Followers

Friday, July 24, 2020

Xoxo - Keith and Kibo chapter 3



XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 3

Photo credit: Lucas and Kibo
Thanks  Young for helping me sa story, and all the ideas. Thanks!
We do have private group in facebook, Just search "bluerose" for all the updates and you can also add me @ Mark salazar.

Enjoy!

There is a thin line between love and hate, Is it possible to hate the one we love or to love the one we hate? Yes! Sometimes we hate the person we love if our feelings is not reciprocated and love the person we hate if we see that person is deserving to be loved..but what will happen if love blends with hate?  Will there be a happy ending?”

“ What if magkatuluyan kayo ni Kuya, edi magiging sister in law mo ko? Wow I like that!” ngiti niya, kinilabutan naman ako sa sinabi niya. “ Why, bakit ganyan mukha mo? Parang diring diri ka naman sa kuya ko, gwapo naman sya ah.”

“ You know what Queenie.”

“ What?”

“ My schedule is pack with better things, and your kuya is not part of it, whether if it’s my schedule or the better things. Get that?”

“ Let me check my schedule.” rinig kong saad sa gilid ko, pag angat ko ng tingin nakita ko lang si Keith na may sarkastikong ngiti. “ I’m not available and definitely not interested with this teeny weeny boy. Get that Queenie?” gigil ko naman kinuha yung milk tea saka agad tinusok yung straw dito.

“ Thanks sa libre Kuya.” ngiti ni Queenie.

“ What? Wait ako magbabayad nito.” nagmamadaling kuha ko sa wallet ko pero natigilan lang ako ng makita yung loob nito, damn oo nga pala.

“ Di ba sabi mo you don’t have cash?”

“ No worries, balik na ko. Next time dala ng cash huh.” sarkstikong saad ni Keith saka tumalikod, humugot naman ako ng malalim na hininga. Pagtingin ko kay Queenie pangiti ngiti lang to.

“ What?!”

“ Parang nakikita ko na yung future mo?”

“ Huh?”

“ Kaso nakikita ko din yung past mo eh.” nguso niya sa likod ko, automatiko naman akong napalingon sa likod ko. Nakita ko lang si Allen na papasok ng pinto ng chekko.

“ Damn!.”

“ The past and the present are about to meet.”  ngiti ni Queenie na ikinasimangot ko.

“ Don’t look at him.” saad ko pa, nagkibit lang sya ng balikat saka sumipsip sa straw niya.

“ Saka anong sinasabi mo na present? Yung kuya mo. Yuck!”

“ Grabe ka makayuck huh.” natatawang saad niya, paglingon ko nakita ko lang si Allen na nasa counter na, ilang sandali pa ng may lumapit na babae dito na agad naman niyang inakbayan.

“ May jowa.”

“ Eh babae nga daw gusto.” simangot ko. “ Lahat nalang, ano meron sa babae? Kainis!”

“ Ano meron samin, uhmmm yung ano.” ngiti niya. “ Gusto mo ba iexperience kung ano meron samin?” ngiti niya, napangiwi lang ako saka sya sinimangutan. “ What? Try mo lang.”

“ Whatever Queenie, kadiri ka.” ilang minuto din nagstay si Allen dun hanggang makuha nila yung order nila at lumabas. Nakita kaya niya ko? Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. Pake ko naman?

“ Alam mo Kibo sayang ka, lahian mo kaya ako. I got an idea.”

“ What?”

“ Let’s do a one night stand?” Saad niya, napabuntong hininga naman ako. Kailan kaya ako magkakasex life, I’m 21 na but I’m still  virgin! Sex na sex na ko. “ Ano Kibo, payag ka? I know kahit gaano kainosente ng mukha mo, may tinatago ka ding init jan sa katawan.” ngiti pa niya, napalunok lang ako.

“ With who?”

“ tayong dalawa?” ngiti niya, napangiwi lang ako.

“ What the hell Queenie, stop it! That’s so gross!”

“ Ang damot nito, willing naman ako magvolunteer if ever the magchange ka ng mind.” nguso niya pero inirapan ko lang sya. Never! “ Wait alam mo ba na vlogger yang ex mo.”

“ I know.”

“ Really, edi nakikita mo yung mga videos niya?”

“ Malamang, Nakasubscribe ako eh.” kibit ko ng balikat.

“ Di mo parin ba sya nakakalimutan.”

“ well kung may ipagpapasalamat ako sa kuya mo, yun ay natulungan niya ko makamove on dyan kay Allen. “ Pero lalo syang gumawapo noh?”

“ Sino?”

“ Si Allen.”

“ Eh si Kuya?”

“ Tigilan mo nga ko?” irap ko sa kanya. “ Allen is way way better than your kuya, lalo na sa ugali.”

“ Ah manners, Maganda ba yung ugaali na nakikibreak sa call lang then wala ng paramdam after that?” ngiti niya. “ Parang bulang naglaho.”

“ Queenie naman eh wag mo na ipaalala, ang sakit eh!” inis na saad ko. Yeah after ng break up namin, hindi na kami nakapag usap pa kahit isang beses, that call was the last conversation I had with him. “ Di ko na sya gusto but I still hate him.” nguso ko.

“ You’re cute.” abot niya sa pisngi pero agad tong hinawi. “ Pero sa itsura I think lamang si kuya.”

“ Uhm, I still prefer Allen.”

“ But he is not available.” ngiti niya.

“ Bakit kuya mo available? Napakadami niyang babae, Kala mo nagpapalit ng underwear kung magpalit ng babae.” mapait na saad ko saka tumayo. “ Let’s go, magrereview nalang ako kesa makita yang nakakabwiset na mukha ng kuya mo.” saad ko hanggang mapatid ako sa paa ni Queenie at mabitawan yung milk tea na hawak ko. “ Queenie?!” di makapaniwalang lingon ko sa kanya.

“ Uhm I’m sorry di ko sinasadya.” ngiti niya, nang tingnan ko yung milk tea na nasa sahig ay may isang pares na ng sapatos ang malapit dito. Dahan dahan lang ako nag angat ng tingin.

“ Ang pakagaling.” sarkastikong saad ni Keith, nakagat ko lang yung labi ko saka lumingon kay Queenie. “ Di na nga nagbayad, magkakalat pa.” rinig kong pang saad niya.

“ I’m sorry, kasi si Queenie-

” Now what? sino maglilinis nito?”

“ Kibo.” saad ni Queenie, sinamaan ko naman sya ng tingin.

“ I see, I’ll get the mop.” saad ni Keith saka tumalikod. “ At subukan mo tumakas, titirisin talaga kita.” rinig ko pang saad niya.

“ Why did you do that?” inis na saad ko kay Queenie, pero ngumiti lang to. “ Queenie naman eh.” ilang sadali pa ng bumalik si Keith hawak yung mop na nasa balde. Inis ko naman tong inagaw sa kanya saka sinimulang lampasuhin yung sahig.

“Paki ayos po, teeny weeny boy.” himas niya sa ulo ko na agad ko naman hinawi.

“ Stop touching me, gusto mo paglamayan ngayon huh?!” gigil na saad ko pero ngumiti lang sya saka tumalikod. He is so annoying! Nang lumingon ako kay Queenie ay nag peace sign lang to. At sya din!

“ Pano yung cute Kibo?” saad pa niya, sarkastiko lang akong ngumiti saka tinuloy yung paglampaso ng sahig. “ Isa lang please?”

SI ALLEN

“ Why Babe?” tanong ni Jessica sakin pagpasok namin sa kotse, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang nakatingin sa chekko kung saan kitang kita ko sa loob si Kibo kausap yung bestfriend nito.

“ Who is he?” tanong pa niya, napalingon lang ako sa kanya saka nagkibit ng balikat. “ Do you know him?”

 “ Yeah.”

“ He is cute.” ngiti niya habang pinagmamasdan si Kibo. “ Mukha syang inosente, I love his smile and his eyes are amazing. Wish to have those innocent eyes.”

“  And I don’t know why everyone is trying to protect that innocence.” saad ko.

“ What do you mean?” saad niya pero umiling lang ako. “ Well, looking at him makes me forget all the shady ang shitty things in this world and that is the magic of his innocence.” ngiti niya. “ how do you know him?” isang ngiti lang yung pinakawalan ko. “ What?”

“ Nothing, he’s just like a little brother to me. Kilala ko sya since high school pero di na kami close ngayon eh.”

“ I see, let’s go?” saad niya, muli lang akong lumingon kay Kibo. Bakit hanggang ngayon di nawawala yung feelings ko sayo even if you are the reason why I lost my bestfriend. I still love you but everytime I was with you, that guilt, that sadness and all the memories are killing me.

I hope I can forget what happened that night, so I can have you and love you for the rest of my life.

“  Remember Neko?” lingon ko sa kanya.

“ What about him?”

“ I miss him.” saad ko kasunod ng buntong hininga, sinandal naman ni Jessica yung ulo niya sa balikat ko.

“ He’s happy now, you told me before that you have a promise to him right?” tanong niya na tanging pag tango lang yung sagot ko. “ You have to keep that promise forever di ba? I know you can.” ngiti niya.

“ Yeah, let’s go?” saad ko saka pinaandar yung kotse. I just hope to keep that promise forever.

SI KIBO

Isang ngiti lang yung piinakawalan ko habang nakatingin sa reflection ko sa malaking salamin na nasa kwarto ko. “ Why am I so cute.” saad ko pa saka nagtake ng picture at sinend kay Queenie. Ilang sandali pa ng tumawag to.

“ Wait a minute Kibo.” saad nito.

“ Why, what are you doing.”

“ Damn Victory! Nakalivestream ako.” saad niya, natawa lang ako. “ wit let me check it, what? Is that it?”

“ Yeah, first day of work!” excited na saad ko.

“ White shirt and black pants lang uniform mo?”

“ I have a name tag, don’t you see And I have my hair net in my bag.”

“ Pero I thought you going to have a chef uniform?”

“ Kitchen staff ako, not a chef.”

“ But anyway you are still cute my little Vampire.”

“ Queenie, I told you not to call me little di ba?”

“ Ohh I’m sorry.”

“ I have to go.”

“ Wait I gave you something yesterday, are you wearing it now?” saad niya, napatingin naman ako sa tenga kung nasaan yung bilog na black earing na bigay niya.

“ yeah, I love it thanks.”

“ Good, Kibo you promise me that you will join my livestream. Kailan mo balak?”

“ Sa day off?”

“ Okay okay, promise yan huh, send me ac cute pictures before you go.”

“ Fine.”

“ Okay, I have to go.” saad ko saka pinatay yung phone ko. “ Piggy.” tawag ko sa pusa ko habang nagsusuot ng jacket. Umakyat naman to sa kama. “ Pupunta si Mommy later, please behave huh.” himas ko sa kanya saka sya hinalikan. “ Bye aalis na ko, maglinis ka dito huh.”

“ meow meow.”

“ Joke! Love you piggy.” saad ko pa saka nagsuot ng cap at sinukbit yung bag. Nilock ko lang yung pinto saka tumuloy sa elevator. “ Please, kapag Nagkasabay kami ngayon, ibig sabihin naubos na sa cuteness ko lahat ng swerte ko sa buhay.” bulong ko saka pinindot yung button. “ Wag kang titigil sa 6th floor please.” saad ko pa pero bumagsak lang yung balikat ko ng tumigil to saka bumukas.

“ For sure di niya ko makikilala, iba yung bag ko ngayon I’m also wearing cap.” bulong ko saka tumungo, hanggang nakita ko na may pumasok.

“ Hello teeny weeny.” rinig kong saad nito, nakagat ko lang yung labi ko saka nag angat ng tingin, damn it! How? Nang magtama yung mata namin, ngumiti lang sya saka sumimangot at umiba ng tingin.

“ Pano mo ko nakilala?”

“ I can smell you.” saad niya, inamoy ko naman yung sarili ko.

“ Makapag palit na nga ng cologne, bwiset.” saad ko, rinig ko naman yung sarkastiko niyang pagtawa.

“Di ka ata pumupunta sa chekko.”

“ Paki mo?”

“ Paki ko, gusto ko lang mag thank you kasi di ka na pumupunta.. super tahimik ng buhay ko kapag di kita nakikita.” lingon niya sakin. “ If I were you, uncrush mo na ko.”

“ Ginawa ko na po, ikaw na po ang pinakahate ko na tao sa buong mundo.” ngiti ko sa kanya. “ So Mr. Not so attractive, wag ka na assuming huh.”

“ Not so attractive?” maang niya.

“ Yap, now don’t talk to me.” irap ko sa kanya, kaaga aga sinisira niya araw ko kainis! hanggang bumukas yung elevator.

“ teeny weeny.” bulong niya.

