by v_i_nce
email: v_i_nce@yahoo.com
Author's Note:
Marami pong salamat sa lahat ng bumasa ng first part ng istoryang ito, especially sa mga nagcomment na sina Gerald, Andy, Darkboy13, Chris, Nicko, Ericka, si batang_agas na di na pala masyadong bata (hehe peace po kuya:D), si utol Sean na inutusan kong basahin ang kwento ko saka mag iwan na rin ng comment (haha tol ang bait mo talaga sa akin), si Anonymous na hindi nag iwan ng kaniyang pangalan, and of course si kuya Mike na parating tumutulong sa akin kahit na masyado na akong makulit sa kaniya. Sana po patuloy niyo pa rin siyang suportahan at iboto ang kaniyang blog post para sa PEBA.
Pagpasensyahan niyo na po kung medyo may kabagalan akong magpost ng istorya. Saka isa pa sa ihihingi ko ng pasensya ay kung hindi naging maayos ang pagpoproof read ng chapter na ito. Naubusan na po kasi ako ng oras at kinailangan ko ng matulog kaya sorry po talaga.
Gusto ko lang din po sanang iacknowledge ang isa rin sa mga idol ko na si Kuya Goofy na siyang may akda ng tula na mababasa ninyo dito sa chapter na ito. Huwag kayong mag alala, nagpaalam po ako sa kaniya na ipopost ko ang tula niya dito so hindi po iyan nakaw. hehe
Of couse, special mention din po ang baby ko na sinusuportahan ako sa kung ano man ang gusto kong gawing kabulastugan gaya na lang ang pagsusulat. Kahit na alam ko, minsan hindi naman maganda iyong ginagawa ko pero ineencourage pa rin niya ako. Thank you so much baby. Alam kong nagawi ka na dito at binasa mo na yung unang part nito. Sana next time mag iwan ka na rin ng comment. Hehehe
Sa lahat, enjoy pong muli sa pagbabasa. Sana magustuhan niyo.
Please leave a comment para malaman ko kung ano ang iniisip ninyo. Sa mga nagrerequest na malaman ang nakaraan ng istoryang ito, huwag po kayong mag alala, darating po tayo diyan. hehehe:D
-v_i_nce
====================================================
“HUY! NAKITA MO NA ba ang bagong
estudyante dito sa school natin? Ang gwapo niya, promise.”
“Oo nga. Ang astig niyang tingnan
saka mukha siyang yummy. Ayiiiiee! Kinikilig ako, super,” sabay hawak ng babae
sa sariling pisngi na animo’y high school student at first time nagkaroon ng
crush.
“Tse! Magtigil ka nga. Speaking
of, andiyan pa ang isang pogi oh, paparating. Teka, huwag kang papahalata,
nakakahiya ka. Pasimple ka lang,” ang bulong naman ng naunang nagsalita sabay
hablot sa kamay ng kaibigan upang pigilin ito sa akmang pagpihit para makita
kung sino ang sinasabing pogi.
Ewan kung matatawag pa nga bang
bulong iyon dahil nakakarating naman sa mga tenga ni Grey ang pinag uusapan ng
dalawa habang naglalakad siya sa corridor. Miyerkules ng umaga at magsisimula
na ang pangalawang subject niya. Sumaglit muna siya sa CR kaya naman mag isa na
lamang siyang papunta sa classroom dahil nauna na doon ang kaniyang mga
kaklase.
Ayos ang lalaking iyon ah, nakakuha na agad ng mga fans kahit bago pa
lang, ang nasabi niya sa sarili patungkol kay Hal. Alam niyang ito ang
pinag uusapan ng mga nadaanang estudyante kasi wala naman siyang nabalitaang
ibang transferee kundi ito lang, saka aminado siya na gwapo talaga ito at
malakas ang appeal. Argh! Kahit nga ako
ay naaapektuhan sa lalaking iyon.
Simula noong Lunes ng hapon na
nagkita sila ay di na nawaglit sa kaniyang isipan ang mukha nito. Kung minsan,
kahit may ginagawa siyang iba kagaya ng paghahanda ng makakain ay bigla na
lamang niyang maaalala ang kanilang titigan sa klase at siyempre pa, hindi rin
niya maiwasang pamulahan ng pisngi. Naisip niya na nagmumukha na siyang timang
dahil sa hindi maipaliwanag na epekto nito sa kaniya. Buti na lang ay mag isa
lamang siya sa unit niya dahil kung hindi, ay talagang maninibago ang kaniyang
mga magulang sa ikinikilos ng nag iisang anak nila. Sa pagtulog naman ng gabing
iyon ay mas tumindi ang kaniyang panaginip subalit kinabukasan ay hindi na niya
ito napagtuunan ng pansin dahil naging abala siya sa pag prepare papasok sa
eskwela. Parang may mga pakpak ang kaniyang mga paa habang gumagalaw. Ang gaan
ng pakiramdam niya na para bang ganadong ganado siyang mag aral ng araw na
iyon. Alam niyang ang bagong salta ang dahilan ng mga pagbabagong ito sa kaniya
at nasasabik na siyang makita ulit ang lalaki subalit sinusubukan pa rin niyang
itanggi ito sa sarili.
Kaya naman laking panlulumo niya
ng magsimula ang klase noong Martes ng umaga at wala siyang Hal na nakita.
