I'll try my best to post "LMLIA: The Untold Beginning" tomorrow. Pasensya na rin sa delay, busy lang sa past few days. Anyway, eto na po ang Part 13. Snaa po magustuhan niyo. :)
----------------------------------------------
By: White_PalBLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 13: "Goodbye Ely..."
Bellefire - Can T Cry Hard Enough
Mp3-Codes.com
Madilim
pa noong magising ako, tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at nakita kong
alas-kwatro na ng umaga. Iniangat ko ang aking ulo’t nakita kong mahimbing ang
tulog ng aking mahal. Tumayo ako mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang
dibdib at inayos ang sarili. Lumabas ako ng tent at naglakad patungong bahay na
inuupahan namin sa isla.
Pagbukas
ko ng pinto’y bumungad sa akin ang isang taong naka-upo sa sala. Umiinom pa ito
ng tubig ito ng makita ko.
“Gab!
Asan si Kuya?”
“Ayun,
natutulog dun sa may tent. Bakit gising ka pa baka makasama yan sa iyo at sa
anak natin.”
“Lumabas
lang ako para uminom ng tubig. At teka nga, bakit mo iniwan si Kuya?
“Ayokong
gisingin, ang sarap kaya ng tulog ng Kuya mo.”
“O
siya, puntahan ko na lang.”
“Samahan
na kita.”
“Huwag
na, alam ko kung saan iyon. Umakyat ka sa taas, hintayin mong magising si Ely…
May sasabihin daw siya sa iyo.” Ang sabi nito at dire-diretsong lumabas.
Nagulat
naman ako sa sinabi ni Ella na alam niya ang pinagtayuan ng tent. Naisip ko na
pinlano siguro talaga nila iyon para makapag-usap kami ni Jared.
“Ella!”
ang tawag ko dito.
“Ako
na…” ang sabi ng pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Lumingon
ako’t nakita ko si Ace.
“Puntahan
mo si Ely.” Utos nito.
“Sige…
Salamat ha!”
Umakyat
ako sa itaas at bago mapasok ang kwarto ng aking kapatid, muli kong nasulyapan
ang aking daliri, nakita ko ang singsing namin ni Jared. Napangiti ako kasabay
nito ang bitaw ko ng isang malalim na hinga.
Pumasok
ako sa loob at unang nakapukaw ng aking atensyon ay ang wedding gown ng kapatid
ko. Simple lang ito at nababagay sa beach wedding ang damit. Nakita ko rin sa
gilid ang singing na gagamitin nila sa kasal at ang ilang sa invitation.
Planado na ang lahat, talagang tuloy na tuloy na ang kasal.
Itinuon
ko ang aking mata sa kama at nakita ko ang mahimbing na tulog ni Ely. Tinitigan
ko ang mukha nito, nakita ko ang pagkawala ng sigla nito. Ibang-iba sa Ely na
kaibigan at kaklase ko noong high school. Nawala ang Ely na makulit, kalog,
nakakatawa, at matapang. Ang nakikita ko ngayon ay isang Ely na punung-puno ng
paghihirap at kawalan ng pag-asang mabuhay.
Naramdaman
ko na lang ang pagtulo ng aking luha. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Kung kalian
nakita ko na ang kapatid ko tsaka naman ito mawawala agad. Hindi ko na rin
napigilang humagulgol. Nasa ganoon akong pag-iyak ng gumalaw si Ely.
“Nandito
ako.” Ang sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay.
“Gab…”
ang namamaos na sabi nito.
“May
masakit ba sa iyo Ely? Nagugutom ka ba?” ang sabi ko habang pinupunasan ang
aking luha gamit ang aking braso.
Ngumiti
ito at pagkatapos ay…
“Eto
naman! Ok lang ako! Keri lang! Kaloka ka!” ang pasigaw niyang banat sa akin.
Nagulat
ako sa sinabi ng aking kapatid.
“Oh!
Bakit hindi ka makakibo diyan Bebe Gab?” ang sabi niya sabay ngiti.
Hindi
ko na naman napigilang maluha ng tawagin niya akong ‘Bebe Gab’. Sobrang na-miss
ko ang pagtawag niya sa akin ng ganoon.
“Eh…
Kasi…” ang na-eexcite at nanginginig kong sabi.
“Kasi
what? Spill it out Bebe Gab ko!” ang ngiti pa ulit nito.
Sa
pagkakataong iyon ay hindi ko napigilang umiyak at yakapin si Ely. Yinakap din
ako nito.
“What’s
wrong my little brother?” ang malambing niyang sabi na parang walang dinadalang
hirap.
“Wala
naman Ely… I mean, Ate. Na-miss ko lang yung pagtawag mo sa akin ng Bebe Gab.” Ang
umiiyak ko ng sabi.
