay naghanap ng mauupuan. Ngunit binabagabag ako ng huling sinabi nito nang magpakilala ito.
"I'm 19, single, and available to everybody."
Ano kaya ang ibig sabihin niya nun? Nabasag and pag-iisip ko nang biglang may magsalita sa tabi ko.
"Hi. I'm Christian.", sabi nito na naka all-out smile pa talaga.
"Ah-eh, Jec.", parang tanga kong sagot dito saka muling humarap sa whiteboard.
"At sa lahat ng pwede nyang upuan, dito pa talaga sa tabi ko ha. Ayus din tong isang to ah."
"Uhm, pwede bang humingi ng pabor?", muli nitong sabi.
"Ayos rin to ah, close ba kami para humingi ng pabor sa 'kin?!", reklamo ng isip ko.
"Ah - eh, basta hindi pera. Pulubi lang ako.", sagot ko rito.
"Pwede bang, makipagkaibigan ako sa'yo. Wala pa kasi akong kilala dito eh, magmumukha akong tanga tuwing klase at breaks kung ako lang mag-isa ang pagala-gala dito sa school pag ganun.", sabi nito saka muling ngumiti.
Hindi nakaiwas sa 'kin na maganda ang ngiti nito. Saka ko lang rin napansin na gwapo talaga ito. He has a kind of messy hairdo pero straight ang buhok, yung parang Adam Lambert lang na style. He has pinkish lips na slightly manipis. Medyo makapal rin ang kilay nito na talagang nagpalabas ng mga mata nito. He has brown eyes.
"So what do you say?", tanong ulit nito nang hindi ako nakasagot.
"Ah -, s-sige ba.", sabi ko.
"Why do I hear talking?!!!", bulyaw ni Solimbad dahilan para mapako ang atensyon ng lahat sa kanya.
Nagkatinginan kami ni Christian at maya-maya pa ay sabay na napangiti.
Nang matapos ang klase ay saka rin dumating si Nathan. Tinawag ako nito mula sa labas ng classroom. Pinuntahan ko naman 'to.
"Anong meron?", tanong nito.
"Ha?", pagtataka ko.
Itinuro naman nito ang loob ng classroom. Lumingon ako at nakita kong pinagkakaguluhan na pala si Christian ng mga kaklase naming babae at bakla.
"Ahhh, may transferee kasi. Ayun, pinagkaguluhan."
Napatango naman si Nathan.
"Oh, canteen muna tayo. 30 minutes break pa naman bago sa next subject di ba?"
"Sige. Kukunin ko lang bag ko."
Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa upuan ko at saka binalikan si Nathan.
"Tara.", yaya ko rito.
May tatlong classroom na rin ang nalalampasan namin ni Nathan nang may tumawag sa akin mula sa likuran.
"Jec!", si Christian.
Nilingon ko naman ito. Tumakbo ito patungo sa amin ni Nathan.
"Akala ko ba sabay tayo, eh iniwan mo naman ako eh.", may pagtatampo nitong sabi.
"Ah eh, busy ka pa kasi kanina eh. Akala ko gusto mo munang makilala ang mga kaklase natin.", sagot ko naman.
"Ehem.", pagtikhim ni Nathan na panandalian kong nakalimutan.
"Ay, oo nga pala. Christian, si Nathan nga pala, best friend ko. Nathan si Christian, bago nating kaklase.", pagpapakilala ko sa dalawa.
"Hi.", nakangiting wika ni Christian saka inilahad ang palad nito.
"Hey.", sagot naman ni Nathan ngunit imbes na tanggapin ang kamay ni Christian ay naglakad na ito patungong canteen.
"Pagpasensyahan mo na yun ha. Ganyan talaga yan, kahit sa 'kin nong first year palang kami. Ni hindi nga talaga sumagot yun eh, tiningnan lang ako tas umalis.", paghingi ko ng dispensa kay Christian.
"Ah, ganun ba. Nakakatakot naman 'yung bestfriend mo.", sabi nito na ikinatawa ko.
"Masanay ka na. Magiging kaklase mo rin yun."
Isang batok ang natanggap ko mula sa likuran.
"Ayos kayo no, kung pag-usapan nyo ako parang wala ako dito ah.", si Nathan.
"Aray naman Nate, masakit yun ah. Tara na nga. Punta na tayong canteen. Sumama ka na rin Chris."
"Ah eh, ayos lang ba?", paninigurado nito saka tumingin kay Nathan.
"Ayos lang yan, di ba Nate? Isama na natin to, para naman tropa na tayo.", sabi ko naman.
"Hindi naman ako tumutol ah."
At nagpunta na nga kami ng canteen.
****************************************************
ITUTULOY.....
another story to follow:)
ReplyDeleteriley
please do.. :)
Deleteabsolutely jhay!can't wait for the next chapters..:)
Deleteriley
nBiten naman ako, agad nputol,hahaha...
ReplyDelete