Umasa pa rin siya na baka sa mga susunod na subject ay magiging classmate niya
ito ngunit natapos na lang ang buong araw ay hindi niya nasulyapan ni anino ng
lalaki. Napansin naman ni Matthew ang kawalan niya ng gana ng araw na iyon at
tinanong siya kung ano ang problema. Nagpalusot na lamang siya na medyo masama
ang kaniyang pakiramdam, saka idinagdag na pahinga lang ang katapat noon para
hindi na ito mag alala.
KATATAPOS LANG NG PANGALAWANG
SUBJECT AT LUNCH BREAK NA. Sabay na nagtungo sina Grey at Matthew sa cafeteria
para kumain ngunit pagdating pa lamang sa may pintuan ay pansin na nilang
pareho na puno ito kaya nagpasya na lamang sila na magtake out na lang at
magtungo sa kiosk sa may hardin para doon kumain.
Habang pumipila para makabili ay
di mapigilan ni Grey ang mapangiti dahil sa kaalamang makikita na rin niya sa
wakas si Hal sa susunod na klase. Alam niya na hindi man niya ito nakakasama sa
ibang subjects ay siguradong papasok ito sa Philosophy class nila mamaya. Fixed
kasi ang schedule nila kada Lunes, Miyerkules at Biyernes, at ibang schedule
naman tuwing Martes at Huwebes. Nananabik siyang masilayan ito, kung ano man
ang dahilan ay hindi niya alam at wala siyang balak na pag aksayahan ng
panahong alamin sa ngayon. Nababatid niyang sasakit lang ang kaniyang ulo sa
kaiisip at posible pang porblema lang ang magiging hatid ng konklusyon na
makukuha niya sakali mang pagtuunan niya ng pansin ang rason kung bakit
interesado siya sa lalaking iyon. Kaya naman ineenjoy na lamang niya ang
nakakakiliting sensasyon na dulot ng presensya ni Hal at ipinagpapasabukas ang
kung ano man ang kahihinatnan nito.
Hindi naman nakatakas sa mga mata
ni Matthew ang pagliwanag ng kaniyang mukha. “Tol, masaya ka yata ngayon ah.
Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?”
“Wala naman akong nililigawan, at
alam mo iyon. Sinasabi ko naman sa iyo ang mga bagay na ganyan.”
“Malay ko ba kung naglilihim ka
na pala sa akin ngayon. Ano? Nakascore ka ba kagabi?,” ang bulong nito sa
kaniya na may malisyosong ngiti sa mga labi at tinataas baba pa ang mga kilay.
“Di ako manyakis na kagaya mo.
Ulol!,” sabay batok dito. Napalakas yata ang ginawa niya dahil napa ‘Aray!’ ang
kaibigan sabay himas sa ulo nito. Pinagtinginan naman sila ng mga ibang
estudyante sa paligid dahil sa ingay nila. May mga napasulyap lang at
pinagpatuloy na ang kung ano man ang kanilang ginagawa, at ang iba naman ay
parang kinikilig na nakikita ang dalawa sa pinakagwapo sa kanilang campus na
nagbibiruan.
“Ang sakit nun ah. Mamaya gaganti
ako, huwag kang papalag.”
“Oo na, oo na. Pero huwag mo
naman lakasan masyado ha, please?,” pagpapacute niya dito. Kapag kasi
nagkasakitan silang dalawa ay hinahayaan nilang makaganti ang isa’t isa. Naging
kaugalian na nila ito simula pa noong una silang maging close. Sa pamamagitan
nito ay naiiwasan nilang magkaroon ng matinding alitan at napapanatili nilang
matatag ang kanilang pagkakaibigan.
“Ang daya mo talaga kahit
kailan,” pagmamaktol nito.
“Sige na tol. Andiyan pa naman si
Carla oh, nakatingin. Invite mo kaya para sabay na tayong kumain doon sa kiosk,”
pag iiba niya ng usapan sa pagbabakasakaling makalimutan na nito ang pagganti.
“Talaga? Saan?,” halos mabali na
ang leeg nito sa kakahagilap sa babae. “Sige tol, sabay natin siyang lapitan mamaya ha.”
“Sige ba,” ang sagot niya sabay
dugtong sa mahinang boses habang napapailing ng “ tsk, torpe na nga, duwag pa.”
“Anong sabi mo?”
“Wala, order na tayo.”
Pagkatapos makuha ang mga
binayarang pagkain ay tumungo na sila sa kinaroroonan ni Carla kung saan kasama
nito ang mga kaibigang babae na kumakain ng lunch. Habang papalapit ay
mapapansin ang pag aalinlangan ni Matthew na kinailangan pa niyang itulak ng
bahagya, at nang nasa harapan na sila ng table ng mga ito ay hindi naman
makapagsalita ang kaibigan kaya naman napilitan na siyang umimik.
“Hi girls. Hello Carla.”
“Hi Grey, wanna join us?,” ang
sagot nito na bahagya pang pinapungay ang mga mata. Halata namang kinikilig ang
mga kasama nito sa table na para nang maiihi sa kanilang mga upuan.
“Actually, may sasabihin sana sa
iyo si Matthew,” ang sambit niya kaya nabaling ang lahat ng atensyon ng mga
nandoon sa kaibigan niya na parang hihimatayin na yata sa kaba.
“H-hi Carla. Iimbitahan ka sana
naming kumain doon sa may garden, pero parang patapos ka na yata kaya pasensya
na lang sa istorbo. Sige, alis na kami,” ang mabilis at dire diretsong sabi ni
Matthew sabay talikod.
“Teka sandali, tol. Di pa nga
nakakasagot si Carla eh,” ang pagpigil niya dito.
