Followers

Friday, November 18, 2011

The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 10

Author's Note: I would like to thank all the people who supported this story..Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik nitong akda ko simula pa nung una..Nakakatuwa kasi I never thought na maraming magbabasa nitong story kong ito, coming from a sixteen year old amature writer..Hindi niyo po alam kung gaano ako kathankful at kung gaano niyo po ako napapasaya sa mga comments niyo..Thank you thank you po talaga sobra!!! I love u all!!! mwah!!!


I would like to thank the following :
Jack , zenki ,Mars ,kushu, Jayfinpa, mj, wastedpup, Roan, Rue, russ , MArc , R3b3L^+ion , jm , dada ,  Darkboy13 , jm ,Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr , allan , joed , alejandro, senn, robert and ogie. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : 
kuya Jam, kuya Daren, kuya kenken, kuya Win, kuya jamespot, kuya Liger, kuya Lance , kuya Harvey, kuya kambal ko , kuya dendenpot , kuya kenji , kuya jennor , kuya Jeffrey, kuya jm, kuya Vince(love u!).
salamat din sa mga bestfriends kong sina Coleen and Macky! Thanks girls! Love ya! :D
And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson

sa mga ndi ko po nabati, maraming salamat po and mwah!!! :D

anyway, eto na po ang finale!! enjoy reading!

Episode 10 - Everyone is Meant to Say Goodbye - The Finale



SAM WILSON

“I’m Sav..your other twin brother..” sabi ng lalaking nasa harap ko na kamukhang kamukha ko.

“Ano?! Kakambal din kita? I thought dalawa lang kami ni Sai,..” sabi ko…Bakit hindi nila ako pinakilala sa kanya??

“Matagal na tayong magkakilala..” sagot naman niya.

Teka, coincidence lang ba ito? Bakit niya nasagot yung tanong ko? Eh nasa isip ko lang naman yung tanong ko?

“Dahil nababasa ko yung iniisip mo Sam..” sagot ulit niya,.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.. “This is so creepy…”

“Wala pa yan,..meron pang mas creepy jan..” sabi niya ng nakangiti,.

Sh*t ano ba to?? Bakit ganito…natatakot na ko…Boses? Boses? Asan ka?

Pero walang sumagot na boses..sa halip, si Sav ang sumagot.

“Nandito ako..sa harap mo Sam..” sabi niya.

“Ano??” nagtatakang tanong ko.

“Hindi mo ba nakikilala ang boses ko?” sabi niya.

Nagi-isip ako.. Pamilyar nga ang boses niya, pero hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig..

Nagbuntong hininga siya.. “Ano ba teh?! Nakakaloka ka huh! Chuchugiin na kita jan eh!”

Nagulat ako sa narinig ko.. “Ikaw?!” sabi ko.

“Tumpak teh! Ang slow mo huh! Kung hindi pa ko magsalita ng ganito hindi mo ko makikilala!” sabi niya.

“Ikaw yung boses sa utak ko…pero…pero paano?”

“Okay, ieexplain ko sayo..Halika.” yaya niya sa akin..

Inabot niya ang kamay niya sa akin, hinawakan ko naman ito.. Pagkatapos ay bigla na lang nagliwanag ang paligid. Nasilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ang mga mata ko, ng mawala ang liwanag, nakita ko na lang na nag-iba ang paligid..nasa ospital kami..nakatayo kami sa tapat ng nursery..May tatlong bata na nasa loob..

“Si Sai yan..” Turo niya sa isang malusog na bata.

“Ako yan..” turo naman niya sa baby sa gitna na may iba’t ibang apparatus na nakakabit sa katawan.

“Ako tong huli?…” tanong ko..sabay turo sa isa pang baby na katulad ng nauna, ay may mga apparatus din na nakakabit sa katawan..

“Oo Sam..ikaw yan..” sagot niya.. “Parehas tayong mahina ang puso nung pinanganak tayo..Si Sai lang ang malusog at maayos nung pinanganak..”

Napatitig lang ako sa 2 baby..Nakakawa nga silang tingnan..Maya maya, biglang dumating si Papa..Nakatingin siya sa mga baby..tahimik lang siya, maya maya’y nag-umpisa nang pumatak ang kanyang mga luha..Habang nakikita ko si papa na umiiyak, parang gusto ko siyang yakapin..

“Papa..” sabi ng isang bata na lumapit kay papa.

“Si kuya ken…” sabi ko.. Nasa apat o limang taon pa lamang siya noon..Nakilala ko siya kaagad dahil hindi nagbago ang ichura niya, lumiit lang, tapos mas cute..

Binuhat siya ni papa.. “Look Kenny, these are your little brothers, Sai, Sav, and Sam..” sabi ni papa sabay turo sa aming tatlo..

“Sam!!” sabi ni kuya Ken..

Parang nanlambot yung puso ko..Ewan ko..kasi pangalan ko yung binanggit niya..Naiyak ako..

“Baby pa lang tayo, mahal ka na talaga ni kuya Ken..” sabi ni Sav.

Hindi na ko nakasagot..nakatitig lang ako kila papa at nakangiti habang pumapatak ang aking mga luha..

“Papa, what’s that?” tanong ni kuya sabay turo sa mga tubong nakakabit sa aming katawan..ang cute ng boses niya..

“Uhhm..those things are tubes connected to your brothers’ body to help them breathe..” sagot ni papa.

“hmmm?” sabi ni kuya ken na mukhang litong-lito, mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ni papa..

Natawa na lang si papa at niyakap siya ng mahigpit..

“Can I hug Sam?” tanong ni kuya Ken, na lalo naman nagpaiyak sakin..

“Iyakin ka talaga.” Singit ni Sav.

“Alam mo ikaw, panira ka talaga ng moment!” sumbat ko sa kanya.

“Oh sorry na po..” sabi niya.

“Yes you can hug Sam..You can hug him after he get out of the hospital.” Sabi ni papa ng nakangiti.

“Yehey!” sabi ni kuya Ken..

Nasa ganoon akong pagtitig sa mag-ama ng biglang nagsalita ulit si Sav.

“Namatay ako noong baby pa tayo..Nabuhay ka..nung namatay ako, naging mabuti ang kalagayan mo..mahirap mang paniwalaan,..pero nagsakripisyo  ako para mabuhay ka..dahil gusto kitang mabuhay..ikaw ang bunso namin Sam..sa ating magkakapatid, ikaw ang pinakapinahahalagahan naming lahat..kaya hindi rin ako nagsisisi sa ginawa ko..” pagsasalaysay ni Sav.

Napatitig ako kay Sav..niyakap ko siya ng mahigpit at nag-iiyak sa kanya.. “Thank you Sav..thank you..kuya..”

“Anu ba yan! Ang drama mo! Pati ako naiiyak sayo eh..” sabi niya..

Natawa naman ako sa sinabi niya.. “Utang ko pala sa’yo ang buhay ko..”

“Naku, wag mo na isipin yun..ginawa ko lang kung ano ang dapat..kung hindi ko ginaw ayun, marahil parehas tayong namatay,.” Sabi niya.

“So paano ka naging boses sa utak ko?” tanong ko.

“Nung mamatay ako, hindi talaga ako tuluyang namatay, kasi, kaya ka nabuhay, sumanib ako sa’yo..” sabi niya.

“Ha? Ang gulo naman..” sabi ko sabay punas sa mga luha ko.

“Diba nga mumu na ako dahil nga tigok na ko, para mabuhay ka, pumasok ako sa body mo. Basta! Mahirap iexplain!” sabi niya.

“Hmmm..sa tingin ko mejo gets ko na..” sagot ko.

“Kaya ako’y ikaw,..at ikaw ay ako..” sabi niya.

“Pelikula lang teh?”

“Gaga! Tumigil ka nga! Seryoso ko no!”

“okay.”

Natahimik kaming dalawa..

“Teh, wag kang masyadong seryoso, di bagay sau, nagmumuka kang lesbiana!” bulong ko.

Binatukan niya ako.. “Uuum!! Lesbiana pala huh! Gusto mong bawiin ko buhay mo?! Halika na nga!”

Tumawa na lang ako..Nagliwanag muli ang buong paligid at bumalik na kami sa sementeryo kanina..

“Teka, patay na ba ko?” tanong ko..Kasi, kanina pa kami magkasama tapos ngayon ko lang naalala kung anong nangyari.

“Hindi pa..Buhay ka pa..” sabi niya.

“Kung buhay pa ko, bakit ako nandito?” tanong ko..

“Nandito ka, para papiliin..”

“Papiliin? Papiliin saan?”

“Aalis na kasi ako sa katawan mo..kailangan ko nang pumunta sa langit..” sabi niya.

“Sa langit ka pupunta teh?” sarcastic na tanong ko sa kanya.

Nakatanggap ulit ako ng isang matinding batok.. “Ummm!! Pasalamat ka magkapatid tayo! Kung hindi, naku!!”

Napatawa na lang ako..“So what does that have to do with me?” tanong ko.

“Ikaw ang shunga mo talaga..okay, diba nga parte ako ng katawan mo, so pag umalis ako jan, magiging mahina na yung katawan mo, pwede kang mamatay..”sabi niya.

“Teka, mamatay ako??”

“Oo nga! Paulit-ulit? Parrot teh? O unli lang?”

Napatulala lang ako..

“Pero wait lang..pwede ka pa rin namang mabuhay,..kaya lang may kundisyon..” sabi niya.



SAI WILSON

Ng imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang sarili ko sa isang lugar na kung saan ay puti ang buong kapaligiran.. Wala kang maaaninag na bagay, siguro nga’y walang kahit anong bagay na narito. Lumingon lingon ako sa aking paligid..

“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko..

Paglingon ko sa likod ko, nakita kong may isang lalaking nakatayo, nakatalikod siya..

Teka, parang kilala kita..

“Sam?” tanong ko sa lalaking nakatalikod..Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa akin..nakapikit siya’t umiiyak..

“Sam!” sabay yakap ko sa kanya.. “I’m sorry Sam…hindi ko sinasadya.. I’m sorry..” nag-umpisa na ring pumatak ang aking mga luha..

Umiiyak siya ngunit ako’y nagulat ng bigla niya akong itulak palayo sa kanya.

“You killed me Sai!” sabi ni Sam. Punung-puno ng galit ang kanyang mga mata habang pumapatak ang kanyang mga luha.. noon ko po lang siya nakitang magalit ng ganoon katindi.. “You killed me!!”

“No Sam..hindi ko sinasadyang masaktan ka..please forgive me..” pagmamakaawa ko sa kanya.

Lumapit siya bigla sa akin at sinakal ako..

“Sam, I can’t breathe!” sinubukan kong tanggalin ang kamay niya ngunit masyado siyang malakas..parang hindi si Sam ang nasa harap ko..

“You’re gonna pay Sai!!!”

Nagising akong niyuyugyog ako ng isang tao.. “Sai! Sai!”

Pagbukas ng mga mata ko, nakita ko si Harvey na nakahawak sa magkabila kong balikat. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.. “I’m sorry…I’m sorry…I didn’t mean to..I’m sorry..” at humagulgol ako sa kanya.

Niyakap naman ako ni Harvey.. Tumingin ako sa kanya.. “I’m sorry Harvey..I’m really sorry..”

Pinunasan niya ang mga luha ko at nginitian niya ako.

“Hindi ka galit sa akin?” tanong ko.

“Magalit man ako sa sa’yo ngayon, wala ring saysay kung mag-aaway pa tayo, sa ngayon, kailangan tayo ni Sam..” sagot naman niya..

Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya kahit na alam kong may galit pa rin siya sa akin.. “I’m really sorry Harvey..sa lahat ng ginawa ko…I’m sorry..”

“Bakit mo ba kasi nagawa yun? Wala namang ginagawa sa’yong masama si Sam eh..” sabi niya.

Napayuko ako..

“Nagseselos ka ba?” tanong niya. Inangat niya ang mukha ko.

Tumango ako sa kanya.

“Hindi mo kailangan magselos, sa binibigay na atensyon ng mga tao sa kakambal mo Sai..ilang years niyo siyang hindi nakasama..siyempre gusting mag-catch up ang pamilya mo sa mga oras na hindi nila nakasama si Sam..Hindi yun rin naman ang gusto mo noon pa? Ang makita na ulit ang kakambal mo? Pero bakit mo ginawa to?”

“Kaya nga nag-sisisi na ko Harvey..Mali ako..Naging masama ako kay Sam..hindi naman siya ang may kasalanan ng lahat ng to..Pero siya pa rin ang sinisi ko..Kaya gusto kong manghingi ng tawad sa kanya..at itama ang lahat ng mali ko..sa kanya..at sa iyo na rin..”

Niyakap niya ako..

“Does this mean na okay na tayo?” tanong ko.

“Oo..Just don’t this again..Please??”

Tumango ako.. “Thank you..”

Pumunta kami ni Harvey sa tapat ng kwarto ni Sai..nasa ICU pa rin siya..unstable pa rin siya..Sa labas ng kwarto ni Sam, naroon sina mama, papa, at sina kuya. Nilapitan ko si mama..

“Mama I’m sorry…”

“No anak…I’m sorry..” at pumatak ang luha ni mama.. “Dahil sakin kaya ka nagkaganito..”

“No ma, it’s my fault..I’m sorry..”

“Shh…ako ang may kasalanan..kung hindi ko lang siguro ipinikit ang mata ko, sana nakita kita..kung hindi ko sana hinayaang mabuhay ako sa nakaraan, hindi ka siguro magagalit kay Sam..I’m sorry anak ko..” at niyakap ako ni mama. “I missed my son..”

“I love you ma..” habang umiiyak kaming magkayakap.

“I love you too anak..” at yumakap na rin sa amin si papa at sina kuya..

Gumaan ang loob ko dahil dito..Pero hindi pa rin tapos ang lahat.. Sabi nina mama, Sam had fractures on his legs and arms,tapos nag-internal bleeding pa raw siya dahil sa pagkakabagok ng ulo niya..Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang tinitingnan ko siya..may benda ang ulo niya..pati na rin ang braso niya..Habang tinititigan ko siya, mas nagi-guilty ako sa ginawa ko..

Dapat hindi kosa kanya ibinunton ang galit ko..wala siyang kasalanan.. Lord..iligtas niyo po ang kakambal ko..please..




SAM WILSON

“Kundisyon?” tanong ko.

“Oo..”

“Ano?” tanong ko.

“Mabubuhay ka, pero…pero…”

“Pero????” lumapit ako sa kanya.

“Atat lang teh?” sabi niya.

Binatukan ko siya.. “Umm!! Just go straight to the point!”

“Pero mawawala ang ala-ala mo!” sigaw niya sakin.

“Galit ka?!”

“Hindi, nagpapaliwanag lang..” sabi naman niya.

Napatahimik ako…Nun ko lang narealize na dapat pala nashock ako sa narinig ko..o kaya naman eh, nalungkot..ito kasing si Sav eh, panira talaga.

“Aba at ako pa ang panira huh?” singit niya.

Ayy oo nga pala naririnig niya ang mga sinasabi ko sa utak ko..tanga ko talaga..

“Tanga ka talaga!” sabi niya sabay tawa.

Nakatikim siya ulit ng isang batok.. “Umm!”

“Aray ha, nakakailan ka na!”

“Pwede ba tumahimik ka muna just for once?”

At hindi na siya nagsalita..tumalikod muna ako sa kanya at naupo..tumingin sa malayo,.Mga ilang segundo rin ang nakalipas bago ko maclear-out ang isip ko..

Gusto ko pa rin namang mabuhay…pero mawawala lahat ng ala-ala ko..para na rin akong namatay nun..so dapat ba piliin ko na lang mamatay at sumama sa kanya sa langit? O pipiliin kong magstay na lang sa lupa, at harapin ang kung ano mang mangyayari sa akin doon? Mahihirapan ako..since nga mawawala na lahat ng ala-ala k..and what’s worst is, it’s permanent..wala nang way para maibalik ko lahat ang ala-ala ko..so magsstart na naman ako ng panibagong buhay ko? Sayang naman ang mga masasayang ala-ala diba? Eh kung mamatay na ko, madadala ko lahat ng ala-alang iyon sa kabilang buhay..yun nga lang, malulungkot silang lahat kapag nawala ako..mamimiss ko silang lahat…pero kung mabubuhay naman ako, para na rin akong nawala..nandun nga ang katawan ko, wala naman ang sarili ko…yung totoong ako.. hay..bakit ba kailangan ko pang pagdaanan toh?? Arrgghhhh..

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang sumingit si Sav.

“Oh ano? Nakapagdecide ka na ba?”

“Mukha ba kong nakapagdecide na? Kita mong isip ako ng isip dito eh!”

“Sorry naman!”

Biglang sumagi sa isip ko si Van.. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?galit pa kaya siya sa akin??



VAN ROMERO

“Sam please answer the phone…please…”  Ilang beses kong tinatawagan si Sam pero hindi siya sumasagot..

Ang tanga tanga ko kasi! Bakit hindi ko napansin kaagad na hindi siya yung nasa picture? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? Anong klase akong boyfriend!! Arrgggg!! Wala kang kwenta Van!!Wala kang kwenta!!!

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang mag-ring ang phone ko..

“Hello?”

“Van!” parang pamilyar ang boses niya.

“Harvey?” tanong ko.

“Ako nga.. Did you know about what happened?”

“Oo, alam ko na.kasama mob a si Sam ngayon? I want to apologize to him..” sabi ko..

“Sam’s in the hospital!”

“Ano?!” gulat na tanong ko.. “Anong nangyari sa kanya?!”

“He fell off the stairs..Pumunta ka na lang dito sa ospital.” Sabi ni Harvey.

Sinabi na sakin ni Harvey ang ospital kung saan dinala si Sam at kaagad akong nagpunta roon..Ilang oras rin ang biyahe..Pero ang nasa isip ko lang, ang makarating kaagad kay Sam..Pagkadating ko sa ospital, nakita ko kaagad si Harvey na naghihintay sa akin sa lobby ng ospital.

“Van! Buti naman nandito ka na..” Bati sa akin ni Harvey

“Asan siya?” tanong ko.

“Halika, sumunod ka sa akin.”

At sinundan ko agad si Harvey.. Nakailang ikot rin kami at narrating na namin ang kwarto niya.. nasa ICU pa rin siya..pero makikita mo siya mula sa malaking bintana ng kwarto..nasa labas naman lahat ang pamilya niya..

Hindi ko maiwasang maluha sa aking nakita..nagsimula na akong umiyak at naramdaman ko na lang na may tumapik sa likod ko.. Si kuya Ken..

Ibinigay niya sa akin ang singsing na ibinigay ko kay Sam noon..
Sa pagkakakita sa singsing, lalo akong napahagulgol..Kinuha ko ito at tinitigan..hinalikan ko ang singsing..

Bunso ko…wag kang susuko…nandito lang ang kuya…please bunso..wag mo kong iiwan..mahal na mahal kita…





SAM WILSON

“Ano na?” tanong ni Sav.

“Sandali lang!” sagot ko naman.

“Aba! Anong petsa na teh?!”

“Atat ka naman! Sa tingin mo ba madali para sa akin to ha?!”

Natahimik naman siya..

Nag-isip muli ako…makalipas ang ilang minuto..

“Nakapag desisyon na ko..” sagot ko..




SAI WILSON

Pumunta kaming lahat sa chapel ng ospital para doo’y magdasal..Naiwan si Van kay Sam..alam kong may kasalanan pa ko kay Van.. At nagsorry naman ako sa kanya..hindi niya ako sinagot ngunit inintindi ko na lang siya…sana lang ay mapatawad nila ako ni Sam..

Habang nakaluhod ako sa chapel,.

Lord..alam ko pong marami akong naging kasalanan..sa inyo, sa pamilya ko, sa ibang tao..at lalo nap o sa kapatid ko…sa kakambal ko…sa sarili kong kadugo..Patawarin ninyo po ako...Hindi ko po sinasadyang masaktan si Sam..Hindi ko po sinasadya..I’m not religious..pero sabi nila pag humiling ako sa iyo, ibibigay mo..kakapalan ko na po ang mukha ko..Isa lang naman po ang hinihiling ko..Please let my brother live..please…wag niyo po kunin si Sam sa amin.. Mahal na mahal po namin siya..please Lord..nagmamakaawa po ako sa inyo…Wag niyo po siyang kunin..

Umiiyak ako habang nagdadasal.



VAN ROMERO

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sam..nakasuot ng mga damit na parang sa mga doctor kapag nag-ssurgery..Nilapitan ko si Sam..hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at idinikit ito sa pisngi ko..

“Bunso…si kuya to…” habang tumutulo ang luha ko.. “Kung naririnig mo man ako ngayon,..I’m sorry.. I’m sorry kasi hindi kita pinaniwalaan..I’m sorry kung hindi ako nagtiwala sa’yo..I’m sorry bunso ko..sana mapatawad mo pa si kuya..”

Ngunit wala siyang kahit anong response.

“Bunso ko…wag kang susuko…wag kang bibitiw…wag mo kong iiwan..please…mahal na mahal kita bunso ko…mahal na mahal kita…”

Umiiyak ako doon ng mag-umpisang humingang malalim si Sam..Bigla akong nabahala.

“Sam!”

Tinignan ko yung machine kung saan makikita mo ang heartbeat niya. Mabilis ang tibok ng puso niya, pagkatapos ng ilang segundo’y nagging straight yung line..wala na siyang heartbeat..

“Sam! Sam! NO! Sam!”

Tumawag kaagad ako ng doctor..kaagad namang dumating ang mga doctor…dumating rin ang mga Wilson..

“What’s happening? Sam! Sam!” sigaw ng mama ni Sam.

Nakatingin lang kaming lahat,.lahat ay umiiyak..

Sam please…don’t leave me…please…

Ngunit hindi siya nabuhay…Tumigil na ang doctor..tumingin siya sa amin at umiling..

“Time of death, 3pm.” Sabi ng doctor..

“Sam!!!” sigaw ng mama ni Sam..

“bunso ko!” sigaw ko naman..

Kaagad akong lumapit sa kanya..

“Bunso!! Bakit mo ko iniwan?! Bakit?!!” habang umiiyak ako sa tabi niya..

Umiiyak rin ang mga Wilson..

Biglang lumabas ang mama ni Sai..sinundan naman siya ng asawa nito at ni Sai..

Nilapitan ako ni Ken at hinimas ang likod ko..

“Akala ko ba mahal mo ko?! Bakit mo ko iniwan?! Bunso!!!” humahagulgol pa rin ako habang nakahawak sa kamay niya..

Nasa kalagitnaan kami ng iyakan..ng nagulat kami ng biglang umubo si Sam na parang nasamid at umangat ang ulo nito..Kaagad siyang humigop ng hangin at bumukas ang kanyang mga mata..

“Sam!!!” sabay sabay naming sigaw nina Max at Ken.



SAM WILSON

Para akong nalunod ng magising ako..Pagbukas ko ng mata ko, nakita ko kaagad ang kisame ng isang kwarto..naramdaman kong may mga nakahawak sa akin..pagtingin ko, nakita ko ang mga kuya ko na nakangiti ngunit may luha sa kanilang mga mata, at si Van..

Teka, bakit natatandaan ko pa rin sila? Sav? Sav??

Hiniling ko sa Diyos na huwag na lang kunin ang ala-ala mo..Para na rin hindi ka mahirapan..kapalit na rin ito ng oras na nagkasama tayo..

Thanks Sav…thank you! I love you!

I love you too bunso…pakabait ka ha? Alagaan mo ang sarili mo..pangalawang buhay mo na ito, kaya ingatan mo..

Paano ka?

Aalis na ko..Kaya mo na naman ang sarili mo…

Thank you talaga! Iniligtas mo nanaman ako…Utang ko talaga sa’yo lahat, simula pa nung baby pa tayo..hindi ko alam kung paano ako makakapagpasalamat sa’yo..

Wag mo nang intindihin yun..basta alagaan mo na lang ang sarili mo at ang mama..

Opo..kuya..

Paalam na bunso ko..

Paalam kuya..i love you!

Mahal din kita bunso…mahal na mahal..

Naluha ako sa pag-alis ni Sav...

Napakabait niya,..simula pa nung baby pa kami, isinakripisyo niya ang sarili niya para sa akin..pagkatapos ngayon, hiniling pa niya na wag na lang mawala ang ala-ala ko..Ang bait talaga niya..nakakainis man siya minsan, malambot pa rin talaga ang puso niya..Kungdi dahil sa kanya, wala ako dito ngayon..

Tumingin ako kay Van.. “Kuya..”

Kaagad niya akong niyakap..“Bunso ko!!” ang higpit ng yakap niya.

“Max! Call mama and papa!” sabi ni kuya Ken..

Humarap sa akin si Van at hinawakan ang magkabila kong pisngi..hinalikan niya ako sa noo.. “bunso ko…”

Nginitian ko siya..

Sunod naman akong niyakap ni kuya Ken.. Maya-maya’y dumating na sina mama kasama ng mga doctor.. gulat ang mga mukha nilang lahat.

“It’s a miracle!” sabi ng doctor… “Paanong??” taking taka ang doctor.

“Anak!!” kaagad akong niyakap ng mga magulang ko..

“Ma..Pa..”

Pagkatapos ay sinuri ako ng doctor… “This is unbelievable...” hindi pa rin makapaniwala ang doctor.. “Paano kang nabuhay? You just died!”

Natawa naman ako sa reaksyon ng doctor.

It’s a long story..



Lumipas ang mga araw at unti unting gumaling ang mga sugat na natamo ko.. Himala ring naghilom at gumaling ang mga nabali kong buto..sa loob ko, marahil ay gawa rin ito ni kuya Sav..Alam kong siya ang nagpagaling ng mga ito..

Okay naman kami ni Sai..hindi naman ako nagalit sa ginawa niya..abot nga ang paghingi ng tawad niya sa akin..sinabi ko naman sa kanya na okay na kami.. Dinalaw rin ako sa ospital nina mommy, daddy, Marco, Macky at Coleen.

Dumating na rin ang araw ng paglabas ko sa ospital..Magaling na ang mga sugat ko..pati ang mga pilay ko…ang galing nga eh, ang bilis kong gumaling..Thank you talaga sa kakambal ko na nasa heaven! Hiniling kong dumaan muna sa puntod ni Sav bago kami umuwi..Sinamahan ako nila akong lahat..

Kuya..okay na ko..thank you talaga ha…Utang ko sa’yo lahat..babawi ako sa’yo kuya..promise…

Naiwan kami ni Sais a puntod at nauna na sa kotse sina mama.

“Sam..”

“hmmm?”

“Sorry…sa lahat..” sabi niya..

“Sai..diba napag-usapan na natin toh?”

“Oo pero..gusto ko lnag ulit manghingi ng tawad..ang dami kong kasalanan sa’yo..sorry talaga..”

“Kalimutan na lang natin ang mga nangyari okay? Wag mo nang alalahanin yun..” sabi ko sabay ngiti..

Niyakap niya ako..tinugon ko naman ang yakap niya.. “Thank you Sam..ang bait mo talaga..thank you!”

Habang kayakap ko si Sai, naramdaman ko ang malamig na hangin na umihip..

Kuya Sav..alam kong naririnig mo ko ngayun..gusto ko ulit magpasalamat sa’yo..thank you talaga..

At ayun..okay na kami ng kambal ko..okay na ang lahat..okay na kami ni Van..hindi nga siya umalis sat abo ko nung nasa ospital ako eh..at nung dumating kami sa bahay namin, nandoon din siya, hinihintay ako..magkakasama kaming kumain..magkatabi rin kaming natulog ni Van noon…sa kwarto,

“Bunso ko..” sabi niya habang magkayakap kaming dalawa..

“Yes po kuya ko?”

“Sorry ha…”

“Sorry po saan?”

“Sorry kasi hindi ako naniwala sa’yo noon..na nagpadalos dalos ako sa mga ginawa ko..sorry talaga..”

“Kuya, kalimutan nap o natin yung nangyari noon..Wala na po yun..Wag mo na pong intindihin yun..” Wala na naman kasi talaga sa akin iyon..tapos nay un eh..what’s important is what we have now..

Niyakap niya ako ng mahigpit.. “Thank you bunso..I love you..”

“I love you too kuya ko…”

At hinalikan niya ako sa labi.. at magkatabi kaming nakatulog.

Lumipas ang mga araw, at bumalik na sa dating takbo ang buhay ko..Hindi na masungit sa akin si Sai..actually, sweet na siya sa akin ngayon..kapag may nang-aaway sa akin, siya ang umaaway..silang dalawa ni Harvey. Ay oo nga pala! Sila na! oo! Sila na! O diba bonnga? Masayang masaya pa nga silang dalawa ng ibinalita nila sa akin na sila na.. Kapag may problema silang dalawa, sa akin sila tumatakbo at humihingi ng advice..tinutulungan ko naman sila…

Kami naman ni Van, maayos ang relationship namin..may mga misunderstandings minsan pero naaayos naman kaagad..Ang promise pa nga niya sa akin, kapag naggraduate kami ng college, pupunta kami sa America..dun kami maninirahan at papakasalan daw nya ako doon..

Naging maayos na ang buhay ko..wala ng away..wala ng gulo…naranasan ko ng magmahal..ang mahalin..ang masaktan..ang sumaya..ang malungkot..ang matakot..ang mamatay..ang mabuhay muli..at sa lahat ng karanasan ko..isa lang ang masasabi ko..kahit na ganito ang nagging buhay ko,

THIS IS THE BEST THING I EVER HAD..


-------------------------
Goodbye!
Sam / Av.


 Again, thank you po ulit!!! MWAH!

contact me @: 
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com

(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

21 comments:

  1. wow naman ang ganda naman ng huling twist nitong story.
    Kung Kelan tapos na ung story saka ko lang nagustuhan ung title THE BEST THING I EVER HAD...

    ikaw ha! palibasa nakaplan ka naka unli mode u na naman hanggang dito sa story. hahaha

    Sana isa ka sa maging author ng MSOB anthology i wish u luck :)

    God Bless!!!

    ReplyDelete
  2. ganda:) nakakaiyak naman grabe!!!! good job po vince.....:)

    ReplyDelete
  3. Di ko pa nabasa ito at tapos na pala.. basa mode muna ako :D

    ReplyDelete
  4. super ganda ng story grabe, kaso msyadong minadali ang ending

    ReplyDelete
  5. weeeeeeeeeeeeeeeeeeee............ the best po heheheheh natapus na rin pwo bitin.. hehehe

    ReplyDelete
  6. nice nice nice...sana may sequel..

    ReplyDelete
  7. Bye bye sam sai sav van maga kuya at sa lahat lahat na wow iso nice bye ole....

    ReplyDelete
  8. OMG!! WINNER NG BONGGANG-BONGGA!!!

    Hindi ko talaga ineexpect na ganito kaganda ang ending.

    Actually, habang binabasa ko ito, somehow, nilalagay ko ang sarili ko kay Sam. Call me crazy. XD

    The moments? So nakakakilig. Makapigil-hininga!! And very unpredictable.

    And the best of it all, you engaged me, as your reader, into the story, which is a sign na hindi lang basta nakakarelate yung nagbabasa, kundi nakuha mo din na mai-immerse kami sa mismong kwento, ang maging bahagi nito.

    BTW, Salamat sa pagbati sa akin. XD

    I am looking forward to another story of yours dito sa MSOB. :D

    Congratulations, Kudos and God Bless!! :D :D :D :D :D :D :D :D

    ReplyDelete
  9. pinaiyak mo ko dun mr. author ^^....

    tnx po...

    ReplyDelete
  10. @ryanfirmanes - hello po xD salamat po sa pagbasa! :)

    @kuya kambal ko - thank u thank u kuya! Mwah! Ou forever akong unli! Sinusulit ko rin kc kaya hanggang dito dinala ko xD..salamat po ulit! :D (unli tlga lol)

    @anonymous - salamat po ng marami!. ;) ang cute nmn, you called me in my real name :)

    ReplyDelete
  11. @zildjian - enjoy reading po! Sana po magustuhan mu :)

    @anonymous - hehehe super thank u po! And sorry po kung minadali ko, gabi n kc nung cnsulat ko yn, then my pasok pa ko the next day hehe. Babawi po ako sa inyu promise :P thnx po ulit hehehe.

    @anonymous - hehe salamat po! Sorry po kung nabitin ka po hahaha

    ReplyDelete
  12. @russ - thank you po! Sequel?.hmmm..pinagiicpan ko pa po yan eh hehehe tingnan n lng po natin in the future hehe again salamat po ulit!

    @darkboy13 - hehehe maraming salamat po sa pagbasa! Bbye rin daw po sabi nila hehehe

    @jack - i was so touched..thank you thank you! Comments like yours always make me feel so happy.. (btw, wag kang mag-alala, ako rin ganyan ang ginagawa ko, ung parang ikaw ung nasa story hehehe) i'm currently writing perfect two..sana maging "successful" din cia xD. Thank you po tlga heheh

    ReplyDelete
  13. woohhh..!!

    super nice.. super like it.. super loved it..

    hehehe

    don't you just love happy endings.. hehehe

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  14. @zenki - napaiyak po b kita? Awwe sorry po xD eto n lng po *hugs* hehehe.maraming salamat din po! :D

    @roan - hehehe super thank you po! :D god bless din po! :)

    ReplyDelete
  15. A Perfect End! Keep it Up po :). Ingatz :))

    ReplyDelete
  16. ngaun q lng nbsa tong ending, grbe mamimis q c boses..idol q xa sa pambabasag ng trip eh haha

    ReplyDelete
  17. hmmm di halata na ang laki ng pagitan ng comment ko sa comment ng iba ok lng kahit naun ko lng nabasa ang ganda ng kwento mo .... mas lalo na nakakaaliw ung 2nd voice hehehe ang cute minsan din kac ganun ako pag nagdadalawang isip sa isang desisyon may second voice pero hindi naman kacng landi nung kay av este sam pala hehehe

    KUDOS to d author....

    keep it up....

    napasaya mo ang morning ko....


    "LHG"

    ReplyDelete
  18. so thats it ending na wahhhhhhhhhhhhhh bitin ako wala bang susunod extend extend hehe ganda ehh ..mr author pa extend lol
    -ding

    ReplyDelete
  19. Mark Xander MendiolaMay 23, 2013 at 7:35 PM

    one of the best and unique stories i've ever read...ang galing mo mr.author,,,two thumbs up...keep up the good work

    ReplyDelete
  20. NIce story. . . more fun. . .nkkatuwa tlga c SAV. . . hehehehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails