Followers

Tuesday, November 29, 2011

Kiss The Rain Chapter 7


Pauna: Ang tagal kong walang update. Pasensya na po kayo sa akin. Naospital ako dahil na din sa katangahan kaya nagka freetime ako para isulat itong Chapter na ito. Sama ninyo na may bago akong inspirasyon sa pag susulat.

Guys nga pala focus kay Erwin ang buong chapter na ito.

Kuya Jeffy - Ayos ang ending ng Breakwater. Sige Pahinga muna ma miss ko ang pagaantay nga lang sa sinusulat mo.

Kenji - Nakalimutan ko sabihin sa iyo. Sinunod ko ang payo mo. no recycle.

Vincy - Pasensya na di na ako nag send sa iyo ng copy. Mabilisan kasi ito.

Vinz - Frend ayan may update na. Kulitin mo ako ulit sa FB ah. hehehehe!

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V,

Guys maraming salamat po!


Sa mga hindi ko po nabati MWUAH!

Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!

Kiss The Rain

Chapter 7 (Kiss Him With Anger)

_______________________________________________________
Erwin Joseph Fernandez
_______________________________________________________


Lumipas ang tatlong buwan at naging masigasig ang dalawa sa panliligaw sa akin.


Si Argel ay aggressive at walang takot na pinapakita na mahal niya ako. Habang si Donnie naman ay sa mga simpleng bagay dinadaan ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin.


Mas napalapit ang loob ko sa dalawang tao na ito. Pero may isa lamang ang dapat maging laman ng puso ko.


Sem break at tatlong araw na lang ang bibilangin ay kaarawan ko na.


Nasa kalaliman ako ng pagmumuni muni ko sa mga bagay bagay ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.


“Che, Hallow!” Bungad ni Jhepeth sa akin habang karay karay si Kenji na kumakaway pa sa akin habang papasok sa kwarto ko.


Paglapit naman ni Jhepeth sa kama ko ay umupo ito sa dulo na siya ding ginawa ni Kenji.


“Ewin, Friend lapit na ng Birthday mo.” Naka ngiting sabi sa akin ni Kenji.


Napakamot naman ako ng ulo ko dahil sa ala ko na may laman ang pagpapaalala ni Kenji sa aking kaarawan.


“Che, Dahil birthday mo at malapit na at waley naman pasok sa school. Bar tayiz mamaya. Sama mo yung dalawang knight mo. Hahahaha!” Sabi sa akin ni Jhepeth na parang kontrabida sa isang teleserye.


Hindi na nga ako nagkamali at napahawak na lang ako sa mukha ko at sinagot ko na lang sila ng isang simpleng “Sige.”


Tuwang tuwa naman silang dalawa sa pag sangayon ko sa kagustuhan nila at kaagad nila kinuha ang cellphone nila at nagsimulang mag txt.


“Sinong tinetext ninyo at arang takas kayo sa mental kung maka ngiti?” Tanong ko sa kanila habang akap akap unan ko at naka masid sa ginagawa nila.


“Si Donnie.” Si Kenji.


 “Si Argel.”  Si Jhepeth.


“So may secretary na pala ako. Sige kayo na mag aya sa dalawa.” Sabi ko sa sarkastikong tono.


“Tapos na! Sabi ni Donnie sunduin ka niya daw ditto mamaya.” Parang batang sabi ni Kenji na kumukuyakoy pa at naka ngiti sa akin.


“Me Din Finish na. Kita kita na lang daw sa bar say ni Papa Argel. May lakad daw kasi siya with his Mom.” Sabi naman ni Jhepeth.


“Ok sige bahala na kayo diyan. Gusto ko magi sip muna.” Sabi ko sa kanila habang sinusubsob ko ang mukha ko sa unan na akap akap ko.


“Che, can we talk? Biglang tanong sa akin ni Jhepeth sa seryosong tono habang naka titig sa mata ko.


Tumango na lang ako dahil alam ko sa mga ganitong pagkakataon ay seryoso na talaga ang bestfriend ko.


“Makikinig lang ako!” sabat ni Kenji  na naka ngisi sa amin.


“Tsismoso!” saby na sabi namin ni Jhepeth sa kanya.


Bigla naman nag shift ang itsura ni Kenji. From Ngisi to frown na maluha luha.


“Aw! Wawa naman baby Kenji ko. Sige dyan ka lang wag ka sasabat be behave saka wag pag sabi ang maririnig.” Malambing na sabi ni Jhepeth kay Kenji na tatango tango lang.


“Ehem! Simulan na.” Pag putol ko sa kalambingan ni Jhepeth.


“Ok. Tatlong buwan na ang lumilipas. Che, are you considering na sagutin na isa sa kanila?” Tanong niya sa akin.


 “Actually im hesitating na sagutin isa sa kanila. Kasi pag pinili mo ang isa mawawala naman ang isa.”


“Ganun naman talaga. Isa lang dapat talaga. Ok sino ba matimbang sa dalawa?” sabi ni Jhepeth.

“Yaan Din iniisip ko kanina bago kayo dumating. Matimbang? Ewan.” SAgot ko habang hinihigpitan ang akap sa unan ko.


“Di pwede ganyang sagot. Ayusin mo. Sige sabihin mo na lang kung ano ang napansin o nagustuhan mo sa kanilang dalawa.” Sunod na tanong ni Jhepeth sa akin.


“Ok. Sige. Si Argel, malakas ang loob saka madalas walang takot na inaakbayan ako at hinahawakan kamay ko kahit nasa mataong lugar kami. Pag kasama ko siya sa kotse niya siya pa naglalagay ng seatbelt sa akin at pagkakain may seremonya pa siya na titikamn daw muna niya yung pagkain ko baka may lason daw at baka matigok ang future asawa niya. Saka malapit siya kay Mama at Xang.”  Ang mahabang sagot ko kay Jhepeth.


“OK. Go on. How about Donnie?” Sabi ni Jhepeth habang tumatango.


“Si Donnie. Mahiyain pero nakapa sweet and thoughtful. Nagtataka din ako bakit alam niya ang ayaw at gusto ko. Binebeybi ako.” Sabi ko na parang timang na kinukuskos ang mukha sa unan.


Pagtingin ko naman kay Jhepeth ay nakita kong nakatingin it okay Kenji at tumatango rito.


“Ano meron?” pagtataka ko.


“Che, base kasi sa mga sagot mo parang mas matimbang sa iyo si Argel.” Sabi niya sa akin na naka kunot noo.


“Siguro….” Matipid kong sagot kay Jhepeth.


Nasa kasarapa na kami ng kwentuhan ng may magsalita sa likod ng pinto ng kwarto ko.


“Win, nak merienda muna kayo. May niluto akong ginataan doon.” Sabi ni Mama.
Agad naman tumayo si Kenji sa kama at ngumisi sa amin sabay karipag ng takbo palabas ng kwarto ko.


“AY! Deadly Hungarian ang baby Kenji ko?” sabi ni Jhepeth na umiiling.


Sumonod kami bumaba ni Jhepeth habang tumatawa dahil sa ginawa ni Kenji.


Doon na namin ipinagpatuloy na lang ang kwentuhan namin at ng sumapit ang 6 pm ay umalis na ang dalawa para maka pag ayos na para sa lakad namin.


Ako naman ay nagpunta na sa kwarto ko at direcho sa shower para maligo.


Habang dumadaloy naman ang maligamgam na tubig sa aking katawan ay napaisip ako.


Sino ba talaga ang laman ng puso ko?


Sino ba ang kukumpleto sa akin?


Sino ba yung makakasama ko sa buhay ko?


Si Argel?


Si Donnie?


Parang timang naman ako na hawak ang loofa at parang tinatanong ito.


Natapos na ako maligo at nagtuyo na ng buhok. Namili na din ako agad ng aking isusuot na damit. Ng naka ayos na ko ay bumaba agad ako papunta sa sala  para magpaalam kay Mama tungkol sa lakad namin at agad naman na pinayagan ako nito pero kaakibat nito ay panaalalahanan ako nitong mag ingat.



7:30pm



Nasa sala ako at naghihintay lang sahil sa sabi ni Kenji ay susunduin daw ako ni Donnie ditto sa bahay.


Naka tanga naman ako sa TV at nanunuod sa telenovela na pinapanood ni Mama ng may nag doorbell.


Agad naman ako tumayo at binuksan ang pinto.


Si Donnie. Naka ngiti itong nakatingin sa akin hawak ang isang plastic container.


“Pasok ka muna.” Sabi ko sa kanya.


Pagkapasok naman niya ay agad niyang binati ang Mama at kapatid ko na nasa sulok na nagtatahi ng maliliit na damit ng manika niya.


“Ej para sa iyo.” Abot niya sa akin ng container.


Kinuha ko naman ito at binuksan agad.


“Cocoa Pops blocks! Donnie thank you!!!” Sabi ko sabay akap kay Donnie.


“Paborito ko ito Thank you talaga!”


“Wala iyon. Ginawa ko iyan kanina. Saka matagal ko na balak gumawa niyan naging busy lang kasi tayo noon sa final sa school.” Sabi sa akin ni Donnie na namumula ang pisngi.


“Ehem! Lovebirds lipad na kayo at baka hinihintay na kayo ng kabarkada ninyo.” Sabat ni Mama na 
pinapanood pala kami.


Nagkatinginan naman kami ni Donnie at napahagikgik.


“Sige Mama aalis na po kami ni Donnie at iiwan ko sa ref. ang bigay niya sa akin. Walang gagalaw ah. I love you!” Paalam at habilin ko.


“Sige ingat at hindi namin gagalawin ni Xang yun baka may gayuma. I Love You too nak.” Natatawang sabi sa akin ni Mama.


Paglabas naman namin ng bahay ay may nakita akong naka park na motor sa harap ng bahay.


“Yang ang ride natin!” ang sabi sa akin ni Donnie.


Napatingin naman ako sa kanya at nagkamot ng ulo.


“Kailan ka pa nagkaroon ng motor? Saka ang ganda ah!”


“Bigay ni Dad sa akin 2 days ago. Maganda kasi grades ko last sem eh. Saka para di na ako magcommute.” Sabi ni Donnie sa akin.


Lumapit na kami sa motor ni Donnie at inabot niya sa akin ang spare helmet niya at isunuot ko ito at sumakay na sa motor niya.


“Kapit na aalis na tayo.” SAbi niya sa akin na naka ngisi.


Agad niyang pinaharurot ang motor at dahil naman sa takot ay napa akap sa likod niya at inihilig ang ulo ko sa dito.


“Loko loko ka Donnie natatakot ako ang bilis mo magpatakbo!” Sigaw ko sa kanya.


Ngunit tawa lang ang sinagot sa akin ni Donnie.


Ng makarating naman kami sa bar na pupuntahan namin ay nakita namin silang tatlo na nasa parking lot naka sandal sa kotse ni Argel at nagkwekwentuhan.


“Che? Donnie? Asenso naka motor na ah!” Bati niya pagkakita sa amin.


“Bigay lang ni Dad sa akin ito.” Nahihiyang sagot ni Donnie habang pinapark ang motor.


Pagkababa ko naman sa motor ay kinilatis ako mula ulo hanggang paa ni Jhepeth.


“Che, ano meron sa get up mo? Summer?” Tawa tawa niyang bati sa suot ko.


“bakit pangit ba green and white checkered polo, kahki roll up pants at white chucks pagsamahin?” 
sabi ko sa kanya habang tinitignan ang sarili.


“Hindi. Cute lang. summer na summer ang dating.” Humahagikgik na sabi nito sa akin.


“Na conscious tuloy ako sa damit ko. Akala ko kung anon a. ikaw ano meron at ganyan ang suot mo. Short bay an o panty?”


“Ano ba di naman na maigsi ah! Halos kalahati na nga ng hita ko eh! Pangit ba get up ko?” sabi ni Jhepeth sa akin habang naka pose na parang nangaakit.


“Yung get up. Maganda. Ikaw pangit.” Banat ko sa kanya para makabawi sa kanina.


Paglingon ko naman sa tatlo at nagtatawanan ito at si Kenji ay naka thumbs up pa sa akin ito.