“Oo nga, Matthew. upo ka muna
dito,” ang segunda naman ng isa sa mga babae na sa pagkakatanda niya ay
nagngangalang Monique, sabay hila ng isang upuan sa tabi nito.
“You know what, that’s a great
idea. Maiwan na muna kita dito tol kasi naalala ko may, ah, kailangan pa pala
akong daanan,” ang mabilisan niyang sabi sabay tulak sa kaibigan papunta sa
upuan. “Kita na lang tayo mamaya sa klase tol,” ang pagpapaalam niya.
“Teka, sandali,” ang narinig pa
niyang sabay na tawag nina Matthew at Carla subalit nagbingi bingihang
nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas ng cafeteria.
Dang it, mag isa na tuloy ako maglalunch ngayon, ang naisip niya. Pero okay lang. Baka magiging maayos na ang takbo ng love life ng
mokong na iyon pagkatapos nito.
Hindi siya manhid para hindi
mapansin na may gusto sa kaniya si Carla. Naisip niya na kung siya ang
nagkainteres dito ay malamang sa hindi, nobya na niya ito noon pa man. Subalit
hindi niya naramdaman na attracted siya dito kahit pa nga sabihin na isa ito sa
mga magaganda sa ekswelahan nila. Karagdagan rason pa kung bakit hindi siya
nagpapakita ng motibo ay dahil sa kaniyang kaibigan na noong una pa man ay
nagpahayag na ng ibayong pagkagusto sa babae. Nirerespeto niya si Matthew at
importante sa kaniya ang samahan nilang dalawa. Para sa kaniya, mas matimbang
pa ang pagkakaibigan nila kaysa sa isang romantikong relasyon sa isang babae na
hindi niya alam kung hanggang kailan ang itatagal. Pipilitin niyang gawin ang kung
ano man ang kailangan para lang sumaya ito. Kung pwede nga lang sana ay siya na
ang nanligaw kay Carla para dito ay ginawa na niya. Ganyan katindi ang
pagpapahalaga niya sa kaibigan.
Nakakalungkot pa naman kumain na mag isa. Parang wala na tuloy akong
gana. Kung tutuusin ay pwede naman siyang maghanap ng kasabay na kumain sa
buong campus. Tiyak na marami ang magpapaunlak sa kaniya kasi sikat naman siya
at marami ang gusto na maging kaibigan niya. Subalit lingid sa kaalaman ng
lahat, hindi siya sanay na makihalubilo sa ibang tao. Mas gugustuhin pa niyang
magmukmok sa kwarto at magcomputer, mag ehersisyo, o di kaya ay magbasa ng
libro kaysa gumimik at makipagsosyalan. Likas sa kaniya ang pagiging mahiyain
lalung lalo na kapag nag iisa lang siya. Ayos lang kapag kasabay niya ang
kaniyang kaibigan dahil nagkakalakas loob siyang makipag usap sa iba, dahil
alam niya na kung hindi siya magsasalita ay mas lalo namang hindi iimik iyon.
Kung may kilala siyang mas mahiyain pa kaysa sa kaniya ay si Matthew na iyon. Kaya
naman tuloy kapag nag iisa siya, ang tingin ng iba sa kaniya ay ubod ng suplado
at mahirap malapitan at pakisamahan. Ang hindi nila alam, nahihirapan lang
siyang gumawa ng unang hakbang, pero kapag inunahan ay siguradong wala silang
magiging problema sa kaniya.
Malapit na siya sa hardin kung
saan madalas silang tumambay ni Matthew kapag walang ginagawa. Tanaw na niya
ang bukana nito. Sa loob ay makikita ang mga naggagandahang mga bulaklak na
iba’t iba ang kulay at laki. Mayroong mga nakalagay sa paso habang ang iba
naman ay nakatanim diretso sa lupa. Sa bandang kanan ay nakahilera ang mga orchids
habang sa kaliwa naman ay puro mga cactus ang naroon. Mga bato na pinagtagpi
tagpi para makagawa ng isang maliit na dingding ang makikita sa may sulok.
Dinadaluyan ito ng tubig na bumabagsak sa
isang artificial pond kung saan nakalagay ang mga carp at iba pang klase ng
isda. Ang parte ng lupa na walang tanim ay nalalatagan ng berdeng damo, habang
ang walkway naman ay nilagyan ng mga puting bato. Sa gitna ng lahat ng ito ay
matatagpuan ang nag iisang kiosk kung saan pwedeng tumambay ang mga estudyante,
subalit walang masyadong nagagawi dito dahil malayo ito sa quadrangle ng campus
at kapag may nahuli na mga nagkakalat o sumisira sa mga halaman ay mabigat na
parusa ang naghihintay sa kanila. Pinapanatiling maayos ng eskwelahan ang lugar
at labis ang paghihigpit nila sa pagbabantay dito kaya naman minabuti na lamang
ng nakararami na dumistansya. Ang mga napapadpad lang sa hardin na ito ay iyong
mga taong naghahanap ng katahimikan at nag eenjoy mag isa, mga magnobyo na
gustong makahanap ng romantikong lugar para palipasin ang oras, o hindi kaya’y
mga responsableng magkakaibigan na alam kung papaano ito pangalagaan.
Papasok na siya ng may mamataang
isang tao na nakaupo sa loob ng kiosk. Nakatutok ang atensyon nito sa
pagsusulat kaya bahagya itong nakayuko, dahilan kung bakit hindi niya masyadong
maaninag ang anyo nito. Subalit, kapansin pansin ang medyo may kakulutang buhok
ng lalaki kaya naman nagrigudon agad ang puso niya sa posibilidad na si Hal ang
kaniyang nakikita.