“ Jerk!” simangot ko saka sya nilampasan pero hinila niya lang bag ko para muling pumasok sa elevator. “ What!!?” asik ko sa kanya ng sumarado to at muling umakyat. “ What the heck! What are you doing.”

“ I forgot something.”

“ And!?” nanlalaki ang matang saad ko sa kanya.

“ Nakakalungkot mag isa dito sa elevator.” ngiti niya binigyan ko naman sya ng di makapaniwalang tingin! Damn! Eh paki ko kung malungkot mag isa sa elevator? hanggang tumigil to sa 6th floor. “ Bye.”  saad pa niya saka lumabas.

“ That crazy Jerk!” padyak ko ng sumara yung elevator, nakakainis!” pagtingin ko sa mga button nakailaw lahat to hanggang 12 floor.  Nasapo ko lang yung mukha ko. “ Damn you!!!”

“ No, Kibo..ikaw ang baliw! Like hell pano ka nagkagusto sa bwiset na yun? Yes he is so gwapo pero yung ganung ugali? Damn! Yeah million years bago ngkakaroon ng chance mabuhay yung mga katulad niya. I mean napakadami niya kailangan dasal makaahon lang sa impyerno!”

“ Relax Kibo, kailangan fresh ka pag pasok.” saad ko saka humugot ng malalim na hininga at ngumiti. “ Relax, mawawala yung cuteness mo, wag kang magpaapekto.”

Pababa na yung muli elevator nun pero gigil lang akong nakatingin kung titigil to sa 6th floor, subukan mo lang talaga, magsisi ka na di ka nalang pinunas ng Daddy mo sa kumot!

Ilang sandali pa ng muli tong tumigil sa 6th floor, pagbukas nito kita ko lang yung nakangiting mukha ni Keith, ngumiti lang ako sa kanya saka nilabas yung nasa bag ko at inissprayan sya ng pabango sa mukha.

“ What the heck!!” gigil na saad niya habang sapo sapo yung mukha.

“ Bye not so attractive Keith.” saad ko pa hanggang magsara yung elevator.

“ Teeny weeny boy!!!!” rinig kong sigaw niya.

“ You deserve that.” ngiti ko saka inayos yung bag ko, pagbukas ng elevator sa ground floor ay patakbo lang akong lumabaas. “ I’m so dead kapag naabutan niya ko.” natatawang saad ko.

“ got my revenge.” nakangiting saad ko habang naglalakad paunta sa restong pagtatrabahuhan ko. “ He started it, buti nga sa kanya. Di naman sya siguro mabubulag?”

SI KEITH

“ Why are you wearing sun glasses?” salubong sakin ni Vanessa pagdating ko sa chekko ng araw na yun. “ Feeling artista?”

“ Shut up!” inis na saad ko.

“ Teka, bakit galit ka nanaman!?”

“ Hindi ako galit!”

“ Are you sure?”

“ Hindi nga sabi eh!” saad ko sya saka sya nilampasan at sinimulan itaas yung roller shutter ng store.

“ Problema mo?”

“ I am not wearing an underwear right now, yun ang problem ko.” lingon ko sa kanya. “ Ubos na, ubos na ubos na! Wala na kong underwear, gets mo?” mapait na ngiti ko sa kanya.

“ Really?” ngiti niya.

“ Vanessa, can you just give it back?”

“ Give back what?”

“ all my underwears?! you know what, they are all branded kaya ang mahal ang bili ko sa mga yun tapos nanakawin mo lang?”

“ Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako kumukha ng underwear mo, anong gagawin ko dun?”

“ hindi pa din ako naniniwala na may kahook up ka dun sa building namin, at sa same floor pa huh?”

” Whatever Keith, di ba pinuntahan pa nga natin?”

“ I’m sure binayaran mo lang yun para sabihin na dun ka natulog nung nakita ka ni Mommy.” saad ko na ikinatawa niya.  “ Vanessa we’re cousin, pwede wag mo ko pagpantasyahan huh, ibalik mo na lahat ng underwears ko!”

“ First Keith, nakita ko na lahat sayo. Mula mga bata tayo nakita ko na yan so wala na kong interes dyan kasi maliit.”

“ Gusto mo masaktan!” asik ko sa kanya. “ Maliit, eh halos mabulunan lahat ng sumubo nito.” gigil na saad ko.

“ Really, haixt fine it’s big. Damn naiimagine ko tuloy.” ngiti niya.

“ Gusto mo bigwasan kita Victor?” saad ko na iikinasimangot niya.

“ Wag nga ako pagbintangan mo sa mga briefs mo, napakadaming lalake Keith, mas gwapo, mas yummy sayo kaya wag ka ngang feeling dyan. Kapag ikaw tinalo ko buong angkan natin bubugbog sakin.” Sinimangutan ko lang sya saka pumasok sa salamin na pinto ng Chekko. “ Who the hell wants your underwears? Anong gagawin nung kumukuha nun?”

“ Malay ko! I have only one underwear right now at yun ay yung suot ko kahapon. Nakailang bili na ko bwiset pero nawawala pa din!”

“ Baka isa sa mga naka-one night stand mo.” saad niya, napalingon naman ako dito. “ Look Keith, sa dami ng babae mong niloko, sa dami ng mga naka one night stand mo tapos di mo na kilala pagkatapos, I’m sure, I mean hundred percent na may isa dun na gusto gumanti sayo.”

“ bakit naman gaganti? Eh diba parang its honor pa nga for them that they experienced my beuatiful body?”

“ Whatever! Isipin mo huh, may possibility na nakasalubong or pwedeng bumili uli sya dito sa chekko pero dahil hindi mo matandaan ang mukha kaya nadedma mo.” ngiti niya, napabuntong hininga naman ako. “ Ilang babae ba ang dinala mo sa condo mo?” tanong niya pero nagkibit lang ko ng balikat.

“  Hindi ko na mabilang.”

“ See! Napakababaero mo, karmahin ka sana!”

“ Tingin mo isa sa kanila?” napapakamot na saad ko.

“ Yes, keith. Tingin ko isa sa mga babaeng niloko mo yan.”

“ Kainis!” simangot ko saka tinangal yung shades ko.

“ Nangyare sa mata mo, bakit namumula?”

“ Wala!” inis na saad ko saka sya nilampasan.

“ Teka bakit galit ka nanaman!”

“ Hindi nga ako galit! Magbibihis na ko.”  Nakakabwiset, bakit ba napakatagal dumating ng 100 briefs na inorder ko. Kapag yun talaga naubos pa nung kumukuha kung sino man sya, ewan ko nalang talaga! Ang awkward ng pakiramdam na walang underwear! Kainis! Ito nga siguro gusto mangyare ng kung sino man sya. Maipit yung junjun ko sa zipper at maputol. Whoever you are! Mabulunan ka sana!

( Mula sa malayo ay may naubo haha)

SI KIBO

“ Hello Kibo, welcome to Francia.” saad nung chef sakin pagpasok ko kitchen. “ But can you remove all the accessories you have before we start to work here.

“ I’m sorry po.” saad ko saka agad tinaggal lahat ng asesorya na nasa katawan ko.  Humugot lang ako ng malalim na hininga. “ Game!” ngiti ko.

“ Start with these onions.” ngiti nung chef saka hinarap sakin yung napakadaming sibuyas na nasa basket. Nakagat ko naman yung labi ko habang nakatingin dito. What the hell. “ and all the garlics.”  turo pa nito sa isa pang basket ng napakadaming bawang. Nanlalaki naman ang matang lumingon ako sa chef pero binigyan lang ako nito ng ngiti.

“ Hinanda talaga namin yan, for your welcome ceremony. Now do it, as fast as you can.” saad pa nito.

Holy Moly

SI KEITH

Paglabas ko galing sa locker may nakita lang akong babae na nakatayo sa counter, matangkad to at makintab yung itim na itim nitong buhok. Nilibot ko naman yung tingin ko, where’s Vanessa.

Who is she?

“ Keith.” tawag nung babae sakin, shit.

“ Jenny, why are you here?” rinig ko saad ni Vanessa, nakahinga naman ako ng maluwag.
“ Bagong rebond ka ah, it’s beautiful.”

“ What are you doing here?” ngiti ko sa kanya habang pinagmamasdan yung mukha niya, Ganyan nga pala itsura niya. She’s beautiful,  Pero halos marindi lang ako ng dumapo yung malakas na sampal sa mukha ko. “ Wait para saan yun?” gulat na saad ko aktong uulitin pa nito yung ginawa niya ng hawakan ni Vanessa yung kamay nito.

“ Don’t make a scene here bitch.” nakataas ang kilay na saad ni Vanessa.

“ He is a cheater, and he deserve that.” saad nito napatingin naman sakin si Vanessa.

“ Tsk tsk, Ah I see, go ahead.” binitawan naman ni Vanessa yung kamay nito saka niya ko muli  sinampal. The heck! “ You deserve it, tangapin mo nalang.” ngiti pa sakin ni Vanessa.

“ Don’t tell me ikaw ang kumukuha ng underwear ko?!” inis na saad ko sa kanya.

“ What are you talking about! I saw you last night with your other girl. Magpasalamat ka Keith I’m with my Mom sa resto kung saan kayo nag date! Kasi kung hindi baka binalatan ko ng buhay yung babaeng yun!”

“ Last night?” iwas ko ng tingin, damn I’m with Wendy kagabi.

“ Who is she?”

“ Why?”

“ I’m gonna kill her?” ngiti niya na nagpataas ng balahibo ko, that’s scary.  “ I’m gonna rip her mouth and slit her neck! Or do you think mabubuhay pa kaya sya if I stab her like 50 times? I think I just need to skip all her vital parts para maenjoy ko yung pagsaksak sa kanya at di sya mamatay agad.” ngiti niya. “ That’s exciting, don’t you think?” lingon nito kay Vanessa.

“ That’s bloody ghurl.” rinig kong saad ni Vanessa.

“ Or buhusan ko kaya ng asido, I think that would be perfect for that kind of girl, mang aagaw.” nanlilisik ang matang saad niya habang nakatingin sakin, napalunok naman ako. “ What, di ka magsasalita? You want to see  your girl bloody and dead in your condo huh?”

“ Jenny you’re scaring me.” ngiwi ko.

“ Then who is she!!” mataas ang boses na saad nito.

“ Uhm ano, she’s a friend.” ngiti ko.

“ Liar!  Friend?! Do you think na maniniwala ako sa dahilan na yan?” aktong uulitin pa uli niya yung sampal ng yakapin ko sya.

“ Fine fine fine! Babe, I’m so sorry. It’s my Mom, nag set sya ng blind date for me and I don’t have a choice.” pagsisinungaling ko pero tinulak niya lang ako. “ babe, I’m sorry na please.” pilit na ngiti ko habang nakatingin sa mukha niya na parang mangangain ng oras na yun.

“ Magusap kayo, but don’t make a scene okay  I don’t want to see even a drop of blood here., tapusin niyo na yan bago magbukas tong shop.” saad ni vanessa saka tumalikod samin. Hinila ko naman si Jenny para maupo.

“ Babe, forgive me please? Totoo, si Mom talaga yung nagset ng blind date na yun. Wala lang akong magawa and I’m not bastos para di sumipot.” nakatungong saad ko. “ Alam mo naman na ikaw lang mahal ko di ba? Promise ikaw lang ang pinakamagandang babae para sakin.”

“ Nagsasabi ka ba ng totoo?”

“ Promise.”

“ Bakit ba ayaw mo pa kasi ako ipakilala sa parents mo? Keith almost one year na tayo, di pa ba sapat yun?”

“ Pagkapasa ko sa board, ipapakilala na kita. Promise.” ngiti ko sa kanya. “ You know naman how much I love you di ba kaya please?”

“ Pero.”

“ Please?” saad ko pero isang irap lang yung naging sagot niya. “ Di kita nakilala, ang ganda kasi ng buhok mo.”

“ Really?” hawak niya sa buhok niya, napangiti lang ako.

“ Yeah, you are so beautiful. Can we have a date later tonight?” ngiti ko pero umiwas lang sya ng tingin. “ Babe, forgive me na please? Ang sakit nung sampal mo kanina.” nguso ko habang hawak yung pisngi ko.

“ I’m sorry.” mahinang saad niya.

“ Patawarin mo na ko?”

“ Fine!”

“ Totoo?”

“ Oo na, pero wag ka na papayag uli makipag blind date!?”

“ Promise, tatanggi na talaga ko.”

“ Promise mo yan.”

“ Love you babe.” ngiti ko. “ you want milk tea?”

“ Yeah, I like the double nutella with cream cheese, can I have that babe? Kailangan ko ng malamig para lumamig ulo ko sayo.”

“ Yeah, sure. Wait.” ngiti ko saka tumayo at pumunta sa counter kung nasaan si vanessa.

“ Ano okay na?”

“ Yeah, wait gawan ko lang sya milk tea.”

“ Ang bilis huh, Ang rupok ni Ghurl.” natatawang saad ni Vanessa “ Kung ako yan, baka nasipa pa kita. And who’s that girl nanaman ba?”

“ It’s wendy, sinagot na niya ko kagabi.” ngiti ko. Kita ko naman yung di makapaniwalang tingin niya.

“ Karmahin ka sana!” simangot nito sakin pero natawa lang ako.

SI KIBO

“ So how is your first day?” Tanong ni Mommy pagpasok ko sa bahay, pabagsak naman akong naupo sa sofa ko. “ Are you tired?”

“ Yes mom.”

“ Kibo baby, kung di mo kaya stop it na?” mahinang saad ni Mommy, lumingon naman ako sa kanya saka ngumiti. “ PLease.”

“ Mom, it’s late na. Bakit andito pa kayo?”

“ Nag aalala kasi ako sayo eh?”

“ Mom, Nakakapagod pero I really enjoyed it. My worksmates are so kind to me so you don’t have anything to worry. I’m really fine.” ngiting saad ko. “ Uwi na po kayo, wala pong kasama si Daddy.

“ Kibo, ikaw nalang yung meron kami ng Daddy mo.” tumayo naman ako saka yumakap sa kanya. “ And ayoko nakikita kang napapagod, We really tried our best to give all the things you needed and wanted. You don’t have to work baby, you don’t need to push yourself if hindi mo pa kaya.”

“ Mom naman eh.” nguso ko.

“ You are our only son, and I don’t know what Im going to do if something will happened to you.”

“ Mom, please don’t say I’m your only son coz I am not.” seryosong saad ko, kita ko naman na natigilan si Mommy. “ Yes I am the only son..left.. but please don’t forget kuya.” nakatungong saad ko, kita ko naman na pumatak yung luha sa mata niya pero agad ko tong pinunasan. “ Oh don’t cry.” ngiti ko.

“ I’m sorry.”

“ That’s okay Mom, I love you.” Yakap ko sa kanya ng mahigpit. “ You need to go home na, baka hinahanap ka na ni Daddy, tomorrow kahit di na po kayo pumunta dito. I’ll ask Queenie to feed piggy tomorrow.”

“ Are you sure?” tanong nito, ngumiti lang ako saka marahang tumango.

Halos eleven pm na nun ng makahiga ako sa kama pagkatapos maligo at makapag lagay ng face mask pang paganda ng skin.

“What a long day.” kibit ko ng balikat saka nagsimulang browse sa phone ko. Napakunot lang yung mukha ko ng makita yung notification sa instagram ko. “ Why this   Jerk followed me?” saad ko saka dinial yung number ni Queenie.

“ It’s late na my little vampire.” sagot niya sa tawag.

“ Queenie, yang kuya mo ba talaga nang iinis?”

“ Why?”

“ Nag follow sya sa insta ko, why?”

“ Eh ano naman, nakafollow ka naman sa kanya ah.”

“ Fine, unfollow and block.” saad ko saka inopen uli insta ko at tiningnan yung profile niya. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang nakatingin sa picture niya. Hays dalawang taon..

“  Kibo.” rinig kong saad ni Queenie sa kabilang linya.

“ Yeah?”

“ Si Kuya, he is not that bad di ba? Bakit hate na hate mo na sya? Ano ba sinabi niya sayo?”

“ Uhm never in a million years niya daw ako magugustuhan, kaya I hate him.”

“ Okay, tell me pano mo ba sya nagustuhan? Like how?” tanong niya, napabuntong hininga lang ako. “ Kuya is never good with words, sometimes kabaliktaran ng sinasabi niya yung ginagawa niya. Distance sya sa tao I don’t know why. Alam mo ba na never sya umatend ng family day with our parents, never sya pumunta sa lahat ng events sa school. Lagi syang nakakulong sa kwarto. Kahit sa mga movie date ng family hindi sya sumasama. Kapag wala sila ate Vanessa at kuya trey, he is always alone kaya nga naisip ko how lonely he is.”

“ Bakit sinasabi mo yan?”

“ Kasi, please don’t be mean to him?”

“ Pero ang mean niya sakin.”

“ Ganun lang yun pero mabait sya, promise. Ayaw mo ba ko maging sister in law?”

“ Queenie?”

“ kasi kung di kita magiging boyfriend, magiging super happy pa din ako kung kay kuya ka mapupunta.” natatawang saad niya.

“ Ewan ko sayo!”

“ Kibo, please wag ka ng maging mean sa kuya ko huh, please? He is not bad.” saad niya, napabuntong hininga lang ako.. Really!?

“ Oo na, I’ll try to be nice sa kanya pero kapag sinimulan niya, di ako papatalo noh, Goodnight na.”

“ Goodnight Kibo.” saad niya hanggang maputol yung linya, ibaba ko na sana yung phone ko ng magrefresh to.

“ The hell.” ngiwi ko ng makita yung bagong post niya. Nasa toystore sya habang may hawak na box ng minions na laruan.

“ I Hate Minions, but they are cute right?” nakalagay sa caption niya. Yeah kahit hate mo ko, I am cute! At kahit never in a million years mo ko magugustuhan..cute pa din ako!

Kainis, I hate you! But why I can’t stop thinking about you?”

I Like him, but nasa level na ba ng love?

Paano kung gahasain ko kaya sya?

That’s so random! I’m going to sleep!

SI KEITH

“ It’s done!” saad ni Trey pagkatapos niya ikabit yung camera sa kisame ng kwarto ko. “ Kung sino man kumukuha ng underwears mo, lagot na sya ngayon.”

“ Ang gwapo ko pala talaga noh.” saad ko habang nakatingin sa phone ko kung saan nakaconnect yung camera na nilagay ni Trey. “ Look, ang perfect ng mukha ko kaya di talaga nakakapagtaka na hinahabol ako ng mga babae eh.”

“ Funny.” simangot ni Trey. Pabagsak naman akong nahiga sa kama. “ Biruin mo huh, 100 pieces ng briefs yung kabibili mo lang tapos mahigit sampu agad yung nawala?”

“ Wag mo nga ipaalala, naiinis lang ako.” simangot ko.

“ Binebenta siguro yung mga briefs mo noh, eh I think mas mahal naman mga damit mo ah bakit di yun ang kunin niya?” saad niya habang nakatingin sa loob ng cabinet ko.  “ Underwears talaga ang trip kung sino man sya.”

“ Alam mo ba kahit yung mga nasa laudry kinukuha niya?”

“ That’s scary, kung sino man sya she is so obsess sayo.”

“ I don’t think it’s Jenny, Masyadong maselan yun  kaya imposibleng hawakan niya kapag nasa laundry na.”

“ Wendy?”

“ Nope, wala pang isang linggo ko yun kilala, Si jenny lang naman yung totoong girlfriend ko.”

“ Eh sino?”

“ Well, Nasa top 1 ko parin si Vanessa, Kapag nahuli natin sya I’ll make sure na 500 briefs ipapabili ko sa kanya. Kainis sya! Paati ako pinagpapantasyahan.”

“ Dude, I think nagsasabi naman ng totoo si vanessa. Yung lalake dyan sa kabilang pinto mo? Nakahook up niya nga yun. Nakita ko sila isang beses eh.”

“ Really.”

“ Eh sinong halimaw kumukuha ng mga underwears ko?”

“ Sino nasa top 2?”

“ Ikaw?”

“ Gago!” suntok niya sa hita ko.

“ Aray naman! Eh kayo lang naman ni Vanessa may alam ng password ko eh kaya malamang kayong dalawa talaga nasa top 2 noh.”

“ Ewan sayo.” tumunog naman yung phone ko.

“ Keith, I’m here sa Francia. Let’s meet.” basa ko sa text ni Wendy, napabalikwas naman ako ng tayo sa kama ko. Kainis na babae to. Gusto ba talaga nito guluhin yung relasyon namin ni Jenny.

Dinial ko lang yung number niya, ilang sandali pa ng may sumagot dito.

“ Medyo pagod ako eh, next time nalang.”

“ I am with Jenny.” saad nito, nanlaki naman yung mata ko. “ So pupunta ka ba o hindi?”

“ Are you serious?!”

“ Jenny, he wants to talk to you.” saad nito.

“ Hi, babe. Hintayin ka namin dito.” napanganga lang ako saka napatayo. Damn ano gagawin ko?

“ What? Why?” tanong ni Trey pagbaba ko ng phone.

“ I am so dead!” nanlalaki ang matang saad ko.

ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails