Followers

Friday, June 29, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 7



             
             Kamusta po muli sa lahat? ^_^

             Ayan, hala!! Una sa lahat po, magsosorry po muna ako sa lahat dahil alam ko (NANAMAN!!) ang tagal bago nanaman ako nakapagpost. Sobrang sorry dahil super busy ako nitong huling araw.. Power hectic po talaga ang sched kaya pagpasensyahan nyo na po..

             Pangalawa po,    Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

             Pangatlo, Kung mapapansin nyo po ay nagrereply po ako sa mga comments nyo po. Kaya pwede nyo din po ako makausap sa comment box. Or again, pwede nyo po ako i-add sa fb account ko po. dizzy18ocho@yahoo.com. :) konting favor nga lang po, pag add nyo po ay paki send lang ako ng message po. Thanks.

            Oh sya!! Eto na, ang daldal ko nanaman na!! 

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Thursday, June 28, 2012

Tag-ulan



Malakas ang buhos ng ulan ng gabing iyon. Kataka taka sapagkat maliwanag ang sikat ng araw noong umaga. Nakakainis sapagkat wala akong dalang payong. Hindi ko kasi ito nakasanayang dalhin simula pa noong ako’y nag-aaral. Minsan, sinasadya kong iwan kapag inihahatid ni Inay sa may pinto. Ewan ko, tamad yata akong magpayong eh.


Binilisan ko ang hakbang patungo sa labas ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ang mga patak ng ulan ay malalaki at kaunting maampiyasan ka ay tiyak na basang basa ka agad. Nasisi ko tuloy ang aking sarili kung bakit ba nag-overtime pa ako, ayan tuloy tiyak na madaling araw na ako makakauwi. Sinagasa ko na ang malakas na ulan patungo sa waiting shed na pinagkakanlungan ng mga tulad kong basang sisiw ng mga oras na iyon at ang mahabang lansangan ay napupuno na ng tubig bahang naiipon sanhi ng papalakas na ulan. At nasiguro kong hindi iyon hihinto agad.


“Mukhang may bagyo ‘ata.” wika ng isang tinig sa aking tabi. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking naglalaro ang edad sa bente tres, matangkad, moreno ang kutis at may magagandang pares ng mga mata.
Ngumiti siya sa akin ng mapansin ang aking pagmamasid. Napahiya ako at muling ibinaling sa kalye ang aking tingin.


“Ahh, hindi ba ikaw yung accountant diyan sa opisinang yan?” anito na ang tinutukoy ay ang kanyang pinagtatrabahuhang kompanya.


“Ah…oo” matipid kong wika ng hindi tumitingin.


Maya-maya ay nakita ko ang kanyang palad na nakalahad sa tagiliran ko. Nagpapahiwatig siya ng pakikipagkilala. Malugod ko iyong tinaggap. Siya si JM. At sa loob ng waiting shed na iyon ay ipinakilala niya sa akin ang kanyang sarili.


Magmula noon ay palagi na siyang naghihintay sa akin sa labas ng gate. Niyaya akong mag-meryenda kasabay ng mga ilang tawanan at kwentuhan. Siya ang nagsilbing bantay sa akin sa mga panahong ako’y ginagabi sanhi ng gatambak kong trabaho.


“Bakit mo ba ginagawa lahat nang ito ha, JM?” minsan ay naitanong habang sabay kaming naghihintay ng masasakyan ng hapong iyon. Siya ay galing rin trabaho at tulad dati’y walang sawang naghintay sa akin sa labasan.


Natigilan siya. Napatingin siya sa akin. Ngumiti. Ngunit nanatiling tikom ang mga labi sa hinihintay kong kasagutan.


“Masama bang gawin ko lahat nang ito?” balik tanong niya sa akin kasabay ng mahinang tawa. Ngunit ako’y nanatiling nagtataka sa mga inasal niya.

Hindi na naulit ang tagpong iyon na ako’y nagtanong sa kanya ng mga bagay na iyon. Para bang isang piping kasunduan na naming hindi na muling magtatanong sa bagay. Siya na lang ang hihintayin kong magsabi ng niloloob niya. Tutal wala namang masama sa pagiging magkaibigan namin.


Signal number 2… hindi ko alam na may bagyo pala ng araw na iyon. “Ang payong... ang payong nasa gate.” naalala ko ang sinabi ni Inay kanina bago ako umalis. Nagmamadali lang ba ako o talagang hindi ko na inintindi ang mga bilin niya. 


Alas siyete na….bakit kaya natagalan si JM? Dati-rati’y maaga iyong nadating upang sunduin ako at kami’y magmemeryenda. Ang buhos ng ulan ay tila luha ng mga anghel. Malalakas at walang patid. Matiyaga akong naghintay sa kanya sa waiting shed. Alam ko namang darating siya kahit bumabagyo pa.


“Arvie…” mahinang tawag buhat sa likuran. Napalingon ako. Si JM!


“Akala ko hindi ka darating ngayon eh…”. Ewan ko ba, ng mga sandaling iyon gusto ko siyang yakapin.

“Lagi naman akong nandito Arvie, halika na samahan mo akong mamasyal…” anito ng may lungkot sa tinig ngunit ang mga kilos niya ay tila may sigla.


“Ngayon? May bagyo eh. Ano ka ba!”. Marahan niya akong hinawakan sa braso at masuyong hinatak sa ulanan.

“Ay! JM ano ka ba!” inis na wika ko.

“Maligo tayo sa ulan Arvie…kahit ngayon lang, please?” nagmamakaawa ang mga mata niya ng mga sandaling iyon at ako’y napahinuhod niya kahit alam kong kabaliwan iyon.


Naglakad kami sa mahabang pasilyo sa parke sa gitna ng malakas na ulan, Nakita ko si JM na patakbong tinungo ang isang rosas na mayabang na naroon pa rin sa kanyang tangkay sa gitna ng bagyo. Pinitas niya iyon at inabot sa akin.


“Para saan?” wika ko habang kumukurap kurap. Ang tubig-ulan ay bahagyang sumasaboy sa aking mukha.

“Arvie…mahal kita”. Tipid niyang wika sa akin. Salitang matagal kong hinintay. Ang aking luha’y umagos at humalo sa tubig ulan.

“Mahal din kita JM” masuyo niya akong kinabig at niyakap. Ang lamig na dulot ng ulan ay napawi ng aking maramdaman ang mainit niyang yakap. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang aking sarili sa gitna ng ulan kayakap ang lalaking aking iniibig. Parang isang mahabang gabi…

“Arvie…anak?” anang tinig. Si Inay?

Nagmulat ako ng mga mata. Si Inay nga. Umiiyak.

“S-Si JM po?” una kong itinanong. Bakit ba narito si Inay? At bakit ba nasa malamig akong silid?

“Anak…ano bang ginagawa mo sa ulanan? Nakita ka ng mga pulis nakahandusay doon… Diyos ko!”

Wala akong maalala. Ano bang nangyari sa akin? Sa amin ni JM?


Inagaw ng radyo ang atensiyon ko…

"Isang bangaan ang naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Roxas Ave sanhi ng malakas na buhos ng ulan…tatlo ang nasawi kabilang ang pasahero ng taksi na si JM Tolentino , edad 23….hindi na ito umabot ng buhay sa ospital pagkaraang mapailalim sa trak ang taksing sinasakyan."


Bumuhos ang mga luha ko…ang isang tag-ulan ng buhay ko siya nakilala at isang tag-ulan din siya binawi sa akin. Ngunit ang mga huling natandaan ko ay ang mainit niyang yakap at ang matatamis na bulong ng pagibig na kaytagal kong hinintay.



-Wakas-

Tuesday, June 26, 2012

Kulimlim



Nakita kita sa isang sulok habang nag-iisip ng malalim at napapabuntong hininga. Nilapitan kita. "Okay ka lang?" tanong ko na sa pag-aalala kung ano ang gumugulo sa isipan mo. Tiningnan mo lang ako ng blangko ang ekspresyon ng iyong mukha. Di ko makuha ang ibig mong sabihin. Hinayaan na lang kita. Hindi lang mo alam pero hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Alam kong mahirap at masakit ang dinadala mo pero doble nito ang katumbas habang nakikita kitang nagkakaganyan at wala akong magawa.


Alam kong meron. Alam kong may ibig sabihin. Alam ko sa bawat kilos mo ay may dinadala ka. Pero wala ako sa posisyon upang alamin iyon. "Sino nga ba ako sayo?" tanong ko sa sarili. Alam mong may gusto ako sa'yo ngunit binabalewala mo lang. Hindi ko mahagilap ang mga kasagutan habang ikaw ay hindi umiimik at walang pakialam. Masakit man, hinayaan ko na lang. Sino nga ba ako?


Umupo ka sa tabi ko. Walang imikan ang naganap. Kinakapa ang isa't isa. Humuhugot ng kataga mula sa malalim mong paghinga. "It's not you. It's me. Sorry." sabi mo sa akin na hindi tumitingin sa aking mga mata. Nakayuko at bumuntong hininga.


Masakit marinig na hindi pwede. Na may iba. Pero wala namang naging "tayo" para magkaganito ako. Pinilit ko ang sariling kumalma. "Okay lang yun ano ka ba."sabi ko sa'yo ng may ngiti ngunit malungkot ang mga mata. Tiningnan mo lang ako na para bang nagsasabing "Sana nga okay ka lang, basta nandito lang ako lagi para sa iyo."


Bumalik na ako sa aking upuan at nagbukas ulit ng bote ng beer. Tinagayan ko ang aking sarili. Hinintay ko munang mawala ang bula ng beer sa baso bago ko ito inumin. Gumuguhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak ngunit hindi nito natumbasan ang pait na dinadala ng aking puso. Huminga ulit ako ng malalim pagkatapos kong inumin ang nasa baso at sinalinan ulit ito ng alak. Tinungga ko na agad ito at hindi na hinintay ang pagkawala ng bula sa baso. Nag-iinit na ang katawan ko. Tinatamaan na ako.


Nakita kitang pumili ng numero sa song book at nagsimulang kumanta. Napatitig ako sa 'yo, ganon din ikaw. Bigla mong nilihis ang iyong mga mata at tinutok ito sa screen ng iyong kinakanta. Nagpatuloy ka sa pag-awit nang napakaganda. Hindi ko alam kung para sa akin ang kantang iyon o sadyang natamaan lang talaga ako sa bawat liriko noon.


Natapos ka nang kumanta ngunit hindi pa rin natapos ang pait na dulot ng disisyon na ginawa mo kanina. Pilit kong sinasabi sa sarili na okay lang ang lahat ngunit mahirap. Mahirap magtago ng tunay na nararamdaman. Mahirap magpaalipin sa pag-ibig na walang kasiguraduhan. 


"Life must go on." pilit na isinisiksik ko sa aking isipan. Lahat ng iyan ay pagsubok lamang sa isang nagmamahalan o mas tamang sabihing nagmamahal ng walang kasiguraduhan.


Inubos ko na ang natira pang alak. Nagpakalasing. Umaasang sa pagkalasing ko'y malimutan ang nararamdaman. Umaasang mabawasan ang kulimlim sa aking kalooban.




-Wakas-

Monday, June 25, 2012

Palitan Ng Puso [14: Last Part]

By: Mikejuha

Author’s Note:

Sa wakas ay natatapos na rin ang “short story” na ito, at muli, nagpappasalaat ako sa mga sumusuportang folowers ng kuwento at lahat ng mga MSOB followers.

Salamat din sa mga kasam kong writers dito at mga Admins.

Salamat sa mga models sa kuwentong ito:

Ian: Rich Fernandez
Marco: Eduardo de le Fuente
Prime: Jonjon Rivera




-Mikejuha-


















Palitan Ng Puso [13]


By: Mikejuha
--------------------------------------------------------------
Ako si Ian
Heto ang boyfriend ko, si Marco
Heto naman ang best friend ko, si Prime
Heto ang theme song namin
At heto ang kwento namin -
Author’s Note:
This post has been removed by the author. This will be published into a book.

-Mikejuha-














Palitan Ng Puso [12]


By: Mikejuha

Author’s Note:

This post has been removed by the author. This story will be published into a book.

MIkejuha-

--------------------------------------------------------------

Ako si Ian














Heto ang boyfriend ko, si Marco

At heto naman ang best friend ko, si Prime


Heto ang theme song namin




















FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails