By: Justyn Shawn
Authors' Note:
Pagpasensyahan nyo na po ang gawa ko..hehehe wala na kasing bagong post ehh kaya naisipan kong mag post ng kwentong sablay..hahaha
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan
upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito
ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng
lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at
napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.
Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na
magpalamig sa init ng panahon.
“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong
nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking
pagmumuni-muni.
“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko
kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko
sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang
at napatitig na lang ako sa kanya. Hindi
man ako ang tipo ng taong nakikipagkilala kani-kanino lang. iba pa rin ang
dating nito sa akin.
Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din siyang dimples na bagay na bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na tumerno sa kanyang mga singkit na mata.
Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din siyang dimples na bagay na bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na tumerno sa kanyang mga singkit na mata.
“Oh bat parang natulala ka dyan? May dumi ba sa mukha ko? Tanong nya sa akin na para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin sa aking mahimbing na panaghinip.
“A-Ahh…E-ehh. Wala. Wala kang dumi sa mukha” nanginginig
kong tugon sa kaya.
“Eh bat para kang nakatulala at nananaghinip dyan ng gising?
Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong tulad ko?” Mayabang na tugon nya sa akin
habang sya ay papalapit at tumabing umupo sa akin. Ngunit nakapagpainit ng aking
laman at tumaas sa aking ulo na naging dahilan upang mamula ang aking pisngi
kahit na ako ay moreno ang kutis.
“Di naman ahh. Mas gwapo kaya ako sayo. May iniisip lang
talaga ako kanina” mayabang ko ding sabi sa kanya. “Ano nga ulit ang pangalan
mo?”itinanong ko ulit dahil sa nakalimutan ko ang kanyang pangalan.
“Zaldy pala.” Sabi nya sabay abot ng kanyang kamay sa akin.
Nakipagkamay naman ako sa kanya at ngumiti at dali daling tinanggal agad kamay
ko sa kanyang pagkakahawak dito. Baka kasi may mahalata na naman siya sa mga
kilos ko. Pero sa totoo lang gusto ko ulit mahawakan ang kamay niya. Napakalambot
kasi nito at para bang iba ang dalang init ng palad nya sa aking katawan.
Di ko alam ang magiging reaksyon sa kanyang ginawa pero
nagdulot talaga ito sa akin ng kakaibang nararamdaman sa una pa lang naming
pagkikita. Para akong maiihi na ewan.
Para akong kinikiliti sa pagkatabi pa lang namin at nang dumikit ang
kanyang mga balat sa akin. Iba talaga ang naging epekto sakin ng mokong na ito.
“Lagi ka bang nandito Jose?” dagdag na tanong nya sa akin.
“Oo, lagi akong
nandito para makapag isip ng mga bagay bagay.” sabi ko sa kanya.
Itong ilog na din kasi ang nagging takbuhan ko sa twing ako
ang may dinadalang hinanakit sa mundo. Noong naging isang ulilang lubos ako. Sa
mga hinanakit ko sa magulang ko sa pag iwan nila sakin. Mga pasakit na dinaranas sa buhay ko ngayon.
Mga katanungang bumabagabag sa akin. Dagdagan pa ng natuklasan ko tungkol sa
aking sarili. Sa aking katauhan. Na ako ay nagkakagusto din sa kapwa ko
lalaki. Dito sa mismong lugar na ito ko
ibinuhos ang lahat ng mga ito. Sadya kasing stess reliever ang lugar na iyon sa
ganda at para rin akong nakakakuha ng mga kasagutan na aking iniisip.
“Nga pala Jose, parang tayo lang ‘tong piso ohh.” Nakangiti
ngang banggit sa akin.
“Bakit mo naman nasabing parang tayo lang yung piso? Ano yun
piso lang halaga natin sa gwapo nating ito?” tanong ko sa kanya na naguguluhan
din kung pano nya nasabi yun.
“ahh kasi si Jose Rizal ang nakalagay sa piso diba? Ikaw si
Jose at ako naman yung Rizal. Kay Rizal din kasi kinuha yung pangalan ko.”
Nakangiti nyang wika sakin. “…at isa pa hindi makukumpleto ang isaang daan kung
walang piso diba? Parang ikaw at ako. Di
ako kompleto pag wala ka. At di ako
papayag na piso lang ang halaga ko, ang
cute cute ko kaya.” Matawa-tawa nyang dagdag.
“Ano daw? Di sya kompleto pag wala ako? Nakadrugs ba
to?”natatawang sambit ng aking utak. Di ko alam ang mararamdaman pero para
akong kinilig na ewan sa kanyang sinabi.
“Ahhhh…”yun na lang ang sabi ko sabay paiwas ko syang
tiningnan . Di ko kasi alam kung ano mangyayari kung magtama na naman ang aming
mga mata. Baka tuluyan na akong lamunin ng aking kamunduhan. Parang ngayon lang
kami nagkakilala pero ang lakas talaga ng hatak nya sakin.
Habang nasa ganung posisyon ako ay naalala ko naman ang mga
nakalipas na sandali sa aking buhay at mga bigat at sakit na pinagdaraanan ko.
Ganito pa rin ba ang takbo ng buhay ko kung buhay lang sana ang mga magulang ko
ngayon? Kaya ko pa kayang mamuhay sa mundo ng mag isa at walang karamay? Pagod
na pagod na kasi ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Lugmok na lugmok ako.
Hindi ko alam kung bakit sa lahat na lang ng pagkakataon feeling ko pasan ko
ang bigat ng mundo. Puro pagdurusa na lang ang aking nararanasan. Gusto ko ng
sumunod sa aking mga magulang na namayapa na.
At nakita ko na lang
ang aking sarili na tumulo na ang aking luha at agad ko naming pinunasan ito
para di mahalata ni Zaldy. Ngunit huli na ang lahat. Kanina pa pala sya
nakatitig sa akin at pinagmamasdan ako.
“Tol, alam ko may pinagdadaanan ka ngayon, alam ko din na
gusto mo ng sumuko dahil sa mga nakita ko sayo. Di ka naman kasi iiyak ng wala
lang eh. Pero masasabi ko lang na kaya mo yan. Lahat ng nangyayari sa atin ay
may halaga at plano ang Diyos kung bakit natin ito pinagdaraanan ngayon.” Sabi
nya sakin.
"Lagi mong tingnan kung hanggang saan o kung ano na narating mo kesa sa kung gaano pa kalayo ang pupuntahan mo. Lagi mong bilangin kung anong meron ka, hindi kung ano ang wala ka. Kapag nga ang tao ay nagdurusa, nagtatanong sila kung bakit ako? Bakit sa kanila nangyari ang ganung bagay? Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng pagbigyang ng problema ehh sa kanila pa ito binigay pero hindi sila nagtatanong kung bakit sila nakakatanggap ng biyaya diba?” dugtong niya. Bagama't may kirot na dulot sa akin ang mga katotohanang sambit ni Zaldy ay may kaunting kiliti naman itong dulot sa akin habang nangungusap ang nanlalambing niyang mga tingin sa aking mga matang bakas ang dinadalang problema.
"Ano kayang buhay ang mayroon ang taong ito? Sa kanyang
mga sinasabi'y may bahid ng kaunting lungkot na mga titig ay dama kong tila
pareho o mas higit pa ang kanyang karanasan?" ang tanong ko sa aking
sarili habang pinakikinggan ng mabuti si Zaldy.
“Salamat tol. Pero di ko na ata talaga kaya ehh. Para akong
pinagkaitan ng tadhana sa mga pinagdaraanan ko. Lahat na lang ata ng problema
sa mundo pasan ko na. Ang sakit sakit ehh. Masakit dahil ganito ang buhay ko
ngayon. Problema, problema at problema lang ang gumigising sa akin araw araw.
Di ko tuloy maiwasang sisihin ang mga magulang ko. Kung hindi sana nila ako
iniwan, naging masaya sana ako kahit papano dahil andyan sila at kompleto kami.
May gumagabay sa mga mali ko, may nagtatanggol kapag ako ay inaapi at may
magpapayo kung ano ang tama at mali sa mga desisyon ko hindi tulad ngayon na
mag-isa kong kinakaharap ang lahat ng ito.”sambit ko kay Zaldy habang di ko
maiwasang tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Ang mga problema na nararanasan natin sa buhay ay para lang yang isang malaking hadlang sa mga daraanan natin. Sila ang nagbibigay sa atin ng lakas. Lakas upang labanan ang mga susunod pang pagsubok na darating sa ating buhay. At di natin napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok na dadating sa atin kung wala tayong problemang kakaharapin."sagot naman ni Zaldy sa akin.
Hindi ko akalaing ganito kalawak ang pananaw niya sa buhay.
Marahil may pinagdaanan siyang higit sa kalagayan ko ngayon. Pilit na ngiti na lang
ang ibinalik ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili.
"Alam mo, ang isang diamante ay di pwedeng kumintab kung di mo kikiskisin ito. Ang ginto ay di mo mahihinang ng walang apoy. Ang mabubuting mga tao ay nakakaranas din ng matinding pagsubok sa buhay ngunit di sila nagpapadaig dito. Ginagamit nila ang karanasan nilang ito para magtagumpay sa buhay nila para maging mas mabuti at matatag tao." Ang matalinhaga niyang patuloy sa kanyang pagpapaliwanag ngunit dahil sa kanyang itsura, galaw at pangungusap ay nakaramdam ako ng kakaibang
init sa aking puso't naging mabagal at malakas ang tibok ng aking dibdib. Para akong ewan na hindi ko maintindihan dahil sa problema't seryoso ang aming usapan ngunit ang laman ng aking puso't isipa'y
unti-unting pinapalitan ng aming kalagayan at si Zaldy.
Habang patuloy lang siya'y natulala na ako kay Zaldy. Para akong nanaginip ng gising at di ko na napansin na tapos na siya sa kanyang sinasabi.
"Tol? Natutulala ka nanaman sa akin... Ikaw ha.... Nakakahalata na ako." sabay bagon niya. Hinila pabalik ng kanyang sinabi ang aking ulirat at napansin ko na lang siyang biglang bumangon tangan ang piso
at tila nagpapahabol na tumungo sa gilid ng ilog.
“Tara na nga. Mag hanapan na lang tayo nitong piso. Ang drama na natin eh”. “Ihahagis ko ‘to tapos hahanapin natin ha?”dagdag na sabi nya sakin habang nakangiti at ako’y napa-oo na lang sabay hubad ng aking mga damit at iniwan ko na lang ang aking brief na aking tanging saplot sa aming paliligo.
Nakita ko sya sa kanyang ginagawa na naghuhubad din ng
kanyang saplot sa katawan. Di ko maiwasang tumitig sa kanyang ginagawa at
mamangha sa kanyang katawan. Hindi man maskulado pero hindi naman din mataba
ang kanyang pigura. Sakto lang kumbaga. Tanaw ko mula sa aking kinalalagyan ang
balahibong pusa niyang balbon sa katawan na tipo ko sa isang lalake.
“Hmmmmn ang sarap siguro lapain ni Zaldy?” intrega ng aking
malanding utak.
“Oh, anong tinitingin tingin mo dyan? Kanina ko pa
napapansing nakatitig sakin ahh? Type mo ba ako ha?” preskong pagpuna nya sa
akin na nakapagpula na naman sa aking pisngi.
“Ahh. Ehh….di ahh” nanginginig kong sagot sa kanya.
Ramdam ko ang pagkahiya kanina sa kanyang mga sinabi kaya
hinubad ko na lang ang natitira kong saplot para din maipagmayabang ko ang
angking kagwapuhan at angking kakisigan. Di naman sa maipagmamayabang pero
madaming nagsasabing hawigin ko daw si Derek Ramsay. Tipikal ang pagkamoreno ng
aking balat dahil na rin siguro laging babad sa araw. Malalaki ang katawan at
maskulado dahil na rin siguro sa mga mabibigat kong gawain upang mabuhay. May
mapuputi at pantay na mga ngipin ngunit walang dimples tulad ng kay Zaldy.
Nakita ko ang kanyang reaksyon sa aking ginawa kaya
napangisi na lang ako. “Ano ka ngayon ha?” sa isip ko lang. “Oh? Bat ikaw naman ngayon ang nakatulala
dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad sa harap mo? Hinubad ko
na rin brief ko para wala na ako patutuyuin bago umuwi. Tayo lang din naman ang
tao kaya hinubad ko na.” nakangiti kong sabi sa kanya.
May fiesta kasi sa kabilang bayan kung saan si Zaldy
nakatira kaya siguro walang katao-tao ang lugar na yun nung mga panahong yun.
“Ahh oo nga noh? Tayo lang tao.hehehe Sige na nga,
maghuhubad na din ako. Wala din akong dalang pamalit ehh” Nakangiti nyang sabi
sa akin.
Matapos kong maghubad ay agad akong lumusong sa tubig upang
makaupo sa may bandang sulok ng ilog. Mayroon kasi itong parang kweba na maliit
upang gawing umpukan sa tuwing may gustong mag inom dun. Nakita ko naman si
Zaldy na tapos ng maghubad ata may kinuha sa kanyang bulsa bago pa ako sundan
sa aking pinuntahan.
Tangan niya ang piso at agad akong sinundan kung saan ako nandoon.
“Game?..” tanong nya sa akin nang makarating siya sa aking
kinaroroonan.
Ang sarap ni Zaldyng tingnan sa kanyang itsura. Hingal. Basa
ang katawan. Hubot-hubad. “Ang halay mo talaga Jose.” Sambit naman ng echosera
kong isipan.
Dali dali kaming nag unahan kung saan ni Zaldy tinapon ang
piso para hanapin namin. Sisid sisid kong tinatanaw ang piso sa ilalim ng ilog
kung saan ni Zaldy i“Hoy!..ano game na?..”tanong ulit nya sa akin.
“Ha? Ahhh… ehhh… O-oo..” di mapakaling sabi ko sa kanya.
Inihagis nya mula sa kanyang kinatatayuan ang piso sa
malalim-lalim na parte ng ilog kung saan naming unahang hahanapin ito.
to itinapon. Hingal na hingal akong hanapin ito ngunit hindi
ko talaga ito makita.
Napansin ko na lang na hindi na sumisisid si Zaldy at lihim
na pinagtatawanan ako sa aking itsura. Hingal na hingal ako sa aking paghahanap
pero wala talaga akong makitang piso. Una na pala itong nakita ni Zaldy at
itinago lang sa akin at hindi sinabing nakita na nya ito.
Nainis ako sa kanyang ginawa kaya “Ikaw na lang mag laro sa
piso mo” tamputampuhan kong sabi sa kanya. Hindi naman maalis sa akin na nag
enjoy ako sa paghahanapan naming ng piso. Dagdagan pa ng damdamin kung
unti-unting umuusbong para sa kanya.
“Sorry na. Hindi na mauulit hehehehe.”natatawa nyang sabi sa
akin. “Oh ikaw naman mag tapon nitong piso” dagdag nya pang sabi sa akin. Ewan
ko rin ba pero pag si Zaldy ang kasama ko, hindi ko kayang magalit sa kanya at
parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Parang wala akong problemang
pinagdaraanan.
Habang inaabot nya sakin ang piso ay palihim nya namang
hinimas ang aking kamay. Di ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginawa nyang
iyon. “Pinaglalaruan ba ako nitong tarantadong ito?”isip ko na lang. “Eh bakit?
Gusto mo din naman yan diba?”intriga na naman ng aking malanding utak.
Agad ko naman itong tinapon ang piso upang hanapin ito
habang di pa nya nakikitang pinamulahan na ako ng aking pisngi sa pagkakahawak
nya ng aking kamay. Sinisid ko kung saan ko ito itinapon.
Agad ko naman itong pilit na kinuha. Ngunit di ko pala alam
na malapit na din ito makuha ni Zaldy at pagka dampot at pagka dampot ko ng
piso ay sya rin naming dampot nya dito. Sa ginawa naming iyon ay di naman
maiwasang magkahawakan kami ng aming mga kamay. Pero hindi ko binigay ang piso
sa kanya habang inaagaw nya ito sa aking kamay habang nasa ilalim kami ng ilog.
May pustahan kasi kami na kung sino ang kulelat sa puntos ng
aming hanapan ay manlilibre sa rides sa kabilang bayan kung saan ngayon may
fiesta. Kaya ayaw ko ding magpatalo dahil wala akong ipanggagastos para doon. Isip ko pa nung una baka date ang hanap nito
kaya niyaya nya akong sumama sa kanya pero nagsabi naman sya sakin na gusto nya
daw akong makilalang mabuti dahil gusto nya akong maging matalik na kabibigan.
Napakagaan daw kasi ng loob nya sakin at halos pareho kami ng pinagdaraanan sa
buhay.
Hindi ko talaga hinayaang maagaw ni Zaldy sa aking kamay ang
piso na hawak ko na ngayon. Habang gusto ko sana nang lumusong upang kumuha ng
hangin ay hinila naman ako ni Zaldy pababa at niyakap nya ako habang hawak pa
rin ang kamay kong may tangan na piso. Ramdam ko naman sa aking likod ang
kanyang malaki-laking armas na kumikiskis sa aking likuran dahil sa hubot hubad
kaming naligo.
Sa pagkabigla ko naman sa kanyang ginawa ay buong lakas ko
syang tinaboy sa akin at dahil nauubusan na din ako ng hangin sa katawan. Kaya
nabitawan nya ako at nakaahon na habang hingal na hingal at pilit na hinahabol
ang aking hininga.
“Ang daya naman.” Singhal ko kay Zaldy habang pilit ko pa
ring binabalik sa normal ang aking hininga.
“kapag nakuha na ang piso, wala ng agawan. Ang daya daya mo ehh”dagdag
ko pa dito.
Nang makapag ipon na ako ng nawalang hangin sa aking katawan
at lakas sinabihan ko syang dun kami sa may mala-kwebang parte ng ilog kung
saan kami nag-usap kanina magmumula upang hanapin ang piso.
Nauna akong makaakyat sa parteng iyon ng ilog. At agad naman
akong sumigaw ng “Game!!!!” at dali dali kong hinagis ang piso sa di kalayuan
habang di pa sya nakakaakyat sa dapat naming pwesto. Dali dali akong nagdive sa
ilog upang hanapin ang piso na aking hinagis.
Di ko inaasahang sa kagustuhan ko ring makapanglamang sa
kanya ay ako pa ang mapapahamak dahil mababaw pala ang parte ng ilog na iyon
kung saan ako nag dive. Nabagok ang ulo ko at nawalan ako ng malay-tao.
Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos
kong lumusong sa tubig. Parang may mga puting alitaptap na nagliliparan na
aking natatanaw. Masakit ang aking ulo. Nahihilo at di makahinga.
_______________________________
Zaldy
_______________________________
Nagpustahan kami ni Zaldy sa paglalaro ng piso. Ang
napagkasunduan naming premyo kung sino man sa amin ang makakakuha ng mas
madaming puntos ay ililibre kung ano man ang gusto nitong sakyang sa rides.
Fiesta kasi noon sa bayan namin.
Sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto ang pustahan na
iyon. Wala kasi akong maisip na idadahilan sa kanya upang makasama ko sya
mamayang gabi sa perya. Gusto ko siyang makasama. “Sana nga lang di nya
akalaing date ito” sambit naman ng aking isipan.
Nakita ko siyang oumunta sa may mala-kwebang bato sa gilid
ng ilog at agad ko syang sinundan. Hingal akong nakalapit dito. “Game” sambit ko sa kanya.
Pero para naman siyang natulala na ewan habang pinagmamasdan
ako. “Pinagpapantasyahan kaya ako nito?” isip ko lang pero may dala rin itong
kilig sa akin.
“Hoy!..Ano? Game na!?!?”sambit ko ulit sa kanya at nagpabalik
sa kanyang ulirat.
“Ha? Ahhh… ehhh… O-oo..” di mapakaling sabi niya sa akin.
Inihagis ko ang piso mula sa aking kinatatayuan sa
malalim-lamin na parte ng ilog kung saan sa tingin ko hindi niya madali itong
makita at makuha.
Agad ko naman itong sinisid noong nakita ko siyang sumisid
na rin upang hanapin ang piso. Hindi siya gaanong marunong lumangoy kagaya ko
kaya mas nauna akong makapunta at makuha kung nasaan ko inihagis ang piso.
Nung nakuha ko na ito pilit kong hindi ipinaalam sa kanya at
lihim siyang pinagmasdan habang pilit pa rin niyang hinahanap ang piso kung
saan koi to hinagis. Kay sarap niyang pagmasdan sa kanyang katayuan. Para akong
naaawa na kinikilig na ewan.
Napag alaman niya na hindi na ako naghahanap ng piso na
dapat na hinahanap naming noon at nakita niya rin na lihim ko siyang
pinagmamasdan habang pinagtatawanan kaya napaamin na lang ako na nakita ko na
ito.
“Ikaw na lang mag laro ng piso mo”sambit niya sa akin ng may
halong pagtatampo pero aninag pa rin sa kanya na nasayahan din siya sa gingawa
naming laro.
“Sorry na. Hindi na mauulit hehehehe.”natatawa kong sabi sa
kanya. “Oh ikaw naman mag tapon nitong piso” dagdag ko pa dito. Alam kong
nagtampo siya ng malaman ito kaya siya na lang ang hinayaan kong magtapon ng
piso.
Habang inaabot ko sa kanya ang piso ay palihim ko namang
hinimas ang kanyang kamay upang iparamdam ko sa kanya ang sorry na nagawa ko.
Sa pagkakadikit naman ng aming mga kamay ay may dulot naman ito ng kakaibang
kilig sa akin. Nag init ang aking mga laman.
Nakita ko siyang pinamulahan ng pisngi sa pagkakahawak
naming ng kamay. ewan ko ba kung may dulot din ito sa kanyang kilig gaya ng
naramdaman ko pero alam kong nagustuhan din niya ito.
Agad naman niyang itinapon ang piso at lumusong sa tubig
upang kunyari ay di ko mahalata. “yun lang. kanina ko pa siya pinagmamasdan. Di
ko mapigilan ehh”sa isip ko lang.
Malapit na niyang makuha ang piso kung saan man niya ito
itinapon ngunit mas magaling ako maglangoy sa kanya kaya naman mabilis ko din
naabutan ang pisong kanya sanang dadamputin.
Nag-agawan kami sa piso na nasa kamay na niya. Hindi ko
naman talaga aagawin iyon kaso ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokoti ko at
inagaw pa iyon.
Nagkahawakan kami ng kamay sa pag dampot ng piso. Pilit
niyang iwinawaksi sa akin ang kamay niyang may tangan na piso pero hindi
ko hinahayaang makawala ito sa aking
kamay. “piso nga ba ang habol ko o ang mahawakan lang ang kanyang kamay?” isip
ko lang.
Nagpupumilit pa rin siyang makawala sa aking pagkakahawak sa
kanyang kamay na may tangan na piso upang pansamantalang makakuha ng hangin.
Hindi koi to pinayagan bagkus ay niyakap ko pa siya ng mahigpit habang kunyari
ay abala pa rin akong maagaw ang piso sa kaya ngunit iba talaga ang pakay ko.
Ang mayakap talaga siya.
Yakap-yakap ko siya na kunyari ay inaagaw ko ang piso. Di ko
man pansin pero kumikiskis na pala ang aking sandata sa kanyang likuran na
nagdulot naman sa akin ng kakaibang sensyasyon. Sensyasyon na para bagang
kumuha ng aking buong lakas. Hanggang sa maramdaman ko nalang sinipa niya ako
upang makaahon at makawala sa akin.
“Ang daya naman.” Singhal niya habang abot pa rin ang
kanyang hininga. “kapag nakuha na ang
piso, wala ng agawan. Ang daya daya mo ehh”dagdag pa niya dito. Nakonsensya
naman ako sa kanyang ginawa at napatango na lang sa kanyang sinabi.
Nakita ko naman siyang umakyat sa mala-kwebang parte ng ilog
pagkatapos niyang makabawi sa nawala niyang hangin sa katawan. Nanlulumo ako sa
pagsunod sa kanya dahil ako rin ay di pa nakakabawi sa aking normal na
paghinga. Hingal pa rin akong sundan siya kung saan man siya naroroon.
Habang malapit na ako mula sa kanyang kinalalagyan ay
mabilis naman siyang nagsalita. “Game!!..” sambit niya. At agad ko naman siyang
nakita na nag dive. Magsasalita n asana ako na huwag mag dive doon kasi mababaw
ngunit huli na ang lahat.
Alam kong nabagok ang kanyang ulo sa kakaibang tunog sa
pagkakadive niya. At napansin ko pang may dugi sa parte kung saan siya ng dive.
Di ko alam ang gagawin ko. Para akong statwa sa aking lagay nang Makita ang
kanyang kalagayan.
Dali dali ko namang inalalayan si Jose papuntang gilid ng
ilog nang mapansin kong hindi na sya umaahon sa tubig at nang may nakita akong
dugo galing sa kanyang noo.
Tarantang inalalayan ko sya papunta sa gilid ng ilog upang ito ay subukang
bigayan ng buhay sa pagkakabagok at pagkalunod. Agad ko namang tiningnan kung
may pulso pa o kung himihinga pa sya. Di ko talaga alam ang aking gagawin sa
pagkakita ko sa kanyang kalagayan. Tumibok ng mabilis ang aking puso sa kabang
dulot ng pangyayari. Nanginginig ang aking mga kamay at buong katawan.
Kinakapos ako ng hininga sa pagkakita ng kanyang kalagayan. Para akong maiihi
na ewan. Natatakot. Kinakabahan. Balisa. Kung ano man ang pwedeng mangyari sa
mga oras na iyon.
Sa totoo lang hindi ako marunong magbigay ng CPR. Kaya
ginaya ko na lang ang mga nakikita ko sa tv pag ako ay nanunood sa kapitbahay
namin.
Nanginginig kong inipit ng bahagya ang kanyang ilong gamit
ang kanan kong kamay. Ang kaliwa ko namang kamay ay nabigyang
laya upang bahagyang maitaas ang kanyang baba at ibuka ko ang kanyang mga labi
upang bugahan ng hangin. Pagkatapos noon ay pinakinggan ko naman ang kanyang
hininga kung may lumalabas na hangin mula dito at kung umaangat din ang kanyang
dibdib. Yun kasi ang nakikita ko sa mga palabas. Ang pagma-mouth-to-mouth
resucitation.
Ewan ko ba kung sa mga pangyayaring iyon ay dapat pa akong
makaramdam ng ganoong bagay. Ang makaramdam ng iba sa pag lapat ng aming mga
labi. Pero di ko talaga maiwasan. Napakalambot kasi ng kanyang mga labi at kay
sarap halikan. Para bang nang aakit pa itong lapitan at ulit-ulitin kong
lasapin ang kanyang mga labi. May spark kumbaga. Agad ko naman itong winaglit
sa aking isipan dahil nasa bingit ng kamatayan si Jose.
Nang wala akong mapansing senyales na himihinga pa siya, o
kung may pagbabago sa kanya ay agaran ko naman inulit ang pagma-mouth-to-mouth
ko sa kanya. Ngunit sa mga sandaling ito ay hindi ko na naramdaman ang
naramdaman ko kanina. Para akong binanlian ng mainit na tubig at dali dali kong
ginawa ang mga nakita ko sa tv. Kinakabahan ako. Nanginginig. Nanghihina.
Sumisigaw.
Jose...! Joseeeee!!!...
Itutuloy…..
No comments:
Post a Comment