Followers

Sunday, January 8, 2012

Salamat Sa Isang Sulat

Author's Note:

Pagpasensyahan nyo na po ang mga nabinbin kong mga kuwento. Sobrang busy lang po sa mga yearend reports...

Gusto ko rin palang i announce na malapit na po ang sunod na MSOB Grand EB, ngunit kagaya ng unang EB, limitado lang po ito sa 50 ka tao.

As of this time, may pledges na po tayong at least 30K in cash, 2 meals sponsor for 50 ka tao, and hopefully mayroon pang mag-donate for the prizes. But we can already proceed with a 24-hour EB sa isang private resort with the pledges that we have.

Para po sa mga interesadong sumali, please join muna sa "Solid MSOBians" fb group. We prioritize solid msobians at iyong mga sumuporta sa PEBA Entry ng MSOB sa nakaraang PEBA contest.

In the meantime, habang wala pa ang end chapter ng "Bulag Na Pag-ibig" at continuation chapter ng KMB, heto muna ang ipabasa ko sa inyo. I dont know if I already posted this but everytime na bumamabalik-balik sa isip ko ang sulat na ito (galing sa isang kaibigang madre), it makes me feel better, sa kabila ng aking kalagayan.

---------------------------------

Some years ago, I was told by my doctor that I have a meniere’s disease. Iba’t-ibang duktor na ang napuntahan ko, iba’t-ibang hospitals sa Saudi at maging sa PInas. At ang sabi ng mga doctor, wala daw lunas ito at ang tanging magagawa lang nila ay ang pagbibigay sa akin ng mga palliatives o mga gamot na magpa-overcome sa kain sa tindi ng atake. Para bang ayan, kinakain na ng virus ang laman ko, at upang di ko masyadong maramdaman ang sakit, bibigyan nila ako ng pampa-relieve. Bale, kahit nauubos na ang laman ko sa kakain ng virus (kung virus man ito – at hindi rin nila alam), hayan, kaya ko pa rin ang sakit.

In the beginning, I thought I could just make fun of my ailment dahil at that time, hindi pa sya masyadong umaatake and if there were attacks, they were slight, few, and far between. May isang beses nun inatake ako habang nagbabad sa internet. In a split second, umikot ang paligid. I thought the whole building collapsed. Only to find out na sa isip ko lang pala ang lahat nung pinaligiran na ako ng mga tao sa internet cafĂ©, lahat sila ay nagtaka dahil nakabulagta na lang ako sa sahig, nagkalat ang ininum kong softdrink, ang keyboard, mouse at rack ng computer. Buti, hindi nauntog ang ulo ko. Kung nagkataon…

Although there were intermittent attacks later, these were not very nasty at nagagawa ko pa rin ang mga normal at professional kong gawain.

However, noong mejo lumala na sya at halos araw-araw na ang atake doon na ako nag-worry. I felt na parang unti-unti nauupos ang buhay ko at parang hindi ko na kaya. Sa isip ko, gusto ko na lang matapos ang buhay dahil kapag umatake ng matindi ang sakit ko, talagang hindi ako makatayo, umiikot ang paligid at nagsusuka ako kahit wala nang laman ang aking tyan.

Kapag mejo ok na ang aking kalagayan at nakakapagreport sa work, sa computer naman ang problema. Kapag nagbukas ako, ramdam ko kaagad ang pag-ikot ng paligid. Para akong nasa octopus ride. Hirap akong makagawa sa simpleng trabaho. Lalo kapag grabe ang atake, talagang hindi ma-identify ng utak ko kung nasaan ang ibaba o itaas na direksyon at kapag igalaw ko ang ulo ko, parang inihagis ito. Kapag ganyang sinusumpong ako ng atake, mas gugustuhin ko pang mamatay na lamang...

Minsan may isang beses ding inatake ako, nakaupo lang ako sa opisina nung biglang umikot ang paligid. Napakabilis. Ang ginawa ko ay niyakap ang lamesa sabay sigaw sa pangalan ng kasama ko sa office.

Ang pinakamatindi kong atake ay nung magbisekleta ako, one month into my vacation (death anniversary pa naman ng nanay ko). Mabilis ang takbo ko gawa ng may hinahabol. Akala ko kasi, kaya ko. Ngunit nung malapit ko ng marating ang accommodation, biglang nagdilim ang paligid ko at ang sunod kong natandaan ay ang pag-akay sa akin ng dalawa kong kasamahan papasok ng kwarto. Dun ko na rin naramdaman ang sakit ng kaliwa kong kamay kapag iginalaw ko ito. Tumama pala sa bakal na poste ang aking left collar bone. Kaagad, pina xray at doon nakitang nabiyak ang aking buto. Mabuti na lang at hindi ulo ko ang tumama. Sa lakas ng impact, siguradong may paglalagyan ako. Inisip ko na lang na baka dahil death anniversary ng nanay ko iyon, siya ang sumagip sa akin.

