email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note:
Sorry po sa matagal na update. Bz lang at tinapos ko rin ang aking entry sa MSOB Anthology.
Maraming salamat sa pag-intindi.
-Mikejuha-
------------------------------------
“HIndi ako makakita kuya! Nabulag ako kuya!!!!” ang pagsisigaw ko.
“Tol… anong gagawin ko? Anogn gagawin ko???” ang sigw din ni kuya.
“Kumuha ka ng tubig kuya! Maghilamos ako! Baka may dumi lang sa aking mga mata!”
Narinig ko ang paggalaw ng wheelchair ni Dante. At maya-maya lang ay bumalik ito at inilatag sa aking kandungan ang tabo na may lamang tubig.
Dali-dali akong naghilamos.
Ngunit ganoon pa rin. Madilim pa rin ang paligid. Humagulgol na lang ako. “Hindi na ako makakita kuya…”
At naramdaman ko ang mga bisig ni kuya na yumakap sa akin. “Tawagan natin ang inay at itay tol… magpatulong tayo” ang mungkahi ni Dante.
“S-sige kuya. Paano natin sila tatawagan? Wala tayong celpon, nakikitext lang tayo sa kapitbahay.”
“Puntahan natin ang kapitbahay natin Tol.”
“Paano kuya? Hindi ako makakita”
“Paningin mo lang ang nawala tol… Makakalakad ka, makakatayo. Kapain mo ang hawakan ng aking wheelchair at itulak mo, sasabihin ko sa iyo kung itulak mo ito o ihinto…”
“S-sige kuya…”
At iyon nga ang ginawa namin. Bagamat hindi ako nakakakita, nakarating kami sa aming kapitbahay na ang tanging giya ko ay ang paghawak sa wheelchair ni Dante.
Natawagan namin ang aking mga magulang. At kinahapunan ng araw ding iyon, dumating sila.
Awang-awa sa kalagayan namin ang aming mga magulang. Napagdesisyonan ng mga magulang ko na dalhin ako sa ospital upang matingnan ng duktor ang aking kalagayan.
“I-inay… saan naman po tayo maghahagilap ng perang pambayad?” ang tanong ko.
“Bahala na anak. Ibenta na lang siguro natin ang ating puwesto sa relocation site… at babalik na lang kami dito ng itay mo.”
“E… paano po ang hanap-buhay ninyo?”
“B-bahala na. Bahala na… ang importante ay maipagamot ka kaagad”
“S-si Kuya Tom po nay… tumawag ba uli?” ang tanong ko noong naalala si Tom.
“Ay oo… may sakit pala siya kaya siya nasa Amerika!”
“A-ano ang sakit niya inay? Malala ba kung kaya sa Amerika siya nagpagamot?”
“Hindi ko naitangong, napuputol kasi ang linya eh. HIndi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya…”
“P-wede ba nating tawagan siya inay?”
“S-sige anak… may kaunting load pa ito. Kahit ma-miscall lang baka siya na ang tatawag.”
“H-hello? K-kuya Tom?!” ang sigaw ko noong naka-connect na linya.
”Tol…??? Ok, ok… ako ang tatawag.”
At noong nakatawag na si Tom, isiniwalat ko sa kanya ang nangyari sa akin. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ko noong inako ni Tom ang gastusin sa aking pagpagamot at magpapadala kaagad siya ng pera. Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabing iyon ni Tom. At sa sobrang saya, hindi ko na nagawang magtanong pa kung ano ang nangyari sa kanya at kung gaano kalala ba ang kanyang karamdaman na kailangang sa Amerika pa siya nagpagamot.
Infected cornea daw ang dahilan kung kaya nawala ang aking paningin. Ang masaklap, manatili akong bulag hanggang may mahanap kaming donor na siyang mag-donate ng kanyang cornea na kabagay ng aking mata, dugo, tissue. At iyan ang malaking problema namin dahil mahirap daw makahanap ng donor. Syempre, sa mga namatay na tao iyon. At syempre pa, kung mayroon mang source, i-test pa ito kung hindi ire-reject ng aking katawan.
Kaya pakiramdam ko ay nawalan na naman ako ng pag-asa. May gagastos na sana sa aking paggaling ngunit ang donor naman ang wala.
“Gusto mo na ba talagang makakita tol?” ang tanong ni Dante isang araw sa akin habang haplos-haplos niya ang aking pisngi.
“S-sana… Kaso malabo yata eh. Wala naman palang donor. Di ba sa patay lang nakukuha iyon? At kapag pumayag din ang mga kamag-anak na i-donate ang kanilang mga mata ng namatay na kamag-anak nila?”
“Tama ka tol… Ngunit puwede ring sa isang buhay pa, na nasa matinding kalagayan na at wala nang pag-asang gumaling. O siguro sa isang malakas na tao ngunit handang ibigay ang kanyang mga mata, mabubulag nga lang siya.”
“E… sino naman ang gagawa noon? At para sa akin pa, na hindi naman niya kakilala?”
Hindi na siya umimik.
Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong hininga.