“Ssshhh…
Don’t cry na, Ate is here.” Ang sabi niya bakas sa boses nito ang pag-crack.
“Pero
kasi…”
“I’ll
always be here for you Bebe Gab. I will never leave you. Promise ko yan.”
Dahil
sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong humagulgol. Lalo namang humigpit ang
yakap ko sa aking kapatid at ganoon rin ito. Sa gitna ng aking pag-iyak ay naramdaman
kong hinihimas-himas ni Ely ang aking likuran na para bang pinapakalma nito ang
isang batang umiiyak. Naramdaman ko rin ang mainit niyang luha sa aking
balikat.
“Alam
mo, Namiss kita! Namiss ko rin yung pagtawag mo sa akin ng ganoon. Namiss ko yung pagtatanggol mo sa akin kila Steph, namiss
ko yung pag-cheer up mo sa akin kapag depress ako. Namiss ko yung pagiging
kalog at makulit mo para pasayahin kami… At ngayon, ngayon pa lang, mamimiss ko
lahat yun Ely. Lahat-lahat mamimiss ko yun.” Ang sabi ko’t lalong paglakas ng
hagulgol ko.
“Humarap
ka sa akin Bebe Gab.” Ang utos nito.
Kumalas
ako sa aming yakapan at humarap sa kanya, pansin ko ang luha sa mukha nito.
Nagpunas ito ng luha at ngumiti.
“Look,
I’m happy… I’m happy kasi magkasama tayo, I’m happy kasi kapatid kita… At masaya
akong aalis dahil napatawad mo na ako at okay ang lahat. Basta kapag namimiss
mo ako, tumingin ka lang sa salamin at tingnan ang mata mo, nabubuhay ako
kasama mo. Hindi lang yan at lagi lang din ako nandito.” Ang turo niya sa puso
ko.
Napayuko
ako at muling umiyak, parang hindi na maubos ang luhang dumadaloy sa aking
mata. Hinaplos naman niya ang aking mukha at nakapa ang luhang nandito.
“Wag
ka na umiyak Bebe Gab.”
Hindi
ako kumibo, kahit kasi anong pigil ko’y hindi ko kayang maitago ang lungkot na
nararamdaman lalo na’t alam kong malapit na niya kaming iwan.
“Ganito
na lang… Dalhin mo ako sa labas, gusto kong magpahangin eh.”
Sinunod
ko naman ang gusto ng aking kapatid, inalalayan ko siya papunta sa balcony ng
kwarto nito, at inupo siya sa sofa na nandoon. Tumabi ako sa kanya at inakbayan
ito.
“Ano
gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?”
“Nauuhaw
lang.”
“Sige,
kuha lang ako ng tubig” paalam ko rito.
Paglabas
ko ng kwarto’y bumungad sa akin si Jared.
“Oh!
Gising ka na pala.” Ang sabi ko sabay ngiti.
“Iniwan
mo naman ako.” Ang sabi niya bakas sa mukha na inaantok pa ito.
“Ang
sarap kaya ng tulog mo” ang sabi ko sabay diretso sa hagdan pababa.
“San
ka pupunta?”
“Kukuha
ng tubig para kay Ely.” Ang sigaw ko dito.
Pagbalik
ko sa kwarto’y nakita kong naka-upo si Jared sa tabi ni Ely habang naka-akbay
pa siya dito. Lumapit ako sa dalawa at inilapag ang inumin.
“Eto
na pala inumin mo oh.”
“Maiwan
ko muna kayo.” Ang sabi ko sabay labas ng kwarto. Naramdaman kong meron silang
dapat pag-usapan.
Dumiretso
ako sa aking kwarto’t ibinagsak ang katawan sa kama. Tiningnan ko rin ang oras
at nakita kong 5:30am na pala. Hindi ko alam kung bakit tingin ako ng tingin sa
oras noon na para bang may hinihintay ako.
“Ilang sandali na lang…
Kasal na nila, At ikaw pa ang bestman Gab!” ang sabi ko sasarili ko.
Pumikit
ako’t naalala ko ang pag-uusap namin ni Ella, ilang araw ang nakaraan.
“Ella,
anong sakit ni Ely? Gaano na katagal? Anong stage noong ma-diagnose ito?”
“Pancreatic
Cancer Gab. Stage 3 na noong ma-diagnose na meron siya nito, isang buwan bago
siya umuwi.”
Napabuntong
hininga ako’t napa-sandal sa sliding door sa may terrace. Napapikit ako’t
pagkatapos ay napaluhod at yinakap ang sarili, hindi ko na napigilang umiyak.
“Ganoon
na ba kalala ngayon Ella?” ang pautal-utal kong sabi.
Tumango
lang ito at yumuko.
“Gab!”
ang sigaw ng isang boses na nagpatigil sa aking iniisip.
Dumilat
ako’t lumingon sa pinanggalingan ng boses. Kita ko ang tuloy-tuloy na pagdaloy
ng luha ng taong nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto. Nakaramdam ako ng
matinding kaba.
“Ella!
B-bakit ka umiiyak?” ang nanginginig na tanong ko.
“Gab…
S-si Ely…” ang humahagulgol na sabi niya kasabay nito ang pagtakip ng kamay sa kanyang mukha.
Sa
sinabing iyon ni Ella, naintidihan ko na ang ibig niyang ipahiwatig, hindi ako
agad nakakibo, para akong naging istatwa ng mga oras na iyon.
“Gab..”
ang nanginginig na sabi niya habang dahan-dahang naglalakad sa kinauupuan ko.
“Hindi…
Hindi totoo yan Ella. Sabihin mong nag-bibiro ka lang. Hindi pupwede Ella!” ang
sigaw ko’t tuluyan kong paghagulgol.
Yinakap
ako ni Ella at nakiisa sa aking pagdadalamhati.
“Hindi
pupwedeng mangyari iyon. Hindi ngayon… K-kailangan nilang makasal ni Jared. Kailangan
Ella, kailangan… Hindi pupwedeng mawala ang kapatid kooooo!!!” ang sigaw ko
habang umiiyak.
Naramdaman
ko ang mahigpit na yakap ni Ella sa akin. Gusto kong pumalag, at magwala dahil
sa pagpanaw ng kapatid ko ngunit napaka-higpit ng yakap ni Ella at naisip ko
rin na baka masaktan ko siya at ang anak naming. Wala na akong nagawa kundi
humagulgol at magsisisigaw. Nang mahimasmasan ako’y dali-dali akong nagpunta sa
kwarto ni Ely.
Agad
akong dumiretso sa balcony ng kwartong iyon. Nakita ko ang napakagandang
sunrise dito, kasabay noon ay nakita kong naka-akbay si Jared kay Ely habang
ang ulo ni Ely ay nakahilig sa kanyang balikat. Lumapit ako’t nakita ko ang
pagluha ng aking mahal, kasabay nito, nakita ko ang payapang mukha ng aking
kapatid.
Muli,
hindi ko napigilang maiyak ng makita ko ang mukha ng aking kapatid. Lumuhod ako’t
pinagmasdan ito. Nakita kong payapa ang mukha nito, parang natutulog lang.
Yinakap ko ito at umiyak ng mahina. Sa aking pag-iyak ay siya ding pag-himas sa
likuran ko ni Jared, dahil dito hindi ko na namang mapigilang humagulgol.
Yinakap ako ni Jared kasama ni Ely. Sobrang sakit ng aking nararamdaman ng oras
na iyon, walang kapantay na sakit. Parang walang katapusang sinasaksak ng
kutsilyo ang aking puso.
Tumingin
ako kay Ely at sinabing…
“Kagaya
ng sinabi ko sa iyo, mamimiss kita…” ang pautal-utal kong sabi.
“Susubukan
kong maging matatag, maging matapang, para sa iyo.” ang sabi ko.
Hinalikan
ko ito sa noo at muli’y yinakap ko ang aking kapatid at nagpatuloy sa pag-iyak.
Iyon na ang huli kong natandaan.
Tulala,
balisa, wala sa sarili, ganyan ang itsura ko buong araw. Nasabi rin sa akin ni Ella na nasa
kwarto ngayon ni Ely sila Mama at Papa, alam kong nagdadalamhati ang mga ito
lalo na’t hindi pa nila ito nakakasama ng matagal. Mayroon pang mga sinabi sa
akin si Ella tungkol sa sundo ni Ely papuntang punirarya, at kung anu-ano pa
man na hindi ko na naintindihan gawa ng sobrang lungkot at depression na
nararamdaman ko sa pagkawala ng aking kapatid.
Ilang
sandali pa’y lumapit sa akin si Ella, at yinakap ako nito.
“Magiging
maayos din ang lahat.” Ang sabi nito sabay yakap sa akin.
Nasa
ganoon kaming posisyon ng bigla kong maalala si Ge.
“Si
Gabriel Earl kamusta?” ang tukoy ko sa anak ni Jared at Ely.
“Ayun,
iyak ng iyak, pinapakalma ni Enso at Inday.”
Bigla
akong nakaramdam ng awa sa pamangkin ko, hindi ko alam pero kung nahihirapan
ako, mas nahihirapan dito si Ge, napakabata pa niya para mawalan ng isang ina.
“Ella,
naaawa ako sa bata, naaawa ako sa pamangkin ko. Four years old lang siya Ella.”
Ang sabi ko at muli’y umiyak.
“Ssshhh…
Nandito tayo para sa kanya. At nandyan ka.”
Nasa
ganoon kaming pag-uusap ng may kumatok sa pintuan at binuksan ito. Linuwa ng
pinto si Aling Minda at Aling Nelly na namumugto rin ang mga mata.
“Gabriel
anak, may nagbigay sa iyo.” Ang abot nito sa isang regalong nakabalot ng kulay
itim. May ribbon pang color violet dito.
“Ha?
Kanino raw galing?” ang gulat kong tanong.
“Hindi
ko alam eh, pero kasama yang regalo na yan sa mga regalo nina Ely at Jared.” Ang
tukoy ni Aling Minda sa regalo sa kasal ng dalawa.
“Nagtataka
nga rin ako bakit sa iyo naka-address yan eh.” Ang sabat ni Aling Nelly.
Tumayo
ako sa kama at inabot ang regalong iyon. Agad kong binukan ito’t bumungad sa
akin ang isang box. Pagbukas ko ng box ay bigla kong naibato ito sa sahig,
napasigaw naman si Aling Nelly sa nakita naming laman ng box. Bumungad sa amin
ang isang patay na pusa, duguan pa ito’t may kasamang note.
Bigla
akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba, kasabay nito ang pagtaas ng
balahibo ko. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Ella at ganoon rin sa mukha
nila Aling Minda at Aling Nelly. Para kaming na-paralyze sa aming nasaksihan.
“S-sino
ang may bigay niyan?” ang nanginginig at takot na takot kong sabi.
Naramdaman
ko namang yinakap ako ni Ella. Hindi ko rin namalayang tumulo ang luha ko dahil
sa sobrang takot.
Kinuha
ni Aling Minda ang note na kasama ng patay na pusa at binasa ito.
“Hindi
pa tapos ang lahat, mamamatay kang duguan kagaya ng pusang ito Gabriel.
Mamamatay ka! Kasama ng anak mo!” ang pagbasa ni Aling Minda sa sulat.
(ITUTULOY)
amf! ayan nanaman si Steph....
ReplyDeleteGab buti ka pa may time mag sulat huhuhuhu!
Congrats nga pala at nasama ka sa anthology.
Hahahah. Kambal... naks naman... hahahaha..... kakabasa ko lang neto.... nice naman... hahahahah... talagang pinangatawanan mo na.. ahahahaha...... next chpater na...heheheheh.. :))
ReplyDeleteSh*t!!! Bakit may ganun??? Malapit na matapos ito, pero mukhang may nakaabang pang panganib kay Gab.
ReplyDeleteakala ko ba nakakulong na si steph
ReplyDeleteNung makita ko yung title, alam ko na ang mangyayari. Pinipigilan kong maiyak pero nung mabasa ko na tinawag ni Ely si Gab ng 'Bebe Gab', hindi ko na nagawa. Reminds me of their good times, their friendship. Nakakalungkot lang na hanggang dito na lang si Ely, for me she's one of the best characters in this story. Malaki ang role niya at ang ganda rin ng development ng character niya. Regarding sa last part, I didn't see this coming. Nagulat din ako, mukhang hindi pa tapos ang papel ni Steph sa story.
ReplyDelete~Mighty_Dawn
Naiyak ako dito, hindi ko tuloy mapigilang magcomment. Wala ka pa ring kupas author! Galing!
ReplyDeleteExcited na ako sa ending nito! Sana happy ending for Gab and Jared.
Naawa ako kay Ge, ang bata pa niya para mawalan ng mommy. F!ck you Steph! Sana ikaw na lang namatay!
ReplyDelete.kailan ba yan matatapos ang buhay ni steph buwiset na buwiset na ako sa kanya..
ReplyDeleteGrabe ang ganda talaga nang estorya.. I can't wait 4 d next chapter...
Sa nman po maganda ang ending para sa dalawa...
At kawawa ang bata...for his young age he lost his mother.. Please e post na po,. I'm so excted to witnes how it ends
Waah! walang pang update! T_T
ReplyDeleteMiss ko na po ito~!
wala pa din pong update? grabe araw araw ko po atang chinecheck kung may update to . grabe ang galing ng author nito. isa po ako sa silent readers dto pero dto sa kwentong to hindi ko mapigilan mag comment :)_
ReplyDeletenice. may anak si ella at gab.. haha.. tuwang-tuwa pa ako.. haha asan na ang 14?
ReplyDeletesimula ng nabasa ko to, favorite ko na ang kantang "LIKE I AM" by Rascal.. ganda eh. haha. paulit-ulit ko pinakikinggan sa skul. Unli eh.. hahah
ReplyDelete-ram
UPDATE please! Nakakabitin. :'(
ReplyDeletesobrang ganda ng story sobrang naiyak ako..nakakaasar tlga tong steph n to..haixt...nkakapnggigigil eh..>.<
ReplyDelete