Napakamisteryoso naman niyang tingnan. Bakit kaya siya mag isa dito?,
ang mga katagang pumasok sa isip niya habang napako siya sa kinatatayuan sa
pagkakatitig sa imahe nito. Ngayon ay sigurado na siya na si Hal nga ang
nakikita. Natatandaan niya ang mga mahahabang binting iyon na kahit nakaupo ay
halata pa rin, at saka nasa tamang distansya na siya kung saan nasisilayan na
niya ang mukha nito na seryosong seryoso sa ginagawa. Nagsasalubong ang mga
kilay nito at bahagya pang nanunulis ang mga labi na parang sa isang bata na
may kinaiinisan pero sa pagsusulat na lang inilalabas ang saloobin. Nag eenjoy
siyang panoorin ang samu’t saring emosyon na nakadisplay sa gwapo nitong mukha
dahil wala pang sampung segundo ay napansin niya na napawi na ang pagkakakunot
ng noo nito at napalitan na ng isang
nakakabighaning ngiti na nakikita hindi lamang sa mga labi nito kundi pati na
rin sa mga mata.
Hindi na niya namalayan kung
ilang minuto na siyang nakatayo sa lugar na iyon. Namataan na lamang niya ang
sarili na nakatitig na pala ng diretso sa mga mata nito na nakabaling sa
kaniyang direksyon. Ang lalaki rin ang unang nagbawi ng tingin sabay mabilisang
nagsulat ng kung ano sa notebook nito.
Lagot, nakita niya ako. Akmang aalis na siya sa lugar na iyon ng
marinig niya ang pagtawag nito.
“Wait up!,” ang sigaw ni Hal sa
tangkang pagpigil sa kaniya. Di sana niya ito papansinin dahil di niya alam
kung papaano magrereact sa harapan nito subalit natigilan siya ng marinig ang sumunod
na lumabas na kataga sa mga bibig ng lalaki.
“Greyson, sandali!”
Napalingon siya sa gawi nito na
may pagtatanong sa kaniyang mukha. Hindi niya namalayan pero dinadala na pala
siya ng kaniyang mga paa patungo sa loob ng kiosk kung saan nagmamadaling nag aayos
si Hal ng kaniyang mga gamit para siguro habulin siya.
“Paano mo nalaman ang pangalan
ko?,” ang tanong niya habang papasok sa loob, sabay upo paharap dito. Kagyat
namang napahinto sa ginagawang paglalagay ng mga kagamitan sa loob ng packbag
ang lalaki na napatulala sa pagkakatitig sa kaniya, na sinabayan pa ng bahagyang
pag awang ng mga labi.
Anak ng tinapa. Ang sarap naman halikan ng mga labing iyan. Hoy! Huwag
kang matulala ng ganiyan. Lalaki lang ako at baka hindi ako makapagpigil,
susunggaban na kita, ang sigaw ng utak niya. Ibayong pagnanasa ang
naramdaman niya ng mga panahong iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling at
kung ano ang dahilan. Siguro ay epekto ito ng pagbabago sa mukha ni Hal na
kuminis gawa ng pag aahit. Noong una kasi niya itong makita ay nagsisimula nang
tumubo ang balbas nito kaya tuloy nagmukha itong matured, pero ngayon ay para
itong batang nakatanaw sa isang magandang laruan sa mall habang nakaawang ang
mga labi sa kainosentehan ng itsura nito. Nararamdaman niyang nagsisimula na
siyang tablan, patunay ang pagsikip ng kaniyang pantalon, kaya naman hindi niya
naiwasang pamulahan ulit ng pisngi. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang
sariling katawan sa mga reaksyong pinapakita nito kapag si Hal na ang involved.
Upang mapagtakpan ang biglaang
pagkailang sa sitwasyon ay kinaway na lamang niya ang kaniyang kamay sa harapan
ng mukha nito sabay tanong ng, “Pare, ayos ka lang?”
“A-ah, oo naman. Ang cute mo
kasing tingnan, lalo na sa malapitan,” ang sagot naman nito na mas lalong
ikinapula ng mukha niya.
Nahihiya siya sa papuring
ibinigay nito subalit ipinagtataka niya na hindi siya nandidiri na marinig mula
sa isang lalaki ang ganoon. Bagkus ay nakaramdam pa nga siya ng ibayong kilig
na nagdulot ng mainit na pakiramdam sa kaniyang dibdib, at kumalat hanggang sa
kaniyang mga daliri sa kamay at paa.
“Salamat pare. Ikaw rin naman,
ang gwapo mo.” What the heck? I can’t
believe that I’m saying it to a guy, and a macho one for that matter, ang
sumagi sa isip niya matapos ipahayag ang paghanga sa pisikal na kaanyuan nito.
Hindi na niya napansin na may sinabi na pala ito sa kaniya. Ang nakita na
lamang niya ay ang ngumiti nito sabay dugtong ng ‘never mind’.
“Ano ulit ang sinabi mo?,” ang
hiling niya sabay bitaw ng nagpapaumanhing ngiti.
“I said, you can call me Halex.”
“Oh, kaya pala ‘Ramirez, Hale’
ang nasabi ni Mr. Domingo.”
“Napansin mo pala iyon,” ang
nasambit naman nito.
“Bakit mo naman siya pinutol nang
bibigkasin na sana niya ang buo mong pangalan?,” ang tanong niya dito na may
halong pangungulit sa boses. Interesado siyang malaman ang mga detalye tungkol
sa buhay nito kahit gaano man ito kaliit.
“Hindi ko lang gustong gamitin ng
ibang tao ang buong pangalan ko sa pagtawag nila sa akin, as if they know me
well.”
Napakunot naman ang noo niya sa
sinabi nito dahil sa dalawang rason. Una, pareho silang ayaw na tawagin ng iba
sa buo nilang pangalan. Para sa kaniya, ang pagpapangalan ng mga magulang sa
kanilang mga anak ay may kalakip na pagmamahal at pag aaruga. Kaya naman
reserved lang para sa mga taong malalapit sa kaniyang puso ang priviledge na
tawagin siya sa buo niyang pangalan. Pangalawa, kung iyon ang dahilan kung
bakit ayaw nitong malaman ng buong klase ang totoo nitong pangalan, bakit kani
kanila lang ay sinabi nito na pwede niya itong tawaging Halex?
“But you’re not just ‘any other
person’,” ang makahulugang dugtong nito sa mahinang boses na para bang nabasa
ang katanungan sa kaniyang isip.
Biglang silang natahimik pareho
dahil sa deklarasyong iyon. Si Grey ay hindi alam kung paano tutugon na
nagbaling na lang ng tingin sa malayo habang si Hal naman ay patuloy pa rin sa
pagtitig sa kaniya na para bang kinakabisa ang kaniyang kabuuan.
Maya maya, napansin nito ang
kaniyang dalang pagkain na di na niya nagalaw dahil sa mga pangyayari. “Hindi
mo ba kakainin iyan? Kung hindi, akin na lang.”
“Ano ka, hilo? Bumili ka ng sa
iyo kung gusto mong kumain. Di pa kaya ako naglunch,” ang pabirong sagot niya
dito sabay bukas ng styro para simulan ang pagkain.
“Ang damot mo,” ang nasabi nito
sabay labas ng dila na parang bata na nang aasar.
Natawa naman siya sa inasal nito
kaya naman nawala na ang kanina’y parang mabigat na hangin na pumapalibot sa
kanila. Siyempre, biro lang naman niya ang pagtanggi sa panghihingi nito ng
pagkain kaya ang ginawa niya ay lumipat siya ng upo papunta sa tabi nito at
inalok itong sabayan na siya sa kaniyang lunch.
“Huwag na lang, napahiya na ako,”
ang sagot nito sa malungkot na boses sabay buntong hininga.
“Ang arte mo.”
“Joke lang. I already ate my
lunch. At saka parang kulang pa yata iyan sa iyo eh,” ngingiti ngiting sabi
nito.
“Eh, di huwag,” iyon lang at
sinimulan na niya ang pagkain, subalit maya maya lang ay kumuha ito ng
kapirasong pritong manok. Siguro ay nadala ito sa kaniya kaya ginanahan na rin,
kaya naman masaya nilang pinagsaluhan ang kaniyang pananghalian ng nakakamay
habang nagkwekwentuhan. Wala silang kaarte arte sa pagkain. Buti na lang ay
marami siyang binili kanina, kung hindi ay baka nagkulang pa iyon at napilitan
pa silang bumalik sa cafeteria para dagdagan ito.
Masayang kausap si Hal at ramdam
niya na kahit bago pa lang niya itong kakilala ay panatag na ang loob niya
dito. Hindi siya nanibagong kasama ito na para bang dati na nilang ginagawa ang
ganoon. Minsan nagbibiruan sila at minsan naman ay tinatanong niya ito ng mga
personal na bagay na sinasagot naman nito ng walang pag aalinlangan. Nalaman
niya na pareho na silang 20 years old. Nagtungo pala ito sa Amerika tatlong
taon na ang nakakaraan subalit bumalik din dito dahil hindi raw nakayanan ang pangungulila
sa ibang bansa, kahit pa nga sabihin na nandoon na ang mga magulang nito pati
na rin ang nag iisang nakababatang kapatid na lalaki rin. Kaya nang nagkaroon
ng chance ay nagmadali itong umuwi dito sa Pilipinas. Sa ngayon ay nag iisa
lamang itong nakatira sa bahay, ngunit after three months ay susunod rin naman
daw ang kapatid nito na 18 na ang edad.
“Buti na lang ay sa isang
International school ako pumasok kaya wala akong nasayang na panahon, maliban
na lang noong first year ako dahil kinailangan kong habulin ang mga subjects
that I dropped when I left for the States,” ang pahayag nito.
Pareho kami ng sitwasyon ah, ang naisip niya ng maalala ang unang
taon niya sa eskwelahang iyon dahil sa kanilang paglilipat ng tirahan.
“Teka nga muna, paano mo nga pala
nalaman ang buo kong pangalan?,” ang naalala niyang itanong dito.
“Ah, eh, kasi, ah, sikat ka naman
sa school na ito kaya marami ang nakakakilala sa iyo,” ang tugon nito na parang
nahihirapan sa paghahanap ng rason.
“Grey naman ang tawag sa akin ng
mga tao dito ah. Paano mo...,” subalit naputol ang katanungan niya ng marinig
ang tawag ni Matthew na paparating na sa kanilang kinaroroonan.
“I guess I better leave. Andito
na ang nobyo mo,” ang biglang sabi nito sa seryosong boses. Naramdaman niyang
nag iba ang mood nito, ngunit bago pa man niya ito mapigilan ay nakalabas na
ito ng kiosk at mabilis na naglakad palayo.
Ano daw? Nobyo?
“Sino iyon?,” ang tanong ni
Matthew na nakatingin pa rin sa papalayong si Hal. Nagsasalubong ang mga kilay
nito na para bang kamukha ng lalaking palayo ang nangutang dito ng milyon na
hindi nagbayad.
Naalala niya na tulog pala ang
kaibigan ng pumasok si Hal noong lunes kaya hindi nito nakikilala ang lalaki. “Bagong kaklase natin iyon sa Philo. Tulog ka kasi noon kaya hindi mo namalayan
na may transferee pala tayo,” ang sagot niya sa katanungan nito.
“Oh, kumusta ang lunch mo doon sa
table nila Carla? Ayos ba?,” ang pag iiba niya ng usapan, subalit talagang wala
yata ito sa mood kasi kahit ang pagganti nito sa pambabatok niya kanina ay di
na nito naaalala.
“Huwag na lang natin iyong pag
usapan, tol. Tara na sa klase at baka malate pa tayo,” ang pag iwas nito sa
katanungan niya.
PAGPASOK PA LANG SA CLASSROOM AY
hinanap na agad ng kaniyang mga mata si Hal. Nakita niya itong nakaupo sa may
likuran gaya ng dati. Babatiin sana niya ito subalit mukhang abala na naman ito
sa pagsusulat. Nang makaupo na siya ay may napansin siyang papel na nadikit sa
ilalim ng kaniyang mesa.
Sino kayang loko ang nag iwan ng kalat sa pwestong ito, ang naiirita
niyang naisip sabay kuha sa papel para itapon na sana pero napansin niyang
napakaayos ng pagkakatupi nito para maging basura, at pagbaligtad niya ay may
nakasulat pa na ‘Please Read’. Kaya naman nacurious na nagpalingon lingon muna
siya sa paligid, at nang masiguradong walang nakatingin sa kaniya, kahit si
Matthew na akmang matutulog na naman, ay binuksan na niya ito.
Thank you for the lunch. I had
so much fun. Next time, it will be my treat.
- - Halex
Napalingon siya sa direksyon ng
lalaki subalit busy pa rin ito kaya naman ibinalik na lamang niya ang kaniyang
atensyon sa sulat na iniwan nito para sa kaniya. May kalakip pa pala itong
larawan na naglalaman ng tula. Binalot ito ng mismong papel na pinagsulatan ng
lalaki ng naunang mensahe.
Sa likod ng larawan ay may
nakasulat pa na karagdagang mensahe:
I admit that this poem isn’t my composition. It was made by a friend
for somebody who’s important to him.
Shinare niya ito sa akin and I immediately loved it. Nagpaalam ako kung pwede
ko bang idedicate ito sa iba at pinayagan naman niya ako. Sana magustuhan mo. I
mean every single word that’s written in there, kahit hindi ako ang sumulat. I
hope, someday makakapagsulat din ako ng gaya nito. And always know na kung
dumating man ang araw na iyon, ikaw lang ang nag iisang inspirasyon ko.
- - Halex
P.S.
Here’s my number: 091x683xx23
It’s up to you if you will text me or not. Nahiya na akong hingin ang
numero mo, given that you already have a boyfriend. Hindi ko kayo guguluhin,
kung iyon ang ikaliligaya mo. Pero sana kahit pagkakaibigan man lang ay
paunlakan mo ako.
- Halex
Nyemas naman, oo!, ang sigaw niya sa kaniyang utak ng mabasa ang
huling parte ng mensahe. Ayos na eh, pero
sinira mo pa. Saan mo naman nakuha ang ideyang nobyo ko ang adik na ito? Kung
di ka ba naman masyadong assuming, ang pagpapatuloy ng litanya niya sa
sarili sabay pukol ng masamang tingin sa natutulog na kaibigan.
Alam niya na wala naman talagang
kasalanan si Matthew sa mga nangyayari pero saglit na pumasok sa isip niya na
sana ay hindi sila naging ganoon ka close ng kaibigan para hindi na sana
nagkaroon ng maling akala si Hal. Ngunit ang isiping ito ay agad din niyang
kinontra.
Naku po, ano na ang nangyayari sa akin? Pati ang adik na ito ay
nadadamay na sa kalokohan ko. Sorry tol, nakapag isip ako ng ganoon. Hindi na
mauulit, promise, ang tahimik na paghingi niya ng paumansin sa kaibigan
kahit na wala naman itong kaalam alam.
Binalingan niya ulit ng tingin si
Hal na ng mga panahong iyon ay nakatitig na rin pala sa kaniya. Akmang magsasalita
na sana siya ng bigla namang dumating ang propesor nila na naghuhudyat na
magsisimula na ang klase, kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang tumahimik
na lang at maghintay ng pagtatapos ng subject, subalit gaya noong lunes, nang
tumunog na ang bell ay nagmamadali ulit itong lumisan kaya hindi na niya ito
nakausap. Idagdag pa na kailangan na naman niyang gisingin ang kaibigan dahil
natulog na naman ito sa kahabaan ng klase... iyon ang akala niya.
Lingid sa kaniyang kaalaman ay
napansin ni Matthew ang kaniyang kakaibang kinikilos. Nagkunwari itong
natutulog habang palihim siyang minatyagan kaya naman kitang kita nito kung
paano dumako ang paningin niya sa direksyon ni Hal at ang kaniyang pasimleng
paulit ulit na pagbasa sa isang kapirasong papel at larawan na may sulat sa
likuran habang nagkaklase.
NANG MAPAG ISA SA SARILING UNIT
ay hindi mapakali si Grey na nagpabalik balik sa paglalakad habang tangan ang wireless
na telepono. Maya maya ay may dinayal siyang numero at sumalampak ng upo sa
couch.
“Hello,” ang tinig ng babaeng
nakasagot sa kabilang linya.
“Good evening. May I speak to
Sheila?,” ang tugon naman niya.
“Speaking. Sino po sila?”
“Shei, si Grey ito.”
“Oh, How are you? Napatawag ka?”
“Ayos lang ako. Itatanong ko lang
sana kung okay pa ba iyong imbitasyon mo para sa sabado,” naeexcite na siya sa
kaniyang binubuong plano.
“But of course. I’ll tell you the
details bukas sa school,” ang sagot naman nitong halatang nasisiyahan.
“Good. I’ll see you tomorrow,
then. Bye. Sleep tight,” ang paalam niya na hinaluan ng kaunting lambing ang
boses para naman ganahan ito.
“Bye Grey. Dream of me. Mwahh,”
ang malandi naman nitong sambit sabay baba ng awditibo.
Pagkatapos mailapag ang telepono
ay nagmamadaling kinuha naman niya ang kaniyang cellphone at saka nag type ng
message at saka sinend:
Greyson to. Kita tau ds sat. Gimik tau. i wl tke u on ur ofer. Sabi mo
ur treat nxt tym kya ito na un. Hehehe
Pagkatapos kumain at
makapagligpit ay nagshower na siya para makapagpahinga ng maaga. Gaya ng
nakaugalian, nang matuyo na ang buhok pati buong katawan ay walang saplot na
sumampa na siya sa kama at saka natulog.
Nang gabing iyon ay mas tumindi
ang kaniyang naging panaginip. Nakita niya ang mga pangyayari bago pumutok ang
baril. May dalawang lalaki ang nagtatalo. Napansin niyang hawak ng mas
matangkad na lalaki ang sandata at iwinawagayway ito habang nagsasalita sa
malakas na boses, subalit hindi niya maintindihan kung ano ang mga sinasabi
nila. Maya maya ay biglang lumabo ang lahat, pagkatapos ay narinig na naman
niya ang putok at ang kasunod noon ay ang pag uulit ng kaniyang mga nagdaang
panaginip.
Journal Entry
@garden kiosk
Note: ang sarap tumambay dito
Mamaya ay makikita ko na naman siya sa klase. Sana magkaroon na ako ng lakas
ng loob na kausapin siya... kahit masakit.
I saw him again with this other guy. Tinanong ko ang isa naming kaklase
kung ano ang meron sa kaniya at sa lalaking parati niyang kasama. Sinabi naman
nito ang katagang ‘ang mag asawa’ sabay dugtong ng isang tawa.
So, may iba na pala siya. I’m too late. Hindi ko na siya pwedeng
guluhin. Baka mas makasakit lang ako sa kaniya kung ipipilit ko pa ang sarili
ko. Pero sa puntong ito ay ako naman ang labis na nasasaktan.
It’s hurting me to see him with somebody else. Hindi ko alam kung
kakayanin ko ito. Siguro kapag nakita ko na masaya siya, baka mabawasan ang
sakit na nadarama ko.
Who am I kidding? Kahit pa sabihing hangad ko ang kaniyang kaligayahan,
mas gugustuhin ko pa rin na ako ang makakapagbigay sa kaniya nun. Kapag
nakikita ko silang dalawa, parang sinasaksak ako ng paulit ulit. Kung pwede nga
lang sana na totohanin na lang ang pagsaksak sa akin ay gugustuhin ko pa iyon
so that I can only experience the pain once.
It’s just too much to know na kakasimula ko pa lang ulit ay talo na
pala ako. Para akong tumakbo sa isang karera na tapos na pala. I can only hope
that things will turn out okay for me from now on. I know that I won’t have a
better life without him in it, because his presence is the one that makes it
the best. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?
Buti na lang makikita ko na ulit siya ng malapitan. I miss the way he
looks at me. Sana magblush ulit siya. Ang cute niya kasi talagang tingnan kapag
namumula ang kaniyang mga pisngi.
Haizt, may tao na paparating...
Woah! He’s on his way here, and I even called out his name out loud without thinking. I guess this is
it. Wish me luck!
- - Halex
Journal Entry
@class
Ang saya ko na... sana. Kung hindi pa dumating ang lalaking iyon.
Borrowed time na nga lang, kailangan pa talagang istorbohin.
Ang kulit niya pa rin kausap. Parang walang nagbago sa aming dalawa. I
can’t describe how much I love him. Words are not enough to give justice to
what I truly feel. Minsan naiisip ko na napaka inadequate ng human language.
I once read it in a book na
masyadong limited ang vocabulary ng tao. Ang salitang love kung saan tinutukoy
ang pinakaimportanteng tao ng buhay mo, kung minsan ay mas importante pa sa
buhay mo, ay ginagamit din bilang pantukoy sa mga material na bagay o di kaya’y
sa mga alagang hayup na kung tutuusin ay hindi naman papantay sa kahalagahan ng
taong mahal mo.
Ang gulo, gaya din ng tao mismo. Kanina naramdaman ko na parang gusto
rin naman niya ako pero hindi ko kayang umasa. Baka sa bandang huli ay
masasaktan lang ako. Bugbog na ako masyado, at ayaw ko nang dagdagan pa ang
aking pagdurusa sa sarili kong kagagawan.
Pero hindi ko pa rin mapigilan. Kaya naman bumabalik na naman ako sa
dati kong gawi when we were still together back in high school and even sa
first year college. Mamaya, bago pa dumami ang mga tao, mag iiwan ako ng
kaunting regalo para sa kaniya. Sana naman ay magustuhan niya ito kahit simple
lang.
Hindi na ako manggugulo. I just want to show my love for him through
these simple things, just like what I used to do back in the good old days.
- - Halex
ITUTULOY
Sino ka Halex? Ano ang past nio ni Grayson? Matt, magpakatotoo ka na kay Gray.
ReplyDeleteWala bang POV/JOURNAL si Matt? Sana meron din.
Regards and more power!
@v_i_nce, ito yung nakakalito para saken sa story mo,
ReplyDeletemadalas nalilito ako kung sino yung nagsasalita sa bawat scene. Nalilito aq kung POV mo or ng character.
Mas ok kung POV na lang talaga ng character ang gagamitin mong story teller..
At.....
NEXT na! Haha!
--ANDY
@Gerald: Thank you sa comment. Hindi pa po ako pwedeng magspill ng kahit ano kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang story sa isip ko kaya pasensya ka na. x_x
ReplyDelete@Andy: Salamat din sa pagpuna ng detalyeng iyan. Alam ko nakakalito dahil pati ako na nagsusulat ay nahihirapan din kung paano ipapahayag ang mga nangyayari. Siguro po tama kayo na mas maganda kung first person na lang din ang ginamit ko sa istilo ng pagsusulat. Pero nasimulan ko na kasi ang ganito kaya mahirap na po baguhin. Pagpasensyahan niyo na lang po >_<
Sa inyong dalawa, TC and GB always:D
-v_i_nce
GRABE!! lalo syang gumaganda :)) i think nabubuo ko na sa utak ko ko anong nagyari sa kanya nung accident pero akin muna :)) hehehe!! thank you po :P
ReplyDeleteGood job! As the mystery of the story gradually unfolds, it becomes more compelling and engaging.
ReplyDeleteI smiled a lot while reading as you'd mixed some humor in your lines.
Regarding the mixed POV, it's not confusing at all since it was made clear when the perspective changes. It's a strategy used by writers. And since the author (Vince) just include this avant garde point of view in a small part. Story writing rules are there for a reason but they're also there to be broken.
Kudos Vince!!! -LGM
Magaling ang akdang ito. Saludo ako sayo sir. Sana next chapter na. hehehe..
ReplyDeleteLalo akong napapaisip sa nakaraan nila ni Greyson at Halex hehe. Nakaka excite alamin kung ano talaga nangyari before at humantong sa pagkabaril ni Grey.
ReplyDeleteGood writing by the way. Keep it up po sir Vince.
-Rick
ang ganda..... super like ang twist ng story peo ang tgal ng update ng ksunod
ReplyDeletekay marc, LGM (mwahh:D), Billygar, Rick and Anonymous na sana malaman ko na kung ano ang pangalan, thank you sa comments. Greatly appreciated po ang efforts niyo.
ReplyDeleteTungkol naman sa mabagal na pag uupdate, kaunting tiis na lang po. patapusin niyo lang po ako sa project ko sa marketing at magcoconcentrate na ako sa pagsusulat nito. T_T
Sabay po nating alamin ang mga pangyayari sa buhay ng mga karakter ng kwentong ito kasi kahit ako ay hindi pa rin alam kung ano ang kabuuan ng kwento.
Muli, thanks:D
-v_i_nce
ACTUALLy!!! magnda ang story peo nalili2 aq!! peo kah8 papaano naiintndhan q ung nila2mn at hahantungan nito hehehe!!!
ReplyDeletei love it! supppppeeeerrrrr! matagal ko na to nabasa at pinapaulitulit ko lng..ito ang next favortie ko after nung angkuyakong CNB at Minahal ni bestfriend..dsuper ganda tlga..ganda ng plot at takbo ng storya..sana next chapter na..
ReplyDeleteBy the way..meron din ako sinusulat na story ask ko pa kay boss mike kung pde ko ipost dito ^^..ipapaproff read ko din s mga friends ko dito para mas ok..
@v_i_nce next na po :) inadd nga pla kita sa FB
-JAM- here!
ahahaha.,,,, nice one,.. gudjeb!!!!! kakakilig ah,.. LOLZ!!! lukin forward sa next issue.,,, sana soon na,... _aries_
ReplyDeleteI didn't like the start of the story. Twas kinda not catchy. But I love the transitions tho. Compelling. :)
ReplyDeleteWhere's the next installment?
Just a suggestion. Maybe you could "force" the conflict between the three of them by making both Matthew and Hal part of Grey's forgotten past.
And maybe maganda kung poignant ang ending between Hal and Grey but make it more appealing for Grey and Matt.
My two cents. :)
nabasa ko na to pacnxa na sa ibang site ko ata nabasa hahaha....
ReplyDeletenakakainis di ko na mabuksan ung account ko dito nakalagay bago na daw password amp... hahahaha ok lng sana maipost pa din tong comment ko kahit sobra late na.... sana may update na
"LHG"
Its a shame na di mo na itinuloy ang kwentong ito. Napaka ganda pa naman ng pagkakasulat. Ang tagal kong hinintay ang kasunod nito. Sana po ay ituloy ninyo.
ReplyDeleteKarugtong po please.. Ang part 4 at ang ending.
Delete