Hello guys! Ako po ay muling nagbabalik. Ahahahah. Napakatagal na noong huli akong magsulat at magpost ng story ko at inaamin kong na-miss ko ang pagsusulat. Mini-series lang itong gagawin ko sa ngayon dahil pasingit-singit lang pagsusulat ko at ise-set ko na expectations niyo na hindi ako daily makakapag-update, weekly siguro pwede pa. By the way, I think heto na ang tamang oras para makilala niyo ang mga characters ng Give your Heart a Break.
Salamat ng marami kuya Mike! :)
PS: I'm planning na muling buhayin ang mga natutulog ng karakters sa inabangan niyo dating first ever collaboration sa BiOutLoud. Pinag-iisipan ko pa ng maigi. :)
------------------------------------------------------------------------------------------------
“Bhest, paano yan lapit na graduation.” Medyo malungkot kong sabi sa kanya.
“Oo nga eh. Anong plano mo?” Tanong niya sa akin.
“Plano? Siyempre magre-review then board exam. Don’t tell me hindi ka na mage-exam bago ka umalis ng Pilipinas?”
“Of course not. Napag-usapan na naming dalawa ni Andrei ito tsaka siyempre iba pa rin pag may hawak akong lisensya di ba?”
“May point ka dyan. So saan mo balak mag-review?”
“Hmmm, pinag-iisipan ko kasi iyong sinabi ni ma’am na sa RCAP na lang mag-review. Doon din daw kasi siya nag-review dati at ang setup eh parang classroom lang at hindi sa moiviehouse.”
“Doon ka na lang din bhest para magkasama pa rin tayo.”
“Din? Walanghiya ka, nagpa-reserve ka na ng slot doon?”
“Siyempre hindi pa hinihintay pa kasi kita eh.”
“Huwow! Ang sweet naman ng best friend ko.”
“Tsk. Ako pa ba?”
At sabay kaming nagtawanan.
Parang kailan lang ng nag-umpisa kami sa kolehiyo nitong si Tonton at hindi ko akalain na kay bilis na lumipas ng panahon at ngayon nga ay magtatapos na kami. Maraming pinagdaanan ang buhay pag-ibig ng kaibigan kong ito simula ng dumating sa buhay niya si Andrei kaya naman hindi ko masukat ang kaligayahan ko ng malaman kong sila pa rin ang nagkatuluyan at heto nga plantsado na ang future nila.
“Bhest, gutom na ako kain muna tayo.” Pag-aaya niya.
“Hindi na natin hihintayin si Andrei?”
“Huwag na. Nagtext naman na ako sa kanya kung saan tayo kakain eh.”
“Okay.”
At hayun nga naglakad na kami para bumili ng makakain sa paborito naming bentelog. Tapsilog siya pero worth Php20.00. sulit na rin siya kasi masarap talaga pero dahil nga sa taggutom kami ay tig-Php40.00 binili namin. Dumiretso kami sa batibot sa loob ng school at doon naisipang kumain.
Nasa kasarapan kami ng pagkain ng dumating si Andrei. Tumabi ito kay Tonton at may hawak ding styro na binili niya dun kay ale.
“Hey there Arjay!” bati niya sa akin.
“Hey, kain.” Aya ko rito.
“Thanks.”
“Ton, saan mo balak mag-review pala?” Sabay baling sa nobyo.
“Sa RCAP.”
“Where’s that? Ayaw mo sa Pentagon or sa Sultan or sa Gapuz or kay Balita?”
Iling lang sagot nito.
“Why?”
“Mas gusto ko pa rin na classroom setting yung pagrereviewhan ko and ganun sa RCAP.”
“Ahhhh. Teka saan iyon?”
“Sa Manila sa may Recto.”
“Really?”
“Yep.”
“San mo balak tumuloy doon? Magre-rent ka?”
“Siguro. Tingin na lang kami siguro ni Arjay pag nandun na kami.”
“Oo nga naman para hindi masyado magastos.” Pagsang-ayon ko.
“Pwede ba ako sumama na din dun?” Tanong ni Andrei,
“Magrereview ka rin?” Sarkastikong tanong ni Tonton.
“Aba ayaw mo makasama itong guwapong to?” Pagmamayabang nito.
Natawa na lang kami. Patuloy lang sa pag-uusap ang magkasintahan habang ako naman ay matama silang tinitingnan. Natutuwa ako sa ibang kinang ng mga mata ni Tonton sa tuwing kasama niya si Andrei.
“Hoy bhest, natulala ka na dyan.”