“Tara na pasok na nga tayo.” Aya ko sa kanilahabang tumatawa pa din.


“Che, babawi din ako sa iyo. Someday!” sabi sa akin ni Jhepeth sa tono ni Nora Aunor.


“Teka EJ may ibibigay ako sa iyo.” Sabi ni Argel saby bukas ng back seat ng kotse niya.


Dahil sa madilim ang loob ng kotse ni Argel ay di ko maaninag man lang kung ano ang kinukuha niya doon.


“Tadaaaaaaaaan! Teddy!” sabi niya sa akin pag harap sa akin.


Hawak niya ang isang gray na teddy bear na may heart a parang retaso sa dib dib nito at ng iabot naman niya sa akin ito ay halos matakpan na ako ng teddy bear dahil sa laki nito.


“Wow! Thank you! Ang fluffy! Teka bakit may ganito?” tanong ko sa kanya habang sumisilip sa likod ng teddy bear.


“Kasi kanina iniisip ko nab aka pag flower binigay ko sa iyo ay hindi ka matuwa. Saka sa tingin ko naman nagustuhan mo naman na iyan binigay ko sa iyo.” Sabi niya sa akin.


“Ah ganun ba? Salamat! Sige lagay mo muna diyan sa loob ng kotse mo. Mamaya pag uwi kukunin ko. Baka di ako maka sayaw sa loob niyan mamaya.” Sabi ko kay Argel habang humahagikgik.


Nilingon ko naman si Donnie pag kaabot ni Argel ng Teddy bear pra ilagay sa loob ng kotse. Nakita ko itong naka yuko at naka tingin sa sahig. Siniko naman ito ni Kenji at sinenyasan na nakatingin ako sa kanila. Pagtingin naman niya sa akin ay nag flash ito ng isang pilit na ngiti na sinuklian ko din ng isang matamis na ngiti.


“Hoy bilat! Pasok na nga tayo sa loob.” Aya at pangaasar sa akin ni Jhepeth.


Ng makapasok naman kami sa loob ng bar ay kakaunti pa lang ang tao dahil sa mag alas nuebe pa lang naman.


Agad naman kami nakahanap ng isang mesa para sa amin. Pinagitnaan naman ako nila Donnie at Argel. Si Donnie sa kanan at si Argel sa kaliwa.


Umorder naman si Jhepeth kaagad ng apat na bucket red horse at tatlong klase ng pulutan. Nagulat naman kaming apat sa ginawa ng lukaret na bestfriend ko.


“Peth, Patayan agad?” sabi ko dahil sa dami ng inorder niyang alak.


“Che RH bill lang iyan. Keri boom boom ley itey!” Maharot na sabi niya sa akin na may kindat pa sa dulo.


Sinimulan na namin mag inuman. Kaming apat naman ay nakakadalawang baso pa lang habang si Jhepeth ay halos isang bucket na ang naiinom.


“Huy Peth! Hanggang mamaya pa tayo ditto. Huwag mo gawing juice iyang alak.” Saway ko dito.


“Che, Keri ko itey. Gora lang kayo. Mamam lang! Marami Okane si atashi. Kaya yung mga sunod na timba sagot ko.” Sagot niya sa akin.


Napailing na lang ako dahil alam kong basta alak ay sugod ng sugod ang babaeng ito.



10:30pm



Nagsimula na dumami ang tao sa loob ng bar. Medyo tinamaan na din ako sa iniinom ko dahil sa mainit na ang pakiramdam ko.


Nagsimula na magpatugtog ang DJ ng magagandang dance music at remixes at dahil naman doon ay nag aya na si Jhepeth na pumunta sa dance floor at mag sayaw.


Agad naman ako tumayo at pumayag sa gusto niya dahil kanina pa ako naiindak sumayaw dahil sa magandang tugtog.


Ng inaya ko naman ang dalawang katabi ko ay si Donnie lang ang sumama sa akin at mag papaiwan na lang daw si Argel para mabantayan ang table namin.


Nakipag gitgitan naman kami papunta sa dancefloor dahil nga sa dami na din ng tao at ng nasa dance floor na kami ay todo sayaw ang ginawa ni Jhepeth kahit siksikan. Andiyan ang naka angkla ang  magkabilang kamay niya sa batok ni Kenji  at todo giling sa harap nito habang kagat kagat pa ang labi at dahil naman sa ginagawa ni Jhepeth ay kitang kita sa mukha ni Kenji ang pagkaasiwa sa ginagawa nito.


Samantala kaming dalawa naman ni Donnie ay halos magkadikit na an gaming katawan dahil sa nasiksik kami ng isang grupo sa tabi namin.


Habang nagsasayaw naman kami ay kitang kita ko sa patay sindi na ilaw nanamumula si Donnie dahil na din siguro sa nainom nitong alak.


Maya maya pa ay naging maharot na ang pagsasayaw ng nasa tabi namin at di sinasadyang mabungo ako nito at napasubsob ako sa dibdib ni Donnie.


“Ang bango.” Pabulong kong sabi.


“EJ ok ka lang ba?” sabi sa akin ni Donnie na nagaalala.


“Yeah! Ok lang ako.” Sabi ko sa kanya habang naka tingala at naka ngiti.


Siguro dahil na din sa tama ng alak ay lumakas ang loob ko at di na inalis ang aking ulo mula sa pagkakahilig sa dibdib ni Donnie.


Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso at malalim na paghinga niya na lihim na nagpangiti sa akin.


Yumakap ako sa beywang niya habang nilagay ko naman ang kamay niya sa akin.


Ang mabilis na tugtog ay nagmistulang love song dahil sa mabagal at ayos ng pagsasayaw namin.


Sa sandaling iyon ay halos kasing tagal na ng isang siglo sa pakiramdam ko. Parang ayaw ko na din bumitiw sa pagkakaakap ko sa bewang ni Donnie.


Maya maya pa ay tumigil ang kanta at tumapat ang spotlight sa maliit na stage na naroroon.


Bumitiw na ako sa kanya at ganoon din siya sa akin at pagkatapos niyon ay bigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na ibinalik naman din niya sa akin.


“Guys. Can I have your attention please.” Pagtawag  ng emcee sa mga tao na nasa loob ng bar.


“Since madami tanong ngayon ay napagdesisyonan ng owners na mag event ngayon. We need 8 males to teach us how to dougie at ang winner  ay makakatanggap ng 2000php worth of GCs from us.” Pagpapatuloy ng emcee.


“Cheeeee! Donnie!” sigaw ng Bruha kong bestfriend habang palapit sa amin.


“Kanina ko pa kayo hinahanap napalayo na kayo. Isali mo iyang si Donnie doon. Hahatakin ko naman si Argel.” Utos niya sa akin.


Napatingin naman ako kay Donnie at tumango ito sa akin. Senyales na pumapayag siya na sumali doon at may tama na nga din ito dahil di n aito tinatablan ng hiya.


“Sige isasali ko siya” sabi ko kay Jhepeth.


Agad naman sumipat si Jhepeth kasama si Kenji para sunduin si Argel.


At ng nagtawag na ang emcee ng contestants ay agad na umakyat sa stage si Donnie na kasunod si Argel na tinutulak ni Jhepeth para umakyat sa stage.


“Ok let’s start the dougie battle!” sabi ng emcee.


Agad naman tumugtog ang music at nag simulang pinasayaw isa isa ang mga contestants at dahil naman pang 7 si Argel at pang 8 si Donnie ay di muna ito nag sayaw.


Hiyawan ang mga tao sa mga nagsasayaw at halata naman sa mga ito na nageenjoy sila sa pinapanood.


Ng tinawag na si Argel ay kita pa sa mukha nito na nahihiya ito pero nung tinawag ko na ito at kinawayan at sinenyasan na ok lang ay sumenyas ng ok sign sa akin ito.


Nagsimula na sumayaw si Argel. Magaling din ito sumayaw at nagpapacute pa sa audience.


“Look like we got a cute guy showing his moves here.” Sabi ng emcee na nakatitig kay Argel.


“Hoy Kay Bestfriend ko na iyan. Malanding Beki!” Sigaw ng siraulong Bestfriend ko.


Natapos na si Argel at si Donnie naman ang sumunod dito.


Maharot na sumayaw si Donnie sa stage at may pakindat kindat pa sa akin ito at maya maya pa ay nag tangal na ito ng kanyang t shirt. Dahil doon ay lalong naghiyawan ang mga tao at napako din ang mata ng emcee sa kanya.


“Che, Ang hot ni Donnie. Shuta ang yummy!” maharot na sabi sa akin ni Jhepeth.


“Uhmmmm! Lukaret! Pigilan mo na iyon. May tama na iyon.” Batok sabay utos sa kanya.


Agad agad naman lumapit sa stage si Jhepeth at Kenji para pigilan si Donnie sa gingawa nito dahil baka tuluyang ng maghubad ito. Ng mapigilan naman ng dalawa ito ay itinuro ako ng dalawa rito at parang bata naman itong tumalima at nginisian naman ako.


As expected nanalo si Donnie dahil sa kalokohan na ginawa nito sa stage at pinanalo din siya dahil nga sa dumagundong ang bar sa hiyawan ng tao sa kanya.


Tuwang tuwa naman si Jhepeth sa nakuha namin GC dahil mababawasan daw ang babayaran namin dahil doon.


Bumalik naman kami sa table namin at ipinagpatuloy ang inuman, kwentuhan at tawanan.


Maya maya pa ay naantala ang inuman namin dahil may tumigil na babae sa harap ng table namin at lumapit kay Argel.


Si Argel naman ay parang naka kita naman ng multo. Halos mamuti na ang labi niya sa nakikita niya.


“Hi Babe! Gigimik ka din pala dito di mo sinabi sa akin kanina habang nasa mall tayo. Saw you kanina sa stage ang galing mo sumayaw.” Sabi ng babaeng nasa harap na ngayon ni Argel at parang ahas na pumulupot sa kaliwang braso nito.


Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jhepeth at Kenji. Pareparehong may nagtatakang tingin ang pinukol sa isa’t isa. Sinenyasan ko naman si Jhepeth na tanungin ang babaeng ito.


“Excuse me miss sino po sila?” Lakas loob na tanong ni Jhepeth.


“Oh sorry for my rude manners. I’m Angelica.” Pakilala niya sa amin.


“And how are you affliated to Argel?” tanong ulit ni Jhepeth.


“I’m His Girlfriend.” Proud na sabi nito sa amin sabay hawak sa mukha ni Argel at mariing hinalikan ito.


Parang binato naman ako isang malaking bato sa ulo sa narinig ko at nakikita ko.


Kasabay naman niyon ay bumulusok ang pinaghalong galit, inis at awa ko sa sarili ko.


Galit dahil sa parang pinagtaksilan ako ni Argel. Manliligaw na lang may Girlfriend naman pala.


Inis dahil hindi ko man lang ito napansin or nakitaan ng clue na may girlfriend ito.


At awa dahil sa hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya.


At ang tatlong damdamin na iyon ay umakyat na lahat sa ulo ko. Isama mo na din ang tama ng alak sa akin.


“Ang ganda pala ng nanay mo at ang sweet ninyo.” Galit na sabi ko kay Argel.


“It’s a Kissing game pala. Multiplayer ata ito pasali ha!” Sabi ko ulit sa kanila.


Tinunga ko ang bote ang Red horse sa harap ko at pagkababa ko dito ay tinignan ko si Donnie. 


Pagbalik naman ni Donnie ng tingin sa akin ay sinungaban ko ng halik ito. Halik na mapusok at nagaalab. Halik na alam kong makakainsulto kay Argel.




Itutuloy.



Bulag Na Pag-ibig [7]

By: Mikejuha
Email: getmyox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Malapit na pong matapos ang kuwento na ito. Mahirap palang 3 kuwento ang sabay-sabay na gawin. Kung kaya heto, tatapusin ko na rin ito sa part 8 or part 9 upang ang KMB naman ang aking mapagtuunan ng pansin. Tapos, ihanda ko na ang entry ko sa MSOB anthology project.

Maraming salamat sa mga bumoto at patuloy na sumuporta sa Poll ng PEBA. Ngunit magpaka-prangka at magpakatotoo ako sa inyo: May hihilingin na naman po ako sa aking mga followers. Ito ang pag (1) “like” at (2) pag-“comment” ninyo dito:  http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=3&theater

As of this writing ay may 317 likes po tayo at 202 comments. Ang target ko po ay madagdagan pa ng 100 likes and 100 comments.

Sa blog entry naman, sana ay magcomment din kayo dito:  http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

As of this time, may 144 comments po tayo. Sana ay madagdagan din po ng 100 comments pa ito.

Mataas ang ambisyon ko. Ngunit alam ko na mas marami d’yan ang mga silent readers na kung maglalabasan po lamang, ay maaabot itong magic number na ito.

Kapag naabot po natin ang mga targets na iyan, o kahit hindi basta happy ako sa outcome, promise ko po na i-post ng buo ang ending ng kuwentong ito at hindi na siya magiging “read-by-request” only.

Gusto ko ring bigyan ng acknowledgment ang maraming tagasubaybay na pinagbigyan ako sa aking munting kahilingan at talaga namang bumoto sa PEBA poll, nag-email at walang reklamong nagcomply at nagpakumbabang magrequest. Naapreciate ko po ang mga ginawa ninyo. Sana kagaya ninyo ang lahat ng mga mambabasa na naintindihan ang hirap ko sa paggawa ng kuwento; sumusuporta sa mga desisyon ko gaano man ka-radical ito. Kayo ang aking tunay inspirasyon.

Tungkol sa huling kabanata ng “Puno Ng Pag-ibig” ipagpaumanhin po na “read-by-request” only ang ginawa ko. May ilan mang nagalit sa aking estilo ngunit sorry na lang sa kanila, hindi ako apektado dahil wala naman akong masasabing utang na loob sa kanila. Sana lang ay maintindihan nila na ang binabasa nilang kuwento ay LIBRE at sa likod nito ay may isang taong naghirap sa paggawa nito. Kung hindi nila kayang pagbigyan ang munting hiling ng author, huwag po silang magalit dahil kung tutuusin, ay walang nawala sa kanila. Pride na lang siguro ang pinapairal na naputol ang excitement; dahil nasanay sila sa libre, walang ka-effort effort, at isusubo na lang sa kanila ang akda na pinaghirapan ng iba.

Gusto ko ring ipaalam na ang ipinaglaban ng MSOB sa pagsali ng PEBA ay para sa mga gay group na katulad ng sa atin. Ang ganitong klaseng patimpalak ay mahalaga upang tayong nasa ganitong sector ay makilala, ma-represented, at ma-acknowledge sa buong mundo na bahagi din tayo ng lipunan. Hindi pansarili ang ipinaglaban ko. Hindi ako kumikita sa pagsali ng PEBA at lalong hindi ako kumikita sa pagbahagi ko ng kuwento sa inyo. Ngunit higit sa lahat, walang masama kung gagawin kung “read-by-request” only ang isang bagay na solong pinaghirapan ko.

Ipaalala ko lamang po sa mga mareklamo, na personal blogspot ko po ito. Itago ko man ito sa publiko, burahin ko man ito, ibahin ko man ang pangalan nito, o i-restrict ang pwede lamang na magbasa dito, pwede kong gawin ang mga ito. Solong karapatan ko ang lahat ng mga iyan dahil pag-aari ko ang blogspot na ito at walang nagbabayad sa akin upang gawin ko, o ibahagi ang mga pinaghirapan kong akda sa publiko.

I welcome followers and I appreciate very much your little “thank you” for patronizing my works. Ngunit kung ganyang hindi ka na nga marunong mag-thank you, mareklamo ka pa, you are free to leave. There’s nothing to lose...

Maraming salamat po.

-Mikejuha-

=====================================

“Base sa aming imbestigasyon, si Tristan ang tunay na pumatay kay Dencio…” ang tuluyan nang pagbanggit ng pulis sa pangalan ko.

Napahagulgol na lang ako. Inasahan ko na kasi na ako talaga ang madidiin gawa nang ako ang nakita ng mga tao na siyang may hawak sa patalim. At syempre, fingerprints ko rin ang nandoon.

“Hindi po! Hindi po si Tristan ang sumaksak! HINDIIIIII!!!!!” ang pagwawala ni Dante. “Ako po ang salarin, mamang pulisssss! Ako po ang sumaksak kay Dencio. Nagalit po ako sa kanya!” habang nagmamakaawa siya sa mga pulis na baguhin nila ang kanilang report.

“Iyan ang resulta ng aming imbestigasyon, kaya huwag mo nang protektahan pa ang kapatid mo. Alam namin ang lahat. Alam namin ang aming ginagawa. Hindi kami puwedeng magkamali.” ang sagot ng pulis.

“Bakit hindi ninyo tanungin si Dencio?!!! Bakit hindi natin hintaying makapagsalita siya?”

“Patay na siya. Napatay ng kapatid mo!”

“Arrrgggggghhhhhh!” ang sigaw ni Dante.

Mistula naman akong nasabugan ng malakas na bomba sa narinig at lalong napahagulgol. Alam ko, kasalanan ko ang lahat. At matinding awa din ang naramdaman ko para kay Dencio at sa mga magulang niya. Wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang kusang pumunta sa bahay nila upang maghanap ng aliw.

“O-ok lang kuya. Tanggap ko naman eh. Naawa lang ako kay Dencio kasi, wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat.”

“Huwag mo na nga siyang kampihan. Underage ka. Minolestya ka niya!”

“Kagustuhan ko iyon kuya… ako ang nagpunta sa bahay nila!”

“Nagpunta ka nga sa tanginang bahay nila, kung mabuting tao pa siya, hindi ka niya pagsamantalahan!”

“Hindi niya ako pinagsamantalahan kuya! Ako ang tumukso sa kanya!!!”

“O tama na! Tama na!” ang pagsingit ng pulis. “Ikaw totoy” turo niya kay Dante “Makauwi ka na sa bahay mo. Absuwelto ka na.”

“Puwede bang ako na lang ang maiwan dito chief? Itong kapatid ko na lang ang umuwi?” ang pakiusap pa rin ni Dante.

Ngunit binulyawan siya ng pulis. “Hindi puwede! At huwag matigas ang ulo.”

Napayuko na lang si Dante. Niyakap niya ako. “Ayokong iwanan ka dito tol… Ma miss kita, naawa ako sa kalagayan mo. Walang mag-aalaga sa iyo dito.”

“Ok lang kuya. Basta, lagi mo lang akong dalawin dito…” ang sabi ko naman. “K-kakayanin ko...”

Tumango na lang siya. At humagulgol na. Nagyakapan kami. “Kasalanan ko ang lahat ng ito! P-patawad. Patawad tol… Nagsisisi na ako. Nasaktan kasi ako sa ginawa ninyo ni Dencio tol!”

Hindi na ako sumagot. Gustuhin ko mang magalit at ibuntong sa kanya ang lahat ng sisi, wala na ring silbi pa ang mga ito. Kaya isinurrender ko na lang ang maaaring hantungan ng buhay ko sa swerte, o malas.

Pati ang mga magulang ko ay nag-iyakan din.

Galit na galit naman sa akin ang mga magulang ni Dencio. Ngunit tinanggap ko ang lahat ng kanilang mga masasakit na salita, isiniksik sa isip na kahit saang anggulo tingnan, ako pa rin ang puno’t-dulo ng lahat ng mga nangyari. Kung hindi dahil sa kalandian ko, hindi magagawa ni Dante ang patayin si Dencio. Kaya lahat ng sisi at galit ay tinanggap ko.

Dahil sa underage pa ako, hindi ako kinasuhan bagamat manatili ako sa pangangalaga ng bahay-kalinga, sa Center na iyon. Si Dante naman ay pinauwi. Iyon ang isa sa pinakamasakit na naramdaman ko; ang malayo sa kanya.

“Kuya… dalawin mo ako palagi dito. Ma-miss kita”

“Oo tol… palagi akong dadalaw sa iyo. Ma-miss din kita tol.”

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama noong pinagmasdan si Dante na naglakad patungo sa bukana ng center. Para akong mawalang ng malay-tao; parang huminto ang aking mundo. Parang napatid ang aking paghinga.

Noong malapit na siya sa gate, hinabol ko pa siya. “Kuyaaaaaaaa!”

Bigla siyang humarap sa akin habang nagtatakbo pa ako patungo sa kanya. At nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Muli kaming nagyakapan. Mahigpit. Hinalikan ko ang kanyang pisngi at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Halos hindi ko siya mabitiw-bitiwan sa sobrang lungkot na mag-isa na lang ako, walang kuya na mag-aalaga kapag umalis na siya.

“N-natatakot ako kuya.”

“Lakasan mo ang loob mo tol… Pilitin mong maging matatag. Hayaan mo, pagai kitang dadalawin. Makalabas ka rin dito upang magkasama uli tayo sa bahay. Atsaka… magpakabait ka dito tol ha? Makakalabas ka daw kaagad kapag nakitang mabait ka.”

“O-opo kuya.”

Napako ang paningin ko habang binaybay niya ang pathwalk palabas ng gate. Hindi siya binitiwan ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa aking paningin. Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha.

Ang huling eksenang iyon ang tumatak sa aking isip sa ilang araw na wala na si Dante sa aking piling. Hindi kasi ako sanay na natutulog na wala siya sa tabi. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita sa oras oras na lumilipas sa bawat araw.

Nalala ko pa ang mga pagkakataon sa bahay-kalinga kung saan may mga umaapi sa akin, nand’yan siya palaging nagba-bodyguard sa akin. Kahit sa mga assignments namin sa bahay-kalinga, palagi niya akong tinutulungan kahit mayroon din siyang sariling assignment na trabaho.

Alam ko, magbabago na ang lahat ng iyon. Mahirap din ang kalagayan namin sa center. Sobrang higpit, may mga sariling assignments at trabaho, at may mga bully na mga bata.

Pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong tumayo sa sariling mga paa. Tiniis ko ang lahat.

Hanggang sa lumipas ang may dalawang linggo, nagkaroon din ako ng kaibigan sa loob ng bahay-kalinga, si Tom.

Actually, nagsimula ang pagiging magkaibigan namin ni Tom noong isang beses na tinangka kong magbigti.

Sobrang depressed kasi ako noon. Kaya noong may nakita akong lubid sa recreational area ng center, parang may nag-udyok sa isip ko na gamitin ang lubid na iyon upang wakasan ang buhay. Palagi kasing naglalaro sa isip ko ang mga katanungan kung bakit ganito ang pagkatao ko, nagmamahal sa kapwa lalaki at sa isang tao pang kapatid lang ang turing sa akin. At hayun, nadagdagan pang napagbintangan akong isang mamamatay-tao. Tapos nad’yan din ang awa ko sa aking mga magulang na sadlak sa sobrang kahirapan. Ang hirap-hirap na nga namin, ganito pa ang problema ko. Pakiramdam ko ay wala nang magandang maidudulot pa ang buhay. Kaya masama din ang loob ko sa maykapal. Mahirap mang tanggapin ngunit hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinahirapn ng ganito. Feeling ko, masyado siyang unfair. Ang bata-bata ko pa ngunit ganito na kalaki ang aking problema; sa mura kong edad ay parang pasan ko na ang buong mundo. “Bakit ang iba ay masaya, marangya sa buhay samantalang ako ay nagdurusa?” “Bakit ako nakaramdam ng pagmamahal sa kapwa lalaki at sa mismong kuya ko pa man din?” “Bakit ako pa ang magdusa sa nagawang krimen ng iba?” “Bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang magdusa ng ganito?”

Napakarami kong tanong na hindi ko na alam kung may mga kasagutan pa.