Akala ko ay hanggang doon na lang talaga ang aking hantungan noong isang umaga, “Tol… may nahanap na donor na para sa mga mata mo. Ginagawa na nila ang test at alam mo ba kung ano ang resulta?” ang masayang sabi ni Dante.
“A-ano kuya?” ang excited ko ring sagot.
“Compatible daw! Ibig sabihin, puwedeng i-transplant sa mga mata mo ang cornea!” sagot ni Dante.
“T-talaga kuya???”
“Talaga tol. At sa sunod na linggo na gaganapin ang operasyon mo. At ang sabi pa ng mga duktor, malaki daw ang tsansang magtagumapy ang opersyon.”
Halos hindi naman ako magkamayaw sa sobrang tuwa na naramdaman. Pakramdam ko ay gusto ko ng maglupasay, sumigaw.
Napansin kong tahimik lang si Dante. Maya-maya, “K-kung manumbalik na ang iyong paningin, ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan tol ha?”
Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Ano ka ba kuya… ngayon pa ba ako aalis sa piling mo? Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan kuya.” Ang sabi ko.
“Salamat tol…”
Tahimik.
“S-sino kaya ang nagdonate ng kanyang cornea sa akin kuya?” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“E… h-hindi ko alam tol.”
“Sa isang namatay na tao ba iyon? O sa isang… taong may matinding karamdaman?”
“H-hindi ko alam tol”
At noong nabigkas ko ang salitang karamdaman, bigla ding pumasok sa isip ko si Tom. “Kuya… hindi kaya si Tom ang nagdonate ng cornea niya sa akin? Kung kaya nasa Amerika siya nagpagamot dahil matindi ang karamdaman niya at ibibigay na lang niya ang kanyang cornea sa akin?”
“M-maaari…” ang sagot ni Dante.
At sa sagot na iyon ni Dante, Hindi ko na napigilan ang hindi mapaiyak. “Ang bait talaga ni kuya Tom! Sa una pa lamang naming pagkikita, sinagip na niya ang buhay ko. Tinulungan niya tayo noong naputol ang iyong mga paa at ngayon, ang mga mata naman niya ang ibibigay niya sa akin. P-parang ayaw kong tanggpin ang mga mata niya kuya…”
“E… kung mamamatay din lang siya, tanggapin mo na. At least may isang parte ng katawan niya na mananatiling buhay at magiging ala-ala mo pa sa kanya.” ang sagot ni Dante.
“B-bakit malungkot ang boses mo kuya?” ang tanong ko noong nahalatang parang malungkot siya.
“Hindi… nalungkot lang ako sa kinahinatnan ni Tom. Ang bait-bait kasi niya.”
“K-kaya nga eh…”
Sa gabing iyon nagpaalam si Dante na umuwi muna gawa nang wala daw magbabantay sa baby. Ang kapitbahay na nagboluntaryong mag-alaga ay may aasikasuhin daw. Pinayagan ko na lang siya.
Kinabukasan, ipinaalam sa akin ng duktor na sisimulan na raw ang operasyon pagsapit ng hapon. Magkahalong kaba at excitement ang aking nadarama.
Noong dumating na ang takdang oras, inilipat nila ako sa operating room. “Nay… nasaan po si kuya?”
“Wala dito anak… Bukas na siya makarating may inaasikaso pa sa bahay. Hayaan mo, nandito naman ako e.” ang sambit ng inay. “H-handa ka na ba sa operasyon, anak?”
“G-gusto ko po munang pumarito ang kuya po… Hintayin po natin siya nay.” ang naisagot ko.
“E… nasa bahay nga siya anak.”
Na-disappoint naman ako. Syempre, si Dante ang nagpapalakas ng aking loob. “G-gusto ko pong makausap siya nay… k-kahit sa telepono lang po.”
Narinig kong nagbubulungan sila. Marahil ang mga duktor iyon na siyang mag-opera sa akin. At may narinig akong nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
“O sige, sandali lang ha? Tatawagan natin ang telepono ng kapitbahay…”
At maya-maya nga lang ay iniabot na sa akin ang isang cell phone. “Kausapin mo anak, si kuya mo iyan.”
“K-kuya? Nasaan ka? Ooperahan na ako!!!” ang sigaw ko.
“Nandito pa ako sa bahay tol… huwag kang mag-alala, pupuntahan kita d’yan!”
“Ngayon na kuya!!!”
“H-hindi pa ako puwede. Basta ituloy lang ang operasyon at darating ako ha? Sige na po… bait naman ang bunso ko eh…” ang panunuyo pa niya.
“Kuya naman e…”
“Basta, daratnig ako ha? O sya… may gaawin pa ako. Bye! I love you! Mwah!” At pinutol na niya ang linya.
Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Naramdaman ko sa aking mukha na may inilagay na parang gas mask at iyon na ang huli kong natandaan.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na inoperahan at walang malay. Wala akong natatandaan sa oras, wala akong ideya kung isang araw ba o ilang oras dahil purong madilim lang ang aking nakikita. “K-kuya??? Inay???” ang sigaw ko.
“Nandito ako anak…” ang sagot naman ni inay. “Tapos na ang operasyon mo, at tagumpay daw ito sabi ng duktor.”
“T-talaga po? Makakakita na po ba ako?”
“Oo anak… makakakita ka na raw. Dalawang linggo kapag natanggal na ang mga bendahe sa iyong mga mata.” Ang sagot ng inay habang niyakap niya ako at tinatapik ang aking likod.
“N-nasaan po ba si kuya nay?” ang tanong ko noong naalala si Dante.
“Parating na dito anak… huwag kang mag-alala.”
At napanatag naman ang aking kalooban. At maya-maya nga ay narinig kong bumukas ang pinto at may narinig akong boses, “Kaya mo ba? Kaya mo ba?”
At narinig ko rin ang sagot ni dante na, “Kaya ko, kaya ko…”
Narinig ko ang palapit na palapit na tunog ng wheelchair ni kuya. Pamilyar na kasi sa akin iyon. “Bakit ka nila tinanong kuya kung kaya mo?”
“Ito naman o… putol kaya ang mga paa ko. Akala nila hindi ko kaya” sabay haplos niya sa aking katawan.
Inabot ko naman ang kanyang kamay at hinawakan iyon. “Bakit ba ang tagal-tagal mo ah!” ang may halong pagmamaktol at pagtatampo ko. “Naiinis ako sa iyo… Kung kailan makakakita na ako atsaka ka pa wala sa piling ko. Mabuti pa si kuya Tom. Kahit wala siya dito, lahat ay binigay niya para sa akin.”
“Sorry na… pasensya na. Mas mahal naman kita kaysa pagmamahal ng kuya Tom mo para sa iyo...”
“Iyon na nga eh… mahal mo ako pero wala ka sa piling ko. Kung namatay ako? Kung hindi ako nagising pagkatapos ng operasyon? Anong gagawin mo?”
“O sya… huwag nang magalit kasi nandito na ako at malapit ka nang makakita” ang sambit niya sabay hapols sa aking pisngi at hinalikan ang aking mga labi. “Mwah!”
At doon napawi ang aking pagtatampo.
Araw ng pagtatanggal ng bendahe sa aking mga mata. Excited na ako. Nandoon sa aking piling ang aking itay at inay. At muli, nawaa na naman si Dante. “N-asaan na naman si kuya nay?” ang tanong ko noong dumating na ang duktor at assistant niya upang siyang magtanggal ng bendahe.
“Parating na, huwag kang mag-alala” sagot naman ng inay.
Ngunit may 30 minutos na lang ang nakalipas at wala pa rnig Dante ang sumipot. “O sya, tanggalin na natin?” ang sabi ng duktor na umalis lang sandali gawa ng panghingi ko ng ilangminutong maghintay kay Dante.
“Nasaan na si kuya?” ang naiinis ko namang sabi med’yo tumaas uli ang boses.
“Malapit na raw siya. Ipatanggal na lang natin ang bendahe mo, anak. Naghintay na ang duktor.”
At wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon bagamat mabigat ito sa aking kalooban ang pagtanggal sa bendahe. Inisip ko pa naman sana na habang binubuksn ang bendahe ko, nasa tabi ko si dante at hawak-hawak ko ang kamay niya.
Ngunit wala na akong magawa. Habang dahan-dahang tinanggal na ang bendahe, hindi ko naman maiwasang sumagi sa isip si Tom. Naawa ako sa kanya, nalungkot kung ano man ang nangyari sa kanya.
Noong natanggal na ang bendahe, kinakabahan ako dahil madilim pa rin ang aking paligid noong unang ibinuka ko ang aking mga mata. Ngunit unti-unti ding may nakikita akong malabong sinag at hugis at ilang saglit pa, ay may nakikita na ako, bagamat tila may maninipis na ulap pang nakaharan. “N-nakakakita na ako!” sambit ko.
Narinig ko naman ang palakpakan ng mga nakapaligid. At nakita ko na ang aking inay, ang itay, ang duktor at dalawang nurse. Sobrang tuwa kong nanumbalik ang aking mga mata.
Noong ibinaling ko naman ang paningin ko sa isang sulok, nakita ko ang isang taong nakangiti rin at pumapalakpak. “K-kuya Tom!!!!!” ang sigaw ko. “A-akala ko nagkasakit ka at pumunta ng Amerika upang magpagamot! Akala ko ikaw ang nagbigay sa aking ng iyon mga mata!”
Tumawa lang siya, nilapitan ako at niyakap. “Hindi Tol. Nagpunta ako ng Amerika dahil nagbakasyon kami ng daddy ko at nagkataong nagkasakit ako, diarrhea. At nagpaospital. Ngunit ok na ako, kung kaya noong nalaman ko ang nangyari sa iyo at may handang donor na rin para sa iyong mga mata, kung kaya nagpadala na ako ng pera at heto, dali-daling umuwi.”
“E… s-sino pala ang nagdonate ng mga mata niya sa akin?”
“H-ahayan siya o…” sabay namang pagbukas ng pinto at tulak-tulak ng nurse ang kanyang wheel chair.
At noong nakita ko ang mukha noong nakasakay sa wheel chair, ang kanyang mga mata ay may mga bendhae pa rin, hindi ko na napigilan an gsarilign hindi sumigaw ng malakas. “Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!” Dali-dali akong bumalikwas ako sa kama atsaka niyakap siya. “Bakit hindi mo sinabiiiii? Bakit hindi mo sinabi kuyaaaaaaa!!!! Ang daya moooo!!!!!” ang sigaw ko dahil sa matinding pagkaawa ko sa kanyang kalagayan.
“P-pasensya ka na tol… Alam ko kasing hindi ka papayag kapag nalaman mong ibigay ko sa iyo ang aking mga mata. Gusto kong ikaw ang makakita kasi…” napahinto siya ng bahagya noong ang boses niya ay nag-crack, tanda na napaiyak siya. “… kasi, ako naman talaga ang may kapansanan eh. At… sa ganitong paraan ko rin mabayaran ang mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Di ba ang dami-dami mong mga sakripisyo at pagsubok na hinarap nang dahil sa akin. Naawa ako sa iyo. Pero ok lang naman sa akin kasi alam kong hindi mo ako pababayaan, hindi mo ako iiwan, di ba? Iyan ang pangako mo sa akin…”
“Kuya…” ang naisagot ko na lang.
“Ngunit may good news naman ako sa iyo tol…”
“A-ano iyon kuya?”
“Magkapatid kami sa ina ni Tom…”
Napatingin ako sa aking inay at itay. “Tama si kuya Dante mo, tristan. Mahabang kuwento ngunit naging katulong ng pamilya ng mga Villas ang ina ni Dante. Nabuntis ito ng ama ni Tom at noong mdiskubre ito, pinalayas siya ng yumaong lola ni Tom sa tahanan nila. Nag-imbento lang daw ito ng kuwento upang makatikim sa yaman ng mga Villas…”
“At huwag ka ring mag-alala tol… dahil kasalukuyang naghahanap na rin ang daddy; daddy namin ni Dante ng maaaring maging donor ng cornea upang makakitang muli ang aking kapatid. Bilib na bilib ang daddy sa ipinakitang pagtulong niya sa iyo. Alam mo naman ang daddy, may dugong pilantropo, mataas ang respeto sa mga taong mapagbigay. Kahit saang sulok ng mundo, hahanapin namin ang donor na iyan. Makakita din siya, huwag kang mag-alala. At tungkol naman sa pagkaputol ng mga paa ni Dante, hindi na rin problema iyan” at ipinakita niya ang dalang box na noong binuksan, ang laman ay mga prosthesis, o iyong artificial na mga paa at parang normal lamang itong paa kapag isinuot at nakakalakad ng normal, nakakatakbo...
Tuwang-tuwa naman si Dante sa narinig. Noong inabot ang mga ito sa kanya, hinahaplos-haplos niya.
“M-makakalakad ka na rin k-kuya” ang nasambit ko bagamat nalungkot din ako sa kalagayan niya, kung kailang pa siya nabulag. “S-sana, ako na lang ang naghintay sa donor eh… kasi ganoon pa rin naman. K-kagaya ngayon, makakalakad ka na sana muli. K-kaso, di ka naman nakakakita.”
“Hayaan mo na. Mas gusto kong ako ang maghintay kaysa ikaw. Malay mo, hindi makahanap ng donor e, di tuluyan ka nang mabulag.”
“E, ngayon kung hindi makahanap ng donor, e di ikaw naman ngayon ang tuluyang mabulag?”
“Ok lang… mas nanaisin kong ako mabulag ng habambuhay kaysa ikaw. Sobra-sobra na ang mga sakripisyo mo sa akin. Hayaan mong ako naman ang magparaya… Atsaka hindi ka ba masaya na may bahagi ng katawan ko na nasa iyo? Ang sarap kayang isipin na nakikita ng taong mahal ko ang kulay at ganda ng mundo dahil sa aking mga mata.”
At muling niyakap ko si Dante. Iyong pakiramdam na sobrang touched sa ginawa niya. “S-salamat kuya” at hinalikan ang kanyang mga labi. Doon ko narealize kung gaano niya talaga ako kamahal.
“K-kung pwede nga lang sana kitang pakasalan eh… ginawa ko na. Kaso, hindi. Kaya at least, d’yan, sa mata kong nasa iyo, parang na ring buo tayo.”
“T-talaga kuya? P-pakasalan mo sana ako?”
“Oo… kung maaari lang.”
Iyan ang sinabi niyang tumatak sa aking isipan.
At habang naghintay si Dante sa donor ng cornea, nagpapraktis naman siya sa paggamit sa prosthesis na ibinigay sa kanya ni Tom. At madali siyang natuto. Kung hindi lang siya bulag, malamang na nakatatakbo na rin ito. Naengganyo kasi sa ikinuwento ni kuya Tom tungkol sa isang South African runner na si Oscar Pistorius na bagamat naka-prosthesis lamang ay sumali sa mga international at Olympic competitions na ang mga kalaban ay may mga kumpletong paa. At palagi siyang nanalo, at tinaguriang blade runner.
Lumipas ang anim na buwan, ipinadala kami ng daddy ni Tom sa America. Ako, si Dante, ang anak niya sampu ng aming mga magulang. Doon kasi nila naisipang ipaopera ang mga mata ni Dante, at gusto rin ng daddy nila Tom na isama kami dahil sa isang sorpresa na pinaplano niyang ibigay kay Dante kapag bumalik na ang paningin nito. Ginastusan talaga nila ang aming pagpunta. May nakita na kasing donor para sa mga mata ni Dante at kailangan na siyang maoperahan.
Sobrang saya ko at ng aking mga magulang noong nakarating na kami ng Amerika. Sa buong buhay ko, hindi ko akalain na makarating ako sa lugar na iyon. At syempre, ganoon din ang naramdaman ng aking mga magulang. Imagine, nagtitinda lang kami ng mga tingi-tingi na asukal, mantika, asin, ahos at iba pa sa kanto-kanto, at biglang nakatungtong kami sa Amerika. Parang isang panaginip lamang ang lahat.
Anyway, naoperahan si Dante at natapos ito. At ang sabi ng mga duktor, matagumpay daw na nagawa ito. Pati ang sistema niya ay hindi ni-reject ang cornea na inilipat sa mata niya.
Sumapit ang araw na tatanggalin na ang bendahe. Ibayong sigla ang aking naramdaman. Hindi ako magkamayaw sa aking gagawin.
“Tol… Di ba tatanggalin lang naman nila ang bendahe ng aking mga mata? B-bakit kailangan pang sumakay tayo ng van?”
“Ah… eh, a-ano… ang daddy ninyo ni kuya Tom ay nasa mansyon ninyo at may sakit, hindi siya makapunta at gusto niyang doon gaganapin ang pagtanggal sa bendahe mo at siya ang isa sa mga taong dapat ay una mong makita. Hindi mo pa siya nakita di ba?”
“Hindi pa...”
“Kaya ganoon.”
“At bakit parang bihis na bihis ata ako sa aking porma? Atsaka hinipo ko ang aking prosthesis, parang ang ganda-ganda ng aking sapatos na suot?”
“E…” ang nasambit ko na lang. Hindi ko kasi alam kung paano ipaliwanag. At ang naging alibi ko na lang ay, “G-ganyan talaga ang mga mayayaman dito sa Amerika kuya! Kapag mayaman ka dito, kahit nasa bahay ka lang ay naka-Amerikana ka!”
Lihim naman na napahagakhak sina Tom at ang aking mga magulang na kasama naming nakasakay sa sa van.
“N-niloloko mo naman ako tol eh. Nagtawanan ata sina kuya Tom at inay at itay eh!”
“Iba naman ang pinagtawanan nila ah! Huwag ka kasing magpahalata. Baka sabihin ng mga taong ignorante ka. Basta ok lang iyang suot mo. Promise!”
Nakarating din kami sa itinakdang lugar. Actually, sa mansion naman talaga nila iyon, sa malaking bulwagan na mistulang isang auditorium ang laki. Napakaganda ng lugar, punong-puno ito ng palamuti at handa na rin ang mga streamers, ang mga malalaki at mababangong bulaklak, ang mga sound system, ang mga pagkain, ang mga bisita, isang sorpresa na angkop para sa isang anak-mayaman na nawala ngunit natagpuan...
Pakiwari ko ay puputok ang aking dibdib sa sobrang magkahalong matinding kaba at excitement. “G-ganito pala ang mga mayayaman…” bulong ko na lang sa sarili. Para akong lalamunin sa ganda at pagka elegante ng lugar. Parang bahagi lamang ako sa mga palamuti nito.
Sa gitna ng bulwagan pinaupo si kuya, sa gitna ng magkabilaang nakahilerang mga upuan. Nagpahinga sandali at noong sinabi ng duktor na tatanggalin na ang bendahe sa mga mata niya.
“Tatanggalin na ang bendahe ko tol! Nasaan ka? Dapat nandito ka sa gilid ko!” ang sigaw niya noong aalis sana ako.
“Ikaw nga, wala sa tabi ko noong tinanggal ang bendahe ko eh. Dapat wala rin ako!”
“Tado ka! Halika rito! Hawakan mo ang kamay ko!”
“Nandito lang ako kuya…” ang sambit ko bagamat hinila na ako ng aking mga magulang sa gitna ng pasilyo.
Hindi na siya nakapalag noong sinimulan na ng duktor ang pagtanggal sa kanyang mga bendahe.
Inadjust ang ilaw sa bulwagan, iyong may pagka-dim light na bahagya. Noong tuluyan nang natanggal ang lahat ng bendahe sa mga mata niya, hinid ko naman mailayo ang aking paningin sa mukha niya. Pansin ko ang tila pagka-disoriented niya. Naalala ko ang naramdaman ko noong ako naman ang inoperahan at tinanggalan ng bendahe. Na-imagine ko ang nakikitang dilim sa simula hanggang sa unti-unting luminaw ang paligid.
Nakita kong inikot niya ang kanyang mga mata. At sabay sa pagliwanag ng kanyang mukha ay pinatugtog ang kantang, “All My Life”
All My Life – America Song Lyrics
All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share
All the things this changing world can offer
So I sing, Id be happy just to
Stay this way, spend each day, with you
There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time but then I chose to lay it on the line
I put the past away
I put the past away
I put the past away
All my life, I will carry you through
All my life, between each hour of the passing days
I will stay with you
There was a time, that I just thought
That I would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
Was wasted time then I chose to lay it on the line
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I want this all my life
I wanted this all my life
Ang kantang iyan kasi ang paborito niya. Nagflash-back tuloy ang eksenang galit na galit ako noong pinag-aralan niyang kantahin at gitarahin iyan gamit ang hiniram na gitara ng kapitbahay.
“Kuya naman! Magpatulog ka!!! Ang sakit sa tainga!!!” Paano basag na nga ang tunog ng gitara, magkahiwalay pa ang mga tono nila.
“Kaya nga nagpraktis eh!” sagot naman niya.
“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Arrggghhhh!”
At tumahimik siya, ibinalik sa kapitbahay ang gitara atsaka tumabi na sa akin sa pagtulog.
Kinabukasan, nakita ko ang kudigo niya sa mga chords at sa itaas ng papel ay may nakasulat na, “Theme song ko para sa mahal na mahal kong utol...”
Doon ako natouched sobra at naawa rin sa kanya kasi pinagalitan ko pa. Kaya noong nasa kuwarto na kaming muli, sinabi ko sa kanya na gusto kong kantahin niya muli ang “All My Life”
“Ayoko nga! Sagwa kaya ng boses ko!” ang pagtatampo niya.
“Hindi ah! Masama lang pakiramdam ko noon.”
“Sure ka na gusto mong kantahin ko?”
“Opo...”
At iyon ang simula. Palagi na niyang kinakanta iyan sa akin. Kapag nagagalit ako, naiinis, nalulungkot, kinakanta niya sa akin. Sinasabayan ko na rin siya. Wala akong pakialam kung naiingayan ang kapitbahay o sumakit din ang mga tainga nila. Basta para sa akin, ang kanta niya ang pinakamagandang kanta na narinig ko.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Naalala ko ang hirap ng buhay naming, ang aking mga pinagdaanan, ang mga sakripisyo ko sa pag-ibig kay Dante. Ang buong akala ko ay hindi kami aabot sa ganoon.
Noong narinig niya ang kanta, ang hinanap kaagad ng paningin niya ay ako. At noong nakita na, “Tol!!! Nakakita na muli ako tol!!! Andaming tao tollll!” sigaw niya.
Natawa lang ako sa pagsisigaw niya. At habang nasa ganoon siyang ka-excited, ipinakilala naman siya ng duktor sa kanyang daddy. Parang isang iglap lamang iyon dahil pagkatapos noon ay ineskortan na siya nito sa pagmartsa sa gitnang pasilyo patungo sa kinaroroonan ko kung saan naman ay pinagitnaan ako ng aking mga nakaposturang magulang: naka barong-tagalog si itay at naka Filipina-gown naman ang inay. Sosyal na sosyal.
Kitang-kita ko sa mukha ni kuya ang pagkalito na ang isip ay tila nagtatnong sa daddy niya kung anong nangyari o kung saan sila patungo.
At habang nasa ganoong kalituhan si Dante, unti-unti namang ibinaba ang streamer galing sa itaas ng bulwagan na may nakasulat na, “Congratulations Dante-Tristan on your wedding!” sabay laglag ng mga confetti na may iba’t-ibang kulay at ang pag-ilaw na ng buong bulwagan.
Kitang-kita ko sa mukha ni Dante ang matinding pagkamangha. Tinitignan niya ako, abot-tainga naman ang ngiti niya, nakuha kung ano ang ibig sabihin ng okasyon.
Noong nakarating na sila sa aming kinatatayuan, nagmano siya sa mga magulang ko at niyakap siya ng aking inay at itay. “Alagaan mo si Tristan Dante… ngayong mag-iisang dibdib na kayo.”
Nakita ko ang mga luhang dumaloy sa mga mata ni Dante. “Huwag kang umiyak ah! Magka-impeksyon iyang mga mata mo!” sambit ko.
At kinurot niya ang aking pisngi sabay sabi ng, “Ikaw kasi… di mo sinabi ang lahat ng ito”
“Surprise kuya… surprise!”
Niyakap niya ako at hinalikan sa bibig.
Kumawala ako, “Hindi pa nga sinabi ng pari na kiss the bride, er… partner eh! Baka pagalitan tayo!” biro ko.
At nagtawanan na lang kami habang ipinagpatuloy ang pagmamartsa patungo sa harap ng bulwagan kung saan nakalagay ang platform na aming puwesto para sa seremonya ng kasal.
At habang nagmartsa kami, ang kantang ito naman ang pinili kong ipatugtog. Nagustuhan ko kasi ang kahulugan ng kanta lalo na sa mata niyang siyang dahilan upang Makita ko ang kulay at ganda ng buhay, na sinabi din sa kanta, “...and you brought out the colors, what a gentle surpise; now I’m able to see all the things life can be, shinin’ soft in you eyes, now I’m able to see all the things life can be
shinin’ soft in your eyes...”
You Decorated My Life – Kenny Rogers Song Lyrics
All my life was a paper,
Once plain, pure and white;
‘Till you moved with your pen,
Changin’ moods now and then
‘Till the balance was right.
Then you added some music,
Ev’ry note was in place;
And anybody could see all the changes in me
By the look on my face.
And you decorated my life,
Created a world where dreams area apart.
And you decorated my life
By paintin’ your love all over my heart,
You decorated my life.
Like a rhyme with no reason in an unfinished song;
There was no harmony life meant nothin’ to me,
Until you came along.
And you brought out the colors,
What a gentle surpise;
Now I’m able to see all the things life can be
Shinin’ soft in you eyes
Now I’m able to see all the things life can be
Shinin’ soft in your eyes
And you decorated my life;
Created a world where dreams are apart.
And you decorated my life
By paintin’ your love all over my heart,
You decorated my life.
At noong nakarating na kami sa harap ng altar at pastor, siguro naman ay alam na ninyo kung ano ang sunod na nangyari: Nag-“I do” kami, nagsumpaan, atsaka itinuloy ang halikan...
Ngayon, sa Amerka na kami nanirahan kasama ang aming mga magulang. May maliit na shop na ibinigay sa amin ng daddy nina Tom at Dante, at minamanage namin kasama ang aking mga magulang.
Si Dante naman ay hindi lang nakakalakad gamit ang kanyang prosthesis kundi isang runner na rin kagaya ng kanyang idol. Gusto raw niyang sundan ang mga yapak ni Oscar Pistorius.
Kumpleto na ang aming pagsasama. At dahil nasa amin ang baby ni Dante, buo na ang aming pamilya. Buo na rin ang aming buhay.
Wakas.
:) very nice S'Mike!
ReplyDeleteOhhh... How I wish this kind of fairy tale do come true.
ReplyDeleteThis is worth waiting. Thanks for sharing again this beatifull story. More power!
wowwwwwwwwww grabe ang sarap ng pakiramdam, bulag na pag ibig nga namn… another best story na nabasa ko..ang sarap talaga ma inlove… kuya sana ma post mo ung torrid scene ni dante and tristan..ehheheh thnk u ver much po… JhayL
ReplyDeleteu r really great sir mike..it's worth the wait..u nver fail to inject the emotions in your readers..napaiyak mu q specialy sa part na nlamn ni tristan dat dante is his donor..though i may say it's still the usual happy ending with marriage which sumtyms is quite not that exciting..it's still great..looking forward for KMB..hope that one will preserve its out-of-the-ordinary touch
ReplyDelete-john el-
This is really a wonderful story...
ReplyDeleteI can say that this is one of your best!
Nakaka-inspire siya...
Thanks Mike
AT LAST! WHAT A HAPPY ENDING. NLAPAKASAYA SA PAKIRAMDAM. TNX ALOT MIKE SA NPAKAGANDANG KWENTO. MORE POWER!
ReplyDeleteAwwwwwww ang saya...
ReplyDeletesobrang nakakatouch... mga away mgkapatid na selos pla ang dhlan, pg-ako sa krimeng bunga ng pagse2los, sakripisyo at debosyon sa bwat isa, lahat ay nauwi sa isang matamis na wakas... nkakatuwa :)
ReplyDeleteWalang duda akaw naga si kuya mick kasi lahat nang storey mo ay parang mala Fairy Tail ang endang ang ganda dabes ka.....
ReplyDeleteWalang duda akaw naga si kuya mike kasi lahat nang storey mo ay parang mala Fairy Tail ang endang ang ganda dabes ka.....
ReplyDeleteVery informative post for me as I am always looking for new content that can help me and my knowledge grow better.
ReplyDeleteGr8…Keep it up!!!!
machine to machine
I can't find the exact term to explain how i feel at this moment of time ..
ReplyDeleteThis story made my emotions turn upside down .. I was greatly touched by the things that happened all throughout the story .. Despite all the trials and sacrifices, the lead characters have been able to surpass everything and made every second, minute, hours and days of their lives colorful and meaningful .. Life and love lessons learned .. How i wish that someday .. i can find my own "kuya Dante" ..
The one that will make your heart understand and make your mind decipher the true magic of love ..
Thank you very much for this wonderful and very inspiring story .. I will never forget this , the same as how "Idol ko si Sir" have left a deep mark in my mind and heart ..
I apologize if i haven't made to comment from the beginning .. I just got curioused with the title and immediately started to read from the first to the last chapter ..
Thanks kuya Mike ~
Its amasing ending,Thanks kuya mike.
ReplyDeletesulit po ang luha ko s pag iyak s story nyo,kakatouch po talaga.
wow, napasabak ang mga mata ko dito ah. lol
ReplyDeleteas always, the way the author managed to made this 12-part story make an impact is superb!
Not the usual gay love stories. the twists and the scenes, oh my. applause for you sir! =)
parang katulad xa ng ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN na sinulat din ni sir mike.sana po madaming pang mggandang st0ry ang magagawa pa ni sir mike! Two thumbs up! Godbless
ReplyDeleteBRAVO!!!... SANA MAY BOOK2 ..NABITIN AKO .. HEHEHE... ! ..
ReplyDeleteBABASAHIN KO LAHAT NG STORY MO! ANG GAGANDA SOBRAA!!
PANG MINTERNATIONAL MOVIE ANG DATING! HEHEHE...
(IAN)
ang ganda ang sarap sa pakiramdam .....
ReplyDeletehirap talaga i explain kung anu sa pakiramdam pero parang nakalutang... masaya.... ang sarap magmahal.... ang sarap ng may "KUYA" haist sayang di ako pinalad na magkaroon ng kapatid pero atleast masaya na ako ngayon..
"LHG"
awww..... one of the best :)) just like the previous ones that I've read... good twists na sadyang mala-rollercoaster that can set my heart feel different emotions from sadness the in the end to happiness. >_<
ReplyDeleteI said to myself when I was in Part 8 and 9 nung kailangan nang magpaubaya ni Tris that I really felt all of his emotions and talagang nakakasakit cya. Eh ako naman I really dont want to feel the hurt so it has discouraged me a bit to read it. But then again, pabawi ko sa sarili ko, if ganyan ang attitude ko sa isang istorya then what more pa sa buhay kung susuko ako ng ganon. Kaya itinuloy ko na lang ang pagbasa knowing that I will feel more hurt but at least I learned from it and the reading paid off knowing na ang ganda ng ending. I've been through a lot for the past few days and this has made me realize na just like your stories, no matter how the flow is or the ending is, may lesson cya na kailangan matutunan and tuloy pa rin ang buhay. Kaya ito, no matter how hard the trials are I will stay strong like what Tris did for Dante :)
kudos to you again Sir Mike and a job well done :)
-archerangel
as ive expected kapatid ni tom si dante..,
ReplyDeletepero mali ung isa kong forecast na si tom ang magbibigay ng cornea jejej..,
niweiz nice story again.., congrats kiuya mike for every inspiring story uve shared =)
niweiz panu ko pala mavbabasa ung torrid scene ni tristan-dencio at tristan-dante =)
ReplyDeletenapakaganda ng storya ala akong masabi... 2 thumbs up po ako sa inyo kuya mike... sana po patuloy po parin kayo sa pagsulat ng mga kwento. Kwento na nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa. Ako poy nabuhayan ng loob kasi akala ko di ko kaya pero pilit kung bumangon dahil sa mga kwento mo na maaring mangyari sa ating buhay. Saludo po ako sa iyo kuya mike. Salamat
ReplyDeletevinz_uan
alam mo sir mike may pasok pa ako mamaya at 7am...pero i2 dilat pa rin ang mata ko and it is 2am na d2 sa dubai..naiyak na naman ako...d ako sanay magcomment kc silent reader ako pero lately I hate u kc napapacomment mo ako ng madalas...d na yata ako dalawin ng antok kc para akong na sa cloud 9, nakikita ko clearly mga eksena...haaaayy sir mike, ang ganda ganda ng mga stories mo... lahaaaaattttttt. Just call me na lang "fallen4u" if may time ka sir mike na magreply. Fallen for u kc naiinlove na ako sa lahat ng mga gawa mo. The best ka talaga!
ReplyDeletepang movie ang scvript kuya mike!...friend mo ako sa FB. Nonikko poh name ko...pwede po pasend nung mga torrid scenes?... nonikkodizon@yahoo.com
ReplyDeleteganda lahat ng akda mo sobra, kaya pag nasimulan koh na ay di ako makatigil sa pagbabasa...
Another beautiful story from Sir Mike... You really are an inspiration... More stories to come and God Bless! _ian of KSA
ReplyDeleteang ganda naman po ng story...
ReplyDeletehehehe
grabe sobrang daming nangyari...
haixt...
sana ako din makahanap(ng donor sa mata??)toinks!! hahaha piz...
xempre partner malamang..^_^
pati pala mata binulag ni mr. mike. maganda po istorya, kaso may pagkasadista ang dating sakin. kasi naputulan na nga ng paa, nawalan pa ng mata. pwede namang isang mata lang muna at pag nakakita ng donor, saka nalang isunod yung isang mata. mas masaya pa at hindi alagain.
ReplyDeleteGumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa ng walang hinihintay na kapalit! Ang sukli sa mga umampon kay dante. Mas higit pa. Pati kabutihan ni tris sobra-sobra ang biyayang kapalit. Happy ending! salamat po kuya mike.
rhon
Isang masaya at magandang pagtatapos, maraming maraming salamat sir mike. Minulat mo na nmn aking mga mata sa isa
ReplyDeletena namang tunay na mukha nang pag ibig.
-RavePriss
Ganda pa din, as expected kahit 12 chapters lang. Kudos Sir Mike
ReplyDelete