Tila gumuho ang mundo ko sa pangyayaring iyon. Yun bang feeling na sobrang awa sa sarili; na worthless na ang lahat; na sira na ang buhay at mga pangarap…

Sobrang hirap ang naranasan ko nung time na iyon. Ngunit nagpumilit pa rin akong magtrabaho dahil sa gusto ko pang i-enjoy ang buhay, na ipakita ang katatagan ko sa mga taong nagmamahal at umaasa sa akin. Kahit ang simpleng bagay ng pag suot ng damit, ng medyas, ng pagsintas ng sapatos, ang pagpunta ng CR ay napakalaking sakripisyo para sa akin, lalo na’t nag-iisa lang ako dito sa Saudi. At ito ang pinakamasakit sa lahat; ang feeling na nag-iisa, na nasa harap mo na sana ang iyong mga pangarap at kaya mo nang abutin… atsaka kung kailan pa nangyari ang lahat.

Pag nag-iisa, umiiyak ako. Oo, di ko ikinahiyang aminin ito. Sa labas, nakikita ng mga kasamahan kong ngumingiti ako, ginagawang biro ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kapag nag-iisa na lang sa kwarto, di nila alam umiiyak, humahagulgol…

Nalampasan ko din ang parteng iyon. Ngunit nanjan pa rin ang sakit at takot na baka biglain na naman ako ng atake ano mang oras.

Isang araw, nung nagbukas ako ng e-mail ko, heto ang nabasa ko sa isang kaibigang madre:

“Thank you very much for your greetings during the Feast of St. Francis. How are you? Hope you are getting better. Sorry I was not able to respond to your email immediately. I'm not so well Kuya. My heart is sooo heavy. It is a family problem. But I know God is always with us. My mother got an accident in the market, after attending mass last Sept. 28. She did not notice there was a gap on the ground. She fell and dropped. Her shoulders are badly damaged, the left side cracked. She can hardly move her two arms. I was there for 1 week. She can't sleep because of the pain and her kidney problem is compounding to her problems too. Almost every hour I assist her up to the bathroom. The most painful thing I experienced was the day when my superior called me. It was time for me to go back to the convent. I was feeding my mother and she asked me, “When you leave who will feed me?” Ohhh Kuya my heart was crushed. But I just told her that my cousin will come. I left her in our dining table and went out bringing my bag waiting for the bus going to the convent. Not knowingly she tried to follow me and then she fell again down our stair. It added to her pain. But in spite in her situation she told me “Go on, attend to your obligations in the convent; God will help me”. That gave me strength. Even though it is too hard for me to leave but I had to… I'm sorry my I poured out to you.”

Noong nabasa ko ito, naalimpungatan ko na lang na tumulo na pala ang mga luha ko. I knew how her mom went through. Mas matatag lang siya sa akin noong sabihin niya sa kanyang anak na, “Go on, attend to your obligations in the convent; God will help me”.

Nakita ko na sa litrato ang nanay ng kaibigan kong madre na ito. Nasa mahigit 70 na ang edad niya, masakitin, payat na halos nahihirapan nang maglakad. At ang masakit, nag-iisa lang siya, dagdagan pa ng kanyang karamdaman.

May leksyon akong natutunan sa sulat na ibinahagi ni Sister: ang maging matatag. Higit sa lahat, na wala akong karapatang magreklamo sa buhay dahil sa kabila ng hirap na naranasan ko ngayon, may iba pang mga tao na nasa mas matinding hirap at kalagayan kaysa sa akin…

4 comments:

  1. Kuya mike...

    Sabi nga ng kaibigan mo sayo magpakatatag ka, lumaban ka... Maraming nagmamahal sayo...

    Ako din kagaya mo may sakit din ako pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko pa...

    Malalampasan natin to basta magdasal ka lang :)

    happy new year kuya.. we love you so much...

    Sam1082

    ReplyDelete
  2. I posted a link below for more info about your disease. I hope this will help. Though there is no cure right now but there are some medications that you can take.

    http://www.dizziness-and-balance.com/disorders/menieres/menieres.html#whatis

    ReplyDelete
  3. touched aq... kuya just remember d story of the footprints in the sand... no one’s alone po :)

    ReplyDelete
  4. Thank u din at nabasa ko ang kwento mo, ngaun alam ko na di pala ako nag-iisa,,,pareho tau ng sakit,, kung ano ang naramdaman mo ganun din ung feeling ko,,, minsan pag ako mag-isa umiiyak talaga ako lalo na pag naiisip ko na hindi ko nagagawa ang mga dati kong mga nagagawa,,tska minsan tinatanong ko bakit menier's disease, pde namang lagnat, ubo, atleast un nakakatayo ka, nakakagalaw p rin ng maayos, napakahirap kc kahit nagtetake ako ng gamot na betahistine at aldactone, parang walang bisa pag sinumpong talaga,,,kaya araw-araw ako naghahap ng lunas, baka may mabsa ako sa internet,,,, kaya ko nabasa ang story mo, napaiyak ako..na-inspired ako sayo,,,,nabigyan mo ako ng pag-asa... thank you,,

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails