Followers

Sunday, November 13, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 22)

 Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.


            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)


            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html
           
             Pangalawa, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)


             Una sa lahat,PASENSYA NA PO TALAGA SA SOBRANG LATE UPDATE. sobrang busy po kasi talaga ngayon sa trabaho.. Halos wala na rin po ako time para sa sarili ko dahil po sa sobrang busy.. Pero eto po.. Sana magustuhan nyo po ang update ko.. Ahm, malapit na rin po pala ito matagpos, so sana, abangan nyo hanggang dulo.. Thanks po!! Mwah!! :)



             Muli ay gusto ko pong magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, Jeffrey Paloma, Erwin Fernandez, yamiverde, MM, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, iNNOH, Jayzon13, RLM101, johndave, Soulburn, Kristofer Lein Ylagan, riku13, rei, bharbzz, flashbomb, jazzmotus, blue, RGEE, Coffee Prince, Free Movie Downloads, Andrei, jesome colagong,  JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, psalm, sesylu, maakujon, bluecho13, Neon, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILDJIAN, Dave17, Ako si 3rd, Steffano, Ross Magno, M.V, JC, roman (roohmen), kokey, Brian_stephens, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J


   COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!


>>>> Sya nga po pala, tulad ng ipinangako ko sa lahat, na magpapakilala ko sa inyong lahat. Well.. ito na po ako. :)



>>>>> dark_ken






“Philip.. Can we pretend that I’m yours….? Even just for tonight….?”, sambit ni Jerry sakin.

            Nagulat at nabigla ako sa sinabi ni Jerry na yun. Hindi ako nakaimik. Pero sa reaksyon at mga titig nya, alam kong seryoso nya. Naramdaman ko na lang na nangingilid ang mga luha ko hanggang sa napayakap ako sakanya. Niyakap ko sya ng pagkahigpit higpit. Yung tipong yakap na walang bukas. Kahit pa hindi ko maintindihan ang nangyayari ay napakasaya ako. Wala na kong paki kung for tonight lang. Kahit pa 1 hour lang yan. Kung makakanya ko sya ng buo buo ay kaya kong isugal ang kahit ano. Ginantihan naman nya ito ng isang mainit na yakap din.

            Naging napakasaya ng bday kong ito. Ito na ata ang pinakamasayang regalo na naibigay sakin ng kahit nino man. Naalala ko na same date last year ng una kong nakumpirma na minamahal ko na ang kaibigan. At ito ngayon, bday ko ulit, at tuluyan syang naging akin. Kahit pa ngayong gabi lang…

            Halatang halata ng lahat ang pagiging sadya kong mas pagkamasiyahin ng particular na gabing yun. Kahit pa ng mama ko at ng kapatid ko.

            “James, bat ang saya saya ng kapatid mo?”, tanong ni mama ng nakatawa.

            “Nako inlove yan ma! Jackpot yan ngaung gabi! Hahaha!”, tawa tawang tugon ni James.

            “Mukha nga ee oh! Abot tenga ang ngiti ee oh! Tingnan mo nga yang ngiti ng anak ko oh! Kaganda! Hahahaha!”, masayang dagdag ni mama.

            At totoo, ako na ata ang pinakamasayang nilalang ng gabing yun. Wala akong sinayang na oras para hindi iparamdam kay Jerry ang tunay kong nararamdaman para sakanya.

            “Ma! Ito oh! Bat ako masaya!”, sabi ko kay Mama habang naka akbay kay Jerry.

            “Oh, Jerry anak, nagkamali ka jan sa anak ko! Hahahaha! Sabihin mo pag niloko ka nyan, uumbagan natin! Hahaha!”, casual na sabi ng mama ko kay Jerry. Nang tingnan ko naman si Jerry ay halata ang pagtataka sa kanyang mukha. Natawa naman ako.

            “Jerry, dito kasi sa bahay. Bawal magtago ng sama ng loob at ng sikreto. Kaya alam na nila lahat. Huwag ka magalala. Tanggap naman na nila.”, nakangiti kong pagpapaliwanag kay Jerry. Kita ko naman ang pamumula ni Jerry. Parang hiyang hiya to sa mga nangyayari.

            “Jerry, I don’t care if its just for tonight. Mahal kita noon pa. At mas mamahalin pa kita bukas…..”, seryoso kong sinabi habang nakatingin sa mga mata ni Jerry.

            Nagsimula at natapos ang party na sobrang saya ko. Wala na kong mahihiling pa. Even if it’s only a one night romance. Ang importante, akin sya.

            Pagtapos ng party ay nagayos na kami ng mga kalat at dali daling nagpahinga. Time check, 3am. Niyaya ko na si Jerry sa kwarto ko para makapagpahinga. Binigyan ko sya ng twalya at damit pampalit. Agad agad naman sya naligo. Pagtapos nya ay ako naman. Kahit pa tapos na ko maligo ay ramdam ko pa rin ang pagkalasing. Hindi pagkalasing sa alak kundi ang pagkalasing sa emosyong aking nararamdaman.

            Pagbalik ko ng kwarto ay nakita kong nakahiga na si Jerry sa kama sa tabi ng pader. Kahit pa pagod na ay ramdam ko pa rin ang energy dahil sa sayang nararamdaman. Agad akong humiga sa tabi ni Jerry.

            “Philip..?”

            “Oh?”

            “Natatandaan mo ba nung last birthday mo na naglasing lasingan ka?”

            “Hahaha! Lasing talaga ako nun noh! Ang dami nyo kayang pinainum samin ni kambal noon!”

            “Simula nung gabing yun. Hindi ka na nawala sa isip ko..”, nararamdaman ko ang pagkagaralgal sa boses nya. Umiiyak ba sya?

            Pagtingin ko sakanya ay nakita kong umiiyak nga sya.

            “Bat ka umiiyak?”, pagaalala kong tanong.

            “Masaya lang ako ngayon. Hindi ko kasi akalain na makakatabi pa kita sa kamang to. Ang tagal kong hinintay tong sandaling to ulit.”, umiiyak nyang sinabi.

            Sa sinabi nyang yun ay di ko na din napigilang hindi umiyak. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salitang to mismo galing kay Jerry. Isang taon ang sinayang ko. Pero sulit na rin ang isang taong paghihintay kahit pa sa isang gabing magiging akin sya.

            Tumagilid ako sa direksyon ni Jerry at nilapit ang mukha ko sakanya. Kinakabisado ko ang bawat hugis ng kanyang mga kilay, mata, ilong, mukha, pisngi, bibig, baba at ang buong kabuuan nito. Kahit pa ngayong gabi ay ayaw ko kalimutan ang sandaling ito. Nakita ko itong nakangiti ng bahagya habang dumadaloy pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Nagtitigan kami ng umiiyak.

            At doon, dahan dahan ko sya hinalikan. Pagtapos ng matagal na panahon, nahalikan ko ulit ang mga labing yun. Ang mga labing akala ko ay di na muling dadampian ng aking mga labi. Punong puno ng emosyon ang pagkakahalik kong yun. Banayad, swabe, punong puno ng pagmamahal. Hanggang sa naramdaman ko din ang paghalik nya sakin at ang paghawak nya sa aking mga mukha.

            Gumapang ang mga halik ko papunta sa kanyang pisngi, sa baba, sa bagang paakyat sa likod ng tenga, hanggang sa leeg. Ramdam at rinig ko ang pagdaing ng emosyon sa bawat isa. Ang romansang binuro ng panahon na ngayon aming pinagsasaluhan.

            Pinagsaluhan naming ang gabi na punong puno ng pagmamahal at emosyon. Nararamdaman ko parin ang mga kamay nya sa aking mga mukha. Hinahaplos haplos ito ng buong pagkaswabe. Napakasarap sa pakiramdam.

            Maya maya ay tumahimik ito at narinig ko na lang ang mahihinang hikbi.

            “Anong problema Jerry?”

            “Philip, pwede humingi ng favor sayo?”

            “Kahit ano Jerry…”

            “Pwede bang ihatid mo ko?”

            “Sa inyo? Bukas nlng. Pwede ka naman matulog dito.”

            “Hindi Philip.”

“E san ka pupunta?”, kinakabahan kong tanong.

“Mamaya ang flight ko papuntang Japan.”

            “Huh!? Aalis ka?!”

            “Oo. Dun ako magcecelebrate ng xmas with my family. Don’t worry ill be back first week ng January.”

            “Babalik ka ha….”, malungkot kong sabi.

            “I will.. Sunduin mo ko ha…”

            Malungkot man ay nagbihis na kami para ihatid sya sa airport. Yun ba ang ibig sabihin nya sa one night only romance namin?

            Magkahawak kamay naming tinahak ang daan papuntang airport. Magkatingin lang aming mga mata at ito na ang naguusap para saming dalawa. Madaling araw yun kaya mabilis lang ang byahe ng taxi papuntang airport. Pero it was the longest 20 mins of my life.

            Bumaba kami ng taxi at dali daling naglakad. Still, hindi nya binitawan ang mga kamay ko. Maya maya ay nagulat ako sa nasaksihan. Nakita ko si coach, may dalang maleta at tila ay hinihintay si Jerry.

            “Phil, kilala mo na si coach diba?”, casual na tanong ni Jerry.

            “WTF?! Anong eksena to?! So this what he meant by one night only. Kasi after, babalik na sya muli sa piling ni coach.”, masakit na sinasabi ng utak ko sa sarili.