“Huh, ah, eh.” Sabay flash ko ng ngiti.
“Naku, mukhang hindi pa rin kayo nakakapag-usap ni Aljohn lately ah.” Si Tonton.
“Hindi naman sa ganun. Iniisip ko lang kasi na sana andito siya para naman may partner ako hindi yung feeling ko nag-iisa ako kahit na may-bf ako.”
Nagkatinginan si Andrei at Tonton.
“Come over here Arjay. Give daddy a hug!” Sabay buka ng mga braso ni Andrei. Natawa naman ako sa gestures niya pero deep inside na-touch ako dito.
Lumapit ako at niyakap siya. Ginulo naman nito ang buhok.
“Huwag mong isipin na nag-iisa ka lang. Ton and I are still here for you. Di ka namin pwedeng pabayaan dahil for sure Aljohn will be mad at us.”
“Oo nga naman bhest. Baka tuluyan ka ng ilayo samin ni Aljohn.”
“Ilayo agad? OA naman nun masyado bhest.”
“Eh malay mo yun maisipan niyang gawin.”
Napabitaw naman ako sa pagyakap kay Andrei dahil sa sinabi ni Ton sabay tawa namin. Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa maisipan naming tumuloy na sa pagpapairma ng clearance namin.
Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maalis sa akin ang malungkot dahil ilang buwan na kaming hindi nagkikita at nagkakausap ni Aljohn.
“Jay, babalik na ako sa US bukas and mami-miss na naman kita.”
“Ako rin John. Mag-iingat ka dun huh tsaka always remember na mahal na mahal kita.”
“Alam na alam ko yan siyempre. Mag-skype tayo huh para naman mabawasan pagka-miss natin sa isa’t isa once na andun na ulit ako.”
“Sure.”
“I miss you.”
“I miss you more.” Sagot ko.
“I love you!”
“I love you more!” Tugon ko.
“Wala ba akong kiss?”
“Dami naman tao oh. Sa bahay na lang please.”
“Ayaw ko, dito ko gusto at now na.”
“Demanding la...umph”
Di ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil binusalan niya na yung bunganga ko ng halik niya. Gumanti na rin ako sa ginagawa niya.
“Ayan. Ang sarap pa rin talaga ng mga halik mo Jay.”
“Naman, ako pa ba?” Pagmamayabang ko.
“Sus porke’t pinuri nagmayabang na ang bata.”
“Talaga naman eh.”
At nagtawanan kami.
“Hatid na kita Jay.”
“Sige hatid mo ako sa bahay niyo medyo gabi na rin eh.”
Napangiti siya sa sinabi ko. Alam kong may tumatakbo sa isip nito sa mga oras na iyon at desidido akong pagbigyan siya.
Naalala kong bigla ang huling pag-uusap naming dalawa. Kamusta na kaya siya? Ni hindi na nga siya nagpaparamdam eh. Buhay pa kaya siya? O baka nakahanap na ng iba. Mga katanungang gumugulo sa isip ko. Naramdaman ko na lang ang akbay ni Tonton sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Cheer up bhest. Hindi mawawala iyang kalungkutan mo kung palagi mo siyang iniisip.”
“Di ko alam gagawin ko eh.”
“Sige ganito na lang. After nating magpapirma punta tayo ng mall. Mag-arcade tayo gaya ng nakagawian na tin sa tuwing nalulungkot tayo, okay ba yun?”
Napatango na lang ako. Di ko pa rin kasi talaga alam kung makakatulong ba iyon o hindi eh. Dali-dali naming tinapos ang pagpapapirma at tuluyan na nga kaming pumunta sa mall. Pagkadating doon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot sa tuwing nakikita ko na may mga mag-partners na dumadaan sa harapan ko at sobrang sweet nila.
Bigla na lang akong hinila ni Tonton ng maramdaman siguro nitong napahinto ako. Para kaming mga bata na nagtatakbuhan papunta sa palaruan. Nang makarating ay agad na bumili ito ng tokens at ibinigay yung iba sa akin. Hindi pa rin ako mapakali pero dahil na rin sa nakikita kong nag-eenjoy na si Tonton at Andrei ay naisipan ko na ring gumawa ng pagkakaabalahan.
Parang hinihigop ang attention ko sa isang game sa di kalayuan. Lumapit ako rito at nanood. Street Fighter? Hmmm, pwede na pagkatapos ni kuya. Nang tumayo na si kuya dahil na-gameover siya ay ako na agad ang umupo at sumunod.
Namili ako sa mga characters na andudun at ang napili ko ay si Chun-Li. Hindi ako familiar sa mga moves at special attacks niya kaya naman sa mga unang laro ko ay lagi akong natatalo. Siyempre hindi ako papayag nun. Naka-ilang ulit pa ako at talagang hooked na hooked na ako sa kanya. Ilang lightning kick, hikoken at spinning bird kick ang ginamit kong combo para makarating kay M. Byson.
Inisip ko na si Aljohn si Byson at parang gusto ko siyang gantihan at saktan sa hindi niya pagpaparamdam sa akin. Lahat ng hinanakit at kalungkutan ko ay sa kanya ko ibinuhos. Kitang kita sa akin na hindi lang simpleng paglalaro ang intension ko dahil sa sobrang diin ng pagpindot ko sa mga buttons ay kala mo gusto ko ng sirain yung computer.
YOU WIN!
Iyan ang nakita ko sa screen ko kasabay ng pagtalun-talon ni Chun-Li na nagbubunyi sa pagkakapanalo. Doon lang ako napahinto. Parang napagod ako sa ginawa ko. Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa ulirat ko sa paligid.
“Great job.” Sabay ngiti ni Andrei sa akin.
“Napaka-intense nung game mo na yun bhest ah.” Bati ni Tonton sa akin.
“Oo nga eh. Di ko na nga napansin na masyado akong na-hooked sa kanya.”
“Teka matanong ko lang Arjay, of all characters, why Chun-Li?” Tanong ni Andrei.
Napaisip ako kung bakit siya nga ang ginamit ko.
“Kasi she’s strong.” Simpleng tugon ko.
“All of them are strong in their own way.”
“Dahil sa siya lang yung nag-iisang babae?” Patanong na sagot ko.
Napakibit-balikat na lang ito ng malamang wala akong tunay na dahilan bakit siya ang pinili ko. Inaya ko silang magmeryenda dahil sa nagugutom na ako. Pinili naming kumain sa may Pao Tsin. Pumila kami habang natingin kung anong kakainin naming.
“Mag-rice na ba kayo o merienda lang?” Tanong ko sa dalawa na kasalukuyang nagpi-PDA na naman.
“Ah sige rice na lang and shark’s fin.” At muling naglambingan.
Humarap na ako kay kuyang cashier at akmang o-order ng tiningnan ko ang dalawa.
“Hoy PDA kayo masyado!!!” Sabay balik kay kuya at um-order. Rinig ko ang tawanan ng dalawa sa inasal ko.
Maya-maya ay bitbit ko na yung mga pagkain naming tatlo.
“Wow ang sweet niyo huh di niyo man lang ako tinulungang buhatin pagkain natin.” Pagrereklamo ko.
“Eh kayang kaya mo naman bhest eh.”
“Tseeeee!”
“How are you?” Tanong ni Andrei pagkaupo ko.
Tinantiya ko muna kung ano na nararamdaman ko. “Better.”
“Great! At dahil dyan, magse-celebrate tayo. Wait lang.” Sabay tayo nito.
“Saan pupunta iyon?” Tanong ko kay Tonton na nakakunot-noo.
Iling lang sagot nito. Maya-maya pa ay dumating na ito at may dalang ice cream. Inilapag niya ito sa mesa.
“Please lang, bawal maging sweet this time.” Warning ko.
Mukhang na-anticipate na ni Andrei ang sasabihin ko kaya naman inilabas nito ang tatlong piraso ng kutsara.
“Good.”
Kumain na nga kami habang patuloy na nag-uusap. Hindi nga naging sweet ang dalawa bilang pagtupad sa request ko. Maya-maya ay napahinto si Tonton sa pagsasalita at may itinuro sa akin. Napalingon naman ako doon at kita kong papalapit ito sa puwesto namin.
“Hi, can I join you?” Tanong nito.
“Ah, eh, sure. H-have a seat.” Nauutal kong tugon.
Umupo na ito sa tabi ko at sa di malamang kadahilanan ay bigla akong na-tense. Kita ko sa mga mata ni Tonton ang pag-aalala sa akin at galit para rito. Alam kong naikuwento ka sa kanya ang mga nangyari noon kaya sa malamang ay naaalala nito iyon. Nakunot-noo na lang ako sa reaction niya. Kaya ko ito.
“How are you?” tanong nito.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
aabangan ko ito. grrrrrr kilig na namn ako,
ReplyDeletevinz_uan
:)
ReplyDeleteAng ganda! Kelan kaya update nito? Ang galing mo Author! :D
ReplyDeleteKeep it up! :P