Bagamat may takot din akong wakasan ang sariling buhay, nanaig pa rin sa aking pag-iisip na ituloy ang balak. Pumasok ako sa CR dala-dala ang lubid. Noong nasa loob na ako, dali-dali akong tumungtong sa isang silya na dala ko at itinali sa isang nakausling kahoy sa bubong ang dulo ng lubid atsaka ipinasok ko ang aking ulo sa buhol na ginawa ko sa kabilang dulo nito. Tumulo na ang luha ko sa inaasahang katapusan ko. Gamit ang dala-dalang ballpen, isinulat ko sa dignding ng CR ang aking huling paalam sa aking mga mahal sa buhay. “Paalam inay, itay… pasensya na po, hindi ko na po talaga kaya ang lahat. Ayaw ko na pong mabuhay. Mahal ko po kayo. Kuya Dante, sana palagi kang nad’yan para ating mga magulang. Mahal na mahal kita kuya. Alagaan mo palagi ang sarili mo…”

Itutulak ko na lang ang silyang tinungtungan ko noong sa di inaasahang pagkakataon, biglang pumasok si Tom sa CR. Nakaligtaan ko palang ilock ang pinto. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagkagulat. “Hoyyyy! Ano iyang ginagawa mo!!!” sigaw niya.

Dali-dali niya akong niyapos at kinarga, paniguradong hindi mabitin ang katawan ko sa lubid at mahila nito ang aking leeg. Nagsisigaw siya ng saklolo. “Saklolo! Tulungan ninyo si ako! Saklolo!!! Nagtangkang magpatiwakal si Tristan!!!”

Nagkagulo silang lahat. At sa mabilis na aksyon ni Tom, naagapan ang tangka kong pagpatiwakal.

Simula noon, binigyan ako ng special counselling ng bahay-kalinga. At naging malapit na kaibigan ko rin si Tom.

“Álam mo, Tris, noong oras na aksidente kong nabuksan ang CR kung saan mo naisipang magpappatiwakal, galing ako sa garden noon, nagdidilig ng mga halaman. Tapos, bigla akong naiihi. Ngunit ang ipinagtaka ko, at ngayon ko lang din napg-isip-isip, ay kung bakit hindi ako gumamit ng CR sa labas na malapit lang sa garden? Bakit ang bigla kong naisip ay ang CR sa loob ng center na mas malayo kung tutuusin? Hindi ba nakapagtataka? Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit eh. Parang may malakas puwersang kung ano ang gumiya sa akin papunta sa CR.” Ang sabi ni Tom noong nag-usap kami pagkatapos ng insidente.

“T-talaga?” ang malabnaw kong sagot. Hindi ko kasi alam kung matuwa ba o magalit sa naudlot kong balak na magpatiwakal.

“Isa lang ang ibig sabihin kung bakit hindi natuloy ang balak mo; kung bakit kita naisalba sa tangka mo. Hindi mo pa oras na mamatay. At kung ano man iyang mabigat na problemang dinadala mo ngayon, ang ibig sabihin din niyan, malalampasan mo rin ang lahat. Baka... may magandang bagay pa na mangyayari sa buhay mo...”

“Ewan ko lang. Sobrang di makatarungan naman kasi ng tadhana.”

“Nasasabi mo lang iyan dahil nasa mahirap ka pa na kalagayan ngayon. Kapag dumating na marahil ang tamang panahon, maranasan mo rin ang lumigaya. Trust me. Malaki ang paniniwala kong malampasan mo ang lahat at maranasan mo ang saya na inaasam-asam mo sa buhay.”

“Sana… At sana ay masagot na rin ang mga katanungan ko kung bakit ako nagdusa ng ganito.”

“Hmmm. Minsan, hindi natin kailangangn maintindihan ang sagot sa mga katanungan natin sa buhay eh. Ngunit kapag nalampasan mo ang problema at naging masaya ka na, doon mo masasabing ‘ganito pala ang buhay’, o ‘kaya ko palang lampasan ang lahat’, o kaya ay ‘ang sarap pala ng pakiramdam kapag nalampasan mo ang mga pagsubok’…”

“Ganoon?” ang sagot kong may pag-alinlangan pa rin sa aking isip.

“Maniwala ka. Dahil ganyan ang naramdaman ko dati. At ngayon, naunawaan ko na ang lahat. Noong una kong mga araw dito, sobrang galit ko sa mga magulang ko. di ko maintindihan ang lahat kung bakit nila ako pinapabayaan at inilagay pa dito sa bahay-kalinga. Parang gusto kong magpakamatay na lang din. Iniisip ko na walang halaga ang buhay ko, walang nagmamahal, walang umiintindi… Ngunit noong nalaman ko ang iba’t-ibang kuwento ng buhay ng mga kasamahan natin, doon ko nasabi sa sarili na maswerte pa rin pala ako. At unti-unti kong naintindihan ang aking mga magulang. At nabago rin ang aking pananaw sa buhay. Noong dinalaw muli ako ng aking mga magulang, nanghingi ako ng tawad sa kanila. Masayang-masaya sila. At doon ko nasabing ang sarap pala ng pakiramdam kapag nabigyan mo ng kaligayahan ang mga magulang mo, lalo na ang mga taong nagmamahal sa iyo. Pagkatapos, tinanong nila ako kung gusto ko nang umuwi. Ngunit sinabi kong manatili muna ako dito upang mas maintindihan ko pa ang paghihirap ng mga kapwa kong kabataan na nakipaglabang sa iba’t-ibang hamon at pagsubok ng kanilang buhay. Parang gusto kong gayahin na rin ang aking mga magulang na maraming tinulungang mga kawang-gawa. Gusto kong tulungan din ang mga kasamahan natin dito…”

Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko ay may sundot ang mga sinabi niya sa aking puso.

“Ikaw, hindi mo ba naisip na kapag natuloy ang pagpatiwakal mo, masasaktan ang iyong mga magulang? Sabi mo naghirap sila. Di ba lalo mo lamang silang pinahirapan kung nagkataong natuloy ang pagpakamatay mo?”

At sa tanong na iyon ni Tom, doon na tumulo ang aking mga luha. Naalala ko kasi ang mga paghihirap ng aking mga magulang upang makapag-aral lamang ako; kami ni Dante. Naalala ko kung ang tindi ng sakripisyo nila; kung gaaano sila kapagod sa trabaho ngunit patuloy pa rin silang nagtatrabaho dahil nais nilang mabigyan kami ng kuya ko ng magandang bukas. At alam kong mahal na mahal nila ako.

Napahagulgol na lang ako.

Niyakap ako ni Tom. “Sige… umiyak ka lang. Ipalabas mo ang lahat ng mga hinanakit mo at ang mga hinaing mo upang maibsan ang iyong dinadala. Nandito lang ako. At palagi mong tandaan na kapag may ginawa kang hindi maganda para sa iyong sarili, malulungkot ang iyong mga mahal sa buhay. Kung mahal mo sila, pahalagahan mo rin ang kanilang mararamdaman.”

At sa mga sinabi ni Tom, napaisip ako. “Tama siya. Mahal ko ang aking mga magulang. Mahal ko si Dante. Sila ang dapat kong gawing inspirasyon upang lumaban sa mga pagsubok sa buhay. Marahil nga ay darating din ang pagkakataon na maranasan ko ang naranasan ni Tom; na lubusang matanggap ang lahat ng mga hamon at pagsubok sa buhay at maintindihan ang lahat. “S-salamat… Sana darating ang araw na maintindihan ko ang lahat kuya Tom.” Kuya kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya dahil sa agwat ng aming edad.

“Oo. Sigurado. At dahil ako ang savior at guardian angel mo, gawin ko na ring misyon ang tulungan ka. Naniwala akong ako ang appointed angel galing sa taas na tagapagligtas mo. Kaya ika-career ko na ang pagtulong sa iyo” sabay tawa. Marahil ay iyon ang paraan niya upang mapangiti ako.

“Ganoon? Nasaan ang official letter ng appointment mo?” ang masaya at pabiro ko na ring sagot.

“Heto o…” ang pagmuestra niya sa kanyang kamay na tila may hinawakan.

“Saan? HIndi ko makita?”

“Galing sa taas eh. Di ba hindi mo naman nakikita ang nasa taas? Hindi mo rin makikita ang letter of appointment niya sa akin. Makikita mo lamang ito kapag naintindihan mo na at nalampasan ang ibinigay niyang pagsubok sa iyo.”

“Waaahhh! Daya! May ganyan pa talaga!”

“Naman!”

Mabait si Tom. Nasa 17 ang edad. Anak-mayaman at ang pamilya ay may pinakamalaking donasyon sa bahay kalinga na iyon. At nandoon siya dahil ang mga magulang niya mismo ang nagdala sa kanya doon; upang magbago. Inaamin naman ni Tom na isa siyang spoiled brat. Kung anu-ano na lang ang bisyong kinasasadlakan hanggang sa umabot sa puntong naging addict na sya sa droga at nakagawa ng kung-anu-anong krimen. At ang pinakamatindi ay ang pangri-rape nilang magbarkada sa isang babaeng estudyante, at sa urang edad pa lang na 15. Ngunit nagbago na siya, at narealize kahalagahan ng pagmamahal sa magulang, at sa buhay. Sa pagkapasok kasi niya sa center naikumpara niya ang buhay na naranasana sa buhay ng mga kasamahn sa center na ang karamihan ay walang mga magulang, walang tirahan, walang pagkain, hindi makapag-aral dahil walang pera… ngunit siya, nasa kanya na ang lahat ngunit hindi niya naapreciate ang kahalagahan ng mga ito. Palagi niyang sinisisi ang mga magulang. Ngunit sa bandang huli narealize din niya kung bakit sila nagsisikap; upang mabigyan siya ng marangyang buhay.

Nabuksan ang isip niya lalo na noong may isang kasama namin na nakapagkuwentuhan niya. Ang sabi nito sa kanya, “Ako? Na-miss ko ang magkaroon ng magulang. Hindi rin kasi ako naging mabuting anak. Namatay ang tatay ko noong maliit pa lang ako at simula noon, ang inay ko na ang naghanapbuhay para sa amin. Ngunit dagdag-pasakit lang ako. Sa kabila nang ginawa niya ang lahat upang mabuhay kami, kung anu-anong trabaho ang pinasukan – naging katulong, labandera, nagbebenta ng kung anu-ano sa kalye, ngunit wala akong pakialam sa paghihirap niya. Noong namatay siya sa sakit na TB at sobrang pagod sa trabaho at walang maibiling gamot, doon ko narealize ang hirap niya, ang pagsasakripisyon niya. Doon ako na naawa sa kanya, narealize na kailangan ko pala siya. Ngunit huli na ang lahat dahil nasa loob na ng kabaong siya. Na-miss ko ang lagi niyang pagpaala-ala sa akin na magiging mabuting anak… Na-miss ko ang palagi niyang pagdadala ng siopao sa akin sa bawat uwi niya sa bahay, ang pag-aalaga niya kapag nagkasakit ako, kahit pagod na pagod siya sa trabaho hindi iyan magpapahinga hanggang hindi nakitang naka-inum na ako ng gamot, o nakakain na, magluluto pa iyan sa kusina… Kaya ikaw, mahalin mo ang mga magulang mo habang buhay pa sila. Sigurado ako, ang mga ginawa nila ay para sa kabutihan mo...”

Dahil sa kuwento na iyon kung kaya nagbago si Tom. At dahil sa pagiging magkaibigan namin, sa kanya ko naipapalabas ang lahat ng sama ng loob at mga hinanakit ko sa mundo. Alam niya ang lahat ng aking mga problema at saloobin; alam niya ang lahat tungkol sa aking pagkatao at ang tunay na dahilan kung bakit ako nasa center na iyon. Alam din niya na mahal ko ang itinuturing kong kuya na siyang tunay na nakapatay kay Dencio. Iyan lang din ang malaking ipinagpasalamat ko; kasi kung hindi dahil kay Tom, baka patay na ako sa loob mismo ng center. At kung naagapan man ako sa una kong pagtatangka, baka sa kung wala siya, ay nanaisin ko muling tangkaing magpakamatay.

Palagi naman akong dinadalw ni Dante at mga magulang ko sa center. Ipinakilala ko rin sa kanila si Tom. Natuwa naman si Dante na may kaibigan ako sa loob ng Center bagamat pinaalalahanan niya ako na baka mangyari na naman ang nangyari sa amin ni Dencio.

Inirapan ko lang siya. Gusto ko sanang sabihing, “Bakit, papatayin mo uli siya?” Ngunit sinarili ko na lang iyon. Ayaw ko kasing buksan ang issue kasi alam ko, naghirap din ang kalooban niya.

Lumipas ang 6 na buwan, tuluyan nang lumabas si Tom sa bahay-kalinga. “Huwag kang mag-alala tol… dadalawin kita dito palagi” pangako niya sa akin. “At kahit makalabas ka na dito, bibisitahin din kita sa bahay ninyo.”

At tinupad naman niya ito. Minsan dalawa o tatlong beses sa isang buwan akong dinadalaw ni Tom. At dahil sa mga advice niya sa akin ay natutunan kong magpakatatag. Kahit wala na akong masyadong matalik na kaibigan sa center na iyon, unti-unti kong natanggap ang aking kalagayan.

Napag-isip-isip ko rin na turuan ang sariling limutin si Dante; na huwag nang umasa na mahalin pa niya ako o ni magkatuluyan kami dahil imposibleng mangyari iyon. “Marahil ay ito ang paraan upang maintindihan ko kung bakit binigyan ako ng ganitong pagsubok; ang ako mismo ang mag-withdraw at pipigil sa aking sarili. At kung malampasan ko na ang lahat, baka doon ko na maapreciate at magbunyi sa tagumpay at tapang na naipamalas.” Sa sarili ko lang.

Subalit kahit gaano katindi ang pagnanais kong iwaglit sa isip ko si Dante, tila mas lalo pa akong nasasabik sa kanya. Paano, sa bawat dalaw niya sa akin, sobrang sweet niya.

Dahil pinapayagan kaming dalhin ang mga bisita namin sa aming botanical garden, kapag libre kaming nandoon, para kaming magsing-irog. Nand’yan iyong hihiga siya sa aking gilid at ipapatong ang kanyang ulo sa aking kandungan. Nandyan din iyong nanatili kaming magyaykapan habang nagkukuwentuhan lang. Nand’yan iyong magdadala siya ng aklat at babasahan niya ako ng kuwento. Nand’yan din iyong tuturuan niya ako ng kung anu-ano. At nand’yan din iyong kapag nanggigigil siya, ay pipisilin ang ilong ko o ang pisngi ko. “Hmmmmmm! Cute mo!!” sasabihin niyan sa akin. Kung hindi nga lang magkapatid ang alam ng mga tao sa amin, sigurado iisipin nilang magkasintahan kami.

Nngunit noong sinubukan kong dumestansya na sa kanya dahil gusto ko na ngang pigilan ang sarili, siya naman itong nagagalit, nagtatanong kung bakit kapag hindi na ako nagpapayakap o nagpapahawak ng kamay. “May problema ba?” “Galit ka ba sa akin?” “Bakit???” “May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?” “Tumingin ka nga sa mga mata ko at sabihin mong galit ka sa akin?” Mga ganoong tanong.

Ang hirap kalabanin ang puso. Mahirap magkunyari kapag umibig...

Kaya, hindi ko nakayanan. Marahil ay sadyang marupok lang ang aking damdamin. O baka din sobrang mahal ko lang talaga si Dante.

Kaya patuloy pa rin ang pagiging sweet namin sa isa’t-isa bagamat nagdusa ako sa pagmamahal na hindi ko masabi-sabi o ni maipalabas.

Hanggang sa lumipas ang limang taon at ang sabi sa akin ng tagapamahala ng center ay malapit na raw akong makauwi. 18 na kasi ako noon. Sobrang saya ko sa pagkarinig ng balitang iyon.

At nabuo rin sa aking isip na sabihin na kay Dante ang aking naramdaman para sa kanya upang matuldukan na ang katanungan kung ano ang reaksyon niya kapag nalaman niya ang naramdaman ko.

Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ko ay handa na akong isugal ang lahat kung tatanggapin niya ang sasabihin ko o hindi. At kung tatanggapin man, magiging masaya ako kahit wala pa siyang naramdaman kasi, ang ibig sabihin ay hindi siya magbabago. At kung hindi naman niya ako matatanggap, pilitin ko pa ring intindihin siya o ang ano mang magiging kahantungan ng lahat; kung magalit siya, kung iiwasan niya ako, o kung magbabago ang pagtingin niya sa akin. At least din, kung masaktan man ako, isang beses lang. At ang sunod na gagawin ko sa buhay ay ang mag-move on. Para kasing panibagong buhay ko na ang paglabas sa bahay-kalinga. At kapag panibagong buhay, syempre ay magsimula muli sa mga bagay. Kumbaga bagong buhay, bagong simula, bagong pag-asa.

Sana ay tatanggapin niya ako, upang magiging masaya ang pagsisimula ko. Ngunit kung hindi naman, hayaan ko na lang; sisimulan ko pa rin ang buhay na hindi siya kasama sa aking mga pangarap...

Iyon ang aking nabuong plano. Kumbaga bahala na si batman. Make or break. Sabi nga nila, “no pain, no gain”, “no guts, no glory”…

Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang linggo na lang sana bago ang takda kong paglabas sa bahay-kalinga, binisita ako ni Dante.

Nasa botanical garden kami noon, inaakbayan niya ako samantalang nakalingkis naman ang aking isang braso sa kanyang beywang. Tahimik kaming dalawa na tila parehong may iniisip. Hindi ko lang alam ang sa kanya ngunit ang sa isip ko ay kung paano bubuksan ang topic kung saan ko sasabihin sa kanya ang aking naramdaman.

“Kuya… may sasabihin ako sa iyo.” ang pagbasag ko na sa katahimikan.

“T-talaga? Good news ba? Or bad news?” sagot niya.

“Good news ang isa at ang isa ay baka b-bad news po… At sana ay huwag kang magalit sa bad news.”

“Bakit naman ako magalit? Basta ikaw tol… hindi ako magalit. Malakas ka sa akin eh.”

Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti.

“Sige nga unahin natin ang good news mo. Ano iyan? Excited na ako.”

“M-makakalabas na po ako sa sunod na linggo kuya.”

“Waaaahhhhh! Good news nga! Yeheeeeeeyyyyyyy!” ang sigaw niya. Bigla siyang tumayo at hindi magkandaugaga sa pagtatalon-talon. Hinila niya ang aking braso upang ako ay makatayo at pati ako ay napatalon na rin habang niyayakap niya. “Sa wakas tol… magsama uli tayo! Balik na naman tayo sa datiiii!!! Yeeeeeeppeeeeeeeeee!!!” Mistulang walang mapagsidlan ang kanyang kaligayahan.

Napangiti ako. Syempre. Tuwang-tuwa siya at tuwang-tuwa din ako. Ngunit ewan ko din lang kung matutuwa pa kaming pareho kapag narinig na niya ang sunod kong sasabihin. Nanatili akong hindi kumibo bagalamat naki-lundag lundag pa rin sabay sa kanya.

Noong nahinto na siya. “Ok… ano naman ang bad news mo?” ang seryoso na niyang sabi, tinitingnan ang aking mga mata.

“Eh…” ang pag-aalangan kong sabi.

“Ay sandali pala… naalala ko. Bago iyang bad news mo, may good news muna ako para sa iyo!!!”

“T-talaga kuya? Ano???” ang excited ko namang sagot. Baka kasi may regalo siya para sa akin na may kinalaman sa aking nalalapit na paglabas, o baka may something siyang ginawa na ipapakita sa akin kapag nakauwi na ako at magugulat na lang ako kaya sasabihin muna niya na ito sa akin. Ganyan naman kasi siya minsan, masorpresa. “Ano kuya??? Excited na ako!!!” tanong ko uli.

“Buntis si Shiela tol! Magkaroon ka na ng pamangkin!!!” at naglulundag muli siya.

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

Monday, November 28, 2011

The Right Time Chapter 10





by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com/




Sa mga taga comment po sa storya ko dito sa MSOB mariming salamat po. Di ko na muna kayo iisa-isahin hehe medyo nagmamadali kasi. Enjoy Chapter 10! Ingatz tayo lagi 


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Saturday, November 26, 2011

The Right Time Chapter 9



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com


ANDY at Almondz - Salamat guys sa pagmarathon sana na enjoy nyo ang dalawang storyang gawa ko. :))




Ranji, jeh, Joser,jush, White_pal - Pati rin sa inyo salamat. Ingat tayo lagi... :D 


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Friday, November 25, 2011

The Right Time Chapter 8



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com


Andy, Almond, White_pal, Kuya mike, juss, jeh, at joser - salamat sa pagcomment nyo :D at sa Anon din po salamat. :D


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Thursday, November 24, 2011

The Right Time Chapter 7






by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Move On

Jojie
quinstliner.blogspot.com
jeiel08@yahoo.com

Lagi ako nakaka encounter ng mga nanghihingi ng advice kung paano mag move on dahil iniwan sila ng ex nila or in usual cases, pinagpalit sila. Kung babasahin mo lang to, huwag mo ng ituloy... I mean basahin mo at isapuso at gawin... Mahihirapan tayo kung matigas ang ulo mo at maraming ganitong pinoy.

Iba-iba ang mga experiences natin, hindi ko pwedeng ikumpara ang mga pinagdaanan namin sa inyo dahil iba iba ang tao at lahat ng relationship ay magkakaiba din. Isa lang pwede ko sabihin, lahat tayo ay nasasaktan, magkakaiba man ng sakit, bottomline: MASAKIT. Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa pero kahit anung gawin mo wala kang gana kumain. Yung tipong parang gumuguho na ang mundo mo kasi iniwan ka na ng taong ginawa mong mundo for the longest time. Yung tipong lahat ng plano mo kasama sya pero ngayon nag paplano na siya kasama ang iba at ikaw naman nag paplano na lang mag isa. :( Well, gusto ko lang malaman mo, na hindi ka nag iisa, halos lahat ng nagmahal ng totoo ay nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan. Hindi mo makakalimutan lalo na ang mga masasarap na ala ala at lalo naman hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra. Ang dapat mong gawin? Mahalin mo ang sarili mo. Appreciate mo ang mga maliliit na bagay. Ibuhos ang attention sa mga bagay na hilig mo. Tawagin mo ang mga kaibigan mo, sumama ka sa kanila, kahit hindi na sila magpayo, yung presence lang na may kasama kang kaibigan ay comforting na. Andyan ang pamilya mo na pwede mong pagbuhusan lahat ng pagmamahal mo. Tandaan, hindi solution ang umiinom, magpakaadik, maglaslas o in some cases, GUMANTI at maghanap din ng kapartner. Lalo mo lamang pinapabigat ang problema mo, in the end mas lalo pang magiging komplikado. Learn to appreciate life. Alam mo na ngang iiyak ka at magmumokmok kapag narinig mo ang theme song niyo, bakit mo pa ipaplay yun? diba? Umiwas sa mga bagay na malapit sa kanya. Kahit sa mga kaibigan niya, umiwas ka muna. Wag ka ng mag STALK sa mga accounts niya, kung nag decision kang mag MOVE ON. Dapat diretso at walang likuan. Wala ka ng pakialam kung may iba na siya, kung may pinakilala na siyang iba sa mga friends at family nya, kung may pinasok na siyang iba sa kwarto o kung ano man. Lahat ng worst isipin mo na at tanggapin mo na. Dahil yun nga. WALA KA NG KARAPATAN :( Huwag mo din sabihin na"WALA KA NG MAKIKITANG KATULAD KO" dahil magmumukha ka lang tanga! :) Hindi totoo yun. Lalo mo lang pinaitim ang puso mo sa pag iisip ng ganun. Naging masaya ka rin sa kanya kahit papano at talagang nagmahalan kayo bakit hindi mo na lang isipin na talagang may nagkakatuluyan at meron din namang hindi. Lahat ng mga natutunan mo sa kanya dalhin mo at lahat naman ng ayaw mo sa relationship niyo ay iwanan mo at baguhin sa susunod mong ka partner. Maniwala ka na may taong darating na para sayo talaga. Hindi man siya kasing pogi/ganda o yaman ng EX mo, hindi mahalaga yun dahil kung yan lang ang basehan mo, ikaw ay MATERIALISTIC. Iba pa rin yung nararamdaman mo yung chuvachuchu.hehe Huwag kang maghanap dahil kusang dadating yan basta maniwala ka ^_^ Enjoy mo buhay mo bilang single. Sa ganitong paraan mas lalo kang mag gogrow as a person at makikita mo ang buhay in different aspects. Take a break, tama yung 3 months rule o minsan higit pa. Hanggang hindi nag heheal ang puso mo, relax ka lang at huwag mag madali. Hindi ka mauubusan. Isa pa, hindi kayo pwedeng maging magkaibigan ng EX mo MUNA. Take note: MUNA. Pwede kayo maging kaibigan paglumipas na ang pagmamahal at sakit pero yung agad agad ay isang malaking KALOKOHAN! o siguro hindi talaga kayo nagmahalan. Pinaka importante na isentro mo ang buhay sa tama at sa Diyos dahil hindi mo yan kakayanin mag isa. Kung isusuko mo sa kanya yan, giginhawa ang pakiramdam sa puso mo. Huwag kang matakot magmahal muli, dahil napakasarap magmahal. Kung takot ka dahil baka masaktan ka ulit bukas ay mangyayari talaga yun dahil unconsciously you're assuming that its gonna happen. Huwag mong isipin na nagpapagwapo/ganda ka para pagnakita ka nya matatakam siya. Hindi ganun yun! Uulitin ko, kung gusto mo talagang mag MOVE ON ito ay para SAYO at hindi para sa iba. Hindi lang to lesson sa pag move on, tinuturuan din kita kung paano mo makita ang ganda ng buhay. Pag nagawa mo yan, tatawanan mo na lang ang mga pangyayari at sasabihin sa sarili mo "ANG GALING! NAKA MOVE ON NA PALA AKO" at ready ka na ulit pumasok sa isang commitment na mas matibay ka na, mas alam mo na gagawin, mas mature at mas maganda ang outlook sa buhay. Remember: Focus on being a better you instead of looking for someone better than your ex. A better you will attract a better next. DON'T BE BITTER, BE BETTER.

Puno Ng Pag-ibig [7: Last Part]

Author's Note:

Tapos na po ang kuwentong ito ngunit sana ay pagpasensyahan na “For Request” lamang po ang huling bahagi na ito. May tatlong rason pa kung bakit.

Una, security reason. Nadala na po ako sa mga nangongopya na walang pakundangang inangkin ang aking akda. Bagamat inaamin kong hindi ito iyong klaseng gusto nilang kopyahin (mas mabuti na ang ganitong estilo).

Pangalawa, gusto kong ma-meet ang mga nagbabasa. Nakakadagdag inspirasyon po ang malaman mong nakaka-interact sa iyo bilang author ang iyong mambabasa. At least masasabi mong totoo pala sila.

Pangatlo, alam po ninyo na may sinalihan po ang MSOB na contest sa PEBA at nakita kong marami pong hindi bumoto kahit sa aking munting pakiusap na bumoto. Kahit papaano, naghirap at nagsakripisyo din naman po ako sa pagsulat nito ngunit sa munti kong hiling na boto, marami pa rin pong mambabasa na ipinagkait ang kahilingan kong ito. Siguro naman ay “patas” lang kung ang pagbibigyan ko ng aking pinaghirapang akda ay ang mga tao lamang din na handing magbigay sa aking munting kahilingan.

Kaya ito po ang aking hiling:

1. Bumuto po muna kayo dito:  http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/heroes-homecoming-towards-change.html  paki-click lamang po ang entry #24 (Michael’s Shades Of Blue) na nasa right side ng page at pagkatapos ay i-click ang “Submit Vote”. May lalabas po na confirmation code at i-comply lamang po ang instruction.

2. Kapag nakaboto na, lalabas sa screen ang result ng poll. Tingnan kung ilang boto na ang entry #24 na ibinoto mo at paki email sa akin ang figure kung ilang boto ito. Kapag na-comply na ito, bibigyan ko na kayo ng kopya.

3. Para po sa nakaboto na, maaaring gawin uli ninyo ang instruction #1 na bumoto. Lalabas pa rin ang poll result bagamat sasabihin sa iyo na you have already voted. Kung lalabas iyan, kunin na lamang ang figure kung ilang boto ang entry #24 at iyan ang i-email sa akin para mabigyan ko kayo ng kopya.

Pasensya na po sa setse-buretseng ito. At para sa mga readers, followers, commenters, co-authors na tunay nga namang nagmalasakit para sa MSOB at nand’yan palagi para sumuporta sa ating itinataguyod, maraming-maraming salamat po sa inyo.

=========================

Announcements:

Congratulations to Mr. Jojie Abarido, ang bagong co-admin ng MSOB blogspot.

Ang sunod na EB po ay gaganapin sa June 2, 2012 (wala pang desisyon sa venue) at kagaya ng dati, may 50 ka participants lamang po ang mapipili. Sa ngayon, may limang sponsors na po ang nagpahayag ng pledge to donate para magiging libre po ang EB na ito at sa isang private na resort para sa mga piling solid and die-hard MSOBians. Ang mga sponsors na ito na nagpahayag na ng pledge ay tatawagin na lang nating sina:

* Mr. Y
* Mr. Blue of Canada
* Mr. T of Dubai
* Mr. R of the sea
* Mr. Blue2 of KSA

Tumatanggap pa rin po ang MSOB ng pledges and donations though MSOB advises not to deal with any other persons other Mike Juha. Ang email address ko po ay getmybox@hotmail.com

Maraming salamat po!

-Mike Juha-
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

******************

Pakiramdam ko talaga sa sarili ay simputi ng papel ang aking mukha sa sobrang pagkahiya. Naalala ko ang paghalik ko nang todo kay Marjun dahil sa kagustuhang sakyan ko na lang siya sa kanyang “pagkapanalo” sa pustahang pagpapa-ibig niya sa akin bagamat masakit ito sa aking kalooban, at kahit may tuwa at kilig itong dulot dahil gumanti siya sa halik ko hindi alintang nasa harap lang namin ang mga kaibigan niya. “Shockssss! Nakakahiya!” sa isip ko lang.

“At ang sabi pa ni Marjun na ang galing mo daw na manunulat na pati siya ay naaapektuhan kahit puro lalaki ang mga bidang nag-iibigan sa iyong kuwento. Hangang-hanga daw siya sa galing mo. Dahil daw sa kuwento mo kung kaya nag-iba ang pananaw niya sa mga bakla.” Ang sabi ni Mario.

“Oo… at alam mo, Aldred, iyang si Marjun, takot iyan sa mga bakla. Muntik na kasing magahasa iyan noong binatilyo pa. Kaya umiiwas talaga iyan sa mga bakla. Kapag nagpagupit nga iyan ng buhok niya, ayaw sa mga parlor. Nagbitiw pa nga iyan ng salita na kung bakla lang daw ang makatikim sa kanya, ipapaputol na lang daw niya ang kanyang ari. Kaya laking gulat talaga namin noong nakitang gumanti siya sa pakipaglaplapan ninyo.” Dugtong naman ni Ver.

“At… napansin namin na simula noong maging magkaibigan kayo, naging masayahin na iyan. Dahil daw ito sa pagiging magkaibigan ninyo. Laging ibinibida ang mga itinuturo mo sa kanya, ang pamamasyal ninyo sa beach o sa mall, ang mga natikman niyang mga pagkain… Inspired. Kaya binibiro din namin na baka na inlove siya sa iyo. Biro lang naman iyong amin. Kasi nga ang buong akala namin ay hindi tatablan iyan ng pagmamahal sa alam mo na, kagaya ng ganayang relasyon. Pero iyon pala, sa birthday niya, dalawang tao ang napa-ibig…” sabay tawa ng dalawa. “Ang tindi ng talaga ng kamandag ng hayop!” dagdag ni Ver.

Hindi na ako nakasingit sa kuwentuhan ng dalawa. Nakitawa na lang ako. At sa loob-loob ko, lalo akong naawa, at humanga din kay Marjun. “Ang sama ko talaga!” sa isip ko lang. “Puro magagandang bagay naman pala ang sinabi noong tao tungkol sa akin, ibinida pa ako sa mga kaibigan niya, at pagkatapos ay pinaghinalaan ko pa ng masama…”

Babalik na naman sana silang dalawa sa kanilang trabaho noong, “Mario! Ver! Mamayang gabi, sa apartment ko, mag-inuman tayo ha?” ang pag-imbita ko.

Nagtinginan silang dalawa. “Anong mayroon?” tanong nilang sabay na nagtawanan pa dahil sa sabay na pagsasalita.

“Wala lang! Natuwa lang ako!” sagot ko.

“Sige ba!” ang masayang sagot din nila.

Sobrang sarap ang aking pakiramdam pagkatapos kong marinig ang mga sinasabi nila tungkol kay Marjun. Pakiramdam ko ay gumaan ang aking kalooban. Ang problema ko na lang ay kung paano ko susuyuin si Marjun; kung ano ang gagawin ko upang bumalik siya sa trabaho at sa pagtira sa bahay ko.

Noong nabaling ang paningin ko sa aking laptop, bigla kong naisip ang kuwento; kung itutuloy ko pa ba ang trahedya na pagtatapos nito o ibibitin ko na lang ito at hayaang tumatak sa isipan ng mga mambabasa ang isang katanungan kung ano ba ang puwedeng mangyari kina Byron at Lester sa kuwento. Hayaan kong sila ang ang bumuo sa nararapat na pagtapos nito sa kanilang mga isip. May mga kuwento kasi akong nabasa na ganito ang estilo. Hindi lantarang ilalahad ng otor ang kahinatnan ng kuwento at hahayaan niyang nakabitin ito sa dalawang extreme na maaaring hahantungan ng bida o mga bida: tagumpay o di kaya, trahedya.

Binukasan ko ang laptop upang ipagpatuloy na sana ang pagtipa sa huling kabanata. Ngunit ako rin ang nagulat noong nakitang may karugtong na pala ito. May idinugtong na si Marjun!

Marahil ay habang noong nasa galaan ako sa mga araw ng kasagsagan ng galit ko sa kanya at habang naghihintay siya sa akin, naisipan na lang niyang dugtungan ang kuwento.

Sa ilang linggong hindi pagsipot ni Byron, napagdesisyonan ni Lester na tapusin na niya ang paghahanap kay Byron. Ngunit sa isang ultimatum at i-announce niya ito muli sa tulong ng media at paskil sa mga bulletin. At dahil may mga patuloy pa ring sumuporta at tumulong kay Lester, may gumawa uli ng billboards para sa kanyang ipinaglaban. Ang huling billboards ay naglalaman ng mukha nila ni Lester at Byron at kung saan, nakasulat ang mensahe ni Lester –

“Dear Byron, sa darating na Linggo na ang huli kong paghihintay sa iyo sa ilalim pa rin ng puno ng narra sa central park. Muli, manghingi ako ng tawad sa aking mga nagawang kasalanan. Ngunit gustuhin ko mang ipagpatuloy ang paghihintay sa iyo, wala ring mangyayari dito kung ikaw mismo ay ayaw nang buksan ang pintuan mo para sa akin. Uulitin ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pagmamahal para sa iyo. Mahirap paniwalaan ngunit ito ang totoo. Hindi kita pipiliting maniwala ngunit kung alam mo lang kung paano naghirap ang kalooban ko na mahanap ka at mapatawad mo; kung gaano kahirap ang pagharap sa ganitong klaseng pag-ibig, marahil ay maawa ka rin sa akin. Ngayon ko narealize ang naranasan mong paghihirap; ngayon ko naramdamn kung gaano kasakit ang magmahal at maghintay; ang pagdurugo ng iyong puso dahil sa mga pangungutya at panglilibak ng mga tao… Ngunit gusto kong manindigan; gusto kong ipakita sa iyo na kapag nagmahal ka, ipaglaban mo ang naramdaman mo sa kabila ng lahat… Ngayon ko napagtanto na ang pag-ibig ay hindi kumikilala ng kasarian o pagkatao. Kapag tumibok ang puso, sapat na ito upang manindigan. Sana lang ay panindigan mo rin ang pagmamahal mo sa akin at siputin mo ako ngayong darating na Linggo… iyan ay kung mahal mo pa rin ako, gaya nang sinabi mo sa iyong diary. Patawarin mo na ako. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Isang tao lamang ako na nagkakamali. Lahat naman tayo ay nagkakamali di ba? Palayain natin ang galit sa ating mga puso. Sa diary mo, ilang beses mong sinabing wala nang pag-asang lumigaya ka pa; na wala nang taong maaaring magmahal pa sa iyo; at na ipinangkait sa iyo ng tadhana ang pagmamahal at ang taong siyang para sa iyo. Sinabi mo rin na ang lahat ng mga lalaki ay manloloko, manggagamit, pinaglalaruan ang iyong damdamin. Gusto kong patunayan sa iyo at sa buong mundo, na hindi totoo iyan. Dahil nandito ako, nagmamahal at naghihintay. Puntahan mo ako dito, please… -Lester-

PS. Hindi ako ang nagpaskil sa kopya ng diary mo sa bulletin board ng kumpanya; isang babaeng staff na nagkagusto sa akin at may itintagong galit sa iyo ang gumawa nito. Tinanggal na siya ng boss ng kumpanya at ikaw ay pinapabalik. Sana babalik na tayo sa dati kung saan magkasama tayo sa trabaho. Nahirapan na ako. Pati ang mga kasamahan natin sa trabaho ay umaasam na babalik ka. Na-miss ka na rin nila… Pati ang puno na itinanim ko para sa iyo ay malaki na at patuloy na inaalagaan ko para sa iyo. Marahil ay kung nakakapagsalita lamang ito, sigurado akong ang sasabihin niya rin ay sana bumalik ka na…”

At ang sulat na ito ni Lester ay ipina-flash sa TV at bino-broadcast din ng ilang mga estasyon ng radio dahil marami pa rin ang nag-abang sa love story nila. At ang fanpage ni Lester sa facebook ay umabot na nang halos isang milyon na like at ang admin at pasimuno nito mismo ay nanawagan na pumunta uli sa central plaza sa ultimatum na ibinigay ni Lester. At hindi lang basta magpunta; hinikayat din niya silang magdala ng mga seedlings o saplings ng kahit na anong puno bilang simbolo ng punong itinanim ni Lester para kay Byron.

Dumating ang araw na itinakda at muli, dumagsa ang maraming taong patuloy pa ring sumuporta. At sa pagdagsa nila, namumutiktik din ang napakaraming iba’t-ibang sapling ng puno ang lugar na animoy isang exhibit ito ng mga pananim. At may mga tatak pa ang karamihan dito; may nakalagay na “Puno Ni Byron” may “Puno Ni Lester”, may “Puno ni Lester At Byron” at ang iba naman ay “Puno Ng Pag-ibig”.

Ngunit sa ilalim ng puno ng narra pa rin na iyon, nandoon si Byron, nag-isang nakaupo sa sementong upuan sa lilim; nabalot ng matinding pangamba, takot, lungkot, at pag-aagam-agam...

Ngunit hanggang doon na lamang ang idinugtong ni Marjun sa kuwento. Maiksi ngunit natamaan ako sa mga sinasabi niya; ang pagkakamali, ang panghingi ng tawad ni Lester, ang sinabi niyang “lahat tayo ay nagkakamali…”. Syempre, sa kalagayan namin ni Marjun, nasa akin ang lahat ng kamalian dahil sa hindi ko man lang muna sinuri ang buong katotohanan bago magpasya o magbitiw ng masasakit na salita; kung ako ba talaga ang pinagpupustahan nila. Nagmamadali kasi ako sa paghusga sa isang bagay na base lamang sa aking sariling sapantaha, na hindi man lamang pinakinggan ang kanyang panig. 

At dahil sa nabasa ko, may malakas na puwersang nag-udyok sa akin na puntahan si Marjun sa probinsya niya. Kinutuban kasi ako. Pakiramdam ko ay naghihintay lamang siya sa akin; na ang isinulat niya sa kuwento ay hindi bilang si Lester kundi sariling mensahe niya mismo para sa akin; at naghintay siya na sunduin ko.

Dali-dali kong tinawid ang kalsada at nilapitan sina Mario at Ver kung saan sila ay abalang nagmamasa ng semento. “Mario, Ver… gusto ko sanang puntahan ang bahay ni Marjun?” ang pangingimi kong sabi.

“Ha?” ang gulat na sagot ni Mario. “Malayo iyon Aldred. May halos tatlong oras din ang biyahe patungo doon. Baka gabihin ka at maligaw ka pa.”

“Kahit na, gusto kong puntahan siya. Tulungan niyo naman ako please…”

Nagkatinginan sila. Maya-maya lang, “O... sige ako na ang magpaalam. Sasamahan kita. Kapitbahay ko lang kasi iyon.” Ang sambit ni Mario.

“Sasama na rin ako…” ang pagsingit din ni Ver.

Pinayagan naman sila. Malapit na rin kasi ang kanilang uwian kung kaya sila ay napagbigyan.

Halos magkandaugaga kami sa pagmamadaling makarating sa terminal. Naghahaf-bath lang ang dalawa sa aking apartment at pinagamit ko na rin ang aking short at t-shirt, at hindi na nga lang ata sila nakapagbrief.

Sa sasakyan ko ibinunyag ang tunay na nangyari sa gabing iyon ng birthday ni Marjun; na ang buong akala ko ay ako ang pinagpustahan nila at dahil dito, nagalit ako kay Marjun kaya sinakyan ko ang “pagkapanalo” niya at hinalikan siya. Ngunit noong kami na lang dalawa ang naiwan sa bahay nakapagbitiw ako ng masasakit na salita at pinalayas ko si Marjun.

“Kaya naman pala eh… Kawawa naman ang pinsan ko. Napahamak tuloy sa pusta-pustahan natin.” ang sabi ni Mario na nilingon si Ver.

“Kaya nga eh… sobrang pagsisisi ko talaga. Ambait pa naman ng pinsan mo sa akin.” Sagot ko.

“Mabait talaga iyon. Kahit mas guwapo ang halimaw na iyon, mas mabait din iyon. Kaya maraming nababaliw sa taong iyon.” Sabay tawa.

Napangiting hilaw na lang ako. Totoo naman kasi. At isa na ako sa nababaliw sa kanya.

Mag-aalas 8 ng gabi noong makarating kami sa bahay nina Marjun. Wala silang koryente, kawayan at nipa lamang ang bahay nila at sa tingin ko ay halos babagsak na ang bubong nito. Kitang-kita ko ang kahirapan ng buhay nila. Lalo pa akong naawa sa kanya. Alam ko, ang kapiranggot niyang suweldo ang bumubuhay sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Nanay niya ang sumalubong sa amin. “Naku! May bisita pala si Marjun! Hindi pa umuuwi ah! Di ba nagtrabaho siya sa construction kasama ninyo?” tanong niya kina Mario at Ver.

“Eh… H-huminto na po siya at ang sabi ay uuwi na lang po ng probinsiya!”

Napahinto ng saglit ang ina ni Marjun. “Diyos ko po na mahabagin!!!” sigaw niya. “Saan naman kaya nagpunta ang batang iyon?” at umiyak na, kitang-kita sa mukha ang matinding pag-alala sa anak.

“A-ang sabi po niya ay magsaka na lang daw po siya sa bukid” ang sagot ni Mario.

“Wala… Hindi umuwi! Matagal na!” sagot uli ng ina.

“G-ganoon po ba? E di sige po, aalis na lang po kami upang hanapin kaagad siya. Huwag po kayong mag-alala tiyang, kami ang bahala.”

“Sige Mario, hanapin mo siya. Baka napaano na ang batang iyon. Nag-alala ako. Huwag mong pabayaan ang pinsan mo.”

“Opo tiyang.”

Dahil dito, bigla akong kinakabahan sa maaring nangyari kay Marjun. At naisip ko rin na baka nagpunta siya sa apartment ko. “A-aalis na lang po kami.” ang pagsingit ko sa ina ni Marjun

Inimbitahan pa sana kami na pumasok sa loob ng bahay nila ngunit dahil nagmadali nga kami at baka wala na ring masakyan, kung kaya hindi na niya kami pinilit pa.

Alas 11 ng gabi noong makarating kami ng bahay. Halos takbuhin ko na lang ang layo galing ng bus terminal papunta ng apartment. Pakiramdam ko kasi ay nandoon na siya sa bahay ko. Parang hindi na ako makapaghintay pa.

Noong narating na namin ang bahay, hindi ako magkandaugaga sa pagbukas ng gate, exited na baka nasa loob si Marjun at dumaan lang sa may likurang pader kung saan ay puwede niyang akyatin. Dati kasi, inakyat na niya iyon noong naiwan ko ang susi sa loob. At may isang beses din kung saan natagalan akong umuwi dahil sa meeting, kusa siyang pumasok ng bahay sa daanang iyon. Iyon din kasi ang bilin ko; na kapag gusto niyang pumasok at wala ako, pwede niyang akyatin ang likurang pader… “Baka nakatulog na siya!” sigaw ng isip ko. “Marjun! Marjun!” sigaw ko noong makapasok na.

Ngunit wala ni anino niya ang nakita ko sa loob ng bahay. Nabuksan ko na ang tulugan, ang kubeta… Wala. Napakatahimik ng bahay na kahit ang kurtinang wumagayway sa ihip ng hangin ay hindi magawang lumikha ng kahit na kaunting ingay.

Pakiramdam ko ay bigla akong naubusan ng lakas. Napaupo ako bigla sa sofa sa sobrang lungkot. Ramdam ko naman ang pagkaawa sa akin nina Mario at Ver.

“Baka nasa boarding house natin!” ang sambit ni Mario

“Ano naman ang gagawin niya doon? Wala na siyang tulugan doon. At kung nandoon nga, dapat sa limang araw na wala na siya sa poder ni Aldred ay doon siya tumuloy sa atin!” sagot naman ni Ver.

“Baka nandoon iyon ngayon, naghintay sa atin. Subukan mo lang. Kapag wala, sama-sama na tayong maghanap sa kanya.”

“Sabagay…. Sige puntahan ko baka nandoon nga. Mahirap na, baka nilapa na iyon ng balahurang babaeng anak ng landlady natin!” ang pabirong sabi ni Mario upang mapatawa ako.

Binitiwan ko ang ngiting-pilit bagamat matindi ang pag-alala ko para kay Marjun. “S-sana nandoon nga siya.” ang malabnaw kong sagot. Nalungkot kasi ako sa ginawa kong pagpapalayas sa kanya at sa hindi niya pagbalik sa akin. Ibig sabihin, malaki pa rin ang hinanakit niya. At natakot din ako na baka tuluyang hindi na siya babalik pa.

“Sige tol… puntahan mo. Dito na lang muna ako, sasamahan ko si Aldred. Kung wala pa rin doon, hahanapin na natin siya.” Ang pagsang-ayon naman ni Ver.

Noong kami na lang dalawa ni Ver ang naiwan, “M-mag-inuman na lang tayo, Ver… Bili ka ng mainum natin sa labas.” ang malungkot kong sabi.

“O-ok ba…”

Binigyan ko ng pera si Ver at lumbas ito ng bahay. Noong ako na lang ang naiwang mag-isa, hindi pa rin ako mapakali. Sobrang kaba pa rin ang aking naramdaman. Naalala ko muli ang idinugtong ni Marjun sa kuwento; na naghintay siya sa ilalim ng puno ng narra. May kung anong kakaiba akong naramdaman. Parang kaba, takot… hindi ko mawari.

Bigla akong napatayo at dali-daling lumabas ng bahay. Bagamat mag-aalas-dose na iyon ng hatinggabi, wala akong takot na sumakay ng tricycle. “S-sa central plaza po…” ang sabi ko sa driver.

Mistulang isang ghost town ang central plaza noong nadatnan ko ito. Bagamat malamig ang simoy ng hangin, napakaaliwalas ng paligid. At tanging ang mga ingay ng alon sa dagat lamang sa di kalayuan ng central park ang naririnig ko habang marahan nilang hinahampas ang dalampasigan.

Habang binaybay ko ang maliit na sementong pathwalk, palakas nang palakas naman ang kalampag ng aking dibdib. Noong malapit na ako sa mismong puno ng narra kung saan ko kinunan ng litrato si Marjun para sa aking libro, lalo pa itong bumilis at lumakas pa. Nakakabingi.

At para akong himatayin sa aking nasaksihan. Sa sementong upuan sa ilalim ng puno mismo ay nandoon si Marjun. Himbing na nakatulog na nakatihaya at mukhang marumi. Suot niya ang jeans at t-shirt na kulay blue na may stripes na dilaw. Naalala ko, iyon ang mga binili ko sa kanya para niya suotin sa aming pictorial. Habang nakatihaya siya, nakapatong naman sa ibabaw ng kanyang dibdib at yakap-yakap pa ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng kanyang mga damit at gamit.

Nabalot ng pagkaawa ang aking puso. Sa porma niya, mistula siyang isang homeless na taong palaboy-laboy sa lansangan. Nakakawa ang kanyang hitsura, madungis ang damit, naka-tsinelas lang, mahahaba ang bigote at balbas sa mukha; halatang pinabayaan ang kanyang sarili…

“Marjuuunnnnnnnn!!!!” ang sigaw ko habang hila-hila ko ang kanyang braso upang gisingin siya. “Anong ginawa mo dito?”

Noong nagising at nakitang ako ang gumising sa kanyan, binitiwan niya ang isang napakagandang ngiti. Mistula siyang isang taong nasa hopeless na kalagayan kung saan noong nakita ako, ay biglang nabuhayan ng loob at pag-asa. “H-hinihintay kita…” ang mahinang sambit niya.

At wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak “A-alam ko. Alam ko Marjun. Pasensya na, matagal akong nakarating...” Ang sagot ko habang tinulungan siyang makaupo. “P-patawarin mo ako… Patawarin mo ako Marjun. Hindi ko kasi alam…” at niyakap ko na siya ng mahigpit. Nagyakapan kami na parang hindi na namin masisilayan pa ang bukas. Naglapat ang aming mga labi na parang iyon na ang huli naming paghahalikan. Iyon ang pinakamatamis na halik at pinakamahigpit na yakap na naranasan ko sa tanang buhay ko.

“H-hindi ko kayang mabuhay kung wala ka…” ang sambit niya sa akin.

“Ako rin Marjun. Walang kahulugan ang buhay ko kapag wala ka sa piling ko…”

Dinala ko si Marjun sa bahay at noong nakarating na kami, nandoon na rin sina Mario at Ver, handa na sa aming inuman. Tuwang-tuwa sila noong nakitang kasama ko si Marjun.

Pinapaliguan ko si Marjun, sabay kaming naligo sa loob banyo at doon, pinagsaluhan namin ang tamis ng aming pagmamahalan. Doon ko muli nalasap ang walang sukatang sarap ng kanyang pag-ibig.

Nag-inuman kami. Nagkuwentuhan, kantyawan. At sa pagkakataong iyon, hindi na ako nahiya pa sa harap nina Ver at Mario na halik-halikan ang barkada nilang si Marjun.

“Insan, pasensya na ha? Napahamak ka tuloy sa pustahan natin sa babaeng iyon… Buwesit talaga ang balahurang babaeng iyon.” ang sabi ni Mario.

“Woohhh! Busted ka lang eh.” Sagot namang biro ni Marjun. “At hindi buwesit ang pustahan na iyon dahil kung hindi doon, hindi ako makatikim ng grabeng laplapan sa mga labi ni Aldred. At sa harap niyo pa! May witness!”

Kinurot ko naman ang gilid ni Marjun.

Tawanan.

Masayang-masaya kami sa tagpong iyon. At bumalik uli si Marjun sa dating tinatrabahuhan sa ginawa nilang building.

Isang araw ng Linggo ng hapon, wala kaming parehong pasok. Ipinagpatuloy ko ang pagtapos ng kuwento; sa cottage pa rin sa lilim ng punong acacia sa gilid ng kalsada, harap ng aking apartment. Ako ang nagtype habang ang mga mata ni Marjun naman ay nakatutok sa monitor ng computer, binantayan ang takbo ng aking pagsulat kung paano ko tatapusin ang aming kuwento.

Dumating uli ang takdang oras na binanggit ni Lester. Kabado ang lahat habang ang iba ay nagmamatyag kung may lalapit sa puno at magpakilalang siya si Byron. Pati ang mga TV crews at mga reporters ay halata sa mga mukha nila ang ibayong kaba at excitement.

Subalit, bigo na naman ang lahat. Walang Byron ang sumipot…”

“Teka, teka… akala ko ba happy ending iyan? Bakit hindi mo pinasipot si Byron?” ang pagtutol ni Majun sa isinulat ko.

“Relax ka nga lang. Masyado kang excited!” ang sagot ko naman sabay kurot sa pisngi niya na sinuklian naman niya ng mabilisang paghalik sa aking labi.

Ipainagpatuloy ko ang pag-type.

“Isang oras ang lumipas, dalawang oras, tatlong oras simula noong nag-lapse ang nabanggit na oras, wala pa ring Byron ang sumipot. Ngunit nanatili pa rin si Lester sa inuupuan nito bagamat pansin na ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Paisa-isang nagsiuwian na rin ang karamihan ng mga tao, kitang-kita sa kanilang mukha ang ibayong lungkot at pagkaawa kay Lester.



Mag-aalas dose na ng gabi. May iilang tao pa ring nakisimpatiya kay Lester lalo na ang isang samahan ng mga bakla at lesbian kung saan nanatiling nag-antabay at sumuporta, ang iba ay nakatulog mismo sa damuhang parte ng central park na iyon. Marahil ang marami sa kanila ay naawa na lang kay Lester o gusto na lang magpakita ng kanilang suporta bagamat sa isip nila ay wala na talagang pag-asa na sisipot pa si Byron.

videokeman mp3
Maghihintay Ako Sa Yo – Mark Alain Echem Song Lyrics

Hanggang sa nakatulog silang lahat. Nakatulog rin si Lester.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may isang taong palihim na lumapit sa sementong upuang hinigaan ni Lester, tila umiiwas sa mga tao at camera. Noong nakalapit na siya, ginising niya ang mahimbing na natutulog na si Lester, hinila ang braso, tinapik ang ulo. “Lester... Lester! Gising!” ang pigil na pagsigaw ng lalaki.

At noong nagising si Lester, laking gulat nito noong nakita ang mukha ng taong gumising sa kanya. “Byronnnnnnnn!!!”ang sigaw niya sa sobrang tuwa. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi mapasigaw. Bigla siyang bumalikwas at parang batang naglupasay sa tuwa.

“Shhhh! Huwag kang maingay!” ang sabi ni Byron.

Ngunit huli na ang lahat dahil nagising ang ilang mga nag-antabay sa lakas ng ingay ni Lester.

Biglang nag-ilaw ang camera lights ng nag-iisang TV network na nagpaiwan. Dahil dito, ang iba pang mga nakatulog na taga-suporta ay nagising lahat. At nasaksihan ng lahat ang kaganapan ng pagtagpo muli nina Byron at Lester. Nakunan din ng video at litrato ang eksena kung saan masaya at sabik na sabik sa isa’t-isang nagyakapan ang dalawa, nag-iyakan, nagtawanan, at naghalikan.

Nagpalakpakan ang lahat sa tagpong iyon. Sigawan ang mga tao, hiyawan. Mistula itong isang celebrasyon ng bagong taon kung saan ang lahat ay nag-iingay. At ang karamihan ay hindi naiwasan ang hindi mapaiyak sa tuwa at sa paghanga sa wagas na pag-ibig na ipinamalas ni Lester para kay Byron.

At sa harap ng mga tao at TV camera, nagsumpaan ang dalawa na hindi na hindi bibitiw sa isa’t-isa at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Naging hit ang kuwento ng pag-ibig ng dalawa sa buong bansa. Dahil dito, may nag-offer na magkaroon sila ng isang ceremonial na kasal-kasalan at gagastusan niya. May nag-offer din ng Asian tour para sa kanilang honeymoon.

At… nangyari ang lahat at masayang-masaya sina Lester at Byron.

Simula noon, tuluyan na silang nagsama sa isang bubong. Bumalik na rin si Byron sa kanyang trabaho sa iisang kumpanyang pinagtatrabahuhan din ni Lester.

At ang punong itinanim ni Lester para kay Byron sa hardin ng kanilang kumpanya? Patuloy pa rin nila itong inaalagaan. Noong lumaki na ito, inukit nila sa puno ang kanilang dalawang pangalan sa loob ng isang hugis na puso: “Lester Loves Byron Forever”

Wakas.

“Waaahhhh! Ang ganda!” sigaw ni Marjun.

“Talaga?”

“Sobra! Ang galing talaga ng mahal ko…”

“Naka-relate ka ba?”

“Pamilyar sa akin ang eksena sa pagsulpot ni Byron at paggising niya kay Lester sa ilalim ng puno ng narra!!!”

“May naalala ka? Sa central park din iyon di ba?” sagot ko sabay tawa.

“Oo… wala nga lang reporters, TV camera, at mga tao na nakasaksi…”

“Di bale… kasi, kapag tuluyan nangn maisalibro ang kuwento nating ito, magkakaroon ka na rin ng maraming tagasuporta at fans. Kagaya ni Lester.”

Natawa siya, ayaw maniwala.

Ilang araw pa ang lumipas at natapos din ang gusali na ginawa nila ni Marjun. Maganda ito, matayog, matatag, pulido ang pagkagawa; mga katangiang hinahangad ko rin sa aming pag-iibigan na, kagaya din ng gusaling iyon, ay pinaghirapn ding buuin ni Marjun para sa aming dalawa. Kahit tapos na ang gusali, nanatiling nakatira si Marjun sa aking apartment at nagsama kami na parang mag-asawa.

Tungkol naman sa libro, naging best seller ito. Kahit saan kaming bookstore magpunta para sa autograph signing, dumadagsa ang mga nagpapa-autograph hindi lang sa akin kundi pati na rin kay Marjun. At base sa inaasahan ko, dumami ang mga fans ni Marjun na kahit sa facebook ay nagkaroon na rin siya ng sariling fanpage.

Malaki ang kinita naming dalawa sa libro, and still counting pa. At dahil dito, pinag-isipan na naming gawan ng sequel o pangalawang libro ang kuwento ng pag-ibig nina Byron at Lester. At syempre, siya pa rin ang modelo ko at co-author.

Paborito pa rin naming pahingahan ang cottage sa harap ng aking apartment. Doon, malamig ang simoy ng hangin, nakaka-relax ang ambiance, nakakawala ng problema, stress at pagod. At kapag ganyang kaming dalawa ay nagpapahangin sa cottage na iyon at ini-enjoy ang aming pagiging magkasama, hindi ko maiwasang hindi mapahangang tumingala at pagmasdan ang mga sanga ng acacia na umuusli sa bubong ng cottage, wumawagayway sa bawat paghampas ng hangin ngunit sumisilip at nagbabantay sa aming dalawa ni Marjun.

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Habang ninamnam ko ang sarap ng preskong simoy ng hangin, marahan ko namang hinahaplos-haplos ang mukha ni Marjun na nakahiga sa gilid ng aking inupuan, ang kanyang ulo ay nakasandal sa aking kandungan…

Muling sumagi sa aking isip ang sinabi sa akin ng manghuhula tungkol sa puno ng akasya. Noong itinanim ko ang punla nito, napadaan siya at napansin ang ginawa ko: “Alagaan mo siya; para sa iyong kaligayahan. Iyan ay puno ng pag-ibig…”

Wakas.

------------------------------------------------------

Sana magkaroon ng sequel ang libro nina Aldred at Marjun para magkaroon din ng Book 2 ang kuwento na ito. Hmmmmmm. Malay natin. Kung umabot ng 75 ang comments dito, baka magkaroon nga.

:-)

===================================================
"Libre po ang mag-repost; ang bawal ay ang mang-angkin ng akdang pinaghirapan ng iba."
===================================================

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails