XOXO
Keith and Kibo
Chapter 12
SI VANESSA
Napangiti lang ako habang naglalakad sa loob ng sementeryong yun habang may hawak na bulaklak. Pakiramdam ko nasa runway ako with my 4 feet tall red stiletto higheels plus my long blonde hair.
Victoria secret fashion show?
Pag dating sa tapat ng puntod na yun, nilagay ko lang yung bulaklak.
" Hey girl, I miss you." ngiti ko, pagkasindi ng kandila ay nag usal lang ako ng tahimik na dasal. Pagkatapos ay umupo sa damuhan at nilanghap yung sariwang hangin sa lugar na yun. " Wala man lang dumadalaw sayo, how sad."
" It's been 7 long years, nung huli kong nakita yung mga ngiti mo and I really miss it." buntong hininga ko. " Mas maganda na ko sayo, mayaman na din ako, madami akong pera at magiging masaya ako tulad ng sabi mo. Wala pa nga lang akong nakikita na magmamahal sakin but don't worry di naman ako nagmamadali kasi I know na darating sya sa tamang panahon."
Tumingala lang ako saka pinagmasdan yung ganda ng kalangitan, hapon na nun kaya masarap sa pakiramdam yung malamig na dampi ng hangin sa balat ko.
" Ikaw, kamusta ka? Hindi ka man lang ba niya dinadalaw?"
" May asawa na kaya sya ngayon,may pamilya? nakatapos na?"
" Gusto ko sya makita uli pero parang ayoko din, Ayoko mabago yung ala-ala ko tungkol sa inyong dalawa. Ayoko makita sya na may kasamang iba bukod sayo, I want to remember him na tanging ikaw lang mahal."
" He really loves you, and everytime na maalala ko yung araw na pagkawala mo. It brokes my heart, parang naririnig ko parin yung pag iyak niya, yung pagmamakaawa niya sa mga doctor na subukan pa, na pwede pa." bulong ko hanggang tumulo yung luha ko. " Mahal na mahal ka niya at alam ko ganun ka rin sa kanya, sana, or maybe in another life. Magtagpo uli kayo, matuloy yung pagmamahalan niyo at maging masaya."
Napangiti lang ako saka pumikit, Sariwa pa din sakin yung tagpong yun.
Tagpong di na ata makakalimutan ng utak at puso ko.
Nasa garden ako ng hospital nun nang marinig ko yung tugtog ng isang ukulele, wala sa sarili kong sinundan yung pinangagalingan ng tunog na yun, Tila may dala itong mahika na humihila sakin hanggang makita ko yung babaeng nakawheelchair habang may hawak na bulaklak na kulay lila.
It's lavender
Nakangiti to habang pinagmamasdan yung gwapong binata na nakaupo sa isang bench at nakangiting tumutugtog.
I see trees of green
Red roses too
I watch them bloom
For me and you
And I think to myself
What a wonderful world
Bigkas ng binata sa kantang yun, hanggang makita ko yung luha ng dalaga na dahan dahan tumulo sa pisngi nito habang may ngiti sa mga labi, kasabay ng malamig na simoy ng hangin ay madadama mo yung saya sa mga mata nila, saya na makikita mo lang sa isang taong nagmamahal.
Nang mga oras na yun, para akong hinehele habang pinakikinggan yung pagkanta nung binata kasabay ng malimbing na tugtog ng instrumentong hawak niya. Tila nunuot sa kaibuturan ko yung bawat pagtipa niya sa bagay na yun.
Habang pinagmamasdan ko sila, para silang may sariling mundo. Mundo na binuo ng pagmamahal mula sa isa't isa.
Ilang sandali pa ng magtama yung mata naming dalawa nung binata.
" Hey there." ngiti nito sakin, hanggang lumingon din sakin yung babae.
" Ako?" turo ko sa sarili ko, marahan naman tong tumango. Napapakamot naman ako sa ulo saka lumapit sa kanila.
" You know me right?" ngiti nung binata, marahan lang akong tumango. Pano ko sya makakalimutan eh ilang beses niya na ata akong pinagtangol sa mga bwiset na bully sa school.
" Hello." ngiti nung babae saka nilapag sa bench yung hawak na bulaklak.
" Can you take a picture of us?"
" Sure." tango ko.
" Victor name mo di ba?" tanong niya, tumango lang ako. "I'm-"
" Vic! Let's go!" rinig kong tawag sakin ni Trey, Napalingon naman ako sa likod ko." tara na?"
" Wait lang." saad ko saka nilabas yung phone mula sa bulsa ko. " Kunan ko na kayo ng picture?"
" Uhm yeah." pilit na ngiti nito saka kinuha yung bulaklak, Tumabi lang sya sa babaeng nakawheelchair saka ngumiti.
" Done, I have to go." saad ko saka tumalikod at tumakbo, hanggang matigilan ako saka napatitig sa phone ko. " oh." Lingon ko, kita ko lang na nakatingin yung dalawa sakin.
" Tara na!" Hila niya sakin.
" Wait si keith? Okay na ba daw?" tanong ko, marahan naman syang umiling. " Wala pa din?"
" Wala eh."
" Sad." pilit na ngiti ko, pag uwi sa bahay ay natitigan ko lang yung picture sa phone ko. " you are so dumb." iling ko lang saka natawa. Tumayo lang ako saka lumapit sa printer. " babalik nalang ako para ibigay to." hawak ko sa picture paglabas sa printer.
SI KIBO
" Mom, I'm home!" excited na saad ko pagpasok sa bahay. " Let's go Queenie!" hila ko sa kanya.
" kalma Kibo."
" I'm really excited, ilang months akong hindi nakauwi dahil sa sobrang busy natin sa school." Nguso ko, kita ko naman na si Mommy na nagmamadaling bumaba sa hagdan mula sa ikalawang palag.
" Kibo!!" yakap niya sakin paglapit. " Bakit di ka nagsabi na ngayon ka uuwi?"
" I really miss you mom." yakap ko din sa kanya.
" How sweet." ngiti ni Queenie.
" Where's Dad?"
" Nasa office niya sa taas." ngiti ni Mommy.
" Mom, kayo muna bahala kay Queenie huh, puntahan ko si Dad." saad ko saka nagmamadaling umakyat sa hagdan. Nasa food bussiness si Daddy, we do have some branches ng resto all over the country at madalas nasa bussiness trip sila ni Mommy.
Nung buhay si Kuya Neko kami lagi ang magkasama kapag wala sila Mommy, Sya nag aalaga sakin bukod sa mga katulong sa bahay, sabi ni Mommy I'm a miracle baby daw kasi 8 months palang daw ako nung lumabas and that time muntik na kaming di makasurvive ni Mommy parehas but luckily we made it.
After mawala ni Kuya Neko lumipat kami ng bahay, Sabi ni Daddy para mabilis na makamove on kasi hindi daw gugustuhin ni Kuya Neko na maging malungkot kami. Isa na rin siguro yun kaya madali namin natanggap yung pagkawala niya.
Sa Hallway sa ikalawang palapag, makikita mo yung malaking potrait ng pamilya. Tumigil lang ako dito saka to nakangiting pinagmasdan.
" Ang gwapo mo talaga kuya Neko, I miss you." bulong ko, ilang sandali ko pa tong pinagmasdan. Napabuntong hininga lang ako saka excited na tinungo yung office ni Daddy. Pagbukas ko ng pinto nakita ko lang yung sya na nakaharap sa laptop niya.
" Daddy I'm home." ngiting saad ko, nag angat naman sya ng tingin.
" Kibo!?" gulat na turan nito saka tumayo.
" Miss you Dad!" patakbong yakap ko sa kanya.
" Dito ka na ba uli titira?"
" Nope, semestral break lang dad." ngiti ko, kita ko naman na napasimangot to. " I'll be staying here for one week."
" Talaga?"
" Yes Dad, you miss me?"
" Sobra!" mahigpit na yakap niya sakin. " Umuwi ka na kasi dito please?"
" Dad, kapag nakagraduate na ko. Dito ako sa lugar natin magtatayo ng clinic kaya pagkagraduate uuwi na ko dito."
" Promise?"
" Promise." approve ko. " Tara may dala si Queenie." ngiti ko saka sya hinila.
" May kasama ka, girlfriend? Magkakaapo na ba ko?" saad niya, nakasimangot naman ako tumingin sa kanya. " biro lang!"
" Daddy naman eh."
" Umasa, pasensya na."
" Kapag lalake ba dinala ko dito matutuwa ka?"
" Hindi." iling niya, natawa naman ako.
" Daddy, kahit ayaw niyo pa. Lalake talaga ang ihaharap ko sa inyo."
" Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang lalake na dadalhin mo kasi kung hindi, ipapaharang ko na yan sa gate palang."
" Dad."
" At make sure na may trabaho, nakatapos plus may itsura kasi kung wala yang tatlo na yan. Don't bother bring him here."
" May trabaho naman si Keith, pasado sya dun sa tatlo." bulong ko.
" What?"
" Wala dad." ngiti ko.
" At ang pinaka importante, dapat mahal ka kasi kapag pinaiyak ka niya sisiguraduhin kong uubusin ko yaman natin maitumba lang kung sino man sya." gulo ni Dad sa buhok ko. " Pero anak, wag ka muna magbubuntis huh."
" Dadddddy!" simangot ko na ikinatawa niya. Paglabas namin ng kwarto ay tumigil lang kami ni Daddy sa harap ng malaking potrait na yun ng buong pamilya. " Dad, punta ako bukas sa dati nating house huh."
" Why?"
" I really miss Kuya Neko." ngiti ko, marahan naman tumango si Daddy. " Kung buhay siguro sya Dad, My engineer ka na sigurong anak." saad ko pa pero isang buntong hininga lang yung ginawa ni Daddy.
" Anak pwede ba wag ka pumunta sa dati nating house, binebenta na kasi namin sya ng mommy mo."
" Why?"
"We don't need it anymore."
" Pero that house holds Kuya's memories, simula nung lumipat tayo hindi niyo na ko pinayagan bumalik dun. Alam niyo Dad, nung tumira ako mag-isa sa condo, lagi ko napapaniginipan si Kuya Neko."
" Talaga?"
" Lagi syang nakangiti, sinasabi niya sakin lage na I will never stop looking after you." ngiti ko. " Naalala ko dati, madalas niya sabihin sakin yun Kaya pakiramdam ko lagi lang syang nakabantay sakin." napangiti naman si Daddy hanggang may tumulong luha sa mata niya. " Why Dad?"
" I just miss your brother."
" Kaya payagan niyo na ko bumalik dun sa dati nating house." saad ko pero umiling lang si Daddy. " Dad please?"
" Next time please?"
" Pero Dad?"
" Please?"
" Fine." bagsak ang balikat na saad ko.
Pagkatapos magtanghalian ay nilibot ko si Queenie sa buong bahay, naligo sa pool. Nagvideo games,Nagvideoke, naghabulan sa rooftop , kumain uli hanggang mapagod. Pagkatapos ng napakabusy na buong sem ay ngayon lang uli kami nakapagrelax.
Para kaming nakawala sa hawla.
" Dito ka matutulog." bukas ko ng guest room. Pagpasok ni Queenie ay pabagsak lang syang nahiga sa malaking kama na yun.
" Your house is really beautiful talaga, napakalayo lang eh." ngiti niya, umupo naman ako sa gilid ng kama. " My pool, may rooftop! Grabe halos doble to ng bahay namin eh. Kaya boto talaga ko sayo for Kuya, you're rich!"
" Parents ko lang ang rich, one day magpapatayo din ako ng bahay ko using my own money."
"At si kuya magdedesign?" nakangiti naman akong tumango.
" Kinakabahan ako para sa Kuya mo, ilang araw nalang exam na niya. Baka makapatay ako kapag nalaman kong bumagsak sya, kaya magready ka na huh."
" Why?"
" Kapag bumagsak kuya mo uunahin kita, di ka na makakauwi sa inyo." ngiti ko. " Lulunudin kita sa pool, o kaya itutulak kita sa taas."
" O tapos mumultuhin kita." simangot niya, napangiwi naman ako. " Hihilahin ko yung paa mo kapag natutulog ka, at never ako papayag na mawala virginity mo, by all means pipigilan ko ang kahit sinong magbalak." natatawang saad niya.
" Hate you." nguso ko.
" Or pwede ako nalang kumuha, gusto ko ng virgin." tapik niya sa kama habang deretsong nakatingin sakin.
" Eww." ngiwi ko.
" Maka eww ka naman!"
" Eww naman kasi talaga." saad ko pero inirapan niya lang ako.
" Your Kuya Neko, he's handsome. Nakita ko yung malaking potrait niya sa sala niyo. Mukhang syang mabait, tapos yung smile niya ang ganda. Kung buhay lang sana sya, baka ako na nanligaw sa kanya."
" Gwapo niya noh?" ngiti ko, marahan naman syang tumango. " Baby ako nun, lahat ng umaaway sa school, inaaway niya din. Nakipagsuntukan pa sila ni Kuya Allen dati kasi inaasar ako sa school."
" Pansin ko, alam dito sa inyo na gay ka?"
" Yeah."
" Pano ka nag out?"
" Si Kuya Neko, tinulungan ako. He is sweetest kuya for me, kahit nalaman niyang bakla ako never sya nagtanong kung bakit ako ganito, he just accepted me."
" talaga? Di sya nagtanong ng kahit ano?"
" Uhm, he asked me if I am serious." natatawang saad ko.
" Pano niya nalaman?"
" Nanilip ako sa cr." ngiti ko.
FLASHBACK
" Hey!" sigaw sa likod ko, naglalakad na ko pauwi nun galing school. " I said hey!" hawak nito sa balikat ko saka ako hinarap.
" What?" pilit na ngiti ko.
" Akala mo di ko alam, sinilipan mo ko kanina sa cr." seryosong saad niya, umiwas naman ako ng tingin. I just took a peak lang naman at halos wala akong nakita dahil sa liit! " Sinilipan mo ko di ba, I saw you."
" Uhm."
" You're gay right!?" tanong niyang deretsong nakatingin sakin, umiwas lang ako ng tingin. " Sabi na eh!" tulak niya kasabay ng isang suntok sa mukha kaya napaupo ako sa kalsada at natukod yung siko ko.Ouch! " Bakla ka! Pasalamat ka may warning ako kasi kung hindi nasapak na kita sa cr palang."
" Uhm Sorry."
" So sinilipan mo talaga ko!?"
" Wala akong nakita, pwede ba." simangot ko pero inanbahan niya lang ako ng suntok kaya napapikit ako. " Tangina pano ka nakapasok sa Saint Bridget, eh bakla ka. Sabihin mo sa magulang mo maghanap ng all gays school! Naiintindihan mo huh." gigil ko naman syang tiningnan pero dumura lang sya harap ko. " Bakla, nakakadiri ka! Kapag nalaman to ng claasmate natin, humanda ka." ngiti niya.
" Please don't tell anyone."
" Takot ka huh!"
" I wanna go home." iwas ko ng tingin aktong tatayo sana ako ng biglang may sumapak dito, nanlaki naman yung mata ko ng makita si Kuya Neko.
" Kuya?" saad ko saka agad tumayo. " Kuya wait, that's enough."
" Anong ginagawa mo sa kapatid ko huh!" gigil na saad nito kasunod pa ng isang suntok sa mukha. " Kibo, stay there. Akong bahala sa kanya!" lingon sakin ni Kuya neko.
" Kuya, No. Stop na please."
" Damn it! Who are you!"
" Kapatid niya, bakit papalag ka!"
" Really."
" Subukan mo pang lumapit sa kapatid ko, dudurugin ko yang mukha mo!" gigil na saad ni Kuya neko habang hawak hawak sa kwelyo yung classmate ko. Nakagat ko lang yung labi ko, oh shit! " Wag na wag mo kakantiin kapatid ko, kasi pagsisihin mo!"
" Sinilipan ako ng kapatid mo! Anong gusto mong gawin ko. Bastos yan kapatid mo!"
" Gago ka!" Asik ni kuya neko saka to sinapak sa mukha." Pano ka sisilipan niyan, bakit babae ka ba huh!"
Napapikit lang ako saka nakuyom yung kamao ko, damn it!
" Ah hindi mo ba alam na bakla yung kapatid mo huh!" saad nito saka sinugod ng suntok si Kuya neko pera nailagan niya lang to, nang mag angat ako ng tingin kita ko lang yung tingin niya sakin. " Bakla yang kapatid mo! Tangina bastos eh! Dapat ilipat yan sa all gays school hindi dito sa school namin!"
" Gago, ano kung bakla sya. Sinilipan ka niya? Mahiya ka nga! ang panget mo kaya!" kita ko naman yung gigil sa mukha nito saka sinugod si Kuya neko pero isang malakas na suntok lang yung sumalubong dito dahilan para matumba to. " Malaman ko lang na binubully niyo tong kapatid ko, aabangan ko kayo sa labas ng school at sigurado ako mang hihiram ka ng mukha sa aso!"
" Talaga lang huh." hawak nito sa bibig niya, kita ko lang yung dugo dito.
"Alam mo naman siguro na mahigpit ang Saint bridget sa mga bully, before you know it nakick out ka na!"
" Kuya, Uwi na tayo." saad ko, lumingon naman sya sakin.
" Tandaan mo yung sinabi ko huh! Kahit araw araw kita gulpihin di ako mapapagod kaya wag mo ko subukan! Kilala ko din magulang mo, let's see kapag sinabi ko lahat ng kagaguhan mo." saad ni pa ni Kuya saka lumapit sakin at hinawakan yung kamay ko at hinila.
" Let's go."
" Kuya."
" What?"
" Sorry."
" For what?" tanong niya, hanggang makarating kami sa park. Umupo lang kami sa isang bench dun.
" Napaaway ka dahil sakin." nakatungong saad ko, iniangat naman niya yung mukha ko saka hinawakan yung gilid ng labi ko. " Ouch."
" Bakit ka nagpasuntok? Kung hindi ko pa kayo naabutan hindi ka lalaban huh?"
" Eh kasi.." bulong ko hanggang tumulo yung luha sa mata ko.
"Tsk!" puna niya ng panyo sa pisngi ko.
" Sorry."
" Para saan?"
" Kuya totoo na sinilipan ko sya."
" What?" natatawang saad niya. " You're kidding."
" Nacurious lang ako, saka may itsura naman sya kuya."
" Panget nun, kung maninilip ka dun naman sa gwapo! Si Allen bakit di yun ang silipan mo."
" Uhm."
" Ang panget panget nun, gusto mo durugin ko bagang nun huh!"
" Kuya, I'm gay di ka ba galit?"
" Bakit ako magagalit?" ngiti niya.
" Kuya, I'm gay. magalit ka!" inis na saad ko, natawa lang sya saka ako niyakap. " Kuya, di ba dapat magalit ka?" tanong ko, lumayo lang sya sakin saka ginulo yung buhok ko. " Bakit hindi ka galit eh bakla yung kapatid mo?"
" Bakit naman ako magagalit."
" Eh kasi ganito ako?"
" Matagal ko ng alam." ngiti niya napalingon naman ako sa kanya. " Pwede mamili ka naman ng gwapo, yung kalevel naman ng mukha mo."
" Kuya?"
" Ano?"
" Okay lang sayo na ganito ako?"
" Bakit masama ba maging ganyan?"
" Pero?"
" Okay lang yan, hindi mo kailangan itago." ngiti niya. " Gusto mo tulungan kita sabihin kala mommy?"
" Ayaw." iling ko. " Magagalit si Daddy, sabi niya satin dalawa daw ako daw makakapagbigay sa kanya ng mga cute na apo. Magagalit sya kapag nalaman niya na di ko magagawa yun." nguso ko kasabay ng luha. " Kuya, baka palayasin ako ni Daddy." hikbi ko, kita ko naman na natawa sya. " What's funny?"
" Bakit naman sya magagalit?"
" Kasi.."
" Kibo, wala naman dapat ikagalit kung gay or bakla ka man. Ikaw yan eh, pagkatao mo yan so wala kahit sino ang may karapatan magalit sa kung sino ka talaga.It's your life." kibit niya ng balikat, isang buntong hininga lang pinakawalan ko. "Promise, di magagalit si Daddy. Mahal na mahal ka nun, ikaw ang favorite eh."
" Mas favorite ka niya."
" Favorite ka niya, mas gusto mo lang talaga kasama si Mommy kesa sa kanya kaya ako pinagtatyagaan niya." ngiti niya.
" Kuya, who do people hate gays?" seryosong tanong ko. Nagkibit naman sya ng balikat.
" Ikaw tingin mo bakit?"
" Maybe religion mandates hating gays, or maybe they think that it's unnatural?" pilit na ngiti ko.
" God does not hate homosexuality, hindi sya galit sa mga bakla kasi He died for them just as much as he died for you and I. Laging mo tandaan na hindi galit si God kung gay ka man, he loves you."
" Unnatural?"
" How do you define the world 'natural'? well the way I see it, natural is what comes to someone without force or suggestion. Kibo I don't know anything about being gay but your my brother and you being gay doesn't change that, it doesnt change how much I love you, it doesn't change anything. I love you and nothing can change that."
" Pero kuya people will judge me.." nakatungong saad ko.
" Judgemental naman talaga mga tao Kibo, Remember that people will judge you no matter what you do or who you are, even if you are gay or not.I think it's a human nature but don't let them affect you, just be who you are and be happy." ngiti niya.
" People will hate me."
" And so? Just don't mind them, let them hate or judge you but don't you ever do the same to them. Believe that you are good person because you really are, once you believe in it your intire perspective can change.Hindi importante kung ano kasarian or kung ano ka man, ang importante ay mabuti kang tao."
" Kuya tingin mo magiging masaya ako kahit ganito ako? Will I be happy?" pilit na ngiti ko, isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya. " I don't know kuya kung magiging masaya ako na ganito ako."
" Choose to be happy, you know the root of unhappiness is expecting reality to be different than what it is. Tanggapin mo kung ano yung reality, your life is much easier if you just accept it then apply the happiness is always a decision, decide to be happy, be grateful and live your life to the fullest. Magpasalamat ka kung ano yung meron at siguro ako magiging masaya ka."
" Happiness?"
" Yeah, and don't look for it. Kibo it's inside us. May nabasa akong book about someone looking for her diamond necklace, hinanap niya to sa bawat kwarto pero alam mo ba kung nasaan yung hinahanap niya?"
" Where?"
" She's wearing it, she got tired looking for it in everyroom, Hindi niya alam na it's already on her neck all along. Happiness just like that, mapapagod ka kakahanap pero ang totoo, only you can give that to yourself." ngiti niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " So smile ka na?"
" I love you kuya and thank you."
" Ikaw pa ba." gulo niya sa buhok ko.
" Pero sure ka ba talaga na gay ka?"
" Yeah." tango ko, natawa naman sya.
" Fine, I love you no matter what." tapik niya sa balikat ko.
" Kuya nakakadiri daw ako sabi nung classmate ko na yun?"
" Hayop na yun! Mas nakakadiri mukha niya."
" Pano kuya kapag nalaman ng ibang classmates ko, lipat nalang kaya ako ng ibang school. May all gays school ba kuya?"
" Wala, wag kang mag alala. Kapag naging presidente ako, patatayuan kita ng all gays school." natatawang saad niya.
" Kuya naman eh."
" Why?"
" Pano na yan?"
" Akong bahala sa mga yun, turo mo lang sakin kung sino mga nang bubully sayo. Kami ni Allen bahala, sumama ka din sa mga trainings namin para maprotektahan mo sarili mo, okay?"
" Kuya."
" What?"
" Wala." iling ko, natawa naman sya. " I'm scared."
" Kibo, I'm here at habang nandito ako walang makakapanakit sayo. Tandaan mo yan huh, babantayan kita lagi at hindi ko aalisin yung mga mata ko sayo."
" Pano kapag busy ka sa school."
" May mga kasama kami sa trainings sa taekwando na kabatch mo, we'll ask them to look after you kapag nasa school ka. Okay ba yun?"
" Okay." tango ko.
" Uwi na tayo?"
" Kuya, si kuya Allen may girlfriend ba sya?"
" Why?" tanong niya, pero isang ngiti lang yung binigay ko. " Gusto mo sya?"
" Ang gwapo niya kasi."
" Tama, mga ganun mukha dapat nagugustuhan mo. Hindi yung bang panget na classmate mo, sagwa ng mukha eh!"
" May itsura naman yun."
" Bang panget nun! Si Allen, yun silipan mo." saad niya, napangiti lang ako. " tutulungan kita silipan si Allen, pero wag na wag mo na ulit gagawin yun sa iba."
" talaga kuya?"
" Yeah, gusto mo naman sya eh. Isasakripisyo yung kaibigan ko para sayo." natatawang saad niya saka umakbay sakin. " Tara uwi na tayo."
" Matagal ko ng crush si Kuya Allen." ngiti ko habang naglalakad. " Pwede ko kaya syang maging asawa kuya?"
" Baka mapatay ka ng Daddy niya." natatawang saad niya, napasimangot naman ako. " Don't worry akong bahala, pero dapat magustuhan ka muna ni Allen."
" Tingin mo kuya, magugustuhan niya ko?"
" I think he likes you." kindat niya sakin, nakagat ko lang yung labi ko.
END
Pagkatapos namin magkwentuhan ni Queenie ay tumuloy lang ako sa kwarto kung saan namin nilagay lahat ng gamit ni Kuya Neko, inayos to tulad ng kwarto niya sa dati naming bahay.
Umupo lang ako sa kama saka pinagmasdan yung buong kwarto hanggang mapansin ko yung bag ng ukulele na nakasabit sa dingding. Tumayo ako saka to kinuha.
Kuya neko love this but one day bigla nalang syang tumigil gamitin to, I don't know why pero kapag nakikita niya to, biglang nagbabago yung mood niya. There is sadness sa mga mata niya na hindi ko maintindihan kung saan galing.
Nilabas ko lang yung instrumentong yun saka nagsimula tumipa, dahan dahan kong pinikit yung mga mata ko saka inaalala yung mga ngiting tanging sa kanya ko lang natanggap, mga matang punong puno ng pagmamahal.
I see skies of blue
And clouds of white
The bright blessed day
The dark sacred night
And I think to myself
What a wonderful world
SI KEITH
" Keith, are you serious about Kibo?" tanong ni Trey, nasa condo ko kami nun habang umiinom ng beer.
" Why?"
" Kasi kung hindi, popormahan ko." ngiti niya.
" Sapak gusto mo?" simangot ko sa kanya saka uminom ng beer.
" Baka lang naman kasi di ka serious, di talaga ko nagkakagusto sa bakla pero dude, si Kibo iba. Bukod sa mayaman na, lakas pa ng dating."
" Pwede Trey tigilan mo si Kibo huh."
" Well, ingatan mo sya baka magulat ka nalang nasa akin na sya." ngiti niya pero binato ko lang sya ng remote ng tv. " Ang sakit naman! Ang sinasabi ko lang kung hindi ka naman seryoso sa kanya, stop it na."
" I'm serious about him, pero yung feelings ko dude yun ang di ko sigurado."
" Huh? Ano? Ano ibig mong sabihin?"
" Yeah, I like him. nagseselos ako.. Yeah fine its love. The problem kasi Dude this is the first time na nararamdaman ko to and I don't know how to handle it. Gusto ko sya laging nakikita kasi sasabog ulo ko kapag di ko maalala mukha niya, para akong mababaliw kapag hindi ko alam kung nasaan sya. "
" Gusto mo nga sya."
" Nabubwiset na nga ako minsan sa sarili ko kasi parang it's not me? Nakulam kaya ako?"
" Tingin ko nga ikaw kumulam kay Kibo eh."
" Pero alam mo, nung mga nakaraan buwan na halos lagi kaming magkasama. Mas nakilala ko sya." lingon ko kay trey kasabay ng isang ngiti. " Lagi niya kong inaaway, but he is sweet."
" How?"
" Pagkatapos niya ko awayin, pagluluto niya ko O kaya mangyayakap. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naalala ko kung gaano sya kacute kapag nakikipagtaguan kay piggy, his cat. Sobrang serious din sya pag aaral, halos mapatay niya ko kapag iniistorbo ko sya kaya I know na kung kailan sya kailangan iwasan."
" Mabait na bata."
" He loves to eat, no I think mas in love sya pagkain kesa sakin. Tingin ko nga kaya niya ko ipagpalit kapag may nagoffer sa kanya ng libreng food eh." simangot ko, natawa naman si Trey.
" He is also a good son, mejo pasaway pero sobrang mahal niya yung parents niya. Lumaki sya na punong puno ng pagmamahal pero yung pagiging bakla niya yung pumipigil sa kanya para maging totoong masaya."
" lagi naman syang nakangiti ah."
" Yeah, but behind those smile. May lungkot, alam mo nung sinabi niya sakin na tanggap niya na tatanda syang mag isa, na wala syang makakasama pagdating ng panahon. That's when I realize na.. ah mahal ko nga tong mukhang minions na to at hindi ko hahayaan na mangyare yung iniisip niya. Kasi para akong nadurog nung sinabi niya yun, para akong nanghina."
" Totoo naman yun di ba?"
" Ang alin?"
" Wala syang kapatid, darating yung araw na iiwan din sya ng parents niya. He's gay so mahirap para sa kanya ang bumuo ng pamilya. Thinking about getting old alone is really scary."
" Hindi mangyayare sa kanya yun, I'm here."
" Then stop yourself from looking at pretty girls." kibit niya ng balikat, umiwas lang ako ng tingin. " You know what's the problem Keith?"
" What?"
" Maybe you're serious about Kibo, pero hindi mo maalis na you are still attracted to girls. Hindi naman kita masisisi sa bagay na yun, all your life babae lang naman talaga ginusto mo." seryosong saad niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " Kibo is not a girl so kahit gaano ka pa kaseryoso kung hanap naman ng katawan mo ay babae. Wala ding mangyayare, darating yung araw na iiwan mo din sya at ipagpapalit sa may puke."
" No." iling ko.
" I'm sorry dude but I can't support your relationship with Kibo, what if you are just confuse or naawa ka lang sa kanya."
" I'm sexually attracted to him."
" Or you are just curious about having sex with him?"
" I want to build a family with him, dude I like him. Kasi kung curious lang ako, matagal na kong nakipagsex sa kanya pero hindi eh. I want to fix myself first. Gusto ko buo niya kong makukuha, I want him to have me at my best."
" While flirting with girls?"
" Yeah attracted parin ako sa girls, sexually! Yes. Dude bago ko nakilala si Kibo, yun na ko eh."
" You want him to have you at your best but you forgot that he already love you at your worst."
" Trey, I like girls. Hindi ko yun matatanggi but I difinitely want to be with Kibo. Kahit forever pa yan." saad ko, bumukas naman yung pinto, nakita ko lang yung pagpasok ng babaeng blonde ang buhok.
" It's Vanessa." kibit ang balikat ni Trey, marahan naman akong tumango.
" Parang ang serious ata?" ngiti nito saka umupo.
" Pinag-uusapan lang namin si Kibo." ngiti ni Trey.
" Go on, makikinig ako."
" Keith do you ask me bakit kita di masusuport sa relationship mo with him?"
" Why?"
" coz your sexual orientation is different from your romantic orientation, and one day sisirain nun yung relationship mo sa kanya at alam mo nakakalungkot Keith? Ikaw makakahanap ka ng iba, ng babae, ng papakasalan, ng pamilya kasi you're straight pero si Kibo? Kahit ayaw mo, kahit di mo gusto ay maiiwan at tatanda sya mag isa simply because he's gay."
" Trey."
" Ang nega mo Trey." saad ni vanessa saka uminom ng beer. " Yung mindset niyo talaga sa mga bakla, minsan di rin makatotohanan. Laking issue sa inyo na kesyo walang makakasama habang buhay, kesyo walang kasama pagtanda. Kahit babae din naman o lalake may mga pagkakataon na tumatanda mag isa."
" Pero di ba, totoo naman. Karamihan sa mga bakla tumatanda mag isa."
" Maybe, maybe not. Bakit nakabantay ka ba sa kanila 24/7? Some gays have thier own family, sisters, brothers. Sometimes they adopt children, you don't know thier story. Okay kung tumanda man mag isa, being alone doesn't mean you're sad, minsan pinili lang talaga nila mag-isa. Wag niyo igeneralize kasi di niyo alam ang kwento ng lahat."
" Sabagay." tango ni Trey.
" And you Keith, ayusin mo yung sarili mo. Kung seryoso ka, don't cheat. Flirting with girls is also cheating." simangot niya sakin.
" Kahit ngitian ko lang."
" Opo, baka dumating araw hanapan mo sya ng puke tapos wala syang mapakita kaya iiwan mo. Kung tingin mo ganun mangyayare, then stop it already. Tandaan mo na di lahat ng bakla gusto magkapuke."
" Tama!" approve ni Trey. " Teka, gusto ba ni Kibo magkapuke?"
" Ayaw daw niya, masaya na sya kung ano meron sya at di niya raw pinangarap maging babae."
" See." simangot ni Trey.
" Ang dali dali mo sinabi na mahal mo sya, ang tanong kaya mo bang panindigan?" simangot pa ni Vanessa. " Kung makatingin ka nga sa magagandang customer sa chekko, mukha kang bampira na uhaw na uhaw."
" Saka na kita susuportahan kapag nakita ko na para sayo, sya lang sapat na."
" Yeah, I know... oo na, mali na ko. Di na po uulit." simangot ko.
SI ALLEN
" This church is really magestic." ngiti ni Jessica sakin habang pinagmamasdan yung malawak na loob ng lumang simbahan na yun kung saan idadaos yung kasal naming dalawa. Lugar na magiging saksi ng panibagong yugto ng buhay ko.
Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad sa gitna, nakapikit sya at tila dinadama yung lugar.
Nang lumingon sya sakin ay isang ngiti lang ang binigay ko sa kanya.
" Naiimagine ko na babe." saad niya. " Can you feel it?" hawak niya sa kamay ko, marahan lang akong tumango. " Ilang araw nalang magiging Mrs Fernandez na ko and I'm so excited to be your wife."
" Yeah, ilang days nalang."
" Are you excited?"
" Yeah of course." saad ko, hinilig naman niya yung ulo niya sa balikat ko.
" This is my dream, Makasal, magkapamilya, magkaroon ng mga anak and I'm so glad na ikaw yung tutupad nun." hawak niya sa kamay ko. " let's go, nagugutom ako." ngiti niya saka tumayo.
Isang buntong hininga lang pinakawalan ko saka tumango at inaya sya palabas ng simbahan.
Magiging mabuti akong asawa para sa kanya pero sana mapatawad niya ko kapag dumating na yung oras ng pag alis ko, kasi hindi na ko babalik. Hinding hindi na, pero ngayon ibibigay ko sa kanya lahat..lahat ng kaya kong ibigay.
" KUYA ALLEN!" rinig kong sigaw ni Kibo pag labas namin ng simbahan, kita ko lang na nagsimula sya tumakbo papalapit samin.
" He's Kibo, nakwento ko na sya sayo di ba?" nakangiting lingon ko kay Jessica. " I miss him."
" Hello there." ngiti niya habang nakatingin kay Jessica. " Sya Kuya?"
" Yeah, Kibo si jessica nd Jessica this is Kibo."
" Sya yung nasa milktea shop di ba?"
" Uhm yeah, that's me." turo ni Kibo sa sarili niya, natawa lang ako saka ginulo yung buhok niya. " Nice to meet you."
" Nice to meet you din." ngiti ni Jessica.
" Uhm actually, I'm with my friend." lingon niya sa likod niya. " Oh there she is! Queeeeeenie here!" sigaw ni Kibo. Di ko lang maalis yung ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Kibo hanggang mapansin ko yung tingin sakin ni Jessica agad naman akong umiwas ng tingin.
" Kainis ka iniwan mo ko!"
" Uhm Queenie, ito si Kuya Allen and yung fiancee niya. Miss Jessica."
" Wow, ang gwapo saka ang ganda. Oh my god. Ang ganda niyo po Ms Jessica."
" Uhm this is Queenie, my friend."
" Yeah , nakita ko na sya ng madaming beses." saad ko. " Gutom ba kayo? Kain muna tayo?"
" I'm really hungry Kuya Allen!"
Pagkatapos kumain ay kasama na namin si Kibo at si Queenie na namasyal sa buong bayan namin, nilibot yung lugar. Pumunta sa dati naming school at pinagmasdan yung paglubog ng araw sa tabing dagat.
The colors of the rainbow
So pretty in the sky
Are also on the faces
Of people going by
I see friends shaking hands
Saying, "How do you do?"
They're really saying
"I love you"
Mag-isa lang akong nakaupo nun sa buhangin habang pinagmamasdan yung ganda ng dagat ng may umupo sa tabi ko saka kinuha yung isang headset sa tenga ko.
"Ano Pinakikingan mo?" tanong ni Kibo saka nilagay sa tenga niya yung isa. " This is kuya's favorite, right?"
" Yeah, asan na sila?"
" May nakita silang shop dun ng mga dress, ayoko makisali." natatawang saad niya, ilang sandali pa ng matapos yung kanta, binalik naman niya sakin yung headset.
" Ang ganda ng mapapangasawa mo." ngiti ni Kibo.
" She's gorgeous." tango ko.
" Mabait nga sya, bakit ba kasi di mo sya gusto?"
" Uhm.."
" What, anak sya ng may ari ng Xiayen, ibig sabihin ganun sya kayaman?"
" Yeah, sobra." ngiti ko.
" Mapag aaralan mo naman siguro syang mahalin, mabait saka sabi niya kanina magaling daw sya magluto at sa mga gawaing bahay. Kung gusto mo nga daw maging full time house wife sya okay lang sa kanya eh. She is perfect."
" Siguro, dadarting yung araw na mamahalin ko din sya, bahala na." ngiti ko pero tinulak niya lang ako. " What!?"
" Napaka unfair mo kasi."
" Why?"
" I think she loves you, tapos hindi mo naman sya gusto. Alam man lang ba niya na wala kang nararamdaman sa kanya?"
" I don't know?" kibit ko ng balikat.
" I think dapat sabihin mo sa kanya."
" I like her naman."
" Dati naawa ako sayo kasi papakasal ka ng hindi mo mahal, pero ngayon mas naawa ako sa kanya kasi papakasalan mo sya kahit sya lang nagmamahal." nguso niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " She's too kind para masaktan."
" I have to do this eh."
" Whatever." saad niya.
" Kibo, kung yayain kita tumakas, libutin nalang natin yung mundo magkasama. Papayag ka ba?" seryosong tanong ko. " Umalis na tayo dito at di na bumalik."
" Kuya Allen?"
" Pwedeng pagisipan mo kahit konti?" saad ko habang nakatingin sa dagat. " Gusto ko lumayo, gusto ko tumakas, gusto ko kalimutan lahat. Pumunta sa lugar na walang nakakakilala sakin, pumunta sa mga lugar kung saan makikita ko kung gaano kaganda ang mundo, libutin yung mga bansang punong puno ng magagandang tanawin." lingon ko sa kanya. " Kibo, ikakasal na ko."
" Uhm."
" Gusto ko lang sabihin na, mahal parin kita." ngiti ko, kita ko naman yung tingin niya sa mata ko. " Yeah, I still love you at kahit kailan hindi yun nagbago."
" Bakit ka nakipag hiwalay sakin."
" Nalaman ni Daddy na may karelasyon ako at tinakot niya ko, I just wanted to protect you kaya lumayo ako and I'm really sorry kung nasaktan kita dahil dun. Kapag di ko yun ginawa baka napatay ka ni Daddy."
" So hindi dahil babae ang gusto mo? Di ba yun ang sabi mo? Babae ang gusto mo kaya ka nakipaghiwalay, so hindi yung totoo?" tanong niya, marahan naman akong tumango. " I hate you!"
" I'm sorry."
" Kainis ka! I really hate you." simangot niya.
" So pwede ba pagisipan mo muna kung gusto mo tumakas kasama ako? Maghanap tayo ng lugar kung saan pwede tayo maging masaya? Libutin natin ang mundo na magkasama."
" Pero?"
" Please pag isipan mo, wala pa naman kayong relasyon ni Keith di ba? Kibo please?"
" Kuya Allen, gusto ko si Keith." nakatungong saad niya, hindi ko naman napigilan yung luha sa mata ko pero agad ko tong pinunasan. " Nakakainis ka naman kasi, bakit di mo sinabi na tinakot ka ng daddy mo, Maiintindihan ko naman eh." humugot lang ako ng malalim na hininga. " Nakakainis."
" You love him?"
" Yeah." sagot niya, marahan naman akong tumango. " I am sorry."
" I understand, atleast nasabi ko sayo kung bakit ako nakipaghiwalay."
" So kahit sa paghihiwalay natin, ikaw parin ang mabait!"
" Di mo naman alam eh." kibit ko ng balikat.
" Thank you." ngiti niya.
" For what?"
" Kasi sa tagal natin magkasama sa condo, wala kang ginawa para masira kung ano man meron samin ni Keith."
" Your happiness will always be my priority, your feelings always comes first for me and hindi to tungkol sa kung ano meron sa inyo ni Keith, ang ayoko masira ay yung kung ano meron tayo."
" Bakit ba ang bait mo?"
" Di ako mabait."
" Ows."
" Gusto mo akitin kita? Lets try kung kaya mo iresist yung katawan ko. Saka mo sabihin kung mabait ako?" ngiti ko sa kanya, kita ko na napalunok sya.
" Hate you!"
"Just kidding. basta tatandaan mo, kahit kasal na ko. I am always here, kapag sinaktan ka ni Keith sabihan mo lang ako kahit nasa kabilang panig pa ko ng mundo, pupuntahan agad kita."
" Aalis ka parin?"
" Not now, kailangan ko tapusin yung project. So magiging mabuting asawa muna ako, kapag natapos na saka ako aalis."
" Iiwan mo sya?"
" Yeah."
" Ang sama mo."
" kasasabi mo lang kanina na mabait ako ah."
" Pero bakit iiwan mo sya?"
" I'll ask her kung gusto niya sumama, she's my bestfriend after all."
" Yeah do it, malay mo mahulog ka din sa kanya."
" Pero if ever, ikaw sasama ko. Kung di kayo magkatuluyan ni Keith. Natiis ko nga yung dalawang taon, baka sakaling magbago isip mo kaya maghihintay parin ako." saad ko saka umiba ng tingin.
" Ayoko maging kabit, so wag kang mangarap."
" Kibo, pigilan mo yung kasal para di ka maging kabit please?" saad ko na ikinatawa niya. " Seryoso kaya ako?"
" Ewan sayo."
" Pwede ba kong maging honest?"
" About what?"
" Ayoko makasal." gigil lang akong dumakot ng buhangin. " I hate my life! I really hate it, gustong gusto ko tumakas nalang pero hindi ko magawa. Bakit ba ang duwag ko."
" Kuya Allen."
" Nakakainis, masama ba hilingin na wag matuloy yung kasal ko? Kung hindi lang namin kailangan ang Xiayen hindi ko talaga gagawin to. Sobrang nakakainis!"
" Ayaw mo ba talaga magpakasal?"
" Yeah, sayo ko lang sasabihin pero ayoko talaga. Ayoko, ayokoo, ayokooo!" iling ko pero nagulat ako when he grab my shirt and pull me towards him hanggang maglapat yung labi naming dalawa, Nanlaki lang yung mata ko sa ginawa niya, ilang sandali akong natigilan hanggang unti unti ko tong sinagot.
Hinahalikan ba niya ko? Totoo ba to?
" Allen." rinig kong saad ni Jessica, natauhan naman ako saka dahan dahan napalingon.
" Kibo?" saad ni Queenie, napatingin naman ako kay Kibo.
" Why did you that?" bulong ko nakita ko naman tumalikod si Jessica saka nagmamadaling naglakad.
" You're cheater." pilit na ngiti ni Kibo.
" No, I'm not! Kibo naman eh!" inis na saad ko saka tumayo at nagmamadaling sinundan si Jessica.
SI KEITH
" Bakit kasi kailangan ako mag alaga sayo." nakasimangot na saad ko habang nakatingin kay Piggy na pusa ni Kibo. " Hindi ka pa kasi sinama eh!"
"Ano kaya ginagawa ng minions na yun." kinuha ko lang yung phone ko saka dinial yung number niya. Ilang sandali lang tong nag ring ng sagutin niya.
" Hello, keithy."
" Gusto mo masaktan huh!"
" Sungit, bakit ka tumawag? Namimiss mo ko?"
" Hindi noh!"
" bakit nga?"
" Ubos na yung food netong pusa mo, meron ka pa ba sa unit mo?"
" yeah meron pa, sa cabinet sa kitchen ko, yung pinakadulo sa left."
" Okay lang bang kunin ko?"
" Okay lang."
" Okay sige, bye."
" Wait!"
" What?"
" phone sex tayo." saad niya, napangiwi naman ako.
" Ang dumi talaga ng utak mo noh! Bye!" inis na saad ko, narinig ko naman yung pagtawa niya.
" Ah sige na bye na, joke lang naman."
" Maybe pagbalik mo may result na din yung exam, gusto mo magbook ako ng hotel?" Saad ko.
" You mean, magsesex na talaga tayo?"
" Promise ko yun sayo di ba? I want to do it."
" I'm excited!"
"Wait, pano ba yung phone sex?"
" Eww kadiri bye na!" natatawang saad niya hanggang maputol yung linya, napakamot lang ako sa ulo. Pano nga ba yun?
Tumuloy lang ako sa unit ni Kibo para kunin yung pagkain ni Piggy, pagpasok ko nakita ko lang yung ilang gamit sa sala.
" Di man lang nagligpit bago umalis." buntong hininga ko saka isa isang pinulot yung mga nakakalat hanggang mapansin ko yung laptop sa ilalim ng estante ng tv niya. Kinuha ko lang to saka nilagay sa maliit na mesa.
" Hindi sa kanya to, Dun ba to sa octopus? Pero bakit nandito?" bulong ko pero nagtaka ako ng makita na walang password to. Oh shit!?
" Wait, di dapat ako makialam." saad ko pa.
" Pero, ano to?" simangot ko ng may mabasang folder na pangalan ni Kibo. " papatayin ko talaga silang dalawa kapag scandal nila to."
" Ayoko panuorin! Baka masaktan lang ako." simangot ko habang nakatitig sa folder na yun. " Pano kung scandal to?!"
" I think mas okay kung di ko nalang alam." sinara ko lang yung laptop saka to binitbit. " Hayop na Allen na yun, respeto? Eh gumawa pa ng scandal!"
Pagdating sa condo ko ay nilagay ko lang sa cabinet yung laptop saka to gigil na nilock.
" Panuorin mo na keith, kung scandal man yan. Ano naman?"
" nakipagsex sya kay Allen?! manloloko!" muli ko lang binuksan yung cabinet ko saka nilabas yung laptop. " Wait papanuorin ko to kasi, I miss Kibo! Yeah I miss him and I want to see him naked! Mahal mo sya Keith, mahal mo sya."
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinindot yung video.
ITUTULOY
Authors note: Syempre thanks kay Young sa help dito sa story! and sa lahat ng nagbabasa, nag aabang. sa msob, sa watty at sa group. super thankss! sa mga nagmemessage sakin sobrang thank you. Sa mga gusto sumali sa group for more updates, discussion and ek ek, just search 'bluerose' sa groups. You can also add my account it's 'mark salazar'.
Thankie! please like, share, votes, comments and subscribe to my channel hahahah joke! mamats