            “Yeah, ofcourse.”, banggit naman ni coach sabay abot ng kamay na parang nakikipagkilala. Inabot ko ang kamay nya and we just gave each other a firm handshake.

            “Kasama sya?”, kinakabahan kong paguusisa.

            “Hahaha! Hindi noh! We just agreed na magkita dito. E hassle naman kung may dala akong maleta sa bday party mo. So pumayag sya na sya na lang ang magdadala ng gamit ko dito sa airport.”, natatawang sagot ni Jerry.

            “Oh, Jerry, nagsiksik pala si mama ng menudo sa check in luggage mo. Para naman di mo mamis ang pinas at si mama. Hihintayin namin ang pagbabalik mo.”, nakangiting sabi ni Coach kay Jerry. I felt very uneasy. Bat pa ba ko sumama sama dito kung ito din pala ang eksenang aabutan ko.

            “Wow! Ang sweet talaga ng mom mo. Thanks paki sabi. Anyways, I have to get inside. Magchecheck in pa ako.”, simpleng sagot ni Jerry.

            Hindi ko ba alam. Pero those words alone are enough para durugin ang puso ko. To think na kilala na rin pala ng parents ng lintik na Coach na yan si Jerry. Ano pang laban ko? E mukhang tight na sila. I was just a one night affair.

            Bago tuluyang umalis si Jerry ay lumapit ito sa akin. Nakita ko ang mga mata nyang namumuo ng luha. At the same time, nakangiti sya. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga ngiti at luhang yun. Could it be his sad goodbye and thank you for what happened tonight? Or is it something else? Hindi ko na alam. Ayaw ko na mag expect. Masyado nang masakit para sakin ang mga nasasaksihan ko. Napaluha na rin ako. Hinawakan nya ang mga mukha ko.

            “Im not crying because I’m leaving. We both know na babalik ako agad. Umiiyak ako dahil masaya akong andito ka.”, puno ng emosyon na sabi sakin ni Jerry sabay naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi ni Jerry sa mga labi ko. Napapikit ako.  This must be it. Its his farewell kiss..

            “Ahem! Jerry, oras na. Baka malate ka pa.”, biglang epal ni Coach. Lintik na! Badtrip!

            “Yeah, I know. I’ll see you when I get back. Thanks Ming.”, nakangiting sabi ni Jerry kay Coach.

            “I’ll see you when I get back…..”, paulit ulit na umiikot sa utak ko. I wish sakin nya sinabi yun. Pero hindi, kay coach nya sinabi. Masakit sa damdamin. Pero wala akong karapatang magreklamo. Wala akong lugar.

            Kitang kita ko si Jerry na naglakad palayo at pumasok na ng tuluyan sa airport. Napapahid ako ng luha. Alam ko halos 2 weeks and half lang sya mawawala, pero malungkot pa rin. Ganto pala ang feeling ng may umaalis na kamag anak o minamahal sa buhay. Kahit pa alam mong babalik sya ay nakakalungkot panoorin ang pag alis nila.

            “Okay, lemme get this clear. Show’s over.”, matigas at maangas na sabi ni Coach sakin.

            “Huh?!”, matigas na sagot ko kay coach.

            “Narinig mo ko diba?! What ever happened tonight, was just for tonight. He just felt bad for you dahil bday mo! Pero lets get things straight. Kami na ni Jerry. So better stay out of our way.”, sabay walk out ni Coach.

            Tameme at tulala ang reaksyon ko. “Ganun na lang yun? After nitong gabing to? Ganun ganun na lang yun?! Pinaglaruan ba ko? Was it because pa birthday lang sakin ni Jerry ang lahat?! Pinaglaruan nya lan ba ang damdamin ko?”, paulit ulit na sabi ko sa sarili hanggang sa narealize ko na nakaupo ako sa sahig at umiiyak.

            “But everything seemed so real. Every touch, hug, and kiss.. It all felt real. Pero why does it have to be like this? Why does it have to be for one night only?”, malungkot na tanong ko sa sarili.

            Naglakas loob ako tumayo at ipunin ang lakas ko para umuwi. Kailangan ko magpakatatag. Hindi ito ang lugar para gumawa ako ng eksena. Sumakay ako ng taxi pauwi ng lumuluha. Wala na kong paki.

            Pagkauwing pagkauwi ko ay dumirecho ako sa kwarto. Sariwa pa ang amoy at pakiramdam ng lahat. Napaupo ako sa sahig at nagsimula nanamang mapaiyak. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina lang. Kung paano naming inangkin ang mundo na sya ring nagtapos agad. Masarap at masakit isip isipin. It was my Ironic Romance…..

            Araw araw ay tila parusa at pahirap sakin. Dahil araw araw sa twing umuuwi ako ng bahay at pumapasok ng kwarto ko ay sumasariwa sakin lahat ng nangyari samin ni Jerry. Kung gaano kasarap sariwain ito ay ganun din kasakit isipin na pang isang gabi lang ang lahat ng nangyari.

            Nalugmok ako sa kalungkutan. Hanggang dumaan ang araw ng paguwi ni Jerry sa Pilipinas. Gusto ko syang sunduin tulad ng napagsunduan at itanong sakanya lahat lahat. Gusto ko itanong lahat ng “bakit” ko sakanya. Pero binantaan na rin ako ni Coach na wag na sila guluhin dahil masaya na sila. Masaya na si Jerry ngayon. Hindi na daw sya nasasaktan di tulad ng ginawa ko sakanya noon. Mas napanghinaan ako ng loob. Dahil kung tutuusin ay tama si Coach. Simula’t sapul ay puro problema at sakit na lang ang binigay ko kay Jerry. Lage ko na lang sinasabi sa sarili ko na mahal ko sya pero I always end up hurting him. Siguro nga tama na pabayaan ko na sya sa piling ni Coach.. Kung saan.. Hindi na sya masasaktan pa……




Si Jerry..

            Excited akong dumating ng airport ng Pilipinas. Ibang iba sa pakiramdam since malamig sa Japan ng umalis ako pero pagdating ko ay sobrang init naman. Nakakatawa pero namis ko tong init at lagkit ng hangin na to. Pero mas sabik akong makita si Philip.

            Paglabas ko at kuha ng bagahe ko ay naghintay ako sa waiting area at naghintay ng sundo. Nagtingin tingin ako sa mga taong naghihintay din at hinanap ang mukha ni Philip. Nang matanaw ko ang isang pamilyar na mukha na tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko.

            “Welcome home!!”, masayang bungad sakin ni Ming.

            “UY! Salamat!! Kamusta?!”, nagulat ako dahil di sya ang ineexpect ko na makita. Nagmamasid masid pa din ako sa paligid. Hinahanap ang mukha ni Philip. Mukhang napansin ata to ni Ming.

            “Hindi daw sya makakarating. Kaya ako ang pumunta dito. Sabi ko nga, hindi ka man lan ba nya masingit kahit sandali lang? Pero sabi nya may training pa daw sya ngayong oras mismo na to kaya hindi sya pwede.”, sabi ni Coach.

            “Ahh. Ganun ba….”, nalungkot ako sa narinig. Hindi man lan ba nya kaya ipagpaliban ang araw na to? Kahit ngayon lang? Pero kahit ganun pa man din ay inintindi ko. Baka naman kailangan nya talaga tong araw na to kaya di sya makakapunta. Malungkot man ay di ko pinahalata. Ayaw ko naman din ma offend si Mingming.

            Hinatid ako ni Coach hanggang sa bahay. Medyo tahimik ako simula kanina dahil medyo disappointed pa rin ako. Pero sat wing tinatanong naman ako ni Coach ay sinasagot ko ay pagod lang ako sa byahe. Kaya paguwi ay umuwi na rin ito agad at hinayaan akong magpahinga. Agad din naman akong nakatulog.

            Kinabukasan, araw ng linggo ay tinext ko agad si Jenny at niyaya ito magsimba. Ngunit di ito nagreply kaya pinagpasyahan ko na tawagan sya ngunit dir in sya sumasagot. Baka busy sya.

            Pagtapos ng misa ay di pa rin ako mapakali dahilsa di pag reply ni Jenny. Hindi naman kasi sya ganun. Usually ay mabilis pa sa alas quarto kung magreply si Jenny. Pero this time, wala talaga syang reply. Kaya nagpasya akong pumunta sa bahay nila.

            Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong pinapasok ng katulong nila Jenny. Agad agad naman akong kumatok at pumasok sa kwarto nya. Naabutan ko syang naglalaro sa laptop nya.

            “Hi! Im back!”

            Pero di ako pinansin ni Jenny. Medyo nagtaka ako. I know something is wrong.

            “Bat di ka nagrereply sa text ko? May problema ba tayo Jen?”

            “Wala akong load, senxa na.”, sinabi nya na di man lan ako tiningnan.

            “Walang load? E naka plan ka kaya?”, pagtataka kong sinabi. Biglang tumayo si Jenny.

            “You know what, fine! I also have to get this out of my head!”, mataray na sabi ni Jenny. Ngayon ko lang syang nakitang ganun. Or atleast sakin.

            “What the fuck is your problem Jerry?!”

            “Huh? Problem? Ano bang nangyayari?”, gulong gulo at taking taka kong tinanong.

            “Oh come on Jerry! Of all people! Alam mong ako ang pinaka nakakaalam ng lahat!”

            “Hindi ko maintindihan Jenny..”

            “Asan ba ang utak mo? Saan mo ba nilagay ang utak mo nung sinabi mong gusto mo makipag affair for one night?!”, iritableng sagot ni Jenny.

            Natameme ako sa sinabi ni Jenny. Actually, di ko din alam kung bakit yun din ang sinabi k okay Philip that night before I left.

            “Oh, ano?! Nagulat ka?! Jerry, gago ka ba?! Ineentertain mo si Coach tapos sasabihin mo kay Philip na gusto mo makipag on for one night?! Kakaiba ka din noh!!”, inis pa rin nyang sabi.

            “Look.. I don’t know bat yun ang nasabi ko. Pero sya nam..”

            “You know what. I don’t wanna hear your bullshit anymore! Youll always be my bestfriend and I’ll always love you for that. Pero ayusin mo to Jerry.”

            “Paano..?”

            “Jer, you were clever enough to come up with that idea so good luck getting out of it. Matalino ka diba? Gamitin mo naman yang utak mo oh!”

            Para kong biglang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Jenny. Tama sya.. Mali nga ang ginawa ko. And I must set things straight. Panahon na rin. Panahon na rin para mamili..

            At ikaw yun.. Philip..



            Hindi ako nakapasok ng halos buong linggong yun dahil nilagnat ako dahil sa biglaang palit ng weather. Pero Thursday ng gabi ay napagdesisyunan kong kailangan ko ng pumasok. Wala na naman akong lagnat, kayak o na siguro pumasok bukas. Gusto ko na rin makausap agad si Philip.

            Kinabukasan pagpasok sa school ay agad kong hinanap si Philip. Hinintay ko mag lunch break. Halos di ako nakakain ng maayos dahil gustong gusto ko ng makausap si Philip. Dapat di ko na pinatagal to. Dapat hindi ko na sinabi na one night lang ang gusto kong mangyari. Dapat binaon ko noon pa ang sakit at pabayaan sya tuluyang bumawi sakin. I realized nung nasa malayo ako at hindi sya nakikita ay sya pa rin pala talaga ang tinitbok ng puso ko..

            Agad kong nakita si Philip at nilapitan sya at tinanong sya kung pwede ba syang makipagusap. Hinila nya ko sa isang lugar kung saan wala masyadong taong dumadaan.

            “Philip….”

            “Oh, nakabalik ka na pala.”

            “Oo. Diba dapat ikaw pa susundo sakin? Bat hindi ka nakarating?”

            “Ah, umalis kasi kami ng kambal ko. Nagpasama sya sakin.”

            “Umalis?”, takang taka kong tanong. Naalala ko ang sinabi ni Coach na may training daw ito kaya di ito makakarating. Pero bahala na..

            “Oo nga. Tsaka sinundo ka naman ni Coach mo diba?”

            “Hah.. Ah.. Oo…. Pero Philip..”

            “Ano?!”, halata ang inis sa boses nya.

            “Gusto ko sana pag usapan yung nangyari nung gabing yun…. Gusto ko din mag sorry……”, kaba kaba kong sinabi kay Philip.

            “JERRY TAMA NA! Please! Nagmamakaawa na ko sayo! Nasasaktan na din ako! Hindi mo alam kung gaano kahirap sakin lahat ng to! Please! Ayoko na masaktan pa! I don’t deserve you! Dun ka na lang sa coach mo! Sumusuko na ko!”

            “Philip.. Please let me explain..”, pagmamakaawa ko.

            “No. Jerry. Tama na. Ayoko na.”

            “Ayaw mo na? So, ganun ganun na lang sayo yun?!”, umiiyak kong sinabi.

            “Oo Jer. Ganun na yun. Ayoko na.”

            Tiningnan ko sya sa kanyang mukha. Umiiyak din ito. Ang hirap nyang tingnan sa ganung katayuan. Pero nasaktan ko na sya ng sobra. Naging selfish ako. Nasobrahan ata ko sa pagmamahal sa sarili. Nakalimutan ko naman ata isipin ang mararamdaman nya at ang magiging resulta ng ginawa ko. Umalis sya at nakita ko syang nagpunas ng mga luha. Naglakad ako papunta sa gym at umupo sa dulo. Nakakatawa dahil pag gantong oras ay kadalasan ay maraming tao. Pero today, it was unusually quiet. Walang katao tao ang gym.

            Sa pagkakaupo ko ay umiyak ako sa sarili ko. Nilapat ko ang mukha ko sa kandungan ko at nagisip habang umiiyak. Kung di lang sana ako nagpakatanga at kung sana mas naging malakas pa ang loob ko. Edi sana.. Sana noon pa.. Sana noon pa lang.. Masaya na kaming dalawa…..

            “Jerry”, sabay tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Napatungo ako at nagulat sa nakita.

            “Art…..?”

            “Pwede bang umupo sa tabi mo?”

            Tumungo lang ako at nagpatuloy sa pag iyak.

            “Alam mo.. hindi ko alam exactly bat ka umiiyak ngayon. Pero ang sigurado ako ay kung ano ang dapat gawin mo.”

            Napatingin ako kay Art.

            “Jerry, lumaban ka. Yun ang di ko ginawa sayo noon. Kaya tumigil ako. Pero hindi ibig sabihin noon na tumigil na ang pagmamahal ko sayo. Dahil ang totoo, hanggang ngayon. Mahal pa rin kita.”

            “Art……”

            “Oh, wag ka magalala. Hindi ako pumunta dito para sabihin sayo na ako na lang ang piliin mo. Mahal kita Jerry kaya gusto ko sumaya ka. Alam kong mahal mo si Philip, Jer… Masakit man pero tanggap ko na yun.”

            “Im so sorry Art.. Sorry sa lahat lahat..”

            “No Jerry. Nagpapasalamat pa nga ako sayo. Ang gusto ko nalang sana ngayon is sana maging magkaibigan pa rin tayo. Hindi magiging madali para sakin pero mas magiging maluwag ang pakiramdam ko kung magiging magkaibigan man lang tayo. Mas madali kong matatanggap. Atleast, masasabi ko pa rin, na akin ka.. Akin ka bilang matalik kong kaibigan..”, sabay akbay sa balikat ko.

            “Art.. tulad ng sabi ko sayo noon.. Maswerte ako na naging kaibigan kita. At dahil doon, nagpapasalamat ako sayo.”, mas naiyak ako. Nakita ko rin na namumuo na ang luha sa mga mata nya.

            “Ganun ba.. Pero mas maswerte ako sayo. Dahil pinayagan mo ko makilala ka at maging parte ng buhay ko. At hanggang ngayon ay araw araw kong ipinagpapasalamat yun.”,luha luha nyang sinabi.

            Niyakap ko sya sa sobrang tuwa at pasasalamat. Kahit papano ay nacomfort ako. Atleast ngayon, I have Art back. Kami na ulit.. as bestfriends.. :)

            “Oh Jerry, lumaban ka ha.”

            “Pero Art, sinuko nya na ko..”, umiiyak ko pa ring sabi.

            “Ikaw naman.. Para namang di mo pa kilala yan si Philip. E parehas lang kau ng ugali nyan. Nasabi nya lang yun. Pero alam ko… mahal na mahal ka din nya..”

            Tama si Art. Hindi porket na sinabi nyang sinuko nya na ako ay isusuko ko rin lang sya. At isa pa, oo nga naman, para nga namang di ko kilala ang ugali ni Philip. Nakakatawa dahil parehas kami halos ng ugali. Naalala ko rin ang sabi ni Jenny, alam ko naman talaga ang dapat gawin pero mas pinipili ko magpakatanga. Tama din si Philip. Tama na. Tama na in a way para sakin na itigil na ang pagkatakot o pagkatanga. Kailangan nya na malaman.

            Medyo gumaan na ang loob ko pagtapos nun. Nakipagusap na rin ako kay Jenny at sinabi ko ang paliwanag ko. Maayos naman nyang tinanggap dahil na rin sa sinabi ko na sakanya ang plano ko. Plano ko sabihin at magpakatotoo na sa nararamdaman ko para kay Philip. Do or die na to.

            Pagtapos ng klase ay agad kami dumirecho ni Jenny sa training naming para sa Pep. Plano ko na rin sabihin kay Coach lahat. Alam ko hindi magiging madali para sakanya yun. Pero ayaw kong isipin nya na pinaglaruan ko lan din sya. Ayoko na in paasahin sya. Kung ano man naramdaman ko noon, totoo yun. Pero di ito sapat. Alam ko na masasaktan ko sya, pero I have to do it one way or another. Mas maganda na rin na agad agad kaso naman palalain ko pa ang sitwasyon.

            Natapos ang training namin at nag final water break kami bago mag meeting at mag uwian. Ang iba ay nag cr muna. Ako naman ay kinuha ang pasalubong ko sa mga kasamahan at inayos para ipamigay sa lahat. Hanggang sa nakuha ko sa bag ko ang box na may pangalan ni Ming. Kinabahan ako dahil ngayong gabi ko din balak sabihin sakanya ang lahat. Alam kong di nya na tatanggapin ang pasalubong ko sakanya kaya balak ko nlng na ilagay yun sa bag nya.

            Dahan dahan akong lumapit sa bag nya para ilagay ang pasalubong ko sakanya at para masorpresa na lang sya. Pero ng buksan ko ang bag nya. Natulala ako sa nakita. Gulong gulo ako sa nakita. Isang cattleya notebook. Kulay blue na cattleya notebook. Kinuha ko ito at mas nagulat pa ko ng buksan ko ang unang pahina. Hindi ako makapagsalita sa nabasa. Gulong gulo at takang taka kong binasa.

            Personal Property of: Philip Sanchez

36 comments:

  1. Galing ... meron na, love u bem, :)

    ReplyDelete
  2. what bakit na kay pusa ung cattleya notebook ni Philip?

    Buti naman ok na ulit sila ni Art.

    Next na po hehehe...

    ReplyDelete
  3. Ay! Pigilan ninyo ako papatay ako ng baklang pusa!

    Friend malapit na! Ano na balak natin?!

    ReplyDelete
  4. Yes...Yes...and YES!

    Eto na at eto na...
    malapit nang magkalinaw ang lahat at malapit ng magkabistuhan.

    It's pay back time

    As what I have said ewan ko ba sa mga protagonist napakamanhid at masyadong tanga...hehe.
    sabagay kung hinde sila ganun walang conflict...
    flat ang story, walang buhay at walang excitement...
    Saka lang nalilinawan ang lahat sa malapit na pagtatapos...

    Tama nga halos magkaparehas ng ugali si Philiph.... at Jerry at parehas na ang sarap pag-umpugin...
    just carried away sa characters nila...
    napaka effective kc ng author nito as a witer.

    Kung sana maiisip lang nila na magigng agresibo at magkaroon ng direct confrontations at itago muna ang hiya, sensitivity, emotions etc...
    and be an intellectual being for once lang, e di sana solved na lahat ang questions...

    but i really hate ming for playing dirty games ah...
    i hope it will not come back on him 10x...
    he is such an ass and a____.
    Anyway that is his character and his role in the story...
    He has his own reasons and as what i have said previously
    "everything is fair in love and war"

    Let me quote something from Balagtas i think it best describe the nature of his character-->

    "kung ang isalubong sa iyong pagdating,
    ay masayang mukha't may pakitang giliw.
    Lalo pakiingata't kaaway na lihim,
    Siyang isaisip na kakabakahin."


    Philip is very foolish and to naive to believe what Ming is saying to him and for giving up on Jerry that easily.
    He is to sensitive and emotional.
    He let those feelings cloud his mind to make a proper and right decisions.

    I really admire Art.
    He knows when to give up.
    He really knows that he really lost Jerry a long time ago.
    He was not really "his" to begin with.
    He already knows before based on his reflections that Jerry really love Philliph, and Jerry was just not ready to face it.

    Jenny is a friend whom everybody wanted to have. She is intelligent, smart, supportive non-judgemental and loyal.

    Jerry...
    I really hate this guy...because...
    I am very jealous of him...Hehehe.
    It seems he almost have everything that anybody wish to have to be happy. Yung nga lang masyadong manhid...



    Well let see what the next chapter to offer...

    CONGRATS Ken... This is a great story indeed...

    ReplyDelete
  5. ay salamat bumalik n si art..akala ko tuluyan ng mawawala sa role si art..pero nkakalungkot nmn ksi mag kaibigan nlng sila..

    kay mingming nmn nkkinis ka ang sama sama pala ng plano mo...pinag aaway mo si phillip at jerry..


    kuya erwin cge po patayin mo n yung baklang pusa..hehehhe



    tc and godbless you always ..ang ganda ganda tlga ng story..=)

    ReplyDelete
  6. hala....

    nest na po ehhehe...

    -mars

    ReplyDelete
  7. TAMA PATAYIN ANG DOREMON NA YAN!!!!

    MAG NANAKAW NG NOTEBOOK!!!!

    MUKAKANG MOJACO MING-MING!!!!

    GAWING ASADONG PUSA YAN!!!!

    HAHAHAHA

    ReplyDelete
  8. wow excited nko sa nxt chapter sana maging positive na si phillip..at pakingan si jerry...malapit ko na ma feel ang pagmamahalan ni jerry and phillip..tnx author Jhay L

    ReplyDelete
  9. wag na pahirapan c Philip wawa nman..:(

    ReplyDelete
  10. ansabee ng cattleya na notebook na nasa bag ni pusa..??

    wahahaha.. anong meron??

    nice one..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  11. YES! Buking na ang pusang si MingMing. Taenang coach na yan. Nakaka bwisit. Art, tayo na lang. Lol. Loving art more and more. Mapagkumbaba. Yan ang totoong pagmamahal. :))

    ReplyDelete
  12. ...1st thanks for the updated
    ...atlast this it the journey of jerry's life come to the end with more shocking revelations
    ...kaya p pala sa upiasa palang ng character ni ming ay may kakaiba n un pala may niluluto syang pakulo,...
    but thanks sa mga friends ni jerry at nagkaroon xa ng lakas to come up the situation na pagkakakita nya sa journal ni philip.
    ...di ko q makapaghintay
    ...next pls

    to the author THANK YOU SO MUCH ITS A GREAT STORY EVER OF A TEENAGE GAY LOVE LIFE

    ReplyDelete
  13. ...GRABE DARK_KEN
    nabasa ko un comments ni ROSS MAGNO saludo ko sa kanya (hindi sa haba ng comments nya)kundi sakto un pagkakalarawan nya sa mga character mo s story na ito at parang kilalang kilala k nya,
    ...un tamang salita naipabatid nya sayo, which is diko mahanap un tamang bocabullary para masabi n HOW YOU ARE A GOOD WRITER.
    GOODLUCK & GODBLESS..........

    ReplyDelete
  14. nkakainis naman yang coach na yan ! srap upakan mukha nia ! grrr

    ReplyDelete
  15. OMG!..nka2inlove ka na tlga Mr. Author...=)

    ReplyDelete
  16. kaya pala..kaya pala alam ni ming ang lahat kasi nasa kanya diary ni philip?? naku ka ming...kakaasar ka..kakapanggigil...hmmmn...

    nice one bes..

    ReplyDelete
  17. Na miss ko ng sobra ang blogg na to.
    buti nalng nakaabot akong basahin lht ng mga ito hanggang sa latest chapter ...

    Sobrang daming nangyari at nganap kila jerry,philip,at art at isali mo pa itong pusa na ito(coach)at msaya ako dahil naipagpatuloi kong basahin ito.

    Maganda ang ikot ng story kasi kahit papano nalalaman naming mga readers ang side ng bawat isa sa kanila ..gang umabot sa point na my mas aabangan pa na kapanapanabik.
    At isa pa, nkakadala rin ng damdamin ...mga iyakan ,kilig moment din at kakainis moment ng nila jerry to the point na mdadala ka talaga..

    Gang sa muli Mr. author..
    nice chapters..po

    ReplyDelete
  18. Super busy ba si Mr. Author?

    ReplyDelete
  19. waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh...

    BITIN na bitin ako..wooooooooohhhhh...


    tsk3...galing Mr. dark_ken, nice story..nakakainis lang kasi iyak ako ng iyak habang nagbabasa,,hahaha..tagos eh...reality bites..

    minsan hindi kelangan ng masyadong complicated at puno ng twist na story para maka-touch ng readers, kelangan lang ng genuine and story na ginawa from the heart..<3


    congrats!


    fb: thereboundguy18@gmail.com...haha

    ReplyDelete
  20. aw kenjie kow..bitin na naman..ahhahahha...chino here

    ReplyDelete
  21. hehe nsaan n next!! nice tlga :) hehehe exited me!! LOL
    : michaeljereabiol@ymail.com

    ReplyDelete
  22. Dapta bigyan ng award ang author nito : MOST DELAYED AWARD for Updates. Heehehheheehe

    ReplyDelete
  23. Napakatagal ng update mamamatay nakooooooooooooooooooo

    ReplyDelete
  24. sana poh ay pagpasensyahan nyo na ang Author nito... Hindi lang po talaga nya masingit ang pag update ng sunod na Chapter sa kwentong ito dahil na din sa pagiging busy nya sa trabaho at personal na buhay... humihingi po talaga sya ng pasensya at pag unawa sa inyo...maraming salamat po.

    -jojie

    ReplyDelete
  25. congratz sa magandang kwento...ngayon ko lng nabasa ang kwento mo....chapter 1 to 22 on one sitting ... hahahha kaka-adik ....

    -cedric_mendoza2003

    ReplyDelete
  26. naku kahit malas ang pumatay ng pusa papatay talag ako ng pusa as in... kakatayin ko siya at gagawing siopao!

    ReplyDelete
  27. I was hooked. Please update this story soon. Your efforts are appreciated.

    The characters here are so realistic, I think, I somehow know them or probably I am "them".

    Will wait for the update, hoping it will be a happy ending. ^^

    ReplyDelete
  28. --tagal ng update!!!! ONE MONTH NA PO!!!! ;((((

    ReplyDelete
  29. updates.. hehe.. ang galing.. makaiyak ay... :)

    ReplyDelete
  30. oh my gaud!!!
    this is one hell of a story!!!

    ang ganda ganda!!!

    ang pag ibig nga naman, nagagawang tanga ang isang matalinong tao!!

    mamatay nang MING MING nayan! gawing siopao!
    i hate him!!


    ahw, i want art to be his lover, but its up to author on how it will end!
    plss update it!
    tnx!

    saludo ako sa author!!

    ReplyDelete
  31. kelan po upadate nito??

    pls make pakibilisan :)

    http://www.facebook.com/profile.php?id=100002259912520&ref=tn_tnmn

    ReplyDelete
  32. Wala pa rin po bang update? :(

    ReplyDelete
  33. huhuh bakit wala pang updates? :(

    mj of iligan

    ReplyDelete
  34. saan na ang part 23?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails